2. 1Corinthians 6:15
“Hindi baga ninyo nalalaman na
ang inyong mga katawan ay mga
sangkap ni Cristo? kukunin ko nga
baga ang mga sangkap ni Cristo,
at gagawin kong mga sangkap ng
isang patutot? Huwag nawang
mangyari.”
3. 1Corinthians 6:18-20
18 Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng
kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa
labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng
pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang
sariling katawan.
19 O hindi baga ninyo nalalaman na ang
inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na
nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi
kayo sa inyong sarili;
20 Sapagka't kayo'y binili sa halaga:
luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang
Dios.
4. Isaiah 52:11
“Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon,
kayo'y magsialis doon, huwag kayong
magsisihipo ng maruming bagay;
kayo'y magsilabas sa gitna niya;
kayo'y mangagpakalinis, kayong
nangagdadala ng mga sisidlan ng
Panginoon.”
5. Proverbs 23:19-21
19 Anak, maging matalino ka at pagisipan mong mabuti ang iyong
buhay.
20 Huwag kang makikisama sa mga
lasenggo at sa masiba sa pagkain.
21 Pagkat sila'y masasadlak sa
kahirapan, at darating ang panahong
magdadamit ng basahan.
6. Proverbs 24:33-34
33 Kaunting tulog, bahagyang idlip,
sandaling pahinga at paghalukipkip,
34 samantalang namamahinga ka
ang kahirapa'y darating na parang
armadong magnanakaw upang kunin
ang lahat ng iyong kailangan.
7. Galatians 5:16-17,19-21
16 Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo
ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin
ang mga pita ng laman.
17 Sapagka't ang laman ay nagnanasa
ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay
laban sa laman; sapagka't ang mga ito
ay nagkakalaban; upang huwag ninyong
gawin ang bagay na inyong ibigin.
8. 19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa
makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan,
kalibugan,
20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga
pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho,
mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga
pagkakabahabahagi, mga hidwang
pananampalataya,
21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga
kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa
mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang
ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala
nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng
gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana
ng kaharian ng Dios.