1. Markahan 1
Modyul
: 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Mga Paksa:
. Ano ang artefact?
. Mga katangian ng bangang Manunggul
. Simbolismo ng banga
. Mga Sinaunang paniniwala
Pangkalahatang Ideya
Tinatalakay sa modyul na ito ang sinaunang paniniwala ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng artefact at mga nakasulat na sanggunian. Ang artefact ay bagay na nilikha ng tao para sa ibaibang gamit. Sa kasaysayan, mahihinuha mula sa artefact ang kalagayan, kapaligiran, kultura at
pamamalakad ng isang lipunan. Ang artefact ay primaryang sanggunian.
Upang maunawaan ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino, susuriin ang bangang
Manunggul,isang artefact ng panahong Neolitiko na natagpuan sa kwebang manunggul, isang
artefact ng panahong Neolitiko na natagpuan sa kwebang Manunggul,Lipuun Point, Quezon,
Palawan.Ginamit ito bilang libingan, ngunit nagpapakits rin ito ng mga katutubong
paniniwala.Base sa mga sinulat ng mga espanyol na nanirahan sa Pilipinas noong ika- 16 siglo,
malalaman ang iba pang paniniwala at ang kahalagahan nito sa buhay ng sinaunang Pilipino.
ACTIVITY PHASE
Gawain 1: Hula Ko, Hula Mo! Hulaan Tayo!
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at tukuyin kung ito ay halimbawa ng Fossils o
Artefacts. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
4. Pamprosesong tanong:
1. Ano ang kaibahan ng fossils at artefacts?
2. Ilarawan ang mga katangian ng mg artefacts na ginamit ng mga sinaunang Pilipino.
3. Saan ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang mga artefacts na nakita sa larawan ?
Note: Mga mungkahing kasagutan
1. Ang artefact ay bagay na nilikha ng tao para sa iba-ibang gamit samantalang ang fossils ay
buto, kalansay at bungo ng mga tao at hayop.
2. Maaaring sumagot ang mag – aaral batay sa mga ipinakitang larawan ng guro.
3. Sa pang – araw –araw na pamumuhay, sa paglilibing, at paniniwala.
ANALYSIS PHASE
Gawain : Show and Tell
Panuto: Magtatambal ang mag – aaral at magsasaliksik tungkol sa mga artefacts na ginagamit
sa pang – araw – araw na pamumuhay. Uriin ang mga artefacts ayon sa iba’t ibang larangan.
5. PAMPULITIKAL
PANGKABUHAYAN
PANLIPUNAN
PANRELIHIYON
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mahihinuha sa mga artefacts na ginamit ng sinaunang Pilipino?
2. May kaugnayan ba ang mga artefacts sa naging pamumuhay ng sinaunang Pilipino? Magbigay
ng halimbawa.
3. Bakit mahalagang malaman mo ang mga artefacts na ginamit ng mga sinaunang Pilipino?
Note:Ang mga larawan na nasa unang gawain ay maaring gamitin ng guro at maaring pang magsaliksik ang
guro at mag – aaral ng mga larawan ng artefacts para sa talakayan.
Mgamungkahing kasagutan:
1. Mahalaga ang mga artefacts sapagkat nagpapakita ito kung paano ang paraan ng pamumuhay ng
sinaunang Pilipino.
2. Opo may kaugnayan sapagkat ito ay ginagamit nila sa pang – araw araw na pamumuhay.
Halimbawa ang bangang manunggul ay nagsisilbing libingan ng sinaunang tao.
3. Mahalagang malaman ang mga artefacts upang malaman ang mayamang kultura ng mga sinaunang
Pilipino.
GAWAIN 2: IULAT MO…MAKIKINIG AKO!
Panuto: Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Iulat sa klase ang
kasagutan ng bawat pangkat.Isulat sa manila paper o kartolina ang inyong sagot at iulat sa
klase.
1. Bakit dapat pahalagahan ang mg artefacts ng ating bansa?
2. Paano ka makakatulong sa preserbasyon at pangangalaga ng mga artefacts ng inyong
pamilya? ng ating bansa?
3. Paano mo mahihikayat ang iyong kapwa sa wastong pangangalaga sa mga artefacts?
Note:
Ilagay ng guro kung ilang araw ang pagtalakay sa paksa.
6. Ang mga kasagutan ay depende sa mag - aaral
ABSTRACTION
Gawain: Dugtungan Tayo!
Panuto: Dugtungan ang pahayag na nagsasaad ng kahalagahan ng artefacts sa pag – aaral ng
kasaysayan. Ibahagi sa klase ang iyong nabuong pahayag.
Mahalaga ang artefacts sa pag –
aaral ng kasaysayan sapagkat
________________________________
________________________________
________________________________
_
APPLICATION:
GAWAIN: ANG PAMANA/ FAMILY TREASURE
Panuto:
Magdala ng mga artefacts a matatagpuan sa iyong tahanan o pamayanan . Atasan ang
mga kamag- aaral na nagdala ng nasabing artefacts na ipaliwanag ang kahalagahan ng kanyang
dinala at ang pamamaraan kung paano ito pinangangalagaan ng kanilang pamilya/ pamayanan.
GAWAIN: MINI - MUSEUM/ EXHIBIT
Pagsamahin ang mga artefacts na dinala at isaayos ito tulad ng sa museum/mini exhibit.
Maaring anyayahan ang ibang mag – aaral upang matunghayan ang mga likha/mga artefacts.
Note: Maaring pumili ang guro sa mga mungkahing gawain.
7. PANIMULA
Isa ang Bangang Manunggul sa paraan ng paglilibing ng ating mga ninuno. Ang pagpapahalaga sa mga
yumaong mahal sa buhay ay nakaugat na sa lipunang Pilipino. Dahil sa heograpiyang (lokasyon)
katangian ng bansa nagkakaiba-iba ang pamamaraan ng paglilibing sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.
GAWAIN: LUGAR KO, ITURO MO. Panuto . Ituro ang lugar kung saan matatagpuan ang mga sumusunod
na paraan ng paglilibing
2.
.
1.
5.
3.
4.
8. PAMPROSESONG TANONG:
1.Ano-ano ang mga paraan ng paglilibing ng mga sinaunang Pilipino?
2.Bakit nagkakaiba ang paraan ng paglilibing sa iba’t-ibang bahagi ng bansa?
3. Anong mga kaugalian ang masasalamin natin sa mga paraan ng paglilibing ng mga Pilipino noon?
NOTE:
Mga Sagot sa Katanungan
1.Sagada, Mountain Province
2.Katagalugan
3.Palawan
4.Mindanao(Muslim area)
5.Saranggani
Mga Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong
1. *Sa mga sinaunang Bangang Manunggul at Maitum jars
*hanging coffin,
*paraan ng mga Muslim
*Paglalagay ng labi sa mga kabaong
2. Dahil ang mga Pilipinong naninirahan sa iba’t ibang lugar sa bansa ay may kanya-kanyang paniniwala at
kaugalian
3. Ipinakikita ng mga paraan ng paglilibing ng mga Pilipino
* pagmamahal sa mga yumao
* paggalang sa mga ala-ala ng mga mahal sa buhay
* paniniwala na ang mga yumao ay patuloy na gagabay at mangangalaga sa naiwang kamag-anak
Sanggunian para sa mga larawan
http://365greatpinoystuff.files.wordpress.com/2010/06/manunggul-jar-2.jpg
http://www.oocities.org/capitolhill/senate/5727/images/maitum.jpg
http://fil.wikipilipinas.org/images/thumb/5/52/Coffin.jpg/250px-Coffin.jpg
http://all-that-is-interesting.com/wordpress/wp-content/uploads/2011/12/hanging-coffins6.jpg
http://4.bp.blogspot.com/_UmCuOJY650o/TMqauSZ2cQI/AAAAAAAALT8/H5FCrRwF8uY/s400/Burial+1.j
pg
9. http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/d5/Ph_administrative_map_blank.png/600
px-Ph_administrative_map_blank.png
PAGHAHALAW
GAWAIN: GANITO KAMI NOON,PAANO KAYO NGAYON?
PANUTO: Paghambingin ang sistema ng paglilibing noon at ngayon gamit ang venn diagram.
NOON
NGAYON
PAMPROSESONG TANONG:
1. Maglista ng mga gawi,paniniwala sa paglilibing ng mga Pilipino noon at ngayon.
2. Paano nagkakatulad ang mga kaugalian sa paglilibing ng mga Pilipino noon at ngayon?
Mga Inaasahang Sagot sa Katanungan:
1. Noon ang mga sinaunang Pilipino ay inilalagak ang mga labi ng yumao sa mga sisidlang banga, sa
paniniwalang ito ay maglalakbay patungo sa kabilang buhay
* Ang kanilang mga espiritu ay nananahan sa kapaligiran at patuloy na nagmamasid sa mga naiwan
* Inaaalalayan sila ng mga pagkain, pinababaon sa kanila yung mga paboritong gamit sa sandata sa
paniniwalang kakailanganin nila ito sa kabilang mundo
b. Ngayon
* Sa kasalukuyan ang mga yumao ay ipinagdarasal ng pamilya, pagpapasiyam, 40 days, inaalayan ng
bulaklak.Yung iba ay dumaraan sa cremation at inilalagay sa mga “urn” ang abo at inilalagay sa mga
museleo at mga libingang pambayan
2.Nakalipas man ang mahabang panahon nanatili pa rin ang likas at payak na paniniwala at kultura ng
mga Pilipino hinggil sa mga yumaong mahal sa buhay.
*pagmamahal sa mga yumao
*paggalang at pagpapahalaga sa mga ala-ala ng mga namayapang mahal sa buhay
10. PAGLALAPAT
GAWAIN: MAALAALA MO KAYA! Panuto:Awitin ang kantang “Paglisan” at suriin ang nilalaman nito
PAGLISAN
COLOR IT RED
Kung ang buhay ay isang
Umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang
Sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip
Ito'y nandirito pa rin
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/color-it-red-paglisan-lyrics.html ]
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig
Sa pagbuhos ng ulan
Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit
Sa pisngi ng langit
Di man umihip ang hangin
Di man umihip
Ika'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang mensahe ng awitin?
2. Sa paanong paraan mo gagawing makabuluhan ang buhay mo upang sa iyong paglisan sa mundo
ay nakapag-iwan ka ng magandang ala-ala?
11. GAWAIN: JOURNAL LOGGING
PANUTO: Sumulat ng isang repleksyon na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga namayapang mahal sa
buhay.
RUBRICS PARA REPLEKSYON
Krayterya
Nilalaman
Pag-aayos
ng datos
Pagkakaulat
Mahusay
Mayaman ang
nilalaman ng
repleksyon at
detalyado ang
pagkakaulat
Mahusay ang pagoorganisa ng datos,
konektado, ang mga
talata sa pagkabuo
ng mga pangungusap
Mahusay ang
pagkasulat, makulay
ang paglalarawan at
tama ang
pagkakagamit ng
mga salita
Sapat
Sapat ang nilalaman
ng repleksyon
bagamat mayroon
pang karagdagang
impormasyon
Maayos ang
pagkabuo ng talata
ngunit maaari pang
ayusin upang maging
mas magkakaugnay
ang mga
pangungusap
Nakasunod sa mga
tuntunin ng
epektibong pagsulat
at pagbuo ng mga
talata
Kaunti
Kaunti lamang ang
nailahad na
saloobin ukol sa
paksa
Kulang
Halos walang
laman ang
repleksyon
May ilang talata
ang hindi
magkakaugnay,
patalon-talon ang
mga ideya
Magulo ang
pagkakaayos ng
datos at walang
koneksyon ang
mga talata
Maraming aspeto
ng pagsulat ang
kailangang iwasto
at dapat baguhin
Hindi nakabuo ng
mga talata mismo
at mga
pangungusap
12. Module: Mga Sinaunang Paniniwala
Mga Paksa:
3.1. Mga Anito at Sinasamba
Mga Pambihirang Nilalang
ACTIVITY PHASE :
“ Mga Anito at Mga Sinasamba”
GAWAIN: SAY MO, KNOW MO.
Panuto: Ang bawat blangkong kahon sa ilalim ng pangunahing konsepto ay bibigyan ng angkop
na kaalamang hango sa binasang teksto
BATALA
ANITO
Pamprosesong Tanong:
1. Sino si Batala? Ano ang anito?
2. Paano binibigyan ng paggalang ng mga katutubo ang kanilang mga sinasamba?
3. Bakit mahalaga sa pamumuhay ng mga katutubo ang pag – aalay sa mga sinasamba?
13. ANALYSIS PHASE
VENN DIAGRAM – Paghambingin ang paraan ng pagsamba ng mga katutubo ng sinaunang
panahon sa kasalukuyang panahon gamit ang Venn Diagram. ( Tunghayan ang pahina ________
KASALUKUYANG
PANAHON
SINAUNANG
PANAHON
Pamprosesong Tanong:
1. Ano – ano ang pagkakatulad sa paraan ng pagsamba ng mga katutubo ng sinaunang
panahon sa kasalukuyan?
2. Sa iyong palagay, paano nagkakaiba ang paraan ng pananampalataya noon at ngayon?
Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ang papipiliin, ano ang paraan ng pagsamba ang iyong nanaisin? Bakit?
Note: mahalagang maipaliwanag muna sa mga mag-aaral ang kahulugan ng pananampalataya.
14. ABSTRACTION
Discussion Web
Panuto: Sa paraang discussion web, isulat ang saloobin at opinyon tungkol sa tanong na nasa
loob ng bilog . Ilahad ang inyong paliwanag sa ginawang pagsang - ayon o pagtutol.
OO
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
Sa paraan ng pagsamba
ng mga katutubo,
nasasalamin ba ang lalim
ng kanilang
pananampalataya?
HINDI
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
Pamprosesong Tanong:
1. Nakapagdudulot ba ang pananampalataya sa pagbabago sa buhay ng isang tao?
2. Sa iyong palagay, ano ang pinakamataas na pagpapahalaga upang maipakita ang
pananampalataya?
3. Paano mo pa mapalalago ang iyong pananampalataya?
Rubric
Indicator
1. Organisasyon ng paksang tinalakay.
2. Kagalingan sa pagpapaliwanag sa isyu
Kabuuan
Iskor
1- 5
1- 5
10
Iskor
15. Application Phase ( Paglalapat)
Gawain: OPEN LETTER.
Panuto: Paggawa ng bawat pangkat ng isang bukas na lihim panalangin na maglalaman ng
pagpuri sa panginoon, pasasalamat at paghingi ng tulong.
Sa iyo, Aking Panginoon…
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_
Pamprosesong Tanong:
1. Paano dapat bigyan ng papuri ang panginoon?
2. Sa pagbuo ng isang panalangin, sino – sino ang mga tao na dapat na banggitin mo
upang iyong itaas sa panginoon? Bakit?
3. Ano – ano ang mga dapat mong hilingin sa iyong panalangin?