Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
1. ANG PABIGKAS NA TRADISYONG PATULA, INAAWIT AT ISINASAYAW
Isang Naratibong Sulating-Ulat na Isinumite Kay
G. JADE BENGUA
Departamento ng mga Wika at Panitikan
Kolehiyo ng mga Sining at Agham
Pamantasan ng Gitnang Mindanao
Lungsod ng Maramag
Bilang Bahagi ng Pangangailangan Sa Asignaturang Filipino 52
(Pagbabasa ng mga Obra Maestrang Filipino)
nina
KAREEN MAE ADORABLE
RIGINE BUTON
FELIX CANOY
GRETHEL ENAD
ANGELIE DAGANGON
ROXANNE LABADAN
VICAMIN JUNE PAJARON
JELLY ANN TAYROS
Ika- 28 ng Agusto, 2015
2. INTRODUKSYON
Mayaman na ang panitikang Pilipino simula’t sapol pa lamang, bago pa man dumating
ang mga dayuhan, bago pa man dumating ang mga mananakop.
Sa pagpapakahulugan ni Arrogante (1983), talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito
naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang
daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Samakatuwid, ang panitikan ay siyang
pagkakakilanlan ng tao, ng isang kultura, ng isang lahi. Inilalarawan ng panitikan sa masining at
malikhaing paraan ang kasaysayan ng sangkatuhan sa mundong ginagalawan.
Inuri naman nina Villafuerte et. al (2001) ang panitikan batay sa paraan ng pagsalin sa
ibang henerasyon at batay sa anyo. Pasalin-dila ang panitikan kung ito ay naisalin sa ibang
henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao. Ito ang paraan ng pagsasalin ng panitikan noong
unang panahon nang ang pagsulat ay hindi pa natutunan ng tao. Halimbawa ng pasalin-dilang
panitikan ay ang mga epiko, awiting-bayan, alamat, kasabihan, salawikain at bugtong. Naging
isa ang pasulat sa paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang
sistema ng pagsulat. Kung gayon, ang mga dating panitikang inaawit, ikinukwento, tinutula o
binibigkas lamang ay naisatitik na.
Gayunpaman, ang panitikan ay may dalawang kaanyuan ayon pa rin kina Rubin et. al.
(2000): ang anyong tuluyan o prosa at anyong patula. Itinuturing naman nina Villafuerte et. al
(2001) ang panitikan bilang isang akdang tuluyan kapag ito’y nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap at sa patalatang paraan. Ang panitikan ay isang akdang patula yaong nasusulat sa
taludturan at saknungan. Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay –
kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula na may sukat attugma, tulang
pandamdamin o liriko – mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng
may-akda o ng ibang tao, tulang padula o dramatiko na isinasadula sa entablado o iba pang
tanghalan at ang huli ay ang tulang patnigan - mga laro o paligsahang patula na nooy
karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
karagatan, duplo, ensilada at juego de prenda.g
Saklaw ng panitikan ang kabuuhan ng sangkatauhan. Ito ang panitikan … ang buhay na
pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at ng buong
lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan. Isang kakaibang karanasan! Ito ang
panitikan. (Villafuerte et. al, 2001)
3. LAYUNIN
Narito ang mga layunin sa pag-uulat na ito:
Maisa-isang matalakay ang mga tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
o karagatan
o tagayan
o mito o mulamat
o alamat
o pabula
o parabula
o kuwentong katatawanan
o kuwentong kababalaghan
Makapagbigay ng halimbawa sa bawat tradisyong patula, inaawit at isinasayaw.
Mailahad ang kahalagahang ginampanan ng mga tradisyong patula, inaawit at
isinasayaw sa pagtataguyod ng kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino.
4. Ang Pabigkas na Tradisyong Patula, Inaawit At Isinasayaw
Ika-apat na Pangkat
BSEDFIL4
Pamantasan ng Gitnang Mindanao
University Town, Musuan, Maramag Bukidnon
NILALAMAN
KATUTUBONG DULA
Ang mga katutubo noon, bago pa man dumating ang mga kastila, bagamat hindi pa
nakikilala ang katawagang dula, ay may ginagawa ng pagtatanghal. Ang pagtatanghal nilang
ginagawa ay patula: paawit at pasayaw, hindi nga lamang sa tanghalan kundi sa liwasan ng
kanilang bayan, sa bahay ng kanilang pinunong raha o sa baku-bakuran ng kanilang kapitbahay o
sa sarili nilang pataniman.
Nagsimula ang pagpapapalabas nilang ito sa kanila ring mga ritwal at seremonyang
ginagawa tuwing may okasyon tulad ng anihan o pagtatanim o sa mga karaniwang gawain sa
araw-araw na pamumuhay. Nakapaloob, samakatuwid, sa kanilang mga dalangin, sa mga unang
galaw, awit at salita ang una nilang dula-dulaan. Bukod dito, nagkaugat ang kanilang dula sa
pagbibigay papuri sa kanilang mga anito, sa kanilang pagtatagayan ng tuba sa sandal ng kanilang
kasayahan, sa kanilang pananapatan sa bahay ng kanilang nililiyag, at iba pa.
Kung pakauugatin, isa pang katutubo hanggang ang dating laru-laro sa pagtatalinghagaan
ay naging pagtatalong patula, tulad ng karagatan.
Ang Karagatan
Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan. Dito’y pakinisan ng tula
at tagisan ng talino sa tiyak na tugma at sukat na lalabindalawahing pantig.
Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at
ginagampanan ng mga tauhan. Ngunit sa aklat ni Villafuerte (Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas,
2000) iniuuri niya ito sa mga tulang patnigan o (joustic peotry) o larong paligsahan sa pagtula.
Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o
bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. Ginagampanan ito ng mga
mambibigkas na nagsisipagpaligsahan sa pagtula.
5. Ito’y ginaganap sa ikatatlumpung araw ng pagkamatay at unang taon ng kamatayan.
Gayon pa man, ito’y maaaring ganapin sa buong panahon ng pagdarasal sa kaluluwa ng namatay,
mula sa una hanggang sa ika-siyam na araw at sa unang taon ng kamatayan.
Ang mga kasali ay umuupo ng pabilog at ang “hari” ay nasa gitna. Ang simula ay
maaring magkaiba-iba ayon sa pook na pinagdarausan.
Sa katagalugan, ang karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol
singsing ng isang prinsesa. Ang singsing diumano ay nahulog sa dagat at ang binatang
makakakuha nito ay magiging mapalad sa pag-ibig ng dalaga. May isang magpapasimuno upang
masimulan ang laro. Patula niyang sasabihin ang dahilan ng pagtatanghal ng dula. Isang tabong
may guhit na puti paiikutin at ang sinumang matatapatan ng guhit na puti ay mauunang
lumusong sa dagat upang humanap sa singsing ng dalaga. Sa larong ito, hindi kinakailangang
“sumisid’ sa dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.
Magpapasimula siya sa ganitong pananlita:
Karagatang ito’y kahit na malalim
Pangangahasan kong aking lulusungin
Hustong bait ninyo ang titimbulanin
na inaasahang sasagip sa akin.
o kaya’y:
karagatang ito’y oo nga’t mababaw
mahirap lusungin ng hindi maalam
kaya kung sakali ako’y masawi man
kamay mong sasagip yaong naghihintay
Magpapatuloy ang laro sa pagtatalong patula ng kabinataan hanggang matalo ang ibang
mga binata. Ang nagtagumpay ay ikakasal kunwa sa dalaga. May mga pagkakataong walang
binatang nagtatagumpay at natatalo ng prinsesa ang kabinataan sa tagisan ng talino. Sa ganitong
pangyayari ang mga binatang natalo ng dalaga ay ipalalagay na nangalunod sa dagat. Maaring
ang tulang bigkasin ng mga kasali ay orihinal o maari namang kinuha lamang sa mga akdang
napabantog sa panahong iyon.
Sa kabisayaan, ang karagatan ay di-gaanong pormal. Ito’y palitan lamang ng mga
pananlita, isang uri ng laro na ang matatalo ay hihingan ng pansariling kagamitan gaya
halimbawa ng kwentas, suklay, relo at iba pa. Isasauli lamang ang nabanggit na mga kagamitan
kapag ang natalo ay umawit ng dalit para sa kaluluwa ng namatay.
Noong 1741, ipinagbawal ng Arsobispo ng Maynila ang karagatan sapagkat kung minsan
daw ay may mga pananalitang labag sa kautusanng relihiyong Katoliko at ang sinumang nais
magpalabas ng karanasan ay kailangang humingi ng permiso.
6. Napapabilang din sa isang uri ng makalumang dula ang karagatan. Ang mga tauhan ay
nagsisispagsalitang tulad ng sa duplo bagama’t wala ang isang mahalagang sangkap – ang sining.
Ang sumusunod ay halaw sa karagatan na isinulat ni G. Tomas C. Ongco na nalathala sa
Sulu ng MLQU noong Marso, 1967.
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ngpagkain at mga de-bote.
May dalawang dalaga at apat na binata sa paligidng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang
matanda ang lalapit sa ponda.)
Tandang Terong: Humm… tila matagal
nang nakasalang ang sinaing ay ‘di pa
nagagatungan.
Isang Manonood: Kailangang gatungan ang
sinaing nang maluto’t tayo’y makakain.
Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di
masindihan ay higit na marami ang nasa
kalan kaysa kailangan.
Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang
isa’y malungkot kaya’t
naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang
anong sarap;
ngunit pag nagtatlo’y isa na ang
kalabisan.Kung ‘di
matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang
kakausapin,
mga kanayon ano’ng kailangan?
Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.
Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?
Neneng: Tumanggi man po ako’y walang
mangyayari. Kagustuhan
rin ninyo ang masusunod.
Ingkong Terong: At kayong apat?
Apat na Lalaki : Opo.
Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang
iyong singsing. (Aabutin sa dalaga
ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa
garapon).
Kayong apat ay magpapalabunutan kung
sino ang unang
sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng.
(Palabunutan).
At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat
ng pag-ibig
upang makuha ang singsing.
Mga Tao: (Palakpakan)
Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si
Neneng ay marami nang
nailunod na talisuyo sa karagatan.
Berting: Magandang gabi sa inyong lahat
Mga nariritong kanayon ni Neneng
At sa iyo mutya’y muling nagpupugay.
Ipinangangakong nahulog mong singsing
Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
Ng palitong itong nagpapahintulot
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
At ang iyong singsing ay aking makamit
Ay katunayan nang Diyos ang pumili
Na ako ngang ito’y siya mong itangi.
Neneng: Sumisid sa singsing na aking
hinulog
Subalit ‘di upang siyang maging irog
Kundi idaan lang muna sa pagsubok
Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito
At singsing kong ito ay nang maangkin mo
Ang singsing na itong linso’t walang bato
Turan mo’ng simula at ang dulo nito.
7. Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng
dagat
Na ‘di matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t iyong singsing nais mang makuha
Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba
Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya
Akong nabunot ng pang-ikalawa
Inaangkin hirang kanyang karapatan
Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong
Na siyang panumbas sa iyong pag-irog.
Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang
sisirin
Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.
Kulas: Singsing, aking Neneng, walang
puno’t dulo
Mayroon ngang simula at may wakas ito
Ang simula’y bilog nito na panloob
At ang katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig
Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog.
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay
Lamberto
Kaya’t heto naman ang para sa iyo;
Nang ika’y parito, pamula sa kanto
Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo?
May ilaw ay ilan, iyo sanang turan
Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo?
Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang
katanungan
Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko:
Bahay, pito lamang at sa mga ito’y
Aking natandaan, apat ang may ilaw-
Ito’y patotoong isip ko’y malinaw.
Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong
katugunan
Kaya’t isasalin itong aking tanong
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong.
Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo
Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y:
Pamula sa kanto at hanggang sa rito
Walang bahay ni ilaw akong natandaan
Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan)
Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin
Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi tumatapon walang ligwak ito?
Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon:
Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang malaki’t mabisang magneto;
Hinihigop nito ang lahat ng narito
At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.
Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!
Neneng: Pangalawang tanong, heto na’t
pakinggan
Paanong buwang sa langit ay tanglaw
Aking mahihipo’t mapaglalaruan?
Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa
lamang
Kung talagang ako ay sadyang mahal mo
Paiirugan mo ang hiling kong ito.
Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong ako’y munti’t pinalalaki mo.
Isang paborito’t ibig kong kuwento
Ay siyang panugon sa tanong na ito.
Sa pamamagitan ng isang salamin
Minumutyang buwan ay pabababain
Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw
Mapaglalaruang buwang hinihiling.
Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata
namin!...
Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.
8. Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong
tanong
Singsing na nahulog aking sisisirin
Sukdang ikapugto ng hiningang tangan
Kung puso ng mutya’y aking maaangkin.
Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y
natatakot
Na ang huling tanong kaniyang masagot
Itong karagatan isang laro lamang
Ngunit paglalarong birong totohanan
Ayoko na yatang ito ay ituloy
Baka sa sagutan ako’y maparool.
Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na
ako.
Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin
mo ito.
Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na ating sasakya’y binalsang kawayan
Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili.
Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang
mahal kita
Kaya’t imposible’y pag-aariin pa
Lubid na buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan ng aking pagkain
Bawat isang linggong kakailanganin
Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.
Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin
nanggaling
Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?
Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka
sinungaling
Neneng: Ano ang batayan ng iyong
pasaring?
Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at
giliw
Ikaw ay may wikang tapat at matining
Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin
Inakalang tapat ikaw sa paggiliw
Kaya’t sa problemang aking
Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din
Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw
Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal,
Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.
Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may
pagsinta!
Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig
Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw rin lang siyang sisisid
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig.
Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay
nagkaganito ang apo ko.
Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang karagata’y simula lang ng kuwento
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.
Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng
balikat.)
Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong!
Mabuhay!
Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!
(Palakpakan)
W A K A S
Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda,
G.D at Ongoco, T.C Ang Duplo
9. Tagayan
Ang isa pang pinakaugat ng dulang Pilipino noong katutubong panahon ay ang tagayan.
Ayon kay J.C. Balmaceda 1939, ito ay isa “sa mga dulang panlipunan”, dulang panlipunan
sapagkat ito’y karaniwang isinasagawa sa ating lipunan kapag mayroong mga nagaganap na mga
selebrasyon, katulad na lamang ng kaarawan o kasalan, dahil noon ay pambihira lamang
nagkatipon-tipon ang mga tao dahil sa usaping sosyal at pampulitika, bawal ang pagtipon-tipon
nang walang okasyon. Ayon pa nga kay E. Arsenio Manuel (TAyabas Tagalog Awit Fragments
From Quezon Pzrovince, 1958), ito ay isa sa mga pinakatampok sa awitan sa mga pagtitipon ng
mga katutubong taga Tayabas lalong lalo na sa kasalan:
“The cup of wine is placed on the head, or carried on the bent arm by skilful dancers, or
just deposited in a patter held by the hand. Lady singers toy with the cup on their head while
dancing and take it down to offer men or women of their attraction. This is commonly done
during wedding celebrations to collect gifts.”(Ito ang pamamaraan sa pagsasagawa ng tagayan.)
Hindi ibig sabihin na kapag nakakarinig tayo ng salitang tagayan ay lasingan agad-agad
ang mangyayari. Sa ating katutubong panahon ito ay may mensaheng pinapaabot. Ginagamitan
ito ng may talento sa pagsayaw na siyang pangunahing pamamaraan upang maisagawa ang
tagayan sa isang okasyon na kung saan ipinapatong sa ulo ang baso ng may inumin ng isang
babaeng kumakanta at mahinhing kinukumpas ang mga kamay. Isinasagawa ang pagsayaw
upang masabayan ang bawat pagkanta ng mang-aawit na siya ding may baso sa ulo at
sumasayaw, dahan-dahang kinukuha ang baso sa ulo at ito’y ibibigay sa babae at lalaki na
kanilang natitipuhan. Sa kasalan naman ito’y isinasagawa upang makakuha ng mga regalo sa
mga taong dumalo.
Sa lansangang ating nakikita na mayroong nag-iinuman na mga barkada at sinasamahan
ng pagkanta, masasabing ito ay nabibilang pa din sa katutubong tradisyunal sapagkat sinasabi na
ang tradisyunal na paraan ay pabigkas at pasayaw. Maging ito man ay makabago o makaluma na
mga awitin.
10. ANG PABIGKAS NA TRADISYON SA TULUYAN
Mula’t sapul, ang paniniwala sa kapangyarihan at kahiwagaan ng kalikasan ay nasa
kaisipan at kalooban ng ating mga ninuno. At sa pag-aakalang lulubag at aamo ang
kapangyarihan, lalambot at maabot ang kahiwagaan ng kalikasan, papanatag at bubuti ang buhay
at kalagayan ng tao, nakipag-ugnayan at nakipagsundo ang tao sa kalikasan sa pamamagitan ng
seremonya at ritwal. At tila natupad nga ito.
Maraming mga bagay-bagay, pisikal at ispiritwal, na may kinalaman sa kalikasan,
daigdig at buhay ng tao, ang abot ng kaalaman at kakayahan ng mga ninuno, ayon na rin sa sarili
nilang paghahaka at karanasan, ang nabigyan o nagkaroon ng kabatiran, matuwid at
kapaliwanagan. Kabilang na sa mga ito ang paniniwala sa mga kapangyarihang lumikha ng lahat,
sa araw, sa ilog, sa mga hayop, sa mga punong-kahoy at sa iba pa; at sa iba pang kapangyarihan
na tapagdulot ng kabutihan at tagausig ng kasamaan. Tuloy, ang buwan, ang gabi, ang dilim ay
naging batayan ni Lola sa pagbibilin na “huwag kang magwawalis kung gabi” dahil mawawala
ang suwerte na nagkaroon naman ng malaking kaugnayan at naging tuntunin na sa araw-araw na
pamumuhay ng kanyang mga apo.
Marami pang mga ganitong pag-aakala ang pinatnubayan noong araw ng mga matatanda.
Katunayan, karamihan pa sa mga ito ay nananatili magpahanggang ngayon sa ating kaugalian at
saloobin. Minsan nga, may ilan pa rin sa mga ito na maging sa panahong ito ng kalaganapan ng
siyensiya ay nananatili pa ring katanungan sadyang wala tayong tiyak na kasagutang naibibigay.
Anupa’t may lohika man o wala ang mga kaalaman at paniniwalang ito, ang mga
pakahulugan at paliwanag sa mga ito, ang mga kuwento ng mga matatanda tungkol sa
pinagmulan o pinanggalingan ng lahat ng ito, ay huwag pagtawanan, kuwesityunin o hanapan pa
ng patunay o katibayan. Bagkus tanggapin nating maluwag at pag-aralan kung kinakailangan,
tanggapin nating maluwag at pag-aralan kung kinakailangan nang bukod sa mapapahalagahan na
ang dahilang pamanang ito ng ating lahi, ay lubos pa nating makikilala at maipagmalaki ang
karunungan at kahusayan ng ating mga ninuno.
Mangayari pa rin, kung ang mga ito ay nabubura man sa isipan ng mga bagong salinlahi
sa kabihasnan ng makabagong panahon, tungkulin nating mga nakapag-aral pagpapalaganap
nito, nang hindi lamang sa puso ng mga pulangan o grupong etniko mamayani, kundi sa ating
mga taga-kabihasnang Pilipino sapagkat ang mga ito’y kayamanang maituturing ng ating
panitikan.
Nahahati sa anim na uri (6) ang mga kuwentong bayan, mito o mulamat, alamat, pabula,
parabola, kuwentong katatawanan, kuwentong kababalaghan.
11. Mulamat o Mito
Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa pagbigkas ng tadisyunal sa tuluyan kung saan
nakatuon ito sa Mito o Mulamat. Bago natin sisimulan ang pagtatalakay ay ilalahad ko muna sa
inyo ang layunin ng pag-uulat na ito: una, malalaman ang kahulugan ng Mitolohiyang Pilipino sa
loob ng isang talakayan; pangalawa makapagbibigay ng mga halimbawang mitolohiya at
maibabahagi ang lahalagahan ng mitolohiyang Pilipino.
Ang kasaysayan ng Pilipinas ay balot na balot ng mga alamat at mito na naging
pundasyon upang higit na maunawaan ng mga katutubo ang kanilang kasaysayan. Binubuo ito ng
mga tradisyong pasalita, mga kwento, kaisipan at ideolohiya na ipinasa sa mga susunod na
henerasyon. Ngunit hindi lahat ng nakalap na salaysay patungkol sa kasaysayan ay maituturing
na makatwiran o may sapat na patunay, ang ilan sa mga ito ay peke.
Ano nga ba ang mito? Ang mito ay ang mga tuluyang pagsasalaysay na itinuturing na
totoong naganap sa lipunang iyon noong mga panahong nagdaan. Pinaniniwalaan ito sapagkat
tinuruan silang ito’y paniwalaan. Nasa mito ang dogma at karaniwang itinuturing na sagrado.
Karaniwang kaugnay ito ng teolohiya at ritwal. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit
at ilalim ng lupa. Kinapapalooban ito sa simula ng daigdig, ng tao, ng mga katangian ng mga
ibon, hayop o pisikal na kaanyuan ng lupa.. maaari ring kwentong tungkol sa diyos at diyosa.
Ang mito ay isang sali-salimuot na kwentong ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag
ng mahahalagang balangkas ng buhay. Halimbawa nalang, kung paano nagkahiwalay ang lupa at
langit, o kung bakit mataas ang langit, kung bakit umuulan matapos marinig ang huni ng ilang
ibon.
Inilalarawan ng mito ang pagtanggap sa mapait na katotohanan ng buhay, panganib,
sakit, masamang kapalaran, kamatayan, sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na ang mga ito’y
bahagi ng pakikipagsapalaran sa daigdig. At ang mito ay walang pasubaling pinaniniwalaan ng
mga tao noong unang panahon sapagkat ito’y bahagi ng kanilang pananampalataya.
Ang mga karaniwang tinatalakay sa mga kwentong mito ay tungkol sa mga diyos/diyosa,
bathala, hari at reyna at mga nagbibigay paliwanag hinggil sa mga likas na pinagmulan ng isang
bagay o pangyayari. Ang mitolohiya ay bumabanggit sa matatandang pabulang nasasalig sa
pangyayari noong unang panahon. Ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga datos, mga
hayop, mga mahihiwagang nilalang at kwentong bayan. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ay
tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daogdig. Kung mapapansin ninyu na
ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo na may
sari-saring paniniwala. At hanggang ngayon, ang paniniwala sa mga diyos at diyosa ay buhay pa
rin sa kulturang Pilipino lalo na sa mga probinsya.
12. Kung tungkol naman sa mga diyos at diyosa marahil higit na bantog ang mga diyos at
diyosa sa Griyego’t Romano. Ang dalawang pook na ito ang bantog sa kanilang mga mito na
kinapapalooban ng mga suliranin, pag-ibig at tagumpay ng kanilang diyos/diyosa. Isa sa sikat na
mitolohiya ng Griyego ay ang datos na si Zeus, Aprodite, at iba pa. Sa Pilipinas naman,
kinabibilangan ito ng mga kwentong-bayang naglalahad ng mga tungkol sa mga anito at sa mga
pagkagunaw ng daigdig noon. Matatagpuan pa ang mga mitong ito sa mga kwentong-bayan ng
mga pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga
naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Maaaring hindi laging tao ang
pangunahing tauhan, maaaring hayop, mga anito, mga bayani o pinaniwalaang diyos nila.
Narito ang isang halimbawa ng mito ng mga Maranao:
“Ang Pinagmulan Nitong Daigdig”
(Adeva,Victoria 1978)
Alinsunod sa kaalamang-bayan ng mga Maranao, ang sansinukob ay nilikha ng isang
makapangyarihang nilalang. Ang pinakamataas na andana ang kinalalagyan natin. Ang
ikalawang andana naman ay tirahan ng mga duwende. Ang nasabing mga duwende ay pandak,
matataba at may mahahabang buhok. Tinatawag silang “karibang”. Ang mga karibang ay may
mahiwagang kapangyarihan. Karaniwan, hindi sila nakikita ng mga tao. Ang ikatlong andana
naman ng daigdig ay maaaring matagpuan sa pusod ng dagat. Ang nananahanan dito ay mga
nimpa. Ang naturang mga nimpa ay mayroon ding kataka-takang pangyayari.
Matutunghayan sa kwentong nauukol kay Raha Indarapatra ang pangingibig niya sa isang
nimpang prinsesa. Nagkaanak siya sa naturang prinsesa.
Ang himpapawid ay binubuo rin ng pitong andana. Ang bawat andana ay may pintuan.
Gabi’t araw, binabantayan ito ng isang mahiwagang ibong nagngangalang “garoda”. Ang
ikapitong andana ng himpapawid ay ang sentro ng langit na nahhahati rin sa pitong andana. Ang
naninirahan sa bawat andana ay may anghel. May paniniwala ang mga Maranao na hindi
nangangailangan ng pagkain ang mga ito dahil lahat sila’y may pakpak, kaya sila’y maaring
lumipad.
Ang lanngit na matatagpuan sa ikapitong andana ng himpapawid ay ang lugar na kung
saan maaaninag ang kaluluwa ng mabait na tao, matapos na sila’y sumakabilang buhay na. Ang
mga santo ay nakatira sa ikapitong andana samantalang ang mga taong di karapat-dapat sa
nasabing lugar ay mananatili sa pinakahuling andana na matatagpuan sa ilalim ng langit.
Sa langit naman natin matatagpuan ang “puno ng buhay”. Sa bawat dahon ng nasabing
puno nakasulat ang pangalan ng bawat nilalang na naninirahan sa daigdig. Sa sandaling malanta
at malagas ang dahon na may pangalan ng tao,papanaw na rin sa daigdig.
At dito nagtatapos ang aking ulat at maraming salamat sa panonood.
13. Alamat
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukwento tungkol sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa
bibig ng mga tao. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
tao, pook at mayroong pinagbabatayan sa kasaysayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa
salitang “legend” sa ingles. Hinggil rin ito sa kwento ng mga bayani, kalimitang may
ginaganapang importanteng tungkulin at bahagi ang mga diyos at iba pang mga itinuturing na
mga banal na nilalang. Nahahati sa dalawang pangkatin ang alamat: ang mga tinatawag (a)
etiological o mga nagpapaliwananag na alamat na sumasagot sa tanongna kung paano
pinangalanan ang mga bagay o pook at kung bakit nagkaganoon at sa (b) non-etiological na
nauukol sa mga dakilang tao sa pagpaparusa ng malaking kasalanan. Kasama din dito ang
tungkol sa mga alamat ng santo, mga supernatural na nilikha tulad ng aswang, tikbalang,
engkanto, multo at mga binaong kayamanan. Narito ang isang halimbawa ng alamat. Isa sa
sampung aklat ng mga muling pagsasalaysay ng Mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino
Reyes. At ginawaran ng Special Citation Award sa National Books Awards noong 2014.
Alamat ng Lamok
ni Severino Reyes
Noong unang panahon sagana sa lahat ng bagay ang bayan ng Tungaw. Mataba ang
lupang taniman dito. Masasaya ang mga tao. Ngunit marumi sila sa kanilang kapaligiran.
Madalas na naglulusak sa dumi ang mga bakuran. Nagkalat ang mga balat ng prutas kahit saan.
Nanlilimahid ang mga bata sa daan.
Isang araw, nahintakutan ang lahat sa biglang pagkawala ng ilang mga tao.
Walang nakakaalam kung saan sila napupunta. Padalas nang padalas ang mga nawawala
kaya't lumapit ang taong bayan sa kanilang makisig na hari upang humingi ng tulong.
"Magbantay tayo sa bawat sulok ng ating bayan," sabi ng hari.
Kahit ubuhin sila sa nakasusulasok na mga basura, araw at gabing nagbantay ang mga
taong bayan at mga kawal. Hanggang sa makita nila ang paglitaw ng higanteng si Amok sa may
paanan ng bundok. Kinuha nito ang isang magbubukid at agad na nilulon.
"Wala nang sasarap pa sa maruruming tao! Blurp," dighay ng higante.
"Wala tayong laban sa higante," panlulumo ng isang binatang nangungutib ang kamiseta.
14. "Mabuti sigurong umalis na lamang tayo sa Tungaw," mungkahi ng mga matatandang
kutuhin. Iwanan kaya nila ang kanilang maruming bayan?
"Hindi natin maaaring iwan ang ating bayan. Dapat natin itong ipagtanggol," mahigpit na
sabi ng hari.
"Nasasarapan ang higanteng Amok sa ating karumihan. Kailangan nating maglinis upang
iwanan tayo ng higante," utos ng hari.
Nagwalis ang kababaihan. Naligo ang mga bata. Naglaba ang kalalakihan. Saka sila
naghandang muli upang ipagtanggol ang kanilang bayan.
Nang muling lumusob ang higante, pinaulanan nila ito ng pana sa dibdib. Ngunit parang
walang puso ang higante. Hindi ito nasasaktan. Nilulon ng higante ang ibang kawal at dinakip ng
buhay ang ilang taumbayan.
"Wala sa dibdib ang puso ng higante kaya't hindi siya mapatay," paalala ng isang
matanda.
"Nasaan kaya?", tanong ng hari.
"Walang sinumang nakakaalam", sagot ng matanda.
Nag-isip nang paraan ang hari upang matuklasan kung paano mapapatay ang higante.
Nang minsang mabusog ito, nagkunyaring nahimatay ang hari. Napasama siya sa mga dinakip ng
buhay. Nang makarating sa kuweba, isang batang higante ang sumalubong kay higanteng Amok.
"Narito ang pagkain mo. Matuto kang magtipid. Marunong nang maglinis at magtago ang
mga taong marurumi," saka muling umalis ang higante.
Biglang bumangon ang hari at hinugot ang espada. Natakot ang batang higante.
"Hindi ko na po kayo kakainin, huwag ninyo akong patayin," pagmamakaawa nito sa
hari.
"Nasaan ang puso ng iyong ama?," sigaw ng hari.
"Hindi mo dapat malaman!," iyak ng batang higante.
"Kung gayon ay papatayin kita!," matapang na sabi ng hari.
"Nasa ilong ang puso ng aking ama kaya't nasasarapan siya sa inyong kabahuan at
karumihan," nangangatog na sagot ng batang higante.
Itinali ng hari ang batang higante at pinakawalan ang mga taong nakakulong sa kuweba.
Hinanap ng makisig na hari ang higanteng Amok. Naabutan niya ito sa bayan.
15. Umakyat sa puno ang hari at tinaga sa ilong ang higante. Namilipit ito sa sakit.
Pinagtulungan nilang itali kasama ng batang higante. Sinunog ng taong bayan ang mag-amang
higante sa gitna ng tambak nilang basura.
"Hindi n'yo kami mapapatay. Hangga't marumi ang inyong paligid, babalik kami at
sisipsipin ang inyong mga dugo!," sigaw ng higanteng Amok bago siya matupok ng apoy.
Itinapon ng taumbayan ang mga abo ng mag-amang higante sa maruming ilog.
Tumahimik na muli sa bayan ng Tungaw. Ngunit nagulat ang lahat sapagkat mula sa
maruming ilog ay may maliliit na insektong lumulusob sa bayan tuwing gabi. Naninipsip sila ng
dugo ng mga tao.
Naalala ng mga matatanda ang sabi ng higanteng Amok bago masunog kasama ng anak.
Nilinis ng mga taga- Tungaw ang kanilang maruming ilog. Dumalang ang maliliit na insektong
naninipsip ng dugo. Kinalaunan, tinawag ng mga taumbayan ang mga insektong ito na Lamok.
Pabula
Ang pabula o fable sa wikang ingles ay isa sa pinakanagmatandang anyo ng panitikan
kung saan mga hayop ang gumaganap na tauhang kumikilos at nagsasalita. Ito ay tinatawag ding
kathang-isip at kalimitang may nakapaloob na aral sa pagwawakas ng kuwento.
Ang Lobo At Ang Ubas
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya ng isang puno ng
ubas na hitik ng hinog na bunga “suwerte ko naman . Hinog na at tila matatamis ang bunga ng
ubas” ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng
hinog na ubas. Subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siya muli, at muli, at muli pa
subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno.
“Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon” ang sabi niya sa sarili.
Parabula
Ang salitang parabula ay buhat sa salitang Griyego na parabole. Ito’y matandang salita na
nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.
Ang parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula
sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang
moral o relihiyosong aral
16. Ang Parabula ng Ama, Anak at Kalabaw
Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang ama’y magsasaka
samantalang mabuting may-bahay ang ina. Isang lalake ang anak ng mag-irog na naninirahan sa
bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak.
Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang
makatulong kahit papaano at nang malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-
aararo sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. Kinakailangang
dumaan ng apat na baryo bago marating ang bukid.
Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa
pagtatrabaho sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa
pagkakataong nag-aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang pinagmamasdan ang
kanyang anak.
Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil
sampung kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga
ang anak.
Habang sila’y naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa
isang baryo. Hapung-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa
kalabaw sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakatali sa kalabaw na kinasasakyan ng
ama. Napansin nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig na lamang nila:
“Hay naku, anong klase ama ‘yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya,
komportableng nakasakay sa kalabaw.”
Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba
na ito at ibinuhat ang anak pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang ama habang
hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento mula sa mga
tagabaryo. “Ano ba naman iyang batang ‘yan? Nakita na ngang pagud na pagod ang ama sa pag-
aaro nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang na loob
sa amang kumakayod para sa pamilya.” Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama
ang anak.
Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang
maabot ang ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon:
“Katangahan naman ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid na pinanggalin. Pagod
pa sa paggawa roon. Naglakad. Hindi man lamang naisip sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi
nito? Tsik...tsik...” Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot
ang ikaapat at panghuling baryo.
17. “Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din ‘yan.
Siguro kung nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na ‘yan.
Itong mag-ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. Kahit hayop,
napapagod at may pakiramdam din.” Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalake habang
lumalagok ng tuba sa tindahang nadaanan.
Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama.
Kwentong Katatawanan
Isang uring maikling kwento na ang siyang diin ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa
mambabasa ang kwento ng katatawanan. Isang halimbawa nito ay ang isang liham na ginawa ng kanayng
tatay para sa kanyang anak.
Anak,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring
magbasa. Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay
ng kapatid mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating
nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.
Maganda ang lugarna ito at malayo sa Manila.Dalawang beses lang umulan sa
linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil
ayaw bumula.Nakasulat kasi “FOR DRY HAIR” kaya hindi ko binabasa ang buhok ko
pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.
Noong isang arawnaman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas
ng padlock.Nakasulat kasi ay “YALE”, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa
din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam
na SIGAW ang tagalog ng “YALE”, wise yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan
mo. Ipinadala ko na sa iyo sa “Federal Express” medyo mahal daw dahil mabigat ang
mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko
na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na
pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung
ipagkakalat ko pa.
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na
tao sa ilalimniya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park,okey naman ang
kita above minimum ang sahod.
18. Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o
lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Wala na
akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.
Love,
Papa
p.s. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time
na lang ha
Kwentong Kababalaghan
Magandang hapon sa lahat at lalo na sa gwapo nating guro na si G. Jade Bengua.
Ngayong hapong ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa kwentong kababalaghan. Tayong
mga kabataang pinoy ay mahilig tayong makinig sa kwento ng mga lola’t lolo natin at dahil dito
sa musmos nating kaisipan ay naniniwala tayo. Ano nga ba ang kwentong kababalaghan? Ito ay
tungkol sa mga di kapani-paniwala at di nakikitang nilikhang bagay o pangyayari sa kapaligiran
tulad ng mga nuno sa punso, kapre, lamang-lupa, tiyanak, diwata at iba pang nanainirahan sa
punong-kahoy tulad ng sa baliti. Mangga at iba pa.
Ayon sa makabagong-isip at siyensya ang mga ito ay bunga lamang ng mayamang guni-
guni o haka-haka. Halimbawa nito ay ang kwentong ‘kabute’.
“Kabute”
May matandang babae at may isang anak na nagngangalang Kaong. Sila ay nakatira sa
malayong bundok. Isang araw, dumalaw si Kaong sa kanilang pinakamalapit na kapitbahay
ngunit nang siya’y nakarating na doon ay inabot siya ng hiya hindi siya tumuloy sa bahay sa
halip tinapik ang sarili at nagbalatkayong kabuteng tumubo sa tabi ng bakuran. Ang may-ari pala
ng bahay ay isang binatang lalaki. Naglibot siya ng kanyang bahay, pinanood ang mga bungang-
kahoy sa kapaligiran. Sa paglalakad, napansin niya ang kabuteng nasa tabi ng kanyang bakuran.
Pinitas niya ito at saka dinala sa bahay. Inilagay niya ito sa isang panig ng falangka. Pagkaraan
ng maraming araw, patulog na ang mga tao, ang kabute ay bumalik sa pagiging babae. Nagluto
siya ng pagkain at iniwan sa falangka. Namangha ang binata sa kanyang nakita. Isang gabi,
nagbantay ang binata at kanyang natuklasan ang buong katotohanan. Hinawakan niya ang mga
kamay ng babae upang hindi makatakas. Dahil dito hindi na bumalik sa pagiging kabute ang
babae. Sa halip ay sumama na sa lalake bilang asawa nito.
19. KONGKLUSYON
Mayaman sa mga tradisyong patula, inaawit at isinasayaw ang ating mga ninuno na kung
saan naging bahagi na ito ng kanilang pamumuhay. Hindi rin maitatanggi ang impluwensiyang
dala nito hanggang ngayon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Filipino.
Ang pabigkas na mga tradisyon sa tuluyan ang naging pamantayan at nagkaroon ng
malaking bahagi araw-araw na ginagawa nating mga Filipino. Ang mga paniniwala sa iba’t ibang
elemento ng kalikasan at ang paggamit sa panitikan upang mapanatili ang magandang kaasalan.
Ang buwan, ang gabi, ang dilim na naging batayan ni Lola sa pagbibilin na “huwag kang
magwawalis kung gabi” dahil mawawala ang suwerte ay nagkaroon naman ng malaking
kaugnayan at hindi maitatangging naging tuntunin na ito sa araw-araw na pamumuhay.
Ang mga naging tradisyon ng mga katutubo noon, ay nananatiling buhay pa rin sa ating
kasalukuyang pamumuhay. Ito ay may malaking naiambag o impluwensiya sa nangyayari o sa
mga nagaganap sa ating kasalukayan.
20. Sanggunian
(n.d.).RetrievedHulyo18,2015, from http://tl.m.wikipedia.org/wiki/alamat
(n.d.).RetrievedHulyo18,2015, from http://www.panitikan.com.ph/content/alamat-ng-lamok
Kwentong Katatawanan.(2010,June).RetrievedJuly20,2015, fromKwentong Katatawanan:
http://yuan-kuwento.blogspot.com/2010/06/kwentong-katatawanan.html.
Arrogante,J.A.,Ayuyao,N.G., & Lacanle,V.M. (2004). Panitikan Filipino Antolohiya Binagong Edisyon.
Mandaluyong:National BookStore.
Belvez,P.,Iliscupidez,P.P.,Roberto.,R.R.,Pleno,N.F.,&atienza,S.S. (2006). Panitikan ng Lhi. Maynila:
REX Book Store.
edrianne.(n.d.). slideshare. RetrievedJuly20,2015, fromslideshare:
http://www.slideshare.net/edrianne/presentation1-report-maam-feuentez?related=3
Pineda,P.B.,Pineda,G.,& Ongoco,T. C. (1979). Ang Panitikang Pilipino sa Kanlurang Bansa. Caloocan
City:PhilippineGraphicArts,Inc.
uri. (n.d.).RetrievedJuly20,2015, fromuri: 208500232771798456.weebly.com/mga-uri.html