2. Philippians 3:13
Mga kapatid, hindi ko pa inaaring
inabot: datapuwa't isang bagay ang
ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay
na nasa likuran, at tinutungo ang mga
bagay na hinaharap
3. Matthew 5:23-24
23 Kaya't kung inihahandog mo ang iyong
hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na
ang iyong kapatid ay mayroong anomang
laban sa iyo,
24 Iwan mo roon sa harap ng dambana
ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad,
makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid,
at kung magkagayon ay magbalik ka at
ihandog mo ang iyong hain.
4. Matthew 6:14-15
14 Sapagka't kung ipatawad ninyo sa
mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay
patatawarin naman kayo ng inyong Ama
sa kalangitan.
15 Datapuwa't kung hindi ninyo
ipatawad sa mga tao ang kanilang mga
kasalanan, ay hindi rin naman kayo
patatawarin ng inyong Ama ng inyong
mga kasalanan.
5. Matthew 18:21-22
21 Nang magkagayo'y lumapit si Pedro
at sinabi sa kaniya, Panginoon,
makailang magkakasala ang aking
kapatid laban sa akin na siya'y aking
patatawarin? hanggang sa makapito?
22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko
sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito;
kundi, Hanggang sa makapitongpung
pito.
6. 2 Kings 21:1-9
1 Si Manases ay may labing dalawang taon
nang magpasimulang maghari; at siya'y
nagharing limangpu't limang taon sa
Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang
ina ay Hepsi-ba.
2 At siya'y gumawa ng masama sa paningin
ng Panginoon, ayon sa mga karumaldumal
ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon
sa harap ng mga anak ni Israel.
7. 3 Sapagka't kaniyang itinayo uli ang
mga mataas na dako na iginiba ni
Ezechias na kaniyang ama; at kaniyang
ipinagtayo ng mga dambana si Baal, at
gumawa ng Asera, gaya ng ginawa ni
Achab na hari sa Israel, at sumamba sa
lahat ng natatanaw sa langit, at
naglingkod sa kanila.
8. 4 At siya'y nagtayo ng mga dambana sa
bahay ng Panginoon, na pinagsabihan
ng Panginoon, Sa Jerusalem ay ilalagay
ko ang aking pangalan.
5 At kaniyang ipinagtayo ng mga
dambana ang lahat na natatanaw sa
langit sa dalawang looban ng bahay ng
Panginoon.
9. 6 At kaniyang pinaraan ang kaniyang
anak sa apoy, at nagpamahiin, at
nagsanay ng panghuhula, at
nakipagsanggunian sa masamang
espiritu, at sa mga mahiko: siya'y
gumawa ng maraming kasamaan sa
paningin ng Panginoon, upang
mungkahiin niya siya sa galit.
10. 7 At siya'y naglagay ng larawang
inanyuan na Asera, na kaniyang ginawa,
sa bahay na pinagsabihan ng Panginoon
kay David, at kay Salomon na kaniyang
anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem,
na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel,
aking ilalagay ang aking pangalan
magpakailan man.
11. 8 At hindi ko na pagagalain pa ang mga
paa ng Israel sa labas ng lupain na aking
ibinigay sa kanilang mga magulang,
kung kanila lamang tutuparing gawin
ang ayon sa lahat na aking iniutos sa
kanila, at ayon sa buong kautusan na
iniutos sa kanila ng aking lingkod na si
Moises.
12. 9 Nguni't hindi nila dininig: at hinikayat
sila ni Manases na gumawa ng lalong
masama kay sa ginawa ng mga bansa, na
pinaglipol ng Panginoon sa harap ng
mga anak ni Israel.
13. 2 Chronicles 33:9-19
9 At iniligaw ni Manases ang Juda at
ang mga taga Jerusalem, na anopa't
sila'y nagsigawa ng higit na sama kay sa
ginawa ng mga bansang nilipol ng
Panginoon sa harap ng mga anak ni
Israel.
10 At ang Panginoon ay nagsalita kay
Manases, at sa kaniyang bayan: nguni't
niwalang bahala nila.
14. 11 Kaya't dinala ng Panginoon sa kanila
ang mga punong kawal ng hukbo ng
hari sa Asiria, na siyang nagdala kay
Manases na may mga tanikala, at
ginapos siya ng mga damal, at nagdala
sa kaniya sa Babilonia.
15. 12 At nang siya'y nasa pagkapighati
siya'y dumalangin sa Panginoon niyang
Dios, at nagpakumbabang mainam sa
harap ng Dios ng kaniyang mga
magulang.
16. 13 At siya'y dumalangin sa kaniya; at
siya'y dininig, at pinakinggan ang
kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa
Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang
magkagayo'y nakilala ni Manases na ang
Panginoon ay siyang Dios.
17. 14 Pagkatapos nga nito ay nagtayo siya
ng isang kutang panglabas sa bayan ni
David, sa dakong kalunuran ng Gihon,
sa libis, hanggang sa pasukan sa
pintuang-bayan ng mga isda; at
kaniyang kinulong ang Ophel, at itinaas
ng malaking kataasan: at kaniyang
nilagyan ng mga matapang na pinunong
kawal ang lahat ng bayan na
nakukutaan sa Juda.
18. 15 At kaniyang inalis ang mga dios ng
iba, at ang diosdiosan sa bahay ng
Panginoon, at ang lahat na dambana na
kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng
Panginoon, at sa Jerusalem, at inihagis
ang mga yaon mula sa bayan.
19. 16 At kaniyang itinayo ang dambana ng
Panginoon, at naghandog doon ng mga
hain na mga handog tungkol sa
kapayapaan, at tungkol sa mga pasalamat,
at inutusan ang Juda na maglingkod sa
Panginoon, sa Dios ng Israel.
17 Gayon ma'y naghain ang bayan na
nagpatuloy sa mga mataas na dako, nguni't
sa Panginoon lamang na kanilang Dios.
20. 18 Ang iba nga sa mga gawa ni
Manases, at ang kaniyang dalangin sa
kaniyang Dios, at ang mga salita ng mga
tagakita na nagsalita sa kaniya sa
pangalan ng Panginoon, ng Dios ng
Israel, narito, nangakasulat sa mga
gawa ng mga hari sa Israel.
21. 19 Gayon din ang kaniyang panalangin,
at kung paanong dininig siya, at ang buo
niyang kasalanan at pagsalangsang niya,
at ang mga dakong kaniyang
pinagtayuan ng mga mataas na dako, at
pinagtindigan ng mga Asera at ng mga
larawang inanyuan, bago siya
nagpakumbaba: narito, nangakasulat sa
kasaysayan ni Hozai.