4. PANIMULA
Itinatag ang pamahalaang Komonwelt sa
bisa ng Tydings-McDuffie Act. Itinakda nito ang
sampung taong transisyon mula sa pamamahala
ng mga Amerikano sa Pilipinas hanggang sa
pagkamit ng bansa ng minimithing kalayaan.
Magaganap ito sa Hulyo 4, 1946.
5. PANIMULA
Nagsimulang manungkulan si Manuel L.
Quezon, ang nahalal na pangulo at katuwang ang
kanyang pangalawang pangulo na si Sergio
Osmeña Sr. sa pamahalaang Komonwelt.
6. PANIMULA
Habang inihahanda ng mga Pilipino ang bansa sa
nalalapit na ganap na paglaya mula sa mga Amerikano,
sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe.
8. PANIMULA
Noong Setyembre 1, 1939, sinalakay ni Adolf Hitler,
diktador ng Germany at nagtatag ng partidong Nazi ang
Warsaw, Poland. Pagkaraan ng dalawang araw,
nagdeklara ng digmaan ang Great Britain at France laban
sa Germany. Ito ang simula ng pinakamapaminsalang
digmaan sa kasaysayan na pinagtunggalian ng dalawang
magkalabang alyansa: ang Allied Power sa pangunguna ng
Great Britain at France, at ang Axis Power ng Germany,
Italy at Japan.
9. PANIMULA
Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
Asya nang wasakin ng Japan ang Pearl Harbor noong
Disyembre 7, 1941 (sa Pilipinas ay Disyembre 8). Ang
Pearl Harbor ay isa sa pangunahing baseng pandagat ng
United States na matatagpuan sa pulo ng Hawaii na nasa
rehiyong Pacific.
10. PANIMULA
Nasangkot ang Pilipinas sa digmaan nang salakayin
ng pwersang Hapones ang bansa. Binomba ng Japan ang
ilan sa pangunahing lugar sa Pilipinas kabilang na ang
Davao, Baguio, Aparri, Clark Field, Nichols Air Base, at
Sangley Point sa Cavite.
11. PANIMULA
Sa pagdating ni Heneral Masaharu Homma, pinuno
ng hukbong Hapones na lumusob sa Pilipinas, ipinahayag
ng pinuno ng hukbong Amerikano na si Heneral Douglas
MacArthur ang Maynila bilang “Open City”. Idineklara niya
ito noong Disyembre 26. Sa kabila ng pahayag ni
MacArthur, binomba pa rin ng mga Hapones ang Maynila
na ikinawasak ng lungsod at ikinasawi ng maraming
sibilyan.
19. PANIMULA
Sa pagbawi ng mga Amerikano sa Pilipinas mula sa
pamamahala ng mga Hapones, muling ibinalik ang
pamahalaang Komonwelt. Pinalitan ni Osmeña si Quezon
bilang pangulo dahil sa pagpanaw nito sa sakit na
tuberculosis noong Agosto 1, 1944.
20. PANIMULA
Naganap noong Abril 23, 1946 ang pambansang
halalan. Dito nagwagi si Manuel Roxas bilang ikatlo at
huling pangulo ng Komonwelt. Siya rin ang unang pangulo
ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
21. PANIMULA
Noong Hulyo 4, 1946, pinasinayaan ng buong bansa
ang pagkakatatag ng bagong Republika, at ang opisyal na
pagwawakas ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas.
Ibinaba ang watawat ng United States at itinaas naman
ang watawat ng Pilipinas bilang sagisag ng ganap na
kasarinlan ng bansa. Sa araw ding iyon, naganap ang
inagurasyon at panunumpa ni Roxas bilang pangulo sa
Independence Grandstand sa Maynila sa gulang na 54.
Naging pangalawang pangulo ng bansa si Elpidio Quirino.
22. MGA SULIRANIN
1. ang muling pagbangon ng industriya sa Pilipinas,
muling pagpapasigla sa agrikultura at produksyon. Pati
na rin ang paglutas sa mga suliraning pambansa tulad
ng kaso ng kolaborasyon, amnestiya, kapayapaan at
kahirapan.
2. kinalaman sa agrikultura sa pamamagitan ng
pagsasabatas ng Republic Act (R.A.) No. 34. Itinakda
ng batas na ito na magkaroon ng mas maayos na
hatian sa mga produktong naani sa pagitan ng may-ari
ng lupa at ng magsasaka.
3. HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa mga
Hapones) na pangkat ng mga gerilyang Pilipino na
naging kalaban ng pamahalaan ngunit nabigo siyang
ayusin ito.
23. MGA SULIRANIN
4. pagbibigay nito ng espesyal na pribilehiyo sa
pamahalaang Amerikano. Nilagdaan ni Pangulong Roxas
ang mga batas at kasunduan na tuwirang may malaking
kapakinabangan sa United States sa aspektong pangekonomiya at pang-militar. Ang mga ito ay ang Philippine
Trade Act ng 1946 na kilala rin bilang Bell Trade Act, at ang
Military Bases Agreement ng 1947.
25. MGA SULIRANIN
Sinasabi ng kanyang mga kritiko na ang mga batas
at kasunduang may kinalaman sa United States ay mga
kondisyong nararapat na ipagkaloob ng Pilipinas sa
pagbibigay ng mga Amerikanoa sa minimithing kalayaan
ng bansa.
Sa kasawiang palad, hindi natapos ni Pangulong
Roxas ang kanyang termino nang mamatay siya sa isang
heart attack. Ito ay pagkaraan niyang magbigay ng
mensahe sa harap ng US Thirteenth Air Force sa Clark
Field, Pampanga noong Abril 15, 1948. Ipinagpatuloy ni
Elpidio Quirino ang nalalabing termino ni Pangulong Roxas.
26. PANIMULA
Sinasabi ng kanyang mga kritiko na ang mga batas
at kasunduang may kinalaman sa United States ay mga
kondisyong nararapat na ipagkaloob ng Pilipinas sa
pagbibigay ng mga Amerikanoa sa minimithing kalayaan
ng bansa.
Sa kasawiang palad, hindi natapos ni Pangulong
Roxas ang kanyang termino nang mamatay siya sa isang
heart attack. Ito ay pagkaraan niyang magbigay ng
mensahe sa harap ng US Thirteenth Air Force sa Clark
Field, Pampanga noong Abril 15, 1948. Ipinagpatuloy ni
Elpidio Quirino ang nalalabing termino ni Pangulong Roxas.
29. PAMPROSESONG TANONG
1. Tunay ba na naganap ang pagsalakay ng
mga Hapones sa Pilipinas? Kailan ito
naganap?
2. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino
sa pagkakasangkot ng bansa sa digmaan
sa pagitan ng Japan at ng United States?
30. PAMPROSESONG TANONG
1. Tunay ba na naganap ang pagsalakay ng
mga Hapones sa Pilipinas? Kailan ito
naganap?
2. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino
sa pagkakasangkot ng bansa sa digmaan
sa pagitan ng Japan at ng United States?
3. Paano mo mailalarawan ang naging
kondisyon ng mga Pilipinong nakaranas ng
pamamahala ng mga Hapones?
32. MGA ALAALA NG PANANAKOP NG
JAPAN SA PILIPINAS
Inilalarawan sa sipi na isinulat ni Minyong
Ordoñez ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga
Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga
Hapones sa Pilipinas. Nagbalik-tanaw siya sa mga
kaganapan sa bayan ng Majayjay sa lalawigan ng
Laguna. Inilahad din ng may-akda ang ginawang
pagpapatawad ngunit hindi ang paglimot sa isang
di-malilimutang
karanasan
ng
Ikalawang
Digmaang Pandaigdig para sa mga tuwirang
nakasaksi at nakaranas nito. Basahin at unawain
ang sipi.
40. GAWAIN 2. PARA SA AKIN. Kopyahin ang organizer sa kuwaderno.
Magbigay ng sariling saloobin tungkol sa sumusunod na salita sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
41. GAWAIN 3. ARAL NG KASAYSAYAN.
Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Sagutin ang sumusunod.
1. Batay sa akda, ilahad ang naging karanasan ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Hapones. Pangatwiranan ang iyong sagot.
2. Pagkalipas ng 70 taon, sa iyong palagay, napatawad na ba ng mga
Pilipinong nakasaksi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga
Hapones? Patunayan.
3. Kung ikaw ang Pilipinong nakaranas ng pamamahala ng mga
Hapones noong panahon ng digmaan, kaya mo bang magpatawad sa
ginawa ng mga Hapones? Bakit mo nasabi?
4. Ayon sa may-akda, nakalimot na ba ang mga Pilipinong nakaranas
at nakasaksi sa pananakop ng mga Hapones? Patunayan.
5. Maglahad ng iyong mga natutuhan sa mga karanasan ng World War
II kids.
43. PAMUMUHAY AT PERA SA PANAHON NG
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang pamamahala ng mga Hapones mula
1942 hanggang 1945 ay nagdulot ng iba’t ibang
karanasan sa mga Pilipino. Sapilitang binago ng
mga mananakop ang pamumuhay ng mga Pilipino
upang iwaksi ang impluwensiyang Amerikano at
tanggapin ang kanilang pamamahala.
Isa sa hindi mabuting karanasan ng mga
Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Hapones ay
inilalarawan sa political cartoon na hango sa The
History of the Burgis. Unawain ang mga
ilustrasyon sa ibaba at sagutin ang sumusunod na
tanong.
45. GAWAIN 4.
PAGTUKOY SA NILALAMAN NG POLITICAL
CARTOON. Buuin ang blank book sa pamamagitan ng paglalagay ng
hinihinging detalye tungkol sa political cartoon. Para sa unang pangkat,
bigyang-pansin ang Ilustrasyon A. Sa ikalawang pangkat naman ang
para sa Ilustrasyon B.
47. GAWAIN 6. MENSAHE NG POLITICAL CARTOON.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang ipinakikitang pangyayari
sa cartoon?
2. Ano ang mensahe ng cartoon?
3. Sang-ayon ka ba sa mensaheng
nais ipahayag ng cartoonist? Bakit?
4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon,
alin sa mga aspeto ng political
cartoon ang nais mong baguhin?
Ipaliwanag ang dahilan.
49. PERA NG PILIPINAS SA PANAHON NG
MGA HAPONES
Isa sa mahalagang artifact sa panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga
ipinagawang salaping papel na gagamitin sa
pagbili ng pangangailangan ng tao. Nagpalabas
ang mga dayuhang Hapones ng napakaraming
salaping papel na tinawag na Japanese
government-issued Philippine fiat peso o Southern
Development Bank Notes.
50. PERA NG PILIPINAS SA PANAHON NG
MGA HAPONES
Hindi
lubusang
nagamit
ng
mga
mamamayan ang mga naturang salapi sapagkat
halos walang halaga ang mga ito. Dahil dito,
tinagurian ng mga Pilipino ang mga perang ito
bilang “Mickey Mouse Money” kung saan
inihahalintulad ang mga ito sa play money na
walang halaga sa ekonomiya.
51. PERA NG PILIPINAS SA PANAHON NG
MGA HAPONES
Kung pagmamasdan ang salaping papel, gumamit
ang mga Hapones ng “Block Letters” na nakasulat ng pula
at nasa harapan ng salapi. Ang unang titik ay tumutukoy sa
lugar kung saan inilabas ang salapi at ang pangalawang
titik ay ang dami ng salaping inilabas ng pamahalaang
Hapones. Samakatuwid, ang unang titik sa salaping papel
ng Pilipinas ay titik P na susundan ng titik A para sa unang
salaping papel. Titik B para sa pangalawang salaping
papel. Titik C sa pangatlo at sa mga susunod pang titik
para sa mga salaping papel. Sa paglabas ng sumunod na
mga salaping papel para sa 1, 5, 10 at 100 piso,
dinagdagan ng numero ang mga Block Letters.
53. GAWAIN 7. PAGTUKOY SA ARTIFACT.
Sagutin ang tanong sa bawat bilang.
1. Anong mahalagang bagay ang binigyang-diin ng Sanggunian
3?
2. Bakit maituturing na artifact ang nakalarawan sa Sanggunian
3?
3. Aling bahagi ng salaping papel ang nagpapakita kung anong
panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ito ipinalabas at ginamit?
4. Ano ang dalawang patunay na ang “mickey mouse money” ay
inilabas upang gamitin ng mga Pilipino sa pagbili ng kanilang
pangangailangan?
5. Sa five centavo bill, ano ang ibig sabihin ng titik “P” sa salapi?
Ano ang ibig sabihin ng titik “L” sa salapi?
54. GAWAIN 8. PAGSURI NG SANGGUNIAN.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit naglabas ng mga salaping papel ang mga Hapones
noong panahon ng digmaan?
2. Ano ang layunin ng mga Hapones sa paglagay ng larawan ng
bantayog ni Rizal sa ilang salaping papel na kanilang inilabas?
3. Bakit tinawag na mickey mouse money ang mga salaping
papel na inilabas ng mga Hapones?
4. Ano ang pagkakaiba ng halaga ng “mickey mouse money”
noon at sa salapi natin ngayon?
5. Sa paanong paraan mo mapahahalagahan ang salapi na
ibinibigay ng iyong magulang?
58. PAGTATATAG NG REPUBLIKA
MATAPOS ANG DIGMAAN
Sa pagwawakas ng pamamahala ng mga Hapones
sa Pilipinas noong 1945, tuluyang ibinalik ng mga
Amerikano ang Pamahalaang Komonwelt sa bansa.
Sumunod na inihanda ang pagkakaloob ng kasarinlan ng
bansa na itinakda noong Hulyo 4, 1946. Sa araw ding ito,
pinasinayaan ang pagtatatag ng bagong Republika ng
Pilipinas.
59. PAGTATATAG NG REPUBLIKA
MATAPOS ANG DIGMAAN
Sa pagwawakas ng pamamahala ng mga Hapones
sa Pilipinas noong 1945, tuluyang ibinalik ng mga
Amerikano ang Pamahalaang Komonwelt sa bansa.
Sumunod na inihanda ang pagkakaloob ng kasarinlan ng
bansa na itinakda noong Hulyo 4, 1946. Sa araw ding ito,
pinasinayaan ang pagtatatag ng bagong Republika ng
Pilipinas.
Muli nating balikan ang ilang mahahalagang
probisyon ng batas na nagtakda ng kasarinlan ng Pilipinas.
Ang batas na ipinagkaloob ng mga Amerikanong
mambabatas na sina Senador Millard E. Tydings at
Kinatawan John McDuffie. Ito ang Philippine Independence
Law na tanyag sa tawag na Tydings-McDuffie Law.
63. MGA KONDISYON NG KASARINLAN BASE SA PHILIPPINE TRADE
ACT AT MILITARY BASES AGREEMENT
Bago pa man ang inagurasyon ng Ikatlong
Republika at maging isang ganap na malayang bansa ang
Pilipinas, inaprubahan na ng United States at ng Pilipinas
ang Philippine Trade Act na kilala rin sa tawag na Bell
Trade Act noong Abril 30, 1946.
64. MGA KONDISYON NG KASARINLAN BASE SA PHILIPPINE TRADE
ACT AT MILITARY BASES AGREEMENT
Hinango ang katawagan ng nasabing batas kay
Congressman C. Jasper Bell na nagpanukala nito sa
Kongreso ng United States. Kung babalikan, ang katatapos
na Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagdulot ng
malawakang pinsala sa pamumuhay at kabuhayan ng mga
Pilipino. Sa mga sang-ayon sa Philippine Trade Act, isang
magandang simula ito para sa bansa dahil binubuksan nito
ang malaking oportunidad na muling itaguyod ang
ekonomiya sa pamamagitan ng mahusay na ugnayang
pangkalakalan ng Pilipinas at United States.
65. MGA KONDISYON NG KASARINLAN BASE SA PHILIPPINE TRADE
ACT AT MILITARY BASES AGREEMENT
Sa kabilang dako, naging isang malaking isyu ang
pag-apruba sa Philippine Trade Act. Marami ang hindi
sang-ayon dahil sa pagkakaloob sa mga Amerikano ng
pantay na karapatang gamitin, linangin at paunlarin ang
likas na yaman ng Pilipinas. Tinawag ito bilang “Parity
Rights”. Bukod dito, Ipinahayag ng U.S. na hindi
maipagkakaloob ang halaga para sa bayad - pinsala nang
walang kasunduang pangkalakalan na tulad ng Bell Trade
Act.
86. TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODULE
Inilarawan ng mga primaryang sanggunian ang
naging kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pamamahala ng Japan
sa bansa. Ang hindi malilimutang karanasan ng mga
tuwirang nakasaksi sa pagmamalupit ng mga dayuhan ay
patuloy na ipinaaalala ng mga salaysay at biswal na
sanggunian na binigyang-diin sa modyul na ito.
Sa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946, muling naharap sa panibagong
pakikibaka ang mga Pilipino sa pagtaguyod ng isang
nagsasariling bansa. Isa sa mga ito ay ang mga probisyon
ng mga batas at kasunduang tinanggap ng pamahalaan ni
Pangulong Roxas ay nagbigay ng kapaki-pakinabangan sa
mga Amerikano sa aspetong pang-ekonomiya at
pangmilitar.
87. TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODULE
Sa susunod na modyul, tatalakayin ang iba pang
hamon na kinaharap ng mga Pilipino sa pagsisimula ng
Ikatlong Republika. Dalawa sa mga ito ay ang suliranin sa
lupa at ang paghahangad ng mga magsasaka sa makamit
ang kanilang mga karapatan.