• J'aime
  • Télécharger
Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario

on

  • 6,128 vues

 

Statistiques

Vues

Total des vues
6,128
Vues sur SlideShare
6,128
Vues externes
0

Actions

J'aime
1
Téléchargements
93
Commentaires
0

0 Ajouts 0

No embeds

Accessibilité

Catégories

Détails de l'import

Uploaded via as Adobe PDF

Droits d'utilisation

© Tous droits réservés

Report content

Signalé comme inapproprié Signaler comme inapproprié
Signaler comme inapproprié

Indiquez la raison pour laquelle vous avez signalé cette présentation comme n'étant pas appropriée.

Annuler
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Votre message apparaîtra ici
    Processing...
Poster un commentaire
Modifier votre commentaire

    Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario Document Transcript

    • 1 Modyul 4: Batas Militar:Banta sa Demokrasya Mga Paksa: 1. Deklarasyon ng Batas Militar 2. Kawalan ng Karapatang Pantao 3. Pagtutol sa Batas Militar Tema: D.Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala Bilang ng oras: Anim (6) Alignment Matrix Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang nakapaloob sa sanggunian? Saang gawain makakamit ang kakayahan? Anong level of assessment nakapaloob ang gawain? Bilang ng Oras 1. Deklarasyon ng Batas Militar Larawan ni Pang. Marcos ng ideklara ang Batas Militar Sipi ng Proklamasyon ng 1081 Halaw sa Diary ni Pangulong Marcos “In his own words: Marcos on martial law” Mga Bahagi ng Saligang Batas ng 1973 at 1987 Ilang Mahalagang Probisyong ng Saligang Batas ng 1973 at 1987 1. Naipapaliwanag ang ibat ibang pananaw ukol sa dahilan at layunin ng pagdeklara ng batas militar 2. Nakapagtataya ng kabisaan ng mga pananaw ukol sa dahilan at layunin ng paghayag ng batas militar 3. Nailalarawan ang pagbabago sa pamamalakad at patakaran ng gobyerno sa ilalim ng batas militar 4. Natutukoy ang epekto ng mga pagbabagong ito sa kalayaan ng bayan 5. Nakapagtataya sa paraan ng paggamit ng kapangyarihan ng gobyerno noong batas militar Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4 Knowledge Knowledge/Skills Process Knowledge and Skills Process 2 2. Kawalan ng Karapatang Pantao Mga Imahe ng Batas Militar Desaparecidos 6. Naipaliliwanag ang kalagayan ng karapatang pantao sa panahon ng batas military sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay 7. Naiuugnay ng karapatang pantao Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7 Knowledge and Process Process and Understanding Understanding 2
    • 2 sa kalayaan at demokrasya 3. Pagtutol sa Batas Militar Talambuhay ni Jovito Salonga Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Ukol sa ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar 8. Naipaliliwanag ang pagtutol sa batas militar tungo sa malaya at demokratikong pamamalakad 9. Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa tungkulin ng gobyerno at ng bawat isa na ipatupad ang karapatang pantao 10. Nakakukuha at nakahihinuha ng impormasyon mula sa ibat ibang primaryang sanggunian Gawain 8 Gawain 9 Gawain 10 Gawain 11 Understanding Understanding Understanding Understanding 2 Pagganyak: a. Gaganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng isang sitwasyon na ipagpapalagay ng mga mag-aaral na kanilang gagampanan. Ito ay ilalahad sa paraang patanong. Kung ikaw ang pangulo ng bansa, ano ang iyong gagawin kung laganap ang kaguluhan sa iyong nasasakupan bunsod ng mga malawakang kilos protesta ng iba’t ibang sektor ng lipunan at mga rebeldeng grupo? Ang sitwasyong naibigay sa mag-aaral ay nahahawig sa kinaharap ni dating Pang.Marcos na nagbigay daan sa paghahayag nito ng Batas Militar. b. Magbibigay ang mag-aaral ng limang mungkahing solusyon ukol dito gayundin ang maaaring epekto nito. Ilalahad nila ang kanilang sagot sa pamamagitan ng chart. c. Sasali ang mga mag-aaral sa grupo at ibabahagi ang kanyang mga nabuong kasagutan. Bubuo ng kaisahan mula sa kanilang mga naging kasagutan. Ibabahagi sa klase ang kanilang mga napagkasunduang sagot. Inaasahang Sagot: Suliranin 1. Malawakang kilos protesta ng ibat ibang sektor ng lipunan Mungkahing Solusyon Mahinahong pakikipag-usap sa mga lider na nagkikilos protesta Positibong Epekto Pagkakasundo Negatibong Epekto
    • 3 Pagtalakay sa Panimula: a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimula. Talakayin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong na titiyak sa kanilang pag-unawa sa binasa. b. Magbigay ng maikling pagsusulit pagkatapos ng talakayan. Pagsuri sa mga Sanggunian: Deklarasyon ng Batas Militar Sanggunian 1: a. Ipabasa ang Sanggunian 1 – Proklamasyon 1081. b. Bigyang-diin ang mga salita na nasa glosari. c. Ipasagot ang Gawain bilang 1,2, 3, at 4. Gawain 1: Kuha Mo? 1. Ipabuod sa mga mag-aaral ang kanilang binasang sipi sa pamamagitan ng pagbuo nila sa 3-2-1 Chart na kanilang pupunan. Paggamit ng mga kapulisan upang tapusin/mapigilan ang protesta Mapipigilan ang pagiging marahas ng mga nagpoprotesta Maaaring may mga masaktan sa hanay ng mga nagpoprotesta 2. Rebeldeng grupo Pagdaraos ng Peace Talk Pagtugis sa mga rebeldeng grupo Mapakikinggan ang mga hinaing ng mga rebelde na magbibigay daan sa pagkakasundo Paghina ng pwersa ng mga rebeldeng grupo Pananatili ng suliranin sa kapayapaan Mungkahing Gawain sa Pagganyak: A. Ipagawa ang gawain sa small group discussion na iiuulat din sa klase pagkatapos. B. Gumamit ng mga larawan kaugnay sa mga suliraning tinukoy upang higit itong maunawaan ng mga mag-aaral.
    • 4 2. Ipaalala sa mga mag-aaral na mayroon silang laya na maglahad sa bawat kolum ng chart ng kahit ilan sa kanilang nais o nalalaman. 3. Ang gawain ay maaaring ipagawa ng pangkatan. 4. Bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral o pangkat na maipaliwanag ang kanilang panig sa mga kasagutan na inilahad sa 3-2-1 chart habang sila ay nagbabahagi sa klase. 5. Tiyakin na ang mga katanungan na nananatili sa kanilang isipan ay mabibigyan ng kasagutan. Hayaan ang mga kamag-aral nito na makapagbigay ng kasagutan sa mga tanong na ito. Maging alerto sa pagtugon sa mga binigay na sagot ng klase gayundin sa mga di kayang sagutin ng klase. Inaasahang sagot sa Pamprosesong Tanong: 1. Paglakas ng pwersa ng mga rebeldeng grupo sa bansa, malawakang mga kilos protesta, paglaganap ng krimen, at kaguluhan sa Mindanao. 2. Ang deklarasyon ng batas militar ay legal sapagkat ito ay nakasaad sa Article VII, Section 10,Paragraph 2 of the 1935 Constitution. 3. Mahalaga ang ginampanan ng Armed Forces of the Philippines ( AFP ) sa panahong pinairal ang batas militar sapagkat sila ang naging instrumento ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa. 4. May laya ang mga mag-aaral dito na magpasya batay sa kanyang pananaw. Mahalagang mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang batayan upang matiyak na katanggap-tanggap ang kanyang pinaniniwalaan. Gawain 2: Alam ko at Dama Ko. 1. Gamit ang Thinking at the Right Angle Chart itatala ng mga mag-aaral ang 10 datos na kanilang natutuhan mula sa sangguniang binasa. Ito ay maaaring terminolohiya, pangalan ng tao at lugar, petsa at iba pa. 2. Kaugnay ng mga datos na kanilang napili, ilalagay din nila sa chart ang katumbas na saloobin nila sa bawat isa. 3. Pabigyang paliwanag sa mag-aaral ang kadahilanan ng kanilang mga naging kasagutan sa chart. 4. Sa pagtatapos ng gawain, mahalagang magabayan ang mga mag-aaral sa pagpapasya kung tama ba o mali ang pagpapairal ng batas militar ni Pang. Marcos. Sanggunian 2: 1. Ipabasa ang Sanggunian 2 – Halaw sa Diary ni Pangulong Marcos “ In His Own words: Marcos on Martial Law
    • 5 2. Pabigyang puna sa mga mag-aaral ang mahahalagang kaganapan sa bawat araw ng diary sa pamamagitan ng pagtatala sa kanilang kwaderno mahahalagang impormasyon. Gawain 3: Pag-isipan Natin 1. Pangkatin ang klase at atasan silang pag-usapan at sagutin ang Tri-Dimensional Question batay sa kanilang binasang sanggunian. 2. Ilahad ng bawat pangkat ang kanilang mga naging kasagutan sa tanong. Inaasahang Sagot: 1. Ang mga pangyayaring naging batayan ni Pang. Marcos sa pagdedeklara ng Batas Militar ang kaguluhang hatid ng mga rebeldeng grupo, mga kilos protesta at pag- ambush kay Sec. Juan Ponce Enrile.( Bigyan ng laya ang mga mag-aaral na pangatwiranan kung sapat ba o hindi ang mga ito para sa naging pasya ng dating pangulo.) *Paalala: Bigyan diin at paliwanag di ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa bago inihayag ang Batas Militar. 2. Si Sen. Aquino ng Liberal Party ay nakipag-isa sa Communist Party ni Jose Maria Sison.Tumanggi rin ang senador na makipagpulong sa dating pangulo para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. (Bigyan ng laya ang mga mag-aaral kung sang- ayon ba sila o hindi sa nakasaad na ito sa diary ni Pang.Marcos.) *Paalala: Ilahad at ipaunawa sa mga mag-aaral ang mahalagang ginampanan ni Sen. Aquino sa panahon ng Batas Militar. 3. Hayaang magkaroon ng malayang kalakalan ang mga mag-aaral sa matalinong pagsubaybay ng guro. Sanggunian 3: 1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Mga Bahagi ng Saligang Batas ng Pilipinas 1973 at 1987 2. Tiyaking mabibigyang - puna ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng bawat saligang batas at probisyon nito kaugnay sa Sangay Tagapagpaganap at Tagapagbatas. 3. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang pagbabago sa balangkas at kapangyarihang taglay ng Sangay Tagapagpaganap at Tagapagbatas.
    • 6 Gawain 4: Kayang-Kaya Ko Ito! 1. Paghahambingin ng mga mag-aaral ang Saligang Batas 1973 at 1987 gamit ang Compare and Contrast Diagram na kanilang pupunan. 2. Matapos buuin ng mga mag-aaral ang diagram ay kanila itong ihahayag sa klase para sa talakayan. Inaasahang Sagot: Pagkakatulad: Nagtataglay ang saligang batas na halos magkatulad na bilang mga artikulo at mga pamagat Kaugnay sa: Binubuo ng 17 artikulo Mga Bahagi Binubuo ng 18 Artikulo Sangay Tagapagpaganap Ang pangulo ay halal ng mga kagawad ng Pambansang Asamblea. (Paraan ng Paghalal) Ang pangulo at pangalawang pangulo ay halal ng mga kwalipikadong botante. Pangulo, Prime Minister, Gabinete (Bumubuo) Pangulo, Pangalawang Pangulo, Gabinete Walang tiyak na taning ang panunungkulan (Katangian) May tiyak na taning ang panunungkulan Pangulo: Simbolikong puno ng estado Prime Minister:Pinuno ng pamahalaan, may kapangyarihang tagapagpaganap sa tulong ng gabinete, commander-in-chief ng (Kapangyarihan) Pangulo: Pinuno ng estado, tagapagpaganap at commander- in-chief ng sandatahang lakas
    • 7 sandatahang lakas, may control sa ministry, humirang ng kawanihan ng sandatahang lakas, suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, ipailalim sa martial law ang bansa, magkaloob ng amnesty sa pagsang-ayon ng pambansang Asamblea Sangay Tagapagbatas Halal ng taumbayan (Paraan ng Paghalal) Halal ng taumbayan Pambansang Asamblea (Bumubuo) Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan Isang Kapulungan (Katangian) Dalawang Kapulungan Paggawa ng batas, pagbubuwis, pagpasa ng laang gugugulin, pagbawi sa kompiyansa sa Prime Minister, paghayag ng pagkakaroon ng kalagayang digma (Kapangyarihan) Paggawa ng batas, pagbubuwis, paglalaan ng gugugulin ng pamahalaan, pagpapahayag ng pagiral ng kalagayang digma *Paalala: Gabayan ang mga mag-aaral na makita at maunawaan ang pagkakaiba sa balangkas ng Sangay Tagapagpaganap at Tagapagbatas ng Saligang Batas 1973 at 1987. Ipaunawa din ang epektong hatid ng pagkakalikha ng Saligang Batas 1973 sa panunungkulan ni Pangulong Marcos. Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong: 1. Artikulo VII at VIII ng Saligang Batas 1973 na katumbas naman ng Artikulo VI at VII ng Saligang Batas 1987. 2. Nabago nito ang balangkas ng pambansang pamahalaan at napalawig ang kanyang termino ng pamamahala. 3. Hayaan ang mga mag-aaral na makapagpasya kung alin sa dalawang Saligang Batas ang sa palagay nila ay mahusay. Tiyakin lamang na ang mga ito ay makapaglalahad ng mga suporta sa kanilang sagot batay sa sanggunian.
    • 8 Kawalan ng Karapatang Pantao Sanggunian 4: 1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang sanggunian- Mga Imahe ng Batas Militar.Ito ay nagpapakita ng ilan sa mga larawang kuha noong umiiral ang batas militar sa bansa. 2. Inaasahang makabubuo ng paglalarawan ang mga mag-aaral buhat sa kanilang sinuri. Gawain 4: Picture Talk 1. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang interpretasyon mula sa larawan. Inaasahang sagot: Larawan A: Ito ay pahayagan na nagpapakita ng pangunahing balita ng pagdeklara ni Pang.Marcos ng Martial Law. Ang saloobin ay maaaring pagkalungkot bunsod ng mga sumunod na epektong dulot nito. Larawan B: Isang babaeng dinadakip na posibleng mamamahayag.Ang saloobin ay maaaring pagkalito at pagkalungkot sa posibleng dahilan ng ginawang pag-aresto. Larawan C: Isang sugatang lalaki na buhat ng mga pulis. Ang saloobin ay maaaring pagkaawa bunsod ng tinamong hirap at sugat ng lalaki. Larawan D: Kilos protesta para sa katarungan kay Ninoy at sa mga biktima ng political repression at military terrorism.Ang saloobin ay pagkaawa sa mga biktima at poot para sa mga militar. Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong: 1. Maaaring nakadama ng pangamba ang mga mamamayan sapagkat di nila batid ang tiyak na mangyayari matapos ipahayag ito. 2. Marahil ang mga mamamahayag ay patuloy na naglalahad ng mga balita na di naiibigan ng pamahalaan.( Ang pagsang-ayon o hindi ng mga mag-aaral sa usaping ito ay batay sa kanilang panuntunan sa buhay.Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral na maunawaan ang kondisyon ng bayan noong panahong iyon .) 3. Hindi.Sapagkat ang pagsasagawa ng mga kilos protesta ay bahagi ng demokratikong sistema na kumikilala sa karapatang makapagpahayag ang mga mamamayan. Oo. Kung ang mga kilos protesta ay nakapagdudulot ng kaguluhan at kapahamakan sa nakararami. 4. Nasupil ang kalayaan at karapatan ng mga mamamayan noong panahon ng Batas Militar.
    • 9 5. Oo. May mga kilos protesta pa rin na isinasagawa sa lansangan upang tutulan ang mga maling gawa ng pamahalaan. Sanggunian 4: 1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Desaparecidos 2. Bigyang diin ang salita sa glosari. 3. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain: Gawain 6: Usap Tayo 1. Pangkatin ang klase.Hayaan ang mga ito na pag-usapan ang kanilang naunawaan mula sa sangguniang binasa. 2. Pasagutan sa bawat pangkat ang mga tanong sa chart matapos ang kanilang talakayan. 3. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na mailahad ang kanilang mga kasagutan sa bawat tanong. Inaasahang Sagot sa Chart: 1. Buong tapang at tatag ng loob na hinarap ni Cecilia Castellar-Lagman ang pagkawala ng kanyang anak.Nakipag-ugnayan din siya sa iba pang pamilya na tulad niya ay nawala din ang mahal sa buhay. 2. Pinalakas ng FIND ang kalooban ng pamilya ng mga desaparecidos.Nagsulong din ito ng panawagan para sa pagsasabatas ukol sa desaparecidos. 3. Pinatunayan nito na mula sa panahon ni Pang.Marcos hanggang sa kasalukuyang pangulo ay may mga naitatalang kaso ng desaparecidos. Paalala: Iugnay sa bilang na ito ang pagkakaroon ng mga tinatawag na extra judicial killing sa kasalukuyang panahon. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang pagkakatulad at pagkakaiba ng sanhi ng pagkawala ng mga tao noon sa kasalukuyan. 4. Oo.Sapagkat sila ay nanindigan sa kanilang mga panawagang pagbabago sa pamahalaan na naging sanhi ng kanilang di maipaliwanag na pagkawala. 5. Hindi.Sapagkat walang tahasang naparusahan at nanagot sa pagkawala ng kanilang mga kapamilya. Gawain 7: Maaalala Mo Pa Kaya? 1. Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng pakikipanayam (interview) sa mga taong nabuhay noong panahong umiral ang batas militar.Gagamiting gabay sa panayam ang katanungan sa modyul. Ang mga kakapanayamin ay maaaring primarya o sekondaryang
    • 10 sanggunian na sa nasabing kaganapan. Hangarin ng gawaing ito na higit pang mapalalim ang paksang tinalakay sa klase.Ang pagkuha ng larawan, video, voice recording, at lagda ng kinapanayam ay higit na makabubuti kung papahintulutan nito. 2. Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang naging karanasan at nakalap na impormasyon mula sa ginawang panayam. Pagtutol sa Batas Militar Sanggunian 6 1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Talambuhay ni Jovito Salonga 2. Bigyang diin ang salita sa glosari. 3. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain: Gawain 8: Siya ang Bida! 1. Ipabuo sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na pangungusap batay sa kanilang naunawaan sa nabasang sipi. Sa bawat pangungusap ay bubuo sila ng limang (5) sariling pangungusap. Dapat matiyak na ang mga idurugtong ng mga mag-aaral sa mga halimbawang pangungusap ay bubuo sa diwa nito at nababatay sa sangguniang binasa. 2. Ipabahagi sa klase ang mga nabuong halimbawa ng mag-aaral. Inaaasahang Sagot Si Senador Jovito R. Salonga noong….. A. panahong umiiral ang Batas Militar sa bansa ay…hayagang kumontra sa diktador na si Pang.Marcos,tumutol sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, pagsupil sa karapatan sa pamamahayag at kawalan ng proseso ng batas, nagsilbing abogado ni Ninoy Aquino at iba pang bilanggong politikal, nagtatag ng Lingap Ministry, tumulong sa paglaya ng bilanggong politikal. B. matapos maganap ang Edsa Revolution ay…itinalaga bilang Chairman ng PCGG ni Pang Corazon Aquino,muling naihalal bilang No. 1 Senador noong 1987, nakalikha ng mga mahahalagang batas, binigyang wakas ang pananatili ng mga dayuhang militar sa bansa C. matapos magretiro sa paglilingkod sa pamahalaan ay…nagtatatag ng Kilos Bayan Foundation, Bantay Katarungan, Bantayog ng mga Bayani Foundation, naglimbag ng mga aklat tungkol sa kanyang mga karanasan, naging editorial board ng Living News and Good Education. Gawain 9: Tuklasin Mo: Pagsasaliksik 1. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, aalamin ng mga mag-aaral ang iba pang personalidad na tumutol sa Batas Militar ni Pangulong Marcos .Alamin ang kanilang mahalagang
    • 11 ginampanan noong panahon ng Batas Militar. Layunin ng gawaing ito na mapalawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa pangyayari. Gagamit ang mga mag-aaral ng iba pang babasahin at internet websites sa gawain. 2. Ilalahad ng mga mag-aaral ang nakalap na datos sa ginawang pagsasaliksik , gamit ang napiling graphic organizer. 3. Ilalahad ng mga mag-aaral sa klase ang kanilang mga gawa bago ipasa sa guro. Gawain 10: Quotable Quotes: 1. Bibigyan ng paliwanag ng mga mag-aaral ang mga winika ng ilan sa mga personalidad na nabuhay ng panahon ng Batas Militar. 2. Ilalahad sa klase ng mga mag-aaral ang kanilang mga gawa. Inaasahang Sagot 1. “The Filipino is worth dying for.” Hindi nakakapanghinayang ibuwis ang buhay para sa bayan at mga kababayan. 2. “All those years of struggle against Marcos, and most especially during those four historic days in February, everyone found out that in the Philippines, the line of fire is the place of honor” Isang karangalan sa bayan ang mga taong lumaban at di nag paapi kay dating Pang. Marcos at nakiisa sa makasaysayang EDSA Revolution. 3. “Ngayon ay panahon na ng paglilimi at pag-iisip. Sapat na ang mga hirap na ating dinaranas. Kaya’t panahon na para magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan! Ang kailangan nang mangibabaw ay ang KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT KALAYAAN. Ang mga mapag-api at mapagsamantala ay walang puwang sa lipunang pangarap para sa atin ng Dakilang Lumikha!” Dapat manatili ang KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT KALAYAAN palagi at supilin ang mga mapang-api. Sanggunian 7 1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – : Halaw sa Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Ukol sa ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar. 2. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain:
    • 12 Gawain 11: Three- Minute-Pause 1. Ipabubuo sa mga mag-aaral ang Three- Minute-Pause Chart mula sa sangguniang kanilang binasa. Inaasahang Sagot Ibuod ang mahahalagang puntos/ kaisipan Idagdag ang iyong sariling mga saloobin Magtala ng mga tanong na nangangailangan ng pagpapaliwanag Ayon sa talumpati ng Pangulo Benigno S.Aquino III hindi naging mabuti kailanman ang Batas Militar na pinairal ni dating Pangulong Marcos. Maraming mga naging kaganapan noong panahon ng Batas Militar ang hindi naisiwalat sa tao lalo sa kasalukuyang henerasyon. Paano maituturo nang tama at maayos sa mga kabataan ang tunay na pangyayari ng panahon ng Batas Militar? 2. Ang mga katanungan nabuo ng mga mag-aaral sa kolum 3 ng tsart ay maaaring pasagutan sa mga kamag-aral nito sa pamamagitan ng pamamatnubay ng guro. Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong 1. Nais ni Pang. Aquino III na linawin ang mga maling paniniwala noong Batas Militar, nais niya ring hikayatin ang lahat na huwag kalimutan ang aral ng Batas Militar. 2. Oo. Sapagkat ang mga hindi magandang karanasan ng mamamayan sa mga nakalipas na pangyayari ay hindi na dapat pang maulit at sa halip ay kapulutan ng aral. Produkto/Pagganap. Pagsulat ng Sanaysay. 1. Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang sanaysay tungkol sa Batas Militar at Karapatang Pantao. 2. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang nagawang sanaysay sa isang buong papel. 3. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang gawa sa klase. 4. Mamarkahan ang nagawang sanaysay ng mga mag-aaral gamit ang rubric.
    • 13