1. Happy Nezza B. Aranjuez 10-Einstein
Pagbabalik-tanaw
Kailan ba ang huling pagkakataong nagkaisa tayong mga Pilipino na ipaglaban ang ating
kalayaan? Nakapagtataka mang isipin na minsa’y nagawa nating magkaisa, hindi natin
matatalikuran ang katotohanan na may mga taong handang ilagay sa panganib ang buhay at
kalayaan ng iba, makamit lamang ang yamang hinahangad nila. At oo, tila nga iilan lang ang
kuwentong naghahatid ng pag-asa na naging bahagi ng ating kasaysayan. Masaklap pa rito’y
ang katotohanan na kung walang mamamatay o masasaktan, ay di mapupukaw ang damdamin
nating tumulong at lumaban.
Ilang pangulo na ang naabutan naming mga kabataan, maging ng aming mga magulang
at hanggang ngayon ay di pa rin natutugunan ang mga problema na kinahaharap ng ating
bansa. Ang ating gobyerno ang tinuturing nating pundasyon ng ating bansang Pilipinas.
Pinagkakatiwalaan natin ang bawat opisyal na naluloklok sa kanilang posisyon dahil alam nating
may kapasidad silang matulungan ang bansa maging ang mga mamamayan nito. Pero ito nga ba
talaga ang nangyayari? Nagkakaroon ba talaga ng pagtutulungan, ng sama-samang pag-unlad, o
nagkakaroon lang ng hilaan at mas lumalawig pa ang diskriminasyon na ating kinasasadlakan?
Mababang ekonomiya, malaking bahagdan ng mahirap at walang trabaho, maraming
nagugutom, libo-libo ang nababalitaang krimen araw-araw, ito ba ang Pilipinas na ating
pinangarap itaguyod? Kung nagawa ni Nelson Mandela na isulong ang kaunlaran ng Aprika,
bakit di natin magawang tularan ang mga yapak niya?
“Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay” ani ni G. Mandela sa
kaniyang talumpati ilang dekada na ang nakalipas. Ang pahayag na ito ang patuloy na
humihimok sa mamamayan ng Aprika na sama-samang bumangon anuman man ang pagsubok
na kaharapin nila. Kung mababatid lang ito ng mga mamamayang Pilipino, sana’y isapuso natin
ang pagkakaroon ng pakialamsa iba, at hindi lamang sa ating mga sarili. Para saan pa’t tayo’y
tinatawag na bansa kung kikilos lang tayo bilang mga indibidwal na mamamayan.
Isa pang pahayag na nagmula kay G. Mandela ay: “Pumasok tayo sa kasunduan na
bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Aprika, itim man o puti,
ay maglalakad ng walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa
pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.” Kung
ganito lang sana ang kasalukuyang isinasaisip ng lahat sa halip na ang pagnananasang maging
higit sa iba at ang umangat sa lipunan hindi na sana natin kailangan sukatin ang halaga ng tao sa
ari-arian at yamang taglay niya.
2. Isinaad din niya sa kaniyang talumpati na kailangang kumilos nang sama-sama bilang
nagkakaisang mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo at para sa pambansang
pagkakabuo-buo. Ang sarap isiping magagawa rin nating isakatotohanan ang mga sinabi niya
ngunit tila hanggang pangarap lang ata na makita ang tunay na pagkakaisa sa Pilipinas. Isang
panaginip ang Makita na sama-samang nangangarap at lumalaban para sa mithiing iyon ang
mga Pilipino. Nakakalungkot na unti-unti nang naglalaho ang damdaming nasyonalismo sa
bawat isa, sa bawat mamamayan na naging daan sana para sa pagbangon ng bansa.
Tila hanggang pangarap lang na Makita ang kapayapaan at pagkakaisa sa mga
mamamayan ng bansang Pilipinas.