5. Si Tiamat ay ang diyosa ng Babylonia sa Kanlurang Asya.
Siya ang pinaniniwalaang “Diyosa ng Dagat”.
Ang pangalan niya ay mula sa salitang “tiantum” (dagat) at
saitang hebrew “Tehom” (malalim).
Kung minsan siya ay nagkakatawang babae at kung minsan
ay dragong may sungay.
Pinaniniwalaan na ang lahat ay nagsimula sa kanya.
Siya ay may asawang nagngangalang Apsu ngunit nang
pinaslang ito ni Ea (apo ni Tiamat) , nagalit siya’t naghiganti
at nagsilang ng labing-isang halimaw kasama ang pitong-
ulong dragon.
Sa kanya nagmula si Marduk(ang pangunahin diyos ng mga
taga- Babylonia).
Pinaslang siya ni Marduk nang tangkain niyang patayin
lahat ng diyos na kanyang nilikha.
Pinaniniwalaan ring ang itaas na bahagi ng kanyang labi ay
ginawang langit at ang ibabang bahagi naman ang
ginawang lupa.
7. Si Nammu ay ang pinaniniwalaang diyosa ng
mga taga-Mesopotamia, Timog- Kanlurang Asya.
Ang “Diyosa ng Tubig”.
Isinilang niya sina “An”,ibigsabihin ay
langit, “Enlil”, ibigsabihin ay hangin at
“Ki”, ibigsabihin ay lupa sa pamamagitan ng
paglikha ng sarili niyang matris
Siya ang kumakatawan sa matamis na tubig na
nagbibigay buhay.
Pinaniniwalaan din nilang siya ang gumawa ng
tao sa pamamagitan ng luwad.
9. Si Inanna ay ang “Diyosa ng Pag-ibig at Digmaan”
ng Mesopotamia sa Timog- Kanlurang Asya.
Si Nammu ang kanyang lola.
Pinaniniwalaan din siyang “Diyosa ng Araw, Bituin
at Buwan”.
Iba-iba ang kanyang anyo, kung minsan ay
ahas, ibon, iba pang mga hayop pero ang
pinakamahalaga ay bilang diyosa ng lupa.
Pinaniniwalaan nilang ang himpapawid ay si
Inanna, ang ulap ay ang kanyang dibdib, ang ulan ay
ang kanyang gatas, at ang bahaghari ay ang
kanyang kuwintas.
Sa Semitic, siya ay binansagang Ishtar.
11. Si Amaterasu O-mi-ka-mi ay ang itinuturing na
“Diyosa ng Araw “ ng mga Hapones.
Ang pangalang Amaterasu ay mula sa salitang
“Amateru”, ibigsabihin ay “liwanag sa kalangitan”.
Siya ay mula sa kaliwang mata ni Izanagi, kanyang
ina.
Sa kanya nagmula ang mga emperador ng Japan.
Siya ay mabait at kagalang-galang na diyosa ng
Japan.
13. Si Chandi ay ang “Diyosa ng Buwan” ng mga
Dravidian.
Kilala din bilang Durga Sapthashati
Siya ay may labing-walong braso at ang bawat isa
ay may hawak na armas. Ang mga ito ay
palakol, kampanilya, pamalo, kabibe, kuwintas, tun
gkod, palaso, kidlat at
kulog, lotus, pana, palayok, sibat, espada, kalasag,
tasa, silo, salapang, discus.
Ang mga ito ay ginagamit niya laban sa mga
masasamang tao.