2. • Ang paggawa ay nauukol sa mga gawain ng
tao upang makalikha ng mga kalakal at
serbisyong maaaring magamit sa loob at labas
ng bansa.
• Ang paggawa ay maaaring kumatawan sa
produksyon kung kaya ang mahusay a lakas
paggawa ng bansa ay napakahalaga sa
pagpapaunlad ng ekonomiya.
• Maituturing ang mayamang lakas paggawa na
isang mahalagang batayan ng pag-unlad ng
isang bansa.
3. BALANGKAS NG POPULASYON NG
PILIPINAS
• Ayon sa United Nations , isa sa mga mabigat
na suliraning kinakaharap ng daigdig sa
kasalukuyan ay nauukol sa mabilis na paglaki
ng populasyon.
4.
5. Ang mga bansang
may pinakamalalaking
populasyon sa daigdig
ay matatagpuan sa Asya
tulad ng :
• China
• India
• Bangladesh
• Indonesia
• Pakistan
• Ayon sa 2008 The World
Almanac and Book of
Facts, ang Pilipinas ay
ikapito sa mga bansang
may pinakamalaking
populasyon sa buong
Asya.
6. • Sa mabilis na paglaki ng populasyon , nagiging
mas mahirap ang alokasyon upang
mapakinabangan ng lahat ang mga
pinagkukunang yaman.
• Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay may
malaking epekto sa aspektong pangkabuhayan
ng isang pook.
8. Makikita sa datos ng Asian Development
Bank sa Talahanayan 3.1 ang mabilis na paglaki
ng populasyon ng Pilipinas mula 2003 hanggang
2008.
9. Talahanayan 3.1: ANG LUMALAKING
POPULASYON NG PILIPINAS SA PAGLIPAS NG
MGA TAON
Populayon 2003 2004 2005 2006 2007 2008
Kabuuang populasyon
(sa milyon)
81.9 83.6 85.3 87.0 88.7 90.5
Density (dami ng tao sa
bawat kilometro
kuwadrado)
273.0 278.7 284.3 290.0 295.7 302.0
Growth Rate (sa
porsiyento)
2.1 2.1 2.0 2.0 1.9 1.9
11. Ang potensiyal ng isang bansang sumulong
at umunlad ay maaaring matunghayan sa
distribusyon at komposisyon ng populasyon
nito. Malaki ang epekto ng edad o gulang ng
bahagdan ng populasyon sa kalagayang
panlipunan ng isang bansa.
Ang balangkas ng populasyon ay may
epekto sa lipunan at maging sa patakaran ng
pamahalaan.
16. May mga suliraning kinakaharap ang
Pilipinas sa aspekto ng edukasyon. Ang
mga suliraning ito ay kadalasang isinisisi sa
laganap na kahirapan sa bansa at suliranin
sa pananalapi ng pamahalaan
. Kahirapan pa rin ang dahilan kung
bakit ang maraming magsisipagtapos sa
pilipinas ay naghahangad na
makapagtrabaho sa ibang bansa.
18. Batay pa rin sa sensus ng populasyon ng NSO
noong 2000, walo sa bawat 10 Pilipino ay
Katoliko Romano.
19. Talahanayan 3.5: POPULASYON BATAY SA
RELIHIYONG KINAAANIBAN AT KASARIAN (2000)
Relihiyon Kabuuan Lalaki Babae
Katoliko Romano 61,862,898 31,197,055 30,665,843
Islam 3,862,409 1,907,721 1,954,688
Evangelicas 2,152,786 1,067,708 1,085,078
Iglesia ni Cristo 1,762,845 889,774 873,071
Aglipayan 1,508,662 765,799 742,863
Seventh Day Adventist 609,570 301,699 307,871
United Church of Christ in the
Philippines
416,681 209,647 207,034
Iba pa 1,113,190 557,240 555,950
21. • Ang labor force o lakas-paggawa ay tumutukoy sa
kabuuang bilang ng manggagawang may edad 15
taon pataas, kabilang ang may trabaho, walang
trabaho, at naghahanap ng trabaho.
• Ang labor force participation rate ay tumutukoy
sa ratio ng kabuuang bilang ng mga taong
kabilang sa lakas-paggawa kung ihahambing sa
kabuuang populasyon na may gulang na 15 taon
pataas.
22. • Ang may mga trabaho o employed ay tumutukoy sa
lahat ng mga may gulang na15 taon pataas batay sa
kanyang huling kaarawan na naiulat na nagtatarabaho,
kabilang na rito ang may trabaho ngunit wala sa lugar
ng trabaho dahil sa karamdaman, nagbabkasyon,
nagwelga at iba pang dahilan.
• Ang mga walang trabaho o unemployed naman ay
tumutukoy sa mga pansamantalang natanggal sa
trabaho, naghahanap ng trabaho, o mga nais na
magtrabaho ngunit hindi magkaroon ng oportunidad
na makapagtrabaho dahil sa karamdaman.
23. Samantala, ang mga underemployed
ay ang mga may trabaho, ngunit hindi
natutugunan ang kompletong oras ng
paggawa dahil sa sariling kagustuhan o
dahil sa hindi makahanap na full time na
trabaho.
24. Ang employment rate ay
tumutukoy sa bahagdan ng lakas-
paggawa na may hanapbuhay.
Ang underemployment rate
naman ay tumutukoy sa proporsiyon
ng mga taong ganap na walang
trabaho sa kabuuan ng lakas-paggawa.
26. Ang sektor ng paggawa ay may mga
suliraning nagiging hadlang upang ang mga
manggagawa ay magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
Malaking papel ang ginagampanan ng
paggawa sa pagsususlong ng kaunlaran ng
bansa.
Ang DOLE ay bumalangkas ng isang
programa na may apat na estratehiya.
Ito ay ang mga sumusunod:
27. 1.Support for Employment Generation.
Ang pangunahing pangkat na inaabot ng
programang ito ay ang mga sektor na tila
nakakaligtaan ng lipunan . Kabilang sa
estratehiyang ito ang mga programang
nakalaanupang tulungan ang kabataan, mga
may kapansanan, at mga maralitang
pamayanan. Ilan sa mga programang ito ay ang
Special Program for Employment of
Students(SPES), Tulong Alalay sa Taong May
Kapansanan, at Aksyon ng Sambayanan Laban
sa Kahirapan.
28. 2.Employment Facilitation
• Ang DOLE ay nagkakaloob ng tulong upang
mapadali ang paghahanap ng trabaho sa loob
o labas man ng bansa. Gamit ang makabagong
teknolohiya, isinasagawa ng sangay ang
pagtatala ng mga bakanteng trabaho at ang
mga kasanayan na kailangan dito. Kabilang sa
mga programang nakapaloob dito ay ang
Labor Market Information System (LMIS)-
Phil-JobNet at Overseas Employment
Program.
29. 3. Employment Preservation
Itinataguyod ng DOLE ang kapayapaan sa
industriya sa pamamagitan ng edukasyon,
mabilis at pantay na resolusyon ng mga
usapin ukol sa paggawa, at pagsususlong ng
kooperasyon sa pangangasiwa ng paggawa.
Ilan sa mga halimbawa ng mga programang
nakapaloob dito ay ang Labor Dispute
Settlement and Prevention Program at ang
Labor Education Program.
30. 4.Human Resource Development
Strategy
• Ang mga programang nabibilang dito ay nakapaloob sa
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao o human
resource development. Ang ilan sa mga ahensyang
kabahagi sa estratehiyang ito ay ang Technical
Education and Skills Development Authority (TESDA),
Maritime Training Council, Bureau of Rural Workers,
Bureau of Women and Young Workers, Employees
Compensation Comission, at Overseas Workers
Welfare Administration (OWWA). Kabilang sa mga
programa para sa estratehiyang ito ang Human
Resource Development Program, Maritime Training
Program, Occupational Safety and Health Program,
Employees Compensation Program, at Women
Workers Employment and Entrepreneurship
Development.
33. ..mahalaga rin para sa isang
lipunan na tugunan ang
pangangailangang pangkalusugan ng
mga mamamayan at pagkalooban
ng sapat na edukasyon.
34. Ang poverty line ay tumutukoy sa
pinakamababang kita na kailangan ng
pamilya upang matugunan ang
pangunahing pangangailangan sa
pagkain at iba pang pangangailangan.
Ang bilang ng mga mag-anak na
nasa ilalim ng poverty line ay halos
apat na milyon.