Ang presentasyong ito ay nagpapakilala sa kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Paano nga ba ito nabuo, ano ang inspirasyon, kailan nasimulan at bakit isinulat?
2. Taong 1886. Ito’y isang taong hindi malilimutan ni Rizal
dahil:
1. Nakaranas si Rizal ng matinding gutom at paghihirap
sa salapi.
2. Sa taong ito naisulat ni Rizal ang obra maestrang Noli
Me Tangere.
3. Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa
tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon:
1. The Wandering Jew ni Eugene Sue
2. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
3. Biblia
4. Ang The Wandering Jew ay tungkol sa
isang lalaking kumutya kay Hesus habang
siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking
ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa
buong mundo nang walang tigil.
5. Tungkol ito sa pagmamalupit ng mga
puting Amerikano sa mga Negro.
Tumindi ang pagnanais ni Rizal na
makabuo ng aklat na tumatalakay sa
pagmamalupit ng Kastila sa mga
Pilipino.
6. Ipinanukala niya ang ideya ng pagsulat ng Noli sa mga
kaibigan niyang propagandista noong Enero 2, 1884. Lahat
ay sumang-ayon kaya’y hinati-hati na agad ang mga
kabanata upang isulat ng kaniyang mga kasama.
7. Sa kasamaang-palad, ang panukala ay nabigo. Walang
naisulat ang mga kasama ni Rizal dahil nawili ang lahat sa
sugal at tungkol sa pambababae ang nais nilang isulat.
Walang nagawa si Rizal kundi isulat ito nang mag-isa.
8. Ano nga ba ang ibig sabihin ng “Noli Me Tangere”?
Ito ay nagmula sa banal na katagang “Huwag mo akong
saligin” o sa Ingles ay “Touch me not” na nanggaling sa
Biblia.
9. Dahil sa maselan ang isyung tinatalakay dito, walang
Pilipinong naglakas ng loob na sumalang. Naging matapang
si Jose Rizal sapagkat inilantad niya ang mga kabulukan ng
pamahalaan at simbahan.
10. Ang Noli ay sinimulang isulat ni Rizal sa Madrid, Espanya
noong siya’y 24 na taong gulang. Itinuloy niya ito sa Paris,
Pransya at tinapos sa Wilhemsfield, Alemanya noong
Pebrero 21, 1887.
Dahil nga naghihirap, tiniis ni Rizal ang lahat para lamang
mailimbag ang nobela.
12. Nang dahil sa pagkagipit at pagtitipid ni Rizal, inalis niya
ang isang kabanata sa Noli. Inalis niya ang “Elias at Salome”.
Makikilala niyo pa si Elias sa ating pagtalakay.
13. Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan
ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na
nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga
Kastila sa Pilipinas.
14. Nawa ay mabuksan din ang inyong isipan sa kung
paano tayo nabuhay noon at ang naging epekto nito sa
kasalukuyan.