3. PAG-USBONG NG BOURGEOISIE
Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng
mga bayan sa medieval france na binubuo ng mga artisano
at mangangalakal. Ang mga artisano ay ang mga mangagawang
may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may
partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Sa uring panlipunan,
mas mataas sa kanila ang mga landlord o panginoong maylupa.
Ang terminong bourgeoisie ay ginamit upang tukuyin ang gitnang
uri ng france at ng iba pa pang mga bansa sa Europe.
Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang
puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga
mangangalakal, banker(nagmamay-ari o namamahala ng bangko),
mga shipowner(nagmamay-ari ng barko), mga pangunahing
mamumuhunan at mga negosyante.
4. Sa ika-17 at ika-18 siglo, sinuportahan ng bourgeoisie
ang mga prinsipyo ng konstitusyonalidad at likas na
karapatan (natural right) laban sa banal na karapatan
(divine right). Ang likas na karapatan ay unibersal na
karapatan gaya ng karapatang mabuhay ng may
kalayaan. Ang banal na karapatan ay nagtatakda na
ang hari ay hindi napapasailalim sa anumang
kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay
nanggagaling sa diyos. Samantala, ang
konstitusyonalidad ay isang kondisyon kung saan ang
isang tao, grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa
isinasaad ng konstitusyon o saligang batas. Ang
liberalismo ay paniniwalang nag-ugat sa Europe na
binibigyang-diin ang karapatan ng indibidwal.
5. PAG-IRAL NG MERKANTILISMO
Ang Merkatilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin
ang politikal. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking
kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga
barko, mapondohan ang kanyang hukbo, at magkaroon ng
pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.
Ang doktrina ng bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa
ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa
dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.
Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at
paglakas ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong
ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili
nitong pangangailangan. Kaakibat ng merkantilismo ang konsepto ng
paternalismo. Isa itong sistema ng pamamahala kung saan ang
pamahalaan ay namamahala naq parang ama sa kanyang mamamayan.
6. PAGTATATAG NG NATIONAL
MONARCHY
Malaki ang naitulong sa pagtatatag ng national monarchy
o pambansang monarkiya sa paglakas ng Europe.
Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang
sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng
hari. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing
panginoong maylupa.
Subalit nagbago ang katayuan ng monarkiya sa tulong na
mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang
kapangyarihan ay unti-unting namayagpag. Bilang resulta,
ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa
panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may
kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng
buwis para sa proteksiyong ito.
7. PAG USBONG NG NATION-STATE
Ang nation state ay isang estado na pinananahanan ng mga
mamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon
at kasaysayan dahil sa kanilang mga pagkakatulad ay
nagkaroon sila ng pagkakaisang lahi sila rin ay nakatira sa
isang tiyak na teritoryo at may pamahalaang kasarinlan.
Sila’y mga nagkakaisang lahi at may katapatan sa kanilang
bansa.
Isa sa mga katangian ng nation state ay pagiging
sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng monarkiya may
hukbo na umusbong sa nation state ito ay pagiging tapat
ng mga sundalo sa hari. Dahil sa nation state ay lalong
lumakas ang Europe at nabuo ang mag bagong
institusyong pampulitika, panlipunan at pang ekonomiya.
Nanghimasok at sinakop ng Europeong nation state ang
mga bansang America, Asya at maging ang Africa.
8. ENGLAND
Noong 1215 ay pinilit ng mga Landlord ang haring John
na lagdaan ang Magna Carta dito nakasaad ang mga
batas na hindi maaaring Makulong ang isang taong
nagkasala mna hindi dumaraan sa paglilitis , hindi rin
maaring itaas ng hari ng walang pahintulot ng Great
Council. Noong 1295 naitatag ang parlamento na
House of Lords (obispo at nobility) at House of
Commons (kabalyero at bourgeoisie) ito ang mga
sistemang pag bubuwis sa England.
9. FRANCE
Napasakamay ni CharleMagne ang France simula 771 C.E
ginawa nya ang lahat upang mapanatili ang kasarinlan at
mapalawak ang teritoryo ng France sa pamamagitan ng
hukbong militar , siay ang naglunsad ng unang kontra-atake
laban sa mga muslim sa spain.
Namatay sya noong 814 C.E at ipinamana ang imperyo sa
kanyang anak na si Louis the Pious. Sa pamamagitan ng
Treaty of Verdun hinati ng mga apo ni Charlemagne ang
imperyo. Ngunit dahil sa di pag kakaunawaan tuluyang
bumagsak ang imperyo dahil sa mga bagong mananalakay
sa Europe ito ay ang mga bansang Muslim , Magyar at
Viking.
10. Ang capetian abg pumalit sa Carolingian at itinatag ang
monarkiyang Frence sa pamamagitan ng pagkamkam ng
Teritoryo. Mula kay Louis VI hanggang kay Philip
Augustus ay lumawak ang teritoryo ng France . Lalo pa
.
itong tumatag kay Louis IX sa pamamagitan ng digmaan
at pagpapakasal ay nadagdag ang lupain upang
madagdagan ang yaman ipinatupad ang pag bibigay ng
buwis.
11. PAG USBONG NG SIMBAHAN AT PAPEL
NITO SA PAG LAKAS NG EUROPE
Ang pang abuso ng mga hari ang naging dahilan
upang lumakas ang simbahan. Noong 1073 , itinakda
ni Papa Gregory VII na ang kaayusang banal ay
napapasa ilalim sa batas ng Diyos. Ang Papa ang
pinakamataas at lahat ay napapasa ilalim sa kanya sa
simbahan gayundin ang Hari na di pwedeng ganitin
ang kapangyarihan sa layuning kristiyano. Maari din
nyang tanggalin sa posisyon ang Hari kapag hindi
sumunod sa obligasyonng kristyano.
12. Ang Investure Controversy ay ideya ng Papa kung saan
sumasailalim na tunggaliang interest ngunit hindi ito
nagustuhan ni Henry IV . Dahil para kay Henry ang
panatisismo ay nakaka apekto sa usaping politikal.
Ngunit idineklara ng Papa na eksmulgado si Henry sa
simbahan.
Ang Concrad of Worms noong 1122 ang kumilala sa
tungkulin ng Obispo bilang lider-ispiritwal at sa
Landlord kung saan ang hari ay hindi napapasa ilalim sa
Papa.