3. Noong nakaraang mahal na araw,
nagkaroon ako ng pagkakataong
makapag-retreat sa Baguio. Limang
araw akong namalagi sa burol ng
Mirador upang manahimik at
manalangin. Sa huling araw ng
retreat, isang pambihirang
pagkakataon ang aking naranasan
kasama ng ilang kaibigan: ang
makapag-stargazing.
4. Hindi lang simpleng pagtingala sa
kalangitan ang aming ginawa, salamat
sa isang hi-tech na teleskopyo na dala
ng isa naming kaibigan. Naalala ko
noong gabing iyon, Pasko ng
Pagkabuhay ni Kristo, magdamag
naming pinagmasdan ang mga bituin,
ang buwan at ang mga planeta.
Napuno ako ng pagkamangha!
5. Namangha ako sapagkat sa unang
pagkakataon ay nakita ko ng mas
malinaw at mas malapitan ang buwan
at ilang mga bituin. Totoo nga palang
may mga singsing ang Saturn, na may
mga craters at kulay maningning na
pilak ang buwan at ang Mars ay pula!
6. Tapos na ang retreat noong gabing
iyon, ngunit lahat kami ay tila
nagdarasal at nagninilay pa rin.
Patuloy kaming namangha sa galing at
ganda na nilkha ng Maykapal.
7. Ayon sa kasulatan, Si San Ignacio rin
umano ay mahilig tumingin sa
kalangitan tuwing gabi upang
pagmasdan ang mga bituin.
Marahil ito ay sa kadahilanang kapag
nakatingin tayo sa mga bituin at sa
kalawakan, higit nating
napagninilayan ang Diyos.
8. Sa ating pagtanaw sa mga bituin at sa
kalawakan, nadadala tayo sa malalim
na pag-iisip na tunay ngang mayroong
higit pang mas malaki sa atin at tunay
na mayroong higit pa sa ating mga
natatanaw.
9. Sa katunayan, ang mga siyentipikong
patuloy na tinutuklas ang sanlibutan
ay nalaman na ang sanlibutan kung
saan naroon tayo ngayon ay bahagi
lamang ng higit pang maraming
sanlibutan na umiiral; tayo ay nasa
tinatawag na multi-universe.
Napakalaki, nakapanlulula,
nakamamangha talaga ang nilika ng
Diyos.
10. Habang pinagninilayan ko ang
karanasan ko noong gabing iyon
noong Pasko ng Pagkabuhay, naisip
ko, tila isa lamang tayong butil ng
alikabok kung ikukumpara sa
kalakihan ng sanlibutang likha ng
Diyos.
11. Sa kabila ng kaliitang ito, sa mata ng
ating pananampalataya,
nakakatuwang isipin na ang Diyos na
maylikha ng sansinukuban ay kapiling
natin sa tuwina, ‘di tulad ng mga
bituin na nakatitig lamang sa atin
mula sa malayo. Sa katunayan turo pa
ni San Ignacio, maari natin makita ang
Diyos sa anumang bagay!
12. Sapagkat tayo ay mahalaga sa Kanya,
ang Diyos ay patuloy na nakikilahok sa
ating araw-araw na pamumuhay,
alam man natin o hindi. Sa katunayan,
ayon sa isang paring Heswita, ang
Diyos natin ay isang Diyos na
“pakialamero”.
13. Mabuti na lamang, sapagkat ito ay
tunay na magandang balita.
Hindi ba’t ang mga taong may
pakialam sa atin ay ang mga taong
tunay na nagmamahal at
nagmamalasakit sa atin?
14. Sapagkat may pakialam ang Diyos sa
atin, nakatitiyak tayo na nag-aabala
Siyang ‘dinggin ang bawat
panalanging inuusal natin kahit ano
pa man ito, gaya ng simpleng
panalangin bago magsimula ang
pagsusulit.
15. Dahil may pakialam ang Diyos sa atin,
ipinagkaloob niya ang ating mga
pamilya, mga kaibigan, ating mga
tagahubog at lahat ng mga mahal
natin sa buhay bilang kanyang mga
instrumento upang higit nating
maramdaman ang pakikiaalam niya sa
ating buhay.
16. Dahil mahal tayo ng Diyos, patuloy
niya tayong pinagkakalooban ng
biyaya ng karunungan, mga
pagkakataon, pananampalataya, pag-
asa…ng buhay. Sa para saan at sa
anong kadahilanan?
17. Tama ang naisip mo, dahil sa pag-ibig.
Pag-ibig na tila kasing lawak at kasing
laki ng sanlibutan. Sa ngalang ito ng
pag-ibig na wagas at lubos, maging
ang sarili Niyang anak na si Hesus
ay ipinagkaloob sa atin.
18. Mainam sigurong pagmasdan ang
mga bituin paminsan-minsan, para
maaalala natin ang pag-ibig ng Diyos
na ito. Ngunit sa tingin ko, mas
mainam at mas mahalaga na
manahimik, magnilay, lumingon at
buksan ang ating mga mata, puso at
isipan sa mundong tadtad ng mga
tanda ng pag-iral at pag-ibig ng Diyos.
19. Dahil ang Diyos ay tunay na buhay,
nananahan, nakikilahok at nakikialam
sa ating buhay at sa mundong ating
ginagalawan.
20. Manalangin tayo:
Sa ngalan ng ama, ng anak at ng Diyos
Espiritu Santo.
Ama, maraming salamat sa iyong
biyaya ng pagkamangha sa Iyong
nilika. Nawa’y patuloy mo kaming
pagkalooban ng biyaya na makita ka
sa lahat ng bagay, lalung-lalo na ang
Iyong pakikibahagi sa aming buhay.
21. Luwalhati sa Ama, sa Anak
at Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at
magpakailanman at
magpasawalang-hanggan. Amen.