SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  4
123
Doon tayo!
124
125
Bilang ng Modyul: 3 Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan… Tungo sa Kinabukasan Bilang ng Sesyon: 7 linggo
Paalala:
Ang Gabay ng Guro na ito ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga
mungkahing gawain para sa bawat aralin at estratehiya na maaring gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang bawat gawain sa isang
aralin ay nakabatay sa limang araw na panturo sa loob ng 50 minuto bawat sesyon. Iminumungkahi na higit na pagyamanin ng mga guro ang
mga mungkahing gawain at estratehiya na nakapaloob dito batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral upang sa gayo’y higit nilang
maunawaan ang bawat aralin at gawain sa Modyul 3.
Modyul Para sa Sariling Pagkatuto
I. Panimula at Mga Pokus na Tanong
Pamantayang Pangnilalaman sa
Pagtatapos ng Modyul 3:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa estilo, mekanismo,
pamamaraang tekniko, at mga
kaalamang teknikal ng mga panitikang
popular.
Pamantayan sa Pagganap sa
pagtatapos ng Modyul 3:
Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa
pagbuo ng kampanya tungo sa
kamalayang panlipunan (social
awareness campaign) sa pamamagitan
ng alinmang midyum ng multimedia.
Gabay sa Pagtuturo ng Modyul
Pokus na Tanong para sa Modyul 3:
Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng
panitikan sa panitikang popular?
Bakit nagkaroon ng transpormasyon
mula sa tradisyonal na panitikang
Pilipino tungo sa panitikang popular?
Paano nakatutulong ang mga panitikang
popular sa pagpapaigiting ng
kamalayang panlipunan?
Mahalagang Konsepto para sa Modyul
3:
Ang tradisyunal na panitikang Pilipino ay
salalayan ng buhay, at ang panitikang
popular ay pamamaraan ng pamumuhay.
Bunsod ng pagpapalitang kultural,
kapangyarihan ng teknolohiya, at
pangangailangan ng pamayanang
global, nagkaroon ng transpormasyon
ang panitikang Pilipino mula tradisyonal
tungo sa pagiging popular
II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito
Mga Aralin sa Yunit
Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang
Popular
ANTAS NG WIKA
Ayon sa isang kilalang lingguwista, upang maiwasan ang panghuhusga sa
halaga (judgement of value) ng iba’t ibang antas ng wika, nararapat na
limitahan lamang ito sa tatlong antas ng wika. Narito ang sumusunod:
1. Pormal – wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga
aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga
paaralan. Ito ay impersonal, obdyektib, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit
ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na
usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga
2. Di-Pormal – wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang2. Di-Pormal – wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang
ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiiksi lamang.ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiiksi lamang.
Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mgaTinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga
panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-
kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga okaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga okaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o
pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mgapariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mgapariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mgapariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga
mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito
Alam mo ba na...
Mayroong iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng
impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o
napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan
sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at
telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa
kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon.
KONTEMPORARYON
G DAGLI
Mga Unang
Katawagan
Internasyonal na
Pag-aaral na
Naisagawa
Tungkol sa
Dagli
Lokal na Pag-
aaral na
Naisagawa
Tungkol sa Dagli
Mga Katangian
ng Naunang
Dagling Katha
Layunin ng
mga Naunang
Dagling Katha
Layon ng gawaing ito na mataya ang dating
kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa nilalaman ng
Modyul 3. Ipasagot ang bahaging ito sagutang papel.
Gayahin ang format. Maaaring gawing paligsahan sa klase
ang pagsagot sa mga bugtong.
Maaaring magsagawa ang guro ng pananaliksik sa
mga kontemporaryong manunulat na nabanggit sa bahaging
ito upang maibahagi sa mag-aaral ang buhay at mga naisulat
ng mga ito. Makatutulong ang paggamit ng mga social
networking site gaya ng Facebook upang madaling
makaugnay sa mga manunulat na ito.
Ipasulat ang inaasahang mahahalagang tanong para
sa kabuuan ng modyul. Maaaring gamitin ang estratehiyang
TOP 10 QUESTION sa bahaging ito. Ipasuri sa mga mag-
aaral kung alin sa mga naisulat nilang tanong ang
magkakatulad lamang. Sa ganitong paraan, tinuturuan na
natin silang magbasa at magsuri at umunawa ng kanilang
binabasa nang hindi nila namamalayan. Kinakailangang
mapalabas ng guro sa bahaging ito ang inaasahang
mahalagang tanong sa kabuuan ng modyul.
Iminumungkahing magpakita ang guro ng
mga halimbawang popular na babasahin gaya ng
komiks, magasin, tabloid, mga aklat at iba pa
upang kongkretong makita ito ng mga mag-aaral.
Makabubuting ipakita rin ang apat na obra (Ibong Adarna,
Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo) sa
bahaging ito upang makapagsagawa ng paghahambing
ang mga mag-aaral sa tradisyunal na panitikan at
panitikang popular.
Ipagaya ang format ng sarbey sa gawaing ito.
Layunin nito na matuklasan ng guro mula sa kanyang mag-
aaral kung ano ang higit na popular na babasahin ang
binabasa ng kaniyang mga estudyante. Mula rito, maaaring
itanong ng guro ang mahalagang tanong na: “Bakit
kinagigiliwang basahin ang mga babasahing popular?
Hayaan lamang at tanggapin lahat ang sagot. Pagkatapos,
ipagawa ang Gawain 2: Kahon ng Hinuha
Ipasagot ang nasa loob ng Kahon ng Hinuha sa
kanilang sagutang papel. Pagkatapos ng aralin, muling
balikan ang gawaing ito at ipasagot ang nasa labas na
bahagi ng kahon. Kung may mapansing pagkakamali sa
mga isinagot ng mag-aaral hayaan mo lamang. Sa
pagpapatuloy ng aralin ay hayaan mong siyang makatuklas
kung ang pag-unawa ba niya ay wasto o mali.
Ipabigay ang mga inaasahang produkto o pagganap
ng mga mag-aaral matapos ang aralin. Ipasulat ito sa pisara
at sa kanilang sagutang papel. Gabayan ang mga mag-
aaral na ang kanilang magiging produkto ay isang Literary
Folio mula sa iba’t-ibang akdang-pampanitikan na kanilang
isusulat.
Ilahad na rin sa mga mag-aaral ang pamantayan sa
pagmamarka ng inaasahang produkto. Sangguniin sa huling
bahagi ng aralin ang rubric.
Ipasulat sa sagutang papel ang bahaging ito.
Magkaroon nang maikling talakayan kaugnay ng mga gabay
na tanong. Gabayan ang mga mag-aaral na maunawaan
ang mahahalagang konsepto sa aralin.
Magpadala ng makabagong komiks sa mga mag-
aaral kung mayroon man sila sa bahay. Mahalagang
makapag-print din kahit pabalat lamang ng mga sinaunang
komiks upang mapaghambing ng mga ito ang komiks noon
at sa kasalukuyan. Maaaring sumangguni sa internet ang
mga guro para sa mga larawang pabalat ng mga
halimbawang komiks. Higit na mainam kung ang silid-
aklatan ng paaralan ay nakapagtabi ng mga komiks.
Madaling makikita ng mga mag-aaral kung may pagkakaiba
ba ang komiks noon sa kasalukuyan .
Mahalagang maipakita sa mga mag-aaral ang
bahaging ito upang maunawaan nila ang mga bahaging
bumubuo sa komiks. Nang sa ganoon ay madali silang
makagagawa ng sarili nilang komiks sa mga susunod na
gawain sa araling ito. Kung may nais pang idagdag mula sa
mga bahagi ng komiks na naibigay sa araling ito bilang
karagdagang impormasyon sa mga mag-aaral ay maluwag
na tinatanggap ng gabay na ito.
Maaaring gamiting estratehiya sa bahaging ito ang
Powerpoint Presentation o Movie Maker para maipakita ang
ebolusyon ng komiks sa Pilipinas. Maaari rin namang
magpakita ng mga larawang pabalat ng komiks na naibigay
na takdang-aralin sa unahang bahagi ng gabay na ito.
Makatutulong din ang pakikipanayam kay G. Gerry
Alanguilan tungkol sa kalagayan ng Komiks bansa.
Sangguniin sa Youtube ang link sa ibaba.
http://www.youtube.com/watch?v=tbCXNQu8pI8
Pagkatapos na malagyan ng angkop na diyalogo ang
mga lobo ng usapan sa komiks, pumili ng tatlong estudyante
at ipabasa sa harap ng klase ang bawat istoryang kanilang
naisulat. Pagbotohan sa klase kung alin sa tatlo ang may
pinakamagandang diyalogong nabuo kaugnay ng ipinakikita
sa mga larawan.
Mahalagang may halimbawang magasin na
maipakikita ang guro sa mga mag-aaral sa bahaging ito ng
talakayan. Maging maingat sa pagpapakita ng mga larawang
hindi angkop sa gulang ng mga mag-aaral mula sa
ipakikitang mga halimbawang magasin gaya ng FHM at iba
pa. Pumili ng isang kapaki-pakinabang na artikulo mula sa
magasin na angkop na malaman ng isang Grade 8 na mag-
aaral. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral na
maraming impormasyon ang makukuha sa pagbabasa ng
iba’t ibang magasin.
PAALALA: Iwasan ang anumang pag-eendorso ng mga
brand ng magasin. Hangad lamang natin sa bahaging ito
na mailahad ang mga nilalaman ng bawat magasin at ang
resulta ng sarbey na naisagawa upang makapagsagawa
ang mag-aaral ng kaniyang KONTRA-SALIKSIK na
makikita sa susunod na gawain sa araling ito.
Itanong ang bahaging ito sa mag-aaral. Palitawin sa
talakayan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tabloid, komiks
at magasin. Muli, kinakailangang masagot ang
mahahalagang tanong para sa araling ito upang higit na
tumibay ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa aralin.
Maaaring gamitin ang estratehiyang Pinatnubayang
Pagbasa at Pag-iisip sa pagtalakay sa Kontemporaryong
Dagli at Ang Dagli sa Kasalukuyan.. Hatiin ang buong
artikulo sa apat o limang bahagi. Bumuo ng mga tanong
pagkatapos ng bawat bahagi hanggang sa matapos ang
buong artikulo.
Ipasagot/Ipagawa sa sagutang papel ang mga
inihandang tanong at mga gawain na susubok sa
kasanayan ng mga mag-aaral. Sundin ang mga format.
Maaaring gawing pangkatang pagsusuri ang
pagsagot sa mga gawaing inihanda sa bahaging ito. Bumuo
ng sariling pamantayan ang guro para sa pagtataya ng pag-
uulat sa bawat pangkat mula sa naging resulta ng pagsusuri
ng bawat pangkat sa gawain.
Iminumungkahing ipasadula ang pabula sa mga piling
mag-aaral. Kung marunong gumawa ng animation sa
computer ang mga mag-aaral, pagawan ito ng sarili nilang
interpretasyon gamit ang teknolohiya. Maaari rin namang
magpabuo ng komiks mula sa kuwento sa mga mag-aaral na
mahusay gumuhit. Kung hindi magagawa ang mga
iminumungkahi, maaaring gamitin ang estratehiyang
Dugtungang Pagbasa sa bawat talata ng pabula.
Palutangin sa huling bahagi ng pabula ang aral,
mensahe at kaisipang nais ibahagi ng akda sa mga
mambabasa. Ipasuri na rin ang antas ng wikang ginamit ng
manunulat sa akda.
Maaaring sangguniin ang aklat na “100 Kislap” ni
Abdon M. Balde upang makapamili pa nang nais na
lunsaran. Sa aklat din matatagpuan ang mga karagdagang
impormasyon tungkol sa kontemporaryong dagli.
Sangguniin ang aklat na “Wag Lang Di Makaraos” ni
Eros Atalia na pinagkuhanan ng Skyfakes. Naglalaman ang
aklat ng isandaang dagling katha. Maaaring makapamili ng
kuwentong nais ipabasa sa mga mag-aaral.
KARAGDAGANG KAALAMAN: Kung susuriin, higit na
matimpi ang paggamit sa wika ng manunulat na si Abdon
Balde Jr. kaysa sa manunulat na si Eros Atalia. May
kinalaman kaya ang gulang/edad ng mga manunulat na ito sa
estilo ng paggamit nila ng mga salita? Si Abdon ay
kasalukuyang nasa kalagitnaang sisenta ang edad
samantalang si Eros ay nasa kalagitnaan ng trenta ang
gulang. Iminumungkahing magsaliksik pa ang guro sa buhay
ng dalawang manunulat na ito bago ipabasa ang kanilang
mga akda.
PAALALA: Maaaring magsagawa ng pananaliksik ang guro
tungkol sa ilang kritisismo ni Prof. Rolando Tolentino ng
Unibersidad ng Pilipinas tungkol sa mga dagling katha sa
Pilipinas. Maaaring sangguniin ang link sa ibaba:
http://greatrefusal.multiply.com/journal/item/10?&show_interstitial=1&u=%2F
Ipasulat sa sagutang papel o sa pisara ang mga
salita o pahayag mula sa akdang binasa ang nagpapakita
na pormal ang ginamit na wika ng manunulat. Bigyan ng
pagkakataon ang mag-aaral na ilipat ang mga pormal na
pahayag patungo sa di pormal na antas ng wika.
Halimbawa:
PORMAL: “Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng
bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo. Isang
henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong
inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka.
DI-PORMAL: “Thanks, Tikang. Tayo ang mag- start ng new
generation ng mga talangka. Bad trip kasi ang mga kalahi
natin. Isang generation na walang hassle at walang
basagan ng trip. Gets mo?” ang sabi ni Mokong Talangka
Ipasadula ang kuwentong ito sa mga piling mag-
aaral. Kung mayroong kapasidad ang paaralan sa
teknolohiya, maaaring pagawaan ito ng movie clip upang
lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang kuwento. Layon
ng bahaging ito ng aralin na mapalutang ang iba’t ibang
isyung panlipunan gaya ng sumusunod:
HIV and Drug Prevention
Peace Education
Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad
Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino
PAALALA: Iminumungkahing gabayan ang mga mag-
aaral sa pagbabasa/panonood sa kuwentong ito.
Makabubuting magkaroon din ng pahapyaw na
pagtalakay sa mga nasabing isyung panlipunan na
matatagpuan sa kuwento. Hangga’t maaari’y maimulat
ang mga kabataan sa mga isyung ito upang hindi sila
maging biktima ng mga ganitong karanasan. Sa
pamamagitan ng inihandang mga gawain pagkatapos
mabasa ang kuwento, kinakailangang mapatunayan ng
mga mag-aaral na may pakialam siya sa mga nangyayari
sa kaniyang paligid. Mula sa kuwento, hahalaw siya ng
iba’t ibang akda, balita, artikulo, komiks at dagling katha
na magiging daan upang masolusyonan ang mga
nakikitang suliranin sa kuwento. Gayundin, inaasahan na
gagamitin ng mag-aaral ang pormal na wika upang
matamo ang responsableng gamit ng wika.
Iminumungkahing ipasulat ang akda sa manila
paper kung pangkatan ang gagamiting teknik ng guro.
Kung isahan, ipasulat ito sa bond paper. Ang matatapos
na produkto sa bahaging ito ay maaaring ilahok sa
gagawing Literary Folio ng buong klase.
SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA
PANIMULANG PAGTATAYA
1. A 6. A 11. D 16. C
2. C 7. B 12. B 17. B
3. C 8. C 13. C 18. B
4. C 9. A 14. B 19. B
5. D 10. A 15. B 20. A
Ipasagot ang dalawampung aytem (20) na Paunang
Pagsusulit. Ipaliwanag ang panuto. Makabubuting
magsagawa ng item analysis pagkatapos na maiwasto ang
sagutang papel upang mataya kung aling kasanayan ang
lilinangin sa mga mag-aaral.
SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA GAWAIN 1
1. Pelikula
2. Komiks
3. Telebisyon
4. Internet
5. Radyo
6. Tabloid
7. Magasin
Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto
ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling
ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa
pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon
ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain.
Ang mga kasanayang nakatala ay ang mga
kasanayang lilinangin sa mga mag-aaral sa araling ito.
Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang
Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng
guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila
paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa
Susi sa Pagwawasto:
Komiks
Tabloid
Dagli
Magasin
Ang mga mag-aaral ay inaaasahang matututo ng
ilang mga pamamaraan sa pagbuo ng mga panitikang
popular sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito
(nakasaad sa pamantayang pangnilalaman) na kanilang
magagamit sa pagbuo ng isang produkto sa katapusan ng
kanilang pag-aaral (nakasaad sa pamantayan sa pagganap)
Ang mga mahahalagang tanong ay naglalahad ng
mga kaisipang inaasahang masasagot sa
pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito.
Ang mga araling nakatala ang magiging saklaw ng
mga magiging pagtalakay at mga gawain sa modyul na ito.
Ang bawat aralin ay nakatuon sa iba’t ibang aspekto ng
kulturang popular (kontemporaryong babasahin, broadcast
media at dokumentaryong pampelikula). Bawat paksang
nabanggit ay may kaakibat na aralin sa wika na
makatutulong sa lalong pagsusuri at pag-unawa sa mga
ito.
Makikita sa konseptwal na balangkas ang magiging
tuon ng pagtalakay sa kabuuan ng modyul.
Matapos masagutan ang crossword puzzle, hayaan
ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga
nalalaman kaugnay ng mga naitalang kasagutan. Maaaring
tanungin kung sila ba ay isa sa mga tumatangkilik ng mga
ito at kung bakit ang mga ito ay popular sa kasalukuyan.
Maaaring hayaang maglahad ang mga mag-aaral na
kanilang mga opinyon kaugnay ng mga pagbabago sa
larangan ng panitikan sa ating bansa. Maaaring
paghambingin ang kalagayan ng panitikan noon at sa
kasalukuyan. Tanggapin lamang ang kanilang mga
magiging sagot. Hayaang matuklasan nila ang kasagutan
sa mga katanungan sa pag-usad ng pagtalakay.
Literary Folio
ng
Aming Barangay
Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales
Lungsod ng Mandaluyong
KALSADA-PASADA
(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)
Literary Folio 2012
P1
.
1 – Pinipilahan ng mga manonood,
sa pinilakang tabing ito’y
itinatampok!
2 – Kahong puno ng makukulay na
larawan at usapan ng mga tauhan.
Tunay na kinagigiliwan ng kabataan!
3 – Kuwadradong elektronikong
kagamitan.Tampok ay iba’t ibang
palabas na kinaaaliwan!
4 – Sa isang click lang mundong
ito’y mapapasok na para mag-Fb,
Twitter o magsaliksik pa.
5 – Musika’t balita ay
napapakinggan na. Sa isang galaw
lamang ng pihitan, may FM at AM
pa!
6 – Maliit na dyaryong inilalako sa
daan; balita, tsismis at iba pa ang
laman.
7 – Pabalat nito’y may larawan pa ng
sikat na artista. Nilalama’y mga
artikulong tumatalakay sa iba’t
ibang paksa.
4
.
5
.
M
B
G
L
T
T
D
7
.
2
.
3
.
6
.
Mga Bugtong:
Maaaring isagawa ang gawaing ito nang
papangkat. Hayaang suriin ng mga mag-aaral ang
tradisyunal at popular na uri ng panitikan sa iba’t ibang
mga aspektong nabanggit (paksa, wika at paraan o
midyum). Maaari rin silang magtanghal o magbahagi ng
ilang mga halimbawa ng panitikan noon at sa kasalukuyan.
Tradisyunal na
Panitikan
Panitikang
Popular
__________________________
__________________________
_____
_________________________
_________________________
_______
______________________
______________________
_____________
______________________
______________________
_____________
____________________
____________________
_________________
______________________
______________________
_____________
Paksang Tinatalakay
Wikang Ginagamit
Paraan/Midyum sa
Paghahatid
REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN
Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa
Kultura at Panitikang Popular
a. Panitikan: Popular na mga Babasahin
Pahayagan(tabloid)
Komiks
Magasin
Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika
Pormal
Di-Pormal
Popular (balbal)
Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng
Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino
a. Panitikan: Komentaryong Panradyo
Dokumentaryong Pantelebisyon
b. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang
Lohikal
Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum
sa Pagbabagong Panlipunan
a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon
ni Brillante Mendoza
b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga
Pahayag
Panitikan: Mga
Popular na Babasahin
Pahayagan
(tabloid/ broad
sheet)
Komiks
Magasin
Kontemporaryong
Dagli
Wika: Antas ng Wika
Pormal
Di-pormal
(balbal)
Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo
sa Kultura at Panitikang Popular
Produkto/Pagganap: Literary Folio na
sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng
barangay.
Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago
at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino
RADYO TELEBISYON
Panitikan:
Komentaryong
Panradyo
Wika:
Mga Ekspresyong
Nagpapakilala ng
Konsepto ng Pananaw
Panitikan:
Dokumentaryong
Pantelebisyon
Wika:
Mga Ekspresyong
Nagpapakilala ng
Kaugnayang Lohikal
Dokumentaryong Panradyo/
Dokumentaryong Pantelebisyon
Paboritong Palabas sa Telebisyon:
_____________________________
_____________________________
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Paboritong programa
sa Radyo:
___________________
Dahilan Kung Bakit
Kinagigiliwan:
___________________
___________________
_
naghahatid ng mga
talakayan/pulso ng bayannagpalabas ng variety shownagpapalabas ngnaghahatid ng naghahatid ng napapanahongnagpapalabas ng pelikula
nagbibigay ng opinyon
kaugnay ng isang paksanagpapahatid ng mganagpapakinig ng mga awitnagpapakilala ng
http://www.tv5.com.ph/ click radyo5
http://www.interaksyon.com/article/42031/teodoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of-foi
tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-s14674/
radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-92-3-news-fm-online/
Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang
detalye tungkol sa: 1) Pamagat ng paksang tinalakay; 2) Mga batayan ng
mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan TV PatrolART AngelMatanglawin Rated KTalentadong PinoyTeen Geni - WitnessXXXUmagang KaygandaWeekend Getaway
kaisipan
kaisipan
kaisipan
kaisipan
kaisipan
kaisipan
BROADCAST MEDIA
RADYO TELEBISYON
MGA ASPEKTO:
pagbibigay ng impormasyon
pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon
pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin
paglalatag ng mga solusyon sa mga
pangunahing suliranin
aksiyong naisagawa/solusyon sa mga
ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko)
AngAng Broadcast MediaBroadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw naay nakatutulong sa ating araw-araw na
Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay
naatasang magsaliksik kaugnay ng mga napapanahong isyu sa ating
bansa.
Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip
para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging
bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon.
Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan
mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at
komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang
manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang
impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o
isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang
mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo –
ang KABOSES.
Kung ikaw naman ay makikiisa sa pagbuo ng dokumentaryong
pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na
makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang
opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong
mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa
KABOSES Station Channel 8.
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong
komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon:
Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?
Pulis Pinoy, Mapagkakatiwalaan Pa Ba?
Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?
Mag-aaral na Pinoy, Responsable Pa Bang Estudyante?
Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin
na malinis at maayos ang pagkakasulat nito..
Narito ang mga inaasahang kasanayan ng bawat
isang mag-aaral na malilinang sa pamamagitan ng pag-aaral
ng modyul na ito.
Sa panimulang pagtataya sa bawat aralin, susukatin ng
guro kung hanggang saan na ang kaalaman ng mag-aaral
kaugnay ng paksang tatalakayin.
Inaasahang marami sa mag-aaral ang may sapat ng
kaalaman at kakikitaan ng sigla upang alamin pa ang susunod
na mga paksa.
Kung may ilan na di ganap ang kahandaan at
kaalaman, iminumungkahing maging malikhain ang guro
upang maipakilala sa mag-aaral ang mga kakailanganin
upang lubos na maunawaan ng mag-aaral ang mga
talakayan. Iayon ito sa kanilang pangangailangan.
Susi sa Pagwawasto:
Telebisyon (pahalang)
Dokumentaryo (pahalang)
Radyo (Pahilis na paitaas)
Musika (patayo)
Balita (pahalang)
Hikayatin ang iyong mga mag-aaral na ibahagi sa
buong klase ang mga bagay na kanila ng nalalaman kaugnay
ng radyo at telebisyon. Maaari mo itong gawing interaktibong
talakayan. Hatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
Bigyan ang bawat pangkat ng limang (5) minuto upang
magtalakayan at magpalitan ng kaalaman. Himukin silang
isulat ang kanilang sagot sa mga strips ng cartolina (gawing
masmakulay ito para maging kaakit-akit sa mga mag-aaral).
Matapos nito, ipadikit sa pisara ang mga cartolina strips ng
bawat pangkat. Ang unang pangkat na makapagdikit ng lahat
ng kanilang cartolina strips ang unang magtatalakay ng
kanilang mga sagot.
Gamit ang cartolina o manila paper kopyahin ang
talahanayan at ipakopya sa mga mag-aaral sa kanilang
kwaderno. Pasagutan ito nang isahan o individual.alika ag
huling hanay (Ano ang aking natutuhan?) sa katapusan ng
pagtalakay sa aralin.
Sa gawaing ito, maaring iguhit nang mas malaki ang larawan
ng radyo upang maging tampok sa gagawin mong talakayan.
Maari ka ring magpakita ng tunay na radyo (nakabatay ito
kung mayroon kang magagamit na materyales). Matapos
makilala ng mga mag-aaral ang mga bagay na naihahatid ng
radyo sa mga tao, hikayatin mo ang mga bata na ipaliwanag
ang ibig sabihin ng mga ito.
Narito ang ilang mga kasagutan:
Paghahatid ng musika – kadalasang nakikinig tayo lalo na
kayong mga kabataan ng musika sa radyo, lalo na
nakabatay ito sa tinatawag nating “mood” kaya nga may
iba’t ibang uri ng musika na inyong pinapakinggan, gaya
ng pop,rnb.rock,hip-hop at mga senti-love songs. (maaring
maging daan ito upang ang imahinasyon ng mga mag-
aaral ay magsimulang mabuhay at magkaroon kayo ng
masayang talakayan
Paghahatid ng balita
Pagpapakilala ng mga produkto
Pagpapahatid ng mga panawagan
Paghahatid ng pulso ng bayan
Ang radyo ang nagsisilbing orasan ng marami sa ating
mga kababayan lalo na sa mga nayon kaya masasabing
ito ay mahalaga din sa pagbibigay-hudyat.
Sa tulong ng KWHL Sheet, alamin ang mga nais pang
matutunan at maunawaan ng iyong mag-aaral.
Hikayatin silang nais mong bigyan nila ng tugon ang
tanong na sa loob ng kahon. Unahing sagutin ang tatlong
naunang kolum ng KWH.
Sagutin lamang ang huling kolum, ang L matapos na
mapag-aralan ang araling ito.
Ibigay na takdang-aralin ang pagrerekord o pagbasa
nang may damdamin ang iskrip panradyo sa 2 mag-aaral na
mahusay sa pagsasalita (maari din naman na ang guro ang
mag record ng iskrip) at iparinig ito sa klase. Gawing
makatotohanan ang pagbabasa sa iskrip at lagyan ng angkop
a damdamin. Maaaring magtago sa likod ng silid aralan ang
2 batang magbabasa ng iskrip. Siguruhin na walang isa man
sa mga mag-aaral ang makakikita ng mga tagapakinig.Maari ring gumamit dito ng Venn Diagram sa
paghahambing ng mga positibo at negatibong pananaw.
Halimbawa ng positibong pahayag:
Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging
mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt
na opisyal.
Halimbawa ng negatibong pahayag:
Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na
naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Ang Komentaryong Panradyo ayon kay Elena Botkin –
Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng
oportinidad sa mga kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa
isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
Ang pagbibigay-opinyon ayon kay Levy ay maktutulong ng malaki
upang ang mga kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Ang mga link na nasa module ay maari mong hanapin sa
internet, upang mapakinggan ng mga mag-aaral ang
programang panradyo na may kaugnayan sa talakayan.
Isang halimbawa ang “Punto por Punto” ni Anthony Taberna
sa DZMM. Kung wala namang koneksiyon ng internet sa
inyong paaralan, maaaring gumamit ng radyo at ilagay ang
talapihitan ng radyo sa AM.
Ang “Kwentuhang Midya” ay isang uri sulating
nagsasaad ng opinyon sa paraang nakikipag-usap sa mga
mambabasa o conversational style (Maaaring maghanap ng
iba pang sipi na may katulad na format na tumatalakay sa
mga isyung higit na napapanahon at may kaugnayan sa mga
mag-aaral.)
Bumuo ng limang pangkat, bigyan ng limang minuto
bawat grupo upang makapagpalitan ng kuro-kuro kaugnay ng
kanilang binasa. Pumili ng isang mag-aaral bawat pangkat
upang maging tagapagsalita ng bawat grupo.
Bibigyang-daan ng gawaing ito ang pagtalakay sa
araling pangwika.
Maari pang dagdagan ang mga halimbawa ayon sa
kinakailangan ng iyong mga mag-aaral. Gamitin ang mga
napapanahong isyu upang bumuo ng mga mas makabuluhang
halimbawang pangungusap.
Maaaring palawikin ang pagtalakay ng panitikang
popular sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga impluwensya
ng radyo, bilang isang midyum ng broadcast media, sa
pagpauso ng ilang mga pahayag (gaya ng Bisyo na ito! at iba
pa), paraan ng pagsasalita (Taglish o kaya naman ay ang
paghahalo ng mga wikang lalawiganin sa pagsasalita, gaya ng
Ay, Ambot! at iba pa), at lalo pang pagpapatanyag ng ilang
mga usapin o isyung nagaganap sa kasalukuyan.
Balikan ang mga mga naging kasagutan ng mga mag-
aaral sa naunang gawain kaugnay ng KWHL.
Maaaring isagawa ang gawain nang dalawahan.
Maaaring ang isang mag-aaral ay maglalahad ng mga
positibong pananaw at ang isa naman ay maglalahad ng mga
negatibong pahayag kaugnay ng isyung napili. Maaaring
ipabasa nang malakas at may damdamin ang iskrip na
mabubuo.
Bigyan ng pansin dito ang pagkakagamit ng mga mag-
aaral sa mga salitang nagpapakilala sa konsepto ng pananaw.
Bigyan din ng pansin ang linaw ng paglalahad.
Bigyan ng timbang ang kahalagahan ng paglalahad
nang may angkop na emosyon sa pagiging mabisa ng
pagpapahayag. Kung ipapabasa ang iskrip sa mga mag-aaral,
maari ring makatulong ang mga sound effects o background
music sa lalo pang pagpapaganda ng presentasyon.
Maaari itong gawin sa tatlong bahagi, una sabihin sa
mga mag-aaral na tukuyin ang mga programang pamilyar sa
kanila at isulat ito sa isang buong papel. Ikalawa, matapos
nilang makapaglista ng kanilang mga sagot; pangkatin sila
ayon sa pagkakatulad ng mga programang kilala nila. Ikatlo,
bigyan sila ng tiglilimang minuto upang ipakilala sa buong
klase ang mga programang pamilyar sa kanila sa
pamamagitan ng maikling paglalarawan tungkol sa programa
at sa dahilan kung bakit ito pinanonood.
Art Angel (Children Show) - mga programa o palabas sa telebisyon
na ang pangunahing mithiin ay makuha ang atensyon ng mga bata
sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyang impormasyon.
i-Witness (Documentary Program) - programang naglalayong
maghatid ng komprehensibo at etratehikong proyekto na
sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Matanglawin (Educational Program) - tumatalakay sa mga bagay
na noong una ay pinag-aaralan lamang sa pamamagitan ng mga
nakalimbag na impormasyon.
Rated K (Magazine Show) - isang programang pantelebisyon
na nagpe-presinta ng iba’t ibang isyung napapanahon, may
kaunting panayam at komentaryo.
Umagang Kayganda (Morning Show) - tinatawag din na breakfast
television kung saan nag-uulat nang live tuwing umaga ang mga
mamamahayag na naglalayong makapaghatid ng mga
napapanahong impormasyon.
TV Patrol (News Program) - naghahatid ng napapanahong
kaganapan o panyayari sa loob at labas ng bansa, may mga ilang
panayam din at komentaryo.
XXX (Public Service Program) - naghatid ng tulong sa mga
mamamayan o maging daan sa pagpapahatid ng tulong.
Weekend Getaway (Travel Show ) - naglalahad ng paglalakbay sa
iba’t ibang bayan o bansa at pagpapakilala sa mga produkto na
matatagpuan dito.
Talentadong Pinoy (Variety Show) – nagbibigay ng tuon sa
patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagpapalabas ng
isang comedy skit.
Teen Gen (Youth Oriented Program) –nakatuon sa pagtalakay sa
isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito ay ang kanilang buhay
pag-ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng
eksena sa pagpapahalagang pangkatauhan o moral values.
Maaaring itong isagawa nang papangkat. Ipasuri sa
mga pangkat ang pagkakatulad ng mga palabas ayon sa
layunin nito. Maaari ring hayaang gumanap ang mga mag-
aaral bilang mga hosts ng mga napiling palabas at
magtanghal ng ilang mga natatandaang episode o eksena
mula dito. Bigyang-pansin ang nagiging papel ng mga palabas
na ito sa pagsisiwalat ng mga isyung panlipunan, paghahatid
nito sa pamahalaan at sa paghahatid ng solusyon sa mga ito.
Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang
Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng
guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila
paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa
araling ito.
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang
uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal,Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawangpangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan atimpluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at
pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mgapananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mga
programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon –okumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas naglalayong maghatid ngMga palabas naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay atkomprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
Ang sanaysay na ito ay isang paglalarawan kaugnay ng
kalagayan ng isang liblib o tagong lugar sa Mindoro. Ang mga
kakulangan ng lugar na ito upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mag-aaral at maging ng mga guro.
Ang hirap ng buhay sa ilang, ang tiyaga ng isang mag-aaral
upang makatapos ng pag-aaral at ang patuloy na pagsisikap
ng guro na maibigay ang pangangailangan ng kanyang mga
mag-aaral.
Kung hindi naman makita ang link na nabanggit,
maaring kumuha ng mga dokumentaryong palabas na
mapapanood ng mga mag-aaral. Tiyakin lamang na
kapupulutan ito ng aral at magiging isang mabuting
motibasyon sa kanila upang magsikap na makatapos sa
kanilang pag-aaral.
Maaaring gumamit ang guro ng iba pang lunsaran at
iba pang mga sites sa pagpapaliwanag sa paksa. Maaari ring
magsaliksik ang mga mag-aaral sa internet kung ibibigay ang
ito bilang takdang-aralin bago ang pagtalakay.
Hayaang buuin ng mga mag-aaral ang mga pahayag
batay sa kanilang naging pagkatuto. Pagkatapos, suriin ang
pagkakabuo ng mga pahayag sa tulong ng mga piling salita
gaya ng dahil sa, para at iba pa. Ito ay magsisilbing
pagpapakilala sa aralin sa wika na tatalakayin sa susunod na
bahagi.
Maaaring bumuo ang mga mag-aaral ng mga
halimbawang pangungusap batay sa mga napanood na
dokumentaryo upang higit pang mapalawak ang mga
kaisipang kanilang natutuhan mula sa mga ito.
Bigyang-pansin sa bahaging ito ang gamit ng mga
salitang nagpapakilala ng ugnayang lohikal sa pagpapahayag
ng kaisipan. Maaaring gamitin ang mga larawan na
nagpapakita ng mga napapanahong kaganapan, kalamidad,
isyu sa pamahalaan at iba pang isyung panlipunan upang
maging mulat ang mga mag-aaral sa mga nagaganap sa
bansa.
Maaari ring isagawa ang gawain sa pamamagitan ng
pagganap o pagtatanghal. Hayaan ang mga mag-aaral na
itanghal ang kanilang nabuong dokumentaryo ayon pa rin sa
napagkasunduang pamantayan.
Bigyang-pansin sa bahaging ito ang pagkakagamit ng
mga salitang nagpapakilala ng kaugnayang lohikal sa
paglalahad.
Maaaring bigyan din ng pansin ang kaangkupan ng
mga eksena sa pagpapaigiting ng kaisipang nais ibahagi sa
dokumentaryo at ang angkop na pagganap ng host at ng
mga gaganap sa dokumentaryo (kung ito man ay isasagawa
sa pamamagitan ng pagtatanghal).
Sa bahaging ito, susuriin ang gampanin ng radyo at
telebisyon bilang mga midyum ng broadcast media sa
paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon sa madla at
pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga
mamamayan.
Maaari itong isagawa nang papangkat. Hayaan ang
mga mag-aaral na magsuri sa gampanin ng broadcast media
sa mga nakatalang aspekto. Maaaring hatiin ang klase sa
lima (5) at hayaan silang magpalitan ng ideya kaugnay ng isa
sa mga nakatalang aspekto (mag-atas ng isang aspekto sa
bawat pangkat). Pagkatapos, maaaring ibahagi sa klase ang
napagkasunduan ng pangkat.
Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang kanilang
kasagutan sa gawaing ito sa kanilang kwaderno. Maaari ring
hayaan silang sumulat ng slogan na nagpapaliwanag sa
gampanin ng broadcast media sa pagpapaigting ng
kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa.
Hayaang pumili ang mga mag-aaral sa midyum na
kanilang gagamitin para sa gawaing ito (komentaryong
panradyo o dokumentaryong pantelebisyon) . Maaaring ipa-
record (tape recorder kung sa radyo at video recorder naman
para sa telebisyon) ang nabuong iskrip o kaya naman ay
ipatanghal na lamang sa klase sang-ayon sa kakayahan ng
mga mag-aaral.
Maaaring baguhin o dagdagan ang mga pagpipiliang
paksa sang-ayon sa napapanahong isyu. Tiyakin lamang na
ito ay argumentatibo o maaaring sang-ayunan o di sang-
ayunan upang masanay ang kakayahan ng mga mag-aaral na
magsaliksik at mangatwiran sang-ayon sa panig na nais
nilang ipahayag.
Maaaring mabago ang bahaging ito ng rubrik na
gagamitin sang-ayon sa inaasahang produkto ng mga mag-
aaral (kunf recorded o pagtatanghal ang isasagawa).
Maaaring ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang
kasagutan sa pagsusulit na ito sa isang buong papel upang
matiyak ang kanilang naging pag-unawa sa kabuuan ng
aralin.
Ang mga mahahalagang konseptong nakatala ay ang
konseptong nais maikintal sa isipan ng mga mag-aaral sa
pagtatapos ng aralin. Ito ang inaasahang magiging sentro
ng lahat ng gawain sa modyul.
Ang mga kasanayang nakatala ay ang mga
kasanayang inaasahang malilinang sa mga mag-aaral sa
pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito.
Nakatala dito ang mga aralin na tatalakayin sa
bahaging ito ng modyul. Nakatala ang aralin sa panitikan at
ang awalin sa wika na magiging saklaw ng pagtalakay.
Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto
ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling ito.
Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa pagsisimula
ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon ng pagtalakay
at pagsasagawa ng mga gawain.
Ang mga araling nakatala ang magiging saklaw ng
mga magiging pagtalakay at mga gawain sa modyul na ito.
Bawat paksa may kaakibat na aralin sa wika na makatutulong
sa lalong pagsusuri at pag-unawa sa mga ito.
Susi sa Pagwawasto:
Komiks
Dagli
Salitang Impormal
Salitang Balbal
Sagot:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3
_________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________Anu-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang
tumatak sa iyong isipan. Maglarawan ng
dalawa (2) at ipaliwanag kung bakit.
_________________________
______________
_________________________
______________
Kung bibigyan ka ng pagkakataon,
ano ang isang tanong na nais mong
tanungin sa mga tao sa likod ng mga
pelikula o palabas na ito?
_________________________
_________________________
2
1
Alin sa mga palabas o pelikula na
nakalarawan ang iyong kinagigiliwan?
Magbigay ng tatlo (3) at ipaliwanag
kung bakit.
DOKUMENTARYO
Mga Elemento ng Pelikula:
Sequence Iskrip – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa
pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw
at lente ng kamera.
Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at
damdamin ng manonood.
Iba pang mga Elemento:
Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento.
Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin
ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo
mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo
upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto
sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang
pelikula.
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula
Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”.
Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng
ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng
dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang
maaksiyong detalye.
Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa
ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang
pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang
pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.
High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds Eye-View – Maari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na
nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.
Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na
ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid.
8. Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang
masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang
tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.
Uri ng Kuha: _______________________
Nais Ipahiwatig:
________________________________
________________________________
Uri ng Kuha: _______________________Nais Ipahiwatig:
________________________________
________________________________
Uri ng Kuha: _______________________
Nais ipahiwatig:
___________________________________
_________________________________
“Ama mag-ingat ka sa iyong
paglalakbay, mapanganib sa daan!”1.
“Hindi dapat maiwan si Jonalyn,
dapat kasama natin siya sa
pagboto.”2.
“Sa ginagawa nilang iyan,
inaagawan nila ng tahanan
ang mga ibon.”3.
“Hindi na ako bomoto, dahil
naniniwala akong hindi naman ito
makapagpapababa at
makababawas ng aking pagkatao.”4.
“Ang sampagitang ito ay para sa mga
ga-gradweyt lamang, isuot mo, huwag
kang mahiya, bagay sa iyo ito.”5.
“ O sige, mag-aaral tayo pagkatapos
ng pananghalian natin.”
6.
“Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa
akin, hindi ito makapagpapababa
at makababawas ng aking pagkatao”
“Apo Namalyri
Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa
Kami ngayo’y nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin”
“Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon,
pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo
naman ang mga Koreano, kelangan ko na
mag-fill-up ng aplikasyon.”
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_____________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
____________________________
____________________________
____________________________
______________________________
______________________________
______________________________
“AKO MISMO,
BATANG
LIDER”
MANORO (Ang Guro)
Dokumentaryong Pampelikula
IMPLIKASYON
Kaugnayan sa Tunay na Buhay
SARILI LIPUNANPAMILYA
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________
____________Uri ng Kuha: _______________________
Nais Ipahiwatig:
________________________________
________________________________
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA
Katuturan ng
Dokumentaryong
Pampelikula Mga Uri ng Pahayag
Mga Pamantayan
sa paglikha ng
“Sequence Script”
para sa
Dokumentaryong
Pampelikula
Kaligirang
Pangkasaysayan
Mga Elemento ng
Dokumentaryong
Pampelikula
Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas saPaano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas sa
pamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang amapamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang ama
sa kabundukan kung ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga
Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan moBilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan mo
na nagtataglay ng “kawalang-alam” (illiteracy) lalo na sa pagbasaBilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang mahusay na lider at
Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang isang uri ng media tulad ng
Dokumentaryong Pampelikula na bahagi ng ating kultura at panitikang popular?
Pahayag: _____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________
Pahayag: _____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________
Pahayag: ______________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________
Pahayag: ______________________________
Paliwanag/Interpretasyon:___________________________
Ang Aking Repleksyion …
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto
ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling
ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa
pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon
ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain. Itanim sa
utak ng mga mag-aaral ang mga konseptong ito upang
magkaroon din ng direksyon ang kanilang pag-aaral.
Nakatala dito ang mga aralin na tatalakayin sa
bahaging ito ng modyul. Nakatala ang aralin sa panitikan at
ang awalin sa wika na magiging saklaw ng pagtalakay.
Narito ang mga inaasahang kasanayan ng bawat
isang mag-aaral na malilinang sa pamamagitan ng pag-aaral
ng modyul na ito. Idiin sa kanila na kailangan itong
maisakatuparan.
Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang
Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng
guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila
paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa
araling ito.
PAALALA: Bigyan ng pangunahing ideya ang mga mag-
aaral sa mga paksang nakapaloob dito.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtataya
upang masukat ng guro ang paunang kaalaman ng mga
mag-aaral hinggil sa aralin.
Susi sa Pagwawasto:
Dokumentaryo 4. Brillante Mendoza
Student Independent Film 5. Coco Martin
Iskrip
Magsisilbi itong gabay ng guro sa kanyang mga
mag-aaral at kinakailangang masagot sa iba’t ibang bahagi
ng pag-aaral.
Sa pamamagitan nito, naikikintal sa isipan ng mga
mag-aaral ang mga mahahalagang aspeto at mga
kaalaman na dapat matutuhan.
Dito na ngayon pumapasok ang kaalamang teknikal
na unang binanggit sa mga gabay na tanong. Ito ay isa sa
pinakamahalagang input na dapat matutuhan ng mga mag-
aaral dahil malaki ang bahaging ginagampanan nito sa iba
pang mga kaugnay na aralin.
PAALALA:
Maaari ring ipasuri sa mga mag-aaral ang pinanood
na Dokumentaryong Pampelikula batay sa mga tinalakay
na elemento. Kinakailangang maibahagi nila sa klase ang
kanilang isinagawang kritiko at pagsusuri tungkol sa aralin.
Pagkatapos maipasuri ang “Manoro” (Ang Guro)
bilang Dokumentaryong Pampelikula, maaari pang
magpasuri ng ibang mga pelikula o dokumentaryo ang guro
upang higit pang mahasa ang kakayahan sa pagsusuring
analitikal ng mga mag-aaral.
ALAM MO BA...
Na upang mas mabisa ang pagsusuri ng isang
pelikula o anumang genre, maaari mo itong ibatay ayon sa
mga Dimensyong Panliteratura? Ito ay ipasuri ayon sa mga
sumusunod na aspeto o dimension:
Panlipunan / Sosyolohikal
Pangkaisipan / Sikolohikal
Kalagayang pang-ekonomiya
Pansarili / Personalisasyon
Pangkasaysayan / Historikal
Ang gawaing ito ay ang aktuwal na pagsukat sa
paunang kaalaman ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng
mga larawan ay mapanunumbalik sa kanilang memorya
kung ano ang kanilang naalala kapag ipinakita ang mga
larawang ito na hango mula sa mga pelikula (documentary
films, independent, indie films at maging ng mga tinatawag
nating commercial films).
Inilaan ang 3-2-1 Chart upang makuha ang mga
bagay na nagustuhan, mga pananaw at mga
mahahalagang aral at kaisipan na nakuha at napulot ng
mga mag-aaral.
Mahalagang Paalala:
Ang guro ay dapat na magpakita ng mga makukulay
at magagandang larawan upang magkaroon ng natatanging
interes ang mga mag-aaral.
Maaaring isagawa sa pamamagitan ng powerpoint
presentation. Magpakita ng iba pang kaugnay na larawan
na sa palagay mo ay uukit sa kaisipan ng mga mag-aaral.
Sa bahaging ito ay ginamit ang dayagram na
magsisilbing patnubay kapwa ng mga guro at mag-aaral
upang ipaghambing ang “dokumentaryo” mula sa “pelikula”
nang sa ganoon ay makuha ang pananaw ng mag-aaral
kung paano nila binibigyang-kahulugan ang isang
dokumentaryo mula sa pelikula.
Mahalagang mabatid ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga ito. Sa pamamagitan nito ay
naiuugnay ng guro ang susunod na aralin kung paano ito
nagging isang Dokumentaryong Pampelikula.
Ang gawaing Ihasip, (Ihambing at Isaisip) ay
malaking tulong sa mag-aaral na magtutugma sa mas
malalim pang pag-aaral kaugnay ng paksa. Ipasagot ito
lahat.
Ang kasunod na proseso o lebel ng pag-aaral kung
saan pinauunlad ang kabatiran at kaalaman ng isang bata
sa mas masusing pagkatuto.
Direktang tukuyin sa mga mag-aaral na ang unang
gawain ay ang pagbabasa ng akdang pampanitikan. Ngunit
mahalagang bigyan muna ng kaligirang kasaysayan at
kabatiran ang mga mag-aaral sa kung ano ang akdang
pampanitikan na kanilang babasahin at pag-aaralan. Bigyan
sila ng ilang ideya at impormasyon tungkol sa akda upang
maitanim sa kanilang puso’t isipan ang mahahalagang
kaisipan nito habang ito ay patuloy nilang pinag-aaralan
bilang gabay sa pagtalakay sa aralin.
Alam mo ba... (Talakayin matapos mabasa ang akda)
Nang pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1992, marami
sa mga kapwa katutubo nating Aeta ang napilitang lumikas mula sa
kabundukan tungo sa kapatagan sa mababang bahagi ng
Pampanga. Nagbigay naman ito ng pagkakataon sa mga batang
Aeta na sila ay makapag-aral sa mga paaralan sa bayan na malapit
dito. Ang karakter na si Jonalyn sa pelikula bilang isang batang Aeta
na nagnanais taglay ang mabuting hangarin na maturuang bumasa
at sumulat ang kanyang mga kababayan, lalo na ang mga
nakatatanda upang sa unang pagkakataon sa kanilang tanang
buhay ay magamit ang karapatang ipinagkaloob sa kanila ang
makaboto sa nalalapit na eleksyon sa taong 2004. Maging ang
mismong mga sarili niyang magulang ay kinakailangang turuan ni
Jonalyn, lalo na ang kanyang ama na kinakailangang
makapagtrabaho. Kaya naman, si Jonalyn ay nagtungo sa tahanan
ng mga katutubo upang sila’y turuan kung paano sinusulatan ang
mga sample ballot bilang siyang pangunahin niyang misyon. Ngunit
kasabay ng gawain niyang ito ay nalaman niyang nawawala ang
kanyang lolo o Apo (batay sa kanilang katutubong wika) kaya’t
kinakailangan nilang hanapin pa ito sa kabundukan. Ngunit hindi ito
naging hadlang kay Jonalyn.
(tingnan at basahin ang kalakip: Sinopsis ng Manoro)
Gaya ng nabanggit, ito ay mahalagang input na
dapat mabatid ng mga mag-aaral Ang mas malawak na
depinisyon ng Dokumentaryong Pampelikula, ang mga
anyo at uri ng pelikula sa panahong kasalukuyan tulad ng
mga Independent at Indie Films.
Higit sa lahat, ang mga mahahalagang kaalaman sa
batikang Direktor na si G. Brillante Mendoza na nakilala sa
kanyang mga “obra-maestra” na nagwagi ng prestihiyosong
parangal mula sa iba’t ibang mga bansa sa daigdig.
Paalala:
Maaari pang magsagawa ng ilang mga pananaliksik
ang guro at ang mga mag-aaral kaugnay nito bilang
karagdagang kaalaman. Batay sa mga impormasyong
napag-alaman tungkol sa direktor, tanungin ang mga mag-
aaral kung ano sa palagay nila ang naging motibasyon ni
Mendoza sa paglikha ng mga Independent at Documentary
Films.
Aktuwal na pagbabasa ng teksto ng mga mag-aaral.
Mahalagang malaman nila kung tungkol saan ang kanilang
babasahin. Sa pamamagitan nito ay naikikintal sa isipan ng
mga bata kung ano ang tunay na layunin kung bakit
kailangang basahin ang isang akdang pampantikan.
IPAPANOOD: You Tube (on-line) or DVD “Manoro”
Mahalagang bigyang-pakahulugan ang bawat eksena ng
dokumentaryong pampelikula.
Pagkatapos na mabasa ang akda, idiin sa mga
mag-aaral ang importansya ng pagsusuri ng akdang
pampanitikan.
TANDAAN:
Dito na pumapasok ang tinatawag nating Six (6)
Facets of Understanding, mapapansing ang bawat
katanungan ay iniugnay sa Aspekto ng Pagkaunawa ang
pagpapaliwanag, perspektibo, aplikasyon, interpretasyon,
empatiya o pag-unawa sa damdamin ng iba, at pagkilala sa
sarili .
Kinakailangang maipaliwanag ng mga mag-aaral ang
kanilang mga paninidigan at kasagutan. Maaaring gumamit
ng ilang kakaibang estratehiya sa pagtatanong tulad ng
palabunutan, pagpasa ng bola, o di kaya’y sa pamamagitan
ng tugtog ng musika o pag-awit. Maging malikhain bilang
isang guro.
Muli, bilang input, ang Ugnay-Panitikan ay ang mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa Dokumentaryong
Pampelikula. Ang Kaligirang Kasaysayan nito mula noong
taong 1900 at ang mga naging katawagan nito sa lipunan
sa pagdaan ng panahon. Bigyang-diin kung paano ito
naging instrumento para maitaguyod ang mga kamalayan
at pagbabagong panlipunan.
Ipabasa ito ng malakas sa mga mag-aaral.
Dito ngayon unti-unting nasasagot ang mga ibinigay
na mga Gabay na Tanong. Maaari ring magpakita ng ilang
kaugnay na larawan ang guro tungkol sa paksang ito.
Nagsisimula ang pormal na pag-aaral ng mga mag-
aaral sa paksa sa yugtong ito ng pagkatuto. Ang una sa
mga ito ay ang Alamin kung saan sinusubok ang paunang
kaalaman ng mga mag-aaral sa aralin.
Bilang eksplorasyon, dapat alamin ng guro kung ano
ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa paksang ito ng
Dokumentaryong Pampelikula na sa pamamagitan ng mga
sumusunod na gawain, aakayin nito kapwa ang guro at
mag-aaral sa malalimang pagtalakay.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang bahaging ito ng
“Patinikan sa Panitikan”. Kinakailangang mabigyang-diin sa
mga mag-aaral kung paano nila binibigyang-kahulugan ang
bawat eksena mula sa dokumentaryo at ang mga pahiwatig
nito.
Isa pang mahalagang input may kinalaman sa estilo,
mga teknik at kaalamang teknikal ng isang dokumentaryong
pampelikula na may malaking epekto sa kabuuang
mensahe ng isang pelikula.
Ang guro ay maaaring magpakita ng mga aktuwal
na larawan mula sa mga pahayagan, magasins, internet o
mga video clippings ng mga pelikula upang ipakita ang mga
anggulong ito batay sa pagkakalarawan nito.
Iuugnay nito ang susunod na gawain.
Ang gawaing ito ay pagtukoy sa mga uri ng camera
shots & angles, ang mga pahiwatig nito ay mahalagang
matalakay upang mabigyang-diin maging ang mga
simbolismo na ginamit at pinalitaw sa pelikula.
Talakayin ang mahahalagang eksena sa pelikula.
Dapat na mga mag-aaral ang magpahayag nto.
MAHALAGANG IMPORMASYON:
(Ibahagi sa mga mag-aaral)
Sa pamamagitan ng Cinema Verite, terminong French na
ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng
pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject, upang
mas higit itong maging makatotohanan, naisakatuparan at naging
matagumpay ang pagsasagawa ng dokumentaryo at naipakita
nito ang tunay na kalagayan ng mga Aeta. Ang pagiging simple
at totoong mga pangyayari at aktuwal na pag-arte ng mga tauhan
at maging ang lokasyon o lugar ay pawang mga elemento na
nagbibigay kulay at tekstura sa buong pelikula. Ang mahabang
paglalakbay at paglalakad ng mag-ama sa mga baku-bako,
maalikabok at masukal na landas ay isang senaryo na
nagpapakita ng mabagal na pag-unlad at modernisasyon ng
ilang mga lugar na napag-iiwanan at napababayaan sa bansa.
Gayundin, ang tinatawag na functional literacy o pagkatuto na
nagagamit at angkop sa pamumuhay ay binigyang-diin. Bagamat
ito ay ipinakita sa sandaling panahon lamang dahil sa eleksyon,
ang pinaka-pokus pa rin ay ang pagbibigay at pagkakaloob ng
karapatan sa mga katutubo na makaboto sa unang pagkakataon.
(tingnan ang kalakip: Sinopsis ng Manoro)
Ang Ugnay-Wika ay pagtalakay sa bahaging
Gramatika ng isang aralin. Bigyang-diin ang wastong
paggamit at pag-uugnay-ugnay ng mga Komunikatibong
Pahayag.
Gayundin, ang kahalagahan nito sa pagpapahayag
ng mga saloobin, pananaw at bawat damdamin mula sa
akda at lalo na sa tunay na buhay.
Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng aplikasyon
ang mga mag-aaral sa kanilang pinag-aaralan. Idiin ang
kahalagahan ng Komunikatibong Pagpapahayag at kung
paano ito nagagamit sa tunay na buhay at sa lahat ng mga
transaksyon kaugnay nito.
Sa bahaging ito, mas lalo pang palalimin ng guro
ang pagtalakay at pagpapa-unawa sa mga mag-aaral ng
mga bisang pandamdamin, pansarili at pang-kapaligiran ng
mga mag-aaral at kung bakit iniuugnay ito sa lipunang
ginagalawan.
Sa bahaging ito, mas lalo pang palalimin ng guro
ang pagtalakay at pagpapa-unawa sa mga mag-aaral ng
mga bisang pandamdamin, pansarili at pang-kapaligiran ng
mga mag-aaral at kung bakit iniuugnay ito sa lipunang
ginagalawan.
Sa bahaging ito, maaaring ipasok ng guro ang iba
pang mga pelikula, maging ito man ay independent film,
short film, video advocacy at iba pang anyo nito. Tiyakin
lamang na akma at angkop sa edad ng mga mag-aaral ang
mga eksenang ipakikita.
Bigyang-pansin kung paano nagagamit ang mga
Komunikatibong Pahayag sa mga nabanggit na genre.
Pinakamahalaga na naiuugnay ang akdang
pampanitikan sa panahong kasalukuyan at sa tunay na
buhay. Ang Implikasyon nito sa Sarili, Pamilya at Lipunan.
Itanim sa isip ng mga bata na ang mga akdang
pampanitikan tulad ng “Manoro” (Ang Guro) ay isang
midyum sa hinahangad na pagbabago.
Matapos na matalakay ang akda, bigyang-diin na
mahalagang naikakapit ng mga mag-aaral sa kanilang sarili
at buhay ang akdang pampanitikan.Nangangailangan ang
pagkilos matapos itong matutuhan.
Dapat na mapalabas ng guro ang pagiging isang
lider ng kabutihan at adbokasiya sa pamayanang
ginagalawan upang magamit niya ang lahat ng natutuhan.
Ipaunawa sa mga mag-aaral ang paglikha ng isang
Sequence Script. Idiin sa kanila na lubha nila itong
kinakailangan sa pagbuo ng iba pa nilang mga kaugnay na
proyekto lalo na sa huling bahagi ng aralin.
Magpakita ng iba pang mga halimbawa kung
kinakailangan. Mahalaga rin na patiuna itong naunawaan at
napag-aralan ng guro.
Maaari ring magbigay ng iba pang mga sitwasyon at
pagawain ang mga mag-aaral ng kanilang sariling likhang
sequence script.
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pag-aaral ang
paglilipat ng kaalaman sa mga mag-aaral at ang aktuwal
nitong aplikasyon sa kanilang sarili at sa kanilang
pamumiuhay.
Batay sa ibinigay na direksyon, bigyang-laya ang mga
mag-aaral na lumikha ng kanilang sariling iskrip na
itatanghal sa klase na siyang magsisilbi ring pagsasanay
nila para sa lalo pang mapanghamong gawain sa huling
bahagi ng pag-aaral batay sa modyul na ito.
Ipasagot ang pangwakas na pagtataya bilang pagsubok sa
kanilang mga natutuhan sa araling ito ng Dokumentaryong
Pampelikula.
Susi sa Pagwawasto:
Establishing / Long Shot
Disenyong Pamproduksyon
Cinema Truth
Cinema Verite
Independent / Indie Films
Lenggwahe/Wika
Makabagong
Teknolohiya
Mga Suliranin at
Kalagayang Panlipunan
Prinsipyo at mga
Paniniwala
Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan ang tradisyunal ay
_______________________________________. Sa paglipas ng
panahon, nagkaroon ng mga pagbabago mula sa tradisyunal na uri ng
panitikan tungo sa popular dahil sa __________________________.
Nakatutulong ang panitikang popular upang ____________________.
Bilang isa sa mga kabataan, sisikapin kong ______________________.
Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga
likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan
ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat ang mga barangay
na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong
barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng
responsibilidad at paninindigan ng kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang
pinili ng barangay na maging kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng isang
multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit
ang multimedia na maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng
kabataan ng inyong barangay at mga paraan upang masolusyunan ang mga ito.
Ang materyal na iyong bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na
pamantayan: komprehensibong paglalahad, malikhaing paggamit ng wika,
kahusayang teknikal at praktikal na mga rekomendasyon.
Hayaan ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang kanilang
pakahulugan sa mga pahayag. Pagkatapos nito, hayaan silang
ipaliwanag kung bakit nila naisip ang ganitong
pagpapakahulugan. Maaari itong isagawa nang papangkat.
Maaari pa ring dagdagan ang mga pahayag na nakatala.
MAHALAGANG KAALAMAN PARA SA GURO:
Dapat nating mabatid na ang mga kapwa natin
katutubong mga Aeta ay mga Pilipino rin. Sa matagal na
panahon sila ay inakalang nabibilang sa mga taong hindi
sibilisado. Lahat ng mga pribilehiyo at benepisyo ng
pangkaraniwang mamamayan ay dapat lamang na kanila ring
tinatamasa. Kaya sa halip na sila ay ipagtabuyan, dapat lamang
na sila’y pahalagahan, pangalagaan at mahalin. Ito ang
mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood.
Nang gabing yaon ay nagdiwang ang tribu at inihanda
ang nahuling baboy-ramo. Sumayaw at humiyaw ayon sa
kanilang tradisyon at kinagawian. Sa pagdiriwang na yaon,
tinanong ng isang Aeta ang lolo ni Jonalyn kung bakit hindi siya
bomoto. Ang kanyang matapang, may prinsipyo at may
paninindigang kasagutan ay nagpakita at nagpadama sa kanya
na sa loob ng maraming dekada sila ay nakaranas ng
deskriminasyon, pagtratong minorya at pagtatangi, sa winika
nitong “dahil hindi ito makapagpapabawas at makapagpapababa
Ang bahaging ito ang magsisilbing sintesis ng
kabuuan ng modyul. Ang mga magiging kasagutan ng mga
mag-aaral sa bahaging ito ang sasagot sa mga
mahahalagang tanong na nakatala sa simula ng modyul.
Inaasahang maipaliliwanag nila ang pagbabago ng
tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa panitikang popular.
Maaari itong isagawa nang papangkat. Iatas sa bawat
pangkat ang isa sa apat (4) na salik na nakatala.
Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang kanilang
kasagutan sa gawain sa kanilang kwaderno. Maaari ring
magpasulat ng isang slogan kaugnay ng paksang
nakasaad. Ito ang magsisilbing paglalahat o sintesis ng
kanilang pag-aaral ng modyul.
Bigyang-pansin sa bahaging ito ang gampanin ng internet
bilang midyum kung saan maaaring naibabahagi sa marami ang
mga iba’t ibang uri ng panitikang popular. Maaaring ipa-post sa
mga mag-aaral sa internet (YouTube, Facebook o Twitter) ang
matatapos nilang gawain sa bahaging ito.
Sa loob ng kahon ay detalyado ang presentasyon ng
produkto ayon sa GRASPS. Kinakailangang ipaunawa ito sa mga
mag-aaral upang sila ay magabayan sa isasagawang pinal na
produkto.
Maaaring pumili ang mga mag-aaral kung print media
(KOMIKS) o video clip (Dokumentaryong Pantelebisyon o
Pampelikula) ang kanilang isasagawa.
Hayaang sumulat muna ang mga mag-aaral ng iskrip na
kanilang gagamitin upang mahasa rin ang kanilang kasanayan
sa pagsulat. Kung komiks ang bubuuin, hayaan muna silang
magplano sa magiging takbo ng mga pangyayari at mga
usapan/dayalogo.
Tandaan:
Dapat na maisaalang-alang ang mga mahahalagang paalala at
mga hakbang sa pagbuo at paglikha ng iskrip upang mas maging
epektibo ang gawa ng mga mag-aaral at naaayon sa mga
mahahalagang pamantayan.
Maaari pang pagbutihin ang mga pamantayan ayon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral ayon sa hinihingi ng
sitwasyon kung paano pa higit na magiging mas maayos at
maganda ang isasagawang produkto ng mga mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto:
B
A
C
C
D
A
D
D
B
D
A
C
B
A
C
B
A
D
A
D
126
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________
___
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___
__ ________________________
__________
________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_______

Contenu connexe

Tendances

DULOG AT ISTRATEHIYA
DULOG AT ISTRATEHIYA DULOG AT ISTRATEHIYA
DULOG AT ISTRATEHIYA Emma Sarah
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaJeremiah Castro
 
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxRenanteNuas1
 
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaPaggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaArlyn Duque
 
PANITIKANG POPULAR.pptx
PANITIKANG POPULAR.pptxPANITIKANG POPULAR.pptx
PANITIKANG POPULAR.pptxreychelgamboa2
 
447548811-3-Pagbuo-ng-Rubriks-at-Pamantayan-sa-Pagganap-COPY-pptx.pptx
447548811-3-Pagbuo-ng-Rubriks-at-Pamantayan-sa-Pagganap-COPY-pptx.pptx447548811-3-Pagbuo-ng-Rubriks-at-Pamantayan-sa-Pagganap-COPY-pptx.pptx
447548811-3-Pagbuo-ng-Rubriks-at-Pamantayan-sa-Pagganap-COPY-pptx.pptxDomMartinez4
 
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptx
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptxDOKUMENTARYONG PANRADYO.pptx
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptxCamilleAlcaraz2
 
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxKlarisReyes1
 
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptxEKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptxMarlonJeremyToledo
 
panandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxpanandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxreychelgamboa2
 
mahabang-pagsusulit-sa-filipino-7 (1).docx
mahabang-pagsusulit-sa-filipino-7 (1).docxmahabang-pagsusulit-sa-filipino-7 (1).docx
mahabang-pagsusulit-sa-filipino-7 (1).docxReychellMandigma1
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)faithdenys
 
Ang kababaihan ng taiwan
Ang kababaihan ng taiwanAng kababaihan ng taiwan
Ang kababaihan ng taiwanAnjNicdao1
 
KOMENTARYONG PANRADYO.pptx
KOMENTARYONG PANRADYO.pptxKOMENTARYONG PANRADYO.pptx
KOMENTARYONG PANRADYO.pptxrhea bejasa
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagJuan Miguel Palero
 
Salitang naglalarawan
Salitang naglalarawanSalitang naglalarawan
Salitang naglalarawanpink_angels08
 
Filipino 9 aralin 2- nobela
Filipino 9  aralin 2- nobelaFilipino 9  aralin 2- nobela
Filipino 9 aralin 2- nobelaKennethSalvador4
 

Tendances (20)

DULOG AT ISTRATEHIYA
DULOG AT ISTRATEHIYA DULOG AT ISTRATEHIYA
DULOG AT ISTRATEHIYA
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
 
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
 
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaPaggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
 
PANITIKANG POPULAR.pptx
PANITIKANG POPULAR.pptxPANITIKANG POPULAR.pptx
PANITIKANG POPULAR.pptx
 
447548811-3-Pagbuo-ng-Rubriks-at-Pamantayan-sa-Pagganap-COPY-pptx.pptx
447548811-3-Pagbuo-ng-Rubriks-at-Pamantayan-sa-Pagganap-COPY-pptx.pptx447548811-3-Pagbuo-ng-Rubriks-at-Pamantayan-sa-Pagganap-COPY-pptx.pptx
447548811-3-Pagbuo-ng-Rubriks-at-Pamantayan-sa-Pagganap-COPY-pptx.pptx
 
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptx
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptxDOKUMENTARYONG PANRADYO.pptx
DOKUMENTARYONG PANRADYO.pptx
 
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
 
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptxEKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
 
panandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxpanandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptx
 
mahabang-pagsusulit-sa-filipino-7 (1).docx
mahabang-pagsusulit-sa-filipino-7 (1).docxmahabang-pagsusulit-sa-filipino-7 (1).docx
mahabang-pagsusulit-sa-filipino-7 (1).docx
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
PPC_Ang Komiks.pptx
PPC_Ang Komiks.pptxPPC_Ang Komiks.pptx
PPC_Ang Komiks.pptx
 
Ang kababaihan ng taiwan
Ang kababaihan ng taiwanAng kababaihan ng taiwan
Ang kababaihan ng taiwan
 
elehiya ppt.pptx
elehiya ppt.pptxelehiya ppt.pptx
elehiya ppt.pptx
 
KOMENTARYONG PANRADYO.pptx
KOMENTARYONG PANRADYO.pptxKOMENTARYONG PANRADYO.pptx
KOMENTARYONG PANRADYO.pptx
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
Salitang naglalarawan
Salitang naglalarawanSalitang naglalarawan
Salitang naglalarawan
 
Filipino 9 aralin 2- nobela
Filipino 9  aralin 2- nobelaFilipino 9  aralin 2- nobela
Filipino 9 aralin 2- nobela
 
Konotasyon at Denotasyon
Konotasyon at DenotasyonKonotasyon at Denotasyon
Konotasyon at Denotasyon
 

En vedette

Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q309362523730
 
Mga elemento ng pelikula at gabay sa pagsulat
Mga elemento ng pelikula at gabay sa pagsulatMga elemento ng pelikula at gabay sa pagsulat
Mga elemento ng pelikula at gabay sa pagsulatJohn Kier Aquino, LPT
 
Mga Sangkap Ng Pelikula
Mga Sangkap Ng PelikulaMga Sangkap Ng Pelikula
Mga Sangkap Ng PelikulaVangie Algabre
 
Chronos Komiks for K+12 intro topics on DRR and CC
Chronos Komiks for K+12 intro topics on DRR and CCChronos Komiks for K+12 intro topics on DRR and CC
Chronos Komiks for K+12 intro topics on DRR and CCJoel Wayne Ganibe, MBA
 
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino VPagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino VKJ Zamora
 
Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikadionesioable
 
3rd quarterly examination in english 10 for students
3rd quarterly examination in english 10   for students3rd quarterly examination in english 10   for students
3rd quarterly examination in english 10 for studentsLorvenjay Aldefolla
 
K to 12 filipino grade 8 ppt. presentation
K to 12 filipino grade 8 ppt. presentationK to 12 filipino grade 8 ppt. presentation
K to 12 filipino grade 8 ppt. presentationDepEd
 
Unit 2 lesson plans2013
Unit 2 lesson plans2013Unit 2 lesson plans2013
Unit 2 lesson plans2013Donniesdolce
 
Semi detailed a day in the country
Semi detailed   a day in the countrySemi detailed   a day in the country
Semi detailed a day in the countryLorvenjay Aldefolla
 
Dokumentaryong pelikula
Dokumentaryong pelikulaDokumentaryong pelikula
Dokumentaryong pelikulaEagle Eye
 
Lesson Plan Sir Bambico
Lesson Plan Sir BambicoLesson Plan Sir Bambico
Lesson Plan Sir Bambicoguest9f5e16cbd
 
English grade 10 tg teaching guide unit 2
English grade 10 tg teaching guide unit 2English grade 10 tg teaching guide unit 2
English grade 10 tg teaching guide unit 2Angelo Wakasugi
 
Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganEleizel Gaso
 

En vedette (20)

Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3Grade 8 filipino module Q3
Grade 8 filipino module Q3
 
Mga elemento ng pelikula at gabay sa pagsulat
Mga elemento ng pelikula at gabay sa pagsulatMga elemento ng pelikula at gabay sa pagsulat
Mga elemento ng pelikula at gabay sa pagsulat
 
Mga Sangkap Ng Pelikula
Mga Sangkap Ng PelikulaMga Sangkap Ng Pelikula
Mga Sangkap Ng Pelikula
 
Chronos Komiks for K+12 intro topics on DRR and CC
Chronos Komiks for K+12 intro topics on DRR and CCChronos Komiks for K+12 intro topics on DRR and CC
Chronos Komiks for K+12 intro topics on DRR and CC
 
Tabloid
TabloidTabloid
Tabloid
 
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino VPagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V
Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V
 
Example Multiple-Mouse
Example Multiple-MouseExample Multiple-Mouse
Example Multiple-Mouse
 
Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wika
 
3rd quarterly examination in english 10 for students
3rd quarterly examination in english 10   for students3rd quarterly examination in english 10   for students
3rd quarterly examination in english 10 for students
 
K to 12 filipino grade 8 ppt. presentation
K to 12 filipino grade 8 ppt. presentationK to 12 filipino grade 8 ppt. presentation
K to 12 filipino grade 8 ppt. presentation
 
Long test in english
Long test in englishLong test in english
Long test in english
 
Unit 2 lesson plans2013
Unit 2 lesson plans2013Unit 2 lesson plans2013
Unit 2 lesson plans2013
 
Semi detailed a day in the country
Semi detailed   a day in the countrySemi detailed   a day in the country
Semi detailed a day in the country
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Dokumentaryong pelikula
Dokumentaryong pelikulaDokumentaryong pelikula
Dokumentaryong pelikula
 
DETAILED LESSON PLAN IN ENGLISH GRADE 10
DETAILED LESSON PLAN IN ENGLISH GRADE 10DETAILED LESSON PLAN IN ENGLISH GRADE 10
DETAILED LESSON PLAN IN ENGLISH GRADE 10
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Lesson Plan Sir Bambico
Lesson Plan Sir BambicoLesson Plan Sir Bambico
Lesson Plan Sir Bambico
 
English grade 10 tg teaching guide unit 2
English grade 10 tg teaching guide unit 2English grade 10 tg teaching guide unit 2
English grade 10 tg teaching guide unit 2
 
Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ Pahayagan
 

Similaire à Teaching guide, ikatlong markahan

FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdfFILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdfAngelKarlynCartago
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod1_Week 1.docx
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod1_Week 1.docxDLL_Filipino 8 _Q1_Mod1_Week 1.docx
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod1_Week 1.docxRizNaredoBraganza
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Aralin_3.1.docx mito alamat maikling kuwento
Aralin_3.1.docx mito alamat maikling kuwentoAralin_3.1.docx mito alamat maikling kuwento
Aralin_3.1.docx mito alamat maikling kuwentoJoemarOdiame3
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Mapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaMapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaRochelle Nato
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8
Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8
Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8Wyeth Dalayap
 
FilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfFilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfNoelPiedad
 
Mga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-Ng-Panitikan.ppt
Mga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-Ng-Panitikan.pptMga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-Ng-Panitikan.ppt
Mga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-Ng-Panitikan.pptLhysLeey
 
quarter 3 week 5 daily lesson log in Filipino
quarter 3 week 5 daily lesson log in Filipinoquarter 3 week 5 daily lesson log in Filipino
quarter 3 week 5 daily lesson log in FilipinoMaryJoyCorpuz4
 
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod2 - Week 2.docx
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod2 - Week 2.docxDLL_Filipino 8 _Q1_Mod2 - Week 2.docx
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod2 - Week 2.docxRizNaredoBraganza
 

Similaire à Teaching guide, ikatlong markahan (20)

FIL8 Q3 MODYUL1.pdf
FIL8 Q3 MODYUL1.pdfFIL8 Q3 MODYUL1.pdf
FIL8 Q3 MODYUL1.pdf
 
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdfFILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
FILIPINO8IKATLONGMARKAHANMODYUL1POPULARNABABASAHIN-.pdf
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod1_Week 1.docx
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod1_Week 1.docxDLL_Filipino 8 _Q1_Mod1_Week 1.docx
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod1_Week 1.docx
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
 
Aralin_3.1.docx mito alamat maikling kuwento
Aralin_3.1.docx mito alamat maikling kuwentoAralin_3.1.docx mito alamat maikling kuwento
Aralin_3.1.docx mito alamat maikling kuwento
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
 
Mapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaMapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiya
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
 
SANAYSAY.pptx
SANAYSAY.pptxSANAYSAY.pptx
SANAYSAY.pptx
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
 
Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8
Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8
Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 8
 
FilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfFilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdf
 
Mga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-Ng-Panitikan.ppt
Mga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-Ng-Panitikan.pptMga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-Ng-Panitikan.ppt
Mga-Estratehiya-Sa-Pagtuturo-Ng-Panitikan.ppt
 
quarter 3 week 5 daily lesson log in Filipino
quarter 3 week 5 daily lesson log in Filipinoquarter 3 week 5 daily lesson log in Filipino
quarter 3 week 5 daily lesson log in Filipino
 
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod2 - Week 2.docx
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod2 - Week 2.docxDLL_Filipino 8 _Q1_Mod2 - Week 2.docx
DLL_Filipino 8 _Q1_Mod2 - Week 2.docx
 

Teaching guide, ikatlong markahan

  • 2. 124
  • 3. 125 Bilang ng Modyul: 3 Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan… Tungo sa Kinabukasan Bilang ng Sesyon: 7 linggo Paalala: Ang Gabay ng Guro na ito ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at estratehiya na maaring gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa limang araw na panturo sa loob ng 50 minuto bawat sesyon. Iminumungkahi na higit na pagyamanin ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya na nakapaloob dito batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral upang sa gayo’y higit nilang maunawaan ang bawat aralin at gawain sa Modyul 3. Modyul Para sa Sariling Pagkatuto I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Pamantayang Pangnilalaman sa Pagtatapos ng Modyul 3: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa estilo, mekanismo, pamamaraang tekniko, at mga kaalamang teknikal ng mga panitikang popular. Pamantayan sa Pagganap sa pagtatapos ng Modyul 3: Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa pagbuo ng kampanya tungo sa kamalayang panlipunan (social awareness campaign) sa pamamagitan ng alinmang midyum ng multimedia. Gabay sa Pagtuturo ng Modyul Pokus na Tanong para sa Modyul 3: Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyonal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Paano nakatutulong ang mga panitikang popular sa pagpapaigiting ng kamalayang panlipunan? Mahalagang Konsepto para sa Modyul 3: Ang tradisyunal na panitikang Pilipino ay salalayan ng buhay, at ang panitikang popular ay pamamaraan ng pamumuhay. Bunsod ng pagpapalitang kultural, kapangyarihan ng teknolohiya, at pangangailangan ng pamayanang global, nagkaroon ng transpormasyon ang panitikang Pilipino mula tradisyonal tungo sa pagiging popular II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito Mga Aralin sa Yunit Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular ANTAS NG WIKA Ayon sa isang kilalang lingguwista, upang maiwasan ang panghuhusga sa halaga (judgement of value) ng iba’t ibang antas ng wika, nararapat na limitahan lamang ito sa tatlong antas ng wika. Narito ang sumusunod: 1. Pormal – wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obdyektib, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga 2. Di-Pormal – wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang2. Di-Pormal – wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiiksi lamang.ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiiksi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mgaTinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga okaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga okaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mgapariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mgapariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mgapariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito Alam mo ba na... Mayroong iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon. KONTEMPORARYON G DAGLI Mga Unang Katawagan Internasyonal na Pag-aaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli Lokal na Pag- aaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli Mga Katangian ng Naunang Dagling Katha Layunin ng mga Naunang Dagling Katha Layon ng gawaing ito na mataya ang dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa nilalaman ng Modyul 3. Ipasagot ang bahaging ito sagutang papel. Gayahin ang format. Maaaring gawing paligsahan sa klase ang pagsagot sa mga bugtong. Maaaring magsagawa ang guro ng pananaliksik sa mga kontemporaryong manunulat na nabanggit sa bahaging ito upang maibahagi sa mag-aaral ang buhay at mga naisulat ng mga ito. Makatutulong ang paggamit ng mga social networking site gaya ng Facebook upang madaling makaugnay sa mga manunulat na ito. Ipasulat ang inaasahang mahahalagang tanong para sa kabuuan ng modyul. Maaaring gamitin ang estratehiyang TOP 10 QUESTION sa bahaging ito. Ipasuri sa mga mag- aaral kung alin sa mga naisulat nilang tanong ang magkakatulad lamang. Sa ganitong paraan, tinuturuan na natin silang magbasa at magsuri at umunawa ng kanilang binabasa nang hindi nila namamalayan. Kinakailangang mapalabas ng guro sa bahaging ito ang inaasahang mahalagang tanong sa kabuuan ng modyul. Iminumungkahing magpakita ang guro ng mga halimbawang popular na babasahin gaya ng komiks, magasin, tabloid, mga aklat at iba pa upang kongkretong makita ito ng mga mag-aaral. Makabubuting ipakita rin ang apat na obra (Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo) sa bahaging ito upang makapagsagawa ng paghahambing ang mga mag-aaral sa tradisyunal na panitikan at panitikang popular. Ipagaya ang format ng sarbey sa gawaing ito. Layunin nito na matuklasan ng guro mula sa kanyang mag- aaral kung ano ang higit na popular na babasahin ang binabasa ng kaniyang mga estudyante. Mula rito, maaaring itanong ng guro ang mahalagang tanong na: “Bakit kinagigiliwang basahin ang mga babasahing popular? Hayaan lamang at tanggapin lahat ang sagot. Pagkatapos, ipagawa ang Gawain 2: Kahon ng Hinuha Ipasagot ang nasa loob ng Kahon ng Hinuha sa kanilang sagutang papel. Pagkatapos ng aralin, muling balikan ang gawaing ito at ipasagot ang nasa labas na bahagi ng kahon. Kung may mapansing pagkakamali sa mga isinagot ng mag-aaral hayaan mo lamang. Sa pagpapatuloy ng aralin ay hayaan mong siyang makatuklas kung ang pag-unawa ba niya ay wasto o mali. Ipabigay ang mga inaasahang produkto o pagganap ng mga mag-aaral matapos ang aralin. Ipasulat ito sa pisara at sa kanilang sagutang papel. Gabayan ang mga mag- aaral na ang kanilang magiging produkto ay isang Literary Folio mula sa iba’t-ibang akdang-pampanitikan na kanilang isusulat. Ilahad na rin sa mga mag-aaral ang pamantayan sa pagmamarka ng inaasahang produkto. Sangguniin sa huling bahagi ng aralin ang rubric. Ipasulat sa sagutang papel ang bahaging ito. Magkaroon nang maikling talakayan kaugnay ng mga gabay na tanong. Gabayan ang mga mag-aaral na maunawaan ang mahahalagang konsepto sa aralin. Magpadala ng makabagong komiks sa mga mag- aaral kung mayroon man sila sa bahay. Mahalagang makapag-print din kahit pabalat lamang ng mga sinaunang komiks upang mapaghambing ng mga ito ang komiks noon at sa kasalukuyan. Maaaring sumangguni sa internet ang mga guro para sa mga larawang pabalat ng mga halimbawang komiks. Higit na mainam kung ang silid- aklatan ng paaralan ay nakapagtabi ng mga komiks. Madaling makikita ng mga mag-aaral kung may pagkakaiba ba ang komiks noon sa kasalukuyan . Mahalagang maipakita sa mga mag-aaral ang bahaging ito upang maunawaan nila ang mga bahaging bumubuo sa komiks. Nang sa ganoon ay madali silang makagagawa ng sarili nilang komiks sa mga susunod na gawain sa araling ito. Kung may nais pang idagdag mula sa mga bahagi ng komiks na naibigay sa araling ito bilang karagdagang impormasyon sa mga mag-aaral ay maluwag na tinatanggap ng gabay na ito. Maaaring gamiting estratehiya sa bahaging ito ang Powerpoint Presentation o Movie Maker para maipakita ang ebolusyon ng komiks sa Pilipinas. Maaari rin namang magpakita ng mga larawang pabalat ng komiks na naibigay na takdang-aralin sa unahang bahagi ng gabay na ito. Makatutulong din ang pakikipanayam kay G. Gerry Alanguilan tungkol sa kalagayan ng Komiks bansa. Sangguniin sa Youtube ang link sa ibaba. http://www.youtube.com/watch?v=tbCXNQu8pI8 Pagkatapos na malagyan ng angkop na diyalogo ang mga lobo ng usapan sa komiks, pumili ng tatlong estudyante at ipabasa sa harap ng klase ang bawat istoryang kanilang naisulat. Pagbotohan sa klase kung alin sa tatlo ang may pinakamagandang diyalogong nabuo kaugnay ng ipinakikita sa mga larawan. Mahalagang may halimbawang magasin na maipakikita ang guro sa mga mag-aaral sa bahaging ito ng talakayan. Maging maingat sa pagpapakita ng mga larawang hindi angkop sa gulang ng mga mag-aaral mula sa ipakikitang mga halimbawang magasin gaya ng FHM at iba pa. Pumili ng isang kapaki-pakinabang na artikulo mula sa magasin na angkop na malaman ng isang Grade 8 na mag- aaral. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral na maraming impormasyon ang makukuha sa pagbabasa ng iba’t ibang magasin. PAALALA: Iwasan ang anumang pag-eendorso ng mga brand ng magasin. Hangad lamang natin sa bahaging ito na mailahad ang mga nilalaman ng bawat magasin at ang resulta ng sarbey na naisagawa upang makapagsagawa ang mag-aaral ng kaniyang KONTRA-SALIKSIK na makikita sa susunod na gawain sa araling ito. Itanong ang bahaging ito sa mag-aaral. Palitawin sa talakayan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tabloid, komiks at magasin. Muli, kinakailangang masagot ang mahahalagang tanong para sa araling ito upang higit na tumibay ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa aralin. Maaaring gamitin ang estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip sa pagtalakay sa Kontemporaryong Dagli at Ang Dagli sa Kasalukuyan.. Hatiin ang buong artikulo sa apat o limang bahagi. Bumuo ng mga tanong pagkatapos ng bawat bahagi hanggang sa matapos ang buong artikulo. Ipasagot/Ipagawa sa sagutang papel ang mga inihandang tanong at mga gawain na susubok sa kasanayan ng mga mag-aaral. Sundin ang mga format. Maaaring gawing pangkatang pagsusuri ang pagsagot sa mga gawaing inihanda sa bahaging ito. Bumuo ng sariling pamantayan ang guro para sa pagtataya ng pag- uulat sa bawat pangkat mula sa naging resulta ng pagsusuri ng bawat pangkat sa gawain. Iminumungkahing ipasadula ang pabula sa mga piling mag-aaral. Kung marunong gumawa ng animation sa computer ang mga mag-aaral, pagawan ito ng sarili nilang interpretasyon gamit ang teknolohiya. Maaari rin namang magpabuo ng komiks mula sa kuwento sa mga mag-aaral na mahusay gumuhit. Kung hindi magagawa ang mga iminumungkahi, maaaring gamitin ang estratehiyang Dugtungang Pagbasa sa bawat talata ng pabula. Palutangin sa huling bahagi ng pabula ang aral, mensahe at kaisipang nais ibahagi ng akda sa mga mambabasa. Ipasuri na rin ang antas ng wikang ginamit ng manunulat sa akda. Maaaring sangguniin ang aklat na “100 Kislap” ni Abdon M. Balde upang makapamili pa nang nais na lunsaran. Sa aklat din matatagpuan ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa kontemporaryong dagli. Sangguniin ang aklat na “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros Atalia na pinagkuhanan ng Skyfakes. Naglalaman ang aklat ng isandaang dagling katha. Maaaring makapamili ng kuwentong nais ipabasa sa mga mag-aaral. KARAGDAGANG KAALAMAN: Kung susuriin, higit na matimpi ang paggamit sa wika ng manunulat na si Abdon Balde Jr. kaysa sa manunulat na si Eros Atalia. May kinalaman kaya ang gulang/edad ng mga manunulat na ito sa estilo ng paggamit nila ng mga salita? Si Abdon ay kasalukuyang nasa kalagitnaang sisenta ang edad samantalang si Eros ay nasa kalagitnaan ng trenta ang gulang. Iminumungkahing magsaliksik pa ang guro sa buhay ng dalawang manunulat na ito bago ipabasa ang kanilang mga akda. PAALALA: Maaaring magsagawa ng pananaliksik ang guro tungkol sa ilang kritisismo ni Prof. Rolando Tolentino ng Unibersidad ng Pilipinas tungkol sa mga dagling katha sa Pilipinas. Maaaring sangguniin ang link sa ibaba: http://greatrefusal.multiply.com/journal/item/10?&show_interstitial=1&u=%2F Ipasulat sa sagutang papel o sa pisara ang mga salita o pahayag mula sa akdang binasa ang nagpapakita na pormal ang ginamit na wika ng manunulat. Bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na ilipat ang mga pormal na pahayag patungo sa di pormal na antas ng wika. Halimbawa: PORMAL: “Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka. DI-PORMAL: “Thanks, Tikang. Tayo ang mag- start ng new generation ng mga talangka. Bad trip kasi ang mga kalahi natin. Isang generation na walang hassle at walang basagan ng trip. Gets mo?” ang sabi ni Mokong Talangka Ipasadula ang kuwentong ito sa mga piling mag- aaral. Kung mayroong kapasidad ang paaralan sa teknolohiya, maaaring pagawaan ito ng movie clip upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang kuwento. Layon ng bahaging ito ng aralin na mapalutang ang iba’t ibang isyung panlipunan gaya ng sumusunod: HIV and Drug Prevention Peace Education Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino PAALALA: Iminumungkahing gabayan ang mga mag- aaral sa pagbabasa/panonood sa kuwentong ito. Makabubuting magkaroon din ng pahapyaw na pagtalakay sa mga nasabing isyung panlipunan na matatagpuan sa kuwento. Hangga’t maaari’y maimulat ang mga kabataan sa mga isyung ito upang hindi sila maging biktima ng mga ganitong karanasan. Sa pamamagitan ng inihandang mga gawain pagkatapos mabasa ang kuwento, kinakailangang mapatunayan ng mga mag-aaral na may pakialam siya sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Mula sa kuwento, hahalaw siya ng iba’t ibang akda, balita, artikulo, komiks at dagling katha na magiging daan upang masolusyonan ang mga nakikitang suliranin sa kuwento. Gayundin, inaasahan na gagamitin ng mag-aaral ang pormal na wika upang matamo ang responsableng gamit ng wika. Iminumungkahing ipasulat ang akda sa manila paper kung pangkatan ang gagamiting teknik ng guro. Kung isahan, ipasulat ito sa bond paper. Ang matatapos na produkto sa bahaging ito ay maaaring ilahok sa gagawing Literary Folio ng buong klase. SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA PANIMULANG PAGTATAYA 1. A 6. A 11. D 16. C 2. C 7. B 12. B 17. B 3. C 8. C 13. C 18. B 4. C 9. A 14. B 19. B 5. D 10. A 15. B 20. A Ipasagot ang dalawampung aytem (20) na Paunang Pagsusulit. Ipaliwanag ang panuto. Makabubuting magsagawa ng item analysis pagkatapos na maiwasto ang sagutang papel upang mataya kung aling kasanayan ang lilinangin sa mga mag-aaral. SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA GAWAIN 1 1. Pelikula 2. Komiks 3. Telebisyon 4. Internet 5. Radyo 6. Tabloid 7. Magasin Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain. Ang mga kasanayang nakatala ay ang mga kasanayang lilinangin sa mga mag-aaral sa araling ito. Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa Susi sa Pagwawasto: Komiks Tabloid Dagli Magasin Ang mga mag-aaral ay inaaasahang matututo ng ilang mga pamamaraan sa pagbuo ng mga panitikang popular sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito (nakasaad sa pamantayang pangnilalaman) na kanilang magagamit sa pagbuo ng isang produkto sa katapusan ng kanilang pag-aaral (nakasaad sa pamantayan sa pagganap) Ang mga mahahalagang tanong ay naglalahad ng mga kaisipang inaasahang masasagot sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito. Ang mga araling nakatala ang magiging saklaw ng mga magiging pagtalakay at mga gawain sa modyul na ito. Ang bawat aralin ay nakatuon sa iba’t ibang aspekto ng kulturang popular (kontemporaryong babasahin, broadcast media at dokumentaryong pampelikula). Bawat paksang nabanggit ay may kaakibat na aralin sa wika na makatutulong sa lalong pagsusuri at pag-unawa sa mga ito. Makikita sa konseptwal na balangkas ang magiging tuon ng pagtalakay sa kabuuan ng modyul. Matapos masagutan ang crossword puzzle, hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga nalalaman kaugnay ng mga naitalang kasagutan. Maaaring tanungin kung sila ba ay isa sa mga tumatangkilik ng mga ito at kung bakit ang mga ito ay popular sa kasalukuyan. Maaaring hayaang maglahad ang mga mag-aaral na kanilang mga opinyon kaugnay ng mga pagbabago sa larangan ng panitikan sa ating bansa. Maaaring paghambingin ang kalagayan ng panitikan noon at sa kasalukuyan. Tanggapin lamang ang kanilang mga magiging sagot. Hayaang matuklasan nila ang kasagutan sa mga katanungan sa pag-usad ng pagtalakay. Literary Folio ng Aming Barangay Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales Lungsod ng Mandaluyong KALSADA-PASADA (Mga Akdang Napulot sa Kalsada) Literary Folio 2012 P1 . 1 – Pinipilahan ng mga manonood, sa pinilakang tabing ito’y itinatampok! 2 – Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan. Tunay na kinagigiliwan ng kabataan! 3 – Kuwadradong elektronikong kagamitan.Tampok ay iba’t ibang palabas na kinaaaliwan! 4 – Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag-Fb, Twitter o magsaliksik pa. 5 – Musika’t balita ay napapakinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa! 6 – Maliit na dyaryong inilalako sa daan; balita, tsismis at iba pa ang laman. 7 – Pabalat nito’y may larawan pa ng sikat na artista. Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang paksa. 4 . 5 . M B G L T T D 7 . 2 . 3 . 6 . Mga Bugtong: Maaaring isagawa ang gawaing ito nang papangkat. Hayaang suriin ng mga mag-aaral ang tradisyunal at popular na uri ng panitikan sa iba’t ibang mga aspektong nabanggit (paksa, wika at paraan o midyum). Maaari rin silang magtanghal o magbahagi ng ilang mga halimbawa ng panitikan noon at sa kasalukuyan. Tradisyunal na Panitikan Panitikang Popular __________________________ __________________________ _____ _________________________ _________________________ _______ ______________________ ______________________ _____________ ______________________ ______________________ _____________ ____________________ ____________________ _________________ ______________________ ______________________ _____________ Paksang Tinatalakay Wikang Ginagamit Paraan/Midyum sa Paghahatid REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na mga Babasahin Pahayagan(tabloid) Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika Pormal Di-Pormal Popular (balbal) Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino a. Panitikan: Komentaryong Panradyo Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag Panitikan: Mga Popular na Babasahin Pahayagan (tabloid/ broad sheet) Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli Wika: Antas ng Wika Pormal Di-pormal (balbal) Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Produkto/Pagganap: Literary Folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng barangay. Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino RADYO TELEBISYON Panitikan: Komentaryong Panradyo Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Konsepto ng Pananaw Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal Dokumentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon Paboritong Palabas sa Telebisyon: _____________________________ _____________________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: _____________________________ _____________________________ _____________________________ Paboritong programa sa Radyo: ___________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: ___________________ ___________________ _ naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayannagpalabas ng variety shownagpapalabas ngnaghahatid ng naghahatid ng napapanahongnagpapalabas ng pelikula nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksanagpapahatid ng mganagpapakinig ng mga awitnagpapakilala ng http://www.tv5.com.ph/ click radyo5 http://www.interaksyon.com/article/42031/teodoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of-foi tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-s14674/ radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-92-3-news-fm-online/ Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa: 1) Pamagat ng paksang tinalakay; 2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan TV PatrolART AngelMatanglawin Rated KTalentadong PinoyTeen Geni - WitnessXXXUmagang KaygandaWeekend Getaway kaisipan kaisipan kaisipan kaisipan kaisipan kaisipan BROADCAST MEDIA RADYO TELEBISYON MGA ASPEKTO: pagbibigay ng impormasyon pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin paglalatag ng mga solusyon sa mga pangunahing suliranin aksiyong naisagawa/solusyon sa mga ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko) AngAng Broadcast MediaBroadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw naay nakatutulong sa ating araw-araw na Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay naatasang magsaliksik kaugnay ng mga napapanahong isyu sa ating bansa. Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon. Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo – ang KABOSES. Kung ikaw naman ay makikiisa sa pagbuo ng dokumentaryong pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa KABOSES Station Channel 8. Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon: Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba? Pulis Pinoy, Mapagkakatiwalaan Pa Ba? Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad? Mag-aaral na Pinoy, Responsable Pa Bang Estudyante? Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat nito.. Narito ang mga inaasahang kasanayan ng bawat isang mag-aaral na malilinang sa pamamagitan ng pag-aaral ng modyul na ito. Sa panimulang pagtataya sa bawat aralin, susukatin ng guro kung hanggang saan na ang kaalaman ng mag-aaral kaugnay ng paksang tatalakayin. Inaasahang marami sa mag-aaral ang may sapat ng kaalaman at kakikitaan ng sigla upang alamin pa ang susunod na mga paksa. Kung may ilan na di ganap ang kahandaan at kaalaman, iminumungkahing maging malikhain ang guro upang maipakilala sa mag-aaral ang mga kakailanganin upang lubos na maunawaan ng mag-aaral ang mga talakayan. Iayon ito sa kanilang pangangailangan. Susi sa Pagwawasto: Telebisyon (pahalang) Dokumentaryo (pahalang) Radyo (Pahilis na paitaas) Musika (patayo) Balita (pahalang) Hikayatin ang iyong mga mag-aaral na ibahagi sa buong klase ang mga bagay na kanila ng nalalaman kaugnay ng radyo at telebisyon. Maaari mo itong gawing interaktibong talakayan. Hatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng limang (5) minuto upang magtalakayan at magpalitan ng kaalaman. Himukin silang isulat ang kanilang sagot sa mga strips ng cartolina (gawing masmakulay ito para maging kaakit-akit sa mga mag-aaral). Matapos nito, ipadikit sa pisara ang mga cartolina strips ng bawat pangkat. Ang unang pangkat na makapagdikit ng lahat ng kanilang cartolina strips ang unang magtatalakay ng kanilang mga sagot. Gamit ang cartolina o manila paper kopyahin ang talahanayan at ipakopya sa mga mag-aaral sa kanilang kwaderno. Pasagutan ito nang isahan o individual.alika ag huling hanay (Ano ang aking natutuhan?) sa katapusan ng pagtalakay sa aralin. Sa gawaing ito, maaring iguhit nang mas malaki ang larawan ng radyo upang maging tampok sa gagawin mong talakayan. Maari ka ring magpakita ng tunay na radyo (nakabatay ito kung mayroon kang magagamit na materyales). Matapos makilala ng mga mag-aaral ang mga bagay na naihahatid ng radyo sa mga tao, hikayatin mo ang mga bata na ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga ito. Narito ang ilang mga kasagutan: Paghahatid ng musika – kadalasang nakikinig tayo lalo na kayong mga kabataan ng musika sa radyo, lalo na nakabatay ito sa tinatawag nating “mood” kaya nga may iba’t ibang uri ng musika na inyong pinapakinggan, gaya ng pop,rnb.rock,hip-hop at mga senti-love songs. (maaring maging daan ito upang ang imahinasyon ng mga mag- aaral ay magsimulang mabuhay at magkaroon kayo ng masayang talakayan Paghahatid ng balita Pagpapakilala ng mga produkto Pagpapahatid ng mga panawagan Paghahatid ng pulso ng bayan Ang radyo ang nagsisilbing orasan ng marami sa ating mga kababayan lalo na sa mga nayon kaya masasabing ito ay mahalaga din sa pagbibigay-hudyat. Sa tulong ng KWHL Sheet, alamin ang mga nais pang matutunan at maunawaan ng iyong mag-aaral. Hikayatin silang nais mong bigyan nila ng tugon ang tanong na sa loob ng kahon. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum ng KWH. Sagutin lamang ang huling kolum, ang L matapos na mapag-aralan ang araling ito. Ibigay na takdang-aralin ang pagrerekord o pagbasa nang may damdamin ang iskrip panradyo sa 2 mag-aaral na mahusay sa pagsasalita (maari din naman na ang guro ang mag record ng iskrip) at iparinig ito sa klase. Gawing makatotohanan ang pagbabasa sa iskrip at lagyan ng angkop a damdamin. Maaaring magtago sa likod ng silid aralan ang 2 batang magbabasa ng iskrip. Siguruhin na walang isa man sa mga mag-aaral ang makakikita ng mga tagapakinig.Maari ring gumamit dito ng Venn Diagram sa paghahambing ng mga positibo at negatibong pananaw. Halimbawa ng positibong pahayag: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal. Halimbawa ng negatibong pahayag: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon! Ang Komentaryong Panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportinidad sa mga kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay-opinyon ayon kay Levy ay maktutulong ng malaki upang ang mga kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw. Ang mga link na nasa module ay maari mong hanapin sa internet, upang mapakinggan ng mga mag-aaral ang programang panradyo na may kaugnayan sa talakayan. Isang halimbawa ang “Punto por Punto” ni Anthony Taberna sa DZMM. Kung wala namang koneksiyon ng internet sa inyong paaralan, maaaring gumamit ng radyo at ilagay ang talapihitan ng radyo sa AM. Ang “Kwentuhang Midya” ay isang uri sulating nagsasaad ng opinyon sa paraang nakikipag-usap sa mga mambabasa o conversational style (Maaaring maghanap ng iba pang sipi na may katulad na format na tumatalakay sa mga isyung higit na napapanahon at may kaugnayan sa mga mag-aaral.) Bumuo ng limang pangkat, bigyan ng limang minuto bawat grupo upang makapagpalitan ng kuro-kuro kaugnay ng kanilang binasa. Pumili ng isang mag-aaral bawat pangkat upang maging tagapagsalita ng bawat grupo. Bibigyang-daan ng gawaing ito ang pagtalakay sa araling pangwika. Maari pang dagdagan ang mga halimbawa ayon sa kinakailangan ng iyong mga mag-aaral. Gamitin ang mga napapanahong isyu upang bumuo ng mga mas makabuluhang halimbawang pangungusap. Maaaring palawikin ang pagtalakay ng panitikang popular sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga impluwensya ng radyo, bilang isang midyum ng broadcast media, sa pagpauso ng ilang mga pahayag (gaya ng Bisyo na ito! at iba pa), paraan ng pagsasalita (Taglish o kaya naman ay ang paghahalo ng mga wikang lalawiganin sa pagsasalita, gaya ng Ay, Ambot! at iba pa), at lalo pang pagpapatanyag ng ilang mga usapin o isyung nagaganap sa kasalukuyan. Balikan ang mga mga naging kasagutan ng mga mag- aaral sa naunang gawain kaugnay ng KWHL. Maaaring isagawa ang gawain nang dalawahan. Maaaring ang isang mag-aaral ay maglalahad ng mga positibong pananaw at ang isa naman ay maglalahad ng mga negatibong pahayag kaugnay ng isyung napili. Maaaring ipabasa nang malakas at may damdamin ang iskrip na mabubuo. Bigyan ng pansin dito ang pagkakagamit ng mga mag- aaral sa mga salitang nagpapakilala sa konsepto ng pananaw. Bigyan din ng pansin ang linaw ng paglalahad. Bigyan ng timbang ang kahalagahan ng paglalahad nang may angkop na emosyon sa pagiging mabisa ng pagpapahayag. Kung ipapabasa ang iskrip sa mga mag-aaral, maari ring makatulong ang mga sound effects o background music sa lalo pang pagpapaganda ng presentasyon. Maaari itong gawin sa tatlong bahagi, una sabihin sa mga mag-aaral na tukuyin ang mga programang pamilyar sa kanila at isulat ito sa isang buong papel. Ikalawa, matapos nilang makapaglista ng kanilang mga sagot; pangkatin sila ayon sa pagkakatulad ng mga programang kilala nila. Ikatlo, bigyan sila ng tiglilimang minuto upang ipakilala sa buong klase ang mga programang pamilyar sa kanila sa pamamagitan ng maikling paglalarawan tungkol sa programa at sa dahilan kung bakit ito pinanonood. Art Angel (Children Show) - mga programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin ay makuha ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyang impormasyon. i-Witness (Documentary Program) - programang naglalayong maghatid ng komprehensibo at etratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay. Matanglawin (Educational Program) - tumatalakay sa mga bagay na noong una ay pinag-aaralan lamang sa pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon. Rated K (Magazine Show) - isang programang pantelebisyon na nagpe-presinta ng iba’t ibang isyung napapanahon, may kaunting panayam at komentaryo. Umagang Kayganda (Morning Show) - tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat nang live tuwing umaga ang mga mamamahayag na naglalayong makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon. TV Patrol (News Program) - naghahatid ng napapanahong kaganapan o panyayari sa loob at labas ng bansa, may mga ilang panayam din at komentaryo. XXX (Public Service Program) - naghatid ng tulong sa mga mamamayan o maging daan sa pagpapahatid ng tulong. Weekend Getaway (Travel Show ) - naglalahad ng paglalakbay sa iba’t ibang bayan o bansa at pagpapakilala sa mga produkto na matatagpuan dito. Talentadong Pinoy (Variety Show) – nagbibigay ng tuon sa patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit. Teen Gen (Youth Oriented Program) –nakatuon sa pagtalakay sa isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito ay ang kanilang buhay pag-ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng eksena sa pagpapahalagang pangkatauhan o moral values. Maaaring itong isagawa nang papangkat. Ipasuri sa mga pangkat ang pagkakatulad ng mga palabas ayon sa layunin nito. Maaari ring hayaang gumanap ang mga mag- aaral bilang mga hosts ng mga napiling palabas at magtanghal ng ilang mga natatandaang episode o eksena mula dito. Bigyang-pansin ang nagiging papel ng mga palabas na ito sa pagsisiwalat ng mga isyung panlipunan, paghahatid nito sa pamahalaan at sa paghahatid ng solusyon sa mga ito. Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa araling ito. Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal,Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawangpangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan atimpluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mgapananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mga programa sa telebisyon. Dokumentaryong Pantelebisyon –okumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas naglalayong maghatid ngMga palabas naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay atkomprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at Ang sanaysay na ito ay isang paglalarawan kaugnay ng kalagayan ng isang liblib o tagong lugar sa Mindoro. Ang mga kakulangan ng lugar na ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at maging ng mga guro. Ang hirap ng buhay sa ilang, ang tiyaga ng isang mag-aaral upang makatapos ng pag-aaral at ang patuloy na pagsisikap ng guro na maibigay ang pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral. Kung hindi naman makita ang link na nabanggit, maaring kumuha ng mga dokumentaryong palabas na mapapanood ng mga mag-aaral. Tiyakin lamang na kapupulutan ito ng aral at magiging isang mabuting motibasyon sa kanila upang magsikap na makatapos sa kanilang pag-aaral. Maaaring gumamit ang guro ng iba pang lunsaran at iba pang mga sites sa pagpapaliwanag sa paksa. Maaari ring magsaliksik ang mga mag-aaral sa internet kung ibibigay ang ito bilang takdang-aralin bago ang pagtalakay. Hayaang buuin ng mga mag-aaral ang mga pahayag batay sa kanilang naging pagkatuto. Pagkatapos, suriin ang pagkakabuo ng mga pahayag sa tulong ng mga piling salita gaya ng dahil sa, para at iba pa. Ito ay magsisilbing pagpapakilala sa aralin sa wika na tatalakayin sa susunod na bahagi. Maaaring bumuo ang mga mag-aaral ng mga halimbawang pangungusap batay sa mga napanood na dokumentaryo upang higit pang mapalawak ang mga kaisipang kanilang natutuhan mula sa mga ito. Bigyang-pansin sa bahaging ito ang gamit ng mga salitang nagpapakilala ng ugnayang lohikal sa pagpapahayag ng kaisipan. Maaaring gamitin ang mga larawan na nagpapakita ng mga napapanahong kaganapan, kalamidad, isyu sa pamahalaan at iba pang isyung panlipunan upang maging mulat ang mga mag-aaral sa mga nagaganap sa bansa. Maaari ring isagawa ang gawain sa pamamagitan ng pagganap o pagtatanghal. Hayaan ang mga mag-aaral na itanghal ang kanilang nabuong dokumentaryo ayon pa rin sa napagkasunduang pamantayan. Bigyang-pansin sa bahaging ito ang pagkakagamit ng mga salitang nagpapakilala ng kaugnayang lohikal sa paglalahad. Maaaring bigyan din ng pansin ang kaangkupan ng mga eksena sa pagpapaigiting ng kaisipang nais ibahagi sa dokumentaryo at ang angkop na pagganap ng host at ng mga gaganap sa dokumentaryo (kung ito man ay isasagawa sa pamamagitan ng pagtatanghal). Sa bahaging ito, susuriin ang gampanin ng radyo at telebisyon bilang mga midyum ng broadcast media sa paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon sa madla at pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan. Maaari itong isagawa nang papangkat. Hayaan ang mga mag-aaral na magsuri sa gampanin ng broadcast media sa mga nakatalang aspekto. Maaaring hatiin ang klase sa lima (5) at hayaan silang magpalitan ng ideya kaugnay ng isa sa mga nakatalang aspekto (mag-atas ng isang aspekto sa bawat pangkat). Pagkatapos, maaaring ibahagi sa klase ang napagkasunduan ng pangkat. Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa gawaing ito sa kanilang kwaderno. Maaari ring hayaan silang sumulat ng slogan na nagpapaliwanag sa gampanin ng broadcast media sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa. Hayaang pumili ang mga mag-aaral sa midyum na kanilang gagamitin para sa gawaing ito (komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon) . Maaaring ipa- record (tape recorder kung sa radyo at video recorder naman para sa telebisyon) ang nabuong iskrip o kaya naman ay ipatanghal na lamang sa klase sang-ayon sa kakayahan ng mga mag-aaral. Maaaring baguhin o dagdagan ang mga pagpipiliang paksa sang-ayon sa napapanahong isyu. Tiyakin lamang na ito ay argumentatibo o maaaring sang-ayunan o di sang- ayunan upang masanay ang kakayahan ng mga mag-aaral na magsaliksik at mangatwiran sang-ayon sa panig na nais nilang ipahayag. Maaaring mabago ang bahaging ito ng rubrik na gagamitin sang-ayon sa inaasahang produkto ng mga mag- aaral (kunf recorded o pagtatanghal ang isasagawa). Maaaring ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa pagsusulit na ito sa isang buong papel upang matiyak ang kanilang naging pag-unawa sa kabuuan ng aralin. Ang mga mahahalagang konseptong nakatala ay ang konseptong nais maikintal sa isipan ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin. Ito ang inaasahang magiging sentro ng lahat ng gawain sa modyul. Ang mga kasanayang nakatala ay ang mga kasanayang inaasahang malilinang sa mga mag-aaral sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito. Nakatala dito ang mga aralin na tatalakayin sa bahaging ito ng modyul. Nakatala ang aralin sa panitikan at ang awalin sa wika na magiging saklaw ng pagtalakay. Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain. Ang mga araling nakatala ang magiging saklaw ng mga magiging pagtalakay at mga gawain sa modyul na ito. Bawat paksa may kaakibat na aralin sa wika na makatutulong sa lalong pagsusuri at pag-unawa sa mga ito. Susi sa Pagwawasto: Komiks Dagli Salitang Impormal Salitang Balbal Sagot: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3 _________________________ _______________________________________ _______________________________________ ______________Anu-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang tumatak sa iyong isipan. Maglarawan ng dalawa (2) at ipaliwanag kung bakit. _________________________ ______________ _________________________ ______________ Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang isang tanong na nais mong tanungin sa mga tao sa likod ng mga pelikula o palabas na ito? _________________________ _________________________ 2 1 Alin sa mga palabas o pelikula na nakalarawan ang iyong kinagigiliwan? Magbigay ng tatlo (3) at ipaliwanag kung bakit. DOKUMENTARYO Mga Elemento ng Pelikula: Sequence Iskrip – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood. Iba pang mga Elemento: Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula. ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. 7. Birds Eye-View – Maari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid. 8. Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo. Uri ng Kuha: _______________________ Nais Ipahiwatig: ________________________________ ________________________________ Uri ng Kuha: _______________________Nais Ipahiwatig: ________________________________ ________________________________ Uri ng Kuha: _______________________ Nais ipahiwatig: ___________________________________ _________________________________ “Ama mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan!”1. “Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin siya sa pagboto.”2. “Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon.”3. “Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi naman ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.”4. “Ang sampagitang ito ay para sa mga ga-gradweyt lamang, isuot mo, huwag kang mahiya, bagay sa iyo ito.”5. “ O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng pananghalian natin.” 6. “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao” “Apo Namalyri Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo Makapangyarihang Isa Kami ngayo’y nangagtipon Dito sa aming taniman Kayo lamang ang makatutulong sa amin” “Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon.” _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _____________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ “AKO MISMO, BATANG LIDER” MANORO (Ang Guro) Dokumentaryong Pampelikula IMPLIKASYON Kaugnayan sa Tunay na Buhay SARILI LIPUNANPAMILYA ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________Uri ng Kuha: _______________________ Nais Ipahiwatig: ________________________________ ________________________________ DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA Katuturan ng Dokumentaryong Pampelikula Mga Uri ng Pahayag Mga Pamantayan sa paglikha ng “Sequence Script” para sa Dokumentaryong Pampelikula Kaligirang Pangkasaysayan Mga Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas saPaano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas sa pamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang amapamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan moBilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan mo na nagtataglay ng “kawalang-alam” (illiteracy) lalo na sa pagbasaBilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang mahusay na lider at Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang isang uri ng media tulad ng Dokumentaryong Pampelikula na bahagi ng ating kultura at panitikang popular? Pahayag: _____________________________ Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________ Pahayag: _____________________________ Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________ Pahayag: ______________________________ Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________ Pahayag: ______________________________ Paliwanag/Interpretasyon:___________________________ Ang Aking Repleksyion … ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain. Itanim sa utak ng mga mag-aaral ang mga konseptong ito upang magkaroon din ng direksyon ang kanilang pag-aaral. Nakatala dito ang mga aralin na tatalakayin sa bahaging ito ng modyul. Nakatala ang aralin sa panitikan at ang awalin sa wika na magiging saklaw ng pagtalakay. Narito ang mga inaasahang kasanayan ng bawat isang mag-aaral na malilinang sa pamamagitan ng pag-aaral ng modyul na ito. Idiin sa kanila na kailangan itong maisakatuparan. Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa araling ito. PAALALA: Bigyan ng pangunahing ideya ang mga mag- aaral sa mga paksang nakapaloob dito. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtataya upang masukat ng guro ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa aralin. Susi sa Pagwawasto: Dokumentaryo 4. Brillante Mendoza Student Independent Film 5. Coco Martin Iskrip Magsisilbi itong gabay ng guro sa kanyang mga mag-aaral at kinakailangang masagot sa iba’t ibang bahagi ng pag-aaral. Sa pamamagitan nito, naikikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang aspeto at mga kaalaman na dapat matutuhan. Dito na ngayon pumapasok ang kaalamang teknikal na unang binanggit sa mga gabay na tanong. Ito ay isa sa pinakamahalagang input na dapat matutuhan ng mga mag- aaral dahil malaki ang bahaging ginagampanan nito sa iba pang mga kaugnay na aralin. PAALALA: Maaari ring ipasuri sa mga mag-aaral ang pinanood na Dokumentaryong Pampelikula batay sa mga tinalakay na elemento. Kinakailangang maibahagi nila sa klase ang kanilang isinagawang kritiko at pagsusuri tungkol sa aralin. Pagkatapos maipasuri ang “Manoro” (Ang Guro) bilang Dokumentaryong Pampelikula, maaari pang magpasuri ng ibang mga pelikula o dokumentaryo ang guro upang higit pang mahasa ang kakayahan sa pagsusuring analitikal ng mga mag-aaral. ALAM MO BA... Na upang mas mabisa ang pagsusuri ng isang pelikula o anumang genre, maaari mo itong ibatay ayon sa mga Dimensyong Panliteratura? Ito ay ipasuri ayon sa mga sumusunod na aspeto o dimension: Panlipunan / Sosyolohikal Pangkaisipan / Sikolohikal Kalagayang pang-ekonomiya Pansarili / Personalisasyon Pangkasaysayan / Historikal Ang gawaing ito ay ang aktuwal na pagsukat sa paunang kaalaman ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga larawan ay mapanunumbalik sa kanilang memorya kung ano ang kanilang naalala kapag ipinakita ang mga larawang ito na hango mula sa mga pelikula (documentary films, independent, indie films at maging ng mga tinatawag nating commercial films). Inilaan ang 3-2-1 Chart upang makuha ang mga bagay na nagustuhan, mga pananaw at mga mahahalagang aral at kaisipan na nakuha at napulot ng mga mag-aaral. Mahalagang Paalala: Ang guro ay dapat na magpakita ng mga makukulay at magagandang larawan upang magkaroon ng natatanging interes ang mga mag-aaral. Maaaring isagawa sa pamamagitan ng powerpoint presentation. Magpakita ng iba pang kaugnay na larawan na sa palagay mo ay uukit sa kaisipan ng mga mag-aaral. Sa bahaging ito ay ginamit ang dayagram na magsisilbing patnubay kapwa ng mga guro at mag-aaral upang ipaghambing ang “dokumentaryo” mula sa “pelikula” nang sa ganoon ay makuha ang pananaw ng mag-aaral kung paano nila binibigyang-kahulugan ang isang dokumentaryo mula sa pelikula. Mahalagang mabatid ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito. Sa pamamagitan nito ay naiuugnay ng guro ang susunod na aralin kung paano ito nagging isang Dokumentaryong Pampelikula. Ang gawaing Ihasip, (Ihambing at Isaisip) ay malaking tulong sa mag-aaral na magtutugma sa mas malalim pang pag-aaral kaugnay ng paksa. Ipasagot ito lahat. Ang kasunod na proseso o lebel ng pag-aaral kung saan pinauunlad ang kabatiran at kaalaman ng isang bata sa mas masusing pagkatuto. Direktang tukuyin sa mga mag-aaral na ang unang gawain ay ang pagbabasa ng akdang pampanitikan. Ngunit mahalagang bigyan muna ng kaligirang kasaysayan at kabatiran ang mga mag-aaral sa kung ano ang akdang pampanitikan na kanilang babasahin at pag-aaralan. Bigyan sila ng ilang ideya at impormasyon tungkol sa akda upang maitanim sa kanilang puso’t isipan ang mahahalagang kaisipan nito habang ito ay patuloy nilang pinag-aaralan bilang gabay sa pagtalakay sa aralin. Alam mo ba... (Talakayin matapos mabasa ang akda) Nang pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1992, marami sa mga kapwa katutubo nating Aeta ang napilitang lumikas mula sa kabundukan tungo sa kapatagan sa mababang bahagi ng Pampanga. Nagbigay naman ito ng pagkakataon sa mga batang Aeta na sila ay makapag-aral sa mga paaralan sa bayan na malapit dito. Ang karakter na si Jonalyn sa pelikula bilang isang batang Aeta na nagnanais taglay ang mabuting hangarin na maturuang bumasa at sumulat ang kanyang mga kababayan, lalo na ang mga nakatatanda upang sa unang pagkakataon sa kanilang tanang buhay ay magamit ang karapatang ipinagkaloob sa kanila ang makaboto sa nalalapit na eleksyon sa taong 2004. Maging ang mismong mga sarili niyang magulang ay kinakailangang turuan ni Jonalyn, lalo na ang kanyang ama na kinakailangang makapagtrabaho. Kaya naman, si Jonalyn ay nagtungo sa tahanan ng mga katutubo upang sila’y turuan kung paano sinusulatan ang mga sample ballot bilang siyang pangunahin niyang misyon. Ngunit kasabay ng gawain niyang ito ay nalaman niyang nawawala ang kanyang lolo o Apo (batay sa kanilang katutubong wika) kaya’t kinakailangan nilang hanapin pa ito sa kabundukan. Ngunit hindi ito naging hadlang kay Jonalyn. (tingnan at basahin ang kalakip: Sinopsis ng Manoro) Gaya ng nabanggit, ito ay mahalagang input na dapat mabatid ng mga mag-aaral Ang mas malawak na depinisyon ng Dokumentaryong Pampelikula, ang mga anyo at uri ng pelikula sa panahong kasalukuyan tulad ng mga Independent at Indie Films. Higit sa lahat, ang mga mahahalagang kaalaman sa batikang Direktor na si G. Brillante Mendoza na nakilala sa kanyang mga “obra-maestra” na nagwagi ng prestihiyosong parangal mula sa iba’t ibang mga bansa sa daigdig. Paalala: Maaari pang magsagawa ng ilang mga pananaliksik ang guro at ang mga mag-aaral kaugnay nito bilang karagdagang kaalaman. Batay sa mga impormasyong napag-alaman tungkol sa direktor, tanungin ang mga mag- aaral kung ano sa palagay nila ang naging motibasyon ni Mendoza sa paglikha ng mga Independent at Documentary Films. Aktuwal na pagbabasa ng teksto ng mga mag-aaral. Mahalagang malaman nila kung tungkol saan ang kanilang babasahin. Sa pamamagitan nito ay naikikintal sa isipan ng mga bata kung ano ang tunay na layunin kung bakit kailangang basahin ang isang akdang pampantikan. IPAPANOOD: You Tube (on-line) or DVD “Manoro” Mahalagang bigyang-pakahulugan ang bawat eksena ng dokumentaryong pampelikula. Pagkatapos na mabasa ang akda, idiin sa mga mag-aaral ang importansya ng pagsusuri ng akdang pampanitikan. TANDAAN: Dito na pumapasok ang tinatawag nating Six (6) Facets of Understanding, mapapansing ang bawat katanungan ay iniugnay sa Aspekto ng Pagkaunawa ang pagpapaliwanag, perspektibo, aplikasyon, interpretasyon, empatiya o pag-unawa sa damdamin ng iba, at pagkilala sa sarili . Kinakailangang maipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang mga paninidigan at kasagutan. Maaaring gumamit ng ilang kakaibang estratehiya sa pagtatanong tulad ng palabunutan, pagpasa ng bola, o di kaya’y sa pamamagitan ng tugtog ng musika o pag-awit. Maging malikhain bilang isang guro. Muli, bilang input, ang Ugnay-Panitikan ay ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Dokumentaryong Pampelikula. Ang Kaligirang Kasaysayan nito mula noong taong 1900 at ang mga naging katawagan nito sa lipunan sa pagdaan ng panahon. Bigyang-diin kung paano ito naging instrumento para maitaguyod ang mga kamalayan at pagbabagong panlipunan. Ipabasa ito ng malakas sa mga mag-aaral. Dito ngayon unti-unting nasasagot ang mga ibinigay na mga Gabay na Tanong. Maaari ring magpakita ng ilang kaugnay na larawan ang guro tungkol sa paksang ito. Nagsisimula ang pormal na pag-aaral ng mga mag- aaral sa paksa sa yugtong ito ng pagkatuto. Ang una sa mga ito ay ang Alamin kung saan sinusubok ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral sa aralin. Bilang eksplorasyon, dapat alamin ng guro kung ano ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa paksang ito ng Dokumentaryong Pampelikula na sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain, aakayin nito kapwa ang guro at mag-aaral sa malalimang pagtalakay. Pasagutan sa mga mag-aaral ang bahaging ito ng “Patinikan sa Panitikan”. Kinakailangang mabigyang-diin sa mga mag-aaral kung paano nila binibigyang-kahulugan ang bawat eksena mula sa dokumentaryo at ang mga pahiwatig nito. Isa pang mahalagang input may kinalaman sa estilo, mga teknik at kaalamang teknikal ng isang dokumentaryong pampelikula na may malaking epekto sa kabuuang mensahe ng isang pelikula. Ang guro ay maaaring magpakita ng mga aktuwal na larawan mula sa mga pahayagan, magasins, internet o mga video clippings ng mga pelikula upang ipakita ang mga anggulong ito batay sa pagkakalarawan nito. Iuugnay nito ang susunod na gawain. Ang gawaing ito ay pagtukoy sa mga uri ng camera shots & angles, ang mga pahiwatig nito ay mahalagang matalakay upang mabigyang-diin maging ang mga simbolismo na ginamit at pinalitaw sa pelikula. Talakayin ang mahahalagang eksena sa pelikula. Dapat na mga mag-aaral ang magpahayag nto. MAHALAGANG IMPORMASYON: (Ibahagi sa mga mag-aaral) Sa pamamagitan ng Cinema Verite, terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan, naisakatuparan at naging matagumpay ang pagsasagawa ng dokumentaryo at naipakita nito ang tunay na kalagayan ng mga Aeta. Ang pagiging simple at totoong mga pangyayari at aktuwal na pag-arte ng mga tauhan at maging ang lokasyon o lugar ay pawang mga elemento na nagbibigay kulay at tekstura sa buong pelikula. Ang mahabang paglalakbay at paglalakad ng mag-ama sa mga baku-bako, maalikabok at masukal na landas ay isang senaryo na nagpapakita ng mabagal na pag-unlad at modernisasyon ng ilang mga lugar na napag-iiwanan at napababayaan sa bansa. Gayundin, ang tinatawag na functional literacy o pagkatuto na nagagamit at angkop sa pamumuhay ay binigyang-diin. Bagamat ito ay ipinakita sa sandaling panahon lamang dahil sa eleksyon, ang pinaka-pokus pa rin ay ang pagbibigay at pagkakaloob ng karapatan sa mga katutubo na makaboto sa unang pagkakataon. (tingnan ang kalakip: Sinopsis ng Manoro) Ang Ugnay-Wika ay pagtalakay sa bahaging Gramatika ng isang aralin. Bigyang-diin ang wastong paggamit at pag-uugnay-ugnay ng mga Komunikatibong Pahayag. Gayundin, ang kahalagahan nito sa pagpapahayag ng mga saloobin, pananaw at bawat damdamin mula sa akda at lalo na sa tunay na buhay. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng aplikasyon ang mga mag-aaral sa kanilang pinag-aaralan. Idiin ang kahalagahan ng Komunikatibong Pagpapahayag at kung paano ito nagagamit sa tunay na buhay at sa lahat ng mga transaksyon kaugnay nito. Sa bahaging ito, mas lalo pang palalimin ng guro ang pagtalakay at pagpapa-unawa sa mga mag-aaral ng mga bisang pandamdamin, pansarili at pang-kapaligiran ng mga mag-aaral at kung bakit iniuugnay ito sa lipunang ginagalawan. Sa bahaging ito, mas lalo pang palalimin ng guro ang pagtalakay at pagpapa-unawa sa mga mag-aaral ng mga bisang pandamdamin, pansarili at pang-kapaligiran ng mga mag-aaral at kung bakit iniuugnay ito sa lipunang ginagalawan. Sa bahaging ito, maaaring ipasok ng guro ang iba pang mga pelikula, maging ito man ay independent film, short film, video advocacy at iba pang anyo nito. Tiyakin lamang na akma at angkop sa edad ng mga mag-aaral ang mga eksenang ipakikita. Bigyang-pansin kung paano nagagamit ang mga Komunikatibong Pahayag sa mga nabanggit na genre. Pinakamahalaga na naiuugnay ang akdang pampanitikan sa panahong kasalukuyan at sa tunay na buhay. Ang Implikasyon nito sa Sarili, Pamilya at Lipunan. Itanim sa isip ng mga bata na ang mga akdang pampanitikan tulad ng “Manoro” (Ang Guro) ay isang midyum sa hinahangad na pagbabago. Matapos na matalakay ang akda, bigyang-diin na mahalagang naikakapit ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at buhay ang akdang pampanitikan.Nangangailangan ang pagkilos matapos itong matutuhan. Dapat na mapalabas ng guro ang pagiging isang lider ng kabutihan at adbokasiya sa pamayanang ginagalawan upang magamit niya ang lahat ng natutuhan. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang paglikha ng isang Sequence Script. Idiin sa kanila na lubha nila itong kinakailangan sa pagbuo ng iba pa nilang mga kaugnay na proyekto lalo na sa huling bahagi ng aralin. Magpakita ng iba pang mga halimbawa kung kinakailangan. Mahalaga rin na patiuna itong naunawaan at napag-aralan ng guro. Maaari ring magbigay ng iba pang mga sitwasyon at pagawain ang mga mag-aaral ng kanilang sariling likhang sequence script. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pag-aaral ang paglilipat ng kaalaman sa mga mag-aaral at ang aktuwal nitong aplikasyon sa kanilang sarili at sa kanilang pamumiuhay. Batay sa ibinigay na direksyon, bigyang-laya ang mga mag-aaral na lumikha ng kanilang sariling iskrip na itatanghal sa klase na siyang magsisilbi ring pagsasanay nila para sa lalo pang mapanghamong gawain sa huling bahagi ng pag-aaral batay sa modyul na ito. Ipasagot ang pangwakas na pagtataya bilang pagsubok sa kanilang mga natutuhan sa araling ito ng Dokumentaryong Pampelikula. Susi sa Pagwawasto: Establishing / Long Shot Disenyong Pamproduksyon Cinema Truth Cinema Verite Independent / Indie Films Lenggwahe/Wika Makabagong Teknolohiya Mga Suliranin at Kalagayang Panlipunan Prinsipyo at mga Paniniwala Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan ang tradisyunal ay _______________________________________. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabago mula sa tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa popular dahil sa __________________________. Nakatutulong ang panitikang popular upang ____________________. Bilang isa sa mga kabataan, sisikapin kong ______________________. Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng isang multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong barangay at mga paraan upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at praktikal na mga rekomendasyon. Hayaan ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang kanilang pakahulugan sa mga pahayag. Pagkatapos nito, hayaan silang ipaliwanag kung bakit nila naisip ang ganitong pagpapakahulugan. Maaari itong isagawa nang papangkat. Maaari pa ring dagdagan ang mga pahayag na nakatala. MAHALAGANG KAALAMAN PARA SA GURO: Dapat nating mabatid na ang mga kapwa natin katutubong mga Aeta ay mga Pilipino rin. Sa matagal na panahon sila ay inakalang nabibilang sa mga taong hindi sibilisado. Lahat ng mga pribilehiyo at benepisyo ng pangkaraniwang mamamayan ay dapat lamang na kanila ring tinatamasa. Kaya sa halip na sila ay ipagtabuyan, dapat lamang na sila’y pahalagahan, pangalagaan at mahalin. Ito ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood. Nang gabing yaon ay nagdiwang ang tribu at inihanda ang nahuling baboy-ramo. Sumayaw at humiyaw ayon sa kanilang tradisyon at kinagawian. Sa pagdiriwang na yaon, tinanong ng isang Aeta ang lolo ni Jonalyn kung bakit hindi siya bomoto. Ang kanyang matapang, may prinsipyo at may paninindigang kasagutan ay nagpakita at nagpadama sa kanya na sa loob ng maraming dekada sila ay nakaranas ng deskriminasyon, pagtratong minorya at pagtatangi, sa winika nitong “dahil hindi ito makapagpapabawas at makapagpapababa Ang bahaging ito ang magsisilbing sintesis ng kabuuan ng modyul. Ang mga magiging kasagutan ng mga mag-aaral sa bahaging ito ang sasagot sa mga mahahalagang tanong na nakatala sa simula ng modyul. Inaasahang maipaliliwanag nila ang pagbabago ng tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa panitikang popular. Maaari itong isagawa nang papangkat. Iatas sa bawat pangkat ang isa sa apat (4) na salik na nakatala. Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa gawain sa kanilang kwaderno. Maaari ring magpasulat ng isang slogan kaugnay ng paksang nakasaad. Ito ang magsisilbing paglalahat o sintesis ng kanilang pag-aaral ng modyul. Bigyang-pansin sa bahaging ito ang gampanin ng internet bilang midyum kung saan maaaring naibabahagi sa marami ang mga iba’t ibang uri ng panitikang popular. Maaaring ipa-post sa mga mag-aaral sa internet (YouTube, Facebook o Twitter) ang matatapos nilang gawain sa bahaging ito. Sa loob ng kahon ay detalyado ang presentasyon ng produkto ayon sa GRASPS. Kinakailangang ipaunawa ito sa mga mag-aaral upang sila ay magabayan sa isasagawang pinal na produkto. Maaaring pumili ang mga mag-aaral kung print media (KOMIKS) o video clip (Dokumentaryong Pantelebisyon o Pampelikula) ang kanilang isasagawa. Hayaang sumulat muna ang mga mag-aaral ng iskrip na kanilang gagamitin upang mahasa rin ang kanilang kasanayan sa pagsulat. Kung komiks ang bubuuin, hayaan muna silang magplano sa magiging takbo ng mga pangyayari at mga usapan/dayalogo. Tandaan: Dapat na maisaalang-alang ang mga mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha ng iskrip upang mas maging epektibo ang gawa ng mga mag-aaral at naaayon sa mga mahahalagang pamantayan. Maaari pang pagbutihin ang mga pamantayan ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral ayon sa hinihingi ng sitwasyon kung paano pa higit na magiging mas maayos at maganda ang isasagawang produkto ng mga mag-aaral. Susi sa Pagwawasto: B A C C D A D D B D A C B A C B A D A D
  • 4. 126 ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _______________________________________________ ___ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___ __ ________________________ __________ ________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ _______