2. 1. Naiisa-isa ang mga pandaigdigang samahang
pang-ekonomiya;
2. Nailalahad ang bawat layunin ng mga
samahang ito;
3. Naipapaliwanag ang mga ugnayan ng mga
bansang kasapi sa samahan;
3. 4. Nasusuri ang papel na ginagampanan ng mga
samahang pandaigdigan sa kalakarang pang-
ekonomiya ng bawat bansa;
5. Napahahalagahan ang pagtutulungang
panlipunan at pang-ekonomiya ng mga ito; at
6. Nakapagbibigay ng mga karagdagang
kaalaman tungkol sa paksa.
4. - ay tangingsamahang pandaigdigang
nangangasiwa sa mga patakaran ng
kalakalan sa pagitan ng mga bansa.
- ito ay isang samahang internasyonal
at multilateral na nagtatakda ng mga
patakaran para sa sistemang pangkalakalang
pandaigdigan (global trading system).
5. - ito rin ang nagreresolba sa mga
pagtatalo sa pagitan ng mga kasaping
estado (member-states).
- ang himpilan ng WTO ay
matatagpuan sa Geneva, Switzerland.
- ang lahat ng kasaping bansa ay
nararapat magpatupad ng tinatawag na
most favored nation.
6. Bretton Woods Conference
- pagpupulong na isinagawa ng U.S.
noong 1944.
- dito iminungkahi ang pagtatatag ng
International Trade Organization (ITO) upang
maisaayos ang mga patakaran at pamantayan
tungkol sa kalakalan sa pamamagitan ng mga
bansa.
7. - ang charter ay sinang-ayunan ng
United Nations Conference on Trade and
Employment sa Havana, Cuba noong 1948.
General Agreement on Tariffs and Trade
(GATT)
- isang salik ng ITO.
- sa ilalim nito nagkaroon ng pitong ulit
na pag-uusap bago nabuo ang WTO sa
ikawalong pagpupulon o Uruguay Round.
8. - nitatag ang WTO sa pamamagitan ng
paglalagda sa Marrakech Agreement sa
Marrakech, Morocco noong Abril 15, 1944.
- noong Enero 1, 1995, pormal na
sinimulan ang organisasyon.
9. - 153 ang kasapi - 76 na bansa mula sa
orihinal na pagkakatatag at 77 na bansang sumapi
sa sumunod na 10 taon.
- Kyrgyzstan ang pinakamabilis na
nakalahok sa WTO. Ang aplikasyon nito ay tumagal
lamang ng 2 taon at 10 buwan samantalang ang
China ay inabot ng halos 15 taon at 5 buwan bago
naging kasapi ng WTO, ang pinakamatagal sa
talaan.
- may 30 bansang nananatiling tagamasid.
10. Dapat pangasiwaan ng WTO ang lahat ng mga
kasunduan tungkol sa kalakalan.
Ang WTO ay nakaantabay rin sa mga
patakarang pangkalakalan ng mga bansa at
nakahandang magkaloob ng tulong-teknikal at
pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa.
Ang WTO ay namamagitan sa mga pagtatalo
ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga
patakaran.
11. Nararapat na ang sistemang pangkalakalan
ay walang bahid ng diskriminasyon.
Mas kaaya-aya kung magiging malaya ang
sistemang kalakalan.
Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat
maging mas kompetetibo.
12. Nararapat matiyak ang kalalabasan ng
sistemang pangkalakalan, partikular kung tiyak
ang mga dayuhang kompanya at pamahalaan
na hindi daragdagan ang mga hadlang pang-
ekonomiko at mananatiling bukas ang
pamilihan.
Ito ay nararapat na mas katanggap-tanggap
sa mga bansang hindi gaanong maunlad.
13. Ministerial Conference
- ang pinakamataas sa lupong nagpapasya
sa WTO na nagpupulong tuwing dalawang
taon at kung saan ang lahat ng mga kasapi ng
organisasyon ay nagsasama-sama.
14. - ay samahang nagsisilbing forum para
sa lahat ng usaping pang-ekonomiya ng mga
bansang matatagpuan sa rehiyon ng Asia-
Pacific.
- ang APEC ay tanging pangkat ng
mga pamahalaan na kumikilos batay sa mga
non-binding commitment,bukas sa pag-uusap,
at pantay-pantay na paggalang sa mga
pananaw ng mga kasaping bansa.
15. - ito ay walang kasunduang ipinipilit
sa mga kalahok na siyang kaibahan sa WTO at
iba pang lupong pangkalakalang multilateral.
- ito ay may 21 kasapi na tinaguriang
mga member economy.
- ito ay nagtataglay ng halos 48% ng
kabuuang populasyon ng daigdig, 56% ng
kabuuang gross domestic product ng daigdig, at
48% ng kabuuang kalakalan sa daigdig.
16. - ang APEC ay nagsimula bilang isang
mungkahi noong mga huling bahagi ng dekada
1980 mula sa mga Hapones, paktikular kay
Hajime Tamura, ang pinuno ng Ministry of
Trade and Industry.
- noong Enero 1989,nanawagan ang
punong ministro ng Australia ba si Bob Hawke
para sa mas epektibong kooperasyong pang-
ekonomiya sa rehiyong Asia-Pacific.
17. - ito ay humantong sa kauna-unahang
pagpupulong sa Canberra, Australia noong
Nobyembre 1989.
- ang kauna-unahang APEC Leader’s
Meetin ay naganap noong 1993 nang
anyayahan ni Pangulong Bill Clinton ng U.S
ang mga member economies sa Blake Island,
Washington.
- ang himpilan ng APEC ay
matatagpuan sa Singapore.
18. Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at
pamumuhunan.
Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo
Pagtutulungang pang-ekonomiya
19. Isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at
katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific,
gayundin upang palakasin ang mga pamayanan
dito.
Layunin nitong ibaba ang mga taripa at iba
pang maaaring maging balakid sa kalakalan.
20. Hangarin din nitong magkaroon ng mga
epektibong lokal na ekonomiya at maitaas ang
halaga ng mga produktong iniluluwas.
Bogor Goals
21. - kabilang sa mga orihinal na kasapi (noong
Nobyembre 1989) ay Australia, Brunei, Canada,
Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New
Zealang, Pilipinas, Singapore, Thailand, at United
States.
- noong Nobyembre 1991, lumahok ang
China, Hong Kong (China), at Chinese Taipei
(Taiwan); noong Nobyembre 1993, ang Mexico at
Papua New Guinea; noong Nobyembre 1994, ang
Chile; at noong Nobyembre 1998, ang Peru, Russia,
ta Vietnam.
22. Ang APEC ay may 2 lupon na may mahalagang
papel
Committee for Trade and Investment (CTI)
- ay nangangasiwa sa mga usaping may
kinalaman sa liberalisasyon ng kalakalan sa
liberalisasyon ng kalakalan at pagpapabilis ng
komersiyo.
Economic Council (EC)
- ito ang lupon na tumutulong sa pagsusuir
ng takbo ng ekonomiya at iba pang
mahahalagang isyu
23. 12 Pangkat o Working Group sa Loob ng
Estruktura nito.
Ito ay ang Agricultural Technical Cooperation,
Emergency Preparedness, Health, Small and
Medium Enterprises, Industrial Science and
Technology, Human Resources Conservation,
Telecommunications and Information, Fisheries,
Transportation, at Tourism.