2. Ano ang mitolohiya?
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng
mga tradisyonal na kuwento o mito, mga kwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
tinatalakay ng mga kwentong mito ang mga diyos at nagbibigay
ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa
na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May
kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-bayan .
Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga
Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego.
3. Binubuo ang mitolohiyang Griyego ng isang
malaking bahagi ng mga koleksyon ng mga
salaysay na ipinapaliwanag ang pinagmulan
ng mundo at dinidetalye ang mga buhay at
pakikipagsapalaran ng mga iba't ibang
mga diyos, diyosa, at bayani.
Sa una, ipinamamahagi ang mga salaysay na
ito sa isang tradisyong tulang-pabigkas; ang
ating mga nanatiling pinagkukunan ng
mga Griyegong mitolohiya ay mga gawang
pang-panitikan ng tradisyon pagbigkas.
4. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa
mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo
na iyong mga pintor ng mga plurera.
Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga
mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining
upang magbigay liwanag sa mga kultong
pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na
napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang
mabuti.
5. ZEUS
Diyos ng Kalangitan /
Diyos ng Kulog
Si Zeus ay ang
pinuno ng mga diyos
sa mitolohiyang Griyego.
Siya ang nangingibabaw,
pinakamakapangyarihan,
pinakamataas, o
supremong diyos ng
sinaunang mga
Griyego. Ginagamit
niyang sandata
ang kidlat na may
kasamang malakas
na kulog, kaya't kilala rin
siya bilang "Zeus ang
Tagapagkulog" (Zeus the
Thunderer).
6. HERA
Diyosa ng langit,
mga babae, kasal,
at panganganak
Si Hera ay ang kapatid na
babae at asawa ni Zeus. Siya
ang Reyna ng mga diyos, at
tinaguriang diyosa ng kasal
o pakikipag-isang-
dibdib. Madalas na ikagalit
at ipagselos ni Hera ang
palagiang pagkakaroon ng
pakikipag-ugnayan ni Zeus
sa ibang kababaihang mga
diyosa at tao, na
nagkakaroon ng mga
supling dahil kay Zeus.
7. APOLLO
Diyos ng araw; diyos ng
liwanag, musika, medisina at
propesiya
Si Apollo ay kapatid
at kakambal na lalaki
ni Artemis.Binabansagan
din siyang Phoebus na
nangangahulugang
maliwanag, nakasisilaw,
o nagliliyab dahil sa
kanyang angking
kabataan at kaakit-akit
na mukha, kaya't
ikinakabit siya sa araw o
bilang diyos ng araw na
si Helios sa Griyego
o Sol sa Romano.
8. POSEIDON
Diyos ng dagat,
lindol, at kabayo
Si Poseidon ang diyos
ng karagatan, kaya't
mayroon siyang
kapangyarihan sa
pagtaban ng
mga alon, bagyo, at
maging ng mga lindol.
Katangian niya ang may
hawak ng isang
sandatang piruya o triden
te, na kahawig ng isang
malaking tinidor o sibat
na may tatlong tulis at
mahabang hawakan.
9. HERMES
Diyos ng komersyo,
magnanakaw, biyahero, at
laro; sugo ng mga diyos
Ang diyos na mensahero ng
mga diyos at mga diyosa.
Siya ang gabay ng mga
manlalakbay, kabilang ang
mga nagbibiyahe patungo
sa Mundong Ilalim. Anak
siya ni Zeus at ng
isang diwata.
10. HEPHAESTUS
Diyos ng apoy,
teknolohiya, at bulkan;
panday ng mga diyos
Hindi katulad ng
ibang mga
diyos, ipinanganak siyang
mahina at may
kapangitan. Asawa niya
si Aprodita na diyos ng
kagandahan, ngunit hindi
matapat kay Hephaistos si
Aprodita. diyos ng
apoy, teknolohiya, at
bulkan;panday ng mga
diyos
11. ARES
Diyos ng Digmaan
Anak ni Zeus at Hera.
Bilang diyos ng
digmaan, agad-agad
siyang napupukaw
papunta sa pook ng
nagaganap na mga
pagkikipagdigma.
Kabilang sa katangian
niya ang pagiging kaaya-
aya at malakas na
lalaki, subalit lagi siyang
handang pumaslang.
Kinatatakutan ng lahat
ng mga Griyego ang galit
ni Ares.
12. ATHENA
Diyosa ng
karunungan, digmaan, sining
, industriya, hustisya at ng
kaalaman.
Siya ang paboritong anak
ni Zeus, anak ni Metis:
ang unang asawa ni
Zeus. Nagmula siya
sa ulo ng kanyang
amang si Zeus. Noong
ipinanganak, balot na
ang kanyang buong
katawan ng mga baluting
pandigma.
13. ARTEMIS
Diyosa ng buwan at pangangaso
Si Artemis ay kakambal na
babae ni Apollo. Mayroon
siyang hawak na
balingkinitang pana na
binabalahan ng ginintuang
mga palaso. Dahil nga
diyosa siya ng paninila,
mabilis ngunit may
kayumian siya sa pagkilos.
Mahal niya ang mga
kagubatan. Paborito niya
ang usa.
14. DEMETER
Diyosa ng agrikultura at pertilidad
Siya ang diyosa ng mga
butil o buto ng halaman o
pananim, kaya't siya rin ang
diyosa ng agrikultura. Batay
sa mitolohiya ng mga
Griyego, siya ang nagturo sa
mga tao kung paano
magtanim at
magsaka. Sinasamba siya ng
lahat ng mga uri ng taong
nagtatanim at umaani.
15. HESTIA
Diyosa ng apuyan at tahanan
Si Hestia ang diyosa
ng dapugan o apuyan at
ng tahanan. Siya ang
namamahala sa maamong
buhay. Siya ang
nakakatandang kapatid na
bebe ni Zeus at ang
pinakamantandang anak
nina Rhea at Cronus.
16. DIONISIO
Diyos ng alak at
diyos ng mga baging.
Si Dionisio ang huling
diyos na pumasok at
nanirahan sa Bundok ng
Olimpo. Bilang diyos ng
alak, nagagawa niyang
maging masiyahin ang
tao sa pamamagitan ng
pag-aalok at
pagpapainom ng alak.
Ngunit nagagawa niya
ring mabangis ang tao
dahil sa pagkalasing.
17. APHRODITE
Diyosa ng kagandahan
at pag-ibig.
Kapag nakadama ng pag-
ibig ang mga lalaki at babae
ng mundo, sinasamba nila sa
Aproditi. Mayroon siyang
matamis na ngiti at mahiligin
sa paghalakhak. Mayroon
siyang isang hindi
magandang katangian
nagiging pagtuya at kanyang
halakhak, at mayroon din
siyang kakayahan at
kapangyarihang lumipol o
manira.
18. ACHILLES
Isang Griyegong bayani
ng Digmaang Trohano, at
pangunahing tauhang
mandirigma sa Iliada ni
Homero. Isa sa mga
katangian ni Achilles ang
pagiging
pinakakakabigha-
bighaning sa mga
lalaking bayaning tinipon
laban s Troya, at siya ring
pinakamagiting at
pinakamagaling