SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  163
Télécharger pour lire hors ligne
Ang abaká (Musa textilis) ay isang halamang hemp o napagkukunan ng himaymay.
Berde ang mga dahon nito na kawangis ng dahon ng saging.
Bagaman nakakatulad ang anyo ng saging, madaling makilala ang abaka sa
pamamagitan ng ilang katangian nito. Una, ang dulo ng dahon ng abaka ay mas patulis
kompara sa saging. Pangalawa, ang ibabang bahagi ng dahon nito ay hindi pantay.
Pangatlo, ang magkabilâng bahagi ng dahon nito ay parehong makintab at madulas.
Ang taas ng punong abaka ay umaabot nang apat hanggang walong metro. Katutubo sa
Filipinas ang halamang ito sa Filipinas at pinaniniwalaang nagmula sa rehiyong Bicol.
Maraming kapakinabangang pang-ekonomiya ang abaka. Ang mga himaymay o hibla
nito ay hinahabi upang maging tela na ginagamit sa paggawa ng damit o kortina.
Ginagawa rin itong lubid, basket, at katulad. Ang himaymay ay makukuha hindi
sa mga dahon nito kundi sa pinakakatawan ng halaman na tinatawag ding saha.
Ginagamit din ito sa paggawa ng kilalang papel na kung tawagin ay papel de manila o
manila paper.
Ang punong abaka pati na ang puting himaymay na nagmumula rito ay tinatawag ding
ibilaw, labayo, lain, at paguwa. (SAO)
abaká
Abakáda ang tawag sa pangkat ng mga titik o letra sa wikang Tagalog at kumakatawan
sa tawag sa apat na unang titik nitó (A-Ba-Ka-Da). Ang abakáda ay binubuo ng 20 titik:
A,B, K, D, E, G, H, I , L, M, N, Ng, O, P, R, S , T, U, W, Y. Lima rito ang patinig (A, E, I,
O , U) at labinlima ang katinig. Ang mga titik na ito ang ginamit sa pagtuturo ng Wikang
Pambansa bilang pagsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon.
Sinusundan ng abakada ang papantig na pagbigkas ng mga titik ng wikang Tagalog na
kalapit na kalapit rin sa mga sagisag ng baybáyin, ang sinaunang paraan ng pagsulat ng
mga Tagalog.
Sa pagbabago ng konsepto ng Wikang Pambansa tungo sa Pilipino at sakâ Filipino ay
nadagdagan rin ang titik ng abakada. Pinalitan ito ng pinagyamang alpabeto na may 31
titik noong dekada 1970. Labing-isang titik ang idinagdag mula sa alpabetong Espanyol.
Kaugnay ng 1987 Konstitusyon at ng pagpapahayag sa Filipino bilangWikang Pambansa,
nirebisa at naging 28 ang titik ng alpabeto ng wikang Filipino. Pinanatili ang 20 titik ng
abakada kasáma ang mga titik na C, F, J,Ñ, Q, V, X, Z at tinawag alinsunod sa alpabetong
Ingles maliban sa katutubong NG. (JGP)
abakáda
Isang putaheng karne na tinimplahan ng sukà, asin, bawang, at paminta. Sa Espanyol,
ang orihinal na adobo ay tinimplahan sa langis, bawang, at oregano. Ngunit marami
ang nagpapalagay na ang putaheng ito ng mga Filipino ay mulang Mexico. Sa Oaxaca,
Mexico ang karne ay ibinababad sa sili, bawang, sidrang sukà, tomílyo (thyme), dahon
ng lawrel, dahon ng abokado, oregano, itim na pamintang buo, at kanéla.
Sa kabilâng dako, marami din ang nagtuturing na “pambansang ulam” ang adobo. Narito
na ito diumano at tinawag lámang na “adobo” ng mga Espanyol dahil kahawig ng alam
nilá. Hindi rin magkasundo sa mga rekado nitó. Iginigiit ng mga tradisyonalista na dapat
itong lagyan ng asin, isang sangkap na napalitan ng toyo at ipinalalagay na impluwensiya
ng mga Tsino. Iba-iba ang adobo sa iba-ibang kusinera at iba-ibang lugar. Isang restoran
ang sikát sa adobong baboy na may pritong taho, at pusit na pinakuluan sa sukà at toyo.
Sa Batanes, ang lúnyis o adobo ng mga Ivatan ay may asin lámang.
Mabisàng paraan ang adobo para sa pag-iimbak ng karne para hindi ito masira noong
wala pang repridyireytor. At kahit ngayon kung walang imbakan. Maaaring adobuhin
ang karneng baboy, báka, manok, isda, at kahit gulay. Maaasahang handa ito sa mga
tahanan kung pista at báon sa piknik o mahabàng biyahe. Noong 1898, sa inaugurasyon
ng Unang Republika ng Filipinas ay nása wikang Pranses ang menu ng grandeng hapunan.
Isa sa handa ang “Abatis de Poulet a la Tagale” na kung isasalin ay “adobong atay at
balumbalunan.” Kataká-taká bang tawaging “Adobo Country” ang Filipinas? (VSA)
adóbo
Ang agung (á∙gung), na kilala rin sa pangalang blowon, bua, gaggung, at sembakung,
ay isang pares ng nakasabit na gong. Ito ay may bilog na umbok sa gitnang bahagi at
may malapad na papaloob na tagiliran. Karaniwang makikíta ang agung sa katimugang
bahagi ng Filipinas – Palawan, Mindoro, at mga isla ng Sulu, Mindanao at sa kalookan
nito – Ata, Bagobo, Bukidnon, Hagaonon, Mandaya, Mangguangan, Manobo, Mansaka,
Matigsalog, Subanon, Tagakaolo, Tiboli at Tiruray. Kinabibilangan din ng Mamanwa,
Tiboli, Hanunuo, Bagobo, Magindanaw, Maranaw, Tagbanwa, Tiruray, at Yakan ang iba
pang Filipinong gumagamit ng tradisyonal na instrumentong agung.
Sa okasyon ng Batak sa Palawan, tinutugtog ang agung kasaliw ng gimbal, isang uri ng
tambol, habang nanggagamot ang mga babaeng babaylan. Ang gawaing ito ay halaw sa
Tagbanwa ng Palawan. Sa Tiboli naman, ang isang kasiyahan katulad ng moqninum, na
pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal ng kilalang mag-asawa, ay okasyon upang tugtugin
ang agung.
May iba’t ibang uri ng agung: ang mabigat na tembag na hindi tinutugtog ngunit
prominenteng makikita sa tahanan bilang simbolo ng kayamanan ng may-ari nito.
Malaking porsiyento nito ay gawa sa tingga at maliit lamang na bahagi nito ang tanso.Ang
benegulitok ay katulad ng tembaga ngunit mas magaan. Tinutugtog ito kasama ng gong
na tinatawag na sembakung. Ang blowon naman ang pinakamagaan at pinakamakinis na
gong.
Kompara sa Mindanao at Palawan, ang gong ng Hanunuo ay mas maliliit. Nakasabit ang
pares ng agung at magkaharap ang umbok ng mga ito. Sa pagtugtog, habang pinupukpok
ng mga patpat ng isang musiko ang parehong umbok, may isa o dalawa pang pumupukpok
naman sa gilid ng mga instrumento – dalawa ang ritmong lumalabas dito, ang mabilis
na binalinsay at ang mabagal na dinulut. Ang tugtog na ito ay idinaraos sa sayaw ng
kalalakihan. Ang musika ng agung ay tinutugtog sa kasiyahan matapos ang anihan na
tinatawag na panludan. Bukod sa mga agung, ang iba pang instrumentong maririnig sa
pagdiriwang ay plawta, gitara, zither, at mga patpat na perkusyon.
Sa Tiruray, ang salitang agung ay maaaring mangahulugang tono ng gong. At agung din
ang titulo ng isang uri ng musikang tinutugtog sa tangunggu na isang zither. (RCN)
agung
Si Fernándo C. Amorsólo (30 Mayo 1892-24 Abril 1972) ang pinakaunang ginawaran
ng karangalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang
pinakamaningning na kinatawan ng panahon ng klasiko sa sining biswal sa Filipinas.
Kinikilala rin siyang “Ang Maestro” at “Grand Old Man” ng sining sa Filipinas noong
nabubuhay pa.
Ang malikhaing paggamit ng liwanag, sa partikular, ng backlighting, ang pinakamalaking
kontribusyon ni Amorsolo sa pagpipinta sa Filipinas. Ang tingkad ng maningning na
liwanag na nagmumula sa likuran ng kaniyang mga paksa ay nagtatampok sa isang
bahagi ng kaniyang kanbas—sa mga dahon ng mga puno, tikwas ng buhok, ngiti sa mga
labi, at umbok ng dibdib ng dalagang Filipina.
Masaklaw ang larangan ng mga obra ni Amorsolo—mula sa mga portrait ng mga kilala
at mayayamang tao, larawan ng mga tanawin, hanggang sa dibuho sa mga pabalat ng
libro at magasin. Ngunit naging tatak ng likhang Amorsolo ang pagtatanghal ng mga
payak, payapa at pang-araw-araw na buhay ng mga naninirahan sa lalawigan. Ang
dalagang Filipina sa kaniyang makukulay na baro’t saya na palagiang nakangiti habang
ginagampanan ang tradisyonal na domestikong gawain; mga magsasaka sa gitna ng
tanawin ng kasaganaan sa kabukiran; ang taumbayan sa kanilang pangkaraniwang
gawain, kaugalian at tradisyon tulad ng pista, binyag, kasal, pagtatanim, paglalaba,
pagluluto, pamamangka, o kahit pagbabasá.
Ang mataas na antas ng kasiningan ay napanatili niAmorosolo sa kabila ng dalas at dami
nito. Ang mga pinturang oleo pa lamang niya ay tinatayang aabot na sa libo. Dahil sa
mga tiyak na hagod ay mabilis na natatapos ni Amorsolo ang kaniyang mga likha. Ang
tatlong malalaking pintura niya para sa Philippine Pavillion na ginamit sa 1931 Paris
Exposition ay natapos niya sa loob lamang ng isang buwan. Ilan pa sa mga kilalang obra ni
Amorsolo ay ang Maiden in a Stream, Dalagang Bukid, Lavanderas, Family in a Banca,
Tinikling, Harvest Scene at Barrio Fiesta. Ang Rice Planting na ginawa ni Amorsolo
noong 1922 ay naging pinakapopular na hulagway sa panahon ng Komonwelt. Lumikha
rin siya ng mga obrang nagtatanghal sa kasaysayan ng Filipinas gaya ng Early Filipino
State Wedding, Traders, Sikatuna, The First Mass in the Philippines, The Building of
Intramuros at Burning of the Idol.
Fernando C. Amorsolo
Isinilang siya noong 30 Mayo 1892 sa Calle Herran sa Paco, Maynila sa mag-asawang
Pedro Amorsolo at Bonifacia Cueto. Ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay
ipinamalagi niya sa Daet, Camarines Norte. Dito nag-ugat at nalinang ang pagkiling
niya sa simpleng buhay sa lalawigan na naging malaking impluwensiya sa kaniyang
mga obra. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts na pinagturuan
din ng kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la Rosa. Isa siya sa mga pinakaunang
nagtapos doon at nagkamit pa ng maraming karangalan.
Lumikha ng mga obra ang pintor hanggang sa huling mga taon ng kaniyang buhay.
Ngunit ang pagkakaroon ng katarata, diabetes, arthritis, at pagkamatay ng dalawang
anak na lalaki na lubha niyang dinamdam ay nagkaroon ng malaking epekto sa kaniyang
trabaho. Namatay si Amorsolo sa sakit sa puso noong 24 Abril 1972. (RVR)
Ang anáhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis na bunged
o puno ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng bunged. Itinuturing itong
Pambansang Dahon ng Filipinas.
Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon
ay matinik at tumutubo nang paikot sa sariling katawan nito. Ang anahaw ay umaabot
sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubo sa likaás na kaligiran sa kagubatan. Ngunit
kung ito nama’y nasa hardin o iba pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at
pagtaas ng palmang ito.
Angdahonnganahawaymaaaringgamitinbilangmateryalsapaggawangbubongngmga
bahay -kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nito, nagagamit din itong pandekorasyon
kapag may espesyal na pagdiriwang.Ang buko naman nito ay ginugulay at kinakain.Ang
puno ng kahoy o katawan nito ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang pandagat
o pundasyon ng bahay. (SAO)
anáhaw
Si Andres Bonifacio (An·drés Bo·ni·fás·yo) (30 Nobyembre 1863-10 Mayo 1897)
ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng
“Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik.
Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak nina Santiago
Bonifacio, isang sastre, at Catalina de Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco, Procopio, at Troadio
at mga kapatid na babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos noong 14 taón si Andres kayâ
binúhay niya ang mga kapatid sa pagtitinda ng bastong kawayan at papel na abaniko at pagtatrabaho
bilang mensahero at bodegero. Gumawa rin siyá ng mga poster para sa mga kompanya ng komersiyo. Una
niyang malaking trabaho ang klerk-mensahero sa kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat
siyá pagkuwan sa Alemang Fresell and Company.
Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din siyang mag-artista at naging kasapi
ng samahang pandulaan sa Palomar, Tondo. Noong 1887, kasáma ang ibang kaibigan ay itinayô nilá ang
El Teatro Porvenir at nag-eksperimento sa pagpapalit ng mga pangalang Tagalog at mga pook, bagay, at
eksena ng mga komedyang Espanyol na isinalin sa Tagalog. Isa siyang mahusay na makata at manunulat.
Isinalin niya sa tula ang sanaysay na Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin sa Tagalog ng tulang
Ultimo Adios ni Rizal. Ang sanaysay niyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay isang napakaikli
ngunit matalim na kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan. Ang hilig
niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang magbasá. Nang halughugin ang kaniyang tirahan
sa bodega ay nasamsam ng mga Espanyol ang mga dokumento’t librong kinabibilangan ng The French
Revolution, Lives of the Presidents of the United States, at mga nobelang El Judeo Errante ni Eugene Sue,
Noli at Fili ni Rizal, at iba pa.
Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa Kalookan ay nakilála
niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob ng Katipunan.
Itinatag niya ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng
Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892 sa isang bahay sa Calle Ilaya, Tondo kasáma sina Ladislao Diwa,
Teodoro Plata, at Deodato Arellano. Bunga ito ng ipinalalagay niláng kabiguan ng mapayapang kampanya
para sa reporma ng La Solidaridad at ng naganap na pagdakip at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ang
lihim na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga lalawigan bago natuklasan at sumiklab ang
Himagsikang Filipino noong Agosto 1896.
Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at ang Magdalo, sa Cavite ay
inanyayahan siyá doon upang mamagitan. Nauwi ang lahat sa pagtatayô ng isang bagong pamahalaan ng
manghihimagsik noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral EmilioAguinaldo at ministrong
panloob siAndres. Hindi minabuti niAndres ang pagmaliit sa kaniyang kakayahan ng isang Magdalo kayâ
pinawalang-bisà niya ang halalan sa isang dokumento noong Marso 24. Kasáma ang dalawang kapatid,
Andres Bonifacio
asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng Maynila. Sinundan ng mga Magdalo ang pangkat
niya at dinakip. Sa labanan ay namatay si Ciriaco at nasugatan si Andres. Dinala silá sa Maragondon,
Cavite at nilitis. Nahatulan siyang nagkasala ng sedisyon at pinarusahan ng kamatayan. Noong 10 Mayo
1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio sa Bundok Buntis at pinatay. (VSA)
Kilalá si Apolinario de la Cruz (a·po·li·nár·yo de la krus) (22 Hulyo 1814-4 Nobyembre
1841) sa bansag na “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San
José. Pinamununan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Espanyol na nakabatay sa
kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at Indio sa kaparian.
Isinilang siya noong 22 Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng Lucban, Tayabas
(ngayon ay lalawigan ng Quezon) kina Pablo de la Cruz at Juana Andres, pawang mula
sa pamilyang maykáya at debotong Katoliko. Pinangarap niyang magpari, at sa edad na
15 ay sumubok sumali sa orden ng mga Dominiko sa Maynila. Ngunit hindi pa noon
tumatanggap ng mga Indio ang mga ordeng Romano Katoliko, kung kayâ naging donado
na lamang muna siya sa Ospital ng San Juan de Dios at nagtrabaho sa Cofradia de San
Juan de Dios. Sa panahong ito pinag-aralan ni de la Cruz ang Bibliya at iba pang banal
na kasulatan.
NagbaliksiyasaLucbannoong1832atitinatagangCofradiadeSanJosé,isangkapatirang
binubuo lamang ng mga Indio. Hindi pinahihintulutang sumapi ang mga Espanyol at
mestiso nang walang pagsang-ayon ni de la Cruz, na siya namang tinawag ng kaniyang
mga tagasunod bilang “Hermano Pule” (o “Hermano Puli”). Ninais niyang maging legal
ang Cofradia dahil sa paglaki ng kasapian ngunit binatikos ito ng mga paring Espanyol,
sa pangunguna ni Arsobispo Jose Segui. Naghinala ang pamahalaan ni Gobernador-
Heneral Marcelino Oraa na isang samahang mapanghimagsik ang Cofradia. Sinalakay
ng mga sundalo ang kampo ng Cofradia sa Majayjay, Laguna noong19 Oktubre 1840.
Nagkataóng nasa Maynila noon si Hermano Pule kaya nakaligtas.
Nagsimulang mamuhay na parang rebelde ang mga kasapi ng Cofradia. Sa isang malaking
labanan sa Alitao, isang lugar na malapit sa Tayabas, ganap na nalansag ang hukbo ni
Hermano Pule. Nakatakas siya ngunit nasundan at nadakip. Madalian siyang nilitis at
binitay sa bayan ng Tayabas noong 4 Nobyembre 1841. Pinagputol-putol ang kaniyang
katawan. Tinuhog ang kaniyang ulo at itinanghal sa daan patungong Majayjay upang
huwag sundan ng taumbayan ang tinawag nilang “Hari ng mga Tagalog.” (PKJ)
Apolinario de la Cruz
Opisyal at pambansang pagdiriwang ang áraw ng Kasarinlán tuwing Hunyo 12.
Ginugunita sa araw na ito ang pagpapahayag ng kalayaan noong ikaapat ng hápon ng 12
Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Ginanap ito sa balkonahe ng matandang bahay-na-bato ni
Hen. Emilio Aguinaldo na kababalik noon mulang Hong Kong upang ipagpatuloy ang
Himagsikang Filipino laban sa mga Espanyol. Bukod sa pagbása ni Ambrosio Rianzares
Bautista sa Akta ng Pagpapahayag ng Kasarinlan, iwinagayway sa pagkakataóng ito ang
tinatawag ngayong Pambansâng Watáwat at tinugtog ang Marcha Filipina Magdalo
na naging musika ng Pambansâng áwit ngayon.
Ang Akta ay nilagdaan ng 98 katao, kabilang ang isang Amerikanong koronel sa hukbo
ng Estados Unidos. Noong nása Malolos, Bulacan na ang hukbong Filipino, ipinabago
ni Apolinario Mabini ang teksto ng Akta dahil waring ipinaiilalim ang Filipinas sa
proteksiyon ng mga Amerikano.
Ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan tuwing Hunyo 12 ay sinimulan ni Pangulong
Diosdado Macapagal sa pamamagitan ng Republic Act No. 4166 noong 4 Agosto 1964.
Bago ito, ipinagdiriwang ngAraw ng Kasarinlan ang pagbibigay ng kalayaan sa Filipinas
ng Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946. (VSA)
áraw ng Kasarinlán
Ang arnís ay isang sining ng pakikipaglaban ng mga Filipino na kapuwa pandepensa at
pang-opensa. Bagaman kilala itong gumagamit ng sandata lalo na ng dalawang patpat
na karaniwang yari sa yantok o kamagong, ang mga kasangkapang ito ay itinuturing na
ektensiyon lamang ng mga kamay at kakayahan ng manlalaro.
Nagsimula ang paglalaro ng arnis bago pa dumating ang mga Espanyol. Ginagamit ito
ng mga tribu sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. Ipinagbawal ito nang dumating
ang mga Espanyol. Sa kabila nito, patuloy ngunit palihim na nagsanay ang mga Filipino
sa paglalaro nito. May mga pagkakataong isinasagawa nila ito sa publiko maging sa
harap ng mga Kastila ngunit sa paraang artistiko, bilang bahagi ng dulang Moro-Moro.
Dito, nakasuot ang mga Filipino ng damit ng mga Espanyol na sundalo na tinatawag na
arnes at kunwa’y nakikipaglaban sa mga kaaway.
Maytatlongpamamaraansapaglalarongarnis:angespadaydaga(espadaatpunyal),solo
baston (isang patpat), at sinawali (maghabi). Sa huli, gumagamit ng dalawang patpat na
magkatulad ang haba at iminumuwestra ang galaw ng paghahabi tuwing nakikipaglaban.
Sakasalukuyan,itinuturoitosailangpaaralanbilangbahagingEdukasyongPampalakasan.
Kabilang sa mga kinikilalang maestro ng modernong arnis sina Venancio “Anciong”
Bacon, Dan Inosanto, Cacoy Canete, Mike Inay, Remy Presas, at Ernesto Presas. (GB)
arnís
Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ikalawang linggo ng Enero sa Kalibo, Aklan
sa pulô ng Panay upang gunitain ang kapistahan ng Santo Niño. Ito ay karaniwang
ipinagdiriwang pagkatapos ng selebrasyon ng pagdalaw ng Tatlong Hari kay Hesus sa
sabsaban. Gamit ang makukulay na maskara, uling sa katawan, at iba’t ibang matingkad
na kasuotan, ang mga táong kaisa sa pagdiriwang ay sumasayaw kasabay ang tunog ng
mga tambol at sigaw na “Hala, Bira!.”
Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng isang Ati.” Noong
ika-13 siglo, pinaniniwalaang dumating sa Panay ang sampung datu mula sa Borneo at
nakipagsundo sa mga katutubong Ati. Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim
na tao, kulot ang buhok, at naninirahan noon sa Panay.Ayon sa kuwento, binili nina Datu
Puti ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas. Magmula
noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababâ silá kapag humihingi ng
tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay sumasayaw at kumakanta bílang pasasalamat.
ItinapatangAti-AtihansapagdiriwangngpistangSantoNiño.Kayâbahagingsanlinggo’t
masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi sa imahen ng batàng Hesus,
gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang tuwing Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang”
ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz, “Maskarahan” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique.
(IDC)
Atí-Atíhan
Ang bánoy (pithecophaga jefferyi) ay isa sa mga lokal na pangalan ng pambansang ibon
ng Filipinas na may pangalan sa Ingles na Philippine Eagle at Monkey-eating Eagle.
Kabilang ito sa pamilyang Accipitridae na dito lámang matatagpuan sa kagubatan ng
Filipinas. Kulay kayumanggi ang plumahe o balahibo nitó, karaniwang may sukat
na 86–102 sentimetro (2.82–3.3 piye) ang habà, at tumitimbang ng 4.7-8 kilo (10-18
libra). Tinatawag din itong agilá (mula sa Espanyol), manaul sa matandang Bisaya,
mamboogook at malamboogook sa Mandaya at Manobo, tipule sa Subanon, at bánog
dahil napagkakamalang lawin.
Ang bánoy ay itinuturing na nanganganib nang hayop dahil sa pagkawala ng tirahan
bunga ng pagkasira ng kagubatan. Matatagpuan ang ibong ito sa apat na malalaking
isla na kinabibilangan ng silangang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Pinakamarami
ngayon ang naninirahan sa Mindanao, mga 82 at 233 parehang naglalahian. Matatagpuan
ang mga ito sa Northern Sierra Madre National Park sa Luzon, at sa MountApo at Mount
Kitanglad National Park sa Mindanao.
Noonguna,tinawagnaPhilippineMonkey-EatingEagleangbanoydahilpinaniniwalaang
tanging unggoy lámang ang pagkain, subalit napatunayang hindi ito lubos na tama.
Ang pangunahing pagkain nitó ay nag-iiba depende sa matatagpuan sa kinaroroonan.
Ang buong siklo ng pagpapalahi ay tumatagal ng 2 taon. Ang kakayahang seksuwal sa
reproduksiyon ay naaabot ng babaeng banoy sa gulang na 5 taon, samantalang ang lalaki
ay 7 taon. Katulad ng ibang agila, ang banoy ay monogamous, kapag ang dalawang banoy
ay nagkapareha na, mananatiling magkapareha ang mga ito habang buhay. Naghahanap
lámang ng ibang kapareha ang isa kapag namatay ang kapareha. Matagumpay nang
nakapagpalahi ng bánoy hábang nakakulong at makikita ang mga ito sa parke ng Malagos
sa Davao.(SSC)
bánoy
Angsalitângbagyóaynangangahulugangnapakasamânglagayngpanahonnamaydaláng
malakas na hangin at ulan. Tinatawag ding “buháwing tropikál” (tropical cyclone). May
apat na babala o warning ito kapag daraan ito sa Filipinas sa susunod na 12 hanggang
36 na oras depende sa lakas ng hangin. Ang Babala Blg 1 ay para sa hanging may bilis
na 30-60 kilometro bawat oras na may kasamang pabugso-bugsong ulan. Sa Babala
Blg 2, ang hangin ay may bilis na 60-100 kilometro bawat oras. Sa Babala Blg. 3, ang
hangin ay may bilis na 100 - 185 kilometro bawat oras. At Babala blg 4, ang hangin ay
may bilis na mahigit sa 185 kilometro bawat oras. Nagsimulang kasindakan ang bagyo
noong 1911 pagkaraang maitalâ sa Lungsod Baguio ang 46 na pulgada ng ulan sa loob
lamang ng 24 oras.Ang mga bagyo sa Filipinas ay kadalasang nabubuo tuwing buwan ng
Mayo hanggang Nobyembre sa hilagang-kanluran ng Dagat Pasipiko at nagmumula sa
Marianas at mga pulô ng Carolinas. Ang mga bagyong pumapasok sa loob ng Filipinas
ay binibigyan ng lokal na pangalan ng Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko,
Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas (PAGASA), ang ahensiya ng gobyerno na
sumusubaybay at nag-aaral sa galaw ng klima ng bansa. Karaniwang umaabot sa 20
bagyo ang dumaraan sa bansa kada taón, subalit noong 1993, umabot ang bilang nito sa
32.
Sa taunang talâ, ang buwan ng Setyembre ang may pinakaaktibong galaw ng mga unos
sa bansa at ang hilagang Luzon at silangang Bisayas naman ang madalas tamaan ng
mga ito. Ang pinakamapinsalang bagyo na tumamà sa Filipinas ay ang Bagyong Uring
noong 1991 na nagdulot ng malaking pagbahâ at kumitil ng mahigit 5,000 katao bukod
pa sa ilang libo katáong nawawala. Pumangalawa ang Bagyong Nitang na nakapagtalâ
ng mahigit isang libo katáong namatay. Noong Setyembre 2009, lumubog sa bahâ ang
malaking bahagi ng Metro Maynila, partikular ang mga siyudad ng Marikina at Pasig,
at karatig probinsiya dulot ng Bagyong Ondoy. At Setyembre 2011, inilubog din ng
katulad na bahâ ang Luzon, partikular ang mga bayan ng Bulacan at Pampanga, dulot ng
magkasunod na Bagyong Pedring at Pepeng. (AMP)
bagyó
Malaon nang kinikilalang “Pambansang Tahanan” ang báhay-kúbo at sinasabing
kinatawan sa katatagan ng mga Filipino dahil kaagad nakatitindig kahit magdaan ang
bagyo, lindol, at ibang kalamidad. Kinakatawan din nitó ang pagiging malapit ng Filipino
sa kalikásan. Presko ang kalooban ng bahay dahil maraming puwang para pumasok ang
hangin. Ang pangyayaring ito ay sumasagisag diumano sa nakabukás na kalooban ng
tumatahan, sa katapatang makisáma, at sa pagkakaisa ng pamilya.
Munti at kuwadrado ang estruktura ng báhay-kúbo. Madalî itong maitayô dahil yari sa
materyales na matatagpuan sa kaligiran. Kahoy o kawayan ang mga haligi at balangkas
ng sahig, dingding, at bubong. Pawid o kugon naman ang ginagamit na pantakip sa
dingding at bubong. Mababà man ito ay nakaangat sa lupa at kailangang akyatin gamit
ang hagdan na may tatlo hanggang limang baitang. Karaniwang ginagawâng kulungan
ng mga alagang hayop ang silong.
Madalas itong maging tanda ng bayanihan, dahil malimit ilarawan na pinagtutulungang
pasanin ng magkakapitbahay at magkakanayon kapag kailangang ilipat ng pook. Paksa
rin ito ng isang popular na awiting bayan, na naglalarawan hindi ng loob o kaanyuan ng
báhay-kúbo kundi ng mga pananim at gulay sa bakuran at “paligid-ligid” nitó. (LJS)
báhay-kúbo
Ang bakaáwan (Rhizopora mucromata) ay isang uri ng punongkahoy na tumutubo
sa tubig -alat o tabang. Karaniwan itong makikitang tumutubo malapit sa karagatan.
Natatangi ang mga ugat nito dahil maaari itong mabuhay sa ibabaw o ilalim ng tubig.
Ang mga ugat nito ay may espesyal na katangian na mabuhay sa parehoong ibabaw at
sa ilalim ng tubig. Ito ay kKaraniwang lumalaki ang punong ito nang mula dalawa 2
hanggang sampung 10 metrong na taas.
Ang terminong bakawan ay isa pang kahulugan. Maaari itong tumukoy sa pook na
maraming punongkahoy na bakaw o bakawan, isang lugar pumapagitna sa lupa at
karagatan na tinitirahan ng mga isda.
Ang punongkahoy na bakawan ay sinasabing pinagmumulan ng materyales sa paggawa
ng bangka at muwebles. Ginagamit din ito para gumawasa paggawa ng uling. Ang katas
ng dahon at balaát ng kahoy naman ay nagagamit na sangkap na pangkulay. Maaari rdin
itong pagkunan ng pagkain tulad ng pulut, sukà, at mantikang panluto.
Napakahalaga ng bakawan sa ating kaligiran. Nagbibigay ito ng tirahan hindi lamang
sa mga isda kundi maging sa mga ibon at iba pang ilahas na hayop. Tumutulong din ito
sa paglilinis ng ating hangin at katubigan sa pamamagitan ng matitibay na mga dahon
at ugat nito. Nagbibigay-proteksiyon din ito sa mga tirahang malapit sa pampang dahil
napipigilan nito ang paghampas ng hangin at pagragasa ng alon mula sa karagatan lalo
sa panahon ng bagyo.
Ang bakawan ay tinatawag ding bakaw, bakawang babae, bakhaw, bako, bukaw,
mangrove, at tagasa. (SAO)
bakáwan
Ang baklád ay isang uri ng estrukturang pangisda na inilalagay sa may baybaying-
dagat. Mistulang maluwang na bakod ito nagsisilbing pangharang at panghúli sa mga
isdang nagpapalipat-lipat sa malapit sa pampang at sa karagatan. Maaaring pansamantala
o permanente ang isang baklad na inilalagay kung saan dumaraan ang mga isdang
naglalakbay. Tulad ng isang bakuran, itinatayô ang mga poste ng kawayan nang may
pantay-pantay na agwat. Karaniwang may pasukan ang isang baklad para sa mga isdang
nagkakawan. May matá o bútas ang lambat sa isang baklad na hindi liliit sa 3 sentimetro.
Kalimitang hugis pana ang isang baklad. Maaaring umabot ng ilang daang metro ang
habà ng bawat isang tangkay sa gilid nitó. Ang kulungan ng baklad na pansamantalang
itinayô ay may panghatak na pukot at dalawang dulo na nakaangkla sa baybay. Nananatili
ang súpot ng pukot sa mababaw na bahagi ng tubig at nagsisilbi itong lalagyan ng mga
isdang nahuhúli. May isang uri naman na gawa sa kawayan, lambat at alambre o hibla
ng kawayan na ginagamit panali.
Sa Filipinas, saklaw ng pamahalaang lokal ang regulasyon at pahintulot sa pagtatayô ng
baklad sa baybaying-dagat. Pinapaupahan ang isang parte ng baybay sa mga indibidwal o
gruponamaysapatnapuhunanparamagpatayôngbaklad.Subalitmaymgapagkakataóng
malaki ang sukat ng baklad kayâ’t sinasakop at isinasara nitó ang malaking bahagi
ng baybay. Nagdudulot ang ganitong sitwasyon ng problemang tulad ng kawalan ng
espasyo para sa maayos na pagdaloy ng tubig at nabegasyon. Dahil dito, kailangan ng
pamahalaang lokal ang regular na pagmonitor at pagbisita sa mga baybaying-dagat na
kanilang nasasakupan. (MA)
baklád
Katutubong sapin sa paa ang bakyâ at yari sa kahoy ang suwelas at katad o tela ang
kaluban. Maaaring impluwensiya ito ng sapin sa paa ng mga Tsino o ng mga Hapones.
Gayunman, maaaring bunga ito ng naramdamang likás na pangangailangan para sapnan
ang paa laban sa subyang at putik. Nagkaroon din ng masining na pag-ukit sa kahoy
ng bakyâ at pagpipinta ng disenyo sa katad o telang kaluban ng paa. May panahon na
isinusuotitongkababaihankungpistaattangingokasyon.Itoangnakasaadsasentimental
na awit na “Ang Bakyâ Mo Neneng”:
		 Ang bakyâ mo Neneng, luma at kupás na
		 Ngunit may bakás pa ng luha mo sinta.
Sa pagdating ng makabagong tsinelas at sapatos ay naging sagisag ang bakyâ ng
pagiging probinsiyanong makaluma. Nitóng mga taóng 1960, nagkaroon pa ito ng higit
na masamâng kahulugan. Ginamit ito ng isang direktor sa palikula, ang Pambansang
Alagad ng Sining Lamberto Avellana, upang tukuyin ang mga manonood na hindi
diumano nakauunawa o walang wastong pinag-aralan hinggil sa mahusay na pelikula.
Literal pang nakabakya noon ang mga dukhang manonood ng pelikulang Tagalog sa
lalawigan. Sinundan ito ng iba upang kutyain ang “pangkaraniwan,” “probinsiyano,”
at “mababàng uri.” At marahil, ang ganitong pangyayari ang hindi matanggap ng isang
nagsisikap gumunita sa matamis na kahapon ng “Ang Bakyâ Mo Neneng.” (VSA)
bakyâ
Ang balimbíng (Averrhoa carambola) ay isang uri ng punongkahoy na may bungang
hugis tatsulok ang limang gilid. Ang punong ito ay maliit hanggang katamtaman ang
taas, karaniwang hindi tataas sa 5-12 metro. Kabilang ito sa pamilyang Oxalidaceae at
kamag-anak ito ng kalamias o kamias. Madali itong patubuin at palakihin at maaaring
makita sa kahit saang lugar sa Filipinas.
Ang prutas nito ay karaniwang maberde, minsaý manila-nilaw kapag hinog na at maaari
nang kainin. Mataas ito sa bitamina B at C pati na rin sa Iron.Ang mga dahon at bulaklak
naman nito ay ginagamit na halamang-gamot.
Dahil sa anyo nitong may ilang gilid, ang prutas ng balimbing ay inihahalintulad sa mga
baligtaring politiko at pinunong-bayan na madalas magpalit ng kinaanibang partido ayon
sa inaakala nilang makukuhang pakinabang dito. Ito ay karaniwang inihahalintulad sa
mga pulitikong tao na hindi tapat sa kanilang panig dahil sa ang prutas nito ay maraming
iba’t ibang mukha. Ang ganitong uri ng mga politiko ay nakagawian nang bansagang
balimbing na ang kahulugan ay “doblekara.” (SAO)
balimbíng
Ang bangús o Chanos chanos ay isda na nag-iisang miyembo ng pamilyang Chanidae.
Tinatawag itong sábaló kapag husto na sa gulang para makapagparami na karaniwan
ay nása edad na limang taón at may habàng 50-150 sentimetro. Dinalá ang bangus sa
Filipinas mula sa Indonesia o China mahigit-kumulang sa 300 taón na ang nakalilipas.
Matatagpuan ito sa mga baybaying-dagat na mainit (higit sa 20 sentigrado) ang tubig,
malinaw at mababaw. Inaalagaan din ang bangus sa mga palaisdaan at iba pang uri ng
kural pang-isda. Bihirang mahúli ang sabalo sa malalim na tubig dahil sa bilis at lakas
nitóng lumangoy. Nahuhúli lang ito kapag dumadayo sa mga baybayin sa panahon ng
pangingitlog. Kilaláng lugar ang isla ng Panay na dinadayo ng sabalo para mangitlog.
Karaniwang matatagpuan ang mga itlog sa parteng malapit sa baybayin na may lalim na
10-20 metro.
Pahabâ ang katawan ng bangus, bahagyang impis at walang kaliskis sa tiyan bagaman
natatakpan ng mga bilugan, maliliit at makinis na kaliskis ang mga palikpik. Parang
kumikinang na pilak ang katawan nitó lalo na kung bagong hango mula sa tubig. May
hilatsa ng balát na tumatakip sa mga matá. Maliit ang bibig at walang ngipin ang bangus.
Nakakáya ng bangus ang masasamâng kondisyon ng temperatura, alat, oxygen, ammonia,
nitrite, pagsisikip, at gútom. Kayâ naman popular na inaaalagaan at pinalalago ang
bangus sa iba’t ibang uri ng palaisdaan. Sa Filipinas, ang bangus ang pangunahing isda
na inaalagaan at napakahalaga sa ekonomiya ng bansa. (MA)
bangús
Angbanígangpinakasikátnaproduktomulasamasinsingpaglálanghinimaynadahonng
bulé (o bulí) o pandán (pandanus). Parihabâ, maaaring pang-isahang tao, pandalawahan,
o pampamilya ang súkat, at ginagamit na higaan. Ginagamit din itong sapin sa sahig
upang maupuan. Mainam na higaan ang baníg dahil nakapagpapanatili ng lamig kahit
mainit ang panahon.
Dahil sa makukulay na disenyo ng baníg ng Samal at Badjaw, sinasabing ginagawa
sa Filipinas ang pinakamagagandang baníg. Napabantog ang Laminusa, lalo na nang
parangalan ang isang manlalála ng baníg dito bilang Manlilikha ng Bayan. Pinakagamitin
naman ang baníg mulang Basey, Samar na ginagamitan ng himaymay ng tíkog. Sa Lanao
at Cotabato, halamang sésed ang nilalála.
Nilalála din nang masinsin ang bule at pandan bilang sisidlan. Pangunahin dito ang
bayóng, isang malalim na sisidlan na may tambal na hawakan sa bibig. Wala itong takip.
Nilalagyan ito ng gulay, prutas, at ibang binili sa pamamalengke. Lalagyan ito ng bigas
ng mga Tagbanwa. Naglalála din ngayon ng ibang kasangkapan at dekorasyon. May
laruang hugis isda o ibon, nakakatulad ng origami sa papel ng mga Hapones, na gawa
sa bule o pandan. Nilála ding himaymay ang popular na “sombrerong Baliuag” at ang
karaniwang balanggót ng mga magsasaka. (VSA)
baníg at bayóng
Simula noong panahong Komonwelt, itinuturing na pormal at pambansang kasuotan
ng kalalakihan ang barong tagálog. Ngunit kasuotan na ito ng mga Filipino noon pang
panahon ng mga Espanyol at mauugat sa panahong iyon ang ilang katangian nitó. Ang
bárong tagálog ay pang-itaas na damit panlalaki, may mahabàng manggas, may bukás
hanggang dibdib, walang bulsa, karaniwang manipis ang tela at walang kulay, at isinusuot
nang hindi nakaparagan.
Pangkaraniwang kasuotan ito noon ng mga Indio. Manipis ang tela, dahil mas presko
ito kung mainit ang panahon. Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista
upang hindi makapagkubli ng patalim o sandata ang Indio sa ilalim ng damit. Hindi
nakaparagan ang pagsusuot dahil praktikal ito para sa maginhawang pagtatrabaho.
Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang magmukhang imperyor
ang Indio at madalîng maibukod sa mga Espanyol na nakaparagan ang kamisedentro.
Wala ring bulsa ang bárong tagálog upang hindi makapang-umit sa bahay o tindahan.
Si Pangulong Manuel L. Quezon ang nagdeklarang “pambansang kasuotan” ang bárong
tagálog. Sinimulan din itong gamitan ng mamahaling telang husi at pinya at bordado
upang maging elegante. Noong 1975, nagproklama pa ang Pangulong Ferdinand E.
Marcos ng isang “Linggo ng Barong Tagalog” tuwing Hunyo 5-11, bago ang Araw ng
Kasarinlan, at lalong naging simbolo ang bárong tagálog ng paglaban sa kolonyalismo.
Ginagamit ngayon ito sa mga opisyal na pagdiriwang at importanteng okasyon. Pormal
ang tao kapag sinabing “nakabaróng.” Nauso naman noong dekada 60 ang “pólo baróng”
na maikli ang manggas at karaniwang mumurahin ang tela para sa pang-araw-araw na
pagpasok sa opisina. (VSA)
bárong tagálog
Batásang Pambansâ ang itinawag sa sangay ng gobyerno na gumagawa ng batas ng
Filipinas noong panahon ng Batas Militar sa ilalim ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Isa itong kapulungang may isahang kamara (unicameral) na binubuo ng mga halal na
kinatawan mula sa mga probinsiya, distrito, lungsod, at mga sektoral na kinatawan ng
kabataan, manggagawa, at magsasaka. Ang pangkalahatang kapulungan ng Batasang
Pambansa ay may katungkulang maghalal ng Ispiker, Pangulo, at Punong Ministro,
magbalangkasngmgabatas,magpatibayngmgainternasyonalnakasunduan,magsagawa
ng imbestigasyong makatutulong sa paglikha ng batas, magbalangkas ng badyet ng
gobyerno, at magdeklara ng giyera.
Ang Batasang Pambansa ay binuo ayon sa Konstitusyong 1973 na pinagtibay noong 17
Enero1973sabisàngPresidentialProclamationNo.1102niPangulongMarcos. Pinalitan
ng konstitusyong ito ang uri ng gobyernong umiiral sa Filipinas mula sa presidensiyal
na sistema tungo sa isang binagong parlamentaryong sistema. Noong 16 Oktubre 1976,
naglunsad si Pangulong Marcos ng isang reperendum-plebisito upang susugan ang
Konstitusyong 1973 at itakda ang pagbubuo ng isang Interim Batasang Pambansa (IBP).
Matapos nitó, pinulong ng pangulo ang isang Batasan noong Agosto 1977 na tumalakay
sa pagbubuwag ng presidensiyal na sistemang panggobyerno at pagtatakda ng pormal na
halalan upang maitatag ang IBP.
Naging masalimuot ang isinagawang halalan para sa Interim Batasang Pambansa
noong 16 Abril 1978. Binoykot ng ilang prominenteng personalidad sa oposisyon ang
halalan subalit lumahok dito si Senador Benigno Aquino Jr. kasama ng ilang nakapiit
na oposisyonista sa ilalim ng koalisyong Lakas ng Bayan (LABAN). Sa kabilâng
panig, inorganisa ni Pangulong Marcos ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ng mga
Nacionalista, Liberal, at iba pang partido. Noong Abril 6, sumiklab ang espontaneong
kilos protesta ng mamamayan sa pamamagitan ng malawakang pag-iingay sa mga
lansangan ng Maynila. Pagkatapos ng halalan, mayorya ng posisyon sa IBP ang nakuha
ng KBL samantalang 13 puwesto lámang ang napagwagian ng oposisyon.
Batásang Pambansâ
Pinasinayaan ang unang pulong ng Interim Batasang Pambansa noong 12 Hunyo 1978.
Naging ganap na isahang kamara ang kapulungang ito noong 17 Enero 1981 at umiral
hanggangPebrero1986. BinuwagniPangulongCorazonAquinoangBatasangPambansa
noong 25 Marso 1986 sa bisà ng Proklamasyon Blg. 3. Gayunman, nanatili ang pangalang
“Batasang Pambansa” para sa gusali at pook sa Lungsod Quezon na ginamit ng IBP at
ginagamit ngayon ng Mababàng Kapulungan ng Kongreso ng Filipinas. (SMP)
Katutubong tatô (tattoo sa Ingles) sa Kordilyera: fátek sa Bontok, bátek sa Kalinga,
at fátok sa Ibaloy. Lahat ng salitâng ito ay mula sa tunog ng pagtiktik ng patpat sa
instrumentong ginagamit sa pagtatatô na karaniwang yari sa sungay ng kalabaw na may
mga tinik o karayom sa isang dulo. Mabusising trabaho ang pagtatatô. Maaari itong
tumagal mula isang araw hanggang isang linggo depende sa disenyo. Karaniwang
nilalagyan ng tatô ang kamay, bisig, dibdib, binti, at paa.
Laganap sa Filipinas noong bago dumating ang mga Espanyol, buháy hanggang ngayon
ang sinaunang kaugaliang ito sa mga lalawigan ng Kordilyera, lalo na sa Kalinga.
Dito matatagpuan ang pinakamaraming manfátek (eksperto sa pagtatatô) at ang
pinakakomplikadong mga tatô na kamamalasan ng heometrikong disenyo, at ng mga
makahulugang motif tulad ng butiki at mga markang-x na kung tawagin ay lin-lingao.
Hindi malinaw kung ano ang orihinal na katuturan ng fatek, ngunit ayon sa ilang ulat
mula sa panahong kolonyal, ang pagtatatô sa Kordilyera ay kaugnay ng káyaw o
pamumugot ng ulo ng kaaway na laganap sa rehiyon noon. Sa Kalinga, mga mandirigma
na lumahok at nagtagumpay sa mga pakikipaglaban sa mga kaaway ng kanilang ili ang
may pinakamaraming tatô. Hanggang ngayon, nananatili ang mahigpit na kaugnayan ng
tatô sa kagitingan sa pandirigma. Hindi lamang ang mga lalaking mandirigma, bagkus
pati na rin ang ilang babae sa kanilang angkan, ang maaaring magtaglay ng tatô bilang
tanda ng kanilang mataas na ranggo sa lipunan. Sa pagdaraaan ng panahon, nagkaroon
ng iba pang kahulugan ang fatek. Ngayon, tinitingnan ito bilang tanda ng kahandaan sa
pagtanggap ng responsabilidad, o sagisag ng katutubong konsepto ng kagandahan. Higit
sa lahat, dumarami ngayon ang nagpapatatô ng tradisyonal na disenyo upang ipagmalaki
ang kanilang etnikong identidad. (DLT)
fátek
Isang bantog na pagkaing Filipino ang balút, nilagàng itlog ng itik at pinaniniwalaang
pampalakas ng katawan at pampasigla sa pakikipagtalik. Ginagamit itong pulutan sa
inuman at katerno ng sitsaron. Kamakailan, nauso ang binalatán at ipinritong balút.
Ngunit hindi ito basta nilagàng itlog ng itik. Sa bayan ng Pateros, na bantog sa industriya
ng balút, maingat na pinipilì ang mga itlog ng itik na kinukulob sa isang pook halimhiman
sa loob ng 17-19 araw para magkaroon ng kitî o sisiw. Ngunit hindi hinahayaang mapisâ
ang itlog. Pagkatapos ng naturang paghalimhim, kinukuha ang itlog na may sisiw,
hinuhugasan, at inilalaga. May mahilig sa balút sa putî, itlog na kinulob sa loob ng 16-
17 lámang kayâ maliit pa ang sisiw. Karaniwang bahagyang binubuksan ang balát ng
isang dulo ng itlog, binubudburan ng asin, at hinihigop ang sabaw at lamán.
Ang pénoy ay nilagàng itlog ng itik na nabilíg o hindi nagkasisiw. Sa halip, nagkaroon
lámangitongmalakingmasanaputîatdilawsaloob.Kungtutuusin,paraitongkaraniwang
nilagàng itlog ng manok. Naiiba ang penoy dahil walang tiyak na hugis ang putî at dilaw
bukod sa malimit na magkahalò. May uri itong masabáw at may uring tuyô. Penoy ang
pinipilì ng mga tao na hindi káyang kumain ng itlog na may sisiw. (VSA)
balút, pénoy
Isang kapuri-puring kaugalian ng mga Filipino ang bayaníhan o maramihang
pagtutulungan para sa anumang gawain. Karaniwan itong nakikíta kapag may ililipat o
bubuhating bahay sa kanayunan. Kapag kumalat ang balita, kusang dumarating ang mga
kapitbahay at kanayon upang tumulong sa pagsasaayos at pagbuhat ng mga kasangkapan
at sa mismong sáma-sámang pagbuhat sa bahay. Lumilitaw din ito sa mga trabaho sa
bukid, gaya sa pag-aararo, pagsusuyod, pagtatanim, at paggapas. Upang bumilis ang
pagtatrabaho, dumarating ang mga magsasaká sa buong nayon upang tulungan ang isang
maypatanimomaypaararo.TinatawagdinitongammóyoattagnáyasaIloko,aragláyon
sa Waray, húngos sa Sebwano, dagyáw sa Hiligaynon atAklanon, tarabángan sa Bikol,
at batarisán at pasuyò sa Bulacan.
Itinanghal ito sa kuwentong “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda. Sa kuwento, may
tambal-kahulugan ang “suyuan.” Una, tungkol sa bayaníhan sa bukid, ang sigla ng mga
magsasaká sa pagtulong sa pag-araro. Ikalawa, tungkol sa labanan nina Pastor at Ore
para sa pag-ibig ng isang babae. Ipinangalan din sa bayaníhan ang Bayanihan Dance
Company, isang pangkat ng mananayaw na nagtatanghal ng katutubong sayaw ng
Filipinas na itinatag sa Philippine Women’s University. Inilahok ang pangkat sa Brussels
Universal Exposition noong 1958, nagtagumpay, at naging bantog sa buong daigdig.
(VSA)
bayaníhan
Si Benigno Simeon Aquino Jr. (be·níg·no sim·yón a·kí·no) (27 Nobyembre 1932–
21 Agosto 1983), mas kilala bilang “Ninoy,” ay isang Filipinong senador na naging
pangunahing kritiko laban kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong panahon ng
diktadura.PinaslangsiyásaPaliparangPandaigdigngMaynilapagkauwimulasadestiyero
sa Estados Unidos. Ang kaniyang pagkamatay ang nagsilbing mitsa ng pagkakaluklok
ng kaniyang maybahay, si Corazon Cojuangco Aquino, bilang Pangulo na pumalit sa
20-taóng rehimeng Marcos.
Isinilang siyá sa Concepcion, Tarlac noong 27 Nobyembre 1932 kina Aurora Aquino-
Aquino at Benigno S. Aquino Sr., dating Assemblyman. Ang kaniyang lolo, si Servillano
Aquino, ay isang heneral sa hukbong rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo. Pumasok
siyá sa Ateneo de Manila upang mag-aral ng batsilyer sa sining. Hindi niya ito natapos
sapagkat pinilìng maging peryodista. Sa edad 17, si Aquino, para sa pahayagang The
Manila Times ni Joaquin “Chino” Roces, ang naging pinakabatàng korespondent para
sa Digmaang Korea, at sinundan niya doon ang mga gawain ng mga sundalong Filipino
(PEFTOK). Natamo niya dahil sa Korea ang Philippine Legion of Honor na iginawad
sa kaniya ni Pangulong Elpidio Quirino sa edad na 18. Kumuha siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Pilipinas, ngunit hindi niya rin ito natapos.
Sa edad na 22, nahalal si Aquino bilang alkalde ng Concepcion, Tarlac. Siya ang naging
pinakabatàng bise-gobernador noon ng bansa sa edad na 27. Dalawang taon lang ang
lilipas bago siyá maging gobernador ng lalawigan. Noong 1967, sa edad 34, siyá ang
nagingpinakabatànghalalnasenadorsakasaysayanngFilipinas.Dimalaonayumusbong
si Aquino bilang pangunahing kritiko laban kay Marcos at sa asawa nitong si Imelda.
Nang ipahayag ang Batas Militar noong Setyember 1972, dinakip si Aquino at nakulong
ng maraming taon. Nagkaroon siya ng sakit sa puso at pinahintulutang lumabas ng bansa
upang maoperahan sa Estados Unidos. Sinubok niyang bumalik sa Filipinas noong 1983,
ngunit pagtuntong pa lamang niya sa paliparan ng MIA, binaril siya sa ulo.Ang kaniyang
Benigno Simeon
Aquino Jr.
pagpaslang ang isa sa mga pangyayaring nagdulot sa People Power (EDSA) Revolution
ng 1986 na nagbalik ng kalayaan sa taumbayan, at sa pagkakaluklok sa kaniyang iniwang
maybahay na si Corazon Aquino bilang Pangulo ng bansa. Noong 2010, nahalal din
bilang pangulo ang kaniyang anak na si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino
III.
Bilang pagpapahalaga, ipinangalan ang paliparang tagpo ng kaniyang kamatayan bilang
NinoyAquinoInternationalAirport(NAIA).Makikitaangkaniyangimahensa500-pisong
papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at matatagpuan ang kaniyang monumento sa
sentrong distritong pangkalakaran ng Lungsod Makati. (PKJ)
Isang uri ng kakanin ang bibingká na gawa sa giniling na bigas at iniluto sa gatâ ng
niyog at may timplang asukal. Kinakain itong kasáma ang bagong kudkod na niyog.
Kung espesyal, nilalagyan ito ng mga piraso ng itlog na maalat at kesong putî sa ibabaw.
Tinutukoy ng pangalan nitó ang paraan ng pagluluto sa naturang kakanin. Wika nga ng
isang kanta, tumutukoy ang bibingká sa bagay na iniluluto nang may apoy sa ibabaw at
may apoy sa ilalim.
Inihuhurnong tulad ng tinapay o keyk ang bibingká. Ngunit dahil walang hurno sa
kanayunan noon, inimbento ng mga Filipino ang bibingkahan. Inihuhurno ang kakaníng
ito sa isang platong metal na may sapíng dahon ng saging at isinasálang sa kalan ng
nagbabágang uling. Pagkatapos, ipinapatong sa plato ang sampirasong kuwadradong
yero na may nagbabágang bunót ng niyog.
Bibingká sa galapóng ang karaniwang iniluluto sa Kamaynilaan, lalo na kapag panahon
ng Pasko. May gilingang bato noon para gawing galapóng ang bigas. May bibingká
ngayong gawâ sa kamoteng-kahoy. May timplang tubà ang bibingkáng Mandaue.
Samantala, may nagtuturing na bibingká ang bíko dahil inihuhurno din ang bigas na
may gatâ at asukal na may timplang anis. (VSA)
bibingká
Tinaguriang “Bicol Express” (bí·kol éks·pres) ang rutang Maynila-Bikol ng Philippine
National Railways (PNR), isang kompanyang pag-mamay-ari ng pamahalaan.
Itinatag ang PNR noong 1875 bilang Ferrocaril de Manila-Dagupan at nagsimula sa
rutang papunta ng Pangasinan. Paglaon ay dinugtungan ang riles pahilaga ng linyang
Maynila-Legaspi. Naganap ang unang biyahe pa-Bikol noong 1931, at pitóng taon ang
lumpias bago naman nabuo ang daangbakal mula Dagupan hanggang Legaspi. Sa loob ng
ilang dekada, naging popular ito sa mga manlalakbay na pinili ang mas mura at mabilis
na biyaheng tren kaysa mamahaling eroplano at mabagal na kotse. Gayunman, mula
dekada ’70 ay kinaharap ng Bicol Express ang sunod-sunod na hamon sa popularidad
at kaligtasan nito: pagpapaunlad sa bahaging Maynila-Bikol ng Maharlika Highway,
paglagosabilangngmgaair-conditionednabus,pagbabasapresyongbiyahengeroplano,
at pagsabog ng bulkang Mayon noong 1993, at iba’t ibang bagyo at baha. Nagdulot ng
malaking pinsala sa daangbakal ang mga bagyong Milenyo at Reming noong 2006, at
tuluyang nahinto ang biyaheng Bikol ng PNR.
Pagkatapos ng ilang taon ng masugid na rehabilitasyon ng riles, binuksang muli ang
Bicol Express noong 2011. Sa panahon ng pagkakasulat ng artikulong ito, araw-araw
ang biyahe ng mga treng mulang Maynila patungong Naga sa Camarines Sur; hindi pa
naibabalik ang serbisyong patungong Legaspi sa Albay. Ipinangalan din ang popular na
maanghang pagkaing “Bicol Express” sa rutang ito. (PKJ)
Bicol Express
Maaaring isadula ang posibleng kasaysayan ng binakól sa ganitong paraan. Maaaring
magsimula sa nilagàng manok. Ang pinakasimpleng sinabawang piraso ng manok na
may luya bilang pampalasa. Nilagyan ng paminta, nilagà pa rin. Nilagyan ng repolyo
at patatas, nilagà pa rin. At saging na saba, nilagà pa rin. Maaari pa ngang ihanda nang
hiwalay ang mga nilagang repolyo, patatas, saging, at kahit kamote’t sitaw at kainin
kasabay ng paghigop ng sabaw ng manok.
May nakaisip ng pagbabago. Ang nilagàng manok na may luya’t bawang ay nilagyan
ng mga piraso ng hilaw na papaya at úpo. Nakilála itong tinóla. Isang higit na matipid
na putahe ngunit may linamnam ang mainit na sabaw na hihigop-higupin kung malamig
ang panahon. Tandaan ang tinóla sa malaking piging na handog ni Kapitan Tiyago sa
pagdating ni Crisostomo Ibarra. Nagustuhan din ng mariwasa sa panahon pa ni Rizal ang
linamnam ng sabaw ng tinóla.
Mula sa paghahanap ng bagong linamnam ng sabaw ng manok maaaring pumasok ang
binakól. Nagsisimula din ito sa ginisang luya’t bawang at ang mga piraso ng manok.
Kapag halos luto na ang manok ay magbuhos ng ilang tasa ng hugas-bigas. Sa wakas,
kapag maaari nang ihain ang manok ay idagdag ang malalaking piraso ng kinayod na
lamán ng búko ng niyog, ilang tasa ng sabaw ng búko, at mga dahon ng sili. Ang mga
sariwang piraso ng lamán at sabaw ng búko ang ikinaiba ng binakól sa mga sabaw ng
iba’t ibang nilagàng manok. (VSA).
binakól
Pelikulang idinirihi ni Manuel Silos at sa panulat nina Celso Carunungan at Pablo Naval,
ang Biyayà ng Lupà ay produksiyon ng LVN Pictures noong 1959. Tinampukan ito
ng tambalang Tony Santos Sr. at Rosa Rosal, kasáma sina Leroy Salvador, Carmencita
Abad, Carlos Padilla, Jr. Marita Zobel, at Joseph de Cordova. Nagwagi ang Biyayà ng
Lupà ng parangal mula sa FAMAS bilang pinakamahusay na pelikula ng 1959 at kinilala
sa Asian Film Festival noong 1960 nang matamo ni Leroy Salvador ang pinakamahusay
na tagasuportang aktor bilang pipi-binging anak. Natamo din ni Celso Al Carunungan
ang gawad FAMAS para sa pinakamahusay na kuwento.
Tungkol ito sa pagsisikap ng isang pamilya (Santos at Rosal) na mapaunlad ang búhay
sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtatanim ng lansones. Nagkaroon sila ng apat na
anak at higit pang bumuti ang kanilang ugnayan sa mga kababayan. Ngunit nasirà ang
kanilang katahimikan nang kaiinggitan ng isang masamâng loob (de Cordova) ang ama
ng tahanan. Ginahasa ng kontrabida ang dalagang anak at nagpakamatay ito. Napatay ang
ama nang magtangkang maghiganti. Isa sa binatang anak ang umalis upang maghanap
ng kapalaran sa lungsod. Samantala ipinagpatuloy ng ina ang pagsasaka. Inutusan
ang kontrabida ng isang sakim na may-lupa para sirain ang mga punòng lansones na
kasalukuyang namumulaklak. Nagtanggol ang mag-anak sa tulong ng taumbayan. Sa
wakas, napakinabangan ng mag-anak ang bunga ng kanilang paghihirap. (RPB)
Biyayà ng Lupà
Postumong ginawaran ng pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula si Lino O. Brocka
(bró·ka) (7 Abril 1939—21 Mayo 1991) noong 1997. Isa siyang direktor, manunulat, at prodyuser ng
pelikula. Ang kaniyang mga obra ay kinilala sa Filipinas at sa buong daigdig. Maituturing na mapangahas
ang kaniyang paglikha dahil sa paglihis niya sa nakagawiang motibo at pormula ng paggawa ng pelikula.
Pinatunayan ni Brocka na ang ang paggawa ng pelikula ay higit pa sa negosyo at tubo kundi pagpapaunlad
at pagmumulat ng kamalayan, at sa huli’y pagpapakilos ng Filipinong manonood. Sadyang pinaksa niya ang
iniwasan ng karamihan—mga paksang naglalantad sa mga sakit ng lipunan. Higit pang mapahahalagahan
ang mga obra ni Brocka kapag isinaalang-alang na nalikha niya ang mga ito sa panahong sinisikil ng nasa
kapangyarihan ang kalayaan sa pamamahayag. Sa pagsunod sa mga pamantayang ito ng paglikha, nag-
iwan siya ng mayamang kaban ng pelikulang ikararangal ng mga manonood ngayon at ng susunod pang
henerasyon.
Ang pagsangkot ni Brocka sa pagsusulong ng isang lipunang malaya ay hindi lamang sumentro sa paggawa
niya ng pelikula. Itinatag niya at pinamunuan ang Free the Artist Movement, na kalaunan ay mas nakilala
bilang Concerned Artist of the Philippines (CAP). Nanguna ang CAP sa paglaban sa pagpataw ng sensura
ng gobyerno sa pelikula at sa paggigiit ng malayang pagpapahayag.
Ang mga pelikula ni Brocka ay nagtampok ng mga naratibo ng mga táong nakikipagtunggali sa realidad
ng buhay, sa partikular, sa mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan. Sa pelikulang Maynila: Sa mga
Kuko ng Liwanag (1975), tumingkad ang mga sinematikong katangian na masasabing tatak Brocka. Batay
sa isang nobela, ang pelikula ay nagsasalaysay ng paghahanap ng isang lalaki sa Maynila sa kaniyang
kasintahang dinala ng isang rekruter. Kasabay nito, ipinakita ni Brocka ang tunay na mukha ng Lungsod—
madumi, madilim, malupit. Sinundan ito ng Insiang (1977), isang inosenteng babae sa slum na binago ng
paglapastangan sa kaniya ng amain. Ang Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984) naman ay kuwento ng isang
manggagawa na dahil sa pangangailangan ng asawang buntis ay naging eskirol sa welga. Tinalikuran
din siya ng amo kaya napilitan siyang sumali sa isang nabulilyasong pagnanakaw, hanggang sa mabaril
siya’t mamatay. Itinuring itong subersibo kaya’t tinangkang pigilin ang pagpapalabas, at hinayaan lamang
matapos ang napakahabang labanan sa korte. Ang Orapronobis (1989) ay matapang na pagtalakay sa
pang-aabuso ng militar at paramilitar na sadyang pinalaganap at sinuportahan ng pamahalaan kaugnay
ng programa nitong kontra-insureksiyon. Gaya ng Bayan Ko, hindi ito pinayagang maipalabas dahil
diumano’y subersibo.
Ipinanganak sa Pilar, Sorsogon kina Regino Brocka at Pilar Ortiz si Catalino Brocka. May isang kapatid
siya. Sinasabing politika ang dahilan ng pagkawala at pagpaslang sa kaniyang ama. Dahil sa matinding
kahirapang dinanas matapos mamatay ng ama, nagpasiyang lumipat ang mag-iina sa tirahan nito sa Nueva
Ecija. Nagtapos siya nang may maraming karangalan sa Nueva Ecija North High School at kasunod nito’y
nakatanggap ng iskolarsyip sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha siya ng Bachelor of Arts in English
Literature sa UP at patuloy na nag-aral sa Estados Unidos. Namatay siya sa isang aksidente noong 22
Mayo 1991 sa Lungsod Quezon. (RVR)
Lino O. Brocka
Estatwang kahoy na anyong-tao at kumakatawan sa diyos ng palay ng mga Ifugaw. Kung
minsan sinasabing kinakatawan din nito ang espiritu ng mga yumaong ninuno.
Isang mahabàng serye ng mga ritwal ang kailangang idaos upang pumasok sa estatwa
ang espiritu ng bul-ul. Nagsisimula ito sa paghanap sa gubat ng kahoy na lililukin at
nagtatapossaisangmarangyangpista.Sapistangitoidinadaosangkonsekrasyonngnililok
na estatwa na isinasagawa ng mga mambunong (katutubong eksperto sa pagdaraos ng
ritwal). Hanggang hindi ito natatapos, hindi maituturing na sagrado ang bul-ul. Sapagkat
magastos ang pagdaraos ng mga kailangang ritwal at pista, ang mga may malalawak na
taniman ng palay lamang ang may kakayahang mag-ari ng bul-ul.
Ang mga bul-ul ay kailangang bigyan ng iba’t ibang alay at hingan ng tulong upang
pangalagaan nila ang mga tanim, tiyakin na magiging masagana ang ani, at bantayan
ang mga inaning palay. Ginagamit din ang bul-ul sa mga ritwal na walang kinalaman sa
mga gawaing agrikultural. Sa mga bagay na ginagamit sa mga tradisyonal na ritwal ng
Ifugaw, ang bul-ul marahil ang pinakamahalaga.
Karaniwang pares ang mga estatwa—isang lalaki at isang babae na nakatayo o
nakatalungko. Makikíta sa mga bul-ul ang iba’t ibang estilo ng lilok. Batay sa estilo,
malaláman kung saang parte ng Ifugao nagmula ang bul-ul. Ang mga nakaupong bul-ul
ay karaniwang makikíta sa Banaue-Mayoyao, at ang mga nakatayo naman ay makikíta
sa Hapao. Sa Kiangan, mayroong “nagsasayaw” na bul-ul na doon lamang matatagpuan.
Sinasabi na iilan na lamang ang sagradong bul-ul na natitirá sa Ifugao. Ang mga bul-ul
na ipinagbibili sa mga turista o kolektor ng souvenir ay mga produktong komersiyal na
walang kabuluhan sa ritwalistikong búhay ng mga Ifugaw. (DLT)
bul-úl
Kilalá sa kahanga-hangang halos perpektong hugis apa ang Bulkáng Mayón. Ito ay
matatagpuan sa silangang bahagi ng lalawigan ng Albay at may 300 kilometro sa timog-
silangan ng Maynila. Ang Bulkang Mayon ang pangunahing halina ng rehiyong Bikol.
Ito ay may taas na mahigit 2,462 metro mula sa ibabaw ng dagat at may lawak na
314.1 kilometro kuwadrado na sumasakop sa mga bayan ng Camalig, Malilipot, at Sto.
Domingo. Ang Bulkang Mayon ay isang kompositong bulkan at nabuo sa pamamagitan
ng pagkakapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Itinuturing itong pinakaaktibong
bulkan sa buong bansa. Ang pangalan ng Bulkang Mayon ay halaw sa maalamat na
kuwento ni Daragang Magayon.
Sa nakalipas na 400 taón, ito ay nagkaroon ng 47 beses na pagputok.Ang unang naitalâng
pagputok ng bulkan ay noong 1616. Noong 1 Pebrero 1814, naitalâ sa kasaysayan ang
pinakamabagsik na pagsabog nito nang matabunan ng lahar at lava ang buong bayan
ng Cagsawa, Camalig, at Budiao at may 1,200 mamamayan ang sinasabing namatay,
samantalang gumuho naman ang kalahati ng Guinobatan. Nagsisilbing palatandaan ng
nalibing na mga bayan ang kampanaryo ng simbahan ng Cagsawa na matatagpuan sa
Barangay Busay sa munisipalidad ng Daraga, Albay. Noong 23 Hunyo 1897, naitalâ
ang pinakamatagal na pagsabog ng bulkan na umabot ng pitóng araw na walang tigil
sa paglabas ng apoy at lava. Ang hulíng malakas na pagsabog nitó ay noong 1993 at 77
katao ang namatay dahil sa ibinugang mainit na abo nitó. Ang pinakahulíng pagsabog ng
bulkan ay naganap noong 24 Pebrero hanggang 7 Marso 2000. (AMP)
Bulkáng Mayón
Pinakamataas na bundok sa Filipinas ang Bundók Apò na nása mga lalawigan ng Davao
del Sur at North Cotabato, at may layòng 32 kilometro mula sa bahaging kanluran ng
Lungsod Davao. May taas itong 2,954 metro (9,690 talampakan). Bagaman isa ring
bulkan, wala pang naitatalâng pagputok níto. Ang Bundok Apo ay patag sa ibabaw, na
may tatlong taluktok. Sa bahaging timog, sa ibabâ ng bunganga ay may uka o vent na
nilalabasan ng singaw na asupre. Tinatawag din itong Sandawa (Bundok ng Asupre) ng
mga táong naninirahan sa paanan nitó. May anim na katutubong pangkating nagtuturing
sa BundokApo bilang sagradong lupain: ang mga Manobo, Bagobo, Ubos,Atas, Kalagan,
at Tagakaola. Sa lugar na ito nilá sinasamba siApo Sandawa na kinikilála niláng dakilang
ninunong ama o apò at pinagmulan ng pangalan ng bundok.Ang bunganga ng bundok na
may 500 metrong lawak ay nagsisilbing isang malaking lawa, ang Lawang Venado, na
pinagkukunan ng enerhiyang heotermal. Ang Mindanao Geothermal Production Field,
na nása barangay Ilomavis sa Lungsod Kidapawan, North Cotabato, ang pinagmumulan
ng koryenteng ginagamit sa Kidapawan at mga karatig lalawigan.
Noong 1936, idineklara ang Mt. Apo National Park na may 80,864 ektarya sa paligid ng
bundok, upang mapangalagaan ang maraming di-pangkaraniwang hayop at halamang
matatagpuan dito. Makikita rin dito ang pinakamalaking agila sa mundo—bánoy
o Philippine Eagle, ang pambansang ibon ng Filipinas. May 270 uri ng mga ibon na
naninirahan sa kagubatan ng bundok at 100 sa mga ito ay tanging sa bansa lamang
matatagpuan. (AMP)
Bundók Apò
Kabílangangbungkakâ (bung∙ka∙kâ)samgainstrumentongkawayannanásakategoryang
baser at makikiíta ito sa Hilagang Luzon. Gawâ ito sa isang túbo ng kawayan. Hinahati
ang itaas na bahagi hanggang bandáng ibabâ. Sa paghahati, nagiging pahabaâng letrang U
ang itaas na magkabilâng bahagi nitó.Ang resulta—isang espasyo sa pagitan ng dalawang
nabuong hugis. Sa bandáng ibabâ ng túbo ay may maliit na bútas na tinatakpan ng kanang
hinlalaki upang mabago ang kalidad ng tunog at tono ng instrumento. Para patunugin,
gamit ang kanang kamay, hinahampas sa matigas na bahagi ng palad ng kaliwang kamay
ang itaas na bahagi ng bungkaka. Sa isang pangkat ng bungkaka, maririnig ang umuulit
na melodiya na epekto ng sabay-sabay na pagpapatunog ng instrumento. Ito ay resulta ng
magkakaibang timbre, yari, kapal o nipis ng kawayang ginamit, at pagsabay sa kompas
ng pagsara at pagbukás ng bútas na inukit sa bungkaka.
May iba’t ibang tawag sa bungkaka ang mga etnolingguwistikong grupo sa hilagang
Filipinas. bungkaka ang tawag dito ng Itneg, avakko para sa Bontok, balimbing para
sa Kalinga. Tinatawag din itong bilbil ng mga grupong Itneg, Tinggian at Kankanaey.
Pahinghing ito para sa Isneg, pakkung sa Ibaloi, at ubbeng naman sa Kalingga. (RCN)
bungkakâ
Ang buntál ay isang pino at kulay putîng hibla o himaymay na ginagamit sa paggawa
ng sombrerong buntál sa Filipinas. Mula ang himaymay na ito sa katawan at dahon
ng halamang palma talipot (Corypha umbraculifera). Ang halamang ito ay kilalá rin
sa tawag na bulé o buri. Kabilang ito sa pitong species ng palma na likás sa India,
Malaysia, Indonesia, Filipinas, New Guinea, at sa hilaga-silangang Australia. Malalaki
ang palmang ito, hugis pamaypay ang mga dahon, at may matatag na tangkay na may
sukat na 2-5 metro ang habà. Lumalaki ito nang 20-40 metro, may diyametro ang punò
na 1-2.5 metro. Lahat ng species ay namamatay pagkatapos makapamulaklak. Mabagal
lumaki ang halamang ito, maaaring mangailangan ng maraming taon bago magkaroon
ng malaking punò.
Ayon sa kasaysayan, ginagamit sa maraming kultura sa timog-silangang Asia ang mga
dahon ng palma talipot na sulatan, sa pamamagitan ng panulat na yari sa bakal, upang
makagawa ng mga manuskrito. Ang dagta ay ginagamit sa pagawa ng isang uri ng alak.
Kabílang sa produkto na mula sa dahon ng talipot ang tradisyonal na páyong. Ang mga
dahon ay karaniwang ginagamit sa pagdadatig o paglalála ng mga basket, sombrero, at
iba pa. May tatlong klase ng himaymay ang maaaring makuha mula sa halamang ito: ang
buri, raffia, at buntal. Naging popular ang paggawa ng sombrerong buntal sa Bulacan.
Nagkaroon ng negosyo sa paglalála ng buntal at paggawa ng buntal hat, handbag at
iba pa. Magandang halimbawa nitó ay ang Baliuag Buntal Enterprises. Naging bahagi
na ng turismo ng Bulacan ang pagdaraos ng taunang Buntal Hat Festival upang ipakita
ang magagandang sombrerong buntal, kasama na rin ang paggunita sa una at orihinal
na buntal hat na ginawa pa noong 1910—noong panahong nauso sa buong mundo ang
sombrerong buntal at mahigpit na naging kakompetensiya ng panama hat. (SSC)
buntál
Ang butandíng o Rhincodon typus ang pinamakamalaking isda sa mundo. Lumalaki
ito hanggang 20 metro at may bigat na hanggang 34 tonelada. May mga natatanging
mapusyaw na batik at guhit sa tagiliran ang katawan ng isang butanding. Nagkakaiba ang
pattern na ito sa bawat uri ng butanding kayâ maaari itong gamitin na pagkakilanlan ng
uri nitó. Kitang-kita rin ang mga pahabâng gulugod sa likod ng katawan nitó. Malapad
at sapad ang ulo ng isang butanding na may malaking bibig sa dulo at maliliit na bibig
at ngipin. Dahil sa kaliitan ng bibig at ngipin nitó, hindi nakakakagat o nakangunguya
ang butanding. Sinisipsip at sinasalà lang nitó ang pagkain mula sa tubig. Mumunting
hayop (1 milimetro), maliliit na isda, pusit, alimango, at hipon ang karaniwang kinakain
ng isang butanding.
Gumagalà ito sa iba’t ibang dako ng mundo, kabilang ang malamig at mainit na mga
dagat ngAtlantiko, Pasipiko at Indian, sa pagitan ng latitude na 30o
Hilaga at 35o
Timog at
paminsan-minsan, sa 41o
Hilaga at 36.5o
Timog. Mabagal lumaki ang isang butanding at
maraming taón ang lilipas bago dumating ang panahon ng panganganak nitó. Mahahabà
rin ang patlang sa pagitan ng panganganak. Pagkapanganak, pinababayaan na ng ina
ang mga anak na mamuhay nang sarili. Dahil sa mababàng kakayahang magparami at
mabuhay, malamang labis na bumabà o maubos ang populasyon ng butanding sa mga
susunod pang taon.
Tradisyon sa Filipinas ang panghuhúli ng butanding. Sa kasamaang palad, mas dumami
ang mga nanghuhúli noong tumaas ang pangangailangan para sa laman, balát, at palikpik
nitó.Upanglabananangpagkaubos,nagpalabasangFilipinasngmgabatasnanagbabawal
ng malawakang pagpatay at pangangalakal ng butanding. Sa katunayan, idineklara ng
pamahalaang lokal ng Donsol, Sorsogon na santuwaryo ng butanding ang buong lawak
ng kanilang baybayin. Sa ngayon, dinadayo ng mga turista ang Donsol dahil dito. (MA)
butandíng
Limang kilometrong tulay ang Candaba Viaduct (Kan·dá·ba Va·yá·dak) na tumatawid
sa pinak (marshland) ng Candaba, isa sa mga pangunahing pinak ng bansa at may lawak
na 32,000 ektarya. Ang viaduct ay uri ng mahabàng tulay o serye ng mga tulay. Isa ang
Candaba Viaduct sa mga pinakamahabàng tulay sa Filipinas at bahagi ng North Luzon
Expressway (NLEX) na nagdurugtong ng Kamaynilaan at mga lalawigan ng Gitnang
Luzon. Tinatahak nitó ang daan sa pagitan ng mga interchange ng Pulilan, Bulacan at ng
San Simon, Pampanga.
Pinananatili nitóng nakabukás ang daloy ng trapiko sa NLEX kahit binabahâ ang
latian tuwing panahon ng tag-ulan. Mayroon itong apat na lane (dalawang pahilaga at
dalawang patimog) at gawa sa aspalto at kongkreto. Idinisenyo ang Candaba Viaduct ng
kompanyang Aas-Jakobsen ng Norway at pinangangalagaan ng Manila North Tollways
Corporation, ang gumawa at concessionaire ng NLEX. (PKJ)
Candaba Viaduct
Ang Chocolate Hills (tsó·ko·léyt hils) ay isang pambihira at kamangha-manghang likas
na pormasyong heolohiko ay matatagpuan sa lalawigan ng Bohol. Tinatayang binubuo
ito ng may 1,268 hanggang 1776 hugis apang burol na may magkakahawig na anyo at
simetrikong agwat sa pagitan ng bawat isa na waring sinadya. Nasa 30 hanggang 120
metro ang taas ng bawat burol nito. Ang mga burol ay nababalutan ng damong kulay
berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay tsokolate naman kapag panahon ng tagtuyot.
Ang anyo ng mga burol tuwing tag-init ay inihahalintulad sa tanyag na tsokolateng
“Chocolate Kiss” na pinaghalawan ng pangalan nito. Ang Chocolate Hills ay nasasakop
ng tatlong bayan sa Bohol: ang Batuan, Carmen at Sagbayan. Sinasakop nito ang may
50 kilometro kuwadradong lawak ng lupain.
May ilang paliwanag tungkol sa pagkabuo ng mga burol na ito. May nagsasabi na resulta
ito ng paggalaw ng bulkan na nasa ilalim ng lupa o sa mga pagsabog maraming taon na
ang nakalilipas. Subalit ayon sa mga heologo, maaaring nagmula ito sa mga naipong
deposito ng coral limestone na umangat mula sa dagat bunsod ng malawakang pagbabago
ng kalupaan at nahubog ang mga burol mula sa libo-libong taoóng erosyon ng lupa.
Bukod sa mga siyentipikong paliwanag na ito, ipinanganak din ang mga alamat na
nagsasalaysay ng pagkabuo ng mga burol. May nagsasabing ginawa ito ng mga nilalang
na galing sa ibang planeta. Ayon naman sa kuwento ng matatanda sa lugar, ang mga
burol ay nabuo mula sa mga luha ni Arogo, isang higanteng binata na umibig sa isang
mortal na babaeng si Aloya. Nang mamatay si Aloya, lubos na namighati ang higante at
umiyak nang umiyak, Ang mga pumatak nitong luha sa lupa ang siyang naging dahilan
ng pagtubo ng maliliit na burol.
Ang Chocolate Hills ay idineklara ng National Committee on Geological Sciences bilang
Ikatlong Pambansang Monumentong Heolohiko noong 18 Hunyo 1988, bilang pagkilala
sa pambihirang katangian nito, kahalagahan sa siyentipikong pananaliksik, at potensiyal
sa larangan ng turismo. At dahil dito, ang Chocolate Hills ay nabibilang na rin sa mga
protektadong lugar sa Filipinas. (AMP)
Chocolate Hills
Ang darángan o darángen ay salitâng Maranaw at pangkalahatang tawag sa kanilang
pag-awit. Ngunit naging pamagat itong Darángan sa napakahabàng epikong-bayan
ng mga Maranaw. Ang guro at misyonerong si Frank Laubach ang unang nakapagtalâ
at nakapaglathala ng Darángan noong 1930. Nakuha niya ang epikong-bayan hábang
nakasakay sa barko kasáma ang may 35 Maranaw. Hábang nagbibiyahe, kinanta ng mga
kasáma niya ang Darángan maghapon araw. Nang dumaong ang sinasakyang barko,
naghanap si Fr. Laubach ng mga táong may kakayahang kantahin ito. Ayon sa mismong
talâ niya, inaabot nang halos 11 oras ang pagkanta nitó. Kalahati lámang ang naisalin
niya sa Ingles.
Si Bantúgan (o Bantogen), kapatid ng hari ng Bembaran (o Bumabaran), ang
pangunahing tauhan ng Darángan. Hinahangaan siyá sa tapang at lakas. Sa isang bahagi
ng epikong-bayan, hinarap niyang mag-isa ang isang hukbong lumulusob sa kaharian
hábang nakasakay sa kaniyang mahiwagang kalasag. Sa kasalukuyan, may 17 bahagi
ng Darángan ang nasaliksik na at nailathala. Ilan sa mga naidokumentong episodyo
ang Ang Unang Pinuno: Diwata Ndaw Gibon ng Illiyan a Bembaran, Ang Kuwento
ni Madali, Paano Namatay si Bantogen sa Ilalim ng Bundok sa Tabing-Dagat, Paano
Bumalik si Bantogen mula Langit, at Ang Labanan sa Bagombayan. (SJ)
Darángan
Isa sa kinikilálang makapangyarihang pinunong Muslim at matapang na mandirigma
si Datu Uto (ú·to) (sirka 1860-1888). Anak siyá ni Sultan “Bangon” Marajanun ng
Buayan at Tuan Bai Sa Buayan, na kapatid na babae ni Sultan “Untung” Quadratullah
ng Magindianaw. Sa pamamagitan ng kasal ng kaniyang magulang ay napag-isa ang
dalawang kahariang Magindanaw, ang Sa-ilud (luwasang kapatagan) at ang Sa-Raya
(hulòng kapatagan) ng Ilog Pulangi. Ang buong pangalan niya ay Sultan Anwarud-din
Uto at napabantog nang pamunuan niya ang pag-aalsa noong mga taóng 1860 na naging
sagabal sa absolutong pananakop ng mga Espanyol. Mahalagang tingnan ang búhay
ng tulad ni Uto, ani Reynaldo C. Ileto (1971), bilang pagsisikap buuin ang sultanatong
Magindanaw pagkaraan ng pamumunò ni Sultan Kudarat, hatiin ito ng mga away at ng
panggugulo ng mga Espanyol.
Una siyáng nasubok sa nabigong rebelyon ni Datu Maghuda noong 1861 at dito siyá
nawalan ng isang matá. Nagsimula ang lahat noong 30 Abril 1861 at nagtirik ng
bandilang Espanyol sa kuta ng sultan ng Cotabato. Nag-alsa ang isang puwersa sa ilalim
ni Datu Maghuda at noong 1 Nobyembre 1861 ay hinarap ng isang pangkat ng Espanyol.
Tinawag din itong Masaker sa Pagalungan, dahil umaabot sa 200 ang namatay. Nabigo
man ang rebelyon, sinundan pa ito ng ibang pag-aalsa. Noong 1864, kasáma siyá sa
mga ayudanteng hiningi ng mga Espanyol sa kaniyang ama upang salakayin ang mga
rebeldeng Talayan. Ngunit nang magkaroon ng engkuwentro, bumaligtad sina Datu Uto,
kumampi sa mga Talayan, at natálo ang mga Espanyol. Sinundan pa ito ng mga labanan
para mapaalis ang mga Espanyol.
Namatay noong 1872 ang kaniyang ama. Pumalit na pinunò ang kaniyang amain, ngunit
si Datu Uto ang tunay na naghahawak ng kapangyarihan. Pinakasalan niya si Pajah
Putri, anak ni Sultan Qudarat II. Gumawa rin siyá ng alyansa sa ibang mga pinunò
at pinangasiwaan ang mga kalakalan sa paligid. Noong karurukan ng kaniyang lakas,
sinasabing may 4,000-5,000 alipin siyá at malaking bilang ng armas. Pinagtuonan siyá ng
kampanya ng mga Espanyol. Noong Pebrero 1886, sa utos ng gobernador ng Mindanao
na si Julio Serena ay winasak ang matandang tahanan ni Datu Uto sa Bakat. Sinundan
ito ng mga madugong labanan. Noong 28 Marso, sumuko ang kampo ni Datu Uto. Hindi
pinakinggan ang kaniyang mga petisyon. Hinarang ang kaniyang mga ruta ng kalakalan.
Sa wakas, at sa upat ng mga Espanyol, isa-isang nawala ang mga kapanalig ni Datu Uto.
Naglahò siyá noong 1888 at hindi na narinig. (VSA)
Datu Úto
Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, dakilang makata’t manunulat, si Marcelo H. del Pilar
(Mar·sé·lo Eyts del Pi·lár) (30 Agosto 1850-4 hulyo 1896) ay tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog
at naging ikalawang editor ng La Solidaridad. Bantog din siyá sa sagisag-panulat na Plaridel. Sa bantayog
ng pagkilos para sa pambansang kalayaan, nása unang hanay si Plaridel sa piling nina Rizal at Bonifacio.
Isinilang siyá noong 30 Agosto 1850 sa Cupang, Bulacan, Bulacan sa isang mariwasang pamilya nina Don
Julian Hilario, makata’t gramatiko at tatlong ulit naging gobernadorsilyo, at Blasa Gatmaitan. Idinagdag
niya sa pangalan ang apelyidong “del Pilar” ng kaniyang lola bilang pagsunod sa atas Claveria noong
1849. Kapatid niya si Padre Toribio na pinarusahan at ipinatapon sa Marianas dahil sa hinalang kasabwat
sa motin sa arsenal ng Cavite noong 1872. Pamangkin niya si Gregorio del Pilar, ang pinakabatàng heneral
ng Himagsikang Filipino. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at kumuha ng abogasya sa Unibersidad
ng Santo Tomas (UST). Magtatapos na siyá nang makasagutan ang kura ng San Miguel, Maynila at dahil
dito’y nasuspinde sa unibersidad. Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya ang pinsang si Marciana del
Pilar at nagkaanak silá ng pito bagaman sina Sofia at Anita lámang ang lumaki. Nakatapos din siyá ng
abogasya noong 1880.
Estudyante pa lámang ay aktibo na siyá sa mga usaping pampolitika. Nakakatagpo niya sina Mariano
Ponce, Briccio Pantas, Numeriano Adriano, at Apolinario Mabini sa ganitong harapan at nakakausap
ang mga liberal na Espanyol at creole hinggil sa mga abuso sa kolonya. Naging puspusan ang kaniyang
pagkilos bilang repormista noong 1882. Itinatag niya kasáma ang isang Espanyol ang bilingguwal na
Diariong Tagalog. Ginamit niya ang husay sa pagtula at pagtatalumpati para batikusin ang gobyernong
kolonyal sa pamamagitan ng duplo at pagsasalitâ sa sabungan at pista. Naglathala siyá ng satirikong
polyetong Dasalan at Toksohan na ipinamudmod sa simbahan kung Linggo.
Noong 1888, nag-organisa siyá kasáma nina Doroteo Cortes, Jose Ramos, at Juan Zulueta ng mga
demostrasyong kontra-fraile at nagrurok sa petisyon noong Marso 1 para sa pagpapatalsik ng mga fraile
sa Filipinas. Bago siyá ipahúli, lihim siyáng umalis patungong Espanya noong 28 Setyembre 1888.
Pagdating sa Barcelona, agad siyáng nagtrabaho para sa pagtatatag ng samahang repormista, ang La
Solidaridad, na naglathala noong 15 Pebrero 1889 ng diyaryong La Solidaridad. Pinatnubayan niya ang
pagpapaliwanag sa mga repormang nais ng tinatawag ngayong Kilusang Propaganda at naglathala ng mga
maanghang artikulong politikal sa diyaryo. Sa isyung Nobyembre 15, pinalitan niya si Graciano Lopez
Jaena bilang editor ng peryodiko at inilipat niya ang lathalaan sa Madrid. Dumanas ng lubhang hirap ang
kaniyang pamilya dahil sa kaniyang gawain. Dumanas din siyá ng lubhang sakit ng ulo sa paghawak ng
La Solidaridad, kabílang na ang pamamagitan sa panloob na sigalot sa hanay ng mga propagandista at lalo
na nang mawalan ito ng pondo mulang Filipinas. Sinasabing may panahong sa namumulot lámang siyá
ng upos sa bangketa bílang pampalipas ng gútom. Naipalabas niya ang hulíng isyu ng diyaryo noong 15
Nobyembre 1895 at namatay ng tuberkulosis noong 4 Hulyo 1896. Inilibing siyá sa sementeryo ng mga
pulubi sa Barcelona. (VN)
Marcelo H. del Pilar
Ang Doctrína Christiána en lengua española y tagala (Dok·trí·na Kris·ti·yá·na) ang
kauna-unahang limbag na aklat sa Filipinas. Inilathala ito noong 1593 sa imprenta ng
mga Dominiko sa Maynila at malinaw ang layunin na maging kasangkapan sa pagtuturo
ng mga pangunahing doktrinang Kristiyano. Nilalamán nitó ang mga dasal na “AngAma
Namin,” “Ang Aba Ginoong Maria,” “Ang Sumampalataya,” at “Ang Aba Po,” ang mga
aral na “Ang Sampung Utos,” “Ang Utos ng Santa Iglesya,” “Ang Pitong Sakramento,”
at “Ang Pitong Punong Kasalanan at kaukulang Pakikinabang,” at ang “Tanungan” para
sa pangungumpisal. Nakasulat ang mga ito sa wikang Espanyol at may salin sa Tagalog
sa alpabetong Romano ngunit may bersiyon din ang Tagalog sa katutubong baybayin.
Nagkakaisa ang mga historyador na kay Fray Juan de Plasencia, isang Pransiskano,
ang salin sa Tagalog at inaprobahan ng lupong binuo ni Obispo Salazar noong 1582.
Ipinalalagay ding halos kasabay ng “Doktrina Kristiyana” sa mga wikang Espanyol at
Tagalog ang Doctrina Christiana en letra y lengua China. Paglaon, may ganito ring
libro na lumabas at may salin sa ibang mga wika ng Filipinas. (VSA)
Doctrína Christiána
Ang dúgong o Dugong dugon ay isang mammal na matatagpuan sa karagatan. Ito na
lámang ang nabubuhay sa pamilyang Dugongidae. Malaki ang isang dugong, nabubuhay
ito nang mahabà (kung hindi nahuhúli), at naglalaan ng panahon sa mga anak. Lusay ang
paboritong pagkain ng dugong. Hinuhukay nitó ang buong halaman at pagkatapos ay
susunggaban at bubunutin ito sa pamamagitan ng mga labì.
Kakaiba ang ulo at bibig ng isang dugong. May bungo ito na makikitahan ng isang
nakausli na pababâ sa dakong harapan kayâ’t ang bibig ay nakagawi sa tiyan. May
karugtong sa may labas ng bibig nitó na hugis lapad at malakas na labì na pansunggab.
Lumalangoy ito sa pamamagitan ng mala-lumba-lumbang buntot samantalang ginagamit
nitóng parang timon ang palikpik sa harap.
Lumalaki hanggang tatlong metro ang isang dugong at may bigat itong umaabot sa 600
kilo. Umaabot hanggang 70 taón ang buhay nitó. Maaari nang manganak sa edad na 13-
17 taón ang isang dugong. May isang anak lámang bawat panganganak. Naglalaan ang
babaeng dugong ng mahabàng panahon at lakas sa pag-aalaga ng anak. Nagaganap ang
panganganak na ito sa tuwing ikalima hanggang ikapitong taón. Sa nakalipas na panahon,
mabilis na bumabà ang populasyon ng dugong at isa sa mga hayop na nanganganib nang
maubos. Maiuugnay ito sa pagkawala ng mga lusay sa baybaying-dagat, sa pagkamatay
ng mga dugong nasasalabid sa mga lambat, at sa tradisyonal na panghuhúli nitó. (MA)
dúgong
Ang duryán (Durio zibethinus) ay isang malaking punongkahoy na may puting bulaklak,
biluhaba ang bunga na balot ng mga tinik. Ngunit kilala at natatangi ang duryan dahil
sa bunga nitong may na amoy ngunit itinuturing na masarap ngng mga sanaáy kumain
nito. Dahil sa pambihirang lasa ng duryan, kinikilala itong hari ng mga prutas sa Timog-
silangang Asya.
Ang puno ng duryan ay tumataas nang hanggang 20 metro o mahigit pa. Karamihan
sa mga puno nito ay matatagpuan sa Mindanao na pinagmulan nito. Ang bunga nito ay
kulay berde, matigas, at nababalutan ng maraming malalaking tinik. Ang laman naman
nito ay mapusyaw na dilaw hanggang dilaw na may malalaking buto. Malambot ang
laman nito na parang natutunaw na malinamnam na keso. Ginagawang kendi ang laman
nito at ginagamit na sangkap ng iba’t ibang minatamis at panghimagas tulad ng sorbetes,
keyk, pastilyas, at iba pa.
Bukod sa nakakain ang laman ng prutas nito, may iba pang gamit ang prutas ng duryan.
Angbalatnito,bagamanmatigas,aydinidikdiknangpinoatginagawangpapel.Ginagamit
din ang balát mismo na lalagyan ng tubig at hugasan ng kamay o mumugan upang maalis
ang kapit ng amoy ng prutas sa kamay at bibig pagkatapos kumain nito. Nagagamit din
angmmga dahon bilang alternatibong gamot. Ang katas ng dahon nito ay ipinapaligo sa
ulo ng táong may lagnat upang gumalino. (SAO)
duryán
Ang dyípni (jeepney sa Ingles) ang pinakaginagamit na uri ng sasakyang panlupa at uri ng
pampublikong transportasyon sa bansa. Tinaguriang “hari ng lansangan” at kadalasang
may pahiyas ng makukulay na pinta, istiker, at signboard, ang dyipni ang sagisag ng
transportasyong Filipino.
Hango ang salitang “jeepney” mula sa pinagsamang “jeep” at “jitney.” Ang mga unang
dypni ay ginawa mula sa mga military jeep ng Estados Unidos na naiwan mula sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinira ng digmaan ang pampublikong transportasyon
ng bansa, at ang mga naglipanang military jeep ang nagsilbing múrang paraan upang
muli itong mabuo. Pinahabaan ang mga jeep upang makapagsakay ng mas maraming
pasahero. Sa kasalukuyan, likha ng mga lokal na pagawaan ang karamihan sa mga dyipni.
Ang tipikal na dyipni sa Kamaynilaan ay káyang magsakay ng 14-18 katao sa dalawang
magkatapat na upuan sa loob ng pahaba nitong katawan, at dalawa pang pasahero sa
harap, sa tabi ng nagmamaneho (na tinatawag na “tsuper,” mula sa “chauffeur”). Bukod
sa disenyong hango sa mga US military jeep, mayroon ding mga dyipning gawa sa mga
surplus na minivan at cargo truck mula sa bansang Hapon (tulad ng makikita sa Cebu),
at mga dyipning kamukha ng mga pickup truck (tulad ng mga “passad” sa Iloilo). May
mga dyipning aircon, o kaya naman ay pinapatakbo ng koryente sa halip na gasolina,
ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa popular ang mga ito.
Taglay ng mga tsuper ng pampasaherong dyipni ang natatanging lisensya, at kailangan
nilang bumiyahe sa nakatakdang ruta (hal. Quiapo-Fairview, UP Ikot) at maningil ng
pamasaheng hindi lalabis sa itinakda ng pamahalaan. Bahagi ng kultura at etiketa ng
pagsakay sa dyipni ang walang-pag-aatubiling pag-abot ng bayad sa tsuper o sukli sa
mga kasámang pasahero, at ang pagsabi (o pagsigaw) ng “pára” (Espanyol ng “tigil”)
kapag bababâ. Maaaring sumakay nang walang bayad ang batà kung kakandungin siya
ng kasamang nakatatanda. Kapag punô na ang dyipni, madalas ding kumapit sa mga
bakal na hawakán sa walang-pintong likuran ang ilang pasahero; sa mga lalawigan, hindi
nakagugulat ang dyipning may mga pasaherong nakaupo sa bubong nito. (PKJ)
dyípni
Kinikilala si Gabriel “Flash” Elorde (gab·ri·yél flash e·lór·de) (25 Marso 1935 – 2
Enero 1985) bilang isa sa pinakamatatagumpay na boksingero sa Asya-Pasipiko at
pinakamahusay na boksingerong Filipino ng kaniyang panahon. Nagsimulang maging
boksingero ni Elorde dahil sa pagtuturo sa kaniya nito ng kaibigan niyang dati ring
boksingero na si Lucio Laborte. Una niyang karangalan ang panalo niya laban kay “Kid”
Gonzaga noong 1951. Naipanalo niya ito sa ikaapat na duwelo sa desisyong technical
knock-out.
Naging propesyonal na boksingero si Elorde sa murang edad na 16 at pinagwagian niya
ang sampu sa 11 laban sa kaniyang probinsiyang Cebu mula 1952-1967.
Noong 1953, nakuha niya ang mga kampeonatong national bantamweight sa Maynila
at kampeonatong oriental bantamweight sa Tokyo sa laban niya kay Hiroshi Horiguchi.
Sumunod,nataloniyasiTommyRomuloat napanalunanangkoronangjuniorlightweight
ng Filipinas. Naungusan din niya sa puntos sa loob ng sampung duwelo sa labang walang
titulo ang featherweight king na si Sandy Saddler.
Bagama’t walang nadagdag na titulo kay Elorde sa loob ng mahabàng panahong kasunod,
itinuring pa rin siyang malakas na kalaban sa mga pambansa at panrehiyong kampeonato
sa kategoryang lightweight. Noong Marso 1960, muli siyang nagwagi at nakuha niya ang
kampeonatong world junior lightweight mula kay Harold Gomes matapos ang labanang
tumagal nang pitong duwelo na ginanap sa Maynila. Sa loob ng walong taóng paghahari
sa nabanggit na titulo, sampung laban pa ang kaniyang napagwagian kasama na rito ang
dalawang ulit na pagkapanalo at pagkaagaw kay Carloz Ortiz ng lightweight belt sa 14
duwelong laban.
Nagretiro si Elorde noong 1974 na may rekord na 87 panalo (33 Kos), 27 talo, 2 tabla at
pagkilalang “pinakamahusay na boksingerong kampeon sa world junior lightweight sa
kasaysayan ng WBC.”
Pagkataposngkaniyangpagreretiro,nanatiliparinsiyangidolongmgaFilipinoatpopular
na endorser sa mga komersiyal ng San Miguel Beer kasama ang komedyanteng si Bert
Marcelo at mang-aawit na si Rico J. Puno. Si Elorde ang nagpatanyag ng linyang “isang
Gabriel “Flash” Elorde
platitong mani.”Tubòng Bogo, Cebu si Elorde. Ipinanganak siya sa isang mahirap na
pamilya. Ikatlong baitang lamang sa elementarya ang naabot niyang edukasyon. Naging
tagapulot siya ng mga bola sa bolingan at nagtrabaho sa konstruksiyon sa murang edad
pa lamang.
Namatay si Elorde sa sakit sa baga. (RGA)
Ang Florante at Laura (flo·rán·te at láw·ra) ang obrang isinulat ni Francisco Baltazar.
Ang mas kompletong pamagat ng akda ay Pinagdaanang Buhay ni Florante at
Laura sa Cahariang Albania—Quinuha sa Madlang Cuadro Historico o Pinturang
Nagsasabi nang manga nangyayari nang Unang Panahon sa Imperio nang Grecia—at
Tinula nang Isang Matouain sa Versong Tagalog. Tinatayang sinulat ito noong 1838-
1861. Nagkaroon ito ng maraming edisyon sa Tagalog at mababása rin sa Pampango,
Bikol, Pangasinan, Ingles, Espanyol, at Aleman.
Ang akda ay isinulat sa anyo ng isang awit—lalabindalawahin ang sukat, aapatin ang
taludtod, at may isahang tugma. Sa kabuuan, binubuo ito ang 399 saknong.
Ang awit ay kuwento ng pag-ibig nina Florante at Laura. Si Florante ay anak ng
tagapayo sa Haring Linceo ng Albanina. Umalis siya para mag-aral, bumalik sa
Albania, hinirang na heneral, nakipaglaban sa mga Moro, at umibig kay Laura, ang
anak ng Hari. Ngunit may kaagaw si Florante kay Laura—si Adolfo, ang kamag-aral
na minsan nang nagtangka sa buhay ng bayani. Sa isang tusong pakana, pinasimulan
ni Adolfo ang isang pag-aalsa at inagaw ang kaharian. Pinatay niya ang hari at ama
ni Florante. Mula sa bilangguan, ipinatapon ni Adolfo si Florante sa gubat para doon
mamatay. Dito ay ililigtas siya ng isang Persiyanong mandirigma, si Aladin. Sa gubat
rin muling makakapiling nina Florante at Aladin sina Laura at Frerida na kapuwa ring
naging biktima ni Adolfo. Sa katapusan ay naproklamang Hari si Florante at naging
Kristiyano sina Aladin at Flerida.
Nagtatagpo sa awit na nilikha ni Baltazar ang mga tradisyong katutubo at Europeo.
Ang paggamit ng katutubong sangkap ng tula tulad ng tugma at sukat, at ang
malasalawikaing katangian ng maraming saknong ay maaaring ituring na pagpapatuloy
ng katutubong tradisyon. Maituturing naman na bagong katangian ang pagpapakilala
ng tema ng di maabot na pag-ibig, pati na ang iba’t ibang tayutay na kakabit nito.
Bagaman kuwento ito ng pag-ibig, marami ang bumabása sa Florante at Laura bilang
talinghaga ng masamang kalagayan ng Filipinas sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol. (GSZ)
Florante at Laura
Si Carlos V. Franciso (kár·los vi fran·sís·ko) (4 Nobyembre 1914—31 Marso 1969) ay kinilalang
Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1973. Mas kilala siya sa pangalang Botong, isa siya
sa bumubuo ng triumvirato ng modernismo na nagpabago sa larangan ng sining sa Filipinas noong
namamayani ang impluwensiya ni Amorsolo. Kasama rin siya sa mga nagtatag ng Thirteen Moderns
noong 1938 at nagpaunlad at nagtaguyod ng mga likhang mural.
Ang mga obra niya ay nagtampok ng mga makabagong hulagway ng mga Filipino, mula sa kanilang
mga kaugalian at pagdiriwang (Musikong Bumbong, Bayanihan, Fiesta, Sandugo at Moriones Unmasked)
hanggang sa mga pangkaraniwang tanawin at gawain sa kanilang kapaligiran (Planting Corn, Rice
Threshers, Siesta Under the Mango Tree,at Lost in the Forest). Ngunit hindi tulad ng kay Amorsolo, ang
mga likha ni Francisco ay higit na nagtampok ng disenyo at ritmo, makabagong idyoma sa pamamagitan
ng matitingkad na kulay ng karaniwang tao at pakurbang linyang nagpapanagpo at pumupuno sa bawat
espasyo. Paborito niyang paksa ang mga mangingisada dahil na rin sa kinalakhan niyang lugar na
pangunahing umaasa sa kasaganaang nagmumula sa lawa.
Una siyang tumanggap ng karangalan para sa kaniyang likhang Fiesta in Angono noong 1944. Ngunit
ang kaniyang Kaingin, na nagtamo ng unang gantimpala sa kauna-unahang National Art Exhibition ng
Art Association of the Philippines na ginanap sa National Museum noong 1948 ang nagluklok sa kaniya
bilang iginagalang at nangungunang alagad ng sining ng bansa.
Bilang mahusay na muralist, ang dingding ng mga kilalang institusyon ay nagsilbing malaking kambas
para sa sining ni Francisco. Ilan sa pinakatanyag niyang likha ay ang History of Medicine para sa
Philippine General Hospital; Bayanihan para sa Philippine Bank of Commerce; paglalarawan sa buhay ni
Sto. Domingo para sa Simbahan ng Sto. Domingo; at Stations of the Cross para sa Far Eastern University
Chapel. Ang ginamit na gahiganteng mural (88 metro ang taas at 8 metro ang lapad) sa entrada ng kauna-
unahang International Fair na inilunsad ng Filipinas noong 1953 ay si Francisco rin ang may gawa sa
kabila ng napakarami ring tanyag na muralist na kapanahon niya. Patunay lamang ito sa taas ng paggalang
at paghanga kay Francisco.
Maituturing na pangunahing obra ni Francisco ay ang mural para sa Bulwagang Katipunan ng Manila
City Hall na may pamagat na Filipino Struggles Through History (kalaunan ay tinawag na Maharnilad)
na nagtatampok sa kasaysayan ng Maynila mula sa panahon ng mga Raha hanggang sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano. Nahahati sa maliliit na bahagi ang mga yugto sa kasaysayan na tinatahi ng
mga hulagway na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga ito. Sa pinakaubod, paglalarawan na rin
ito ng kasaysayan ng bansa.
Isinilang si Francisco sa Angono, Rizal sa mag-asawang Felipe Francisco at Maria Vilaluz. Ikinasal siya
kay Rosalina at nagkaroon sila ng tatlong supling. Nagtapos siya sa School of Fine Arts Nng Unibersidad
ng Pilipinas. Sinasabing ang tawag na Botong ay mula sa katawagan sa isa ring popular na karakter sa
Carlos V. Francisco
Cainta, Rizal na kasing-itim niya ang kulay. Nagsimula siyang magtrabaho bilang layout artist sa The
Philippines Herald at Tribune. Namatay siya sa edad na 57 at inilibing sa kaniyang bayang sinilangan, sa
Angono, Rizal. Ang Camote-eaters ang pinakahuli at hindi niya natapos na obra. (RVR)
Ang gabbang (gá∙bang) ay siloponong blade o tekladong gawa sa kawayan. Binubuo ito
ng mga nakahanay na teklado ayon sa sukat, maliliit mula kaliwang bahagi at papalaki
papunta sa kanang bahagi. Nakapatong ang mga ito sa isang rektanggulong kuwadro
na gawa sa kahoy. Tinutugtog ito sa pamamagitan ng pagpalo ng dalawang patpat
na yari sa kahoy. Ang bilang ng teklado ay sang-ayon sa nakagawiang tradisyon ng
etnolingguwistikong grupo na tumutugtog nito: mula 3-9 para saYakan, 14-24 sa Tausug,
at 17 naman para sa Palawan. Ang kaayusan ng tono ng mga teklado ay nakabatay sa
eskalang septatonic o pitong tono. Ginagamit ang gabbang bilang panimulang musika sa
awitan kung ito ay tinutugtog nang walang kasaliw.
Sa Tausug, ang gabbang ay tinutugtog ng kababaihan bilang saliw sa mga sekular na
awit na tinatawag na liyangkit at sindil. Ito ay ginagawa bilang libangan sa kasalan at
pagdiriwang ng anibersaryo. Ang melodiya ay nahahati sa ina (mataas na tono) at anak
(mababang tono). Mahalaga itong kasaliw ng biyola.
AngYakan ay may maliit na bersiyon ng gabbang. Mayroon lamang itong limang teklado
na maaaring tugtugin ng isa (ngwintang) o dalawang tao (neruwe o kajali). Kung dalawa
ang tumutugtog dito, ang isa ay tumutugtog ng kombinasyon ng mga tono sa tatlong
teklado; ang isa naman ay bumubuo ng regular na ritmo sa natitirang dalawa pang teklado.
Mga lalaki rin ang tumutugtog ng gabbang ng Samal bilang saliw sa mga awit na
may temang pag-ibig. Ang gabbang ng Magindanaw, tamlang, ay gumagamit ng mas
makapal na kawayan para sa teklado at nakapatong ang mga ito sa mas mabigat na
kuwadro. Ginagamit itong sanayan sa pagtugtog ng kulintang ng mga bata at matanda.
Ang iba pang pangalan ng gabbang ay agung gabbang ng Yakan, gambang ng Samal,
kwintangan batakan ng Yakan, at tamlang ng Magindanaw. (RCN)
gabbang
Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang (ma·rí·ya ho·sé·fa gab·ri·yé·la ka·rí·nyo
sí·lang) (19 Marso 1731-20 Setyembre 1763) ang unang Filipinang namunò ng isang
paghihimagsik noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ang asawa ni Diego
Silang at nagpatuloy ng pag-aalsa ng mga Ilokano nang mamatay ang asawa.
Ipinanganak siya noong 19 Marso 1731 sa Santa, Ilocos Sur. Sinasabing inampon siya
ni Padre Tomas Millan, vicar general ng lalawigan, na pinakasalan siya noong siya ay
20 taóng gulang. Maaga siyang nabiyuda sa unang asawa at napangasawa niya si Diego
noong 1757. Walang ulat kung nagkaroon sila ng anak.
Si Diego ang naging pinunò ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa mga Espanyol mula 1762
hanggang 1764. Nang sakupin ng mga Ingles ang Maynila noong 1762, nakita niya
ang pagkakataon upang makapag-alsa ang mga Ilokano laban sa mga Espanyol. Agad
dumami ang mga kababayang sumapi sa kaniya dahil sa pagtutol sa malaking buwis at
sapilitang paggawang ipinataw ng mga Espanyol. Nahati ang puwersa ng mga Espanyol
sa pakikipaglaban sa mga Ingles sa Maynila at sa pangkat ni Silang sa Ilocos. Si Gabriela
ang naging isa sa pinakamalapit na tagapayo ni Diego, at madalas ay kasama nito sa mga
laban.
Naagaw nina Diego ang mga bayan sa hilagang bahagi ng Ilocos Sur at nagpahayag
siya ng paglaya ng mga mamamayan sa pagsasamantala ng pamahalaang Espanyol.
Gayunman, isang kaibigan ni Diego, si Miguel Vicos, ang nahimok ng mga Espanyol na
magtaksil. Sa pamamagitan ni Vicos ay napatay si Diego noong 1763.
Ipinangako ni Gabriela sa asawa bago ito mamatay na pamumunuan ang nasimulang
pag-aalsa. Nagpakita siya ng gilas bilang pinunò at marami siyang nakamit na tagumpay
sa mga labanan sa Santa at Vigan sa Ilocos Sur. Ngunit sa dami ng kaaway, natalo ang
kaniyang pangkat sa kalaunan. Nadakip siya sa Abra at binitay sa Vigan noong 29
Setyembre 1763.
Josefa Gabriela Silang
Nagsilbing inspirasyon si Gabriela sa isang samahang nagtataguyod ng karapatan ng
mga kababaihan, ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms,
Integrity, Equality, Leadership, and Action). Matatagpuan din sa sentrong distritong
pangkalakaran ng Lungsod ng Makati ang isang monumento ni Gabriela Silang. (PKJ)
Pumalit na pangulo ng Republika ng Filipinas si Carlos P. Garcia (Kár·los Pi Gar·sí·ya)
(4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) noong 1953 nang biglang mamatay si Pangulong
Magsaysay. Nagpatuloy siyáng pangulo nang magwagi sa pambansang eleksiyon noong
1957. Pangunahing tatak ng kaniyang administrasyon ang patakarang “Filipino Muna”
(Filipino First) sa kabuhayan at ang kaniyang programa sa pagtitipid na “Austerity
Program.” Gayunman, nabatikos siyá sa malimit na pangingibang-bansa, paggamit
ng mamahaling yate’t eroplano, at sa mga nabulgar na nakawan sa People’s Homesite
and Housing Corporation (PHHC) at Government Service Insurance System (GSIS).
Malinaw itong sanhi ng pagkatálo niya sa eleksiyong 1961.
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa Talibon, Bohol kina Policronio Garcia at
Ambrosia Polistico. Dahil sa matinding hilig mag-aral ay pumunta siya ng Cebu para sa
mataas na paaralan, sa Silliman University sa Dumaguete, at sa Philippine Law School sa
Maynila. Nagturo muna siyá sa mataas na paaralan sa Bohol bago pumasok sa politika.
Mahilig din siyáng tumula at isang kinikilalang mambibigkas sa wikang Boholano.
Naging asawa niya si Leonila Dimataga ng Cebu. Noong 1925, nagwagi siyáng kinatawan
sa Asamblea at humawak ng gayong tungkuling hanggang1931. Naging gobernador siyá
ng Bohol noong 1931-1940. Noong 1941 nagwagi siyang senador at nakasáma sa Senado
sina Claro M. Recto, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Jose Yulo, at Quintin Paredes.
Naggerilya siyá noong panahon ng Pananakop ng mga Hapones.
Noong 1946, kabílang siyá sa mga kasapi ng Partido Nacionalista na nagwaging senador.
Siyá ang napiling kandidatong pangalawang-pangulo at katiket ni Magsaysay sa halalang
1953. Nang manalo, naglingkod siyáng kalihim ng suliraning panlabas. Nasa isang
pulong siyá sa Australia nang mamatay sa aksidente si Pangulong Magsaysay. Nagwagi
siyáng pangulo sa eleksiyong 1957 ngunit natálo sa eleksiyong 1961. Hulíng aktibidad
niyang politikal ang pagkandidatong delegado sa 1971 Kumbensiyong Konstitusyonal.
Nagwagi siyáng kinatawan ng Bohol at nahalal pang pangulo ng kumbensiyon. Ngunit
tatlong araw matapos manumpang pangulo ay inatake siyá sa puso at namatay noong 14
Hunyo 1971. (VSA)
Carlos P. Garcia
Ipinagkaloob kay Ginaw Bilog at sa mga makata ng ambahan ng Panaytayan, Mansalay,
OrientalMindoroangGawadsaManlilikhangBayannoongtaóng1993parasamasigasig
na pagtataguyod ng eleganteng sining ng ssurat Mangyan at ng ambahan,.
Ang ambahan ang tula ng mga Hanunuo Mangyan na binubuo ng pipituhing pantig, at
nagtataglay ng mga imahen at metapora. Kabilang sa mga paksa nito ang panliligaw,
pagbibigay ng payo sa kabataan, pagtatanong ng matutuluyan, pamamaalam ng isang
kaibigan, at iba pa. Ang mga tulang ito ay inuukit sa kawayan.
Surat Mangyan naman ang tawag sa paraan ng pagsulat ng ambahan na gumagamit ng
sinauna at timog-silanganing iskrip. Pinaniniwalaang isa ito sa mga impluwensiya ng
India.
Ayon kay Ginaw Bilog, ang ambahan ang susi upang makilala ang kaakuhan ng mga
Mangyan. Dahil dito, itinago niya ang mga naitalang halimbawa ng mga ambahan,
hindi lamang ang mga nakaukit sa kawayan kundi pati na rin ang mga nakasulat sa mga
naninilaw na pahina ng kuwadernong ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan. Pinakaiingat-
ingatan niya sa koleksiyong ito ang mga minana pa niya sa kaniyang ama at lolo, ang
mga itinuturing niyang batis ng inspirasyon at patnubay para sa kaniyang malikhaing
pagpupunyagi. Bukod dito, masugid rin niyang ibinabahagi ang mga tula, lalong-lalo na
sa mga kapuwa Mangyan, sa lahat ng pagkakataon.
Pumanaw si Ginaw Bilog noong taong 2003. (GB)
Ginaw Bilog
Ang kandít ay sinaunang paha na ikinabit nang paikot sa baywang na tulad ng sinturon.
Bahagi ngayon ng koleksiyong ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas at nakatanghal sa
Metropolitan Museum of Manila sa Malate, Maynila ang mga kandít at sinturon na gawa
sa ginto. Nahukay ang mga ito sa Butuan, Surigao at tinatayàng ginawa noong ika-10
hanggang ika-13 siglo. Isa sa kandít ang may súkat na 150.00 x 2.70 x 2.40 sentimetro
at may timbang na 3,860.00 gramo. Ang isang sinturon ay 68.20 x 4.90 sentimentro at
tumitmbang nang 575.10 gramo. Katangi-tangi din ang mga piyesang ito dahil sa marikit
na disenyong hindi pa nakikita sa ibang piraso ng ginintuang artifact sa Asia.
Itinuturing ng mga arkeologo na mahalaga ang Gintong Kandit at Sinturon ng Butuan
dahil nagpapatunay ang mga ito sa dalawang bagay. Una, na may sinauna’t masiglang
industriya ng ginto sa Filipinas; ikalawa, na sentro ang Butuan ng aktibong kalakalang
rehiyonal. Ginto ang isang pangunahing kalakal ng mga Filipino at dindayo ng mga
manlalakbay na Tsino noong ika-10 siglo. Sinasabing ang pinunò ng Butuan noong ika-
11 na si Kiling ay nakipagkasundo ng direktang kalakalan sa korteng imperyal ng Tsina.
AngkoleksiyonggintongBangkoSentralaymayibapangsinaunanghiyasatornamentong
ginto. Kabílang dito ang gintong hebilya mulang Hilagang Silangang Mindanao. May
mala-korona ding pútong ng babae, hikaw, kuwintas, mga pulseras sa bisig at binti,
balaraw, at puluhan ng kampilan. (VSA)
Gintông Kandít at
Sinturón ng Butuán
Ang kauna-unahang natagpuang gúhit-bató o petroglyph (pé·tro·glíf) sa Filipinas ay
nása isang yungib sa Angono, lalawigan ng Rizal. Tinatayàng may 127 guhit ng tao
ang makikita sa pader ng mababaw na kuweba. Natuklasan at pinag-aralan ito ng mga
kinatawan ng Pambansang Museo ng Pilipinas noong 1965.
Batay sa arkeolohikong pag-aaral, iginuhit ng mga katutubong Filipino ang mga ito
sa kuweba sa magkakaibang pagkakataón sa loob ng mahabàng panahon. Wala ring
patunay na may kaugnayan ang mga guhit sa isa’t isa, manapa’y posibleng umuukit ng
bagong likha ang mga tao kung saan may libreng espasyo. Ang mga guhit ay inukit sa
pader ng kuweba gamit ang piraso ng bato. Iba’t iba ang kalagayan ng mga ito: may mga
ukit na may lalim na 10 sm at mayroon din namang mababaw at malabò na. Gayunman,
makikita na ang dominanteng disenyo ng mga katutubong Filipino ay ang bilugang ulo
na mayroon o walang leeg at nakapatong sa katawan na parihaba o “V”. Kadalasang
iginuguhit ang braso at binti na nakabaluktot. Bukod dito, nakaukit din ang iba’t ibang
hugis katulad ng tatsulok, parihaba, at bilog.
Ang sining sa bato ay iniugnay sa paniniwala ng isang natatanging grupo ng tao. Ito ay
simbolo na maaaring may kinakatawan o mas malalim na kahulugan kaysa simpleng
dekorasyon lamang. Napaulat na may petroglyph din sa kuweba ng Peñablanca sa
Cagayan; sa mga nakausling bato sa Alab, Bontoc sa Mt. Province; at sa kuweba sa
Singnapan sa Ransang, Palawan. Bagama’t iilan pa lamang ang natutuklasang ganitong
mga likha, patunay ito ng sinaunang kamalayan sa sining ng katutubong Filipino. (JM)
Gúhit-bató ng Angóno
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura

Contenu connexe

Tendances

Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikanSCPS
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA asa net
 
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoPamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoJared Ram Juezan
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanJohn Anthony Teodosio
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayJustinJiYeon
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
IdyomaSCPS
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINONimpha Gonzaga
 
Mga anyong lupa at tubig sa pilipinas
Mga anyong lupa at tubig sa pilipinasMga anyong lupa at tubig sa pilipinas
Mga anyong lupa at tubig sa pilipinasLucille Ballares
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoMae Garcia
 
Mga sawikain at_salawikain
Mga sawikain at_salawikainMga sawikain at_salawikain
Mga sawikain at_salawikainicgamatero
 
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoyhanjohn
 
Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)NeilStephen19
 

Tendances (20)

Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoPamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
Rehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon IV-A: CALABARZONRehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon IV-A: CALABARZON
 
Pagpapantig
PagpapantigPagpapantig
Pagpapantig
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
 
Himagsikan(1896-1900)
Himagsikan(1896-1900)Himagsikan(1896-1900)
Himagsikan(1896-1900)
 
Mga anyong lupa at tubig sa pilipinas
Mga anyong lupa at tubig sa pilipinasMga anyong lupa at tubig sa pilipinas
Mga anyong lupa at tubig sa pilipinas
 
Panahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunanPanahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunan
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Region 11 (DAVAO REGION)
Region 11 (DAVAO REGION)Region 11 (DAVAO REGION)
Region 11 (DAVAO REGION)
 
Mga Uri ng Kultura
Mga Uri ng KulturaMga Uri ng Kultura
Mga Uri ng Kultura
 
Mga sawikain at_salawikain
Mga sawikain at_salawikainMga sawikain at_salawikain
Mga sawikain at_salawikain
 
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
 
Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 

Similaire à Sagisag ng Kultura

Similaire à Sagisag ng Kultura (20)

Sagisag
SagisagSagisag
Sagisag
 
Sagisag
SagisagSagisag
Sagisag
 
90325608 mga-kilalang-pilipino
90325608 mga-kilalang-pilipino90325608 mga-kilalang-pilipino
90325608 mga-kilalang-pilipino
 
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptxANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
 
M
MM
M
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptxKabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
 
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptxPanitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
 
Rehiyon V:Bicol Region
Rehiyon V:Bicol RegionRehiyon V:Bicol Region
Rehiyon V:Bicol Region
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 
AWITING PILIPINO.pptx
AWITING PILIPINO.pptxAWITING PILIPINO.pptx
AWITING PILIPINO.pptx
 
Dulang pilipino
Dulang pilipinoDulang pilipino
Dulang pilipino
 
AP5_Q3_SLM3_V.pdf
AP5_Q3_SLM3_V.pdfAP5_Q3_SLM3_V.pdf
AP5_Q3_SLM3_V.pdf
 
Mga sinaunang dula
Mga sinaunang dulaMga sinaunang dula
Mga sinaunang dula
 
awiting bayan -a lesson in Filipino 7- third quarter
awiting bayan -a lesson in Filipino 7- third quarterawiting bayan -a lesson in Filipino 7- third quarter
awiting bayan -a lesson in Filipino 7- third quarter
 
Panahon ng kastila (2)
Panahon ng kastila (2)Panahon ng kastila (2)
Panahon ng kastila (2)
 
Wika_sa_Sining-_Katutubong_Musika.pptx
Wika_sa_Sining-_Katutubong_Musika.pptxWika_sa_Sining-_Katutubong_Musika.pptx
Wika_sa_Sining-_Katutubong_Musika.pptx
 
Mga dulang pang aliw
Mga dulang pang aliwMga dulang pang aliw
Mga dulang pang aliw
 
ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1
 

Plus de Kermit Agbas

21st century skills
21st century skills21st century skills
21st century skillsKermit Agbas
 
Digital Citizenship
Digital CitizenshipDigital Citizenship
Digital CitizenshipKermit Agbas
 
Basic culinary arts
Basic culinary artsBasic culinary arts
Basic culinary artsKermit Agbas
 
Clothing 101 part2
Clothing 101 part2Clothing 101 part2
Clothing 101 part2Kermit Agbas
 
Basic clothing 101
Basic clothing 101Basic clothing 101
Basic clothing 101Kermit Agbas
 
Movie poster output no.4
Movie poster output no.4Movie poster output no.4
Movie poster output no.4Kermit Agbas
 
Output no 2. changing background
Output no 2. changing backgroundOutput no 2. changing background
Output no 2. changing backgroundKermit Agbas
 
Photoshop getting started part4
Photoshop getting started part4Photoshop getting started part4
Photoshop getting started part4Kermit Agbas
 
Photoshop getting started part3
Photoshop getting started part3Photoshop getting started part3
Photoshop getting started part3Kermit Agbas
 
Photoshop getting started part2
Photoshop getting started part2Photoshop getting started part2
Photoshop getting started part2Kermit Agbas
 
Photoshop getting started
Photoshop getting startedPhotoshop getting started
Photoshop getting startedKermit Agbas
 

Plus de Kermit Agbas (14)

21st century skills
21st century skills21st century skills
21st century skills
 
Digital Citizenship
Digital CitizenshipDigital Citizenship
Digital Citizenship
 
Basic culinary arts
Basic culinary artsBasic culinary arts
Basic culinary arts
 
Clothing 101 part2
Clothing 101 part2Clothing 101 part2
Clothing 101 part2
 
Basic clothing 101
Basic clothing 101Basic clothing 101
Basic clothing 101
 
Filipino cookbook
Filipino cookbookFilipino cookbook
Filipino cookbook
 
Movie poster output no.4
Movie poster output no.4Movie poster output no.4
Movie poster output no.4
 
10 rulz to live
10 rulz to live 10 rulz to live
10 rulz to live
 
Believe
BelieveBelieve
Believe
 
Output no 2. changing background
Output no 2. changing backgroundOutput no 2. changing background
Output no 2. changing background
 
Photoshop getting started part4
Photoshop getting started part4Photoshop getting started part4
Photoshop getting started part4
 
Photoshop getting started part3
Photoshop getting started part3Photoshop getting started part3
Photoshop getting started part3
 
Photoshop getting started part2
Photoshop getting started part2Photoshop getting started part2
Photoshop getting started part2
 
Photoshop getting started
Photoshop getting startedPhotoshop getting started
Photoshop getting started
 

Dernier

ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESMercedesTungpalan
 
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang PanlipunanMga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang PanlipunanMaryGraceCaringal2
 
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptxCopy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptxRayvenBoiserAbaiAbai
 
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptxREBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptxMariaRuthelAbarquez4
 
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxdokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxHelenLanzuelaManalot
 
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxGRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxClaRisa54
 
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...DianaKrisCayabyab1
 
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisayarheapinkyneniza1
 
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...Stephaniemagnaye2
 
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docxDLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docxAnnalizaMaya4
 
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxModyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxFernanbocol
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxevafecampanado1
 
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterMELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterRochAsuncion
 
panahon ng rennaissance1 araling panlipunan 8.pptx
panahon ng rennaissance1 araling panlipunan 8.pptxpanahon ng rennaissance1 araling panlipunan 8.pptx
panahon ng rennaissance1 araling panlipunan 8.pptxSundieGraceBataan
 
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 LessonQuarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lessonanimey810
 
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa FilipinoIkatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa FilipinoNoliEchano2
 
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.pPAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.pDesilynNegrillodeVil
 
CATCH-UP FRIDAY ACTIVITIES FOR G8, 9, 10-.pptx
CATCH-UP FRIDAY ACTIVITIES FOR G8, 9, 10-.pptxCATCH-UP FRIDAY ACTIVITIES FOR G8, 9, 10-.pptx
CATCH-UP FRIDAY ACTIVITIES FOR G8, 9, 10-.pptxIsraelMonge3
 
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8ManilynPenaflorida
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxRoseAnneOcampo1
 

Dernier (20)

ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
 
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang PanlipunanMga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
 
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptxCopy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
 
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptxREBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
 
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxdokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
 
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxGRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
 
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
 
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
 
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
 
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docxDLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
 
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxModyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
 
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterMELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
 
panahon ng rennaissance1 araling panlipunan 8.pptx
panahon ng rennaissance1 araling panlipunan 8.pptxpanahon ng rennaissance1 araling panlipunan 8.pptx
panahon ng rennaissance1 araling panlipunan 8.pptx
 
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 LessonQuarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
 
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa FilipinoIkatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
 
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.pPAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
 
CATCH-UP FRIDAY ACTIVITIES FOR G8, 9, 10-.pptx
CATCH-UP FRIDAY ACTIVITIES FOR G8, 9, 10-.pptxCATCH-UP FRIDAY ACTIVITIES FOR G8, 9, 10-.pptx
CATCH-UP FRIDAY ACTIVITIES FOR G8, 9, 10-.pptx
 
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
 

Sagisag ng Kultura

  • 1. Ang abaká (Musa textilis) ay isang halamang hemp o napagkukunan ng himaymay. Berde ang mga dahon nito na kawangis ng dahon ng saging. Bagaman nakakatulad ang anyo ng saging, madaling makilala ang abaka sa pamamagitan ng ilang katangian nito. Una, ang dulo ng dahon ng abaka ay mas patulis kompara sa saging. Pangalawa, ang ibabang bahagi ng dahon nito ay hindi pantay. Pangatlo, ang magkabilâng bahagi ng dahon nito ay parehong makintab at madulas. Ang taas ng punong abaka ay umaabot nang apat hanggang walong metro. Katutubo sa Filipinas ang halamang ito sa Filipinas at pinaniniwalaang nagmula sa rehiyong Bicol. Maraming kapakinabangang pang-ekonomiya ang abaka. Ang mga himaymay o hibla nito ay hinahabi upang maging tela na ginagamit sa paggawa ng damit o kortina. Ginagawa rin itong lubid, basket, at katulad. Ang himaymay ay makukuha hindi sa mga dahon nito kundi sa pinakakatawan ng halaman na tinatawag ding saha. Ginagamit din ito sa paggawa ng kilalang papel na kung tawagin ay papel de manila o manila paper. Ang punong abaka pati na ang puting himaymay na nagmumula rito ay tinatawag ding ibilaw, labayo, lain, at paguwa. (SAO) abaká
  • 2. Abakáda ang tawag sa pangkat ng mga titik o letra sa wikang Tagalog at kumakatawan sa tawag sa apat na unang titik nitó (A-Ba-Ka-Da). Ang abakáda ay binubuo ng 20 titik: A,B, K, D, E, G, H, I , L, M, N, Ng, O, P, R, S , T, U, W, Y. Lima rito ang patinig (A, E, I, O , U) at labinlima ang katinig. Ang mga titik na ito ang ginamit sa pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang pagsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon. Sinusundan ng abakada ang papantig na pagbigkas ng mga titik ng wikang Tagalog na kalapit na kalapit rin sa mga sagisag ng baybáyin, ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Tagalog. Sa pagbabago ng konsepto ng Wikang Pambansa tungo sa Pilipino at sakâ Filipino ay nadagdagan rin ang titik ng abakada. Pinalitan ito ng pinagyamang alpabeto na may 31 titik noong dekada 1970. Labing-isang titik ang idinagdag mula sa alpabetong Espanyol. Kaugnay ng 1987 Konstitusyon at ng pagpapahayag sa Filipino bilangWikang Pambansa, nirebisa at naging 28 ang titik ng alpabeto ng wikang Filipino. Pinanatili ang 20 titik ng abakada kasáma ang mga titik na C, F, J,Ñ, Q, V, X, Z at tinawag alinsunod sa alpabetong Ingles maliban sa katutubong NG. (JGP) abakáda
  • 3. Isang putaheng karne na tinimplahan ng sukà, asin, bawang, at paminta. Sa Espanyol, ang orihinal na adobo ay tinimplahan sa langis, bawang, at oregano. Ngunit marami ang nagpapalagay na ang putaheng ito ng mga Filipino ay mulang Mexico. Sa Oaxaca, Mexico ang karne ay ibinababad sa sili, bawang, sidrang sukà, tomílyo (thyme), dahon ng lawrel, dahon ng abokado, oregano, itim na pamintang buo, at kanéla. Sa kabilâng dako, marami din ang nagtuturing na “pambansang ulam” ang adobo. Narito na ito diumano at tinawag lámang na “adobo” ng mga Espanyol dahil kahawig ng alam nilá. Hindi rin magkasundo sa mga rekado nitó. Iginigiit ng mga tradisyonalista na dapat itong lagyan ng asin, isang sangkap na napalitan ng toyo at ipinalalagay na impluwensiya ng mga Tsino. Iba-iba ang adobo sa iba-ibang kusinera at iba-ibang lugar. Isang restoran ang sikát sa adobong baboy na may pritong taho, at pusit na pinakuluan sa sukà at toyo. Sa Batanes, ang lúnyis o adobo ng mga Ivatan ay may asin lámang. Mabisàng paraan ang adobo para sa pag-iimbak ng karne para hindi ito masira noong wala pang repridyireytor. At kahit ngayon kung walang imbakan. Maaaring adobuhin ang karneng baboy, báka, manok, isda, at kahit gulay. Maaasahang handa ito sa mga tahanan kung pista at báon sa piknik o mahabàng biyahe. Noong 1898, sa inaugurasyon ng Unang Republika ng Filipinas ay nása wikang Pranses ang menu ng grandeng hapunan. Isa sa handa ang “Abatis de Poulet a la Tagale” na kung isasalin ay “adobong atay at balumbalunan.” Kataká-taká bang tawaging “Adobo Country” ang Filipinas? (VSA) adóbo
  • 4. Ang agung (á∙gung), na kilala rin sa pangalang blowon, bua, gaggung, at sembakung, ay isang pares ng nakasabit na gong. Ito ay may bilog na umbok sa gitnang bahagi at may malapad na papaloob na tagiliran. Karaniwang makikíta ang agung sa katimugang bahagi ng Filipinas – Palawan, Mindoro, at mga isla ng Sulu, Mindanao at sa kalookan nito – Ata, Bagobo, Bukidnon, Hagaonon, Mandaya, Mangguangan, Manobo, Mansaka, Matigsalog, Subanon, Tagakaolo, Tiboli at Tiruray. Kinabibilangan din ng Mamanwa, Tiboli, Hanunuo, Bagobo, Magindanaw, Maranaw, Tagbanwa, Tiruray, at Yakan ang iba pang Filipinong gumagamit ng tradisyonal na instrumentong agung. Sa okasyon ng Batak sa Palawan, tinutugtog ang agung kasaliw ng gimbal, isang uri ng tambol, habang nanggagamot ang mga babaeng babaylan. Ang gawaing ito ay halaw sa Tagbanwa ng Palawan. Sa Tiboli naman, ang isang kasiyahan katulad ng moqninum, na pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal ng kilalang mag-asawa, ay okasyon upang tugtugin ang agung. May iba’t ibang uri ng agung: ang mabigat na tembag na hindi tinutugtog ngunit prominenteng makikita sa tahanan bilang simbolo ng kayamanan ng may-ari nito. Malaking porsiyento nito ay gawa sa tingga at maliit lamang na bahagi nito ang tanso.Ang benegulitok ay katulad ng tembaga ngunit mas magaan. Tinutugtog ito kasama ng gong na tinatawag na sembakung. Ang blowon naman ang pinakamagaan at pinakamakinis na gong. Kompara sa Mindanao at Palawan, ang gong ng Hanunuo ay mas maliliit. Nakasabit ang pares ng agung at magkaharap ang umbok ng mga ito. Sa pagtugtog, habang pinupukpok ng mga patpat ng isang musiko ang parehong umbok, may isa o dalawa pang pumupukpok naman sa gilid ng mga instrumento – dalawa ang ritmong lumalabas dito, ang mabilis na binalinsay at ang mabagal na dinulut. Ang tugtog na ito ay idinaraos sa sayaw ng kalalakihan. Ang musika ng agung ay tinutugtog sa kasiyahan matapos ang anihan na tinatawag na panludan. Bukod sa mga agung, ang iba pang instrumentong maririnig sa pagdiriwang ay plawta, gitara, zither, at mga patpat na perkusyon. Sa Tiruray, ang salitang agung ay maaaring mangahulugang tono ng gong. At agung din ang titulo ng isang uri ng musikang tinutugtog sa tangunggu na isang zither. (RCN) agung
  • 5. Si Fernándo C. Amorsólo (30 Mayo 1892-24 Abril 1972) ang pinakaunang ginawaran ng karangalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang pinakamaningning na kinatawan ng panahon ng klasiko sa sining biswal sa Filipinas. Kinikilala rin siyang “Ang Maestro” at “Grand Old Man” ng sining sa Filipinas noong nabubuhay pa. Ang malikhaing paggamit ng liwanag, sa partikular, ng backlighting, ang pinakamalaking kontribusyon ni Amorsolo sa pagpipinta sa Filipinas. Ang tingkad ng maningning na liwanag na nagmumula sa likuran ng kaniyang mga paksa ay nagtatampok sa isang bahagi ng kaniyang kanbas—sa mga dahon ng mga puno, tikwas ng buhok, ngiti sa mga labi, at umbok ng dibdib ng dalagang Filipina. Masaklaw ang larangan ng mga obra ni Amorsolo—mula sa mga portrait ng mga kilala at mayayamang tao, larawan ng mga tanawin, hanggang sa dibuho sa mga pabalat ng libro at magasin. Ngunit naging tatak ng likhang Amorsolo ang pagtatanghal ng mga payak, payapa at pang-araw-araw na buhay ng mga naninirahan sa lalawigan. Ang dalagang Filipina sa kaniyang makukulay na baro’t saya na palagiang nakangiti habang ginagampanan ang tradisyonal na domestikong gawain; mga magsasaka sa gitna ng tanawin ng kasaganaan sa kabukiran; ang taumbayan sa kanilang pangkaraniwang gawain, kaugalian at tradisyon tulad ng pista, binyag, kasal, pagtatanim, paglalaba, pagluluto, pamamangka, o kahit pagbabasá. Ang mataas na antas ng kasiningan ay napanatili niAmorosolo sa kabila ng dalas at dami nito. Ang mga pinturang oleo pa lamang niya ay tinatayang aabot na sa libo. Dahil sa mga tiyak na hagod ay mabilis na natatapos ni Amorsolo ang kaniyang mga likha. Ang tatlong malalaking pintura niya para sa Philippine Pavillion na ginamit sa 1931 Paris Exposition ay natapos niya sa loob lamang ng isang buwan. Ilan pa sa mga kilalang obra ni Amorsolo ay ang Maiden in a Stream, Dalagang Bukid, Lavanderas, Family in a Banca, Tinikling, Harvest Scene at Barrio Fiesta. Ang Rice Planting na ginawa ni Amorsolo noong 1922 ay naging pinakapopular na hulagway sa panahon ng Komonwelt. Lumikha rin siya ng mga obrang nagtatanghal sa kasaysayan ng Filipinas gaya ng Early Filipino State Wedding, Traders, Sikatuna, The First Mass in the Philippines, The Building of Intramuros at Burning of the Idol. Fernando C. Amorsolo Isinilang siya noong 30 Mayo 1892 sa Calle Herran sa Paco, Maynila sa mag-asawang Pedro Amorsolo at Bonifacia Cueto. Ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay ipinamalagi niya sa Daet, Camarines Norte. Dito nag-ugat at nalinang ang pagkiling niya sa simpleng buhay sa lalawigan na naging malaking impluwensiya sa kaniyang mga obra. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts na pinagturuan din ng kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la Rosa. Isa siya sa mga pinakaunang nagtapos doon at nagkamit pa ng maraming karangalan. Lumikha ng mga obra ang pintor hanggang sa huling mga taon ng kaniyang buhay. Ngunit ang pagkakaroon ng katarata, diabetes, arthritis, at pagkamatay ng dalawang anak na lalaki na lubha niyang dinamdam ay nagkaroon ng malaking epekto sa kaniyang trabaho. Namatay si Amorsolo sa sakit sa puso noong 24 Abril 1972. (RVR)
  • 6. Ang anáhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis na bunged o puno ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Filipinas. Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon ay matinik at tumutubo nang paikot sa sariling katawan nito. Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubo sa likaás na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito. Angdahonnganahawaymaaaringgamitinbilangmateryalsapaggawangbubongngmga bahay -kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nito, nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang.Ang buko naman nito ay ginugulay at kinakain.Ang puno ng kahoy o katawan nito ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) anáhaw
  • 7. Si Andres Bonifacio (An·drés Bo·ni·fás·yo) (30 Nobyembre 1863-10 Mayo 1897) ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik. Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak nina Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina de Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco, Procopio, at Troadio at mga kapatid na babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos noong 14 taón si Andres kayâ binúhay niya ang mga kapatid sa pagtitinda ng bastong kawayan at papel na abaniko at pagtatrabaho bilang mensahero at bodegero. Gumawa rin siyá ng mga poster para sa mga kompanya ng komersiyo. Una niyang malaking trabaho ang klerk-mensahero sa kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan sa Alemang Fresell and Company. Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din siyang mag-artista at naging kasapi ng samahang pandulaan sa Palomar, Tondo. Noong 1887, kasáma ang ibang kaibigan ay itinayô nilá ang El Teatro Porvenir at nag-eksperimento sa pagpapalit ng mga pangalang Tagalog at mga pook, bagay, at eksena ng mga komedyang Espanyol na isinalin sa Tagalog. Isa siyang mahusay na makata at manunulat. Isinalin niya sa tula ang sanaysay na Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin sa Tagalog ng tulang Ultimo Adios ni Rizal. Ang sanaysay niyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay isang napakaikli ngunit matalim na kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan. Ang hilig niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang magbasá. Nang halughugin ang kaniyang tirahan sa bodega ay nasamsam ng mga Espanyol ang mga dokumento’t librong kinabibilangan ng The French Revolution, Lives of the Presidents of the United States, at mga nobelang El Judeo Errante ni Eugene Sue, Noli at Fili ni Rizal, at iba pa. Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa Kalookan ay nakilála niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob ng Katipunan. Itinatag niya ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892 sa isang bahay sa Calle Ilaya, Tondo kasáma sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, at Deodato Arellano. Bunga ito ng ipinalalagay niláng kabiguan ng mapayapang kampanya para sa reporma ng La Solidaridad at ng naganap na pagdakip at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ang lihim na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga lalawigan bago natuklasan at sumiklab ang Himagsikang Filipino noong Agosto 1896. Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at ang Magdalo, sa Cavite ay inanyayahan siyá doon upang mamagitan. Nauwi ang lahat sa pagtatayô ng isang bagong pamahalaan ng manghihimagsik noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral EmilioAguinaldo at ministrong panloob siAndres. Hindi minabuti niAndres ang pagmaliit sa kaniyang kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisà niya ang halalan sa isang dokumento noong Marso 24. Kasáma ang dalawang kapatid, Andres Bonifacio asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng Maynila. Sinundan ng mga Magdalo ang pangkat niya at dinakip. Sa labanan ay namatay si Ciriaco at nasugatan si Andres. Dinala silá sa Maragondon, Cavite at nilitis. Nahatulan siyang nagkasala ng sedisyon at pinarusahan ng kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio sa Bundok Buntis at pinatay. (VSA)
  • 8. Kilalá si Apolinario de la Cruz (a·po·li·nár·yo de la krus) (22 Hulyo 1814-4 Nobyembre 1841) sa bansag na “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José. Pinamununan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Espanyol na nakabatay sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at Indio sa kaparian. Isinilang siya noong 22 Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng Lucban, Tayabas (ngayon ay lalawigan ng Quezon) kina Pablo de la Cruz at Juana Andres, pawang mula sa pamilyang maykáya at debotong Katoliko. Pinangarap niyang magpari, at sa edad na 15 ay sumubok sumali sa orden ng mga Dominiko sa Maynila. Ngunit hindi pa noon tumatanggap ng mga Indio ang mga ordeng Romano Katoliko, kung kayâ naging donado na lamang muna siya sa Ospital ng San Juan de Dios at nagtrabaho sa Cofradia de San Juan de Dios. Sa panahong ito pinag-aralan ni de la Cruz ang Bibliya at iba pang banal na kasulatan. NagbaliksiyasaLucbannoong1832atitinatagangCofradiadeSanJosé,isangkapatirang binubuo lamang ng mga Indio. Hindi pinahihintulutang sumapi ang mga Espanyol at mestiso nang walang pagsang-ayon ni de la Cruz, na siya namang tinawag ng kaniyang mga tagasunod bilang “Hermano Pule” (o “Hermano Puli”). Ninais niyang maging legal ang Cofradia dahil sa paglaki ng kasapian ngunit binatikos ito ng mga paring Espanyol, sa pangunguna ni Arsobispo Jose Segui. Naghinala ang pamahalaan ni Gobernador- Heneral Marcelino Oraa na isang samahang mapanghimagsik ang Cofradia. Sinalakay ng mga sundalo ang kampo ng Cofradia sa Majayjay, Laguna noong19 Oktubre 1840. Nagkataóng nasa Maynila noon si Hermano Pule kaya nakaligtas. Nagsimulang mamuhay na parang rebelde ang mga kasapi ng Cofradia. Sa isang malaking labanan sa Alitao, isang lugar na malapit sa Tayabas, ganap na nalansag ang hukbo ni Hermano Pule. Nakatakas siya ngunit nasundan at nadakip. Madalian siyang nilitis at binitay sa bayan ng Tayabas noong 4 Nobyembre 1841. Pinagputol-putol ang kaniyang katawan. Tinuhog ang kaniyang ulo at itinanghal sa daan patungong Majayjay upang huwag sundan ng taumbayan ang tinawag nilang “Hari ng mga Tagalog.” (PKJ) Apolinario de la Cruz
  • 9. Opisyal at pambansang pagdiriwang ang áraw ng Kasarinlán tuwing Hunyo 12. Ginugunita sa araw na ito ang pagpapahayag ng kalayaan noong ikaapat ng hápon ng 12 Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Ginanap ito sa balkonahe ng matandang bahay-na-bato ni Hen. Emilio Aguinaldo na kababalik noon mulang Hong Kong upang ipagpatuloy ang Himagsikang Filipino laban sa mga Espanyol. Bukod sa pagbása ni Ambrosio Rianzares Bautista sa Akta ng Pagpapahayag ng Kasarinlan, iwinagayway sa pagkakataóng ito ang tinatawag ngayong Pambansâng Watáwat at tinugtog ang Marcha Filipina Magdalo na naging musika ng Pambansâng áwit ngayon. Ang Akta ay nilagdaan ng 98 katao, kabilang ang isang Amerikanong koronel sa hukbo ng Estados Unidos. Noong nása Malolos, Bulacan na ang hukbong Filipino, ipinabago ni Apolinario Mabini ang teksto ng Akta dahil waring ipinaiilalim ang Filipinas sa proteksiyon ng mga Amerikano. Ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan tuwing Hunyo 12 ay sinimulan ni Pangulong Diosdado Macapagal sa pamamagitan ng Republic Act No. 4166 noong 4 Agosto 1964. Bago ito, ipinagdiriwang ngAraw ng Kasarinlan ang pagbibigay ng kalayaan sa Filipinas ng Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946. (VSA) áraw ng Kasarinlán
  • 10. Ang arnís ay isang sining ng pakikipaglaban ng mga Filipino na kapuwa pandepensa at pang-opensa. Bagaman kilala itong gumagamit ng sandata lalo na ng dalawang patpat na karaniwang yari sa yantok o kamagong, ang mga kasangkapang ito ay itinuturing na ektensiyon lamang ng mga kamay at kakayahan ng manlalaro. Nagsimula ang paglalaro ng arnis bago pa dumating ang mga Espanyol. Ginagamit ito ng mga tribu sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. Ipinagbawal ito nang dumating ang mga Espanyol. Sa kabila nito, patuloy ngunit palihim na nagsanay ang mga Filipino sa paglalaro nito. May mga pagkakataong isinasagawa nila ito sa publiko maging sa harap ng mga Kastila ngunit sa paraang artistiko, bilang bahagi ng dulang Moro-Moro. Dito, nakasuot ang mga Filipino ng damit ng mga Espanyol na sundalo na tinatawag na arnes at kunwa’y nakikipaglaban sa mga kaaway. Maytatlongpamamaraansapaglalarongarnis:angespadaydaga(espadaatpunyal),solo baston (isang patpat), at sinawali (maghabi). Sa huli, gumagamit ng dalawang patpat na magkatulad ang haba at iminumuwestra ang galaw ng paghahabi tuwing nakikipaglaban. Sakasalukuyan,itinuturoitosailangpaaralanbilangbahagingEdukasyongPampalakasan. Kabilang sa mga kinikilalang maestro ng modernong arnis sina Venancio “Anciong” Bacon, Dan Inosanto, Cacoy Canete, Mike Inay, Remy Presas, at Ernesto Presas. (GB) arnís
  • 11. Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ikalawang linggo ng Enero sa Kalibo, Aklan sa pulô ng Panay upang gunitain ang kapistahan ng Santo Niño. Ito ay karaniwang ipinagdiriwang pagkatapos ng selebrasyon ng pagdalaw ng Tatlong Hari kay Hesus sa sabsaban. Gamit ang makukulay na maskara, uling sa katawan, at iba’t ibang matingkad na kasuotan, ang mga táong kaisa sa pagdiriwang ay sumasayaw kasabay ang tunog ng mga tambol at sigaw na “Hala, Bira!.” Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng isang Ati.” Noong ika-13 siglo, pinaniniwalaang dumating sa Panay ang sampung datu mula sa Borneo at nakipagsundo sa mga katutubong Ati. Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok, at naninirahan noon sa Panay.Ayon sa kuwento, binili nina Datu Puti ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas. Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababâ silá kapag humihingi ng tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay sumasayaw at kumakanta bílang pasasalamat. ItinapatangAti-AtihansapagdiriwangngpistangSantoNiño.Kayâbahagingsanlinggo’t masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi sa imahen ng batàng Hesus, gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang tuwing Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang” ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz, “Maskarahan” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique. (IDC) Atí-Atíhan
  • 12. Ang bánoy (pithecophaga jefferyi) ay isa sa mga lokal na pangalan ng pambansang ibon ng Filipinas na may pangalan sa Ingles na Philippine Eagle at Monkey-eating Eagle. Kabilang ito sa pamilyang Accipitridae na dito lámang matatagpuan sa kagubatan ng Filipinas. Kulay kayumanggi ang plumahe o balahibo nitó, karaniwang may sukat na 86–102 sentimetro (2.82–3.3 piye) ang habà, at tumitimbang ng 4.7-8 kilo (10-18 libra). Tinatawag din itong agilá (mula sa Espanyol), manaul sa matandang Bisaya, mamboogook at malamboogook sa Mandaya at Manobo, tipule sa Subanon, at bánog dahil napagkakamalang lawin. Ang bánoy ay itinuturing na nanganganib nang hayop dahil sa pagkawala ng tirahan bunga ng pagkasira ng kagubatan. Matatagpuan ang ibong ito sa apat na malalaking isla na kinabibilangan ng silangang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Pinakamarami ngayon ang naninirahan sa Mindanao, mga 82 at 233 parehang naglalahian. Matatagpuan ang mga ito sa Northern Sierra Madre National Park sa Luzon, at sa MountApo at Mount Kitanglad National Park sa Mindanao. Noonguna,tinawagnaPhilippineMonkey-EatingEagleangbanoydahilpinaniniwalaang tanging unggoy lámang ang pagkain, subalit napatunayang hindi ito lubos na tama. Ang pangunahing pagkain nitó ay nag-iiba depende sa matatagpuan sa kinaroroonan. Ang buong siklo ng pagpapalahi ay tumatagal ng 2 taon. Ang kakayahang seksuwal sa reproduksiyon ay naaabot ng babaeng banoy sa gulang na 5 taon, samantalang ang lalaki ay 7 taon. Katulad ng ibang agila, ang banoy ay monogamous, kapag ang dalawang banoy ay nagkapareha na, mananatiling magkapareha ang mga ito habang buhay. Naghahanap lámang ng ibang kapareha ang isa kapag namatay ang kapareha. Matagumpay nang nakapagpalahi ng bánoy hábang nakakulong at makikita ang mga ito sa parke ng Malagos sa Davao.(SSC) bánoy
  • 13. Angsalitângbagyóaynangangahulugangnapakasamânglagayngpanahonnamaydaláng malakas na hangin at ulan. Tinatawag ding “buháwing tropikál” (tropical cyclone). May apat na babala o warning ito kapag daraan ito sa Filipinas sa susunod na 12 hanggang 36 na oras depende sa lakas ng hangin. Ang Babala Blg 1 ay para sa hanging may bilis na 30-60 kilometro bawat oras na may kasamang pabugso-bugsong ulan. Sa Babala Blg 2, ang hangin ay may bilis na 60-100 kilometro bawat oras. Sa Babala Blg. 3, ang hangin ay may bilis na 100 - 185 kilometro bawat oras. At Babala blg 4, ang hangin ay may bilis na mahigit sa 185 kilometro bawat oras. Nagsimulang kasindakan ang bagyo noong 1911 pagkaraang maitalâ sa Lungsod Baguio ang 46 na pulgada ng ulan sa loob lamang ng 24 oras.Ang mga bagyo sa Filipinas ay kadalasang nabubuo tuwing buwan ng Mayo hanggang Nobyembre sa hilagang-kanluran ng Dagat Pasipiko at nagmumula sa Marianas at mga pulô ng Carolinas. Ang mga bagyong pumapasok sa loob ng Filipinas ay binibigyan ng lokal na pangalan ng Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas (PAGASA), ang ahensiya ng gobyerno na sumusubaybay at nag-aaral sa galaw ng klima ng bansa. Karaniwang umaabot sa 20 bagyo ang dumaraan sa bansa kada taón, subalit noong 1993, umabot ang bilang nito sa 32. Sa taunang talâ, ang buwan ng Setyembre ang may pinakaaktibong galaw ng mga unos sa bansa at ang hilagang Luzon at silangang Bisayas naman ang madalas tamaan ng mga ito. Ang pinakamapinsalang bagyo na tumamà sa Filipinas ay ang Bagyong Uring noong 1991 na nagdulot ng malaking pagbahâ at kumitil ng mahigit 5,000 katao bukod pa sa ilang libo katáong nawawala. Pumangalawa ang Bagyong Nitang na nakapagtalâ ng mahigit isang libo katáong namatay. Noong Setyembre 2009, lumubog sa bahâ ang malaking bahagi ng Metro Maynila, partikular ang mga siyudad ng Marikina at Pasig, at karatig probinsiya dulot ng Bagyong Ondoy. At Setyembre 2011, inilubog din ng katulad na bahâ ang Luzon, partikular ang mga bayan ng Bulacan at Pampanga, dulot ng magkasunod na Bagyong Pedring at Pepeng. (AMP) bagyó
  • 14. Malaon nang kinikilalang “Pambansang Tahanan” ang báhay-kúbo at sinasabing kinatawan sa katatagan ng mga Filipino dahil kaagad nakatitindig kahit magdaan ang bagyo, lindol, at ibang kalamidad. Kinakatawan din nitó ang pagiging malapit ng Filipino sa kalikásan. Presko ang kalooban ng bahay dahil maraming puwang para pumasok ang hangin. Ang pangyayaring ito ay sumasagisag diumano sa nakabukás na kalooban ng tumatahan, sa katapatang makisáma, at sa pagkakaisa ng pamilya. Munti at kuwadrado ang estruktura ng báhay-kúbo. Madalî itong maitayô dahil yari sa materyales na matatagpuan sa kaligiran. Kahoy o kawayan ang mga haligi at balangkas ng sahig, dingding, at bubong. Pawid o kugon naman ang ginagamit na pantakip sa dingding at bubong. Mababà man ito ay nakaangat sa lupa at kailangang akyatin gamit ang hagdan na may tatlo hanggang limang baitang. Karaniwang ginagawâng kulungan ng mga alagang hayop ang silong. Madalas itong maging tanda ng bayanihan, dahil malimit ilarawan na pinagtutulungang pasanin ng magkakapitbahay at magkakanayon kapag kailangang ilipat ng pook. Paksa rin ito ng isang popular na awiting bayan, na naglalarawan hindi ng loob o kaanyuan ng báhay-kúbo kundi ng mga pananim at gulay sa bakuran at “paligid-ligid” nitó. (LJS) báhay-kúbo
  • 15. Ang bakaáwan (Rhizopora mucromata) ay isang uri ng punongkahoy na tumutubo sa tubig -alat o tabang. Karaniwan itong makikitang tumutubo malapit sa karagatan. Natatangi ang mga ugat nito dahil maaari itong mabuhay sa ibabaw o ilalim ng tubig. Ang mga ugat nito ay may espesyal na katangian na mabuhay sa parehoong ibabaw at sa ilalim ng tubig. Ito ay kKaraniwang lumalaki ang punong ito nang mula dalawa 2 hanggang sampung 10 metrong na taas. Ang terminong bakawan ay isa pang kahulugan. Maaari itong tumukoy sa pook na maraming punongkahoy na bakaw o bakawan, isang lugar pumapagitna sa lupa at karagatan na tinitirahan ng mga isda. Ang punongkahoy na bakawan ay sinasabing pinagmumulan ng materyales sa paggawa ng bangka at muwebles. Ginagamit din ito para gumawasa paggawa ng uling. Ang katas ng dahon at balaát ng kahoy naman ay nagagamit na sangkap na pangkulay. Maaari rdin itong pagkunan ng pagkain tulad ng pulut, sukà, at mantikang panluto. Napakahalaga ng bakawan sa ating kaligiran. Nagbibigay ito ng tirahan hindi lamang sa mga isda kundi maging sa mga ibon at iba pang ilahas na hayop. Tumutulong din ito sa paglilinis ng ating hangin at katubigan sa pamamagitan ng matitibay na mga dahon at ugat nito. Nagbibigay-proteksiyon din ito sa mga tirahang malapit sa pampang dahil napipigilan nito ang paghampas ng hangin at pagragasa ng alon mula sa karagatan lalo sa panahon ng bagyo. Ang bakawan ay tinatawag ding bakaw, bakawang babae, bakhaw, bako, bukaw, mangrove, at tagasa. (SAO) bakáwan
  • 16. Ang baklád ay isang uri ng estrukturang pangisda na inilalagay sa may baybaying- dagat. Mistulang maluwang na bakod ito nagsisilbing pangharang at panghúli sa mga isdang nagpapalipat-lipat sa malapit sa pampang at sa karagatan. Maaaring pansamantala o permanente ang isang baklad na inilalagay kung saan dumaraan ang mga isdang naglalakbay. Tulad ng isang bakuran, itinatayô ang mga poste ng kawayan nang may pantay-pantay na agwat. Karaniwang may pasukan ang isang baklad para sa mga isdang nagkakawan. May matá o bútas ang lambat sa isang baklad na hindi liliit sa 3 sentimetro. Kalimitang hugis pana ang isang baklad. Maaaring umabot ng ilang daang metro ang habà ng bawat isang tangkay sa gilid nitó. Ang kulungan ng baklad na pansamantalang itinayô ay may panghatak na pukot at dalawang dulo na nakaangkla sa baybay. Nananatili ang súpot ng pukot sa mababaw na bahagi ng tubig at nagsisilbi itong lalagyan ng mga isdang nahuhúli. May isang uri naman na gawa sa kawayan, lambat at alambre o hibla ng kawayan na ginagamit panali. Sa Filipinas, saklaw ng pamahalaang lokal ang regulasyon at pahintulot sa pagtatayô ng baklad sa baybaying-dagat. Pinapaupahan ang isang parte ng baybay sa mga indibidwal o gruponamaysapatnapuhunanparamagpatayôngbaklad.Subalitmaymgapagkakataóng malaki ang sukat ng baklad kayâ’t sinasakop at isinasara nitó ang malaking bahagi ng baybay. Nagdudulot ang ganitong sitwasyon ng problemang tulad ng kawalan ng espasyo para sa maayos na pagdaloy ng tubig at nabegasyon. Dahil dito, kailangan ng pamahalaang lokal ang regular na pagmonitor at pagbisita sa mga baybaying-dagat na kanilang nasasakupan. (MA) baklád
  • 17. Katutubong sapin sa paa ang bakyâ at yari sa kahoy ang suwelas at katad o tela ang kaluban. Maaaring impluwensiya ito ng sapin sa paa ng mga Tsino o ng mga Hapones. Gayunman, maaaring bunga ito ng naramdamang likás na pangangailangan para sapnan ang paa laban sa subyang at putik. Nagkaroon din ng masining na pag-ukit sa kahoy ng bakyâ at pagpipinta ng disenyo sa katad o telang kaluban ng paa. May panahon na isinusuotitongkababaihankungpistaattangingokasyon.Itoangnakasaadsasentimental na awit na “Ang Bakyâ Mo Neneng”: Ang bakyâ mo Neneng, luma at kupás na Ngunit may bakás pa ng luha mo sinta. Sa pagdating ng makabagong tsinelas at sapatos ay naging sagisag ang bakyâ ng pagiging probinsiyanong makaluma. Nitóng mga taóng 1960, nagkaroon pa ito ng higit na masamâng kahulugan. Ginamit ito ng isang direktor sa palikula, ang Pambansang Alagad ng Sining Lamberto Avellana, upang tukuyin ang mga manonood na hindi diumano nakauunawa o walang wastong pinag-aralan hinggil sa mahusay na pelikula. Literal pang nakabakya noon ang mga dukhang manonood ng pelikulang Tagalog sa lalawigan. Sinundan ito ng iba upang kutyain ang “pangkaraniwan,” “probinsiyano,” at “mababàng uri.” At marahil, ang ganitong pangyayari ang hindi matanggap ng isang nagsisikap gumunita sa matamis na kahapon ng “Ang Bakyâ Mo Neneng.” (VSA) bakyâ
  • 18. Ang balimbíng (Averrhoa carambola) ay isang uri ng punongkahoy na may bungang hugis tatsulok ang limang gilid. Ang punong ito ay maliit hanggang katamtaman ang taas, karaniwang hindi tataas sa 5-12 metro. Kabilang ito sa pamilyang Oxalidaceae at kamag-anak ito ng kalamias o kamias. Madali itong patubuin at palakihin at maaaring makita sa kahit saang lugar sa Filipinas. Ang prutas nito ay karaniwang maberde, minsaý manila-nilaw kapag hinog na at maaari nang kainin. Mataas ito sa bitamina B at C pati na rin sa Iron.Ang mga dahon at bulaklak naman nito ay ginagamit na halamang-gamot. Dahil sa anyo nitong may ilang gilid, ang prutas ng balimbing ay inihahalintulad sa mga baligtaring politiko at pinunong-bayan na madalas magpalit ng kinaanibang partido ayon sa inaakala nilang makukuhang pakinabang dito. Ito ay karaniwang inihahalintulad sa mga pulitikong tao na hindi tapat sa kanilang panig dahil sa ang prutas nito ay maraming iba’t ibang mukha. Ang ganitong uri ng mga politiko ay nakagawian nang bansagang balimbing na ang kahulugan ay “doblekara.” (SAO) balimbíng
  • 19. Ang bangús o Chanos chanos ay isda na nag-iisang miyembo ng pamilyang Chanidae. Tinatawag itong sábaló kapag husto na sa gulang para makapagparami na karaniwan ay nása edad na limang taón at may habàng 50-150 sentimetro. Dinalá ang bangus sa Filipinas mula sa Indonesia o China mahigit-kumulang sa 300 taón na ang nakalilipas. Matatagpuan ito sa mga baybaying-dagat na mainit (higit sa 20 sentigrado) ang tubig, malinaw at mababaw. Inaalagaan din ang bangus sa mga palaisdaan at iba pang uri ng kural pang-isda. Bihirang mahúli ang sabalo sa malalim na tubig dahil sa bilis at lakas nitóng lumangoy. Nahuhúli lang ito kapag dumadayo sa mga baybayin sa panahon ng pangingitlog. Kilaláng lugar ang isla ng Panay na dinadayo ng sabalo para mangitlog. Karaniwang matatagpuan ang mga itlog sa parteng malapit sa baybayin na may lalim na 10-20 metro. Pahabâ ang katawan ng bangus, bahagyang impis at walang kaliskis sa tiyan bagaman natatakpan ng mga bilugan, maliliit at makinis na kaliskis ang mga palikpik. Parang kumikinang na pilak ang katawan nitó lalo na kung bagong hango mula sa tubig. May hilatsa ng balát na tumatakip sa mga matá. Maliit ang bibig at walang ngipin ang bangus. Nakakáya ng bangus ang masasamâng kondisyon ng temperatura, alat, oxygen, ammonia, nitrite, pagsisikip, at gútom. Kayâ naman popular na inaaalagaan at pinalalago ang bangus sa iba’t ibang uri ng palaisdaan. Sa Filipinas, ang bangus ang pangunahing isda na inaalagaan at napakahalaga sa ekonomiya ng bansa. (MA) bangús
  • 20. Angbanígangpinakasikátnaproduktomulasamasinsingpaglálanghinimaynadahonng bulé (o bulí) o pandán (pandanus). Parihabâ, maaaring pang-isahang tao, pandalawahan, o pampamilya ang súkat, at ginagamit na higaan. Ginagamit din itong sapin sa sahig upang maupuan. Mainam na higaan ang baníg dahil nakapagpapanatili ng lamig kahit mainit ang panahon. Dahil sa makukulay na disenyo ng baníg ng Samal at Badjaw, sinasabing ginagawa sa Filipinas ang pinakamagagandang baníg. Napabantog ang Laminusa, lalo na nang parangalan ang isang manlalála ng baníg dito bilang Manlilikha ng Bayan. Pinakagamitin naman ang baníg mulang Basey, Samar na ginagamitan ng himaymay ng tíkog. Sa Lanao at Cotabato, halamang sésed ang nilalála. Nilalála din nang masinsin ang bule at pandan bilang sisidlan. Pangunahin dito ang bayóng, isang malalim na sisidlan na may tambal na hawakan sa bibig. Wala itong takip. Nilalagyan ito ng gulay, prutas, at ibang binili sa pamamalengke. Lalagyan ito ng bigas ng mga Tagbanwa. Naglalála din ngayon ng ibang kasangkapan at dekorasyon. May laruang hugis isda o ibon, nakakatulad ng origami sa papel ng mga Hapones, na gawa sa bule o pandan. Nilála ding himaymay ang popular na “sombrerong Baliuag” at ang karaniwang balanggót ng mga magsasaka. (VSA) baníg at bayóng
  • 21. Simula noong panahong Komonwelt, itinuturing na pormal at pambansang kasuotan ng kalalakihan ang barong tagálog. Ngunit kasuotan na ito ng mga Filipino noon pang panahon ng mga Espanyol at mauugat sa panahong iyon ang ilang katangian nitó. Ang bárong tagálog ay pang-itaas na damit panlalaki, may mahabàng manggas, may bukás hanggang dibdib, walang bulsa, karaniwang manipis ang tela at walang kulay, at isinusuot nang hindi nakaparagan. Pangkaraniwang kasuotan ito noon ng mga Indio. Manipis ang tela, dahil mas presko ito kung mainit ang panahon. Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang hindi makapagkubli ng patalim o sandata ang Indio sa ilalim ng damit. Hindi nakaparagan ang pagsusuot dahil praktikal ito para sa maginhawang pagtatrabaho. Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang magmukhang imperyor ang Indio at madalîng maibukod sa mga Espanyol na nakaparagan ang kamisedentro. Wala ring bulsa ang bárong tagálog upang hindi makapang-umit sa bahay o tindahan. Si Pangulong Manuel L. Quezon ang nagdeklarang “pambansang kasuotan” ang bárong tagálog. Sinimulan din itong gamitan ng mamahaling telang husi at pinya at bordado upang maging elegante. Noong 1975, nagproklama pa ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang “Linggo ng Barong Tagalog” tuwing Hunyo 5-11, bago ang Araw ng Kasarinlan, at lalong naging simbolo ang bárong tagálog ng paglaban sa kolonyalismo. Ginagamit ngayon ito sa mga opisyal na pagdiriwang at importanteng okasyon. Pormal ang tao kapag sinabing “nakabaróng.” Nauso naman noong dekada 60 ang “pólo baróng” na maikli ang manggas at karaniwang mumurahin ang tela para sa pang-araw-araw na pagpasok sa opisina. (VSA) bárong tagálog
  • 22. Batásang Pambansâ ang itinawag sa sangay ng gobyerno na gumagawa ng batas ng Filipinas noong panahon ng Batas Militar sa ilalim ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Isa itong kapulungang may isahang kamara (unicameral) na binubuo ng mga halal na kinatawan mula sa mga probinsiya, distrito, lungsod, at mga sektoral na kinatawan ng kabataan, manggagawa, at magsasaka. Ang pangkalahatang kapulungan ng Batasang Pambansa ay may katungkulang maghalal ng Ispiker, Pangulo, at Punong Ministro, magbalangkasngmgabatas,magpatibayngmgainternasyonalnakasunduan,magsagawa ng imbestigasyong makatutulong sa paglikha ng batas, magbalangkas ng badyet ng gobyerno, at magdeklara ng giyera. Ang Batasang Pambansa ay binuo ayon sa Konstitusyong 1973 na pinagtibay noong 17 Enero1973sabisàngPresidentialProclamationNo.1102niPangulongMarcos. Pinalitan ng konstitusyong ito ang uri ng gobyernong umiiral sa Filipinas mula sa presidensiyal na sistema tungo sa isang binagong parlamentaryong sistema. Noong 16 Oktubre 1976, naglunsad si Pangulong Marcos ng isang reperendum-plebisito upang susugan ang Konstitusyong 1973 at itakda ang pagbubuo ng isang Interim Batasang Pambansa (IBP). Matapos nitó, pinulong ng pangulo ang isang Batasan noong Agosto 1977 na tumalakay sa pagbubuwag ng presidensiyal na sistemang panggobyerno at pagtatakda ng pormal na halalan upang maitatag ang IBP. Naging masalimuot ang isinagawang halalan para sa Interim Batasang Pambansa noong 16 Abril 1978. Binoykot ng ilang prominenteng personalidad sa oposisyon ang halalan subalit lumahok dito si Senador Benigno Aquino Jr. kasama ng ilang nakapiit na oposisyonista sa ilalim ng koalisyong Lakas ng Bayan (LABAN). Sa kabilâng panig, inorganisa ni Pangulong Marcos ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ng mga Nacionalista, Liberal, at iba pang partido. Noong Abril 6, sumiklab ang espontaneong kilos protesta ng mamamayan sa pamamagitan ng malawakang pag-iingay sa mga lansangan ng Maynila. Pagkatapos ng halalan, mayorya ng posisyon sa IBP ang nakuha ng KBL samantalang 13 puwesto lámang ang napagwagian ng oposisyon. Batásang Pambansâ Pinasinayaan ang unang pulong ng Interim Batasang Pambansa noong 12 Hunyo 1978. Naging ganap na isahang kamara ang kapulungang ito noong 17 Enero 1981 at umiral hanggangPebrero1986. BinuwagniPangulongCorazonAquinoangBatasangPambansa noong 25 Marso 1986 sa bisà ng Proklamasyon Blg. 3. Gayunman, nanatili ang pangalang “Batasang Pambansa” para sa gusali at pook sa Lungsod Quezon na ginamit ng IBP at ginagamit ngayon ng Mababàng Kapulungan ng Kongreso ng Filipinas. (SMP)
  • 23. Katutubong tatô (tattoo sa Ingles) sa Kordilyera: fátek sa Bontok, bátek sa Kalinga, at fátok sa Ibaloy. Lahat ng salitâng ito ay mula sa tunog ng pagtiktik ng patpat sa instrumentong ginagamit sa pagtatatô na karaniwang yari sa sungay ng kalabaw na may mga tinik o karayom sa isang dulo. Mabusising trabaho ang pagtatatô. Maaari itong tumagal mula isang araw hanggang isang linggo depende sa disenyo. Karaniwang nilalagyan ng tatô ang kamay, bisig, dibdib, binti, at paa. Laganap sa Filipinas noong bago dumating ang mga Espanyol, buháy hanggang ngayon ang sinaunang kaugaliang ito sa mga lalawigan ng Kordilyera, lalo na sa Kalinga. Dito matatagpuan ang pinakamaraming manfátek (eksperto sa pagtatatô) at ang pinakakomplikadong mga tatô na kamamalasan ng heometrikong disenyo, at ng mga makahulugang motif tulad ng butiki at mga markang-x na kung tawagin ay lin-lingao. Hindi malinaw kung ano ang orihinal na katuturan ng fatek, ngunit ayon sa ilang ulat mula sa panahong kolonyal, ang pagtatatô sa Kordilyera ay kaugnay ng káyaw o pamumugot ng ulo ng kaaway na laganap sa rehiyon noon. Sa Kalinga, mga mandirigma na lumahok at nagtagumpay sa mga pakikipaglaban sa mga kaaway ng kanilang ili ang may pinakamaraming tatô. Hanggang ngayon, nananatili ang mahigpit na kaugnayan ng tatô sa kagitingan sa pandirigma. Hindi lamang ang mga lalaking mandirigma, bagkus pati na rin ang ilang babae sa kanilang angkan, ang maaaring magtaglay ng tatô bilang tanda ng kanilang mataas na ranggo sa lipunan. Sa pagdaraaan ng panahon, nagkaroon ng iba pang kahulugan ang fatek. Ngayon, tinitingnan ito bilang tanda ng kahandaan sa pagtanggap ng responsabilidad, o sagisag ng katutubong konsepto ng kagandahan. Higit sa lahat, dumarami ngayon ang nagpapatatô ng tradisyonal na disenyo upang ipagmalaki ang kanilang etnikong identidad. (DLT) fátek
  • 24. Isang bantog na pagkaing Filipino ang balút, nilagàng itlog ng itik at pinaniniwalaang pampalakas ng katawan at pampasigla sa pakikipagtalik. Ginagamit itong pulutan sa inuman at katerno ng sitsaron. Kamakailan, nauso ang binalatán at ipinritong balút. Ngunit hindi ito basta nilagàng itlog ng itik. Sa bayan ng Pateros, na bantog sa industriya ng balút, maingat na pinipilì ang mga itlog ng itik na kinukulob sa isang pook halimhiman sa loob ng 17-19 araw para magkaroon ng kitî o sisiw. Ngunit hindi hinahayaang mapisâ ang itlog. Pagkatapos ng naturang paghalimhim, kinukuha ang itlog na may sisiw, hinuhugasan, at inilalaga. May mahilig sa balút sa putî, itlog na kinulob sa loob ng 16- 17 lámang kayâ maliit pa ang sisiw. Karaniwang bahagyang binubuksan ang balát ng isang dulo ng itlog, binubudburan ng asin, at hinihigop ang sabaw at lamán. Ang pénoy ay nilagàng itlog ng itik na nabilíg o hindi nagkasisiw. Sa halip, nagkaroon lámangitongmalakingmasanaputîatdilawsaloob.Kungtutuusin,paraitongkaraniwang nilagàng itlog ng manok. Naiiba ang penoy dahil walang tiyak na hugis ang putî at dilaw bukod sa malimit na magkahalò. May uri itong masabáw at may uring tuyô. Penoy ang pinipilì ng mga tao na hindi káyang kumain ng itlog na may sisiw. (VSA) balút, pénoy
  • 25. Isang kapuri-puring kaugalian ng mga Filipino ang bayaníhan o maramihang pagtutulungan para sa anumang gawain. Karaniwan itong nakikíta kapag may ililipat o bubuhating bahay sa kanayunan. Kapag kumalat ang balita, kusang dumarating ang mga kapitbahay at kanayon upang tumulong sa pagsasaayos at pagbuhat ng mga kasangkapan at sa mismong sáma-sámang pagbuhat sa bahay. Lumilitaw din ito sa mga trabaho sa bukid, gaya sa pag-aararo, pagsusuyod, pagtatanim, at paggapas. Upang bumilis ang pagtatrabaho, dumarating ang mga magsasaká sa buong nayon upang tulungan ang isang maypatanimomaypaararo.TinatawagdinitongammóyoattagnáyasaIloko,aragláyon sa Waray, húngos sa Sebwano, dagyáw sa Hiligaynon atAklanon, tarabángan sa Bikol, at batarisán at pasuyò sa Bulacan. Itinanghal ito sa kuwentong “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda. Sa kuwento, may tambal-kahulugan ang “suyuan.” Una, tungkol sa bayaníhan sa bukid, ang sigla ng mga magsasaká sa pagtulong sa pag-araro. Ikalawa, tungkol sa labanan nina Pastor at Ore para sa pag-ibig ng isang babae. Ipinangalan din sa bayaníhan ang Bayanihan Dance Company, isang pangkat ng mananayaw na nagtatanghal ng katutubong sayaw ng Filipinas na itinatag sa Philippine Women’s University. Inilahok ang pangkat sa Brussels Universal Exposition noong 1958, nagtagumpay, at naging bantog sa buong daigdig. (VSA) bayaníhan
  • 26. Si Benigno Simeon Aquino Jr. (be·níg·no sim·yón a·kí·no) (27 Nobyembre 1932– 21 Agosto 1983), mas kilala bilang “Ninoy,” ay isang Filipinong senador na naging pangunahing kritiko laban kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong panahon ng diktadura.PinaslangsiyásaPaliparangPandaigdigngMaynilapagkauwimulasadestiyero sa Estados Unidos. Ang kaniyang pagkamatay ang nagsilbing mitsa ng pagkakaluklok ng kaniyang maybahay, si Corazon Cojuangco Aquino, bilang Pangulo na pumalit sa 20-taóng rehimeng Marcos. Isinilang siyá sa Concepcion, Tarlac noong 27 Nobyembre 1932 kina Aurora Aquino- Aquino at Benigno S. Aquino Sr., dating Assemblyman. Ang kaniyang lolo, si Servillano Aquino, ay isang heneral sa hukbong rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo. Pumasok siyá sa Ateneo de Manila upang mag-aral ng batsilyer sa sining. Hindi niya ito natapos sapagkat pinilìng maging peryodista. Sa edad 17, si Aquino, para sa pahayagang The Manila Times ni Joaquin “Chino” Roces, ang naging pinakabatàng korespondent para sa Digmaang Korea, at sinundan niya doon ang mga gawain ng mga sundalong Filipino (PEFTOK). Natamo niya dahil sa Korea ang Philippine Legion of Honor na iginawad sa kaniya ni Pangulong Elpidio Quirino sa edad na 18. Kumuha siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, ngunit hindi niya rin ito natapos. Sa edad na 22, nahalal si Aquino bilang alkalde ng Concepcion, Tarlac. Siya ang naging pinakabatàng bise-gobernador noon ng bansa sa edad na 27. Dalawang taon lang ang lilipas bago siyá maging gobernador ng lalawigan. Noong 1967, sa edad 34, siyá ang nagingpinakabatànghalalnasenadorsakasaysayanngFilipinas.Dimalaonayumusbong si Aquino bilang pangunahing kritiko laban kay Marcos at sa asawa nitong si Imelda. Nang ipahayag ang Batas Militar noong Setyember 1972, dinakip si Aquino at nakulong ng maraming taon. Nagkaroon siya ng sakit sa puso at pinahintulutang lumabas ng bansa upang maoperahan sa Estados Unidos. Sinubok niyang bumalik sa Filipinas noong 1983, ngunit pagtuntong pa lamang niya sa paliparan ng MIA, binaril siya sa ulo.Ang kaniyang Benigno Simeon Aquino Jr. pagpaslang ang isa sa mga pangyayaring nagdulot sa People Power (EDSA) Revolution ng 1986 na nagbalik ng kalayaan sa taumbayan, at sa pagkakaluklok sa kaniyang iniwang maybahay na si Corazon Aquino bilang Pangulo ng bansa. Noong 2010, nahalal din bilang pangulo ang kaniyang anak na si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III. Bilang pagpapahalaga, ipinangalan ang paliparang tagpo ng kaniyang kamatayan bilang NinoyAquinoInternationalAirport(NAIA).Makikitaangkaniyangimahensa500-pisong papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at matatagpuan ang kaniyang monumento sa sentrong distritong pangkalakaran ng Lungsod Makati. (PKJ)
  • 27. Isang uri ng kakanin ang bibingká na gawa sa giniling na bigas at iniluto sa gatâ ng niyog at may timplang asukal. Kinakain itong kasáma ang bagong kudkod na niyog. Kung espesyal, nilalagyan ito ng mga piraso ng itlog na maalat at kesong putî sa ibabaw. Tinutukoy ng pangalan nitó ang paraan ng pagluluto sa naturang kakanin. Wika nga ng isang kanta, tumutukoy ang bibingká sa bagay na iniluluto nang may apoy sa ibabaw at may apoy sa ilalim. Inihuhurnong tulad ng tinapay o keyk ang bibingká. Ngunit dahil walang hurno sa kanayunan noon, inimbento ng mga Filipino ang bibingkahan. Inihuhurno ang kakaníng ito sa isang platong metal na may sapíng dahon ng saging at isinasálang sa kalan ng nagbabágang uling. Pagkatapos, ipinapatong sa plato ang sampirasong kuwadradong yero na may nagbabágang bunót ng niyog. Bibingká sa galapóng ang karaniwang iniluluto sa Kamaynilaan, lalo na kapag panahon ng Pasko. May gilingang bato noon para gawing galapóng ang bigas. May bibingká ngayong gawâ sa kamoteng-kahoy. May timplang tubà ang bibingkáng Mandaue. Samantala, may nagtuturing na bibingká ang bíko dahil inihuhurno din ang bigas na may gatâ at asukal na may timplang anis. (VSA) bibingká
  • 28. Tinaguriang “Bicol Express” (bí·kol éks·pres) ang rutang Maynila-Bikol ng Philippine National Railways (PNR), isang kompanyang pag-mamay-ari ng pamahalaan. Itinatag ang PNR noong 1875 bilang Ferrocaril de Manila-Dagupan at nagsimula sa rutang papunta ng Pangasinan. Paglaon ay dinugtungan ang riles pahilaga ng linyang Maynila-Legaspi. Naganap ang unang biyahe pa-Bikol noong 1931, at pitóng taon ang lumpias bago naman nabuo ang daangbakal mula Dagupan hanggang Legaspi. Sa loob ng ilang dekada, naging popular ito sa mga manlalakbay na pinili ang mas mura at mabilis na biyaheng tren kaysa mamahaling eroplano at mabagal na kotse. Gayunman, mula dekada ’70 ay kinaharap ng Bicol Express ang sunod-sunod na hamon sa popularidad at kaligtasan nito: pagpapaunlad sa bahaging Maynila-Bikol ng Maharlika Highway, paglagosabilangngmgaair-conditionednabus,pagbabasapresyongbiyahengeroplano, at pagsabog ng bulkang Mayon noong 1993, at iba’t ibang bagyo at baha. Nagdulot ng malaking pinsala sa daangbakal ang mga bagyong Milenyo at Reming noong 2006, at tuluyang nahinto ang biyaheng Bikol ng PNR. Pagkatapos ng ilang taon ng masugid na rehabilitasyon ng riles, binuksang muli ang Bicol Express noong 2011. Sa panahon ng pagkakasulat ng artikulong ito, araw-araw ang biyahe ng mga treng mulang Maynila patungong Naga sa Camarines Sur; hindi pa naibabalik ang serbisyong patungong Legaspi sa Albay. Ipinangalan din ang popular na maanghang pagkaing “Bicol Express” sa rutang ito. (PKJ) Bicol Express
  • 29. Maaaring isadula ang posibleng kasaysayan ng binakól sa ganitong paraan. Maaaring magsimula sa nilagàng manok. Ang pinakasimpleng sinabawang piraso ng manok na may luya bilang pampalasa. Nilagyan ng paminta, nilagà pa rin. Nilagyan ng repolyo at patatas, nilagà pa rin. At saging na saba, nilagà pa rin. Maaari pa ngang ihanda nang hiwalay ang mga nilagang repolyo, patatas, saging, at kahit kamote’t sitaw at kainin kasabay ng paghigop ng sabaw ng manok. May nakaisip ng pagbabago. Ang nilagàng manok na may luya’t bawang ay nilagyan ng mga piraso ng hilaw na papaya at úpo. Nakilála itong tinóla. Isang higit na matipid na putahe ngunit may linamnam ang mainit na sabaw na hihigop-higupin kung malamig ang panahon. Tandaan ang tinóla sa malaking piging na handog ni Kapitan Tiyago sa pagdating ni Crisostomo Ibarra. Nagustuhan din ng mariwasa sa panahon pa ni Rizal ang linamnam ng sabaw ng tinóla. Mula sa paghahanap ng bagong linamnam ng sabaw ng manok maaaring pumasok ang binakól. Nagsisimula din ito sa ginisang luya’t bawang at ang mga piraso ng manok. Kapag halos luto na ang manok ay magbuhos ng ilang tasa ng hugas-bigas. Sa wakas, kapag maaari nang ihain ang manok ay idagdag ang malalaking piraso ng kinayod na lamán ng búko ng niyog, ilang tasa ng sabaw ng búko, at mga dahon ng sili. Ang mga sariwang piraso ng lamán at sabaw ng búko ang ikinaiba ng binakól sa mga sabaw ng iba’t ibang nilagàng manok. (VSA). binakól
  • 30. Pelikulang idinirihi ni Manuel Silos at sa panulat nina Celso Carunungan at Pablo Naval, ang Biyayà ng Lupà ay produksiyon ng LVN Pictures noong 1959. Tinampukan ito ng tambalang Tony Santos Sr. at Rosa Rosal, kasáma sina Leroy Salvador, Carmencita Abad, Carlos Padilla, Jr. Marita Zobel, at Joseph de Cordova. Nagwagi ang Biyayà ng Lupà ng parangal mula sa FAMAS bilang pinakamahusay na pelikula ng 1959 at kinilala sa Asian Film Festival noong 1960 nang matamo ni Leroy Salvador ang pinakamahusay na tagasuportang aktor bilang pipi-binging anak. Natamo din ni Celso Al Carunungan ang gawad FAMAS para sa pinakamahusay na kuwento. Tungkol ito sa pagsisikap ng isang pamilya (Santos at Rosal) na mapaunlad ang búhay sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtatanim ng lansones. Nagkaroon sila ng apat na anak at higit pang bumuti ang kanilang ugnayan sa mga kababayan. Ngunit nasirà ang kanilang katahimikan nang kaiinggitan ng isang masamâng loob (de Cordova) ang ama ng tahanan. Ginahasa ng kontrabida ang dalagang anak at nagpakamatay ito. Napatay ang ama nang magtangkang maghiganti. Isa sa binatang anak ang umalis upang maghanap ng kapalaran sa lungsod. Samantala ipinagpatuloy ng ina ang pagsasaka. Inutusan ang kontrabida ng isang sakim na may-lupa para sirain ang mga punòng lansones na kasalukuyang namumulaklak. Nagtanggol ang mag-anak sa tulong ng taumbayan. Sa wakas, napakinabangan ng mag-anak ang bunga ng kanilang paghihirap. (RPB) Biyayà ng Lupà
  • 31. Postumong ginawaran ng pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula si Lino O. Brocka (bró·ka) (7 Abril 1939—21 Mayo 1991) noong 1997. Isa siyang direktor, manunulat, at prodyuser ng pelikula. Ang kaniyang mga obra ay kinilala sa Filipinas at sa buong daigdig. Maituturing na mapangahas ang kaniyang paglikha dahil sa paglihis niya sa nakagawiang motibo at pormula ng paggawa ng pelikula. Pinatunayan ni Brocka na ang ang paggawa ng pelikula ay higit pa sa negosyo at tubo kundi pagpapaunlad at pagmumulat ng kamalayan, at sa huli’y pagpapakilos ng Filipinong manonood. Sadyang pinaksa niya ang iniwasan ng karamihan—mga paksang naglalantad sa mga sakit ng lipunan. Higit pang mapahahalagahan ang mga obra ni Brocka kapag isinaalang-alang na nalikha niya ang mga ito sa panahong sinisikil ng nasa kapangyarihan ang kalayaan sa pamamahayag. Sa pagsunod sa mga pamantayang ito ng paglikha, nag- iwan siya ng mayamang kaban ng pelikulang ikararangal ng mga manonood ngayon at ng susunod pang henerasyon. Ang pagsangkot ni Brocka sa pagsusulong ng isang lipunang malaya ay hindi lamang sumentro sa paggawa niya ng pelikula. Itinatag niya at pinamunuan ang Free the Artist Movement, na kalaunan ay mas nakilala bilang Concerned Artist of the Philippines (CAP). Nanguna ang CAP sa paglaban sa pagpataw ng sensura ng gobyerno sa pelikula at sa paggigiit ng malayang pagpapahayag. Ang mga pelikula ni Brocka ay nagtampok ng mga naratibo ng mga táong nakikipagtunggali sa realidad ng buhay, sa partikular, sa mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan. Sa pelikulang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag (1975), tumingkad ang mga sinematikong katangian na masasabing tatak Brocka. Batay sa isang nobela, ang pelikula ay nagsasalaysay ng paghahanap ng isang lalaki sa Maynila sa kaniyang kasintahang dinala ng isang rekruter. Kasabay nito, ipinakita ni Brocka ang tunay na mukha ng Lungsod— madumi, madilim, malupit. Sinundan ito ng Insiang (1977), isang inosenteng babae sa slum na binago ng paglapastangan sa kaniya ng amain. Ang Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984) naman ay kuwento ng isang manggagawa na dahil sa pangangailangan ng asawang buntis ay naging eskirol sa welga. Tinalikuran din siya ng amo kaya napilitan siyang sumali sa isang nabulilyasong pagnanakaw, hanggang sa mabaril siya’t mamatay. Itinuring itong subersibo kaya’t tinangkang pigilin ang pagpapalabas, at hinayaan lamang matapos ang napakahabang labanan sa korte. Ang Orapronobis (1989) ay matapang na pagtalakay sa pang-aabuso ng militar at paramilitar na sadyang pinalaganap at sinuportahan ng pamahalaan kaugnay ng programa nitong kontra-insureksiyon. Gaya ng Bayan Ko, hindi ito pinayagang maipalabas dahil diumano’y subersibo. Ipinanganak sa Pilar, Sorsogon kina Regino Brocka at Pilar Ortiz si Catalino Brocka. May isang kapatid siya. Sinasabing politika ang dahilan ng pagkawala at pagpaslang sa kaniyang ama. Dahil sa matinding kahirapang dinanas matapos mamatay ng ama, nagpasiyang lumipat ang mag-iina sa tirahan nito sa Nueva Ecija. Nagtapos siya nang may maraming karangalan sa Nueva Ecija North High School at kasunod nito’y nakatanggap ng iskolarsyip sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha siya ng Bachelor of Arts in English Literature sa UP at patuloy na nag-aral sa Estados Unidos. Namatay siya sa isang aksidente noong 22 Mayo 1991 sa Lungsod Quezon. (RVR) Lino O. Brocka
  • 32. Estatwang kahoy na anyong-tao at kumakatawan sa diyos ng palay ng mga Ifugaw. Kung minsan sinasabing kinakatawan din nito ang espiritu ng mga yumaong ninuno. Isang mahabàng serye ng mga ritwal ang kailangang idaos upang pumasok sa estatwa ang espiritu ng bul-ul. Nagsisimula ito sa paghanap sa gubat ng kahoy na lililukin at nagtatapossaisangmarangyangpista.Sapistangitoidinadaosangkonsekrasyonngnililok na estatwa na isinasagawa ng mga mambunong (katutubong eksperto sa pagdaraos ng ritwal). Hanggang hindi ito natatapos, hindi maituturing na sagrado ang bul-ul. Sapagkat magastos ang pagdaraos ng mga kailangang ritwal at pista, ang mga may malalawak na taniman ng palay lamang ang may kakayahang mag-ari ng bul-ul. Ang mga bul-ul ay kailangang bigyan ng iba’t ibang alay at hingan ng tulong upang pangalagaan nila ang mga tanim, tiyakin na magiging masagana ang ani, at bantayan ang mga inaning palay. Ginagamit din ang bul-ul sa mga ritwal na walang kinalaman sa mga gawaing agrikultural. Sa mga bagay na ginagamit sa mga tradisyonal na ritwal ng Ifugaw, ang bul-ul marahil ang pinakamahalaga. Karaniwang pares ang mga estatwa—isang lalaki at isang babae na nakatayo o nakatalungko. Makikíta sa mga bul-ul ang iba’t ibang estilo ng lilok. Batay sa estilo, malaláman kung saang parte ng Ifugao nagmula ang bul-ul. Ang mga nakaupong bul-ul ay karaniwang makikíta sa Banaue-Mayoyao, at ang mga nakatayo naman ay makikíta sa Hapao. Sa Kiangan, mayroong “nagsasayaw” na bul-ul na doon lamang matatagpuan. Sinasabi na iilan na lamang ang sagradong bul-ul na natitirá sa Ifugao. Ang mga bul-ul na ipinagbibili sa mga turista o kolektor ng souvenir ay mga produktong komersiyal na walang kabuluhan sa ritwalistikong búhay ng mga Ifugaw. (DLT) bul-úl
  • 33. Kilalá sa kahanga-hangang halos perpektong hugis apa ang Bulkáng Mayón. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng lalawigan ng Albay at may 300 kilometro sa timog- silangan ng Maynila. Ang Bulkang Mayon ang pangunahing halina ng rehiyong Bikol. Ito ay may taas na mahigit 2,462 metro mula sa ibabaw ng dagat at may lawak na 314.1 kilometro kuwadrado na sumasakop sa mga bayan ng Camalig, Malilipot, at Sto. Domingo. Ang Bulkang Mayon ay isang kompositong bulkan at nabuo sa pamamagitan ng pagkakapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Ang pangalan ng Bulkang Mayon ay halaw sa maalamat na kuwento ni Daragang Magayon. Sa nakalipas na 400 taón, ito ay nagkaroon ng 47 beses na pagputok.Ang unang naitalâng pagputok ng bulkan ay noong 1616. Noong 1 Pebrero 1814, naitalâ sa kasaysayan ang pinakamabagsik na pagsabog nito nang matabunan ng lahar at lava ang buong bayan ng Cagsawa, Camalig, at Budiao at may 1,200 mamamayan ang sinasabing namatay, samantalang gumuho naman ang kalahati ng Guinobatan. Nagsisilbing palatandaan ng nalibing na mga bayan ang kampanaryo ng simbahan ng Cagsawa na matatagpuan sa Barangay Busay sa munisipalidad ng Daraga, Albay. Noong 23 Hunyo 1897, naitalâ ang pinakamatagal na pagsabog ng bulkan na umabot ng pitóng araw na walang tigil sa paglabas ng apoy at lava. Ang hulíng malakas na pagsabog nitó ay noong 1993 at 77 katao ang namatay dahil sa ibinugang mainit na abo nitó. Ang pinakahulíng pagsabog ng bulkan ay naganap noong 24 Pebrero hanggang 7 Marso 2000. (AMP) Bulkáng Mayón
  • 34. Pinakamataas na bundok sa Filipinas ang Bundók Apò na nása mga lalawigan ng Davao del Sur at North Cotabato, at may layòng 32 kilometro mula sa bahaging kanluran ng Lungsod Davao. May taas itong 2,954 metro (9,690 talampakan). Bagaman isa ring bulkan, wala pang naitatalâng pagputok níto. Ang Bundok Apo ay patag sa ibabaw, na may tatlong taluktok. Sa bahaging timog, sa ibabâ ng bunganga ay may uka o vent na nilalabasan ng singaw na asupre. Tinatawag din itong Sandawa (Bundok ng Asupre) ng mga táong naninirahan sa paanan nitó. May anim na katutubong pangkating nagtuturing sa BundokApo bilang sagradong lupain: ang mga Manobo, Bagobo, Ubos,Atas, Kalagan, at Tagakaola. Sa lugar na ito nilá sinasamba siApo Sandawa na kinikilála niláng dakilang ninunong ama o apò at pinagmulan ng pangalan ng bundok.Ang bunganga ng bundok na may 500 metrong lawak ay nagsisilbing isang malaking lawa, ang Lawang Venado, na pinagkukunan ng enerhiyang heotermal. Ang Mindanao Geothermal Production Field, na nása barangay Ilomavis sa Lungsod Kidapawan, North Cotabato, ang pinagmumulan ng koryenteng ginagamit sa Kidapawan at mga karatig lalawigan. Noong 1936, idineklara ang Mt. Apo National Park na may 80,864 ektarya sa paligid ng bundok, upang mapangalagaan ang maraming di-pangkaraniwang hayop at halamang matatagpuan dito. Makikita rin dito ang pinakamalaking agila sa mundo—bánoy o Philippine Eagle, ang pambansang ibon ng Filipinas. May 270 uri ng mga ibon na naninirahan sa kagubatan ng bundok at 100 sa mga ito ay tanging sa bansa lamang matatagpuan. (AMP) Bundók Apò
  • 35. Kabílangangbungkakâ (bung∙ka∙kâ)samgainstrumentongkawayannanásakategoryang baser at makikiíta ito sa Hilagang Luzon. Gawâ ito sa isang túbo ng kawayan. Hinahati ang itaas na bahagi hanggang bandáng ibabâ. Sa paghahati, nagiging pahabaâng letrang U ang itaas na magkabilâng bahagi nitó.Ang resulta—isang espasyo sa pagitan ng dalawang nabuong hugis. Sa bandáng ibabâ ng túbo ay may maliit na bútas na tinatakpan ng kanang hinlalaki upang mabago ang kalidad ng tunog at tono ng instrumento. Para patunugin, gamit ang kanang kamay, hinahampas sa matigas na bahagi ng palad ng kaliwang kamay ang itaas na bahagi ng bungkaka. Sa isang pangkat ng bungkaka, maririnig ang umuulit na melodiya na epekto ng sabay-sabay na pagpapatunog ng instrumento. Ito ay resulta ng magkakaibang timbre, yari, kapal o nipis ng kawayang ginamit, at pagsabay sa kompas ng pagsara at pagbukás ng bútas na inukit sa bungkaka. May iba’t ibang tawag sa bungkaka ang mga etnolingguwistikong grupo sa hilagang Filipinas. bungkaka ang tawag dito ng Itneg, avakko para sa Bontok, balimbing para sa Kalinga. Tinatawag din itong bilbil ng mga grupong Itneg, Tinggian at Kankanaey. Pahinghing ito para sa Isneg, pakkung sa Ibaloi, at ubbeng naman sa Kalingga. (RCN) bungkakâ
  • 36. Ang buntál ay isang pino at kulay putîng hibla o himaymay na ginagamit sa paggawa ng sombrerong buntál sa Filipinas. Mula ang himaymay na ito sa katawan at dahon ng halamang palma talipot (Corypha umbraculifera). Ang halamang ito ay kilalá rin sa tawag na bulé o buri. Kabilang ito sa pitong species ng palma na likás sa India, Malaysia, Indonesia, Filipinas, New Guinea, at sa hilaga-silangang Australia. Malalaki ang palmang ito, hugis pamaypay ang mga dahon, at may matatag na tangkay na may sukat na 2-5 metro ang habà. Lumalaki ito nang 20-40 metro, may diyametro ang punò na 1-2.5 metro. Lahat ng species ay namamatay pagkatapos makapamulaklak. Mabagal lumaki ang halamang ito, maaaring mangailangan ng maraming taon bago magkaroon ng malaking punò. Ayon sa kasaysayan, ginagamit sa maraming kultura sa timog-silangang Asia ang mga dahon ng palma talipot na sulatan, sa pamamagitan ng panulat na yari sa bakal, upang makagawa ng mga manuskrito. Ang dagta ay ginagamit sa pagawa ng isang uri ng alak. Kabílang sa produkto na mula sa dahon ng talipot ang tradisyonal na páyong. Ang mga dahon ay karaniwang ginagamit sa pagdadatig o paglalála ng mga basket, sombrero, at iba pa. May tatlong klase ng himaymay ang maaaring makuha mula sa halamang ito: ang buri, raffia, at buntal. Naging popular ang paggawa ng sombrerong buntal sa Bulacan. Nagkaroon ng negosyo sa paglalála ng buntal at paggawa ng buntal hat, handbag at iba pa. Magandang halimbawa nitó ay ang Baliuag Buntal Enterprises. Naging bahagi na ng turismo ng Bulacan ang pagdaraos ng taunang Buntal Hat Festival upang ipakita ang magagandang sombrerong buntal, kasama na rin ang paggunita sa una at orihinal na buntal hat na ginawa pa noong 1910—noong panahong nauso sa buong mundo ang sombrerong buntal at mahigpit na naging kakompetensiya ng panama hat. (SSC) buntál
  • 37. Ang butandíng o Rhincodon typus ang pinamakamalaking isda sa mundo. Lumalaki ito hanggang 20 metro at may bigat na hanggang 34 tonelada. May mga natatanging mapusyaw na batik at guhit sa tagiliran ang katawan ng isang butanding. Nagkakaiba ang pattern na ito sa bawat uri ng butanding kayâ maaari itong gamitin na pagkakilanlan ng uri nitó. Kitang-kita rin ang mga pahabâng gulugod sa likod ng katawan nitó. Malapad at sapad ang ulo ng isang butanding na may malaking bibig sa dulo at maliliit na bibig at ngipin. Dahil sa kaliitan ng bibig at ngipin nitó, hindi nakakakagat o nakangunguya ang butanding. Sinisipsip at sinasalà lang nitó ang pagkain mula sa tubig. Mumunting hayop (1 milimetro), maliliit na isda, pusit, alimango, at hipon ang karaniwang kinakain ng isang butanding. Gumagalà ito sa iba’t ibang dako ng mundo, kabilang ang malamig at mainit na mga dagat ngAtlantiko, Pasipiko at Indian, sa pagitan ng latitude na 30o Hilaga at 35o Timog at paminsan-minsan, sa 41o Hilaga at 36.5o Timog. Mabagal lumaki ang isang butanding at maraming taón ang lilipas bago dumating ang panahon ng panganganak nitó. Mahahabà rin ang patlang sa pagitan ng panganganak. Pagkapanganak, pinababayaan na ng ina ang mga anak na mamuhay nang sarili. Dahil sa mababàng kakayahang magparami at mabuhay, malamang labis na bumabà o maubos ang populasyon ng butanding sa mga susunod pang taon. Tradisyon sa Filipinas ang panghuhúli ng butanding. Sa kasamaang palad, mas dumami ang mga nanghuhúli noong tumaas ang pangangailangan para sa laman, balát, at palikpik nitó.Upanglabananangpagkaubos,nagpalabasangFilipinasngmgabatasnanagbabawal ng malawakang pagpatay at pangangalakal ng butanding. Sa katunayan, idineklara ng pamahalaang lokal ng Donsol, Sorsogon na santuwaryo ng butanding ang buong lawak ng kanilang baybayin. Sa ngayon, dinadayo ng mga turista ang Donsol dahil dito. (MA) butandíng
  • 38. Limang kilometrong tulay ang Candaba Viaduct (Kan·dá·ba Va·yá·dak) na tumatawid sa pinak (marshland) ng Candaba, isa sa mga pangunahing pinak ng bansa at may lawak na 32,000 ektarya. Ang viaduct ay uri ng mahabàng tulay o serye ng mga tulay. Isa ang Candaba Viaduct sa mga pinakamahabàng tulay sa Filipinas at bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) na nagdurugtong ng Kamaynilaan at mga lalawigan ng Gitnang Luzon. Tinatahak nitó ang daan sa pagitan ng mga interchange ng Pulilan, Bulacan at ng San Simon, Pampanga. Pinananatili nitóng nakabukás ang daloy ng trapiko sa NLEX kahit binabahâ ang latian tuwing panahon ng tag-ulan. Mayroon itong apat na lane (dalawang pahilaga at dalawang patimog) at gawa sa aspalto at kongkreto. Idinisenyo ang Candaba Viaduct ng kompanyang Aas-Jakobsen ng Norway at pinangangalagaan ng Manila North Tollways Corporation, ang gumawa at concessionaire ng NLEX. (PKJ) Candaba Viaduct
  • 39. Ang Chocolate Hills (tsó·ko·léyt hils) ay isang pambihira at kamangha-manghang likas na pormasyong heolohiko ay matatagpuan sa lalawigan ng Bohol. Tinatayang binubuo ito ng may 1,268 hanggang 1776 hugis apang burol na may magkakahawig na anyo at simetrikong agwat sa pagitan ng bawat isa na waring sinadya. Nasa 30 hanggang 120 metro ang taas ng bawat burol nito. Ang mga burol ay nababalutan ng damong kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay tsokolate naman kapag panahon ng tagtuyot. Ang anyo ng mga burol tuwing tag-init ay inihahalintulad sa tanyag na tsokolateng “Chocolate Kiss” na pinaghalawan ng pangalan nito. Ang Chocolate Hills ay nasasakop ng tatlong bayan sa Bohol: ang Batuan, Carmen at Sagbayan. Sinasakop nito ang may 50 kilometro kuwadradong lawak ng lupain. May ilang paliwanag tungkol sa pagkabuo ng mga burol na ito. May nagsasabi na resulta ito ng paggalaw ng bulkan na nasa ilalim ng lupa o sa mga pagsabog maraming taon na ang nakalilipas. Subalit ayon sa mga heologo, maaaring nagmula ito sa mga naipong deposito ng coral limestone na umangat mula sa dagat bunsod ng malawakang pagbabago ng kalupaan at nahubog ang mga burol mula sa libo-libong taoóng erosyon ng lupa. Bukod sa mga siyentipikong paliwanag na ito, ipinanganak din ang mga alamat na nagsasalaysay ng pagkabuo ng mga burol. May nagsasabing ginawa ito ng mga nilalang na galing sa ibang planeta. Ayon naman sa kuwento ng matatanda sa lugar, ang mga burol ay nabuo mula sa mga luha ni Arogo, isang higanteng binata na umibig sa isang mortal na babaeng si Aloya. Nang mamatay si Aloya, lubos na namighati ang higante at umiyak nang umiyak, Ang mga pumatak nitong luha sa lupa ang siyang naging dahilan ng pagtubo ng maliliit na burol. Ang Chocolate Hills ay idineklara ng National Committee on Geological Sciences bilang Ikatlong Pambansang Monumentong Heolohiko noong 18 Hunyo 1988, bilang pagkilala sa pambihirang katangian nito, kahalagahan sa siyentipikong pananaliksik, at potensiyal sa larangan ng turismo. At dahil dito, ang Chocolate Hills ay nabibilang na rin sa mga protektadong lugar sa Filipinas. (AMP) Chocolate Hills
  • 40. Ang darángan o darángen ay salitâng Maranaw at pangkalahatang tawag sa kanilang pag-awit. Ngunit naging pamagat itong Darángan sa napakahabàng epikong-bayan ng mga Maranaw. Ang guro at misyonerong si Frank Laubach ang unang nakapagtalâ at nakapaglathala ng Darángan noong 1930. Nakuha niya ang epikong-bayan hábang nakasakay sa barko kasáma ang may 35 Maranaw. Hábang nagbibiyahe, kinanta ng mga kasáma niya ang Darángan maghapon araw. Nang dumaong ang sinasakyang barko, naghanap si Fr. Laubach ng mga táong may kakayahang kantahin ito. Ayon sa mismong talâ niya, inaabot nang halos 11 oras ang pagkanta nitó. Kalahati lámang ang naisalin niya sa Ingles. Si Bantúgan (o Bantogen), kapatid ng hari ng Bembaran (o Bumabaran), ang pangunahing tauhan ng Darángan. Hinahangaan siyá sa tapang at lakas. Sa isang bahagi ng epikong-bayan, hinarap niyang mag-isa ang isang hukbong lumulusob sa kaharian hábang nakasakay sa kaniyang mahiwagang kalasag. Sa kasalukuyan, may 17 bahagi ng Darángan ang nasaliksik na at nailathala. Ilan sa mga naidokumentong episodyo ang Ang Unang Pinuno: Diwata Ndaw Gibon ng Illiyan a Bembaran, Ang Kuwento ni Madali, Paano Namatay si Bantogen sa Ilalim ng Bundok sa Tabing-Dagat, Paano Bumalik si Bantogen mula Langit, at Ang Labanan sa Bagombayan. (SJ) Darángan
  • 41. Isa sa kinikilálang makapangyarihang pinunong Muslim at matapang na mandirigma si Datu Uto (ú·to) (sirka 1860-1888). Anak siyá ni Sultan “Bangon” Marajanun ng Buayan at Tuan Bai Sa Buayan, na kapatid na babae ni Sultan “Untung” Quadratullah ng Magindianaw. Sa pamamagitan ng kasal ng kaniyang magulang ay napag-isa ang dalawang kahariang Magindanaw, ang Sa-ilud (luwasang kapatagan) at ang Sa-Raya (hulòng kapatagan) ng Ilog Pulangi. Ang buong pangalan niya ay Sultan Anwarud-din Uto at napabantog nang pamunuan niya ang pag-aalsa noong mga taóng 1860 na naging sagabal sa absolutong pananakop ng mga Espanyol. Mahalagang tingnan ang búhay ng tulad ni Uto, ani Reynaldo C. Ileto (1971), bilang pagsisikap buuin ang sultanatong Magindanaw pagkaraan ng pamumunò ni Sultan Kudarat, hatiin ito ng mga away at ng panggugulo ng mga Espanyol. Una siyáng nasubok sa nabigong rebelyon ni Datu Maghuda noong 1861 at dito siyá nawalan ng isang matá. Nagsimula ang lahat noong 30 Abril 1861 at nagtirik ng bandilang Espanyol sa kuta ng sultan ng Cotabato. Nag-alsa ang isang puwersa sa ilalim ni Datu Maghuda at noong 1 Nobyembre 1861 ay hinarap ng isang pangkat ng Espanyol. Tinawag din itong Masaker sa Pagalungan, dahil umaabot sa 200 ang namatay. Nabigo man ang rebelyon, sinundan pa ito ng ibang pag-aalsa. Noong 1864, kasáma siyá sa mga ayudanteng hiningi ng mga Espanyol sa kaniyang ama upang salakayin ang mga rebeldeng Talayan. Ngunit nang magkaroon ng engkuwentro, bumaligtad sina Datu Uto, kumampi sa mga Talayan, at natálo ang mga Espanyol. Sinundan pa ito ng mga labanan para mapaalis ang mga Espanyol. Namatay noong 1872 ang kaniyang ama. Pumalit na pinunò ang kaniyang amain, ngunit si Datu Uto ang tunay na naghahawak ng kapangyarihan. Pinakasalan niya si Pajah Putri, anak ni Sultan Qudarat II. Gumawa rin siyá ng alyansa sa ibang mga pinunò at pinangasiwaan ang mga kalakalan sa paligid. Noong karurukan ng kaniyang lakas, sinasabing may 4,000-5,000 alipin siyá at malaking bilang ng armas. Pinagtuonan siyá ng kampanya ng mga Espanyol. Noong Pebrero 1886, sa utos ng gobernador ng Mindanao na si Julio Serena ay winasak ang matandang tahanan ni Datu Uto sa Bakat. Sinundan ito ng mga madugong labanan. Noong 28 Marso, sumuko ang kampo ni Datu Uto. Hindi pinakinggan ang kaniyang mga petisyon. Hinarang ang kaniyang mga ruta ng kalakalan. Sa wakas, at sa upat ng mga Espanyol, isa-isang nawala ang mga kapanalig ni Datu Uto. Naglahò siyá noong 1888 at hindi na narinig. (VSA) Datu Úto
  • 42. Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, dakilang makata’t manunulat, si Marcelo H. del Pilar (Mar·sé·lo Eyts del Pi·lár) (30 Agosto 1850-4 hulyo 1896) ay tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog at naging ikalawang editor ng La Solidaridad. Bantog din siyá sa sagisag-panulat na Plaridel. Sa bantayog ng pagkilos para sa pambansang kalayaan, nása unang hanay si Plaridel sa piling nina Rizal at Bonifacio. Isinilang siyá noong 30 Agosto 1850 sa Cupang, Bulacan, Bulacan sa isang mariwasang pamilya nina Don Julian Hilario, makata’t gramatiko at tatlong ulit naging gobernadorsilyo, at Blasa Gatmaitan. Idinagdag niya sa pangalan ang apelyidong “del Pilar” ng kaniyang lola bilang pagsunod sa atas Claveria noong 1849. Kapatid niya si Padre Toribio na pinarusahan at ipinatapon sa Marianas dahil sa hinalang kasabwat sa motin sa arsenal ng Cavite noong 1872. Pamangkin niya si Gregorio del Pilar, ang pinakabatàng heneral ng Himagsikang Filipino. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Magtatapos na siyá nang makasagutan ang kura ng San Miguel, Maynila at dahil dito’y nasuspinde sa unibersidad. Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya ang pinsang si Marciana del Pilar at nagkaanak silá ng pito bagaman sina Sofia at Anita lámang ang lumaki. Nakatapos din siyá ng abogasya noong 1880. Estudyante pa lámang ay aktibo na siyá sa mga usaping pampolitika. Nakakatagpo niya sina Mariano Ponce, Briccio Pantas, Numeriano Adriano, at Apolinario Mabini sa ganitong harapan at nakakausap ang mga liberal na Espanyol at creole hinggil sa mga abuso sa kolonya. Naging puspusan ang kaniyang pagkilos bilang repormista noong 1882. Itinatag niya kasáma ang isang Espanyol ang bilingguwal na Diariong Tagalog. Ginamit niya ang husay sa pagtula at pagtatalumpati para batikusin ang gobyernong kolonyal sa pamamagitan ng duplo at pagsasalitâ sa sabungan at pista. Naglathala siyá ng satirikong polyetong Dasalan at Toksohan na ipinamudmod sa simbahan kung Linggo. Noong 1888, nag-organisa siyá kasáma nina Doroteo Cortes, Jose Ramos, at Juan Zulueta ng mga demostrasyong kontra-fraile at nagrurok sa petisyon noong Marso 1 para sa pagpapatalsik ng mga fraile sa Filipinas. Bago siyá ipahúli, lihim siyáng umalis patungong Espanya noong 28 Setyembre 1888. Pagdating sa Barcelona, agad siyáng nagtrabaho para sa pagtatatag ng samahang repormista, ang La Solidaridad, na naglathala noong 15 Pebrero 1889 ng diyaryong La Solidaridad. Pinatnubayan niya ang pagpapaliwanag sa mga repormang nais ng tinatawag ngayong Kilusang Propaganda at naglathala ng mga maanghang artikulong politikal sa diyaryo. Sa isyung Nobyembre 15, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng peryodiko at inilipat niya ang lathalaan sa Madrid. Dumanas ng lubhang hirap ang kaniyang pamilya dahil sa kaniyang gawain. Dumanas din siyá ng lubhang sakit ng ulo sa paghawak ng La Solidaridad, kabílang na ang pamamagitan sa panloob na sigalot sa hanay ng mga propagandista at lalo na nang mawalan ito ng pondo mulang Filipinas. Sinasabing may panahong sa namumulot lámang siyá ng upos sa bangketa bílang pampalipas ng gútom. Naipalabas niya ang hulíng isyu ng diyaryo noong 15 Nobyembre 1895 at namatay ng tuberkulosis noong 4 Hulyo 1896. Inilibing siyá sa sementeryo ng mga pulubi sa Barcelona. (VN) Marcelo H. del Pilar
  • 43. Ang Doctrína Christiána en lengua española y tagala (Dok·trí·na Kris·ti·yá·na) ang kauna-unahang limbag na aklat sa Filipinas. Inilathala ito noong 1593 sa imprenta ng mga Dominiko sa Maynila at malinaw ang layunin na maging kasangkapan sa pagtuturo ng mga pangunahing doktrinang Kristiyano. Nilalamán nitó ang mga dasal na “AngAma Namin,” “Ang Aba Ginoong Maria,” “Ang Sumampalataya,” at “Ang Aba Po,” ang mga aral na “Ang Sampung Utos,” “Ang Utos ng Santa Iglesya,” “Ang Pitong Sakramento,” at “Ang Pitong Punong Kasalanan at kaukulang Pakikinabang,” at ang “Tanungan” para sa pangungumpisal. Nakasulat ang mga ito sa wikang Espanyol at may salin sa Tagalog sa alpabetong Romano ngunit may bersiyon din ang Tagalog sa katutubong baybayin. Nagkakaisa ang mga historyador na kay Fray Juan de Plasencia, isang Pransiskano, ang salin sa Tagalog at inaprobahan ng lupong binuo ni Obispo Salazar noong 1582. Ipinalalagay ding halos kasabay ng “Doktrina Kristiyana” sa mga wikang Espanyol at Tagalog ang Doctrina Christiana en letra y lengua China. Paglaon, may ganito ring libro na lumabas at may salin sa ibang mga wika ng Filipinas. (VSA) Doctrína Christiána
  • 44. Ang dúgong o Dugong dugon ay isang mammal na matatagpuan sa karagatan. Ito na lámang ang nabubuhay sa pamilyang Dugongidae. Malaki ang isang dugong, nabubuhay ito nang mahabà (kung hindi nahuhúli), at naglalaan ng panahon sa mga anak. Lusay ang paboritong pagkain ng dugong. Hinuhukay nitó ang buong halaman at pagkatapos ay susunggaban at bubunutin ito sa pamamagitan ng mga labì. Kakaiba ang ulo at bibig ng isang dugong. May bungo ito na makikitahan ng isang nakausli na pababâ sa dakong harapan kayâ’t ang bibig ay nakagawi sa tiyan. May karugtong sa may labas ng bibig nitó na hugis lapad at malakas na labì na pansunggab. Lumalangoy ito sa pamamagitan ng mala-lumba-lumbang buntot samantalang ginagamit nitóng parang timon ang palikpik sa harap. Lumalaki hanggang tatlong metro ang isang dugong at may bigat itong umaabot sa 600 kilo. Umaabot hanggang 70 taón ang buhay nitó. Maaari nang manganak sa edad na 13- 17 taón ang isang dugong. May isang anak lámang bawat panganganak. Naglalaan ang babaeng dugong ng mahabàng panahon at lakas sa pag-aalaga ng anak. Nagaganap ang panganganak na ito sa tuwing ikalima hanggang ikapitong taón. Sa nakalipas na panahon, mabilis na bumabà ang populasyon ng dugong at isa sa mga hayop na nanganganib nang maubos. Maiuugnay ito sa pagkawala ng mga lusay sa baybaying-dagat, sa pagkamatay ng mga dugong nasasalabid sa mga lambat, at sa tradisyonal na panghuhúli nitó. (MA) dúgong
  • 45. Ang duryán (Durio zibethinus) ay isang malaking punongkahoy na may puting bulaklak, biluhaba ang bunga na balot ng mga tinik. Ngunit kilala at natatangi ang duryan dahil sa bunga nitong may na amoy ngunit itinuturing na masarap ngng mga sanaáy kumain nito. Dahil sa pambihirang lasa ng duryan, kinikilala itong hari ng mga prutas sa Timog- silangang Asya. Ang puno ng duryan ay tumataas nang hanggang 20 metro o mahigit pa. Karamihan sa mga puno nito ay matatagpuan sa Mindanao na pinagmulan nito. Ang bunga nito ay kulay berde, matigas, at nababalutan ng maraming malalaking tinik. Ang laman naman nito ay mapusyaw na dilaw hanggang dilaw na may malalaking buto. Malambot ang laman nito na parang natutunaw na malinamnam na keso. Ginagawang kendi ang laman nito at ginagamit na sangkap ng iba’t ibang minatamis at panghimagas tulad ng sorbetes, keyk, pastilyas, at iba pa. Bukod sa nakakain ang laman ng prutas nito, may iba pang gamit ang prutas ng duryan. Angbalatnito,bagamanmatigas,aydinidikdiknangpinoatginagawangpapel.Ginagamit din ang balát mismo na lalagyan ng tubig at hugasan ng kamay o mumugan upang maalis ang kapit ng amoy ng prutas sa kamay at bibig pagkatapos kumain nito. Nagagamit din angmmga dahon bilang alternatibong gamot. Ang katas ng dahon nito ay ipinapaligo sa ulo ng táong may lagnat upang gumalino. (SAO) duryán
  • 46. Ang dyípni (jeepney sa Ingles) ang pinakaginagamit na uri ng sasakyang panlupa at uri ng pampublikong transportasyon sa bansa. Tinaguriang “hari ng lansangan” at kadalasang may pahiyas ng makukulay na pinta, istiker, at signboard, ang dyipni ang sagisag ng transportasyong Filipino. Hango ang salitang “jeepney” mula sa pinagsamang “jeep” at “jitney.” Ang mga unang dypni ay ginawa mula sa mga military jeep ng Estados Unidos na naiwan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinira ng digmaan ang pampublikong transportasyon ng bansa, at ang mga naglipanang military jeep ang nagsilbing múrang paraan upang muli itong mabuo. Pinahabaan ang mga jeep upang makapagsakay ng mas maraming pasahero. Sa kasalukuyan, likha ng mga lokal na pagawaan ang karamihan sa mga dyipni. Ang tipikal na dyipni sa Kamaynilaan ay káyang magsakay ng 14-18 katao sa dalawang magkatapat na upuan sa loob ng pahaba nitong katawan, at dalawa pang pasahero sa harap, sa tabi ng nagmamaneho (na tinatawag na “tsuper,” mula sa “chauffeur”). Bukod sa disenyong hango sa mga US military jeep, mayroon ding mga dyipning gawa sa mga surplus na minivan at cargo truck mula sa bansang Hapon (tulad ng makikita sa Cebu), at mga dyipning kamukha ng mga pickup truck (tulad ng mga “passad” sa Iloilo). May mga dyipning aircon, o kaya naman ay pinapatakbo ng koryente sa halip na gasolina, ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa popular ang mga ito. Taglay ng mga tsuper ng pampasaherong dyipni ang natatanging lisensya, at kailangan nilang bumiyahe sa nakatakdang ruta (hal. Quiapo-Fairview, UP Ikot) at maningil ng pamasaheng hindi lalabis sa itinakda ng pamahalaan. Bahagi ng kultura at etiketa ng pagsakay sa dyipni ang walang-pag-aatubiling pag-abot ng bayad sa tsuper o sukli sa mga kasámang pasahero, at ang pagsabi (o pagsigaw) ng “pára” (Espanyol ng “tigil”) kapag bababâ. Maaaring sumakay nang walang bayad ang batà kung kakandungin siya ng kasamang nakatatanda. Kapag punô na ang dyipni, madalas ding kumapit sa mga bakal na hawakán sa walang-pintong likuran ang ilang pasahero; sa mga lalawigan, hindi nakagugulat ang dyipning may mga pasaherong nakaupo sa bubong nito. (PKJ) dyípni
  • 47. Kinikilala si Gabriel “Flash” Elorde (gab·ri·yél flash e·lór·de) (25 Marso 1935 – 2 Enero 1985) bilang isa sa pinakamatatagumpay na boksingero sa Asya-Pasipiko at pinakamahusay na boksingerong Filipino ng kaniyang panahon. Nagsimulang maging boksingero ni Elorde dahil sa pagtuturo sa kaniya nito ng kaibigan niyang dati ring boksingero na si Lucio Laborte. Una niyang karangalan ang panalo niya laban kay “Kid” Gonzaga noong 1951. Naipanalo niya ito sa ikaapat na duwelo sa desisyong technical knock-out. Naging propesyonal na boksingero si Elorde sa murang edad na 16 at pinagwagian niya ang sampu sa 11 laban sa kaniyang probinsiyang Cebu mula 1952-1967. Noong 1953, nakuha niya ang mga kampeonatong national bantamweight sa Maynila at kampeonatong oriental bantamweight sa Tokyo sa laban niya kay Hiroshi Horiguchi. Sumunod,nataloniyasiTommyRomuloat napanalunanangkoronangjuniorlightweight ng Filipinas. Naungusan din niya sa puntos sa loob ng sampung duwelo sa labang walang titulo ang featherweight king na si Sandy Saddler. Bagama’t walang nadagdag na titulo kay Elorde sa loob ng mahabàng panahong kasunod, itinuring pa rin siyang malakas na kalaban sa mga pambansa at panrehiyong kampeonato sa kategoryang lightweight. Noong Marso 1960, muli siyang nagwagi at nakuha niya ang kampeonatong world junior lightweight mula kay Harold Gomes matapos ang labanang tumagal nang pitong duwelo na ginanap sa Maynila. Sa loob ng walong taóng paghahari sa nabanggit na titulo, sampung laban pa ang kaniyang napagwagian kasama na rito ang dalawang ulit na pagkapanalo at pagkaagaw kay Carloz Ortiz ng lightweight belt sa 14 duwelong laban. Nagretiro si Elorde noong 1974 na may rekord na 87 panalo (33 Kos), 27 talo, 2 tabla at pagkilalang “pinakamahusay na boksingerong kampeon sa world junior lightweight sa kasaysayan ng WBC.” Pagkataposngkaniyangpagreretiro,nanatiliparinsiyangidolongmgaFilipinoatpopular na endorser sa mga komersiyal ng San Miguel Beer kasama ang komedyanteng si Bert Marcelo at mang-aawit na si Rico J. Puno. Si Elorde ang nagpatanyag ng linyang “isang Gabriel “Flash” Elorde platitong mani.”Tubòng Bogo, Cebu si Elorde. Ipinanganak siya sa isang mahirap na pamilya. Ikatlong baitang lamang sa elementarya ang naabot niyang edukasyon. Naging tagapulot siya ng mga bola sa bolingan at nagtrabaho sa konstruksiyon sa murang edad pa lamang. Namatay si Elorde sa sakit sa baga. (RGA)
  • 48. Ang Florante at Laura (flo·rán·te at láw·ra) ang obrang isinulat ni Francisco Baltazar. Ang mas kompletong pamagat ng akda ay Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura sa Cahariang Albania—Quinuha sa Madlang Cuadro Historico o Pinturang Nagsasabi nang manga nangyayari nang Unang Panahon sa Imperio nang Grecia—at Tinula nang Isang Matouain sa Versong Tagalog. Tinatayang sinulat ito noong 1838- 1861. Nagkaroon ito ng maraming edisyon sa Tagalog at mababása rin sa Pampango, Bikol, Pangasinan, Ingles, Espanyol, at Aleman. Ang akda ay isinulat sa anyo ng isang awit—lalabindalawahin ang sukat, aapatin ang taludtod, at may isahang tugma. Sa kabuuan, binubuo ito ang 399 saknong. Ang awit ay kuwento ng pag-ibig nina Florante at Laura. Si Florante ay anak ng tagapayo sa Haring Linceo ng Albanina. Umalis siya para mag-aral, bumalik sa Albania, hinirang na heneral, nakipaglaban sa mga Moro, at umibig kay Laura, ang anak ng Hari. Ngunit may kaagaw si Florante kay Laura—si Adolfo, ang kamag-aral na minsan nang nagtangka sa buhay ng bayani. Sa isang tusong pakana, pinasimulan ni Adolfo ang isang pag-aalsa at inagaw ang kaharian. Pinatay niya ang hari at ama ni Florante. Mula sa bilangguan, ipinatapon ni Adolfo si Florante sa gubat para doon mamatay. Dito ay ililigtas siya ng isang Persiyanong mandirigma, si Aladin. Sa gubat rin muling makakapiling nina Florante at Aladin sina Laura at Frerida na kapuwa ring naging biktima ni Adolfo. Sa katapusan ay naproklamang Hari si Florante at naging Kristiyano sina Aladin at Flerida. Nagtatagpo sa awit na nilikha ni Baltazar ang mga tradisyong katutubo at Europeo. Ang paggamit ng katutubong sangkap ng tula tulad ng tugma at sukat, at ang malasalawikaing katangian ng maraming saknong ay maaaring ituring na pagpapatuloy ng katutubong tradisyon. Maituturing naman na bagong katangian ang pagpapakilala ng tema ng di maabot na pag-ibig, pati na ang iba’t ibang tayutay na kakabit nito. Bagaman kuwento ito ng pag-ibig, marami ang bumabása sa Florante at Laura bilang talinghaga ng masamang kalagayan ng Filipinas sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. (GSZ) Florante at Laura
  • 49. Si Carlos V. Franciso (kár·los vi fran·sís·ko) (4 Nobyembre 1914—31 Marso 1969) ay kinilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1973. Mas kilala siya sa pangalang Botong, isa siya sa bumubuo ng triumvirato ng modernismo na nagpabago sa larangan ng sining sa Filipinas noong namamayani ang impluwensiya ni Amorsolo. Kasama rin siya sa mga nagtatag ng Thirteen Moderns noong 1938 at nagpaunlad at nagtaguyod ng mga likhang mural. Ang mga obra niya ay nagtampok ng mga makabagong hulagway ng mga Filipino, mula sa kanilang mga kaugalian at pagdiriwang (Musikong Bumbong, Bayanihan, Fiesta, Sandugo at Moriones Unmasked) hanggang sa mga pangkaraniwang tanawin at gawain sa kanilang kapaligiran (Planting Corn, Rice Threshers, Siesta Under the Mango Tree,at Lost in the Forest). Ngunit hindi tulad ng kay Amorsolo, ang mga likha ni Francisco ay higit na nagtampok ng disenyo at ritmo, makabagong idyoma sa pamamagitan ng matitingkad na kulay ng karaniwang tao at pakurbang linyang nagpapanagpo at pumupuno sa bawat espasyo. Paborito niyang paksa ang mga mangingisada dahil na rin sa kinalakhan niyang lugar na pangunahing umaasa sa kasaganaang nagmumula sa lawa. Una siyang tumanggap ng karangalan para sa kaniyang likhang Fiesta in Angono noong 1944. Ngunit ang kaniyang Kaingin, na nagtamo ng unang gantimpala sa kauna-unahang National Art Exhibition ng Art Association of the Philippines na ginanap sa National Museum noong 1948 ang nagluklok sa kaniya bilang iginagalang at nangungunang alagad ng sining ng bansa. Bilang mahusay na muralist, ang dingding ng mga kilalang institusyon ay nagsilbing malaking kambas para sa sining ni Francisco. Ilan sa pinakatanyag niyang likha ay ang History of Medicine para sa Philippine General Hospital; Bayanihan para sa Philippine Bank of Commerce; paglalarawan sa buhay ni Sto. Domingo para sa Simbahan ng Sto. Domingo; at Stations of the Cross para sa Far Eastern University Chapel. Ang ginamit na gahiganteng mural (88 metro ang taas at 8 metro ang lapad) sa entrada ng kauna- unahang International Fair na inilunsad ng Filipinas noong 1953 ay si Francisco rin ang may gawa sa kabila ng napakarami ring tanyag na muralist na kapanahon niya. Patunay lamang ito sa taas ng paggalang at paghanga kay Francisco. Maituturing na pangunahing obra ni Francisco ay ang mural para sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall na may pamagat na Filipino Struggles Through History (kalaunan ay tinawag na Maharnilad) na nagtatampok sa kasaysayan ng Maynila mula sa panahon ng mga Raha hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Nahahati sa maliliit na bahagi ang mga yugto sa kasaysayan na tinatahi ng mga hulagway na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga ito. Sa pinakaubod, paglalarawan na rin ito ng kasaysayan ng bansa. Isinilang si Francisco sa Angono, Rizal sa mag-asawang Felipe Francisco at Maria Vilaluz. Ikinasal siya kay Rosalina at nagkaroon sila ng tatlong supling. Nagtapos siya sa School of Fine Arts Nng Unibersidad ng Pilipinas. Sinasabing ang tawag na Botong ay mula sa katawagan sa isa ring popular na karakter sa Carlos V. Francisco Cainta, Rizal na kasing-itim niya ang kulay. Nagsimula siyang magtrabaho bilang layout artist sa The Philippines Herald at Tribune. Namatay siya sa edad na 57 at inilibing sa kaniyang bayang sinilangan, sa Angono, Rizal. Ang Camote-eaters ang pinakahuli at hindi niya natapos na obra. (RVR)
  • 50. Ang gabbang (gá∙bang) ay siloponong blade o tekladong gawa sa kawayan. Binubuo ito ng mga nakahanay na teklado ayon sa sukat, maliliit mula kaliwang bahagi at papalaki papunta sa kanang bahagi. Nakapatong ang mga ito sa isang rektanggulong kuwadro na gawa sa kahoy. Tinutugtog ito sa pamamagitan ng pagpalo ng dalawang patpat na yari sa kahoy. Ang bilang ng teklado ay sang-ayon sa nakagawiang tradisyon ng etnolingguwistikong grupo na tumutugtog nito: mula 3-9 para saYakan, 14-24 sa Tausug, at 17 naman para sa Palawan. Ang kaayusan ng tono ng mga teklado ay nakabatay sa eskalang septatonic o pitong tono. Ginagamit ang gabbang bilang panimulang musika sa awitan kung ito ay tinutugtog nang walang kasaliw. Sa Tausug, ang gabbang ay tinutugtog ng kababaihan bilang saliw sa mga sekular na awit na tinatawag na liyangkit at sindil. Ito ay ginagawa bilang libangan sa kasalan at pagdiriwang ng anibersaryo. Ang melodiya ay nahahati sa ina (mataas na tono) at anak (mababang tono). Mahalaga itong kasaliw ng biyola. AngYakan ay may maliit na bersiyon ng gabbang. Mayroon lamang itong limang teklado na maaaring tugtugin ng isa (ngwintang) o dalawang tao (neruwe o kajali). Kung dalawa ang tumutugtog dito, ang isa ay tumutugtog ng kombinasyon ng mga tono sa tatlong teklado; ang isa naman ay bumubuo ng regular na ritmo sa natitirang dalawa pang teklado. Mga lalaki rin ang tumutugtog ng gabbang ng Samal bilang saliw sa mga awit na may temang pag-ibig. Ang gabbang ng Magindanaw, tamlang, ay gumagamit ng mas makapal na kawayan para sa teklado at nakapatong ang mga ito sa mas mabigat na kuwadro. Ginagamit itong sanayan sa pagtugtog ng kulintang ng mga bata at matanda. Ang iba pang pangalan ng gabbang ay agung gabbang ng Yakan, gambang ng Samal, kwintangan batakan ng Yakan, at tamlang ng Magindanaw. (RCN) gabbang
  • 51. Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang (ma·rí·ya ho·sé·fa gab·ri·yé·la ka·rí·nyo sí·lang) (19 Marso 1731-20 Setyembre 1763) ang unang Filipinang namunò ng isang paghihimagsik noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ang asawa ni Diego Silang at nagpatuloy ng pag-aalsa ng mga Ilokano nang mamatay ang asawa. Ipinanganak siya noong 19 Marso 1731 sa Santa, Ilocos Sur. Sinasabing inampon siya ni Padre Tomas Millan, vicar general ng lalawigan, na pinakasalan siya noong siya ay 20 taóng gulang. Maaga siyang nabiyuda sa unang asawa at napangasawa niya si Diego noong 1757. Walang ulat kung nagkaroon sila ng anak. Si Diego ang naging pinunò ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa mga Espanyol mula 1762 hanggang 1764. Nang sakupin ng mga Ingles ang Maynila noong 1762, nakita niya ang pagkakataon upang makapag-alsa ang mga Ilokano laban sa mga Espanyol. Agad dumami ang mga kababayang sumapi sa kaniya dahil sa pagtutol sa malaking buwis at sapilitang paggawang ipinataw ng mga Espanyol. Nahati ang puwersa ng mga Espanyol sa pakikipaglaban sa mga Ingles sa Maynila at sa pangkat ni Silang sa Ilocos. Si Gabriela ang naging isa sa pinakamalapit na tagapayo ni Diego, at madalas ay kasama nito sa mga laban. Naagaw nina Diego ang mga bayan sa hilagang bahagi ng Ilocos Sur at nagpahayag siya ng paglaya ng mga mamamayan sa pagsasamantala ng pamahalaang Espanyol. Gayunman, isang kaibigan ni Diego, si Miguel Vicos, ang nahimok ng mga Espanyol na magtaksil. Sa pamamagitan ni Vicos ay napatay si Diego noong 1763. Ipinangako ni Gabriela sa asawa bago ito mamatay na pamumunuan ang nasimulang pag-aalsa. Nagpakita siya ng gilas bilang pinunò at marami siyang nakamit na tagumpay sa mga labanan sa Santa at Vigan sa Ilocos Sur. Ngunit sa dami ng kaaway, natalo ang kaniyang pangkat sa kalaunan. Nadakip siya sa Abra at binitay sa Vigan noong 29 Setyembre 1763. Josefa Gabriela Silang Nagsilbing inspirasyon si Gabriela sa isang samahang nagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan, ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action). Matatagpuan din sa sentrong distritong pangkalakaran ng Lungsod ng Makati ang isang monumento ni Gabriela Silang. (PKJ)
  • 52. Pumalit na pangulo ng Republika ng Filipinas si Carlos P. Garcia (Kár·los Pi Gar·sí·ya) (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) noong 1953 nang biglang mamatay si Pangulong Magsaysay. Nagpatuloy siyáng pangulo nang magwagi sa pambansang eleksiyon noong 1957. Pangunahing tatak ng kaniyang administrasyon ang patakarang “Filipino Muna” (Filipino First) sa kabuhayan at ang kaniyang programa sa pagtitipid na “Austerity Program.” Gayunman, nabatikos siyá sa malimit na pangingibang-bansa, paggamit ng mamahaling yate’t eroplano, at sa mga nabulgar na nakawan sa People’s Homesite and Housing Corporation (PHHC) at Government Service Insurance System (GSIS). Malinaw itong sanhi ng pagkatálo niya sa eleksiyong 1961. Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa Talibon, Bohol kina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Dahil sa matinding hilig mag-aral ay pumunta siya ng Cebu para sa mataas na paaralan, sa Silliman University sa Dumaguete, at sa Philippine Law School sa Maynila. Nagturo muna siyá sa mataas na paaralan sa Bohol bago pumasok sa politika. Mahilig din siyáng tumula at isang kinikilalang mambibigkas sa wikang Boholano. Naging asawa niya si Leonila Dimataga ng Cebu. Noong 1925, nagwagi siyáng kinatawan sa Asamblea at humawak ng gayong tungkuling hanggang1931. Naging gobernador siyá ng Bohol noong 1931-1940. Noong 1941 nagwagi siyang senador at nakasáma sa Senado sina Claro M. Recto, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Jose Yulo, at Quintin Paredes. Naggerilya siyá noong panahon ng Pananakop ng mga Hapones. Noong 1946, kabílang siyá sa mga kasapi ng Partido Nacionalista na nagwaging senador. Siyá ang napiling kandidatong pangalawang-pangulo at katiket ni Magsaysay sa halalang 1953. Nang manalo, naglingkod siyáng kalihim ng suliraning panlabas. Nasa isang pulong siyá sa Australia nang mamatay sa aksidente si Pangulong Magsaysay. Nagwagi siyáng pangulo sa eleksiyong 1957 ngunit natálo sa eleksiyong 1961. Hulíng aktibidad niyang politikal ang pagkandidatong delegado sa 1971 Kumbensiyong Konstitusyonal. Nagwagi siyáng kinatawan ng Bohol at nahalal pang pangulo ng kumbensiyon. Ngunit tatlong araw matapos manumpang pangulo ay inatake siyá sa puso at namatay noong 14 Hunyo 1971. (VSA) Carlos P. Garcia
  • 53. Ipinagkaloob kay Ginaw Bilog at sa mga makata ng ambahan ng Panaytayan, Mansalay, OrientalMindoroangGawadsaManlilikhangBayannoongtaóng1993parasamasigasig na pagtataguyod ng eleganteng sining ng ssurat Mangyan at ng ambahan,. Ang ambahan ang tula ng mga Hanunuo Mangyan na binubuo ng pipituhing pantig, at nagtataglay ng mga imahen at metapora. Kabilang sa mga paksa nito ang panliligaw, pagbibigay ng payo sa kabataan, pagtatanong ng matutuluyan, pamamaalam ng isang kaibigan, at iba pa. Ang mga tulang ito ay inuukit sa kawayan. Surat Mangyan naman ang tawag sa paraan ng pagsulat ng ambahan na gumagamit ng sinauna at timog-silanganing iskrip. Pinaniniwalaang isa ito sa mga impluwensiya ng India. Ayon kay Ginaw Bilog, ang ambahan ang susi upang makilala ang kaakuhan ng mga Mangyan. Dahil dito, itinago niya ang mga naitalang halimbawa ng mga ambahan, hindi lamang ang mga nakaukit sa kawayan kundi pati na rin ang mga nakasulat sa mga naninilaw na pahina ng kuwadernong ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan. Pinakaiingat- ingatan niya sa koleksiyong ito ang mga minana pa niya sa kaniyang ama at lolo, ang mga itinuturing niyang batis ng inspirasyon at patnubay para sa kaniyang malikhaing pagpupunyagi. Bukod dito, masugid rin niyang ibinabahagi ang mga tula, lalong-lalo na sa mga kapuwa Mangyan, sa lahat ng pagkakataon. Pumanaw si Ginaw Bilog noong taong 2003. (GB) Ginaw Bilog
  • 54. Ang kandít ay sinaunang paha na ikinabit nang paikot sa baywang na tulad ng sinturon. Bahagi ngayon ng koleksiyong ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas at nakatanghal sa Metropolitan Museum of Manila sa Malate, Maynila ang mga kandít at sinturon na gawa sa ginto. Nahukay ang mga ito sa Butuan, Surigao at tinatayàng ginawa noong ika-10 hanggang ika-13 siglo. Isa sa kandít ang may súkat na 150.00 x 2.70 x 2.40 sentimetro at may timbang na 3,860.00 gramo. Ang isang sinturon ay 68.20 x 4.90 sentimentro at tumitmbang nang 575.10 gramo. Katangi-tangi din ang mga piyesang ito dahil sa marikit na disenyong hindi pa nakikita sa ibang piraso ng ginintuang artifact sa Asia. Itinuturing ng mga arkeologo na mahalaga ang Gintong Kandit at Sinturon ng Butuan dahil nagpapatunay ang mga ito sa dalawang bagay. Una, na may sinauna’t masiglang industriya ng ginto sa Filipinas; ikalawa, na sentro ang Butuan ng aktibong kalakalang rehiyonal. Ginto ang isang pangunahing kalakal ng mga Filipino at dindayo ng mga manlalakbay na Tsino noong ika-10 siglo. Sinasabing ang pinunò ng Butuan noong ika- 11 na si Kiling ay nakipagkasundo ng direktang kalakalan sa korteng imperyal ng Tsina. AngkoleksiyonggintongBangkoSentralaymayibapangsinaunanghiyasatornamentong ginto. Kabílang dito ang gintong hebilya mulang Hilagang Silangang Mindanao. May mala-korona ding pútong ng babae, hikaw, kuwintas, mga pulseras sa bisig at binti, balaraw, at puluhan ng kampilan. (VSA) Gintông Kandít at Sinturón ng Butuán
  • 55. Ang kauna-unahang natagpuang gúhit-bató o petroglyph (pé·tro·glíf) sa Filipinas ay nása isang yungib sa Angono, lalawigan ng Rizal. Tinatayàng may 127 guhit ng tao ang makikita sa pader ng mababaw na kuweba. Natuklasan at pinag-aralan ito ng mga kinatawan ng Pambansang Museo ng Pilipinas noong 1965. Batay sa arkeolohikong pag-aaral, iginuhit ng mga katutubong Filipino ang mga ito sa kuweba sa magkakaibang pagkakataón sa loob ng mahabàng panahon. Wala ring patunay na may kaugnayan ang mga guhit sa isa’t isa, manapa’y posibleng umuukit ng bagong likha ang mga tao kung saan may libreng espasyo. Ang mga guhit ay inukit sa pader ng kuweba gamit ang piraso ng bato. Iba’t iba ang kalagayan ng mga ito: may mga ukit na may lalim na 10 sm at mayroon din namang mababaw at malabò na. Gayunman, makikita na ang dominanteng disenyo ng mga katutubong Filipino ay ang bilugang ulo na mayroon o walang leeg at nakapatong sa katawan na parihaba o “V”. Kadalasang iginuguhit ang braso at binti na nakabaluktot. Bukod dito, nakaukit din ang iba’t ibang hugis katulad ng tatsulok, parihaba, at bilog. Ang sining sa bato ay iniugnay sa paniniwala ng isang natatanging grupo ng tao. Ito ay simbolo na maaaring may kinakatawan o mas malalim na kahulugan kaysa simpleng dekorasyon lamang. Napaulat na may petroglyph din sa kuweba ng Peñablanca sa Cagayan; sa mga nakausling bato sa Alab, Bontoc sa Mt. Province; at sa kuweba sa Singnapan sa Ransang, Palawan. Bagama’t iilan pa lamang ang natutuklasang ganitong mga likha, patunay ito ng sinaunang kamalayan sa sining ng katutubong Filipino. (JM) Gúhit-bató ng Angóno