SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  22
PAGNINILAY
25 June 2012
Noong nakaraang mahal na araw,
nagkaroon ako ng pagkakataong
makapag-retreat sa Baguio. Limang
araw akong namalagi sa burol ng
Mirador upang manahimik at
manalangin. Sa huling araw ng
retreat, isang pambihirang
pagkakataon ang aking naranasan
kasama ng ilang kaibigan: ang
makapag-stargazing.
Hindi lang simpleng pagtingala sa
kalangitan ang aming ginawa, salamat
sa isang hi-tech na teleskopyo na dala
ng isa naming kaibigan. Naalala ko
noong gabing iyon, Pasko ng
Pagkabuhay ni Kristo, magdamag
naming pinagmasdan ang mga bituin,
ang buwan at ang mga planeta.
Napuno ako ng pagkamangha!
Namangha ako sapagkat sa unang
pagkakataon ay nakita ko ng mas
malinaw at mas malapitan ang buwan
at ilang mga bituin. Totoo nga palang
may mga singsing ang Saturn, na may
mga craters at kulay maningning na
pilak ang buwan at ang Mars ay pula!
Tapos na ang retreat noong gabing
iyon, ngunit lahat kami ay tila
nagdarasal at nagninilay pa rin.
Patuloy kaming namangha sa galing at
ganda na nilkha ng Maykapal.
Ayon sa kasulatan, Si San Ignacio rin
umano ay mahilig tumingin sa
kalangitan tuwing gabi upang
pagmasdan ang mga bituin.
Marahil ito ay sa kadahilanang kapag
nakatingin tayo sa mga bituin at sa
kalawakan, higit nating
napagninilayan ang Diyos.
Sa ating pagtanaw sa mga bituin at sa
kalawakan, nadadala tayo sa malalim
na pag-iisip na tunay ngang mayroong
higit pang mas malaki sa atin at tunay
na mayroong higit pa sa ating mga
natatanaw.
Sa katunayan, ang mga siyentipikong
patuloy na tinutuklas ang sanlibutan
ay nalaman na ang sanlibutan kung
saan naroon tayo ngayon ay bahagi
lamang ng higit pang maraming
sanlibutan na umiiral; tayo ay nasa
tinatawag na multi-universe.
Napakalaki, nakapanlulula,
nakamamangha talaga ang nilika ng
Diyos.
Habang pinagninilayan ko ang
karanasan ko noong gabing iyon
noong Pasko ng Pagkabuhay, naisip
ko, tila isa lamang tayong butil ng
alikabok kung ikukumpara sa
kalakihan ng sanlibutang likha ng
Diyos.
Sa kabila ng kaliitang ito, sa mata ng
ating pananampalataya,
nakakatuwang isipin na ang Diyos na
maylikha ng sansinukuban ay kapiling
natin sa tuwina, ‘di tulad ng mga
bituin na nakatitig lamang sa atin
mula sa malayo. Sa katunayan turo pa
ni San Ignacio, maari natin makita ang
Diyos sa anumang bagay!
Sapagkat tayo ay mahalaga sa Kanya,
ang Diyos ay patuloy na nakikilahok sa
ating araw-araw na pamumuhay,
alam man natin o hindi. Sa katunayan,
ayon sa isang paring Heswita, ang
Diyos natin ay isang Diyos na
“pakialamero”.
Mabuti na lamang, sapagkat ito ay
tunay na magandang balita.
Hindi ba’t ang mga taong may
pakialam sa atin ay ang mga taong
tunay na nagmamahal at
nagmamalasakit sa atin?
Sapagkat may pakialam ang Diyos sa
atin, nakatitiyak tayo na nag-aabala
Siyang ‘dinggin ang bawat
panalanging inuusal natin kahit ano
pa man ito, gaya ng simpleng
panalangin bago magsimula ang
pagsusulit.
Dahil may pakialam ang Diyos sa atin,
ipinagkaloob niya ang ating mga
pamilya, mga kaibigan, ating mga
tagahubog at lahat ng mga mahal
natin sa buhay bilang kanyang mga
instrumento upang higit nating
maramdaman ang pakikiaalam niya sa
ating buhay.
Dahil mahal tayo ng Diyos, patuloy
niya tayong pinagkakalooban ng
biyaya ng karunungan, mga
pagkakataon, pananampalataya, pag-
asa…ng buhay. Sa para saan at sa
anong kadahilanan?
Tama ang naisip mo, dahil sa pag-ibig.
Pag-ibig na tila kasing lawak at kasing
laki ng sanlibutan. Sa ngalang ito ng
pag-ibig na wagas at lubos, maging
ang sarili Niyang anak na si Hesus
ay ipinagkaloob sa atin.
Mainam sigurong pagmasdan ang
mga bituin paminsan-minsan, para
maaalala natin ang pag-ibig ng Diyos
na ito. Ngunit sa tingin ko, mas
mainam at mas mahalaga na
manahimik, magnilay, lumingon at
buksan ang ating mga mata, puso at
isipan sa mundong tadtad ng mga
tanda ng pag-iral at pag-ibig ng Diyos.
Dahil ang Diyos ay tunay na buhay,
nananahan, nakikilahok at nakikialam
sa ating buhay at sa mundong ating
ginagalawan.
Manalangin tayo:
Sa ngalan ng ama, ng anak at ng Diyos
Espiritu Santo.

Ama, maraming salamat sa iyong
biyaya ng pagkamangha sa Iyong
nilika. Nawa’y patuloy mo kaming
pagkalooban ng biyaya na makita ka
sa lahat ng bagay, lalung-lalo na ang
Iyong pakikibahagi sa aming buhay.
Luwalhati sa Ama, sa Anak
at Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at
magpakailanman at
magpasawalang-hanggan. Amen.
AMDG

Contenu connexe

Tendances

Ang kristiyanong mithiin presentation
Ang kristiyanong mithiin presentationAng kristiyanong mithiin presentation
Ang kristiyanong mithiin presentationRodel Sinamban
 
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)Derick Parfan
 
Christian life program talk 5 2018
Christian life program talk 5 2018Christian life program talk 5 2018
Christian life program talk 5 2018Rodel Sinamban
 
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoKatekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoJoemer Aragon
 
SELFLESS 04 - NAGPAPASALAMAT MASKI MAHIRAP ANG TRABAHO - PTR.VETTY GUTIERREZ ...
SELFLESS 04 - NAGPAPASALAMAT MASKI MAHIRAP ANG TRABAHO - PTR.VETTY GUTIERREZ ...SELFLESS 04 - NAGPAPASALAMAT MASKI MAHIRAP ANG TRABAHO - PTR.VETTY GUTIERREZ ...
SELFLESS 04 - NAGPAPASALAMAT MASKI MAHIRAP ANG TRABAHO - PTR.VETTY GUTIERREZ ...Faithworks Christian Church
 
The rosary introduction
The rosary   introductionThe rosary   introduction
The rosary introductionSheryl Coronel
 
The Joyful Mysteries - Tagalog
The Joyful Mysteries - TagalogThe Joyful Mysteries - Tagalog
The Joyful Mysteries - TagalogSheryl Coronel
 
Youth service NCCF Luwalhati kay Kristo
Youth service NCCF Luwalhati kay KristoYouth service NCCF Luwalhati kay Kristo
Youth service NCCF Luwalhati kay KristoCupay Dabu
 
Youth Catechesis Lesson 1
Youth Catechesis Lesson 1Youth Catechesis Lesson 1
Youth Catechesis Lesson 1Jacq Ramos
 
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.Rodel Sinamban
 

Tendances (16)

Ang kristiyanong mithiin presentation
Ang kristiyanong mithiin presentationAng kristiyanong mithiin presentation
Ang kristiyanong mithiin presentation
 
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)
 
Christian life program talk 5 2018
Christian life program talk 5 2018Christian life program talk 5 2018
Christian life program talk 5 2018
 
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoKatekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
 
Cfc clp talk 1
Cfc clp talk 1Cfc clp talk 1
Cfc clp talk 1
 
SELFLESS 04 - NAGPAPASALAMAT MASKI MAHIRAP ANG TRABAHO - PTR.VETTY GUTIERREZ ...
SELFLESS 04 - NAGPAPASALAMAT MASKI MAHIRAP ANG TRABAHO - PTR.VETTY GUTIERREZ ...SELFLESS 04 - NAGPAPASALAMAT MASKI MAHIRAP ANG TRABAHO - PTR.VETTY GUTIERREZ ...
SELFLESS 04 - NAGPAPASALAMAT MASKI MAHIRAP ANG TRABAHO - PTR.VETTY GUTIERREZ ...
 
Cfc clp talk 5
Cfc clp talk 5Cfc clp talk 5
Cfc clp talk 5
 
Cfc clp talk 12
Cfc clp talk 12Cfc clp talk 12
Cfc clp talk 12
 
The rosary introduction
The rosary   introductionThe rosary   introduction
The rosary introduction
 
The Joyful Mysteries - Tagalog
The Joyful Mysteries - TagalogThe Joyful Mysteries - Tagalog
The Joyful Mysteries - Tagalog
 
Youth service NCCF Luwalhati kay Kristo
Youth service NCCF Luwalhati kay KristoYouth service NCCF Luwalhati kay Kristo
Youth service NCCF Luwalhati kay Kristo
 
Covenanat talk 2
Covenanat talk 2Covenanat talk 2
Covenanat talk 2
 
Youth Catechesis Lesson 1
Youth Catechesis Lesson 1Youth Catechesis Lesson 1
Youth Catechesis Lesson 1
 
Tunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisiTunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisi
 
Cfc clp talk 7
Cfc clp talk 7Cfc clp talk 7
Cfc clp talk 7
 
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
 

En vedette

Ang puso ko_y_nagpupuri
Ang puso ko_y_nagpupuriAng puso ko_y_nagpupuri
Ang puso ko_y_nagpupuriMaria Ida Yu
 
07 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 16_ms. a_lvarez(1)
07 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 16_ms. a_lvarez(1)07 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 16_ms. a_lvarez(1)
07 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 16_ms. a_lvarez(1)Ateneo CampusMinistry
 
08 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 23_mr. sylva 4_k
08 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 23_mr. sylva 4_k08 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 23_mr. sylva 4_k
08 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 23_mr. sylva 4_kAteneo CampusMinistry
 
Angelus tagalog
Angelus tagalogAngelus tagalog
Angelus tagalogSirGie To
 
Learn BEM: CSS Naming Convention
Learn BEM: CSS Naming ConventionLearn BEM: CSS Naming Convention
Learn BEM: CSS Naming ConventionIn a Rocket
 
SEO: Getting Personal
SEO: Getting PersonalSEO: Getting Personal
SEO: Getting PersonalKirsty Hulse
 

En vedette (8)

Ang puso ko_y_nagpupuri
Ang puso ko_y_nagpupuriAng puso ko_y_nagpupuri
Ang puso ko_y_nagpupuri
 
07 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 16_ms. a_lvarez(1)
07 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 16_ms. a_lvarez(1)07 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 16_ms. a_lvarez(1)
07 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 16_ms. a_lvarez(1)
 
08 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 23_mr. sylva 4_k
08 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 23_mr. sylva 4_k08 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 23_mr. sylva 4_k
08 reflection ppt_st. ignatius ideals_july 23_mr. sylva 4_k
 
04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo
04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo
04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo
 
Hail mary
Hail maryHail mary
Hail mary
 
Angelus tagalog
Angelus tagalogAngelus tagalog
Angelus tagalog
 
Learn BEM: CSS Naming Convention
Learn BEM: CSS Naming ConventionLearn BEM: CSS Naming Convention
Learn BEM: CSS Naming Convention
 
SEO: Getting Personal
SEO: Getting PersonalSEO: Getting Personal
SEO: Getting Personal
 

Similaire à 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Hal aiktashafat tghaluji
Hal aiktashafat tghalujiHal aiktashafat tghaluji
Hal aiktashafat tghalujiDialogueTime
 
Natuklasan Mo na ba ang Tunay Nitong Ganda
Natuklasan Mo na ba ang Tunay Nitong Ganda Natuklasan Mo na ba ang Tunay Nitong Ganda
Natuklasan Mo na ba ang Tunay Nitong Ganda obl97
 
Love Someone Today (Tagalog vesion).pdf
Love Someone Today  (Tagalog vesion).pdfLove Someone Today  (Tagalog vesion).pdf
Love Someone Today (Tagalog vesion).pdfRudyAbalos3
 
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biegeDiscipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biegeDanny Medina
 
Rambak Paskua.pptx
Rambak Paskua.pptxRambak Paskua.pptx
Rambak Paskua.pptxBryanFarol
 

Similaire à 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo (8)

Hal aiktashafat tghaluji
Hal aiktashafat tghalujiHal aiktashafat tghaluji
Hal aiktashafat tghaluji
 
Natuklasan Mo na ba ang Tunay Nitong Ganda
Natuklasan Mo na ba ang Tunay Nitong Ganda Natuklasan Mo na ba ang Tunay Nitong Ganda
Natuklasan Mo na ba ang Tunay Nitong Ganda
 
T2 ernie rivera
T2 ernie riveraT2 ernie rivera
T2 ernie rivera
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
Love Someone Today (Tagalog vesion).pdf
Love Someone Today  (Tagalog vesion).pdfLove Someone Today  (Tagalog vesion).pdf
Love Someone Today (Tagalog vesion).pdf
 
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biegeDiscipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
 
Rambak Paskua.pptx
Rambak Paskua.pptxRambak Paskua.pptx
Rambak Paskua.pptx
 

04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

  • 1.
  • 3. Noong nakaraang mahal na araw, nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-retreat sa Baguio. Limang araw akong namalagi sa burol ng Mirador upang manahimik at manalangin. Sa huling araw ng retreat, isang pambihirang pagkakataon ang aking naranasan kasama ng ilang kaibigan: ang makapag-stargazing.
  • 4. Hindi lang simpleng pagtingala sa kalangitan ang aming ginawa, salamat sa isang hi-tech na teleskopyo na dala ng isa naming kaibigan. Naalala ko noong gabing iyon, Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo, magdamag naming pinagmasdan ang mga bituin, ang buwan at ang mga planeta. Napuno ako ng pagkamangha!
  • 5. Namangha ako sapagkat sa unang pagkakataon ay nakita ko ng mas malinaw at mas malapitan ang buwan at ilang mga bituin. Totoo nga palang may mga singsing ang Saturn, na may mga craters at kulay maningning na pilak ang buwan at ang Mars ay pula!
  • 6. Tapos na ang retreat noong gabing iyon, ngunit lahat kami ay tila nagdarasal at nagninilay pa rin. Patuloy kaming namangha sa galing at ganda na nilkha ng Maykapal.
  • 7. Ayon sa kasulatan, Si San Ignacio rin umano ay mahilig tumingin sa kalangitan tuwing gabi upang pagmasdan ang mga bituin. Marahil ito ay sa kadahilanang kapag nakatingin tayo sa mga bituin at sa kalawakan, higit nating napagninilayan ang Diyos.
  • 8. Sa ating pagtanaw sa mga bituin at sa kalawakan, nadadala tayo sa malalim na pag-iisip na tunay ngang mayroong higit pang mas malaki sa atin at tunay na mayroong higit pa sa ating mga natatanaw.
  • 9. Sa katunayan, ang mga siyentipikong patuloy na tinutuklas ang sanlibutan ay nalaman na ang sanlibutan kung saan naroon tayo ngayon ay bahagi lamang ng higit pang maraming sanlibutan na umiiral; tayo ay nasa tinatawag na multi-universe. Napakalaki, nakapanlulula, nakamamangha talaga ang nilika ng Diyos.
  • 10. Habang pinagninilayan ko ang karanasan ko noong gabing iyon noong Pasko ng Pagkabuhay, naisip ko, tila isa lamang tayong butil ng alikabok kung ikukumpara sa kalakihan ng sanlibutang likha ng Diyos.
  • 11. Sa kabila ng kaliitang ito, sa mata ng ating pananampalataya, nakakatuwang isipin na ang Diyos na maylikha ng sansinukuban ay kapiling natin sa tuwina, ‘di tulad ng mga bituin na nakatitig lamang sa atin mula sa malayo. Sa katunayan turo pa ni San Ignacio, maari natin makita ang Diyos sa anumang bagay!
  • 12. Sapagkat tayo ay mahalaga sa Kanya, ang Diyos ay patuloy na nakikilahok sa ating araw-araw na pamumuhay, alam man natin o hindi. Sa katunayan, ayon sa isang paring Heswita, ang Diyos natin ay isang Diyos na “pakialamero”.
  • 13. Mabuti na lamang, sapagkat ito ay tunay na magandang balita. Hindi ba’t ang mga taong may pakialam sa atin ay ang mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa atin?
  • 14. Sapagkat may pakialam ang Diyos sa atin, nakatitiyak tayo na nag-aabala Siyang ‘dinggin ang bawat panalanging inuusal natin kahit ano pa man ito, gaya ng simpleng panalangin bago magsimula ang pagsusulit.
  • 15. Dahil may pakialam ang Diyos sa atin, ipinagkaloob niya ang ating mga pamilya, mga kaibigan, ating mga tagahubog at lahat ng mga mahal natin sa buhay bilang kanyang mga instrumento upang higit nating maramdaman ang pakikiaalam niya sa ating buhay.
  • 16. Dahil mahal tayo ng Diyos, patuloy niya tayong pinagkakalooban ng biyaya ng karunungan, mga pagkakataon, pananampalataya, pag- asa…ng buhay. Sa para saan at sa anong kadahilanan?
  • 17. Tama ang naisip mo, dahil sa pag-ibig. Pag-ibig na tila kasing lawak at kasing laki ng sanlibutan. Sa ngalang ito ng pag-ibig na wagas at lubos, maging ang sarili Niyang anak na si Hesus ay ipinagkaloob sa atin.
  • 18. Mainam sigurong pagmasdan ang mga bituin paminsan-minsan, para maaalala natin ang pag-ibig ng Diyos na ito. Ngunit sa tingin ko, mas mainam at mas mahalaga na manahimik, magnilay, lumingon at buksan ang ating mga mata, puso at isipan sa mundong tadtad ng mga tanda ng pag-iral at pag-ibig ng Diyos.
  • 19. Dahil ang Diyos ay tunay na buhay, nananahan, nakikilahok at nakikialam sa ating buhay at sa mundong ating ginagalawan.
  • 20. Manalangin tayo: Sa ngalan ng ama, ng anak at ng Diyos Espiritu Santo. Ama, maraming salamat sa iyong biyaya ng pagkamangha sa Iyong nilika. Nawa’y patuloy mo kaming pagkalooban ng biyaya na makita ka sa lahat ng bagay, lalung-lalo na ang Iyong pakikibahagi sa aming buhay.
  • 21. Luwalhati sa Ama, sa Anak at Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.
  • 22. AMDG