2. Tulad ng Korea, nababalot sa alamat ang
pinagmulan ng Japan. Ayon sa alamat, ang
unang emperador ng Japan ay si Jimmu
Tenno. Sinakop niya ang mga kalabang
angkan na nasa kapatagan ng Kyushu at
Honshu noong 600 B.C.E. Banal si Jimmu
Tenno dahil siya ay apo ni Amaterasu o ang
diyosa ng araw. Lumawak ang kontrol ng
Yamato na angkan ni Jimmu Tenno sa
Japan. Kalaban din ng Yamato ang mga
Ainu mas naunang nanirahan sa Japan
kaysa mga tinatawag na Hapones ngayon.
Unti unting itinaboy tungo sa hilagang isla
ng Hokkaido ang mga Ainu.
6. Ang panahon ng Yamato noong circa 300-
720 C.E. at Nara noong 710-794 C.E. ay
panahon ng paglalaganap ng
impluwensiyang Tsino at Japan. Naging
tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism
at Confucianism. Kaakibat nito ang
pamahalaan, batas, pagkain, arkitektura, at
sistema ng pagsulat ng mga Tsino.
Nagsimulang lumawak ang kapangyarihan
ng emperador sa pamamagitan ng
Repormang Taika at binuo ang isang
sentralisadong pamahalaang halaw sa
China. Itinayo ang lungsod ng Nara noong
710 C.E. Ito ang pinakaunang permanenteng
lungsod sa Japan na kinopya sa lungsod ng
Chang An sa China.
9. Itinayo ang bagong kabisera ng Japan sa Heian
(Kyoto sa kasalaukuyan) noong 794 natapos noong
1185 C.E. Nagpatuloy ang paghihiram ng kulturang
Tsino at sentralisasyon ng estado sa panahong ito.
Ngunit maisasantabi ang emperador ng
makapangyarihang angkan ng Fujiwara. Nagsimula
ito nang maging regent si Fujiwara Kamatari ng
batang emperador. Ang regent ang siyang
namamahala sa ngalan ng emperador. Namahagi
ang Fujiwara ng lupa sa mga angkang aristokratiko.
Ngunit unti unting nawala ang kontrol ng
pamahalaan sa mga pribadong lupain ng mga
aristokratiko at mula rito, lumitaw ang mga
independenteng han o lupain na kontrolado ng mga
daimyo o pinunong piyudal.
11. Sa larangang kultural, namulaklak ang
kulturang aristokratiko na nagbibigay-diin sa
representasyon ng kagandahan. Napatanyag
ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining
ng calligraphy, at pananamit. Naisulat sa
panahong ito ang dakilang nobela na The
Tale of Genji ni Murasaki Shikibu o Lady
Murasaki.
14. Nagkaroon ng labanan ng mga angkang
aristokratiko sa huling bahagi ng panahon ng Heian.
Nabuo ang mga pribadong hukbo o puwersang
militar dahil sa pagtindi ng labanan. Lumitaw ang
grupong bushi (mandirigma) at samurai
(nangangahulugang “ang mga naglilingkod”) mula
sa aristokrasya. Sila ang mandirigma na
nagtatanggol sa mga daimyo. Kasabay nito ang
pagbubuo ng tradisyong militar na nakapaloob sa
Bushido o “Alituntunin ng Karangalan”. Mahalaga
sa tradisyong ito ang katapatan, karangalan, at
katapangan. Naging mahusay sa paggamit ng
espada at pana, at pagsakay sa kabayo ang mga
samurai. Kaugnay sa tradisyon ng Bushido ang
ritwal ng seppuku o harakiri na nangangahulugang
marangal na pagpapatiwakal.
15. Ang pagtatapos ng panahong Heian ay hudyat ng
pagbubuo ng bukufu o pamahalaang militar sa
Japan. Sa pamahalaang militar, iisang angkan ang
naging dominanteng kapangyarihang politikal ayon
sa dami ng kontroladong samurai at malawak na
lupain. Isang shogun o dakilang heneral ang
namumuno sa pamahalaan kung kaysa kilala rin ito
sa pangalang shogunato. May tatlong shogunato na
nabuo sa Japan. Ito ang shogunato ng Minamoto,
Ashikaga, at Tokugawa. Sa panahon ng shogunato,
nawalan ng politikal na kapangyarihan sa
pamahalaan ang emperador bagama’t nanatili siya
bilang simbolo at para gampanan ang
mahahalagang ritwal ng Shinto.
17. Unang shogunato sa Japan ang Minamoto.
Natalo ng angkang Taira. Itinayo ang
lungsod ng Kamakura bilang sentro ng
pamahalaan. Sa panahong ito nangibabaw
ang aristokratikong bushi at samurai.
Namayani ang sistemang piyudal kung saan
ang mga daimyo ay kailangang sumunod sa
shogun. Ngunit ang mga daimyo ay
nanatiling makapangyarihan sa sariling
sakop na teritoryo.
18. Sa panahong ito naganap ang dalawang
beses na paglusob ng mga Mongol sa
Japan-noong 1274 at 1281. Ngunit
sinalubong ng malalakas na bagyo ang
pagsalakay na ito ng Mongol kung kaya
nasalanta ng malakas na ulan at alon ang
mga barko na sinasakyan ng sumasalakay
na Mongol. Tinawag na kamikaze o banal na
hangin ang mga bagyong ito na simbolo ng
proteksiyon ng mga kami o espiritu sa mga
Hapones.
21. Napalitan ng angkang Ashikaga ang
Minamoto noong 1333. Inilipat din ang
sentro ng pamahalaan sa Muromachi. Sa
panahong ito, hindi lubusang nakontrol
ang mga hiwa-hiwalay na daimyo kung
kaya nagpatuloy ang labanan hanggang
sa tuluyang sumiklab ang digmaang sibil
noong 1573. Nagtapos ang pamumuno
ng Ashikaga noong 1568.
23. Ang pagkakaisa sa Japan ay naibalik sa
pamamagitan ng tatlong dakilang mandirigma
sina Oda Nobunaga, Toyotomi Hideyoshi, at
Tokugawa Ieyasu. Si Oda Nobunaga (1534-
1582) ay isang makapangyarihang daimyo.
Sinimulan ni Nobunaga ang paggapi sa iba
pang daimyo at pagkontrol sa mga Buddhist.
Pinatay siya ng sarili nitong vassal noong 1852
at pinalitan naman ni Toyotomi Hideyoshi
(1536-1598).
29. Upang lalong maging matatag ang kanyang
pamamahala, ipinag-utos ni Hideyoshi ang
direktang pagbubuwis sa mga magsasaka at
ipinagbawal ang Kristiyanismo sa Japan.
Ipinag-utos din niya ang pagsalakay sa Korea
na nabanggit sa unang aralin. Nang mamatay
siya noong 1598, si Tokugawa Ieyasu (1542-
1616) ang pumalit matapos matalo ang iba
pang karibal sa digmaan ng Sekigahara.
31. Itinatag ni Ieyasu ang isang sentralisadong
pamahalaang militar batay pa rin sa sistemang
piyudal. Hinati sa tatlong uri ang mga daimyo:
ang shimpan daimyo o mga kaugnay na
angkan; ang fudai daimyo o kasaping angkan;
at tozama daimyo o tagalabas na angkan. Ang
mga tozama ay dating kalaban ng Tokugawa na
napasailalim sa kanila. Upang mangyari ito,
ipinatupad ng Tokugawa ang sistema ng
sankin kotai o pagbisita ng mga daimyo sa Edo
(ngayon ay Tokyo) bawat dalawang taon.
Samantala habang sila ay nasa kanilang lupain,
ang asawa at anak ng mga daimyo ay
sapilitang pinanatili sa Edo.
37. Ipinagutos din ng Tokugawa ang sakoku o
ang pagsasara ng Japan sa mga banyaga
maliban sa mga Dutch na maaari lamang
makipag-ugnayan sa daungan ng Deshima
sa Nagasaki. Ang patakaran ng pagbubukod
ay naipatupad mula 1639 hanggang 1854.
39. Sa larangan ng kultura, naging sikat sa hanay
ng mga samurai ang Zen Buddhism. Nagbago
ang sining sa paglitaw ng kabuki na isang uri
ng teatro at ng haiku na isang uri ng tula. Sa
kabilang banda, bumuti ang agrikultura at
lumaki ang populasyon sa Japan dahil sa
kapayapaan sa loob ng panahong Tokugawa.
42. Malakas ang kalakalan at lumitaw ang uring
mangangalakal. Ang tradisyonal na lipunang
Hapones ay nahahati sa apat na uring
panlipunan: ang samurai, magsasaka,
artisano, at mangangalakal. Marami sa mga
Hapones ang marunong sumulat at magbasa
dahil laganap ang paggamit ng sistema ng
pagsulat na tinatawag na katakana at
hiragana.