SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  4
BIDASARI
(Epikong Mindanao)

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang
buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.

Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

        Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at
maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao
upang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumkain ng tao.

        Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay
nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito
naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

          May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman
at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo
pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.

         Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari.
Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin
naman ng sultan ng :
         mahal na mahal ka sa akin.
Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan:
         Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?

Ang naging tugon ng Sultan ay:
        Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.

Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang
matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay
lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama.
Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag
si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung
araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang
magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang
buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi
niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya
hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila
Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging
reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat.
Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati,
anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

                                                                                                          1|Ep i k o n g M U S L I M
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-
kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si
Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-
magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang
kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.


DARANGAN
(Epikong Maranao)

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe
Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na
higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe
Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang
makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.

Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking
buwaya na pumatay sa ilang taong bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.

         Napakalakas niya!
ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.

        Paano na kaya ang isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos!
sabi naman ng isa.

         Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!
sabi ng pinuno ng bayan.

Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang
pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay
naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas
kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit
kaharian.

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari.
Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong
mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

          Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway!
sabi ng isang matanda sa pamilihan.

         Sang-ayon ako sa iyo,
sagot ng matandang lalaki.

Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si
Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.

Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi
niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian.

Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay
ng bawat mamamayan!

Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe
Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang

                                                                                                        2|Ep i k o n g M U S L I M
babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa
kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.

Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na
nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat
ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa
takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang
kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.


INDARAPATA AT SULAYMAN
(Epikong Mindanao)

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at
mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas
ng kaharian ng Mantapuli.

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman
upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman,
nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko
ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay."

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya
pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni
Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw.
Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito
sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay
nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang
nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad
nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman
at alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang
napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita.
Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si
Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan
niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap
ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya
ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang
ibon.

Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong
nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si
Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa
ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng
pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.

                                                                                                      3|Ep i k o n g M U S L I M
BANTUGAN
(Epikong Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't
maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na
ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay
parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng
Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si
Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang
loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang
pangyayari kay Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si
Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan.
Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring
Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali.
Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si
Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit
nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni
Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang
inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw si Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at
iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng
mahabang panahon.




                                                                                                         4|Ep i k o n g M U S L I M

Contenu connexe

Tendances

TULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga ManoboTULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
Mckoi M
 
Ibong Adarna Aralin 00-05
Ibong Adarna Aralin 00-05Ibong Adarna Aralin 00-05
Ibong Adarna Aralin 00-05
Love Bordamonte
 
Ibong Adarna (Panimula at Kasaysayan).pptx
Ibong Adarna (Panimula at Kasaysayan).pptxIbong Adarna (Panimula at Kasaysayan).pptx
Ibong Adarna (Panimula at Kasaysayan).pptx
LenSumakaton
 

Tendances (20)

Biag ni Lam Ang Pagsusuri
Biag ni Lam Ang PagsusuriBiag ni Lam Ang Pagsusuri
Biag ni Lam Ang Pagsusuri
 
Transpormasyong nagaganap sa tauhan.ppt
Transpormasyong nagaganap sa tauhan.pptTranspormasyong nagaganap sa tauhan.ppt
Transpormasyong nagaganap sa tauhan.ppt
 
ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH.pptx
ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH.pptxANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH.pptx
ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH.pptx
 
Ang Hatol ng Kuneho
Ang Hatol ng KunehoAng Hatol ng Kuneho
Ang Hatol ng Kuneho
 
isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañaoisang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
 
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampidAralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
 
Ang imperyong mongol
Ang imperyong mongolAng imperyong mongol
Ang imperyong mongol
 
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga ManoboTULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
 
Prince bantugan
Prince bantuganPrince bantugan
Prince bantugan
 
Pagpapangkat Pangkat ng mga Salita
Pagpapangkat Pangkat ng mga SalitaPagpapangkat Pangkat ng mga Salita
Pagpapangkat Pangkat ng mga Salita
 
ANG TSINA
ANG TSINA ANG TSINA
ANG TSINA
 
Bantugan.pdf
Bantugan.pdfBantugan.pdf
Bantugan.pdf
 
Asian History - Hand-out # 3 (China)
Asian History - Hand-out # 3 (China)Asian History - Hand-out # 3 (China)
Asian History - Hand-out # 3 (China)
 
Ibong Adarna Aralin 00-05
Ibong Adarna Aralin 00-05Ibong Adarna Aralin 00-05
Ibong Adarna Aralin 00-05
 
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga ManoboTulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
 
Ibong adarna : Ang paghahanap sa Reyno de los Cristal
Ibong adarna : Ang paghahanap sa Reyno de los CristalIbong adarna : Ang paghahanap sa Reyno de los Cristal
Ibong adarna : Ang paghahanap sa Reyno de los Cristal
 
Ang Imperyong Mongol
Ang Imperyong MongolAng Imperyong Mongol
Ang Imperyong Mongol
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Buod ng kuneho
Buod ng kunehoBuod ng kuneho
Buod ng kuneho
 
Ibong Adarna (Panimula at Kasaysayan).pptx
Ibong Adarna (Panimula at Kasaysayan).pptxIbong Adarna (Panimula at Kasaysayan).pptx
Ibong Adarna (Panimula at Kasaysayan).pptx
 

Similaire à Epikong mindanao4

ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
EDNACONEJOS
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Ryan Pallorina
 

Similaire à Epikong mindanao4 (20)

Epikong mindanao4
Epikong mindanao4Epikong mindanao4
Epikong mindanao4
 
Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Epiko ng mga Muslim - sfil 15Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Epiko ng mga Muslim - sfil 15
 
Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
 
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptxFILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
 
Bantugan (Epic of Maranao)
Bantugan (Epic of Maranao)Bantugan (Epic of Maranao)
Bantugan (Epic of Maranao)
 
EPIKO-BANTUGAN.ppt
EPIKO-BANTUGAN.pptEPIKO-BANTUGAN.ppt
EPIKO-BANTUGAN.ppt
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
 
Alamat ng singsing
Alamat ng singsingAlamat ng singsing
Alamat ng singsing
 
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at XKwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
 
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
 
Darangan
DaranganDarangan
Darangan
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
1.aklat prinsipe
1.aklat prinsipe1.aklat prinsipe
1.aklat prinsipe
 
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaranAralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
 
week 4 fil 7.pptx
week 4 fil 7.pptxweek 4 fil 7.pptx
week 4 fil 7.pptx
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
 
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
 
Pagsunud sunod ng mga Pangyayari
Pagsunud sunod ng mga PangyayariPagsunud sunod ng mga Pangyayari
Pagsunud sunod ng mga Pangyayari
 

Epikong mindanao4

  • 1. BIDASARI (Epikong Mindanao) Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. Ang salaysay ng Bidasari ay ganito: Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumkain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang. Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana. Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari. Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari. Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna. Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat. 1|Ep i k o n g M U S L I M
  • 2. Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang- kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang- magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa. DARANGAN (Epikong Maranao) Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan. Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na pumatay sa ilang taong bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos. Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya. Paano na kaya ang isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa. Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan. Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian. Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe. Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway! sabi ng isang matanda sa pamilihan. Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian. Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan! Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang 2|Ep i k o n g M U S L I M
  • 3. babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan. Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha. Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay. INDARAPATA AT SULAYMAN (Epikong Mindanao) Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli. Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay." Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris. Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada. Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay. Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman. Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan. Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon. Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan. 3|Ep i k o n g M U S L I M
  • 4. BANTUGAN (Epikong Mindanao) Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw si Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon. 4|Ep i k o n g M U S L I M