Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Liham hitler
1. Akoy humihingi ng tawad sa ngalan ng pamilya ni Hitler,humihingi rin ako ng paumanhin sa mga
mamamayan ng Jerusalem sa mga mamamayan ng Europa,Estados Unidos at iba pa na nasaktan ng
aking malupit na ama.Nangangako akong magbibigay ng donasyong $1.8 milyon sa Israel at kung
papahintulutan ay nais kung personal na magtungo sa bansang ito upang magtanim ng mga puno
bilang simbolo ng pag- asa
Karamihan sa mga History Book ay nagsasabing ang aking ama ay nagpakamatay kasama ang aming
ina na si Eva Braun.Ito ay hindi totoo sapagkat nang ang mga tropa ng mga Russian ay sumugod sa
ilalim ng lupa na pinagtataguan ng aking ama ay may dalawang sunog na bangkay na hindi makilala
ang kanilang natagpuan ditto.Ito ang naging daan upang kumalat ang tsismis na buhay pa ang aking
ama at ginamit lamang ang dalawang bangkay upang akalain sila ito
Ang aking ama at ina ay totoong nagtungo sa Argentina kasama ang ilan nilang matatapat na opisyal
na may dalang ginto na nagkakahalaga ng milyong dolyar
Lumaki kami ng aking kapatid na si Hans na ang alam ay isang magaling na pinuno ang aming ama
noong WWII.Masaya kami kasama si Papa at iniisip naming normal ang aming pamilya.Wala kaming
ibang ginawa kundi ang hangaan siya
Iginiit niya sa amin na ang mga hindi tapat na katiwala ang responsible sa pagkabigo ng digmaan at
hindi siya.Wala siyang binanggit na anuman tungkol sa mga ginawa niya
Pinagbawal kaming makipag usap sa mga taga labas noong kami ay bata pa.Dahil sa pagbabasa ng
mga History Book ay natuklasan naming ang mga kasamaan at iba pang masamang Gawain ng mga
Nazi.Hindi matanggap ng aking kapatid na si Hans ang katotohanan at sa tindi ng sama ng loob siya ay
nagpakamatay
Naiintindihan ko na ngayon na ang aking ama ay isa sa mga pinakamasamang lalaki na nabuhay.Ang
Digmaan kanyang nilikha ay nagresulta ng pagkamatay ng mahigit sa 50 milyon katao a
mundo.Walang iba pang paliwanag sa kanyang ginawa at akoy buong pagpapakumbabang humihingi
ng tawad…..
Alfonso Braun
Buenas Aires,Argentina