SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  40
1 
Republika ng Pilipinas 
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas 
PAARALANG GRADWADO 
MASTER NG ARTES SA FILIPINO 
Sta. Mesa, Maynila 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG 
MAPANGHIMAGSIK SA 
PANITIKANG FILIPINO 
Iniharap kay Prop. Rogelio L. Ordoñez 
Guro 
Bilang pagtugon sa kahingian 
sa asignaturang 
Panitikang Mapanghimagsik 
MAF 504 
Mananaliksik: 
Nimpha Landicho Gonzaga 
MAF-1 
Septembre 27, 2014
2 
Republika ng Pilipinas 
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas 
PAARALANG GRADWADO 
MASTER NG ARTES SA FILIPINO 
Sta. Mesa, Maynila 
PAMAGAT: PAGSUSURI SA MGA AKDANG 
MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO 
 Panitikan na Naghihimagsik sa Iba’t ibang Panahon 
 Dula at mga Tula ni Rogelio L. Ordoñez 
MANUNURI: NIMPHA LANDICHO GONZAGA 
KURSO: MASTER NG ARTES SA FILIPINO
3 
Republika ng Pilipinas 
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas 
PAARALANG GRADWADO 
MASTER NG ARTES SA FILIPINO 
Sta. Mesa, Maynila 
PANITIKAN NA NAGHIHIMAGSIK SA IBA’T IBANG PANAHON 
I. Panahon na Kastila (1565-1898) 
a. Panahon ng Propaganda (1872-1896) 
Noli me Tangere at El Filibusterismo (Nobela) ni Dr. Jose Rizal 
b. Panahon ng Tahasang Paghihimagsik (1896-1898) 
Ang Pag-ibig (Sanaysay) ni Emilio Jacinto 
II. Panahon ng Amerikano (1900-1941) 
Tanikalang Ginto (Dula) ni Juan Abad 
III. Panahon ng Hapones (1941-1945) 
Palitan (Maikling Kwento) ni Pedro S. Dandan 
IV. Panahon ng Isinuling Kalayaan (1946-1970) 
Isang Dipang Langit (Tula) ni Amado V. Hernandez 
V. Panahon ng Aktibismo (1970-1972) 
Canal de la Reina (Nobela) ni Liwayway Arceo 
VI. Panahon ng Bagong Lipunan ( 1972-1981) 
Satanas sa Lupa (Nobela) ni Celso Al. Carunungan 
VII. Panahon sa Kasalukuyan 
Sa pagkamatay ng Isang Newsboy (Tula) ni Lamberto Antonio 
DULA AT MGA TULA NI ROGELIO L. ORDOÑEZ 
Pamagat ng mga Katha 
 Saan Papunta ang mga Putok 
 Sa Bayan Ni Juan 
 Ave, Ave, Pater Patrum 
 Bakit Ganyan?
4 
Introduksyon 
Kung susuriin ang panitikan ng kasaysayan, maraming pangyayari sa nakaraan ang 
tumatak at nag-iiwan ng latay ng pagpapaalala sa mga pangyayaring naghihimagsik, lumalaban at 
sumasalungat ang mamamayan sa mga pangyayari sa ating bayan. Maraming akda ang naisulat sa 
bawat yugto panahon na naghihimagsik, ngunit dahil sa ang mga akda’y mahigpit na ipinagbawal 
sa una pa lang na paglalathala at karamihan sa mga manunulat na ito ay ipinakulong. 
Tinatalakay ng mga manunulat sa kanilang panitik ang kabulukan ng lipunan at pulitika. 
Ang alinmang establisimento ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin. Madarama sa 
simbahan, sa paaralan, at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pag-asa ng mga manunulat sa 
pamahalaan. Maging ang mga pari, mga guro, at mga magulang bilang awtoridad o mga dapat 
taong dapat igalang ay niyanig ng mga akdang naghihimagsik bilang kalaban na pabigat sa 
hinihingi nilang pagbabago. Humangga ang panitikang ito sa pagsasaad ng dapat gawin upang 
lutasin ang suliranin. 
Ang Panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang mga hinaing, 
damdamin o kaisipang nais ipahayag. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, 
nagmumulat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Maituturing na mapaghimagsik ang 
panitikan kung ito ay tumitiwalag at tumutuligsa sa katayuan ng lipunan, tuwirang humahamon sa 
umiiral na panahon, maaring ito ay laban sa maling pamamahala ng gobyerno, katiwalian, kultura, 
relihiyon at moralidad. 
PANITIKAN NA NAGHIHIMAGSIK SA IBA’T IBANG PANAHON 
PANAHON NA KASTILA 
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. 
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at 
upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. 
Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at 
at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon, ito ang panahon ng propaganda at panahon ng 
tahasang paghihimagsik. Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, 
karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Sa 
panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala 
sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa 
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng 
Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa 
kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na 
kalabanin ang pamahalaan. Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang pagkakahimlay ang 
mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino. 
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga 
Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon 
5 
sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Naging lalong mahigpit ang 
pagbabanta ng mga kastila, subalit hindi nila nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang 
damdamin ng mga Pilipino. And dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at 
humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalan. Dahil sa mahigpit ang 
pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang 
maprotektahan ang mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na 
makasulat. 
PANAHON NG PROPAGANDA 
Tatlo ang taluktok o pinakalider ng Propaganda. Ang mga ito’y sina Dr. Jose Rizal, 
Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena. May kanya-kanyang ambag sa panitikan. Napiling 
suriin ng papel na ito ang naiambag ni Dr. Jose Rizal. 
Dr. Jose Rizal 
Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda ang buo niyang panagan. Siya ay 
ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna. Naging unang 
guro niya ang kanyang ina na si Teodora Alonzo. 
Nag-aral siya sa Ateneo de Manila. Nagsimula siyang mag-aral ng Medisina sa 
Pamantasan ng Santo Tomas, ngunit nagtapos sa Unibersidad Sentral ng Madrid. Nag-aral din 
siya sa Pamantasan ng Berlin, at Heidelberg. Ang kanyang buhay ay nagwakas noong Disyembre 
30, 1896, nang ipabaril siya ng mga Kastila na nagparatang sa kanya ng sedisyon at 
paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila. Ginamit niya ang sagisag na Laong-laan at 
Dimasalang sa kaniyang mga panulat.
6 
Noli Me Tangere at El Filibusterismo 
(Nobela) 
Ang Noli Me Tangere ang una at walang kamatayang nobela na sinasabing nagpasigla ng 
malaki sa kilusang Propaganda at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. Sa aklat 
na ito ay walang pakundangan niyang inilantad ang kasamaang naghahar i sa pamamahala ng mga 
kastila sa Pilipinas. Mahigpit na ipinagbawal ng mga Kastila ang pagbasa ng mga ito, ngunit 
maraming salin ang lihim na nakapasok sa kapuluaan, bagama’t ito’y nangangahulugang 
kamatayan sa nag-iingat. Ang “Noli” ay nagbigay sa panitikang Pilipino ng mga hindi malilimot 
na tauhang larawang-buhay na mananatili sa isip ng mga bumabasa, gaya nina Maria Clara, Juan 
Crisostomo Ibarra, Elias, Sisa, Pilosopong Tasyo, Basilio, Crispin, Padre Salvi at Padre Damaso. 
Makapangyarihan ang panitik ni Rizal sa paglalarawang-tauhan. Sa Fili ay naging Simoun si 
Ibarra. Ang dating malamig, mapagtimpi, at makabatas, at makapamahalaang si Ibarra ay 
naglagablab na kagubatan ng ngitngit, poot, at paghihiganti sa bulok at tiwaling pamahalaan. 
Ang El Filibusterismo naman ay karugtong ng Noli. Kung ang Noli ay tumatalakay sa 
mga sakit ng lipunan, ang Fili ay lantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang 
katulong ngunit higit na naging makapangyarihan, ang simbahan. Kaya’t madalas uriin ang Noli 
na nobelang panglipunan at pampulitika naman ang Fili. 
Ang mga nobelang ito ay itinuring bilang mga repleksiyon ng buhay sa Pilipinas noong 
ikalabinsiyam na siglo. Sa gayon, mababasa ang mga nobela bilang representasyon ng mga 
pangyayaring naganap sa Pilipinas, bilang pagtatangkang makalikha ng mga tauhang may katapat 
sa tunay na buhay, bilang pagpapaliwanag ng mga suliranin ng lipunang kolonyal, at bilang 
pagpapahiwatig ng mga solusyon sa mga problemang sumisiil sa bansa. Malinaw na nakaugat ang 
mga nobelang ito sa mga puwersang pangkasaysayan at hindi lamang salamin ng buhay ang mga 
nobela kundi isa ring uri ng pagbalikwas sa pagpapahayag ng kabulukan ng sistema. Malinaw 
ding makikita sa nobela ang pagtatagisan ng maraming ideolohiya ng ikalabinsiyam na dantaon 
na sinasagisag ng mga pangkating relihiyoso, pamahalang sibil, mga ilustrado, mga uring api at 
indio. 
PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK 
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga 
Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at 
naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin 
sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalunagat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito. 
Nang dahil sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipino na ang 
nagsipagsabi na “wala nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik”. Ang naging laman ng 
panitikan ay pawing pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino 
upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan.
7 
Ang kikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina Andres 
Bonifacio, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini. Napiling suriin ng papel na ito ang naiambag ni 
Emilio Jacinto. 
Emilio Jacinto 
Sagisag ng kabataang mapanghimagsik. Si Jacinto ay kinikilalang utak ng Katipunan, 
sapagkat tumayo siyang kanang-kamay ni Bonifacio, na hindi niya hiniwalayan liban na lamang 
sa huling yugto ng paghihimagsik, nang mapasugo siya sa Laguna at si Bonifacio nama’y sa 
Cavite. Anak-mahirap din, si Jacinto ay nakapag-aral at naging bihasa sa Kastila. Nagpakahusay 
sa Tagalog, sapagkat ito ang wikang kailangan para makasapi sa Katipunan, hanggang sa 
makasulat ng mga maalab na katha bilang pagsunod sa tanging layuning makaakit ng mga kaanib 
sa samahang mapanghimagsik. Si Jacinto ay sumulat ng mga paksang makabansa at 
mapanghimagsik sa Tagalog at Kastila. Sa mga sinulat niya sa Tagalog, na nilagdaang Dimas 
Ilaw, ilan sa mga akda niya ang Kartilya ng Katipunan, at mga tulang A La Patria, at Mi Madre. 
Ang Kalayaan, Ang Ningning at Liwanag, Ang Tao ay Magkapantay, at iba pa ay ilan sa 
mga kasamahang sanaysay sa kanyang aklat katipunan na Sa Liwanag at Dilim. Si Emilio Jacinto 
ang naging matalinong katulong ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan siya ang 
tinaguriang “Utak ng Himagsikan.” Isa sa pinakadakilang nagawa niya para sa Katipunan ay ang 
pagkakatatag at pamamatnugot niya sa “Kalayaan”, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Ang 
una at huling isyu ng pahayagang Kalayaan ay lumabas noong Enero 18, 1896. Bagamat minsan 
lamang lumabas ang Kalayaan, ang mga siping ipinakalat sa mga karatig-lalawigan ay nagdulot 
ng malaking epekto sa masa na naging dahilan ng pag-anib ng libo-libong tao sa Katipunan. 
Iniurong ni Bonifacio ang kanyang isinulat na Kartilya bilang paggalang sa tungkulin ni Jacinto 
bilang kalihim ng Katipunan. Ang kanyang Kartilya ang nasunod bilang kautusan ng mga kaanib 
sa samahan. 
ANG PAG-IBIG 
(Sanaysay) 
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag - 
ibig. Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang may kapal at ang 
kapwa tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag - ibig, siya lamang ang 
makapagpapabukal sa loob ng tunay at wagas na pag - ibig. Kung ang masama at matuwid ay 
ninanasa rin ng loob, hindi ang pag - ibig ang siyang tunay na may udyok kundi ang kapalaluan 
at ang kasakiman 
Kung ang pag - ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal at kara- karakang 
mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay 
matutulad sa isang dahaon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.. 
Ang tunay na pag - ibig ay walang iba kundi yong makakaakay sa tao sa mga dkilang
8 
gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan. 
Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag aayo ring pag - ibig kung minsan, 
at kung magkagayon na ay libu - libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga - 
patak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag - 
iimbot sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag - ibig. 
Ang pag - ibig, wala na kundi ang pag - ibig na tanging binabalungan ng matatamis na 
alaala sa nagdaan at nang pag - asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga 
kahirapan at pagkadusta, ang pag - ibig ang siyang nagiging dahilan lamangkung kaya natin 
minamahal pa ang buhay. 
Kung ang magulang ay walang pag - ibig sa anak, sino ang magbabatang mag - iiwi sa 
mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak 
naman kaya ay walang pag - ibig sa magulang, sino ang magiging alalay sa katandaan? Ang 
kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod at 
nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag- aakay at makaaaliw sa 
kanyang kahinaan. 
Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa 
tayo'y mahikaya't na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naaapi 
hanggang sa isapanganib at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat 
kung tunay na umusbong sa puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag - ibig? 
Ang tunay na pag - ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan; 
kalinpama't sapin - sapin ang dusang pinapasan ng mga bayani, at ang kanyang buhay ay 
nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag - ibig ang 
naghahari kundi ang taksil na pita sa yama't bulaang karangalan. 
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag - ibig! 
Sa pag - ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng 
di maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid. 
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag - ibig at binubulag ng hamak ng 
pagsasarili. Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalgayan. Gumagawa 
ng dan tungo sa pag aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan 
ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbuklod - buklod ang mga mamamayan upang 
kung mahina at dukha dahil sa pag - iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at 
karupukan. 
Oh! sino ang makapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag - ibig? 
Ang pagkakaisa na siya niyang kauna - unahang bunga ay siyang lkas at kabuhayan, at 
kung nagkakaisa na't nag iibigan ang lalong malaking hirap ay magaang pasanin, at ang muling 
ligaya'y matimyas na malalasap. Kung bakit nangyayari ang ganito, ay di matataos ng mga 
pusong hindi nakadarama ng tunay na pag - ibig. 
At upang mapagkilalang magaling na ang pag - ibig ay siyang naging susi at mutya ng 
kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito, mapagnanakaw mo kya, mapagdadayaan o 
matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip
9 
ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung sila'y nakikitang inaapi ng iba. 
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag - iibigan at magpapalagayang tunay na 
magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag - aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at 
di - mabatang kapaitan. 
Kung ang pag - ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang 
magagandang akala. Ipalalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting 
magparaan upang magtamasasa dagta ng iba at ituturing na hangal yaong marunong dumamay 
sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid. 
Maling mga isip at ligaw na loob ang nanambitan sa mga hirap na tao na inaakalang 
walang katapusan! Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas 
na pag - ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso. 
Ang sanaysay ay isinulat noong panahon ng himagsikan laban sa mga Espanol. Sa 
panahong ito, nangingibabaw sa panitikan ang damdaming makabayan. Kabilang ang akdang Ang 
Pag-ibig sa bahagi ng kodigo ng rebolusyon at katipunan ng mga akdang sanaysay ni Emilio 
Jacinto na may pamagat na Sa Liwanag at Dilim. Ang Liwanag at Dilim ay katipunan ng 
kaniyang mga sanaysay na may ibat ibang paksa, tulad ng kalayaan, paggawa, paniniwala, 
pamahalaan, at pag-ibig sa bayan. 
Sa panahong buong lakas na nagtatagisan ang mga puwersang panlipunan sa isang 
kolonyal na sistema, mahirap makapamayani ang mga puwersang panlipunan sa isang kolonyal na 
sistema, mahirap makapamayani ang mga puwersang laban sa kolonyalismo. Bagamat daan-daang 
Pilipino ang sumapi sa kilusan matapos itong itatag, hindi sapat ang kanilang lakas upang 
igupo ang mga kaaway na nagtataglay ng halos lahat ng uri ng kapangyarihan. Ang malaking 
tanong sa panahong ito ng maigting na labanan para sa puso at isip ng mga mamamayanan ay: 
Paano maaantig ang damdamin ng mga inapi at nang sa gayon ay mapag-alab ang kanilang mga 
puso na siyang magtutulak sa kanila upang humawak ng armas sa paglaban sa mga Kastila? Ano-anong 
mga anyo ng panghihikayat ang nararapat gamitin ng mga namumuno sa kilusan upang 
lantarang makibaka ang mga tao? Hindi mapasusubalian na ang mga panitikng nalikha sa mga 
panahong ito ang naging mahalagang kawig sa higanteng tanikala ng mga tekstong maituturing na 
rebolusyonaryo. Ang mga panitikang naghihimagsik ang dahilan at siyang pumukaw sa 
damdamin ng mga mamamayan upang magising sa katotohanan ng mapang-aping kolonyalismo. 
PANAHON NG AMERIKANO 
Nagkaroon ng wakas ang tatlongdaan at tatlumpung taon ng pananakop ng mga Kastila at 
nakatikim ang mga Pilipino ng kalayaan. ang mga Amerikano'y nagdulot ng mga kaluwagan sa 
mga nasanay maalipin sa loob ng mahabang panahon. Nabigyan nga ng kalayaan ang mga 
Pilipino subalit kataka-takang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang 
makabayan.
Sa kabilang banda, ang mga manunulat ay ginapusan ng mga Amerikano ng tanikala ng 
batas ng sedisyon. Hindi sila maaaring magsulat ng kahit na anong makapagpapaalab sa 
damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa 
pagmamalabis ng mga ito o laban sa mga layunin ng mga ito na hindi naman pawang para sa 
kapakanang Pilipino.Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga 
Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan. 
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang 
hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga 
Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan 
ang mga manunulat. Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang 
kanilang paghihimagsik tulad ng masasaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad. Isa sa mga 
unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at 
sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – angTanikalang 
Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at 
dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol 
na Pilipino. 
10 
Juan K. Abad 
Si Juan K. Abad ay isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc, Maynila. 
Taong 1875 nang siya ay isilang. Nagsulat siya ng mga aklat na naglalaman ng mga tuligsa sa 
pamahalaan at mga prayleng Kastila. Sinunog niya ang mga ito bago siya sumanib sa Katipunan. 
Nakasama siya sa hukbong Pilipino na nakipaglaban sa mga hukbong Amerikano. Noong 1899 ay 
nagpalabas siyang muli ng isang pahayagan, na naging dahilan upang siya ay dakipin at ikulong 
sa loob ng isang buwan at mag-ulat umaga't hapon sa military kasama ang pagbabanta na huwag 
nang sumulat muli.Nang sumunod na taon, sinimulan niyang muli ang pagtatatag ng isang 
pahayagang para sa mga manggagawa. Pagkaraan ng maikling panahong paglalathala (3 buwan) 
ay pinatigil din ito ng mga Amerikano. 
Sumunod na napagtuunan ng pansin ni Abad ay ang komedia na sa kanyang paniniwala ay 
lumalason sa isipan ng mga Pilipino. Nagalit sa kanya ang mga nagtatanghal ng komedia at moro-moro 
kaya isinumbong naman siya sa pamahalaan dahil sa pagtatanghal ng mga dulang Mabuhay 
Ang Filipinas at Mapanglaw na Pagka-alaala.Bilang parusa ay ipinatapon siya sa Olongapo at 
doon niya nasulat ang isa nanamang dula, ang Manila-Olongapo." Ang dulang ito ay tumatalakay 
sa buhay ng mga bilanggo. Nang siya ay lumaya, itinanghal ito sa dulaang Zorilla. 
Noong Hulyo 7, 1902 ay itinanghal sa Dulaang Libertad ang Tanikalang Ginto, isang 
dulang nagtutulak sa mga Pilipino na maghimagsik laban sa mga Amerikano. Dinakip siyang 
muli at ibinilanggo. Sa piitan ay sinulat niya ang Isang Punlo ng Kaaway na itinanghal naman sa 
Dulaang Rizal sa Malabon taong 1904. Dinakip siyang muli. Ang muli't muling pagdakip at 
pagpapabilanggo kay Abad ay hindi naging dahilan ng pagtigil niya sa pagsusulat ng mga dulang 
makabayan.
11 
Tanikalang Ginto 
(Buod ng Dula) 
Nag-umpisa ang dula sa isang monologo ng isa sa pangunahing tauhan na si Liwanag. Si 
Liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin: pakasalan ang nag-iisang mahal na si Kaulayaw o 
ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang amain na si Maimbot. Hindi nais ni Maimbot na 
magpakasal si Liwanag kay Kaulayaw nais niyang makasama at pagsilbihan siya ni Liwanag 
hanggang siya ay sumakabilang buhay. Ginawa ni Maimbot ang lahat ng kanyang makakaya 
upang hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa. 
Binigyan niya si Liwanag ng Tanikalang ginto at pinangakuan ng marami pang 
kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang ampunin si Liwanag. Ang tanikalang 
ginto ang nagsilbing isang kontrata na pinanghahawakan ni Maimbot kay Liwanag. Sandaling 
nasilaw si Liwanag sa ganda ng tanikalang handog ni Maimbot, at nakalimutan ang panyong 
iniwan ni Kaulayaw. 
Inatasan ni Maimbot si Nagtapon (na kapatid ni Kaulayaw), ang kanyang alipin na 
bantayan at pagbawalan ang pagkikita ng dalawa. Si Dalita ang ina ni Kaulayaw at ni Nagtapon. 
Mahina na siya at may malubhang sakit. Lubos siyang nangungulila sa anak niyang naglayas, si 
Nagtapon. Si Nagtapon ay kapatid ni Kaulayaw na lumayas at iniwan ang kanyang ina para sa 
pera’t ginto. 
Nangangamba si Dalita na baka iwanan rin siya ni Kaulayaw kapag ito ay nagpakasal 
kay Liwanag na sa dula ay nasa pangangalaga ni Maimbot. Subalit nanaig ang kagustuhan ni 
Liwanang na sumama at magpakasal kay Kaulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na paraan ang 
pagpupumilit ni Maimbot. Sa huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling kapatid. 
Nais ng may-akda na buhayin at gisingin ang diwang makabayan ng bawat Pilipino at 
labanan ang mananakop at mapang-aping uri. Ito ang tema ng dulang “Tanikalang Ginto” ang 
pagbuhay sa nasyonalismo, at paglaban sa mga sumisikil sa bayan.Nararapat lamang pag-alabin 
ang diwang makabayan noon at bawiin ang kalayaan na ipinagkait sa mamamayan. Ang 
mensaheng ito ang nagdala kay Juan Abad sa piitan, ngunit kahit panahon pa ng mga Amerikano 
ang palabas mahalaga pa rin ang panawagan sa atin sa kasalukuyan na pakinggan ang mensaheng 
ipinapahayag sa dula. 
Sinalamin sa dula ang kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng Amerika sa pamamagitan ng 
isang paglalarawan sa pag-iibigan nina Kaulayaw at Liwanag, at ang iba pang mga tauhan na sina 
Nagtapon, Maimbot at Dalita. Ang mga nabanggit na tauhan ay sumasagisag ang mga tauhan sa 
mga papel ginaganap ng taong bayan at ang mga adhikaing makabayan. Sumasagisag sila sa mga
kaisipan, at sa paraang pagsasalaysay inilahad ng dula ang sitwasyon sa Pilipinas noon at ang 
kailangang gawin upang makamit ang kalayaan. 
Si Kaulayaw ay sumasagisag sa mga makabayan na naglalayong lumaya ang Pilipinas. Si 
Liwanag na nangangahulugang pag-asa o kalayaan, siya ang minimithi ni Kaulayaw at 
ipinagdadamot naman ni Maimbot. Hindi niya gustong habambuhay na mapasailalim sa mga 
kundisyon ni Maimbot. Gusto niyang lumaya at magkaroon ng pagkakataong lumigaya sa piling 
ni Kaulayaw. Si Nagtapon, na kapatid ni Kaulayaw, ay ang simbolo para sa mga taksil na piniling 
kumampi sa mga Amerikano. Si Dalita ay maaring simbolo ng Inang-Bayan na nagdurusa at 
sakitin. Binigyan ni Maimbot si Liwanag ng isang tanikalang ginto. Ano kaya ang sinasagisag ng 
tanikala? Ito ang mga pangako ng Amerika ng demokrasya, yaman, at iba pa. Ngunit sa iba pang 
kahulugan ng tanikala, hindi ba iisa ang kahulugan nito sa kadena na gumagapos sa isang tao? 
Ang tanikalang ginto ay ang mga napakagandang pangako ng pagkalinga ng Amerika, ngunit 
itatali lamang nito ang Pilipinas sa kung anumang naisin. Hinihingi nila ang katapatan ng 
Pilipinas kapalit ng “tanikalang ginto” na ito. 
Pinipigilan ni Maimbot na magpakasal sina Liwanag at Kaulyaw sa dahilang bata pa sila 
upang mapag-isa. Sa parehong dahilan sinasabi ng Amerika noon sa Pilipinas na hindi pa handa 
ang Pilipinas sa pagsasarili kaya “aakayin” muna tayo ng mga Amerikano. Pinanigan ng kanyang 
dula ang nagdurusang bayan ng Pilipinas, at ang mithiing makabayan at ang harapang pakikibaka 
laban sa paniniil ng dayuhan. Sa panahon natin ngayon, ang nais siguro iparating ng pagtatanghal 
na ito ay ang pag-alabing muli ang pagmamahal sa Inang-Bayan, at labanan ang mapang-aping uri 
na sa kasalukuyan ay patuloy na nililinlang ang mamamayan na sila’y makabayan at kapakanan 
ng nakararami ang kanilang inuuna. 
Ito ay isang dula na nagpapakita ng nasyonalismo at hindi pagsang-ayon sa kanilang 
pamamahala. Sa dulang ito makikita ang mga tagong mensahe ukol sa pagmamahal sa bayan. 
Ang kakaiba at makahulugang pangalan ng mga tauhan sa dula ang nagbigay buhay at kulay sa 
simpleng dula na ito. Halimbawang gawing Lily si Liwanag, mawawalan ng silbi ang sinisimbolo 
ng tauhan ni Liwanag. Ang mensahe tungkol sa pagmamahal sa bayan at pagtiwalag sa mga 
mananakop ay ang nakatagong mensahe sa likod ng mga tauhan na ito. Hindi na magiging pareho 
ang kahulugan ng dula kung iibahin ang mga pangalan ng mga tauhan 
Masasabing ang dulang ito ay tipong maaring isabuhay paulit-ulit upang ipaalala sa atin 
ang pagdurusa ng ating bayan sa kamay ng Amerikano. Kahit sa ngayon kung saan may sarili na 
rin tayong pamahalaan, nabubuhay pa rin tayo sa anino ng mga Amerikano. Dahil dito ang dula 
ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi may katuturan pa rin sa kasalukuyan. Ito ay 
magmimistulang pagpapaalala sa pagkakamali noon na hindi dapat maulit sa kasalukuyan. 
12
13 
PANAHON NG HAPONES 
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong 
Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa 
Amerikano) sa pagsulat ng panitikan. 
Pedro S. Dandan 
Si Pedro S. Dandan ay kwentistang postwar o taga-paggunita ng malagim na Ikalawang 
Digmaang Pandaigdig. Lima sa kanyang kwento ang nanalo sa Palanca: Mabangis na kamay, 
Maamong kamay, Sugat ng Digma, Lakas, Ang Anino ng kanyang Ama, at Ang Daong ni Noe. 
Maaalaala rin siya sa mga kwentong May Buhay sa Looban at Nasa Dugo ni Tana na madalas 
maisama sa mga antolohiya. 
Ang digmaan ay nagdudulot ng pagkasalanta hindi lamang sa mga bagay at buhay kundi 
maging sa puso at damdamin ng tao. 
Palitan 
(Maikling Kwento) 
Ang mga buto ng bisig ni Klaro at ang mga buto ng tagiliran ng kanyang anak ay 
nagkakakiskisan at nag-iinit at ang gasgas na nalikha niyon ay mahapdi. Ikalawang araw nang 
nakababa sa kanyang balikat ang bata; ang dalawang paa’y nakayakap sa kanyang isang bisig . 
Isang pingga ang itinutulong niya sa kanilang inot-inot na paglalakbay. 
Kaipala’y ilang kilometro na lamang at sasapitin na nila ang kabayanan. Lumalaganap 
na ang gabi at mula sa nagagaping liwanag ng takipsilim ay namamalas ni Klaro ang simboryo 
ng lumang simbahan. Sumigla ang kanyang katawan at sandaling napawi ang kirot ng kanyang 
mga namamagang paa, na humihilahod sa mumunting bato at alikabok ang dulo ng nakabalot na 
sako’y nagtutumulin din sa paglakad . 
“Malapit na tayo,anak. Natatanaw na rito ang simboryo.” At itinaas ni Klaro ang kamay 
na may hawak na pinggaat marahang inulog ang bata. Ngunit ang bigat ng ulo nito’y paulit -ulit 
na nagbabalik sa kanyang balikat. 
Nararmdaman ni Klaro sa kanyang dibdib ang paghinga ng bata kaya niya natityak na 
buhay ito. At lalo siyang napasagasag, na waring ipinakikipag-unahan sa pagtakas ng mga 
sandal ang mga pintig ng buhay sa puso ng kanyang anak. 
Manaka-naka’y napapapikit siya upang iwaksi sa guniguni ang mga pulubing mistulang 
kalansay na nangamamatay ng gutom sa mga lansangan ng lunsod, at kung minsan ay nakakagat
niya ang kanyang labing nangangalirang sa paggumitaw ng alaala ng kanyang mag-iinang 
naiwan sa walang katiyakan – matangi kung makapag-uwi siya ng kahit na anong pantawid-gutom. 
Hindi kalayuan ang bayan. Nakapagligpit na ang mga nagtitinda sa mga bangketa ng 
liwasan, maliban sa magpapalayok na nasa isang panig ng harapan ng pamilihan. Pawisang-pawisan 
ito sa pag-ayos ng mga balanga at kalan sa limang tiklis na nakahalayhay. Maingat at 
14 
is-isang isinalansan na kasama ng saping dayami upang di mabasag. Sa wari ni Klaro’y 
makalilisan ang magpapalayok bago niya marating ang bangketa ng pamilihan . 
Sa sandaling mailapag ng tao ang huling balanga sa loob ng tiklis ay nagtaas ito ng 
tingin. Nakita ni Klaro na namaywang ang tao at ipinayong ang isang kamay sa itaas ng kilay. 
Lihim na natuwa si Klaro. Nahiling niya na nawa’y ipagkamali siya nito sa isang namimiling 
dinilim sa daan, sa halip sa isa sa mga pulubing naglisaw sa liwasan . Ngunit nang mapagsino 
siya ng magpapalayok ay nagmamadaling inilulan nito ang tiklis sa katabing kariton. 
Napatulin si Klaro at tuluyan nang nakalas ang nakataling sako sa kanyang isang paa at 
iniwan sa dinaanan. Ang magpapalayok ang tanging malalapitan niya sa liwasan upang amutan 
ng tulong. 
“Kami po’y galling sa Menila. .. . wala po kaming matutuluyan ngayong gabi,” bungad 
niya. 
“Riyan . . riyan . . maraming natutulog sa bangketa ng palengke,” maikling tugon ng 
magpapalayok na hindi tinitignan si Klaro at patuloy na binubuhat ang mga tiklis ng pal;ayok sa 
may kariton. 
“Me sakit po ang aking anak, baka hindi na abutin ng ilang araw . . .” 
“Dalhin sa duktor kung me sakit . . . “ 
“Me makain po’y wala, sapol pa po kanginang medaling-araw!” 
Tumigil sa kanyang ginagawa ang magpapalayok at masusing minasdan si Klaro at ang kanyang 
anak nito. Nilapitan at hinipo ang batang nanlalamig sa gutom. 
“Sige, sumalakay na kayo sa kariton nang hindi na tayo lalimin ng gabi. Baka tayo’y 
masita pa ng tanod na Hapon sa garrison.” 
Sumampa sa kariton si Klaro. Kandong ang anak ay pumagitna siya sa mga tiklis upang 
hindi matagtag. Sumandal siya; ang kanyang butuhang puwit ay nasaktan sa matigas na sahig ng 
sasakyan. Sumakay sa kalabaw ang magpapalayok. Hindi nalaunan at hila na sila ng hayop sa 
isang bako-bakong libis.
Inabutan nilang nakahanda na ang dulang. Dalawang batang lalaking magkasinlaki, 
magkamukha, at magsinlusog ang magkaibayong nangakasalampak sa harap ng dalawang 
pinggan ng umaasong kanin. Ang ina ay nasa harap ng kalan at hinahango ang bulanglang. 
15 
“Ikaw ba, Teban?” malakas na sino ng babae. 
“Itinanong pa. . . e . . . ako nga. Hale, at maghanda kana para sa dalawa katao . . Kung 
meron pa tayong kamote riyan ay hanguin mo para rito sa batang me sakit . . . “ at inilapag ng 
magpapalayok ang kanyang dala-dalahan. 
Napajharap ang babae, at pagkakita sa mag-amang kasama ng kanyang asawa’y 
nagsipanlaki ang mga mata nito. 
“Ang abay ko, ito’y ospital?” 
“Oyyy, para ngayon lang gabi, e . . . “ at inakbayan ng magpapalayok ang kanyang 
asawa. 
“ Kung gayon ay dulog na kau,” tukoy ng babae sa mag-ama. “Ere pala ang 
hiwaan,ere.” Sabay dampot sa tabong nasa kakalanan at iniabot kay Klaro. 
Binitiwan ni Klaro sa isang tabi ang kanyang pingga at matapos ikanaw ang kamay sa 
tabong hawak ng babae, maingat na binakbak ang anak sa pagkakayakap sa kanya. Umingit ang 
bata nang imulat ang mga matang mapagkakasya ang sampiseta sa lalim. 
“Upon a riyan, anak , kakain na!” at makaraang maisaayos ang pagkakasalampak ng 
bata’y tinabihan ito at hinugasan ng kamay. 
Si Mang Teban ay paupo sa isang dulo ng dulang nakapagitna sa dalawang batang 
lalaking magkamukha. Hinangong lahat ang nilagang kamote at saka idinulot ng babae sa bata. 
Ang nakakatakam na amoy ng bulanglang na nsa tason, na inilapag sa kalagitnaaan ng dulang, 
ay nanuot sa ilong ni Klaro at nagpakalam sa kanyang sikmura. 
Malaki ang subo ni Klaro na tila buts eng manok ang magkabilang pisngi kahit napapaso 
ang bibig sa umaasong kanin. Nanginginig ang kamay ng kanyang anak na tila gulilat na hayop 
na sumusulyap-sulyap sa mga kaharap at dumampot ng kamote. Nanginginig din ang mga labi 
nang isubo iyon. Namulagat at sumibi nang agawin ng batang lalaking kinakanan ni Mang Teban 
ang kamote nito. Tinampal ni Mang Teban ang kamay ng kanyang anak. 
“Barang, Barang, sawayin mo nga yang si Kambal at baka masabaran ko ng bena!” 
sigaw ni Mang Teban. 
“E, bakit, Tang,e hindi kami binigyan ni inang ng kamote kanina!” matuwid ng kapatid.
Hindi nagpamalas ng paglaban ang batang gutom, matangi sa sulyapan nang pailalim 
ang umugaw ng kanyang pagkain. Sumubsob ito sa dibdib ng kanyang ama at umiiyak. Nagpilit 
na ngumiti si Klaro. 
“Pasensya na kayo sa aking anak . . . dala po ng kahinaan ng katawan kaya iyakin.” 
“Talagang masyado po’yang si kambal, e . . . Nakakain nap o siya ng kaninang tanghali 
16 
ng kamote’y nang- aagaw pa!” sabi ng babae at binalaan ng tingin ang magkapatid. 
Ang nauunsiyaming hangarin idulog ang kanyang suliranin sa mag-asaw’y muling 
pinanariwa ng sinabi ng babae kaya iniharap na niya sa pagkain ang kanyang anak, ipinagtalop 
ng kamote at saka sinubuan. 
“Maniwala po kaya kayo na ang una kong pakay sa inyo’y ang isangla ang batang ito?” 
madalang at tiyakang sabi ni Klaro. 
“Isangla?” napabiglang tanong ni Mang Teban. 
“Opo, sa halaga ng isang kabang bigas. . . Isang kabang bigas na siyang buhay ng aking 
apat pang anak at asawang nasa Menila.” 
“Sangkabang bigas ? Baka ang akala ninyo’y madali ang magsaka !” sambot ng babae. 
“Kakatuwa ang pangyayari para mag-ampon kami ng alagain at hindi makasundo ng 
aming mga bata,” susog ni Mang Teban. 
“Gayon nga po ang masasabi ninyo, pero ang bata pong ito’y mabubuhay;makakain 
lamang ng tatlong beses sa isang araw. At kung iibign po ng Diyos, makatutulong din sa inyong 
mga pangangailangan kapag malaki na.” 
“Hindi sangla ang ibig mong sabihin . . . palit!” pagtutuwid ni Mang Teban. 
“Palit?” 
“Oo, palitan ang iyong anak at ang aking sangkabang bigas…” 
“Ga…gayon po ba?” waring nahihirinan si Klaro. 
“Masama yata sa loob ninyo, e huwag na !” pagtiyak ni Mang Teban. 
Natigilan si Klaro. Lumunok muna bago nagsalita, “Kayo na po ang bahala kung diyan 
mauuwi ang salitaan.” 
Inirapan ni Aling Barang si Mang Teban. 
“Pumayag ka na, Barang, at harimunan din na kung mapalaki natin ang batang ere’y 
magkaroon tayo ng pastol.” Himok ng lalaki sa kabiyak.
17 
Sumulyap si Aling Barang sa batang lalaking may karamdaman. Umaliwalas ang 
kanyang mukha. Walang imik na isinalansan ang kanyang mga pinagkainan. 
“Kung mangyayari po sana ay maihanda na ang bigas bago magmadaling-araw upang 
mailuwas ko na sa Menila,”basag ni Klaro sa katahimikan. “Baka po, hindi ko na abutan ang 
aking mag-iina.” 
Itinigil niya ang pagsusubo ng kamote sa kanyang anak. Banayad na kinabig ito sa 
kanyang dibdib. 
Tumango si Mang Teban. Nagngitian ang mag-asawa. Umisod ang lalaki sa pagkakaupo 
sa harap ng dulang at lumapit sa bata. Marahang binuhat ito at kinandong . 
“Hoy, ang bata . . Tatang ko’yan,a!” magkapanabay na sumbat ng kambal. 
Binalaan ni Aling Barang ang kambal at nginitian ang batang kalong ng lalaki. 
Ngunit umingit ang bata na nagmamakaawa sa kanyang ama, tila isang pipit na hindi 
makakilos sa bitag. 
Napailing si Klaro. Hindi niya matitigan ang kanyang anak sa mga matang waring 
malalalim na mga balon ng di-maarok na pangungulila at kalungkutan. 
Lalong lumakas ang pag-ingit ng bata. 
Waring gumutay sa kaliit-liitang himaymay ng katauhan ni Klaro ang piyaos na ingit ng 
kanyang anak. 
Nararamdaman niyang isang pilas ng laman na pumipintig sa kanyang dibdib ang inagaw 
ng Tadhana. 
Panahon ng Hapones ang inilalarawan sa akdang ito. Sinasabing inilalabas ng digmaan 
ang pinakamabuti at pinakamasama sa tao. Marami ang nanlalasi, nagnanakaw, at nagpapahamak 
ng kapwa. Marami ring kababayan na nag-ampon ng mga bata at itinuring ang mga itong tunay 
na mga anak, ngunit sa kasamaang palad maraming ginawang alila at katulong. Ang akdang ito ay 
tuwirang naghihimagsik sa lipunang ating ginagalawan na nagsasamantala sa kahinaan ng ibang 
tao. Ang panahon ng Hapones ay panahon ng matinding paghirap at gutom. Napakahirap ng 
buhay lalo na sa Maynila. Marami ang namamatay sa matinding pagkagutom. Nauso ang buy and 
sell. Maraming nagsamantala rito na babaratin ang nagtitinda kapag alam nilang lubha itong 
nangangailangan. Sinasabing ang panahon ng digmaan ay nagpamanhid sa puso ng tao upang 
sariling kapakanan lang ang isipin.
Kung susuriing mabuti, ang kuwentong ito ay isang metapora ng pagpapakasakit, sapagkat 
pagtitiis ang awa na naghahangad ng kaligtasan sa kanyang anak. Sa panig ng nakipagpalit, 
lumilitaw na bukas ang kanyang palad at pag-unawa ng magpapalayaok sa mga taong 
nangangailangan ng bigas upang ipagdugtong-buhay kapalit ng pagkakaroon ng palakihing pastol. 
Ito ba ay kasakiman at paghahangad sa panig ng magpapalayok o karamutan at pagkamakasarili 
sa panig ng amang nagsakripisyo para sa naiwang pamilya na nagugutom. 
18 
Maiuugnay ang akdang ito sa kasaysayan ng Pilipinsa noong panahon ng digmaan o 
maging sa ibang bansa na nahaharap sa kaguluhan o kahirapan sa panahon ng digmaan. 
Lumilitaw sa kuwentong ito ang aspekto na pang-araw-araw na buhay na hindi matatakasan ng 
tao upang mapanatili mismo ang pag-inog ng buhay. 
PANAHON NG ISINULING KALAYAAN 
Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito 
isinauli ang kalayaan. Ibinaba ang bandilang Amerikano at mag-isang winagayway ang bandilang 
Pilipino. Nawala ang nakagapos na tanikala, naging makasaysayan sa mga Pilipino ang 
pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. Muling sumigla ang panitik ng 
mga Pilipino sa panahong ito. 
Amado V. Hernandez 
Bagamat mas nakilala ang husay ni Amado Hernandez noong panahon ng Amerikano. 
Naisulat niya ang tulang ito sa bartolina ng Muntinglupa noong Abril 22, 1952. Si Amado Vera 
Hernández ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat 
ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa 
kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong 
kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang 
makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na 
tumagal ng 13 taon bago nagwakas. 
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng 
mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob 
ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. 
Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha 
ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang 
"Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. 
Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang
makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang 
Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik. 
Noong Marso 31, 1952, hinatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo sa sakdal na 
“rebellion complex”. Siya’y nanatili sa bartolina mula noong Enero 1951 hanggang Hulyo 1956. 
Naging instrumento ang kanyang pagkakakulong para maisulat niya ang Isang Dipang langit 
,Bayang Malaya, at Mga Ibong Mandaragit. Napawalang-sala lamang siya noong 1964. 
19 
Isang Dipang Langit 
(Tula) 
Ako'y ipiniit ng linsil na puno 
hangad palibhasang diwa ko'y piitin, 
katawang marupok, aniya'y pagsuko, 
damdami'y supil na't mithiin ay supil. 
Ikinulong ako sa kutang malupit: 
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; 
lubos na tiwalag sa buong daigdig 
at inaring kahit buhay man ay patay. 
Sa munting dungawan, tanging abot-malas 
ay sandipang langit na puno ng luha, 
maramot na birang ng pusong may sugat, 
watawat ng aking pagkapariwara. 
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, 
sa pintong may susi't walang makalapit; 
sigaw ng bilanggo sa katabing moog, 
anaki'y atungal ng hayop sa yungib. 
Ang maghapo'y tila isang tanikala 
na kala-kaladkad ng paang madugo 
ang buong magdamag ay kulambong luksa 
ng kabaong waring lungga ng bilanggo. 
Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, 
kawil ng kadena ang kumakalanding; 
sa maputlang araw saglit ibibilad, 
sanlibong aninong iniluwa ng dilim. 
Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
20 
sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; 
kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw, 
sa bitayang moog, may naghihingalo. 
At ito ang tanging daigdig ko ngayon - 
bilangguang mandi'y libingan ng buhay; 
sampu, dalawampu, at lahat ng taon 
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. 
Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap 
at batis pa rin itong aking puso: 
piita'y bahagi ng pakikilamas, 
mapiit ay tanda ng di pagsuko. 
Ang tao't Bathala ay di natutulog 
at di habang araw ang api ay api, 
tanang paniniil ay may pagtutuos, 
habang may Bastilya'y may bayang gaganti. 
At bukas, diyan din, aking matatanaw 
sa sandipang langit na wala nang luha, 
sisikat ang gintong araw ng tagumpay... 
layang sasalubong ako sa paglaya! 
Sa paniniwalang tungkulin ng manunulat na maging budhi ng lipunan at magpatunay sa 
kadakilaan ng diwa ng tao sa harap ng kalupitan, hindi inalintana ng may-akda ang kanyang 
pagkabilanggo. Ang kanyang mga akda ay lagi nang pumapaksa sa nasyonalismo, demokrasya, at 
panlipunang katarungan. Makatwiran bang ikulong ang isang taong nagpapahayag lamang ng 
kanyang malayang damdamin at kaisipan? Layunin ng may-akda na maimulat ang bawat Pilipino 
sa kawalan ng katarungan at pakikipagsapalaran ng mga manggagawa sa lipunang bulok na 
sistema ang umiiral. 
PANAHON NG AKTIBISMO 
Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga 
mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan. Naging mainit ang aktibismo ng mga kabataan 
noong 1970-1972.Sinasabing dahil sa pagkakadeklara ng Batas Militar (Martial Law) noong 1972 
ang bunhi ng aktibismo. Ngunit masasabing ang binhi ay naihasik na sa mga kabataan maging 
noong mga panahon pa nina Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba pa. Sadya pa ring masasabi na ang 
mga kabataang Pilipino ay may init ng dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat ang dahilan ng 
paghihimagsik laban sa makapangyarihang lakas sa Pilipinas.
21 
Liwayway A. Arceo 
Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak mula sa kilalang pamilya ng mga manunulat. 
Nagsulat siya ng ilang nobela kabilang dito ang Canal de la Reina at Titser. Mayroon din siyang 
mga koleksiyon ng maiikling kuwento tulad ng "Ang Mag-Anak na Cruz, Mga Maria, Mga Eva at 
"Maybahay, Anak at iba pa". Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng 
ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943. 
Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa 
radyo. Ang kanyang dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 
1949 hanggang Hulyo 1958. Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo, 
Ang Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng 
Lovingly Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din siya ng ilang script sa 
telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinagkilik ng publiko. 
Ilan sa kanyang mga napalunan ay ang Carlos Palanca Memorial Award para sa isang 
maikling kuwento sa Filipino noong 1962, Gawad CCO for Literature Award noong 1993, 
honoris causa Doctorate in Humane Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1991, 
Catholic Authors Award noong 1990 at Gawad Balagtas Life Achievement for Fiction noong 
1998. Ang kanyang huling natanggap ay ang National Centennial Commission Award para sa 
kanyang mga kontribusyon sa larangan ng Panitikang Pilipino. Namatay siya noong 1999 sa edad 
na 75. 
Ang Canal De La Reina ay hindi lamang isang nobela, bagkus, ito ay isang tunay pook sa 
Tondo, Maynila sa lugar na ito isinilang ang manunulat ng nobelang si Liwayway A. Arceo. 
Naging malaking bahagi ng kanyang kamusmusan ang estero ng Canal De La Reina na natandaan 
niyang nagtataglay ng maasul asul, malinaw, malinis at walang amoy na tubig. 
Umalis sila sa lugar na iyon at nang muli siyang nagbalik pagkalipas ng maraming taon ay 
isang kakaibang Canal De La Reina na ang kaniyang dinatnan. Hindi na niya halos makilala ang 
esterong may maruming, mabaho at maitim na tubig. Ang paligid nito’y tinirikan na rin ng 
napakaraming barong-barong ng mga eskuwater. Ang pagbabalik na ito’y naganap noong Enero 
1972 ang panahon kung kailan nasa kainitan na rin ang aktibismo sa mga kabataan dahil sa 
papasama nang papasamang kalakaran ng pamahalaan.
22 
Canal de la Reina 
(Buod ng Nobela) 
Kabanata 1-3 
Kabanata 1 : Panimula 
Mula ng pagkabata ni Caridad, ngayon na lang niya ulit binalikan ang lugar 
na kanyang sinilangan at kinalakihan. Malayong-malayo na ang dati nitong malinis at 
maayos na istura sa maputik at madaming basura na mak ik ita mo ngayon. Ang sariwang 
hangin ay napalitan na ng mabahong amoy ng kapaligiran. Kasama ni Caridad ang 
kanyang pamilya upang puntahan ang lote nila. Ngunit si Junior, ang bunsong anak 
ni Caridad at Salvador, na lamang ang sumama sa kanyang ina sa pagtawid sa 
maduming ilog. Habang papunta sa kanilang lote, ikinuwento ni Caridad kay Junior na 
nasunugan sila ng bahay kaya sila nagpasya lumipat ng Lolo Gorio niya. Nang makarat ing 
sila sa kanilang lote na k inat it irikan na ng bahay at t indahan, hinanap ni Caridad si 
Tisya sa babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tisya ay ang asawa ni Osyong na enkargado ng 
lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito. Ipinaalam ni Caridad na siya 
ang may-ari ng lupang t inatayuan ng kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan 
at tinawag ang kanyang amo, Nyora Tentay ang pangalan. 
Kabanata 2: Alaala 
Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na siya ang may-ari ng 
loteng kinatitirikanng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda ay may papel siyang 
hawak para patunayan na sa kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si 
Precioso Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay Osyong niya binili ang 
lupa. Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng 
loteng kinatatayuan ng kanilang bahay. Lumapit sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig 
nito. Nag-init ang ulo ni Caridad ngunit , namulatan siya at sinabing babalikan na 
lamang ulit siya. Pagkaalis niCaridad, umapoy din sa galit si Nyora Tentay at nagbantang 
magkakahalo ang balat sa tinalupan. Nagbalik mulisa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog 
na bahay. Ang bahay nilang pawid at kawayan na barnisado sa tabi ng 
isang malak ing punongk amat s i le , sa gi l id ng mak i t id at mal inis na Canal de 
la Re ina. Hindi r in niya makakalimutan ang paggawa niya ng bangkang papel kasama 
ang kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at t init ingnan kung kaninong 
bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo. 
Naalala din niya ang lorong nagsasalita ng kanyang pangalan noong bata pa siya. 
Iyon ay loro nila Aling Andang, ang anak ni Mang Sintong Kawayan. Nang makarat ing 
sina Caridad at Junior sa kanilang kotse, sinalubong sila ni Salvador.Kinamusta ni 
Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari 
at muntik na silang mapasubo sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero niloko 
lamang sila nito. Sinabi ni Salvador na kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang 
problemang ito. Pagdating nila sa bahay, inilibas niCaridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga 
resibo. Hindi niya matanggap na maaaring mawala ang kaisa-isangalalalang napakahalaga sa
kanya. Naalala ni Caridad ang kanyang ina. Naalala niya ang pagkamuhi nito sa bahaynila sa 
Canal de la Reina dahil nawala ng parang abo ang ipinundar ng tatay ni Caridad para sa 
kanilang pamilya. 
23 
Kabanata 3: Linta 
Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ay ang may kaya sa buhay 
kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang mangutang dahil sa 
kakapusan sa pera. Ngunit dahil na rin sa pagiging gahaman ay imbes na tumulong sa kapwa ay 
ginagamit niya pa ang sitwasyon nila upang maglagay ng malaking interes sa mga 
mangungutang. Ang bayan nila ay sumasalamin ng kahirapan ng buhay dahil na rin sa 
katiwalian at kasamaan ng ugali ng mga opisyal ng gobyerno. 
Isang araw nalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupang pag-aari, di umano ni 
NyoraTentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa pag-aagawan nila sa tunay na 
may-ari ng lupain kaya hindi naiwasang magk aroon ng al i t an sa pagi t an 
ngdalawa. 
Ngunit isang di inaasahang napakalakas na bagyo ang dumating sa bansa at apektado din 
ang bayan ng Canal De La Reina. Naging dulot ni t o ay ang pagkakatangay sa baha ng 
mga naninirahan sa Canal de la Reina at hindi nakaligtas maging ang bahay ni Nyora Tentay. Sa 
hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ng titulo 
ng bahay ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya 
dahil nais nilang maging patas. 
Dahi l na r in s iguro sa mga pangyayar i ay nais ip na ni Nyora 
Tent ay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagk at alo at 
ibinal ik ang lupa sa t unay na nagmamay -ar i . 
Maliwanag na naipakita ng may-akda ang isang maruming kalakalan sa lipunan kung 
saan ang mga mahihirap ay lalo pang nasasadlak sa kahirapan dahil sa pagsasamantala ng ibang 
nakakaangat sa buhay. Ang mga eksena sa nobela ay pangkaraniwan sa ating lipunan kung saan 
maraming kababayan natin ang kumakapit sa patalim magkaroon lamang ng panandaliang suporta 
sa pangangailangang pinansiyal. Ang nobela ay epektibo, hindi lamang sa pagdudulot ng aliw 
kundi sa pagmumulat sa mga mambabasa. 
Ang tagpong ito ang naging inspirasyon ni Liwayway Arceo sa pagsulat ng nobelang ito. 
Isang tauhan ang nabuo sa kanyang isipang gagalaw at magiging simbolo ng nakakarimarim na 
tagpong ito. Ito si Nyora Tentay, ang ususerang matandang naghari sa kabuuan ng estero. 
Nabuhay siya mula sa panggigipit sa mga maralitang kapitbahay na walang magawa kundi 
kumapit sa patalim upang mabuhay. Nagsangla o nangutang sila sa matanda at kanya naming
pinatungan ng napakataas na tubo hanggang sa hindi na makabawi ang mga tao. Ang mga 
isinangla’y nareremata kaya’t muli’t muli na naman silang magsasanla hanggang sa lubusan na 
silang masakal ng kasakimaan ni Nyora Tentay. Sa gitna ng lahat nang ito’y naging tampok na 
tauhan din si Caridad at ang kanyang pamilyang nagsilbing tila sinag ng pag-asa sa kapangitan ng 
buhay na inilahan sa nobela. 
Isang malking baha ang ginamit bilang sagisag sa paglilinis at muling pagbangon ng 
Canal De La Reina. Sa lupang naging tampok sa nobela, sumibol ang simbolo ng pagbangon ng 
pamayanang malaya. Ang nobelang ito ay may malakas na kamalayang panlipunan, nagamit ang 
kabuuan ng nobela sa pagsalamin sa realidad ng buhay at mga totoong pangyayari sa lipunan. 
Ang iba’t-ibang anyo ng paniniil sa mahihirap ay mabisang naipakita sa katauhan ni Nyora 
Tentay, ang matandang usisera na nagsamantala sa lahat ng mga taong humingi ng tulong sa 
kanya. Nagmistula siyang isang buwayang sumusunggab sa balang lumapit na karamihan ay mga 
taong sagad na sagad na ang kahirapan sa buhay. Maraming kabuhayan ng mga tao sa paligid 
niya ang nawasak dahil sa pagsasamantala ng matanda. 
Kapit sa patalim, mga katagang naglalarawan sa mga taong nakatira sa Canal De La 
Reina. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kung kaya naman marami ngayon ang handang gawin 
ang lahat mabuhay lamang sa pangaraw-araw. 
Ang akda ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng lipunan malayo sa inaakala nating 
malafairytale na mundo. Maraming tao ang mapagsamantala sa kalagayan ng mga mahihirap.Ang 
mga mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mahihirap ay nanatiling 
mahirap.Kalagayang magpasahanggang ngayon ay namamayani sa ating lipunan. 
Tunay ngang marami pang bagay na hindi natin alam sa mundong ito. Ngunit isa lamang 
ang hindi natin matatanggi, na bulok ang sistema at maraming nagdudusa sa mga taong walang 
malasakit sa kapwa. Masakit mang aminin ngunit ang mundong ating ginagalawan ay kahindik-hindik 
ang sitwasyon. Marami sa ngayon ang kalagayan sa buhay ay lubhang nakakaawa, ang 
makaantig damdaming nobela na sumasalamin sa kabulukan at kasamaan na namamayani sa 
mundo. Ang mundo man ay pinaiikot ng salapi ngunit dapat ay hindi tayo magpatangay at 
labanan ang mapang-aping sistema ng ating lipunan. Lagi nating isaisip at isapuso na maging 
pantay ang pagtrato natin sa ating kapwa tao at huwag abusuhin ang kalagayan nila. 
Ang nobela ay tumatalaka y sa iba’t- ibang isyung panglipunan na hanggang 
kasalukuyan ay nagaganap pa rin. Mahirap man o mayama n ay sangkot sa mga 
pangyayar ing ito. Buhat nito maraming tao ang apektado sa kasalukuyang sitwasyon 
ng ating lipunan. Isa sa mga tinatalaka y nito ay ang hindi maayos na pamamalakad 
ng batas sa ating bansa. Dahil sa kawalan ng hustisya ay maraming tao ang nawalan 
na ng tiwala sa gobyerno. Lumala la ang kriminal idad at maraming tao ang 
ipinagsa sawa lang bahala ang mga batas. 
24
Ngunit pinakita rin nito na lahat ng tao ay may pagkakataong magbago. Masama man 
tayo kung gugustuhin naman natin na magbago ay maaari. Ang tao ang pumipili ng kaniyang 
tadhana. Kung gugustuhin natin ay maaari natin baguhin ang lipunang nakasanayan. Kahit kailan 
ang kasamaan ay hindi nanaig. 
25 
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN 
Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos ideklara ang Batas Militar, naging paksa ng mga 
panitik ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pambansang kultura, ugali, kagandahan ng 
kapaligiran. 
Unang nailimbag ang nobelang Satanas Sa Lupa noong 1971. Naging kontrobersiyal ang 
nobela dahil sa matapang nitong paglalarawan sa maruming pulitika noong panahong iyon. Nang 
idiklara ang Batas Militar, isa ang may-akda na ikinulong sa Camp Crame kasama ni Benigno 
“Ninoy” Aquino,Jr. Isa sa mga dahilan ng detensyon ay ang pagkakasulat niya ng nobela. Ang 
nobelang ito ay naglalantad ng mga suliranin at kahinaan ng ilang piling indibidwal na nagsisilbi 
sa bayan at patuloy na nakikisangkot sa puwersang panlipunan at puwersang pulitikal. 
Celso Al. Carunungan 
Si Celso Al. Carunungan ay isang manunulat, nobilista, at mamamahayag sa Ingles at 
Filipino. Isinilang noong Enero 7, 1923 sa San Pablo City. Ang mga isinulat niya ay kilala lalong 
lalo na ang nobelang Like A Big Brave Man na isinalin sa maraming wikang banyaga. 
Satanas sa Lupa 
(Nobela) 
Si Benigno Talavera ay isang karaniwang tao bago siya mahalal na Kongresista sa ating 
Batasang-Bayan. Ang kanyang pagiging gerilya ang siyang naghatid sa kanya sa tagumpay 
bilang kinatawan ng lalawigan ng San Miguel. 
Tulad ng karamihan sa mga Kongresista, si Benigno ay mabuti at matuwid. Ginawa niya 
ang mga dapat niyang gawin para sa ikabubuti ng kanyang lalawigan. Sa pananamit at 
pamumuhay ng pamilya niya, makikita na hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan. 
Nagbago ang prinsipyo ni Benigno sa hindi niya kagustuhan. Minsan, nagkasakit ang isa 
niyang anak at kailangang ipasok sa ospital. Nang magaling na ito, wala siyang perang
ipambayad sa ospital nakiusap siya at pumayag naman ang may-ari na si Dr. del Rey. Makikita 
sa katauhan ni Benigno na ayaw niyang maging masama ngunit sa pagpupumilit ni Dr. del Rey, 
nagbago siya. Kinasangkapan ng doctor ang pagiging kongresista niya upang ipalakad ang 
“loan application” nito sa PNB. Nalakad ni Benigno ang loan ng doctor kaya nagpasalamat ang 
huli. Binigyan nito ang kongresista ng iasang sobre na kinalalagyan ng maraming pera. 
Nagpumilit sa Benigno na isauli ito ngunit umalis ang doctor, kaya’t ipinagpalagay na lamang 
niya itong bayad sa kanyang nagawang paglilingkod. 
Simula sa pangyayaring ito, sunod-sunod na ang mga tuksong dumating kay Benigno. 
Sumunod si Mr. Lim. Ang intsik na ito ay isang “smuggler” at si Benigno ang tagapaglusot nito 
sa adwana. Si Balkbin Marcial, isang kawani ng adwana, ang siyang tagalakad para mailabas 
ang mga kontrabando. Gaya ng kay Dr. del Rey, ipinalagay ni Benigno “para sa 
paglilingkod”niya ang mga salaping ibinibigay ni Mr. Lim. 
26 
Ang pagpapalipas ng oras sa mga “niteclub” ay isang karaniwang gawain ng mga 
kongresista. Sa isang paghahapi-hapi ni Benigno sa may Roxas Boulevard, nakatagpo niya si 
Kongresista Caprio. Inanyayaan nito si Benigno na uminom at pagkatapos ay dinala sa isang 
bahay na kung saan ipinakilala siya kay Diana – isang babaing labing-anim na taong gulang at 
sariwa pa.Madaling nahulog ang loob ni Benigno sa babaeng ito.Pagkatapos ng inaasahang 
maganap, ikinuwento ni Diana ang buhay niya. Lalong naawa siya kaya sinabi niya na ititira na 
lang niya si Diana sa apartment.Pumayag agad ang babae. Sa pag-uusap nila, biglang may 
pumasok na mga lalaki. Tinakot nila si Benigno pero sinabi ni Diana na kasamahan siya ni 
Kongresista Carpio.Pagkatapos umalis ang mga lalaki, napag-alaman ni Benigno na mga “black 
mailer” lamang ang mga ito. 
Ibinahay nga ni Benigno si Diana. Naging malayo siya sa kanyang pamilya at napalapit 
na lalo kay Diana. Ang kabit na ito ng ating Kongresista ang siyang naging tagapag-ayos ng mga 
“deal”. Dahil sa pagbabago ni Benigno sa kanyang pamilya, umalis ang kanyantg mag-anak 
patungong probinsya.Sa kasamaang-palad, naaksidente sila Malubha ang naging sugatb ng anak 
nilang si Marichu. Hindi nagtagal at namatay ito.Galit nag alit si Benigno. Isinumpa niyang 
magbabayad ang may kagagawan nito.Sa kasamaang-palad ulit, namatay ang tsuper ng trak na 
nakabangga sa kotse nila. Napag-alaman ni Benigno na si Don Ignacio ang may-ari ng trak. 
Nagbago ang isip niya sapagkat hindi niya kayang idemanda ang Don na isa sa mga tumulong sa 
kanya nang malaki. Nagalit si Virgie sa naging desisyon ng asawa niya. Naisip nitong mas 
mahalaga sa asawa niya ang pulitika kaysa buhay ng anak nila. 
Upang makalimutan ang pagkamatay ni Marichu, iminungkahi ni Benigno kay Virgie na 
magbakasyon sila sa Roma. Alam ni Benigno na wala silang gagastusin sapagkat si Mr. Lim ang 
bahala. Pumayag ang babae. Sa may airport, iniabot ni Mr. Lim kay Benigno ang isang maleta 
upang ibigay sa kapatid nang Makita na dolyar ang laman nito. Dahil sa pusisyon niya sa 
pamahalaan medaling nakalusot ang maleta sa Custom.
Sinalubong ng kapatid ni Mr.Lim sina Benigno sa airport ng Hongkong .Inasikaso silang mabuti. 
Ipinasyal, pinakain at pinatira sa pinakamahal na hotel. Kinabukasan,lumipad na sila patungong 
Roma na may sama ng loob sa kapatid ni Mr. Lim. Nagtampo si Benigno dahil hindi siya 
nabigyan ng babae. 
Sa Roma, tinawagan ni Benigno ang embahador ng Pilipinas.Pinadalhan siya ng isang 
kawani ng embahador upang tulungan siya. Nagbigay ng isang salu-salo ang embahador para sa 
karangalan ng kongresista. Sa piging na ito, sinabi ni Benigno sa embahador na gusto niyang 
magkaroon ng isang “exclusive audience” sa Papa. 
Sa “audience” nina Benigno at Virgie sa Papa, nagdala siya ng isang libong rosaryo 
upang pabendisyunan. Binalak ni Benigno na na magkaroon siya ng larawan na kasama ang 
Papa. Nasunod ito ngunit nagtampo naman si Virgie dahil hindi siya kasama. Dahil sa pag 
nanais ni Benigno na magkaroon ng larawan, nakalimutan niyang pabendisyunan ang mga 
rosaryo. 
Namasyal sila sa iba’t ibang pook ng Roma. Inutusan ng kongresista ang kawani ng 
embahada na isama nito ang asawa upang ipasyal si Virgie. Nang silang dalawa pa lamang ang 
magkasama, nagpadala siya sa mga babaing nagbibili ng aliw. Kinabukasan,nakaramdam si 
Benigno ng kakaiba.Nahihirapan siyang umihi. Nag-alala siya dahil maaaring magkaroon siya 
ng sakit sa babae at maaaring nahawa si Virgie dahil nahilig siya noong nakaraang gabi. 
Pumasok siya sa ospital. Dito, nalaman na hindi ioto sakit sa babae. 
Bumalik siya sa Pilipinas. Sinalubong sila ng maraming tao na puro naman binayaran. 
Nagkaroon ng salu-salo sa Manila Hotel para sa kanilang pagdating.Ang Pangulo at ang Unang 
Ginang ay dumalo rin. 
Pagdating nila sa bahay, nalaman nilang nagtanan ang anak nilang si Ester. Kasama ang 
anak ni Kongresista David na si Rosendo.Hindi nagtagal at bumalik ang dalawa.Humingi sila ng 
tawad at bendisyon. Noong una’y ayaw ni Benigno na maging balae si Kongresista David. 
Ipinatawag niya ang mag-ama upang pag-usapan ang kasal.Sinabi niya na kailangang malaki 
ang kasalan pero tumanggi ang ama ni Rosendo sa kadahilanang wala silang pera. 
Umuwi na si Rosendo at ang ama niya. Kinagalitan ni Benigno si Ester hanggang sa 
maitulak nito ang anak. Namilipit si Ester kaya dinala siya sa ospital. Napag-alaman nila na 
nalaglag ang sanggol sa dinadala nito. 
Gumaling si Ester at umuwi na ng bahay. Si Benigno naman ay abalang-abala dahil sa 
27 
imbestigasyon ng kongreso sa masamang gawain niya. Naisip niya ang ama ni Rosendo. 
Ipinatawag at kinausap tungkol sa kasal ng kanilang anak. Nagkasundo sila. 
Sa pagpapalipas-oras ni Benigno sa isang niteclub, napag-alaman niya ang mga 
pagmamalabis ng anak ni Kongresista Caprio na si Ricky. Nagkaharap ang dalawa at nag-usap.
Nagkasagutan sila at pagkatapos, bigla na lamang nakarinig ng isang putok. Bumagsak si Ricky 
at naligo sa sariling dugo. 
Mula sa insidenteng ito, sunod-sunod na ang mga problemang dumating kay Benigno. 
Ang anak nitong si Ismael ay naging isang “drug addict”,si Diana naman ay nakikitungo kay 
Balbino Marcial at ang anak niyang seminarista na si Conrado ay nahumaling kay Diana. Pati 
ang pangarap niyang maging Bise-Presidente ng bansa ay naging malabo. 
Si Conrado, ang seminaristang anak ni Benigno, ay unti-unting nahumaling kay Diana. 
Umabot ang kanilang relasyon sa pagdadala ni Diana sa kanyang sinapupunan ng anak nila ni 
Conrado. Nasaktan si Benigno nang malaman ito. 
Lahat ng mga problema ni Benigno ay gumugulo sa kanyang isip hanggang dumating ang 
kasukdulan. Hindi na niya kaya pang tanggapin. Ang puso niya ay sumuko na sa mga sama ng 
loob. Dinadala siya sa ospital ngunit talagang wala na . . . hindi na niya gustong mabuhay. Hindi 
nagtagal at binawian na siya ng hininga. 
28 
Sa bulwagan ng Kongreso, pinarangalan si Benigno bilang isang magaling na 
Kongresista ngunit hindi ito nagustuhan ni Virgie. Sinabi niya na hindi niya kayang tanggapin 
ang lahat ng paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa lahat ng mga pangkukunwaring ginagawa 
sa harap ng bangkay ng asawa niya. Sumigaw siya at sinabing iyan na lamang siya. Nailibing si 
Benigno nang matiwasay ngunit ang mga gawaing pulitika ay patuloy pa ring gumugulo sa 
pamilya niya. 
Tulad ng sabi ni Carpio kay Virgie, “Hindi po blackmail, Misis. Ito po’y pulitika!” 
Pinag-iisip ng may-akda ang mga mambabasa upang tuklasin ang katotohanan sa 
nakakubling kanser ng lipunan. Hinubog niya ang kaasalan ng mga mambabasa upang kilalanin 
ang kabutihan laban sa kasamaan at ang katiyakan laban sa kamalian. Inantig niya ang damdamin 
ng mga mambabasa upang makisangkot sa tawag at hamon ng tukso mula sa kasamaan. Tuwiran 
tinutuligsa ng may-akda ang mga pulitikong may maruming gawain at pansariling interes lamang 
ang pinahahalagahan.
29 
PANAHON SA KASALUKUYAN 
Lamberto Antonio 
Si Lamberto Antonio ay batikang makata, kwentista, at mananalaysay. Isinulat ang akda 
noong dekada’80, subalit saksi tayo na naglipana pa rin sa ngayon ang mga batang naghahanap-buhay 
sa lansangan. Ang child labor ay isa pa ring pangunahing problemang panlipunan. 
. 
Sa Pagkamatay Ng Isang Newsboy 
(Tula) 
Hindi na siya maaaring ibangon 
Ng mga pahinang naging pananggalang 
Sa kahubdan at matinding gutom. 
Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon, 
At ipagsanggalang sa mga langaw, 
Sa huling pagkakataon. 
Sapagkat musmos siyang nawalan ng pulso, 
Wala na siyang panahon upang gagapin 
Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa mundo. 
Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal 
Ng mga taong nahirati sa pagbasa 
Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal. 
Sayang at di na niya masisilayan 
(Sa kauna-unahang pagkakataon) 
Ang sariling retratong naligaw 
Sa espasyong batbat ng anunsiyo— 
Newsboy na biktima ng isang kaskasero, 
Gumulong ang ulo na parang sensilyo. 
Ang paglipana ng mga batang nagtatrabaho sa lansangan ay tanda ng matinding kahirapan. 
Kahirapan ng buhay ang nagtulak upang magkaroon ng mga batang manggagawa, mga batang
30 
manggagawang dapat na nasa paaralan ngunit kailangang magtrabaho ng maaga dahil sa 
kagutuman, dahil hikahos ang mga magulang, dahil hirap ang buong pamilya. 
Inilalarawan ng akdang ito ang kondisyon na ang paksa ay naglalayong pukawin ang 
ligalig ng mambabasang may nalalabi pang konsensya at malasakit sa kapwa lalo sa ating 
gobyerno, may isang sandali sa tulang “Sa Pagkamatay ng Isang Newsboy” ni Lamberto Antonio 
na nagpadanas, hindi lamang nagpaunawa, ng kahulugan ng isang salita dahil sa mga puwersang 
nilikha ng mga nakapaligid na salita sa pahina, isang sandali kung kailan masasabing nagkaroon 
ng tunay na pagpukaw sa damdamin ng mambabasa upang maipadama ang kahirapan ang dinanas 
ng mga mga batang nagtatrabaho sa lansangan. 
Ang mga bata ay may limitasyon sa kaalaman at pisikal na kakayahan upang ipagtanggol 
ang kanilang mga sarili mula sa iba’t ibang tipo ng paglabag sa kanilang batayang karapatan. 
Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang Pilipino ay isa sa pinaka-bulnerableng sektor sa 
isang lipunang laganap ang kahirapan at kawalan ng hustisya. 
Ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng lipunang Pilipino. Isa ang Pilipinas sa 
may pinakamasahol na porma ng "child labor" sa anyo ng pagtatrabaho sa bukid, pagpapaalila 
bilang kasambahay at pagpapatrabaho sa mga kriminal na sindikato sa droga at prostitusyon. 
Nalalantad sila sa mga mapanganib sa sitwasyon, mga lihis na gawi, at lalo pang paglabag sa 
kanilang karapatan bilang bata at bilang tao. 
Dugo at karahasan ang prinsipal na imahen sa tulang ito, sa kanyang kamatayan, wala na 
siyang pagkakataong unawain ang mga pangyayaring taglay ng mga kopya ng pahayagang 
kanyang ipinagbibili. Bukod dito, hindi na niya masisilayan (sa kauna-unahang pagkakataon) ang 
sariling retratong naligaw sa espasyong batbat ng anunsyo--- 
Ang pinakahuling imahen—“Gumulong ang ulo na parang sensilyo”---salapi ang sensilyo, 
at salapi ang sagisag ng mga makapangyarihan sa lipunang sumaksi sa buhay at kamatayan ng 
newsboy. Nauwi sa isang walang halagang bagay ang buhay ng isang indibidwal. Naging balita 
ang isang tagapagbili ng bagay na nagbibigay ng balita anunsyo sa mga mamamayan. 
Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang katotohanan sa tulong ng panitikan. 
Laganap ang kahirapan at gutom na namamayani sa ating bansa at marami pang buhay ang
masasakripisyo lalo na ang mga batang umaasa lamang sa biyaya na makukuha lamang nila sa 
lansangan sa halip na tulong ng gobyerno. 
31 
DULA AT MGA TULA NI ROGELIO L. ORDOÑEZ 
Maraming manunulat ang naniniwala at kumikilala sa panulat bilang isang matalim na 
bolo na makakasugat sa manhid nating lipunan at walang pakialam na pamahalaan. Isa na dito si 
Rogelio L. Ordoñez na nakilala at kinikilala sa kanyang kontribusyon sa panulaan at panitikan 
bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas na lipunan. Ang kanyang 
mga tula at dula ay ilan lamang sa mga akdang tunay na naghihimagsik at sumasalungat sa 
tahimik na bibig ng ibang manunulat. Tunay na nagpapakita ng paghihimagsik laban sa pang-aapi 
ng mga maimpluwesya at makapangyarihan sa pamahalaan, inilalarawan at iminumulat ang mga 
maralita sa kaapihan ng ating lipunang ginagalawan. 
Saan Papunta ang mga Putok 
(Buod ng Dula) 
Nagbubukas ang eksena sa panahon ng Administrasyong Cory Aquino kung kailan 
patuloy na umiigting ang kilusan ng mga mamamayan sa hanay ng mga aktibistang estudyante at 
mga manggagawa. Upang magprotesta at ipaglaban ang mga karapatan at interes ng maraming 
maralitang Pilipino. 
Sa unang eksena ay lalabas si Ador, ang estudyante na nakikilahok sa mga kilusang 
pambansa at ang kanyang kapatid na babae na si Aida. May pagkakaiba sa pananaw ng 
dalawang magkapatid at ito ang lagging inaalala ng kanyang ina na si Aling Ester. Palaging 
nakikisangkot sa protesta si Ador, si Aida naman ay nakatuon lamang sa aknyang pag-aaral. 
Nais ni Aida na maiangat ang kanilang abang kalagayan sa pamamagitan ng edukasyon at 
sarado siya sa anumang kasalukuyang isyu na kinakaharap ng ating lipunan. 
Magbabago ang lahat dahil mapagbibintangan ng mga military si Adorn a 
nagproprotesta at kasapi ng mga NPA Sparrow unit. Dinakip si Ador at pilit na pinaamin habang 
tinotoryur ng tatlong sundalo kasama ang kanilang Tenyente. Sa pagwawakas ng kwento, 
bubunutin ni Ador ang baril ng isang sundalong nambubugbog sa kanya at maririnig na lang ang 
sunod-sunod na putok.
Ang “Saan Papunta ang mga Putok” ay sumasalamin ng katotohanan at nagpapakita ng 
lipunan na napupuno ng sigalot, korupsiyon at kaguluhan. Maikukumpara sa madugong 
pangyayari noong 1987 sa Mendiola. Maihahambing si Ador sa napakaraming aktibistang 
estudyante na nabilanggo, pinahirapan at pinatay dahil lamang sa napagbintangan na kasapi ng 
Sparrow Unit. Inilalarawan nito ang brutal na pag-aapi at paglabag sa karapatang pantao ng mga 
manggagawa at sa mga hanay ng estudyante na nais lang mag-organisa at magpahayag ng 
kanilang mga hinaing at maipahayag ang saloobin. 
Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa ating kabataan 
ang naniniwalaang hindi na “demokratiko” kundi isa nang “gobyernong Kapitalista” ang umiiral 
sa ating bayan sapagkat damang-dama na ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong 
pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay patuloy na nanalig na matatag ang 
pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga 
kakulangan. At ang iba naman ay may paniniwalang dapat nang palitan ng “sosyalismo” o 
“komunismo” ang bulok na pamahalaan. Iba’t-ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating 
mga kabataan upang mas maipakita ang tuwirang paghihimagsik sa bulok na sistema sa ating 
gobyerno. May mga kabataang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New Peoples’ Army), 
may mga naging “Burgis” radikal o rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang mga walang 
pakialam sa takbo ng pamahalaan. 
Sa kabuuan, maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay, nagpamalas ng buong giting sa 
pagtatanggol ng karapatan ng masang Pilipino, walang takot na suungin ang kamatayan basta 
maipaglaban lamang ang mga prinsipyo at tunay na karapatan. 
Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan. Ito’y mapatutunayan hindi lamang 
sa madugo at mapangwasak na demonstrasyon at mga pagpapahayag. Ang mga pahayagan ng 
mga mag-aaral sa kani-kanilang pamantasan ay punung-puno ng damdaming mapanghimagsik. 
Ang mga dating aristokratang manunulat ay nagkaroon ng kamulatang panlipunan. At maliban sa 
makinilya ay gumamit din sila ng pinsel at isinulat sa mga plakard, sa pulang pinturan ang mga 
kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka. 
Ang dulang ito ay tuwirang naghihimagsik sa kabulukan ng sistema, kawalan ng hustisya, 
sa patay-malisyang mamamayan at abusadong naglilingkod sa gobyerno na may pansariling 
interes lamang. Naghihimagsik sa mga nanunungkulan na kung hahayaan ang ganitong sistema ay 
mas marami pa ang mga kabataan na masasayang ang kinabukasan. 
32
33 
Sa Bayan Ni Juan 
(Tula) 
sa bayan ni juan 
mortal na kasalanan 
ang maging makabayan 
baka pulutin ka sa kangkungan 
o saanmang basurahan 
lasug-lasog ang katawan 
utak at mukha’y pinagpipistahan 
ng mga langaw at langgam 
baka di ka na rin makita kailanman 
kapag isinilid sa dram 
sementuhan at ipalamon 
sa pusod ng karagatan. 
sa bayan ni juan… pakatandaan 
huwag kang magsasabi ng katotohanan 
basta paniwalaang umuunlad ang 
kabuhayan 
kahit lugaw at asin ang nagliliwaliw 
sa bituka ng maraming mamamayan 
dumarami man nagkakalkal ng basura 
para magkalaman ang tiyan 
milyun-milyon man damit ay basahan 
bata-batalyon man palaboy sa lansangan 
mga parke’t damuhan man ang himlayan 
o nagtitiis paalipin sa banyagang bayan 
basta isiping mahalimuyak ang buhay 
sa bawat pagsikat ng araw sa bayan ni juan 
ugaliing itaas ang mga kamay 
maghosana sa kaitaasan 
maghaleluya sa mga diyus-diyosan 
laging may glorya daw sa bayan ni juan. 
sa bayan ni juan 
huwag mong isasaysay sa sambayanan 
hokus pokus at kahiwagaan 
ng kung anu-anong pandarambong 
sa pondo ng bayan 
huwag palalabasin sa lalamunan 
inhustisya’t kasuwapangan 
ng iilang hari-harian sa lipunan 
baka dila mo’y hiwain 
mga ngipi’y lagariin 
pati mata ay dukitin 
iturnilyo mga labi’t pasabugin. 
. 
sa bayan ni juan 
huwag na huwag makipagkaisa 
sa mapagpalayang adhikain 
ng manggagawa’t magsasaka 
huwag makipagtaling-pusod sa masa 
sa uring alipin at ibinartolina 
ng balintunang sistema 
huwag kang sasama 
sa kanilang sagad-langit na protesta 
laban sa uring mapagsamantala 
babansagan kang subersibo’t terorista 
banta sa seguridad ng republika. 
sa bayan ni juan 
malupit mga senturyon ng unano 
kaya huwag matigas ang ulo 
kapag dinampot ka’t pinalad na ikalaboso 
at hindi naging desaparecido 
bababuyin ka ng mga utak-kurtado 
paaaminin kang rebelde laban sa estado 
ingungudngod ang mukha mo 
sa mataeng inodoro 
hubo’t hubad kang pahihigain 
sa bloke ng yelo 
pipilitin kang uminom nang uminom 
ng tubig na naninilaw sa mikrobyo 
hanggang pumintog nang pumintog 
ang tiyan mo 
saka biglang tatadyakan ng demonyo 
di ka titigilan kapag di umaamin 
sa nilubid na mga kasalanan 
bayag mo’y kukuryentihin 
isasaksak sa titi mo 
bagong sinding palito ng posporo 
o bibigtihin ng kuwerdas ng gitara 
lupaypay na ulo nito 
o diyos ni abraham 
malilibog ang senturyon ng unano
34 
kung babae kang isinalampak sa kalaboso 
lalaruin ang suso’t kiki mo 
saka kakabayuhin ka nang husto 
matapos laspagin ang puri mo 
at hingal-aso ang berdugo 
iiwan pang nakapasak sa ari mo 
anumang boteng nakatuwaan nito. 
talagang ganyan sa bayan ni juan 
dinuduhagi’t sinisikil ang mga makabayan 
ipinagkakait ang demokratikong proseso 
mapapalad lamang ang basalyos ng unano 
at kauri nilang salabusab at tuso 
mga payaso’t sirkero 
mga batikang salamangkero 
nilalaklak nila ang dugo ng bayan 
nilalamon ang laman ng mamamayan 
sa paulit-ulit na pagtatanghal 
sa karnabal ng kasinungalingan 
isasakay sa ruweda ng panlilinlang 
hinihilong masang sambayanan 
iduruyan sa ilusyon ng huwad na kaunlaran 
at doble-karang katarungan 
talagang ganyan sa bayan ni juan 
ang taksil sa pambansang kapakanan 
at interes ng kumain-diling mamamayan 
silang mga tulisan sa kalunsuran 
silang nagpipista sa mesa ng kawalang-hiyaan 
may lakas ng loob pang mangalandakan 
na sila’y lantay na makabayan. 
sa bayan ni juan… talagang ganyan 
mortal na kasalanan ng masang 
sambayanan 
ang maging makabayan 
at maghayag ng sagradong katotohanan 
pero di habang panahong laging ganyan 
sa bayan ni juan 
naglalagablab na ang liwanag sa silangan 
bumabangon na sa dilim ng nagdaang gabi 
ang mga alipin 
upang sa wakas mga sarili’y palayain! 
Inilalarawan at pinaghihimagsikan na tulang ito ang patuloy na kaapihan at matinding 
pag-aabuso sa karapatang pantao at dignidad. Sa kalahatan, maraming mamamayan ang 
nakikilahok upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang 
pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng matinding damdaming 
makabayan at upang mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang kahilingan ay naging 
matalim at mabalasik ang ilan nating kababayan. At dahil dito, marami sa kanila ang nangapiit sa 
mga kampong militar ng bansa upang pahirapan at patayin ng walang kalaban-laban. 
Layunin ng akdang ito na mailantad ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami 
sa pagpapakasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng gobyerno, kawalan ng katarungan ng 
mga inaping mamamayan. Sa mas malinaw na salita, isinasatinig ng akdang ito ang daing ng mga 
palaboy sa lansangan at kumakalam ang tiyan habang nagpapakasasa sa buwis ng bayan ang iilan. 
Ang hagulhol ng mga biktima ng kawalan ng hustisya at ipinaglalaban lamang ang kanilang mga 
kakaunting karapatan. Malinaw na ang akdang ito ang tagapagtaguyod ng mga karapatan at 
kapakanan ng uring anakpawis at nagbibigay na pag-asa na may darating na pagbabago sa 
paglantad ng katotohanan.
35 
Ave, Ave, Pater Patrum 
(Tula) 
giovanni battista montini 
servus servorum dei 
nang iluwa ka ng alitalia 
mga magnanakaw naghaleluya 
viva! viva! viva il papa! 
hosanna in excelsis 
benedictus qui venit 
in nomine domini 
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! 
patawarin ang anak mong nagkasala 
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa 
nang sa kanto’y magdaan ang santo papa 
ako po’y nasa kubeta 
nagbebendita’t nagdaraos ng sariling misa 
ave, ave, pater patrum 
inodoro’y nagkumunyon 
nangumpisal pa sa poon. 
ave, ave, birheng maria 
ipinalangin ang anak mong nagkasala 
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa 
ni hindi ko man lamang nakita 
ang tiara ng santo papa 
nang magpunta siya sa luneta at magmisa 
ako po’y umiinom ng hinebra 
sa restawran ni san da wong sa ermita 
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! 
ako po’y huwag bulagin 
ng mga kalmen at estampita 
habang ang kandila’y bangkay 
na naaagnas sa bawat kandelabra 
kahit ako po’y di lumuhod sa santo papa 
nakita ko naman 
ang kanyang anghel de la guardia 
sa bote ng la tondena 
michaelem archangelum 
nakaamba kumikislap na espada 
sa plato ng espagheting piccolinong 
may bendita ng ketsap papa. 
ave, ave, pater patrum! 
ako po’y nagugutom 
sitsiritsit alibangbang 
salaginto’t salagubang 
bawat oras, bawat araw 
kampana’y kumakalembang 
sit laus plena, sit sonora 
sit jucunda, sit decora 
mag-antanda at magdasal 
ave, ave, ave maria! 
ang pari’y nagbibilang 
ng pilak sa sakristiya 
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! 
ipinalangin kaluluwa ng anak mong 
nagkasala 
mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa 
krusipiho at rosaryo’y ipinanguya ko 
sa basura. 
santo papa, santo papa! 
puto seko’t puto maya 
inuuod ang kumbento’t mga mongha 
bawat santo’y nakanganga 
sa isusubong ostia 
ave, ave, pater patrum 
kalyehon ko’y inaagiw 
barungbarong at estero’y nakatanghod 
sa kopita’t kandelabra 
araro ko’y nakapangaw sa tumana 
armalite ay umaawit sa candaba 
ave, ave, ave maria! 
quod in carnem transit panis 
et vinum in sanguinem 
quod non capis 
quod non vides
36 
animosa firmat fides 
diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! 
kagabi, santo papa 
ang utak ko’y talahib na naglagablab 
at nagsayaw ang mga alitaptap! 
Isang tula na naisulat noong dumalaw sa bansa taong 1970, si Papa Pablo VI o Giovanni 
Battista Montini. Tuwiran itong tumutuligsa sa pagkahumaling ng mga Pilipino sa banal ng 
kataas-taasang sugo ng simbahan. Ang akda na sinangkapan ng salitang Latin na kadalasang 
ginagamit sa pagmimisa at pagpapakalat ng salita ng Diyos. Inilalarawan ng akdang ito ang 
immoral na gawi ng simbahan, pagpapayaman at pananamantala nito sa naghihirap na 
mamamayan. Mababasa sa tula ang paghihimagsik sa kinamulatang kultura ng mga Pilipino na 
pagsamba sa mga taong simbahan kahit lantaran ang mga pagkaimoral at nadadawit na sa isyung 
korupsiyon. 
Bakit Ganyan? 
(Tula) 
minsan lang akong daraan 
sa mundong estupido 
pero karapatan ko 
ayaw irespeto 
sinisikil, kinakatay, pinapatay 
bakit ganyan? 
di naman ako kriminal 
di naman ako magnanakaw 
di naman ako nandarambong 
ng pondo ng bayan 
lupa nang may lupa’y di kinamkam 
at lalong di nanggahasa ng sinuman 
ako pa nga ang laging ginagahasa 
ng lipunang di makatarungan 
bakit ganyan? bakit ganyan? 
sobra-sobra ang ipinagbabawal 
sabi ng mga banal sa simbahan 
bawal magmura kahit galit na 
bawal magsalita nang malaswa 
bakit nagkaroon pa 
ng gayong mga salita? 
para saan at paano iyon 
mailalabas sa bunganga? 
lintik na ‘yan! ano ba ‘yan! 
bawal malibugan sa iba 
maliban sa asawa 
sila namang mga santo’t santa 
puwedeng-puwedeng magnasa 
magpasasa’t magpakasawa 
oras-oras, maya’t maya 
sa macho’t tigasing binatilyo 
o sa seksi’t dalagitang mabango. 
anak ng galunggong at kabayo 
lintik na ‘yan! hayop na ‘yan! 
karapatan lang nila 
ang sagrado’t mahalaga! 
bakit ganyan? bakit ganyan? 
ako lang ang laging makasalanan 
ako ang impakto 
ako ang demonyo 
impiyerno ang bagsak ko 
por dios por santo 
anong klaseng mundo ito? 
bawal magsabi nang totoo 
laban sa mga dorobo sa gobyerno 
puputulin ang dila mo 
bawal mithiin ang pagbabago 
sa layuning lipuna’y di magago
37 
at di dumami ang agrabiyado 
pero birheng inang mahabagin 
bubulukin ka pa sa kalaboso! 
bakit ganyan? bakit ganyan? 
dahil ba silang nagbabawal 
ang iilang hari-harian 
ang pinagpalang diyus-diyosan 
at kaming maralita’y tungaw 
layak lamang ng lipunan? 
lintik na ‘yan! hayop na ‘yan! 
bakit ganyan? bakit ganyan? 
pati katiting kong kaligayahan 
lagi’t laging pinakikialaman 
pobre lamang ako 
di kaya ang maluhong bisyo 
di mayamang tulad ninyo 
puwedeng bumabad sa casino 
magpakaligaya kaya sa paraiso 
sa puklong matambok 
sa susong maumbok 
ng kinakalantaring kalaguyo 
ligaya ko’y simple lamang 
ang manigarilyo lamang 
para mapayapa ang damdamin 
at ligalig na isipan 
sa hilahil na pasan-pasan 
makasulat din ng kung anu-ano 
kapag nababaliw ako 
pero por dios por santo 
bawal manigarilyo diyan 
bawal manigarilyo kahit saan 
bawal sa gusaling iyan 
bawal sa pampublikong sasakyan 
bawal makaamoy ng usok 
malulusog, mararangal na nilalang. 
lintik na ‘yan! hayop na ‘yan! 
karapatan daw nila iyon 
pero paano naman ang karapatan ko 
ang mga kagaya kong naninigarilyo? 
bakit ganyan? bakit ganyan? 
bakit nagkaroon pa 
ng pabrika ng sigarilyo 
bakit di pa sunugin ang mga ito 
tupukin pati ang lumikha nito? 
para di parang ketongin 
ang mga gaya kong naninigarilyo 
itinataboy kung saan-saan 
pinagbabawalan sa maraming lugar 
parang mundo lang nila ito 
parang di sila mamamatay 
kahit di manigarilyo 
kahit di makaamoy ng usok nito 
parang kami lang naninigarilyo 
ang maglalaho agad sa mundo. 
pero itatanong din ninyo: 
bakit ganyan? bakit ganyan? 
tinodas agad ng diabetes 
ng alta presyon o atake de corazon 
ng kanser sa atay o lalamunan 
ng kanser sa baga’t bituka 
sa bayag o suso o obaryo 
siyang kailanma’y di nanigarilyo 
o nakasinghot ng usok nito 
siyang di nanigarilyo ni minsan 
ay binaril naman, tinambangan 
o biglang nasagasaan sa daan 
nagkalasug-lasog ang katawan 
nauna pang namatay 
sa impaktong gaya ko 
apatnapung taon nang naninigarilyo. 
bakit ganyan? bakit ganyan? 
siyang sigarilyo ang pamatid-gutom 
ang iniiwasan ng lipunan 
pati ni kamatayan 
siyang sigarilyo’y iniwasan 
pero nagpakabundat sa katakawan 
at nagsamantalang lubusan 
para yumaman nang yumaman 
pundilyo nila’y hinahalikan 
masaklap nga lamang 
maaga silang kinakain ng libingan 
at isinusuka ng kasaysayan. 
bakit ganyan? bakit ganyan? 
lintik na ‘yan! ano ba ‘yan? 
hayop na ‘yan! 
ang mundo ba’y estupido 
o ako ang naloloko? 
basta irespeto na lamang ninyo
38 
ang karapatan ko 
huwag lamang ang inyo 
anak kayo ng galunggong 
at kabayo! 
Sa akdang ito naisasatinig ang tuwirang paghihimagsik na tanda ng pagpapahayag ng tao 
sa kaniyang kaganapan bilang indibibwal na may karapatang dapat pangalagaan, kalayaang dapat 
tahakin at saloobing dapat ipabatid sa iba at ang paglaban sa kung sinumang aayaw at yuyurak sa 
kanyang karapatan. Isa rin paghihimagsik sa mapaniil na pangil ng Simbahang Katoliko na siyang 
nagpapakilala at nagpapalaganap ng moralidad ngunit sila rin unang-una gumagawa ng mga 
immoral na gawain. Maituturing na mapaghimagsik ang akdang ito sapagkat tumutuligsa ito sa 
maling pamamahala ng gobyerno, katiwalian at pag-aabuso sa karapatan ng bawat tao. 
Mula noon at magpahanggang ngayon, maraming manunulat ang nag sisiwalat ng 
kabulukan ng sistema sa pamahalan at lipunan na ating ginagalawan. Ang mga manunulat ay 
nagkaroon ng kamulatang panlipunan, at nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka na may 
diwang naghihimagsik. Tunay ngang ang mga panitikan na naghihimagsik ay hindi naglalaho at 
habambuhay na umiigting.
39 
Talaan ng Sanggunian 
Aklat 
Baesa-Julian, Ailene G. et al. Pluma III Wika at Panitikan para sa mataas na 
paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House.Inc.2010 . 
Cruz, Teresita Cristobal, Ed. D. Gintong Ani. Quezon City: FNB Educational, 
Inc.2009. 
Fortunato, Teresita F.et al.Batingaw II Aklat sa Filipino-Wika at Panitikan-Antas 
Sekundarya.Rex Bookstore.1996. 
Marasigan, Emily V. Pluma IV Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. 
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.2012. 
Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular.Quezon City: 
Ateneo De Manila University Press.1997. 
Rodillo, Gregorio M. et al.Batingaw I Aklat sa Filipino-Wika ta Panitikan-Antas 
Sekundarya.Rex Bookstore.1996. 
Tepace, Alita I. Ph. D. Yaman ng Pamana III Wika at Panitikan. Quezon City: 
Vibal Publishing House, Inc.2010. 
Websayt 
“Mula Tula Hanggang Dula, Mula Tradisyon Hanggang Sa Bulok Na Sistema: 
Ang Panitikang Mapanghimagsik Sa Panitikang Pilipino.” 
http://mgasigwaatagos.blogspot.com/2010/10/mula-tula-hanggang-dula- 
mula-tradisyon.html 
“Dimensiyon: Pagbabalik sa Kultura’t Tradisyong Third World”. 
https://sites.google.com/site/fil3rdworld/entablado3
40 
Mga Manunulat sa Pilipinas.http://tl.wikipedia.org/wiki/Juan_Abad 
Talambuhay ni Liwayway Arceo. 
http://tl.arceoliwayway.wikia.com/wiki/Talambuhay_ni_Liwayway_Arceo 
Pluma at Papel.http://plumaatpapel.wordpress.com/author/plumaatpapel/ 
Pluma at Papel.http://plumaatpapel.wordpress.com/2010/02/12/sa-bayan-ni-juan/

Contenu connexe

Tendances

Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
Nikko Mamalateo
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikan
JM Ramiscal
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
LAZ18
 

Tendances (20)

Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
 
Teoryang Romantisismo
Teoryang RomantisismoTeoryang Romantisismo
Teoryang Romantisismo
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikan
 
Banaag at sikat
Banaag at sikatBanaag at sikat
Banaag at sikat
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalan
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dula
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
Ako ang Daigdig
Ako ang DaigdigAko ang Daigdig
Ako ang Daigdig
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 

En vedette

Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Mckoi M
 
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayMabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Hanna Elise
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Chin Chan
 
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Maybelyn Catindig
 
Aralin 7 ang kabihasnang tsino sa silangang asya (3rd yr.)
Aralin 7 ang kabihasnang tsino sa silangang asya (3rd yr.)Aralin 7 ang kabihasnang tsino sa silangang asya (3rd yr.)
Aralin 7 ang kabihasnang tsino sa silangang asya (3rd yr.)
Lavinia Lyle Bautista
 
Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan)
Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan) Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan)
Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan)
Mark Jed Arevalo
 
Spainish educational system
Spainish educational systemSpainish educational system
Spainish educational system
OLEtark
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
Lykka Ramos
 

En vedette (20)

Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayMabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
 
Tulang ang lumang simbahan ni florentino collantes
Tulang ang lumang simbahan ni florentino collantesTulang ang lumang simbahan ni florentino collantes
Tulang ang lumang simbahan ni florentino collantes
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
 
Ibong adarna
Ibong adarnaIbong adarna
Ibong adarna
 
Banghay aralin
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralin
 
Noli Me Tangere
Noli Me TangereNoli Me Tangere
Noli Me Tangere
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
 
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
Aralin 7 ang kabihasnang tsino sa silangang asya (3rd yr.)
Aralin 7 ang kabihasnang tsino sa silangang asya (3rd yr.)Aralin 7 ang kabihasnang tsino sa silangang asya (3rd yr.)
Aralin 7 ang kabihasnang tsino sa silangang asya (3rd yr.)
 
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"Script - "Kaanu-ano ko kayo?"
Script - "Kaanu-ano ko kayo?"
 
Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan)
Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan) Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan)
Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan)
 
Buod ng moses, moses
Buod ng moses, mosesBuod ng moses, moses
Buod ng moses, moses
 
Spainish educational system
Spainish educational systemSpainish educational system
Spainish educational system
 
Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto
Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang gintoKung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto
Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto
 
Ang teknikal-bokasyunal na sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Ang teknikal-bokasyunal na sulatin sa Filipino sa Piling LarangAng teknikal-bokasyunal na sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Ang teknikal-bokasyunal na sulatin sa Filipino sa Piling Larang
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 

Similaire à PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Gilbert Joyosa
 
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptxQ4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
IMELDATORRES8
 
filipino-week 2.pptx
filipino-week 2.pptxfilipino-week 2.pptx
filipino-week 2.pptx
MARIEZAFATALLA
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
blossomab
 

Similaire à PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO (20)

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptxQ4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulat
 
Filipino-Group 5
Filipino-Group 5Filipino-Group 5
Filipino-Group 5
 
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptxKalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
panitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propagandapanitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propaganda
 
Batayan sa kultura at kasaysayan
Batayan sa kultura at kasaysayanBatayan sa kultura at kasaysayan
Batayan sa kultura at kasaysayan
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong FilipinoKasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na IdeyaPag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
 
rebolusyong pilipino.pptx
rebolusyong pilipino.pptxrebolusyong pilipino.pptx
rebolusyong pilipino.pptx
 
pagsasatao ni rizal
pagsasatao ni rizalpagsasatao ni rizal
pagsasatao ni rizal
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizal
 
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptxGrade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx
 
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG PANITIKANG PILIPINO.pptx
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG PANITIKANG PILIPINO.pptxPAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG PANITIKANG PILIPINO.pptx
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG PANITIKANG PILIPINO.pptx
 
filipino-week 2.pptx
filipino-week 2.pptxfilipino-week 2.pptx
filipino-week 2.pptx
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 

Dernier

Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
niquomacarampat2
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 

Dernier (20)

Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 

PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO

  • 1. 1 Republika ng Pilipinas Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTER NG ARTES SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO Iniharap kay Prop. Rogelio L. Ordoñez Guro Bilang pagtugon sa kahingian sa asignaturang Panitikang Mapanghimagsik MAF 504 Mananaliksik: Nimpha Landicho Gonzaga MAF-1 Septembre 27, 2014
  • 2. 2 Republika ng Pilipinas Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTER NG ARTES SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila PAMAGAT: PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO  Panitikan na Naghihimagsik sa Iba’t ibang Panahon  Dula at mga Tula ni Rogelio L. Ordoñez MANUNURI: NIMPHA LANDICHO GONZAGA KURSO: MASTER NG ARTES SA FILIPINO
  • 3. 3 Republika ng Pilipinas Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTER NG ARTES SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila PANITIKAN NA NAGHIHIMAGSIK SA IBA’T IBANG PANAHON I. Panahon na Kastila (1565-1898) a. Panahon ng Propaganda (1872-1896) Noli me Tangere at El Filibusterismo (Nobela) ni Dr. Jose Rizal b. Panahon ng Tahasang Paghihimagsik (1896-1898) Ang Pag-ibig (Sanaysay) ni Emilio Jacinto II. Panahon ng Amerikano (1900-1941) Tanikalang Ginto (Dula) ni Juan Abad III. Panahon ng Hapones (1941-1945) Palitan (Maikling Kwento) ni Pedro S. Dandan IV. Panahon ng Isinuling Kalayaan (1946-1970) Isang Dipang Langit (Tula) ni Amado V. Hernandez V. Panahon ng Aktibismo (1970-1972) Canal de la Reina (Nobela) ni Liwayway Arceo VI. Panahon ng Bagong Lipunan ( 1972-1981) Satanas sa Lupa (Nobela) ni Celso Al. Carunungan VII. Panahon sa Kasalukuyan Sa pagkamatay ng Isang Newsboy (Tula) ni Lamberto Antonio DULA AT MGA TULA NI ROGELIO L. ORDOÑEZ Pamagat ng mga Katha  Saan Papunta ang mga Putok  Sa Bayan Ni Juan  Ave, Ave, Pater Patrum  Bakit Ganyan?
  • 4. 4 Introduksyon Kung susuriin ang panitikan ng kasaysayan, maraming pangyayari sa nakaraan ang tumatak at nag-iiwan ng latay ng pagpapaalala sa mga pangyayaring naghihimagsik, lumalaban at sumasalungat ang mamamayan sa mga pangyayari sa ating bayan. Maraming akda ang naisulat sa bawat yugto panahon na naghihimagsik, ngunit dahil sa ang mga akda’y mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang na paglalathala at karamihan sa mga manunulat na ito ay ipinakulong. Tinatalakay ng mga manunulat sa kanilang panitik ang kabulukan ng lipunan at pulitika. Ang alinmang establisimento ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin. Madarama sa simbahan, sa paaralan, at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pag-asa ng mga manunulat sa pamahalaan. Maging ang mga pari, mga guro, at mga magulang bilang awtoridad o mga dapat taong dapat igalang ay niyanig ng mga akdang naghihimagsik bilang kalaban na pabigat sa hinihingi nilang pagbabago. Humangga ang panitikang ito sa pagsasaad ng dapat gawin upang lutasin ang suliranin. Ang Panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang mga hinaing, damdamin o kaisipang nais ipahayag. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagmumulat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Maituturing na mapaghimagsik ang panitikan kung ito ay tumitiwalag at tumutuligsa sa katayuan ng lipunan, tuwirang humahamon sa umiiral na panahon, maaring ito ay laban sa maling pamamahala ng gobyerno, katiwalian, kultura, relihiyon at moralidad. PANITIKAN NA NAGHIHIMAGSIK SA IBA’T IBANG PANAHON PANAHON NA KASTILA Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon, ito ang panahon ng propaganda at panahon ng tahasang paghihimagsik. Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
  • 5. Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino. Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon 5 sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga kastila, subalit hindi nila nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga Pilipino. And dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalan. Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ang mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. PANAHON NG PROPAGANDA Tatlo ang taluktok o pinakalider ng Propaganda. Ang mga ito’y sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena. May kanya-kanyang ambag sa panitikan. Napiling suriin ng papel na ito ang naiambag ni Dr. Jose Rizal. Dr. Jose Rizal Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda ang buo niyang panagan. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna. Naging unang guro niya ang kanyang ina na si Teodora Alonzo. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila. Nagsimula siyang mag-aral ng Medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas, ngunit nagtapos sa Unibersidad Sentral ng Madrid. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Berlin, at Heidelberg. Ang kanyang buhay ay nagwakas noong Disyembre 30, 1896, nang ipabaril siya ng mga Kastila na nagparatang sa kanya ng sedisyon at paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila. Ginamit niya ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang sa kaniyang mga panulat.
  • 6. 6 Noli Me Tangere at El Filibusterismo (Nobela) Ang Noli Me Tangere ang una at walang kamatayang nobela na sinasabing nagpasigla ng malaki sa kilusang Propaganda at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. Sa aklat na ito ay walang pakundangan niyang inilantad ang kasamaang naghahar i sa pamamahala ng mga kastila sa Pilipinas. Mahigpit na ipinagbawal ng mga Kastila ang pagbasa ng mga ito, ngunit maraming salin ang lihim na nakapasok sa kapuluaan, bagama’t ito’y nangangahulugang kamatayan sa nag-iingat. Ang “Noli” ay nagbigay sa panitikang Pilipino ng mga hindi malilimot na tauhang larawang-buhay na mananatili sa isip ng mga bumabasa, gaya nina Maria Clara, Juan Crisostomo Ibarra, Elias, Sisa, Pilosopong Tasyo, Basilio, Crispin, Padre Salvi at Padre Damaso. Makapangyarihan ang panitik ni Rizal sa paglalarawang-tauhan. Sa Fili ay naging Simoun si Ibarra. Ang dating malamig, mapagtimpi, at makabatas, at makapamahalaang si Ibarra ay naglagablab na kagubatan ng ngitngit, poot, at paghihiganti sa bulok at tiwaling pamahalaan. Ang El Filibusterismo naman ay karugtong ng Noli. Kung ang Noli ay tumatalakay sa mga sakit ng lipunan, ang Fili ay lantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit higit na naging makapangyarihan, ang simbahan. Kaya’t madalas uriin ang Noli na nobelang panglipunan at pampulitika naman ang Fili. Ang mga nobelang ito ay itinuring bilang mga repleksiyon ng buhay sa Pilipinas noong ikalabinsiyam na siglo. Sa gayon, mababasa ang mga nobela bilang representasyon ng mga pangyayaring naganap sa Pilipinas, bilang pagtatangkang makalikha ng mga tauhang may katapat sa tunay na buhay, bilang pagpapaliwanag ng mga suliranin ng lipunang kolonyal, at bilang pagpapahiwatig ng mga solusyon sa mga problemang sumisiil sa bansa. Malinaw na nakaugat ang mga nobelang ito sa mga puwersang pangkasaysayan at hindi lamang salamin ng buhay ang mga nobela kundi isa ring uri ng pagbalikwas sa pagpapahayag ng kabulukan ng sistema. Malinaw ding makikita sa nobela ang pagtatagisan ng maraming ideolohiya ng ikalabinsiyam na dantaon na sinasagisag ng mga pangkating relihiyoso, pamahalang sibil, mga ilustrado, mga uring api at indio. PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalunagat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito. Nang dahil sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipino na ang nagsipagsabi na “wala nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik”. Ang naging laman ng panitikan ay pawing pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan.
  • 7. 7 Ang kikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini. Napiling suriin ng papel na ito ang naiambag ni Emilio Jacinto. Emilio Jacinto Sagisag ng kabataang mapanghimagsik. Si Jacinto ay kinikilalang utak ng Katipunan, sapagkat tumayo siyang kanang-kamay ni Bonifacio, na hindi niya hiniwalayan liban na lamang sa huling yugto ng paghihimagsik, nang mapasugo siya sa Laguna at si Bonifacio nama’y sa Cavite. Anak-mahirap din, si Jacinto ay nakapag-aral at naging bihasa sa Kastila. Nagpakahusay sa Tagalog, sapagkat ito ang wikang kailangan para makasapi sa Katipunan, hanggang sa makasulat ng mga maalab na katha bilang pagsunod sa tanging layuning makaakit ng mga kaanib sa samahang mapanghimagsik. Si Jacinto ay sumulat ng mga paksang makabansa at mapanghimagsik sa Tagalog at Kastila. Sa mga sinulat niya sa Tagalog, na nilagdaang Dimas Ilaw, ilan sa mga akda niya ang Kartilya ng Katipunan, at mga tulang A La Patria, at Mi Madre. Ang Kalayaan, Ang Ningning at Liwanag, Ang Tao ay Magkapantay, at iba pa ay ilan sa mga kasamahang sanaysay sa kanyang aklat katipunan na Sa Liwanag at Dilim. Si Emilio Jacinto ang naging matalinong katulong ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan siya ang tinaguriang “Utak ng Himagsikan.” Isa sa pinakadakilang nagawa niya para sa Katipunan ay ang pagkakatatag at pamamatnugot niya sa “Kalayaan”, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Ang una at huling isyu ng pahayagang Kalayaan ay lumabas noong Enero 18, 1896. Bagamat minsan lamang lumabas ang Kalayaan, ang mga siping ipinakalat sa mga karatig-lalawigan ay nagdulot ng malaking epekto sa masa na naging dahilan ng pag-anib ng libo-libong tao sa Katipunan. Iniurong ni Bonifacio ang kanyang isinulat na Kartilya bilang paggalang sa tungkulin ni Jacinto bilang kalihim ng Katipunan. Ang kanyang Kartilya ang nasunod bilang kautusan ng mga kaanib sa samahan. ANG PAG-IBIG (Sanaysay) Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag - ibig. Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang may kapal at ang kapwa tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag - ibig, siya lamang ang makapagpapabukal sa loob ng tunay at wagas na pag - ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag - ibig ang siyang tunay na may udyok kundi ang kapalaluan at ang kasakiman Kung ang pag - ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal at kara- karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahaon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.. Ang tunay na pag - ibig ay walang iba kundi yong makakaakay sa tao sa mga dkilang
  • 8. 8 gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan. Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag aayo ring pag - ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu - libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga - patak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag - iimbot sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag - ibig. Ang pag - ibig, wala na kundi ang pag - ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at nang pag - asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag - ibig ang siyang nagiging dahilan lamangkung kaya natin minamahal pa ang buhay. Kung ang magulang ay walang pag - ibig sa anak, sino ang magbabatang mag - iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak naman kaya ay walang pag - ibig sa magulang, sino ang magiging alalay sa katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag- aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan. Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y mahikaya't na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naaapi hanggang sa isapanganib at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag - ibig? Ang tunay na pag - ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan; kalinpama't sapin - sapin ang dusang pinapasan ng mga bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag - ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama't bulaang karangalan. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag - ibig! Sa pag - ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag - ibig at binubulag ng hamak ng pagsasarili. Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalgayan. Gumagawa ng dan tungo sa pag aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbuklod - buklod ang mga mamamayan upang kung mahina at dukha dahil sa pag - iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan. Oh! sino ang makapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag - ibig? Ang pagkakaisa na siya niyang kauna - unahang bunga ay siyang lkas at kabuhayan, at kung nagkakaisa na't nag iibigan ang lalong malaking hirap ay magaang pasanin, at ang muling ligaya'y matimyas na malalasap. Kung bakit nangyayari ang ganito, ay di matataos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag - ibig. At upang mapagkilalang magaling na ang pag - ibig ay siyang naging susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito, mapagnanakaw mo kya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip
  • 9. 9 ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung sila'y nakikitang inaapi ng iba. Gayundin naman, kung ang lahat ay mag - iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag - aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di - mabatang kapaitan. Kung ang pag - ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ipalalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting magparaan upang magtamasasa dagta ng iba at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid. Maling mga isip at ligaw na loob ang nanambitan sa mga hirap na tao na inaakalang walang katapusan! Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag - ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso. Ang sanaysay ay isinulat noong panahon ng himagsikan laban sa mga Espanol. Sa panahong ito, nangingibabaw sa panitikan ang damdaming makabayan. Kabilang ang akdang Ang Pag-ibig sa bahagi ng kodigo ng rebolusyon at katipunan ng mga akdang sanaysay ni Emilio Jacinto na may pamagat na Sa Liwanag at Dilim. Ang Liwanag at Dilim ay katipunan ng kaniyang mga sanaysay na may ibat ibang paksa, tulad ng kalayaan, paggawa, paniniwala, pamahalaan, at pag-ibig sa bayan. Sa panahong buong lakas na nagtatagisan ang mga puwersang panlipunan sa isang kolonyal na sistema, mahirap makapamayani ang mga puwersang panlipunan sa isang kolonyal na sistema, mahirap makapamayani ang mga puwersang laban sa kolonyalismo. Bagamat daan-daang Pilipino ang sumapi sa kilusan matapos itong itatag, hindi sapat ang kanilang lakas upang igupo ang mga kaaway na nagtataglay ng halos lahat ng uri ng kapangyarihan. Ang malaking tanong sa panahong ito ng maigting na labanan para sa puso at isip ng mga mamamayanan ay: Paano maaantig ang damdamin ng mga inapi at nang sa gayon ay mapag-alab ang kanilang mga puso na siyang magtutulak sa kanila upang humawak ng armas sa paglaban sa mga Kastila? Ano-anong mga anyo ng panghihikayat ang nararapat gamitin ng mga namumuno sa kilusan upang lantarang makibaka ang mga tao? Hindi mapasusubalian na ang mga panitikng nalikha sa mga panahong ito ang naging mahalagang kawig sa higanteng tanikala ng mga tekstong maituturing na rebolusyonaryo. Ang mga panitikang naghihimagsik ang dahilan at siyang pumukaw sa damdamin ng mga mamamayan upang magising sa katotohanan ng mapang-aping kolonyalismo. PANAHON NG AMERIKANO Nagkaroon ng wakas ang tatlongdaan at tatlumpung taon ng pananakop ng mga Kastila at nakatikim ang mga Pilipino ng kalayaan. ang mga Amerikano'y nagdulot ng mga kaluwagan sa mga nasanay maalipin sa loob ng mahabang panahon. Nabigyan nga ng kalayaan ang mga Pilipino subalit kataka-takang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang makabayan.
  • 10. Sa kabilang banda, ang mga manunulat ay ginapusan ng mga Amerikano ng tanikala ng batas ng sedisyon. Hindi sila maaaring magsulat ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa pagmamalabis ng mga ito o laban sa mga layunin ng mga ito na hindi naman pawang para sa kapakanang Pilipino.Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan. Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat. Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang paghihimagsik tulad ng masasaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad. Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – angTanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. 10 Juan K. Abad Si Juan K. Abad ay isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc, Maynila. Taong 1875 nang siya ay isilang. Nagsulat siya ng mga aklat na naglalaman ng mga tuligsa sa pamahalaan at mga prayleng Kastila. Sinunog niya ang mga ito bago siya sumanib sa Katipunan. Nakasama siya sa hukbong Pilipino na nakipaglaban sa mga hukbong Amerikano. Noong 1899 ay nagpalabas siyang muli ng isang pahayagan, na naging dahilan upang siya ay dakipin at ikulong sa loob ng isang buwan at mag-ulat umaga't hapon sa military kasama ang pagbabanta na huwag nang sumulat muli.Nang sumunod na taon, sinimulan niyang muli ang pagtatatag ng isang pahayagang para sa mga manggagawa. Pagkaraan ng maikling panahong paglalathala (3 buwan) ay pinatigil din ito ng mga Amerikano. Sumunod na napagtuunan ng pansin ni Abad ay ang komedia na sa kanyang paniniwala ay lumalason sa isipan ng mga Pilipino. Nagalit sa kanya ang mga nagtatanghal ng komedia at moro-moro kaya isinumbong naman siya sa pamahalaan dahil sa pagtatanghal ng mga dulang Mabuhay Ang Filipinas at Mapanglaw na Pagka-alaala.Bilang parusa ay ipinatapon siya sa Olongapo at doon niya nasulat ang isa nanamang dula, ang Manila-Olongapo." Ang dulang ito ay tumatalakay sa buhay ng mga bilanggo. Nang siya ay lumaya, itinanghal ito sa dulaang Zorilla. Noong Hulyo 7, 1902 ay itinanghal sa Dulaang Libertad ang Tanikalang Ginto, isang dulang nagtutulak sa mga Pilipino na maghimagsik laban sa mga Amerikano. Dinakip siyang muli at ibinilanggo. Sa piitan ay sinulat niya ang Isang Punlo ng Kaaway na itinanghal naman sa Dulaang Rizal sa Malabon taong 1904. Dinakip siyang muli. Ang muli't muling pagdakip at pagpapabilanggo kay Abad ay hindi naging dahilan ng pagtigil niya sa pagsusulat ng mga dulang makabayan.
  • 11. 11 Tanikalang Ginto (Buod ng Dula) Nag-umpisa ang dula sa isang monologo ng isa sa pangunahing tauhan na si Liwanag. Si Liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin: pakasalan ang nag-iisang mahal na si Kaulayaw o ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang amain na si Maimbot. Hindi nais ni Maimbot na magpakasal si Liwanag kay Kaulayaw nais niyang makasama at pagsilbihan siya ni Liwanag hanggang siya ay sumakabilang buhay. Ginawa ni Maimbot ang lahat ng kanyang makakaya upang hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa. Binigyan niya si Liwanag ng Tanikalang ginto at pinangakuan ng marami pang kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang ampunin si Liwanag. Ang tanikalang ginto ang nagsilbing isang kontrata na pinanghahawakan ni Maimbot kay Liwanag. Sandaling nasilaw si Liwanag sa ganda ng tanikalang handog ni Maimbot, at nakalimutan ang panyong iniwan ni Kaulayaw. Inatasan ni Maimbot si Nagtapon (na kapatid ni Kaulayaw), ang kanyang alipin na bantayan at pagbawalan ang pagkikita ng dalawa. Si Dalita ang ina ni Kaulayaw at ni Nagtapon. Mahina na siya at may malubhang sakit. Lubos siyang nangungulila sa anak niyang naglayas, si Nagtapon. Si Nagtapon ay kapatid ni Kaulayaw na lumayas at iniwan ang kanyang ina para sa pera’t ginto. Nangangamba si Dalita na baka iwanan rin siya ni Kaulayaw kapag ito ay nagpakasal kay Liwanag na sa dula ay nasa pangangalaga ni Maimbot. Subalit nanaig ang kagustuhan ni Liwanang na sumama at magpakasal kay Kaulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na paraan ang pagpupumilit ni Maimbot. Sa huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling kapatid. Nais ng may-akda na buhayin at gisingin ang diwang makabayan ng bawat Pilipino at labanan ang mananakop at mapang-aping uri. Ito ang tema ng dulang “Tanikalang Ginto” ang pagbuhay sa nasyonalismo, at paglaban sa mga sumisikil sa bayan.Nararapat lamang pag-alabin ang diwang makabayan noon at bawiin ang kalayaan na ipinagkait sa mamamayan. Ang mensaheng ito ang nagdala kay Juan Abad sa piitan, ngunit kahit panahon pa ng mga Amerikano ang palabas mahalaga pa rin ang panawagan sa atin sa kasalukuyan na pakinggan ang mensaheng ipinapahayag sa dula. Sinalamin sa dula ang kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng Amerika sa pamamagitan ng isang paglalarawan sa pag-iibigan nina Kaulayaw at Liwanag, at ang iba pang mga tauhan na sina Nagtapon, Maimbot at Dalita. Ang mga nabanggit na tauhan ay sumasagisag ang mga tauhan sa mga papel ginaganap ng taong bayan at ang mga adhikaing makabayan. Sumasagisag sila sa mga
  • 12. kaisipan, at sa paraang pagsasalaysay inilahad ng dula ang sitwasyon sa Pilipinas noon at ang kailangang gawin upang makamit ang kalayaan. Si Kaulayaw ay sumasagisag sa mga makabayan na naglalayong lumaya ang Pilipinas. Si Liwanag na nangangahulugang pag-asa o kalayaan, siya ang minimithi ni Kaulayaw at ipinagdadamot naman ni Maimbot. Hindi niya gustong habambuhay na mapasailalim sa mga kundisyon ni Maimbot. Gusto niyang lumaya at magkaroon ng pagkakataong lumigaya sa piling ni Kaulayaw. Si Nagtapon, na kapatid ni Kaulayaw, ay ang simbolo para sa mga taksil na piniling kumampi sa mga Amerikano. Si Dalita ay maaring simbolo ng Inang-Bayan na nagdurusa at sakitin. Binigyan ni Maimbot si Liwanag ng isang tanikalang ginto. Ano kaya ang sinasagisag ng tanikala? Ito ang mga pangako ng Amerika ng demokrasya, yaman, at iba pa. Ngunit sa iba pang kahulugan ng tanikala, hindi ba iisa ang kahulugan nito sa kadena na gumagapos sa isang tao? Ang tanikalang ginto ay ang mga napakagandang pangako ng pagkalinga ng Amerika, ngunit itatali lamang nito ang Pilipinas sa kung anumang naisin. Hinihingi nila ang katapatan ng Pilipinas kapalit ng “tanikalang ginto” na ito. Pinipigilan ni Maimbot na magpakasal sina Liwanag at Kaulyaw sa dahilang bata pa sila upang mapag-isa. Sa parehong dahilan sinasabi ng Amerika noon sa Pilipinas na hindi pa handa ang Pilipinas sa pagsasarili kaya “aakayin” muna tayo ng mga Amerikano. Pinanigan ng kanyang dula ang nagdurusang bayan ng Pilipinas, at ang mithiing makabayan at ang harapang pakikibaka laban sa paniniil ng dayuhan. Sa panahon natin ngayon, ang nais siguro iparating ng pagtatanghal na ito ay ang pag-alabing muli ang pagmamahal sa Inang-Bayan, at labanan ang mapang-aping uri na sa kasalukuyan ay patuloy na nililinlang ang mamamayan na sila’y makabayan at kapakanan ng nakararami ang kanilang inuuna. Ito ay isang dula na nagpapakita ng nasyonalismo at hindi pagsang-ayon sa kanilang pamamahala. Sa dulang ito makikita ang mga tagong mensahe ukol sa pagmamahal sa bayan. Ang kakaiba at makahulugang pangalan ng mga tauhan sa dula ang nagbigay buhay at kulay sa simpleng dula na ito. Halimbawang gawing Lily si Liwanag, mawawalan ng silbi ang sinisimbolo ng tauhan ni Liwanag. Ang mensahe tungkol sa pagmamahal sa bayan at pagtiwalag sa mga mananakop ay ang nakatagong mensahe sa likod ng mga tauhan na ito. Hindi na magiging pareho ang kahulugan ng dula kung iibahin ang mga pangalan ng mga tauhan Masasabing ang dulang ito ay tipong maaring isabuhay paulit-ulit upang ipaalala sa atin ang pagdurusa ng ating bayan sa kamay ng Amerikano. Kahit sa ngayon kung saan may sarili na rin tayong pamahalaan, nabubuhay pa rin tayo sa anino ng mga Amerikano. Dahil dito ang dula ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi may katuturan pa rin sa kasalukuyan. Ito ay magmimistulang pagpapaalala sa pagkakamali noon na hindi dapat maulit sa kasalukuyan. 12
  • 13. 13 PANAHON NG HAPONES Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan. Pedro S. Dandan Si Pedro S. Dandan ay kwentistang postwar o taga-paggunita ng malagim na Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lima sa kanyang kwento ang nanalo sa Palanca: Mabangis na kamay, Maamong kamay, Sugat ng Digma, Lakas, Ang Anino ng kanyang Ama, at Ang Daong ni Noe. Maaalaala rin siya sa mga kwentong May Buhay sa Looban at Nasa Dugo ni Tana na madalas maisama sa mga antolohiya. Ang digmaan ay nagdudulot ng pagkasalanta hindi lamang sa mga bagay at buhay kundi maging sa puso at damdamin ng tao. Palitan (Maikling Kwento) Ang mga buto ng bisig ni Klaro at ang mga buto ng tagiliran ng kanyang anak ay nagkakakiskisan at nag-iinit at ang gasgas na nalikha niyon ay mahapdi. Ikalawang araw nang nakababa sa kanyang balikat ang bata; ang dalawang paa’y nakayakap sa kanyang isang bisig . Isang pingga ang itinutulong niya sa kanilang inot-inot na paglalakbay. Kaipala’y ilang kilometro na lamang at sasapitin na nila ang kabayanan. Lumalaganap na ang gabi at mula sa nagagaping liwanag ng takipsilim ay namamalas ni Klaro ang simboryo ng lumang simbahan. Sumigla ang kanyang katawan at sandaling napawi ang kirot ng kanyang mga namamagang paa, na humihilahod sa mumunting bato at alikabok ang dulo ng nakabalot na sako’y nagtutumulin din sa paglakad . “Malapit na tayo,anak. Natatanaw na rito ang simboryo.” At itinaas ni Klaro ang kamay na may hawak na pinggaat marahang inulog ang bata. Ngunit ang bigat ng ulo nito’y paulit -ulit na nagbabalik sa kanyang balikat. Nararmdaman ni Klaro sa kanyang dibdib ang paghinga ng bata kaya niya natityak na buhay ito. At lalo siyang napasagasag, na waring ipinakikipag-unahan sa pagtakas ng mga sandal ang mga pintig ng buhay sa puso ng kanyang anak. Manaka-naka’y napapapikit siya upang iwaksi sa guniguni ang mga pulubing mistulang kalansay na nangamamatay ng gutom sa mga lansangan ng lunsod, at kung minsan ay nakakagat
  • 14. niya ang kanyang labing nangangalirang sa paggumitaw ng alaala ng kanyang mag-iinang naiwan sa walang katiyakan – matangi kung makapag-uwi siya ng kahit na anong pantawid-gutom. Hindi kalayuan ang bayan. Nakapagligpit na ang mga nagtitinda sa mga bangketa ng liwasan, maliban sa magpapalayok na nasa isang panig ng harapan ng pamilihan. Pawisang-pawisan ito sa pag-ayos ng mga balanga at kalan sa limang tiklis na nakahalayhay. Maingat at 14 is-isang isinalansan na kasama ng saping dayami upang di mabasag. Sa wari ni Klaro’y makalilisan ang magpapalayok bago niya marating ang bangketa ng pamilihan . Sa sandaling mailapag ng tao ang huling balanga sa loob ng tiklis ay nagtaas ito ng tingin. Nakita ni Klaro na namaywang ang tao at ipinayong ang isang kamay sa itaas ng kilay. Lihim na natuwa si Klaro. Nahiling niya na nawa’y ipagkamali siya nito sa isang namimiling dinilim sa daan, sa halip sa isa sa mga pulubing naglisaw sa liwasan . Ngunit nang mapagsino siya ng magpapalayok ay nagmamadaling inilulan nito ang tiklis sa katabing kariton. Napatulin si Klaro at tuluyan nang nakalas ang nakataling sako sa kanyang isang paa at iniwan sa dinaanan. Ang magpapalayok ang tanging malalapitan niya sa liwasan upang amutan ng tulong. “Kami po’y galling sa Menila. .. . wala po kaming matutuluyan ngayong gabi,” bungad niya. “Riyan . . riyan . . maraming natutulog sa bangketa ng palengke,” maikling tugon ng magpapalayok na hindi tinitignan si Klaro at patuloy na binubuhat ang mga tiklis ng pal;ayok sa may kariton. “Me sakit po ang aking anak, baka hindi na abutin ng ilang araw . . .” “Dalhin sa duktor kung me sakit . . . “ “Me makain po’y wala, sapol pa po kanginang medaling-araw!” Tumigil sa kanyang ginagawa ang magpapalayok at masusing minasdan si Klaro at ang kanyang anak nito. Nilapitan at hinipo ang batang nanlalamig sa gutom. “Sige, sumalakay na kayo sa kariton nang hindi na tayo lalimin ng gabi. Baka tayo’y masita pa ng tanod na Hapon sa garrison.” Sumampa sa kariton si Klaro. Kandong ang anak ay pumagitna siya sa mga tiklis upang hindi matagtag. Sumandal siya; ang kanyang butuhang puwit ay nasaktan sa matigas na sahig ng sasakyan. Sumakay sa kalabaw ang magpapalayok. Hindi nalaunan at hila na sila ng hayop sa isang bako-bakong libis.
  • 15. Inabutan nilang nakahanda na ang dulang. Dalawang batang lalaking magkasinlaki, magkamukha, at magsinlusog ang magkaibayong nangakasalampak sa harap ng dalawang pinggan ng umaasong kanin. Ang ina ay nasa harap ng kalan at hinahango ang bulanglang. 15 “Ikaw ba, Teban?” malakas na sino ng babae. “Itinanong pa. . . e . . . ako nga. Hale, at maghanda kana para sa dalawa katao . . Kung meron pa tayong kamote riyan ay hanguin mo para rito sa batang me sakit . . . “ at inilapag ng magpapalayok ang kanyang dala-dalahan. Napajharap ang babae, at pagkakita sa mag-amang kasama ng kanyang asawa’y nagsipanlaki ang mga mata nito. “Ang abay ko, ito’y ospital?” “Oyyy, para ngayon lang gabi, e . . . “ at inakbayan ng magpapalayok ang kanyang asawa. “ Kung gayon ay dulog na kau,” tukoy ng babae sa mag-ama. “Ere pala ang hiwaan,ere.” Sabay dampot sa tabong nasa kakalanan at iniabot kay Klaro. Binitiwan ni Klaro sa isang tabi ang kanyang pingga at matapos ikanaw ang kamay sa tabong hawak ng babae, maingat na binakbak ang anak sa pagkakayakap sa kanya. Umingit ang bata nang imulat ang mga matang mapagkakasya ang sampiseta sa lalim. “Upon a riyan, anak , kakain na!” at makaraang maisaayos ang pagkakasalampak ng bata’y tinabihan ito at hinugasan ng kamay. Si Mang Teban ay paupo sa isang dulo ng dulang nakapagitna sa dalawang batang lalaking magkamukha. Hinangong lahat ang nilagang kamote at saka idinulot ng babae sa bata. Ang nakakatakam na amoy ng bulanglang na nsa tason, na inilapag sa kalagitnaaan ng dulang, ay nanuot sa ilong ni Klaro at nagpakalam sa kanyang sikmura. Malaki ang subo ni Klaro na tila buts eng manok ang magkabilang pisngi kahit napapaso ang bibig sa umaasong kanin. Nanginginig ang kamay ng kanyang anak na tila gulilat na hayop na sumusulyap-sulyap sa mga kaharap at dumampot ng kamote. Nanginginig din ang mga labi nang isubo iyon. Namulagat at sumibi nang agawin ng batang lalaking kinakanan ni Mang Teban ang kamote nito. Tinampal ni Mang Teban ang kamay ng kanyang anak. “Barang, Barang, sawayin mo nga yang si Kambal at baka masabaran ko ng bena!” sigaw ni Mang Teban. “E, bakit, Tang,e hindi kami binigyan ni inang ng kamote kanina!” matuwid ng kapatid.
  • 16. Hindi nagpamalas ng paglaban ang batang gutom, matangi sa sulyapan nang pailalim ang umugaw ng kanyang pagkain. Sumubsob ito sa dibdib ng kanyang ama at umiiyak. Nagpilit na ngumiti si Klaro. “Pasensya na kayo sa aking anak . . . dala po ng kahinaan ng katawan kaya iyakin.” “Talagang masyado po’yang si kambal, e . . . Nakakain nap o siya ng kaninang tanghali 16 ng kamote’y nang- aagaw pa!” sabi ng babae at binalaan ng tingin ang magkapatid. Ang nauunsiyaming hangarin idulog ang kanyang suliranin sa mag-asaw’y muling pinanariwa ng sinabi ng babae kaya iniharap na niya sa pagkain ang kanyang anak, ipinagtalop ng kamote at saka sinubuan. “Maniwala po kaya kayo na ang una kong pakay sa inyo’y ang isangla ang batang ito?” madalang at tiyakang sabi ni Klaro. “Isangla?” napabiglang tanong ni Mang Teban. “Opo, sa halaga ng isang kabang bigas. . . Isang kabang bigas na siyang buhay ng aking apat pang anak at asawang nasa Menila.” “Sangkabang bigas ? Baka ang akala ninyo’y madali ang magsaka !” sambot ng babae. “Kakatuwa ang pangyayari para mag-ampon kami ng alagain at hindi makasundo ng aming mga bata,” susog ni Mang Teban. “Gayon nga po ang masasabi ninyo, pero ang bata pong ito’y mabubuhay;makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw. At kung iibign po ng Diyos, makatutulong din sa inyong mga pangangailangan kapag malaki na.” “Hindi sangla ang ibig mong sabihin . . . palit!” pagtutuwid ni Mang Teban. “Palit?” “Oo, palitan ang iyong anak at ang aking sangkabang bigas…” “Ga…gayon po ba?” waring nahihirinan si Klaro. “Masama yata sa loob ninyo, e huwag na !” pagtiyak ni Mang Teban. Natigilan si Klaro. Lumunok muna bago nagsalita, “Kayo na po ang bahala kung diyan mauuwi ang salitaan.” Inirapan ni Aling Barang si Mang Teban. “Pumayag ka na, Barang, at harimunan din na kung mapalaki natin ang batang ere’y magkaroon tayo ng pastol.” Himok ng lalaki sa kabiyak.
  • 17. 17 Sumulyap si Aling Barang sa batang lalaking may karamdaman. Umaliwalas ang kanyang mukha. Walang imik na isinalansan ang kanyang mga pinagkainan. “Kung mangyayari po sana ay maihanda na ang bigas bago magmadaling-araw upang mailuwas ko na sa Menila,”basag ni Klaro sa katahimikan. “Baka po, hindi ko na abutan ang aking mag-iina.” Itinigil niya ang pagsusubo ng kamote sa kanyang anak. Banayad na kinabig ito sa kanyang dibdib. Tumango si Mang Teban. Nagngitian ang mag-asawa. Umisod ang lalaki sa pagkakaupo sa harap ng dulang at lumapit sa bata. Marahang binuhat ito at kinandong . “Hoy, ang bata . . Tatang ko’yan,a!” magkapanabay na sumbat ng kambal. Binalaan ni Aling Barang ang kambal at nginitian ang batang kalong ng lalaki. Ngunit umingit ang bata na nagmamakaawa sa kanyang ama, tila isang pipit na hindi makakilos sa bitag. Napailing si Klaro. Hindi niya matitigan ang kanyang anak sa mga matang waring malalalim na mga balon ng di-maarok na pangungulila at kalungkutan. Lalong lumakas ang pag-ingit ng bata. Waring gumutay sa kaliit-liitang himaymay ng katauhan ni Klaro ang piyaos na ingit ng kanyang anak. Nararamdaman niyang isang pilas ng laman na pumipintig sa kanyang dibdib ang inagaw ng Tadhana. Panahon ng Hapones ang inilalarawan sa akdang ito. Sinasabing inilalabas ng digmaan ang pinakamabuti at pinakamasama sa tao. Marami ang nanlalasi, nagnanakaw, at nagpapahamak ng kapwa. Marami ring kababayan na nag-ampon ng mga bata at itinuring ang mga itong tunay na mga anak, ngunit sa kasamaang palad maraming ginawang alila at katulong. Ang akdang ito ay tuwirang naghihimagsik sa lipunang ating ginagalawan na nagsasamantala sa kahinaan ng ibang tao. Ang panahon ng Hapones ay panahon ng matinding paghirap at gutom. Napakahirap ng buhay lalo na sa Maynila. Marami ang namamatay sa matinding pagkagutom. Nauso ang buy and sell. Maraming nagsamantala rito na babaratin ang nagtitinda kapag alam nilang lubha itong nangangailangan. Sinasabing ang panahon ng digmaan ay nagpamanhid sa puso ng tao upang sariling kapakanan lang ang isipin.
  • 18. Kung susuriing mabuti, ang kuwentong ito ay isang metapora ng pagpapakasakit, sapagkat pagtitiis ang awa na naghahangad ng kaligtasan sa kanyang anak. Sa panig ng nakipagpalit, lumilitaw na bukas ang kanyang palad at pag-unawa ng magpapalayaok sa mga taong nangangailangan ng bigas upang ipagdugtong-buhay kapalit ng pagkakaroon ng palakihing pastol. Ito ba ay kasakiman at paghahangad sa panig ng magpapalayok o karamutan at pagkamakasarili sa panig ng amang nagsakripisyo para sa naiwang pamilya na nagugutom. 18 Maiuugnay ang akdang ito sa kasaysayan ng Pilipinsa noong panahon ng digmaan o maging sa ibang bansa na nahaharap sa kaguluhan o kahirapan sa panahon ng digmaan. Lumilitaw sa kuwentong ito ang aspekto na pang-araw-araw na buhay na hindi matatakasan ng tao upang mapanatili mismo ang pag-inog ng buhay. PANAHON NG ISINULING KALAYAAN Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito isinauli ang kalayaan. Ibinaba ang bandilang Amerikano at mag-isang winagayway ang bandilang Pilipino. Nawala ang nakagapos na tanikala, naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. Muling sumigla ang panitik ng mga Pilipino sa panahong ito. Amado V. Hernandez Bagamat mas nakilala ang husay ni Amado Hernandez noong panahon ng Amerikano. Naisulat niya ang tulang ito sa bartolina ng Muntinglupa noong Abril 22, 1952. Si Amado Vera Hernández ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang
  • 19. makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik. Noong Marso 31, 1952, hinatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo sa sakdal na “rebellion complex”. Siya’y nanatili sa bartolina mula noong Enero 1951 hanggang Hulyo 1956. Naging instrumento ang kanyang pagkakakulong para maisulat niya ang Isang Dipang langit ,Bayang Malaya, at Mga Ibong Mandaragit. Napawalang-sala lamang siya noong 1964. 19 Isang Dipang Langit (Tula) Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi't walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki'y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo'y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
  • 20. 20 sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon - bilangguang mandi'y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko. Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya'y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya! Sa paniniwalang tungkulin ng manunulat na maging budhi ng lipunan at magpatunay sa kadakilaan ng diwa ng tao sa harap ng kalupitan, hindi inalintana ng may-akda ang kanyang pagkabilanggo. Ang kanyang mga akda ay lagi nang pumapaksa sa nasyonalismo, demokrasya, at panlipunang katarungan. Makatwiran bang ikulong ang isang taong nagpapahayag lamang ng kanyang malayang damdamin at kaisipan? Layunin ng may-akda na maimulat ang bawat Pilipino sa kawalan ng katarungan at pakikipagsapalaran ng mga manggagawa sa lipunang bulok na sistema ang umiiral. PANAHON NG AKTIBISMO Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan. Naging mainit ang aktibismo ng mga kabataan noong 1970-1972.Sinasabing dahil sa pagkakadeklara ng Batas Militar (Martial Law) noong 1972 ang bunhi ng aktibismo. Ngunit masasabing ang binhi ay naihasik na sa mga kabataan maging noong mga panahon pa nina Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba pa. Sadya pa ring masasabi na ang mga kabataang Pilipino ay may init ng dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa makapangyarihang lakas sa Pilipinas.
  • 21. 21 Liwayway A. Arceo Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak mula sa kilalang pamilya ng mga manunulat. Nagsulat siya ng ilang nobela kabilang dito ang Canal de la Reina at Titser. Mayroon din siyang mga koleksiyon ng maiikling kuwento tulad ng "Ang Mag-Anak na Cruz, Mga Maria, Mga Eva at "Maybahay, Anak at iba pa". Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943. Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa radyo. Ang kanyang dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 1949 hanggang Hulyo 1958. Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo, Ang Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng Lovingly Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din siya ng ilang script sa telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinagkilik ng publiko. Ilan sa kanyang mga napalunan ay ang Carlos Palanca Memorial Award para sa isang maikling kuwento sa Filipino noong 1962, Gawad CCO for Literature Award noong 1993, honoris causa Doctorate in Humane Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1991, Catholic Authors Award noong 1990 at Gawad Balagtas Life Achievement for Fiction noong 1998. Ang kanyang huling natanggap ay ang National Centennial Commission Award para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng Panitikang Pilipino. Namatay siya noong 1999 sa edad na 75. Ang Canal De La Reina ay hindi lamang isang nobela, bagkus, ito ay isang tunay pook sa Tondo, Maynila sa lugar na ito isinilang ang manunulat ng nobelang si Liwayway A. Arceo. Naging malaking bahagi ng kanyang kamusmusan ang estero ng Canal De La Reina na natandaan niyang nagtataglay ng maasul asul, malinaw, malinis at walang amoy na tubig. Umalis sila sa lugar na iyon at nang muli siyang nagbalik pagkalipas ng maraming taon ay isang kakaibang Canal De La Reina na ang kaniyang dinatnan. Hindi na niya halos makilala ang esterong may maruming, mabaho at maitim na tubig. Ang paligid nito’y tinirikan na rin ng napakaraming barong-barong ng mga eskuwater. Ang pagbabalik na ito’y naganap noong Enero 1972 ang panahon kung kailan nasa kainitan na rin ang aktibismo sa mga kabataan dahil sa papasama nang papasamang kalakaran ng pamahalaan.
  • 22. 22 Canal de la Reina (Buod ng Nobela) Kabanata 1-3 Kabanata 1 : Panimula Mula ng pagkabata ni Caridad, ngayon na lang niya ulit binalikan ang lugar na kanyang sinilangan at kinalakihan. Malayong-malayo na ang dati nitong malinis at maayos na istura sa maputik at madaming basura na mak ik ita mo ngayon. Ang sariwang hangin ay napalitan na ng mabahong amoy ng kapaligiran. Kasama ni Caridad ang kanyang pamilya upang puntahan ang lote nila. Ngunit si Junior, ang bunsong anak ni Caridad at Salvador, na lamang ang sumama sa kanyang ina sa pagtawid sa maduming ilog. Habang papunta sa kanilang lote, ikinuwento ni Caridad kay Junior na nasunugan sila ng bahay kaya sila nagpasya lumipat ng Lolo Gorio niya. Nang makarat ing sila sa kanilang lote na k inat it irikan na ng bahay at t indahan, hinanap ni Caridad si Tisya sa babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tisya ay ang asawa ni Osyong na enkargado ng lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito. Ipinaalam ni Caridad na siya ang may-ari ng lupang t inatayuan ng kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan at tinawag ang kanyang amo, Nyora Tentay ang pangalan. Kabanata 2: Alaala Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na siya ang may-ari ng loteng kinatitirikanng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda ay may papel siyang hawak para patunayan na sa kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si Precioso Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay Osyong niya binili ang lupa. Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng loteng kinatatayuan ng kanilang bahay. Lumapit sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig nito. Nag-init ang ulo ni Caridad ngunit , namulatan siya at sinabing babalikan na lamang ulit siya. Pagkaalis niCaridad, umapoy din sa galit si Nyora Tentay at nagbantang magkakahalo ang balat sa tinalupan. Nagbalik mulisa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog na bahay. Ang bahay nilang pawid at kawayan na barnisado sa tabi ng isang malak ing punongk amat s i le , sa gi l id ng mak i t id at mal inis na Canal de la Re ina. Hindi r in niya makakalimutan ang paggawa niya ng bangkang papel kasama ang kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at t init ingnan kung kaninong bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo. Naalala din niya ang lorong nagsasalita ng kanyang pangalan noong bata pa siya. Iyon ay loro nila Aling Andang, ang anak ni Mang Sintong Kawayan. Nang makarat ing sina Caridad at Junior sa kanilang kotse, sinalubong sila ni Salvador.Kinamusta ni Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad ang nangyari at muntik na silang mapasubo sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero niloko lamang sila nito. Sinabi ni Salvador na kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang problemang ito. Pagdating nila sa bahay, inilibas niCaridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga resibo. Hindi niya matanggap na maaaring mawala ang kaisa-isangalalalang napakahalaga sa
  • 23. kanya. Naalala ni Caridad ang kanyang ina. Naalala niya ang pagkamuhi nito sa bahaynila sa Canal de la Reina dahil nawala ng parang abo ang ipinundar ng tatay ni Caridad para sa kanilang pamilya. 23 Kabanata 3: Linta Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang mangutang dahil sa kakapusan sa pera. Ngunit dahil na rin sa pagiging gahaman ay imbes na tumulong sa kapwa ay ginagamit niya pa ang sitwasyon nila upang maglagay ng malaking interes sa mga mangungutang. Ang bayan nila ay sumasalamin ng kahirapan ng buhay dahil na rin sa katiwalian at kasamaan ng ugali ng mga opisyal ng gobyerno. Isang araw nalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupang pag-aari, di umano ni NyoraTentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa pag-aagawan nila sa tunay na may-ari ng lupain kaya hindi naiwasang magk aroon ng al i t an sa pagi t an ngdalawa. Ngunit isang di inaasahang napakalakas na bagyo ang dumating sa bansa at apektado din ang bayan ng Canal De La Reina. Naging dulot ni t o ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at hindi nakaligtas maging ang bahay ni Nyora Tentay. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ng titulo ng bahay ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas. Dahi l na r in s iguro sa mga pangyayar i ay nais ip na ni Nyora Tent ay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagk at alo at ibinal ik ang lupa sa t unay na nagmamay -ar i . Maliwanag na naipakita ng may-akda ang isang maruming kalakalan sa lipunan kung saan ang mga mahihirap ay lalo pang nasasadlak sa kahirapan dahil sa pagsasamantala ng ibang nakakaangat sa buhay. Ang mga eksena sa nobela ay pangkaraniwan sa ating lipunan kung saan maraming kababayan natin ang kumakapit sa patalim magkaroon lamang ng panandaliang suporta sa pangangailangang pinansiyal. Ang nobela ay epektibo, hindi lamang sa pagdudulot ng aliw kundi sa pagmumulat sa mga mambabasa. Ang tagpong ito ang naging inspirasyon ni Liwayway Arceo sa pagsulat ng nobelang ito. Isang tauhan ang nabuo sa kanyang isipang gagalaw at magiging simbolo ng nakakarimarim na tagpong ito. Ito si Nyora Tentay, ang ususerang matandang naghari sa kabuuan ng estero. Nabuhay siya mula sa panggigipit sa mga maralitang kapitbahay na walang magawa kundi kumapit sa patalim upang mabuhay. Nagsangla o nangutang sila sa matanda at kanya naming
  • 24. pinatungan ng napakataas na tubo hanggang sa hindi na makabawi ang mga tao. Ang mga isinangla’y nareremata kaya’t muli’t muli na naman silang magsasanla hanggang sa lubusan na silang masakal ng kasakimaan ni Nyora Tentay. Sa gitna ng lahat nang ito’y naging tampok na tauhan din si Caridad at ang kanyang pamilyang nagsilbing tila sinag ng pag-asa sa kapangitan ng buhay na inilahan sa nobela. Isang malking baha ang ginamit bilang sagisag sa paglilinis at muling pagbangon ng Canal De La Reina. Sa lupang naging tampok sa nobela, sumibol ang simbolo ng pagbangon ng pamayanang malaya. Ang nobelang ito ay may malakas na kamalayang panlipunan, nagamit ang kabuuan ng nobela sa pagsalamin sa realidad ng buhay at mga totoong pangyayari sa lipunan. Ang iba’t-ibang anyo ng paniniil sa mahihirap ay mabisang naipakita sa katauhan ni Nyora Tentay, ang matandang usisera na nagsamantala sa lahat ng mga taong humingi ng tulong sa kanya. Nagmistula siyang isang buwayang sumusunggab sa balang lumapit na karamihan ay mga taong sagad na sagad na ang kahirapan sa buhay. Maraming kabuhayan ng mga tao sa paligid niya ang nawasak dahil sa pagsasamantala ng matanda. Kapit sa patalim, mga katagang naglalarawan sa mga taong nakatira sa Canal De La Reina. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kung kaya naman marami ngayon ang handang gawin ang lahat mabuhay lamang sa pangaraw-araw. Ang akda ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng lipunan malayo sa inaakala nating malafairytale na mundo. Maraming tao ang mapagsamantala sa kalagayan ng mga mahihirap.Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mahihirap ay nanatiling mahirap.Kalagayang magpasahanggang ngayon ay namamayani sa ating lipunan. Tunay ngang marami pang bagay na hindi natin alam sa mundong ito. Ngunit isa lamang ang hindi natin matatanggi, na bulok ang sistema at maraming nagdudusa sa mga taong walang malasakit sa kapwa. Masakit mang aminin ngunit ang mundong ating ginagalawan ay kahindik-hindik ang sitwasyon. Marami sa ngayon ang kalagayan sa buhay ay lubhang nakakaawa, ang makaantig damdaming nobela na sumasalamin sa kabulukan at kasamaan na namamayani sa mundo. Ang mundo man ay pinaiikot ng salapi ngunit dapat ay hindi tayo magpatangay at labanan ang mapang-aping sistema ng ating lipunan. Lagi nating isaisip at isapuso na maging pantay ang pagtrato natin sa ating kapwa tao at huwag abusuhin ang kalagayan nila. Ang nobela ay tumatalaka y sa iba’t- ibang isyung panglipunan na hanggang kasalukuyan ay nagaganap pa rin. Mahirap man o mayama n ay sangkot sa mga pangyayar ing ito. Buhat nito maraming tao ang apektado sa kasalukuyang sitwasyon ng ating lipunan. Isa sa mga tinatalaka y nito ay ang hindi maayos na pamamalakad ng batas sa ating bansa. Dahil sa kawalan ng hustisya ay maraming tao ang nawalan na ng tiwala sa gobyerno. Lumala la ang kriminal idad at maraming tao ang ipinagsa sawa lang bahala ang mga batas. 24
  • 25. Ngunit pinakita rin nito na lahat ng tao ay may pagkakataong magbago. Masama man tayo kung gugustuhin naman natin na magbago ay maaari. Ang tao ang pumipili ng kaniyang tadhana. Kung gugustuhin natin ay maaari natin baguhin ang lipunang nakasanayan. Kahit kailan ang kasamaan ay hindi nanaig. 25 PANAHON NG BAGONG LIPUNAN Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos ideklara ang Batas Militar, naging paksa ng mga panitik ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pambansang kultura, ugali, kagandahan ng kapaligiran. Unang nailimbag ang nobelang Satanas Sa Lupa noong 1971. Naging kontrobersiyal ang nobela dahil sa matapang nitong paglalarawan sa maruming pulitika noong panahong iyon. Nang idiklara ang Batas Militar, isa ang may-akda na ikinulong sa Camp Crame kasama ni Benigno “Ninoy” Aquino,Jr. Isa sa mga dahilan ng detensyon ay ang pagkakasulat niya ng nobela. Ang nobelang ito ay naglalantad ng mga suliranin at kahinaan ng ilang piling indibidwal na nagsisilbi sa bayan at patuloy na nakikisangkot sa puwersang panlipunan at puwersang pulitikal. Celso Al. Carunungan Si Celso Al. Carunungan ay isang manunulat, nobilista, at mamamahayag sa Ingles at Filipino. Isinilang noong Enero 7, 1923 sa San Pablo City. Ang mga isinulat niya ay kilala lalong lalo na ang nobelang Like A Big Brave Man na isinalin sa maraming wikang banyaga. Satanas sa Lupa (Nobela) Si Benigno Talavera ay isang karaniwang tao bago siya mahalal na Kongresista sa ating Batasang-Bayan. Ang kanyang pagiging gerilya ang siyang naghatid sa kanya sa tagumpay bilang kinatawan ng lalawigan ng San Miguel. Tulad ng karamihan sa mga Kongresista, si Benigno ay mabuti at matuwid. Ginawa niya ang mga dapat niyang gawin para sa ikabubuti ng kanyang lalawigan. Sa pananamit at pamumuhay ng pamilya niya, makikita na hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan. Nagbago ang prinsipyo ni Benigno sa hindi niya kagustuhan. Minsan, nagkasakit ang isa niyang anak at kailangang ipasok sa ospital. Nang magaling na ito, wala siyang perang
  • 26. ipambayad sa ospital nakiusap siya at pumayag naman ang may-ari na si Dr. del Rey. Makikita sa katauhan ni Benigno na ayaw niyang maging masama ngunit sa pagpupumilit ni Dr. del Rey, nagbago siya. Kinasangkapan ng doctor ang pagiging kongresista niya upang ipalakad ang “loan application” nito sa PNB. Nalakad ni Benigno ang loan ng doctor kaya nagpasalamat ang huli. Binigyan nito ang kongresista ng iasang sobre na kinalalagyan ng maraming pera. Nagpumilit sa Benigno na isauli ito ngunit umalis ang doctor, kaya’t ipinagpalagay na lamang niya itong bayad sa kanyang nagawang paglilingkod. Simula sa pangyayaring ito, sunod-sunod na ang mga tuksong dumating kay Benigno. Sumunod si Mr. Lim. Ang intsik na ito ay isang “smuggler” at si Benigno ang tagapaglusot nito sa adwana. Si Balkbin Marcial, isang kawani ng adwana, ang siyang tagalakad para mailabas ang mga kontrabando. Gaya ng kay Dr. del Rey, ipinalagay ni Benigno “para sa paglilingkod”niya ang mga salaping ibinibigay ni Mr. Lim. 26 Ang pagpapalipas ng oras sa mga “niteclub” ay isang karaniwang gawain ng mga kongresista. Sa isang paghahapi-hapi ni Benigno sa may Roxas Boulevard, nakatagpo niya si Kongresista Caprio. Inanyayaan nito si Benigno na uminom at pagkatapos ay dinala sa isang bahay na kung saan ipinakilala siya kay Diana – isang babaing labing-anim na taong gulang at sariwa pa.Madaling nahulog ang loob ni Benigno sa babaeng ito.Pagkatapos ng inaasahang maganap, ikinuwento ni Diana ang buhay niya. Lalong naawa siya kaya sinabi niya na ititira na lang niya si Diana sa apartment.Pumayag agad ang babae. Sa pag-uusap nila, biglang may pumasok na mga lalaki. Tinakot nila si Benigno pero sinabi ni Diana na kasamahan siya ni Kongresista Carpio.Pagkatapos umalis ang mga lalaki, napag-alaman ni Benigno na mga “black mailer” lamang ang mga ito. Ibinahay nga ni Benigno si Diana. Naging malayo siya sa kanyang pamilya at napalapit na lalo kay Diana. Ang kabit na ito ng ating Kongresista ang siyang naging tagapag-ayos ng mga “deal”. Dahil sa pagbabago ni Benigno sa kanyang pamilya, umalis ang kanyantg mag-anak patungong probinsya.Sa kasamaang-palad, naaksidente sila Malubha ang naging sugatb ng anak nilang si Marichu. Hindi nagtagal at namatay ito.Galit nag alit si Benigno. Isinumpa niyang magbabayad ang may kagagawan nito.Sa kasamaang-palad ulit, namatay ang tsuper ng trak na nakabangga sa kotse nila. Napag-alaman ni Benigno na si Don Ignacio ang may-ari ng trak. Nagbago ang isip niya sapagkat hindi niya kayang idemanda ang Don na isa sa mga tumulong sa kanya nang malaki. Nagalit si Virgie sa naging desisyon ng asawa niya. Naisip nitong mas mahalaga sa asawa niya ang pulitika kaysa buhay ng anak nila. Upang makalimutan ang pagkamatay ni Marichu, iminungkahi ni Benigno kay Virgie na magbakasyon sila sa Roma. Alam ni Benigno na wala silang gagastusin sapagkat si Mr. Lim ang bahala. Pumayag ang babae. Sa may airport, iniabot ni Mr. Lim kay Benigno ang isang maleta upang ibigay sa kapatid nang Makita na dolyar ang laman nito. Dahil sa pusisyon niya sa pamahalaan medaling nakalusot ang maleta sa Custom.
  • 27. Sinalubong ng kapatid ni Mr.Lim sina Benigno sa airport ng Hongkong .Inasikaso silang mabuti. Ipinasyal, pinakain at pinatira sa pinakamahal na hotel. Kinabukasan,lumipad na sila patungong Roma na may sama ng loob sa kapatid ni Mr. Lim. Nagtampo si Benigno dahil hindi siya nabigyan ng babae. Sa Roma, tinawagan ni Benigno ang embahador ng Pilipinas.Pinadalhan siya ng isang kawani ng embahador upang tulungan siya. Nagbigay ng isang salu-salo ang embahador para sa karangalan ng kongresista. Sa piging na ito, sinabi ni Benigno sa embahador na gusto niyang magkaroon ng isang “exclusive audience” sa Papa. Sa “audience” nina Benigno at Virgie sa Papa, nagdala siya ng isang libong rosaryo upang pabendisyunan. Binalak ni Benigno na na magkaroon siya ng larawan na kasama ang Papa. Nasunod ito ngunit nagtampo naman si Virgie dahil hindi siya kasama. Dahil sa pag nanais ni Benigno na magkaroon ng larawan, nakalimutan niyang pabendisyunan ang mga rosaryo. Namasyal sila sa iba’t ibang pook ng Roma. Inutusan ng kongresista ang kawani ng embahada na isama nito ang asawa upang ipasyal si Virgie. Nang silang dalawa pa lamang ang magkasama, nagpadala siya sa mga babaing nagbibili ng aliw. Kinabukasan,nakaramdam si Benigno ng kakaiba.Nahihirapan siyang umihi. Nag-alala siya dahil maaaring magkaroon siya ng sakit sa babae at maaaring nahawa si Virgie dahil nahilig siya noong nakaraang gabi. Pumasok siya sa ospital. Dito, nalaman na hindi ioto sakit sa babae. Bumalik siya sa Pilipinas. Sinalubong sila ng maraming tao na puro naman binayaran. Nagkaroon ng salu-salo sa Manila Hotel para sa kanilang pagdating.Ang Pangulo at ang Unang Ginang ay dumalo rin. Pagdating nila sa bahay, nalaman nilang nagtanan ang anak nilang si Ester. Kasama ang anak ni Kongresista David na si Rosendo.Hindi nagtagal at bumalik ang dalawa.Humingi sila ng tawad at bendisyon. Noong una’y ayaw ni Benigno na maging balae si Kongresista David. Ipinatawag niya ang mag-ama upang pag-usapan ang kasal.Sinabi niya na kailangang malaki ang kasalan pero tumanggi ang ama ni Rosendo sa kadahilanang wala silang pera. Umuwi na si Rosendo at ang ama niya. Kinagalitan ni Benigno si Ester hanggang sa maitulak nito ang anak. Namilipit si Ester kaya dinala siya sa ospital. Napag-alaman nila na nalaglag ang sanggol sa dinadala nito. Gumaling si Ester at umuwi na ng bahay. Si Benigno naman ay abalang-abala dahil sa 27 imbestigasyon ng kongreso sa masamang gawain niya. Naisip niya ang ama ni Rosendo. Ipinatawag at kinausap tungkol sa kasal ng kanilang anak. Nagkasundo sila. Sa pagpapalipas-oras ni Benigno sa isang niteclub, napag-alaman niya ang mga pagmamalabis ng anak ni Kongresista Caprio na si Ricky. Nagkaharap ang dalawa at nag-usap.
  • 28. Nagkasagutan sila at pagkatapos, bigla na lamang nakarinig ng isang putok. Bumagsak si Ricky at naligo sa sariling dugo. Mula sa insidenteng ito, sunod-sunod na ang mga problemang dumating kay Benigno. Ang anak nitong si Ismael ay naging isang “drug addict”,si Diana naman ay nakikitungo kay Balbino Marcial at ang anak niyang seminarista na si Conrado ay nahumaling kay Diana. Pati ang pangarap niyang maging Bise-Presidente ng bansa ay naging malabo. Si Conrado, ang seminaristang anak ni Benigno, ay unti-unting nahumaling kay Diana. Umabot ang kanilang relasyon sa pagdadala ni Diana sa kanyang sinapupunan ng anak nila ni Conrado. Nasaktan si Benigno nang malaman ito. Lahat ng mga problema ni Benigno ay gumugulo sa kanyang isip hanggang dumating ang kasukdulan. Hindi na niya kaya pang tanggapin. Ang puso niya ay sumuko na sa mga sama ng loob. Dinadala siya sa ospital ngunit talagang wala na . . . hindi na niya gustong mabuhay. Hindi nagtagal at binawian na siya ng hininga. 28 Sa bulwagan ng Kongreso, pinarangalan si Benigno bilang isang magaling na Kongresista ngunit hindi ito nagustuhan ni Virgie. Sinabi niya na hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa lahat ng mga pangkukunwaring ginagawa sa harap ng bangkay ng asawa niya. Sumigaw siya at sinabing iyan na lamang siya. Nailibing si Benigno nang matiwasay ngunit ang mga gawaing pulitika ay patuloy pa ring gumugulo sa pamilya niya. Tulad ng sabi ni Carpio kay Virgie, “Hindi po blackmail, Misis. Ito po’y pulitika!” Pinag-iisip ng may-akda ang mga mambabasa upang tuklasin ang katotohanan sa nakakubling kanser ng lipunan. Hinubog niya ang kaasalan ng mga mambabasa upang kilalanin ang kabutihan laban sa kasamaan at ang katiyakan laban sa kamalian. Inantig niya ang damdamin ng mga mambabasa upang makisangkot sa tawag at hamon ng tukso mula sa kasamaan. Tuwiran tinutuligsa ng may-akda ang mga pulitikong may maruming gawain at pansariling interes lamang ang pinahahalagahan.
  • 29. 29 PANAHON SA KASALUKUYAN Lamberto Antonio Si Lamberto Antonio ay batikang makata, kwentista, at mananalaysay. Isinulat ang akda noong dekada’80, subalit saksi tayo na naglipana pa rin sa ngayon ang mga batang naghahanap-buhay sa lansangan. Ang child labor ay isa pa ring pangunahing problemang panlipunan. . Sa Pagkamatay Ng Isang Newsboy (Tula) Hindi na siya maaaring ibangon Ng mga pahinang naging pananggalang Sa kahubdan at matinding gutom. Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon, At ipagsanggalang sa mga langaw, Sa huling pagkakataon. Sapagkat musmos siyang nawalan ng pulso, Wala na siyang panahon upang gagapin Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa mundo. Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal Ng mga taong nahirati sa pagbasa Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal. Sayang at di na niya masisilayan (Sa kauna-unahang pagkakataon) Ang sariling retratong naligaw Sa espasyong batbat ng anunsiyo— Newsboy na biktima ng isang kaskasero, Gumulong ang ulo na parang sensilyo. Ang paglipana ng mga batang nagtatrabaho sa lansangan ay tanda ng matinding kahirapan. Kahirapan ng buhay ang nagtulak upang magkaroon ng mga batang manggagawa, mga batang
  • 30. 30 manggagawang dapat na nasa paaralan ngunit kailangang magtrabaho ng maaga dahil sa kagutuman, dahil hikahos ang mga magulang, dahil hirap ang buong pamilya. Inilalarawan ng akdang ito ang kondisyon na ang paksa ay naglalayong pukawin ang ligalig ng mambabasang may nalalabi pang konsensya at malasakit sa kapwa lalo sa ating gobyerno, may isang sandali sa tulang “Sa Pagkamatay ng Isang Newsboy” ni Lamberto Antonio na nagpadanas, hindi lamang nagpaunawa, ng kahulugan ng isang salita dahil sa mga puwersang nilikha ng mga nakapaligid na salita sa pahina, isang sandali kung kailan masasabing nagkaroon ng tunay na pagpukaw sa damdamin ng mambabasa upang maipadama ang kahirapan ang dinanas ng mga mga batang nagtatrabaho sa lansangan. Ang mga bata ay may limitasyon sa kaalaman at pisikal na kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa iba’t ibang tipo ng paglabag sa kanilang batayang karapatan. Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang Pilipino ay isa sa pinaka-bulnerableng sektor sa isang lipunang laganap ang kahirapan at kawalan ng hustisya. Ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng lipunang Pilipino. Isa ang Pilipinas sa may pinakamasahol na porma ng "child labor" sa anyo ng pagtatrabaho sa bukid, pagpapaalila bilang kasambahay at pagpapatrabaho sa mga kriminal na sindikato sa droga at prostitusyon. Nalalantad sila sa mga mapanganib sa sitwasyon, mga lihis na gawi, at lalo pang paglabag sa kanilang karapatan bilang bata at bilang tao. Dugo at karahasan ang prinsipal na imahen sa tulang ito, sa kanyang kamatayan, wala na siyang pagkakataong unawain ang mga pangyayaring taglay ng mga kopya ng pahayagang kanyang ipinagbibili. Bukod dito, hindi na niya masisilayan (sa kauna-unahang pagkakataon) ang sariling retratong naligaw sa espasyong batbat ng anunsyo--- Ang pinakahuling imahen—“Gumulong ang ulo na parang sensilyo”---salapi ang sensilyo, at salapi ang sagisag ng mga makapangyarihan sa lipunang sumaksi sa buhay at kamatayan ng newsboy. Nauwi sa isang walang halagang bagay ang buhay ng isang indibidwal. Naging balita ang isang tagapagbili ng bagay na nagbibigay ng balita anunsyo sa mga mamamayan. Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang katotohanan sa tulong ng panitikan. Laganap ang kahirapan at gutom na namamayani sa ating bansa at marami pang buhay ang
  • 31. masasakripisyo lalo na ang mga batang umaasa lamang sa biyaya na makukuha lamang nila sa lansangan sa halip na tulong ng gobyerno. 31 DULA AT MGA TULA NI ROGELIO L. ORDOÑEZ Maraming manunulat ang naniniwala at kumikilala sa panulat bilang isang matalim na bolo na makakasugat sa manhid nating lipunan at walang pakialam na pamahalaan. Isa na dito si Rogelio L. Ordoñez na nakilala at kinikilala sa kanyang kontribusyon sa panulaan at panitikan bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas na lipunan. Ang kanyang mga tula at dula ay ilan lamang sa mga akdang tunay na naghihimagsik at sumasalungat sa tahimik na bibig ng ibang manunulat. Tunay na nagpapakita ng paghihimagsik laban sa pang-aapi ng mga maimpluwesya at makapangyarihan sa pamahalaan, inilalarawan at iminumulat ang mga maralita sa kaapihan ng ating lipunang ginagalawan. Saan Papunta ang mga Putok (Buod ng Dula) Nagbubukas ang eksena sa panahon ng Administrasyong Cory Aquino kung kailan patuloy na umiigting ang kilusan ng mga mamamayan sa hanay ng mga aktibistang estudyante at mga manggagawa. Upang magprotesta at ipaglaban ang mga karapatan at interes ng maraming maralitang Pilipino. Sa unang eksena ay lalabas si Ador, ang estudyante na nakikilahok sa mga kilusang pambansa at ang kanyang kapatid na babae na si Aida. May pagkakaiba sa pananaw ng dalawang magkapatid at ito ang lagging inaalala ng kanyang ina na si Aling Ester. Palaging nakikisangkot sa protesta si Ador, si Aida naman ay nakatuon lamang sa aknyang pag-aaral. Nais ni Aida na maiangat ang kanilang abang kalagayan sa pamamagitan ng edukasyon at sarado siya sa anumang kasalukuyang isyu na kinakaharap ng ating lipunan. Magbabago ang lahat dahil mapagbibintangan ng mga military si Adorn a nagproprotesta at kasapi ng mga NPA Sparrow unit. Dinakip si Ador at pilit na pinaamin habang tinotoryur ng tatlong sundalo kasama ang kanilang Tenyente. Sa pagwawakas ng kwento, bubunutin ni Ador ang baril ng isang sundalong nambubugbog sa kanya at maririnig na lang ang sunod-sunod na putok.
  • 32. Ang “Saan Papunta ang mga Putok” ay sumasalamin ng katotohanan at nagpapakita ng lipunan na napupuno ng sigalot, korupsiyon at kaguluhan. Maikukumpara sa madugong pangyayari noong 1987 sa Mendiola. Maihahambing si Ador sa napakaraming aktibistang estudyante na nabilanggo, pinahirapan at pinatay dahil lamang sa napagbintangan na kasapi ng Sparrow Unit. Inilalarawan nito ang brutal na pag-aapi at paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa at sa mga hanay ng estudyante na nais lang mag-organisa at magpahayag ng kanilang mga hinaing at maipahayag ang saloobin. Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa ating kabataan ang naniniwalaang hindi na “demokratiko” kundi isa nang “gobyernong Kapitalista” ang umiiral sa ating bayan sapagkat damang-dama na ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay patuloy na nanalig na matatag ang pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga kakulangan. At ang iba naman ay may paniniwalang dapat nang palitan ng “sosyalismo” o “komunismo” ang bulok na pamahalaan. Iba’t-ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan upang mas maipakita ang tuwirang paghihimagsik sa bulok na sistema sa ating gobyerno. May mga kabataang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New Peoples’ Army), may mga naging “Burgis” radikal o rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang mga walang pakialam sa takbo ng pamahalaan. Sa kabuuan, maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay, nagpamalas ng buong giting sa pagtatanggol ng karapatan ng masang Pilipino, walang takot na suungin ang kamatayan basta maipaglaban lamang ang mga prinsipyo at tunay na karapatan. Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan. Ito’y mapatutunayan hindi lamang sa madugo at mapangwasak na demonstrasyon at mga pagpapahayag. Ang mga pahayagan ng mga mag-aaral sa kani-kanilang pamantasan ay punung-puno ng damdaming mapanghimagsik. Ang mga dating aristokratang manunulat ay nagkaroon ng kamulatang panlipunan. At maliban sa makinilya ay gumamit din sila ng pinsel at isinulat sa mga plakard, sa pulang pinturan ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka. Ang dulang ito ay tuwirang naghihimagsik sa kabulukan ng sistema, kawalan ng hustisya, sa patay-malisyang mamamayan at abusadong naglilingkod sa gobyerno na may pansariling interes lamang. Naghihimagsik sa mga nanunungkulan na kung hahayaan ang ganitong sistema ay mas marami pa ang mga kabataan na masasayang ang kinabukasan. 32
  • 33. 33 Sa Bayan Ni Juan (Tula) sa bayan ni juan mortal na kasalanan ang maging makabayan baka pulutin ka sa kangkungan o saanmang basurahan lasug-lasog ang katawan utak at mukha’y pinagpipistahan ng mga langaw at langgam baka di ka na rin makita kailanman kapag isinilid sa dram sementuhan at ipalamon sa pusod ng karagatan. sa bayan ni juan… pakatandaan huwag kang magsasabi ng katotohanan basta paniwalaang umuunlad ang kabuhayan kahit lugaw at asin ang nagliliwaliw sa bituka ng maraming mamamayan dumarami man nagkakalkal ng basura para magkalaman ang tiyan milyun-milyon man damit ay basahan bata-batalyon man palaboy sa lansangan mga parke’t damuhan man ang himlayan o nagtitiis paalipin sa banyagang bayan basta isiping mahalimuyak ang buhay sa bawat pagsikat ng araw sa bayan ni juan ugaliing itaas ang mga kamay maghosana sa kaitaasan maghaleluya sa mga diyus-diyosan laging may glorya daw sa bayan ni juan. sa bayan ni juan huwag mong isasaysay sa sambayanan hokus pokus at kahiwagaan ng kung anu-anong pandarambong sa pondo ng bayan huwag palalabasin sa lalamunan inhustisya’t kasuwapangan ng iilang hari-harian sa lipunan baka dila mo’y hiwain mga ngipi’y lagariin pati mata ay dukitin iturnilyo mga labi’t pasabugin. . sa bayan ni juan huwag na huwag makipagkaisa sa mapagpalayang adhikain ng manggagawa’t magsasaka huwag makipagtaling-pusod sa masa sa uring alipin at ibinartolina ng balintunang sistema huwag kang sasama sa kanilang sagad-langit na protesta laban sa uring mapagsamantala babansagan kang subersibo’t terorista banta sa seguridad ng republika. sa bayan ni juan malupit mga senturyon ng unano kaya huwag matigas ang ulo kapag dinampot ka’t pinalad na ikalaboso at hindi naging desaparecido bababuyin ka ng mga utak-kurtado paaaminin kang rebelde laban sa estado ingungudngod ang mukha mo sa mataeng inodoro hubo’t hubad kang pahihigain sa bloke ng yelo pipilitin kang uminom nang uminom ng tubig na naninilaw sa mikrobyo hanggang pumintog nang pumintog ang tiyan mo saka biglang tatadyakan ng demonyo di ka titigilan kapag di umaamin sa nilubid na mga kasalanan bayag mo’y kukuryentihin isasaksak sa titi mo bagong sinding palito ng posporo o bibigtihin ng kuwerdas ng gitara lupaypay na ulo nito o diyos ni abraham malilibog ang senturyon ng unano
  • 34. 34 kung babae kang isinalampak sa kalaboso lalaruin ang suso’t kiki mo saka kakabayuhin ka nang husto matapos laspagin ang puri mo at hingal-aso ang berdugo iiwan pang nakapasak sa ari mo anumang boteng nakatuwaan nito. talagang ganyan sa bayan ni juan dinuduhagi’t sinisikil ang mga makabayan ipinagkakait ang demokratikong proseso mapapalad lamang ang basalyos ng unano at kauri nilang salabusab at tuso mga payaso’t sirkero mga batikang salamangkero nilalaklak nila ang dugo ng bayan nilalamon ang laman ng mamamayan sa paulit-ulit na pagtatanghal sa karnabal ng kasinungalingan isasakay sa ruweda ng panlilinlang hinihilong masang sambayanan iduruyan sa ilusyon ng huwad na kaunlaran at doble-karang katarungan talagang ganyan sa bayan ni juan ang taksil sa pambansang kapakanan at interes ng kumain-diling mamamayan silang mga tulisan sa kalunsuran silang nagpipista sa mesa ng kawalang-hiyaan may lakas ng loob pang mangalandakan na sila’y lantay na makabayan. sa bayan ni juan… talagang ganyan mortal na kasalanan ng masang sambayanan ang maging makabayan at maghayag ng sagradong katotohanan pero di habang panahong laging ganyan sa bayan ni juan naglalagablab na ang liwanag sa silangan bumabangon na sa dilim ng nagdaang gabi ang mga alipin upang sa wakas mga sarili’y palayain! Inilalarawan at pinaghihimagsikan na tulang ito ang patuloy na kaapihan at matinding pag-aabuso sa karapatang pantao at dignidad. Sa kalahatan, maraming mamamayan ang nakikilahok upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng matinding damdaming makabayan at upang mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang kahilingan ay naging matalim at mabalasik ang ilan nating kababayan. At dahil dito, marami sa kanila ang nangapiit sa mga kampong militar ng bansa upang pahirapan at patayin ng walang kalaban-laban. Layunin ng akdang ito na mailantad ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapakasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng gobyerno, kawalan ng katarungan ng mga inaping mamamayan. Sa mas malinaw na salita, isinasatinig ng akdang ito ang daing ng mga palaboy sa lansangan at kumakalam ang tiyan habang nagpapakasasa sa buwis ng bayan ang iilan. Ang hagulhol ng mga biktima ng kawalan ng hustisya at ipinaglalaban lamang ang kanilang mga kakaunting karapatan. Malinaw na ang akdang ito ang tagapagtaguyod ng mga karapatan at kapakanan ng uring anakpawis at nagbibigay na pag-asa na may darating na pagbabago sa paglantad ng katotohanan.
  • 35. 35 Ave, Ave, Pater Patrum (Tula) giovanni battista montini servus servorum dei nang iluwa ka ng alitalia mga magnanakaw naghaleluya viva! viva! viva il papa! hosanna in excelsis benedictus qui venit in nomine domini diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! patawarin ang anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa nang sa kanto’y magdaan ang santo papa ako po’y nasa kubeta nagbebendita’t nagdaraos ng sariling misa ave, ave, pater patrum inodoro’y nagkumunyon nangumpisal pa sa poon. ave, ave, birheng maria ipinalangin ang anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa ni hindi ko man lamang nakita ang tiara ng santo papa nang magpunta siya sa luneta at magmisa ako po’y umiinom ng hinebra sa restawran ni san da wong sa ermita diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! ako po’y huwag bulagin ng mga kalmen at estampita habang ang kandila’y bangkay na naaagnas sa bawat kandelabra kahit ako po’y di lumuhod sa santo papa nakita ko naman ang kanyang anghel de la guardia sa bote ng la tondena michaelem archangelum nakaamba kumikislap na espada sa plato ng espagheting piccolinong may bendita ng ketsap papa. ave, ave, pater patrum! ako po’y nagugutom sitsiritsit alibangbang salaginto’t salagubang bawat oras, bawat araw kampana’y kumakalembang sit laus plena, sit sonora sit jucunda, sit decora mag-antanda at magdasal ave, ave, ave maria! ang pari’y nagbibilang ng pilak sa sakristiya diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! ipinalangin kaluluwa ng anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa krusipiho at rosaryo’y ipinanguya ko sa basura. santo papa, santo papa! puto seko’t puto maya inuuod ang kumbento’t mga mongha bawat santo’y nakanganga sa isusubong ostia ave, ave, pater patrum kalyehon ko’y inaagiw barungbarong at estero’y nakatanghod sa kopita’t kandelabra araro ko’y nakapangaw sa tumana armalite ay umaawit sa candaba ave, ave, ave maria! quod in carnem transit panis et vinum in sanguinem quod non capis quod non vides
  • 36. 36 animosa firmat fides diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! kagabi, santo papa ang utak ko’y talahib na naglagablab at nagsayaw ang mga alitaptap! Isang tula na naisulat noong dumalaw sa bansa taong 1970, si Papa Pablo VI o Giovanni Battista Montini. Tuwiran itong tumutuligsa sa pagkahumaling ng mga Pilipino sa banal ng kataas-taasang sugo ng simbahan. Ang akda na sinangkapan ng salitang Latin na kadalasang ginagamit sa pagmimisa at pagpapakalat ng salita ng Diyos. Inilalarawan ng akdang ito ang immoral na gawi ng simbahan, pagpapayaman at pananamantala nito sa naghihirap na mamamayan. Mababasa sa tula ang paghihimagsik sa kinamulatang kultura ng mga Pilipino na pagsamba sa mga taong simbahan kahit lantaran ang mga pagkaimoral at nadadawit na sa isyung korupsiyon. Bakit Ganyan? (Tula) minsan lang akong daraan sa mundong estupido pero karapatan ko ayaw irespeto sinisikil, kinakatay, pinapatay bakit ganyan? di naman ako kriminal di naman ako magnanakaw di naman ako nandarambong ng pondo ng bayan lupa nang may lupa’y di kinamkam at lalong di nanggahasa ng sinuman ako pa nga ang laging ginagahasa ng lipunang di makatarungan bakit ganyan? bakit ganyan? sobra-sobra ang ipinagbabawal sabi ng mga banal sa simbahan bawal magmura kahit galit na bawal magsalita nang malaswa bakit nagkaroon pa ng gayong mga salita? para saan at paano iyon mailalabas sa bunganga? lintik na ‘yan! ano ba ‘yan! bawal malibugan sa iba maliban sa asawa sila namang mga santo’t santa puwedeng-puwedeng magnasa magpasasa’t magpakasawa oras-oras, maya’t maya sa macho’t tigasing binatilyo o sa seksi’t dalagitang mabango. anak ng galunggong at kabayo lintik na ‘yan! hayop na ‘yan! karapatan lang nila ang sagrado’t mahalaga! bakit ganyan? bakit ganyan? ako lang ang laging makasalanan ako ang impakto ako ang demonyo impiyerno ang bagsak ko por dios por santo anong klaseng mundo ito? bawal magsabi nang totoo laban sa mga dorobo sa gobyerno puputulin ang dila mo bawal mithiin ang pagbabago sa layuning lipuna’y di magago
  • 37. 37 at di dumami ang agrabiyado pero birheng inang mahabagin bubulukin ka pa sa kalaboso! bakit ganyan? bakit ganyan? dahil ba silang nagbabawal ang iilang hari-harian ang pinagpalang diyus-diyosan at kaming maralita’y tungaw layak lamang ng lipunan? lintik na ‘yan! hayop na ‘yan! bakit ganyan? bakit ganyan? pati katiting kong kaligayahan lagi’t laging pinakikialaman pobre lamang ako di kaya ang maluhong bisyo di mayamang tulad ninyo puwedeng bumabad sa casino magpakaligaya kaya sa paraiso sa puklong matambok sa susong maumbok ng kinakalantaring kalaguyo ligaya ko’y simple lamang ang manigarilyo lamang para mapayapa ang damdamin at ligalig na isipan sa hilahil na pasan-pasan makasulat din ng kung anu-ano kapag nababaliw ako pero por dios por santo bawal manigarilyo diyan bawal manigarilyo kahit saan bawal sa gusaling iyan bawal sa pampublikong sasakyan bawal makaamoy ng usok malulusog, mararangal na nilalang. lintik na ‘yan! hayop na ‘yan! karapatan daw nila iyon pero paano naman ang karapatan ko ang mga kagaya kong naninigarilyo? bakit ganyan? bakit ganyan? bakit nagkaroon pa ng pabrika ng sigarilyo bakit di pa sunugin ang mga ito tupukin pati ang lumikha nito? para di parang ketongin ang mga gaya kong naninigarilyo itinataboy kung saan-saan pinagbabawalan sa maraming lugar parang mundo lang nila ito parang di sila mamamatay kahit di manigarilyo kahit di makaamoy ng usok nito parang kami lang naninigarilyo ang maglalaho agad sa mundo. pero itatanong din ninyo: bakit ganyan? bakit ganyan? tinodas agad ng diabetes ng alta presyon o atake de corazon ng kanser sa atay o lalamunan ng kanser sa baga’t bituka sa bayag o suso o obaryo siyang kailanma’y di nanigarilyo o nakasinghot ng usok nito siyang di nanigarilyo ni minsan ay binaril naman, tinambangan o biglang nasagasaan sa daan nagkalasug-lasog ang katawan nauna pang namatay sa impaktong gaya ko apatnapung taon nang naninigarilyo. bakit ganyan? bakit ganyan? siyang sigarilyo ang pamatid-gutom ang iniiwasan ng lipunan pati ni kamatayan siyang sigarilyo’y iniwasan pero nagpakabundat sa katakawan at nagsamantalang lubusan para yumaman nang yumaman pundilyo nila’y hinahalikan masaklap nga lamang maaga silang kinakain ng libingan at isinusuka ng kasaysayan. bakit ganyan? bakit ganyan? lintik na ‘yan! ano ba ‘yan? hayop na ‘yan! ang mundo ba’y estupido o ako ang naloloko? basta irespeto na lamang ninyo
  • 38. 38 ang karapatan ko huwag lamang ang inyo anak kayo ng galunggong at kabayo! Sa akdang ito naisasatinig ang tuwirang paghihimagsik na tanda ng pagpapahayag ng tao sa kaniyang kaganapan bilang indibibwal na may karapatang dapat pangalagaan, kalayaang dapat tahakin at saloobing dapat ipabatid sa iba at ang paglaban sa kung sinumang aayaw at yuyurak sa kanyang karapatan. Isa rin paghihimagsik sa mapaniil na pangil ng Simbahang Katoliko na siyang nagpapakilala at nagpapalaganap ng moralidad ngunit sila rin unang-una gumagawa ng mga immoral na gawain. Maituturing na mapaghimagsik ang akdang ito sapagkat tumutuligsa ito sa maling pamamahala ng gobyerno, katiwalian at pag-aabuso sa karapatan ng bawat tao. Mula noon at magpahanggang ngayon, maraming manunulat ang nag sisiwalat ng kabulukan ng sistema sa pamahalan at lipunan na ating ginagalawan. Ang mga manunulat ay nagkaroon ng kamulatang panlipunan, at nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka na may diwang naghihimagsik. Tunay ngang ang mga panitikan na naghihimagsik ay hindi naglalaho at habambuhay na umiigting.
  • 39. 39 Talaan ng Sanggunian Aklat Baesa-Julian, Ailene G. et al. Pluma III Wika at Panitikan para sa mataas na paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House.Inc.2010 . Cruz, Teresita Cristobal, Ed. D. Gintong Ani. Quezon City: FNB Educational, Inc.2009. Fortunato, Teresita F.et al.Batingaw II Aklat sa Filipino-Wika at Panitikan-Antas Sekundarya.Rex Bookstore.1996. Marasigan, Emily V. Pluma IV Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.2012. Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular.Quezon City: Ateneo De Manila University Press.1997. Rodillo, Gregorio M. et al.Batingaw I Aklat sa Filipino-Wika ta Panitikan-Antas Sekundarya.Rex Bookstore.1996. Tepace, Alita I. Ph. D. Yaman ng Pamana III Wika at Panitikan. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.2010. Websayt “Mula Tula Hanggang Dula, Mula Tradisyon Hanggang Sa Bulok Na Sistema: Ang Panitikang Mapanghimagsik Sa Panitikang Pilipino.” http://mgasigwaatagos.blogspot.com/2010/10/mula-tula-hanggang-dula- mula-tradisyon.html “Dimensiyon: Pagbabalik sa Kultura’t Tradisyong Third World”. https://sites.google.com/site/fil3rdworld/entablado3
  • 40. 40 Mga Manunulat sa Pilipinas.http://tl.wikipedia.org/wiki/Juan_Abad Talambuhay ni Liwayway Arceo. http://tl.arceoliwayway.wikia.com/wiki/Talambuhay_ni_Liwayway_Arceo Pluma at Papel.http://plumaatpapel.wordpress.com/author/plumaatpapel/ Pluma at Papel.http://plumaatpapel.wordpress.com/2010/02/12/sa-bayan-ni-juan/