SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  54
ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA
(Tulang Liriko-Pastoral Egypt) Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
JENITA D. GUINOO
Guro sa Filipino Gr. 10
GRAMATIKA
Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at
Saloobin (Padamdam na Pangungusap, Pahayag na
Tiyakang Nagpapadama ng Damdamin at
Konstruksiyong Gramatika)
MGA LAYUNIN:
• Naipakikita ang masigasig na pakikilahok sa mga gawaing
pampagkatuto
• Nabibigyang –puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng damdamin
• Naibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit ang
mga damdaming nakapaloob sa tula ay ipinararanas sa
mambabasa
• Nabinigyang reaksyon ang napakinggang damdamin na
nakapaloob sa isang tula o awit
• Nababasa nang may damdamin ang ilang piling saknong
ng tula
• Natutukoy ang mga bahaging napanood na pagtatanghal
sa pagbigkas ng tula na nagpapakita ng ugnayan ng
persona sa tula sa puwersa ng kalikasan
• Nakasusulat ng tulang pandamdamin na nagpapahayag
ng positibong pananaw sa buhay sa likod ng pagiging
masalimuot nito
• Nagagamit ang angkop na mga paraan ng
pagpapahayag ng damdamin sa isang tula
• Naipaliliwanag ang kabutihang naidudulot ng tapat na
pagpapahayag ng damdamin sa kapwa
• Naipahahayag sa tula ang positibong pananaw sa buhay
EGYPT
Kilala ang mga taga-Egypt sa
pagpapahalaga sa kamatayan ng tao.
Ngunit lingid sa kaalaman ng
nakararami, higit na pinahahalagahan
nila ang buhay kaya maging sa
kamatayan ay nais nila itong
pagpatuloy.
EGYPT
Ang katibayan sa
paniniwalang ito ay ang
sinaunang tulang nakuha sa
mga kuweba sa Egypt.
Ang paksa at tema sa
mga akdang ito ay pawang
tungkol pagpapahalaga sa
karaniwang pamumuhay ng
tao
ARALIN 1.6
“ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA”
MGA POKUS NA TANONG
• PANITIKAN:
 Bakit mahalagang unawain ang damdaming
nakapaloob sa tula ng Egypt?
• GRAMATIKA:
 Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa
tula?
TUKLASIN:
Yugto ng Pagkatuto
1.Ano ang nalalaman mo tungkol sa tula at sa tulang
liriko?
2.Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong
pastoral ng mga taga-Egypt?
GAWAIN I:
_______ Salamin ng buhay
_____ maaaring may sukat at
tugma
_____ nahahati sa iba’t ibang
kabanata
_____ binubuo ng mga taludtod
at talata
_____ piling-pili ang mga salitang
ginagamit
Yugto ng Pagkatuto
______ naglalaman ng masisidhing
damdamin
_____ maikli lamang at nababasa
ng isang upuan
_____ karaniwang nagsasalaysay
ng mga pangyayari
_____ nagpapahayag ng
katotohanan lamang
_____ ginagamitan ng tayutay o
matatalinghagang pahayag
Lagyan ng tsek ( )ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa tula
GAWAIN 2: Concept Web
Pumili ng mga salita mula sa kasunod na kahon na may
kaugnayan sa tulang liriko at isulat ito sa concept web.
Ipaliwanag sa isa hanggang tatlong pangungusap ang
konseptong nabuo. Gawin ito sa sautang papel.
sukat tugma korido Trahedya
awitin Tula Balagtasan Pastoral
Soneto Epiko Tanaga Dalit
Damdamin Elehiya Opinyon oda
Tulang Liriko
• Bumuo ng sariling katuturan ng tulang liriko
mula sa nabuong concept web
• May babasahin tayong halimbawa ng tulang
liriko. Alalahanin ang nabuong katuturan at iwasto
ito sa pagpapatuloy ng ating talakayan
Sa Libis ng Nayon
Kahit sa gabing madilim sa libis ng nayon
Tagimtim nitong kudyapi ay isang himaton
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawat puso’y tumutugon sa nilalayon
Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan
Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban
Kayamanan ay dangal ng kabukiran
 Suriin ang damdamin at mensahe ng awiting mapakinggan
 Kung ikaw ay susulat ng isang awitin, anong paksa at
damdamin ang nais mong ipahayag dito? Bakit?
 Sa iba’t ibang uri ng tula, alin ang pinakagusto mong
basahin at tungkol saan ito kung nagsusulat naman kayo
ng isang tula?
Uri ng Tulang Liriko:
a. PASTORAL- ang salitang pastoral ay mula sa salitang latin na
“pastor”. Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng
isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at
naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba
pa.
Ang mga sopistikadng alagad ng sining ang sumusulat ng tulang
pastoral na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang
simpleng tao.
Alam mo ba na….
Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng
masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig,
kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa.
Maikli at payak ang uring ito ng tula.
Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:
a.Isang alegorya na gumagamit ng simbolismo
a.Panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga
mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong
buhay at madama pansamantala ang Malaya at walang
kaguluhang buhay.
b.Paglagay ng komplikado sa simple
Sa Pilipinas ito’y tulang naglalahad ng buhay-buhay sa bukid
at pagpapahalag sa gawain at pamumuhay sa bukid.
Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig
b. ELEHIYA- Isang tula ng pamamanglaw na medaling makilala ayon sa paksa,
gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa. Maaaring ito’y pagdaramdam o
kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag-
aagaw-buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang
maliligayang sandal ay agad lumipas.
Halimbawa: “Ang Pamana “ ni Jose Corazon de Jesus
c. SONETO -Isang tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin,
kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na
pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa: “Soneto ng Buhay” ni Fernando B. Monleon
d. ODA – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng
damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa
isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayog na damdamin at kaisipan
ng makata. Sa matandang panulaan, karaniwang ito’y isang awit ng papuri
patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o
anumang bagay (buhay man o patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan
ng pagtula.
Halimbawa: “Tumangis Si Raquel “
e. AWIT – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-
ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at
kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa
Panganiban ay isang awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y
nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punung-puno ng
pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta.
Halimbawa: “May Isang Pangarap” ni Teodoro Gener
f. DALIT – Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa
Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng
pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at
pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at
dalitbansa ay itinututring nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring
dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang
dalitbansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan.
halimbawa: “Halika sa Bukirin” ni Milagros Macaraig
MGA ELEMENTO NG TULA
1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay
karaniwang may 8, 12, at 16 na pantig o sukat.
Halimbawa:
Sukat: Lalabindalawahing pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit
2. Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng
bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b,
a-b-b-a, o kaya ay a-a-b-b.
Halimbawa:
Tugma: a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukkha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
3. TALINGHAGA– ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng
makata. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, tugma at hindi tula ang
binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig
sabihin. Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag.
Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga
pahayag.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
4. KARIKTAN – Ito’y ang malinaw at di-malilimutang impresyon na
nakikintal sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may
naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng
bumabasa
Mga Paraan sa pagsulat ng Tula
1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga
halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na
mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata
ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang
lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito.
Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga
namasid niya o bunga lamang ng kanyang makulay na imahinasyon
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting
salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag
ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniawang
paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng
kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tuala kung ipinakikita at
ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng
kanyang akad hindi lamang niya ito sinasabi.
PAGTATALAKAY SA ARALIN:
1.Ano ang tula?
2.Paano naiiba ang tula sa iba pang uri ng akdang
pampanitikan?
3.Paano nagkakaiba-iba ang apat na uri ng tula
ayon sa kaanyuan nito?
LINANGIN
Ito ay isang tula noong panahon ng Bagong Kaharian
(1570-1085 B. C.) ng sinaunang Egypt. Ito ang panahon ng
pagpapalawak ng Empire ng Egypt at panahon ng
sopistikadong pag-usbong ng kultura nito.
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay isang uri ng panitikan
mula sa mga taga-Ehipto, isang tulang lirikong pastoral na
ibinabahagi ang dalisay na kagustuhan ng mga sinaunang
tao ng simpleng uri ng pamumuhay sa gitna ng lumalagong
sibilisasyon at umuunlad na modernisasyon ng Egypt. Isang
malaking patunay ng tula na taos-puso ang pagpapahalaga
ng mga taga Ehipto sa buhay ng tao.
 Bakit mahalagang unawain ang tulang pastoral ng mga taga-Egypt na nagpapakita ng
pagnanais nila ng simpleng buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng kanilang panahon?
ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA
Ang tinig ng ligaw na gansa Lambat ko ay aking itatabi
Nahuli sa pain, umiyak Subalit kay ina’y anong masasabi?
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig, Sa araw-araw ako’y umuuwi.
Hindi ako makalpas karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
Sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag
Unang Pagbasa:
Tahimik na pagbasa ng tula , o maaring pumili ng pinakamahusay bumigkas ng tula sa
klase upang maging huwaran sa iba pang mag-aaral.
GAWAIN 3: PAGLINANG NG TALASALITAAN
a.Piliin sa talaan ng mga salita ang katulad na kahulugan ng salitang
nasa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.
Nakulong naloko mailap kawala
Pain mahirap hulihin silo bilanggo
takas preso pugante nabihag
alpas
bitag
bihag
Liwag ng bansa
Balikan ang tula, halawin dito ang kontekstuwal na
kahulugan ng mga salita sa Gawain 3.
Gamitin ang mga ito sa pagbuo ng pangungusap
Pangalawang Pagbasa:
 Pagpapalapat ng himig sa tula. Papangkatin ang klase
sa lima at ipagagawa ang paglalapat ng himig ayon sa
damdaming nangingibabaw dito.
Pahapyaw na pagtalakay ng mensaheng napapaloob
sa tula.
Bigyang kasagutan ang mga Gawain, magbigay
paliwanag ukol dito
b. Basahin ang mga taludtod ng tula at ilarawan kung
anong damdamin ang ipinahahayag nito. Kopyahin ang
pormat sa iyong sagutang papel.
Nahuli sa pain, umiyak
Hindi ako makaalpas
Lambat ko ay aking itatabi subalit
kay ina’y anong masasabi?
Taludtod ng Tula Damdamin
Sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag
GAWAIN 4: Kaisipan Mo’y Mahalaga
Sagutin ang mga tanong, isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang persona o nagsasalita sa tula? Ilarawan ang kaniyang katangian at
damdamin batay sa nilalaman ng tula.
2. Ano ang pang-araw-araw na gawain ng nagsasalita sa tula?
3. Bakit kakaiba ang araw na ito sa kanya?
4. Ano ang larawang nabuo mo sa iyong isipan pagkatapos basahin ang tula?
5. Ano ang masasalaming kultura ng mga taga-Egypt na makikita sa akda? Paano ito
maiuugnay sa kulturang Pilipino?
6. Sa iyong palagay, anu-ano ang positibo at negatibong nagagawa ng tao nang
dahil sa pag-ibig? Magbigay ng tigdadalawang halimbawa at ipaliwanag ang
bawat isa.
7. Paano maiiwasan ang negatibongg bunga ng pag-ibig? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
GAWAIN 5: Paglinang ng kasanayang Pampanitikan
1. Suriin ang simbolismong ginamit sa tula at ipaliwanag ang
kahulugan nito.
Tinig ng Ligaw Na Gansa
Simbolismo
Ligaw na Gansa
pain
bihag
Kahulugan
2. Ano ang tinutukoy na komplikasyon ng buhay sa tula?
3. Paano ipinakita sa tula ang simpleng pananaw sa
komplikasyon ng buhay?
4. Ano ang impresyon o kakintalang naiwan sa iyo
pagkatapos mong mabasa ang tula?
5. Paano nakatutulong ang pagtingin sa ibat’t ibang
pananaw o perspektibo ng tao sa buhay?
GAWAIN 6: Suriin Mo
Suriin mo ang pagkakatulad at pagkakaiba nitong tulang
lirikong pastoral
BAYANI NG BUKID
Ni: Alejandrino Q. Perez
Ako'y magsasakang bayani ng bukid
Sandata'y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman
Ang haring araw di pa sumisikat
Ako'y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila'y umaasa sa pawis ko't gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang aki'y dumami ng para sa lahat
Kapag ang balana'y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso'y nagagalak.
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa aming paligid namamalas pa rin
Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato'y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Ako'y gumagawa sa bawat panahon
Na sa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako'y makatulong
At nang maiwasan ang pagkakagutom.
Ako'y magsasakang bayani ng bukid
Sandata'y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit
Sagutin ang mga gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Anu-ano ang simbolismong ginamit sa tula?
3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula?
4. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang mensahe ng
tulang “Ang Tinig ng Gansa” sa tulang ito?
5. Ano ang masasalaming kultura ng mga Pilipino sa tulang
“Bayani ng Bukid”?
Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban,1998
GAWAIN 7: Pagsusuri sa kayarian
1. Paano nagkakatulad at nagkaiba ayon sa kayarian ang
dalawang tula?Isulat sa sagutang papel.
Ang Tinig ng Ligaw na
Gansa
Kayarian Bayani ng Bukid
Pagkakatulad
a. Sukat
b. Tugma
c. Talinghaga
d. Kariktan
Pagkakaiba
a. Sukat
b. Tugma
c. Talinghaga
d. Kariktan
2. May nakahihigit ba sa dalawang tula batay sa kasiningan ng pagpapahayag ng
kaisipan kung pagbabatayan ang kayarian? Ipaliwanag.
3. Paano ipinakikita ang komplikadong buhay at simpleng buhay sa dalawang tula?
EGYPT-TINIG NG LIGAW NA GANSA (Tulang Lirikong Pastoral
Komplikasyon ng Buhay Simpleng Buhay
PILIPINAS- BAYANI NG BUKID (Tulang Lirikong Pastoral)
Komplikasyon ng Buhay Simpleng Buhay
PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA
Iba’t iba ang damdamin ng mga tao. Sa pagpapahayag ng
damdamin nagiging makulayang alinmang akdang pampanitikan. Kaya
mahalagng malaman kung paano mabisang maipahahayag ito.
Basahin ang tula at pagtuunan ng pansin ang damdaming
mangingibabaw sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong.
REPUBLIKANG BASAHAN (1945)
Teodoro Agoncillo
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?
Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?
Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!
Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!
Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.
Malaya ka, bakit hindi? Sa bitayan ikaw'y manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!
Kalayaan - ito pala'y mayro'n na ring tinutubo
Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!
Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.
Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,
Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!
Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!
Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.
Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.
Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!
Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?
Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!
Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,
Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.
Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?
Republika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,
Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!
Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!
Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.
Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,
Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.
Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!
Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998
Sagutin ang mga gabay na Tanong. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Bakit hindi tunay ang pagkamit ng kalayaan ng bansa ayon sa
may-akda?
2. Paano makakamit ang tunay na kalayaan ayon sa tula?
3. Magtala ng lima hanggang sampung taludtod o saknong ng
tula na nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin. Gamitin ang
kasunod na pormat sa pagtalakay ng iyong sagot.
Taludtod/saknong Damdamin
Halimbawa:
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala’y busilak ng kalayaan?
Pagkagalit
4. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang tula?
5. Paano ipinahayag ng makata ang damdamin sa tula?
6. Naging mabisa ba ito?Ipaliwanag.
Alam mo ba na…
Ang wika ay hindi lamang instrument sa pagpapahayag ng kaisipan kundi ng
saloobin, gawi at paniniwala? Sa pamamagitan nito’y naipahahayag natin ang
nadarama natin sa ating kapwa.
Pagpapahayag ng Emosyon
Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa wikang
Filipino, kabilang ang sumusunod:
1. Isang paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap sa
pagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit sa pangungusap na ito
ang bantas na padamdam (!), at kung minsa’y ang bantas na patanong (?)
tulad ng sumusunod:
a. Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo. Naks! Ganda! Bilib ako!
b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya. Inay! Naku po!
c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, yehey!Yipee!
d. Pag-asa: Harinawa, sana sumama ka sa group study naming.
e. pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako!Kakainis!
Ginagamit dinkung minsan ang panandang pananong (?) sa pagpapahayag
ng damdamin lalo na kung ito ay may halong pagtataka.
Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa emosyong
nadarama.Gaya nito:
a. Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a!
b. Pagkagulat: O , ikaw pala!
c. Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya!
d. Pagtataka : Siyanga? Totoo bang sinabi mo?
e. Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommy.
f. Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka!
g. Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na!
2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama ng
damdamin at/o saloobin ng nagsasalita. Ngunit mahuhulaang hindi masyadong
matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan. Pansinin ding ginagamitan
ng tuldok ang mga pahayag, bagaman maaari ring gamitan ng padammdam ang
bawat isa upang makapaghudyat ng mas matinding damdamin.
a. pagtanggi:Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan.
b. Pagkasiya:Mabuti naman at narito na kayo.
c. pagtataka: hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang balitang iyan.
d. pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit.
3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng sumusunod na
kosntruksyong gramatikal:
 Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo ng
pariralang nominal o adjectival.
a. Ang ganda ng tulang iyan!
b. Nakakapanggigigil talaga ang alaga mong aso!
c. Ang ilap ng gansa!
Paggamit ng mga ekspresyong karaniwang nagpapahayag ng antas ng
kasukdulan o kasobrahan.
a. Napalakulit ng lalaking mangingibig!
b. Sobrang bait ng mag-aaral.
c. Ang ganda-ganda niya!
d. Talagang gulat na gulat si Arvyl.
Paggamit ng negatibong ekspresyon na binibigyang-diin kapag binibigkas,
kasama ang ano man, sino man, saan man at iba pa.
a. Wala kang maaasahang ano man sa kaniya.
b. Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo.
c. Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin.
Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na pagtatanong upang
bigyang-diin ang isang kaisipan. Ito ay tanong na hindi sinasagot sapagkat
lantad na)
a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba?
(Napakaganda ng ginawa nila!)
b. Dahilan ba iyan para malungkot ka?
(Hindi iyan sapat na dahilan para malungkot ka!)
c. Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi?
(Hindi, sapagkat nakasusi ang bibig)
d. Anong diperensiya noon?
(Wala iyong diperensiya)
e. Sino ang hindi nakakaalam niyan?
(Alam iyan ng lahat)
PAGSASANAY I:
Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa bawat
pangungusap.
Pangungusap Damdamin Paraan ng
pagpapahayag
1. Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap
2. Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi? Sa patak ng
iyong luha’ymalaya kang mamighati
3. Ang buhay mo’y walangpatid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi’tangkan, sa bayan mong dumarating!
4. Ang galling-galling mong magsaulo ng tula.
5. Ang husay ng mga taga-Egypt sa kanilang sining, di ba?
6. Talagang galit na galit ang makata nang isulat niya ang
tula.
7.Wala na tayong pag-asa kung patuloy tayong
magpapaalipin
8. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!
9. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad!
10. Pasensiya na, wala na akong magagawa
PAGSASANAY 2:
Naririto ang iyong pagkakataong maipahayag ang iyongsaloobin. Bumuo ng isang
pangungusap na nagpapahayag ng iyong damdamin sa sumusunod na mga
katauhan. Ipahayag ang pangungusap na tila kausap mo sila. Gumamit ng iba’t
ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin.
1. taong lihim na hinahangaan: _______________________________________________
2. Nakilalang may mabigat na suliranin:________________________________________
3. Taong nais hingan ng paumanhin:___________________________________________
4. kaklase na hinahangaan mo dahil sa kanyang kabutihan:____________________
5. Pangulo ng Pilipinas:________________________________________________________
PAGSASANAY 3:
Sumulat ng isang text message na magpapanumbalik ng pag-asa sa iyong
kaibigan, kaklase o kakilalang may pinagdaraanang suliranin. Sikaping ipahayag sa
mensahe ang positibong pananaw sa buhay upang magpatuloy siyang harapin
ito. Maaaring patula o tuluyan ang isusulat na mensahe. Isulat sa sagutang papel o
maaaring ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng pag-text.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN:
GAWAIN 9: Bahaginan
Ibahagi sa iyong kamag-aral ang iyong sagot sa sumusunod na tanong.
1. Paano naiiba ang pastoral sa iba pang uri ng tulang liriko?
2. Bakit mahalagang maipahayag ng tao ang kaniyang damdamin sa kapwa?
3. Paano nakatutulong ang pagbabasa ng tulang pastoral sa mambabasa?
4. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?
5. Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?
 Pagkatapos sa pakikipagpalitan ng sagot at tanong sa kaklase, bumuo ng sintesis
tungkol sa mga natutuhan sa buong aralin.Talakayin ang sagot sa tulong ng kasunod na
grapikong representasyon.
Egypt
Pagpapahayag ng
damdamin
Pilipinas
Tulang
Liriko
ILIPAT
Isa kang Guidance Counselor (propesyunal na tagapayo ng mga mag-
aaral kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-akademiko at propesyunal
na mga alalahanin.) sa isang pampublikong paaralan. Linggo-lingo ay may
iba’t ibang mag-aaral ang nagtutungo sa iyong opesina upang humingi
ng payo tungkol sa kanilang mga pinagdaraanang suliranin sa buhay.
Napansin mong kahit sa murang edad ng mga mag-aaral ay masalimuot
na ang mga suliraning kanilang kinahaharap. Ito ang nagiging sanhi ng
hindi nila pagkakaroon ng lubos na atensiyon sa pag-aaral. Sa dami ng
mga mag-aaral sa iyong paaralan hindi mo mabibigyan ng atensiyon at
payo ang lahat ng mga mag-aaral. Naisip mo na magpaskil ng tulang
pastoral na may mensaheng makapagbibigay sa kanila ng positibong
pananaw sa buhay sa kabila ng pagiging masalimuot nito. Sa ganitong
paraan parang nabigyan mo na rin ng payo ang bawat makababasa ng
iyong tula
Dalawa hanggang tatlong taludtod na tulang pastoral ang iyong isusulat
batay sa pamantayang ito:
a. Malinaw na Mensahe 10 puntos
- piling-pili ang mga salitang ginamit
- May malinaw na pagpapahayag ng damdamin
b. Matalinghaga 10 puntos
- Malalim ang kahulugan/ may simbolismo
- Malikahain at matayutay na pagpapahayag ng kaisipan
c. May kariktan 10 puntos
- May kakintalan
- mapagparanas
MARAMING SALAMAT SA PAKIKILAHOK!
Nilikha ni:
JENITA D. GUINOO
Guro sa Filipino – Gr.10

Contenu connexe

Tendances

TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaFilipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
MarizLizetteAdolfo1
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Emelyn Inguito
 

Tendances (20)

Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Talumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma RousseffTalumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma Rousseff
 
Mito at gamit ng pandiwa
Mito at gamit ng pandiwaMito at gamit ng pandiwa
Mito at gamit ng pandiwa
 
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng PandiwaFilipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 
Filipino 10 Mitolohiya
Filipino 10 MitolohiyaFilipino 10 Mitolohiya
Filipino 10 Mitolohiya
 
Filipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- MitolohiyaFilipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- Mitolohiya
 
Alegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuriAlegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuri
 
Filipino 10 - Analohiya
Filipino 10 - AnalohiyaFilipino 10 - Analohiya
Filipino 10 - Analohiya
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
 
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaFilipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
 
Top down approach
Top down approachTop down approach
Top down approach
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's Module
 
Dagli
DagliDagli
Dagli
 
Grade10- Parabula
Grade10- ParabulaGrade10- Parabula
Grade10- Parabula
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Anekdota
 
Dagli
DagliDagli
Dagli
 

En vedette

Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
rosemelyn
 
Uri ng tula
Uri ng tulaUri ng tula
Uri ng tula
Kaira Go
 

En vedette (20)

" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 
Tula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nitoTula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nito
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
ANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATO
ANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATOANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATO
ANG ALEGORYA NG YUNGIB NI PLATO
 
Filipino 10 teachers guide
Filipino 10  teachers guideFilipino 10  teachers guide
Filipino 10 teachers guide
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
 
Filipino group 1-gawain-4
Filipino group 1-gawain-4Filipino group 1-gawain-4
Filipino group 1-gawain-4
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
Filipino group 3-gawain-6
Filipino group 3-gawain-6Filipino group 3-gawain-6
Filipino group 3-gawain-6
 
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterraneanFilipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
 
Mga tula at awit
Mga tula at awitMga tula at awit
Mga tula at awit
 
Karagatan at duplo
Karagatan at duploKaragatan at duplo
Karagatan at duplo
 
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)
 
Pagsusuri ng Tula
Pagsusuri ng TulaPagsusuri ng Tula
Pagsusuri ng Tula
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Uri ng tula
Uri ng tulaUri ng tula
Uri ng tula
 

Similaire à Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Similaire à Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (20)

Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
TULA.pptx
TULA.pptxTULA.pptx
TULA.pptx
 
Tula elemento uri atbp
Tula elemento uri atbpTula elemento uri atbp
Tula elemento uri atbp
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikan
 
Elective 2 ppt.pptx
Elective 2 ppt.pptxElective 2 ppt.pptx
Elective 2 ppt.pptx
 
tula.pptx
tula.pptxtula.pptx
tula.pptx
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
 
4. PAG-IBIG 2.5-ppt.pptx
4. PAG-IBIG 2.5-ppt.pptx4. PAG-IBIG 2.5-ppt.pptx
4. PAG-IBIG 2.5-ppt.pptx
 
Filipino tula-compatible
Filipino tula-compatibleFilipino tula-compatible
Filipino tula-compatible
 
Tula
TulaTula
Tula
 
PAMANA-1.pptx
PAMANA-1.pptxPAMANA-1.pptx
PAMANA-1.pptx
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptxIKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
 
Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3
 
Tula
TulaTula
Tula
 
TULA.pptx
TULA.pptxTULA.pptx
TULA.pptx
 
TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............
 
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxSp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
 

Plus de Jenita Guinoo

Plus de Jenita Guinoo (20)

Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptxAng Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
 
Role of parents
Role of parentsRole of parents
Role of parents
 
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
 
Kab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang talesKab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang tales
 
Sa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglawSa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglaw
 
Pagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanyaPagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanya
 
Pagtitiwala
PagtitiwalaPagtitiwala
Pagtitiwala
 
Kabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismoKabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismo
 
Kabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismoKabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismo
 
Kabanata 5 noli
Kabanata 5 noliKabanata 5 noli
Kabanata 5 noli
 
Kabanata 5 el fili
Kabanata 5 el filiKabanata 5 el fili
Kabanata 5 el fili
 
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibusteroKabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibustero
 
Florante at laura sa atenas
Florante at laura  sa atenasFlorante at laura  sa atenas
Florante at laura sa atenas
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 
Bahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismoBahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 

Dernier

Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
Joren15
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 

Dernier (20)

kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

  • 1. ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA (Tulang Liriko-Pastoral Egypt) Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat JENITA D. GUINOO Guro sa Filipino Gr. 10
  • 2. GRAMATIKA Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin (Padamdam na Pangungusap, Pahayag na Tiyakang Nagpapadama ng Damdamin at Konstruksiyong Gramatika)
  • 3. MGA LAYUNIN: • Naipakikita ang masigasig na pakikilahok sa mga gawaing pampagkatuto • Nabibigyang –puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin • Naibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga damdaming nakapaloob sa tula ay ipinararanas sa mambabasa • Nabinigyang reaksyon ang napakinggang damdamin na nakapaloob sa isang tula o awit • Nababasa nang may damdamin ang ilang piling saknong ng tula
  • 4. • Natutukoy ang mga bahaging napanood na pagtatanghal sa pagbigkas ng tula na nagpapakita ng ugnayan ng persona sa tula sa puwersa ng kalikasan • Nakasusulat ng tulang pandamdamin na nagpapahayag ng positibong pananaw sa buhay sa likod ng pagiging masalimuot nito • Nagagamit ang angkop na mga paraan ng pagpapahayag ng damdamin sa isang tula • Naipaliliwanag ang kabutihang naidudulot ng tapat na pagpapahayag ng damdamin sa kapwa • Naipahahayag sa tula ang positibong pananaw sa buhay
  • 5. EGYPT Kilala ang mga taga-Egypt sa pagpapahalaga sa kamatayan ng tao. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, higit na pinahahalagahan nila ang buhay kaya maging sa kamatayan ay nais nila itong pagpatuloy.
  • 6. EGYPT Ang katibayan sa paniniwalang ito ay ang sinaunang tulang nakuha sa mga kuweba sa Egypt. Ang paksa at tema sa mga akdang ito ay pawang tungkol pagpapahalaga sa karaniwang pamumuhay ng tao
  • 7. ARALIN 1.6 “ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA”
  • 8. MGA POKUS NA TANONG • PANITIKAN:  Bakit mahalagang unawain ang damdaming nakapaloob sa tula ng Egypt? • GRAMATIKA:  Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?
  • 9. TUKLASIN: Yugto ng Pagkatuto 1.Ano ang nalalaman mo tungkol sa tula at sa tulang liriko? 2.Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?
  • 10. GAWAIN I: _______ Salamin ng buhay _____ maaaring may sukat at tugma _____ nahahati sa iba’t ibang kabanata _____ binubuo ng mga taludtod at talata _____ piling-pili ang mga salitang ginagamit Yugto ng Pagkatuto ______ naglalaman ng masisidhing damdamin _____ maikli lamang at nababasa ng isang upuan _____ karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari _____ nagpapahayag ng katotohanan lamang _____ ginagamitan ng tayutay o matatalinghagang pahayag Lagyan ng tsek ( )ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa tula
  • 11. GAWAIN 2: Concept Web Pumili ng mga salita mula sa kasunod na kahon na may kaugnayan sa tulang liriko at isulat ito sa concept web. Ipaliwanag sa isa hanggang tatlong pangungusap ang konseptong nabuo. Gawin ito sa sautang papel. sukat tugma korido Trahedya awitin Tula Balagtasan Pastoral Soneto Epiko Tanaga Dalit Damdamin Elehiya Opinyon oda
  • 13. • Bumuo ng sariling katuturan ng tulang liriko mula sa nabuong concept web • May babasahin tayong halimbawa ng tulang liriko. Alalahanin ang nabuong katuturan at iwasto ito sa pagpapatuloy ng ating talakayan
  • 14. Sa Libis ng Nayon Kahit sa gabing madilim sa libis ng nayon Tagimtim nitong kudyapi ay isang himaton Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon Bawat puso’y tumutugon sa nilalayon Puno ng kawayan ay naglangitngitan Lalo na kung hipan ng hanging amihan Ang katahimikan nitong kaparangan Pinukaw na tunay nitong kasayahan Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa libis ng nayon doon manirahan Taga-bukid man may gintong kalooban Kayamanan ay dangal ng kabukiran  Suriin ang damdamin at mensahe ng awiting mapakinggan
  • 15.  Kung ikaw ay susulat ng isang awitin, anong paksa at damdamin ang nais mong ipahayag dito? Bakit?  Sa iba’t ibang uri ng tula, alin ang pinakagusto mong basahin at tungkol saan ito kung nagsusulat naman kayo ng isang tula?
  • 16. Uri ng Tulang Liriko: a. PASTORAL- ang salitang pastoral ay mula sa salitang latin na “pastor”. Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa. Ang mga sopistikadng alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao. Alam mo ba na…. Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.
  • 17. Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang: a.Isang alegorya na gumagamit ng simbolismo a.Panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama pansamantala ang Malaya at walang kaguluhang buhay. b.Paglagay ng komplikado sa simple Sa Pilipinas ito’y tulang naglalahad ng buhay-buhay sa bukid at pagpapahalag sa gawain at pamumuhay sa bukid. Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig
  • 18. b. ELEHIYA- Isang tula ng pamamanglaw na medaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa. Maaaring ito’y pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag- aagaw-buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang maliligayang sandal ay agad lumipas. Halimbawa: “Ang Pamana “ ni Jose Corazon de Jesus c. SONETO -Isang tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa. Halimbawa: “Soneto ng Buhay” ni Fernando B. Monleon d. ODA – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayog na damdamin at kaisipan ng makata. Sa matandang panulaan, karaniwang ito’y isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay (buhay man o patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula. Halimbawa: “Tumangis Si Raquel “
  • 19. e. AWIT – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag- ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punung-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta. Halimbawa: “May Isang Pangarap” ni Teodoro Gener f. DALIT – Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at dalitbansa ay itinututring nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan. halimbawa: “Halika sa Bukirin” ni Milagros Macaraig
  • 20. MGA ELEMENTO NG TULA 1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay karaniwang may 8, 12, at 16 na pantig o sukat. Halimbawa: Sukat: Lalabindalawahing pantig Ako’y magsasakang bayani ng bukid Sandata’y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit 2. Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, a-b-b-a, o kaya ay a-a-b-b. Halimbawa: Tugma: a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya) Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukkha Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
  • 21. 3. TALINGHAGA– ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag. Halimbawa: Nahuli sa pain, umiyak Ako’y hawak ng iyong pag-ibig Hindi ako makaalpas 4. KARIKTAN – Ito’y ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa
  • 22. Mga Paraan sa pagsulat ng Tula 1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula. 2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid niya o bunga lamang ng kanyang makulay na imahinasyon 3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniawang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita. 4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tuala kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang akad hindi lamang niya ito sinasabi.
  • 23. PAGTATALAKAY SA ARALIN: 1.Ano ang tula? 2.Paano naiiba ang tula sa iba pang uri ng akdang pampanitikan? 3.Paano nagkakaiba-iba ang apat na uri ng tula ayon sa kaanyuan nito?
  • 24. LINANGIN Ito ay isang tula noong panahon ng Bagong Kaharian (1570-1085 B. C.) ng sinaunang Egypt. Ito ang panahon ng pagpapalawak ng Empire ng Egypt at panahon ng sopistikadong pag-usbong ng kultura nito. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay isang uri ng panitikan mula sa mga taga-Ehipto, isang tulang lirikong pastoral na ibinabahagi ang dalisay na kagustuhan ng mga sinaunang tao ng simpleng uri ng pamumuhay sa gitna ng lumalagong sibilisasyon at umuunlad na modernisasyon ng Egypt. Isang malaking patunay ng tula na taos-puso ang pagpapahalaga ng mga taga Ehipto sa buhay ng tao.
  • 25.
  • 26.  Bakit mahalagang unawain ang tulang pastoral ng mga taga-Egypt na nagpapakita ng pagnanais nila ng simpleng buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng kanilang panahon? ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA Ang tinig ng ligaw na gansa Lambat ko ay aking itatabi Nahuli sa pain, umiyak Subalit kay ina’y anong masasabi? Ako’y hawak ng iyong pag-ibig, Sa araw-araw ako’y umuuwi. Hindi ako makalpas karga ang aking mga huli Di ko inilagay ang bitag Sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag Unang Pagbasa: Tahimik na pagbasa ng tula , o maaring pumili ng pinakamahusay bumigkas ng tula sa klase upang maging huwaran sa iba pang mag-aaral.
  • 27. GAWAIN 3: PAGLINANG NG TALASALITAAN a.Piliin sa talaan ng mga salita ang katulad na kahulugan ng salitang nasa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot. Nakulong naloko mailap kawala Pain mahirap hulihin silo bilanggo takas preso pugante nabihag alpas bitag bihag Liwag ng bansa
  • 28. Balikan ang tula, halawin dito ang kontekstuwal na kahulugan ng mga salita sa Gawain 3. Gamitin ang mga ito sa pagbuo ng pangungusap Pangalawang Pagbasa:  Pagpapalapat ng himig sa tula. Papangkatin ang klase sa lima at ipagagawa ang paglalapat ng himig ayon sa damdaming nangingibabaw dito. Pahapyaw na pagtalakay ng mensaheng napapaloob sa tula. Bigyang kasagutan ang mga Gawain, magbigay paliwanag ukol dito
  • 29. b. Basahin ang mga taludtod ng tula at ilarawan kung anong damdamin ang ipinahahayag nito. Kopyahin ang pormat sa iyong sagutang papel. Nahuli sa pain, umiyak Hindi ako makaalpas Lambat ko ay aking itatabi subalit kay ina’y anong masasabi? Taludtod ng Tula Damdamin Sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag
  • 30. GAWAIN 4: Kaisipan Mo’y Mahalaga Sagutin ang mga tanong, isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Sino ang persona o nagsasalita sa tula? Ilarawan ang kaniyang katangian at damdamin batay sa nilalaman ng tula. 2. Ano ang pang-araw-araw na gawain ng nagsasalita sa tula? 3. Bakit kakaiba ang araw na ito sa kanya? 4. Ano ang larawang nabuo mo sa iyong isipan pagkatapos basahin ang tula? 5. Ano ang masasalaming kultura ng mga taga-Egypt na makikita sa akda? Paano ito maiuugnay sa kulturang Pilipino? 6. Sa iyong palagay, anu-ano ang positibo at negatibong nagagawa ng tao nang dahil sa pag-ibig? Magbigay ng tigdadalawang halimbawa at ipaliwanag ang bawat isa. 7. Paano maiiwasan ang negatibongg bunga ng pag-ibig? Ipaliwanag ang iyong sagot.
  • 31. GAWAIN 5: Paglinang ng kasanayang Pampanitikan 1. Suriin ang simbolismong ginamit sa tula at ipaliwanag ang kahulugan nito. Tinig ng Ligaw Na Gansa Simbolismo Ligaw na Gansa pain bihag Kahulugan
  • 32. 2. Ano ang tinutukoy na komplikasyon ng buhay sa tula? 3. Paano ipinakita sa tula ang simpleng pananaw sa komplikasyon ng buhay? 4. Ano ang impresyon o kakintalang naiwan sa iyo pagkatapos mong mabasa ang tula? 5. Paano nakatutulong ang pagtingin sa ibat’t ibang pananaw o perspektibo ng tao sa buhay?
  • 33. GAWAIN 6: Suriin Mo Suriin mo ang pagkakatulad at pagkakaiba nitong tulang lirikong pastoral BAYANI NG BUKID Ni: Alejandrino Q. Perez Ako'y magsasakang bayani ng bukid Sandata'y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit. Ang kaibigan ko ay si Kalakian Laging nakahanda maging araw-araw Sa pag-aararo at paglilinang Upang maihanda ang lupang mayaman
  • 34. Ang haring araw di pa sumisikat Ako'y pupunta na sa napakalawak Na aking bukiring laging nasa hagap At tanging pag-asa ng taong masipag. Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sila'y umaasa sa pawis ko't gawa. Sa aking paggawa ang tangi kong hangad Ang aki'y dumami ng para sa lahat Kapag ang balana'y may pagkaing tiyak Umaasa akong puso'y nagagalak.
  • 35. At pagmasdan ninyo ang aking bakuran Inyong makikita ang mga halaman Dito nagmumula masarap na gulay Paunang pampalakas sa ating katawan. Sa aming paligid namamalas pa rin Ang alagang hayop katulad ng kambing Baboy, manok, pato'y alay ay pagkain Nagdudulot lakas sa sariling atin. Ako'y gumagawa sa bawat panahon Na sa aking puso ang taos na layon Na sa bawat tao, ako'y makatulong At nang maiwasan ang pagkakagutom.
  • 36. Ako'y magsasakang bayani ng bukid Sandata'y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit Sagutin ang mga gabay na tanong: 1. Tungkol saan ang tula? 2. Anu-ano ang simbolismong ginamit sa tula? 3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula? 4. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang mensahe ng tulang “Ang Tinig ng Gansa” sa tulang ito? 5. Ano ang masasalaming kultura ng mga Pilipino sa tulang “Bayani ng Bukid”? Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban,1998
  • 37. GAWAIN 7: Pagsusuri sa kayarian 1. Paano nagkakatulad at nagkaiba ayon sa kayarian ang dalawang tula?Isulat sa sagutang papel. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa Kayarian Bayani ng Bukid Pagkakatulad a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d. Kariktan Pagkakaiba a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d. Kariktan
  • 38. 2. May nakahihigit ba sa dalawang tula batay sa kasiningan ng pagpapahayag ng kaisipan kung pagbabatayan ang kayarian? Ipaliwanag. 3. Paano ipinakikita ang komplikadong buhay at simpleng buhay sa dalawang tula? EGYPT-TINIG NG LIGAW NA GANSA (Tulang Lirikong Pastoral Komplikasyon ng Buhay Simpleng Buhay PILIPINAS- BAYANI NG BUKID (Tulang Lirikong Pastoral) Komplikasyon ng Buhay Simpleng Buhay
  • 39. PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA Iba’t iba ang damdamin ng mga tao. Sa pagpapahayag ng damdamin nagiging makulayang alinmang akdang pampanitikan. Kaya mahalagng malaman kung paano mabisang maipahahayag ito. Basahin ang tula at pagtuunan ng pansin ang damdaming mangingibabaw sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong. REPUBLIKANG BASAHAN (1945) Teodoro Agoncillo Republika baga itong busabos ka ng dayuhan? Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan? Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi, Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari? Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!
  • 40. Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta. Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba! Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi. Malaya ka, bakit hindi? Sa bitayan ikaw'y manhik, At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid! Kalayaan - ito pala'y mayro'n na ring tinutubo Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo! Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap, Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.
  • 41. Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing, Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing! Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin, Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin! Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay, Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay. Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika, Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa. Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo, Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!
  • 42. Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi? Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati! Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok, Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot. Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol, Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong? Republika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama, Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga! Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!
  • 43. Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat, Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak. Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha, Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga. Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin, Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim! Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998
  • 44. Sagutin ang mga gabay na Tanong. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Bakit hindi tunay ang pagkamit ng kalayaan ng bansa ayon sa may-akda? 2. Paano makakamit ang tunay na kalayaan ayon sa tula? 3. Magtala ng lima hanggang sampung taludtod o saknong ng tula na nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin. Gamitin ang kasunod na pormat sa pagtalakay ng iyong sagot. Taludtod/saknong Damdamin Halimbawa: Republika baga itong busabos ka ng dayuhan? Ang tingin sa tanikala’y busilak ng kalayaan? Pagkagalit 4. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang tula? 5. Paano ipinahayag ng makata ang damdamin sa tula? 6. Naging mabisa ba ito?Ipaliwanag.
  • 45. Alam mo ba na… Ang wika ay hindi lamang instrument sa pagpapahayag ng kaisipan kundi ng saloobin, gawi at paniniwala? Sa pamamagitan nito’y naipahahayag natin ang nadarama natin sa ating kapwa. Pagpapahayag ng Emosyon Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa wikang Filipino, kabilang ang sumusunod: 1. Isang paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap sa pagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit sa pangungusap na ito ang bantas na padamdam (!), at kung minsa’y ang bantas na patanong (?) tulad ng sumusunod: a. Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo. Naks! Ganda! Bilib ako! b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya. Inay! Naku po! c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, yehey!Yipee! d. Pag-asa: Harinawa, sana sumama ka sa group study naming. e. pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako!Kakainis! Ginagamit dinkung minsan ang panandang pananong (?) sa pagpapahayag ng damdamin lalo na kung ito ay may halong pagtataka.
  • 46. Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa emosyong nadarama.Gaya nito: a. Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a! b. Pagkagulat: O , ikaw pala! c. Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya! d. Pagtataka : Siyanga? Totoo bang sinabi mo? e. Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommy. f. Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka! g. Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na! 2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama ng damdamin at/o saloobin ng nagsasalita. Ngunit mahuhulaang hindi masyadong matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan. Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag, bagaman maaari ring gamitan ng padammdam ang bawat isa upang makapaghudyat ng mas matinding damdamin. a. pagtanggi:Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan. b. Pagkasiya:Mabuti naman at narito na kayo. c. pagtataka: hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang balitang iyan. d. pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit.
  • 47. 3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng sumusunod na kosntruksyong gramatikal:  Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo ng pariralang nominal o adjectival. a. Ang ganda ng tulang iyan! b. Nakakapanggigigil talaga ang alaga mong aso! c. Ang ilap ng gansa! Paggamit ng mga ekspresyong karaniwang nagpapahayag ng antas ng kasukdulan o kasobrahan. a. Napalakulit ng lalaking mangingibig! b. Sobrang bait ng mag-aaral. c. Ang ganda-ganda niya! d. Talagang gulat na gulat si Arvyl.
  • 48. Paggamit ng negatibong ekspresyon na binibigyang-diin kapag binibigkas, kasama ang ano man, sino man, saan man at iba pa. a. Wala kang maaasahang ano man sa kaniya. b. Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo. c. Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin. Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na pagtatanong upang bigyang-diin ang isang kaisipan. Ito ay tanong na hindi sinasagot sapagkat lantad na) a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba? (Napakaganda ng ginawa nila!) b. Dahilan ba iyan para malungkot ka? (Hindi iyan sapat na dahilan para malungkot ka!) c. Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi? (Hindi, sapagkat nakasusi ang bibig) d. Anong diperensiya noon? (Wala iyong diperensiya) e. Sino ang hindi nakakaalam niyan? (Alam iyan ng lahat)
  • 49. PAGSASANAY I: Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa bawat pangungusap. Pangungusap Damdamin Paraan ng pagpapahayag 1. Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap 2. Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi? Sa patak ng iyong luha’ymalaya kang mamighati 3. Ang buhay mo’y walangpatid na hibla ng pagtataksil Sa sarili, lipi’tangkan, sa bayan mong dumarating! 4. Ang galling-galling mong magsaulo ng tula. 5. Ang husay ng mga taga-Egypt sa kanilang sining, di ba? 6. Talagang galit na galit ang makata nang isulat niya ang tula. 7.Wala na tayong pag-asa kung patuloy tayong magpapaalipin 8. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa! 9. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad! 10. Pasensiya na, wala na akong magagawa
  • 50. PAGSASANAY 2: Naririto ang iyong pagkakataong maipahayag ang iyongsaloobin. Bumuo ng isang pangungusap na nagpapahayag ng iyong damdamin sa sumusunod na mga katauhan. Ipahayag ang pangungusap na tila kausap mo sila. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin. 1. taong lihim na hinahangaan: _______________________________________________ 2. Nakilalang may mabigat na suliranin:________________________________________ 3. Taong nais hingan ng paumanhin:___________________________________________ 4. kaklase na hinahangaan mo dahil sa kanyang kabutihan:____________________ 5. Pangulo ng Pilipinas:________________________________________________________ PAGSASANAY 3: Sumulat ng isang text message na magpapanumbalik ng pag-asa sa iyong kaibigan, kaklase o kakilalang may pinagdaraanang suliranin. Sikaping ipahayag sa mensahe ang positibong pananaw sa buhay upang magpatuloy siyang harapin ito. Maaaring patula o tuluyan ang isusulat na mensahe. Isulat sa sagutang papel o maaaring ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng pag-text.
  • 51. PAGNILAYAN AT UNAWAIN: GAWAIN 9: Bahaginan Ibahagi sa iyong kamag-aral ang iyong sagot sa sumusunod na tanong. 1. Paano naiiba ang pastoral sa iba pang uri ng tulang liriko? 2. Bakit mahalagang maipahayag ng tao ang kaniyang damdamin sa kapwa? 3. Paano nakatutulong ang pagbabasa ng tulang pastoral sa mambabasa? 4. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt? 5. Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?  Pagkatapos sa pakikipagpalitan ng sagot at tanong sa kaklase, bumuo ng sintesis tungkol sa mga natutuhan sa buong aralin.Talakayin ang sagot sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon. Egypt Pagpapahayag ng damdamin Pilipinas Tulang Liriko
  • 52. ILIPAT Isa kang Guidance Counselor (propesyunal na tagapayo ng mga mag- aaral kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-akademiko at propesyunal na mga alalahanin.) sa isang pampublikong paaralan. Linggo-lingo ay may iba’t ibang mag-aaral ang nagtutungo sa iyong opesina upang humingi ng payo tungkol sa kanilang mga pinagdaraanang suliranin sa buhay. Napansin mong kahit sa murang edad ng mga mag-aaral ay masalimuot na ang mga suliraning kanilang kinahaharap. Ito ang nagiging sanhi ng hindi nila pagkakaroon ng lubos na atensiyon sa pag-aaral. Sa dami ng mga mag-aaral sa iyong paaralan hindi mo mabibigyan ng atensiyon at payo ang lahat ng mga mag-aaral. Naisip mo na magpaskil ng tulang pastoral na may mensaheng makapagbibigay sa kanila ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng pagiging masalimuot nito. Sa ganitong paraan parang nabigyan mo na rin ng payo ang bawat makababasa ng iyong tula
  • 53. Dalawa hanggang tatlong taludtod na tulang pastoral ang iyong isusulat batay sa pamantayang ito: a. Malinaw na Mensahe 10 puntos - piling-pili ang mga salitang ginamit - May malinaw na pagpapahayag ng damdamin b. Matalinghaga 10 puntos - Malalim ang kahulugan/ may simbolismo - Malikahain at matayutay na pagpapahayag ng kaisipan c. May kariktan 10 puntos - May kakintalan - mapagparanas
  • 54. MARAMING SALAMAT SA PAKIKILAHOK! Nilikha ni: JENITA D. GUINOO Guro sa Filipino – Gr.10