Fishbone diagram para sa pagkuha ng pangunahing ideya
Pagsusuri sa lupang tinubuan
1. PAGSUSURI SA
LUPANG TINUBUAN
ni
Narciso Reyes
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga
katulad na suliranin.
Ang ating susuriing kwento ay ang “LUPANG TINUBUAN” ni Narciso Reyes. Ang
kwentong ito ay nagkamit ng parangal. Ang mga tauhan dito ay sina nDanding, ang
pangunahing tauhan, Juana at Tiyo Gorio. Isa si Danding, kasama ang kanyang Tiya Juana at
Tiyo Gorio sa mga taong naroon na uuwi sa lalawigan upang makipaglibing sa kanyang Tata
Inong na pinsan ng kanyang ama. Sa kanyang pag-uwi ay marami pala siyang mga kamag-anak
sa Malawig. At doon niya nakilala ang kanyang mga di-kilalang kamag-anak. Isa nga sa mga
kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay Danding tugkol sa knayang
Ama. Masasabing nabibilang ito sa toeryang historikal sapagkat gumamit ang awtor ng flashback
sa buhay ng isang tauhan sa kwento.
Nabibilang iton sa teoryang historikal spagkat tumutukoy ito sa mga kwento ng isang
matanda sa pinagdaanan ng ama ni Danding noong bata pa siya.
’Kaparis ka ng iyong ama,’
’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad
siya sa ama.’
Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa
kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’
2. ’Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang
mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-
unahan niyang tula-isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong
kapilyuhan ang ama mo.’
Ang mga katagang iyan ang ginamit ng awtor upang magbalik-tanaw sa mga pangyayari
sa kwento. Kung ating papansinin ang katagang ito: pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog
sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita ng isang tao o
indibidwal. Para bagang isa itong karanasan ng isang tao. Ang mga ito ay masasalamin sa
kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog ng awtor. Naipakikita rin rito ang pamaraan ng
mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin kagaya ni Danding nabigyan ng linaw ang kanyanmg mha
tanong tungko sa kanyang ama.
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan
niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay
sumasalungat sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at
Bonifacio.
Dito na pumasok ang teoryang historikal dahil nabanggit ng may-akda ang kadakilaan ng
ating mga bayani na si Rizal at Bonifacio. Hindi man deretsahang sianbi ng may-akda na
nabuwis ng buhay ang dalawang bayani ginamit niya naman ang dugo upang maging simbolo sa
katapangan ng mga ito
Sinuri ni:
Rodel Moreno Jr.
BSEd III-A