2. 2 YUGTO NG
REPORMASYON
KONTRA-
REPORSMASYON
REPORMASYON
3. 1. Great Schism
– “Division”
– Nagkaroon ng dalawang Santo Papa
– kilala rin bilang East-West Schism
– isang Italyano, isang Pranses
–Tumutukoy sa pagpili sa Italyano ng mga
Italyanong Kardinal na maging Papa
2. Babylonian Captivity
– inilipat ng mga Pranses ang opisina ng
Santo Papa mula Rome patunggong Avignon,
France
4. 1. Imoralidad, Karangyaan
– Vow of Celibacy
– complete sexual abstinence
2. Indulhensya
– Ang indulhensiya ay isang anyo ng kapatawaran
sa kasalanan kapalit ng isang mabuting gawain tulad na
lamang ng pagkakawanggawa, pag-aayuno at paglahok
sa estado.
3. Simony
– pagbebenta at pagbili ng posisyong sa simbahan
5. Ang Repormasyon ay naganap noong ika-16 na
siglo at itinuturing na mahalagang bahagi ng
ating kasaysayan. Iminulat nito ang mga tao sa
tila hindi maiwaksi-waksing ugnayan ng
simbahan at ng estado. Ito ay tumutukoy sa krisis
panrelihiyon na kung saan ibinaling ng mga
dating Katoliko ang kanilang paniniwala sa ibang
relihiyon o sekta. Sa ibang relihiyon o sekto na
ito, pangunahing ipinatupad ang pagsunod sa
mga utos sa kasulatan o Bibliya. Binigyang diin
din ang pagpapanatili ng malinis at kapuri-puring
pagkatao ng kanilang mga miyembro lalo na ang
kanilang mga pinuno.
6. Angmga sumusunod ang sinasabing mga dahilan
ng pag-usbong ng repormasyon:
1. Paghina ng kapangyarihan ng mga Santo
Papa dahil na rin sa pagtutunggalian ng mga ito
sa kapangyarihan at pagpapahayag ng mga
kautusan.
2. pagkamulat ng mga tao bunsod ng panahon
ng Renaissance.
3. Pagtuligsa ng ilang grupong kabilang sa
estado sa kapangyarihan ng Santo Papa at ng
simbahan.
7. Dahil
na rin sa maraming isyung lumulutang laban sa
simbahan, tinuligsa ito ng maraming tao sa lipunan.
Pangunahin sa mga ito ang mga sumusunod:
John Wycliffe
Si John Wycliffe ay isang guro
sa Unibersidad ng Oxford. Tinuligsa niya
ang kapangyarihan ng Santo Papa at ng
mga Obispo. Ayon sa kanya,
kinakailangang mamuhay nang simple ang
mga pari. Iminungkahi niyang gamitin ng
lahat ng tao ang Pibliya bilang gabay sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Isinalin rin niya ang Bibliya sa wikang
Ingles. Ang mga tagasunod niya ay
tinatawag na Lollards.
8. John Hus
Si John Hus ay isang pari sa
Bohemia na naging rektor ng
Unibersidad ng Praque. Sinusuportahan
ni Hus ang mga aral at mga tuntunin ni
John Wycliffe. Tinuligsa niya ang
karangyaan ng mga pinuno ng simbahan
at ang pagbebenta ng indulhensiya. Ang
pagtututol niyang ito sa sistema habang
namumuhay bilang isang pari sa
simbahan ang nagaing naging dahilan
upang ipatawag siya sa Konseho ng
Contance. Dahil sa hindi niya pagpayag
na bawiin ang kanyang mga sinabing di
maganda ukol sa simbahan, itinuring
siyang erehe at hinatulang mamatay sa
pamamagitan ng pagsunog.
9. Girolamo
Savanarola
Si Girolamo Savanarola ay
isang mongheng Dominikano na
tumuligsa sa labis na karangyaan
ng mga maharlikang mamamayan.
Dahil sa kanya,napaalis ang
Pamilya Medica sa Italya. Ang mga
ari-arian ng mayayamang
mamamayan ay sinunog. Hindi
nagtagal, humina ang impluwensiya
ni Savanarola dahil na rin sa ginawa
niyang pagtuligsa kay Alexander
VI,ang Santo Papa. Siya ay
mahatulang mabitay noong 1498.
10. Martin Luther
Si Martin Luther ay isang mongheng
Augustinian na isinilang sa Alemanya. Siya ay
nakapagtapos sa Unibersidad ng Erfurt at naging
propesor sa Unibersidad ng Wittenberg. Ang unang-una
niyang tinuligsa sa simbahan ay ang itinuro nitong
konsepto sa mga tao ukol sa kaligtasan ng kanilang
kaluluwa. Tinuligsa niya ang mga maling panuntunan
ng simbahan gaya ng idulhensiya ay sinasabing
kabawasan ng kaparusahan sa purgatoryo. Ipinalabas
niya ang kanyang Ninety-Five Theses na tumutukoy sa
95 puntos laban sa mga gawain at paniniwalang
Katoliko. Tinuligsa rin dito ang pang-aabuso ng
simbahan sa mga salaping nalilikom nito. Dahil dito,
binansagang erehe si Luther. Naging matigas si Luther
dahil sa kanyang paniniwalang ang Bibliya ang tunay
na batayan ng pananampalataya at hindi ang mga utos
ng Santo Papa. Dahil na rin sa Kanyang magaling na
pagtatalumpati, maraming taong yumakap sa
paniniwalang Lutheranismo.
11. Nabahala ang simbahan at itiniwalag si Luther mula
sa kanilang hanay. Si Frederick the Wise, ang prinsipe ng
Saxony, ang tumulong kay Luther. Itinago niya ito sa
kastolyo ng Wartburg. Sa panahon ng pag-iisa at
pagmumuni-muni, isinalin ni Luther ang Bibliya sa wikang
Aleman. Ito ang naging paraan upang lalong makahikayat
ng mga miyembro si Luther.
Kahit na ipinagbawal ni Charles V ang pagbabasa sa
mga sulat ni Luther, dumami pa rin ang tumuligsa sa
simbahan. Ang pagtuligsang ito ay nagsilbing protesta
laban sa simbahan, kung kaya’t binansagan ang mga ang
mga Lutherano bilang mga Protestante, at ang kilusan ay
tinawag na Protestantismo. Hindi nagtagal, lumaganap ang
Protestantismo sa Poland, Bohemia, Hungary, Norway,
Sweden, Denmark, Finland at maraming bahagi ng
Europa.
12. Ang Alemanya ang unang bansang naging sentro ng
Protestantismo. Nang lumaon, lumaganap ang kilusang
Protestantismo sa iba’t ibang bansa. Ang mga sumusunod
ang ilan sa mga naging tagapagtaguyod nito:
Huldreich Zwingli
Si Huldreich Zwingli ang itinuturing na
tagapagtatag ng Protestantismo sa
Switzerland. Naging panuntunan ni
Zwingli ang kalayaan. Para sa kanya, ang
Bibliya ang saligan ng pananampalataya
ng mga Kristiyano. Hindi siya sumasang-
ayon sa debosyon sa mga santo at sa
pagbibigay ng malaking kapangyarihan sa
Papa. Si Zwingli ay namatay nong 1531
sa isang digmaan sa pagitan ng mga
Protestante at Katoliko.
13. John Calvin
Si john Calvin ay isang Abogadong
Pranses. Siya ay nakapag-aral sa
mahuhusay na paaralan. Sa Paris,
naimpluwensyahan siya ng mga
pilosopiya ni Erasmus. Sinulat niya ang
Institutes of the Christian Religion na
naging batayan ng mga tuntunin ng
Protestantismo. Hindi siya naniniwala sa
mga imahen ng mga santo at krusipiho.
Itinuturing siyang pinuno ng
repormasyon sa Geneva. Nakarating din
at lumaganap ang Calvinismo sa
Alemanya, lalo na nang sakupin ni
Frederick II ang nasabing bansa.
14. 3 SEKTA NG PROTESTANTE
LUTHERANI CALVINISMO ANGLIKANIS
SMO MO
15. A. Lutheranismo – Martin Luther
B. Calvinismo – John Calvin
Huguenots – Protestanteng
Pranses
Presbyterians – Switzerland
Puritans – Protestanteng Ingles
C. Anglikanismo – Haring Henry VIII
- Tudor
16. Dahilsa malawakang pagtuligsa ng mga
tao sa simbahan, isinakatuparan ng mga
mananampalataya ng Katolisismo ang
Kontra Repormasyon simula noong 1534
bilang tugon sa Kilusang Protestantismo.
Nagpasimula ang Kontra Repormasyon ng
mga pagbabago sa Simbahang katoliko
upang masagot ang mga batikos ng mga
Protestante at malunasan ang mga
kahinaan nito.
17. ANG KONSILYO NG TRENT
Ang Konsilyo ng trent ay itinuturing na malaking hakbang sa
Repormasyong Katoliko na ipinatawag ni Papa Pablo III noong
1545. tumagal ang konsilyo hanggang 1564. Nakabuo ito ng
mga dikreto para sa mga Katoliko at sa simbahan, tulad ng:
1. Ang kasulatan at tradisyon ay kapwa tanngap ng
panggagalingan ng doktrinang Katoliko.
2. Itinuturing na mahalagang bahagi ng simbahan ng Banal na
Misa, mga sakramento, paggalang sa mga santo at iba pang
doktrina.
3. Ang pagtakda sa mataas na antas ng kaasalan.
18. Isa rin sa mga instrumento ng Kontra repormasyon ay ang
Ingkisisyon o Inquisition, na itinuturing na isa sa mga
madidilim na bahagi ng ksaysayan. Noong 1542, itinatag ni
Papa Pablo III ang Kongregasyon ng Ingkisisyon. Trabaho
nitong magsiyasat o mag-espiya sa mga taong hindi
Katoliko ang pananampalataya, tulad ng mga Protestante.
Bumuo din ito ng Index of Forbidden Books, na listahan ng
mga aklat na laban sa doktrina ng simbahan at
ipinagbabawal na basahin ng mga Katoliko. Maraming
Protestante ang sinunog at pinarusahan dahil na rin sa
ayaw nilang itakwil ang kanilag relihiyon. Sa kabilang
banda, gumanti rin ang ilang Protestante sa mga
Katolikong ayaw yumakap sa kanilang relihiyon tulad ni
Michael Servetus na noong 1553 ay sinunog pagkatapos
tumangging itakwil ang kanyang relihiyon ayon sa
kagustuhan nina Henry VIII at Elizabeth.
19. Mahalagang papel ang ginampanan ng Society of Jesus sa
Kontra Repormasyon. Ito ay itinatag ni Ignatius of Loyola na
isang dating sundalong nagdesisyong magkingkod sa Diyos.
Nag-aral siya ng Teolohiya at Pilosopiya, at tinipon niya ang
ilan sa mga marurunong sa unibersidad na kinabibilangan
niya na gaya na lamang ni St. Francis Xavier. Itinatag nila ang
Society of Jesus noong 1534. Ang mga Hesita ay matatapang
at matatalino, at nanguna sa mga gawain para sa Kontra
Repormasyon. Ang kanilang pagsisiskap sa pagmimisyon ay
nagresulta sa pagkakabawi sa pananampalataya ng marami
sa mga bansabg Bohemia, Hungary, Poland at iba pa para sa
Simbahang Katoliko. Nagtatag rin ang mga ito ng mga
paaralan upang maituro ang aral ng katilisismo at mapatatag
amg simbahan.
20. Ang repormasyon at ang Kontra Repomasyon na
ipinantapat dito ay nagbunga ng mga sumusunod:
1. Nagkawatak-watak ang mga dating nagkakaisang bayan
sa Europa na may relihiyong Katoliko. Ang mga bayang
ito ngayon ay nahahati sa pagitan ng mga Katoliko at
mga Protestante.
2. Pagkakaroon ng maliit na sekta ng Kristiyanismo gaya
ng Presbyterians,Puritians at Protestante.
21. 3. Pagtatalaga ng mga pangunahing tuntunin sa
simbahang Katoliko gaya ng pananatiling matapat
sa Diyos, hindi pag-aasawa ng mga pari o vow of
celibacy, pamumuhay ng payak ng mga ito o vow
of poverty at pag-alis ng simony o pagbibili ng
mga tanggapan ng simbahan at ng Estado upang
maiwasan ang anumang katiwalian.
4. Pagkakaroon ng maraming digmaang
panrelihiyon. Ito ay sa pagitan ng mga Katoliko at
mga Protestante sa Europa. Halimbawa nito ay
ang Digmaang Schmalkaldic na naganap sa
pagitan ni Archduke Ferdinand ng Austria at
samahang Schmalkaldic o mga Prinsipeng
Lutheran ng Alemanya.
22. 1. Digmaan ng Huguenots (1562-1598) na tumutukoy sa labanan sa pagitan
ng mga Calvinistang Pranses (Huguenot) at ng mga Haring Katoliko gaya
nina Charles IX, Henry III at Catherine de Medici. Ang mga Huguenot ay
nagtagumpay sa labanang ito at pinahintulutan ni Henry IV na magpatuloy
sa relihiyon.
2. Digmaan ng Kalayaan ng Olandes (1568) na tumutukoy sa labanan sa
pagitan ng mga Olandes at ng mga Espanyol na noon ay pinamumunuan ni
Philip II. Dahil sa ang Espanya ay isang Katolikong bansa, pinigilan ni
Philip II ang paglaganap ng Protestantismo sa Netherlands na noon ay
teritoryo ng Espanya. Ngunit sa pagpupumilit ng mga Olandes, nakamit
nila ang kanilang kalayaan hindi lamang sa pananampalataya kundi
maging ang kalayaan ng kanilang bansa.
3. Tatlumpung taong Digmaan (1618-1648) ang itinuturing na
pinakamahalagang digmaang panrelihiyon sa kasaysayan. Ang labanang
ito na naganap sa pagitan ng mga Katoliko ng Espanya at Pransya, at ng
mga Protestante ng Denmark at Sweden ay winakasan sa Kasunduan ng
Westphalia na nagtalaga ng pagkakapantay ng dalawang relihiyon.
23. 1. Naging responsable ang
Simbahang Katoliko sa mga
hinaing at panangailangan
ng mga tao.
2. Napaunlad ang seremonya
ng Simbahan.
24. 3. Maraming Katolikong
misyonero ang nagpalaganap
ng Katolisismo
4. Nag-iwan ng makabuluhang
tatak sa kasaysayan ng
kanluran.
5. Nagkaroon ng “Tatlumpung
Taong Digmaan”.