SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  7
Télécharger pour lire hors ligne
1
Grado 7 Mga Saksi ng Kasaysayang Pilipino
Markahan 1 Sinanunang panahon hanggang sa pagtatag ng kolonyang
Espanyol
Modyul 1 Pagpapakilala sa primaryang sanggunian
Gawain 1. Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian
2. Limitasyon ng mga sanggunian
3. Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian
Oras Lima (5)
MODYUL SA PAGKATUTO
Pangkalahatang Ideya
Paano natin nalalaman ang mga nangyari at nangyayari? Sa sarili nating
buhay, umaasa tayo sa iba-ibang pinagmulan ng impormasyon katulad ng
personal na liham, email o text sa cell phone, litrato, at kwento ng kaklase o
kaibigan. Tungkol naman sa nagaganap o naganap sa bansa, umaasa tayo sa
dyaryo, telebisyon at radyo para sa balita, o kaya sa kwento ng ating mga
magulang at guro. Lahat ng mga ito ay sanggunian ng impormasyon na ating
ginagamit upang maunawaan ang isang isyu o pangyayari, magdesisyon tungkol
sa isang bagay, at lumahok sa iba’t ibang gawain sa bahay, paaralan, at lipunan.
Tatalakayin nitong modyul ang mga uri, anyo, limitasyon at kahalagahan ng mga
sanggunian sa araw-araw na buhay at sa kasaysayan.
Anuman ang natitira mula sa nakaraan, katulad ng sulat o larawan, ay
itinuturing na primaryang sanggunian, maging sa personal na buhay o sa buhay
ng bansa. Bilang bakas ng nakaraan, ang primaryang sanggunian ay katibayan na
may nangyari. Kung wala ang sangguniang ito, hindi natin matitiyak na may
naganap, saan at kailan ito naganap, kung ano ang nangyari at kung sino ang
naroroon.
Dahil ang primaryang sanggunian ay gawa ng aktuwal na saksi ng
pangyayari, nagbibigay ito ng buhay at kulay sa kasaysayan. Halimbawa, sa
liham, talaan sa araw-araw (diary), larawan, awit o dyaryo, nararanasan,
nararamdaman o nakikita ang damdamin at kaisipan ng mga gumanap at ang
kapaligiran ng kanilang panahon. Kung gayon, ang pag-aaral ng kasaysayan
gamit ang primaryang sanggunian ay nagdudulot ng sariwa, bago o naiibang
pagkakaunawa ng nakaraan na hindi kadalasang nakukuha sa teksbuk at ibang
libro.
Sa taong ito, pag-aaralan mo ang iba’t ibang primaryang sanggunian upang
lalong maunawaan ang kasaysayan ng Pilipinas.
Gawain 1. Kahulugan ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian
1. Paano mo nalalaman ang nangyari o nangyayari sa buhay? Isipin
ang lahat ng paraan at ibahagi ito sa klase. Halimbawa, paano mo nalaman na
may ikinasal na kamag-anak, o nanalo si Manny Pacquiao sa laban sa Las Vegas,
o itinatag ang Katipunan? Isulat ang sagot sa patlang.
2
2. Tingnan ang lahat ng mga sagot. Maaari bang ikategorya ang mga
ito ayon sa kung ang pangyayari ay direktang nasaksihan o nabalitaan sa iba?
Gamitin ang organizer sa ibaba.
3. Ang nakasaksing pinagmulan ng impormasyon ay tinatawag na
primaryang sanggunian, samantalang ang pinagmulan ng impormasyong galing
sa iba ay sekundaryang sanggunian.
4. Alin sa mga sanggunian sa ibaba ang primarya at sekundarya?
Lagyan ng tsek ang nararapat na kolom.
Sanggunian Primarya Sekundarya
Bandila
History of the Filipino People, aklat ni Teodoro
Agoncillo
Pahayagan
Litrato
Artikulo ni Ambeth Ocampo tungkol kay Rizal
5. Makikita sa mga halimbawa sa itaas na iba-iba ang anyo ng mga
primaryang sanggunian, kung ito ay pasulat, pasalita, nakalarawan at iba pa.
Tingnan ang mga anyo at halimbawa sa ibaba at magdagdag ng iyong halimbawa.
Nasaksihan	
  
Nalaman sa
iba
Uri ng Sanggunian
Primarya
Salaysay ng taong nakasaksi ng
pangyayari
Sekundarya
Salaysay ng isang di nakasaksi ng
pangyayari ngunit nalaman ito mula sa
isang saksi o sa sekundaryang
sanggunian
3
Anyo ng Sanggunian Halimbawa Iba pang Halimbawa
Nakasulat dyaryo
Pasalita teyp ng talumpati
Biswal litrato
Awdyo-biswal pelikula
Digital email
Kumbinasyon ng mga
ito
talaang may
larawan
6. Para sa historyador, pinakamahalaga ang impormasyong galing sa
isang saksi dahil direkta nitong nakita o naranasan ang naganap.
Gawain 2. Limitasyon ng mga Sanggunian
1. Bagamat ang isang sanggunian ay pinagmulan ng impormasyon, ito
ay may limitasyon. Isipin, halimbawa, na manunuod ang klase ng isang konsyerto,
laro ng basketbol, o pista ng bayan—kung gayon, lahat ng estudyante ay
primaryang sanggunian. Talakayin sa iyong pangkat ang mga sumusunod na
tanong.
a. Pare-pareho kaya ang isasalaysay ng lahat tungkol sa pangyayari?
b. Anu-ano ang mga salik na makaaapekto sa pagbuo ng salaysay ng
bawat isa? Ilista ang mga salik na ito.
2. Iulat ang sagot sa klase. Base sa mga sagot, anu-ano ang nakikita
mong limitasyon ng primaryang sanggunian?
Mga Limitasyon ng Primaryang Sanggunian
• Hindi gaanong naalala ng saksi ang mga detalye ng pangyayari
•
Primaryang Sanggunian
•  Katibayan ito na may naganap
dahil nandoon o naranasan
mismo ng saksi (may-akda) ang
nangyari.
Sekundaryang Sanggunian
•  Kwento ito base sa sinulat o
sinabi ng iba at hindi ng nakasaksi
mismo.
• kung saan ako nakapwesto (sa bandang harapan, malayo, sa likod
ng malaking sound system, poste o matangkad na tao).
•
•
•
4
•
•
3. Ngayon isipin naman na hindi ka nakapanuod ng konsyerto, laro o
pista at nakibalita ka lamang sa isang nakapanuod—samakatwid, ikaw ay
sekundaryang sanggunian. Ipalagay na isa lang sa klase ang nakapanuod ng
naganap. Isusulat niya ang kanyang salaysay at malalaman mo ang nangyari sa
isa sa dalawang paraan:
a. Mula sa kwento ng kaklaseng nakapanuod (primaryang sanggunian)
b. Mula sa salaysay ng kaklaseng nakuwentuhan (sekundaryang
sanggunian)
4. Sumama ka sa grupong iaatas ng iyong guro.
a. Pangkat A—grupong mananatili sa silid: Pakinggan ang kwento ng
nakapanuod ng pangyayari.
b. Pangkat B—grupong lalabas ng silid habang nakikinig ang pangkat
A sa kwento ng saksi.
5. Pagkatapos marining ng Pangkat A ang salaysay ng saksi, bumalik
ang Pangkat B sa klase. Pakinggan ng lahat ang salaysay mula sa Pangkat A.
6. Ngayon pakinggan naman ang salaysay ng saksi at ikumpara mo ito
sa salaysay ng Pangkat A. Pareho ba ang kwento ng saksi at ng Pangkat A? Bakit
pareho (o magkaiba)?
7. Kung gayon, anu-ano ang limitasyon ng sekundaryang sanggunian?
Ilista ang mga ito sa ibaba.
Mga Limitasyon ng Sekundaryang Sanggunian
• Lahat ng mga limitasyon ng mga primaryang sanggunian +
• Maaaring binago ng may-akda ng sekundaryang sanggunian ang detalye ng
pangyayari
•
•
8. Bukod sa nabanggit na limitasyon ng primarya at sekundaryang
sanggunian, mayroon ding mga limitasyon na may kinalaman sa pangangalaga at
pagpapanatili ng mga sanggunian. Tingnan ang mga limitasyon sa ibaba at
magbigay ng halimbawa ng sanggunian sa bawat limitasyon.
Hindi tumatagal, madaling masira o mapunit:
Nabubura:
5
9. Paano makaaapekto ang mga limitasyong ito sa pag-aaral ng
nakaraan? Magbigay ng isang epekto.
Dahil ito, mahalagang pangalagaan ang primaryang sanggunian.
Gawain 3. Kaugnayan at Kahalagahan ng Primaryang Sanggunian
1. Isipin ang sumusunod na scenario.1
Nais malaman ng historyador sa darating na siglo
ang buhay ng kabataang Pilipino ngayon: kung anu-ano
ang hilig at lifestyle (uri ng pananamit, paboritong
pagkain, libangan), ang karanasan sa pamilya, paaralan,
mga kaibigan, pagtingin sa relasyon o ugnayang
panlipunan, mga paniniwala at pangarap sa buhay, mga
personal na problema, at ang pagtingin sa pag-aaral,
trabaho, at ibang aspeto ng buhay.
2. Bagamat babasahin ng historyador ang mga nasulat na ng ibang
mga historyador tungkol sa kabataang Pilipino, ang pag-aaral ng kasaysayan ay
base sa mga primaryang sanggunian.
1
Halaw ito sa “Seeing Myself in the Future’s Past” ni Ruth W. Sandwell, “Using Primary
Documents in Social Studies and History,” p. 299 <http://www.learnalberta.ca/
content/sspp/html/pdf/using_primary_documents_in_social_studies_and_history.pdf> Accessed
November 2011.
Kadalasang tinatapon:
Nawawala:
Nasunog, nabasa:
Kumukupas ang kulay:
Kinain ng insekto:
Nasa ibang bansa o malayong lugar:
6
3. Maglista ng primaryang rekord o sanggunian tungkol sa kabataan.
• Text message
•
•
•
•
4. Sumali sa isang pangkat upang gawin ang mga sumusunod.
a. Basahin ang mga sagot ng iyong kagrupo at pumili ng sangguniang
nagbibigay ng pinakamahalaga o pinakamaraming impormasyon sa
historyador tungkol sa buhay ng kabataan.
b. Sagutin ang tsart sa ibaba.
Sanggunian Ano ang
matututunan ng
historyador
tungkol sa akin?
Ano ang
mahihinuha ng
historyador tungkol
sa buhay ng mga
kabataan?
Ano ang
limitasyon ng
sanggunian?
c. Alalahanin ang kaibahan ng pagkuha at paghinuha ng impormasyon.
Halimbawa, isinulat mo sa iyong diary na buwan-buwan kang nanunuod ng
sine, samantalang wala kang halos binanggit na ibang libangan. Mahihinuha ng
mambabasa na libangan mo ang panonood ng sine kahit hindi mo ito direktang
sinabi.
Anu-ano ang mga sinusulat o nililikha ninyo, o ibang rekord tungkol
sa inyo, na maaaring gamitin ng historyador ng siglo-22 bilang
primaryang sanggunin tungkol sa kabataang Pilipino ngayon?
Pagkuha ng impormasyon
•  Kapag direkta itong isinasaad ng
sanggunian
Paghinuha ng impormasyon
•  Kapag hindi ito direktang
isinasaad, kung kaya kailangang
bumuo ng konklusyon hango sa
impormasyon
7
d. Pagbalik-aralan ang mga limitasyon ng primaryang sanggunian na
tinalakay sa Gawain 2 upang masagot ang huling kolum ng tsart.
5. Matapos buuin ng pangkat ang tsart, ibahagi ito at talakayin ang
kahalagahan ng mga primaryang sanggunian sa sariling buhay.
6. Kung iba-iba ang mga primaryang pinagmulan ng impormasyon
tungkol sa buhay ng tao, ganoon din ang mga primaryang sanggunian ng
kasaysayan. Isulat sa graphic organizer ang primaryang sanggunian na
mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa Pilipinas.
7. Bilang takdang-aralin, sumulat ng isang pahinang salaysay tungkol
sa sarili. Gumamit ng tatlong primaryang sanggunian at tukuyin ang mga ito.
Pagtukoy ng Sanggunian
Pangalan ng may-akda, pamagat, detalye ng publikasyon kung
nilimbag ang sanggunian (saan nilimbag, sino ang naglimbag at
kailan)
8. Tingnan ang rubric ng pagmamarka bilang gabay sa pagsulat ng
iyong salaysay.
•  Istatistiko, datos tungkol sa ekonomiya
•  Bilang ng populasyon
•  Patakaran at tuntunin ng pamahalaan
•  Lokasyon ng mga lugar
•  Ang nagaganap araw-araw
•  Pamumuhay ng tao at ugnayan sa lipunan

Contenu connexe

Tendances

Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)Aubrey Arebuabo
 
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang LinggoMODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang LinggoRowie Lhyn
 
Macbeth ni William Shakespeare
Macbeth ni William ShakespeareMacbeth ni William Shakespeare
Macbeth ni William ShakespeareMckoi M
 
Mga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMerland Mabait
 
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfpangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfReychellMandigma1
 
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptxAkdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptxRheaSaguid1
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModulePRINTDESK by Dan
 
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at kataporaMaikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at kataporaClarice Sidon
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaJuan Miguel Palero
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
 
Unang markahang pagsusulit sy 2019 2020
Unang markahang pagsusulit sy 2019   2020Unang markahang pagsusulit sy 2019   2020
Unang markahang pagsusulit sy 2019 2020gemmatitular
 
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptx
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptxDOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptx
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptxGielyn Tibor
 
Filipino 10 teachers guide
Filipino 10  teachers guideFilipino 10  teachers guide
Filipino 10 teachers guideWalter Colega
 
Opinyon o katotohanan
Opinyon o katotohanan Opinyon o katotohanan
Opinyon o katotohanan Rochelle Nato
 
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng KameraMga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng KameraRhianHaylieEfondo
 
Pabalat ng Noli Me Tangere
Pabalat ng Noli Me TangerePabalat ng Noli Me Tangere
Pabalat ng Noli Me TangereDaniel Anciano
 
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Lorelyn Dela Masa
 

Tendances (20)

Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)
 
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang LinggoMODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
MODYUL 1 Filipino 7 aralin1 -Unang Linggo
 
Macbeth ni William Shakespeare
Macbeth ni William ShakespeareMacbeth ni William Shakespeare
Macbeth ni William Shakespeare
 
Mga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa Pilipinas
 
Dula
DulaDula
Dula
 
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdfpangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
pangunahing-at-pantulong-na-kaisipan-worksheet-2.pdf
 
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptxAkdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's Module
 
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at kataporaMaikling pagsusulit sa anapora at katapora
Maikling pagsusulit sa anapora at katapora
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
 
Module 14 pornograpiya
Module 14 pornograpiyaModule 14 pornograpiya
Module 14 pornograpiya
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
 
Unang markahang pagsusulit sy 2019 2020
Unang markahang pagsusulit sy 2019   2020Unang markahang pagsusulit sy 2019   2020
Unang markahang pagsusulit sy 2019 2020
 
Grade 8 (MAGASIN)
Grade 8 (MAGASIN)Grade 8 (MAGASIN)
Grade 8 (MAGASIN)
 
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptx
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptxDOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptx
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA.ppt.pptx
 
Filipino 10 teachers guide
Filipino 10  teachers guideFilipino 10  teachers guide
Filipino 10 teachers guide
 
Opinyon o katotohanan
Opinyon o katotohanan Opinyon o katotohanan
Opinyon o katotohanan
 
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng KameraMga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
 
Pabalat ng Noli Me Tangere
Pabalat ng Noli Me TangerePabalat ng Noli Me Tangere
Pabalat ng Noli Me Tangere
 
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
 

En vedette

Bunawan agricultural high school
Bunawan agricultural high schoolBunawan agricultural high school
Bunawan agricultural high schoolSamantha Smith
 
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...ApHUB2013
 
Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -
Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -
Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -Cathy Princess Bunye
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysayiaintcarlo
 
Banghay aralin sa A.P. II
Banghay aralin sa A.P. IIBanghay aralin sa A.P. II
Banghay aralin sa A.P. IIMark Joseph Hao
 
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoModule 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoNoel Tan
 
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Rain Ikemada Sahagun-Tadeo
 

En vedette (9)

Bunawan agricultural high school
Bunawan agricultural high schoolBunawan agricultural high school
Bunawan agricultural high school
 
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
 
Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -
Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -
Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysay
 
Banghay aralin sa A.P. II
Banghay aralin sa A.P. IIBanghay aralin sa A.P. II
Banghay aralin sa A.P. II
 
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoModule 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
 
Bibliograpi
BibliograpiBibliograpi
Bibliograpi
 
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
 
Lesson plan K12 Araling Panlipunan
Lesson plan K12 Araling PanlipunanLesson plan K12 Araling Panlipunan
Lesson plan K12 Araling Panlipunan
 

Similaire à 1 1a modyul-final_ok

Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)
Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)
Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)R Borres
 
Mga modyul (markahan 1 at 2) (2)
Mga modyul (markahan 1 at 2) (2)Mga modyul (markahan 1 at 2) (2)
Mga modyul (markahan 1 at 2) (2)sandra cueto
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANLiGhT ArOhL
 
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesCompilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesR Borres
 
Compilation of Learning Modules GRADE 7
Compilation of Learning Modules GRADE 7Compilation of Learning Modules GRADE 7
Compilation of Learning Modules GRADE 7Angel Avecilla
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainSCPS
 
Unang Linggo, Ikaapat na Markahan.pptx
Unang Linggo, Ikaapat na Markahan.pptxUnang Linggo, Ikaapat na Markahan.pptx
Unang Linggo, Ikaapat na Markahan.pptxleomacapanas
 
Daily Lesson Log FILIPINO 6_Qquarter1_W1.
Daily Lesson Log FILIPINO 6_Qquarter1_W1.Daily Lesson Log FILIPINO 6_Qquarter1_W1.
Daily Lesson Log FILIPINO 6_Qquarter1_W1.AllyzaFaeDavid1
 
MATANDA AT ANG DAGAT-NOBELA- aralin sa baitang 10
MATANDA AT ANG DAGAT-NOBELA- aralin sa baitang 10MATANDA AT ANG DAGAT-NOBELA- aralin sa baitang 10
MATANDA AT ANG DAGAT-NOBELA- aralin sa baitang 10AUBREYONGQUE1
 
Mapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaMapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaRochelle Nato
 
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptxQ2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptxCha Chie14
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfNang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfAndreaBobis
 
Unang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinUnang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinbenchhood
 

Similaire à 1 1a modyul-final_ok (20)

Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)
Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)
Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)
 
Mga modyul (markahan 1 at 2) (2)
Mga modyul (markahan 1 at 2) (2)Mga modyul (markahan 1 at 2) (2)
Mga modyul (markahan 1 at 2) (2)
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
 
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesCompilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
 
Compilation of Learning Modules GRADE 7
Compilation of Learning Modules GRADE 7Compilation of Learning Modules GRADE 7
Compilation of Learning Modules GRADE 7
 
Balagtasan 2.2 agham at teknolohiya
Balagtasan 2.2 agham at teknolohiyaBalagtasan 2.2 agham at teknolohiya
Balagtasan 2.2 agham at teknolohiya
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
 
Unang Linggo, Ikaapat na Markahan.pptx
Unang Linggo, Ikaapat na Markahan.pptxUnang Linggo, Ikaapat na Markahan.pptx
Unang Linggo, Ikaapat na Markahan.pptx
 
Daily Lesson Log FILIPINO 6_Qquarter1_W1.
Daily Lesson Log FILIPINO 6_Qquarter1_W1.Daily Lesson Log FILIPINO 6_Qquarter1_W1.
Daily Lesson Log FILIPINO 6_Qquarter1_W1.
 
Tiyo Simon.pdf
Tiyo Simon.pdfTiyo Simon.pdf
Tiyo Simon.pdf
 
MATANDA AT ANG DAGAT-NOBELA- aralin sa baitang 10
MATANDA AT ANG DAGAT-NOBELA- aralin sa baitang 10MATANDA AT ANG DAGAT-NOBELA- aralin sa baitang 10
MATANDA AT ANG DAGAT-NOBELA- aralin sa baitang 10
 
Mapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiyaMapanuring pagbasa sa akademiya
Mapanuring pagbasa sa akademiya
 
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptxQ2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
 
DLL_FILIPINO 6_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 6_Q1_W1.docxDLL_FILIPINO 6_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 6_Q1_W1.docx
 
Saklolo manual
Saklolo manualSaklolo manual
Saklolo manual
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
talumpaticoruelabellana.pptx
talumpaticoruelabellana.pptxtalumpaticoruelabellana.pptx
talumpaticoruelabellana.pptx
 
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfNang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
 
Unang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinUnang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralin
 

1 1a modyul-final_ok

  • 1. 1 Grado 7 Mga Saksi ng Kasaysayang Pilipino Markahan 1 Sinanunang panahon hanggang sa pagtatag ng kolonyang Espanyol Modyul 1 Pagpapakilala sa primaryang sanggunian Gawain 1. Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian 2. Limitasyon ng mga sanggunian 3. Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian Oras Lima (5) MODYUL SA PAGKATUTO Pangkalahatang Ideya Paano natin nalalaman ang mga nangyari at nangyayari? Sa sarili nating buhay, umaasa tayo sa iba-ibang pinagmulan ng impormasyon katulad ng personal na liham, email o text sa cell phone, litrato, at kwento ng kaklase o kaibigan. Tungkol naman sa nagaganap o naganap sa bansa, umaasa tayo sa dyaryo, telebisyon at radyo para sa balita, o kaya sa kwento ng ating mga magulang at guro. Lahat ng mga ito ay sanggunian ng impormasyon na ating ginagamit upang maunawaan ang isang isyu o pangyayari, magdesisyon tungkol sa isang bagay, at lumahok sa iba’t ibang gawain sa bahay, paaralan, at lipunan. Tatalakayin nitong modyul ang mga uri, anyo, limitasyon at kahalagahan ng mga sanggunian sa araw-araw na buhay at sa kasaysayan. Anuman ang natitira mula sa nakaraan, katulad ng sulat o larawan, ay itinuturing na primaryang sanggunian, maging sa personal na buhay o sa buhay ng bansa. Bilang bakas ng nakaraan, ang primaryang sanggunian ay katibayan na may nangyari. Kung wala ang sangguniang ito, hindi natin matitiyak na may naganap, saan at kailan ito naganap, kung ano ang nangyari at kung sino ang naroroon. Dahil ang primaryang sanggunian ay gawa ng aktuwal na saksi ng pangyayari, nagbibigay ito ng buhay at kulay sa kasaysayan. Halimbawa, sa liham, talaan sa araw-araw (diary), larawan, awit o dyaryo, nararanasan, nararamdaman o nakikita ang damdamin at kaisipan ng mga gumanap at ang kapaligiran ng kanilang panahon. Kung gayon, ang pag-aaral ng kasaysayan gamit ang primaryang sanggunian ay nagdudulot ng sariwa, bago o naiibang pagkakaunawa ng nakaraan na hindi kadalasang nakukuha sa teksbuk at ibang libro. Sa taong ito, pag-aaralan mo ang iba’t ibang primaryang sanggunian upang lalong maunawaan ang kasaysayan ng Pilipinas. Gawain 1. Kahulugan ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian 1. Paano mo nalalaman ang nangyari o nangyayari sa buhay? Isipin ang lahat ng paraan at ibahagi ito sa klase. Halimbawa, paano mo nalaman na may ikinasal na kamag-anak, o nanalo si Manny Pacquiao sa laban sa Las Vegas, o itinatag ang Katipunan? Isulat ang sagot sa patlang.
  • 2. 2 2. Tingnan ang lahat ng mga sagot. Maaari bang ikategorya ang mga ito ayon sa kung ang pangyayari ay direktang nasaksihan o nabalitaan sa iba? Gamitin ang organizer sa ibaba. 3. Ang nakasaksing pinagmulan ng impormasyon ay tinatawag na primaryang sanggunian, samantalang ang pinagmulan ng impormasyong galing sa iba ay sekundaryang sanggunian. 4. Alin sa mga sanggunian sa ibaba ang primarya at sekundarya? Lagyan ng tsek ang nararapat na kolom. Sanggunian Primarya Sekundarya Bandila History of the Filipino People, aklat ni Teodoro Agoncillo Pahayagan Litrato Artikulo ni Ambeth Ocampo tungkol kay Rizal 5. Makikita sa mga halimbawa sa itaas na iba-iba ang anyo ng mga primaryang sanggunian, kung ito ay pasulat, pasalita, nakalarawan at iba pa. Tingnan ang mga anyo at halimbawa sa ibaba at magdagdag ng iyong halimbawa. Nasaksihan   Nalaman sa iba Uri ng Sanggunian Primarya Salaysay ng taong nakasaksi ng pangyayari Sekundarya Salaysay ng isang di nakasaksi ng pangyayari ngunit nalaman ito mula sa isang saksi o sa sekundaryang sanggunian
  • 3. 3 Anyo ng Sanggunian Halimbawa Iba pang Halimbawa Nakasulat dyaryo Pasalita teyp ng talumpati Biswal litrato Awdyo-biswal pelikula Digital email Kumbinasyon ng mga ito talaang may larawan 6. Para sa historyador, pinakamahalaga ang impormasyong galing sa isang saksi dahil direkta nitong nakita o naranasan ang naganap. Gawain 2. Limitasyon ng mga Sanggunian 1. Bagamat ang isang sanggunian ay pinagmulan ng impormasyon, ito ay may limitasyon. Isipin, halimbawa, na manunuod ang klase ng isang konsyerto, laro ng basketbol, o pista ng bayan—kung gayon, lahat ng estudyante ay primaryang sanggunian. Talakayin sa iyong pangkat ang mga sumusunod na tanong. a. Pare-pareho kaya ang isasalaysay ng lahat tungkol sa pangyayari? b. Anu-ano ang mga salik na makaaapekto sa pagbuo ng salaysay ng bawat isa? Ilista ang mga salik na ito. 2. Iulat ang sagot sa klase. Base sa mga sagot, anu-ano ang nakikita mong limitasyon ng primaryang sanggunian? Mga Limitasyon ng Primaryang Sanggunian • Hindi gaanong naalala ng saksi ang mga detalye ng pangyayari • Primaryang Sanggunian •  Katibayan ito na may naganap dahil nandoon o naranasan mismo ng saksi (may-akda) ang nangyari. Sekundaryang Sanggunian •  Kwento ito base sa sinulat o sinabi ng iba at hindi ng nakasaksi mismo. • kung saan ako nakapwesto (sa bandang harapan, malayo, sa likod ng malaking sound system, poste o matangkad na tao). • • •
  • 4. 4 • • 3. Ngayon isipin naman na hindi ka nakapanuod ng konsyerto, laro o pista at nakibalita ka lamang sa isang nakapanuod—samakatwid, ikaw ay sekundaryang sanggunian. Ipalagay na isa lang sa klase ang nakapanuod ng naganap. Isusulat niya ang kanyang salaysay at malalaman mo ang nangyari sa isa sa dalawang paraan: a. Mula sa kwento ng kaklaseng nakapanuod (primaryang sanggunian) b. Mula sa salaysay ng kaklaseng nakuwentuhan (sekundaryang sanggunian) 4. Sumama ka sa grupong iaatas ng iyong guro. a. Pangkat A—grupong mananatili sa silid: Pakinggan ang kwento ng nakapanuod ng pangyayari. b. Pangkat B—grupong lalabas ng silid habang nakikinig ang pangkat A sa kwento ng saksi. 5. Pagkatapos marining ng Pangkat A ang salaysay ng saksi, bumalik ang Pangkat B sa klase. Pakinggan ng lahat ang salaysay mula sa Pangkat A. 6. Ngayon pakinggan naman ang salaysay ng saksi at ikumpara mo ito sa salaysay ng Pangkat A. Pareho ba ang kwento ng saksi at ng Pangkat A? Bakit pareho (o magkaiba)? 7. Kung gayon, anu-ano ang limitasyon ng sekundaryang sanggunian? Ilista ang mga ito sa ibaba. Mga Limitasyon ng Sekundaryang Sanggunian • Lahat ng mga limitasyon ng mga primaryang sanggunian + • Maaaring binago ng may-akda ng sekundaryang sanggunian ang detalye ng pangyayari • • 8. Bukod sa nabanggit na limitasyon ng primarya at sekundaryang sanggunian, mayroon ding mga limitasyon na may kinalaman sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga sanggunian. Tingnan ang mga limitasyon sa ibaba at magbigay ng halimbawa ng sanggunian sa bawat limitasyon. Hindi tumatagal, madaling masira o mapunit: Nabubura:
  • 5. 5 9. Paano makaaapekto ang mga limitasyong ito sa pag-aaral ng nakaraan? Magbigay ng isang epekto. Dahil ito, mahalagang pangalagaan ang primaryang sanggunian. Gawain 3. Kaugnayan at Kahalagahan ng Primaryang Sanggunian 1. Isipin ang sumusunod na scenario.1 Nais malaman ng historyador sa darating na siglo ang buhay ng kabataang Pilipino ngayon: kung anu-ano ang hilig at lifestyle (uri ng pananamit, paboritong pagkain, libangan), ang karanasan sa pamilya, paaralan, mga kaibigan, pagtingin sa relasyon o ugnayang panlipunan, mga paniniwala at pangarap sa buhay, mga personal na problema, at ang pagtingin sa pag-aaral, trabaho, at ibang aspeto ng buhay. 2. Bagamat babasahin ng historyador ang mga nasulat na ng ibang mga historyador tungkol sa kabataang Pilipino, ang pag-aaral ng kasaysayan ay base sa mga primaryang sanggunian. 1 Halaw ito sa “Seeing Myself in the Future’s Past” ni Ruth W. Sandwell, “Using Primary Documents in Social Studies and History,” p. 299 <http://www.learnalberta.ca/ content/sspp/html/pdf/using_primary_documents_in_social_studies_and_history.pdf> Accessed November 2011. Kadalasang tinatapon: Nawawala: Nasunog, nabasa: Kumukupas ang kulay: Kinain ng insekto: Nasa ibang bansa o malayong lugar:
  • 6. 6 3. Maglista ng primaryang rekord o sanggunian tungkol sa kabataan. • Text message • • • • 4. Sumali sa isang pangkat upang gawin ang mga sumusunod. a. Basahin ang mga sagot ng iyong kagrupo at pumili ng sangguniang nagbibigay ng pinakamahalaga o pinakamaraming impormasyon sa historyador tungkol sa buhay ng kabataan. b. Sagutin ang tsart sa ibaba. Sanggunian Ano ang matututunan ng historyador tungkol sa akin? Ano ang mahihinuha ng historyador tungkol sa buhay ng mga kabataan? Ano ang limitasyon ng sanggunian? c. Alalahanin ang kaibahan ng pagkuha at paghinuha ng impormasyon. Halimbawa, isinulat mo sa iyong diary na buwan-buwan kang nanunuod ng sine, samantalang wala kang halos binanggit na ibang libangan. Mahihinuha ng mambabasa na libangan mo ang panonood ng sine kahit hindi mo ito direktang sinabi. Anu-ano ang mga sinusulat o nililikha ninyo, o ibang rekord tungkol sa inyo, na maaaring gamitin ng historyador ng siglo-22 bilang primaryang sanggunin tungkol sa kabataang Pilipino ngayon? Pagkuha ng impormasyon •  Kapag direkta itong isinasaad ng sanggunian Paghinuha ng impormasyon •  Kapag hindi ito direktang isinasaad, kung kaya kailangang bumuo ng konklusyon hango sa impormasyon
  • 7. 7 d. Pagbalik-aralan ang mga limitasyon ng primaryang sanggunian na tinalakay sa Gawain 2 upang masagot ang huling kolum ng tsart. 5. Matapos buuin ng pangkat ang tsart, ibahagi ito at talakayin ang kahalagahan ng mga primaryang sanggunian sa sariling buhay. 6. Kung iba-iba ang mga primaryang pinagmulan ng impormasyon tungkol sa buhay ng tao, ganoon din ang mga primaryang sanggunian ng kasaysayan. Isulat sa graphic organizer ang primaryang sanggunian na mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa Pilipinas. 7. Bilang takdang-aralin, sumulat ng isang pahinang salaysay tungkol sa sarili. Gumamit ng tatlong primaryang sanggunian at tukuyin ang mga ito. Pagtukoy ng Sanggunian Pangalan ng may-akda, pamagat, detalye ng publikasyon kung nilimbag ang sanggunian (saan nilimbag, sino ang naglimbag at kailan) 8. Tingnan ang rubric ng pagmamarka bilang gabay sa pagsulat ng iyong salaysay. •  Istatistiko, datos tungkol sa ekonomiya •  Bilang ng populasyon •  Patakaran at tuntunin ng pamahalaan •  Lokasyon ng mga lugar •  Ang nagaganap araw-araw •  Pamumuhay ng tao at ugnayan sa lipunan