3. Dapat Tandaan:
Ang dikotomiyang ito ay hindi laging
nag-aaplay sa lahat ng pagsulat. May mga
pagkakataon kasing ang pagsulat ay maaring
maging ekspresibo at transaksyonal din
tulad ng pagsulat ng talumpati para
espisipikong pangkat ng mga tagapakinig, na
kung saan ang manunulat ay may layuning
magpahayag ng kanyang ideya, emosyon o
layuning mkipag-ugnayan sa ibang audience.
4. Ayon kay Bernales, et al. (2001) ,
may tatlong layunin ang pagsulat:
Impormatibong
pagsulat o
expository
writing
Malikhaing
pagsulat
Mapanghikayat
na pagsulat o
persuasive
writing
5. Impormatibong pagsulat
o expository writing
Ang mismong pokus nito ay ang
paksang tinatalakay.
Halimbawa dito ay pagsulat ng report ng
obserbasyon, mga estadistikang makikita sa
libro at ensayklopidya, balita, at teknikal o
bisnes report na may layuning impormatibo.
6. Mapanghikayat na
pagsulat o persuasive
writing
Naglalayong makumbinsi ang mambabasa tungkol
sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.
Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa
na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito.
Halimbawa nito ay pagsulat ng proposal o
konseptong papel, editoryal, sanaysay, at
talumpati na may layuning mapanghikayat.
7. Malikhaing pagsulat
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang
pampanitikan tulad ng maikling katha,
nobela, tula, dula, at iba pang
malikhain o masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay
pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon,
ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito.
Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.
9. Bayatang tanong na mahalagang masagot
para sa paghahanda ng sulatin.
a. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
b. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
c. Saan at paano ako makakakuha ng sapat
na datos kaugnay ng aking paksa?
d. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap
Upang maging higit na makahulugan ang aking paksa?
10. g. Ilang oras ang aking gugulin sa pagsulat?
Kailan ko ito dapat ipasa?
f. Paano ko maibabahagi sa aking mababasa
ang kaalaman ko sa aking paksa?
e. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
h. Paano ko madedebelop o mapapabuti ang aking teksto?
Anu-ano ang mga dapat ko pang
gawin para sa layuning ito?
11. Ang proseo ng pagsulat ay
hindi lamang komplikado.
Nag-iiba-iba rin ito
depende sa manunulat.
Magkagayon man, mabubuod
ito sa 3 pangunahing hakbang.
12. Pre-writing
# Nagaganap ang
paghahanda sa pagsulat.
# Pagpili ng paksang isusulat.
# Pangangalap ng datos o
impormasyong kailangan sa
pagsulat.
# Pagpili ng tono at
perspektibong gagamitin.
14. Actual writing
# Isinasagawa ang aktwal na
pagsulat.
# Pagsulat ng burador o draft.
# Pagtatala para sa akdang
tuluyan o prosa.
# Pagsasaayos ng panimula,
katawan at pangwakas na talata.
# Pagsasaayos ng taludturan o
saknong sa akdang patula.
15. Rewriting
# Nagaganap ang pag-edit
at pagrebisa ng draft
batay sa wastong gramar,
bokabulari, at
pagkakasunod-sunod ng
mga ideya o lohika.
# Hindi kumpleto ang
sulatin kung hindi ito
dadaan sa editing at
rebisyon.
16. Aking mga klasmeyt inyong tatandaan
May tatlong hakbang tayo sa pagsulat
Ang una ay pre-writing kung saan nagaganap
Ang paghahanda sa pagsusulat
Ang ikalawa naman ay actual writing
Kung saan meron tayong burador
At ang huli ay rewriting
Dito na nagaganap, ang pagrebays at pag-edit
Ayon sa wastong gramar at bokabulari
At pagkakasunod-sunod ng mga ideya
Ang proseso ng pagsulat, hindi lamang komplikado
Nagiiba-iba ito depende sa sumulat
Paghandaan na ang paksa
Subukin sumulat!