SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  14
24


                      Bilang ng Mag-aaral         Interpretasiyon

                             31 – 60              Alam na Alam

                             16 – 30              May Alam

                              1 – 15              Limitado ang Alam

       Makikita sa iskala na ang bilang ng mga mag-aaral na pasok sa 31-60 ay

masasabing marami na ang alam pagdating sa ispeling, pagpapantig at panghihiram.

Ang mga mag-aaral naman na pasok sa 16-30 ay masasabing may alam na rin sila sa

ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga salita. Samantalang limitado lamang ang

alam para sa mga mag-aaral na pasok sa 1-15. Sa tulong din ng iskalang ito, malalaman

natin kung ilang bilang ng mag-aaral ang kailangang pag-ukulan ng sapat na panahon

para nakuha ang tamang ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga salita.

       Ang unang pagbabago ay tungkol sa ispeling. Ayon na rin sa pagpapatupad ng

panukala ng KWF na tahasang isantabi ang pagsunod o paggamit ng mga tuntuning

nakabatay sa 2001 Revisyon at ang muling paggamit ng dati nang ginagamit na hango

sa 1987 Patnubay na tinawag na 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.

       Sa Talahanayan 1.a, ang mga pagbabago sa ispeling ng mga salita.

Mahalagang malaman ng kasalukuyang mananaliksik kung alam ng mga respondent

ang mga pagbabagong ito upang malaman ang antas ng kanilang kaalaman tungkol sa

Ortograpiyang Filipino.

       Malinaw na ipinapakita ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral ayon sa

ispeling. Ang sumusunod ay ang mga naging kasagutan ng mga mag-aaral sa ikatlong

taon sa SNHS na siyang naging respondents sa pag-aaral.

       Batay sa mga sagot ng mga respondent, halos lahat ay may alam sa ispeling ng

mga salita. Bilang pagbubuod, nangunguna nakahihigit ang nagsasabi na pareho

pa rin ang ispeling ng mga salita mula sa mga salitang pinaghiraman nito. Ang Zipper na
25

                                       Talahanayan 1.a


                       Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa
              2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino Ayon sa Ispeling
                                         n=60

      Tuntunin           Hiram na        Wastong      Blg. ng Bahagdan Interpretasiyo
                          Salita         Ispeling       mga                   n
                                                       mag-
                                                      aaral na
                                                        may
                                                      wastong
                                                       sagot
Panatilihin ang           Vakul           Vakul         48       80%    Alam na alam
orihinal na anyo ng       Vinta           Vinta         38     63.33%   Alam na alam
mga salitang mula sa      Azan            Azan          39       65%    Alam na alam
ibang katutubong          Cañao           Cañao         41     68.33%   Alam na alam
wika sa Pilipinas.         Ifun            Ifun         35     58.33%   Alam na alam
Sa pagbabaybay ng       Saxophone       Saxophone       48       80%    Alam na Alam
mga hiram na salita      Bouquet         Bouquet        48       80%    Alam na alam
mula sa mga
banyagang wika,
panatilihin ang
orihinal nitong anyo
Sa pagbabaybay ng        Cheque           Tseke          23      38.33%         May alam
mga hiram na salita       Fiesta          Pista           4       6.66%       Limitado ang
mula sa Espanyol,                                                                 alam
baybayin ito ayon sa     Education      Edukasyon        24       40%           May alam
ABAKADA.                Introduction    Introduksyo      17      28.33%         May alam
                                              n
Kung hiram sa             Aspect          Aspekto        3        5%%         Limitado ang
Espanyol at Ingles,                                                               alam
hiramin ang orihinal    Workshop         Worksyap        11      18.33%       Limitado ang
na anyo nito kung                                                                 alam
hindi tiyak ang         Chocolate        Tsokoleyt       3         5%         Limitado ang
pagtutumbas.                                                                      alam
Kung makalilito ang       Zipper          Zipper         49      81.66%        Alam na al
pagsasa- Filipino ng                                                              am
baybay ay panatilihin
ang orihinal na
ispeling ng wikang
Ingles at iba pang
wikang dayuhan.


  may bilang ng sumagot na 49 o 81.66% na ayon na nga kay Iscolastico sa binagong

  alfabeto na ang mga salitang hiram o banyaga ay maaaring hiramin ayon sa tuntunin na
26

kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghiraman, panatilihin ang

orihinal na ispeling kung makalilito ang pagsasa-Filipino ng baybay (Jesli A. Lapuz,

2004) sapagkat mas magiging madali ang pagbasa at pagsulat maging ang pag-unawa

sa mga salita. Pumapangalawa rito ay ang mga salitang Vakul, Saxophone at Bouquet

na may 48 na bilang o 80% na sumagot. Ayon pa rin kay Iscolastico na ang walong (8)

dagdag na hiram na letra ay magiging kapaki-pakinabang sapagkat hindi na malilito ang

mga mag-aaral sa pag-aaral ng alfabetong Ingles at Filipino. At pumapangatlo naman

ang salitang Cañao na may 41 o 68.33 % ng mag-aaral na nakakuha ng tamang

ispeling.

        Pinakamababa namang nakakuha ng wastong ispeling sa mga salita ang

Aspekto, Chocolate na may 3 o 5% lamang na nakasagot at Fiesta na may 4 o 6% na

nakasagot at nangangahulugang limitado lamang ang kaalaman. Kung kaya’t ito ay

isang pagbabadya sa isang guro na tutukan pang lalo ang kaalaman at kasanayan ng

mga mag-aaral pagdating sa ispeling ng mga salita maging ito man ay sariling wika o

banyaga sapagkat ito ay malaking gampanin tungo sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.



Antas ng Kaalaman sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino sa Pantig

        Mahalagang mabatid ng kasalukuyang pag-aaral ang kaalaman ng mga mag-

aaral sa pagpapantig sapagkat may malaking bahagi itong ginagampanan kanilang

pagkatuto sa pagbabasa.

        Sa pagsusuri, matutunghayan sa Talahanayan 1.b ang antas ng kaalaman sa ng

mga respondent na napapakita ng kanilang kagalingan pagdating sa mga tuntunin ng

pagpapantig.

        Nangunguna sa nakakuha ng pinakamataas na wastong pantig ang salitang

Ekstra na nakakuha ng kabuuang bilang na 60 o 100%; pumapangalawa ang Templo na
27

                                                     Talahanayan 1.b

                               Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa
                       2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino Ayon sa Pantig
                                                 n=60

              Tuntunin                    Hal. Ng         Wastong        Blg. ng    Bahag-   Interpretasiyon
                                           Salita          Pantig       mga mag-     dan
                                                                         aaral na
                                                                           may
                                                                        wastong
                                                                          sagot
May magkasunod na dalawa o                  Alaala        A.la.a.la        42        70%      Alam na Alam
higit pang patinig sa posisyong
inisyal, midyal at pinal ng salita, ito     Aklat          Ak.lat          57        95%      Alam na Alam
ay hiwalay sa patinig.
                                            Totoo         To.to.o          50       83.33%    Alam na Alam

                                           Pilipinas     Pi.li.pi.nas      45        75%      Alam na Alam



Kapag may patinig na tambal                Drakula       Dra.ku.la         42        70%      Alam na Alam
klaster sa unahan.
Kapag      ang    unang     tatlong        Templo         Tem.plo          58       96.66%    Alam na Alam
magkakasunod na katinig ay m o
n at ang kasunod ay na dalawa ay          Empleyado Em.ple.ya.do           55       91.66%    Alam na Alam
ay alinman sa bl,br,dr,pl,tr, ang
unang katinig (m o n) ay sa               Eksklusibo   Eks.k.lu.si.bo      56       93.33%    Alam na Alam
sinusundang patinig kasama at
ang huling dalawa ay sa kasunod
na patinig.
May magkasunod na katinig sa               Saklolo       Sak.lo.lo         46       76.66%    Alam na Alam
loob ng isang salita,ang una ay
kasama sa patinig na sinusundan
at ang pangalawa ay kasunod ng
patinig
May apat na magkakasunod na                 Ekstra        Eks.tra          60        100%     Alam na Alam
katinig, ang unang dalawa ay
kasama sa patinig na sinusundan
at ang huling dalawa ay sa patinig
na kasunod.
Kapag may patinig na tambal                Plantsa        Plan.tsa         56       93.33%    Alam na Alam
klaster sa unahan at sa hulihan.


May      tatlo o   higit   pang Transportasy Trans.por.ta.                 50       83.33%    Alam na Alam
magkakaibang      katinig    na      on            si.
magkakasunod sa loob ng isang                     yon
salita, ang unang dalawa ay Diksyunaryo                                    40       66.66%    Alam na Alam
kasama sa patinig na sinusundan              Dik.syu.nar.y
at ang huli ay sa kasunod na Kompyuter             o                       55       91.66%     Alam nalam
patinig.
                                             Kom.pyu.ter

Kapag may tambal na katinig sa             Plakard        Pla.kard         52       86.66%    Alam na Alam
unahan at klaster sa unahan
28

may 58 o 96.66% at ang Aklat na may 57 o 95%. Lumalabas na ang mga mag-aaral ay

alam na alam ang pagpapantig subalit hindi ito nangangahulugan na ditto hihinto ang

pagpapasanay ng mga guro sa mga mag-aaral pagdating sa pagpapantig kundi mas

higitan pa ang pagsasanay upang mas lalong tumaas o lumawak ang kanilang

kaalaman sa larangan ng pagpapantig.



Antas ng Kaalaman sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino sa
Panghihiram

       Tayong mga Filipino ay may sariling wika na siyang nagpapausbong ng

pagkakaunawaan ng bawat Filipino sa kapwa Filipino. Subalit hindi maaaring tayong

mga Filipino lamang ang nagkakaroon ng pagkakaunawa sa mga wikain natin. Maging

ang wika ng ating mga karatig bansa ay dapat din nating matutunan at maunawaan.

Kung kaya’t pasok sa mga alituntunin ng ating Ortograpiyang Filipino ang mapag-aralan

ang mga salitang hiram mula pa man sa mga katutubo hanggang sa mga banyagang

salita. Isa ito sa naging bahagi ng kasalukuyang pag-aaral na malaman ang antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa mga hiram na salita lalong-lalo na sa mga

salitang mas higit na ginagamit sa kasalukuyan.

       Matutunghayan sa Talahanayan 1.c ang bunga o datos ng kaalaman ng mga

respondent ng kasalukuyang pag-aaral batay sa mga kasagutan na kanilang ibinigay sa

ipinamudmod na talatanungan. Mula rito ay mababatid ng kasalukuyang pag-aaral ang

kamulatan nila ukol sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.

       Batay sa mga kasagutan ng mga respondent, lumalabas na sila ay may

bahagyang kagalingan sa usaping panghihiram ng mga salita. Nangunguna ang salitang

Family na may bilang ng wastong sagot na 58 o 96.66%; pumapangalawa naman ang

Phonology at Ortografia na parehong may 57 o 95%; at pumapangatlo ang salitang

Equipment na may 54 o 90%.
29

                                     Talahanayan 1.c


                         Antas ng Kaalaman ng mga mag-aaral sa
              2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino ayon sa Panghihiram
                                           n=60

      Tuntunin         Mga Hiram       Salitang      Blg. ng    Bahag-    Interpretasyon
                        na Salita     Katumbas      mga mag-     dan
                                      sa Filipino    aaral na
                                                       may
                                                    wastong
                                                      sagot
Pagtutumbas ng           Narrative     Salaysay         33        55%     Alam na Alam
kasalukuyang              Family        Pamilya         58       96.66%   Alam na Alam
leksikon sa Filipino      Subject     Asignatura        51        85%     Alam na Alam
ng mga salitang         Equipment     Kagamitan         54        90%     Alam na Alam
hiram o banyaga.        Phonology    Palatunugan        57        95%     Alam na Alam
Sa mga salitang         Effective     Epektibo          54        90%     Alam na Alam
hiram sa Espanyol
at Ingles kung hindi
rin lang tiyak ang
pagtutumbas ay
hiramin ang orihinal
nitong anyo.
Baybayin ayon sa       Ortografia   Ortograpiya         57        95%     Alam na Alam
ABAKADA ang mga         Dialecto     Diyalekto          49       81.66%   Alam na Alam
salitang hiram mula     Kristiano    Kristiyano         46       76.66%   Alam na Alam
sa Espanyol             Tiempo       Tiyempo            31       51.66%   Alam na Alam
                       Exportacion Eksportasyon         49       81.66%   Alam na Alam
                         Cuarto       Kuwarto           12        20%     Limitado ang
                                                                              alam
                         Cuento        Kuwento          15        25%     Limitado ang
                                                                              alam
                         Guapo         Guwapo           45        75%     Alam na Alam
Ang mga salitang       Scholarship   Iskolarship        41       68.33%   Alam na Alam
hiram na
nagsisimula sa
letrang “s” ay
maaring baybayin
sa dalawang
paraan:
pagpapanatili ng
orihinal nitong
anyo; o lagyan ng“i
sa unahan kapag
binaybay sa
Filipino.
30

Mga Suliraning Kinakaharap sa Pagtupad ng 2009 Gabay sa Ortograpiya ng
Wikang Filipino

        Mahalagang malaman ng kasalukuyang pag-aaral kung bakit at saan nga ba

nahihirapan o nagmumula ang suliranin ng mga respondent batay sa pagsagot nila sa

talatanungang ipinamudmod.

        Makikita sa Talahanayan 2.a ang datos na pinagkukunan ng pag-aaral na ito at

ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa Salvacion National High School

hinggil sa ispeling.


                                   Talahanayan 2.a


                                  Suliranin sa Ispeling
                                          n=60

                Suliranin sa Ispeling                 Blg. Ng Mag-aaral   Ranggo


Nakakatamad mag-aral ng mga ispeling sa Filipino.            28             1

Hindi itinuro ng guro ang 2009 Gabay sa                      20             2
Ortograpiya ng Wikang Filipino.

Hindi palagian ang pagsasanay sa ispeling                    19             3

Nahihirapan sa ispeling ng mga salita lalo na kung           17             4
ito ay mga hiram na salita.

Nalilito ang mga mag-aaral sa mga tuntunin sa                16             5
ispeling.


        Batay sa pagraranggong ibinigay ng mga respondent, lumabas na ang

pangunahing dahilan ng suliranin nila sa ispeling ay ang Nakakatamad Mag-aral ng mga

Ispeling sa Filipino na may 28 na bilang ng mag-aaral ang sumagot; pangalawa naman

ang suliraning Hindi Itinuturo ng Guro ang 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang

Filipino na nakakuha ng 20 bilang ng mag-aaral; at Hindi Palagian sa Pagsasanay sa

Ispeling na lumabas sa pangatlong ranggo na may bilang na 19 na sumagot na mag-
31

aaral. Ang pangunahing suliranin ng mga mag-aaral sa ispeling ay ang nakakatamad

pag-aralan ang mga ispeling sa Filipino. Ito ay nangangahulugan lamang na hindi rin ito

itinuturo sa mga mag-aaral, hindi sila binibigyan ng karampatan o palagiang pagsasanay

na makatutulong sana sa kanila upang lubos nilang malaman at hindi malito sa ispeling

ng mga salita. Ang bungang ito ay implikasyon lamang na patuloy pa rin na

makararanas ng ganitong problema ang mga susunod na henerasyon kung hindi

mabibigyan ng karampatang tugon mula sa pamahalaan.

       Makikita naman sa Talahanayan 2.b ang mga suliraning kinakaharap ng mga

mag-aaral pagdating sa pagpapantig.

                                   Talahanayan 2.b


                                  Suliranin sa Pantig
                                         n=60

               Suliranin sa Pantig                      Blg. Ng Mag-aaral   Ranggo

Nalilito ang mga mag-aaral sa mga tuntunin sa                  17              1
pantig.

Hindi itinuro ng guro ang         2009   Gabay   sa            16              2
Ortograpiya ng Wikang Filipino.

Hindi palagian ang pagsasanay sa pagpapantig ng                15              3
mga salita.


Nahihirapan sa pagpapantig ng mga salita.                      14              4


Nakakatamad mag-aral ng mga pagpapantig.                       12              5




       Batay sa pagraranggong ibinigay ng mga respondent, lumalabas na ang

pangunahing dahilan ng suliraning kinakaharap sa pagpapantig ng mga salita ay ang

mga sumusunod: 17 bilang ng mag-aaral ang sumagot dahil sa Nalilito ang mga mag-

aaral sa mga Tuntunin sa Pagpapantig; 16 para sa Hindi Palagian ang Pagsasanay sa
32

Pagpapantig ng mga Salita; at 15 para sa Nahihirapan sa Pagpapantig ng mga Salita.

Ang ganitong uri ng suliranin ay kinakailangan lamang ng agarang solusyon. Ang

pagkalito ng mga mag-aaral sa mga tuntunin sa pagpapantig at nahihirapan sa

pagpapantig ng mga salita ay kinakailangang bigyang pansin ng guro upang lubos na

maunawaan at maging malinaw ang anumang kaalamang matatamo nila ukol sa

pagpapantig ng mga salita. Ang pag-aaral ay nangangailangan ng motibasyon upang

makuha ang interes ng mga mag-aaral sa anumang paksang itinuturo.

          Samantalang makikita naman sa Talahanayan 2.c ang mga suliraning

kinakaharap ng mga mag-aaral sa naturang paaralan hinggil sa panghihiram ng mga

salita.

                                  Talahanayan 2.c


                              Suliranin sa Panghihiram
                                         n=60

              Suliranin sa Panghihiram              Blg. Ng Mag-aaral    Ranggo

Nakakatamad mag-aral ng mga hiram na salita.               26               1

Nalilito ang mga mag-aaral sa mga tuntunin sa              22               2
panghihiram.
Hindi itinuro ng guro ang 2009 Gabay sa                    20               3
Ortograpiya ng Wikang Filipino.
Hindi palagian nakakabasa ng mga salitang hiram.           17               4

Nahihirapan sa pagkilala ng mga hiram na salita.           13               5



          Nasa unang ranggo na may 26 na bilang ng mag-aaral ang sumagot na

Nakakatamad Mag-aral ng mga Hiram na Salita; 22 bilang ng mag-aaral naman na nasa

ikalawang ranggo ang sumagot na Nalilito ang mga Mag-aaral sa mga Tuntunin sa

Panghihiram; habang nasa ikatlong ranggo ang suliraning Hindi Itinuturo ng Guro ang

2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino na may bilang ng sumagot na 20 mag-

aaral.
33

       Batay sa kinalabasan ng pagraranggo sa mga suliraning binanggit sa

ipinamudmod na talatanungan, ang pangunahing suliranin ng mga mag-aaral na

nakakatamad at nakalilito ang mga tuntunin sa panghihiram ay nangangahulugan

lamang na kulang na kulang ang motibasyon ng mga mag-aaral. Ang suliraning ito ay

nangangailangan ng madaliang solusyon upang matamo ng mga mag-aaral ang

nararapat na kaalaman lalong-lalo na sa panghihiram ng mga salita sapagkat halos

araw-araw ay ginagamit nila ang mga salitang ito sa loob at labas man ng paaralan.

Pasalita man o pasulat ay kinakailangan na alam nila kung paano ito gagamitin sa

maayos na paraan. Ang suliraning hindi itinuturo ng guro ang 2001 Gabay ay isang

mabigat at malaking pagkukulang. Ang anumang pagkukulang ng isang guro sa

kanyang pagtuturo ay maghahatid lamang ng isang inutil na kalalabasan ng pagtuturo.

Isang malaking pagkakamali ang hindi ituro sa mga mag-aaral kung ano ang

kinakailangan nilang matutunan.



Mga Mungkahing Solusyon sa mga Suliraning Kinakaharap ng mga Mag-Aaral

       Maraming suliraning kinakaharap tayo rito sa mundo. Sinasabing ang bawat

suliraning ito ay may kaakibat na solusyon. At upang magkaroon ng kalutasan ang mga

suliraning ito ay kinakailangang mag-isip tayo ng maaaring solusyon.

       Matatagpuan sa Talahanayan 3.a ang mga mungkahing solusyon upang

mabigyan ng kalutasan ang mga suliraning nabanggit na nagpapatungkol sa mga

pagbabago sa ispeling, pagpapantig at panghihiram na nakapaloob sa mga alituntunin

sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.

       Batay sa talatanungang ipinamudmod ng mga kasalukuyang mananaliksik,

ngangunguna sa mga solusyong naisip ng mga respondent na nasa unang ranggo na

Magsanay ng Mabuti sa Pagsulat ng mga Angkop na Salita na Batay sa mga Tuntunin

ng Ispeling. Ito ang solusyong naisip ng mga mag-aaral sa Salvacion National High
34

School sapagkat marahil ay kulang na kulang pa ang kanilang kasanayan sa paggamit

ng tamang angkop na salita na sumusunod sa tuntunin sa ispeling. Nasa ikalawang

ranggo naman ang solusyon na Pag-aralang Mabuti ang 2009 Gabay sa Ortograpiyang

Filipino. Samantalang nasa ikatlong ranggo ang Lumahok sa mga Worksyap na may

Kaugnayan sa Ispeling upang marahil ay bumuti at masanay sila sa pagagmit ng

wastong ispeling ng mga salita.

                                  Talahanayan 3.a


                     Mungkahing Solusyon sa Suliranin sa Ispeling
                                       n=60


      Mga Mungkahing Solusyon              Bilang ng mga Mag-aaral     Ranggo

Magsanay ng mabuti sa pagsulat ng mga
angkop na salita na batay sa mga                       26                 1
tuntunin ng ispeling

Pag-aralang mabuti ang 2009 Gabay sa                   23                 2
Ortograpiya ng Wikang Filipino

Lumahok sa mga worksyap na may
kaugnayan sa ispeling                                  20                 3

Ugaliing magbasa ng mga nakalimbag na
mga salita sa mga teksto                               19                 4

Unawaing mabuti ang mga tuntunin sa
ispeling                                               17                 5




       Samantalang sa pagpapantig naman, makikita sa Talahanayan 3.b ang mga

mungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa mga suliraning kinakaharap nila sa

pagpapantig.

       Nangunguna ang mungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa pagpapantig na

Pag-aralan at Unawaing Mabuti ang mga Tuntunin nito. Mahalaga na alam ng mga mag-

aaral ang tuntunin sa pagpapantig sapagkat malaking bahagi ang ginagampanan ng
35

pagbasa at pagsulat sa kanilang pagkatuto. Sa pamamagitan nito ay higit na

mapauunlad nila ang kanilang kasanayan sa wastong pagpapantig ng mga salita na


                                   Talahanayan 3.b


                  Mungkahing Solusyon sa Suliranin sa Pagpapantig
                                      n=60


     Mga Mungkahing Solusyon                 Bilang ng mga Mag-        Ranggo
                                                    aaral

Magsanay ng mabuti sa pagsulat ng
mga angkop na salita na batay sa mga
tuntunin sa pagpapantig                               28                   1


Rebyuhin ang mga lektyurs pagdating sa
bahay                                                 19                   2
Ugaliing magsanay sa pagpapantig ng
mga salita                                            16                   3
Lumahok sa mga seminars o worksyap
na may kaugnayan sa pagpapantig                       15                   4
Ituon ang pansin sa mga lektyurs ng
guro                                                  13                   5



naaayon sa tuntunin nito. Nasa ikalawang ranggo ang Pagrerebyu ng mga Lektyurs

Pagdating sa Bahay. Ang pagkatuto ay hindi lamang natatapos sa loob ng silid-aralan,

ang pagrerebyu ay isang malaking hakbang sa ganap na pagkatuto o pag-master sa

mga pinag-aralan sa paaralan. Samantalang nasa ikatlong naman ang Ugaliing

Magsanay sa Pagsasanay sa Pagpapantig ng mga Salita. Ang palagiang pagsasanay

ay maghahatid sa kanila sa isang magandang bunga dulot ng pagiging masinop at

matiyaga sa pag-aaral.

       Makikita sa Talahanayan 3.c ang mga mungkahing solusyon ng mga mag-aaral

sa suliraning kinakaharap nila sa panghihiram ng mga salita.
36

       Mapapansin natin na sa usapang panghihiram ay binigyang puntos ng mga mag-

aaral sa Salvacion National High School ang mungkahing solusyon na Ugaliing

Magbasa ng mga Nakalimbag na mga Salitang Hiram. Ang pagbabasa ng mga aklat at

iba pang nakalimbag na babasahin ay isang malaking tulong sa pagpapatibay ng

kanilang kaalaman patungkol sa panghihiram at ng mga tuntunin nito. Nasa ikalawang


                                     Talahanayan 3.c


                     Mungkahing Solusyon sa Suliranin sa Panghihiram
                                         n=60

           Mga Mungkahing Solusyon                     Bilang ng mga      Ranggo
                                                         Mag-aaral

Ugaliing magbasa ng mga nakalimbag na salitang
hiram                                                       19                1

Unawaing mabuti ang mga tuntunin sa panghihiram
ng mga salita                                               18                2

Ugaliing magrebyu ng mga lektyurs ng guro                   17                3
Magkalap ng mga impormasyon tungkol rito sa
pamamagitan ng mga teksto maging sa internet                16                4

Paghusayan ang kasanayan sa pag-aanalisa ng
tamang ispeling ng mga hiram na salita                      14                5



ranggo naman na Unawiang Mabuti ang mga Tuntunin sa Panghihiram. Sa bawat

tekstong binabasa natin ay kinakailangan na laging may kaakibat na pag-unawa rito,

sapagkat walang silbi ang pagbabasa ng anumang nakalimbag na teksto o babasahin

kung hindi naman ito inuunawa. Samantalang nasa ikatlong ranggo naman na binigyan

ng mga mag-aaral ng puntos ang Pagrerebyu ng mga Lektyurs ng Guro Tungkol sa

Panghihiram. Ang paulit-ulit na pagrerebyu ng mga napag-aralan sa paaralan ay

kinakailangang ugaliin ng bawat mag-aaral sapagkat makakatulong ito sa mas ikauunlad

ng kanilang kaalaman sa panghihiram ng mga salita.
37

                                      TALA

        Shyryll S. Baluca at Simonette G. Bilbao, Efekto ng Revisyon sa Ispeling sa
Filipino. Di-Limbag na Undergradweyt Tesis. Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng
Edukasyon, Daraga, Albay, 2006.

      Alfonso O. Santiago. Panimulang Liggwistika. Rex Book Store 856 Nicanor
Reyes Sr. St. 1937 C.M. Recto Avenue, Manila, Phil. Copyright 1999.

Contenu connexe

Tendances

Ang alpabetong filipino power!!
Ang alpabetong filipino power!!Ang alpabetong filipino power!!
Ang alpabetong filipino power!!Melvin de Chavez
 
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfJosephRRafananGPC
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfJosephRRafananGPC
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 
Batayan sa Pilosopiyang Pinoy
Batayan sa Pilosopiyang PinoyBatayan sa Pilosopiyang Pinoy
Batayan sa Pilosopiyang PinoyChierelyn Chavez
 
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018MARIA KATRINA MACAPAZ
 
Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig Lois Ilo
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 
Panahon ng Hapones
Panahon ng HaponesPanahon ng Hapones
Panahon ng Haponesrddeleon1
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysayAlLen SeRe
 
Makrong Kasanayan: PAGSASALITA
Makrong Kasanayan: PAGSASALITAMakrong Kasanayan: PAGSASALITA
Makrong Kasanayan: PAGSASALITAJossaLucas27
 
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipinoPaghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipinoChristine Baga-an
 
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1TEACHER JHAJHA
 

Tendances (20)

Ang alpabetong filipino power!!
Ang alpabetong filipino power!!Ang alpabetong filipino power!!
Ang alpabetong filipino power!!
 
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdfPRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
PRELIM --FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN111.pdf
 
Punto ng artikulasyon
Punto ng artikulasyonPunto ng artikulasyon
Punto ng artikulasyon
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Batayan sa Pilosopiyang Pinoy
Batayan sa Pilosopiyang PinoyBatayan sa Pilosopiyang Pinoy
Batayan sa Pilosopiyang Pinoy
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
 
Ortograpiya
OrtograpiyaOrtograpiya
Ortograpiya
 
Kabanata 5 edited
Kabanata 5 editedKabanata 5 edited
Kabanata 5 edited
 
Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig Uri ng pakikinig
Uri ng pakikinig
 
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Panahon ng Hapones
Panahon ng HaponesPanahon ng Hapones
Panahon ng Hapones
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysay
 
Makrong Kasanayan: PAGSASALITA
Makrong Kasanayan: PAGSASALITAMakrong Kasanayan: PAGSASALITA
Makrong Kasanayan: PAGSASALITA
 
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipinoPaghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
 
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Katangian ng Maayos na Kurikulum
Katangian ng Maayos na Kurikulum Katangian ng Maayos na Kurikulum
Katangian ng Maayos na Kurikulum
 

En vedette

THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksikA. D.
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGrasya Hilario
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipinoSFYC
 
Teachinglearningprocess 110316083331-phpapp02
Teachinglearningprocess 110316083331-phpapp02Teachinglearningprocess 110316083331-phpapp02
Teachinglearningprocess 110316083331-phpapp02Dang Baraquiel
 
Ortograpiya ng Wikang Filipino
Ortograpiya ng Wikang FilipinoOrtograpiya ng Wikang Filipino
Ortograpiya ng Wikang Filipinoeijrem
 
Pagtuturo sa panlunas na pagbasa
Pagtuturo sa panlunas na pagbasaPagtuturo sa panlunas na pagbasa
Pagtuturo sa panlunas na pagbasaMarie Joy Gan
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaarnielapuz
 
Pagsusulit sa kabanata apat
Pagsusulit  sa    kabanata apatPagsusulit  sa    kabanata apat
Pagsusulit sa kabanata apatamniosia
 
Pagsasagawa ng Sarbey
Pagsasagawa ng SarbeyPagsasagawa ng Sarbey
Pagsasagawa ng SarbeyMckoi M
 
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang PambansaKasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang PambansaJumel Abellera
 
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga SalitaMga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga SalitaMckoi M
 

En vedette (20)

THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksik
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
 
Kabanata IV THESIS
Kabanata IV THESISKabanata IV THESIS
Kabanata IV THESIS
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksik
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipino
 
Teachinglearningprocess 110316083331-phpapp02
Teachinglearningprocess 110316083331-phpapp02Teachinglearningprocess 110316083331-phpapp02
Teachinglearningprocess 110316083331-phpapp02
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Ortograpiya ng Wikang Filipino
Ortograpiya ng Wikang FilipinoOrtograpiya ng Wikang Filipino
Ortograpiya ng Wikang Filipino
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Abdg als hs_form 1
Abdg als hs_form 1Abdg als hs_form 1
Abdg als hs_form 1
 
Rada
RadaRada
Rada
 
Pagtuturo sa panlunas na pagbasa
Pagtuturo sa panlunas na pagbasaPagtuturo sa panlunas na pagbasa
Pagtuturo sa panlunas na pagbasa
 
Ang paradigma ng pagsusuri
Ang paradigma ng pagsusuriAng paradigma ng pagsusuri
Ang paradigma ng pagsusuri
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salita
 
Pagsusulit sa kabanata apat
Pagsusulit  sa    kabanata apatPagsusulit  sa    kabanata apat
Pagsusulit sa kabanata apat
 
Pagsasagawa ng Sarbey
Pagsasagawa ng SarbeyPagsasagawa ng Sarbey
Pagsasagawa ng Sarbey
 
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang PambansaKasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
 
Christian thesis 2
Christian thesis 2Christian thesis 2
Christian thesis 2
 
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga SalitaMga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
 

Kabanata 4 group 1 pp.22 33

  • 1. 24 Bilang ng Mag-aaral Interpretasiyon 31 – 60 Alam na Alam 16 – 30 May Alam 1 – 15 Limitado ang Alam Makikita sa iskala na ang bilang ng mga mag-aaral na pasok sa 31-60 ay masasabing marami na ang alam pagdating sa ispeling, pagpapantig at panghihiram. Ang mga mag-aaral naman na pasok sa 16-30 ay masasabing may alam na rin sila sa ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga salita. Samantalang limitado lamang ang alam para sa mga mag-aaral na pasok sa 1-15. Sa tulong din ng iskalang ito, malalaman natin kung ilang bilang ng mag-aaral ang kailangang pag-ukulan ng sapat na panahon para nakuha ang tamang ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga salita. Ang unang pagbabago ay tungkol sa ispeling. Ayon na rin sa pagpapatupad ng panukala ng KWF na tahasang isantabi ang pagsunod o paggamit ng mga tuntuning nakabatay sa 2001 Revisyon at ang muling paggamit ng dati nang ginagamit na hango sa 1987 Patnubay na tinawag na 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Sa Talahanayan 1.a, ang mga pagbabago sa ispeling ng mga salita. Mahalagang malaman ng kasalukuyang mananaliksik kung alam ng mga respondent ang mga pagbabagong ito upang malaman ang antas ng kanilang kaalaman tungkol sa Ortograpiyang Filipino. Malinaw na ipinapakita ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral ayon sa ispeling. Ang sumusunod ay ang mga naging kasagutan ng mga mag-aaral sa ikatlong taon sa SNHS na siyang naging respondents sa pag-aaral. Batay sa mga sagot ng mga respondent, halos lahat ay may alam sa ispeling ng mga salita. Bilang pagbubuod, nangunguna nakahihigit ang nagsasabi na pareho pa rin ang ispeling ng mga salita mula sa mga salitang pinaghiraman nito. Ang Zipper na
  • 2. 25 Talahanayan 1.a Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino Ayon sa Ispeling n=60 Tuntunin Hiram na Wastong Blg. ng Bahagdan Interpretasiyo Salita Ispeling mga n mag- aaral na may wastong sagot Panatilihin ang Vakul Vakul 48 80% Alam na alam orihinal na anyo ng Vinta Vinta 38 63.33% Alam na alam mga salitang mula sa Azan Azan 39 65% Alam na alam ibang katutubong Cañao Cañao 41 68.33% Alam na alam wika sa Pilipinas. Ifun Ifun 35 58.33% Alam na alam Sa pagbabaybay ng Saxophone Saxophone 48 80% Alam na Alam mga hiram na salita Bouquet Bouquet 48 80% Alam na alam mula sa mga banyagang wika, panatilihin ang orihinal nitong anyo Sa pagbabaybay ng Cheque Tseke 23 38.33% May alam mga hiram na salita Fiesta Pista 4 6.66% Limitado ang mula sa Espanyol, alam baybayin ito ayon sa Education Edukasyon 24 40% May alam ABAKADA. Introduction Introduksyo 17 28.33% May alam n Kung hiram sa Aspect Aspekto 3 5%% Limitado ang Espanyol at Ingles, alam hiramin ang orihinal Workshop Worksyap 11 18.33% Limitado ang na anyo nito kung alam hindi tiyak ang Chocolate Tsokoleyt 3 5% Limitado ang pagtutumbas. alam Kung makalilito ang Zipper Zipper 49 81.66% Alam na al pagsasa- Filipino ng am baybay ay panatilihin ang orihinal na ispeling ng wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan. may bilang ng sumagot na 49 o 81.66% na ayon na nga kay Iscolastico sa binagong alfabeto na ang mga salitang hiram o banyaga ay maaaring hiramin ayon sa tuntunin na
  • 3. 26 kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghiraman, panatilihin ang orihinal na ispeling kung makalilito ang pagsasa-Filipino ng baybay (Jesli A. Lapuz, 2004) sapagkat mas magiging madali ang pagbasa at pagsulat maging ang pag-unawa sa mga salita. Pumapangalawa rito ay ang mga salitang Vakul, Saxophone at Bouquet na may 48 na bilang o 80% na sumagot. Ayon pa rin kay Iscolastico na ang walong (8) dagdag na hiram na letra ay magiging kapaki-pakinabang sapagkat hindi na malilito ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng alfabetong Ingles at Filipino. At pumapangatlo naman ang salitang Cañao na may 41 o 68.33 % ng mag-aaral na nakakuha ng tamang ispeling. Pinakamababa namang nakakuha ng wastong ispeling sa mga salita ang Aspekto, Chocolate na may 3 o 5% lamang na nakasagot at Fiesta na may 4 o 6% na nakasagot at nangangahulugang limitado lamang ang kaalaman. Kung kaya’t ito ay isang pagbabadya sa isang guro na tutukan pang lalo ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral pagdating sa ispeling ng mga salita maging ito man ay sariling wika o banyaga sapagkat ito ay malaking gampanin tungo sa pagkatuto ng bawat mag-aaral. Antas ng Kaalaman sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino sa Pantig Mahalagang mabatid ng kasalukuyang pag-aaral ang kaalaman ng mga mag- aaral sa pagpapantig sapagkat may malaking bahagi itong ginagampanan kanilang pagkatuto sa pagbabasa. Sa pagsusuri, matutunghayan sa Talahanayan 1.b ang antas ng kaalaman sa ng mga respondent na napapakita ng kanilang kagalingan pagdating sa mga tuntunin ng pagpapantig. Nangunguna sa nakakuha ng pinakamataas na wastong pantig ang salitang Ekstra na nakakuha ng kabuuang bilang na 60 o 100%; pumapangalawa ang Templo na
  • 4. 27 Talahanayan 1.b Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino Ayon sa Pantig n=60 Tuntunin Hal. Ng Wastong Blg. ng Bahag- Interpretasiyon Salita Pantig mga mag- dan aaral na may wastong sagot May magkasunod na dalawa o Alaala A.la.a.la 42 70% Alam na Alam higit pang patinig sa posisyong inisyal, midyal at pinal ng salita, ito Aklat Ak.lat 57 95% Alam na Alam ay hiwalay sa patinig. Totoo To.to.o 50 83.33% Alam na Alam Pilipinas Pi.li.pi.nas 45 75% Alam na Alam Kapag may patinig na tambal Drakula Dra.ku.la 42 70% Alam na Alam klaster sa unahan. Kapag ang unang tatlong Templo Tem.plo 58 96.66% Alam na Alam magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod ay na dalawa ay Empleyado Em.ple.ya.do 55 91.66% Alam na Alam ay alinman sa bl,br,dr,pl,tr, ang unang katinig (m o n) ay sa Eksklusibo Eks.k.lu.si.bo 56 93.33% Alam na Alam sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig. May magkasunod na katinig sa Saklolo Sak.lo.lo 46 76.66% Alam na Alam loob ng isang salita,ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay kasunod ng patinig May apat na magkakasunod na Ekstra Eks.tra 60 100% Alam na Alam katinig, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod. Kapag may patinig na tambal Plantsa Plan.tsa 56 93.33% Alam na Alam klaster sa unahan at sa hulihan. May tatlo o higit pang Transportasy Trans.por.ta. 50 83.33% Alam na Alam magkakaibang katinig na on si. magkakasunod sa loob ng isang yon salita, ang unang dalawa ay Diksyunaryo 40 66.66% Alam na Alam kasama sa patinig na sinusundan Dik.syu.nar.y at ang huli ay sa kasunod na Kompyuter o 55 91.66% Alam nalam patinig. Kom.pyu.ter Kapag may tambal na katinig sa Plakard Pla.kard 52 86.66% Alam na Alam unahan at klaster sa unahan
  • 5. 28 may 58 o 96.66% at ang Aklat na may 57 o 95%. Lumalabas na ang mga mag-aaral ay alam na alam ang pagpapantig subalit hindi ito nangangahulugan na ditto hihinto ang pagpapasanay ng mga guro sa mga mag-aaral pagdating sa pagpapantig kundi mas higitan pa ang pagsasanay upang mas lalong tumaas o lumawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng pagpapantig. Antas ng Kaalaman sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino sa Panghihiram Tayong mga Filipino ay may sariling wika na siyang nagpapausbong ng pagkakaunawaan ng bawat Filipino sa kapwa Filipino. Subalit hindi maaaring tayong mga Filipino lamang ang nagkakaroon ng pagkakaunawa sa mga wikain natin. Maging ang wika ng ating mga karatig bansa ay dapat din nating matutunan at maunawaan. Kung kaya’t pasok sa mga alituntunin ng ating Ortograpiyang Filipino ang mapag-aralan ang mga salitang hiram mula pa man sa mga katutubo hanggang sa mga banyagang salita. Isa ito sa naging bahagi ng kasalukuyang pag-aaral na malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa mga hiram na salita lalong-lalo na sa mga salitang mas higit na ginagamit sa kasalukuyan. Matutunghayan sa Talahanayan 1.c ang bunga o datos ng kaalaman ng mga respondent ng kasalukuyang pag-aaral batay sa mga kasagutan na kanilang ibinigay sa ipinamudmod na talatanungan. Mula rito ay mababatid ng kasalukuyang pag-aaral ang kamulatan nila ukol sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Batay sa mga kasagutan ng mga respondent, lumalabas na sila ay may bahagyang kagalingan sa usaping panghihiram ng mga salita. Nangunguna ang salitang Family na may bilang ng wastong sagot na 58 o 96.66%; pumapangalawa naman ang Phonology at Ortografia na parehong may 57 o 95%; at pumapangatlo ang salitang Equipment na may 54 o 90%.
  • 6. 29 Talahanayan 1.c Antas ng Kaalaman ng mga mag-aaral sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino ayon sa Panghihiram n=60 Tuntunin Mga Hiram Salitang Blg. ng Bahag- Interpretasyon na Salita Katumbas mga mag- dan sa Filipino aaral na may wastong sagot Pagtutumbas ng Narrative Salaysay 33 55% Alam na Alam kasalukuyang Family Pamilya 58 96.66% Alam na Alam leksikon sa Filipino Subject Asignatura 51 85% Alam na Alam ng mga salitang Equipment Kagamitan 54 90% Alam na Alam hiram o banyaga. Phonology Palatunugan 57 95% Alam na Alam Sa mga salitang Effective Epektibo 54 90% Alam na Alam hiram sa Espanyol at Ingles kung hindi rin lang tiyak ang pagtutumbas ay hiramin ang orihinal nitong anyo. Baybayin ayon sa Ortografia Ortograpiya 57 95% Alam na Alam ABAKADA ang mga Dialecto Diyalekto 49 81.66% Alam na Alam salitang hiram mula Kristiano Kristiyano 46 76.66% Alam na Alam sa Espanyol Tiempo Tiyempo 31 51.66% Alam na Alam Exportacion Eksportasyon 49 81.66% Alam na Alam Cuarto Kuwarto 12 20% Limitado ang alam Cuento Kuwento 15 25% Limitado ang alam Guapo Guwapo 45 75% Alam na Alam Ang mga salitang Scholarship Iskolarship 41 68.33% Alam na Alam hiram na nagsisimula sa letrang “s” ay maaring baybayin sa dalawang paraan: pagpapanatili ng orihinal nitong anyo; o lagyan ng“i sa unahan kapag binaybay sa Filipino.
  • 7. 30 Mga Suliraning Kinakaharap sa Pagtupad ng 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino Mahalagang malaman ng kasalukuyang pag-aaral kung bakit at saan nga ba nahihirapan o nagmumula ang suliranin ng mga respondent batay sa pagsagot nila sa talatanungang ipinamudmod. Makikita sa Talahanayan 2.a ang datos na pinagkukunan ng pag-aaral na ito at ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa Salvacion National High School hinggil sa ispeling. Talahanayan 2.a Suliranin sa Ispeling n=60 Suliranin sa Ispeling Blg. Ng Mag-aaral Ranggo Nakakatamad mag-aral ng mga ispeling sa Filipino. 28 1 Hindi itinuro ng guro ang 2009 Gabay sa 20 2 Ortograpiya ng Wikang Filipino. Hindi palagian ang pagsasanay sa ispeling 19 3 Nahihirapan sa ispeling ng mga salita lalo na kung 17 4 ito ay mga hiram na salita. Nalilito ang mga mag-aaral sa mga tuntunin sa 16 5 ispeling. Batay sa pagraranggong ibinigay ng mga respondent, lumabas na ang pangunahing dahilan ng suliranin nila sa ispeling ay ang Nakakatamad Mag-aral ng mga Ispeling sa Filipino na may 28 na bilang ng mag-aaral ang sumagot; pangalawa naman ang suliraning Hindi Itinuturo ng Guro ang 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino na nakakuha ng 20 bilang ng mag-aaral; at Hindi Palagian sa Pagsasanay sa Ispeling na lumabas sa pangatlong ranggo na may bilang na 19 na sumagot na mag-
  • 8. 31 aaral. Ang pangunahing suliranin ng mga mag-aaral sa ispeling ay ang nakakatamad pag-aralan ang mga ispeling sa Filipino. Ito ay nangangahulugan lamang na hindi rin ito itinuturo sa mga mag-aaral, hindi sila binibigyan ng karampatan o palagiang pagsasanay na makatutulong sana sa kanila upang lubos nilang malaman at hindi malito sa ispeling ng mga salita. Ang bungang ito ay implikasyon lamang na patuloy pa rin na makararanas ng ganitong problema ang mga susunod na henerasyon kung hindi mabibigyan ng karampatang tugon mula sa pamahalaan. Makikita naman sa Talahanayan 2.b ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral pagdating sa pagpapantig. Talahanayan 2.b Suliranin sa Pantig n=60 Suliranin sa Pantig Blg. Ng Mag-aaral Ranggo Nalilito ang mga mag-aaral sa mga tuntunin sa 17 1 pantig. Hindi itinuro ng guro ang 2009 Gabay sa 16 2 Ortograpiya ng Wikang Filipino. Hindi palagian ang pagsasanay sa pagpapantig ng 15 3 mga salita. Nahihirapan sa pagpapantig ng mga salita. 14 4 Nakakatamad mag-aral ng mga pagpapantig. 12 5 Batay sa pagraranggong ibinigay ng mga respondent, lumalabas na ang pangunahing dahilan ng suliraning kinakaharap sa pagpapantig ng mga salita ay ang mga sumusunod: 17 bilang ng mag-aaral ang sumagot dahil sa Nalilito ang mga mag- aaral sa mga Tuntunin sa Pagpapantig; 16 para sa Hindi Palagian ang Pagsasanay sa
  • 9. 32 Pagpapantig ng mga Salita; at 15 para sa Nahihirapan sa Pagpapantig ng mga Salita. Ang ganitong uri ng suliranin ay kinakailangan lamang ng agarang solusyon. Ang pagkalito ng mga mag-aaral sa mga tuntunin sa pagpapantig at nahihirapan sa pagpapantig ng mga salita ay kinakailangang bigyang pansin ng guro upang lubos na maunawaan at maging malinaw ang anumang kaalamang matatamo nila ukol sa pagpapantig ng mga salita. Ang pag-aaral ay nangangailangan ng motibasyon upang makuha ang interes ng mga mag-aaral sa anumang paksang itinuturo. Samantalang makikita naman sa Talahanayan 2.c ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa naturang paaralan hinggil sa panghihiram ng mga salita. Talahanayan 2.c Suliranin sa Panghihiram n=60 Suliranin sa Panghihiram Blg. Ng Mag-aaral Ranggo Nakakatamad mag-aral ng mga hiram na salita. 26 1 Nalilito ang mga mag-aaral sa mga tuntunin sa 22 2 panghihiram. Hindi itinuro ng guro ang 2009 Gabay sa 20 3 Ortograpiya ng Wikang Filipino. Hindi palagian nakakabasa ng mga salitang hiram. 17 4 Nahihirapan sa pagkilala ng mga hiram na salita. 13 5 Nasa unang ranggo na may 26 na bilang ng mag-aaral ang sumagot na Nakakatamad Mag-aral ng mga Hiram na Salita; 22 bilang ng mag-aaral naman na nasa ikalawang ranggo ang sumagot na Nalilito ang mga Mag-aaral sa mga Tuntunin sa Panghihiram; habang nasa ikatlong ranggo ang suliraning Hindi Itinuturo ng Guro ang 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino na may bilang ng sumagot na 20 mag- aaral.
  • 10. 33 Batay sa kinalabasan ng pagraranggo sa mga suliraning binanggit sa ipinamudmod na talatanungan, ang pangunahing suliranin ng mga mag-aaral na nakakatamad at nakalilito ang mga tuntunin sa panghihiram ay nangangahulugan lamang na kulang na kulang ang motibasyon ng mga mag-aaral. Ang suliraning ito ay nangangailangan ng madaliang solusyon upang matamo ng mga mag-aaral ang nararapat na kaalaman lalong-lalo na sa panghihiram ng mga salita sapagkat halos araw-araw ay ginagamit nila ang mga salitang ito sa loob at labas man ng paaralan. Pasalita man o pasulat ay kinakailangan na alam nila kung paano ito gagamitin sa maayos na paraan. Ang suliraning hindi itinuturo ng guro ang 2001 Gabay ay isang mabigat at malaking pagkukulang. Ang anumang pagkukulang ng isang guro sa kanyang pagtuturo ay maghahatid lamang ng isang inutil na kalalabasan ng pagtuturo. Isang malaking pagkakamali ang hindi ituro sa mga mag-aaral kung ano ang kinakailangan nilang matutunan. Mga Mungkahing Solusyon sa mga Suliraning Kinakaharap ng mga Mag-Aaral Maraming suliraning kinakaharap tayo rito sa mundo. Sinasabing ang bawat suliraning ito ay may kaakibat na solusyon. At upang magkaroon ng kalutasan ang mga suliraning ito ay kinakailangang mag-isip tayo ng maaaring solusyon. Matatagpuan sa Talahanayan 3.a ang mga mungkahing solusyon upang mabigyan ng kalutasan ang mga suliraning nabanggit na nagpapatungkol sa mga pagbabago sa ispeling, pagpapantig at panghihiram na nakapaloob sa mga alituntunin sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Batay sa talatanungang ipinamudmod ng mga kasalukuyang mananaliksik, ngangunguna sa mga solusyong naisip ng mga respondent na nasa unang ranggo na Magsanay ng Mabuti sa Pagsulat ng mga Angkop na Salita na Batay sa mga Tuntunin ng Ispeling. Ito ang solusyong naisip ng mga mag-aaral sa Salvacion National High
  • 11. 34 School sapagkat marahil ay kulang na kulang pa ang kanilang kasanayan sa paggamit ng tamang angkop na salita na sumusunod sa tuntunin sa ispeling. Nasa ikalawang ranggo naman ang solusyon na Pag-aralang Mabuti ang 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Samantalang nasa ikatlong ranggo ang Lumahok sa mga Worksyap na may Kaugnayan sa Ispeling upang marahil ay bumuti at masanay sila sa pagagmit ng wastong ispeling ng mga salita. Talahanayan 3.a Mungkahing Solusyon sa Suliranin sa Ispeling n=60 Mga Mungkahing Solusyon Bilang ng mga Mag-aaral Ranggo Magsanay ng mabuti sa pagsulat ng mga angkop na salita na batay sa mga 26 1 tuntunin ng ispeling Pag-aralang mabuti ang 2009 Gabay sa 23 2 Ortograpiya ng Wikang Filipino Lumahok sa mga worksyap na may kaugnayan sa ispeling 20 3 Ugaliing magbasa ng mga nakalimbag na mga salita sa mga teksto 19 4 Unawaing mabuti ang mga tuntunin sa ispeling 17 5 Samantalang sa pagpapantig naman, makikita sa Talahanayan 3.b ang mga mungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa mga suliraning kinakaharap nila sa pagpapantig. Nangunguna ang mungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa pagpapantig na Pag-aralan at Unawaing Mabuti ang mga Tuntunin nito. Mahalaga na alam ng mga mag- aaral ang tuntunin sa pagpapantig sapagkat malaking bahagi ang ginagampanan ng
  • 12. 35 pagbasa at pagsulat sa kanilang pagkatuto. Sa pamamagitan nito ay higit na mapauunlad nila ang kanilang kasanayan sa wastong pagpapantig ng mga salita na Talahanayan 3.b Mungkahing Solusyon sa Suliranin sa Pagpapantig n=60 Mga Mungkahing Solusyon Bilang ng mga Mag- Ranggo aaral Magsanay ng mabuti sa pagsulat ng mga angkop na salita na batay sa mga tuntunin sa pagpapantig 28 1 Rebyuhin ang mga lektyurs pagdating sa bahay 19 2 Ugaliing magsanay sa pagpapantig ng mga salita 16 3 Lumahok sa mga seminars o worksyap na may kaugnayan sa pagpapantig 15 4 Ituon ang pansin sa mga lektyurs ng guro 13 5 naaayon sa tuntunin nito. Nasa ikalawang ranggo ang Pagrerebyu ng mga Lektyurs Pagdating sa Bahay. Ang pagkatuto ay hindi lamang natatapos sa loob ng silid-aralan, ang pagrerebyu ay isang malaking hakbang sa ganap na pagkatuto o pag-master sa mga pinag-aralan sa paaralan. Samantalang nasa ikatlong naman ang Ugaliing Magsanay sa Pagsasanay sa Pagpapantig ng mga Salita. Ang palagiang pagsasanay ay maghahatid sa kanila sa isang magandang bunga dulot ng pagiging masinop at matiyaga sa pag-aaral. Makikita sa Talahanayan 3.c ang mga mungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa suliraning kinakaharap nila sa panghihiram ng mga salita.
  • 13. 36 Mapapansin natin na sa usapang panghihiram ay binigyang puntos ng mga mag- aaral sa Salvacion National High School ang mungkahing solusyon na Ugaliing Magbasa ng mga Nakalimbag na mga Salitang Hiram. Ang pagbabasa ng mga aklat at iba pang nakalimbag na babasahin ay isang malaking tulong sa pagpapatibay ng kanilang kaalaman patungkol sa panghihiram at ng mga tuntunin nito. Nasa ikalawang Talahanayan 3.c Mungkahing Solusyon sa Suliranin sa Panghihiram n=60 Mga Mungkahing Solusyon Bilang ng mga Ranggo Mag-aaral Ugaliing magbasa ng mga nakalimbag na salitang hiram 19 1 Unawaing mabuti ang mga tuntunin sa panghihiram ng mga salita 18 2 Ugaliing magrebyu ng mga lektyurs ng guro 17 3 Magkalap ng mga impormasyon tungkol rito sa pamamagitan ng mga teksto maging sa internet 16 4 Paghusayan ang kasanayan sa pag-aanalisa ng tamang ispeling ng mga hiram na salita 14 5 ranggo naman na Unawiang Mabuti ang mga Tuntunin sa Panghihiram. Sa bawat tekstong binabasa natin ay kinakailangan na laging may kaakibat na pag-unawa rito, sapagkat walang silbi ang pagbabasa ng anumang nakalimbag na teksto o babasahin kung hindi naman ito inuunawa. Samantalang nasa ikatlong ranggo naman na binigyan ng mga mag-aaral ng puntos ang Pagrerebyu ng mga Lektyurs ng Guro Tungkol sa Panghihiram. Ang paulit-ulit na pagrerebyu ng mga napag-aralan sa paaralan ay kinakailangang ugaliin ng bawat mag-aaral sapagkat makakatulong ito sa mas ikauunlad ng kanilang kaalaman sa panghihiram ng mga salita.
  • 14. 37 TALA Shyryll S. Baluca at Simonette G. Bilbao, Efekto ng Revisyon sa Ispeling sa Filipino. Di-Limbag na Undergradweyt Tesis. Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng Edukasyon, Daraga, Albay, 2006. Alfonso O. Santiago. Panimulang Liggwistika. Rex Book Store 856 Nicanor Reyes Sr. St. 1937 C.M. Recto Avenue, Manila, Phil. Copyright 1999.