3. Ang mga taludtod
ay hindi
pumpon lamang ng mga salita
kundi manapa’y
salamin ng pansariling daigdig ng mga
karanasan, mithiin, adhikain at kapalaran
ng tao sa kanyang paligid.
4. Kay Alejandro G. Abadilla: ―ang tula
ay
kamalayang nagpapasigasig.‖
Kay Julian Cruz Balmaceda: ― Ang Tula
isang
kaisipang naglalarawan ng kagandahan
ng kariktan
ng kadakilaan —ang tatlong bagay na
magkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-
angkin ng karapatang matawag na tula.‖
5. Kay Inigo Ed. Regalado: ― Ang tula
isang
kagandahan,
dula,
katas,
larawan, at
kabuuan ng tanag
kariktang nakikita sa
silong ng alin mang
langit.‖
6. ANG SUKAT. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod. Sa tulang tradisyunal, ang mga palasak at
gamiting sukat ay ang labindalawa, labing-anim at
labingwalo. Ang di-tradisyunal na tula ay walang
isinasaalang-alang na bilang ng pantig sa bawat
taludtud. Tinatwag itong malayang taludturan.
Halimabawa ng mga sukat:
a. kopla (couple) f. lalabing-animin
b. aapatin(quatrain) g. lalabingwaluhin
c. aanimin h. soneto (sonnet)
d. pipituhin I. haiku (5-7-5)
e. wawaluhin (octave) j. tanaga (7-7-7-7)
7. Halimbawa ng may lalabindalawahing pantig:
Batong tuntungan mo // sa pagkadakila
Batong tuntungan ka // sa pamayapa
Talagang ganito // sa lapad ng lupa
ay bali-baliktad // lamang ang kawawa.
J. C. de Jesus. Ang Bato
Halimbawa ng may lalabingwaluhing pantig:
Minsa’y nakitako / ang isang bulaklak / sa aking lagwerta
Sa siwang ulap / ay mata ng Birheng / malamlam
tumingin;
Ang aking ginawa / puso’y idinungaw / sa pinto ng dibdib
Saka ang bituin / ay kinaulayaw / sa suyo ng halik
At nang itinanong ko / sa kanya ang aking / mga panaginip
Ay sinagot akong / ang panaginip ko’y / Pag-ibig! Pag-ibig!
C.H. Panganiban, Hantungan ng Palad
8. Sa mga tulang may sukat nna lalabindalawahin
ay may bahagyang pagtigil sa pagbabasa sa
bawat ikaanim na pantig ng taludtod; samantala
sa lalabingwaluhin ay sa ikasiyam na pantig. Ang
bahagyang tigil na ito ay tinatawag na sesura.
TADAAN: Ang mga tradisyunal na tula ay may
sesura o ang bahagyang pagtigil sa pagbabasa ng
bawat taludtod. Sa mga tulang may sukat na
lalabingdalawahin, ang sesura ay bumabagsak sa
ika-6 na pantig, sa mga tulang lalabing-animin
ang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig, at para
sa tulang lalabingwaluhing pantig, ang sesura ay
nasa bawat 6 na pantig ng taludtod.
9. ANG TUGMA. Ito ay pagkakatulad ng tunog ng huling salita
sa bawat taludtod. Mat tinatawag na tugmang ganap –
magkakasintunog ang huling salita sa bawat taludtod , at
magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin (stress) o uri ng
tuldik at tugmang karaniwan – ay pareho lamang ng tunog
ngunit hindi pareho ang diin sa mga dulong salita ng
taludtod.
Halimbawa ng tugmang ganap:
Wala na, ang gabi ay lambong na liksa,
Panakip sa aking mumunting mukha
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa.
J.C. de Jesus, Punungkahoy
10.
A. Tugmaang Ganap: ang huling pantig ng dulong
salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog
at magkakatulad ng diin at tuldik.
Halimbawa:
Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa
Panakip sa aking namumutlang mukha,
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon, ni tao’y hindi natuwa.
―Punongkahoy‖ Jose Corazon de Jesus
11. . Tugmaang Karaniwan: ang huling pantig ng dulong
salita ng bawat taludtod at
magkakatulad ng tunog
ngunit magkakaiba sa diin.
Halimbawa:
Kung siya mong ibig na ako’y magdusa
Langit na mataas, aking mababata
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala
Isagi mo lang sa puso ni Laura
―Florante at Laura‖
Francisco Balagtas
12. Unang pangkat na binubuo ng mga katinig na
B, K, D, G, P, S at T at magkakapareho ng tunog
ayon sa patinig na nasa kanilang unahan.
Halimbawa:
Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag
At sa hangi’y sumasama sa rurok ng alapaap
Parang diwa ng makata kung mayroong sinusulat
Humahantong sa palasyong lundu-lundong mga
ulap.
―Ang Dagat‖
Rafael Sabino
13. Ikalawang pangkat ay binubuo ng mga katinig na
L, M, N, NG, R, W, at Y at magkakapareho ng tunog ayon
sa patinig na nasa kanilang unahan.
Halimbawa:
Tao: Kilala kang sa Sangkalupaan
At tanang nlikha, ang Hari ay ikaw
Ang pag-usap mo at dunong kung minsan
Pati kay Bathala ay nagmamayabang
At talastas ko ring ang kaligayanhan
Ay siya mong mithi habang nabubuhay
―Nangungusap ang kasaysayan‖
Lope K. Santos
14. MAKABULUHANG DIWA. Ito ay pagkakaroon ng malalim na kaisipan o
makabuluhang diwa. Ito ang pinagkaiba ng tula sa isang karaniwang
tugma. Sa mga linya nito makikita ang matayog na kaisipan at nasa
makabuluhang diwa ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang mga
talinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro at guniguni ng
makata.
Hindi makikita sa dami ng taludtod o haba kaya ng tula nasusukat ang
pagiging tula ng isang likha kundi sa nilalamang makabuluhang diwa at
mga talinghaga gaya ng tanaga.
Halimbawa:
Sising Alipin Iskwater
Sinusuntok ko ang langit Balon ng kadiliman
Nagalit ang bathala Tangi nilang luklukan
Aking kinaing pilit Isdang nagpipiglasan
Ang sarili kong dila. Nang makahinga lamang.
A. Tiburcio O. Pagsanhan: Kulay B
15. ANG KARIKITAN. Ito ay kagandahan at
larawan ng kabuuan ng karikitang nakikta ng
matalas na pananaw ng makata. Gumagamit
ng mga piling-piling salita na nakagigising sa
mayamang guniguni ng mambabasa.
Tumitingkad ang kahulugan ng mga salita at
nakabubuo ng buhay sa buhay na larawang-
diwa sa paggamit ng simbolo at talinghaga.
16. Ang mga pangngalang ay maaaring tahas o
basal
Halimbawa:
papel butones suklay
pamaypay salamin alahas
17. 1. palansak – tumutukoy sa iisang uri ng mga
tao o bagay.
Halimbawa:
buwig ng saging tangkal ng manok
kawan ng ibon pumpon ng bulaklak
2. di- palansak – tumutukoy sa mga bagay na
isinasaalang-alang nang isa-isa.
Halimbawa:
Kalabasa ampalaya aklat silya
18. Ang mga pangngalang basal naman ay iyong
tumutukoy sa mga bagay na di-materyal. Ito ay
nagsasaad ng mga bagay na may kaugnayan sa
diwa o kaisipan. Tinatawag ito sa Ingles na
abstract.
Halimbawa:
ganda bait dunong sipag tapang
May ilang pananda ang mga pangngalan. Ito ay mga
salitang makatutulong sa atin upang maging
madali ang ating pagtukoy at pagkilala ng mga
pangngalan.
Halimbawa:
ang pamahalan ang mga panukala
19. TUNOG. Sinasabing nakagaganda sa tula ang
pagkakapare-pareho ng tunog ng mga huling
pantig ng mga salita, bagama’t bukod diyan ang
tunog ay nagiging kasangkapan din ng makata
upang makapaghatid ng isang
madamdamin, sensuwal, at matalinong
karanasan.
Halimbawa:
Iyang kamay na sulak at nagpabulas sa bulto
Iyang kamay na kumatam at kuminis sa
anggulo
Iyang kamay na naglapat, nagpako at
nagmartilyo
20.
A. Aliterasyon: ito ay ang pag-uulit ng isang
tunog ng isang katinig na ginagamit sa
magkakalapit na salita o pantig.
Halimbawa:
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking
paanan,
Titik kong masigla ng lumang talindaw,
―Dalampasigan‖
Teodoro Agoncillo
21. B. Asonansya: ang pag-uulit ng tunog ng isang
pantig.
Halimbawa:
Ang buhay ng tao at sa taong palad
Nasa ginagaya ang halaga’t bigat
May mga mayaman na dapat umiyak
At may dukha naming magalak ang dapat
May mangmang na lagging ang mata ay dilat
At mayroong marunong na lagi nang bulag.
― Ang Buhay ng Tao‖
Jose Katindig
22. C. Onomatopeya: Aang pagkakahawig ng tunog
ng salita at ang diwa nito.
Halimbawa:
Kumaluskos ang dahon
Sumalpok ang alon
Sa luhang dumaloy
Lumagaslas ang talon
Kulog ay dumagundong
Lumalagablab ang apoy
―Harana ng Kalikasan‖
23. TALINGHAGA. Higit na mabuti at mabisa kung ang
mga salitang ito ay ihahayag sa iba’t ibang uri ng
talinghaga. Sa panulaang Filipino, pinakagamitin
na ang pagtutulad (metaphor), pagsasatao
(personification) at eksaherasyon (hyperbole).
Halimbawa:
Pagtutulad
Ang tula ay parang bulaklak; may bango!
May bulaklak na walang bango, walng tula!
Ang tula ay parang pintura, may kulay!
May pinturang walang kulay; walang tula!
Ang Tula, Jose Corazon de Jesus
24. a. Pagtutulad (Simili): Ito’y paghahambing ng 2
bagay, tao, o pangyayari na magkaiba ng uri ng at
ginagamitan ng mga salita o pariralang
tulad,parang,gaya,wangis,animo’y,wari’y, anaki’y.
Ang mga anak ni Juan ay tulad ng kawayan, yumuyuko pag
may unos.
b. Pagwawangis (Metapora): Ito’y tahasang
paghahambing din ng dalawang bagay na hindi magkauri
ngunit hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad
ng ginagamit sa simili. Inilalapat ang katangian ng isang
bagay sa bagay na inihahambing.
Ang awitin niya ay punyal sa aking dibdib.
c. Pagbibigay Katauhan (Personifikasyon): Sa
talinhagang ito, ikinakapit ang katngian ng tao sa mga
bagay na walang buhay.Itinuturing silang parang tunay na
tao, na may talino, kumikilos, may damdamin, nag-iisip
atb.
Nagsayaw-sayaw ang dahon sa ihip ng hangin.
25. d. Pagtawag (Apostropi): Ito’y panawagan o pakiusap sa
isang tao na inaaring taong hindi naman kaharap.
O, tukso, layuan mo ako!
e. Pagmamalabis (Hyperbole): Ito’y tumutukoy sa
pagpapahalaga ng lampas o kulang sa katotohanan o sa
normal na kalagayan sa hangaring mapaigting ang diwang
nais ipahayag ng makata.
Nasaid ang pasensya niya sa tindi ng kakulitan ko.
f. Pagtatanong: Ito’y tumutukoy naman sa pag-
aalinlangan o pagbibigay ng kahulugang iba sa
itinatanong. Ang sagot ay sang-ayon o depende sa iniisip
ng nagsasalita.
G. Balintunay (Ironiya): Isang uri ng tayutay na
nagpapahiwatig ng panlilibak pangungutya, pagtudyo, o
pag-uyam sa tao, bagay o pangyayaring tinutukoy.
Ipinakikilala ang kahulugang ito sa tono at ekspresyon ng
mukha ng nagsasalita.
Ang galing niyang magdala ng damit, ala Reyna Elena
26. h. Pagpapalit-tawag (Metonomiya): Ito ay isang
tayutay na ang pangalan ng isang bagay na tinutukoy
ay pinapalitan ng ibang katawagan o ngalan. Ang
ipinalit ay may kaugnayan din sa pinalitan.
Si Pnoy ay naupo sa silya bilang pangulo ng bansa.
i.Pagpapalit-saklaw (Sinekdoke): Ito ay
pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan
bilang katapat ng kabuuan sa isang bahagi.
May apat na paang naghahabulan.
j. Pagtatambis (Oxymoron): Dalawang
magkasalungat na salita.
mapait na tagumpay , nakabibingig katahimikan
27. k. Pagsalungat (Epigram) – dalawang magkasalungat
na ideya na pinagsama.
Naging mabuting ina si Daniel sa kanyang pamilya.
L. EKSKLAMASYON
-Pagpapahayag ng masidhing damdamin o
emosyon ng pagdaramdam tungkol sa isang
pangyayari.
HALIMBAWA
Hoy!
Pinoy ako
28. LARAWANG-DIWA. ―Imagery‖ tumutukoy sa mga
salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan
ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa. Ang mga salitang ito ang
magpapmalas sa panlasa, pang-amoy, paningin at
iba pang persepsyon ng mambabasa.
Halimbawa:
May paambon-ambon, may tika-tikatik
na sinasabayan ng kulog at lintik;
May unos at bagyong nakatitigatig
Sa lalong payapa’t matimping dibdin
29. SIMBOLO. Ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan
ng kahulugan sa isipan ng mambabasa; halimbawa, may
kahulugan ang bawat kulay: puti, tumutukoy sa kalinisan o
kawagasan, asul ay kapayapaan at pula ay kumakatawan sa
katapangan o kung minsan kaguluhan.
Iba pang simbolismo
Araw o liwanag = pag-asa
Dilim o takipsilim = suliranin o kalungkutan
Krus = relihiyon o pagtukoy sa Diyos
Sungay o ahas = para sa demonyo
Rizal = karunungan o kahinahunan
Bonifacio – tapang o lakas
Juan = Pilipino
Emmanuel = malapit sa Diyos
Hitler = kabangisan sa dogmaan
30. Ang salita ay nagbibigayn ng iba pang
kahulugan.
Halimbawa:
Si Gemma ay pinaliligiran ng mga bubuyog
mula sa iba’t ibang kanayunan.
31. Ang salita ay nagbibigay ng isang tiyak na
kahulugan. Ito ay pagbibigay ng kahulugan
batay sa diksyunaryo.
Halimbawa:
Ang bubuyog ay dumapo sa rosas.
32. Alita I. Tepace at Paquito B. Badayos Ph. D
Ati-atihan, Yaman ng Diwa. Vibal Publivation.
p. 40