3. ng Tapayan sa Manunggul ay isang banga na ginamit sa paglilibing ng mga sinaunang tao sa
Palawan noong 890-710 BK. Ang banga ay ukol sa sekondaryang paglilibing kaya mga buto
lamang ng yumao ang laman nito. Itinuturing itong Pambansang Kayamanan ng Pilipinas at
makikita rin sa likod ng 1000 libo na salapi.
Nahukay sa yungib ng Manunggul, Lipuun Point, Palawan ang nasabing banga, at nitong Pebrero
2008 ay sinusubok muling halukayin ng mga dayong mananaliksik na Pranses sa mga baybayin
ng Lipuun.
Disenyo
Bangang Manunggul sa Likod ng 1000 piso (Picture from ([2]).
Ang banga ay may disenyong rolyo sa itaas na bahagi nito at pinintahan ng hematite. Ang takip
naman nito ay simboliko kung saan nakasakay sa bangkang walang katig ang dalawang tao. Nasa
unahan ang tao na nakahalukipkip, samantalang nasa likuran ang tao na sumasagwan. May ukit
na mga mata at bibig ang unahan ng bangka na waring nakangiti. Pinaniniwalaang inihahatid ng
kung sinong kaluluwa ang kaluluwa ng yumao, at ang paglalakbay ay tungo sa kawalang
hanggan, gaya ng walang katiyakang karagatan.