1. PAGONG AT KUNEHO
Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang
pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At
sinundan iyon ng malulutong na tawa.
Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay
hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo."
Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang
abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng
mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng
kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan.
"Handa na ba kayo".
Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".
"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag
si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok.
Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop.
Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na
ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya
ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng
bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan
ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya
ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.
Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si
pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng
matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.
Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong
makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog
din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan.
Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang
talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong.
Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong
na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng
kanyang mga Kuneho sa buhay.
2. PALAKA AT UWANG
Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang
dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang
mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala.
Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni
Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa
isang
yagit,
kaya
nakaahon
siya
sa
pampang.
Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at
Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si
Gagamba, Hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang
panlulumo
habang
si
Uwang
naman
ay
patudyong
nagtatawa.
Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan.
Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila
sa
isang
paligsahan
si
Uwang.
Ang
ilalaban
nila
ay
si
Palaka.
"Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar
nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin."
Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay
doon.
"Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang
kanyang
pakpak.
Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy
patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa.
Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang.
Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay
natangay
ng
agos.
"Tulungan mo
ako,
Palaka. Hindi
ako marunong lumangoy," pakiusap ni
Uwang.
Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at
Susuhong.
"Mabuti
nga
sa
kanya,"
sabi
ni
Palaka
nang
Hindi
na
matanaw
si
Uwang.
Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.
3. BAGONG KAIBIGAN
(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko
raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa
papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko
ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan.
Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan
pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng
dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na
lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang
bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang
tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para
itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay
nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala
pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa
kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin
sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“
Ang Aral ng Damo
May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan
ay nasisiyahan.
"G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel.
"Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak."
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?"
"Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy
sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!"
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang masasabi mo sa iyong
halimuyak?"
"Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko. Ang kanyang
mga piling ay hinog na!"
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G. Saging, kumusta? Ikaw ba'y
nasisiyahan sa iyong sarili?"
"Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo't may
bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!"
Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?"
"Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito'y
nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?"
"Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng
matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!"
4. Ang Matalinong Pintor
Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran nila. Bitbit niya sa kanang
kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang kamay ang brotsang gagamitin sa pagpipintura.
Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, "Huwag kang aalis, Zandrey, dahil may
ipagagawa ako sa iyo."
"Ano po iyon, inay?" tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan nilang mga magkababata
na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.
"Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng pinturang puti at brotsa at
maaari mo nang masimulan pagkakain mo."
Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga utos niya ay parang utos ng
reyna na di mababali.
Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pag-iisip niya ang tiyak na nasa
laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na sa pag-aantay sa kanya, o di kaya'y naglalaro na at
hindi na siya hinintay.
Isinawsaw niya ang brotsa sa lata ng pintura at dahan-dahang idinampi sa isang sulok ng mahabang bakuran.
"Sa lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi," wika niya sa sarili. "Binabalak pa naman namin ni James na
ilampaso ngayon sina Henry."
Nang walang kagana-ganang isasawsaw na uli ang brotsa sa lata ng pintura, natanaw niyang dumarating ang
kapwa bata ring si Vince.
"Hoy, Zandrey!" Di siya lumingon at kunwari ay walang narinig. Binilisan niya ang paghahaplos ng pintura sa
bakod.
"Ano ang ginagawa mo, Zandrey?"
Wala pa rin siyang narinig. Humakbang siya sa likod at sinipat ang napinturahan na.
"Kawawa ka naman, Zandrey. Nagpipintura ka."
"Oy, nandiyan ka pala, Vince. Di kita napansin."
Isinawsaw na uli ni Zandrey sa lata ang brotsa at ganadong-ganadong itinuloy ang pagpipintura. Maya't-maya'y
sinisipat ang napintahan na. Sisipol-sipol siya at tila tuwang-tuwa sa ginagawa. Si Vince ay nakatungangang
nagmamasid.
"Papinta rin nga," maya-maya'y pakiusap, nito. "Titikman ko lang magpintura."
"Ay, huwag! Baka hindi mo kaya. At saka, magagalit ang nanay ko. Kailangang maayos ang pintura nito."
"Sige na, patikim lang. Aayusin ko. O, ibibigay ko sa iyo ang trumpo ko, pagpintahin mo lang ako."
"O, sige na nga." Naupo si Zandrey sa isang tabi at hinayaang magpintura ang kababata. Habang pinapanood
niya si Vince, nabuo sa isipan niya ang isang balak para mapadali ang trabaho niya at makaipon pa siya ng mga
regalo.
Nang umalis na ang napagod nang si Vince, sumunod namang naisahan ni Zandrey si Armel. Binigyan siya nito
ng yoyo kapalit ng pagpipintura sa bakod. Sumunod naman dito si Erick, saka si Ethan, si Alexander, si
Richard.
Nang matapos ang araw, malaking kayamanan ang inisa-isang bilangin ng matalinong si Zandrey - may yoyo,
trumpo, tatlong malalaking sigay, kandadong walang susi, larawan ni Batman at Robin, komiks na Superman,
mahabang tali ng borador, plastic na baril-barilan, singsing na tanso....
Pinagmasdan niya ang bakod na pininturahan. May makapal, may manipis, may paayon, pasalungat, may
kulang-kulang na pintura. Ngunit sa paningin ni Zandrey, ang bakod ay napakaganda, dahil ni-kaunti man ay di
siya napagod at nakakamal pa siya ng maraming yaman.
5. Bakit Mataas Ang Langit
Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang
langit? Narito sa kuwento na ito ang mga sagot. Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahaykubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat
niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw
nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.
"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.
"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.
"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."
"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino
sa tubig.
"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas.
Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo
na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.
"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababangmababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.
"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na pagkatapos ko
nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay
at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa
lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang
kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas.
Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling
mabayo ang palay.
Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo naman ay
tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang
kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.
Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay
umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya
ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga
gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At anong kinang ng
mga butil ng aking kuwintas!"