1. Pagbabagong Morpoponemiko at Notasyong Ponetik
Notasyong Ponetik
Notasyong ponetik ang simbolo sa pagsulat mna kakikitaan ng paraan ng
pagbigkas. Muling inuulit rito na walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa a,e,i,o,ukaya
kung hindi katinig nagsisimula ang salita ito sa /?/ at kung hindi naman nagtatapos sa
katinig nagtatapos ito sa ?/? o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Nangangahulugan na
paghahaba ng patinig at /. /. Ang impit o glotal sa ponetik ay /?/ ang ng ay /ŋ/.
Halimbawa:
buhay /bu.hay/ “life” /buhay/ “alive
aso /?a.soh/ “dog” /?asoh/ “smoke”
tubo /tu.boh/ “pipe /tuboh/ “sugarcane”
pako /pa.ko?/ “nail /pako?/ “fern”
paso /pa.so?/ “flowr pot /pasoh/ “overdue”
Sa loob ng salitang magkasunod ang patinig ay nagkakaroon ng /?/ sa pagitan ng
mga ito.
Halimbawa:
kaibigan /ka?ibi.gan/ “friend /ka?ibigan/ “sweetheart
kalayaan /kalaya?an? “freedom”
pagtitiis /pagtitiu?is/ “suffering”
Ang Stress/Diin
2. Ang salitang higit sa isang pantig na karaniwang binibigkas ay may pantig na may
diin o stress.
Karaniwan nang kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig tulad ng /la.kad/,
/bu.kas/ maliban kung ang diing ito’y nasa huling pantig tulad ng /buhay/, /bukas/
Diin sa unang pantig Diin sa ilakawang pantig
bata /ba.tah/ “duster” /batah/ tiis
baga /ba.gah/ “uling na may apoy /bagah/ ba, ekspresyon
hapon /ha.pon/ “salungat /hapon/ taga-Hapon
Mahalagang ang diin sapagkat sa pag-iiba ng diin nagbabago ang kahulugan ng
salita, tulag ng ipinakikita ng halimbawa.
Babasa /ba.ba.sah/ aalis /?a?alis/
Bulaklak /bulaklak/ aliwiw /?aliwiw/
3. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Morpema – ang tawag sa pinakamaliit nayunit ng salitang nagtataglay ng kahulugan.
Halimbawa, sa salitang doktora, makabuluhan an gang a kahit na isang titik lamang ito
dahil nangangahulugan iyon ng kasariang pambabae, dahil ang doctor lamang ay
nangangahulugang kasarian ng lalaki. Ang morpoloji ay pag-aaral ng mga morpema na
isang wika at ang pagbubuo ng mga ito sa salita.
1. ASIMILASYON
Ang pagbabagong kinapapalooban ng mga panlaping nagtatapos sa ng dahil sa
impluwensiya ng kasunod ng katinig nito. Nakikibagay ang huling titik ng panlapi na unang
titik ng salitang-ugat.
Nakapaloob ang tinatawag na alomorp na morpema. Nangangahulugang itong maaaring
magbago ang anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng kapaligiran. Ang morpemang
pang- ay may mga alomorp na [pang-], [pam-] at [pan-] gayundin ang mga panlaping
kasing-, at mang- .
Ginagamit ang alomorp na [pang-], [kasing-] at [mang-] sa patinog o sa k,g,h,m,n,ng, w,
y; ginagamit naman ang [pam-], [mam-], at [kasim-] kung nauuna ang salitang-ugat na
nagsisimula sa /b/ o /p/; ginagamit naman ang [pan-], [man-] at [kasin-] kung ang
salitang-ugat ay nagsisimula sa /d,l,r,s,t/.
a. Asimilasyong Ganap - kapag dinagdagan ng alomorp ang salita at kinaltas ang isang
ponema sa salitang-ugat.
hal.
Panali> pang- + tali >pangtali> pantali> panali
manalamin> mang- + salamin > mansalamin > manalamin
pamukaw > pang- + pukaw > pampukaw > pamukaw
Tandaan na pinagbatayan palagi ang inilalagay sa panlapi. Ang pinagbatayan ng mga
alomorp na pam at pan ay pang.
4. Sa halimbawa sa ibaba makikita ang pag-uulit sa loob ng salita.
Mananayaw > mang- + sayaw > mansayaw > manayaw > ma(na)2
yaw > mananyaw
Pamumutol > pang- +putol > pamputol > pamutol > pa(mu) 2
tol > pamumutol
b. Asimilasyon di-ganap - kapag dinagdagan lang ng alomorp ang salitang-ugat.
Hal.
Pangwalis > pang- + walis > pangwalis
Simpula > sing_+pula > simpula
Kasimbait > kasing- + bait > kasimbait
2. PAGKAKALTAS - kung sa loob ng morpema ay may nawawalang isang ponema o isang
pantig.
TANDAAN: ang laging nawawala/nakakaltas ay ang huling patinig ng salitang-ugat.)
Hal. takip + -an
takipan
takpan
3. METATESIS - kung sa loob ng salita ay may ponemang nawawala at may ponemang
nagbabago ng posisyon. (Ang iba ay walang nakakaltas, nagbabago lang ng posisyon)
hal.
Tamnan > tanim + -an > taniman > tanman > tamnan
(nakaltas ang titik i sa salitang tanim at nagkapalit g posisyon ang titik m at n.)
hal.
Tablan > talab + -an > talaban > tablan
hal.
Niluto > luto + -in- > linuto > niluto
5. Niyakap > yakap + -in- > yinakap > niyapak
Nagagapap ang trasposisyon o paglilipat ng posisyon ng mga ponema sa mga salitang-ugat
na /l/ at /y/ kapag nilapian ng -in-
4. PAGPAPALIT PONEMA - malayang pagpapalitan ng mga ponema
d at r h at n
hal. ma- + dami > marami tawa + -an > tawahan > tawanan
o at u l at g
hal.
turo + -an turoan > turuan halik + -an > halikan > hagkan
5. PAGLILIPAT-DIIN – ito ay ang pagbabago ng diin kapag nahuhulapian. Maaaring
malipat ang diin sa hulihan o sa penultima ang diin.
Hal.
Laro /laro?/ “play” /laru?an? “toy”
/magna.na.kaw/ kukuha ng bagay na di kanya
/magnana.kaw/ kawatan, mandarambong
6. PAG-AANGKOP - nangangahulugan na pagsasama ng dalawang salita
nangangahulugan na pagsasama ng dalawang salita May pagkakalatas pa ring kasama rito.
.
Hal.
Wika + ko = ikako/ kako
Ayaw + ko = ayoko
Tayo + na = tena
6. 7. PAGKAKALTAS - pagkakaltas ng ponema sa una, sa gitna o sa hulihan ng salita.
Hal.
Unahan
Parinig > ipa- + dinig > iparinig > parinig
Gitna
Buksan > bukas + -an > bukasan _ buksan
Hulihan
Tingni > tingin + an > tinginan > tingnan > tingni
(sa pagkakaltas sa hulihan, kinakaltas ang mga ponema sa hukluhan ng salita at pinapalitan
ng i.
8. PAGSUSUDLONG – ito ay pagdaragdag ng isa pang hulapi sa salitang nahulapian na.
Hal.
Alalahanin > alala+ -an > alalahan + -in > alalahanin
9. PAGLALAPI NG /h/ - nagaganap ang paglalagay ng /h/ sa mga hulaping / –in/ at
/–an/ sa mga salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na walang impit. Hindi naglalapi ng /h/
kapag ang salita ay nagtatapos sa katinig o sa impit.
Hal.
7. takbo + -in > takbohin
asa + -an > asahan
Sanggunian:
Dr. Lydia Gonzales-Garcia. 1992.Makabagong Gramar ng Filipino. Rex Bookstore.
* Ortiz, Allan et al. (2006) Lipi III, Hope Publication.
* Ortiz, Allan et al. (2010) Salitikan, Hope Publication.
http://pinoyhenyo.com/Ano_ang_pagbabagong-20080901223603889.html
Click to add text, images, and other content