SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  32
1986 EDSA People Power
Revolution at ang Hamon ng
Pagbabago
• Mga Kakayahan:
• Naisasalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaring naging dahilan upang maibalik ang
demokrasya noong 1986
• Naipahahayag ang paggalang sa opinyon at paniniwala ng
kapwa mag-aaral tungkol sa mga pangyayari na may
kaugnayan sa 1986 EDSAPeople Power Revolution
• Natatalakay ang mga salik na nakatulong sa pagtatagumpay
ng 1986 EDSA People Power Revolution
• Napahahalagahan ang mga kontribusyong ng 1986 EDSA
People Power Revolution sa pamamagitan ng pagsulat ng
repleksiyon
• Nasusuri ang epekto ng sama-samang pagkilos ng
mamamayan para sa kalayaan, demokrasya at karapatang
pantao
• Naiuugnay ang mga kasalukuyang pangyayari sa mga
hangarin noong 1986 EDSA People Power Revolution
• Nasusuri ang mga suliraning hindi pa nalulutas sa
kasalukuyan
Mga Pangyayari na Nagbigay Daan
sa People Power Revolution
1.DEKLARASYON NG BATAS
MILITAR
Sa bisa ng Proklamasyon 1081 ay isinailalim ni Pangulong
Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21,
1972. Nagkaroon ng mga programang pang-agrikultura at
pangkalikasan at pangkultura, naging tampok na proyekto din
ang iba’t ibang imprastraktura tulad ng mga tulay, kalsada at
mga paaralan.
Subalit sa kabila ng mga nabanggit na
programa ay nagkaroon ng malawakang paglabag sa
karapatang pantao, pagpapahirap (torture) sa mga bilanggo,
paghuli at pagkulong sa mga kalaban ni Marcos sa politika
(political detainees), pagbabawal sa pagsasagawa ng rally at
paglilimita sa kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag.
• 2. PAGBAGSAK NG EKONOMIYA
• Nagpatupad ng iba’t ibang patakarang pang-ekonomiya si
Pangulong Marcos sa mga unang taon ng Batas Militar.
Subalit makalipas ang ilang taon ay napasakamay ni Marcos
at ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan ang mga
mahahalagang negosyo sa Pilipinas. Umiral ang tinatawag
na cronyism. Dahil dito, nakontrol ng iilan ang ekonomiya ng
bansa. Nagsimulang lumaki ang pagitan ng mga
mayayaman at mahihirap. Unti-unti ay bumagsak ang
matatag na ekonomiya ng bansa.
• Nakadagdag pa sa suliraning pang-ekonomiya
ng Pilipinas ang pag-utang ng pamahalaang Marcos sa
World Bank na umabot sa mahigit sa 17. 2 bilyong dolyar
noong 1980. Lalong nawala ang tiwala ng taong bayan sa
pamahalaan dahil hindi nito natutugunan ang suliranin sa
kahirapan at kawalan ng disenteng pamumuhay
3. KAWALANG TIWALA SA
SANDATAHANG LAKAS
Itinatag ng mga junior military officers ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces
of the Philippines(AFP) ang Reform the Armed
Forces Movement o RAM. Layunin nito na ayusin
ang sistema ng pamamahala at pagkakaloob ng
mga posisyon sa hanay ng mga militar.
Pangunahing tinutulan ng RAM ang padrino
system (pagkakaloob ng posisyon at pagbibigy ng
pabor dahil sa mga kaibigan at kakilala na may
mataas na posisyon) sa AFP. Layunin din nito na
matigil ang korapsiyon, mga ilegal at kriminal na
gawain na kinasasangkutan ng mga opisyales ng
Sandatahang Lakas.
• 4. ASASINASYON KAY
• SEN. NINOY AQUINO
• Matapos ang tatlong taong pananatili sa Amerika, bumalik si
Senador Ninoy Aquino sa Pilipinas. Naganap ang
asasinasyon kay Sen. Aquino noong Agosto 23, 1983 sa
tarmac ng Manila International Airport habang siya ay
patungo sa pribadong sasakyan na inilaan sana para sa
kaniyang kaligtasan. Bukod sa kaniya ay pinaslang din si
Rolando Gaman na sinasabing pumatay kay Sen. Ninoy
Aquino.
• Ang asasinasyon kay Sen. Ninoy Aquino ay lalo
pang nagpalalim sa nararamdamang galit ng taong bayan sa
pamahalaan dahil pinaghinalaan nila na ang rehimeng
Marcos ang nasa likod ng nasabing krimen.
5. 1986 SNAP ELECTIONS
• Napilitan si Pangulong Marcos na magpatawag ng snap
election noong Pebrero 7, 1986 upang patunayan na siya pa
din ang nais ng taong bayan na mamuno. Pinili ng mga
nagkakaisang Pilipino si Corazon Aquino upang tumakbo
bilang pangulo laban kay Ferdinand Marcos.
• Nagkaroon ng malawakang dayaan sa
eleksiyon. Patunay dito ang pag-alis (walkout) ng mga
computer technicians dahil pinipilit sila na baguhin ang bilang
ng boto pabor para kay Marcos. Matapos ang pagbibilang,
dalawa ang naging pangulo ng Pilipinas. Idineklara ng
Batasang Pambansa na si Marcos ang nanalo. Samantala
ayon naman sa National Movement for Free Elections
(NAMFREL), si Cory ang nagwagi. Sa halip na matakot,
sinabi ni Corazon Aquino na magiikot siya sa iba-t ibang
bahagi ng bansa upang ipanawagan na i-boycott ang mga
produkto ng mga kompanya na kilalang crony o kaalyado ni
Pangulong Marcos
Snap Election
• Noong ika-7 ng Pebreo 1986, idinaos ang
snap presidential election. Muling tumakbo
bilang pangulo si Marcos kasama si Arturo
Tolentino bilang vice-president. Naging
kalaban nila si Corazon Aquino at Salvador
Laurel ng partidong LABAN (Lakas ng
Bayan).
Civil Disobedience
• Sa opisyal na bilang ng
COMELEC, lumabas na
nanalo sina Marcos at
Tolentino sa halalan.
Ngunit hindi ito
tinanggap ng mga taga-
suporta nina Aquino at
Laurel. Nanawagan si
Corazon Aquino sa mga
Pilipino ng civil
disobedience o
payapang pagprotesta
laban sa pamahalaang
Marcos.
EDSA People Power
Revolution
• Naging mitsa ng EDSA
Revolution ang pagtiwalag
nina Defense Minister Juan
Ponce Enrile at Gen. Fidel V.
Ramos sa administrasyong
Marcos noong Peb. 22,
1986. Sa panawagan ni
Cardinal Sin, dumagsa ang
mga tao sa EDSA upang
maiwasan ang paglusob ng
mga puwersang militar ng
pamahalaan. Nanawagan
sila ng pagbibitiw sa pwesto
ni Pang. Marcos.
• Patuloy na dumagsa
ang mga tao sa EDSA.
Kasabay nito,
maraming mga tauhan
ng pulis at militar ang
tumiwalag ng suporta
sa pamahalaang
Marcos. Dahil dito,
tuluyan ng nagbitiw sa
pwesto si Pang. Marcos
at umalis ng bansa
patungong Hawaii.
EDSA People Power
Revolution
Pagbabalik ng Demokrasya
• Matapos ang paglisan ni Marcos, nanumpa
bilang ikapitong pangulo ng bansa si
Corazon C. Aquino noong Peb. 25, 1986.
Ito ang naging wakas ng Bagong Lipunan
at muling pagbabalik ng demokrasya sa
bansa.
• AWIT-GUHIT
• HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO
• By: Apo Hiking Society
• (
http://videokeman.com/apo-hiking-society/handog-ng-pilipino-s
Retrieved on November 17, 2012)
•
• ‘Di na ‘ko papayag mawala ka muli.
‘Di na ‘ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
‘Di na papayagang mabawi muli.
• Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kelan man ‘di na paalipin.
• Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat.
• Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.
• Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao’y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito’y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)
• Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat!
•
SIMSIMBOLO
BOLO
SIMBOLO
SIMBOLO
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ito ang simbolo na iyong iginuhit?
2. Anong pangyayari Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ito ang simbolo na iyong iginuhit?
2. Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang
tinutukoy sa awitin? Ipaliwanag.
3. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang
karapatan at kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Marcos?
sa kasaysayan ng Pilipinas ang tinutukoy sa awitin?
Ipaliwanag.
3. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang
karapatan at kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Marcos?
Gawain 1: Photo-Suri
Suriin ang mga larawan na may kaugnayan sa 1986
EDSA People Power Revolution. Punan ng tamang sagot ang
chart.
LARAWAN DESKRIPSIYON SEKTOR
(Mamili sa mga
sumusunod:
Simbahan,
Pamahalaan,
Sundalo,
Pangkaraniwang
Mamamayan)
PAANO
IPINAKITA ANG
PAKIKIPAGLABA
N PARA SA
KALAYAAN
KAHALAGAHAN
O
KONTRIBUSYON
PARA SA
PAGKAMIT NG
KALAYAAN
LARAWAN A
LARAWAN B
LARAWAN C
LARAWAN D
LARAWAN A
Kabilang ang
mga pari at
madre na
nakiisa sa mga
Pilipino noong
1986 EDSA
People Power
Revolution.
LARAWAN B
Kahit mga
pangkaraniwang
mamamayan at
mga kabataan ay
nagtungo din sa
EDSA upang
makiisa sa
panawagan ng
taong bayan.
LARAWAN C LARAWAN D
Sina Don Chino Roces (itaas), Gng.
Corazon Aquino (kanan, itaas) at
dating Defense Minister Juan Ponce
Enrile at Gen. Fidel Ramos, mga
kilalang personalidad na nakilahok
sa 1986 EDSA People Power
Revolution.
Ipinakikita sa larawan
ang paghahandog ng
pagkain at bulaklak
sa mga sundalo na
inutusang paalisin ng
puwersahan ang mga
tao sa EDSA.
Pamprosesong Tanong
1. Masasabi mo ba na ang 1986 EDSA
People Power Revolution ay pagkilos
para makamit ang kalayaan? Bakit?
2. Nakamit ba ang pagkakaisa ng iba’t
ibang sektor ng lipunan dahil sa nasabing
pangyayari? Patunayan.
3. Sa iyong palagay, ano ang naging
dahilan sa likod ng tagumpay ng 1986
EDSA People Power Revolution?
Ipaliwanag.
Gawain 2 Guhit-Kasaysayan
Gumuhit ng comic strip na may walo hanggang sampung
story frames tungkol sa mga kaganapan noong 1986 EDSA People
Power Revolution.
Gawain 3 TULONG-ISIPAN
Humanap ng iyong kamag-aaral na magiging katuwang
sa pagsagot sa mga tanong. Magsasalitan kayo sa pagtanong at
pagsagot. Isulat ito sa graphic organizer na makikita sa ibaba.
Ibahagi sa klase ang inyong mga sagot.
Bakit mahalaga ang
naganap na 1986 EDSA
People Power
Revolution?
SAGOT (IKAW) SAGOT (KAMAG-
AARAL)
Kung ikaw ay nabubuhay
noong naganap ang 1986
EDSA People Power
revolution, makikilahok ka din
ba dito? Bakit?
Bilang Pilipino, bakit
dapat mong ipagmalaki
ang 1986 EDSA People
Power Revolution?
Gawain 4 Mga Pagbabago PAMAHALAAN
Ipaliwanag ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas
dulot ng 1986 EDSA People Power Revolution. Isulat ito sa loob ng
kahon.
PAMAHALAAN
UGNAYAN NG
MGA
MAMAMAYAN
KALAYAAN SA
PAMAMAHAYA
G
DIWA NG
DEMOKRASYA
Gawain 5 Mind Map
Ang sumusunod ay mga konsepto at salita na may kaugnayan sa
paksang tinalakay. Ayusin ang mga ito upang makabuo ng
flowchart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga konsepto sa
pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Sumulat ng tatlo
hanggang limang pangungusap na paliwanag ukol sa nabuong
flowchart
DEMOKRASYA 1986 EDSA
PEOPLE
POWER
REVOLUTION
MAMAMA
YAN
KALAYAAN
SAMA-SAMANG
PAGKILOS
KARAPATANG
PANTAO
Inaugural Address of CORAZON C. AQUINO
Club Filipino, San Juan, Metro Manila
February 25, 1986
My brothers and sisters:
I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to
offer all that I can do to serve you.
It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were
taken away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost
rights and liberties in the full light of the day.
Ninoy believed that only the united strength of a people can overturn a
tyranny so evil and so well organized. It took the brutal murder of Ninoy to bring
about the unity, the strength, and the phenomenon of People Power. That power has
shattered the dictatorship, protected the honorable military who have chosen
freedom, and today has established a government dedicated to the protection and
meaningful fulfillment of the people’s rights and liberties.
We were exiles in our land – we, Filipinos, who are at home only in freedom
– when Marcos destroyed the Republic fourteen years ago. Through courage and
unity, through the power of the people, we are home again.
And now, I would like to appeal to everyone to work for national
reconciliation, which is what Ninoy came back home for. I would like to repeat that I
am very magnanimous in victory. So I call on all those countrymen of ours who are not
yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our
beautiful country.
As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for
you to continue praying. Let us pray for God’s help especially during these days.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Kailan naganap ang panunumpa ni Pangulong
Corazon Aquino? __________________________
2. Saan ito isinagawa?____________________________
3. Sino ang kaniyang pinatutungkulan o kinakausap sa
kaniyang talumpati? _________________
4. Ayon kay Pangulong Aquino, sino o ano ang nagluklok
sa kaniya sa pagiging pangulo ng bansa? ____________
_______________________________________
5. Ipaliwanag ang kahulugan ng huling bahagi ng
kaniyang talumpati “… I call on all those countrymen of
ours who are not yet with us to join us at the earliest
possible time so that together we can rebuild our beautiful
country.”
_________________________________________________
____________________
Gawain : Ayon sa Pangulo
Suriin ang talumpati ni Pangulong Corazon Aquino.
Punan ng tamang sagot ang graphic organizer. Ilahad ang iyong
sagot sa klase.
Mga
pangunahing
hamon o
suliranin ng
Pilipinas ayon sa
Talumpati ni
Pangulong
Corazon Aquino
Sagutin:
1. Sino ang pangunahing dahilan ng tagumpay
ng 1986 EDSA People Power Revolution
ayon sa talumpati ni Pangulong Corazon
Aquino?
2. Sa mga nabanggit na suliranin o hamon, alin
para sa iyo ang pinakamahirap na
masolusyunan? Bakit?
3. Paano napanumbalik ang diwa ng
demokrasya ayon kay Pangulong Corazon
Aquino?
4. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng
pagkakahalal kay Pangulong Corazon
Aquino bilang kapalit ni Pangulong
Ferdinand Marcos?
Gawain Suri-Teksto.
Makibahagi sa inyong pangkat. Makikita ang mga bahagi ng
talumpati ni Pangulong Corazon Aquino. Sumulat ng lima
hanggang sampung pangungusap na paliwanag ukol sa iyong
pagkakaunawa sa mga ito. Ilahad ang sagot ng inyong pangkat sa
klase.
1. I am grateful for the authority you have given me today.
And I promise to offer all that I can do to serve you.
2. It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people
were taken away at midnight twenty years ago, the people should
firmly recover those lost rights and liberties in the full light of the
day.
3. . . . only the united strength of a people can overturn a tyranny so
evil and so well organized . . . . That power has shattered the
dictatorship, . . . and today has established a government dedicated
to the protection and meaningful fulfillment of the people’s rights
and liberties.
4. And now, I would like to appeal to everyone to work for
national reconciliation . . . So I call on all those countrymen
of ours who are not yet with us to join us at the earliest
possible time so that together we can rebuild our beautiful
country.
5. As I always did during the campaign I would like to end
with an appeal for you to continue praying. Let us pray for
God’s help especially during these days.
Sagutin:
1. Bakit nagpapasalamat si Pangulong Corazon
Aquino sa taong bayan?
2. Anong panahon ang tinutukoy ni Pangulong
Aquino na hatinggabi (midnight)? na umaga
(day)? Paano ito nagkakaiba?
3. Paano nabigyang wakas ang pamahalaang
diktaturyal na itinatag ni Pangulong
Marcos?
4. Bakit hinihikayat ni Pangulong Corazon
Aquino ang lahat na magkasundo at
magkaunawaan?
5. Bakit ipinaaalala ni Pangulong Corazon
Aquino sa sambayanang Pilipino na
palagiang magdasal?
Gawain : Exit Card
Punan ng sagot ang exit card batay sa iyong mga
natutunan at naunawaan ukol sa mga nakaraang paksa.
Pangalan: __________________ Grado at Pangkat:
______
PAKSA/ARALIN: __________________________________
Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap
na naglalaman ng iyong mga natutunan tungkol sa paksa.
Isulat din ang mga bahagi ng paksa na hindi mo
gaanong naunawaan o nais mo pa ng karagdagang
paliwanag.
Maglagay ng isa hanggang tatlong katanungan na
nais mabigyang kasagutan ukol sa tinalakay na paksa.
Q4 m5 people's power

Contenu connexe

Tendances

Batas militar
Batas militarBatas militar
Batas militarvardeleon
 
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iiiQ4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iiiRivera Arnel
 
Rebolusyong edsa ng 1986
Rebolusyong edsa ng 1986Rebolusyong edsa ng 1986
Rebolusyong edsa ng 1986Brian Mary
 
Q4 lesson 25 diosdado macapagal
Q4 lesson 25 diosdado macapagalQ4 lesson 25 diosdado macapagal
Q4 lesson 25 diosdado macapagalRivera Arnel
 
Panunungkulan ni Magsaysay
Panunungkulan ni MagsaysayPanunungkulan ni Magsaysay
Panunungkulan ni Magsaysayjetsetter22
 
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng PilipinasAng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng PilipinasRitchenMadura
 
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosAng pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosVal Reyes
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasJuan Miguel Palero
 
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikanoMga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikanodoris Ravara
 
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikanoQ2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikanoRivera Arnel
 
Ang people power revolution
Ang people power revolutionAng people power revolution
Ang people power revolutionBhoxz JoYrel
 
EDSA I Revolution
EDSA I RevolutionEDSA I Revolution
EDSA I RevolutionST
 
Panunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel RoxasPanunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel Roxasjetsetter22
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasmeihan uy
 

Tendances (20)

Batas militar
Batas militarBatas militar
Batas militar
 
Corazon aquino (2)
Corazon aquino (2)Corazon aquino (2)
Corazon aquino (2)
 
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iiiQ4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
Q4 lesson 32 benigno simeon c. aquino iii
 
Rebolusyong edsa ng 1986
Rebolusyong edsa ng 1986Rebolusyong edsa ng 1986
Rebolusyong edsa ng 1986
 
Q4 lesson 25 diosdado macapagal
Q4 lesson 25 diosdado macapagalQ4 lesson 25 diosdado macapagal
Q4 lesson 25 diosdado macapagal
 
Panunungkulan ni Magsaysay
Panunungkulan ni MagsaysayPanunungkulan ni Magsaysay
Panunungkulan ni Magsaysay
 
Joseph Estrada
Joseph EstradaJoseph Estrada
Joseph Estrada
 
Modyul 15 batas militar
Modyul 15 batas militarModyul 15 batas militar
Modyul 15 batas militar
 
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng PilipinasAng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
 
Edsa revolution 1
Edsa revolution 1Edsa revolution 1
Edsa revolution 1
 
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosAng pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
 
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikanoMga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
 
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikanoQ2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
 
Pagtugon sa hamon sa kasarinlan
Pagtugon sa hamon sa kasarinlanPagtugon sa hamon sa kasarinlan
Pagtugon sa hamon sa kasarinlan
 
Ang people power revolution
Ang people power revolutionAng people power revolution
Ang people power revolution
 
Soberanya
SoberanyaSoberanya
Soberanya
 
EDSA I Revolution
EDSA I RevolutionEDSA I Revolution
EDSA I Revolution
 
Panunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel RoxasPanunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel Roxas
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinas
 

En vedette

Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaJc Rigor
 
Kilusang propaganda
Kilusang propagandaKilusang propaganda
Kilusang propagandaJay R Lazo
 
Quarter4module2
Quarter4module2Quarter4module2
Quarter4module2Elsa Orani
 
Q2 Modyul4 Gawain1- Ang katipunan at ang pagmamahal sa bayan
Q2 Modyul4 Gawain1- Ang katipunan at ang pagmamahal sa bayanQ2 Modyul4 Gawain1- Ang katipunan at ang pagmamahal sa bayan
Q2 Modyul4 Gawain1- Ang katipunan at ang pagmamahal sa bayanElsa Orani
 
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986Mirasol C R
 
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaQ2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaRivera Arnel
 
Hamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa
Hamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansaHamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa
Hamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansaEDITHA HONRADEZ
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanIvy Fabro
 
Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
Nasyonalismo sa Timog-Silangang AsyaNasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
Nasyonalismo sa Timog-Silangang AsyaJuan Miguel Palero
 
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipinoModyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino南 睿
 
Pagaalsa at himagsikan
Pagaalsa at himagsikanPagaalsa at himagsikan
Pagaalsa at himagsikanMigi Delfin
 

En vedette (20)

q4, m5
q4, m5q4, m5
q4, m5
 
Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propaganda
 
Kilusang propaganda
Kilusang propagandaKilusang propaganda
Kilusang propaganda
 
Q4, m2
Q4, m2Q4, m2
Q4, m2
 
Quarter4module2
Quarter4module2Quarter4module2
Quarter4module2
 
Quarter 4, module 3
Quarter 4, module 3Quarter 4, module 3
Quarter 4, module 3
 
Q2 Modyul4 Gawain1- Ang katipunan at ang pagmamahal sa bayan
Q2 Modyul4 Gawain1- Ang katipunan at ang pagmamahal sa bayanQ2 Modyul4 Gawain1- Ang katipunan at ang pagmamahal sa bayan
Q2 Modyul4 Gawain1- Ang katipunan at ang pagmamahal sa bayan
 
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
 
Quarter 4, module 1
Quarter 4, module 1Quarter 4, module 1
Quarter 4, module 1
 
Ibat ibang mukha ng progreso
Ibat ibang mukha ng progresoIbat ibang mukha ng progreso
Ibat ibang mukha ng progreso
 
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaQ2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
 
Module 5
Module 5Module 5
Module 5
 
Hamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa
Hamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansaHamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa
Hamon at oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
 
Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
Nasyonalismo sa Timog-Silangang AsyaNasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
 
Hekasi
HekasiHekasi
Hekasi
 
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipinoModyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
 
Pag aalsa ni tamblot, 1621-1622
Pag aalsa ni tamblot, 1621-1622Pag aalsa ni tamblot, 1621-1622
Pag aalsa ni tamblot, 1621-1622
 
Ikatlong republika
Ikatlong republikaIkatlong republika
Ikatlong republika
 
Pagaalsa at himagsikan
Pagaalsa at himagsikanPagaalsa at himagsikan
Pagaalsa at himagsikan
 

Similaire à Q4 m5 people's power

Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaPanitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaReinabelle Marquez
 
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.pptdokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.pptNathalieReyes14
 
ap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptxap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptxssuser26b83d1
 
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfangpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfssuser7b7c5d
 
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosarioModyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosarioJared Ram Juezan
 
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxMARIFEORETA1
 
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01Marife Jagto
 
Nasyonalismo sa Timog Silangang Asya
Nasyonalismo sa Timog Silangang AsyaNasyonalismo sa Timog Silangang Asya
Nasyonalismo sa Timog Silangang AsyaCarlo Pahati
 
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptxpanahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptxAngelicaAdviento3
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Panahon ng Ikatlong Republika ng PilipinasPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Panahon ng Ikatlong Republika ng PilipinasPrincess Sarah
 
Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino
Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipinoModyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino
Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino南 睿
 
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni MarcosAng Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcoseldredlastima
 

Similaire à Q4 m5 people's power (20)

4th qtr module 5
4th qtr module 54th qtr module 5
4th qtr module 5
 
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaPanitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
 
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.pptdokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
 
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdfAP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
 
ap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptxap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptx
 
Ap people power
Ap   people powerAp   people power
Ap people power
 
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfangpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
 
Group 4 presentation
Group 4 presentationGroup 4 presentation
Group 4 presentation
 
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosarioModyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosario
 
Bagong lipunan
Bagong lipunanBagong lipunan
Bagong lipunan
 
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
 
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
 
q4, m1
q4, m1q4, m1
q4, m1
 
4th qtr module 5 tg
4th qtr module 5 tg4th qtr module 5 tg
4th qtr module 5 tg
 
Nasyonalismo sa Timog Silangang Asya
Nasyonalismo sa Timog Silangang AsyaNasyonalismo sa Timog Silangang Asya
Nasyonalismo sa Timog Silangang Asya
 
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptxpanahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Panahon ng Ikatlong Republika ng PilipinasPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
 
Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino
Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipinoModyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino
Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino
 
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni MarcosAng Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
 
Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70
 

Plus de Elsa Orani

Quarter4module3
Quarter4module3Quarter4module3
Quarter4module3Elsa Orani
 
Q3 m3l3 ang bagong republika 1946
Q3 m3l3 ang bagong republika 1946Q3 m3l3 ang bagong republika 1946
Q3 m3l3 ang bagong republika 1946Elsa Orani
 
Q3 m2l2 3 pilipinisasyon, pagsupil sa nasyonalismo
Q3 m2l2 3 pilipinisasyon, pagsupil sa nasyonalismoQ3 m2l2 3 pilipinisasyon, pagsupil sa nasyonalismo
Q3 m2l2 3 pilipinisasyon, pagsupil sa nasyonalismoElsa Orani
 
Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal
Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyalQ3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal
Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyalElsa Orani
 
Q2 l8 banal na imperyong roma
Q2 l8 banal na imperyong romaQ2 l8 banal na imperyong roma
Q2 l8 banal na imperyong romaElsa Orani
 
Byzantineempire 120909213308-phpapp01
Byzantineempire 120909213308-phpapp01Byzantineempire 120909213308-phpapp01
Byzantineempire 120909213308-phpapp01Elsa Orani
 
Q3 m1 l4 kontra sa benevolent assimilation
Q3 m1 l4  kontra sa benevolent assimilationQ3 m1 l4  kontra sa benevolent assimilation
Q3 m1 l4 kontra sa benevolent assimilationElsa Orani
 
Q3 m1 l3 cartoon ng benevolent assimilation
Q3 m1 l3  cartoon ng benevolent assimilationQ3 m1 l3  cartoon ng benevolent assimilation
Q3 m1 l3 cartoon ng benevolent assimilationElsa Orani
 
Q3 m1 l1 2 pananakopngmgaamerikano-benevolent assimilation
Q3 m1 l1 2  pananakopngmgaamerikano-benevolent assimilationQ3 m1 l1 2  pananakopngmgaamerikano-benevolent assimilation
Q3 m1 l1 2 pananakopngmgaamerikano-benevolent assimilationElsa Orani
 
Q2 m4l1,2,3 katipunan-kalayaan at malolos
Q2 m4l1,2,3  katipunan-kalayaan at malolosQ2 m4l1,2,3  katipunan-kalayaan at malolos
Q2 m4l1,2,3 katipunan-kalayaan at malolosElsa Orani
 
Gresya,hellenik,alexander
Gresya,hellenik,alexanderGresya,hellenik,alexander
Gresya,hellenik,alexanderElsa Orani
 

Plus de Elsa Orani (11)

Quarter4module3
Quarter4module3Quarter4module3
Quarter4module3
 
Q3 m3l3 ang bagong republika 1946
Q3 m3l3 ang bagong republika 1946Q3 m3l3 ang bagong republika 1946
Q3 m3l3 ang bagong republika 1946
 
Q3 m2l2 3 pilipinisasyon, pagsupil sa nasyonalismo
Q3 m2l2 3 pilipinisasyon, pagsupil sa nasyonalismoQ3 m2l2 3 pilipinisasyon, pagsupil sa nasyonalismo
Q3 m2l2 3 pilipinisasyon, pagsupil sa nasyonalismo
 
Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal
Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyalQ3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal
Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal
 
Q2 l8 banal na imperyong roma
Q2 l8 banal na imperyong romaQ2 l8 banal na imperyong roma
Q2 l8 banal na imperyong roma
 
Byzantineempire 120909213308-phpapp01
Byzantineempire 120909213308-phpapp01Byzantineempire 120909213308-phpapp01
Byzantineempire 120909213308-phpapp01
 
Q3 m1 l4 kontra sa benevolent assimilation
Q3 m1 l4  kontra sa benevolent assimilationQ3 m1 l4  kontra sa benevolent assimilation
Q3 m1 l4 kontra sa benevolent assimilation
 
Q3 m1 l3 cartoon ng benevolent assimilation
Q3 m1 l3  cartoon ng benevolent assimilationQ3 m1 l3  cartoon ng benevolent assimilation
Q3 m1 l3 cartoon ng benevolent assimilation
 
Q3 m1 l1 2 pananakopngmgaamerikano-benevolent assimilation
Q3 m1 l1 2  pananakopngmgaamerikano-benevolent assimilationQ3 m1 l1 2  pananakopngmgaamerikano-benevolent assimilation
Q3 m1 l1 2 pananakopngmgaamerikano-benevolent assimilation
 
Q2 m4l1,2,3 katipunan-kalayaan at malolos
Q2 m4l1,2,3  katipunan-kalayaan at malolosQ2 m4l1,2,3  katipunan-kalayaan at malolos
Q2 m4l1,2,3 katipunan-kalayaan at malolos
 
Gresya,hellenik,alexander
Gresya,hellenik,alexanderGresya,hellenik,alexander
Gresya,hellenik,alexander
 

Q4 m5 people's power

  • 1. 1986 EDSA People Power Revolution at ang Hamon ng Pagbabago
  • 2. • Mga Kakayahan: • Naisasalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naging dahilan upang maibalik ang demokrasya noong 1986 • Naipahahayag ang paggalang sa opinyon at paniniwala ng kapwa mag-aaral tungkol sa mga pangyayari na may kaugnayan sa 1986 EDSAPeople Power Revolution • Natatalakay ang mga salik na nakatulong sa pagtatagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution • Napahahalagahan ang mga kontribusyong ng 1986 EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng pagsulat ng repleksiyon • Nasusuri ang epekto ng sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa kalayaan, demokrasya at karapatang pantao • Naiuugnay ang mga kasalukuyang pangyayari sa mga hangarin noong 1986 EDSA People Power Revolution • Nasusuri ang mga suliraning hindi pa nalulutas sa kasalukuyan
  • 3. Mga Pangyayari na Nagbigay Daan sa People Power Revolution 1.DEKLARASYON NG BATAS MILITAR Sa bisa ng Proklamasyon 1081 ay isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Nagkaroon ng mga programang pang-agrikultura at pangkalikasan at pangkultura, naging tampok na proyekto din ang iba’t ibang imprastraktura tulad ng mga tulay, kalsada at mga paaralan. Subalit sa kabila ng mga nabanggit na programa ay nagkaroon ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, pagpapahirap (torture) sa mga bilanggo, paghuli at pagkulong sa mga kalaban ni Marcos sa politika (political detainees), pagbabawal sa pagsasagawa ng rally at paglilimita sa kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag.
  • 4. • 2. PAGBAGSAK NG EKONOMIYA • Nagpatupad ng iba’t ibang patakarang pang-ekonomiya si Pangulong Marcos sa mga unang taon ng Batas Militar. Subalit makalipas ang ilang taon ay napasakamay ni Marcos at ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan ang mga mahahalagang negosyo sa Pilipinas. Umiral ang tinatawag na cronyism. Dahil dito, nakontrol ng iilan ang ekonomiya ng bansa. Nagsimulang lumaki ang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Unti-unti ay bumagsak ang matatag na ekonomiya ng bansa. • Nakadagdag pa sa suliraning pang-ekonomiya ng Pilipinas ang pag-utang ng pamahalaang Marcos sa World Bank na umabot sa mahigit sa 17. 2 bilyong dolyar noong 1980. Lalong nawala ang tiwala ng taong bayan sa pamahalaan dahil hindi nito natutugunan ang suliranin sa kahirapan at kawalan ng disenteng pamumuhay
  • 5. 3. KAWALANG TIWALA SA SANDATAHANG LAKAS Itinatag ng mga junior military officers ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines(AFP) ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Layunin nito na ayusin ang sistema ng pamamahala at pagkakaloob ng mga posisyon sa hanay ng mga militar. Pangunahing tinutulan ng RAM ang padrino system (pagkakaloob ng posisyon at pagbibigy ng pabor dahil sa mga kaibigan at kakilala na may mataas na posisyon) sa AFP. Layunin din nito na matigil ang korapsiyon, mga ilegal at kriminal na gawain na kinasasangkutan ng mga opisyales ng Sandatahang Lakas.
  • 6. • 4. ASASINASYON KAY • SEN. NINOY AQUINO • Matapos ang tatlong taong pananatili sa Amerika, bumalik si Senador Ninoy Aquino sa Pilipinas. Naganap ang asasinasyon kay Sen. Aquino noong Agosto 23, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport habang siya ay patungo sa pribadong sasakyan na inilaan sana para sa kaniyang kaligtasan. Bukod sa kaniya ay pinaslang din si Rolando Gaman na sinasabing pumatay kay Sen. Ninoy Aquino. • Ang asasinasyon kay Sen. Ninoy Aquino ay lalo pang nagpalalim sa nararamdamang galit ng taong bayan sa pamahalaan dahil pinaghinalaan nila na ang rehimeng Marcos ang nasa likod ng nasabing krimen.
  • 7. 5. 1986 SNAP ELECTIONS • Napilitan si Pangulong Marcos na magpatawag ng snap election noong Pebrero 7, 1986 upang patunayan na siya pa din ang nais ng taong bayan na mamuno. Pinili ng mga nagkakaisang Pilipino si Corazon Aquino upang tumakbo bilang pangulo laban kay Ferdinand Marcos. • Nagkaroon ng malawakang dayaan sa eleksiyon. Patunay dito ang pag-alis (walkout) ng mga computer technicians dahil pinipilit sila na baguhin ang bilang ng boto pabor para kay Marcos. Matapos ang pagbibilang, dalawa ang naging pangulo ng Pilipinas. Idineklara ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nanalo. Samantala ayon naman sa National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Cory ang nagwagi. Sa halip na matakot, sinabi ni Corazon Aquino na magiikot siya sa iba-t ibang bahagi ng bansa upang ipanawagan na i-boycott ang mga produkto ng mga kompanya na kilalang crony o kaalyado ni Pangulong Marcos
  • 8. Snap Election • Noong ika-7 ng Pebreo 1986, idinaos ang snap presidential election. Muling tumakbo bilang pangulo si Marcos kasama si Arturo Tolentino bilang vice-president. Naging kalaban nila si Corazon Aquino at Salvador Laurel ng partidong LABAN (Lakas ng Bayan).
  • 9. Civil Disobedience • Sa opisyal na bilang ng COMELEC, lumabas na nanalo sina Marcos at Tolentino sa halalan. Ngunit hindi ito tinanggap ng mga taga- suporta nina Aquino at Laurel. Nanawagan si Corazon Aquino sa mga Pilipino ng civil disobedience o payapang pagprotesta laban sa pamahalaang Marcos.
  • 10. EDSA People Power Revolution • Naging mitsa ng EDSA Revolution ang pagtiwalag nina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Gen. Fidel V. Ramos sa administrasyong Marcos noong Peb. 22, 1986. Sa panawagan ni Cardinal Sin, dumagsa ang mga tao sa EDSA upang maiwasan ang paglusob ng mga puwersang militar ng pamahalaan. Nanawagan sila ng pagbibitiw sa pwesto ni Pang. Marcos.
  • 11. • Patuloy na dumagsa ang mga tao sa EDSA. Kasabay nito, maraming mga tauhan ng pulis at militar ang tumiwalag ng suporta sa pamahalaang Marcos. Dahil dito, tuluyan ng nagbitiw sa pwesto si Pang. Marcos at umalis ng bansa patungong Hawaii. EDSA People Power Revolution
  • 12. Pagbabalik ng Demokrasya • Matapos ang paglisan ni Marcos, nanumpa bilang ikapitong pangulo ng bansa si Corazon C. Aquino noong Peb. 25, 1986. Ito ang naging wakas ng Bagong Lipunan at muling pagbabalik ng demokrasya sa bansa.
  • 13. • AWIT-GUHIT • HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO • By: Apo Hiking Society • ( http://videokeman.com/apo-hiking-society/handog-ng-pilipino-s Retrieved on November 17, 2012) • • ‘Di na ‘ko papayag mawala ka muli. ‘Di na ‘ko papayag na muli mabawi, Ating kalayaan kay tagal natin mithi. ‘Di na papayagang mabawi muli. • Magkakapit-bisig libo-libong tao. Kay sarap palang maging Pilipino. Sama-sama iisa ang adhikain. Kelan man ‘di na paalipin.
  • 14. • Ref: Handog ng Pilipino sa mundo, Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan Ay kayang makamit na walang dahas. Basta’t magkaisa tayong lahat. • Masdan ang nagaganap sa aming bayan. Nagkasama ng mahirap at mayaman. Kapit-bisig madre, pari, at sundalo. Naging Langit itong bahagi ng mundo. • Huwag muling payagang umiral ang dilim. Tinig ng bawat tao’y bigyan ng pansin. Magkakapatid lahat sa Panginoon. Ito’y lagi nating tatandaan. (repeat refrain two times) • Coda: Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan. Ay kayang makamit na walang dahas. Basta’t magkaisa tayong lahat! •
  • 15. SIMSIMBOLO BOLO SIMBOLO SIMBOLO Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ito ang simbolo na iyong iginuhit? 2. Anong pangyayari Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ito ang simbolo na iyong iginuhit? 2. Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang tinutukoy sa awitin? Ipaliwanag. 3. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan at kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos? sa kasaysayan ng Pilipinas ang tinutukoy sa awitin? Ipaliwanag. 3. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan at kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos?
  • 16. Gawain 1: Photo-Suri Suriin ang mga larawan na may kaugnayan sa 1986 EDSA People Power Revolution. Punan ng tamang sagot ang chart. LARAWAN DESKRIPSIYON SEKTOR (Mamili sa mga sumusunod: Simbahan, Pamahalaan, Sundalo, Pangkaraniwang Mamamayan) PAANO IPINAKITA ANG PAKIKIPAGLABA N PARA SA KALAYAAN KAHALAGAHAN O KONTRIBUSYON PARA SA PAGKAMIT NG KALAYAAN LARAWAN A LARAWAN B LARAWAN C LARAWAN D
  • 17. LARAWAN A Kabilang ang mga pari at madre na nakiisa sa mga Pilipino noong 1986 EDSA People Power Revolution. LARAWAN B Kahit mga pangkaraniwang mamamayan at mga kabataan ay nagtungo din sa EDSA upang makiisa sa panawagan ng taong bayan.
  • 18. LARAWAN C LARAWAN D Sina Don Chino Roces (itaas), Gng. Corazon Aquino (kanan, itaas) at dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at Gen. Fidel Ramos, mga kilalang personalidad na nakilahok sa 1986 EDSA People Power Revolution. Ipinakikita sa larawan ang paghahandog ng pagkain at bulaklak sa mga sundalo na inutusang paalisin ng puwersahan ang mga tao sa EDSA.
  • 19. Pamprosesong Tanong 1. Masasabi mo ba na ang 1986 EDSA People Power Revolution ay pagkilos para makamit ang kalayaan? Bakit? 2. Nakamit ba ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan dahil sa nasabing pangyayari? Patunayan. 3. Sa iyong palagay, ano ang naging dahilan sa likod ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution? Ipaliwanag.
  • 20. Gawain 2 Guhit-Kasaysayan Gumuhit ng comic strip na may walo hanggang sampung story frames tungkol sa mga kaganapan noong 1986 EDSA People Power Revolution.
  • 21. Gawain 3 TULONG-ISIPAN Humanap ng iyong kamag-aaral na magiging katuwang sa pagsagot sa mga tanong. Magsasalitan kayo sa pagtanong at pagsagot. Isulat ito sa graphic organizer na makikita sa ibaba. Ibahagi sa klase ang inyong mga sagot. Bakit mahalaga ang naganap na 1986 EDSA People Power Revolution? SAGOT (IKAW) SAGOT (KAMAG- AARAL) Kung ikaw ay nabubuhay noong naganap ang 1986 EDSA People Power revolution, makikilahok ka din ba dito? Bakit? Bilang Pilipino, bakit dapat mong ipagmalaki ang 1986 EDSA People Power Revolution?
  • 22. Gawain 4 Mga Pagbabago PAMAHALAAN Ipaliwanag ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas dulot ng 1986 EDSA People Power Revolution. Isulat ito sa loob ng kahon. PAMAHALAAN UGNAYAN NG MGA MAMAMAYAN KALAYAAN SA PAMAMAHAYA G DIWA NG DEMOKRASYA
  • 23. Gawain 5 Mind Map Ang sumusunod ay mga konsepto at salita na may kaugnayan sa paksang tinalakay. Ayusin ang mga ito upang makabuo ng flowchart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga konsepto sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na paliwanag ukol sa nabuong flowchart DEMOKRASYA 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION MAMAMA YAN KALAYAAN SAMA-SAMANG PAGKILOS KARAPATANG PANTAO
  • 24. Inaugural Address of CORAZON C. AQUINO Club Filipino, San Juan, Metro Manila February 25, 1986 My brothers and sisters: I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to offer all that I can do to serve you. It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were taken away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost rights and liberties in the full light of the day. Ninoy believed that only the united strength of a people can overturn a tyranny so evil and so well organized. It took the brutal murder of Ninoy to bring about the unity, the strength, and the phenomenon of People Power. That power has shattered the dictatorship, protected the honorable military who have chosen freedom, and today has established a government dedicated to the protection and meaningful fulfillment of the people’s rights and liberties. We were exiles in our land – we, Filipinos, who are at home only in freedom – when Marcos destroyed the Republic fourteen years ago. Through courage and unity, through the power of the people, we are home again. And now, I would like to appeal to everyone to work for national reconciliation, which is what Ninoy came back home for. I would like to repeat that I am very magnanimous in victory. So I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country. As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for you to continue praying. Let us pray for God’s help especially during these days.
  • 25. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Kailan naganap ang panunumpa ni Pangulong Corazon Aquino? __________________________ 2. Saan ito isinagawa?____________________________ 3. Sino ang kaniyang pinatutungkulan o kinakausap sa kaniyang talumpati? _________________ 4. Ayon kay Pangulong Aquino, sino o ano ang nagluklok sa kaniya sa pagiging pangulo ng bansa? ____________ _______________________________________ 5. Ipaliwanag ang kahulugan ng huling bahagi ng kaniyang talumpati “… I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country.” _________________________________________________ ____________________
  • 26. Gawain : Ayon sa Pangulo Suriin ang talumpati ni Pangulong Corazon Aquino. Punan ng tamang sagot ang graphic organizer. Ilahad ang iyong sagot sa klase. Mga pangunahing hamon o suliranin ng Pilipinas ayon sa Talumpati ni Pangulong Corazon Aquino
  • 27. Sagutin: 1. Sino ang pangunahing dahilan ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution ayon sa talumpati ni Pangulong Corazon Aquino? 2. Sa mga nabanggit na suliranin o hamon, alin para sa iyo ang pinakamahirap na masolusyunan? Bakit? 3. Paano napanumbalik ang diwa ng demokrasya ayon kay Pangulong Corazon Aquino? 4. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pagkakahalal kay Pangulong Corazon Aquino bilang kapalit ni Pangulong Ferdinand Marcos?
  • 28. Gawain Suri-Teksto. Makibahagi sa inyong pangkat. Makikita ang mga bahagi ng talumpati ni Pangulong Corazon Aquino. Sumulat ng lima hanggang sampung pangungusap na paliwanag ukol sa iyong pagkakaunawa sa mga ito. Ilahad ang sagot ng inyong pangkat sa klase. 1. I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to offer all that I can do to serve you. 2. It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were taken away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost rights and liberties in the full light of the day. 3. . . . only the united strength of a people can overturn a tyranny so evil and so well organized . . . . That power has shattered the dictatorship, . . . and today has established a government dedicated to the protection and meaningful fulfillment of the people’s rights and liberties.
  • 29. 4. And now, I would like to appeal to everyone to work for national reconciliation . . . So I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country. 5. As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for you to continue praying. Let us pray for God’s help especially during these days.
  • 30. Sagutin: 1. Bakit nagpapasalamat si Pangulong Corazon Aquino sa taong bayan? 2. Anong panahon ang tinutukoy ni Pangulong Aquino na hatinggabi (midnight)? na umaga (day)? Paano ito nagkakaiba? 3. Paano nabigyang wakas ang pamahalaang diktaturyal na itinatag ni Pangulong Marcos? 4. Bakit hinihikayat ni Pangulong Corazon Aquino ang lahat na magkasundo at magkaunawaan? 5. Bakit ipinaaalala ni Pangulong Corazon Aquino sa sambayanang Pilipino na palagiang magdasal?
  • 31. Gawain : Exit Card Punan ng sagot ang exit card batay sa iyong mga natutunan at naunawaan ukol sa mga nakaraang paksa. Pangalan: __________________ Grado at Pangkat: ______ PAKSA/ARALIN: __________________________________ Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na naglalaman ng iyong mga natutunan tungkol sa paksa. Isulat din ang mga bahagi ng paksa na hindi mo gaanong naunawaan o nais mo pa ng karagdagang paliwanag. Maglagay ng isa hanggang tatlong katanungan na nais mabigyang kasagutan ukol sa tinalakay na paksa.