5. Ayon sa Mateo 20:17
“Nang nasa daan na si Hesus patungong
Jerusalem, ibinukod niya ang Labindalawa.
Sinabi niya sa kanila, ‘Aakyat tayo sa
Jerusalem. Doon ay ipagkakanulo sa mga
punong saserdote at sa mga eskriba ang
Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan
at ibibigay sa mga Hentil. Siya ay
tutuyain, hahagupitin at ipapako sa
krus, ngunit muli siyang bubuhayin sa
ikatlong araw.’”
6. Pag-akyat sa Jerusalem
Para sa taga Israel, ang Jerusalem ay
“place of sacrifice” kung saan ang
mga tao ay nag-aalay ng “handog na
susunugin.”
Si Kristo ang “Kordero ng Diyos” na
maghahandog ng kanyang buhay sa
Jerusalem.
7. Ang pagpapakasakit at kamatayan
ay dalawang hindi matatakasang
katotohanan na dapat harapin ng
bawat tao.
8. Para sa mga Hudyo,
ang krus ay sagisag ng
kahihiyan at kamatayan.
9. Sa mga Kristiano,
ang Krus ni Kristo
ay sagisag ng
tagumpay at kaligtasan.
10. Kabalintunaan ni Krus
• “Ang naghahangad na magligtas ng
kanyang buhay ay siyang
mawawalan nito; ngunit ang mag-
alay ng kanyang buhay, alang-alang
sa akin at sa Mabuting Balita, ay
siyang magkakamit nito” (Marcos
8:35).
11. Dahil sa krus ni Kristo, ang
paghihirap at kamatayan natin
bilang tao ay nagkaroon ng
kahulugan at patutunguhan.
12. (I)
Ang Krus:
Sagisag ng Nagliligtas
na Pag-ibig ng Diyos
13. Paglilinaw!
Hindi tamang isipin na ang
pagpapakasakit at kamatayan ni
Kristo ang nakapagliligtas sa atin.
Kung totoo yon, ang mga
nagpahirap kay Hesus ang magiging
tagapagligtas natin.
14. Tayo ay naliligtas
sa pamamagitan ng
ganap na paghahandog
ng pag-ibig ni Hesus
para sa kanyang Ama,
at para sa atin.
15. Ayon sa Juan 10:17-18
“Dahil dito ay minamahal ako ng
Ama sapagkat inialay ko ang aking
buhay upang ito ay kunin kong muli.
Walang makakakuha nito sa akin;
kusa ko itong ibinigay.”
16. (II)
Ang Pananaw ni Kristo
sa Kanyang Pagpapakasakit
at Kamatayan
17. 1. Bilang Kanyang Misyon
“Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa
kanyang mga alagad na ang Anak ng Tao
ay dapat magbata ng maraming hirap.
Siya ay itatakwil ng matatanda ng
bayan, ng mga punong saserdote, at ng
mga eskriba, at ipapapatay. Ngunit sa
ikatlong araw, muli siyang mabubuhay.”
(Marcos 8:31)
18. 2. Katuparan ng mga Pahayag ng mga
Propeta sa Matandang Tipan
“Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan
ang lahat ng sinabi ng mga propeta?
Hindi ba’t ang Mesiyas ay
kailangang magbata ng lahat ng ito
bago niya kamtan ang kanyang
marangal na katayuan?” (Lukas
24:25-26)
19. (III)
Ang Katangian ng
Pagpapakasakit
at Kamatayan ni Kristo
20. 1. Mapangtubos
Sinabi ni Hesus, “ Ang Anak ng Tao
ay naparito, hindi upang
paglingkuran kundi upang
maglingkod at ibigay ang kanyang
buhay sa ikatutubos ng marami”
(Markos 10:45).
21. 2. Dahil sa Kasalanan
• Ang pagdating ni Hesus ay “sa
ikapagpapatawad ng mga kasalanan
ng tao” (Hebreo 2:17).
22. Paglilinaw!
Isang pagkakamaling isipin na ang
pagbabayad-pinsala ni Kristo ay bunga
ng malupit na pagpaparusa ng Diyos
dahil sa ating mga kasalanan, dahil si
Hesus ay wala namang kasalanan.
Kinasusuklaman ng Ama ang kasalanan
at hindi si Hesus. Si Hesus ay minamahal
ng Ama.
23. Ang Katotohanan
• Ibinahagi ni Hesus ang pagmamahal
ng Ama sa ating mga makasalanan,
at malayang tinanggap ang “kalis”
na ibinigay ng Ama.
24. 3. Para sa Atin
• Ayon kay Pablo, “Si Kristo ay namatay
dahil sa ating mga kasalanan” (1 Corint
15:3).
• Ibig sabihin:
1. Namatay si Hesus dahil sa
pagkamakasalanan ng mga tao.
2. Namatay si Hesus upang ipakita sa atin at
palakasin tayo na mapaglabanan ang
kasalanan at ang mga epekto nito sa atin.
25. Pakikiisa sa Sakripisyo ni Kristo
Ang sakripisyo ni Kristo ay hindi
nangangahulugan na hindi kailangan
ang ating sariling mga sakripisyo.
Tayo ay tinatawag ni Kristo upang
makibahagi sa Kanyang sakripisyo:
“Kung ibig ninuman ang sumunod sa
akin, limutin niya ang ukol sa kanyang
sarili, pasanin ang kanyang krus at
sumunod sa akin” (Mateo 16:24).
27. (A)
Pangkalahatan,
Nakatuon sa Katapusan, at
Kaligtasang Nagbibigay-
lakas
28. (1) Pangkalahatan
• Ayon kay Pablo, “Namatay ni Kristo
para sa lahat upang ang mga
nabubuhay ngayon ay huwag nang
mabuhay para sa sarili, kundi para
kay Kristo na namatay at muling
nabuhay para sa sa kanila” (2
Corinto 5:15).
29. (2) Nakatuon sa Katapusan
Ang pagmamahal ni Hesus ay
“Eskatolohikal” o nakatuon sa
katapusan.
Namatay si Hesus upang ang lahat
ng mga sumusunod sa kanya ay
magkamit ng “buhay ng walang
hanggan” (Marcos 10:30).
30. (3) Kaligtasang Nagbibigay Lakas
• Si Kristo ay namatay at muling
nabuhay upang ipagkaloob sa atin
ang kanyang Espiritu na nagbibigay
ng buhay na walang hanggan.
32. Naparito si Hesus
Upang Tayo ay Lumaya
1. Malaya mula sa mala-aliping
pagkatakot sa Diyos.
2. Malaya mula sa pagdududa sa sarili.
3. Malaya mula sa masamang relasyon sa
ibang tao.
4. Malaya sa sariling pagkahilig sa
kayaman, kapurihan at kapangyarihan.
34. Unang Kahulugan
• Ito ay isang patotoo na si Kristo ay
tunay na namatay at inilibing.
35. Ikalawang Kahulugan
• Ang gawaing pagliligtas ni Kristo ay
alang-alang sa mga matuwid na
namatay bago pa siya dumating.
36. Ayon kay Apostol Pedro
Pinuntahan ni Kristo at inaralan ang
mga espiritung nakabilanggo.
“Ipinangaral din ang Mabuting Balita
sa mga patay upang mabuhay pa rin
sila sa piling ng Diyos, kahit na sila ay
inabutan na ng kamatayang itinakda sa
kanila” (1 Pedro 3:19, 4-6).
37. Ikatlong Kahulugan
• Ang lahat ng iniligtas ay tinubos sa
pamamagitan ng pagpapakasakit at
pagkamatay ni Kristo. Ito ay hindi
napigilan ng panahon at kalawakan.
38. Ika-apat na Kahulugan
Si Kristo ang katibayan na muling
bubuhayin ang mga patay.
“Kung paanong mamamatay ang
lahat dahil sa kanilang kaugnayan
kay Adan, mabubuhay naman ang
lahat dahil sa kanilang kaugnayan
kay Kristo” (1 Corinto 15:20).