1. Sanaysay
*Isang maikling akdang pampanitikan ukol sa isang
partikular na tema o paksa. Ito’y paraan ng
paglalahad ng mga kuro-kuro sa isang maayos at
epektibong pamamaraan.
* Ito’y tumatalakay sa paraang tuluyan at sa
malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-
kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumulat; upang
umaliw, magbigay kaalaman o magturo.
*Ang sanaysay ay nagmula sa “pagsasalaysay ng
isang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.” (Alejandro G. Abadilla)
2. Dalawang Uri ng Sanaysay
A.Pormal o Maanyo – sa ganitong uri ng
sanaysay, higit na maingat, maayos at
mabisa ang ginagawang paglalahad ng
may-akda. Piling-piling ang mga
salitang ginagamit na paraan ng
paglalahad.Karaniwan, ang mga pahayag
ay ginagamitan ng malawak at masusing
pananaliksik.
* makahulugan, matalinhaga, at matayutay
* seryoso ang tono ng pananalita,
paintelektuwal, at walang halong
pagbibiro
3. B. Impormal o Palagayan – may
himig ng animo’y pakikipag-usap lamang.
Kahit anong bagay sa ating paligid at
sarili ay maaari nating gawing paksa.
Ito ay may malayang pamamaraan ng mga
pagpapahayag. Hindi ito nangangailangan
ng mga teknikal na terminolohiya.
Karaniwang nakabatay ang ideya o kuro-
kuro ng may-akda sa kanyang mga
karanasan. Higit itong kawili-wili at
magaan ang interpretasyon. Ang
pananalita ay parang usapan lamang ng
magkaibigan ang may-akda, ang
tagapagsalita, at mga mambabasa at
tagapakinig, kaya madaling maintindihan.
4. Mga Bahagi ng Sanaysay
A. Simula o Introduksyon
- isang sawikain o pahayag
- isang katanungan
- nareysyon o pagsasalaysay
- pangungusap na makatawag pansin
B. Gitna o Katawan ng Sanaysay
- dapat na kaugnay o may relasyon ang katawan ng
sanaysay sa panimula
- sisimulan ng may-akda ang katawan sa mga bagay na
simple patungo sa mga kumplikado o sa di-gaanong
importante tungo sa mas mahalagang ideya.
5. C. Wakas/ Konklusyon
- nangangahulugan ng pagbubuod ng
mga naipahayag na ideya
- pagbabalik ng mga ideyang inihayag sa
introduksyon
6. Mga Katangian ng Isang
Epektibong Sanaysay
1. Iba’t ibang uri sa paglalahad ang ginagamit sa
pagpapahayag ng ideya.
2. May kaisahan (unity)
3. May isang paksa kung saan ang simula, katawan
at wakas ay magkakaugnay.
4. Kawili-wili ang introduksyon.
5. Malinaw, tama at angkop ang mga batayan.
6. Malinaw at madaling maunawaan ng mga
mambabasa.
7. Angkop ang mga salitang teknikal na ginamit.
8. 1. Pagtutulad(simile)- ginagamit sa
paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay, tao, pangyayari, atbp. Ito ay
ginagamitan ng salitang gaya, parang,
kapara, kawangis, wangis, tila, katulad,
tulad, animo, wari, mistula, mukha, paris,
ga-, magkasing, kasing, o sing.
Hal: Ang ugali ng batang iyon ay kawangis ng
panahon, madaling magbago.
Animo isa siyang bulaklak na
namumukadkad.
9. 2. Pagwawangis(metaphor)-
ito ay naghahambing din
gaya ng pagtutulad ngunit ito
ay tiyakang paghahambing.
Hal. Ang kamay ng ama ay bakal sa
tigas.
Ang kanyang mga daliri ay hugis
kandila.
10. 3. Pagmamalabis o Eksaherasyon- dito
ay sadyang pinalalabis o
pinakukulang ang kalagayan o
katayuan ng tao o bagay na
tinutukoy.
Hal. Bumaha ng luha sa burol ng ama
dahil sa matinding pagsisisi ng anak.
Puputok ang tiyan ko sa kabusugan.
11. 4. Personipikasyon o Pagsasatao –
ito ay ginagamit upang bigyang-
buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao, talino, gawi,
kilos ang mga bagay na walang
buhay.
Hal. Lumuha ang langit nang
masawi ang kanyang ama.
Nakasilip na ang buwan nang
ako ay umuwi.
12. 5. Pang-uyam (Irony)- pagpapahayag na
parang pumupuri subalit kung
uunawaing mabuti ay pangungutya.
Hal. Ang gara ng suot mo, ibuburol ka
ba?
Hindi ka pala gutom, kaya pala
naubos ang pagkaing dinala ko.
Ang maginoo mo naman, hindi mo
man lang pinaupo iyong babae sa bus.
13. 6. Paghihimig – ginagamit ang mga tunog
ng mga bagay na pinagmumulan nito.
Ang mga tunog na siyang kumakatawan
sa mga bagay ang siyang nagiging
kahulugan.
Hal. Sumisirit ang tubig sa gripo.
Pumapagaspas ang puno ng kawayan.
Kumakalembang na ang kampana sa
simbahan.
14. Uri ng Tula Batay sa Kayarian ng
Taludturan
1. May Sukat at Tugmang
Taludturan o Tradisyunal-
Ito ang katutubong kayarian
ng tulang Pilipino. Binubuo
ito ng mga taludtod na may
sukat at tugma.
15. Hal:
Ang paglilider mo’y namumukod-tangi
pulos halimbawa’t walang talumpati;
iyong inaakay ang buo mong lahi
sa paghihimagsik na may ibang uri.
mula sa Mahatma Gandhi
ni Amado V. Hernandez
16. 2. Malayang Taludturan (Free Verse) – ito
ang makabagong kayarian ng tula ng
mga tulang walang sukat at tugma. Ito
ay tinatawag na Free Verse sa Ingles.
Ang ganitong uri ng tula ay karaniwang
walang aliw-iw, walang tugma, at
walang tiyak na sukat at tugma sa halip
tuwiran ang pagsasatitik ng mga
kaisipang malayang dumadaloy sa diwa
ng isang makata.
18. 3. Di-tugmaang Taludturan o
Blangkong Berso –
Ito ay naging popular sa Inglatera
mula noong 1957 bagamat hindi
gaanong kilala sa ating bansa. Ito ay
tulang may sukat subalit walang
tugma.
19. Hal:
Unti-unti lang, dahan-
dahan, at simutin nang
husto – kakaunti ‘yang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
mula sa Paksiw na Ayungin
ni Jose F. Lacaba
20. Kaantasan ng Wika
1. Pormal - ito ay mga salitang
pamantayan dahil ito ay
kinikilala, tinatanggap, at
ginagamit ng karamihang nakapag-
aral sa wika. Ito ang kalimitang
ginagamit ng paaralan at sa iba
pang may pangkapaligirang
intelektwal. Ang pormal na salita
ay nauuri sa dalawa:
21. A. Pambansa – ang mga salitang
ginagamit sa mga aklat at
babasahing ipinalalabas sa
buong kapuluan at lahat ng
paaralan. Ito rin ang wikang
ginagamit ng pamahalaan at
wikang panturo sa mga
nagsisipag-aral.
Hal. kapatid, malaki, katulong, mag-aaral,
guro
22. B. Pampanitikan – mga salitang
matatayog, malalalim,
makukulay, at sadyang mataas
ang uri. Ito ang mga salitang
ginagamit ng mga manunulat at
dalubwika.
Hal. kapusod, katuwang, moog,
tanikala, dalamhati, hilahil
23. 2. Di-pormal o Impormal – ito
ang mga salitang karaniwan at
palasak na ginagamit sa mga
pang-araw-araw na pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan. Ito
naman ay nauuri sa tatlo:
24. A. Lalawiganin (Provincialism) -
ito ang mga salitang kilala at
saklaw ng pook na pinaggamitan
nito. Kapansin-pansin ang mga
lalawiganing salita, bukod sa
iba ang bigkas, may kakaiba
pang tono ito.
Hal. tugang (Bikol), dako
(Bisaya), ngarud (Ilokano),
kaun (Bisaya)
25. B. Balbal (Slang) – ang mga
salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng mga matatanda at
mga may pinag-aralan dahil hindi
raw magandang pakinggan. Ang mga
salitang balbal ay tinatawag ding
salitang kanto o salitang kalye.
Hal. erpat-tatay sikyo-security
guard
yosi-sigarilyo tsikot-kotse
lispu-pulis praning-baliw
26. C. Kolokyal (Colloquial) – ito ay mga
salitang ginagamit sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t
may anyong repinado at malinis ayon sa
kung sino ang nagsasalita.
Pormal Kolokyal
aywan ewan
piyesta pista
nasaan nasan