4. Ang Diyos ay Ama sapagkat
tayo ay nilikha niya.
“Tayo ay kanyang nilalang,
nilikha sa pamamagitan ni
Kristo Hesus.” (Efeso 2:10)
5. Sapagkat ipinagkaloob niya lahat ng
ating pangangailangan.
Isinugo ng Ama sa atin si Hesus, “Ang
Mabuting Pastol” na nagturo na “Kung
ang mga damo sa kabukiran ay
dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya?”
(Lukas 12:28)
6. Ang Diyos ay Ama sapagkat tayo ay
tinubos niya.
“Gayon na lamang ang pag-ibig ng
Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya
ang kanyang bugtong na Anak upang
ang sumampalataya sa kanya ay hindi
mapapahamak kundi magkakaroon ng
buhay na walang hanggan.” (Juan
3:16)
7. Isinugo ng Diyos ang kanyang Espiritu
upang ibahagi sa atin ang kanyang banal
na buhay.
“Kung tayo ay nag-iibigan, nasa atin ang
Diyos at nagiging ganap sa atin ang
kanyang pag-ibig. Nalalaman nating
nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa
atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng
kanyang Espiritu.” (1 Juan 4:12-13)
8. Ang Diyos ang batayan ng ating
sariling pagkakakilanlan. Bilang
mga anak, tayo ay itinalaga ng
Diyos sa buhay na walang
hanggan kapiling niya.
9. Ang Diyos ay walang kasarian.
Ang kaganapan ng buhay ng Diyos ay
kinapapalooban ng aspeto ng pag-ibig na
parehong maka-ama at maka-ina.
Nangako ang Diyos, “Aaliwin kita tulad ng
pag-aliw ng ina sa kanyang anak.” (Isa
66:13)
Hangarin ni Hesus na tipunin ang mga anak
ng Jerusalem katulad ng paglukob ng isang
inahin sa kanyang mga sisiw.” (Mateo 23:37)
10.
11. Ipinakita ng Diyos ang kanyang sarili
bilang Ama sa mga Israelita sa
paghirang at pakikipagtipan sa kanila
bilang bayang tanging sa Kanya
lamang.
Bagamat nagtaksil ang bayang pinili
ng Diyos, nanatiling tapat ang Diyos.
Nakipagtipan ang Diyos at nangako
kay David
12. Natatangi ang ugnayan ni Hesus sa Ama.
“Walang nakakikilala sa Anak kundi ang
Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi
ang Anak at yaong marapating
pagpahayagan ng Anak.” (Mateo 11:27)
Itinuro ni Hesus na ang Diyos ay Ama ng
lahat, at tinuruan ang kanyang mga alagad
na tumawag sa Diyos bilang Ama.
13. Binago ni Hesus ang imahen ng Diyos
bilang isang Ama na may malasakit na
walang kapantay.
Ang Diyos ay isang Amang mapagpatawad
ng buong-galak na sumasalubong sa
kanyang alibughang anak na nagbabalik-
loob.
Sa ating puso, dapat lamang na hangarin
natin na maging mga anak na ampon ng
Diyos.
15. Sapagkat Siya ang Manlilikha at Hari
ng lahat ng bagay.
“Inilabas mo sa Ehipto ang iyong
bayang Israel, kasabay ng mga tanda
at kababalaghan; ikaw ang nag-akay
sa kanila sa pamamagitan ng iyong
lakas at agaly na kapangyarihan”
(Jeremias 32:21).
16. Ang lakas ng makapangyarihang Ama
ay ang mapanlikhang personal na
lakas ng pag-ibig na di marahas.
Ang mapagmahal na lakas ng Ama,
ang kanyang kagandahang-loob, ay
nahahayag kay Kristong ating
Panginoon na sumasaatin sa
pamamagitan ng Espiritu.
17. Ang misterio ng “kawalang-lakas ng
Diyos” ay nakita natin sa paghihirap at
kamatayan ni Kristo.
Sabi ni Pablo: “Ang ipinangangaral
namin ay si Kristong ipinako sa krus –
isang katitisuran sa mga Hudyo at
kahangalan para sa mga Hentil.”
18. Sa mga tinawag ng Diyos, si Kristo ang
kapangyarihan at karunungan ng
Diyos.
Ang kahangalan ng Diyos ay
karunungan higit kaysa lahat ng
karunungan ng tao, at ang kahinaan
ng Diyos ay lakas na higit sa lahat ng
kalakasan ng tao. (I Cor 1:23-25)
19. Ang kasamaan ay nagmula sa
pagsuway ng mga unang tao at hindi
mula sa pagkukulang ng Diyos.
Ang kasalanan ay hindi bunga ng ating
pagiging “tao lamang” kundi mula sa
malayang pagpili ng kasamaan.