1. Lozada, Judy ann M.
BTHELE II
Kaibigan
Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan? Ano ang ating
mararamdaman tuwing tayo ay may mga kaibigan? Maari bang mkasagabal sa
pag-aaral ang pagkakaroon ng kaibigan?
Lahat tayo ay may kaibigan. At lahat ng magkakaibigan ay may pagsubok na
pinagdadaanan marahil, minsan nagkakasiyahan, nagdadamayan, at minsan ding
hindi nagkakaintindihan.
Tulad sa naging sitwasyon naming magkakaibigan. Minsan ding maranasan
namin ang mga pagsubok na ito. Minsan din kaming magkasiyahan, kahit na may
mga problemang pinagdadaanan. Minsan nagdadamayan, kapag hindi na kaya ng
‘”powers ” ng bawat isa. At minsan din kaming umaabot sa punto na kung saan,
hindi magkaintindihan ang bawat isa, hindi nagpapasinan, dahil sa isang bagay na
ginawang malaking problema. Dahil sa pangyayaring ito, isa sa amin ang naiipit sa
problema, mas nasasaktan at mas nahihirapan, sapagkat pilit niyang ayusin ang
problemang dumating sa barkada,hanggat sa nagkaayos ang mga ito. Nang
magkaayos na ang lahat, doon naman nawala ang isa sa amin, tumigil na siya sa
pag-aaral sapagkat wala ng pangtustos sa pag-aaral ang kanyang mga magulang
Hindi man naming kagustuhan ang mawala siya at biglang pagtigil niya sa pag-
aaral, wala naman kaming magagawa kundi ang tanggapin nalang. Napakasakit
talaga sa aming damdamin ang mawalan ng isang ka-barkada. Pero kahit na wala
na siya sa piling namin, nakatatak parin siya sa aming mga puso’t isipan.
Kayat masasabi ko lang sa lahat na ang pagkakaibigan ay hindi
mapapantayan ng kahit na ano mang bagay. At ang pagkakaroon ng kaibigan ay
hindi hadlang sa ating pag-aaral, sapagkat sila ang nagbibigay inspirasyon natin sa
buhay.