q3, m1
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

q3, m1

on

  • 24,551 vues

 

Statistiques

Vues

Total des vues
24,551
Vues sur SlideShare
24,550
Vues externes
1

Actions

J'aime
13
Téléchargements
405
Commentaires
10

1 intégré 1

https://twitter.com 1

Accessibilité

Catégories

Détails de l'import

Uploaded via as Adobe PDF

Droits d'utilisation

© Tous droits réservés

Report content

Signalé comme inapproprié Signaler comme inapproprié
Signaler comme inapproprié

Indiquez la raison pour laquelle vous avez signalé cette présentation comme n'étant pas appropriée.

Annuler
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Votre message apparaîtra ici
    Processing...
  • Hi, Sir Jared! Can I have the complete title of this module? I'm interested since my blog The Filipino Scribe was cited twice during the lesson about benevolent assimilation. Ilalagay ko lang sa credentials ko. :)
    Are you sure you want to
    Votre message apparaîtra ici
    Processing...
  • thank you sir jared
    Are you sure you want to
    Votre message apparaîtra ici
    Processing...
  • ttnnnnxxx.... :)
    Are you sure you want to
    Votre message apparaîtra ici
    Processing...
  • its great for the creative and knowledge you share with us.....
    Are you sure you want to
    Votre message apparaîtra ici
    Processing...
  • ALLAH IS GREAT!!Sukran at nakita q narin ito...may ituturo na aq
    Are you sure you want to
    Votre message apparaîtra ici
    Processing...
Poster un commentaire
Modifier votre commentaire

q3, m1 q3, m1 Document Transcript

  • 1 Yunit 3 Kilusan Para sa Kasarinlan sa Ilalim ng Imperyalismong Amerikano Markahan Ikatlo Modyul 1 Ang Pananakop ng United States sa Pilipinas Mga Paksa 1. Imperyalismo at Layunin ng United States na nakasaad sa Proklamasyong Benevolent Assimilation at iba pang sanggunian. 2. Posisyon ng Anti-Imperialist League. 3. Posisyon ng Republika. 4. Kaugnayan ng Adhikain ng Unang Republika sa Kasalukuyan. 5. Digmaang Pilipino-Amerikano Mga Kakayahan 1. Nauugnay ang impormasyon sa timeline sa konteksto ng mga primaryang sanggunian 2. Naipaliliwanag kung paano naapektuhan ng kontekstong historical ang nilalaman, perspektiba at kahalagahan ng iba-ibang pag-aaral sa digmaan at mga sanggunian 3. Naipaliliwanag ang posisyon ng iba’t ibang panig tungkol sa digmaan ng Pilipinas para sa kalayaan: ang pamahalaang Amerikano, ang Republika ng Pilipinas, at ang American Anti-Imperialist League 4. Natutukoy ang mga basehan, pagkakatulad at pagkakaiba ng mga posisyon ng bawat panig tungkol sa pananakop Pilipinas 5. Nasusuri sa pamamagitan ng pagsagot sa mga graphic organizer ang katangian at mensahe ng cartoon ukol sa Benevolent Assimilation: ang mga simbolo, talinghaga (metaphor), balintuna ( irony), at stereotype 6. Naipaliliwanag ang basehan ng reaksyon ni Aguinaldo sa proklamasyong Benevolent Assimilation 7. Nailalahad sa sariling pagtingin ang mga nilalaman ng sipi 8. Natataya ang kahalagahan ng mga primaryang sanggunian at sekundaryang sanggunian sa pag-aaral ng digmaan 9. Naipaliliwanag ang kahulugan ng imperyalismo at ang papel nito sa kasaysayan ng Pilipinas 10. Nakabubuo ng konsepto ng mga katangian at mga pamamaraan sa paghubog sa sarili bilang isang mapanuring mamamayan na may mataas na pagpapahalaga sa tungkulin at kalayaan Bilang ng oras Pito (7)
  • 2 Panimula Matapos ang 333 taong paghahari’t pananakop ng Spain sa Pilipinas ay ipinahayag ang kalayaan nito noong ika-12 ng Hunyo, 1898 ni Emilio Aguinaldo. Sa kauna- unahang pagkakataon para sa mga Pilipino ay kanilang naiwagayway ang bandila, tinugtog ang pambansang awit at binasa ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Pagsapit ng Enero 1899, pitong buwan matapos ang pagdedeklara ng kalayaan, pinasinayanan ng Saligang Batas ng Malolos ang Republika. Nagsumikap ang pamahalaang Pilipino na makilala at igalang ang ating kasarinlan ng ibang bansa. Subalit naging kapansin-pansin na bagamat paunti-unting lumilisan mula sa Pilipinas ang dating mananakop ay siya namang pananatili at higit pagdami ng bilang ng mga sundalong Amerikano. Bilang reaksyon, ipinadala ng Pilipinas si Felipe Agoncillo bilang kinatawang diplomatiko sa United States. Ngunit isang lihim na Kasunduan ang naganap sa pagitan ng United States at Spain noong ika-10 ng Disyembre, 1898. Ito ay kinilala bilang Kasunduan sa Paris. Dito nakasaad ang paglilipat ng mga kolonya ng Spain, kasama ang Pilipinas, sa kamay ng United States kapalit ng halagang 20, 000, 000 dolyar. Imperyalismo at United States: Manifest Destiny Sa pagsapit ng mga huling bahagi ng ika-19 na siglo ang Spain ay nasadlak sa samu’t saring mga suliranin at usaping domestiko. Lubos na naapektuhan ang kakayahan ng bansa upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa mga sakop na teritoryo (kolonya) partikular sa bahagi ng Pasipiko. Sa kabilang dako, ang United States ay nagsisimulang kumilos at magpalakas ng kanyang pwersa. Ang pagkakasangkot nito sa isang digmaan sa may bahagi ng Cuba noong 1895, isang kolonya ng Spain, ay ang hudyat ng kanyang intensyong makilahok sa paligsahan upang maging isang “pandaigdigang kapangyarihan”. Sa pagsabog ng barkong Maine ng America na nasa pantalan ng Havana, Cuba ay ang nagbigay-daan sa Digmaang Amerikano-Kastila. Itinuturing ng mga Amerikano na nakatadhana sa kanila ang pagkakaroon o pagbuo ng isang imperyo. Naniniwala ang ilan sa kanila na nakaatang sa puting lahi ang pagsakop sa mga bansa upang turuan ang mga ito na maging sibilisado. Kuha ng barkong Maine, ilang sandail bago ang pagsabog. (File: USS Maine ACR-1 in Havana Harbor before explosion.jpg.2012. http://www.navsource.org/archives/01/maine.htm Bisitahin sa web at basahin ang artikulo The World of 1898: The Spanish-American War; Chronology of Cuba in the Spanish-American War. June 22, 2011. http://www.loc.gov/rr/hispanic/1898/chroncuba.html;
  • 3 Nakaatang sa kanila ang misyong proteksyonan at arugain ang mga mahihinang bansa (White man’s burden), tulad ng Pilipinas at Cuba, mula sa pang-aalipin ng mga mas makapangyarihang bansa. Nais din nila na palaganapin ang ideya ng malayang pamamahala (demokrasya)tulad ng umiiral sa kanilang bansa. Ang mga ito ay bahagi ng konsepto ng tinatawag nilang “Manifest destiny”. Matutunghayan sa isang editorial cartoon sa may bahaging kanan ang ilan sa mga proganda ng United States sa pagpapalaganap ng kabuuang saloobin ukol sa manifest destiny. Ang Anti-Imperialist League Taliwas sa paniniwala ng marami, ang United States ay hindi lubusang nakikiisa sa imperyalistang tunguhin ni Pangulong William Mckinley. Noong ika-15 ng Hunyo, 1898 sa New England, isang pangkat na binubuo ng mga di sang-ayon sa imperyalismo ang nagsama-sama sa Faneuil Hall, Boston sa imbitasyon ni Gamaliel Bradford, isang kilalang repormista mula sa Boston. Pagkatapos ng pulong na ito, isang komite ang binuo upang tuluyang labanan ang imperyalismo na nagbigay-daan sa pagsilang ng “Anti- Imperialist League” noong ika-19 ng Nobyembre, 1898. Isa sa mga unang pagkilos nila, ay ang pangangalap ng 50, 000 pirma sa loob lamang ng tatlong buwan upang tutulan ang ratipikasyon ng Kasunduan sa Paris ngunit sila ay nabigo. Sa paglabas Benevolent Assimilation ni Pangulong William Mckinley, nagpalabas din sila ng mga kontra – kampanya kaugnay nito sa pamamagitan ng mga babasahin at political cartoon ( makikita sa kaliwang bahagi) kung saan tinuligsa ang mga hakbangin na ito ni Pangulong Mckinley. Imperialism+cartoon.jpg.2012. http://2.bp.blogspot.com/- s5OXwow6I2s/TlnhB1XPWWI/AAAAAAAALGU/P orYxYj2KJM/s1600/Imperialism%2BCartoon.jpg Manifest Destiny : paniniwala ng mga Amerikano na sila ang itinadhana ng diyos upang magpalaganap ng demokrasya at gawing sibilisado ang mga bansa sa mundo. Basahin ang “Readings in the History of Filipino Society” ni Erlinda Dizon, et al. pahina 100-113. Para sa iba pang detalye tungkol sa political cartoon at Anti-Imperialist League, bisitahin ang Anti-Imperilaism. May 2007. https://wikis.nyu.edu/ek6/modernamerica/index.p hp/Imperialism/Anti-imperialism
  • 4 Ang mga kasapi ay binubuo ng mga manunu- lat, peryodista, intellektual, politiko, abogado, taga- pangulo ng iba’t ibang sektor tulad ng pagsasaka at manggagawa. Ilan sa mga kasapi ng Anti-Imperialist League Carl Schurz: mugwumps o indipendienteng politico, senador Wiiliam Jenni ngs Bryan: kandidato sa pagka-pangulo; Democrat Samuel Gompers: Pangulo ng American Federation of Labor Mark Twain: Pangulo ng Anti- Imperialist League; manunulat Moorefied Storey: abogado; pangulo ng NAACP (national Association for the Advancement of Colored People GeorgeHoar: Senador, republikano
  • 5 Ang Manifesto ng isang Pangulo: Isang Pagtutol. Bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Amerikano ay nagsimula na ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno para sa kalayaan laban sa Spain. Ang alok na tulong ng United States, tulad ng ginawa nito sa Cuba at Puerto Rico, para kay Pangulong Aguinaldo ay daan lamang upang agarang makamit ang minimithing kalayaan. Sa paniniwalang tutuparin ng United States ang kanyang pangako, tinanggap natin ang kanilang pakikipagkaibigan. Subalit, sa paglabas ng proklamasyong Benevolent Assimilation (Mahinahong Pananakop) ni Pangulong William Mckinley dito sa Pilipinas noong ika-4 ng Enero, 1899 sa pamamagitan ni Heneral Elwell Otis nakumpirma ang totoong layunin o motibo ng United States. Isang matibay at matapang na protesta ang ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo noong ika-5 ng Enero, 1899. Digmaan ng Pilipinas at United States Hindi pa man gaanong nagtatagal ang tagumpay ng mga Pilipino sa pagkakamit ng kalayaan ay naharap muli ang batang Republika sa panibagong hamon. Naging palaisipan ang pananatili ng pwersa ng mga dayuhang Amerikano sa bansa. Dama ang tensyon sa pagitan ng mga Pilipino at mga sundalong Amerikano. Ang dating karamay at kakampi ang siya ngayong bagong banta sa kalayaan. Ang insidente sa Tulay ng San Juan del Monte noong ika-4 ng Pebrero, 1899 na nauwi sa pagkakapaslang ni Private William W. Grayson, isang sundalong Amerikano, sa isang Pilipinong tumatawid sa tulay ang naging hudyat ng simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tunghayan ang timeline sa ibaba para sa mga mahahalagang kaganapan sa Digmaan sa pagitan ng Pilipinas at United States. First Shot of the War, Feb. 4, 1899San Juan Del Monte Bridge.2006. http://philippineamericanwar.webs .com/manilatolagunadebay.htm Basahin ang Batayang-Aklat “Pilipinas, Isang Sulyap at Pagyakap”, mga pahina 169-176 at 180-186.
  • 6 TIMELINE Proklamasyon ng Unang Republika ng Pilipinas (Kawit, Cavite) padidioni.wordpress.com Ang Pagsilang at kampanya ng Anti- Imperialist League http://johnedwinmason.typepad.com/john_e dwin_mason_photogra/2012/03/white-mans- Kasunduan sa Paris: sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya www.philippineamericanwar.w... Proklamasyong Mahinahong Pananakop Sa Pilipinas http://rightonthemark.wordpress.com/tag/william- mckinley/ HUNYO 12, 1898 NOBYEMBRE 19, 1898 DISYEMBRE 10, 1898 ENERO 4, 1899
  • 7 Insidente sa Tulay ng San Juan del Monte Pvt. William W. Grayson http://philippineamericanwar.webs.com/filamwarbreakso ut.htm Pag-atake ni Hen. McArthur sa mga Pilipino sa San Juan Del Monte www.arkibongbayan.org Pagbagsak ng Malolos, kapital ng Republika, kay McArthur www.philippineamericanwar.w... Pagpaslang kay Antonio Luna ng mga Kapwa Pilipino www.yasni.com PEBRERO 4, 1899 PEBRERO 5, 1899 MARSO 31, 1899 HUNYO 5, 1899
  • 8 Kasunduang Bates: Muslim ng Mindanao at Estados Unidos www.freewebs.com Kabayanihan sa Pasong Tirad: Hen.. Gregorio del Pilar filipino.biz.ph Pagkakabihag kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela www.philippineamericanwar.w... AGOSTO 20, 1899 DISYEMBRE 2, 1899 MARSO 23, 1901
  • 9 Pagsusuri ng Larawan. Tingnan at suriin ang mga larawan sa loob ng kahon. Sagutin ang mga tanong sa tsart: Pamprosesong Tanong  Itala ang mga bagay at kaisipan na makikita sa kahon sa itaas.  Ang mga ito ba ay likas sa kulturang Pilipino? Bakit?  Saang bansa ang pinagmulan ng mga nasa larawan ?
  • 10  Paano nakapasok ang mga ito sa kulturang Pilipino? Pananakop ng United States sa Pilipinas Imperyalismo at Layunin ng United States na nakasaad sa Proklamasyong Benevolent Assimilation at iba pang sanggunian Si William Mckinley, pang-25 pangulo United States, ang kasalukuyan noong nanunung- kulan nang ang ating bansa ay mapasailamim sa United States of America. Pangulong William Mckinley, ES Noong ika-21 ng Disyembre, 1898, Ipinalabas ni Mckinley ang kanyang proklamas- yong Benevolent Assimilation kung saan isinaad ang saloobin ng United States sa pagsakop sa ating bansa. Isang kopya ng binagong bersyon nito ay ipinadala ni Gen. Elwell Otis kay Pangulong Emilio Aguinaldo noong ika-4 ng Enero, 1899 upang mas maging katanggap-tanggap sa mga Pilipino ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Gayunpaman, nanatili ang paninindigan ni Aguinaldo sa pagpapatuloy ng kanyang malayang Republika. Isang buwan ma tapos ipahayag ang proklamasyon ay sumiklab ang Digmaang Pilipino at Amerikano. Gen. Elwell Otis, Gobernador – Militar ng Pilipinas http://rightonthemark.wordpress.com/tag/willi am-mckinley/ “Let us ever remember that our interest is in concord, not in conflict; and that our real eminence rests in the victories of peace, not those of war.” “The mission of the United States is one of benevolent assimilation.” www.us7thcavcof.com Basahin ang Proklamasyon ni Hen. Otis sa weblink: Gen. Merritt’s proclamation of Governance 4 January 1899. January 13, 2012 . http://www.humanitiesweb.org/spa/hdi/ID/144
  • 11 Sanggunian 1 Benevolent Assimilation Proclamation by United States President William McKinley Executive Mansion, Washington December 21, 1898 In performing this duty the military commander of the United States is enjoined to make known to the inhabitants of the Philippine Islands that in succeeding to the sovereignty of Spain, in severing the former political relations, and in establishing a new political power, the authority of the United States is to be exerted for the securing of the persons and property of the people of the islands and for the confirmation of all their private rights and relations. It will be the duty of the commander of the forces of occupation to announce and proclaim in the most public manner that we come, not as invaders or conquerors, but as friends, to protect the natives in their homes, in their employments, and in their personal and religious rights. All persons who, either by active aid or by honest submission, co-operate with the Government of the United States to give effect to these beneficent purposes will receive the reward of its support and protection. All others will be brought within the lawful rule we have assumed, with firmness if need be, but without severity, so far as possible. Within the absolute domain of military authority, which necessarily is and must remain supreme in the ceded territory until the legislation of the United States shall otherwise provide, the municipal laws of the territory in respect to private rights and property and the repression of crime are to be considered as continuing in force, and to be administered by the ordinary tribunals, so far as practicable. The operations of civil and municipal government are to be performed by such officers as may accept the supremacy of the United States by taking the oath of allegiance, or by officers chosen, as far as practicable, from the inhabitants of the islands. While the control of all the public property and the revenues of the state passes with the cession, and while the use and management of all public means of transportation are necessarily reserved to the authority of the United States, private property, whether belonging to individuals or corporations, is to be respected except for cause duly established. The taxes and duties heretofore payable by the inhabitants to the late government become payable to the authorities of the United States unless it be seen fit to substitute for them other reasonable rates or modes of contribution to the expenses of government, whether general or local. If private property be taken for military use, it shall be paid for when possible in cash, at a fair valuation, and when payment in cash is not practicable, receipts are to be given.
  • 12 Pinagkunan: The Filipino Scribe. Benevolent Assimilation Proclamation of 1898. November 16, 2012. http://rightonthemark.wordpress.com/tag/william-mckinley/ * This proclamation has been printed many times, in various government publications, e.g., War Department Report, 1899, vol. I, pt. 4, pp. 355-6; Senate Document 208, 56th Congress, 1st Session (1900), pp. 82-3, etc. All ports and places in the Philippine Islands in the actual possession of the land and naval forces of the United States will be opened to the commerce of all friendly nations. All goods and wares not prohibited for military reasons by due announcement of the military authority will be admitted upon payment of such duties and other charges as shall be in force at the time of their importation. Finally, it should be the earnest wish and paramount aim of the military administration to win the confidence, respect, and affection of the inhabitants of the Philippines by assuring them in every possible way that full measure of individual rights and liberties which is the heritage of free peoples, and by proving to them that the mission of the United States is one of substituting the mild sway of justice and right for arbitrary rule. In the fulfillment of this high mission, supporting the temperate administration of affairs for the greatest good of the governed, there must be sedulously maintained the strong arm of authority, to repress disturbance and to overcome all obstacles to the bestowal of the blessings of good and stable government upon the people of the Philippine Islands under the free flag of the United States. Glosari Sovereignty – kapangyarihan Confirmation – pagpapatibay Conquerors – mananakop o Manlulupig Lawful rule – ayon sa batas Severity – tindi Ceded territory – isinukong teritoryo Legislation – batas Repression – pagkakapigil o pagkakalupig Supremacy – pangingibabaw Glosari Oath of allegiance –panunumpa ng katapatan Cession – kompromiso Heretofore – dati rati o noon Earnest wish – maalab na nais Paramount – pinakamahalaga Liberties – mga kalayaan Mild sway of – banayad na ugoy Arbitrary rule – hindi makatwi- rang panuntunan Temperate – mahinahon Sedulously – masigasig Bestowal - pagkakaloob
  • 13 Gawain 1 A Iyong Alamin. Punan ng tamang impormasyong nakuha at nahinuha ang mga cloud callout mula sa binasang sipi sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong. 1. Sino ang sumulat ng sipi (proklamasyon)? Kailan ito naisulat at ipinahayag sa United States? Sa Pilipinas? 2. Para kanino ang proklamasyong ginawa ng Pangulo ng United States? (Para sa 3 a-e, gamitin ang mga bahagi ng sipi na nasa kahon upang mapunan ang hinihinging impormasyon.) 3. Ano ang mga mahahalagang punto na nilalalaman ng proklamasyon tungkol sa: a. Kapangyarihan ng United States : b. Dahilan ng pananakop ng United States: .... in succeeding to the sovereignty of Spain.... the authority of the United States is to be exerted for securing of the persons and property of the people of the islands and for the confirmation of all their private rights and relations.... .... there must be sedulously maintained the strong arm of authority, to repress disturbance and to overcome all obstacles to the bestowal of the blessings of good and stable government upon the people of the Philipppine Islands under the free flag of the United States. .... (Americans) we come, not as invaders or conquerors, but as friends, to protect the natives in their homes, in their employments, and in their personal and religious rights…. …. it should be the earnest wish and paramount aim of the military administration to win the confidence, respect, and affection of the inhabitants of the Philippines by assuring then in every possible way that full measure of individual rights and liberties…. And by proving them that the mission of the United States is one of substituting the mild sway of justice and right for arbitrary rule….
  • 14 c. Patakaran ng United States sa pamahalaan at pagbabayad ng buwis d. Patakaran ng United States sa mga pagmamay-ari ng lupa sa Pilipinas at mga pribadong indibidwal: e. Ugnayang panlabas at kalakalan: Gawain 1B Think Tank. Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ipahayag ang iyong nararamdaman o saloobin ukol dito. 1. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa at masuri ang proklamasyon ni Pangulong MciKinley? Bakit? 2. Kapani-paniwala ba ang mga dahilan ni Pangulong McKinley tungkol sa kanilang pananakop sa ating bansa? Bakit? .... operations of civil and municipal governments are to be performed by such officers as may accept the supremacy of the United States by taking the oath of allegiance.... .… the taxes and duties ….become payable to the authorities of the United States …. the control of all public property and the revenues of the state… the use and management of all public means of transportation are necessarily reserved to the authority of the United States, private property, whether belonging to individuals or corporations, is to be respected except for a cause duy established. …. if private property be taken for military use, it shall be paid for when possible in cash, at a fair valuation, and when payment in cash is not practicable, receipts are to be given. All ports and places in the Philippines Islands in the actual possession of the land and naval forces of the United States will be opened to the commerce of all friendly nations. All the goods and wares not prohibited for military reasons …. will be admitted upon payment of such duties and other charges as shall be in force at the time of their importation….
  • 15 3. Maituturing mo ba na tunay na kaibigan ng Pilipinas ang United States? Bakit? 4. Ano ang ipinahiwatig ng Benevolent Assimilation sa ating bansa? Gawain 2A Face Off. Magdaos ng isang debate ukol sa “Benevolent Assimilation Proclamation: Nakabuti o nakasama sa Pilipinas?” Rubrics: Face Off (Debate) Pamantayan Napakahusay (3 puntos) Mahusay (2 puntos) Nagsisimula (1 punto) Posisyong pinili 20% Natukoy nang malinaw ang kalabasan ng posiyong pinili Natukoy ang posisyon subalit may ilang kalalabasang posisyon ang hindi malinaw Hindi malinaw ang posisyon Batayan ng mga pahayag 25% Ibinatay sa datos ng kasaysayan. Ibinatay sa kultura, kinagisnang paniniwala o instinct Ibinatay sa nararamdaman o emosyon Kaugnayan ng mga pahayag sa paksa 30% Ang mga pahayag ay nagpapamalas ng lubos na pagkaunawa sa posisyon o argument May ilang pahayag na walang kaugnayan sa paksa Ang mga pahayag ay napapamalas ng walang pagkaunawa sa paksa Paninnindigan sa posisyong pinili 25% Matatag ang paninindigan sa posisyong pinili May kaunting agam- agam sa posisyong pinili Hindi napanindigan ang posisyong pinili
  • 16 Maging ang United States ay nahati sa dalawang panig (pro-imperialist at anti- imperialist) dulot ng usapin sa pananakop sa mga dating kolonya ng Spain partikular ang Pilipinas. Ang political cartoon na ito ay isa lamang sa maraming lumabas na political cartoons noong 1898 na naglalarawan sa Benevolent Assimilation (Mahinahong Pananakop) ni Pangulong McKinley sa Pilipinas. Sanggunian 2 Pinagkunan: 1898 US Political Cartoon.19 August 2010. History of the Philippines (1898-1946: Wikis. Benevolent Assimilation. http://www.thefullwiki.org/History_of_the_Philippines_(1898%E2%80%931946) 1898 US Political Cartoon. US President William McKinley is shown holding the Philippines, depicted as a savage child, as the world looks on. The implied options for Mckinley are to keep the Philippines, or give back to Spain, which the cartoon compares to throwing a child off a cliff.
  • 17 Gawain 3 Tala-isipan. Tukuyin at itala ang mga tauhan, bagay at mga salita na makikita mula sa cartoon. A. Bigyan ng kahulugan o simbolismo ang mga tinukoy na tauhan, bagay at mga salita mula sa cartoon. Isulat ang pakahulugan sa mga kahon. Mga tauhan at bagay Salita o parirala http://www.thefullwiki.org/History_of_the_Philippines_(1898 %E2%80%931946) 1. 2. 3. 4. 5. 6.
  • 18 B. Isulat ang emosyon ng bawat tauhan at bigyan ito ng kahulugan. Pumili mula sa nakatalang emosyon. C. Ano ang mensahe ng cartoonist sa kanyang likhang ilustrasyon? Ikaw ba ay umaayon sa kanyang mensahe? Bakit? Gawain 4 Poli-Toon . Gumuhit ng sariling political cartoon na nagpapakita ng iyong saloobin bilang isang Pilipino tungkol sa Benevolent Assimilation o Mahinahong Pananakop ng United States sa iyong bansa. Ibahagi ito sa klase. (Maaring gawing gabay ang rubric sa pagsasaalang-alang sa pagbuo ng sariling political cartoon). http://www.thefullwiki.org/History_of_the_Philippines_(1898 %E2%80%931946) 1. 2. 3.  Agam-agam sa pagbuo ng desisyon  Pangungumbinsi at pagmamalasakit  Pag-uusisa o kuryusidad  Pangangamba sa kapalaran  Takot sa maaring mangyari
  • 19 Rubric: Poli-Toon (Political Cartoon) Pamantayan Napakahusay (4 PUNTOS) Mahusay (3 PUNTOS) Nalilinang (2 PUNTOS) Nagsisimula (1 PUNTO) Nilalaman at kaugnayan sa Paksa (30%) Lubhang nakaakma sa paksa ang larawang naiguhit. Akma sa paksa ang larawang naiguhit. Bahagyang umakma sa paksa ang naiguhit na larawan. Walang kaugnayan sa paksa. Simbolong ginamit (20%) Lahat ng simbolong ginamit ay malinaw, orihinal at makabuluhan sa larawan/ karikatura. Marami sa mga simbolong napili ay may kabuluhang nagamit sa paglalarawan ng karikatura. Ilan lamang sa mga simbolong napili ang makabuluhang nagamit sa karikatura. Walang kahulugan at di maunawaan ang mga simbolismong ginamit. Kahusayan sa pagguhit at pagkamalikhain (20%) Napakahusay ng pagkakaguhit. Lahat ng simbolo ay napagsama- sama ng maayos. Mahusay ang pagkakaguhit, may 1-2 mga salita at mga simbolo ang hindi napagsama- sama ng maayos. Nagpapakita ng sariling pananaw. Medyo mahusay ang pagkakaguhit, may 3-4 na mga salita at mga simbolo ay hindi napagsama- sama ng maayos. Walang sariling opinyong ipinakita Walang kahusayan ang pagkakaguhit. Lahat ng mga salita at mga simbolo ay pilit na pinagsama- sama kahit hindi maayos. Walang konseptong nais ipahiwatig. Pagpapaliwanag at Pagbibigay kahulugan (20%) Naihatid ng larawan ang mensahe sa paraang pagpapatawa. May analohiya ang larawan sa konseptong nais iparating. Gumamit ng 3 at higit pang sanggunian. Maayos ang paliwanag at kakikitaan ng paghahanda. Gumamit ng 2 sanggunian. Bahagyang naibigay ang paliwanag at kinakitaan ng kakulangan sa paghahanda at pagsasaliksik. Gumamit ng 1 sanggunian . Walang kaayusan ang paliwanag. Walang paghahanda at pagsasaliksik. Hindi gumamit ng sanggunian. Kalinisan at anyo ng gawa (10%) Malinis ang pagkakagawa. Malinaw ang lahat ng detalye. Naaangkop ang Malinis ang 75% na karikatura. May ilang bahagi ang marumi. May ilang Malinis ang 50% ng karikatura. May malaking bahagi ang marumi at hindi 25% lamang ang malinis na gawa. May detalyeng Malabo at lampas ang
  • 20 kulay ng larawan. detalye na wala sa larawan. Gumamit ng kulay. nabura ng maayos. May mga detalyeng malabo ang pagkakaguhit. Kulang ang mga kulay na ginamit. pagkakaguhit. Walang kulay na ginamit sa karikatura. Posisyon ng Anti-Imperialist League Ang polyeto ay isang manipis at maliit na librong di pa nabubuo bilang isang materyal dahil wala pang ibang bahagi ng isang libro. (Dito iguhit ang iyong political cartoon ) (Dito isulat ang cartoon caption)
  • 21 Isa sa mga paraan ng pagpapalaganap o kampanya ng mga kasapi ng Anti-Imperialist League laban sa imperyalismo ay ang pagdaraos ng mga pagpupulong. Kasama na rin dito ay ang pamamahagi nila ng mga iba’t ibang lathalain o mga babasahin. Suriin ang pabalat (cover) ng polyetong inilimbag ng Anti-Imperialist League. Sanggunian 3 Pinagkunan: Anti-Imperialism. Anti-Imperialism Movement 1898 – 1900.May 02, 2007. https://wikis.nyu.edu/ek6/modernamerica/index.php/Imperialism/Anti-imperialism Pabalat ng isang polyetong ginamit ng Anti-Imperialist League Glosari Govern – makangyayari, pamahalaan Consent – pahintulot White man – amerikano Self-government – pagsasarili o kasarinlan sa pamamahala Despotism – paniniil Reliance – pananalig o tiwla Liberty – kalayaan Heritage – pamana Retain – panatilihin Treason – pagtataksil
  • 22 Gawain 5A Think Tank. Pagsusuri sa pabalat ng polyeto ng Anti-imperialist League Lagyan ng label ang mga bahagi ng pabalat (cover) ng polyeto. Gamiting gabay ang mga label na nakalista. halimbawa: 1. Saan ginamit ang polyeto? 2. Kailan nalimbag at ginamit ang polyeto? 3. Sino ang naglathala o naglimbag ng polyeto? Gawain 5B Sa Iyong Palagay. Buuin ang tsart. Punan ng tamang impormasyon batay sa mga nakikita sa pabalat ng polyeto. 1. Ano ang layunin ng Anti-Imperialist League sa paglathala ng kanilang mga polyeto na naglalaman ng winika ng dating Pangulong Abraham Lincoln at Patrick Henry? 2. Bakit gumamit ng mga polyeto ang mga kasapi ng Anti-Imperialist https://wikis.nyu.edu/ek6/modernamerica/index.php/Imperialism/An ti-imperialism Pang-ilang Serye o bilang ng polyeto?
  • 23 League? 3. Mabisa ba ang paggamit nila ng polyeto sa kampanya laban sa imperyalismong itinaguyod ni Pangulong McKinley? Bakit? 4. Nakabuti ba o nakasama ang posisyon ng Anti-Imperialist League sa Pilipinas? Pangatwiranan. Pangkatang Gawain: Bigyan ng kahulugan ang mga nakasulat na winika ni Pangulong Lincoln (a at b). Pumili ng isang kinatawan upang magbahagi sa klase. a. Pangkat 1: “No man is good enough to govern another man without that other’s consent. When the white man governs himself, that is self-government; but when he governs himself and also governs another man, that is more than self-government – that is despotism.” b. Pangkat 2: “Our reliance is in the love of liberty, which God has planted in us. Our defense is in the spirit which prizes liberty as the heritage of all men in all lands, everywhere. Those who deny freedom to others, deserve it not for themselves, and under a just God cannot long retain it.
  • 24 Rubric : Pangkatang Gawain Pamantayan Napakahusay (4) Mahusay (3) Nalilinang (2) Nagsisimula (1) Kaalaman sa Paksa (30%) Higit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan, wasto at magkaka-ugnay ang mga impormasyon sa kabuuan Nauunawaan ang paksa; ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad ngunit di-wasto ang ilan; may ilang impormasyon na hindi maliwanag ang pagkakalahad. Hindi gaanong naunawaan ang paksa. Hindi lahat na pangunahing kaalaman ay nailahad; may mga maling impormasyon at hindi naiugnay ang mga ito sa kabuuang paksa. Hindi naunawaan ang paksa; ang mga pangunahing kaalaman ay hindi nailahad at natalakay; walang kaugnayan ang mga pangunahing impormasyon sa kabuuang Gawain. Pinaghalawan ng Datos (20%) Binatay sa iba’t ibang saligan ang mga kaalaman Ibinatay sa ibat’ibang mga saligan ang mga impormasyon ngunit limatado lamang. Ibinatay lamang ang saligan ng impormasyon sa batayang aklat lamang. Walang batayang pinagkunan at ang mga impormasyon ay gawa-gawa lamang. Organisasyon (20%) Organisado ang mga paksa at sa kabuuan maayos ang presentasyon ng Gawain ang pinagsama- samang ideya ay malinaw na naipahayag at natalakay gamit ang mga makabuluhang graphic organizers. Organisado ang mga paksa sa kabuuan at maayos na presentasyon ngunit di masyado nagamit ng maayos ang mga graphic organizers. Walang interaksyon at ugnayan sa mga kasapi. Walang malinaw na presentasyon ng paksa. May graphic organizers ngunit hindi nagamit; nagsilbing palamuti lamang sa pisara. Di organisado ang paksa. Malinaw na walang preparasyon ang pangkat. Presentasyon (30%) Maayos ang paglalahad. Namumukod tangi ang pamamaraan; Maayos ang paglalahad may ilang kinakabahan at may kahinaan Simple at maikli ang presentasyon. Ang paglalahad ay hindi malinaw. Walang gaanong preparasyon.
  • 25 malakas at malinaw ang pagsasalita sapat para marinig at mainitindihan ng lahat. ang tinig. Gawain 5C Info-Ad Gumawa ng isang campaign poster na naglalarawan ng pagtutol o pakikiisa sa adhikain ng Anti-Imperialist League. Mga kagamitan: 1 buong cartolinang puti at mga pangkulay (Gamitin ang rubric sa pagtataya sa paggawa ng campaign poster) Pamantayan Napakahusay (3) Mahusay (2) Nagsisimula (1) Nilalaman (20%) Naipapakita at naipaliliwanag ng maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster May kakulangan sa maayos na nagpapaliwanag sa ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster Hindi naipaliwanag ng maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster Kaangkupan ng Konsepto (20%) Maliwanag at angkop sa paggawa ng Poster May kakulangan sa mensahe sa paglalarawan ng konsepto Hindi maliwanag at hindi angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto Orihinalidad (10%) Orihinal ang konsepto sa paggawa ng poster May kakulangan sa orihinal na konsepto o paksa sa paggawa ng poster Walang orihinalidad sa konsepto at paksa sa paggawa ng poster Kabuuang presentasyon (25%) Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon May bahaging may kakulangan sa aspeto ng kalinisan at kaayusan ng kabuuang presentasyon Hindi malinis at maayos ang kabuuang presentasyon Pagkamalikhain (25%) Gumamit ng tamanag kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang nilalaman, konsepto ng Hindi gaanong gumamit ng tamang kombinasyon ng Hindi gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang
  • 26 mensahe kulay upang maipahayag ang nilalaman, konsepto at mensahe maipahayag ang nilalaman, konsepto at mensahe Posisyon ng Republika Bilang tugon ni Pangulong Aguinaldo sa pinahayag ni Pangulong McKinley at sa proklamsyon ni Hen. Otis ay nagpalabas siya ng isang manifesto nang sumunod na araw. Dito, sinagot niya ang isyu tungkol sa pang-aangkin ng United States sa Pilipinas. Itinuturing na ito ay katumbas ng isang protesta at deklarasyon ng digmaan laban sa United States. Ang manifesto ay isang lantarang pahayag o deklarasyon sa publiko ng isang pangulo, hari, pamahalaan, o katawan ng mga tao. Ito rin ay naglalaman ng katwiran o paninindigan ng samahan, sektor o pangkat hinggil sa isyu o pangyayari. Basahin at unawain ng mabuti ang manifesto ni Pangulong Aguinaldo at sagutin ang mga sumusunod na Gawain. Sanggunian 4 Manifesto ni Emilio Aguinaldo General Otis is proclaimed Military Governor of the Philippines and I protest a thousand times and with all the force in my soul against such pretension. I solemnly declare that neither in Singapore nor in Hongkong nor in Manila did I agree to recognize verbally nor in writing, American domination over our beloved country. I declare that while I was transported to Cavite on board one of their naval vessels, I immediately made known in a Manifesto addressed to the Filipinos, my determination to wage war against Spain to win our independence. I reiterated this on the day when for the first time, I hoisted our flag, the emblem of our legitimate aspirations. In the Manifesto of General Merritt addressed to the Filipinos a few days before he called upon the Spaniards to leave Manila, he said that he did not ignore the noble objective that we wanted to attain; he also declared clearly and without any conditions that the land army and navy of the United States came to the Philippines to deliver us, like in Cuba, from the Spanish yoke. Natives and foreigners have witnessed that American soldiers have rendered publicly on many occasions, military honors to our flag, recognizing us as belligerents. As it is stated in the Proclamation of General Otis that in accordance with the instructions of the President of the United States they will be engaged in the internal administration of the archipelago. I protest in the name of God, based upon justice and law, that I have been visibly designated to lead my countrymen in the task for their regeneration against this American intrusion. I also protest in the name of all the people in the Philippines; these people have chosen me to lead their destiny; my duty is therefore to fight until my last breath for her independence.
  • 27 Pinagkunan: Filipino.biz.ph. Philippine Culture. The Philippine-American War. Gen. Emilio Aguinaldo’s Manifesto of Jan 5, 1899. 2009 http://filipino.biz.ph/history/aguinaldo-manifesto.html Gawain 6 InBOx Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Buuin ang “inbox” o INformation BOX (organizational chart) sa pamamagitan ng pagpupuno ng mga impormasyon sa mga kahon. A. Nilalaman SANGGUNIAN 3 Sino ang may-akda ng dokumento? Kailan ito isinulat at naipahayag? Para kanino ang dokumento? Anong uri ng dokumento ito? For the last time, I protest again, because of my former relations with the Americans who conducted me from Hongkong to Cavite not to wage war against the Spaniards for their benefit but for us, against their unexpected claim to dominate us. And it is for this, my dear countrymen you should understand that in the end, united by indissoluble ties, we will not retrogress from the glorious way which is open to us. Emilio Aguinaldo Glosari Depicts – nangangahulugan ng o naglalarawan Manifesto – proklamasyon, pahayag Sovereignty – kapangyarihan Tantamount – katumbas Solemnly – mataimtim o taos-puso Predecessor – hinalinhinan Subverting – mapabagsak
  • 28 B. Batay sa sipi, ano ang naging tugon ng may-akda sa sumusunod na isyu? Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Soberanya o kapangyarihan ng United States sa Pilipinas 2. Panunungkulan ni Hen. Otis bilang Gobernador-Militar ng Pilipinas 3. Pahayag kay Pangulong Aguinaldo sa Singapore at Hong Kong 4. Pagtulong ng US sa Pilipinas na makalaya sa Spain Itala ang mga mahahalagang pangyayari na nabanggit sa manifesto ni Pangulong Aguinaldo ayon sa kanilang petsa ng pagkakaganap. (Maari ring sumangguni sa nakaraang modyul tungkol sa Digmaang Pilipino- Espanyol hanggang sa pagpapahayag ng kalayaan) May 24, 1898 Hunyo 12, 1898 C. Sa iyong palagay. 1. Ano ang damdamin ng may-akda sa kanyang manifesto? Ibigay ang mga salitang magpapatunay dito. 2. Maituturing ba na ang manifesto ay isang: a. Protesta? Bakit? b. Deklarasyon ng digmaan? Bakit? 3. Sang-ayon ka ba sa manifesto? Bakit?
  • 29 Kaugnayan ng Adhikain ng Unang Republika sa Kasalukuyan Nalaman mula sa manifesto ni Pangulong Aguinaldo ang kanyang matatag na paninindigan sa pagtupad ng pangunahing adhikain ng Republika- ang panatilihin itong nagsasarili at malaya sa pananakop ng anumang bansa; nasisiguro at nagbabantayan ang mga karapatan ng bawat mamamayan; at nakapamumuhay ng tahimik at maunlad. Sa katunayan, ang adhikaing ito ang patuloy na inspirasyon ng marami sa mga naging pinuno ng ating bansa maging sa kasalukuyan. Tulad na lamang sa isang talumpati ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa ika-114 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 2012 sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan. Basahin at sagutin ang mga tanong sa “InBOX”. Sanggunian 5 Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Sa ika-114 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan [Inihayag sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan, noong ika-12 ng Hunyo, 2012] (1) Noon pong nakaraang taon, nagtipon tayo sa Kawit, Cavite, sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan unang iwinagayway ang ating bandila. Doon, unang kumumpas ang martsang Lupang Hinirang, sabay sa pintig ng puso ng mga rebolusyunaryong Pilipinong, sa wakas, ay kalag na sa tanikala ng mga dayuhan. Doon, unang pinasinayaan ang karapatang makapamuhay nang malaya at nagsasarili ang bansang Pilipinas. (2) Ngayong umaga, ginugunita natin dito sa simbahan ng Barasoain—ang duyan ng ating Saligang Batas—ang ika-isandaan at labing-apat na taon ng proklamasyon ng kalayaan. Dito nagtipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang probinsya upang magkasundo kung paano aarugain at payayabungin ang ipinaglaban nilang kalayaan. Dito itinatag ng Kongreso ang Unang Republika ng Pilipinas, gayundin ang pagpapatibay at pagpapatunay sa Konstitusyon ng Malolos, ang unang Republikanong Konstitusyon sa kabuuang Asya. Dito, napagpasyahan nilang panghawakan ang kinabukasan ng ating bansa, at patunayan sa mundong ang Pilipinas ay para sa Pilipino. (3) Noon pa man, mulat na ang ating mga ninuno sa prinsipyong bumubuhay sa ating demokrasya: ang ganap na kapangyarihan ay nagmumula at angkin ng sambayanang Pilipino, kaya’t sa kapakanan ng Pilipino rin ito dapat nakatuon. Pumili sila ng mga kinatawan, hindi para maghari at pagsilbihan, kundi para mamuno at itimon ang bansa tungo sa tamang direksyon, at paglingkuran ang karaniwang mamamayan.
  • 30 Pinagkunan: Pres. Aquino’s Speech on the Celebration of 114th Independence Day. June 12, 2012. http://arlene1956.wordpress.com/2012/06/12/pres-aquinos-speech-on-the-celebration-of-114th-independence-day/ (4) Nang nagpunta sa Malolos ang pitumpung kinatawan mula sa iba’t ibang probinsya, pangunahing bitbit nila ay ang mga adhikain ng sarili nilang mga lalawigan, at ang pangarap ng nag-iisang bayan. Inuna nila ito kaysa sa personal nilang interes. Nakaatang sa kanilang balikat ang obligasyon na isulat ang mga alituntunin na sinang-ayunan ng taumbayan, upang magsilbing gabay kung paano sila mamumuhay at makikitungo nang tama, patas, at makatarungan sa isa’t isa. (5) Hindi nila tayo binigo. Matagumpay nilang ipinunla ang isang saligan na bukal ng katarungan, magtatanggol at magtataguyod ng kabutihan, at sisiguro sa pantay na karapatan para sa lahat. (11) Sa susunod na taon, ipagdiriwang natin ang proklamasyon ng araw ng kalayaan sa Pinaglabanan. At ang plano po natin ay sunod na gunitain ito sa Visayas, at maging sa Mindanao. Bakit taun-taon tayong lumilipat sa iba’t ibang makasaysayang lugar? Upang iparamdam na ang ating kasarinlan ay hindi lamang nangyari sa Kawit, o dito sa Malolos, o sa Luzon lamang. Angkop lamang na maramdaman ng bawat Pilipino—mula sa mga pinakaliblib na bulubundukin, hanggang sa pinakamalalayong isla, kasama na rin ang mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibayong dagat—na ang ipinagdiriwang tuwing ika- labindalawa ng Hunyo ay selebrasyong pambansa; na ang diwa nito ang araw-araw na nagpapaalab sa adhika nating maging malaya. (12) Tunay na demokrasya para sa lahat ng Pilipino: ito ang kaluluwa ng ating Konstitusyon; ito ang dugong dumadaloy sa puso ng ating malayang Estado. Tangan ang mandato ng Saligang Batas, hindi na natin hahayaang bukbukin, dungisan at gamitin ito ng kahit na sinuman para lamang manlamang sa kapwa at magpakasasa sa kapangyarihan. (13) Ito ang ipinapaalala sa atin ng Barasoain Church. Noong 1898, nagtipon ang ating mga ninuno dito sa Malolos upang itindig at patibayin ang ating Republika. Ito rin ang nangyari noong 1986 sa EDSA nang buwagin natin ang diktadurya. Ganito rin ang naganap sa halalan noong 2010 na nagbigay daan sa ating mga reporma. Patunay ang mga biyaya ng kasaysayan: makakamtan lamang ang tunay na kalayaan kung handa ang bawat isa sa ating magkakalyo ang talampakan, at diligan ng dugo’t pawis ang ating lupang sinilangan. Taas-noo rin tayong maglakbay tungo sa isang Pilipinas na malaya, hindi lamang sa panggigipit ng mga dayuhan, kundi lalo na sa kurapsyon, gutom at kawalang-katarungan. Buwagin natin ang bartolina ng kadamutan at pagkakanya-kanya; kumalag tayo mula sa tanikala ng pagbabatuhang-sisi at pagwawalang-bahala. Ito ang kahulugan ng tunay na kalayaan.
  • 31 Pamprosesong Tanong “InBOX!” 1. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan ang nasa talumpati? 2. Ano ang ginampanan ng ating mga ninuno sa pagkamit ng kalayaan? 3. Ano ang mga hamon o hadlang sa kalayaan sa kasalukuyang panahon? 4. Paano ka makikiisa sa pagtaguyod ng mga adhikain ng kasalukuyang Republika?
  • 32 Gawain 6D Pagsulat ng Manifesto. Ipagpalagay na ikaw ay kinatawan ng mga mag-aaral sa panahon ng pananakop ng United States. Punan ang mga patlang ng mga hinihinging impormasyon upang mabuo ang manifesto. Digmaang Pilipino - Amerikano 1. Ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP), dating kilala bilang National Historical Institute (NHI), ang komisyon na may tanging kapangyarihang maglagay at kumilala sa mga lugar na pinangyarihan ng mga makasaysayang kaganapan sa ating bansa. Ako, bilang mag-aaral, mamamayan, at higit sa lahat ay anak ng bayang Malaya – Republika ng Pilipinas, ay lubos na ______________ (tinututulan/sinasang-ayunan) ang sumusunod na probisyon ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ________ na ipinahayag nina Pangulong William McKinley ng United States of America at Hen. Elwell Otis. Ipinahahayag ko rin ang aking __________________________( pagsang- ayon / di pagsang-ayon) sa mga argumento ni Pangulong Emilio Aguinaldo na : ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ At bilang pagmamahal at pagmamalasakit sa bayang aking tinubuan, ako si ________________ (pangalan), mula sa bayan ng ____________________ (lungsod) kinatawan ng mga mag-aaral ng __________________ (paaralan) ay patuloy na ipaglalaban ang pananatili ng katahimikan, kaayusan at higit sa lahat ay kalayaan sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan : ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ _____________________________ Pangalan at lagda
  • 33 Sa panulukan ng Sociego at Silencio, distrito ng Sta. Mesa sa Maynila ay makikita ang dalawang panandang pangkasaysayan, ang isa na nakasulat sa Ingles at isa ay sa wikang Pilipino. Ang “markers” na ito ay orihinal na nakalagay sa lungsod ng San Juan simula ng 1941. Ngunit sa bisa ng resolusyon (Board Resolution No 7, serye 2003). na inilabas ng NHI, inilipat ito noong 2003 sa kanya ngayong kasalukuyang lokasyon sa Sta. Mesa. Nilalaman nito ang isang makasaysayang pangyayaring naganap sa tulay ng San Juan del Monte. Sanggunian 6 Para sa iba pang detalye tungkol sa “Board Resolution No. 7, s. 2003” at mga historical markers ng Unang Putok sa Digmaang Pilipino-Amerikano” bisitahin ang weblink: National Registry of Historic sites and Structures in the Philippines. Retrieved November 16, 2012. From http://nhcphistoricsites.blogspot.com/search/label/S ites%2FEvents Panandang Pangkasaysayan Unang Putok sa Digmaang Filipino-Amerikano
  • 34 Pinagkunan: National Historical Commission of the Philippines. National Registry of Historic Sites and Structures in the Philippines. 2012. http://nhcphistoricsites.blogspot.com/search/label/Sites%2FEvents Gawain 7A Tala-isipan Pagsusuri sa Panandang Pangkasaysayan: Unang Putok ng Digmaang Pilipino-Amerikano. 1. Sumapi sa pangkat at suriin ang nilalaman ng mga palatandaan. Sagutin ang mga tanong na nasa tsart. TANONG SAGOT NILALAMAN 1. Ano ang pamagat ng pananda? 2. Anong petsa (oras, araw, buwan at taon) ang makikita sa pananda? 3. May nabanggit bang mga pangalan (historical actor) ng tao at lugar sa pananda? Itala ang mga ito. PAGSASAKONTEKSTO 1. Ano ang naging hudyat sa pagsisimula ng Digmaang Pilipino- Amerikano?
  • 35 Gawain 7B Sa Iyong Palagay. Ano-ano ang naging bunga ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa Pilipinas at United States? Sa isang papel, gumuhit ng bubble speech at isulat ang sagot. Sa iyong palagay, may tunay bang nagwawagi sa digmaan? Ipaliwanag. BUNGA NG DIGMAAN Para sa panig ng United States, Para sa panig ng Pilipinas,
  • 36 Paglalapat (Mini-performance) Pagsulat ng Reflection. Balikan ang mga sanggunian sa modyul. Sumulat ng isang reflection sa iyong journal batay sa sumusunod na tanong. 1. Anong aral ang iyong natutuhan sa pananakop ng United States sa Pilipinas? 2. Bakit kailangang pangalagaan ang pagiging malaya ng ating bansa? 3. Bakit mahalaga na hubugin ang sarili bilang isang mapanuring mamamayan? 4. Ano ang iyong papel na gagampanan upang mapangalagaan ang kalayaan ng bansa? 5. Aling pagpapahalaga o katangian ang dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan? Sumangguni sa tseklis. Katangian Taglay Ko 1. Pansariling pananagutan 2. Disiplinang pansarili 3. Pagkamagalang 4. Katapangan 5. Paggalang sa karapatan ng kapwa 6. Paggalang sa batas 7. Katapatan 8. Pagkakaroon ng bukas na kaisipan 9. Bukas sa pakikipag-ayos at kompromiso 10. Tiyaga 11. Kamalayang pansibiko 12. Pakikiramay (compassion) 13. Patriyotismo (Gamitin ang rubric sa pagtataya sa paggawa ng repleksyon) Rubric: Repleksyon Pamantayan Napakahusay ( 4 puntos) Mahusay (3 puntos) Nalilinang (2 puntos) Nagsisimula (1 punto) Pagkakilala sa Sarili (40%) -Maliwanag na natukoy at nailarawan ang kalakasan, kahinaan, at pagkalito sa mga bagay na nangangailangan ng paglilinaw at maipaliwanag ang mga dahilan kung -Natukoy ang kalakasan, kahinaan, at pagkalito sa mga bagay na nangangailangan ng paglilinaw subalit hindi gaanong naipaliwanag ang mga dahilan -Natukoy ang kalakasan, kahinaan at pagkalito sa mga bagay na nangangailanagn ng paglilinaw subalit hindi naipaliwanag ang dahilan kung bakit naganap ang mga -Hindi natukoy nang malinaw ang mga kalakasan, kahinaan at pagkalito. Walang paliwanag kung bakit naganap ang mga ito -Hindi nailahad nang maliwanag ang mga tanong at isyung nalutas at hindi nalutas
  • 37 bakit naganap ang mga ito -Maliwanag na nailahad ang lahat ng mga tanong at isyung nalutas at hindi nalutas -nakagawa ng konkreto at akmang konklusyon batay sa pansariling pagtataya kung bakit naganap ang mg ito. -Maliwanag na nailahad ang marami sa mga tanong at isyung nalutas at hindi nalutas -Makagawa ng konkulsyon batay sa sariling pagtataya ito. -Maliwanag na nailahad ang ilang sa mga tanong at isyung nalutas at hindi nalutas -ang konklusyon ay hindi naipahayag nang malinaw -Walang ibinigay na konklusyon Kakayahang Humarap sa Suliranin (60%) -Tapat na inilahad ang tagumpay at kabiguan nang may bukas na kaisipan sa pamamagitan ng konkretong halimbawa -Malinaw na inilalarawan ang paraan ng pagkatuto at mga ekspektasyon -naipaliliwanag nang epektibo ang pagapapahalaga, kaisipan at damdamin tungkol sa sarili, kamag- aral at kalagayan ng paggawa -masidhi ang naising makapagbago -Inilahad ang tagumpay at kabiguan na may bukas na isipan subalit wlang konkretong halimbawa -Inilarawan ang paraan ng pagkatuto at ekspektasyon -Naipaliwanag ang pagpapahalaga at damdamin tungkol sa sarili, kamag-aral at lalagayan ng paggawa -Bukas ang isipan sa pagbabago -Inilahad ang tagumpay at kabiguan nang pahapyaw lamang -Hindi gaanong inilarawan ang mga paraan ng pagkatuto at ekspektasyon -Binggit lamang at hindi ipinaliwanag ang pagpapahalaaga, kaisipan at damdamin tungkol sa sarili, kamag-aral at kalagayan ng paggawa -May pagnanais na magbago -Inilahad ang tagumpay at kabiguan -Hindi bumanggit ng paraan ng pagkatuto at ekspektasyon -Hindi binanggit ang mga pagpapahalaga, kaisipan at damdamin tungkol sa sarili, kamag-aral at kalagayan ng paggawa -Walang ipinahiwatig na naising magbago.
  • 38 Transisyon sa susunod na Modyul Bagaman hati ang United States sa isyu ng imperyalismo at nakahanap ang Pilipinas ng kakampi sa mga kasapi sa Anti-Imperialist League ay nabigo pa rin na pigilan ang tuluyang pananakop sa ating bansa. Sa susunod na modyul ay pag-aaralan mo ang mga primaryang sanggunian tungkol sa pagpapatupad ng Pilipinisasyon, mga mahahalagang batas na nagtatakda ng patakarang kolonyal at pagsupil sa nasyonalismong Pilipino.