SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  17
Ang Alamat
ng Alingawngaw
Noong unang panahon, ang mga tao sa
bayan ng Pinagpala ay may mga kanya-
kanyang espesyal na talento na
ipinagkaloob ng Maylikha. May magaling
sumayaw, tumugtog ng ibat’ ibang
instrumento, makipagtalastasan at iba
pa. Lahat ng mga tao ay tuwang-tuwa sa
talentong pinagkaloob sa kanila. Bilang
pasasalamat, ang mga tao ay
naghahandog ng kanilang tanim o hayop
sa Maylikha tuwing huling araw ng buwan.
Sumapit ang huling araw ng buwan at ang
mga tao ay muling nag-alay sa Maylikha.
Abala ang mga tao sa pagdiriwang na iyon.
May nagluluto ng iba’t ibang putahe,
naglalagay ng palamuti sa kani-kanilang
tahanan, sumasayaw habang may
tumutugtog ng instrumento at iba pa.
Lahat ay nagsasaya sa araw na iyon.
Sa gitna ng pagsasaya ng mga tao ay
mapapansin ang isang binatang
nagngangalang Alingawngaw. Di sya
nakikipagsaya, sa halip ay nasa isang
tabi. Gaya ng ibang tao sa lugar na
ito, si Alingawngaw din ay may
espesyal na talento; ang paggaya ng
boses ng ibang tao. Ngunit si
Alingawngaw ay di nasisisyahan sa
talentong ipinagkaloob sa kanya.
“Ang lahat ng tao ay nagsasaya ngunit ika’y nandito sa
isang tabi at napakalungkot pa. Anong problema mo
kaibigan?”, ang pagtataka ni Silay.
“Bakit sa lahat ng tao sa atin ay sa akin pa naibigay
ang pinakawalang kwentang talento?”, panggagalaiti ni
Alingawngaw.
“Yan ka na naman. Lagi mo na lang pinoproblema ang
bagay na yan. Alam mo bang ang talento mong yan ang
nag-iisa dito sa ating lugar? Ibig sabihin, talagang
napakaganda ng iyong talento. Wag ka ng malungkot.
Tayo na at makipagsaya sa kanilang lahat”,
pangungumbisi ng dalaga.
Para di na tumagal ang ang pag-uusap, pumayag na si
Alingawngaw at sumama sa kiabigan. Ngunit nanatiling
di gusto ni Alingawngaw ang talentong ipinagkaloob. Sa
isip-isip nya, sya na ang pinakamalas na tao sa kanilang
lugar at yan ay dahil sa kanyang kakayahan na
manggaya ng boses ng ibang tao.
Lumipas ang pagdiriwang at bumalik ang mga tao sa
kanya-kanyang gawain. Isang ordinaryong na ang mga
tao ay abala sa kanilang mga tahanan upang maglinis,
magluto at iba pa. Ngunit ang binatang sa Alingawngaw
ay piniling pumunta sa isang kuweba, di kalayuan sa
kanilang lugar.
“Ano naman kaya ang gagawin ko para sa araw na ito? Wala
naman akong kakayahang tumugtug ng kahit na anong
instrumento para aking libangin ang aking sarili. Wala rin
akong sapat na kakayahan upang manghuli ng mga
mababangis na hayop sa kagubatan. Ang talentong sa akin
lamang ipinagkaloob ay..tama!”
Sa gitna ng kanyang pagrereklamo ay nakaisip si
Alingawngaw ng isang ideya. Isang ideyang labis nyang
ikinatuwa at ikinasaya. Pumasok na si Alingawngaw sa isang
kuweba at naghihintay.
“Ang tagal naman. Wala bang taong paparito upang
pumasyal o di kaya’y magmunimuni man lang?”, pagrereklamo
ni Alingawngaw.
Makalipas ang ilang minuto, may napadaang dalaga
upang makipagtagpo sa kayang kasintahan malapit sa
kuweba.
“ Gaspar! Nasaan ka na?”,ang pagtatanong ng dalaga.
Narinig ni Alingawngaw ang sinabi ng dalaga at kanya
itong ginaya.
“Sino ka?” pagtataka ng dalaga.
At muli, ginaya ni Alingawngaw ang binanggit ng
dalaga. Sa labis na takot ng dalaga ay
napagpasyahan na lamang nitong umalis at hindi
na hinintay pa ang kasintahan. Nang mapansing
wala na ang dalaga ay lumabas na sa
pinagtataguan si Alingawngaw. Tuwang-tuwa sya
sa kanyang ginawa. Sa kanyang labingpitong taon
sa mundong ito ay ngayon lang sya nasiyahan sa
kanyang talento. Sumapit ang gabi at
napagpasyahan nyang bumalik na sa kanilang
tahanan.
Sa kanyang pag-uwi ay nasalubong nya ang kaibigang si
Silay. Napansin ng dalaga ang kasiyahan sa mga mata
ni Alingawngaw.
“Mukhang masaya ang araw na ito para sa’yo kaibigan.
Maaari mo bang ibahagi ito sa akin?”, pagtatanong ni
Silay.
“Labis lamang akong natutuwa sa nangyari at tama ka
Silay. Napakaganda ng aking talento. Ngayon ko
lamang nabatid kung gaano ako kaswerte sa aking
natanggap mula sa Maykapal”, ang sagot ni
Alingawngaw. Pagkatapos nito ay nagpaalam na si
Alingawngaw kay Silay.
Sumunod ang mga araw ay pumunta ulit si Alingawngaw
sa nasabing kweba at doon ay ipinagpatuloy ang
kalokohang naisip. Bawat taong nagpupunta doon ay
inuulit ni Alingawngaw ang sinasabi na naging dahilan
upang ang mga ito ay matakot. Si Alingawngaw naman
ay labis pa ring nasisiyahan sa kanyang ginawa. Di
nagtagal, ang pangyayaring ito ay kumalat na sa buong
lugar. Wala ng taong nais pang pumunta malapit sa
kweba sa paniniwalang may isang di pangkaraniwang
nilalang sa nasabing lugar na pinaglalaruan sila. At
dahil dito labis na namang naging malungkot si
Alingawngaw.
Kahit na alam na ni Alingawngaw na wala ng
pupunta malapit sa kweba ay nagtutungo pa
rin sya roon at nagbabakasakali na may
mapadaang tao. Ngunit kahit gaano katagal
syang maghintay doon ay wala ng taong
pumupunta sa nasabing lugar.Habang nasa
kuweba si Alingawngaw ay nagdasal siya na
sana ay lagi nyang magamit ang talentong
ibinigay sa kanya. Narinig ito ng diwata ng
kagubatan at agad na sinabi sa Maykapal.
Papunta na ulit si Alingawngaw ng masalubong si Silay.
“Alingawngaw! Ngayon na lang ulit kita nakita dito. Lagi ka
bang may ginagawa?”, pagtatanong nito.
“Di naman Silay”, matipid nitong sagot.
“Saan ka nga pala pupunta?”, muling tanong ni Silay.
“Gusto ko lang maging masaya Silay kaya napagpasyahan
kong pumunta sa kuweba doon sa may gubat”,sagot ni
Alingawngaw.
May sasabihin pa sana si Silay sa kaibigan ngunit nakalayo
na ito sa kanya.
Sumapit ang gabi at ang mga tao sa lugar
na iyon ay nasa kanya-kanya ng mga
tahanan. Maliban kay Aling Karisa, ang ina
ni Alingawngaw na naghahanap sa kanyang
anak. Bawat taong madadaanan ay agad na
itinanong kung napansin ang anak.
Naghahanap ng kasagutan sa ibang tao.
Umabot na ng tatlong araw ay nananatili pa
ring wala si Alingawngaw at di matagpuan. Si
Silay na ngayon pa lang dumating mula sa
kabilang lugar ay nabalitaan ang pagkawala ni
Alingawngaw. Agad na pumunta si Silay sa
tahanan ng binata at sinabi ang huling
nalalaman tungkol dito. Walang anu-ano’y agad
na pumunta si Silay at si Aling Karisa sa
kuweba.
“Alingawngaw! Alingawngaw!”, ang pagtatawag
ni Aling Karisa sa anak.
Sa halip na boses ni Alingawngaw ay boses ni
Aling Karisa ang narinig at animoy ginaya lang
ang sinabi. Naalala nilang dalawa ang talento ni
Alingawngaw- ang kakayahang manggaya ng
boses. At dahil dito napatunayang walang
kakaibang nilalang sa may kuweba. Sa halip, ito
ay walang iba kundi si Alingawngaw na
pinaglalaruan ang kanyang talento upang
maaliw. At dahil din sa kadahilanang ito ay
tinawag na alingawngaw ang madalas nating
naririnig sa kweba tuwing tayo ay nagsasalita.
Wakas
Ang alamat ng
Alingawngaw
Sa panulat ni Bernadette Salinero
BEEd 3-1D

Contenu connexe

Tendances

Isang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsisIsang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsis
PRINTDESK by Dan
 

Tendances (20)

Filipino powerpoint
Filipino powerpointFilipino powerpoint
Filipino powerpoint
 
Ang pasaway na palaka
Ang pasaway na palakaAng pasaway na palaka
Ang pasaway na palaka
 
Alamat ng Pinya ppt
Alamat ng Pinya pptAlamat ng Pinya ppt
Alamat ng Pinya ppt
 
banyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceobanyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceo
 
Tulalang
TulalangTulalang
Tulalang
 
Alamat ng Mangga.docx
Alamat ng Mangga.docxAlamat ng Mangga.docx
Alamat ng Mangga.docx
 
Konsepto ng pag unlad
Konsepto ng pag unladKonsepto ng pag unlad
Konsepto ng pag unlad
 
Paalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabataPaalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabata
 
Nganong Gidaladala Ni Bao Ang Iyang Balay
Nganong Gidaladala Ni Bao Ang Iyang BalayNganong Gidaladala Ni Bao Ang Iyang Balay
Nganong Gidaladala Ni Bao Ang Iyang Balay
 
Ang Mapahitas-on nga Mariposa
Ang Mapahitas-on nga MariposaAng Mapahitas-on nga Mariposa
Ang Mapahitas-on nga Mariposa
 
Iba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikulturaIba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikultura
 
Naging sultan si pilandok
Naging sultan si pilandokNaging sultan si pilandok
Naging sultan si pilandok
 
Pagpapahalaga sa kapwa
Pagpapahalaga sa kapwaPagpapahalaga sa kapwa
Pagpapahalaga sa kapwa
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 
Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon
 
ANG MATANDA AND ANG DAGAT (BUOD).pptx
ANG MATANDA AND ANG DAGAT (BUOD).pptxANG MATANDA AND ANG DAGAT (BUOD).pptx
ANG MATANDA AND ANG DAGAT (BUOD).pptx
 
EsP9-Q2-Week-2.pdf
EsP9-Q2-Week-2.pdfEsP9-Q2-Week-2.pdf
EsP9-Q2-Week-2.pdf
 
Ang alamat ng saging
Ang alamat ng sagingAng alamat ng saging
Ang alamat ng saging
 
Epekto ng Globalisasyon.pptx
Epekto ng Globalisasyon.pptxEpekto ng Globalisasyon.pptx
Epekto ng Globalisasyon.pptx
 
Isang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsisIsang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsis
 

En vedette

Alamat ng alitaptap
Alamat ng alitaptapAlamat ng alitaptap
Alamat ng alitaptap
Win Gaspar
 
Alamat ng paruparo
Alamat ng paruparoAlamat ng paruparo
Alamat ng paruparo
betchee
 
Alamat: bakit palaging mulat ang mga mata ng mga isda
Alamat: bakit palaging mulat ang mga mata ng mga isdaAlamat: bakit palaging mulat ang mga mata ng mga isda
Alamat: bakit palaging mulat ang mga mata ng mga isda
Vina Alboleras
 
Ang Alamat ng Araw at Gabi score
Ang Alamat ng Araw at Gabi scoreAng Alamat ng Araw at Gabi score
Ang Alamat ng Araw at Gabi score
Joshua Marquez
 

En vedette (20)

Ang alamat ng libro
Ang alamat ng libroAng alamat ng libro
Ang alamat ng libro
 
Alamat ng alitaptap
Alamat ng alitaptapAlamat ng alitaptap
Alamat ng alitaptap
 
Alamat ng singsing
Alamat ng singsingAlamat ng singsing
Alamat ng singsing
 
Alamat ng langgam
Alamat ng langgamAlamat ng langgam
Alamat ng langgam
 
Ang Alamat Ng Buko
Ang Alamat Ng BukoAng Alamat Ng Buko
Ang Alamat Ng Buko
 
Alamat ng durian
Alamat ng durianAlamat ng durian
Alamat ng durian
 
Alamat ng paruparo
Alamat ng paruparoAlamat ng paruparo
Alamat ng paruparo
 
Alamat: bakit palaging mulat ang mga mata ng mga isda
Alamat: bakit palaging mulat ang mga mata ng mga isdaAlamat: bakit palaging mulat ang mga mata ng mga isda
Alamat: bakit palaging mulat ang mga mata ng mga isda
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambata
 
Si PAGONG (PABULA)
Si PAGONG (PABULA)Si PAGONG (PABULA)
Si PAGONG (PABULA)
 
Ang mabuting samaritano
Ang mabuting samaritanoAng mabuting samaritano
Ang mabuting samaritano
 
Aralin 1 second grading
Aralin 1 second gradingAralin 1 second grading
Aralin 1 second grading
 
Alamat ng mga Daliri
Alamat ng mga DaliriAlamat ng mga Daliri
Alamat ng mga Daliri
 
Alamat kung bakit sinungaling ang lalaki
Alamat kung bakit sinungaling ang lalakiAlamat kung bakit sinungaling ang lalaki
Alamat kung bakit sinungaling ang lalaki
 
Alamat ng titik a
Alamat ng titik aAlamat ng titik a
Alamat ng titik a
 
Alamat ng ligbus
 Alamat ng ligbus Alamat ng ligbus
Alamat ng ligbus
 
Ang Alamat ng Araw at Gabi score
Ang Alamat ng Araw at Gabi scoreAng Alamat ng Araw at Gabi score
Ang Alamat ng Araw at Gabi score
 
kung bakit umuulan
kung bakit umuulankung bakit umuulan
kung bakit umuulan
 
Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin
Alamat ng Araw, Buwan at mga BituinAlamat ng Araw, Buwan at mga Bituin
Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin
 
Alamat ng langaw
Alamat ng langawAlamat ng langaw
Alamat ng langaw
 

Similaire à Ang Alamat ng Alingawngaw (16)

bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng CanaoIsang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdfSI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
SI+LUPITO+AT+ANG+BARRIO+SIRKERO+(FIL).pdf
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na Isda
 
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzPagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
 
Mga pahayag na nagbibigay ng patunay
Mga pahayag na nagbibigay ng patunayMga pahayag na nagbibigay ng patunay
Mga pahayag na nagbibigay ng patunay
 
si-pingkaw.docx
si-pingkaw.docxsi-pingkaw.docx
si-pingkaw.docx
 
Project
ProjectProject
Project
 
Alamat
AlamatAlamat
Alamat
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
 

Ang Alamat ng Alingawngaw

  • 2. Noong unang panahon, ang mga tao sa bayan ng Pinagpala ay may mga kanya- kanyang espesyal na talento na ipinagkaloob ng Maylikha. May magaling sumayaw, tumugtog ng ibat’ ibang instrumento, makipagtalastasan at iba pa. Lahat ng mga tao ay tuwang-tuwa sa talentong pinagkaloob sa kanila. Bilang pasasalamat, ang mga tao ay naghahandog ng kanilang tanim o hayop sa Maylikha tuwing huling araw ng buwan.
  • 3. Sumapit ang huling araw ng buwan at ang mga tao ay muling nag-alay sa Maylikha. Abala ang mga tao sa pagdiriwang na iyon. May nagluluto ng iba’t ibang putahe, naglalagay ng palamuti sa kani-kanilang tahanan, sumasayaw habang may tumutugtog ng instrumento at iba pa. Lahat ay nagsasaya sa araw na iyon.
  • 4. Sa gitna ng pagsasaya ng mga tao ay mapapansin ang isang binatang nagngangalang Alingawngaw. Di sya nakikipagsaya, sa halip ay nasa isang tabi. Gaya ng ibang tao sa lugar na ito, si Alingawngaw din ay may espesyal na talento; ang paggaya ng boses ng ibang tao. Ngunit si Alingawngaw ay di nasisisyahan sa talentong ipinagkaloob sa kanya.
  • 5. “Ang lahat ng tao ay nagsasaya ngunit ika’y nandito sa isang tabi at napakalungkot pa. Anong problema mo kaibigan?”, ang pagtataka ni Silay. “Bakit sa lahat ng tao sa atin ay sa akin pa naibigay ang pinakawalang kwentang talento?”, panggagalaiti ni Alingawngaw. “Yan ka na naman. Lagi mo na lang pinoproblema ang bagay na yan. Alam mo bang ang talento mong yan ang nag-iisa dito sa ating lugar? Ibig sabihin, talagang napakaganda ng iyong talento. Wag ka ng malungkot. Tayo na at makipagsaya sa kanilang lahat”, pangungumbisi ng dalaga.
  • 6. Para di na tumagal ang ang pag-uusap, pumayag na si Alingawngaw at sumama sa kiabigan. Ngunit nanatiling di gusto ni Alingawngaw ang talentong ipinagkaloob. Sa isip-isip nya, sya na ang pinakamalas na tao sa kanilang lugar at yan ay dahil sa kanyang kakayahan na manggaya ng boses ng ibang tao. Lumipas ang pagdiriwang at bumalik ang mga tao sa kanya-kanyang gawain. Isang ordinaryong na ang mga tao ay abala sa kanilang mga tahanan upang maglinis, magluto at iba pa. Ngunit ang binatang sa Alingawngaw ay piniling pumunta sa isang kuweba, di kalayuan sa kanilang lugar.
  • 7. “Ano naman kaya ang gagawin ko para sa araw na ito? Wala naman akong kakayahang tumugtug ng kahit na anong instrumento para aking libangin ang aking sarili. Wala rin akong sapat na kakayahan upang manghuli ng mga mababangis na hayop sa kagubatan. Ang talentong sa akin lamang ipinagkaloob ay..tama!” Sa gitna ng kanyang pagrereklamo ay nakaisip si Alingawngaw ng isang ideya. Isang ideyang labis nyang ikinatuwa at ikinasaya. Pumasok na si Alingawngaw sa isang kuweba at naghihintay. “Ang tagal naman. Wala bang taong paparito upang pumasyal o di kaya’y magmunimuni man lang?”, pagrereklamo ni Alingawngaw.
  • 8. Makalipas ang ilang minuto, may napadaang dalaga upang makipagtagpo sa kayang kasintahan malapit sa kuweba. “ Gaspar! Nasaan ka na?”,ang pagtatanong ng dalaga. Narinig ni Alingawngaw ang sinabi ng dalaga at kanya itong ginaya. “Sino ka?” pagtataka ng dalaga.
  • 9. At muli, ginaya ni Alingawngaw ang binanggit ng dalaga. Sa labis na takot ng dalaga ay napagpasyahan na lamang nitong umalis at hindi na hinintay pa ang kasintahan. Nang mapansing wala na ang dalaga ay lumabas na sa pinagtataguan si Alingawngaw. Tuwang-tuwa sya sa kanyang ginawa. Sa kanyang labingpitong taon sa mundong ito ay ngayon lang sya nasiyahan sa kanyang talento. Sumapit ang gabi at napagpasyahan nyang bumalik na sa kanilang tahanan.
  • 10. Sa kanyang pag-uwi ay nasalubong nya ang kaibigang si Silay. Napansin ng dalaga ang kasiyahan sa mga mata ni Alingawngaw. “Mukhang masaya ang araw na ito para sa’yo kaibigan. Maaari mo bang ibahagi ito sa akin?”, pagtatanong ni Silay. “Labis lamang akong natutuwa sa nangyari at tama ka Silay. Napakaganda ng aking talento. Ngayon ko lamang nabatid kung gaano ako kaswerte sa aking natanggap mula sa Maykapal”, ang sagot ni Alingawngaw. Pagkatapos nito ay nagpaalam na si Alingawngaw kay Silay.
  • 11. Sumunod ang mga araw ay pumunta ulit si Alingawngaw sa nasabing kweba at doon ay ipinagpatuloy ang kalokohang naisip. Bawat taong nagpupunta doon ay inuulit ni Alingawngaw ang sinasabi na naging dahilan upang ang mga ito ay matakot. Si Alingawngaw naman ay labis pa ring nasisiyahan sa kanyang ginawa. Di nagtagal, ang pangyayaring ito ay kumalat na sa buong lugar. Wala ng taong nais pang pumunta malapit sa kweba sa paniniwalang may isang di pangkaraniwang nilalang sa nasabing lugar na pinaglalaruan sila. At dahil dito labis na namang naging malungkot si Alingawngaw.
  • 12. Kahit na alam na ni Alingawngaw na wala ng pupunta malapit sa kweba ay nagtutungo pa rin sya roon at nagbabakasakali na may mapadaang tao. Ngunit kahit gaano katagal syang maghintay doon ay wala ng taong pumupunta sa nasabing lugar.Habang nasa kuweba si Alingawngaw ay nagdasal siya na sana ay lagi nyang magamit ang talentong ibinigay sa kanya. Narinig ito ng diwata ng kagubatan at agad na sinabi sa Maykapal.
  • 13. Papunta na ulit si Alingawngaw ng masalubong si Silay. “Alingawngaw! Ngayon na lang ulit kita nakita dito. Lagi ka bang may ginagawa?”, pagtatanong nito. “Di naman Silay”, matipid nitong sagot. “Saan ka nga pala pupunta?”, muling tanong ni Silay. “Gusto ko lang maging masaya Silay kaya napagpasyahan kong pumunta sa kuweba doon sa may gubat”,sagot ni Alingawngaw. May sasabihin pa sana si Silay sa kaibigan ngunit nakalayo na ito sa kanya.
  • 14. Sumapit ang gabi at ang mga tao sa lugar na iyon ay nasa kanya-kanya ng mga tahanan. Maliban kay Aling Karisa, ang ina ni Alingawngaw na naghahanap sa kanyang anak. Bawat taong madadaanan ay agad na itinanong kung napansin ang anak. Naghahanap ng kasagutan sa ibang tao.
  • 15. Umabot na ng tatlong araw ay nananatili pa ring wala si Alingawngaw at di matagpuan. Si Silay na ngayon pa lang dumating mula sa kabilang lugar ay nabalitaan ang pagkawala ni Alingawngaw. Agad na pumunta si Silay sa tahanan ng binata at sinabi ang huling nalalaman tungkol dito. Walang anu-ano’y agad na pumunta si Silay at si Aling Karisa sa kuweba. “Alingawngaw! Alingawngaw!”, ang pagtatawag ni Aling Karisa sa anak.
  • 16. Sa halip na boses ni Alingawngaw ay boses ni Aling Karisa ang narinig at animoy ginaya lang ang sinabi. Naalala nilang dalawa ang talento ni Alingawngaw- ang kakayahang manggaya ng boses. At dahil dito napatunayang walang kakaibang nilalang sa may kuweba. Sa halip, ito ay walang iba kundi si Alingawngaw na pinaglalaruan ang kanyang talento upang maaliw. At dahil din sa kadahilanang ito ay tinawag na alingawngaw ang madalas nating naririnig sa kweba tuwing tayo ay nagsasalita.
  • 17. Wakas Ang alamat ng Alingawngaw Sa panulat ni Bernadette Salinero BEEd 3-1D