2. KOMUNIKASYON
● ay isang proseso ng pagpapalitan ng
impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga
simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang
disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan
ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon
ng mga tao sa isa't isa.
3. Mga Pagpaakahulugan:
●ay pagpapahayag,pagpapaalam, pagpapabatid o
pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan,
isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan.(Diksyunaryong Webster)
●Ang komunikasyon ay pagpapahayag at
pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon
sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, o
pagsenyas.(Barnhart (American College
Dictionary))
4. ●Napiling pagtugon o reaksiyon(Sikologo)
●Ang komunikasyon ay ang pakikibahagi ng tao
sa kanyang kapwa at pakikibagay niya sa
kanyang kapaligiran.( Dalubwika)
●Nagsasalita, sinasabi, nakikinig(Aristotle)
5. URI NG KOMUNIKASYON
May dalawang uri ng komunikasyon ito ay
ang :
1. Ang komunikasyong Berbal
2. Ang komunikasyong Di-Berbal
6. ● Ito ay isang pormal o intelektuwalisadong
kapamaraanang sumasa-ilalim sa estruktura
ng wika't mga tuntunin nito upang maipahayag
ang mensahe o kaalamang nais iparating sa
anyong pasulat o pasalita.
● Ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga
letrang sumisimbulo sa kahulugan ng mga
mensahe.
Komunikasyong Berbal
7. Pansinin ang mga sumusunod na mga larawang
nagpapakita ng komunikasyong Berbal:
8. ● Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o
kapamaraanan upang ipahayag ang mensahe ng
indi ginagamitan ng salita o titik.
Komunikasyong Di-Berbal
●Ibig sabihin hindi kasangkot dito ang wika, manapa'y
lahat ng mga kapamaraanang nakapaghahatid ng
mensahe ay sinakop nito mula sa:
9. a)Ekspresyon ng mukha na nagpapahayag ng
pagiging masaya kung siya ay naka ngiti,
malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit
o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang
ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang
ipinapahayag.
11. b) Kumpas o gestures ng kamay at ang galaw ng
katawan ay maraming bagay at kapamaraanang
magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon
o pagtutl, magpakita ng kasiyahan o papuri,
pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-
alitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal,
emosyonal at marami pang iba.
13. c) Kapaligiran ( kasama dito ang kalikasan,
hayop, halaman, pangyayari, oras, lugar, mga
simbulong sosyal at agham, mga
pangangailangan at lahat ng may kinalaman sa
pamumuhay ng tao) ay nagsisilbing
komunikasyong di-berbal sapagkat ito ay
kailangan ng tao upang maganap ang interaktibo
at kkomunikatibong gawain sa buhay.
15. PROSESO NG KOMUNIKASYON
Ang tatlong proseso ng komunikasyon ayon kay
Aristotle (Austero, et al.,2004):
1. Tagapagdala(transmitter)
2.Mensahe(Message)
3.Tagatanggap(reciever)
16. Nagpapadala(transmitter)
● Ito ay partikular na tumutukoy o naglalarawan sa
pinagmulan ng mensaheng maaaring ang taong
nagsasalita, nagsusulat, o animang bagay na
pinagmulan ng mensahe.
17. Mensahe( message)
● Tumutukoy ito sa anomang nilalamang na nais
iparating mula sa nagpadala. Maaaring ito ay ang
sinasabi ng tao na ginagamitan ng wika o mga
bagay na nais ipahiwatig sa patutunguhan