2. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng likas-
kayang paggamit;
2. Natutukoy ang mga suliraning kinakaharap
ng pinagkukunang-yaman ng Pilipinas;
3. Nailalahad ang mga umiiral na batas na
naglalayong mapangalagaan ang
pinagkukunang-yaman; at
4. Napagtatanto ang kahalagahan ng
wastong paggamit sa mga
pinagkukunang-yaman ng bansa.
3. ANG KONSEPTO NG LIKAS-
KAYANG PAGGAMIT
World Conservation Union
- ay isang pandaigdigang
organisasyon na nagpahayag ng
pagkilala na ang kultura,
ekonomiya, at kapakanan ng tao
ay nakadepende sa kalikasan.
4. Pangunahing layunin nito ay:
- mahikayat at matulungan
ang iba’t ibang bansa na
mapangalagaan ang kalikasan sa
pamamagitan ng likas-kaya o
sustainable use.
Likas-Kayang paggamit
- ay tumutukoy sa paggamit
ng renewable na yamang likas sa
paraang ang mga ito ay hindi
manganganib na maubos.
5. LAYUNIN NG LIKAS-KAYANG
PAGGAMIT
Hikayatin ang paggamit ng mga biological
resources ayon sa naksanayang tradisyon
at paniniwala na naaayon sa konserbasyon
at likas-kayang pamamaraan.
Suportahan ang lokal na populasyon sa
pagpapaunlad at pagsasagawa ng mga
pamamaraan ng konserbasyon sa mga
lugar na nababawasan ang biological
diversity.
6. Hikayatin ang pakikipagtulungan ng
pamahalaan at pribadong sektor sa
pagpapaunlad ng mga paraan ng likas-
kayang paggami ng mga biological
resource.
Ipaloob ang konserbasyon at likas-kayang
paggamit ng biological diversity sa mga
programa, plano, at mga patakaran ng
pamahalaan at pribadong sektor,
7. MGA PAMANTAYAN SA
LIKAS-KAYANG PAGGAMIT
1. Ang biological diversity at ecological
function ay napapanatili sa paggamit ng
mga pinagkukunang-yaman .
2. Ang bilang ng iba’t ibang uri ng hayop at
halaman ay hindi nababawasan at ang
buhay nito ay tumatagal.
3. Ang yamang-likas ay nanatiling
mahalagang pinagkukunan ng
pangangailangan ng tao.
8. KAHALAGAHAN NG PANGANGALAGA
SA KALIKASAN
Apat na mahahalagang tungkuling ginagampanan ng
kalikasan:
1. Ang kalikasan ay pinagmumulan ng iba’t ibang
pinagkukunang yaman.
2. Ang kalikasan ay tumutulong na mabawasan ang
mga dumi at usok na dulot ng proseso ng
produksiyon at pagkonsumo.
3. Ang kalikasan ay tumutugon sa pangangailangan
ng tao na magdudulot sa kanya ng kasiyahan.
4. Ang kalikasan ay nagpapatatag sa sistema ng
ekolohiya upang maging kapakipakinabang ito sa
tao at sa anumang anyong may buhay na
naninirahan dito.
9. MGA BATAS UKOL SA
PANGANGALAGA NG
PINAGKUKUNANG-YAMAN
Republic Act 7586 (National Integrated
Protected Areas System Act of 1992)
- ito ay kumikilala sa kritikal na
kahalagahan ng pangangalaga at
pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at
pisikal na pagkakaiba-iba (natural biological
and physical diversities)
10. Republic Act 7942 (Philippine Mining Act of
1995)
- ito ang pagkilala sa lahat ng yamang
mineral na matatagpuan sa mga lupaing
pampubliko at pribado na nasa loob ng hangganan
at tanging sonang ekonomiko ng Pilipinas bilang
pag-aari ng Estado
Republik Act 9003 (Ecological Solid Waste
Management Act of 2000)
- ang mga kinauukulan ay nagtakda ng
iba’t ibang mga pamamaraan upang makolekta at
mapagbukod-bukod (segregate) ang mga solid
waste sa bawat barangay.
11. Republic Act 8749 (Philippine Clean Air Act
of 1999)
- isang pambansang programa ang
bubuuin upang matugunan ang suliranin sa
polusyon ng hangin samantalang hihikayatin ang
pagtutulungan ng mga mamamayan at mga
industriya.
Presidential decree 1067 (Water Code of
the Philippine)
- tinutukoy ng batas na ito ang tubig sa
karagatan na nasa hurisdikasyon ng Pilipinas.
- pangunahing layunin nito na maitatag
ang batayan sa konserbasyon ng tubig.
12. Republic Act 9147 (Wildlife Resource
Conservation and Protection Act)
- ito ay naglalaan para sa konserbasyon
at proteksiyon ng maiilap na hayop at ng kanilang
tirahan.
Ang pagsasakatuparan nito ay isinasagawa
sa pamamagitan ng sumusunod:
Konserbasyon at proteksiyon ng maiilap na hayop
at kanilang tirahan upang mapaunlad ang
ecological balance at ecological diversity;
Regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng
maiilap na hayop; at
Pagsuporta ng mga pag-aaral tungkol sa
konserbasyon ng biological diversity.
13. Batas Pambansa 7638 (Department of
Energy Act of 1992)
- upang makasiguro na patuloy at
sapat ang suplay ng enerhiya at makatugon
sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa,
itinatag ang Department of Energy o DOE.