1. Banal na Oras
sa Santisimo Sakramento
Para sa Kaligtasan
ng mga Sanggol sa
Sinapupunan ng Kanilang Ina
2. • Pagtatanghal
ng
Santisimo
Sakramento
• Luluhod ang
lahat.
3. O Salutaris Hostia
- O salutaris Hostia
Quae coeli pandis ostium.
Bella premunt hostilia;
Da robur fer auxilium.
- Uni trinique Domino
Sit sempiterna gloria;
Qui Vitam sine termino,
Nobis donet in patria. Amen
4. Panalangin
• O Kabanal-banalang Santatlo –
Ama, Anak at Espiritu Santo,
sinasamba kita nang lubusan.
Iniaalay ko sa Iyo ang kamahal-
mahalang katawan, dugo,
espiritu, at pagka-diyos ng
aming Panginoong Hesukristo,
na totoong nasa tabernakulo…
5. …sa buong mundo, sa
pagtutuwid ng mga
paglapastangan sa Iyo.
Sa pamamagitan ng walang
hanggang biyaya ng Banal na
Puso ni Hesus at ng Kalinis-
linisang Puso ni Maria,
isinasamo ko ang pagbabalik-
loob sa Diyos ng mga
makasalanan. Amen.
7. • O Sanggol na Hesus, sa
pagdarasal namin ng Santo
Rosario, hinihiling namin sa iyo
na alisin mo sa puso ng
mundo, ang kasalanan ng
paglalaglag at pagpatay ng
buhay na nasa sinapupunan pa
ng mga ina.
8. • Alisin mo ang lambong ng
panloloko na inilagay ni
Satanas sa aming puso, na
nagtuturo sa amin na ang
pakikipagtalik kahit kanino ay
isang kalayaan ng tao, kundi
makita namin ang totoo – na ito
ay pagkaalipin sa kasalanan.
9. • Ilagay mo sa puso ng lahat ng
tao sa buong mundo ang isang
bagong paggalang sa buhay na
nasa sinapupunan pa lamang.
Amen.
24. • Walang Hanggan Ama,
ipinahayag mo sa amin ang
iyong sarili bilang Ama ng lahat
ng buhay. Pinupuri ka namin sa
maka-amang pagkalinga sa lahat
ng iyong nilikha, lalo’t higit sa
amin na Iyong nilikha na Iyong
kawangis.
25. • Ama, sa pamamagitan ng iyong
kamay na mapangligtas,
ipagsanggalang mo ang mga
sanggol laban sa aborsyon,
iligtas mo sila sa kapahamakan
sa sinapupunan pa lamang ng
kanilang mga ina.
26. • Pagpalain mo ng iyong lakas
ang lahat ng mga ama upang
huwag silang magpadala sa
tukso ng paglalaglag ng buhay.
27. • Pagpalain mo ang aming mag-
anak, gayon din ang aming
bayan, upang magkaroon kami
ng kagalakan ng pagtanggap at
pagkalinga sa buhay na
nagmumula sa Iyo, aming
Walang-hanggan Ama. Amen.
29. Panginoong Hesukristo,
nakiisa ka sa aming pagiging
tao, nakiisa ka sa aming
buhay at kamatayan, sa
aming kamusmusan at
pagtanda. Nakiisa ka rin sa
amin na ipinaglihi sa
sinapupunan ng isang ina.
30. Ikaw na nanatiling Diyos, habang
sinasamba ng mga anghel,
namalagi ka ng siyam na buwan
sa sinapupunan ng Iyong Ina, si
Maria. Ikaw ang aming
Manunubos sa sinapupunan ng
aming ina, ang aming Diyos na
nagkatawang-tao at isinilang
bilang isang sanggol.
31. Panginoong Hesus, hinihiling
namin sa Iyo na basbasan mo
at ingatan ang mga sanggol
na nasa sinapupunan pa ng
kanilang mga ina. Iligtas mo
na huwag silang mapahamak
sa aborsyon.
32. Bigyan mo ang kanilang mga
ina ng biyaya na maihandog
ang kanilang sarili, katawan at
kaluluwa, para sa kanilang
mga anak.
33. Tulungan mo ang lahat ng
mga tao na matanggap ang
mga hindi pa isinisilang na
sanggol bilang kanilang
kapatid, na iniligtas Mo,
aming Manunubos, sa
sinapupunan pa lamang.
Amen.
34. • Panalangin
kay Maria,
Ina ng Lahat
ng Buhay
sa
Sinapupunan
35. O Maria, Ina ng buhay sa
sinapupunan, ang lahat ng
buhay ay ipinagkakatiwala
namin sa iyo, ang buhay ng
lahat ng mga babaeng
nagdadalang-tao at ang mga
sanggol na nasa kanilang
sinapupunan…
36. … ang buhay-katawan at buhay-
kaluluwa ng mga tao, ang buhay
ng lahat ng mga bagong silang
na sanggol, at ang buhay ng mga
matatanda. Iningatan mo ang
Panginoon sa iyong sariling
puso, sa lahat ng aming
kailangan, ilapit mo kami sa
Diyos, O Ina ng mga buhay sa
sinapupunan. Amen.
38. Puspos ng pag-ibig na Puso ni
Hesus at Maria, naririto kaming
nagpupugay, nagmamahal at
gumalang. Inihahandog at
itinatalaga namin ang aming
sarili sa Iyo nang walang
hanggan. Tanggapin mo kami at
angkinin ng ganap.
39. Linisin, liwanagan at pabanalin
kami upang mahalin ka namin
Panginoong Hesus sa
pamamagitan ng Puso ni Maria,
at upang mahalin ka namin Maria
sa pamamagitan ng Puso ni
Hesus. O Puso ni Hesus na
naghahari kay Maria, O Puso ni
Maria na nabubuhay kay Hesus
at para kay Hesus.
40. O Puso ni Hesus na sinugatan
ng aming mga kasalanan,
ibinigay mo sa amin ang Iyong
Ina sa Bundok ng Kalbario. O
Puso ni Maria na sinugatan ng
kapighatian at sa pakikibahagi sa
pagpapakasakit ng kanyang
Anak na si Hesus para sa aming
kaligtasan. O Banal na
Pagbubuklod ng Dalawang Puso.
41. Papuri sa Diyos Ama, sa Anak at
sa Espiritu Santo. Papuri sa
Banal na Espiritu ng Diyos na
nagbuklod sa Dalawang Puso.
Nawa ay pagbuklurin mo rin ang
aming mga puso upang ang
lahat ng puso ay mamuhay sa
pagtulad sa banal na pagkakaisa
na naghahari sa Dalawang Puso.
42. Nagtagumpay ka, O puspos ng
hapis at Kalinis-linisang Puso ni
Maria. Maghari ka, O Kabanal-
banalang Puso ni Hesus, sa
aming mga puso, sa aming mga
tahanan, sa aming mga mag-
anak, sa Iyong Simbahan, sa
buhay ng mga
mananampalataya…
43. …sa puso ng mga hindi pa
nakakakilala sa Iyo, at sa lahat
ng mga bansa sa buong mundo.
Itatag mo sa puso ng
sangkatauhan ang tagumpay at
paghahari ng Dalawang Puso
upang ang isang sigaw ng
mundo ay marinig sa bawat
sulok ng daigdig:
44. “Purihin magpakailanman ang
Kabanal-banalan Puso ni
Hesus at ang Puspos ng
Hapis at Kalinis-linisang Puso
ni Maria.”
45. O pinakamamahal na San
Jose, ipinagkakatiwala ko ang
aking buhay sa iyong
karangalan, ibinibigay ko ang
aking sarili sa iyo upang ikaw
ay maging aking ama, aking
tagapag-ingat at gabay sa
daan ng kaligtasan.
46. Tulungan mo ako na
magkaroon ng malinis na
puso at isang maalab na pag-
ibig sa aking kalooban. Sa
iyong halimbawa,
magampanan ko nawa ang
aking mga gawain sa
pagbibigay papuri sa Banal
na Santatlo…
47. …kaisa ng Dakilang Puso ni
Hesus at ng Kalinis-linisang
Puso ni Maria. O banal na
San Jose, ipanalangin mo na
makabahagi ako sa
kapayapaan at kagalakan ng
iyong banal na kamatayan.
Amen.
49. Tantum Ergo
Tantum ergo, Sacramentum
Veneremur cernui;
Et Antiquum documentum
Novo cedat ritui;
Prestet fides supplementum
Sensuum defectui.
50. Genitori, Genitoque
Laus et jubilatio;
Salus, honor, virtus quoque
Sit et benedictio;
Procedenti ab utroque
Compar sit laudatio.
Amen.
51. Pari: Binigyan mo sila ng
tinapay buhat sa langit,
Lahat: Na naglalaman sa
kanyang sarili ng lahat ng
katamisan.
Pari: Manalangin tayo….
52. Pagpupuri
• Purihin ang Diyos,
• Purihin ang Kanyang Santong
Ngalan,
• Purihin si Hesukristo, Diyos na
totoo at tao namang totoo,
• Purihin ang Ngalan ni Hesus,
53. - Purihin ang Kanyang Kamahal-
mahalang Puso,
- Purihin ang Kanyang kamahal-
mahalang Dugo,
- Purihin si Hesukristo sa
Santisimo Sakramento sa Altar,
- Purihin ang Espiritu Santo, ang
Mang-aaliw,
54. -Purihin ang Dakilang Ina ng
Diyos, si Maria Santisima,
- Purihin ang Santa at di
narungisang paglilihi sa kanya,
- Purihin ang kanyang
maluwalhating pag-akyat sa
langit,
- Purihin ang Ngalan ni Maria,
Birhen at Ina,
55. - Purihin si San Jose, kanyang
kalinis-linisang Esposo,
- Purihin ang Diyos sa Kanyang
mga Anghel at Kanyang mga
Santo.
56. O Sacrament Most Holy
O Sacrament Most Holy
O Sacrament Divine
All praise and all thanksgiving
Be every moment Thine,
Be every moment Thine.