SlideShare a Scribd company logo
1 of 71
Download to read offline
MODULE 66..55
CURRICULUM AND INSTRUCTION:
ANG PAGTUTURO NG MAKABAYAN
Teacher Induction Program
Teacher Education Council, Department of Education
Grace Estela C. Mateo, Ph.D.
Writer
Cecilia D. Alip, Ed.D.
Editor
All rights reserved. This module may not be reproduced in any
form without the permission of the Teacher Education Council,
Department of Education.
TEACHER INDUCTION PROGRAM
MODULE 6.5
Curriculum and Instruction:
Ang Pagtuturo ng Makabayan
Mabuhay! Binabati kita bagong guro ng Departamento ng Edukasyon!
Mapalad ka at naging kabahagi ka ng DepED. Mapalad din naman ang DepED at
kabataang Pilipino dahil ibubuhos mo ang iyong talino, kaalaman, lakas at
dedikasyon sa ating mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Tunay na mahalaga ang nakaatang sa iyong balikat. Tutulong kang humubog
ng ating kabataan na pag-asa ng ating bayan.
Ano ba ang ituturo o itinuturo mong asignatura o sabjek? Ikaw ba ay guro ng
Hekasi o AP? o ng MAPEH? o dili kaya ay EPP o TLE? o guro ka ba ng EP? Dapat
ay pag-aralan mo ang nakalaang modyul sa asignaturang iyong ituturo na kabahagi
ng Teacher Induction Program package. Tutulungan ka ng modyul na iyon na higit
na maging epektibong guro ng iyong asignatura.
Subalit ikaw rin ay guro ng Makabayan sapagkat lahat ng mga sabjek o
asignaturang nabanggit ay nasa ilalim ng Makabayan. Samakatwid mahalagang
basahin mo rin ang modyul na ito na tutulong sa iyo upang ganap mong maunawaan
kung ano ang Makabayan. Ang modyul na ito ay tutulong rin sa iyo at sa mga kapwa
mo guro ng Makabayan upang maisagawa ninyo nang maayos ang integradong
pagtuturo.
Dalawa ang aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Ang una ay
pagpapakilala sa iyo kung ano ang Makabayan, ang kahalagahan nito, ang mga
komponente at asignatura nito, at kung ano ang takdang oras at sistema ng
markahan nito. Ang pangalawa ay pagpapakita sa iyo kung paano isinasagawa ang
pagtuturo ng Makabayan partikular kung paano nagkakaroon ng integrasyon sa mga
sabjek o asignatura nito.
Nawa’y makatulong ang modyul na ito sa pagharap mo sa hamon ng
pagtuturo ng Makabayan sa ating mga mag-aaral. Maligayang pagbabasa!
i
Mga Layunin:
Ang modyul na ito ay self-instructional. May mga katanungan sa bawat
sekyson ng aralin upang higit na mapag-isipan at mapagnilayan mo ang inilalatag sa
iyong kaalaman at pamamaraan. Layunin ng Makabayan modyul na:
1. Maipaliwanag ang kahulugan ng Makabayan.
2. Masuri ang layunin sa pagbuo ng Makabayan bilang isang saklaw na aralin o
learning area.
3. Mapag-ugnay-ugnay kung paano naisusulong ang layunin ng Makabayan ng
mga sabjek o asignaturang nakapaloob dito.
4. Maipaliwanag ang takdang oras ng pagtuturo at sistema ng markahan sa
Makabayan.
5. Masuri ang pamamaraan at antas ng integrasyon sa Makabayan.
6. Maipakita kung paano bumuo ng integrado o pinagsanib na banghay-aralin sa
Makabayan.
7. Mapahalagahan ang pagtuturo at pag-aaral ng Makabayan.
Bukod sa mga layuning nito, hangad ng modyul na ito na maunawaan mo na
ang isang guro ng Makabayan ay dapat bukas at handang makipagtulungan sa
kapwa niya guro ng Makabayan upang epektibong maisagawa ang pagtuturo sa
Makabayan.
ii
TALAANNGNILALAMAN
Pahina
Panimula i
Layunin ii
Preassessment 1
Aralin 1: Ang Makabayan Bilang Saklaw na Aralin 3
(Learning Area)
Introduksyon 3
Ang Makabayan sa 2002 BEC 4
Kahulugan at Kahalagahan ng Makabayan 6
Mga Komponente at Asignatura ng Makabayan 8
Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan 10
sa Elementaryang Antas
Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan 12
sa Sekundaryang Antas
Wikang Gamit sa Pagtuturo (Medium of Instruction) 18
ng Makabayan
Takdang Oras sa Pagtuturo ng Makabayan 19
Sistema ng Markahan sa Makabayan 20
iii
Aralin 2: Ang Integrasyon sa Makabayan 24
Introduksyon 24
Kahulugan ng Integradong Pagtuturo 25
Iba’t Ibang Pamamaraan ng Integradong Pagtuturo 26
Pagkakaiba ng Integrasyon sa Makabayan 32
sa Elementarya at Sekundarya
Iba’t Ibang Antas ng Integrasyon 34
Mga Halimbawa ng Integradong Banghay-Aralin sa Makabayan 38
Banghay-Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan 38
Banghay-Aralin sa Sekundaryang Antas ng Makabayan 42
Banghay-Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan 50
Gamit ang Content - Based Instruction (CBI)
Sanggunian 63
iv
TALAANNGTALAHANAYAN
ATDAYAGRAM
Pahina
Talahanayan 1: Paksa ng AP sa Sekundaryang Antas 13
Talahanayan 2: Paksa ng Music sa Sekundaryang Antas 14
Talahanayan 3: Paksa ng Arts sa Sekundaryang Antas 14
Talahanayan 4: Paksa ng P.E. sa Sekundaryang Antas 15
Talahanayan 5: Paksa ng Health sa Sekundaryang Antas 16
Talahanayan 6: Paksa ng EP sa Sekundaryang Antas 17
Talahanayan 7: Lawak ng Aralin sa TLE sa Una at Ikalawang Taon 17
Talahanayan 8: Takdang Minuto Bawat Araw sa Pagtuturo ng Makabayan
sa Elementarya 19
Talahanayan 9: Takdang Minuto at Bilang ng Kredit sa Pagtuturo ng
Makabayan sa Sekundarya 20
Talahanayan 10: Halimbawa ng Pagkokompyut ng Marka sa Makabayan
Sa Una Hanggang Ikatlong Taon 21
Talahanayan 11: Halimbawa ng Pagkokompyut ng Marka sa Makabayan
Sa Ikaapat na Taon 22
Talahanayan 12: Bilang ng Minuto at Bilang ng Kredit ng mga Saklaw
na Aralin sa Sekundaryang Antas ng 2002 BEC 23
Talahanayan 13: Pinag-isang Tema at Paksa sa Makabayan sa
Sekundaryang Antas 36
Dayagram 1: Content-Based Instruction 27
Dayagram 2: Modelo 1 – Makabayan Baitang I – III 30
Dayagram 3: Modelo 2 – Makabayan Baitang IV – VI 30
Dayagram 4: Modelo 3 – Bumabagtas sa Lahat ng Komponente ng 31
Makabayan sa Sekundaryang Antas
Dayagram 5: Proseso ng Pagbuo ng Integradong Banghay-Aralin 37
v
TEACHER INDUCTION PROGRAM PREASSESSMENT
PREASSESSMENT
Aralin 1: Ang Makabayan Bilang Saklaw na Aralin
Isulat ang tama kung wasto ang pangungusap at mali kung hindi wasto.
1. Ang lahat ng komponente o asignatura ng Makabayan ay itinuturo lamang sa
wikang Filipino.
2. Ang Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP) at
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) ay itinuturo lamang bilang
hiwalay na asignatura simula sa ikaapat na baitang.
3. Ang marka ng mag-aaral sa Makabayan sa sekundaryang antas ay ang
kabuuang bilang o suma ng marka ng iba’t ibang komponente nito na hinati
sa kabuuang bilang ng mga komponente nito.
4. Ang Makabayan sa elementarya at sekundarya ay binubuo ng tig-apat na
komponente.
5. Ang Makabayan ay isang disiplina o sangay ng pag-aaral.
6. Tanging mga paksa lamang tungkol sa Pilipinas at sa pagiging Pilipino ang
pinapaksa ng Makabayan.
7. Hindi magkakaugnay ang mga paksa ng iba’t ibang komponente ng
Makabayan kung kaya’t mahirap isagawa ang integrasyon sa Makabayan.
8. Ang Makabayan ay isang saklaw na aralin o learning area sa 2002 Basic
Education Curriculum (BEC).
9. Hindi pare-pareho ang takdang oras ng pagtuturo ng mga komponente ng
Makabayan sa sekundaryang antas.
10. Ang asignatura ukol sa pagpapahalaga sa elementaryang Makabayan ay
tinawag na Edukasyong Pagpapakatao.
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 1
TEACHER INDUCTION PROGRAM PREASSESSMENT
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 2
Aralin 2: Ang Integrasyon sa Makabayan
1. Ano ang pakahulugan mo sa integradong pagtuturo?
2. Pamilyar ka ba sa pamamaraan ng integrasyon sa 2002 BEC partikular sa
Makabayan? Maari mo bang isa-isahin ang apat sa mga pamamaraang ito?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 3
ARALIN 1
ANG MAKABAYAN BILANG
SAKLAW NA ARALIN
(Learning Area )
INTRODUKSYON
Bilang guro ng Makabayan, ikaw ay inaasahang tutulong sa paghubog ng
mga mag-aaral upang sila ay ganap na maging makabayan. Ang pagiging
makabayan ay nangangahulugang may pagmamahal sa Pilipinas at may
pagmamalaki na siya ay Pilipino. Sa Makabayan ang ating mga mag-aaral ay
inaasahan nating makalilinang ng sapat na kaalaman tungkol sa ating kasaysayan,
kultura, pamumuhay at pagpapahalaga at lalaking may pagmamahal sa ating bansa.
Maisasakatuparan natin ito sa tulong mo at ng mga kapwa guro mo na nagtuturo ng
Makabayan.
Marahil isang malaking palaisipan sa iyo sa ngayon kung ano ang
Makabayan, ang layunin nito, ang kahalagahan nito at kung paano isinasagawa ang
integrasyon ng iba’t ibang asignatura sa ilalim nito. Marahil ikaw rin ay may pag-
aagam-agam na maliban sa dapat may sapat kang kadalubhasaan sa pagtuturo ng
iyong asignatura o sabjek (subject), kinakaharap mo pa rin ang isang malaking
hamon na maituro ito ng may integrasyon at maliwanag na ugnayan sa iba pang
asignatura ng Makabayan.
Bukod sa pagsasama-sama o pagsasanib-sanib ng mga asignatura sa
Makabayan, marahil ang ilan pa sa mga katanungan mo ukol sa Makabayan ay ang
mga sumusunod: Ano ang Makabayan? Ano ang mga komponente (components) at
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 4
asignatura o sabjek na kabilang dito? Bakit kinailangang magkaroon ng isang saklaw
na aralin (learning area) na Makabayan? Paano ang takdang oras ng pagtuturo at
sistema ng markahan ng mga komponente at asignatura ng Makabayan? Ilan
lamang ang mga katanungang ito sa tutugunan ng araling ito.
LAYUNIN
Layunin ng unang aralin na ipakilala sa iyo ang Makabayan. Sa pagtatapos
ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maipaliwanag ang kahulugan ng Makabayan.
2. Masuri ang mga napapaloob na komponente at mga sabjek o asignatura sa
Makabayan.
3. Masuri ang mga paksa at ugnayan ng mga paksa sa bawat komponente at
asignatura ng Makabayan.
4. Matalakay ang takdang oras ng pagtuturo at pamamaraan ng markahan sa
Makabayan.
5. Mapahalagahan ang Makabayan bilang mahalagang bahagi ng 2002 Basic
Education Curriculum.
BASAHIN
Ang Makabayan sa 2002 BEC
Napag-aralan mo na sa iba pang modyul na ang 2002 Basic Education
Curriculum ay ipinatupad upang humubog ng mga mag-aaral na may kakayahang
matuto habambuhay (lifelong learners) at marunong bumasa at sumulat nang
makabuluhan (functionally literate). Kung matatandaan mo ang pagiging lifelong
learner ay nangangahulugang “may kakayahang matuto kung paano matuto kahit
saan maski mag-isa” (“competent in learning how to learn anywhere even when left
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 5
to themselves”).1
Layunin nito na makalinang ng mga mamamayanang functionally
literate o may kasanayan at kakayahang apektibo, kognitibo at behavioral upang
matutong mamuhay at makapagtrabaho bilang mamamayan, malinang ang kanilang
potensyal, makapagdesisyon nang may wastong kaalaman at pag-iisip, at mamuhay
nang epektibo sa kanilang kapaligiran at komunidad upang umunlad ang kanilang
buhay at ang lipunang kinabibilangan nila (“a range of skills and competencies ―
cognitive, affective and behavioral ― which enables individuals to live and work as
human persons, develop their potentials, make critical and informed decisions, and
function effectively in society within the context of their environment and that of the
wider community in order to improve the quality of their lives and that of society).”2
Bukod sa pagkakaroon ng kakayahang matuto habambuhay at marunong
bumasa at sumulat nang makabuluhan, hangad din ng 2002 BEC na humubog ng
mag-aaral na makadiyos, makabayan, makatao at makakalikasan. Upang
maisagawa ang tunguhing ito, inatasan ng 2002 BEC ang bawat guro na maging
guro ng pagpapapahalaga o values educator. Ano man ang asignatura o sabjek na
kanyang itinuturo, mahalagang nakapaloob dito ang mga pagpapahalaga na dapat
matutunan ng mga mag-aaral.
Sa mga layuning ito ng 2002 BEC mahalaga ang papel ng Makabayan.
Hinuhubog sa mga asignatura ng Makabayan at sa kanyang kabuuan ang
pagkakaroon ng mga mag-aaral na may kakayahang matuto habambuhay at
matutong bumasa at sumulat nang makabuluhan. Tinuturuan din sa Makabayan
ang mga mag-aaral na maging makadiyos, makatao, makabayan at makakalikasan.
Ang Makabayan ang pangunahing saklaw na aralin sa 2002 BEC na nagsisilbing
behikulo sa pagtuturo ng pagpapahalaga. Ganyan kahalaga ang Makabayan.
1
The 2002 Basic Education Curriculum (Pasig City: Department of Education, 2002), p. 4.
2
Isagani R. Cruz, “The New Literacy,” National Literacy Conference, Cagayan de Oro City, September 4, 2001,
p. 1. Ang kahulugan ay nagmula sa Literacy Coordinating Council.
SCQ 1.1
1. Anong uri ng mag-aaral ang nais na malinang ng 2002 Basic Education
Council?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 6
Kahulugan at Kahalagahan ng Makabayan
Isa sa mahalagang pinagkaiba ng 2002 Basic Education Curriculum sa mga
naunang kurikulum na ipinatupad ng Departamento ng Edukasyon ay ang
pagkakaroon ng isang saklaw na aralin (learning area) na tinatawag na Makabayan.
Ang Makabayan ay isa sa limang saklaw na aralin ng 2002 Basic Education
Curriculum. Ang apat na iba pa ay English, Science, Mathematics at Filipino.
Kakaiba ang Makabayan kumpara sa iba pang saklaw na aralin sa dahilang ito ay
hindi isang gamit sa pagkatuto (learning tool) gaya ng English at Filipino o isang
academic discipline tulad ng Mathematics at Science.
Hindi asignatura ang Makabayan. Kakaiba ang Makabayan sapagkat ito ay
binubuo ng iba’t ibang komponente na asignatura rin at ang iba namang
komponente ay binubuo ng iba’t iba pang asignatura o sabjek. Ayon sa pananaw ng
ating mga eksperto sa kurikulum, ang mga komponente at asignatura ng Makabayan
ay magkakaugnay sa pinapaksa at layunin. Tanging sa kurikulum lamang ng
Pilipinas makikita ang isang malawak na saklaw na aralin tulad ng Makabayan.
Ano ang Makabayan? Ang Makabayan ay ang saklaw na aralin na nagsisilbi
bilang isang laboratoryo ng buhay (laboratory of life) para sa isang komprehensibo at
makabuluhang pakatutong may kabuuan (holistic learning). Nangangahulugang
pinapaksa ng Makabayan ang lahat ng aspeto ng buhay Pilipino o ang pamumuhay
ng mga mamamayang Pilipino. Sinasalamin ng Makabayan ang kasaysayan,
kultura, kinagawian, kabuhayan at pagpapahalagang Pilipino at ang mga bagay-
bagay na nararanasan o nakakasalamuha ng bawat mag-aaral sa kanyang paglaki.
Magiging makabuluhan ang kanyang pag-aaral kung maiuugnay niya ito sa pang-
araw-araw niyang pamumuhay, karanasan at obserbasyon sa buhay Pilipino.
Bilang guro, mahalaga ang papel mo sa pagbabahagi ng iyong kaalaman sa
mga asignatura sa ilalim ng Makabayan at sa iyong pagsisilbi bilang modelo ng
isang marangal at makabayang mamamayan. Sa pamamagitan mo, makatutulong
nang malaki ang Makabayan upang makabuo ng mga mag-aaral na lifelong learners
at functionally literate.
Paano nahuhubog ng Makabayan ang ganitong mga uri ng mag-aaral?
Halimbawa, sa pag-aaral ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) sa
elementarya at Technology and Livelihood Education (TLE) sa hayskul o
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 7
sekundaryang antas, mabibigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral sa
iba’t ibang uri ng kapakipakinabang na kabuhayan. Sa pamamagitan ng
Edukasyong Pagpapakatao (EP) o Character Education sa elementarya at
Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP) sa hayskul, huhubugin ang mga mag-aaral na
makalinang ng mga pagpapahalaga at birtud (virtues) bilang mag-aaral, anak,
kapatid, mamamayan at Pilipino. Samantala, sa Sibika at Kultura (SK) at
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HKS) sa elementarya at Araling Panlipunan (AP)
sa hayskul, tuturuan ang mga mag-aaral ng kanilang nakaraan bilang bansa at ang
kanilang mga karapatan at katungkulan bilang mamamayang Pilipino. At huli, sa
tulong ng Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP) at
Music, Arts, P.E. and Health (MAPEH), malalaman nila ang sining at musikang
Pilipino, ang mga laro ng lahi, at ang mga pagpapahalaga ng Pilipino sa mabuting
kalusugan. Mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng kanilang pagkakakilanlan (identity)
bilang Pilipino.
Ang pangkalahatang temang nagbibigkis sa mga asignatura ng Makabayan
ay ang pagmamahal sa bansa. Binibigyang-tuon ng Makabayan ang pagpapaunlad
ng kamalayang panlipunan (social awareness) at ang pagkakaroon ng
responsibilidad at matibay na pananalig (firm commitment) sa ikabubuti ng
nakararami. Ang Makabayan ang pinaka-ekspiryensyal (most experiential) na
saklaw na aralin dahil ang pinag-aaralan dito ay nararanasan at namamalas ng mag-
aaral sa pang-araw-araw niyang pamumuhay. Ito rin ang pinaka-interaktibo (most
interactive) sapagkat ang pag-aaral ng Makabayan ay nagaganap hindi lamang sa
loob ng klase kundi maging sa pakikisalamuha ng mag-aaral sa kapwa niya sa
lipunan. Ang Makabayan din ay tigib o puno ng pagpapahalaga (value-laden)
sapagkat itinuturo rito ang lahat ng pagpapahalagang dapat tumimo sa mag-aaral
bilang bahagi ng pamilya at lipunang Pilipino at bilang isang mamamayang Pilipino.
Ang pag-aaral ng Makabayan ang pinakainterdisiplinaryo (most interdisciplinary) rin
sa dahilang maraming disiplina ang saklaw ng Makabayan. Ang disiplina o discipline
ay tumutukoy sa isang ispesipikong sangay ng pag-aaral. Isa-isahin natin ang mga
komponente at mga sabjek o asignatura ng Makabayan at suriin ang mga paksa sa
bawat sabjek na ito upang mapatunayang pinaka-interdisiplinaryo nga ito sa lahat ng
saklaw na aralin ng 2002 BEC.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 8
Mga Komponente at Asignatura ng Makabayan
Binubuo ang Makabayan ng maraming komponente na magkakaugnay sa
paksa, kakayahan at layuning pagkatuto. May mga komponente ito na nagsisilbi
ring asignatura o sabjek tulad ng Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao sa
elementarya o Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapahalaga sa sekundarya.
Subalit may mga komponente rin ang Makabayan na binubuo ng iba-ibang
asignatura o sabjek. Halimbawa nito ay MSEP sa elementarya na binubuo ng
Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan at MAPEH sa
sekundarya na binubuo ng Music, Arts, P.E. at Health. May komponente rin ang
Makabayan na nahahati sa mga pangunahing lawak (primary areas). Ito ay ang
Technology and Livelihood Education (TLE) sa sekundarya na nahahati sa apat na
pangunahing lawak: Home Economics, Agricultural and Fishery Arts, Industrial Arts
at Entrepreneurship.
Lahat ng mga komponente at asignatura ng Makabayan ay tumatalakay ng
mga aspeto ng pagiging Pilipino. Sa susunod na aralin ng modyul na ito matatanto
mo na may mga tema na dumadaloy sa kabuuan ng Makabayan at sa mga
ispesipiko niyang asignatura. Patunay ang mga temang ito na may integradong
kurikulum ang Makabayan at sa pamamagitan nito makalilinang ang mga guro ng
Makabayan sa kanilang mga mag-aaral ng isang integratibong pag-aaral.
Anu-ano ang mga komponente ng Makabayan? Sa elementarya, binubuo
ang Makabayan ng mga sumusunod: Sibika at Kultura (SK) mula Baitang 1-3 at
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HKS) sa Baitang 4-6; Musika, Sining at
SCQ 1.2
1. Ipaliwanag kung bakit ang Makabayan ang saklaw na aralin na pinaka-
ekspiryensyal, pinaka-interaktibo at pinakapuno ng pagpapahalaga.
2. Bakit tinawag na “laboratoryo ng buhay” ang Makabayan?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 9
Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP); Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP); at Edukasyong Pagpapakatao (EP) o Character Education.
Samantala, ang Makabayan sa sekundaryang antas ay binubuo ng mga sumusunod:
Araling Panlipunan (AP); Technology and Livelihood Education (TLE); Music, Arts,
P.E. at Health (MAPEH); at Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP). Sa dami pa
lamang ng saklaw na komponente at sabjek ng Makabayan makikitang napaka-
interdisiplinaryo nito.
Upang malaman mo pa nang husto ang mga mahahalagang aspeto ng
nilalaman at pagtuturo ng bawat asignatura sa Makabayan, mabuting rebisahin mo
rin ang ispesipikong modyul tungkol sa bawat isa. Kailangang may kaalaman ka
ukol sa kanila upang maisagawa ang pagkakasundo ng mga asignaturang ito at
makapagturo sa isang integratibong pamamamaraan.
Marahil ang mahalaga sa ngayon ay malaman mo ang ispesipikong paksain
ng bawat asignatura sa bawat taon at markahan. Sa pamamagitan ng pag-eksamen
sa mga paksang nakapaloob sa bawat asignatura ng Makabayan, makikita mo ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga asignaturang ito at ang temang dumadaloy sa
Makabayan. Subukan nating balangkasin.
SCQ 1.3
1. Batay sa mga nakapaloob na asignatura sa Makabayan, bakit sinasabing
napaka-interdisiplinaryo ng Makabayan.
2. Ano ang mga komponente o asignatura ng Makabayan sa elementarya at
sekundaryang antas?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 10
Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan sa Elementaryang Antas
Ang mga paksa sa Makabayan sa elementaryang antas ay naglalayon na
ipakilala sa mga mag-aaral ang katangian at simbolo ng kanilang pagiging Pilipino.
Naglalayon rin ito na mahubog sa mag-aaral ang pagkakaroon ng pambansang
pagkakakilanlan at maitimo sa kanilang isipan ang kahalagahan ng pagkakaisa at
pagiging matapat na mamamayan.
Sa baitang 1-3, tanging Sibika at Kultura (SK) at Edukasyong Pagpapakatao
(EP) lamang ang komponente ng Makabayan na itinuturong hiwalay. Ang mga
paksa sa SK ay nakatuon sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng pambansang
pagkakakilanlan, pambansang pagkakaisa at pambansang katapatan. Ang layunin
ng EP ay palakasin ang mga pagpapahalaga na integrado at natutunan ng mga
mag-aaral sa ibang saklaw na aralin. Samantala, ang kasanayan sa MSEP ay
nakapaloob o integrado na sa Sibika at Kultura. Ang EPP naman ay hindi pa
kinukuha ng mag-aaral sa unang tatlong baitang. Samakatwid, ang pagtuturo ng
Makabayan sa unang tatlong taon ay pagtuturo ng Sibika at Kultura at ito ay
pinagtitibay ng Edukasyong Pagpapakatao (EP).
Tulad ng nabanggit, ang Sibika at Kultura sa unang tatlong taon ay nahahati
sa tatlong pangunahing paksa: pambansang pagkakakilanlan, pambansang
pagkakaisa at pambansang katapatan. Ang ikaapat hanggang ikaanim na baitang
ay pag-aaral ng Heograpiya/Kasaysayan/Sibika. Ang ikaapat na baitang ay pag-
aaral ng Heograpiya. Pinapaksa nito ang kinalalagyan, heograpiyang pisikal o ang
katangiang pisikal ng Pilipinas, at ang heograpiyang pantao o ang balangkas at
katangian ng yamang-tao ng Pilipinas. Gamit ang kaalaman sa heograpiya, pinag-
aaralan din ang pambansang pagkakaisa ng bansa na nakapaloob sa pag-uugnayan
ng mga rehiyon sa bansa. Gamit pa rin ang mapa, pinag-aaralan din ang mga
nandayuhan sa Pilipinas at ang mga kaakibat na pagbabago at epekto sa bansa. Sa
huling markahan, pinag-aaralan ang mga batas at programa ng pamahalaan,
gayundin ang mga tanyag na Pilipino at kanilang mga kontribusyon.
Pagdating sa ikalimang baitang, ang kabuuang kasaysayan ng Pilipinas ang
pinapaksa. Tinatalakay ang mga pangyayari sa nakaraan na nakaimpluwensiya sa
kasalukuyan. Tinatalunton ang mga pagbabagong naganap sa ibat ibang panahon
ng kasaysayan ng mga Pilipino.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 11
Sa ika-anim na baitang, sibika ang tuon ng pag-aaral. Tinatalakay ang
ugnayan ng apat na elemento ng estado – teritoryo, tao, pamahalaan at sobereniya
– sa pagsulong ng kaunlaran ng Pilipinas.
Ang asignatura na Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan o EPP ay
sinisimulang ituro sa ikaapat na baitang ng mag-aaral. Ang kurikulum nito sa
elementarya ay nakatuon sa:
paglinang sa pagiging responsable at karapat-dapat na kasapi ng
tahanan na magiging daan sa pagpapatatag ng pamahalaan. Ang mga
gawain ay nagbibigay-diin sa paglinang ng kanais-nais na saloobin,
batayang kasanayan at mga gawi sa paggawa sa pamamagitan ng mga
araling may kaugnayan sa pang-araw-araw na gawain sa tahanan,
paaralan at sa pamayanan at ang paglikha ng mga bagay na kapaki-
pakinabang.3
Ang mga aralin na itinuturo sa EPP ay nagkakaloob sa mga mag-aaral ng
kaalaman sa hanapbuhay sa mga larangan ng edukasyong pantahanan, agrikultura,
sining pang-industriya, tingiang pangangalakal at impormasyong teknolohiya.
Samantala, ang Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan o
MSEP ay tinatalakay bilang hiwalay na asignatura simula lamang sa ikaapat na
baitang. Sa unang tatlong baitang, ito ay nakapaloob sa Sibika at Kultura. Sa ikaapat
hanggang ikaanim na baitang, nililinang sa mga mag-aaral ang kaalaman at
pagpapahalaga sa mga katutubo at kontemporaryong sining. Habang tumataas ang
baitang ng bata, higit na nililinang ang mga kaangkupang pisikal (physical fitness) at
kasanayang panlaro (lead-up games), gayundin ang kaalaman sa musika at
pagkamalikhain nito.
3
“Handbook sa Makabayan (Antas Elementarya),” p. 1.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 12
Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan sa Sekundaryang Antas
Kumpara sa elementaryang antas, higit na malawak ang saklaw at tiyak ang
pagkakasunud-sunod ng mga paksang pinag-aaralan sa bawat asignatura ng
Makabayan sa sekundaryang antas. Sa kabuuan, pinalalalim at pinatitibay ng
Makabayan sa sekundaryang antas ang nalinang sa elementaryang antas na
pambansang pagkakakilanlan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng
ibat ibang aspeto ng kasaysayan, kultura, pamumuhay at pagpapahalagang Pilipino.
Bukod dito, ang Makabayan sa sekundaryang antas ay nakatuon din sa
pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pag-aaral ng
kasaysayan, kultura at pamumuhay ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng
daigdig at sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng daigdig. Hinuhubog nito ang
mga mag-aaral upang makalinang ng mga mamamayang Pilipino na may
oryentasyong “glocal” o global at lokal. Ibig sabihin, binibigyang tuon ng Makabayan
ang pag-unawa sa lipunan at pamumuhay Pilipino at ang pagpapalakas sa
nasyonalismo at pagkakakilanlang Pilipino habang lumalawak ang kaalaman niya
ukol sa iba pang bahagi ng daigdig. Nakasaad rin sa mga kakayahang pagkakatuto
(learning competencies) na maaaring pag-aralan ng mag-aaral ang kultura at
pamumuhay ng kanyang rehiyon at lokal na pamayanan.
SCQ 1.4
1. Subukan mo ngang paghambingin kung ano ang mga paksa ng iba’t ibang
asignatura ng Makabayan sa elementaryang antas?
2. Batay sa mga paksa ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan, ano ang
nakikita mong layunin ng pag-aaral ng Makabayan sa elementaryang
antas?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 13
Subalit, naglalayon din ang Makabayan sa sekundaryang antas na malinang
sa mga mag-aaral na Pilipino ang pagiging mamamayan ng Asya at daigdig. Pinag-
aaralan ang kasaysayan at kultura ng mga karatig bansa sa Asya at ng iba pang
bansa sa daigdig. Tinatalakay sa mga asignatura ng Makabayan ang mga
napapanahon at kasalukuyang isyu, suliranin at pagmamalakasit (concerns) na
sama-samang hinaharap ng daigdig tulad ng mga makabagong sakit gaya ng
Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), Severe Acute Respiratory
Syndrome (SARS) at avian o bird flu; mga transnational crimes tulad ng terorismo at
kalakalan sa ilegal na droga; at mga isyu kaugnay ng intellectual property rights,
pagkasira ng ekolohiya, pagtatrabaho ng mga bata (child labor) at iba pa.
Sa Araling Panlipunan, bagamat ang pangunahing disiplinang tuon nito ay
kasaysayan at ekonomiks, mahalaga pa rin ang paggamit ng iba pang disiplina ng
agham panlipunan o social sciences sa pag-aaral ng asignaturang ito. Halimbawa,
kailangan ang antropolohiya sa pag-aaral ng tao, ang sosyolohiya sa pag-aaral ng
lipunan, ang agham pampulitika sa pag-aaral ng pamahalaan at estado, at ang
arkeyolohiya sa pag-aaral ng mga labi (remains) ng nakaraan.
Gayunpaman, ang Araling Panlipunan sa unang tatlong taon ng
sekundaryang antas ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan. Sa unang taon ang
tuon ay kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas. Samantala, ang ikalawang taon ay
pag-aaral ng mga bansang Asyano at ang ikatlong taon ay pag-aaral ng daigdig.
Ang ikaapat na taon ay nakatuon sa pag-aaral ng disiplina ng
ekonomiks.Tunghayan ang talahanayan 1.
Talahanayan 1: Paksa ng AP sa Sekundaryang Antas4
Taon Paksa
Unang Taon Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
Ikalawang Taon Pag-aaral ng mga Bansang Asyano
Ikatlong Taon Kasaysayan ng Daigdig
Ikaapat na Taon Ekonomiks
Ang Musika sa sekundaryang antas ay nakatuon sa pag-aaral sa iba’t ibang
elemento nito. Hinuhubog ang kasanayan sa pakikinig, pag-awit, pagtugtog,
4
Ang mga binalangkas na paksa sa Makabayan na makikita sa mga talahanayan sa seksyon na ito ay hinango sa
Patnubay sa Operasyonalisasyon ng Makabayan. 2002 Kurikulum sa Batayang Edukasyon sa Level Sekondari
(Pasig City: Kawanihan ng Edukasyong Sekondari, Departamento ng Edukasyon, n.d.).
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 14
paglikha at pagbasa ng mga piyesa gamit ang musikang Pilipino, musikang dayuhan
at musika sa ibat ibang panahon ng kasaysayan. Makikita sa pagsusuri sa
talahanayan 2 na mula ikalawa hanggang ikaapat na antas, pinag-aaralan ang
musika sa iba’t ibang panig ng daigdig at panahon ng kasaysayan.
Talahanayan 2: Paksa ng Music sa Sekundaryang Antas
Taon/Baitang Unang
Markahan
Ikalawang
Markahan
Ikatlong
Markahan
Ikaapat na
Markahan
Unang Taon Elemento at
Tunog ng
Musika
Ritmo at
Melodiya
Tekstura at
Harmonya
Anyo at Istilo
Ikalawang
Taon
Musika ng
Pilipinas
Musika ng
Pilipinas
Musika ng
China at Korea
Musika ng Japan
Ikatlong Taon Musika ng India Musika ng
Thailand
Musika ng
Indonesia
Musika ng Africa at
Latin America
Ikaapat na
Taon
Musika sa Ika-
20 Siglo
Musika sa
Panahong
Romantisismo
Musika ng
Panahong
Klasisismo
Musika sa
Panahong Baroque
at Renaissance
Ang tuon ng Arts o Sining sa sekundaryang antas ay sa pag-aaral ng iba’t
ibang anyo ng sining Pilipino at sining sa iba’t ibang kabihasnan at kultura. Pag-
aaralan ang kanilang sining sa konteksto ng kanilang kasaysayan. Tingnan ang
talahanayan 3 para sa paksa ng sining sa bawat taon at markahan.
Talahanayan 3: Paksa ng Arts sa Sekundaryang Antas
Taon/Baitang Unang Markahan Ikalawang
Markahan
Ikatlong
Markahan
Ikaapat
na
Markahan
Unang Taon Sining at Kulturang
Pilipino
Sining Pilipino Sining at
Kultura
Sining at
Lipunan
Ikalawang
Taon
Sining at Kultura
sa Kabihasnang
Asyano at ang
Ugnayan nito sa
Kulturang Pilipino
Mga
Halimbawa ng
Sining Asyano
Sining sa
Kulturang
Asyano
Sining at
Lipunang
Asyano
Ikatlong
Taon
Sining at Kultura
ng Ibang Bansa
Pag-aaral at
Paglikha:
Sining ng
Ibang Bansa
Sayaw at Iba
Pang Sining
Kasaysayan at
Estilo
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 15
Ikaapat na
Taon
Pangkasalukuyang
Sining at Kultura
Mga
Pamamaraan
at Likha sa
Makabagong
Panahon
Sining sa
Makabagong
Kultura
Mga Isyu ng
Lipunan sa
Makabagong
Panahon
Ang unang markahan ng bawat antas ng Physical Education (P.E.) o
Edukasyong Pangkatawan sa sekundaryang antas ay nakatuon sa pagpapaunlad ng
kaalaman at kakayahan sa kaangkupang pisikal. Ang iba pang markahan at antas
sa P.E. ay nakatuon sa pagsasanay sa sayaw, isports at gawaing panlibangan.
Tulad ng sining at musika, pinag-aaralan sa P.E. ang mga sayaw at isports mula sa
iba’t ibang panig ng Asya at daigdig. Habang tumataas ang antas ng bata,
lumalawak at lumalalim ang pag-aaral at pagsasanay sa kaangkupang pisikal,
sayaw at isports. Tingnan ang talahanayan 4 para sa mga paksa ng P.E.
Talahanayan 4: Paksa ng PE sa Sekundaryang Antas
Taon/Baitang Unang
Markahan
Ikalawang
Markahan
Ikatlong
Markahan
Ikaapat na
Markahan
Unang Taon Kaangkupang
Pisikal
Batayang
Kaalaman at
Kasanayan sa
Sayaw
Iba’t ibang
Laro at Isports
Maramihang
Isports
Ikalawang
Taon
Kaangkupang
Pisikal
Mga
Katutubong
Sayaw
Isahan at
Dalawahang
Isports
Maramihang
Isports
Ikatlong
Taon
Kaangkupang
Pisikal
Mga
Banyagang
Sayaw
Isahan at
Dalawahang
Isports
Maramihang
Isports
Ikaapat na
Taon
Kaangkupang
Pisikal
Mga Sayaw
Panlipunan
Gawaing
Panlibangan
Maramihang
Isports
Ang Health o Edukasyong Pangkalusugan sa sekundaryang antas ay
naglalayong “tumugon sa mga pangangailangan ng mag-aaral na makamit ang
wastong kaalaman, saloobin, gawi at kasanayang pangkalusugan tungo sa isang
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 16
malusog, kapakipakinabang, mapanagutan at makabuluhang pamumuhay.”5
Nakasaad sa talahanayan 5 ang mga paksa sa Edukasyong Pangkalasugan o
Health sa sekundaryang antas.
Talahanayan 5: Paksa ng Health sa Sekundaryang Antas
Taon/Baitang Unang
Markahan
Ikalawang
Markahan
Ikatlong
Markahan
Ikaapat na
Markahan
Unang
Taon
Palingkurang
Pangkalusugan
sa Paaralan at
Pansariling
Kalusugan
Edukasyong
Pampopulasyon
Edukasyong
Pangkaligtasan at
Pangunang
Lunas
Edukasyon sa
Gamot
Ikalawang
Taon
Pagsusuri ng
Kalusugan at
Edukasyong
Pampopulasyon
Edukasyong
Tungkol sa
Sakit
Pangunang
Lunas
Edukasyon sa
Gamot
Ikatlong
Taon
Pagsusuri ng
Kalusugang
Pangkaisipan
Edukasyong
Tungkol sa
Gamot
Edukasyong
Pangkalusugan at
Pamimili
Edukasyong
Pampopulasyon
Ikaapat na
Taon
Pagsusuri ng
Kalusugan at
Edukasyong
Tungkol sa
Gamot
Edukasyong
Pampopulasyon
Edukasyong
Pampamayanan
Kalusugang
Pampamayanan
Ang pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapahalaga o EP sa sekundaryang antas
ay naglalayong malinang sa mga mag-aaral ang isang “sistema ng pagpapahalaga
na gagabay sa kanila sa pakikitungo sa sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa
paglilingkod sa kapwa, bansa at Diyos, at sa pagtugon sa mga isyu at suliraning
dulot ng kapaligiran at mundo.”6
Bawat antas o taon sa EP ay nakatuon sa isang
pangkabuuang tema: Ang Tao Bilang Nilikha sa unang taon; ang Tao Bilang
Panlipunang Nilalang sa ikalawang taon; Ang Tao sa kanyang Gawain sa Mundo sa
ikatlong taon; at Ang Moral na Pagkatao sa ikaapat na taon. Tingnan ang
talahanayan 6 para sa mga ispesipikong paksa.
5
Ibid., p. 136.
6
Ibid., p. 200.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 17
Talahanayan 6: Paksa ng EP sa Sekundaryang Antas
Taon/Baitang Tema Unang
Markahan
Ikalawang
Markahan
Ikatlong
Markahan
Ikaapat na
Markahan
Unang Taon Ang Tao Bilang
Nilalang
Ang Kalikasan ng
Tao
Pagkilala sa
Sariling Pagkatao
Ang mga
Pagpapahalaga at
Mga Birtud
Ang
Pagpapasya at
ang Pagtatakda
ng Mithiin
Ikalawang
Taon
Ang Tao Bilang
Panlipunang
Nilalang
Ang
Makabuluhang
Pakikipagkapwa
Ang Pamilya
Bilang Ugat ng
Pakikipagkapwa
Mga Birtud at
Pagpapahalaga sa
Pakikipagkapwa
Mga Isyu at
Suliraning
Kaugnay ng
Pakikipagkapwa
Ikatlong Taon Ang Tao sa
Kanyang
Gawain sa
Mundo
Ang Lipunan;
Para sa Tao
Ang Tao Bilang
Mamamayan
Mga Birtud at
Pagpapahalagang
Kaugnay ng
Paggawa
Ang Paggawa
at
Pagpapasya
Ikaapat na
Taon
Ang Moral na
Pagkatao
Ang Moral at
Ispiritwal na
Dimensyon ng
Tao
Ang Moral na
Pagkilos
Mga
Pagpapahalaga
at Birtud na
Makapag-aangat
sa Antas ng
Moralidad
Mga Isyung
Moral sa
Kasalukuyang
Panahon
Ang Technology and Livelihood Education sa sekundaryang antas ay
naghahanda sa mga mag-aaral para malinang ang kaalaman, kasanayan at tamang
saloobin sa pagpasok nila sa larangan ng paggawa. Makikita sa talahanayan 7 na
apat ang pangunahing lawak ng aralin ng TLE – Home Economics, Agriculture and
Fishery Arts, Industrial Arts at Entrepreneurship sa una at ikalawang taon.
Pagdating sa ikatlo at ikaapat na taon, ang pagdadalubhasaan ng mag-aaral ay
maaaring sa larangan ng Teknolohiyang Pantahanan, Teknolohiyang Pang-
agrikultura at Pangisdaan, Teknolohiyang Pangkahoy o Sibil, Elektrikal, Mekanikal at
Teknolohiyang Pangnegosyo.
Talahanayan 7: Lawak ng Aralin sa TLE sa Una at Ikalawang Taon
Markahan Paksa
Una Home Economics
Ikalawa Agriculture and Fishery Arts
Ikatlo Industrial Arts
Ikaapat Entrepreneurship
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 18
Wikang Gamit sa Pagtuturo (Medium of Instruction) ng Makabayan
Ang Makabayan sa elementarya ay itinuturo sa wikang Filipino. Samantala,
ginagamit kapwa ang English at Filipino sa pagtuturo ng Makabayan sa
sekundaryang antas. Filipino ang gamit sa pagtuturo ng Araling Panlipunan at
Edukasyong Pagpapahalaga. Ang Technology and Livelihood Education at MAPEH
ay kapwa itinuturo sa English.
Nang pasimulan ang Makabayan noong 2002, ang lahat ng komponente at
asignatura nito ay itinuturo sa wikang Filipino. Ang MAPEH ay Musika, Sining at
Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan (MSEPP) samantalang ang TLE ay
Teknolohiya at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (TEPP). Dahil nauukol
sa Pilipinas at pagiging Pilipino ang pinapaksa ng Makabayan, nararapat lamang na
ito ay ituro sa wikang Filipino. Subalit, isa sa mga pagbabago sa Makabayan
matapos ang unang taon nito ay ang pagtuturo ng TLE at MAPEH sa English. Ang
paggamit ng English sa pagtuturo ng ilang asignatura ng Makabayan sa
sekundaryang antas ay bunsod ng kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo
na palakasin ang pagtuturo ng English sa mga pampublikong paaralan.
SCQ 1.5
1. Ano ang iyong mapapansin na pinagkaiba sa lawak ng aralin ng MAPEH
at TLE kumpara sa Araling Panlipunan at EP sa sekundaryang antas?
2. Tanging nauukol lang ba sa Pilipinas ang pinag-aaralan ng mga
asignatura ng Makabayan sa sekundaryang antas? Kung hindi, ano pa
ang sinasaklaw ng mga asignatura ng Makabayan sa sekundaryang
antas?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 19
Takdang Oras ng Pagtuturo sa Makabayan
Iba-iba ang haba ng oras na nakalaan sa pag-aaral ng ibat ibang komponente
at asignatura sa Makabayan. Ito ay dahil iba-iba rin ang lawak at saklaw ng mga
paksa (scope and sequence) at ang kakayahan sa pagkatuto (learning
competencies) ng bawat asignatura. Sa sekundaryang antas, iba-iba rin ang bilang
ng kredit ng bawat asignatura dahil sa nagkakaiba rin ang takdang oras ng pagtuturo
ng mga ito. Mahalagang mabatid ang kredit na ito sapagkat ang pagpasa ng bata sa
susunod na taon o ang pananatili niya sa kanyang taon ay nababatay sa bilang ng
kredit na kanyang ipinasa o ibinagsak.
Sa elementarya, matatandaan na sa unang tatlong baitang ng mag-aaral ay
tanging Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao lamang ang asignatura.
Nakapaloob na dito ang MSEP samantalang ang EPP ay hindi pa pinag-aaralan.
Subalit pagdating sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang, may sarili ng takdang
oras ang MSEP at EPP. Tingnan ang talahanayan 8 para sa takdang oras ng bawat
asignatura sa Makabayan sa elementarya.
Talahanayan 8: Takdang Minuto Bawat Araw sa Pagtuturo ng
Makabayan sa Elementarya
Makabayan Baitang
1
Baitang
2
Baitang
3
Baitang
4
Baitang
5
Baitang
6
SK/HKS 60 60 60 40 40 40
EPP
Hindi pa
pinag-
aaralan
Hindi pa
pinag-
aaralan
Hindi pa
pinag-
aaralan
40 40 40
MSEP Integrado sa
SK
Integrado sa
SK
Integrado sa
SK
20 40 40
EP 30 30 30 20 20 20
Samantala, sa sekundarya, ang Araling Panlipunan (AP), MAPEH at TLE ay
may tig-240 na minuto bawat linggo. Sa MAPEH ang takdang-oras na ito ay
nahahati ng pantay sa apat na asignatura nito. Ang Edukasyon sa Pagpapahalaga
(EP) naman mula una hanggang ikaapat na taon ay may 120 minuto bawat linggo
para sa 2006-2007. Magiging 180 minuto ang EP bawat linggo sa ikatlong taon
simula sa 2007-2008. Pagdating ng 2008-2009, magiging 180 minuto na rin bawat
linggo ang EP sa ika-apat na taon. Tingnan ang talahanayan 9 para sa paghahati ng
oras at ang kaukulang kredit ng mga ito sa Makabayan sa sekundaryang antas.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 20
Talahanayan 9: Takdang Minuto at Bilang ng Kredit sa Pagtuturo ng
Makabayan sa Sekundarya
Asignatura Minuto Bawat Linggo Kredit
AP 240 1.2
TLE 240 1.2
MAPEH 240 1.2
EP 120 for I-IV in SY 2006-2007
180 for III in SY 2007-2008
180 for IV in SY 2008-2009
.6
.9
.9
CAT 35 oras sa Ika-4 na Taon .3
Sistema ng Markahan sa Makabayan
Ang sistema ng pagmamarka ay upang sukatin ang kinalabasan ng pagkatuto
ng mga mag-aaral at ang tiyak na kakayahang nalinang sa kanila. Bagamat ang
bata ay may grado o marka sa bawat asignatura, may kabuuang marka siya para sa
Makabayan. Sa baitang 1-3 ng elementarya, ang marka ng Makabayan ay ang
kabuuang bilang o suma ng marka ng SK at EP na hinati sa dalawa.7
Halimbawa,
SK - 82
EP - 84
166/2 = 83
Sa baitang 4-6 ang marka ng Makabayan ay ang kabuuang bilang o suma ng marka
ng HKS, MSEP, EPP at EP na hinati sa apat.8
Halimbawa,
HKS - 82
MSEP - 84
EPP - 85
EP - 83
334/4 = 83.5
7
“Character Education as a Separate Subject of Makabayan in the Elementary Level Effective SY 2005-2006,”
DepED Order No. 26, 2. 2005.
8
Ibid.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 21
Sa sekundaryang antas, matrabaho ang pagkompyut ng marka ng mag-aaral
sa Makabayan. Ito ay dahil sa iba ang bilang ng oras ng pagtuturo at kredit ng EP
kumpara sa iba pang mga komponente ng Makabayan. Bunga nito, iba rin ang
bahagdan o porsyento ng marka ng EP kumpara sa ibang komponente ng
Makabayan. Halimbawa, ang bahagdan o porsyento ng marka ng AP, TLE at
MAPEH sa unang tatlong taon ng sekundaryang antas ay nakuha matapos ang
kanilang bilang ng kredit na tig-1.2 ay hinati sa 4.2 na siyang kabuuang bilang ng
kredit ng Makabayan. Ang resulta ay 28.57% na siyang bahagdan ng AP, TLE at
MAPEH sa kabuuang marka ng Makabayan. Samantala, ang EP ay may .6 na
bilang ng kredit sa 2007-2008. Kapag ito ay hinati sa 4.2 na kabuuan na bilang ng
kredit ng Makabayan, lumalabas na 14.28% lamang ang bahagdan ng EP sa
kabuuang marka ng Makabayan. Tingnan ang Talahanayan 10 para sa isang
halimbawa ng pagkokompyut sa marka ng Makabayan sa 2007-2008.
Talahanayan 10: Halimbawa ng Pagkokompyut ng Marka sa Makabayan
sa Una Hanggang Ikatlong Taon
Sabjek/Komponente Marka % ng Kabuuang
Marka sa
Makabayan
Marka Para sa
Makabayan
AP 87 28.57% 24.85
MAPEH 88 28.57% 24.28
TLE 85 28.57% 25.14
EP 86 14.29% 12.29
100 % 86.56
Sapagkat nadagdagan ang minuto ng MAPEH dahil sa CAT sa ikaapat na
taon, nabago rin ang kanilang bilang ng kredit sa ikaapat na taon. Ang AP at TLE ay
may 1.2 na bilang ng kredit pa rin gayundin ang EP na may .6 na bilang ng kredit.
Subalit naging 1.5 ang bilang ng kredit ng MAPEH dahil sa nadagdag na oras ng
CAT. Dahil dito, ang kabuuang bilang ng kredit ng Makabayan ay nadagdagan sa
4.5. Nabago ang bahagdan ng AP at TLE sa marka ng Makabayan dahil sa
nabagong kabuuang bilang ng kredit ng Makabayan. Ang 1.2 ay hinati sa 4.5 kung
kaya’t lumalabas na tig-26.7% ang bahagdan ng AP at TLE sa kabuuang marka ng
Makabayan. Matapos hatiin ang 1.5 ng MAPEH sa 4.5, lumalabas na ang bahagdan
ng MAPEH sa marka ng Makabayan sa ikaapat na antas ay 33.3%. Ang .6 na
bilang ng kredit ng EP ay katumbas ng 13.3% na bahagdan sa marka ng
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 22
Makabayan. Tingnan ang Talahanayan 11 para sa isang halimbawa ng
pagkokompyut ng marka sa Makabayan sa ikaapat na taon.
Talahanayan 11: Halimbawa ng Pagkokompyut ng
Marka sa Makabayan sa Ikaapat na Taon
Sabjek/Komponente Marka % ng Kabuuang
Marka sa
Makabayan
Marka Para sa
Makabayan
AP 87 26.7% 23.23
TLE 85 26.7% 22.69
MAPEH 88 33.3% 29.30
EP 86 13.3% 11.44
100% 86.66
Simula 2007-2008, ang EP sa ikatlong taon ay may 180 minuto na bawat
linggo samantalang nananatiling 120 minuto bawat linggo sa iba pang antas ng
sekundarya. Sa pagpasok ng 2008-2009, magiging 120 minuto na rin bawat linggo
sa ika-4 na antas ng sekundarya.
Sa Makabayan, kailangang ipasa ng mag-aaral ang lahat ng asignatura nito.
Ang pagbagsak sa isang asignatura ay nangangahulugang dapat itong kunin muli ng
mag-aaral at ipasa. Hindi maaaring pumasa sa Makabayan kung ang isang
asignatura nito ay bagsak. Hindi rin maaaring pumasa ang mag-aaral at pumanik sa
susunod na antas o taon kung bagsak sa Makabayan. Sa sekundaryang antas, ang
mag-aaral na bumagsak sa bilang ng kredit na 3 ay hindi makakapanhik sa susunod
na taon. Kailangan niya munang ulitin at ipasa ang mga asignatura na kanyang
binagsak. Dahil ang kabuuang bilang ng kredit ng Makabayan ay 4.2 sa unang
tatlong taon at 4.5 sa ikaapat na taon ng sekundarya, samakatwid kapag ibinagsak
ito ng mag-aaral hindi siya maaaring pumanhik sa susunod na taon at kailangan
muna niyang ulitin at ipasa ito. Tingnan ang talahanayan 12 para sa bilang ng kredit
ng iba’t ibang saklaw na aralin sa 2002 BEC.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW
NA ARALIN (Learning Area)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 23
Talahanayan 12: Bilang ng Minuto at Bilang ng Kredit
ng mga Saklaw na Aralin sa Sekundaryang Antas ng 2002 BEC
Bilang ng Minuto Bawat
Linggo
Bilang ng KreditMakabayan
I – III IV I – III IV
Filipino 240 240 1.2 1.2
English 300 300 1.5 1.5
Mathematics 300 300 1.5 1.5
Science 360 360 1.8 1.8
Makabayan 840 875 4.2 4.5
TOTAL 2040 2075 10.2 10.5
Sa pagmamarka sa Makabayan dapat gumamit ng mga tradisyunal at
awtentikong pagtatasa (traditional and authentic assessment). Ang halimbawa ng
mga traditional assessment ay mga eksam na multiple choice, completion type,
matching type, fill-in-the-blanks, true or false, at mga short-answer question. Ang
authentic assessment ay gumagamit ng performance-based assessment, portfolio,
journals and oral interviews, self-evaluation at iba pa. Angkop na angkop ang
authentic assessment sa Makabayan sapagkat dito ipinakikita ang iba’t ibang uri at
antas ng talino ng mag-aaral ayon sa multiple intelligence.
Para sa mga detalye kung paano isinasagawa ang pagtatasa sa iba’t ibang
asignatura ng Makabayan, pag-aaralan ang seksyon ukol sa assessment o
ebalwasyon sa mga modyul sa Heograpiya/Kasaysayan/Sibika at Araling
Panlipunan; Technology and Livelihood Education; Music, Arts, P.E. and Health; at
Edukasyon sa Pagpapahalaga.
SCQ 1.6
1. Bakit masalimuot ang sistema ng markahan sa Makabayan sa sekundarya
kumpara sa elementaryang antas?
2. Ipakita mo nga ang ugnayan ng takdang oras ng isang asignatura sa
bahagdan ng kanyang marka sa kabuuang marka ng Makabayan?
3. Sa iyong palagay, ano ang dapat gamiting wika sa pagtuturo sa
Makabayan? Bakit?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
ARALIN 2
ANG INTEGRASYON SA
MAKABAYAN
INTRODUKSYON
Ang 2002 BEC ay isang pininong kurikulum (refined curriculum) na binubuo
ng limang saklaw na aralin kung saan may integrasyon sa kakayahang pagkatuto
(learning competencies) at paksa ang mga ito. Ang mga komponente ng
Makabayan ay maaaring pumasok sa integrasyon sa ibang saklaw na aralin ng 2002
BEC. Halimbawa, nararapat na nakapasok ang pagpapahalaga o values sa
pagtuturo ng Science, Mathematics, English at Filipino.
Dahil sa binubuo ang Makabayan ng iba’t ibang asignatura, ang
pinakamalaking hamon sa mga guro ng Makabayan ay kung paano isasagawa ang
integrasyon ng mga asignatura nito. Masalimuot ang prosesong ito sapagkat
kailangan pagkasunduin o hanapan ng pagkakapareho ang mga paksa at
kakakayahang pagkatuto ng mga asignatura ng Makabayan para bumuo ng isang
pinagsanib o integradong banghay-aralin (integrated lesson plan).
LAYUNIN
Ang mga sumusunod ang layunin ng araling ito:
1. Matalakay ang iba’t ibang pamamaraan ng integrasyon.
2. Maipaliwanag ang iba’t ibang antas ng integrasyon.
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 24
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
3. Mapaghambing ang integrasyon sa elementarya at sekundaryang antas.
4. Masuri ang mga hakbang sa pagsasagawa ng tematikong integrasyon.
5. Masuri ang proseso ng pagbuo ng pinagsanib o integradong banghay-
aralin gamit ang tematikong integrasyon.
BASAHIN
Kahulugan ng Integradong Pagtuturo
Dahil sa binubuo ang Makabayan ng iba’t ibang magkakaugnay na
komponente, nararapat ang integradong pagtuturo sa Makabayan. Ito ay isang
pamamaraan ng pagtuturo kung saan may pagkakaisa sa paksa o tema ang mga
asignatura ng Makabayan o kung saan ang tuon ng lahat ng asignatura ng
Makabayan ay nasa isang sentral na ideya. Nabubuo ang isang integradong
pagtuturo sapagkat sinisiyasat ang isang paksa o suliranin mula sa anggulo ng iba’t
ibang disiplina. Ito ay kakaiba sa pag-aaral na nakalimita sa iisang disiplina.
May mga bentahe ang integradong pagtuturo. Una, hindi tinitingnan ng mga
mag-aaral ang daigdig at mga bagay-bagay dito sa mata ng iisang disiplina o sangay
ng pag-aaral. Kabuuan ang pagtingin nila rito samakatwid ang pag-aaral ay
nararapat na sa kabuuan din. Pangalawa, maging ang pag-aaral ng anumang bagay
sa daigdig ay hindi nalilimita sa iisang disiplina. Tumatawid o bumabagtas ito sa
iba’t ibang disiplina kung kaya’t nagiging pag-aaral gamit ang maramihang disiplina o
multi-disciplinary. Sa ngayon, nauuso ang mga pag-aaral na tumatawid o kaya’y
pinagsasama-sama ang iba’t ibang disiplina. Halimbawa, environmental studies,
cultural anthropology, sociolinguistics at iba pa. Ang pagtingin sa isang paksa o
ideya sa kabuuan o gamit ang iba’t ibang disiplina ang tuon ng integradong
pagtuturo. Halimbawa, ang suliranin sa droga ay maaaring ituro ng integrado sa
Makabayan. Susuriin ng Health ang epekto nito sa katawan ng tao. Pag-aaralan ng
Araling Panlipunan ang lawak at lalim ng suliranin sa lipunan at ang maaaring
maging solusyon. Sa Edukasyong Pagpapahalaga, pag-aaralan siya sa ilalim ng
mga isyung moral sa kasalukuyang panahon. Maaari rin tingnan siya ng P.E. bilang
dahilan sa pagsusulong nito ng mga gawaing panlibangan.
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 25
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 26
Maraming pamamaraan sa integradong pagtuturo. Maaari itong content-
based instruction, focusing inquiry, generic competency model o thematic
integration.9
.
Iba’t Ibang Pamamaraan ng Integradong Pagtuturo
Para sa 2002 kurikulum, inirerekomenda ng Departamento ng Edukasyon ang
apat na pamamaraan ng integradong pagtuturo.10
Isa-isahin natin ang mga
pamamaraang ito. Mapapansin na pinaka-angkop para sa Makabayan ang
tematikong integrasyon.
Content-Based Instruction (CBI)
Ang content-based instruction ay isang pamamaraan ng integrasyon kung
saan ang nilalaman ng isang asignatura ay ginagamit bilang paksa sa pagtuturo ng
wika. Halimbawa ang mga paksa sa Sibika at Kultura o Heograpiya, Kasaysayan at
Sibika o Araling Panlipunan ay ginagamit sa pagtuturo ng Filipino samantalang
hango naman sa paksa ng Science at Health ang materyal na ginagamit sa
pagtuturo ng English. Sa pamamaraang ito, tumitibay ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa mga asignaturang pinagkunan ng nilalaman samantalang nahahasa ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa wika.
Ang pangunahing layunin ng CBI ay malinang sa mga mag-aaral ang
akademikong kakayahan sa wika. Tingnan sa Diagram 1 kung paano isinasagawa
ang CBI.
9
Ang talakayan sa apat na pamamaraan ng integrasyon na nirerekomenda ng DepEd ay hango sa 2002 Basic
Education Curriculum (BEC) Package, pp. 29-31.
10
Tinalakay ang apat na pamamaraan ng integradong pagtuturo sa The 2002 Basic Education Curriculum, pp.
30-31. Hango sa sangguniang ito ang talakayan sa seksyong ito.
SCQ 2.1
Ano ang integradong pagtuturo? Ipaliwanag mo kung ano ang bentahe ng pag-
aaral gamit ang integradong pagtuturo.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 27
Dayagram 1: Content-Based Instruction11
Focusing Inquiry
Ito ay isang interdisiplinaryong pamamaraan ng integrasyon kung saan ang
pag-aaral ay umiinog sa mga katanungan. Ang mga tanong ang pumupukaw
(activate) ng pag-aaral. Ang pag-aaral ay hindi nalilimitahan ng isang disiplina
bagkus ito ay tumatawid o bumabagtas sa iba’t ibang disiplina upang bigyan ng
linaw at kasagutan ang mga katanungan. Inoorganisa ang pag-aaral hindi ayon sa
disiplina kundi sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng kaalaman bilang tugon sa mga
katanungan. Naisasagawa ang pagkatutong may kabuuan o holistic learning.
Mula sa mga alam na bagay, naglalatag ng mga katanungan upang siyasatin
ang iba pang aspeto ng kaalamang hindi batid. Ang proseso ng pagsisiyasat at
pagtatanong ay nagbubunga ng mga bagong kasagutan na nagpapalawak sa
kaalaman ng mga mag-aaral. Ang bagong kaalaman ay sekundaryang layunin
lamang; ang pangunahing layunin ay ang matutunan ang proseso ng pagsisiyasat.
Generic Competency
Sa pamamaraang ito integrado ang mga paksa ng bawat displina dahil sa
may mga generic competency na makikita sa iba pang disiplina o asignatura.
Pinaniniwalaang may mga pare-parehong kakayahan na nililinang ang iba’t ibang
11
Primer on the 2002 Basic Education Curriculum (Elementary Level), n.p., n.d., p. 17.
ENGLISH FILIPINO
SCIENCE AND HEALTH
(Nilalaman)
SIBIKA AT KULTURA/HEOGRAPIYA
KASAYSAYAN AT SIBIKA
(Nilalaman)
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 28
disiplina. Samakatwid maaaring i-organisa ang integradong pagtuturo ng iba’t ibang
disiplina o asignatura ayon sa mga kakayahang ito. Sa Makabayan, ang mga
kakayahan ay maaaring pangkatin sa tatlong grupo: personal na pag-unlad
(personal development), kakayahang panlipunan (social competence) at kasanayan
sa paggawa (work skills). Sa pag-aaral ng Makabayan nililinang sa mga mag-aaral
ang pagtatamo ng mga kakayahan sa ilalim ng tatlong pangkat na ito.
Tematikong Pagtuturo
Sa tematikong pagtuturo inoorganisa ang pag-aaral na nakalibot o nakatuon
sa isang tema. Iniuugnay-ugnay ang mga paksa at proseso ng pag-aaral ng iba’t
ibang disiplina o asignatura sa temang ito. Sa pamamagitan nito, makikita ng mga
mag-aaral ang pag-uugnay ng mga asignatura o disiplina upang makabuo ng isang
makabuluhang pag-aaral na maaari rin nilang mailahad sa pang-araw-araw nilang
pamumuhay.
Ayon sa Handbook ng Makabayan sa Sekundaryang Antas, maisasagawa
ang tematikong pagtuturo sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:12
1. Humanap ng tema ng yunit kung saan lahat ng asignatura ay maaaring
makisanib o makiisa.
2. Kilalanin ang pangunahing konsepto na magsisilbing “integrating lens.”
3. Saputin (web) o pagtugma-tugmain ang mga paksa ng bawat asignatura sa
ilalim ng tema o pangunahing konsepto.
4. Kilalanin ang mga pangunahing kaalamang dapat maunawaan (essential
understandings) o mga paglalahat (generalization) na mahihinuha sa pag-
aaral ng mga paksa.
5. Sama-samang pag-isipan ang mga mahahalagang tanong na kailangan
upang mapadali ang pag-aaral ng mga pangunahing kaalamang dapat
maunawaan.
6. Itala ang mga proseso at mahahalagang kasanayan (key skills) na dapat
bigyang-tuon.
12
The 2002 Basic Education Curriculum, pp. 30-31.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 29
7. Gumawa ng isang integrado o pinagsamang banghay-aralin batay sa
kinilalang tema, konsepto, paksa, pangunahing kaalamang dapat maunawaan
at mahahalagang tanong.
8. Mag-isip ng isang aktibidad o pagtatanghal na nag-uugnay sa lahat ng
pinaksa sa integrasyon at magsisilbing pagtatapos (culminating activity) ng
integradong pagtuturo.
9. Magdisenyo ng scoring guide (criteria at standard o mga pamantayan) para
sa pagtatasa o ebalwasyon ng mga kakayahan at kasanayang natamo ng
mga mag-aaral.
Gamit ang tematikong pamamaraan, makabubuo ang mga guro ng mga
pinagsanib o pinagsama o integradong banghay-aralin sa Makabayan. Upang
maisagawa ang pagbuo ng integradong banghay-aralin at para maituro ito sa
integradong pamamaraan, nangangailangan ito ng kooperasyon at kolaborasyon ng
iba’t ibang guro na ang bawat isa ay may ispesyalisasyon sa isang partikular na
asignatura. Tunghayan ang halimbawa ng pinagsanib na banghay-aralin sa
elementarya at sekundaryang antas sa dulo ng araling ito.
Tingnan sa ibaba ang iba’t ibang pamamaraan ng pagsasagawa ng
tematikong integrasyon. Ang unang dalawang modelo ay para sa elementaryang
antas ng Makabayan samantalang ang ikatlong modelo ay para sa sekundaryang
antas.13
Sa Modelo 1 para sa baitang I-III, ang Sibika at Kultura at Edukasyong
Pagpapakatao ang tumatayong core o sentro ng integrasyon. Pumapaloob sa paksa
niya ang pagtuturo ng mga paksa sa Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas
ng Katawan (MSEP). Matatandaan na ang MSEP ay itinuturo sa baitang I-III na
integrado sa Sibika at Kultura. Maaari pa ring gamiting core ang Sibika at Kultura at
Edukasyong Pagpapakatao sa integrasyon ng Makabayan sa baitang IV-VI tulad ng
halimbawa ng pinag-isang banghay-aralin sa elementaryang Makabayan na makikita
sa dulo ng araling ito.
13
Primer on the 2002 Basic Education Curriculum (Elementary Level), n.p., n.d., pp. 18-19.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
Dayagram 2: Modelo 1 ⎯ Makabayan Baitang I - III
Sibika at Kultura at Edukasyong
Pagpapakatao
Musika
Sining
Edukasyon
sa
Pagpapalakas
ng Katawan
Sa Modelo 2 na maaaring gamitin sa Makabayan sa baitang IV hanggang VI,
may isang pinag-isang tema o unifying theme kung saan pumapasok ang mga paksa
ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan. Dapat mag-usap ang mga guro ng iba’t
ibang asignatura ng Makabayan at suriin ang tema na dumadaloy sa mga paksa ng
kanilang asignatura sa isang partikular na markahan at taon.
Dayagram 3: Modelo 2 ⎯ Makabayan Baitang IV – VI
Musika
Edukasyon sa
Pagpapalakas ng
Katawan
Sining
Edukasyon sa
Pagpapalakas ng
Katawan
UNIFYING THEME
(Common to All Makabayan
Learning Areas)
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 30
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 31
Dayagram 4: Modelo 3 ⎯ Bumabagtas sa Lahat ng Komponente ng Makabayan
sa Sekundaryang Antas14
Tulad ng Modelo 2, ang Modelo 3 ay gumagamit din ng pinag-isang tema
upang pumasok sa integrasyon ang iba’t ibang asignatura ng Makabayan sa
sekundaryang antas. Nararapat din ang pag-uusap at kolaborasyon ng mga guro ng
iba’t ibang asignatura ng Makabayan upang maisagawa ang integradong pagtuturo.
14
Binago ng may akda mula sa modelo 3 (Across All Learning Areas) ng DepEd.
Unifying Theme
(Common to All
Component Areas)
Araling
Panlipunan
Music
Arts
Edukasyon sa
Pagpapahalaga P.E.
Technology
& Livelihood
Education
Health
SCQ 2.2
Paghambingin mo nga ang iba’t ibang pamamaraan ng integrasyon?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
Pagkakaiba ng Integrasyon sa Makabayan sa Elementarya at
Sekundarya
Higit na mahirap ang integrasyon sa sekundaryang antas kumpara sa
elementaryang antas. Ito ay dahil sa maraming kadahilanan. Una, may tinanghal na
core o sentro ng Makabayan sa elementarya. Mula baitang 1-3, ang core ay Sibika
at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao sapagkat ito lamang ang asignatura ng
Makabayan (tingnan ang Modelo 1 ng tematikong integrasyon). Nakapaloob na sa
Sibika at Kultura ang MSEP samantalang hindi pa itinuturo ang EPP. Samantala,
bagamat may bukod na oras ng pagtuturo ang MSEP at EPP pagdating sa baitang
4-6 at may sarili ring oras ang Edukasyong Pagpapakatao, nananatiling core o
sentro ng Makabayan ang Heograpiya/Kasaysayan/Sibika.
Pangalawa, higit na madali ang integrasyon ng Makabayan sa elementarya
sapagkat kakaunti ang mga paksa na dapat pag-aaralan sa Makabayan. Gayundin,
madaling pag-ugnay-ugnayin ang mga kakayahang pagkatuto.
Pangatlo, ang guro ng elementarya ay generalist o nagtuturo siya ng iba’t
ibang asignatura. Hindi siya tulad ng sa sekundarya kung saan may ispesyalisasyon
na ang mga guro. Samakatwid, pangkaraniwan sa baitang 1-3 na iisa ang guro ng
bata sa buong Makabayan. Siya ang tanging may kontrol sa natutunan ng bata at
maiaayon niya ang pagtuturo niya upang masigurong matatalakay lahat ng mga
kakayahang pagkatuto sa Makabayan maging ito ay pangmusika, pansining, pang-
edukasyong pangkatawan o sibika at kultura.
Sa kabilang dako, masalimuot ang proseso ng integrasyon sa sekundaryang
antas. Una, malawak ang saklaw na paksa ng iba’t ibang asignatura sa Makabayan.
Kung minsan, mahirap humanap ng tema na dadaloy sa lahat ng mga asignaturang
ito lalo pa at mahirap ang paksang tinatalakay sa panahong iyon ng ilan sa mga
asignatura.
Pangalawa, dahil nga sa malawak ang saklaw na paksa ng bawat asignatura,
ispesyalisado na ang mga guro sa sekundaryang antas at ang kaalaman nila ay
karaniwang nakalimita o nakatuon sa kanilang asignatura lamang.
Kailangan ng pag-uusap at pagtutulungan ng lahat ng gurong nagtuturo ng
iba’t ibang asignatura ng Makabayan upang maisagawa ang integrasyon.
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 32
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
Pangatlo, mahirap ang integrasyon sa sekundaryang antas sapagkat wala
namang asignaturang hinirang na maging sentro o core sa antas na ito.
Samakatwid, ang tanging pamamaraan ay ang humanap ng tema na dumadaloy sa
lahat ng asignatura ng Makabayan (tingnan ang Modelo 3 ng tematikong
integrasyon). Maaari rin itong isagawa sa Makabayan sa ika-4 hanggang ika-6 na
baitang (tingnan ang Modelo 2 ng tematikong integrasyon). Sa pamamaraang ito
dapat ilatag ang mga paksa at kakayahang pagkatuto sa bawat asignatura at
paghambingin ang mga ito. Dapat na magsama-sama ang mga guro ng iba’t ibang
asignatura ng Makabayan upang magtalakayan at magpalitan ng kuru-kuro ukol sa
maaaring maging tema ng integrasyon.
Bukod sa mga pagkakaibang ito, ang integrasyon sa Makabayan sa
elementarya ay maaaring isagawa sa loob ng isang araw. Ito ay dahil lahat ng mga
asignatura ay may takdang oras araw-araw at itinuturo araw-araw. Subalit sa
sekundaryang antas ang integrasyon ay malamang na maganap ng isang buong
linggo. Ito ay dahil hindi lahat ng asignatura ng Makabayan ay itinuturo araw-araw.
Halimbawa, ang EP sa una hanggang ikatlong taon ay maaaring itinuturo lamang ng
dalawang beses isang linggo dahil sa ang takdang oras nito ay 120 minuto lamang
bawat linggo. Gayundin, bagamat ang MAPEH ay may takdang oras na 240 minuto
bawat linggo, ito naman ay dapat hatiin sa apat na asignatura ng MAPEH.
Samakatwid, ang takdang oras ng Music, Arts, P.E. at Health ay 60 minuto lamang
bawat isa bawat linggo. Karaniwang ang miting sa bawat asignatura ay minsan
lamang sa isang linggo. Sa gayon, ang integrasyon ay hindi maaaring maisagawa ng
isang araw lamang dahil maaaring walang EP, Music, Arts o P.E. sa araw na iyon.
SCQ 2.3
Batay sa mga kadahilanang nabanggit, naniniwala ka bang higit na masalimuot
at mahirap ang integrasyon sa sekundarya kumpara sa elementaryang antas?
Bakit?
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 33
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 34
Iba’t Ibang Antas ng Integrasyon
Kapag pinakanta, pinaguhit o pinagmartsa ba ang mga mag-aaral sa isang
paksa sa Araling Panlipunan nangangahulugan bang nagkaroon na ng integrasyon
ng musika, sining o edukasyong pangkatawan? Hindi ito integrasyon sapagkat ang
pagsagawa ng mga kasanayang motor (motor skills) na iyan ay ginamit lamang
bilang pagganyak o lunsaran sa talakayan. Upang maging tunay na integrasyon,
nararapat na nakaugat sa kakayahang pagkatuto ang integrasyon. Dapat talakayin o
pag-aralan ang mga kakayahang pagkatuto ng musika, sining o edukasyong
pangkatawan upang maunawaan din ang mga paksang tinatalakay sa mga
asignaturang ito. Samakatwid, sa pag-awit maaaring talakayin ang iba’t ibang uri ng
boses o ang mga hulwarang ritmo. Sa pagguhit, maaaring talakayin ang primary o
complementary colors. Sa P.E. maaaring talakayin ang mga kaangkupang pisikal.
Gayundin, upang higit na maging makabuluhan ang integrasyon sa mag-
aaral, hangga’t maari ang integrasyon ng mga paksa at kakayahang pagkatuto ay
dapat magkakahanay o may alignment. Ibig sabihin, ang mga paksa at kakayahang
pagkatuto ng mga asignatura ay dapat nasa pare-parehong markahan at baitang o
taon. Sa ganitong paraan, ang paksang tinalakay at ang kakayahang pagkatutong
binigyang pansin ng isang asignatura ay napagtitibay o napalalakas (reinforced) sa
iba pang asignatura dahil sa tinatalakay din ito rito ng halos magkasabay. Dahil sa
kailangang magkakahanay sa pare-parehong baitang o taon at markahan ang mga
paksa, sadyang mahirap at masalimuot ang proseso ng integrasyon. Madali ang
integrasyon kung ang paksa at kakayahang pagkatuto ng asignaturang iyong
isasama o isasanib ay kahit na ano na lamang subalit hindi magiging angkop ito sa
kasalukuyang talakayan sa asignaturang isinanib o isinama.
Samakatwid, hindi inaasahan na sa araw-araw o linggo-linggo ng pagtuturo
ay nagsasagawa ng integrasyon ang mga guro ng Makabayan. May mga panahon
na sadyang mahirap humanap ng temang dadaloy sa lahat ng mga pinapaksa ng
mga asignatura ng Makabayan. May mga panahon din na may temang dumadaloy
sa ilan lamang na asignatura ng Makabayan. Sa ganitong panahon, maaari ring
magsagawa ng integrasyon ang mga naturang asignatura bagamat sila-sila lamang.
Bahaging integrasyon o partial integration ito sa Makabayan. Kapag lahat ng
asignatura ng Makabayan ay pumapaloob sa isang tema at nakagawa ang mga guro
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
ng isang integrado o pinagsamang banghay-aralin, masasabing ito ay integrasyong
buo o total integration.
Upang matulungan ang mga guro na bumuo ng isang integrado o pinagsama-
samang banghay-aralin, minarapat ng Departamento ng Edukasyon na magbigay ng
halimbawa ng temang nahalaw sa bawat markahan at taon ng Makabayan sa
sekundaryang antas. Ang mga temang ito ay dumadaloy sa magkakahanay (aligned)
na paksa at kakayahang pagkatuto ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan.
Tingnan ang Talahanayan 13.
MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 35
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 36
Talahanayan 13: Pinag-isangTema at Paksa sa Makabayan sa Sekundaryang Antas15
Taon/
Markahan
Unang Markahan Ikalawang Markahan Ikatlong Markahan Ikaapat na Markahan
Unang
Taon
*Tao: May Likas na Potensyal
** Ang Tao sa Pagpapaunlad ng
Kanyang Potensyal
* Hamon sa Pagbabago at
Pag-unlad
** Positibong Pananaw
* Disiplina: Susi sa Pag-unlad
ng Bansa
** Edukasyong
Pagkamamamayan
*Edukasyong Pagkamamamayan
**Mapanagutang Mamamayan
Ikalawang
Taon
* Pansarili, Panlipunan at
Pangkulturang Kaunlaran
** Kamalayan
*Pakikipagkapwa-Tao
**Pamilya, Paaralan at
Pamayanan
* Pamana at Pag-unlad ng
Teknolohiya
** Teknolohiya Noon at
Ngayon
*Mga Pangkasalukuyang Isyu at
Suliranin
**Mga Isyu at Suliranin sa Lipunan:
Sagabal sa Pag-unlad
Ikatlong
Taon
* Pagpapaunlad ng Kalagayan
ng Tao
**Ang Pagpapaunlad ng Tao sa
Iba’t Ibang Aspeto: Pisikal,
Sosyo-Kultural, Ekonomik,
Ispiritwal at Mental
* Pagkamalikahain
**Pagkamalikhain sa
Larangan ng Sining
* Paglinang ng Talino at
Kakayahan
** Talino at Kakayahan sa
Iba’t Ibang Larangan
* Mapanagutang Pagpapasya
**Pagpapaunlad ng Mapanagutang
Pagpapasya
Ikaapat
na Taon
* Sarili Bilang Batayan sa
Pagpapaunlad ng Pamilya,
Pamayanan at Bansa
** Pagpapaunlad ng Sariling
Kakayahan Tungo sa
Pagpapabuti ng Kalagayan ng
Pamilya, Pamayanan at Bansa
*Produktibo at
Mapanagutang
Pamamahala
**Ang Kahalagahan ng
Produktibo at
Mapanagutang Pamamahala
*Tungkulin at Pananagutan ng
Mamamayan/ Manggagawa
**Pagganap ng mga Tungkulin
at Pananagutan ng isang
Mamamayan
* Aktibong Pakikilahok
(Participative Citizenship)
** Ako, Ikaw, Tayong Lahat: May
Pananagutang Dapat Isabalikat
* Pinag-isang Tema
** Paksa
15
Patnubay sa Operasyonalisasyon ng Makabayan, p. 251.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 37
Gamit ang mga temang nailatag sa talahanayan 13, maaari nang bumuo ng
isang integrado o pinagsanib na banghay-aralin. Tingnan ang dayagram 5 para sa
proseso ng pagbubuo ng isang integradong banghay-aralin sa sekundaryang antas.
Dayagram 5: Proseso ng Pagbuo ng Integradong Banghay-Aralin
MAKABAYAN
Layunin ng Makabayan
Layuning Pagkatuto sa Bawat Asignatura
AP TLE MAPEH EP
Lawak at
Saklaw ng
Paksa
Lawak at
Saklaw ng
Paksa
Lawak at
Saklaw ng
Paksa
Lawak at
Saklaw ng
Paksa
PINAG-ISANG TEMA
Banghay-
Aralin
Banghay-
Aralin
Banghay-
Aralin
Banghay-
Aralin
INTEGRADONG
BANGHAY-ARALIN
Batayang
Kakayahang
Pagkatuto
Batayang
Kakayahang
Pagkatuto
Batayang
Kakayahang
Pagkatuto
Batayang
Kakayahang
Pagkatuto
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 38
Mga Halimbawa ng Integradong Banghay-Aralin sa Makabayan
Tunghayan sa mga susunod na pahina ang tatlong halimbawa ng banghay-
aralin sa Makabayan. Ang una ay para sa elementarya kung saan ginagamit ang
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HKS) at Edukasyong Pagpapakatao (EP) bilang
core. Ang susunod ay banghay aralin sa sekundarya kung saan gumagamit ng
tematikong integrasyon. Ang tema ay hinango mula sa nakalatag sa talahanayan
13. Ang ikatlong banghay-aralin ay sa elementarya at ito ay gumagamit ng content-
based instruction. Ibig sabihin ang nilalaman o paksa ay mula sa Heograpiya,
Kasaysayan at Sibika (HKS) samantalang hinahasa ang kasanayan sa Filipino.
I. Banghay-Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan Gamit ang HKS at
EP bilang Core
Pag-aralan natin ang isang banghay-aralin sa Makabayan sa Baitang V sa
elementarya kung saan ang nagsisilbing core ay ang Sibika at Kultura at
Edukasyong Pagpapakatao.
Makabayan V, Unang Markahan16
Tema: Pagpapahalaga sa pagsisikap ng mga sinaunang Pilipino sa
pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
Layunin:
HEKASI: Natatalakay kung paano pinaunlad ng mga sinaunang
Pilipino ang payak nilang pamumuhay upang makibagay
sa pag-unlad ng panahon.
EPP: Natutukoy ang mga pangunahing gawaing
pangkabuhayan sa pamayanan.
MSEP: Nakatutugon sa ritmong 2 dalawahang kumpas ng himig
4
sa pamamagitan ng kilos-katawan.
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa gawain, pagiging masipag at
matiyaga.
16
Inihanda ni Thelma T. Balatbat, Master Teacher 1, Sta. Ana Central School, Pampanga.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 39
Paksa:
HEKASI: Mga Paraan ng Paghahanapbuhay ng mga Sinaunang
Pilipino.
EPP: Mga Pangunahing Gawaing Pangkabuhayan
MSEP: Ritmong Dalawahan
Sanggunian: Pamana 5, ph. 45-47
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan, ph.
103
Umawit at Gumuhit, ph.6-7
Mga Kagamitan: picture puzzle, larawan, manila paper
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral
a. Anu-ano ang naging panahanan ng mga sinaunang Pilipino?
b. Ilarawan ang uri ng kanilang pamumuhay.
B. Pagtalakay sa ritmong dalawahan
1. Pagpapakita sa larawan
a. Ano ang ipinakikita sa larawan?
b. Saan makikita ang ganitong gawain?
c. Anong awitin ang angkop sa ganitong gawain?
2. Ipaawit ang “ Magtanim ay Di Biro.”
a. Ano ang tinutukoy sa awitin?
b. Ano ang dapat na maging saloobin sa ganitong gawain? Bakit?
c. Ano ang palakumpasan ng awitin?
d. Paano ang pagkumpas nito?
e. Anong ritmo ang sinusunod sa pag-awit nito?
f. Magpakita ng kilos para sa ritmong dalawahan.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 40
g. Ipaawit sa isang pangkat ang awitin habang ang kabilang pangkat ay
kumukumpas o kumikilos sa ritmong dalawahan.
C. Pagtalakay sa mga paraan ng paghahanapbuhay ng mga Sinaunang
Pilipino.
1. Pagbuo ng picture puzzle.
a. Ano ang ipinakikita sa mga larawan?
b. Ano sa tingin ninyo ang ating aralin ngayong hapon?
c. Anu-ano ang gusto ninyong malaman tungkol sa aralin?
2. Pagbasa at pagtalakay sa aralin sa pamamagitan ng graphic organizer.
D. Pagtalakay sa pangunahing gawaing pangkabuhayan ngayon.
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga sinaunang Pilipino ng iba’t
ibang uri ng pamumuhay?
2 Anu-ano ang pangunahing pangangailangan ng tao? (pagkain, pananamit,
tirahan)
3 Anu-anong gawain ang nakatutugon sa pangangailangan ng pagkain?
(pangingisda, pagsasaka, pag-aalaga ng hayop)
4 Anu-anong gawain ang nakatutugon sa pangangailangan sa pananamit?
(pananahi, paghahabi)
5 Anu-anong gawain ang nakatutugon sa pangangailangan sa tirahan?
(karpintero, tubero, elektrisyan)
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 41
E. Paglalahat
1. Ilarawan ang katangian ng mga sinaunang Pilipino batay sa kanilang
panahanan at kabuhayan ?
2. Anu-ano ang mga paraang pangkabuhayan na natutunan ng mga Pilipino
sa pagdaan ng panahon?
3. Ano ang mga sanhi ng pagkatuklas ng mga paraang pangkabuhayan?
4. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ekonomiyang binubuo ng iba’t
ibang uri ng kabuhayan?
F. Paglalapat
1. Pagkakaroon ng paligsahan tungkol sa mga gawaing pangkabuhayan.
2. Pagsusulit. Isulat sa patlang kung saang paraan ng panghanapbuhay may
kaugnayan ang mga sumusunod:
a. Banawe Rice Terraces____
b. Bingwit________________
c. Kalabaw_______________
d. Sibat__________________
e. Ginto_________________
f. Halamang-gubat_________
g. Bakal_________________
h. Lambat________________
i. Manok________________
j. Perlas_________________
3. Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng mga pangunahing
pangkabuhayan ng mga sinaunang Pilipino.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 42
II. Banghay-Aralin sa Sekundaryang Antas ng Makabayan Gamit ang
Tematikong Integrasyon
Ang susunod na banghay-aralin ay sa sekundaryang antas ng Makabayan.
Gumamit ito ng tematikong integrasyon kung saan ang tema ay hango sa inilatag na
tema ng DepEd na makikita sa Talahanayan 13 sa pahina 36.
PINAGSANIB NA BANGHAY ARALIN SA MAKABAYAN I17
Unang Taon, Ikalawang Markahan
Pinag-isang Tema: Hamon sa Pagbabago at Pag-unlad
I. Pangkalahatang Layunin:
1. Music: Napapahalagahan ang pagkakaroon ng pagbabago ng iba’t-ibang
huwarang ritmo sa takdang-galaw na 3.
4
2. Arts: Nalalaman ang uri ng mga kulay na ginamit sa pagpipinta sa
panahon ng mga Español.
3. P.E.: Nakabubuo ng isang sayaw na ginagamitan ng mga hakbang sa
palakumpasang 3.
4
4. Health: Nalalaman ang mga nangyayari at nararamdamang mga pagbabago
ng mga tinedyer.
5. A.P.: Napapahalagahanan ang mga pagsisikap ng mga Pilipino na
malinang ang kanilang kamalayan.
6. E.P.: Nalalaman kung paano palalakasin ang mga kahinaan ng mga
kabataan upang makaangkop sa pagbabago.
7. TLE: To explain the importance of knowing oneself.
II. Tiyak na Layunin:
1. Music
1.1 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng takdang galaw na 3.
4
17
Binuo ng mga kasapi ng Makabayan Roadshow Workshop para sa Sekundaryang Antas ng Oriental Mindoro
National College (OMNC). Ang naturang seminar-workshop ay isinagawa ng Teacher Education Council ng
DepED.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 43
1.2 Nabibigyan ng halaga ang iba’t-ibang uri ng nota.
1.3 Nakalilikha ng iba’t ibang huwarang ritmo sa takdang galaw na 3.
4
1.4 Nalalapatan ng instrumentong perkusyon o tunog-tao ang mga
nilikhang huwarang ritmo.
2. Arts
2.1 Natutukoy ang mga huwarang ipininta sa panahon ng Español.
2.2 Naibibigay ang iba’t-ibang uri ng complementary color na ginagamit sa
pagpipinta.
2.3 Nakaguguhit ng mga larawan na ginagamitan ng iba’t ibang
complementary colors.
3. P.E.
3.1 Natutukoy ang mga hakbang-galaw sa palakumpasang 3.
4
3.2 Naisasagawa ang mga hakbang-galaw sa palakumpasang 3.
4
4. Health
4.1 Natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga at
pagbibinata.
4.2 Naipaliliwanag ang mga pagbabago bunga ng pagdadalaga at
pagbibinata.
5. A.P.
5.1 Naipaliliwanag ang paraan ng pakikitungo at pagtutol ng mga Pilipino
sa pananakop ng mga Español
5.2 Naiisa-isa ang mga rebelyong naganap bilang pagtutol sa mga
Español.
5.3 Naipahahayag ang pagpapahalaga sa kagitingan ng mga Muslim at
mga katutubo laban sa mga Español
6. E.P
6.1 Naibibigay at nailalarawan ang mga kahinaan ng mga kabataan.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 44
6.2 Natutukoy ang mga positibong paraan upang mapalakas ang mga
kahinaan.
7. TLE
7.1 To explain the different factors that influence a person’s outlook in life.
7.2 To identify the strengths and weaknesses of an individual.
7.3 To discuss the importance of goal-setting.
7.4 To prepare a plan for the realization of one’s goals.
III. Nilalaman
A. Pinag-isang Tema: Hamon sa Pagbabago at Pag-unlad: Positibong
Pananaw
B. Paksa
1. Music: Huwarang Ritmo sa Takdang-Galaw na 3
4
2. Arts: Complementary Colors
3. P.E.: Mga Batayang Hakbang Galaw Bilang Kasanayan sa
Palakumpasang 3.
4
4. Health: Mga Pagbabago Bunga ng Pagdadalaga at Pagbibinata
(Pangkatawan, Pandamdamin, Panlipunan, at Pangkaisipan).
5. A.P.: Mga Reaksyon sa Kolonyalismo
6. E.P. Pagkilala sa mga Kahinaan ng mga Kabataan
7. TLE Person’s Outlook in Life
Goals and Goal-Setting
C. Batayang Kaisipan
1. Music: Ang ritmo ay tumutukoy sa natural na daloy o pag-uulit ng
magkakaugnay na elemento ng musika sa isang komposisyon.
Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng lahat ng mga nangyayari sa
tono na may kinalaman sa panahong iniuukol sa pagtugtog ng
mga ito.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 45
2. Arts: Naipakikita ang mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino at
ang kaangkupang pagbabago sa pamamaraan ng pagpipinta sa
panahon ng Español sa pamamagitan ng paggamit ng
complementary colors.
3. P.E.: Ang sayaw na “Mazurka Mindoreno” ay naangkop sa
palakumpasang 3.
4
4. Health: Mahalagang maunawaan ng mga kabataan ang pagbabago
bunga ng pagdadalaga at pagbibinata.
5. A.P.: Bawat Pilipino ay may pananagutang ipagtanggol ang bansa
tulad ng mga ipinamalas na kabayanihan ng mga Pilipino noong
panahon ng Español.
6. E.P.: Ang pagkilala sa sariling kahinaan ay mahalagang sangkap
tungo sa pag-unlad.
7. TLE: A positive outlook in life is an instrument in achieving one’s
goals.
D. Kagamitan:
1. Music: Iskor ng awit na “Sa Kabukiran”, tape recorder, gitara,
instrumentong perkusyon (tamburin), sand blocks, triangle, stick.
2. Arts: bond paper, lapis, krayola, ruler, compass, larawang ipininta sa
panahon ng Kastila
3. P.E.: “Mazurka Mindoreno” at iba pang 3. na tugtugin, cassette
recorder 4
4. Health: larawan ng isang tinedyer
5. A.P.: bond paper, lapis, manila paper, ruler
6. E.P.: cassette recorder, kagamitang biswal
7. TLE: poster, manila paper, pentel pen
E. Mga Sangguniang Aklat
Mapeh: 1. Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan at Musika I, SEDP
2. Music for the Classroom Teacher ni Castillo at Gloria
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 46
3. Musika at Sining I
A.P. Kabihasnang Pilipino ni Mateo (patnugot) et. al.
E.P. Yaman sa Pagkatao I
TLE Technology and Home Economic. in the 21st
Century by R.C. Cruz
IV. Pamamaraan
Music
A. Pagganyak: Iparinig at pagkatapos ay awitin ang “Sa Kabukiran.”
1. Ano ang daloy ng tono sa inyong pinakinggan at inawit?
2. Kapag ang pulso ng awit ay napapangkat sa tatlo, anong takdang galaw
nito?
B. Paglalahad:
1. Pagpapaliwanag sa kahulugan ng takdang-galaw ng tatluhan.
2. Pagbibigay ng halaga sa iba’t ibang uri ng nota.
3. Sa takdang-galaw na 3 anong uri ng nota ang tumatanggap ng isang
4
kumpas?
4. Pansinin ninyo ang pangkat ng nota na may iba’t ibang haba ng tunog.
5. Pangkatin ang mga mag-aaral upang makalikha ng iba’t-ibang huwarang
ritmo sa takdang-galaw na 3.
4
C. Paglalapat: Paggamit o paglapat ng instrumentong perkusyon sa mga
nilikhang hulwarang ritmo.
D. Ebalwasyon: Indibidwal na paggawa ng hulwarang ritmo.
E. Kasunduan: Mamili ng isang katutubong awitin na nasa palakumpasang
3.
4
Siyasatin at pag-aralan ang mga hulwarang ritmo na ginamit dito. Awitin
ito sa susunod na pagkikita.
Arts
A. Pagganyak: Pagpapakita ng mga larawang ipininta noong panahon ng
Español.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 47
B. Paglalahad: Pagtukoy sa iba’t ibang complementary colors na ginamit sa
pagpapinta.
C. Talakayan: Pagpipinta o pagguhit ng mga makasaysayang lugar o
kaugalian sa panahon ng mga Español sa pamamagitan ng
complementary colors.
D. Paglalapat: Pagbibigay ng mga detalye o pangyayari sa mga larawang
iginuhit.
E. Ebalwasyon: Anu-ano ang mga complementary colors na ginamit sa
panahon ng Español? Anu-ano ang kahalagahan nito?
F. Kasunduan: Gumamit ng mga larawan na ginuhit sa kasalukuyang
panahon na nagpapakita ng malaking pagsulong sa larangan ng
pagpipinta.
P.E.
A. Pagganyak: Pagbibigay halimbawa sa mga katutubong sayaw.
B. Paglalahad: Mga hakbang-galaw sa palakumpasang 3.
4
C. Talakayan: Pagpapakita ng iba’t ibang hakbang-galaw sa
palakumpasang 3.
4
Bleking Redoba
Sway Balance Series Mazurka
Paso Español Bacui
Sagamantica Sangig
D. Ebalwasyon: Pagpapangkat-pangkat upang isayaw ang mga hakbang-
galaw sa palakumpasang 3.
4
E. Takdang-Aralin: Bumuo ng isang sayaw na gumagamit ng hakbang-
galaw sa palakumpasang 3.
4
Health
A. Balik-Aral: Wastong Kaugaliang Pangkabuhayan
B. Pagganyak: Suriin ang mga pagbabago sa anyo ng mga nagbibinata at
nagdadalaga.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 48
C. Paglalahad:
1. Papuntahin sa pisara at isulat ang mga nakikitang pagbabago sa mga
nagdadalaga at nagbibinata.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung napapansin nila ang mga
pagbabagong ito sa kanilang sarili.
3. Pagpapangkat-pangkat at pagsasadula ng mga pagbabagong nakikita
sa katawan, pandamdamin, kaisipan at panlipunang pagkilos ng mga
nagbibinata at nagdadalaga.
D. Ebalwasyon: Maikling pagsusulit.
E. Kasunduan: Alamin ang mga salik na nakakaapekto sa paglaki at pag-
unlad.
A.P.
A. Pagganyak: Ipaawit ang “Bayan Ko.”
B. Paglalahad:
Unang Araw
1. Ano ang mga patakaran na ipinatupad ng mga Español?
a. Kristiyanisasyon
b. Pasipikasyon
c. Imposisyong Kolonyal (polo, vandala, tribute at iba pa)
2. Anu-ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa mga ipinatupad na
patakarang ito?
Ikalawang Araw: Pagsasadula ng mga piling rebelyon sa panahon ng
Español.
1. Itala at ipaliwanag ang mga sanhi ng mga rebelyon.
2. Bakit bigo ang mga rebelyon?
Ikatlong Araw: Malayang Talakayan
1. Bakit matagumpay ang Muslim at iba pang katutubo tulad ng mga
Igorot sa paglaban sa mga Español.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 49
Ikaapat na Araw: Paggawa ng collage ukol sa iyong damdamin sa pananakop
ng mga Español.
C. Ebalwasyon: Maikling Pagsusulit
D. Kasunduan: Pag-aralan ang susunod na aralin ukol sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
E.P.
A. Pagganyak: Pagpaparinig ng awit na “Toyang.”
B. Paglalahad: Talakayan tungkol sa “Ang Aking Mga Kahinaan.”
C. Pagtatalakay:
1. Isa-isahin ang mga kahinaan ng mga kabataan.
2. Ano ang mga nararapat na gawin upang maiwasan, malimitahan at
matanggap ang mga kahinaan.
3. Paano mapagtatagumpayan ang kahinaang taglay ng bawat isa?
4. Paano ito makatutulong sa pag-unlad ng isang kabataan?
D. Paglalapat: Pagsasadula ng mga natuklasang kahinaan at kung paano ito
mapagtatagumpayan.
E. Paglalahat: Base sa ating tinalakay, paano ninyo mailalarawan ang
salitang kahinaan?
F. Ebalwasyon: Magbalangkas ng mga gagawin upang malampasan mo ang
iyong kahinaan.
TLE
A. Motivation: Storytelling
B. Lesson Proper:
1. Define what is outlook in life and explain the factors influencing it.
2. Discuss the strengths and weaknesses of an individual.
3. Explain the importance of goal-setting.
4. Identify the steps in setting a goal.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 50
5. Role play a person’s outlook in life.
C. Evaluation: Short Quiz
D. Assignment: What are the desirable traits of an individual that contribute
toward harmonious family relationships?
Culminating Activities: Isang Palatuntunan
Music at PE: Pag-awit ng mga piling mag-aaral ng awiting “Sa Kabukiran” na may
saliw ng gitara at iba pang instrumentong perkusyon habang
isinasayaw ang likhang hakbang-galaw sa palakumpasang 3.
4
Arts: Paligsahan sa pagpinta gamit ang complementary colors sa temang
‘Sa Kabukiran.”
Health/E.P: Pagsasadula ng mga naganap na pagbabago sa mga kabataaan at
ang mga pamamaraan upang makaangkop dito.
Eksibit ng collage na may temang: “Hamon sa Pagbabago:
Positibong Pananaw.”
A.P. Eksibit ng mga ginawang collage na nagpapakita ng damdamin
laban sa pananakop ng mga Español sa Pilipinas.
TLE: Poster and Slogan Contest sa temang “Hamon sa Pagbabago:
Positibong Pananaw.”
III. Banghay Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan Gamit ang Content-
Based Instruction (CBI)
Tunghayan naman natin ngayon ang isang banghay-aralin sa ikaanim na
baitang ng elementarya kung saan pinagsanib ang Filipino, HKS at Edukasyong
Pagpapakatao.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 51
Pinagsanib na Aralin sa Filipino, HKS at Edukasyong Pagpapakatao,
Ikaanim na Baitang18
I. Layunin
1. Nakikilala ang mga pang-abay na Ingklitik.
2. Nasasabi ang kahalagahan ng mga batas at ordinansa.
II. Paksang-Aralin
A. Deskripsyon
1. Kasanayan: Pagkilala sa mga Pang-abay na Ingklitik
2. Kaisipan : Pagiging masunurin sa mga batas at ordinansa
B. Pagpapahalaga
Maging disiplinado sa pagsakay sa mga sasakyan upang maiwasan ang
aksidente at trapiko.
C. Kagamitan :
Mga Aklat:
Elizabeth T. dela Cruz at Carmelita B. Villamayor, Batingaw VI (Manila:
Gintong Aral Publication, ), pp. 218-221.
Estelita B. Capina at Alvenia P. Palu-ay, Pilipinas: Bansang Papaunlad
(Quezon City: SD Publications), pp. 123-124.
Pat S. Picache et. al. Wikang Filipino: Batayang Aklat sa Wika Para sa
Ika-6 na Baitang (Quezon City: Merylvin Publishing House, Inc. and
Bookman Incorporated, 1988.)
Pocket charts, plaskard, manila paper, larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Pagbabalik aral sa mga pang-abay na pamaraan, panlunan at
pamanahon. Sasalungguhitan ng mga bata ang pang-abay sa bawat
pangungusap at isusulat kung anong uri ng pang-abay ito.
18
Inihanda ni Ms. Edna L. Pineda, Principal I, Division of Pampanga
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 52
2. Pagganyak
Ipakikita ng guro ang larawan ng nag-uunahan sa pagsakay at
itatanong kung ano ang pumapasok sa kanilang isipan kapag ito ay
kanilang nakikita. (Gagamitin ang word network.)
B. Pangkatang Gawain
1. Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng
kopya ng teksto.
2. Bawat grupo ay pipili ng lider, taga-ulat, taga-sulat, at iba pa.
3. Babasahin ang teksto at sasagutin ang mga tanong na nakasulat.
C. Pag-uulat/ Talakayan
Pangkalahatang Gawain
1. Sino ang gumagawa ng mga batas na ipinatutupad sa bansa?
2. Ano ang layunin ng mga batas?
3. Mahalaga ba ang mga batas? Bakit?
4. Ano ang tawag sa kawalan ng pamahalaan?
5. Ano ang magiging bunga kung mahina ang pamamalakad ng
pamahalaan?
6. Tungkol sa anong uri ng batas ang kuwento?
7. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento? (Gagamitin ang
Venn Diagram.)
larawan
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 53
8. Saan nagpunta ang magkapatid?
9. Bakit sila pumunta roon?
10. Ano ang napansin ng mga bata habang sila ay nag-aabang ng
sasakyan?
11. Tama bang pumila habang naghihintay ng masasakyan? Bakit?
12. Ano kaya ang mangyayari kung hindi tayo pipila kapag naghihintay ng
masasakyan?
13. Ano ang magiging bunga kung lahat ng mga mamamayan ay susunod
sa mga batas? (Gagamitin ang word/web semantic.)
D. Paglinang ng Kasanayan
1. Babasahin muli ng guro ang teksto.
2. Tatawagin ang pansin ng mga bata sa mga katagang nakasalungguhit.
3. Itatanong sa mga bata kung ano ang tawag sa mga salitang
nakasalungguhit.
(Gagamitin ang configuration clue kung kinakailangan.)
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 54
E. Paglalahat
Itanong: Ano ang mga pang-abay na ingklitik?
F. Pagpapayamang Gawain
Magkakaroon ng paligsahan. Bawat grupo ay bibigyan ng pocket chart
at plaskards na may nakasulat na pang-abay na ingklitik. Magsasabi ang
guro ng pangungusap. Pipiliin ng mga bata ang plaskard na may wastong
pang-abay na ingklitik at ilalagay sa pocket chart.
IV. Pagtataya
A. Bilugan ang pang-abay na ingklitik sa bawat pangungusap.
1. Ang pagpapatibay ng mga batas ay tungkulin ng sangay na
tagapagbatas ng pamahalaan.
2. May sariling tagapagbatas din ang pamahalaang local.
3. Resolusyon naman ang tawag sa iba pang mga batas na hindi uring
pambatasan.
4. Ang pamahalaan ang gumagawa ng mga batas na ipinatutupad sa
sakop na teritoryo ng bansa.
5. Ang kawalan naman ng pamahalaan ay tinatawag na anarkiya.
6. Nakasakay ka ba nang maayos?
7. Disiplina lang talaga ang kailangan upang maging maayos ang lahat
ng bagay.
8. Dapat ring tumupad sa mga batas ang lahat ng mga mamamayan.
9. Hindi na yata matututong sumunod sa mga batas ang ibang mga
mamamayan.
10. Kailangan ba talaga ang mga batas?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 55
I. Takdang-aralin
Sipiin ang usapan at salungguhitan lahat ng mga katagang ingklitik.
SCQ 2.4
1. Paano mo masisiguro na integrasyon ang isinasagawa at hindi lamang
ginagamit ang ibang asignatura bilang pagganyak o lunsaran ng banghay-
aralin sa iyong asignatura?
2. Sa iyong palagay, paano higit na magiging makabuluhan ang integrasyon sa
Makabayan?
TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER KEY TO PREASSESSMENT
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 56
ANSWER KEY
(PREASSESSMENT)
Aralin 1: Ang Makabayan Bilang Saklaw na Aralin
1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
6. Mali
7. Mali
8. Mali
9. Tama
10. Tama
Aralin 2: Ang Integrasyon sa Makabayan
1. Ang integradong pagtuturo ay isang pamamaraan kung saan may pagkakaisa sa
paksa o tema ang mga asignatura o sabjek o kung saan ang tuon ng mga
asignatura ay nasa iisang sentral na ideya.
2. Apat ang nirerekomenda ng DepEd na pamamaraang maaaring gamitin sa
integrasyon. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Content-Based Instruction
b. Focusing Inquiry
c. Generic Competency
d. Thematic Teaching
TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 57
ANSWER KEY
Aralin I
ASCQ 1.1
1. Nais ng 2002 Basic Education Curriculum na bumuo ng mga mag-aaral na lifelong
learners o may kakayahang matuto habambuhay at mga functionally literate o
marunong bumasa at sumulat nang makabuluhan. Tumutukoy ang huli sa
pagkakaroon ng kasanayan at kakayahang matutong mamuhay at
makapagtrabaho, makalinang ng kanilang potensyal, makapagdesisyon nang
wasto at makapamuhay nang epektibo sa kanilang kapaligiran at komunidad.
ASCQ 1.2
1. Ang Makabayan ang pinaka-ekspiryensyal na saklaw na aralin sapagkat lahat ng
pinag-aaralan dito ay nararanasan at namamalas ng mag-aaral sa pang-araw-
araw niyang pamumuhay. Ito rin ang pinaka-interaktibo dahil ang pag-aaral ng
Makabayan ay nagaganap hindi lamang sa loob ng klase kundi maging sa
pakikisalamuha ng mag-aaral sa lipunan. Ito rin ang pinakapuno ng
pagpapahalaga sapagkat ito ang pangunahing humuhubog sa mag-aaral upang
maging mabuting mamamayan at Pilipino.
2. Tinawag na laboratoryo ng buhay ang Makabayan sapagkat lahat ng pinag-
aaralan dito ay nauukol sa kasaysayan, kultura, kinagawian, kabuhayan at
pamumuhay Pilipino na nararanasan ng mag-aaral.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 58
ASCQ 1.3
1. Ang Makabayan ay napaka-interdisiplinaryo dahil ang mga komponente at
asignatura nito ay mula sa iba’t ibang disiplina ng pag-aaral.
2. Ang Makabayan sa elementarya ay binubuo ng mga sumusunod:
a. Sibika at Kultura (SK sa baitang 1-3) at Heograpiya, Kasaysayan at Sibika
(HKS sa baitang 4-6)
b. Edukasyong Pagpapakatao (EP) o Character Education
c. Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP)
d. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ang MSEP ay integrado sa Sibika at Kultura sa unang tatlong baitang
samantalang ang EPP ay hindi pa itinuturo sa mga baitang na ito.
Sa sekundarya, ang Makabayan ay binubuo ng mga sumusunod:
a. Araling Panlipunan (AP)
b. Music, Arts, P.E. at Health (MAPEH)
c. Technology and Livelihood Education (TLE)
d. Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP)
ASCQ 1.4
1. Ang paksa ng Makabayan sa una hanggang ikatlong baitang ay ukol sa
pambansang pagkakakilanlan, pambansang pagkakaisa at pambansang
katapatan. Pagdating sa ikaapat hanggang ika-anim na baitang, pinapaksa ng
Makabayan ang heograpiya, kasaysayan at pamahalaang Pilipinas gayundin
ang kultura, pagpapahalaga at gawaing Pilipino.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 59
2. Ang Makabayan sa elementaryang antas ay naglalayong humubog ng mga
mamamayang Pilipino na matapat, makabayan at may pagkakakilanlan bilang
Pilipino.
ASCQ 1.5
1. Ang EP ay isang komponente at asignatura ng Makabayan. Gayundin ang AP
bagamat napaka-interdisiplinaryo nito dahil sa ang mga paksa nito ay
sumasaklaw sa iba’t ibang disiplina ng agham panlipunan. Subalit ang MAPEH
ay isang malawak na komponente na binubuo ng apat na magkakaibang
asignatura o sabjek – Music, Arts, P.E. at Health. Ang TLE ay isa ring malawak
na komponente na may apat na lawak ng aralin – Home Economics, Agriculture
and Fishery Arts, Industrial Arts at Entrepreneurship – sa una at ikalawang taon.
Pagdating sa ikatlo at ikaapat na taon, higit na lumawak ang maaaring
pagdalubhasaan ng mag-aaral at ito ay maaaring alin man sa mga sumusunod:
a. Teknolohiyang Pantahanan
b. Teknolohiyang Pang-agrikultura at Pangisdaan
c. Teknolohiyang Pangkahoy o Sibil
d. Elektrikal
e. Mekanikal
f. Teknolohiyang Pangnegosyo
2. Ang pinag-aaralan sa Makabayan sa sekundaryang antas ay hindi lamang ukol
sa Pilipinas. Pinag-aaralan din ang Asya at iba pang panig ng daigdig.
Halimbawa, pinag-aaralan ang musika, sining at kasaysayan ng Asya at daigdig
gayundin ang mga napapanahong isyu, suliranin at pagmamalasakit (concerns)
na hinaharap ng daigdig.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 60
ASCQ 1.6
1. Masalimuot ang sistema ng markahan sa Makabayan sa sekundaryang antas
kumpara sa elementarya sapagkat malawak ang saklaw na paksa ng mga
komponente at asignatura ng Makabayan. Mahaba at nagkakaiba-iba rin ang
oras ng pagtuturo kung kaya’t nagkakaiba rin ang bilang ng kredit ng bawat
komponente. Ang bahagdan o porsyento ng bawat komponente sa kabuuang
marka sa Makabayan ay batay sa bilang ng kredit nito.
2. Ang bahagdan o porsyento ng isang komponente sa kabuuang marka ng
Makabayan ay batay sa bilang ng kredit nito. Ang bilang ng kredit nito ay
nakabase sa bahagdan ng takdang oras ng komponenteng ito sa kabuuang oras
ng pagtuturo ng Makabayan.
3. Bagamat parehong ginagamit ang English at Filipino sa pagtuturo ng Makabayan
sa sekundaryang antas, higit na marapat sana na ituro lahat ng komponente nito
sa Filipino tulad ng sa elementarya. Mas makabuluhan ang pag-aaral ng
kasaysayan, kultura, kabuhayan, pamumuhay at pag-uugaling Pilipino kung ito
ay nasa sarili nating wika.
Aralin II
ASCQ 2.1
Ang integradong pagtuturo ay isang pamamaraan ng pagtuturo kung saan may
pagkakaisa sa paksa o tema ang mga asignatura o sabjek ng Makabayan o kung
saan ang tuon ng lahat ng asignatura ng Makabayan ay nasa isang sentral na
ideya. Sa pamamaraang ito, kabuuan ang pagtingin sa isang paksa o ideya. Ang
pag-aaral ay hindi nakalimita sa isang disiplina o sangay ng pag-aaral, bagkus ito
ay bumabagtas sa iba’t ibang disiplina. Pinag-aaralan ang isang paksa o bagay
sa kanyang kabuuan hindi lamang batay sa ilang aspeto nito.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 61
ASCQ 2.2
Ang content-based instruction ay isang pamamaraan kung saan ang nilalaman ng
isang asignatura o sabjek ay ginagamit bilang paksa sa pagtuturo ng wika.
Halimbawa ang paksa sa Sibika at Kultura ay ginagamit sa pagtuturo ng Filipino.
Samantala, ang focusing inquiry ay isang pamamaraan kung saan ang pagtatanong
ang pumupukaw sa pag-aaral. Mahalaga ang nabubuong kaalaman subalit higit na
mahalaga ang proseso ng pagsisiyasat na ginamit. Hindi nakalimita sa isang
disiplina ang pagtatanong at pagsisiyasat bagkus ay bumabagtas sa iba’t ibang
disiplina. Sa pamamaraang generic competency, inoorganisa ang integradong
pagtuturo sa mga pare-parehong kakayahan o generic competency ng mga disiplina
o asignatura. Ang tematikong pagtuturo ay isang pamamaraan kung saan ang pag-
aaral ay nakalibot o nakatuon sa isang tema. Nakaugnay ang mga paksa at proseso
ng pag-aaral ng iba’t ibang disiplina sa temang ito.
ASCQ 2.3
Higit na masalimuot ang integrasyon sa sekundarya kumpara sa elementarya. Ito ay
dahil higit na malawak at marami ang mga paksang pinag-aaralan sa iba’t ibang
komponente ng Makabayan sa sekundarya. Bukod dito, walang tinanghal na core na
komponente ang Makabayan sa sekundarya. Hindi tulad ng sa elementarya kung
saan may core na komponente na maaaring maging sentro ng integrasyon. Iba-iba
rin ang guro ng mga asignatura ng Makabayan sa sekundarya kumpara sa
elementarya, partikular sa unang tatlong baitang, kung saan ang guro ay iisa
sapagkat generalist siya. Samakatwid, nakasalalay ang integradong pagtuturo ng
Makabayan sa sekundarya sa pag-uusap at kolaborasyon ng mga guro ng iba’t
ibang komponente at asignatura nito.
TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S
MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 62
ASCQ 2.4
1. Ang integrasyon sa Makabayan ay dapat nakaugat sa kakayahang pagkatuto ng
mga asignatura na pumapaloob sa integrasyon. Hindi sapat ang pag-awit o
pagguhit o pagmartsa. Dapat talakayin din ang mga kakayahang pagkatuto ng
mga asignaturang ito.
2. Higit na magiging makabuluhan ang integrasyon sa Makabayan kapag ang mga
paksa at kakakayahang pagkatuto ng iba’t ibang asignatura ay magkakahanay o
aligned. Ibig sabihin, ang mga ito ay dapat nasa parehong taon o baitang at
markahan. Samakatwid ang kakayahang pagkatutong binigyang-pansin ng isang
asignatura ay napalalakas o napatitibay sa iba pang asignatura.
Module 6.5 makabayan

More Related Content

What's hot

Behavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in FilipinoBehavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in Filipino
edwin53021
 

What's hot (20)

lesson plan for demonstration.docx
lesson plan for demonstration.docxlesson plan for demonstration.docx
lesson plan for demonstration.docx
 
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IAraling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
Mga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaMga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtataya
 
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
 
Detalyadong banghay aralin
Detalyadong banghay aralinDetalyadong banghay aralin
Detalyadong banghay aralin
 
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdfAraling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
Araling-Panlipunan-Curriclum-Guide.pdf
 
Activity Sheet sa Araling Panlipunan
Activity Sheet sa Araling PanlipunanActivity Sheet sa Araling Panlipunan
Activity Sheet sa Araling Panlipunan
 
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - First Quarter Module
 
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksikMga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
 
Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)
Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)
Grade 7 Learning Module in Araling Panlipunan (Quarter 1 to 2)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
K to 12 Curriculum Guide for Araling Panlipunan
K to 12 Curriculum Guide for Araling Panlipunan K to 12 Curriculum Guide for Araling Panlipunan
K to 12 Curriculum Guide for Araling Panlipunan
 
Module 6.6 araling panglipunan
Module 6.6 araling panglipunanModule 6.6 araling panglipunan
Module 6.6 araling panglipunan
 
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wikaMga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
 
Pagtataya ng Natutunan.ppt
Pagtataya ng Natutunan.pptPagtataya ng Natutunan.ppt
Pagtataya ng Natutunan.ppt
 
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12
Tunguhin, Nilalaman, Batayang Balangkas ng Filipino Curriculum K-12
 
Filipino curriculum guide (k to 12)
Filipino curriculum guide (k to 12)Filipino curriculum guide (k to 12)
Filipino curriculum guide (k to 12)
 
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraanMga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
 
Behavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in FilipinoBehavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in Filipino
 

Viewers also liked

Grade 8: Araling Panlipunan Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Grade 8: Araling Panlipunan Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa AsyaGrade 8: Araling Panlipunan Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Grade 8: Araling Panlipunan Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Niño Caindoy
 
Contabilidad de costos para la gestión
Contabilidad de costos para la gestiónContabilidad de costos para la gestión
Contabilidad de costos para la gestión
SimonC
 
JULIOPARI - Elaborando un Plan de Negocios
JULIOPARI - Elaborando un Plan de NegociosJULIOPARI - Elaborando un Plan de Negocios
JULIOPARI - Elaborando un Plan de Negocios
Julio Pari
 

Viewers also liked (20)

K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
Análisis situacional integral de salud final
 Análisis situacional integral de salud final Análisis situacional integral de salud final
Análisis situacional integral de salud final
 
Grade 8: Araling Panlipunan Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Grade 8: Araling Panlipunan Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa AsyaGrade 8: Araling Panlipunan Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Grade 8: Araling Panlipunan Modyul 2: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
 
Onderzoeksrapport acrs v3.0_definitief
Onderzoeksrapport acrs v3.0_definitiefOnderzoeksrapport acrs v3.0_definitief
Onderzoeksrapport acrs v3.0_definitief
 
Schrijven voor het web
Schrijven voor het webSchrijven voor het web
Schrijven voor het web
 
Tears In The Rain
Tears In The RainTears In The Rain
Tears In The Rain
 
Estrategias competitivas básicas
Estrategias competitivas básicasEstrategias competitivas básicas
Estrategias competitivas básicas
 
Rodriguez alvarez
Rodriguez alvarezRodriguez alvarez
Rodriguez alvarez
 
Cápsula 1. estudios de mercado
Cápsula 1. estudios de mercadoCápsula 1. estudios de mercado
Cápsula 1. estudios de mercado
 
3.Evidence: Getting to Bogota.ENGLISH DOT WORKS 2. SENA.semana 4 actividad 3.
3.Evidence: Getting to Bogota.ENGLISH DOT WORKS 2. SENA.semana 4 actividad 3.3.Evidence: Getting to Bogota.ENGLISH DOT WORKS 2. SENA.semana 4 actividad 3.
3.Evidence: Getting to Bogota.ENGLISH DOT WORKS 2. SENA.semana 4 actividad 3.
 
Evidence: Memorable moments.ENGLISH DOT WORKS 2. SENA. semana 2 actividad 2.
Evidence: Memorable moments.ENGLISH DOT WORKS 2. SENA. semana 2 actividad 2.Evidence: Memorable moments.ENGLISH DOT WORKS 2. SENA. semana 2 actividad 2.
Evidence: Memorable moments.ENGLISH DOT WORKS 2. SENA. semana 2 actividad 2.
 
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTER
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTERKasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTER
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTER
 
Libro de-mantenimiento-industrial
Libro de-mantenimiento-industrialLibro de-mantenimiento-industrial
Libro de-mantenimiento-industrial
 
Unidad 3. toma de decisiones y solución
Unidad 3. toma de decisiones y soluciónUnidad 3. toma de decisiones y solución
Unidad 3. toma de decisiones y solución
 
Contabilidad de costos para la gestión
Contabilidad de costos para la gestiónContabilidad de costos para la gestión
Contabilidad de costos para la gestión
 
Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3
 
C:\Fakepath\Christie
C:\Fakepath\ChristieC:\Fakepath\Christie
C:\Fakepath\Christie
 
"Protección de la salud mental luego del terremoto y tsunami del 27 de febrer...
"Protección de la salud mental luego del terremoto y tsunami del 27 de febrer..."Protección de la salud mental luego del terremoto y tsunami del 27 de febrer...
"Protección de la salud mental luego del terremoto y tsunami del 27 de febrer...
 
JULIOPARI - Elaborando un Plan de Negocios
JULIOPARI - Elaborando un Plan de NegociosJULIOPARI - Elaborando un Plan de Negocios
JULIOPARI - Elaborando un Plan de Negocios
 
PMP Sonora Saludable 2010 2015
PMP Sonora Saludable 2010   2015  PMP Sonora Saludable 2010   2015
PMP Sonora Saludable 2010 2015
 

Similar to Module 6.5 makabayan

BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of workBOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
macasarteadrianjames
 
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdfDLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
GnehlSalvador
 
HEF Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Syllabus.docx
HEF Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Syllabus.docxHEF Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Syllabus.docx
HEF Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Syllabus.docx
POlarteES
 

Similar to Module 6.5 makabayan (20)

Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 
Katangian ng Maayos na Kurikulum
Katangian ng Maayos na KurikulumKatangian ng Maayos na Kurikulum
Katangian ng Maayos na Kurikulum
 
Katangian ng Maayos na Kurikulum
Katangian ng Maayos na Kurikulum Katangian ng Maayos na Kurikulum
Katangian ng Maayos na Kurikulum
 
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoModule 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
 
jv-week 1 AP9.docx
jv-week 1 AP9.docxjv-week 1 AP9.docx
jv-week 1 AP9.docx
 
BOW in AP (1).pdf
BOW in AP (1).pdfBOW in AP (1).pdf
BOW in AP (1).pdf
 
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of workBOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
 
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdfUNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
 
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdfDLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
DLL_FILIPINO 10_March282022.pdf
 
cot.docx
cot.docxcot.docx
cot.docx
 
Aralin 3.2.docx
Aralin 3.2.docxAralin 3.2.docx
Aralin 3.2.docx
 
ESP8Q2 - 0123-0127.docx
ESP8Q2 - 0123-0127.docxESP8Q2 - 0123-0127.docx
ESP8Q2 - 0123-0127.docx
 
Aralin 3.2 (1).docx
Aralin 3.2 (1).docxAralin 3.2 (1).docx
Aralin 3.2 (1).docx
 
HEF Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Syllabus.docx
HEF Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Syllabus.docxHEF Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Syllabus.docx
HEF Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon Syllabus.docx
 
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19
 
Kkk hs 4_tm_ub_d
Kkk hs 4_tm_ub_dKkk hs 4_tm_ub_d
Kkk hs 4_tm_ub_d
 
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Prelim
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika PrelimIntroduksyon sa Pag-aaral ng Wika Prelim
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Prelim
 
sistemang pang ekonomiya
sistemang pang ekonomiyasistemang pang ekonomiya
sistemang pang ekonomiya
 
ESP8Q2 - 0116-0119.docx
ESP8Q2 - 0116-0119.docxESP8Q2 - 0116-0119.docx
ESP8Q2 - 0116-0119.docx
 

More from Noel Tan (20)

Dcfis school development plan
Dcfis school development planDcfis school development plan
Dcfis school development plan
 
Module12.ppst5.4.2
Module12.ppst5.4.2Module12.ppst5.4.2
Module12.ppst5.4.2
 
Module11.ppst5.2.2
Module11.ppst5.2.2Module11.ppst5.2.2
Module11.ppst5.2.2
 
Module10.ppst5.1.2
Module10.ppst5.1.2Module10.ppst5.1.2
Module10.ppst5.1.2
 
Module9.ppst4.5.2
Module9.ppst4.5.2Module9.ppst4.5.2
Module9.ppst4.5.2
 
Module8.ppst4.4.2
Module8.ppst4.4.2Module8.ppst4.4.2
Module8.ppst4.4.2
 
Module7.ppst4.1.2
Module7.ppst4.1.2Module7.ppst4.1.2
Module7.ppst4.1.2
 
Module6.ppst3.1.2
Module6.ppst3.1.2Module6.ppst3.1.2
Module6.ppst3.1.2
 
Module5.ppst2.6.2
Module5.ppst2.6.2Module5.ppst2.6.2
Module5.ppst2.6.2
 
Module4.ppst2.3.2
Module4.ppst2.3.2Module4.ppst2.3.2
Module4.ppst2.3.2
 
Module3.ppst1.5.2
Module3.ppst1.5.2Module3.ppst1.5.2
Module3.ppst1.5.2
 
Module2.ppst1.4.2
Module2.ppst1.4.2Module2.ppst1.4.2
Module2.ppst1.4.2
 
Module1.ppst1.1.2
Module1.ppst1.1.2Module1.ppst1.1.2
Module1.ppst1.1.2
 
Ppst rpms manual
Ppst rpms manualPpst rpms manual
Ppst rpms manual
 
3. hazmat labeling presentation
3. hazmat labeling presentation3. hazmat labeling presentation
3. hazmat labeling presentation
 
4. hazmat placarding presentation
4. hazmat placarding presentation4. hazmat placarding presentation
4. hazmat placarding presentation
 
5. hazmat packaging presentation
5. hazmat packaging presentation5. hazmat packaging presentation
5. hazmat packaging presentation
 
A. security threats and patterns
A. security threats and patternsA. security threats and patterns
A. security threats and patterns
 
6d. module6d carrier requirement_water
6d. module6d carrier requirement_water6d. module6d carrier requirement_water
6d. module6d carrier requirement_water
 
Anti ship piracy training
Anti ship piracy trainingAnti ship piracy training
Anti ship piracy training
 

Recently uploaded

Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
diannesofocado8
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
FatimaCayusa2
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
RICXIE1
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 

Recently uploaded (20)

AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 

Module 6.5 makabayan

  • 1. MODULE 66..55 CURRICULUM AND INSTRUCTION: ANG PAGTUTURO NG MAKABAYAN Teacher Induction Program Teacher Education Council, Department of Education
  • 2. Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Writer Cecilia D. Alip, Ed.D. Editor All rights reserved. This module may not be reproduced in any form without the permission of the Teacher Education Council, Department of Education.
  • 3. TEACHER INDUCTION PROGRAM MODULE 6.5 Curriculum and Instruction: Ang Pagtuturo ng Makabayan
  • 4. Mabuhay! Binabati kita bagong guro ng Departamento ng Edukasyon! Mapalad ka at naging kabahagi ka ng DepED. Mapalad din naman ang DepED at kabataang Pilipino dahil ibubuhos mo ang iyong talino, kaalaman, lakas at dedikasyon sa ating mga mag-aaral sa pampublikong paaralan. Tunay na mahalaga ang nakaatang sa iyong balikat. Tutulong kang humubog ng ating kabataan na pag-asa ng ating bayan. Ano ba ang ituturo o itinuturo mong asignatura o sabjek? Ikaw ba ay guro ng Hekasi o AP? o ng MAPEH? o dili kaya ay EPP o TLE? o guro ka ba ng EP? Dapat ay pag-aralan mo ang nakalaang modyul sa asignaturang iyong ituturo na kabahagi ng Teacher Induction Program package. Tutulungan ka ng modyul na iyon na higit na maging epektibong guro ng iyong asignatura. Subalit ikaw rin ay guro ng Makabayan sapagkat lahat ng mga sabjek o asignaturang nabanggit ay nasa ilalim ng Makabayan. Samakatwid mahalagang basahin mo rin ang modyul na ito na tutulong sa iyo upang ganap mong maunawaan kung ano ang Makabayan. Ang modyul na ito ay tutulong rin sa iyo at sa mga kapwa mo guro ng Makabayan upang maisagawa ninyo nang maayos ang integradong pagtuturo. Dalawa ang aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Ang una ay pagpapakilala sa iyo kung ano ang Makabayan, ang kahalagahan nito, ang mga komponente at asignatura nito, at kung ano ang takdang oras at sistema ng markahan nito. Ang pangalawa ay pagpapakita sa iyo kung paano isinasagawa ang pagtuturo ng Makabayan partikular kung paano nagkakaroon ng integrasyon sa mga sabjek o asignatura nito. Nawa’y makatulong ang modyul na ito sa pagharap mo sa hamon ng pagtuturo ng Makabayan sa ating mga mag-aaral. Maligayang pagbabasa! i
  • 5. Mga Layunin: Ang modyul na ito ay self-instructional. May mga katanungan sa bawat sekyson ng aralin upang higit na mapag-isipan at mapagnilayan mo ang inilalatag sa iyong kaalaman at pamamaraan. Layunin ng Makabayan modyul na: 1. Maipaliwanag ang kahulugan ng Makabayan. 2. Masuri ang layunin sa pagbuo ng Makabayan bilang isang saklaw na aralin o learning area. 3. Mapag-ugnay-ugnay kung paano naisusulong ang layunin ng Makabayan ng mga sabjek o asignaturang nakapaloob dito. 4. Maipaliwanag ang takdang oras ng pagtuturo at sistema ng markahan sa Makabayan. 5. Masuri ang pamamaraan at antas ng integrasyon sa Makabayan. 6. Maipakita kung paano bumuo ng integrado o pinagsanib na banghay-aralin sa Makabayan. 7. Mapahalagahan ang pagtuturo at pag-aaral ng Makabayan. Bukod sa mga layuning nito, hangad ng modyul na ito na maunawaan mo na ang isang guro ng Makabayan ay dapat bukas at handang makipagtulungan sa kapwa niya guro ng Makabayan upang epektibong maisagawa ang pagtuturo sa Makabayan. ii
  • 6. TALAANNGNILALAMAN Pahina Panimula i Layunin ii Preassessment 1 Aralin 1: Ang Makabayan Bilang Saklaw na Aralin 3 (Learning Area) Introduksyon 3 Ang Makabayan sa 2002 BEC 4 Kahulugan at Kahalagahan ng Makabayan 6 Mga Komponente at Asignatura ng Makabayan 8 Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan 10 sa Elementaryang Antas Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan 12 sa Sekundaryang Antas Wikang Gamit sa Pagtuturo (Medium of Instruction) 18 ng Makabayan Takdang Oras sa Pagtuturo ng Makabayan 19 Sistema ng Markahan sa Makabayan 20 iii
  • 7. Aralin 2: Ang Integrasyon sa Makabayan 24 Introduksyon 24 Kahulugan ng Integradong Pagtuturo 25 Iba’t Ibang Pamamaraan ng Integradong Pagtuturo 26 Pagkakaiba ng Integrasyon sa Makabayan 32 sa Elementarya at Sekundarya Iba’t Ibang Antas ng Integrasyon 34 Mga Halimbawa ng Integradong Banghay-Aralin sa Makabayan 38 Banghay-Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan 38 Banghay-Aralin sa Sekundaryang Antas ng Makabayan 42 Banghay-Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan 50 Gamit ang Content - Based Instruction (CBI) Sanggunian 63 iv
  • 8. TALAANNGTALAHANAYAN ATDAYAGRAM Pahina Talahanayan 1: Paksa ng AP sa Sekundaryang Antas 13 Talahanayan 2: Paksa ng Music sa Sekundaryang Antas 14 Talahanayan 3: Paksa ng Arts sa Sekundaryang Antas 14 Talahanayan 4: Paksa ng P.E. sa Sekundaryang Antas 15 Talahanayan 5: Paksa ng Health sa Sekundaryang Antas 16 Talahanayan 6: Paksa ng EP sa Sekundaryang Antas 17 Talahanayan 7: Lawak ng Aralin sa TLE sa Una at Ikalawang Taon 17 Talahanayan 8: Takdang Minuto Bawat Araw sa Pagtuturo ng Makabayan sa Elementarya 19 Talahanayan 9: Takdang Minuto at Bilang ng Kredit sa Pagtuturo ng Makabayan sa Sekundarya 20 Talahanayan 10: Halimbawa ng Pagkokompyut ng Marka sa Makabayan Sa Una Hanggang Ikatlong Taon 21 Talahanayan 11: Halimbawa ng Pagkokompyut ng Marka sa Makabayan Sa Ikaapat na Taon 22 Talahanayan 12: Bilang ng Minuto at Bilang ng Kredit ng mga Saklaw na Aralin sa Sekundaryang Antas ng 2002 BEC 23 Talahanayan 13: Pinag-isang Tema at Paksa sa Makabayan sa Sekundaryang Antas 36 Dayagram 1: Content-Based Instruction 27 Dayagram 2: Modelo 1 – Makabayan Baitang I – III 30 Dayagram 3: Modelo 2 – Makabayan Baitang IV – VI 30 Dayagram 4: Modelo 3 – Bumabagtas sa Lahat ng Komponente ng 31 Makabayan sa Sekundaryang Antas Dayagram 5: Proseso ng Pagbuo ng Integradong Banghay-Aralin 37 v
  • 9. TEACHER INDUCTION PROGRAM PREASSESSMENT PREASSESSMENT Aralin 1: Ang Makabayan Bilang Saklaw na Aralin Isulat ang tama kung wasto ang pangungusap at mali kung hindi wasto. 1. Ang lahat ng komponente o asignatura ng Makabayan ay itinuturo lamang sa wikang Filipino. 2. Ang Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP) at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) ay itinuturo lamang bilang hiwalay na asignatura simula sa ikaapat na baitang. 3. Ang marka ng mag-aaral sa Makabayan sa sekundaryang antas ay ang kabuuang bilang o suma ng marka ng iba’t ibang komponente nito na hinati sa kabuuang bilang ng mga komponente nito. 4. Ang Makabayan sa elementarya at sekundarya ay binubuo ng tig-apat na komponente. 5. Ang Makabayan ay isang disiplina o sangay ng pag-aaral. 6. Tanging mga paksa lamang tungkol sa Pilipinas at sa pagiging Pilipino ang pinapaksa ng Makabayan. 7. Hindi magkakaugnay ang mga paksa ng iba’t ibang komponente ng Makabayan kung kaya’t mahirap isagawa ang integrasyon sa Makabayan. 8. Ang Makabayan ay isang saklaw na aralin o learning area sa 2002 Basic Education Curriculum (BEC). 9. Hindi pare-pareho ang takdang oras ng pagtuturo ng mga komponente ng Makabayan sa sekundaryang antas. 10. Ang asignatura ukol sa pagpapahalaga sa elementaryang Makabayan ay tinawag na Edukasyong Pagpapakatao. MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 1
  • 10. TEACHER INDUCTION PROGRAM PREASSESSMENT MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 2 Aralin 2: Ang Integrasyon sa Makabayan 1. Ano ang pakahulugan mo sa integradong pagtuturo? 2. Pamilyar ka ba sa pamamaraan ng integrasyon sa 2002 BEC partikular sa Makabayan? Maari mo bang isa-isahin ang apat sa mga pamamaraang ito?
  • 11. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 3 ARALIN 1 ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area ) INTRODUKSYON Bilang guro ng Makabayan, ikaw ay inaasahang tutulong sa paghubog ng mga mag-aaral upang sila ay ganap na maging makabayan. Ang pagiging makabayan ay nangangahulugang may pagmamahal sa Pilipinas at may pagmamalaki na siya ay Pilipino. Sa Makabayan ang ating mga mag-aaral ay inaasahan nating makalilinang ng sapat na kaalaman tungkol sa ating kasaysayan, kultura, pamumuhay at pagpapahalaga at lalaking may pagmamahal sa ating bansa. Maisasakatuparan natin ito sa tulong mo at ng mga kapwa guro mo na nagtuturo ng Makabayan. Marahil isang malaking palaisipan sa iyo sa ngayon kung ano ang Makabayan, ang layunin nito, ang kahalagahan nito at kung paano isinasagawa ang integrasyon ng iba’t ibang asignatura sa ilalim nito. Marahil ikaw rin ay may pag- aagam-agam na maliban sa dapat may sapat kang kadalubhasaan sa pagtuturo ng iyong asignatura o sabjek (subject), kinakaharap mo pa rin ang isang malaking hamon na maituro ito ng may integrasyon at maliwanag na ugnayan sa iba pang asignatura ng Makabayan. Bukod sa pagsasama-sama o pagsasanib-sanib ng mga asignatura sa Makabayan, marahil ang ilan pa sa mga katanungan mo ukol sa Makabayan ay ang mga sumusunod: Ano ang Makabayan? Ano ang mga komponente (components) at
  • 12. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 4 asignatura o sabjek na kabilang dito? Bakit kinailangang magkaroon ng isang saklaw na aralin (learning area) na Makabayan? Paano ang takdang oras ng pagtuturo at sistema ng markahan ng mga komponente at asignatura ng Makabayan? Ilan lamang ang mga katanungang ito sa tutugunan ng araling ito. LAYUNIN Layunin ng unang aralin na ipakilala sa iyo ang Makabayan. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliwanag ang kahulugan ng Makabayan. 2. Masuri ang mga napapaloob na komponente at mga sabjek o asignatura sa Makabayan. 3. Masuri ang mga paksa at ugnayan ng mga paksa sa bawat komponente at asignatura ng Makabayan. 4. Matalakay ang takdang oras ng pagtuturo at pamamaraan ng markahan sa Makabayan. 5. Mapahalagahan ang Makabayan bilang mahalagang bahagi ng 2002 Basic Education Curriculum. BASAHIN Ang Makabayan sa 2002 BEC Napag-aralan mo na sa iba pang modyul na ang 2002 Basic Education Curriculum ay ipinatupad upang humubog ng mga mag-aaral na may kakayahang matuto habambuhay (lifelong learners) at marunong bumasa at sumulat nang makabuluhan (functionally literate). Kung matatandaan mo ang pagiging lifelong learner ay nangangahulugang “may kakayahang matuto kung paano matuto kahit saan maski mag-isa” (“competent in learning how to learn anywhere even when left
  • 13. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 5 to themselves”).1 Layunin nito na makalinang ng mga mamamayanang functionally literate o may kasanayan at kakayahang apektibo, kognitibo at behavioral upang matutong mamuhay at makapagtrabaho bilang mamamayan, malinang ang kanilang potensyal, makapagdesisyon nang may wastong kaalaman at pag-iisip, at mamuhay nang epektibo sa kanilang kapaligiran at komunidad upang umunlad ang kanilang buhay at ang lipunang kinabibilangan nila (“a range of skills and competencies ― cognitive, affective and behavioral ― which enables individuals to live and work as human persons, develop their potentials, make critical and informed decisions, and function effectively in society within the context of their environment and that of the wider community in order to improve the quality of their lives and that of society).”2 Bukod sa pagkakaroon ng kakayahang matuto habambuhay at marunong bumasa at sumulat nang makabuluhan, hangad din ng 2002 BEC na humubog ng mag-aaral na makadiyos, makabayan, makatao at makakalikasan. Upang maisagawa ang tunguhing ito, inatasan ng 2002 BEC ang bawat guro na maging guro ng pagpapapahalaga o values educator. Ano man ang asignatura o sabjek na kanyang itinuturo, mahalagang nakapaloob dito ang mga pagpapahalaga na dapat matutunan ng mga mag-aaral. Sa mga layuning ito ng 2002 BEC mahalaga ang papel ng Makabayan. Hinuhubog sa mga asignatura ng Makabayan at sa kanyang kabuuan ang pagkakaroon ng mga mag-aaral na may kakayahang matuto habambuhay at matutong bumasa at sumulat nang makabuluhan. Tinuturuan din sa Makabayan ang mga mag-aaral na maging makadiyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Ang Makabayan ang pangunahing saklaw na aralin sa 2002 BEC na nagsisilbing behikulo sa pagtuturo ng pagpapahalaga. Ganyan kahalaga ang Makabayan. 1 The 2002 Basic Education Curriculum (Pasig City: Department of Education, 2002), p. 4. 2 Isagani R. Cruz, “The New Literacy,” National Literacy Conference, Cagayan de Oro City, September 4, 2001, p. 1. Ang kahulugan ay nagmula sa Literacy Coordinating Council. SCQ 1.1 1. Anong uri ng mag-aaral ang nais na malinang ng 2002 Basic Education Council?
  • 14. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 6 Kahulugan at Kahalagahan ng Makabayan Isa sa mahalagang pinagkaiba ng 2002 Basic Education Curriculum sa mga naunang kurikulum na ipinatupad ng Departamento ng Edukasyon ay ang pagkakaroon ng isang saklaw na aralin (learning area) na tinatawag na Makabayan. Ang Makabayan ay isa sa limang saklaw na aralin ng 2002 Basic Education Curriculum. Ang apat na iba pa ay English, Science, Mathematics at Filipino. Kakaiba ang Makabayan kumpara sa iba pang saklaw na aralin sa dahilang ito ay hindi isang gamit sa pagkatuto (learning tool) gaya ng English at Filipino o isang academic discipline tulad ng Mathematics at Science. Hindi asignatura ang Makabayan. Kakaiba ang Makabayan sapagkat ito ay binubuo ng iba’t ibang komponente na asignatura rin at ang iba namang komponente ay binubuo ng iba’t iba pang asignatura o sabjek. Ayon sa pananaw ng ating mga eksperto sa kurikulum, ang mga komponente at asignatura ng Makabayan ay magkakaugnay sa pinapaksa at layunin. Tanging sa kurikulum lamang ng Pilipinas makikita ang isang malawak na saklaw na aralin tulad ng Makabayan. Ano ang Makabayan? Ang Makabayan ay ang saklaw na aralin na nagsisilbi bilang isang laboratoryo ng buhay (laboratory of life) para sa isang komprehensibo at makabuluhang pakatutong may kabuuan (holistic learning). Nangangahulugang pinapaksa ng Makabayan ang lahat ng aspeto ng buhay Pilipino o ang pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino. Sinasalamin ng Makabayan ang kasaysayan, kultura, kinagawian, kabuhayan at pagpapahalagang Pilipino at ang mga bagay- bagay na nararanasan o nakakasalamuha ng bawat mag-aaral sa kanyang paglaki. Magiging makabuluhan ang kanyang pag-aaral kung maiuugnay niya ito sa pang- araw-araw niyang pamumuhay, karanasan at obserbasyon sa buhay Pilipino. Bilang guro, mahalaga ang papel mo sa pagbabahagi ng iyong kaalaman sa mga asignatura sa ilalim ng Makabayan at sa iyong pagsisilbi bilang modelo ng isang marangal at makabayang mamamayan. Sa pamamagitan mo, makatutulong nang malaki ang Makabayan upang makabuo ng mga mag-aaral na lifelong learners at functionally literate. Paano nahuhubog ng Makabayan ang ganitong mga uri ng mag-aaral? Halimbawa, sa pag-aaral ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) sa elementarya at Technology and Livelihood Education (TLE) sa hayskul o
  • 15. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 7 sekundaryang antas, mabibigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng kapakipakinabang na kabuhayan. Sa pamamagitan ng Edukasyong Pagpapakatao (EP) o Character Education sa elementarya at Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP) sa hayskul, huhubugin ang mga mag-aaral na makalinang ng mga pagpapahalaga at birtud (virtues) bilang mag-aaral, anak, kapatid, mamamayan at Pilipino. Samantala, sa Sibika at Kultura (SK) at Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HKS) sa elementarya at Araling Panlipunan (AP) sa hayskul, tuturuan ang mga mag-aaral ng kanilang nakaraan bilang bansa at ang kanilang mga karapatan at katungkulan bilang mamamayang Pilipino. At huli, sa tulong ng Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP) at Music, Arts, P.E. and Health (MAPEH), malalaman nila ang sining at musikang Pilipino, ang mga laro ng lahi, at ang mga pagpapahalaga ng Pilipino sa mabuting kalusugan. Mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng kanilang pagkakakilanlan (identity) bilang Pilipino. Ang pangkalahatang temang nagbibigkis sa mga asignatura ng Makabayan ay ang pagmamahal sa bansa. Binibigyang-tuon ng Makabayan ang pagpapaunlad ng kamalayang panlipunan (social awareness) at ang pagkakaroon ng responsibilidad at matibay na pananalig (firm commitment) sa ikabubuti ng nakararami. Ang Makabayan ang pinaka-ekspiryensyal (most experiential) na saklaw na aralin dahil ang pinag-aaralan dito ay nararanasan at namamalas ng mag- aaral sa pang-araw-araw niyang pamumuhay. Ito rin ang pinaka-interaktibo (most interactive) sapagkat ang pag-aaral ng Makabayan ay nagaganap hindi lamang sa loob ng klase kundi maging sa pakikisalamuha ng mag-aaral sa kapwa niya sa lipunan. Ang Makabayan din ay tigib o puno ng pagpapahalaga (value-laden) sapagkat itinuturo rito ang lahat ng pagpapahalagang dapat tumimo sa mag-aaral bilang bahagi ng pamilya at lipunang Pilipino at bilang isang mamamayang Pilipino. Ang pag-aaral ng Makabayan ang pinakainterdisiplinaryo (most interdisciplinary) rin sa dahilang maraming disiplina ang saklaw ng Makabayan. Ang disiplina o discipline ay tumutukoy sa isang ispesipikong sangay ng pag-aaral. Isa-isahin natin ang mga komponente at mga sabjek o asignatura ng Makabayan at suriin ang mga paksa sa bawat sabjek na ito upang mapatunayang pinaka-interdisiplinaryo nga ito sa lahat ng saklaw na aralin ng 2002 BEC.
  • 16. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 8 Mga Komponente at Asignatura ng Makabayan Binubuo ang Makabayan ng maraming komponente na magkakaugnay sa paksa, kakayahan at layuning pagkatuto. May mga komponente ito na nagsisilbi ring asignatura o sabjek tulad ng Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao sa elementarya o Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapahalaga sa sekundarya. Subalit may mga komponente rin ang Makabayan na binubuo ng iba-ibang asignatura o sabjek. Halimbawa nito ay MSEP sa elementarya na binubuo ng Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan at MAPEH sa sekundarya na binubuo ng Music, Arts, P.E. at Health. May komponente rin ang Makabayan na nahahati sa mga pangunahing lawak (primary areas). Ito ay ang Technology and Livelihood Education (TLE) sa sekundarya na nahahati sa apat na pangunahing lawak: Home Economics, Agricultural and Fishery Arts, Industrial Arts at Entrepreneurship. Lahat ng mga komponente at asignatura ng Makabayan ay tumatalakay ng mga aspeto ng pagiging Pilipino. Sa susunod na aralin ng modyul na ito matatanto mo na may mga tema na dumadaloy sa kabuuan ng Makabayan at sa mga ispesipiko niyang asignatura. Patunay ang mga temang ito na may integradong kurikulum ang Makabayan at sa pamamagitan nito makalilinang ang mga guro ng Makabayan sa kanilang mga mag-aaral ng isang integratibong pag-aaral. Anu-ano ang mga komponente ng Makabayan? Sa elementarya, binubuo ang Makabayan ng mga sumusunod: Sibika at Kultura (SK) mula Baitang 1-3 at Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HKS) sa Baitang 4-6; Musika, Sining at SCQ 1.2 1. Ipaliwanag kung bakit ang Makabayan ang saklaw na aralin na pinaka- ekspiryensyal, pinaka-interaktibo at pinakapuno ng pagpapahalaga. 2. Bakit tinawag na “laboratoryo ng buhay” ang Makabayan?
  • 17. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 9 Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP); Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP); at Edukasyong Pagpapakatao (EP) o Character Education. Samantala, ang Makabayan sa sekundaryang antas ay binubuo ng mga sumusunod: Araling Panlipunan (AP); Technology and Livelihood Education (TLE); Music, Arts, P.E. at Health (MAPEH); at Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP). Sa dami pa lamang ng saklaw na komponente at sabjek ng Makabayan makikitang napaka- interdisiplinaryo nito. Upang malaman mo pa nang husto ang mga mahahalagang aspeto ng nilalaman at pagtuturo ng bawat asignatura sa Makabayan, mabuting rebisahin mo rin ang ispesipikong modyul tungkol sa bawat isa. Kailangang may kaalaman ka ukol sa kanila upang maisagawa ang pagkakasundo ng mga asignaturang ito at makapagturo sa isang integratibong pamamamaraan. Marahil ang mahalaga sa ngayon ay malaman mo ang ispesipikong paksain ng bawat asignatura sa bawat taon at markahan. Sa pamamagitan ng pag-eksamen sa mga paksang nakapaloob sa bawat asignatura ng Makabayan, makikita mo ang pagkakaugnay-ugnay ng mga asignaturang ito at ang temang dumadaloy sa Makabayan. Subukan nating balangkasin. SCQ 1.3 1. Batay sa mga nakapaloob na asignatura sa Makabayan, bakit sinasabing napaka-interdisiplinaryo ng Makabayan. 2. Ano ang mga komponente o asignatura ng Makabayan sa elementarya at sekundaryang antas?
  • 18. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 10 Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan sa Elementaryang Antas Ang mga paksa sa Makabayan sa elementaryang antas ay naglalayon na ipakilala sa mga mag-aaral ang katangian at simbolo ng kanilang pagiging Pilipino. Naglalayon rin ito na mahubog sa mag-aaral ang pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan at maitimo sa kanilang isipan ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagiging matapat na mamamayan. Sa baitang 1-3, tanging Sibika at Kultura (SK) at Edukasyong Pagpapakatao (EP) lamang ang komponente ng Makabayan na itinuturong hiwalay. Ang mga paksa sa SK ay nakatuon sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng pambansang pagkakakilanlan, pambansang pagkakaisa at pambansang katapatan. Ang layunin ng EP ay palakasin ang mga pagpapahalaga na integrado at natutunan ng mga mag-aaral sa ibang saklaw na aralin. Samantala, ang kasanayan sa MSEP ay nakapaloob o integrado na sa Sibika at Kultura. Ang EPP naman ay hindi pa kinukuha ng mag-aaral sa unang tatlong baitang. Samakatwid, ang pagtuturo ng Makabayan sa unang tatlong taon ay pagtuturo ng Sibika at Kultura at ito ay pinagtitibay ng Edukasyong Pagpapakatao (EP). Tulad ng nabanggit, ang Sibika at Kultura sa unang tatlong taon ay nahahati sa tatlong pangunahing paksa: pambansang pagkakakilanlan, pambansang pagkakaisa at pambansang katapatan. Ang ikaapat hanggang ikaanim na baitang ay pag-aaral ng Heograpiya/Kasaysayan/Sibika. Ang ikaapat na baitang ay pag- aaral ng Heograpiya. Pinapaksa nito ang kinalalagyan, heograpiyang pisikal o ang katangiang pisikal ng Pilipinas, at ang heograpiyang pantao o ang balangkas at katangian ng yamang-tao ng Pilipinas. Gamit ang kaalaman sa heograpiya, pinag- aaralan din ang pambansang pagkakaisa ng bansa na nakapaloob sa pag-uugnayan ng mga rehiyon sa bansa. Gamit pa rin ang mapa, pinag-aaralan din ang mga nandayuhan sa Pilipinas at ang mga kaakibat na pagbabago at epekto sa bansa. Sa huling markahan, pinag-aaralan ang mga batas at programa ng pamahalaan, gayundin ang mga tanyag na Pilipino at kanilang mga kontribusyon. Pagdating sa ikalimang baitang, ang kabuuang kasaysayan ng Pilipinas ang pinapaksa. Tinatalakay ang mga pangyayari sa nakaraan na nakaimpluwensiya sa kasalukuyan. Tinatalunton ang mga pagbabagong naganap sa ibat ibang panahon ng kasaysayan ng mga Pilipino.
  • 19. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 11 Sa ika-anim na baitang, sibika ang tuon ng pag-aaral. Tinatalakay ang ugnayan ng apat na elemento ng estado – teritoryo, tao, pamahalaan at sobereniya – sa pagsulong ng kaunlaran ng Pilipinas. Ang asignatura na Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan o EPP ay sinisimulang ituro sa ikaapat na baitang ng mag-aaral. Ang kurikulum nito sa elementarya ay nakatuon sa: paglinang sa pagiging responsable at karapat-dapat na kasapi ng tahanan na magiging daan sa pagpapatatag ng pamahalaan. Ang mga gawain ay nagbibigay-diin sa paglinang ng kanais-nais na saloobin, batayang kasanayan at mga gawi sa paggawa sa pamamagitan ng mga araling may kaugnayan sa pang-araw-araw na gawain sa tahanan, paaralan at sa pamayanan at ang paglikha ng mga bagay na kapaki- pakinabang.3 Ang mga aralin na itinuturo sa EPP ay nagkakaloob sa mga mag-aaral ng kaalaman sa hanapbuhay sa mga larangan ng edukasyong pantahanan, agrikultura, sining pang-industriya, tingiang pangangalakal at impormasyong teknolohiya. Samantala, ang Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan o MSEP ay tinatalakay bilang hiwalay na asignatura simula lamang sa ikaapat na baitang. Sa unang tatlong baitang, ito ay nakapaloob sa Sibika at Kultura. Sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang, nililinang sa mga mag-aaral ang kaalaman at pagpapahalaga sa mga katutubo at kontemporaryong sining. Habang tumataas ang baitang ng bata, higit na nililinang ang mga kaangkupang pisikal (physical fitness) at kasanayang panlaro (lead-up games), gayundin ang kaalaman sa musika at pagkamalikhain nito. 3 “Handbook sa Makabayan (Antas Elementarya),” p. 1.
  • 20. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 12 Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan sa Sekundaryang Antas Kumpara sa elementaryang antas, higit na malawak ang saklaw at tiyak ang pagkakasunud-sunod ng mga paksang pinag-aaralan sa bawat asignatura ng Makabayan sa sekundaryang antas. Sa kabuuan, pinalalalim at pinatitibay ng Makabayan sa sekundaryang antas ang nalinang sa elementaryang antas na pambansang pagkakakilanlan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng ibat ibang aspeto ng kasaysayan, kultura, pamumuhay at pagpapahalagang Pilipino. Bukod dito, ang Makabayan sa sekundaryang antas ay nakatuon din sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pag-aaral ng kasaysayan, kultura at pamumuhay ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng daigdig at sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng daigdig. Hinuhubog nito ang mga mag-aaral upang makalinang ng mga mamamayang Pilipino na may oryentasyong “glocal” o global at lokal. Ibig sabihin, binibigyang tuon ng Makabayan ang pag-unawa sa lipunan at pamumuhay Pilipino at ang pagpapalakas sa nasyonalismo at pagkakakilanlang Pilipino habang lumalawak ang kaalaman niya ukol sa iba pang bahagi ng daigdig. Nakasaad rin sa mga kakayahang pagkakatuto (learning competencies) na maaaring pag-aralan ng mag-aaral ang kultura at pamumuhay ng kanyang rehiyon at lokal na pamayanan. SCQ 1.4 1. Subukan mo ngang paghambingin kung ano ang mga paksa ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan sa elementaryang antas? 2. Batay sa mga paksa ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan, ano ang nakikita mong layunin ng pag-aaral ng Makabayan sa elementaryang antas?
  • 21. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 13 Subalit, naglalayon din ang Makabayan sa sekundaryang antas na malinang sa mga mag-aaral na Pilipino ang pagiging mamamayan ng Asya at daigdig. Pinag- aaralan ang kasaysayan at kultura ng mga karatig bansa sa Asya at ng iba pang bansa sa daigdig. Tinatalakay sa mga asignatura ng Makabayan ang mga napapanahon at kasalukuyang isyu, suliranin at pagmamalakasit (concerns) na sama-samang hinaharap ng daigdig tulad ng mga makabagong sakit gaya ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at avian o bird flu; mga transnational crimes tulad ng terorismo at kalakalan sa ilegal na droga; at mga isyu kaugnay ng intellectual property rights, pagkasira ng ekolohiya, pagtatrabaho ng mga bata (child labor) at iba pa. Sa Araling Panlipunan, bagamat ang pangunahing disiplinang tuon nito ay kasaysayan at ekonomiks, mahalaga pa rin ang paggamit ng iba pang disiplina ng agham panlipunan o social sciences sa pag-aaral ng asignaturang ito. Halimbawa, kailangan ang antropolohiya sa pag-aaral ng tao, ang sosyolohiya sa pag-aaral ng lipunan, ang agham pampulitika sa pag-aaral ng pamahalaan at estado, at ang arkeyolohiya sa pag-aaral ng mga labi (remains) ng nakaraan. Gayunpaman, ang Araling Panlipunan sa unang tatlong taon ng sekundaryang antas ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan. Sa unang taon ang tuon ay kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas. Samantala, ang ikalawang taon ay pag-aaral ng mga bansang Asyano at ang ikatlong taon ay pag-aaral ng daigdig. Ang ikaapat na taon ay nakatuon sa pag-aaral ng disiplina ng ekonomiks.Tunghayan ang talahanayan 1. Talahanayan 1: Paksa ng AP sa Sekundaryang Antas4 Taon Paksa Unang Taon Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas Ikalawang Taon Pag-aaral ng mga Bansang Asyano Ikatlong Taon Kasaysayan ng Daigdig Ikaapat na Taon Ekonomiks Ang Musika sa sekundaryang antas ay nakatuon sa pag-aaral sa iba’t ibang elemento nito. Hinuhubog ang kasanayan sa pakikinig, pag-awit, pagtugtog, 4 Ang mga binalangkas na paksa sa Makabayan na makikita sa mga talahanayan sa seksyon na ito ay hinango sa Patnubay sa Operasyonalisasyon ng Makabayan. 2002 Kurikulum sa Batayang Edukasyon sa Level Sekondari (Pasig City: Kawanihan ng Edukasyong Sekondari, Departamento ng Edukasyon, n.d.).
  • 22. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 14 paglikha at pagbasa ng mga piyesa gamit ang musikang Pilipino, musikang dayuhan at musika sa ibat ibang panahon ng kasaysayan. Makikita sa pagsusuri sa talahanayan 2 na mula ikalawa hanggang ikaapat na antas, pinag-aaralan ang musika sa iba’t ibang panig ng daigdig at panahon ng kasaysayan. Talahanayan 2: Paksa ng Music sa Sekundaryang Antas Taon/Baitang Unang Markahan Ikalawang Markahan Ikatlong Markahan Ikaapat na Markahan Unang Taon Elemento at Tunog ng Musika Ritmo at Melodiya Tekstura at Harmonya Anyo at Istilo Ikalawang Taon Musika ng Pilipinas Musika ng Pilipinas Musika ng China at Korea Musika ng Japan Ikatlong Taon Musika ng India Musika ng Thailand Musika ng Indonesia Musika ng Africa at Latin America Ikaapat na Taon Musika sa Ika- 20 Siglo Musika sa Panahong Romantisismo Musika ng Panahong Klasisismo Musika sa Panahong Baroque at Renaissance Ang tuon ng Arts o Sining sa sekundaryang antas ay sa pag-aaral ng iba’t ibang anyo ng sining Pilipino at sining sa iba’t ibang kabihasnan at kultura. Pag- aaralan ang kanilang sining sa konteksto ng kanilang kasaysayan. Tingnan ang talahanayan 3 para sa paksa ng sining sa bawat taon at markahan. Talahanayan 3: Paksa ng Arts sa Sekundaryang Antas Taon/Baitang Unang Markahan Ikalawang Markahan Ikatlong Markahan Ikaapat na Markahan Unang Taon Sining at Kulturang Pilipino Sining Pilipino Sining at Kultura Sining at Lipunan Ikalawang Taon Sining at Kultura sa Kabihasnang Asyano at ang Ugnayan nito sa Kulturang Pilipino Mga Halimbawa ng Sining Asyano Sining sa Kulturang Asyano Sining at Lipunang Asyano Ikatlong Taon Sining at Kultura ng Ibang Bansa Pag-aaral at Paglikha: Sining ng Ibang Bansa Sayaw at Iba Pang Sining Kasaysayan at Estilo
  • 23. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 15 Ikaapat na Taon Pangkasalukuyang Sining at Kultura Mga Pamamaraan at Likha sa Makabagong Panahon Sining sa Makabagong Kultura Mga Isyu ng Lipunan sa Makabagong Panahon Ang unang markahan ng bawat antas ng Physical Education (P.E.) o Edukasyong Pangkatawan sa sekundaryang antas ay nakatuon sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan sa kaangkupang pisikal. Ang iba pang markahan at antas sa P.E. ay nakatuon sa pagsasanay sa sayaw, isports at gawaing panlibangan. Tulad ng sining at musika, pinag-aaralan sa P.E. ang mga sayaw at isports mula sa iba’t ibang panig ng Asya at daigdig. Habang tumataas ang antas ng bata, lumalawak at lumalalim ang pag-aaral at pagsasanay sa kaangkupang pisikal, sayaw at isports. Tingnan ang talahanayan 4 para sa mga paksa ng P.E. Talahanayan 4: Paksa ng PE sa Sekundaryang Antas Taon/Baitang Unang Markahan Ikalawang Markahan Ikatlong Markahan Ikaapat na Markahan Unang Taon Kaangkupang Pisikal Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Sayaw Iba’t ibang Laro at Isports Maramihang Isports Ikalawang Taon Kaangkupang Pisikal Mga Katutubong Sayaw Isahan at Dalawahang Isports Maramihang Isports Ikatlong Taon Kaangkupang Pisikal Mga Banyagang Sayaw Isahan at Dalawahang Isports Maramihang Isports Ikaapat na Taon Kaangkupang Pisikal Mga Sayaw Panlipunan Gawaing Panlibangan Maramihang Isports Ang Health o Edukasyong Pangkalusugan sa sekundaryang antas ay naglalayong “tumugon sa mga pangangailangan ng mag-aaral na makamit ang wastong kaalaman, saloobin, gawi at kasanayang pangkalusugan tungo sa isang
  • 24. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 16 malusog, kapakipakinabang, mapanagutan at makabuluhang pamumuhay.”5 Nakasaad sa talahanayan 5 ang mga paksa sa Edukasyong Pangkalasugan o Health sa sekundaryang antas. Talahanayan 5: Paksa ng Health sa Sekundaryang Antas Taon/Baitang Unang Markahan Ikalawang Markahan Ikatlong Markahan Ikaapat na Markahan Unang Taon Palingkurang Pangkalusugan sa Paaralan at Pansariling Kalusugan Edukasyong Pampopulasyon Edukasyong Pangkaligtasan at Pangunang Lunas Edukasyon sa Gamot Ikalawang Taon Pagsusuri ng Kalusugan at Edukasyong Pampopulasyon Edukasyong Tungkol sa Sakit Pangunang Lunas Edukasyon sa Gamot Ikatlong Taon Pagsusuri ng Kalusugang Pangkaisipan Edukasyong Tungkol sa Gamot Edukasyong Pangkalusugan at Pamimili Edukasyong Pampopulasyon Ikaapat na Taon Pagsusuri ng Kalusugan at Edukasyong Tungkol sa Gamot Edukasyong Pampopulasyon Edukasyong Pampamayanan Kalusugang Pampamayanan Ang pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapahalaga o EP sa sekundaryang antas ay naglalayong malinang sa mga mag-aaral ang isang “sistema ng pagpapahalaga na gagabay sa kanila sa pakikitungo sa sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa paglilingkod sa kapwa, bansa at Diyos, at sa pagtugon sa mga isyu at suliraning dulot ng kapaligiran at mundo.”6 Bawat antas o taon sa EP ay nakatuon sa isang pangkabuuang tema: Ang Tao Bilang Nilikha sa unang taon; ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang sa ikalawang taon; Ang Tao sa kanyang Gawain sa Mundo sa ikatlong taon; at Ang Moral na Pagkatao sa ikaapat na taon. Tingnan ang talahanayan 6 para sa mga ispesipikong paksa. 5 Ibid., p. 136. 6 Ibid., p. 200.
  • 25. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 17 Talahanayan 6: Paksa ng EP sa Sekundaryang Antas Taon/Baitang Tema Unang Markahan Ikalawang Markahan Ikatlong Markahan Ikaapat na Markahan Unang Taon Ang Tao Bilang Nilalang Ang Kalikasan ng Tao Pagkilala sa Sariling Pagkatao Ang mga Pagpapahalaga at Mga Birtud Ang Pagpapasya at ang Pagtatakda ng Mithiin Ikalawang Taon Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang Ang Makabuluhang Pakikipagkapwa Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa Mga Birtud at Pagpapahalaga sa Pakikipagkapwa Mga Isyu at Suliraning Kaugnay ng Pakikipagkapwa Ikatlong Taon Ang Tao sa Kanyang Gawain sa Mundo Ang Lipunan; Para sa Tao Ang Tao Bilang Mamamayan Mga Birtud at Pagpapahalagang Kaugnay ng Paggawa Ang Paggawa at Pagpapasya Ikaapat na Taon Ang Moral na Pagkatao Ang Moral at Ispiritwal na Dimensyon ng Tao Ang Moral na Pagkilos Mga Pagpapahalaga at Birtud na Makapag-aangat sa Antas ng Moralidad Mga Isyung Moral sa Kasalukuyang Panahon Ang Technology and Livelihood Education sa sekundaryang antas ay naghahanda sa mga mag-aaral para malinang ang kaalaman, kasanayan at tamang saloobin sa pagpasok nila sa larangan ng paggawa. Makikita sa talahanayan 7 na apat ang pangunahing lawak ng aralin ng TLE – Home Economics, Agriculture and Fishery Arts, Industrial Arts at Entrepreneurship sa una at ikalawang taon. Pagdating sa ikatlo at ikaapat na taon, ang pagdadalubhasaan ng mag-aaral ay maaaring sa larangan ng Teknolohiyang Pantahanan, Teknolohiyang Pang- agrikultura at Pangisdaan, Teknolohiyang Pangkahoy o Sibil, Elektrikal, Mekanikal at Teknolohiyang Pangnegosyo. Talahanayan 7: Lawak ng Aralin sa TLE sa Una at Ikalawang Taon Markahan Paksa Una Home Economics Ikalawa Agriculture and Fishery Arts Ikatlo Industrial Arts Ikaapat Entrepreneurship
  • 26. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 18 Wikang Gamit sa Pagtuturo (Medium of Instruction) ng Makabayan Ang Makabayan sa elementarya ay itinuturo sa wikang Filipino. Samantala, ginagamit kapwa ang English at Filipino sa pagtuturo ng Makabayan sa sekundaryang antas. Filipino ang gamit sa pagtuturo ng Araling Panlipunan at Edukasyong Pagpapahalaga. Ang Technology and Livelihood Education at MAPEH ay kapwa itinuturo sa English. Nang pasimulan ang Makabayan noong 2002, ang lahat ng komponente at asignatura nito ay itinuturo sa wikang Filipino. Ang MAPEH ay Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan (MSEPP) samantalang ang TLE ay Teknolohiya at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (TEPP). Dahil nauukol sa Pilipinas at pagiging Pilipino ang pinapaksa ng Makabayan, nararapat lamang na ito ay ituro sa wikang Filipino. Subalit, isa sa mga pagbabago sa Makabayan matapos ang unang taon nito ay ang pagtuturo ng TLE at MAPEH sa English. Ang paggamit ng English sa pagtuturo ng ilang asignatura ng Makabayan sa sekundaryang antas ay bunsod ng kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na palakasin ang pagtuturo ng English sa mga pampublikong paaralan. SCQ 1.5 1. Ano ang iyong mapapansin na pinagkaiba sa lawak ng aralin ng MAPEH at TLE kumpara sa Araling Panlipunan at EP sa sekundaryang antas? 2. Tanging nauukol lang ba sa Pilipinas ang pinag-aaralan ng mga asignatura ng Makabayan sa sekundaryang antas? Kung hindi, ano pa ang sinasaklaw ng mga asignatura ng Makabayan sa sekundaryang antas?
  • 27. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 19 Takdang Oras ng Pagtuturo sa Makabayan Iba-iba ang haba ng oras na nakalaan sa pag-aaral ng ibat ibang komponente at asignatura sa Makabayan. Ito ay dahil iba-iba rin ang lawak at saklaw ng mga paksa (scope and sequence) at ang kakayahan sa pagkatuto (learning competencies) ng bawat asignatura. Sa sekundaryang antas, iba-iba rin ang bilang ng kredit ng bawat asignatura dahil sa nagkakaiba rin ang takdang oras ng pagtuturo ng mga ito. Mahalagang mabatid ang kredit na ito sapagkat ang pagpasa ng bata sa susunod na taon o ang pananatili niya sa kanyang taon ay nababatay sa bilang ng kredit na kanyang ipinasa o ibinagsak. Sa elementarya, matatandaan na sa unang tatlong baitang ng mag-aaral ay tanging Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao lamang ang asignatura. Nakapaloob na dito ang MSEP samantalang ang EPP ay hindi pa pinag-aaralan. Subalit pagdating sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang, may sarili ng takdang oras ang MSEP at EPP. Tingnan ang talahanayan 8 para sa takdang oras ng bawat asignatura sa Makabayan sa elementarya. Talahanayan 8: Takdang Minuto Bawat Araw sa Pagtuturo ng Makabayan sa Elementarya Makabayan Baitang 1 Baitang 2 Baitang 3 Baitang 4 Baitang 5 Baitang 6 SK/HKS 60 60 60 40 40 40 EPP Hindi pa pinag- aaralan Hindi pa pinag- aaralan Hindi pa pinag- aaralan 40 40 40 MSEP Integrado sa SK Integrado sa SK Integrado sa SK 20 40 40 EP 30 30 30 20 20 20 Samantala, sa sekundarya, ang Araling Panlipunan (AP), MAPEH at TLE ay may tig-240 na minuto bawat linggo. Sa MAPEH ang takdang-oras na ito ay nahahati ng pantay sa apat na asignatura nito. Ang Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP) naman mula una hanggang ikaapat na taon ay may 120 minuto bawat linggo para sa 2006-2007. Magiging 180 minuto ang EP bawat linggo sa ikatlong taon simula sa 2007-2008. Pagdating ng 2008-2009, magiging 180 minuto na rin bawat linggo ang EP sa ika-apat na taon. Tingnan ang talahanayan 9 para sa paghahati ng oras at ang kaukulang kredit ng mga ito sa Makabayan sa sekundaryang antas.
  • 28. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 20 Talahanayan 9: Takdang Minuto at Bilang ng Kredit sa Pagtuturo ng Makabayan sa Sekundarya Asignatura Minuto Bawat Linggo Kredit AP 240 1.2 TLE 240 1.2 MAPEH 240 1.2 EP 120 for I-IV in SY 2006-2007 180 for III in SY 2007-2008 180 for IV in SY 2008-2009 .6 .9 .9 CAT 35 oras sa Ika-4 na Taon .3 Sistema ng Markahan sa Makabayan Ang sistema ng pagmamarka ay upang sukatin ang kinalabasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral at ang tiyak na kakayahang nalinang sa kanila. Bagamat ang bata ay may grado o marka sa bawat asignatura, may kabuuang marka siya para sa Makabayan. Sa baitang 1-3 ng elementarya, ang marka ng Makabayan ay ang kabuuang bilang o suma ng marka ng SK at EP na hinati sa dalawa.7 Halimbawa, SK - 82 EP - 84 166/2 = 83 Sa baitang 4-6 ang marka ng Makabayan ay ang kabuuang bilang o suma ng marka ng HKS, MSEP, EPP at EP na hinati sa apat.8 Halimbawa, HKS - 82 MSEP - 84 EPP - 85 EP - 83 334/4 = 83.5 7 “Character Education as a Separate Subject of Makabayan in the Elementary Level Effective SY 2005-2006,” DepED Order No. 26, 2. 2005. 8 Ibid.
  • 29. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 21 Sa sekundaryang antas, matrabaho ang pagkompyut ng marka ng mag-aaral sa Makabayan. Ito ay dahil sa iba ang bilang ng oras ng pagtuturo at kredit ng EP kumpara sa iba pang mga komponente ng Makabayan. Bunga nito, iba rin ang bahagdan o porsyento ng marka ng EP kumpara sa ibang komponente ng Makabayan. Halimbawa, ang bahagdan o porsyento ng marka ng AP, TLE at MAPEH sa unang tatlong taon ng sekundaryang antas ay nakuha matapos ang kanilang bilang ng kredit na tig-1.2 ay hinati sa 4.2 na siyang kabuuang bilang ng kredit ng Makabayan. Ang resulta ay 28.57% na siyang bahagdan ng AP, TLE at MAPEH sa kabuuang marka ng Makabayan. Samantala, ang EP ay may .6 na bilang ng kredit sa 2007-2008. Kapag ito ay hinati sa 4.2 na kabuuan na bilang ng kredit ng Makabayan, lumalabas na 14.28% lamang ang bahagdan ng EP sa kabuuang marka ng Makabayan. Tingnan ang Talahanayan 10 para sa isang halimbawa ng pagkokompyut sa marka ng Makabayan sa 2007-2008. Talahanayan 10: Halimbawa ng Pagkokompyut ng Marka sa Makabayan sa Una Hanggang Ikatlong Taon Sabjek/Komponente Marka % ng Kabuuang Marka sa Makabayan Marka Para sa Makabayan AP 87 28.57% 24.85 MAPEH 88 28.57% 24.28 TLE 85 28.57% 25.14 EP 86 14.29% 12.29 100 % 86.56 Sapagkat nadagdagan ang minuto ng MAPEH dahil sa CAT sa ikaapat na taon, nabago rin ang kanilang bilang ng kredit sa ikaapat na taon. Ang AP at TLE ay may 1.2 na bilang ng kredit pa rin gayundin ang EP na may .6 na bilang ng kredit. Subalit naging 1.5 ang bilang ng kredit ng MAPEH dahil sa nadagdag na oras ng CAT. Dahil dito, ang kabuuang bilang ng kredit ng Makabayan ay nadagdagan sa 4.5. Nabago ang bahagdan ng AP at TLE sa marka ng Makabayan dahil sa nabagong kabuuang bilang ng kredit ng Makabayan. Ang 1.2 ay hinati sa 4.5 kung kaya’t lumalabas na tig-26.7% ang bahagdan ng AP at TLE sa kabuuang marka ng Makabayan. Matapos hatiin ang 1.5 ng MAPEH sa 4.5, lumalabas na ang bahagdan ng MAPEH sa marka ng Makabayan sa ikaapat na antas ay 33.3%. Ang .6 na bilang ng kredit ng EP ay katumbas ng 13.3% na bahagdan sa marka ng
  • 30. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 22 Makabayan. Tingnan ang Talahanayan 11 para sa isang halimbawa ng pagkokompyut ng marka sa Makabayan sa ikaapat na taon. Talahanayan 11: Halimbawa ng Pagkokompyut ng Marka sa Makabayan sa Ikaapat na Taon Sabjek/Komponente Marka % ng Kabuuang Marka sa Makabayan Marka Para sa Makabayan AP 87 26.7% 23.23 TLE 85 26.7% 22.69 MAPEH 88 33.3% 29.30 EP 86 13.3% 11.44 100% 86.66 Simula 2007-2008, ang EP sa ikatlong taon ay may 180 minuto na bawat linggo samantalang nananatiling 120 minuto bawat linggo sa iba pang antas ng sekundarya. Sa pagpasok ng 2008-2009, magiging 120 minuto na rin bawat linggo sa ika-4 na antas ng sekundarya. Sa Makabayan, kailangang ipasa ng mag-aaral ang lahat ng asignatura nito. Ang pagbagsak sa isang asignatura ay nangangahulugang dapat itong kunin muli ng mag-aaral at ipasa. Hindi maaaring pumasa sa Makabayan kung ang isang asignatura nito ay bagsak. Hindi rin maaaring pumasa ang mag-aaral at pumanik sa susunod na antas o taon kung bagsak sa Makabayan. Sa sekundaryang antas, ang mag-aaral na bumagsak sa bilang ng kredit na 3 ay hindi makakapanhik sa susunod na taon. Kailangan niya munang ulitin at ipasa ang mga asignatura na kanyang binagsak. Dahil ang kabuuang bilang ng kredit ng Makabayan ay 4.2 sa unang tatlong taon at 4.5 sa ikaapat na taon ng sekundarya, samakatwid kapag ibinagsak ito ng mag-aaral hindi siya maaaring pumanhik sa susunod na taon at kailangan muna niyang ulitin at ipasa ito. Tingnan ang talahanayan 12 para sa bilang ng kredit ng iba’t ibang saklaw na aralin sa 2002 BEC.
  • 31. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 1: ANG MAKABAYAN BILANG SAKLAW NA ARALIN (Learning Area) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 23 Talahanayan 12: Bilang ng Minuto at Bilang ng Kredit ng mga Saklaw na Aralin sa Sekundaryang Antas ng 2002 BEC Bilang ng Minuto Bawat Linggo Bilang ng KreditMakabayan I – III IV I – III IV Filipino 240 240 1.2 1.2 English 300 300 1.5 1.5 Mathematics 300 300 1.5 1.5 Science 360 360 1.8 1.8 Makabayan 840 875 4.2 4.5 TOTAL 2040 2075 10.2 10.5 Sa pagmamarka sa Makabayan dapat gumamit ng mga tradisyunal at awtentikong pagtatasa (traditional and authentic assessment). Ang halimbawa ng mga traditional assessment ay mga eksam na multiple choice, completion type, matching type, fill-in-the-blanks, true or false, at mga short-answer question. Ang authentic assessment ay gumagamit ng performance-based assessment, portfolio, journals and oral interviews, self-evaluation at iba pa. Angkop na angkop ang authentic assessment sa Makabayan sapagkat dito ipinakikita ang iba’t ibang uri at antas ng talino ng mag-aaral ayon sa multiple intelligence. Para sa mga detalye kung paano isinasagawa ang pagtatasa sa iba’t ibang asignatura ng Makabayan, pag-aaralan ang seksyon ukol sa assessment o ebalwasyon sa mga modyul sa Heograpiya/Kasaysayan/Sibika at Araling Panlipunan; Technology and Livelihood Education; Music, Arts, P.E. and Health; at Edukasyon sa Pagpapahalaga. SCQ 1.6 1. Bakit masalimuot ang sistema ng markahan sa Makabayan sa sekundarya kumpara sa elementaryang antas? 2. Ipakita mo nga ang ugnayan ng takdang oras ng isang asignatura sa bahagdan ng kanyang marka sa kabuuang marka ng Makabayan? 3. Sa iyong palagay, ano ang dapat gamiting wika sa pagtuturo sa Makabayan? Bakit?
  • 32. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN ARALIN 2 ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN INTRODUKSYON Ang 2002 BEC ay isang pininong kurikulum (refined curriculum) na binubuo ng limang saklaw na aralin kung saan may integrasyon sa kakayahang pagkatuto (learning competencies) at paksa ang mga ito. Ang mga komponente ng Makabayan ay maaaring pumasok sa integrasyon sa ibang saklaw na aralin ng 2002 BEC. Halimbawa, nararapat na nakapasok ang pagpapahalaga o values sa pagtuturo ng Science, Mathematics, English at Filipino. Dahil sa binubuo ang Makabayan ng iba’t ibang asignatura, ang pinakamalaking hamon sa mga guro ng Makabayan ay kung paano isasagawa ang integrasyon ng mga asignatura nito. Masalimuot ang prosesong ito sapagkat kailangan pagkasunduin o hanapan ng pagkakapareho ang mga paksa at kakakayahang pagkatuto ng mga asignatura ng Makabayan para bumuo ng isang pinagsanib o integradong banghay-aralin (integrated lesson plan). LAYUNIN Ang mga sumusunod ang layunin ng araling ito: 1. Matalakay ang iba’t ibang pamamaraan ng integrasyon. 2. Maipaliwanag ang iba’t ibang antas ng integrasyon. MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 24
  • 33. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN 3. Mapaghambing ang integrasyon sa elementarya at sekundaryang antas. 4. Masuri ang mga hakbang sa pagsasagawa ng tematikong integrasyon. 5. Masuri ang proseso ng pagbuo ng pinagsanib o integradong banghay- aralin gamit ang tematikong integrasyon. BASAHIN Kahulugan ng Integradong Pagtuturo Dahil sa binubuo ang Makabayan ng iba’t ibang magkakaugnay na komponente, nararapat ang integradong pagtuturo sa Makabayan. Ito ay isang pamamaraan ng pagtuturo kung saan may pagkakaisa sa paksa o tema ang mga asignatura ng Makabayan o kung saan ang tuon ng lahat ng asignatura ng Makabayan ay nasa isang sentral na ideya. Nabubuo ang isang integradong pagtuturo sapagkat sinisiyasat ang isang paksa o suliranin mula sa anggulo ng iba’t ibang disiplina. Ito ay kakaiba sa pag-aaral na nakalimita sa iisang disiplina. May mga bentahe ang integradong pagtuturo. Una, hindi tinitingnan ng mga mag-aaral ang daigdig at mga bagay-bagay dito sa mata ng iisang disiplina o sangay ng pag-aaral. Kabuuan ang pagtingin nila rito samakatwid ang pag-aaral ay nararapat na sa kabuuan din. Pangalawa, maging ang pag-aaral ng anumang bagay sa daigdig ay hindi nalilimita sa iisang disiplina. Tumatawid o bumabagtas ito sa iba’t ibang disiplina kung kaya’t nagiging pag-aaral gamit ang maramihang disiplina o multi-disciplinary. Sa ngayon, nauuso ang mga pag-aaral na tumatawid o kaya’y pinagsasama-sama ang iba’t ibang disiplina. Halimbawa, environmental studies, cultural anthropology, sociolinguistics at iba pa. Ang pagtingin sa isang paksa o ideya sa kabuuan o gamit ang iba’t ibang disiplina ang tuon ng integradong pagtuturo. Halimbawa, ang suliranin sa droga ay maaaring ituro ng integrado sa Makabayan. Susuriin ng Health ang epekto nito sa katawan ng tao. Pag-aaralan ng Araling Panlipunan ang lawak at lalim ng suliranin sa lipunan at ang maaaring maging solusyon. Sa Edukasyong Pagpapahalaga, pag-aaralan siya sa ilalim ng mga isyung moral sa kasalukuyang panahon. Maaari rin tingnan siya ng P.E. bilang dahilan sa pagsusulong nito ng mga gawaing panlibangan. MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 25
  • 34. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 26 Maraming pamamaraan sa integradong pagtuturo. Maaari itong content- based instruction, focusing inquiry, generic competency model o thematic integration.9 . Iba’t Ibang Pamamaraan ng Integradong Pagtuturo Para sa 2002 kurikulum, inirerekomenda ng Departamento ng Edukasyon ang apat na pamamaraan ng integradong pagtuturo.10 Isa-isahin natin ang mga pamamaraang ito. Mapapansin na pinaka-angkop para sa Makabayan ang tematikong integrasyon. Content-Based Instruction (CBI) Ang content-based instruction ay isang pamamaraan ng integrasyon kung saan ang nilalaman ng isang asignatura ay ginagamit bilang paksa sa pagtuturo ng wika. Halimbawa ang mga paksa sa Sibika at Kultura o Heograpiya, Kasaysayan at Sibika o Araling Panlipunan ay ginagamit sa pagtuturo ng Filipino samantalang hango naman sa paksa ng Science at Health ang materyal na ginagamit sa pagtuturo ng English. Sa pamamaraang ito, tumitibay ang kaalaman ng mga mag- aaral sa mga asignaturang pinagkunan ng nilalaman samantalang nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika. Ang pangunahing layunin ng CBI ay malinang sa mga mag-aaral ang akademikong kakayahan sa wika. Tingnan sa Diagram 1 kung paano isinasagawa ang CBI. 9 Ang talakayan sa apat na pamamaraan ng integrasyon na nirerekomenda ng DepEd ay hango sa 2002 Basic Education Curriculum (BEC) Package, pp. 29-31. 10 Tinalakay ang apat na pamamaraan ng integradong pagtuturo sa The 2002 Basic Education Curriculum, pp. 30-31. Hango sa sangguniang ito ang talakayan sa seksyong ito. SCQ 2.1 Ano ang integradong pagtuturo? Ipaliwanag mo kung ano ang bentahe ng pag- aaral gamit ang integradong pagtuturo.
  • 35. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 27 Dayagram 1: Content-Based Instruction11 Focusing Inquiry Ito ay isang interdisiplinaryong pamamaraan ng integrasyon kung saan ang pag-aaral ay umiinog sa mga katanungan. Ang mga tanong ang pumupukaw (activate) ng pag-aaral. Ang pag-aaral ay hindi nalilimitahan ng isang disiplina bagkus ito ay tumatawid o bumabagtas sa iba’t ibang disiplina upang bigyan ng linaw at kasagutan ang mga katanungan. Inoorganisa ang pag-aaral hindi ayon sa disiplina kundi sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng kaalaman bilang tugon sa mga katanungan. Naisasagawa ang pagkatutong may kabuuan o holistic learning. Mula sa mga alam na bagay, naglalatag ng mga katanungan upang siyasatin ang iba pang aspeto ng kaalamang hindi batid. Ang proseso ng pagsisiyasat at pagtatanong ay nagbubunga ng mga bagong kasagutan na nagpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral. Ang bagong kaalaman ay sekundaryang layunin lamang; ang pangunahing layunin ay ang matutunan ang proseso ng pagsisiyasat. Generic Competency Sa pamamaraang ito integrado ang mga paksa ng bawat displina dahil sa may mga generic competency na makikita sa iba pang disiplina o asignatura. Pinaniniwalaang may mga pare-parehong kakayahan na nililinang ang iba’t ibang 11 Primer on the 2002 Basic Education Curriculum (Elementary Level), n.p., n.d., p. 17. ENGLISH FILIPINO SCIENCE AND HEALTH (Nilalaman) SIBIKA AT KULTURA/HEOGRAPIYA KASAYSAYAN AT SIBIKA (Nilalaman)
  • 36. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 28 disiplina. Samakatwid maaaring i-organisa ang integradong pagtuturo ng iba’t ibang disiplina o asignatura ayon sa mga kakayahang ito. Sa Makabayan, ang mga kakayahan ay maaaring pangkatin sa tatlong grupo: personal na pag-unlad (personal development), kakayahang panlipunan (social competence) at kasanayan sa paggawa (work skills). Sa pag-aaral ng Makabayan nililinang sa mga mag-aaral ang pagtatamo ng mga kakayahan sa ilalim ng tatlong pangkat na ito. Tematikong Pagtuturo Sa tematikong pagtuturo inoorganisa ang pag-aaral na nakalibot o nakatuon sa isang tema. Iniuugnay-ugnay ang mga paksa at proseso ng pag-aaral ng iba’t ibang disiplina o asignatura sa temang ito. Sa pamamagitan nito, makikita ng mga mag-aaral ang pag-uugnay ng mga asignatura o disiplina upang makabuo ng isang makabuluhang pag-aaral na maaari rin nilang mailahad sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Ayon sa Handbook ng Makabayan sa Sekundaryang Antas, maisasagawa ang tematikong pagtuturo sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:12 1. Humanap ng tema ng yunit kung saan lahat ng asignatura ay maaaring makisanib o makiisa. 2. Kilalanin ang pangunahing konsepto na magsisilbing “integrating lens.” 3. Saputin (web) o pagtugma-tugmain ang mga paksa ng bawat asignatura sa ilalim ng tema o pangunahing konsepto. 4. Kilalanin ang mga pangunahing kaalamang dapat maunawaan (essential understandings) o mga paglalahat (generalization) na mahihinuha sa pag- aaral ng mga paksa. 5. Sama-samang pag-isipan ang mga mahahalagang tanong na kailangan upang mapadali ang pag-aaral ng mga pangunahing kaalamang dapat maunawaan. 6. Itala ang mga proseso at mahahalagang kasanayan (key skills) na dapat bigyang-tuon. 12 The 2002 Basic Education Curriculum, pp. 30-31.
  • 37. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 29 7. Gumawa ng isang integrado o pinagsamang banghay-aralin batay sa kinilalang tema, konsepto, paksa, pangunahing kaalamang dapat maunawaan at mahahalagang tanong. 8. Mag-isip ng isang aktibidad o pagtatanghal na nag-uugnay sa lahat ng pinaksa sa integrasyon at magsisilbing pagtatapos (culminating activity) ng integradong pagtuturo. 9. Magdisenyo ng scoring guide (criteria at standard o mga pamantayan) para sa pagtatasa o ebalwasyon ng mga kakayahan at kasanayang natamo ng mga mag-aaral. Gamit ang tematikong pamamaraan, makabubuo ang mga guro ng mga pinagsanib o pinagsama o integradong banghay-aralin sa Makabayan. Upang maisagawa ang pagbuo ng integradong banghay-aralin at para maituro ito sa integradong pamamaraan, nangangailangan ito ng kooperasyon at kolaborasyon ng iba’t ibang guro na ang bawat isa ay may ispesyalisasyon sa isang partikular na asignatura. Tunghayan ang halimbawa ng pinagsanib na banghay-aralin sa elementarya at sekundaryang antas sa dulo ng araling ito. Tingnan sa ibaba ang iba’t ibang pamamaraan ng pagsasagawa ng tematikong integrasyon. Ang unang dalawang modelo ay para sa elementaryang antas ng Makabayan samantalang ang ikatlong modelo ay para sa sekundaryang antas.13 Sa Modelo 1 para sa baitang I-III, ang Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao ang tumatayong core o sentro ng integrasyon. Pumapaloob sa paksa niya ang pagtuturo ng mga paksa sa Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP). Matatandaan na ang MSEP ay itinuturo sa baitang I-III na integrado sa Sibika at Kultura. Maaari pa ring gamiting core ang Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao sa integrasyon ng Makabayan sa baitang IV-VI tulad ng halimbawa ng pinag-isang banghay-aralin sa elementaryang Makabayan na makikita sa dulo ng araling ito. 13 Primer on the 2002 Basic Education Curriculum (Elementary Level), n.p., n.d., pp. 18-19.
  • 38. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN Dayagram 2: Modelo 1 ⎯ Makabayan Baitang I - III Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao Musika Sining Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan Sa Modelo 2 na maaaring gamitin sa Makabayan sa baitang IV hanggang VI, may isang pinag-isang tema o unifying theme kung saan pumapasok ang mga paksa ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan. Dapat mag-usap ang mga guro ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan at suriin ang tema na dumadaloy sa mga paksa ng kanilang asignatura sa isang partikular na markahan at taon. Dayagram 3: Modelo 2 ⎯ Makabayan Baitang IV – VI Musika Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan Sining Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan UNIFYING THEME (Common to All Makabayan Learning Areas) MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 30
  • 39. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 31 Dayagram 4: Modelo 3 ⎯ Bumabagtas sa Lahat ng Komponente ng Makabayan sa Sekundaryang Antas14 Tulad ng Modelo 2, ang Modelo 3 ay gumagamit din ng pinag-isang tema upang pumasok sa integrasyon ang iba’t ibang asignatura ng Makabayan sa sekundaryang antas. Nararapat din ang pag-uusap at kolaborasyon ng mga guro ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan upang maisagawa ang integradong pagtuturo. 14 Binago ng may akda mula sa modelo 3 (Across All Learning Areas) ng DepEd. Unifying Theme (Common to All Component Areas) Araling Panlipunan Music Arts Edukasyon sa Pagpapahalaga P.E. Technology & Livelihood Education Health SCQ 2.2 Paghambingin mo nga ang iba’t ibang pamamaraan ng integrasyon?
  • 40. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN Pagkakaiba ng Integrasyon sa Makabayan sa Elementarya at Sekundarya Higit na mahirap ang integrasyon sa sekundaryang antas kumpara sa elementaryang antas. Ito ay dahil sa maraming kadahilanan. Una, may tinanghal na core o sentro ng Makabayan sa elementarya. Mula baitang 1-3, ang core ay Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao sapagkat ito lamang ang asignatura ng Makabayan (tingnan ang Modelo 1 ng tematikong integrasyon). Nakapaloob na sa Sibika at Kultura ang MSEP samantalang hindi pa itinuturo ang EPP. Samantala, bagamat may bukod na oras ng pagtuturo ang MSEP at EPP pagdating sa baitang 4-6 at may sarili ring oras ang Edukasyong Pagpapakatao, nananatiling core o sentro ng Makabayan ang Heograpiya/Kasaysayan/Sibika. Pangalawa, higit na madali ang integrasyon ng Makabayan sa elementarya sapagkat kakaunti ang mga paksa na dapat pag-aaralan sa Makabayan. Gayundin, madaling pag-ugnay-ugnayin ang mga kakayahang pagkatuto. Pangatlo, ang guro ng elementarya ay generalist o nagtuturo siya ng iba’t ibang asignatura. Hindi siya tulad ng sa sekundarya kung saan may ispesyalisasyon na ang mga guro. Samakatwid, pangkaraniwan sa baitang 1-3 na iisa ang guro ng bata sa buong Makabayan. Siya ang tanging may kontrol sa natutunan ng bata at maiaayon niya ang pagtuturo niya upang masigurong matatalakay lahat ng mga kakayahang pagkatuto sa Makabayan maging ito ay pangmusika, pansining, pang- edukasyong pangkatawan o sibika at kultura. Sa kabilang dako, masalimuot ang proseso ng integrasyon sa sekundaryang antas. Una, malawak ang saklaw na paksa ng iba’t ibang asignatura sa Makabayan. Kung minsan, mahirap humanap ng tema na dadaloy sa lahat ng mga asignaturang ito lalo pa at mahirap ang paksang tinatalakay sa panahong iyon ng ilan sa mga asignatura. Pangalawa, dahil nga sa malawak ang saklaw na paksa ng bawat asignatura, ispesyalisado na ang mga guro sa sekundaryang antas at ang kaalaman nila ay karaniwang nakalimita o nakatuon sa kanilang asignatura lamang. Kailangan ng pag-uusap at pagtutulungan ng lahat ng gurong nagtuturo ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan upang maisagawa ang integrasyon. MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 32
  • 41. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN Pangatlo, mahirap ang integrasyon sa sekundaryang antas sapagkat wala namang asignaturang hinirang na maging sentro o core sa antas na ito. Samakatwid, ang tanging pamamaraan ay ang humanap ng tema na dumadaloy sa lahat ng asignatura ng Makabayan (tingnan ang Modelo 3 ng tematikong integrasyon). Maaari rin itong isagawa sa Makabayan sa ika-4 hanggang ika-6 na baitang (tingnan ang Modelo 2 ng tematikong integrasyon). Sa pamamaraang ito dapat ilatag ang mga paksa at kakayahang pagkatuto sa bawat asignatura at paghambingin ang mga ito. Dapat na magsama-sama ang mga guro ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan upang magtalakayan at magpalitan ng kuru-kuro ukol sa maaaring maging tema ng integrasyon. Bukod sa mga pagkakaibang ito, ang integrasyon sa Makabayan sa elementarya ay maaaring isagawa sa loob ng isang araw. Ito ay dahil lahat ng mga asignatura ay may takdang oras araw-araw at itinuturo araw-araw. Subalit sa sekundaryang antas ang integrasyon ay malamang na maganap ng isang buong linggo. Ito ay dahil hindi lahat ng asignatura ng Makabayan ay itinuturo araw-araw. Halimbawa, ang EP sa una hanggang ikatlong taon ay maaaring itinuturo lamang ng dalawang beses isang linggo dahil sa ang takdang oras nito ay 120 minuto lamang bawat linggo. Gayundin, bagamat ang MAPEH ay may takdang oras na 240 minuto bawat linggo, ito naman ay dapat hatiin sa apat na asignatura ng MAPEH. Samakatwid, ang takdang oras ng Music, Arts, P.E. at Health ay 60 minuto lamang bawat isa bawat linggo. Karaniwang ang miting sa bawat asignatura ay minsan lamang sa isang linggo. Sa gayon, ang integrasyon ay hindi maaaring maisagawa ng isang araw lamang dahil maaaring walang EP, Music, Arts o P.E. sa araw na iyon. SCQ 2.3 Batay sa mga kadahilanang nabanggit, naniniwala ka bang higit na masalimuot at mahirap ang integrasyon sa sekundarya kumpara sa elementaryang antas? Bakit? MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 33
  • 42. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 34 Iba’t Ibang Antas ng Integrasyon Kapag pinakanta, pinaguhit o pinagmartsa ba ang mga mag-aaral sa isang paksa sa Araling Panlipunan nangangahulugan bang nagkaroon na ng integrasyon ng musika, sining o edukasyong pangkatawan? Hindi ito integrasyon sapagkat ang pagsagawa ng mga kasanayang motor (motor skills) na iyan ay ginamit lamang bilang pagganyak o lunsaran sa talakayan. Upang maging tunay na integrasyon, nararapat na nakaugat sa kakayahang pagkatuto ang integrasyon. Dapat talakayin o pag-aralan ang mga kakayahang pagkatuto ng musika, sining o edukasyong pangkatawan upang maunawaan din ang mga paksang tinatalakay sa mga asignaturang ito. Samakatwid, sa pag-awit maaaring talakayin ang iba’t ibang uri ng boses o ang mga hulwarang ritmo. Sa pagguhit, maaaring talakayin ang primary o complementary colors. Sa P.E. maaaring talakayin ang mga kaangkupang pisikal. Gayundin, upang higit na maging makabuluhan ang integrasyon sa mag- aaral, hangga’t maari ang integrasyon ng mga paksa at kakayahang pagkatuto ay dapat magkakahanay o may alignment. Ibig sabihin, ang mga paksa at kakayahang pagkatuto ng mga asignatura ay dapat nasa pare-parehong markahan at baitang o taon. Sa ganitong paraan, ang paksang tinalakay at ang kakayahang pagkatutong binigyang pansin ng isang asignatura ay napagtitibay o napalalakas (reinforced) sa iba pang asignatura dahil sa tinatalakay din ito rito ng halos magkasabay. Dahil sa kailangang magkakahanay sa pare-parehong baitang o taon at markahan ang mga paksa, sadyang mahirap at masalimuot ang proseso ng integrasyon. Madali ang integrasyon kung ang paksa at kakayahang pagkatuto ng asignaturang iyong isasama o isasanib ay kahit na ano na lamang subalit hindi magiging angkop ito sa kasalukuyang talakayan sa asignaturang isinanib o isinama. Samakatwid, hindi inaasahan na sa araw-araw o linggo-linggo ng pagtuturo ay nagsasagawa ng integrasyon ang mga guro ng Makabayan. May mga panahon na sadyang mahirap humanap ng temang dadaloy sa lahat ng mga pinapaksa ng mga asignatura ng Makabayan. May mga panahon din na may temang dumadaloy sa ilan lamang na asignatura ng Makabayan. Sa ganitong panahon, maaari ring magsagawa ng integrasyon ang mga naturang asignatura bagamat sila-sila lamang. Bahaging integrasyon o partial integration ito sa Makabayan. Kapag lahat ng asignatura ng Makabayan ay pumapaloob sa isang tema at nakagawa ang mga guro
  • 43. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN ng isang integrado o pinagsamang banghay-aralin, masasabing ito ay integrasyong buo o total integration. Upang matulungan ang mga guro na bumuo ng isang integrado o pinagsama- samang banghay-aralin, minarapat ng Departamento ng Edukasyon na magbigay ng halimbawa ng temang nahalaw sa bawat markahan at taon ng Makabayan sa sekundaryang antas. Ang mga temang ito ay dumadaloy sa magkakahanay (aligned) na paksa at kakayahang pagkatuto ng iba’t ibang asignatura ng Makabayan. Tingnan ang Talahanayan 13. MODULE 6.5: CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 35
  • 44. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 36 Talahanayan 13: Pinag-isangTema at Paksa sa Makabayan sa Sekundaryang Antas15 Taon/ Markahan Unang Markahan Ikalawang Markahan Ikatlong Markahan Ikaapat na Markahan Unang Taon *Tao: May Likas na Potensyal ** Ang Tao sa Pagpapaunlad ng Kanyang Potensyal * Hamon sa Pagbabago at Pag-unlad ** Positibong Pananaw * Disiplina: Susi sa Pag-unlad ng Bansa ** Edukasyong Pagkamamamayan *Edukasyong Pagkamamamayan **Mapanagutang Mamamayan Ikalawang Taon * Pansarili, Panlipunan at Pangkulturang Kaunlaran ** Kamalayan *Pakikipagkapwa-Tao **Pamilya, Paaralan at Pamayanan * Pamana at Pag-unlad ng Teknolohiya ** Teknolohiya Noon at Ngayon *Mga Pangkasalukuyang Isyu at Suliranin **Mga Isyu at Suliranin sa Lipunan: Sagabal sa Pag-unlad Ikatlong Taon * Pagpapaunlad ng Kalagayan ng Tao **Ang Pagpapaunlad ng Tao sa Iba’t Ibang Aspeto: Pisikal, Sosyo-Kultural, Ekonomik, Ispiritwal at Mental * Pagkamalikahain **Pagkamalikhain sa Larangan ng Sining * Paglinang ng Talino at Kakayahan ** Talino at Kakayahan sa Iba’t Ibang Larangan * Mapanagutang Pagpapasya **Pagpapaunlad ng Mapanagutang Pagpapasya Ikaapat na Taon * Sarili Bilang Batayan sa Pagpapaunlad ng Pamilya, Pamayanan at Bansa ** Pagpapaunlad ng Sariling Kakayahan Tungo sa Pagpapabuti ng Kalagayan ng Pamilya, Pamayanan at Bansa *Produktibo at Mapanagutang Pamamahala **Ang Kahalagahan ng Produktibo at Mapanagutang Pamamahala *Tungkulin at Pananagutan ng Mamamayan/ Manggagawa **Pagganap ng mga Tungkulin at Pananagutan ng isang Mamamayan * Aktibong Pakikilahok (Participative Citizenship) ** Ako, Ikaw, Tayong Lahat: May Pananagutang Dapat Isabalikat * Pinag-isang Tema ** Paksa 15 Patnubay sa Operasyonalisasyon ng Makabayan, p. 251.
  • 45. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 37 Gamit ang mga temang nailatag sa talahanayan 13, maaari nang bumuo ng isang integrado o pinagsanib na banghay-aralin. Tingnan ang dayagram 5 para sa proseso ng pagbubuo ng isang integradong banghay-aralin sa sekundaryang antas. Dayagram 5: Proseso ng Pagbuo ng Integradong Banghay-Aralin MAKABAYAN Layunin ng Makabayan Layuning Pagkatuto sa Bawat Asignatura AP TLE MAPEH EP Lawak at Saklaw ng Paksa Lawak at Saklaw ng Paksa Lawak at Saklaw ng Paksa Lawak at Saklaw ng Paksa PINAG-ISANG TEMA Banghay- Aralin Banghay- Aralin Banghay- Aralin Banghay- Aralin INTEGRADONG BANGHAY-ARALIN Batayang Kakayahang Pagkatuto Batayang Kakayahang Pagkatuto Batayang Kakayahang Pagkatuto Batayang Kakayahang Pagkatuto
  • 46. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 38 Mga Halimbawa ng Integradong Banghay-Aralin sa Makabayan Tunghayan sa mga susunod na pahina ang tatlong halimbawa ng banghay- aralin sa Makabayan. Ang una ay para sa elementarya kung saan ginagamit ang Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HKS) at Edukasyong Pagpapakatao (EP) bilang core. Ang susunod ay banghay aralin sa sekundarya kung saan gumagamit ng tematikong integrasyon. Ang tema ay hinango mula sa nakalatag sa talahanayan 13. Ang ikatlong banghay-aralin ay sa elementarya at ito ay gumagamit ng content- based instruction. Ibig sabihin ang nilalaman o paksa ay mula sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HKS) samantalang hinahasa ang kasanayan sa Filipino. I. Banghay-Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan Gamit ang HKS at EP bilang Core Pag-aralan natin ang isang banghay-aralin sa Makabayan sa Baitang V sa elementarya kung saan ang nagsisilbing core ay ang Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao. Makabayan V, Unang Markahan16 Tema: Pagpapahalaga sa pagsisikap ng mga sinaunang Pilipino sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. Layunin: HEKASI: Natatalakay kung paano pinaunlad ng mga sinaunang Pilipino ang payak nilang pamumuhay upang makibagay sa pag-unlad ng panahon. EPP: Natutukoy ang mga pangunahing gawaing pangkabuhayan sa pamayanan. MSEP: Nakatutugon sa ritmong 2 dalawahang kumpas ng himig 4 sa pamamagitan ng kilos-katawan. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa gawain, pagiging masipag at matiyaga. 16 Inihanda ni Thelma T. Balatbat, Master Teacher 1, Sta. Ana Central School, Pampanga.
  • 47. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 39 Paksa: HEKASI: Mga Paraan ng Paghahanapbuhay ng mga Sinaunang Pilipino. EPP: Mga Pangunahing Gawaing Pangkabuhayan MSEP: Ritmong Dalawahan Sanggunian: Pamana 5, ph. 45-47 Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan, ph. 103 Umawit at Gumuhit, ph.6-7 Mga Kagamitan: picture puzzle, larawan, manila paper A. Panimulang Gawain 1. Balitaan 2. Balik-aral a. Anu-ano ang naging panahanan ng mga sinaunang Pilipino? b. Ilarawan ang uri ng kanilang pamumuhay. B. Pagtalakay sa ritmong dalawahan 1. Pagpapakita sa larawan a. Ano ang ipinakikita sa larawan? b. Saan makikita ang ganitong gawain? c. Anong awitin ang angkop sa ganitong gawain? 2. Ipaawit ang “ Magtanim ay Di Biro.” a. Ano ang tinutukoy sa awitin? b. Ano ang dapat na maging saloobin sa ganitong gawain? Bakit? c. Ano ang palakumpasan ng awitin? d. Paano ang pagkumpas nito? e. Anong ritmo ang sinusunod sa pag-awit nito? f. Magpakita ng kilos para sa ritmong dalawahan.
  • 48. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 40 g. Ipaawit sa isang pangkat ang awitin habang ang kabilang pangkat ay kumukumpas o kumikilos sa ritmong dalawahan. C. Pagtalakay sa mga paraan ng paghahanapbuhay ng mga Sinaunang Pilipino. 1. Pagbuo ng picture puzzle. a. Ano ang ipinakikita sa mga larawan? b. Ano sa tingin ninyo ang ating aralin ngayong hapon? c. Anu-ano ang gusto ninyong malaman tungkol sa aralin? 2. Pagbasa at pagtalakay sa aralin sa pamamagitan ng graphic organizer. D. Pagtalakay sa pangunahing gawaing pangkabuhayan ngayon. 1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga sinaunang Pilipino ng iba’t ibang uri ng pamumuhay? 2 Anu-ano ang pangunahing pangangailangan ng tao? (pagkain, pananamit, tirahan) 3 Anu-anong gawain ang nakatutugon sa pangangailangan ng pagkain? (pangingisda, pagsasaka, pag-aalaga ng hayop) 4 Anu-anong gawain ang nakatutugon sa pangangailangan sa pananamit? (pananahi, paghahabi) 5 Anu-anong gawain ang nakatutugon sa pangangailangan sa tirahan? (karpintero, tubero, elektrisyan)
  • 49. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 41 E. Paglalahat 1. Ilarawan ang katangian ng mga sinaunang Pilipino batay sa kanilang panahanan at kabuhayan ? 2. Anu-ano ang mga paraang pangkabuhayan na natutunan ng mga Pilipino sa pagdaan ng panahon? 3. Ano ang mga sanhi ng pagkatuklas ng mga paraang pangkabuhayan? 4. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ekonomiyang binubuo ng iba’t ibang uri ng kabuhayan? F. Paglalapat 1. Pagkakaroon ng paligsahan tungkol sa mga gawaing pangkabuhayan. 2. Pagsusulit. Isulat sa patlang kung saang paraan ng panghanapbuhay may kaugnayan ang mga sumusunod: a. Banawe Rice Terraces____ b. Bingwit________________ c. Kalabaw_______________ d. Sibat__________________ e. Ginto_________________ f. Halamang-gubat_________ g. Bakal_________________ h. Lambat________________ i. Manok________________ j. Perlas_________________ 3. Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng mga pangunahing pangkabuhayan ng mga sinaunang Pilipino.
  • 50. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 42 II. Banghay-Aralin sa Sekundaryang Antas ng Makabayan Gamit ang Tematikong Integrasyon Ang susunod na banghay-aralin ay sa sekundaryang antas ng Makabayan. Gumamit ito ng tematikong integrasyon kung saan ang tema ay hango sa inilatag na tema ng DepEd na makikita sa Talahanayan 13 sa pahina 36. PINAGSANIB NA BANGHAY ARALIN SA MAKABAYAN I17 Unang Taon, Ikalawang Markahan Pinag-isang Tema: Hamon sa Pagbabago at Pag-unlad I. Pangkalahatang Layunin: 1. Music: Napapahalagahan ang pagkakaroon ng pagbabago ng iba’t-ibang huwarang ritmo sa takdang-galaw na 3. 4 2. Arts: Nalalaman ang uri ng mga kulay na ginamit sa pagpipinta sa panahon ng mga Español. 3. P.E.: Nakabubuo ng isang sayaw na ginagamitan ng mga hakbang sa palakumpasang 3. 4 4. Health: Nalalaman ang mga nangyayari at nararamdamang mga pagbabago ng mga tinedyer. 5. A.P.: Napapahalagahanan ang mga pagsisikap ng mga Pilipino na malinang ang kanilang kamalayan. 6. E.P.: Nalalaman kung paano palalakasin ang mga kahinaan ng mga kabataan upang makaangkop sa pagbabago. 7. TLE: To explain the importance of knowing oneself. II. Tiyak na Layunin: 1. Music 1.1 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng takdang galaw na 3. 4 17 Binuo ng mga kasapi ng Makabayan Roadshow Workshop para sa Sekundaryang Antas ng Oriental Mindoro National College (OMNC). Ang naturang seminar-workshop ay isinagawa ng Teacher Education Council ng DepED.
  • 51. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 43 1.2 Nabibigyan ng halaga ang iba’t-ibang uri ng nota. 1.3 Nakalilikha ng iba’t ibang huwarang ritmo sa takdang galaw na 3. 4 1.4 Nalalapatan ng instrumentong perkusyon o tunog-tao ang mga nilikhang huwarang ritmo. 2. Arts 2.1 Natutukoy ang mga huwarang ipininta sa panahon ng Español. 2.2 Naibibigay ang iba’t-ibang uri ng complementary color na ginagamit sa pagpipinta. 2.3 Nakaguguhit ng mga larawan na ginagamitan ng iba’t ibang complementary colors. 3. P.E. 3.1 Natutukoy ang mga hakbang-galaw sa palakumpasang 3. 4 3.2 Naisasagawa ang mga hakbang-galaw sa palakumpasang 3. 4 4. Health 4.1 Natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga at pagbibinata. 4.2 Naipaliliwanag ang mga pagbabago bunga ng pagdadalaga at pagbibinata. 5. A.P. 5.1 Naipaliliwanag ang paraan ng pakikitungo at pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Español 5.2 Naiisa-isa ang mga rebelyong naganap bilang pagtutol sa mga Español. 5.3 Naipahahayag ang pagpapahalaga sa kagitingan ng mga Muslim at mga katutubo laban sa mga Español 6. E.P 6.1 Naibibigay at nailalarawan ang mga kahinaan ng mga kabataan.
  • 52. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 44 6.2 Natutukoy ang mga positibong paraan upang mapalakas ang mga kahinaan. 7. TLE 7.1 To explain the different factors that influence a person’s outlook in life. 7.2 To identify the strengths and weaknesses of an individual. 7.3 To discuss the importance of goal-setting. 7.4 To prepare a plan for the realization of one’s goals. III. Nilalaman A. Pinag-isang Tema: Hamon sa Pagbabago at Pag-unlad: Positibong Pananaw B. Paksa 1. Music: Huwarang Ritmo sa Takdang-Galaw na 3 4 2. Arts: Complementary Colors 3. P.E.: Mga Batayang Hakbang Galaw Bilang Kasanayan sa Palakumpasang 3. 4 4. Health: Mga Pagbabago Bunga ng Pagdadalaga at Pagbibinata (Pangkatawan, Pandamdamin, Panlipunan, at Pangkaisipan). 5. A.P.: Mga Reaksyon sa Kolonyalismo 6. E.P. Pagkilala sa mga Kahinaan ng mga Kabataan 7. TLE Person’s Outlook in Life Goals and Goal-Setting C. Batayang Kaisipan 1. Music: Ang ritmo ay tumutukoy sa natural na daloy o pag-uulit ng magkakaugnay na elemento ng musika sa isang komposisyon. Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng lahat ng mga nangyayari sa tono na may kinalaman sa panahong iniuukol sa pagtugtog ng mga ito.
  • 53. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 45 2. Arts: Naipakikita ang mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino at ang kaangkupang pagbabago sa pamamaraan ng pagpipinta sa panahon ng Español sa pamamagitan ng paggamit ng complementary colors. 3. P.E.: Ang sayaw na “Mazurka Mindoreno” ay naangkop sa palakumpasang 3. 4 4. Health: Mahalagang maunawaan ng mga kabataan ang pagbabago bunga ng pagdadalaga at pagbibinata. 5. A.P.: Bawat Pilipino ay may pananagutang ipagtanggol ang bansa tulad ng mga ipinamalas na kabayanihan ng mga Pilipino noong panahon ng Español. 6. E.P.: Ang pagkilala sa sariling kahinaan ay mahalagang sangkap tungo sa pag-unlad. 7. TLE: A positive outlook in life is an instrument in achieving one’s goals. D. Kagamitan: 1. Music: Iskor ng awit na “Sa Kabukiran”, tape recorder, gitara, instrumentong perkusyon (tamburin), sand blocks, triangle, stick. 2. Arts: bond paper, lapis, krayola, ruler, compass, larawang ipininta sa panahon ng Kastila 3. P.E.: “Mazurka Mindoreno” at iba pang 3. na tugtugin, cassette recorder 4 4. Health: larawan ng isang tinedyer 5. A.P.: bond paper, lapis, manila paper, ruler 6. E.P.: cassette recorder, kagamitang biswal 7. TLE: poster, manila paper, pentel pen E. Mga Sangguniang Aklat Mapeh: 1. Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan at Musika I, SEDP 2. Music for the Classroom Teacher ni Castillo at Gloria
  • 54. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 46 3. Musika at Sining I A.P. Kabihasnang Pilipino ni Mateo (patnugot) et. al. E.P. Yaman sa Pagkatao I TLE Technology and Home Economic. in the 21st Century by R.C. Cruz IV. Pamamaraan Music A. Pagganyak: Iparinig at pagkatapos ay awitin ang “Sa Kabukiran.” 1. Ano ang daloy ng tono sa inyong pinakinggan at inawit? 2. Kapag ang pulso ng awit ay napapangkat sa tatlo, anong takdang galaw nito? B. Paglalahad: 1. Pagpapaliwanag sa kahulugan ng takdang-galaw ng tatluhan. 2. Pagbibigay ng halaga sa iba’t ibang uri ng nota. 3. Sa takdang-galaw na 3 anong uri ng nota ang tumatanggap ng isang 4 kumpas? 4. Pansinin ninyo ang pangkat ng nota na may iba’t ibang haba ng tunog. 5. Pangkatin ang mga mag-aaral upang makalikha ng iba’t-ibang huwarang ritmo sa takdang-galaw na 3. 4 C. Paglalapat: Paggamit o paglapat ng instrumentong perkusyon sa mga nilikhang hulwarang ritmo. D. Ebalwasyon: Indibidwal na paggawa ng hulwarang ritmo. E. Kasunduan: Mamili ng isang katutubong awitin na nasa palakumpasang 3. 4 Siyasatin at pag-aralan ang mga hulwarang ritmo na ginamit dito. Awitin ito sa susunod na pagkikita. Arts A. Pagganyak: Pagpapakita ng mga larawang ipininta noong panahon ng Español.
  • 55. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 47 B. Paglalahad: Pagtukoy sa iba’t ibang complementary colors na ginamit sa pagpapinta. C. Talakayan: Pagpipinta o pagguhit ng mga makasaysayang lugar o kaugalian sa panahon ng mga Español sa pamamagitan ng complementary colors. D. Paglalapat: Pagbibigay ng mga detalye o pangyayari sa mga larawang iginuhit. E. Ebalwasyon: Anu-ano ang mga complementary colors na ginamit sa panahon ng Español? Anu-ano ang kahalagahan nito? F. Kasunduan: Gumamit ng mga larawan na ginuhit sa kasalukuyang panahon na nagpapakita ng malaking pagsulong sa larangan ng pagpipinta. P.E. A. Pagganyak: Pagbibigay halimbawa sa mga katutubong sayaw. B. Paglalahad: Mga hakbang-galaw sa palakumpasang 3. 4 C. Talakayan: Pagpapakita ng iba’t ibang hakbang-galaw sa palakumpasang 3. 4 Bleking Redoba Sway Balance Series Mazurka Paso Español Bacui Sagamantica Sangig D. Ebalwasyon: Pagpapangkat-pangkat upang isayaw ang mga hakbang- galaw sa palakumpasang 3. 4 E. Takdang-Aralin: Bumuo ng isang sayaw na gumagamit ng hakbang- galaw sa palakumpasang 3. 4 Health A. Balik-Aral: Wastong Kaugaliang Pangkabuhayan B. Pagganyak: Suriin ang mga pagbabago sa anyo ng mga nagbibinata at nagdadalaga.
  • 56. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 48 C. Paglalahad: 1. Papuntahin sa pisara at isulat ang mga nakikitang pagbabago sa mga nagdadalaga at nagbibinata. 2. Itanong sa mga mag-aaral kung napapansin nila ang mga pagbabagong ito sa kanilang sarili. 3. Pagpapangkat-pangkat at pagsasadula ng mga pagbabagong nakikita sa katawan, pandamdamin, kaisipan at panlipunang pagkilos ng mga nagbibinata at nagdadalaga. D. Ebalwasyon: Maikling pagsusulit. E. Kasunduan: Alamin ang mga salik na nakakaapekto sa paglaki at pag- unlad. A.P. A. Pagganyak: Ipaawit ang “Bayan Ko.” B. Paglalahad: Unang Araw 1. Ano ang mga patakaran na ipinatupad ng mga Español? a. Kristiyanisasyon b. Pasipikasyon c. Imposisyong Kolonyal (polo, vandala, tribute at iba pa) 2. Anu-ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa mga ipinatupad na patakarang ito? Ikalawang Araw: Pagsasadula ng mga piling rebelyon sa panahon ng Español. 1. Itala at ipaliwanag ang mga sanhi ng mga rebelyon. 2. Bakit bigo ang mga rebelyon? Ikatlong Araw: Malayang Talakayan 1. Bakit matagumpay ang Muslim at iba pang katutubo tulad ng mga Igorot sa paglaban sa mga Español.
  • 57. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 49 Ikaapat na Araw: Paggawa ng collage ukol sa iyong damdamin sa pananakop ng mga Español. C. Ebalwasyon: Maikling Pagsusulit D. Kasunduan: Pag-aralan ang susunod na aralin ukol sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. E.P. A. Pagganyak: Pagpaparinig ng awit na “Toyang.” B. Paglalahad: Talakayan tungkol sa “Ang Aking Mga Kahinaan.” C. Pagtatalakay: 1. Isa-isahin ang mga kahinaan ng mga kabataan. 2. Ano ang mga nararapat na gawin upang maiwasan, malimitahan at matanggap ang mga kahinaan. 3. Paano mapagtatagumpayan ang kahinaang taglay ng bawat isa? 4. Paano ito makatutulong sa pag-unlad ng isang kabataan? D. Paglalapat: Pagsasadula ng mga natuklasang kahinaan at kung paano ito mapagtatagumpayan. E. Paglalahat: Base sa ating tinalakay, paano ninyo mailalarawan ang salitang kahinaan? F. Ebalwasyon: Magbalangkas ng mga gagawin upang malampasan mo ang iyong kahinaan. TLE A. Motivation: Storytelling B. Lesson Proper: 1. Define what is outlook in life and explain the factors influencing it. 2. Discuss the strengths and weaknesses of an individual. 3. Explain the importance of goal-setting. 4. Identify the steps in setting a goal.
  • 58. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 50 5. Role play a person’s outlook in life. C. Evaluation: Short Quiz D. Assignment: What are the desirable traits of an individual that contribute toward harmonious family relationships? Culminating Activities: Isang Palatuntunan Music at PE: Pag-awit ng mga piling mag-aaral ng awiting “Sa Kabukiran” na may saliw ng gitara at iba pang instrumentong perkusyon habang isinasayaw ang likhang hakbang-galaw sa palakumpasang 3. 4 Arts: Paligsahan sa pagpinta gamit ang complementary colors sa temang ‘Sa Kabukiran.” Health/E.P: Pagsasadula ng mga naganap na pagbabago sa mga kabataaan at ang mga pamamaraan upang makaangkop dito. Eksibit ng collage na may temang: “Hamon sa Pagbabago: Positibong Pananaw.” A.P. Eksibit ng mga ginawang collage na nagpapakita ng damdamin laban sa pananakop ng mga Español sa Pilipinas. TLE: Poster and Slogan Contest sa temang “Hamon sa Pagbabago: Positibong Pananaw.” III. Banghay Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan Gamit ang Content- Based Instruction (CBI) Tunghayan naman natin ngayon ang isang banghay-aralin sa ikaanim na baitang ng elementarya kung saan pinagsanib ang Filipino, HKS at Edukasyong Pagpapakatao.
  • 59. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 51 Pinagsanib na Aralin sa Filipino, HKS at Edukasyong Pagpapakatao, Ikaanim na Baitang18 I. Layunin 1. Nakikilala ang mga pang-abay na Ingklitik. 2. Nasasabi ang kahalagahan ng mga batas at ordinansa. II. Paksang-Aralin A. Deskripsyon 1. Kasanayan: Pagkilala sa mga Pang-abay na Ingklitik 2. Kaisipan : Pagiging masunurin sa mga batas at ordinansa B. Pagpapahalaga Maging disiplinado sa pagsakay sa mga sasakyan upang maiwasan ang aksidente at trapiko. C. Kagamitan : Mga Aklat: Elizabeth T. dela Cruz at Carmelita B. Villamayor, Batingaw VI (Manila: Gintong Aral Publication, ), pp. 218-221. Estelita B. Capina at Alvenia P. Palu-ay, Pilipinas: Bansang Papaunlad (Quezon City: SD Publications), pp. 123-124. Pat S. Picache et. al. Wikang Filipino: Batayang Aklat sa Wika Para sa Ika-6 na Baitang (Quezon City: Merylvin Publishing House, Inc. and Bookman Incorporated, 1988.) Pocket charts, plaskard, manila paper, larawan III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Pagbabalik aral sa mga pang-abay na pamaraan, panlunan at pamanahon. Sasalungguhitan ng mga bata ang pang-abay sa bawat pangungusap at isusulat kung anong uri ng pang-abay ito. 18 Inihanda ni Ms. Edna L. Pineda, Principal I, Division of Pampanga
  • 60. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 52 2. Pagganyak Ipakikita ng guro ang larawan ng nag-uunahan sa pagsakay at itatanong kung ano ang pumapasok sa kanilang isipan kapag ito ay kanilang nakikita. (Gagamitin ang word network.) B. Pangkatang Gawain 1. Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng kopya ng teksto. 2. Bawat grupo ay pipili ng lider, taga-ulat, taga-sulat, at iba pa. 3. Babasahin ang teksto at sasagutin ang mga tanong na nakasulat. C. Pag-uulat/ Talakayan Pangkalahatang Gawain 1. Sino ang gumagawa ng mga batas na ipinatutupad sa bansa? 2. Ano ang layunin ng mga batas? 3. Mahalaga ba ang mga batas? Bakit? 4. Ano ang tawag sa kawalan ng pamahalaan? 5. Ano ang magiging bunga kung mahina ang pamamalakad ng pamahalaan? 6. Tungkol sa anong uri ng batas ang kuwento? 7. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento? (Gagamitin ang Venn Diagram.) larawan
  • 61. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 53 8. Saan nagpunta ang magkapatid? 9. Bakit sila pumunta roon? 10. Ano ang napansin ng mga bata habang sila ay nag-aabang ng sasakyan? 11. Tama bang pumila habang naghihintay ng masasakyan? Bakit? 12. Ano kaya ang mangyayari kung hindi tayo pipila kapag naghihintay ng masasakyan? 13. Ano ang magiging bunga kung lahat ng mga mamamayan ay susunod sa mga batas? (Gagamitin ang word/web semantic.) D. Paglinang ng Kasanayan 1. Babasahin muli ng guro ang teksto. 2. Tatawagin ang pansin ng mga bata sa mga katagang nakasalungguhit. 3. Itatanong sa mga bata kung ano ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit. (Gagamitin ang configuration clue kung kinakailangan.)
  • 62. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 54 E. Paglalahat Itanong: Ano ang mga pang-abay na ingklitik? F. Pagpapayamang Gawain Magkakaroon ng paligsahan. Bawat grupo ay bibigyan ng pocket chart at plaskards na may nakasulat na pang-abay na ingklitik. Magsasabi ang guro ng pangungusap. Pipiliin ng mga bata ang plaskard na may wastong pang-abay na ingklitik at ilalagay sa pocket chart. IV. Pagtataya A. Bilugan ang pang-abay na ingklitik sa bawat pangungusap. 1. Ang pagpapatibay ng mga batas ay tungkulin ng sangay na tagapagbatas ng pamahalaan. 2. May sariling tagapagbatas din ang pamahalaang local. 3. Resolusyon naman ang tawag sa iba pang mga batas na hindi uring pambatasan. 4. Ang pamahalaan ang gumagawa ng mga batas na ipinatutupad sa sakop na teritoryo ng bansa. 5. Ang kawalan naman ng pamahalaan ay tinatawag na anarkiya. 6. Nakasakay ka ba nang maayos? 7. Disiplina lang talaga ang kailangan upang maging maayos ang lahat ng bagay. 8. Dapat ring tumupad sa mga batas ang lahat ng mga mamamayan. 9. Hindi na yata matututong sumunod sa mga batas ang ibang mga mamamayan. 10. Kailangan ba talaga ang mga batas?
  • 63. TEACHER INDUCTION PROGRAM ARALIN 2: ANG INTEGRASYON SA MAKABAYAN MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 55 I. Takdang-aralin Sipiin ang usapan at salungguhitan lahat ng mga katagang ingklitik. SCQ 2.4 1. Paano mo masisiguro na integrasyon ang isinasagawa at hindi lamang ginagamit ang ibang asignatura bilang pagganyak o lunsaran ng banghay- aralin sa iyong asignatura? 2. Sa iyong palagay, paano higit na magiging makabuluhan ang integrasyon sa Makabayan?
  • 64. TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER KEY TO PREASSESSMENT MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 56 ANSWER KEY (PREASSESSMENT) Aralin 1: Ang Makabayan Bilang Saklaw na Aralin 1. Mali 2. Tama 3. Mali 4. Tama 5. Mali 6. Mali 7. Mali 8. Mali 9. Tama 10. Tama Aralin 2: Ang Integrasyon sa Makabayan 1. Ang integradong pagtuturo ay isang pamamaraan kung saan may pagkakaisa sa paksa o tema ang mga asignatura o sabjek o kung saan ang tuon ng mga asignatura ay nasa iisang sentral na ideya. 2. Apat ang nirerekomenda ng DepEd na pamamaraang maaaring gamitin sa integrasyon. Ito ay ang mga sumusunod: a. Content-Based Instruction b. Focusing Inquiry c. Generic Competency d. Thematic Teaching
  • 65. TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 57 ANSWER KEY Aralin I ASCQ 1.1 1. Nais ng 2002 Basic Education Curriculum na bumuo ng mga mag-aaral na lifelong learners o may kakayahang matuto habambuhay at mga functionally literate o marunong bumasa at sumulat nang makabuluhan. Tumutukoy ang huli sa pagkakaroon ng kasanayan at kakayahang matutong mamuhay at makapagtrabaho, makalinang ng kanilang potensyal, makapagdesisyon nang wasto at makapamuhay nang epektibo sa kanilang kapaligiran at komunidad. ASCQ 1.2 1. Ang Makabayan ang pinaka-ekspiryensyal na saklaw na aralin sapagkat lahat ng pinag-aaralan dito ay nararanasan at namamalas ng mag-aaral sa pang-araw- araw niyang pamumuhay. Ito rin ang pinaka-interaktibo dahil ang pag-aaral ng Makabayan ay nagaganap hindi lamang sa loob ng klase kundi maging sa pakikisalamuha ng mag-aaral sa lipunan. Ito rin ang pinakapuno ng pagpapahalaga sapagkat ito ang pangunahing humuhubog sa mag-aaral upang maging mabuting mamamayan at Pilipino. 2. Tinawag na laboratoryo ng buhay ang Makabayan sapagkat lahat ng pinag- aaralan dito ay nauukol sa kasaysayan, kultura, kinagawian, kabuhayan at pamumuhay Pilipino na nararanasan ng mag-aaral.
  • 66. TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 58 ASCQ 1.3 1. Ang Makabayan ay napaka-interdisiplinaryo dahil ang mga komponente at asignatura nito ay mula sa iba’t ibang disiplina ng pag-aaral. 2. Ang Makabayan sa elementarya ay binubuo ng mga sumusunod: a. Sibika at Kultura (SK sa baitang 1-3) at Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HKS sa baitang 4-6) b. Edukasyong Pagpapakatao (EP) o Character Education c. Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP) d. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) Ang MSEP ay integrado sa Sibika at Kultura sa unang tatlong baitang samantalang ang EPP ay hindi pa itinuturo sa mga baitang na ito. Sa sekundarya, ang Makabayan ay binubuo ng mga sumusunod: a. Araling Panlipunan (AP) b. Music, Arts, P.E. at Health (MAPEH) c. Technology and Livelihood Education (TLE) d. Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP) ASCQ 1.4 1. Ang paksa ng Makabayan sa una hanggang ikatlong baitang ay ukol sa pambansang pagkakakilanlan, pambansang pagkakaisa at pambansang katapatan. Pagdating sa ikaapat hanggang ika-anim na baitang, pinapaksa ng Makabayan ang heograpiya, kasaysayan at pamahalaang Pilipinas gayundin ang kultura, pagpapahalaga at gawaing Pilipino.
  • 67. TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 59 2. Ang Makabayan sa elementaryang antas ay naglalayong humubog ng mga mamamayang Pilipino na matapat, makabayan at may pagkakakilanlan bilang Pilipino. ASCQ 1.5 1. Ang EP ay isang komponente at asignatura ng Makabayan. Gayundin ang AP bagamat napaka-interdisiplinaryo nito dahil sa ang mga paksa nito ay sumasaklaw sa iba’t ibang disiplina ng agham panlipunan. Subalit ang MAPEH ay isang malawak na komponente na binubuo ng apat na magkakaibang asignatura o sabjek – Music, Arts, P.E. at Health. Ang TLE ay isa ring malawak na komponente na may apat na lawak ng aralin – Home Economics, Agriculture and Fishery Arts, Industrial Arts at Entrepreneurship – sa una at ikalawang taon. Pagdating sa ikatlo at ikaapat na taon, higit na lumawak ang maaaring pagdalubhasaan ng mag-aaral at ito ay maaaring alin man sa mga sumusunod: a. Teknolohiyang Pantahanan b. Teknolohiyang Pang-agrikultura at Pangisdaan c. Teknolohiyang Pangkahoy o Sibil d. Elektrikal e. Mekanikal f. Teknolohiyang Pangnegosyo 2. Ang pinag-aaralan sa Makabayan sa sekundaryang antas ay hindi lamang ukol sa Pilipinas. Pinag-aaralan din ang Asya at iba pang panig ng daigdig. Halimbawa, pinag-aaralan ang musika, sining at kasaysayan ng Asya at daigdig gayundin ang mga napapanahong isyu, suliranin at pagmamalasakit (concerns) na hinaharap ng daigdig.
  • 68. TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 60 ASCQ 1.6 1. Masalimuot ang sistema ng markahan sa Makabayan sa sekundaryang antas kumpara sa elementarya sapagkat malawak ang saklaw na paksa ng mga komponente at asignatura ng Makabayan. Mahaba at nagkakaiba-iba rin ang oras ng pagtuturo kung kaya’t nagkakaiba rin ang bilang ng kredit ng bawat komponente. Ang bahagdan o porsyento ng bawat komponente sa kabuuang marka sa Makabayan ay batay sa bilang ng kredit nito. 2. Ang bahagdan o porsyento ng isang komponente sa kabuuang marka ng Makabayan ay batay sa bilang ng kredit nito. Ang bilang ng kredit nito ay nakabase sa bahagdan ng takdang oras ng komponenteng ito sa kabuuang oras ng pagtuturo ng Makabayan. 3. Bagamat parehong ginagamit ang English at Filipino sa pagtuturo ng Makabayan sa sekundaryang antas, higit na marapat sana na ituro lahat ng komponente nito sa Filipino tulad ng sa elementarya. Mas makabuluhan ang pag-aaral ng kasaysayan, kultura, kabuhayan, pamumuhay at pag-uugaling Pilipino kung ito ay nasa sarili nating wika. Aralin II ASCQ 2.1 Ang integradong pagtuturo ay isang pamamaraan ng pagtuturo kung saan may pagkakaisa sa paksa o tema ang mga asignatura o sabjek ng Makabayan o kung saan ang tuon ng lahat ng asignatura ng Makabayan ay nasa isang sentral na ideya. Sa pamamaraang ito, kabuuan ang pagtingin sa isang paksa o ideya. Ang pag-aaral ay hindi nakalimita sa isang disiplina o sangay ng pag-aaral, bagkus ito ay bumabagtas sa iba’t ibang disiplina. Pinag-aaralan ang isang paksa o bagay sa kanyang kabuuan hindi lamang batay sa ilang aspeto nito.
  • 69. TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 61 ASCQ 2.2 Ang content-based instruction ay isang pamamaraan kung saan ang nilalaman ng isang asignatura o sabjek ay ginagamit bilang paksa sa pagtuturo ng wika. Halimbawa ang paksa sa Sibika at Kultura ay ginagamit sa pagtuturo ng Filipino. Samantala, ang focusing inquiry ay isang pamamaraan kung saan ang pagtatanong ang pumupukaw sa pag-aaral. Mahalaga ang nabubuong kaalaman subalit higit na mahalaga ang proseso ng pagsisiyasat na ginamit. Hindi nakalimita sa isang disiplina ang pagtatanong at pagsisiyasat bagkus ay bumabagtas sa iba’t ibang disiplina. Sa pamamaraang generic competency, inoorganisa ang integradong pagtuturo sa mga pare-parehong kakayahan o generic competency ng mga disiplina o asignatura. Ang tematikong pagtuturo ay isang pamamaraan kung saan ang pag- aaral ay nakalibot o nakatuon sa isang tema. Nakaugnay ang mga paksa at proseso ng pag-aaral ng iba’t ibang disiplina sa temang ito. ASCQ 2.3 Higit na masalimuot ang integrasyon sa sekundarya kumpara sa elementarya. Ito ay dahil higit na malawak at marami ang mga paksang pinag-aaralan sa iba’t ibang komponente ng Makabayan sa sekundarya. Bukod dito, walang tinanghal na core na komponente ang Makabayan sa sekundarya. Hindi tulad ng sa elementarya kung saan may core na komponente na maaaring maging sentro ng integrasyon. Iba-iba rin ang guro ng mga asignatura ng Makabayan sa sekundarya kumpara sa elementarya, partikular sa unang tatlong baitang, kung saan ang guro ay iisa sapagkat generalist siya. Samakatwid, nakasalalay ang integradong pagtuturo ng Makabayan sa sekundarya sa pag-uusap at kolaborasyon ng mga guro ng iba’t ibang komponente at asignatura nito.
  • 70. TEACHER INDUCTION PROGRAM ANSWER TO SCQ’S MODULE 6.5 CURRICULUM AND INSTRUCTION (MAKABAYAN) 62 ASCQ 2.4 1. Ang integrasyon sa Makabayan ay dapat nakaugat sa kakayahang pagkatuto ng mga asignatura na pumapaloob sa integrasyon. Hindi sapat ang pag-awit o pagguhit o pagmartsa. Dapat talakayin din ang mga kakayahang pagkatuto ng mga asignaturang ito. 2. Higit na magiging makabuluhan ang integrasyon sa Makabayan kapag ang mga paksa at kakakayahang pagkatuto ng iba’t ibang asignatura ay magkakahanay o aligned. Ibig sabihin, ang mga ito ay dapat nasa parehong taon o baitang at markahan. Samakatwid ang kakayahang pagkatutong binigyang-pansin ng isang asignatura ay napalalakas o napatitibay sa iba pang asignatura.