SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  9
Dr. Reinhold Rost was a friend Rizal made while he was in London. He was the librarian of the
Ministry of Foreign Affairs. He was the one who recommended Rizal to be allowed to undertake
research at the British Museum as he is impressed of Rizal's intelligence, education and strength of
character. He labelled Rizal as "una perla de hombre" or "a pearl of a man" meaning a very rare type
of person.

Pobres Frailes ( Poor Frairs )

[1]

Eulogio Despujol y Dusay (Barcelona, March 11, 1834 - Riba-roja de Túria, October 18, 1907) served
[2]
as a Spanish Governor-General of the Philippines from 1891 to 1893. A native ofCatalunya, at first, he
ruled in the Philippines as a conservative but later became a reactionary. It was during his term
when José Rizal, leader of the Philippine propaganda movement, was sent to Dapitan island,
in Mindanao. He would again meet with Rizal, who was on his way to Cuba to work as a military medic
[2]
before being intercepted in Barcelona, before sending him back to the Philippines.

ANG kinaligpitan ko
Mi retiro
My retreat
Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin,
Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin,
Ang munti kong kubo'y doon itinirik, sa saganang lilim
Ng mga halamang nakikipaglaro sa ihip ng hangin.
Aking dinudulang sa katabing gubat na masalimisim
Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin.
Ang atip ng bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan,
Magaspang na kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan,
Sa kubo kong ito ay walang bahangin may kahalagahan,
Lalong mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan
Na abot ng bulong at awit ng dagat sa dalampasigan.
Doon ay may batis na umaawit pa habang naglalagos
Sa mga batuhan, magmula sa gubat sa may dakong likod;
Batis ay nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod,
kung gabing tahimik ay may bulong siyang nakapag-aantok,
At kung araw naman, ang langit ay parang ibig na maabot.
Kung ang kalangita'y payapang-payapa, agos ay banayad,
Panay ang taginting ng kanyang gitarang hindi namamalas,
Pagbagsak ng ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad,
Humahagunot pa sa nangaghambalang na batong malapad,
Sa di mapipigil na kanyang pagtakbong patungo sa dagat.
Palahaw ng aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw,
Ang ingay na tanging siyang bumabasag sa katahimikan;
Doo'y di kilala ang tinig ng taong palalo't mayabang
Na susunu-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan;
Ako'y naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang.
Ang dagat, ah, ito ay siya ngang lahat kung para sa akin,
Kung dumadaluhong mula sa di tanaw na mga pampangin,
Sa akin, ang kanyang ngiti kung pananalig ko'y parang nagmamaliw,
At kung dapit-hapong ang pananalig ko'y parang nagmamaliw,
Siya ay may bulong na inihahatid sa akin ng hangin.
Pagdating ng gabi, dakilang palabas ng kahiwagaan,
Malaking liwanag ng mumunting kislap na hindi mabilang
Ang doon sa langit ay nakalaganap sa kaitaasan;
Habang dinadalit niyong mga alon ang saklap ng buhay,
Dalit na malabo pagka't nilulunod ang sariling ingay.
Isinasalaysay ang ayos ng mundo nang unang sumikat
Ang araw sa langit, at sila'y laruin ng kanyang liwanag;
Nang mula sa wala'y dami ng kinapal ang biglang kumalat
Sa kailaliman, at sa kapatagan, magpahanggang gubat,
Sa lahat ng dako na abot ng halik ng mayamang sinag.
Nguni't kung sa gabi'y magising ang hanging malikot, mailap,
At ang mga alon, sa galit na dala'y susugod, lulundag,
Mayrong mga siagaw na sa aking puso'y nagbibigay-sindak
, Mga tinig waring nagsisipagdasal, o nag sisiiyak,
Nagsisipanaghoy sa kailalimang kadilima'y ganap.
At saka uugong ang marahang taghoy na mula sa bundok,
Mga punungkahoy at ang mga damo'y nagsisipangatog,
Pati mga pastol ay nababalisa't pawang mga takot,
Sapagka't, anila, ang mga kalulwa'y noon sumisipot
At nag-aanyayang sa kanilang handa sila ay dumulog.
Gabi'y bumubulong sa gitna ng sindak at pagkaligalig,
At sa dagat nama'y bughaw't lunting apoy ang pasilip-silip;
Pag ngiti ng araw'y payapa na naman ang buong paligid,
At mula sa laot, yaong mangingisda ay napagigilid,
Sugod na ang lunday at ang mga alon ay nananahimik.
Ganyan ang buhay ko sa aking payapa't ligpit na tahanan;
Sa mundong nang dati ay kilala ako, ako'y pinapanaw,
Nasapit kong palad, sa ngayon ay aking binubulay-bulay;
Isang bato akong binalot ng lumot upanding matakpan
Sa mata ng mundo ang mga damdaming sa puso ay taglay.
Dahil sa naiwang mga minamahal, ako'y nangangamba,
Mga ngalan nila'y di ko nalilimot sa laot ng sigwa;
May nangagsilayo at mayroon namang nangagsipanaw na;
Nguni't sa lumipas kong hindi mapapaknit kahit agawin pa.
Kaibigan iyang sa lahat ng oras ay aking kapiling
Sa gitna ng lumbay ay nagpapasigla sa diwa't damdamin;
Sa gabing tahimik, siya'y nagtatanod at nananalangin,
Kasama-sama ko sa pagkakatapong malungkot isipan,
Upang kung manlaming ang pananalig ko ay papag-alabin.
Yaong pananalig na ibig ko sanang makitang kumislap
Sa dakilang araw ng pangingibabaw ng Isip sa lakas;
Kung makalipas na itong kamataya't labanang marahas,
Ay may ibang tinig, na lalong masigla at puspos ng galak,
Na siyang aawit ng pananangumpay ng matwid, sa lahat.
Aking natatanaw na namumula na ang magandang langit,
Gaya noong aking bukuin sa hagap ang una kong nais;
Aking nadarama ang dati ring hangin sa noong may pawis,
Nararamdam ko ang dati ring apoy na nagpapainit
Sa tinataglay kong dugong kabataang magulo ang isip.
Ang nilalanghap kong mga simoy dito'y nagdaan marahil
Sa mga ilugan at sa mga bukid niyong bayan namin;
Sa pagbalik nila ay kanila sanang ihatid sa akin
Ang buntong-hininga ng minamahal kong malayo sa piling,
Pahatid na mula sa pinagsanglaan ng unang paggiliw.
Kung aking mamasdan sa abuhing langit ang buwang marilag.
Nararamdaman kong ang sugat ng puso'y muling nagnanaknak;
Naaalaala ang sumpaan naming kami'y magtatapat,
Ang dalampasigan, ang bukid at saka arkong may bulaklak,
Ang buntong-hininga, ang pananahimik at ang piping galak.
Isang paruparong hanap ay bulaklak at saka liwanag,
Malalayong bayan ang lagi nang laman ng kanyang pangarap;
Musmos na musmos pa, tahana'y nilisa't ako ay lumayang,
Upang maglimayon, na ang diwa'y laya at walang bagabag - -
Ganyan ko ginugol ang mga pili kong panahon at oras.
At nang mapilitang ako ay bumalik sa dating tahanan,
Kagaya ng isang ibong nanghina na sa kapanahunan,
May nag bagong sigwang malakas, mabangis na parang halimaw;
Ang mga pakpak ko'y nagkabali-bali't tahana'y pumanaw,
Ang aking tiwala'y ipinagkanulo't lahat na'y nagunaw.
Sa pagkakatapong malayo sa bayang pinakaiibig,
Ang hinaharap ko'y madilim na lubha't walang tatangkilik:
Pamuli na namang susungaw ang aking mga panaginip,
Tanging kayamanan ng kabuhayan kong sagana sa hapis;
Mga pananalig niyong kabataang matapat, malinis.
Dapwa't kung ikaw ma'y umaasa ngayong iyong makakamtan
Yaong gantimpalang hindi magmamaliw magpakailan man,
Hindi ka na paris ng dating magilas at buhay na buhay;
Sa hapis mong mukha'y may bakas na hindi mapagkakamalan
Yaong pananalig na dapat mahalin at ipagsanggalang.
At upang aliwin, handog mo sa aki'y mga panaginip,
Nagsaang panahon ng kabataan ko'y ipinasisilip;
Kaya nga salamat, O sigwang biyaya sa akin ng langit,
Alam mo ang oras na takdang pagpigil sa gala kong isip,
Upang ibalik mo sa pinanggalingang lupang iniibig.
Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin,
Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin,
Aking nasumpungan ang isang tahanang sagana sa lilim,
Aking natuklasan sa katabing gubat na masalimsim
Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin.

MI RETIRO
Isinulat ito ni Rizal tungkol sa kanyang buhay bilang isang exile sa Dapitan.
Inilarawan niya ang kanyang itinayong kubo sa tabi ng dagat kung saan ang buhangin
ay malambot at pinong-pino. Ang kubong ito ay nasa paanan din ng bundok kung saan
ay malilim at matahimik, kung saan ay nakakapagpahinga niya ang kanyang isip at
damdamin.
Kung babasahin ang tula ay makikitang napakapayapa ng lugar kung saan nakatira si
Rizal. May batis na “umaawit habang lumalagos” at kung gabi ay may “bulong na
nakakapagpa-antok”, ngunit kapag umuulan ang agos nito ay may “tulin na walang
katulad”. Walang bumabasag sa katahimikan kundi ang ungol ng aso, awit ng ibon at
hiyaw ng mga kabayo.Sa pagtanaw ni Rizal ng dagat ay parang inangkin na niya ito.
Kung sabagay, siya lamang ang taong nakatira sa tabing dagat kaya’t masasabi ngang
para sa kanya ang dagat na iyon.
Ang tulang ito ay sinasabi ng ibang kritiko na pinakamahusay na ginawa ni Rizal, at
ilan sa amin ang sumasangayon. Kapag nabasa ang kabuuan ng tula ay para kang
inilipat pansamantala sa mapayapang Dapitan, kung saan makikita mo ang dagat na
ngumingiti sa iyo, mararanasan mo ang sarap ng ihip ng hangin, at kapag gabi’y
maririnig mo ang minsa’y payapang bulong ng kapaligiran at minsa’y nakakatakot na
ingay ng mga hayop. Sa gabi din sinasabi ni Rizal na kapag lumalakas ang alon at ang
hangin ay umuugong, napag-iisip siya, nilulunod nito ang mga boses, pag-iyak at
pagkanta, ang kalungkutan at hinihila sa kawalan. At ang mga punong-kahoy
umuugong na para bang may mga kaluluwang nagbabantay at nagyayaya sa mga taong
naninirahan doon. Ngunit pagdating sa umaga, may panibagong sikat ng araw na
magbibigay liwanag sa iyong puso at pakiramdam na ligtas ka na at mapayapa.
Ibinabahagi din ni Rizal sa tula ang kanyang nararamdaman, na nakalulungkot at magisa lamang siya, na parang hinila siya sa mundong kilala niya at kilala siya, at itinatago
siya dahil sa kanyang mga paniniwala at kaalaman. Ang pagmamahal niya sa kanyang
mga mahal sa buhay, na miski malayo sa kanya, miski iniwan siya o yumao na, hindinghindi niya makakalimutan.
Ang pagkamaka-Diyos din ni Rizal ay naipapakita sa mga taludtod ng tula. Sinasabi
niya na mayroon siyang kaibigan ni hinding-hindi siya iiwan, nagbibigay sa kanya ng
lakas at paniniwala kapag siya ay nag aalinlangan. At ang paniniwalang ito kanyang
itinatago at ang kanyang pag-asa, na kahit na malapit na siyang mamatay,
nangingibabaw ang kaligayahan at awit ng tagumpay para sa kung ano ang tama.
At ang pag-ibig niya para kay Leonor Rivera, na siya ay labis na nasasaktan tuwing
kanyang naaalala ang kanilang mga pangarap at pangako sa isa’t-isa.
Inihalintulad niya ang sarili sa isang paruparo, na palipat-lipat ng bulaklak at palaging
may nilalamang pangarap. Tulad niya na bata pa lamang ay umalis na agad sa kanilang
tahanan, at pumunta sa iba’t-ibang bansa kung saan siya ay maraming natutunan. At
tulad ng isang ibon na pagkatapos lumayag sa malayong lugar ay babalik na sa
kaniyang tahan. Siya ay pagod na pagod na, pagbalik niya sa Pilipinas, ang kanyang
mga pakpak ay sira-sira na, may mga bagong pagsubok na mabangis parang halimaw, at
ang kanyang paniniwala ay nasira at nagunaw.
At isinasaad ni Rizal na masakit para sa kanyang maipatapon malayo sa bayang
kanyang minamahal. At bumabalik lahat ng kanyang mga pangarap, na magagawa
lamang ng mga pag-asa ng bayan, ang kabataan na pag-asa ng bayan.
At sa huli, nagpapasalamat siya sa Diyos, dahil ipinataw sa kanya ang ganoong
pangyayari. Na alam ng Diyos kung kelan pipigilin ang gala niyang isip, upang ibalik sa
pinanggalingang lupang iniibig. Ito ay nagpapakita ng pagakarelihiyoso ni Rizal at labi
na pagmamahal sa bayan, na hanggang sa kahulihulihan, gugustuhin niya na mamatay
sa sariling bayan.
Ang nakakabilib nga naman kay Rizal ay taglay niyang tapang na nagawa niyang
magsulat ng may ganitong tema ng tula, kung alam niya na maaaring hatulan siya ng
kamatayan.

Tagalog translation:
Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,
Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;
Abang manlalakbay ay wala nang liyag,
Layuin, kalulwa’t bayang matatawag.
Hinahabul-habol yaong kapalarang
Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asa’y kung nanlalabo man,
Siya’y patuloy ring patungo kung saan!
Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,
Silanga’t Kanlura’y kanyang nililipad,
Mga minamahal ay napapangarap,
Gayon din ang araw ng pamamanatag.
Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,
Siya’y maaaring doon na mamatay,
Limot ng daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang kapayapaan!
Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,
Ibong naglalakaby sa buong daigdig,
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
Na sa kanyang puso ay lumiligalig.
Kung sa mga tanging minahal sa buhay
Siya’y magbalik pa pagdating ng araw,
Makikita niya’y mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga kaibigan.
Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,
Sa sariling baya’y wala kang katalik;
Bayaang ang puso ng iba’y umawit,
Lumaboy kang muli sa buong daigdig.
Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?
Ang luhang inyukol sa iyo’y tuyo na;
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundo’y nagtatawa.

English and Spanish translation…
English Translation:
A withered leaf which flies uncertainly
And hurled about by furious hurricanes,
So goes the traveler about the world,
No guide, no hope, no fatherland, no love.
Anxiously he seeks a better fortune
And fickle fortune always takes to flight;
A shadow vain that mocks at his desire!
For her the wanderer has plowed the seas.
Driven on by hands invisible,
Wandering from land to weary land,
Only memories to keep him company,
Of loved ones and of bygone happier days.
A tomb perhaps upon the desert
Calls him–refuge sweet of peace,–
Where, by his country and the world forgotten,
Tranquil he may sleep who knew such pain.
And if they envy this sad traveler
When he speeds so swiftly round the world,
Ah, little do they know that in his soul
Exist an aching void for want of love.
Should the wanderer turn back to his country,
And to his home, it may be, make his way,
He would find but snow and ruins everywhere,
All love destroyed, and sepulchres,–no more.
On, then, traveler, pursue your journey,
Stranger to the land where you were born.
Letting others sing their songs of love
And feel their joys, you fare on again.
And traveler, as you go, do not turn back,
For none will shed a tear to say farewell,
Go, pilgrim, try to drown your sorrow,
Because the world but scoffs when strangers grieve.

Spanish (Original)
Canto Del Viajero
Hoja seca que cuela indecisa
Y arrebata violente turbion,
Asi vive en la tierra el viajero,
Sin norte, sin alma, sin patria ni amor.
Busca ansioso doquiera la dicha
Y la dicha se aleja fugaz:
Vana sombra que burla su anhelo! …
Por ella el viajero se lanza a la mar!
Impelido por mano invisible
Vagara confin en confin;
Los recuedos le haran compania
De seres queridos, de un dia feliz.
Una tumba quiza en el desiero
Hallara, dulce asilo de paz,
De su patria y del mundo olvidado …
Descanse tranquilo, tras tanto penar !
Y le envidian al triste viajero
Cuando cruza la tierra veloz …
Ay! no saben que dentro del alma
Existe un vacio de falta el amor!
Volvera el peregrino a su patria
Y a sus lares tal vez volvera,
Y hallara por doquier nieve y ruina
Amores perdidos, sepulcros, no mas.
Ve, Viajero, prosigue tu senda,
Extrangero en tu propio pais;
Deja a otros que canten amores,
Los otros que gocen; tu vuelve a partir.
Ve, viajero, no vuelvas el rostro,
Que no hay llanto que siga al adios;
Ve, viajero, y ahoga tu penas;
Que el mundo se burla de ajeno dolor.

Contenu connexe

Similaire à Dr

Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptxQ4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptxMiaLangaySanz
 
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)HUDCC
 
Marcelo h del pilar and his works
Marcelo h del pilar and his worksMarcelo h del pilar and his works
Marcelo h del pilar and his worksrheabeth razon
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxKimberlyLaluan
 
Talumpati ni rizal sa piging na parangal sa Mga pintor na pilipino
Talumpati ni rizal sa piging na parangal  sa Mga pintor na pilipinoTalumpati ni rizal sa piging na parangal  sa Mga pintor na pilipino
Talumpati ni rizal sa piging na parangal sa Mga pintor na pilipinoMJ-Juliet Tangpos
 
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAFilipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAGIANDAVID2
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanDepEd
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusBay Max
 
Love of country (2)
Love of country (2)Love of country (2)
Love of country (2)charm0611
 
The Philippine National Anthem
The Philippine National AnthemThe Philippine National Anthem
The Philippine National AnthemMs Gloria
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesusSanji Zumoruki
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanMedizaTheresseTagana1
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxrommel geanga
 

Similaire à Dr (20)

Ang huling paalam
Ang huling paalamAng huling paalam
Ang huling paalam
 
Kopya ng huling paalam
Kopya ng huling paalamKopya ng huling paalam
Kopya ng huling paalam
 
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptxQ4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
 
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdfMi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
 
El Amor Patrio
El Amor PatrioEl Amor Patrio
El Amor Patrio
 
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
 
Marcelo h del pilar and his works
Marcelo h del pilar and his worksMarcelo h del pilar and his works
Marcelo h del pilar and his works
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
 
Talumpati ni rizal sa piging na parangal sa Mga pintor na pilipino
Talumpati ni rizal sa piging na parangal  sa Mga pintor na pilipinoTalumpati ni rizal sa piging na parangal  sa Mga pintor na pilipino
Talumpati ni rizal sa piging na parangal sa Mga pintor na pilipino
 
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULAFilipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
Filipino 10 ARALIN- 2.5 - GRAMATIKA-TULA
 
Britney
BritneyBritney
Britney
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
 
Love of country (2)
Love of country (2)Love of country (2)
Love of country (2)
 
The Philippine National Anthem
The Philippine National AnthemThe Philippine National Anthem
The Philippine National Anthem
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
 

Dr

  • 1. Dr. Reinhold Rost was a friend Rizal made while he was in London. He was the librarian of the Ministry of Foreign Affairs. He was the one who recommended Rizal to be allowed to undertake research at the British Museum as he is impressed of Rizal's intelligence, education and strength of character. He labelled Rizal as "una perla de hombre" or "a pearl of a man" meaning a very rare type of person. Pobres Frailes ( Poor Frairs ) [1] Eulogio Despujol y Dusay (Barcelona, March 11, 1834 - Riba-roja de Túria, October 18, 1907) served [2] as a Spanish Governor-General of the Philippines from 1891 to 1893. A native ofCatalunya, at first, he ruled in the Philippines as a conservative but later became a reactionary. It was during his term when José Rizal, leader of the Philippine propaganda movement, was sent to Dapitan island, in Mindanao. He would again meet with Rizal, who was on his way to Cuba to work as a military medic [2] before being intercepted in Barcelona, before sending him back to the Philippines. ANG kinaligpitan ko Mi retiro My retreat Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin, Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin, Ang munti kong kubo'y doon itinirik, sa saganang lilim Ng mga halamang nakikipaglaro sa ihip ng hangin. Aking dinudulang sa katabing gubat na masalimisim Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin. Ang atip ng bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan, Magaspang na kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan, Sa kubo kong ito ay walang bahangin may kahalagahan, Lalong mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan Na abot ng bulong at awit ng dagat sa dalampasigan. Doon ay may batis na umaawit pa habang naglalagos Sa mga batuhan, magmula sa gubat sa may dakong likod; Batis ay nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod, kung gabing tahimik ay may bulong siyang nakapag-aantok, At kung araw naman, ang langit ay parang ibig na maabot. Kung ang kalangita'y payapang-payapa, agos ay banayad,
  • 2. Panay ang taginting ng kanyang gitarang hindi namamalas, Pagbagsak ng ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad, Humahagunot pa sa nangaghambalang na batong malapad, Sa di mapipigil na kanyang pagtakbong patungo sa dagat. Palahaw ng aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw, Ang ingay na tanging siyang bumabasag sa katahimikan; Doo'y di kilala ang tinig ng taong palalo't mayabang Na susunu-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan; Ako'y naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang. Ang dagat, ah, ito ay siya ngang lahat kung para sa akin, Kung dumadaluhong mula sa di tanaw na mga pampangin, Sa akin, ang kanyang ngiti kung pananalig ko'y parang nagmamaliw, At kung dapit-hapong ang pananalig ko'y parang nagmamaliw, Siya ay may bulong na inihahatid sa akin ng hangin. Pagdating ng gabi, dakilang palabas ng kahiwagaan, Malaking liwanag ng mumunting kislap na hindi mabilang Ang doon sa langit ay nakalaganap sa kaitaasan; Habang dinadalit niyong mga alon ang saklap ng buhay, Dalit na malabo pagka't nilulunod ang sariling ingay. Isinasalaysay ang ayos ng mundo nang unang sumikat Ang araw sa langit, at sila'y laruin ng kanyang liwanag; Nang mula sa wala'y dami ng kinapal ang biglang kumalat Sa kailaliman, at sa kapatagan, magpahanggang gubat, Sa lahat ng dako na abot ng halik ng mayamang sinag. Nguni't kung sa gabi'y magising ang hanging malikot, mailap, At ang mga alon, sa galit na dala'y susugod, lulundag, Mayrong mga siagaw na sa aking puso'y nagbibigay-sindak , Mga tinig waring nagsisipagdasal, o nag sisiiyak, Nagsisipanaghoy sa kailalimang kadilima'y ganap. At saka uugong ang marahang taghoy na mula sa bundok, Mga punungkahoy at ang mga damo'y nagsisipangatog, Pati mga pastol ay nababalisa't pawang mga takot, Sapagka't, anila, ang mga kalulwa'y noon sumisipot At nag-aanyayang sa kanilang handa sila ay dumulog. Gabi'y bumubulong sa gitna ng sindak at pagkaligalig, At sa dagat nama'y bughaw't lunting apoy ang pasilip-silip; Pag ngiti ng araw'y payapa na naman ang buong paligid, At mula sa laot, yaong mangingisda ay napagigilid, Sugod na ang lunday at ang mga alon ay nananahimik.
  • 3. Ganyan ang buhay ko sa aking payapa't ligpit na tahanan; Sa mundong nang dati ay kilala ako, ako'y pinapanaw, Nasapit kong palad, sa ngayon ay aking binubulay-bulay; Isang bato akong binalot ng lumot upanding matakpan Sa mata ng mundo ang mga damdaming sa puso ay taglay. Dahil sa naiwang mga minamahal, ako'y nangangamba, Mga ngalan nila'y di ko nalilimot sa laot ng sigwa; May nangagsilayo at mayroon namang nangagsipanaw na; Nguni't sa lumipas kong hindi mapapaknit kahit agawin pa. Kaibigan iyang sa lahat ng oras ay aking kapiling Sa gitna ng lumbay ay nagpapasigla sa diwa't damdamin; Sa gabing tahimik, siya'y nagtatanod at nananalangin, Kasama-sama ko sa pagkakatapong malungkot isipan, Upang kung manlaming ang pananalig ko ay papag-alabin. Yaong pananalig na ibig ko sanang makitang kumislap Sa dakilang araw ng pangingibabaw ng Isip sa lakas; Kung makalipas na itong kamataya't labanang marahas, Ay may ibang tinig, na lalong masigla at puspos ng galak, Na siyang aawit ng pananangumpay ng matwid, sa lahat. Aking natatanaw na namumula na ang magandang langit, Gaya noong aking bukuin sa hagap ang una kong nais; Aking nadarama ang dati ring hangin sa noong may pawis, Nararamdam ko ang dati ring apoy na nagpapainit Sa tinataglay kong dugong kabataang magulo ang isip. Ang nilalanghap kong mga simoy dito'y nagdaan marahil Sa mga ilugan at sa mga bukid niyong bayan namin; Sa pagbalik nila ay kanila sanang ihatid sa akin Ang buntong-hininga ng minamahal kong malayo sa piling, Pahatid na mula sa pinagsanglaan ng unang paggiliw. Kung aking mamasdan sa abuhing langit ang buwang marilag. Nararamdaman kong ang sugat ng puso'y muling nagnanaknak; Naaalaala ang sumpaan naming kami'y magtatapat, Ang dalampasigan, ang bukid at saka arkong may bulaklak, Ang buntong-hininga, ang pananahimik at ang piping galak. Isang paruparong hanap ay bulaklak at saka liwanag, Malalayong bayan ang lagi nang laman ng kanyang pangarap; Musmos na musmos pa, tahana'y nilisa't ako ay lumayang, Upang maglimayon, na ang diwa'y laya at walang bagabag - -
  • 4. Ganyan ko ginugol ang mga pili kong panahon at oras. At nang mapilitang ako ay bumalik sa dating tahanan, Kagaya ng isang ibong nanghina na sa kapanahunan, May nag bagong sigwang malakas, mabangis na parang halimaw; Ang mga pakpak ko'y nagkabali-bali't tahana'y pumanaw, Ang aking tiwala'y ipinagkanulo't lahat na'y nagunaw. Sa pagkakatapong malayo sa bayang pinakaiibig, Ang hinaharap ko'y madilim na lubha't walang tatangkilik: Pamuli na namang susungaw ang aking mga panaginip, Tanging kayamanan ng kabuhayan kong sagana sa hapis; Mga pananalig niyong kabataang matapat, malinis. Dapwa't kung ikaw ma'y umaasa ngayong iyong makakamtan Yaong gantimpalang hindi magmamaliw magpakailan man, Hindi ka na paris ng dating magilas at buhay na buhay; Sa hapis mong mukha'y may bakas na hindi mapagkakamalan Yaong pananalig na dapat mahalin at ipagsanggalang. At upang aliwin, handog mo sa aki'y mga panaginip, Nagsaang panahon ng kabataan ko'y ipinasisilip; Kaya nga salamat, O sigwang biyaya sa akin ng langit, Alam mo ang oras na takdang pagpigil sa gala kong isip, Upang ibalik mo sa pinanggalingang lupang iniibig. Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin, Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin, Aking nasumpungan ang isang tahanang sagana sa lilim, Aking natuklasan sa katabing gubat na masalimsim Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin. MI RETIRO Isinulat ito ni Rizal tungkol sa kanyang buhay bilang isang exile sa Dapitan. Inilarawan niya ang kanyang itinayong kubo sa tabi ng dagat kung saan ang buhangin ay malambot at pinong-pino. Ang kubong ito ay nasa paanan din ng bundok kung saan ay malilim at matahimik, kung saan ay nakakapagpahinga niya ang kanyang isip at damdamin. Kung babasahin ang tula ay makikitang napakapayapa ng lugar kung saan nakatira si
  • 5. Rizal. May batis na “umaawit habang lumalagos” at kung gabi ay may “bulong na nakakapagpa-antok”, ngunit kapag umuulan ang agos nito ay may “tulin na walang katulad”. Walang bumabasag sa katahimikan kundi ang ungol ng aso, awit ng ibon at hiyaw ng mga kabayo.Sa pagtanaw ni Rizal ng dagat ay parang inangkin na niya ito. Kung sabagay, siya lamang ang taong nakatira sa tabing dagat kaya’t masasabi ngang para sa kanya ang dagat na iyon. Ang tulang ito ay sinasabi ng ibang kritiko na pinakamahusay na ginawa ni Rizal, at ilan sa amin ang sumasangayon. Kapag nabasa ang kabuuan ng tula ay para kang inilipat pansamantala sa mapayapang Dapitan, kung saan makikita mo ang dagat na ngumingiti sa iyo, mararanasan mo ang sarap ng ihip ng hangin, at kapag gabi’y maririnig mo ang minsa’y payapang bulong ng kapaligiran at minsa’y nakakatakot na ingay ng mga hayop. Sa gabi din sinasabi ni Rizal na kapag lumalakas ang alon at ang hangin ay umuugong, napag-iisip siya, nilulunod nito ang mga boses, pag-iyak at pagkanta, ang kalungkutan at hinihila sa kawalan. At ang mga punong-kahoy umuugong na para bang may mga kaluluwang nagbabantay at nagyayaya sa mga taong naninirahan doon. Ngunit pagdating sa umaga, may panibagong sikat ng araw na magbibigay liwanag sa iyong puso at pakiramdam na ligtas ka na at mapayapa. Ibinabahagi din ni Rizal sa tula ang kanyang nararamdaman, na nakalulungkot at magisa lamang siya, na parang hinila siya sa mundong kilala niya at kilala siya, at itinatago siya dahil sa kanyang mga paniniwala at kaalaman. Ang pagmamahal niya sa kanyang mga mahal sa buhay, na miski malayo sa kanya, miski iniwan siya o yumao na, hindinghindi niya makakalimutan. Ang pagkamaka-Diyos din ni Rizal ay naipapakita sa mga taludtod ng tula. Sinasabi niya na mayroon siyang kaibigan ni hinding-hindi siya iiwan, nagbibigay sa kanya ng lakas at paniniwala kapag siya ay nag aalinlangan. At ang paniniwalang ito kanyang itinatago at ang kanyang pag-asa, na kahit na malapit na siyang mamatay, nangingibabaw ang kaligayahan at awit ng tagumpay para sa kung ano ang tama. At ang pag-ibig niya para kay Leonor Rivera, na siya ay labis na nasasaktan tuwing kanyang naaalala ang kanilang mga pangarap at pangako sa isa’t-isa.
  • 6. Inihalintulad niya ang sarili sa isang paruparo, na palipat-lipat ng bulaklak at palaging may nilalamang pangarap. Tulad niya na bata pa lamang ay umalis na agad sa kanilang tahanan, at pumunta sa iba’t-ibang bansa kung saan siya ay maraming natutunan. At tulad ng isang ibon na pagkatapos lumayag sa malayong lugar ay babalik na sa kaniyang tahan. Siya ay pagod na pagod na, pagbalik niya sa Pilipinas, ang kanyang mga pakpak ay sira-sira na, may mga bagong pagsubok na mabangis parang halimaw, at ang kanyang paniniwala ay nasira at nagunaw. At isinasaad ni Rizal na masakit para sa kanyang maipatapon malayo sa bayang kanyang minamahal. At bumabalik lahat ng kanyang mga pangarap, na magagawa lamang ng mga pag-asa ng bayan, ang kabataan na pag-asa ng bayan. At sa huli, nagpapasalamat siya sa Diyos, dahil ipinataw sa kanya ang ganoong pangyayari. Na alam ng Diyos kung kelan pipigilin ang gala niyang isip, upang ibalik sa pinanggalingang lupang iniibig. Ito ay nagpapakita ng pagakarelihiyoso ni Rizal at labi na pagmamahal sa bayan, na hanggang sa kahulihulihan, gugustuhin niya na mamatay sa sariling bayan. Ang nakakabilib nga naman kay Rizal ay taglay niyang tapang na nagawa niyang magsulat ng may ganitong tema ng tula, kung alam niya na maaaring hatulan siya ng kamatayan. Tagalog translation: Kagaya ng dahong nalanta, nalagas, Sinisiklut-siklot ng hanging marahas; Abang manlalakbay ay wala nang liyag, Layuin, kalulwa’t bayang matatawag. Hinahabul-habol yaong kapalarang Mailap at hindi masunggab-sunggaban; Magandang pag-asa’y kung nanlalabo man, Siya’y patuloy ring patungo kung saan!
  • 7. Sa udyok ng hindi nakikitang lakas, Silanga’t Kanlura’y kanyang nililipad, Mga minamahal ay napapangarap, Gayon din ang araw ng pamamanatag. Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw, Siya’y maaaring doon na mamatay, Limot ng daigdig at sariling bayan, Kamtan nawa niya ang kapayapaan! Dami ng sa kanya ay nangaiinggit, Ibong naglalakaby sa buong daigdig, Hindi nila tanto ang laki ng hapis Na sa kanyang puso ay lumiligalig. Kung sa mga tanging minahal sa buhay Siya’y magbalik pa pagdating ng araw, Makikita niya’y mga guho lamang At puntod ng kanyang mga kaibigan. Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik, Sa sariling baya’y wala kang katalik; Bayaang ang puso ng iba’y umawit, Lumaboy kang muli sa buong daigdig. Abang manlalakbay! Bakit babalik pa? Ang luhang inyukol sa iyo’y tuyo na; Abang manlalakbay! Limutin ang dusa, Sa hapis ng tao, mundo’y nagtatawa. English and Spanish translation… English Translation: A withered leaf which flies uncertainly And hurled about by furious hurricanes, So goes the traveler about the world, No guide, no hope, no fatherland, no love. Anxiously he seeks a better fortune And fickle fortune always takes to flight; A shadow vain that mocks at his desire! For her the wanderer has plowed the seas.
  • 8. Driven on by hands invisible, Wandering from land to weary land, Only memories to keep him company, Of loved ones and of bygone happier days. A tomb perhaps upon the desert Calls him–refuge sweet of peace,– Where, by his country and the world forgotten, Tranquil he may sleep who knew such pain. And if they envy this sad traveler When he speeds so swiftly round the world, Ah, little do they know that in his soul Exist an aching void for want of love. Should the wanderer turn back to his country, And to his home, it may be, make his way, He would find but snow and ruins everywhere, All love destroyed, and sepulchres,–no more. On, then, traveler, pursue your journey, Stranger to the land where you were born. Letting others sing their songs of love And feel their joys, you fare on again. And traveler, as you go, do not turn back, For none will shed a tear to say farewell, Go, pilgrim, try to drown your sorrow, Because the world but scoffs when strangers grieve. Spanish (Original) Canto Del Viajero Hoja seca que cuela indecisa Y arrebata violente turbion, Asi vive en la tierra el viajero, Sin norte, sin alma, sin patria ni amor. Busca ansioso doquiera la dicha Y la dicha se aleja fugaz: Vana sombra que burla su anhelo! … Por ella el viajero se lanza a la mar!
  • 9. Impelido por mano invisible Vagara confin en confin; Los recuedos le haran compania De seres queridos, de un dia feliz. Una tumba quiza en el desiero Hallara, dulce asilo de paz, De su patria y del mundo olvidado … Descanse tranquilo, tras tanto penar ! Y le envidian al triste viajero Cuando cruza la tierra veloz … Ay! no saben que dentro del alma Existe un vacio de falta el amor! Volvera el peregrino a su patria Y a sus lares tal vez volvera, Y hallara por doquier nieve y ruina Amores perdidos, sepulcros, no mas. Ve, Viajero, prosigue tu senda, Extrangero en tu propio pais; Deja a otros que canten amores, Los otros que gocen; tu vuelve a partir. Ve, viajero, no vuelvas el rostro, Que no hay llanto que siga al adios; Ve, viajero, y ahoga tu penas; Que el mundo se burla de ajeno dolor.