2. abing apat na taong gulang ako noon nang maramdaman ko ang aking
tunay na pag ibig. Bawat araw ko noon ay laging nagiging masaya sa tuwing
nasisilayan ko ang kanyang mukha. Masasabi kong sya ang kumukumpleto ng
araw ko at nag bibigay sigla sakin na pumasok at magpatuloy sa aking buhay.
Lagi sya ang naiisip ko sa tuwing ako’y nalulumbay. Hindi sya mawala-wala sa
aking isipan maging sa aking pagtulog ay kanyang mukha ang aking nasisisisilayan.
Alam ko rin noon na ang aking pinapangarap ay kahit kaylan ay hindi maaaring
mag katotoo, ang makasama ko siya habang buhay sa hirap at ginhawa. Hindi
dahil sa antas ng aming pamumuhay o pagkakaiba ng uri namin sa pamumuhay,
kundi ang pagkakaiba ng aming paniniwala sa diyos. Isa akong muslim na
itinuturing ng karamihan na salot sa Lipunang ito, dahil na nga sa ginagawa ng
kamanaramihan sa amin. Habang sya naman ay kasapi sa Kapatid na Relihiyon o INC.
Kung kayat ang aming pag iibigan ay inilihim namin kahit na kanino maging sa aming
mga pinag kakatiwalaan na kaibigan at higit sa lahat ay sa aming mga magulang.
Kung ako ang mag dedesisyon ay walang dahilan na ikahiya namin ang aming
natatanging pag iibigan sa isa’t isa kung hindi lang dahil sa kanyang relihiyon at
mga magulang.
3. “Alvin, Chelsea” ani ni Angelica na isa sa aming kaibigan habang kami ay
nag uusap ng aking lihim na kasintahan.
“Oh? Bakit may problema ba?” sambit ko agad sa aking kaibigan.
“Wala lang yayayain lang kasi namin sana kayong dalawa na manood ng horror movie
sa bahay.” sambit nya rin agad habang iba ang titig saamin ng aking kasintahan.
“Bakit tila iba ang titig mo saamin Angelica? May mali ba saaming dalawa?”
ani naman ni Chelsea na may halong pag tataka sa aming kaibigan.
“Wala naman, parang may napapansin lamang ako sainyong dalawa” sambit
nya rin agad.
“Ano naman ang bumabagabag sa iyong isipan tungkol saming dalawa?”ani,
ko naman sakanya.
“Wala lang, napapansin ko lang na lagi kayong magkasama” ani naman nya.
“Ano kasi nag papatulong lang ako sakanya sa Math” ani naman ni Chelsea.
“Oo ganun na nga, nag papatulong lamang sya sakin tungkol saating mga
nakaraang paksa sa Matematika” ani ko naman sakanya
“Ah ganun ba, pasensya na ah napag isipan ko pa kayo ng kung ano.Basta
sumama kayo saamin mamaya sa bahay ah?” ani nya saamin.
“Sige sige sasama kami mamaya” halos sabay naming sabi ng aking lihim na kasintahan.
4. inabahan ang lihim kong kasintah Angelicaan ng marinig nya ang mga katagang
“may napapansin ako sainyong dalawa” na nag mula pa mismo sa pinaka malapit
nyang kaibigan sa aming paaralan. Akala talaga naming dalawa ng mga oras na
iyon ay mabubuko na ang aming relasyon. At kung sakasakali namang mangyari
iyon ay hudyat na para tapusin na namin ang namamagitan saaming dalawa. At
hindi ko makakayanan iyon, dahil nga sa mga panahon na iyon ay labis ko na syang
tinatangi.
Nang kami’y nag lalakad na patungo sa bahay ni Angelica ay biglang may humila
ng damit ko mula sa likuran.
“Alvin.. Alam mong bestfriend tayo diba?.”ani ng aking bestfriend na si Oscar
habang tinatahak namin ang daan patungo sa tirahan ni Angelica.
“Ha? Oo naman..” ani ko sakanya.
“Alvin kilala kita.. Alam ko kapag may tinatago ka nanaman sakin..” sambit nya.
“Ha? Ano ulit un?” pakunwari ko namang sagot sakanya para liwanagin nya ulit
“Nahahalata ko na kayo Vin.. Kaya wagg ka nang mag maang maangan” ani nya pa
Takot ang una kong naramdaman ng sambitin iyon sakin ng aking kaibigan.
“Hoy! Alvin nakikinig ka ba? Alam mo kahit namang sabihin mo iyan saakin ay
wala namang magbabago eh.. Hindi ko kayo pakekelaman alam mo yan, suportado
mo ko kahit na anong plano mo..” ani nya pa na parang nakikiusap.
5. At dahil na nga rin sa narinig ko na nanggaling sa aking matalik na kaibigan ay
wala narin akong nagawa at inilahad ko na nga sakanya ang lahat ng makarating
kami sa bahay ni Angelica. At sobra talaga akong nagulat na walang ni ibang
reaksyon maliban sa Wow!.
“Ikaw talaga Alvin.. Bakit ba kasing ayaw ninyo pang sabihin sa mga kaibigan natin?”
ani nya ng matapos kong ikwento sakanya ang lahat lahat.
“Alam mo Oscar pwede lang sana gawin yang sinasabi mo ay.. Matagal ko na yang
ginawa .. Alam mo naman pre ung sitwasyon namin diba?..”sambit ko sakanya agad.
“Mahal mo talaga sya eh no?.. Kaya nag kakaganyan ka sinasakripisyo mo lahat
Marami naman dyang iba.. Si Angetz?.. Talo kayo nun.. Bakit dun pa sa hindi pwede?”
Ani nya sakin.
“Hoy! Akala ko ba hindi ka makekealam?. At sosoportahan mo ko?” ani ko sakanya.
At agad syang humingi sakin ng tawad at sinabing “Basta mahal mo ang isang tao ay
lagi mong tatandaan na gawin mo ang lahat at wag kang susuko hanggang sa hindi
sya nakakamit.. Dahil wala namang nag sasama na hindi perfect match eh.. kaya
kung akala mong perfect match kayo ay ipaglaban mo sya” ito ang mga katagang
laging uumugong saaking isipan hanngang ngayon..
Masaya kaming nag kainan at nag tawanan ng araw na iyon at kahit papaano ay
nakaramdam narin ako ng kaginhawaan dahil nga sa may tao narin sawakas na
nakakaintidi saamin.. At naniniwala sa tunay na pagibig.
6. Sang magandang araw ang sumibol noon.. At hindi na isa kundi dalawa na
ang nakakaalam ng aming sekretong pagiibigan ng aking kasintahan. Si Oscar na
bestfriend ko at si Angelica na bestfriend naman ng aking mahal. Kailangan namin
silang dalawa upang magbigay ng lakas ng loob na ipagpatuloy namin hanggang sa
huli ang aming satingin ng iba ay maling pag iibigan.
Nagdaan ang maraming araw ng puno ng pagasa saamin at pagmamahaan.
At umabot na ang araw ng aming unang buwan na kasabay ng aking kaarawan..
ST o “Student Teacher” pa ako noon ng ipag riwang namin ang sabay na okasyon.
Kaya napaka raming tao talaga na nakapag pasaya sakin noong kaarawan kong iyon.
At noong araw ding iyon ay may isa pa talagang sobrang nakapag pasaya
Saakin na talagang hindi ko inaasahan sobra..
Isa sa mga kaibigan ko ang talagang nag todo efffort para pasayahin ako..
Naranasan mo na bang mabigyan ng isang special cake?. From special person?.
At di lang iyon ah.. May follow up bday gift pa para sayo na galing sa London?
Ang astig no?. Masasabi ko talaga na isa iyon sa pinaka masayang araw ng buhay ko
hindi naman sa pagka ignorante pero aaminin ko na iyon ang pinaka kaunaunahang
may ibang taong bukod sa pamilya ko na icelebrate ng ganun ang kaarawan ko.
Pinag salusaluhan namin iyon ng aking mga kamag aral, ngunit hindi nakisalo ang
aking pinaka mamahal.
7. “Oh chelz anong ginagawa mo dito? Halika saluhan mo kami dun kumain” ani
ko sakanya nang lapitan ko sya sakanyang kinauupuan.
“Sige lang sige lang.. Ok lang ako busog pa kasi ako, medyo wala pa kong gana”
sambit nya saakin ng tanungin ko sya.
“Alvin! Hoy! Halika na dito.. May sorpresa sayo si Arriane” sigaw ng isa naming
kamag aral habang kumakain.
“Sige na Alvin punta ka na dun ok lang ako.. Makisalo ka na sakanila ulit sayang
naman ung sandali na ito mamaya mag tuturo ka na ulit”ani nya saakin.
“Talaga sure ka ok ka lang? oh sige basta mamaya ipangako mo pag uwian ay hindi
ka na ganyan katamlay.. Kasi ikaw naman ung mag papasaya saakin” ani ko naman
sakanya.
At nag patuloy na nga ang kasiyahan ng bumalik ako ulit sa kainan.. At noon
ding sandaling iyon ay ibinigay na ni Arriane ang babaeng nag todo effort para
pasayahin ako ang kanyang regalo na nanggaling pang London,ang libro nang
breaking down na huling parte ng Twighlight Saga na talaga namang napagka kapal.
“Wow! Ang ganda naman nito.. Salamat talaga ikaw palan ang taong nakagawa
ng ganito saakin.. Ang swerte swerte ko naman” ani ko sakanya kasabay ng aking
kagalakan.
“Talaga totoo ba iyan napasaya kita? Walang anuman ito lang naman ang gusto
ko eh mapasaya ka” ani naman nya saakin habang bka ngiti.
8. “Nakz naman.. Maraming salamat ulit.. Wag kang mag aalala balang araw ako
naman ang mag papasaya sayo” masayang sambit ko sakanya habang naka hawak
ako sakanyang mga balikat.
“Sus wala iyon.. Basta ikaw no problem makita ko lang na ikaw ay masaya
ay lubos narin ang aking kagalakan” sambit nya saakin habang naka yuko.
Noon paman ay talagang alam ko nang may gusto sya saakin, tuwing
lumalapit ako sakanya ay lumalayo o di kaya ay nag tatago sya sa likod ng kasama
nya. Wala pang nakakaalam tungkol sa relasyon namin noon ni Chelsea maliban
kina Oscar at Angelica, kaya siguro ganun pa sya patay na patay saakin.
Marami pang nag regalo saakin noong araw na iyon, ngunit ang pinaka
kinanabikan ko ay ang regalo ng aking kasintahan na ibibigay pa nya saakin
pagkatapos ng aming klase dahil nga sa ayaw naming malaman nila namay
namamagitan saaming dalawa..
9. T dumating na nga ang sandaling aking pinaka hihintay, ang uwian
na oras kung saan ay ibibigay na saakin ng aking kasintahan ang kanyang regalo
Para saakin at ibibigay ko sakanya ang kanyang regalo para saaming”1st monthsary”.
Nirigaluhan nya ako ng isang kulay silver na metal na relo na talaga namang
napaka ganda.. At ibinigay ko na nga rin sakanya ang pinag ipunan kong regalo para
Sakanya isang relo rin na Ice na uso pa noon at isang kwintas na letter “S” na
nangangahulugang ”Special”.. Ngunit sa kasawiang palad ay hindi nya iyon tinanggap
Sabi nya saakin ay hindi nya raw iyon matatanggap dahil daw birthday ko..
Inisip ko noon na baka ay hindi nya iyon nagustuhan kung kayat tinanggihan nya iyon
sobrang lungkot ko noon dahil sa hindi ko alam kung kanino ko nalang ibibigay
ang mga regalong iyon.
Masasabi kong ang sandaling iyon ang nag palungkot ng araw ko.. Ang masayang
Sandali na inaakala ko ay sya pa palang nag palungkot sa puso ko..
Umuwi ako ng araw na iyon ng may lungkot sa aking mga labi..
At dahil buwan ng Disyembre noon ay mabilis lumipas ang araw at dumating ang
Araw ng aming Year End Party sa School..
10. Alas Syete ng umaga ng mag simula ang aming Party sa silid aralan.. At di ko
inaasahan na may inihanda palang special number ang kpop fan ng aming section at
kabilang doon ang aking lihim na kasintahan.. At talagang sobrang napahanga nya
ako sakanyang ipinamalas na aking galing.
Halos ng amin mga kamag aral ay napa nganga sakakaibang performance na
Kanilang ipinamalas..
At dumating na ang oras ng kainan.. At mag kalayo kami ng lugar ng aking
kasintahan, tumabi sya sa kanyang mga kaibigan habang ako ay sa aking mga katropa.
Hindi rin kasing pwedeng mag tabi kami dahil nga sa natatakot kaming may maka
halata nanaman saaming dalawa.
Narealize ko nang mga sandaling iyon na napaka hirap palang mapabilang sa
isang relasyong complicated ang sitwasyon.. Ngunit naisip ko rin noon na wala naman
talagang dapat na pagsisihan, dahil mahal ko siya at di ko kayang mawala siya saakin.
Dumating ang oras nang katapusan ng aming Party at halos lahat kami ay naging
Masaya sa kinahinatnan ng Party at aming huling pagkikita kita sa huling taon.
Niyaya ako ng aking mga kaibigan na pumunta sa isang parke na tinatawag na Wild
life at niyaya ko rin ang aking kasintahan na kung makakasama sya.. Ngunit sa
Kasawiang palad ay tinanggihan nya ako, dahil daw walang tao sa kanilang tirahan.
11. Naguguluhan ako noon kung sasama ba ako.. Para saan pa ba?. Eh wala
Naman ang mahal ko?.
Papalakad na ko noon pauwi ng bahay ng biglang sumulpot saaking harapan ang
Isa sa aking matalik na kaibigan na si Reymart at naki usap na sumama ako sakanila.
Hindi rin nagtagal ay napag isip isip kong wag kong tatapusin ang huling araw na
Iyon ng ganung ganun lang.. At hindi nga nagtagal ay napa payag na nila ako ..
Nang makarating na kami sa aming distinasyon ay hindi parin mawala sa isip kong
Maging malungkot, dahil nga wala doon ang aking pinaka mamahal.
Umabot kami halos apat na oras upang libutin at tumambay sa naturang
Parke.
Nang kami ay papauwi na aydumaan muna ako sa Robinson upang ipag patuloy
Ang araw ng pag sasaya..
12. umipas ang isang buwan ng walang pag babago saaming relasyon maliban
Lang sa nalaman narin ng aming mga kamag aral ang tungkol saaming dalawa.
Lahat naman silay nangako na wala silang pag sasabihan kahit na sino lalong lalo
Na sa ibang kapatid na hindi ako kilala.
Ngunit kahit na ganun paman ay marami parin sakanila ang tutol saaming dalawa,
Maraming nag sasabi na hindi daw kami bagay. Ngunit kahit na ganun paman ay
Hindi parin nag babago ang pagmamahalan namin sa isa’t isa. At kahit na alam
Na ng lahat ang tungkol saaming dalawa ay hindi parin kami ganun ka sweet sa isa’t
isa., dahil mahirap mang aminin pero honest ako na isa akong “TORPE”.
Buwan ng Pebrero noon at alam naman nating lahat na iyon ang buwan ng mga
Puso..
Maraming araw kong pinagipunan ang araw ng pinaka hihintay ng lahat na mag
Kasintahan ang araw ng mga puso, kung saan ang lahat ng mag katipan ay ipinag
Diriwang ito.
Araw araw kong iniimagine kung ano ang mangyayari sa araw na iyon dahil nga
Sa wala pa akong karanasan na icelebrate ang ganoong okasyon. Marami akong napag
Tanungan na eksperto sa mga ganitong klaseng okasyon.. At masasabi kong handa
Na ako..
13. Dumating na nga ang araw na pinaka hihintay ko ang araw ng mga puso.
Feb.14,2011.
Npag desisyonan aming dalawa na magsama ng mga kaibigan tatlo ang isinama
Namin noon dalawang babae at isang lalaki. Ginawa namin iyon dahil ayaw naming
Mahuli kaming dalawa.. Kung marami kami apat,lima ay madali lang para makaisip
Ng palusot na tinatawag. Una muna ay binilhan ko sya ng tatlong pulang pekeng rosas
na gawa sa fiber at di kumukupas.. Iyon ay nangangahulugan na matatag at hindi
Madaling masira ang pagmamahal ko sakanya at iyon ay ibinigay ko sakanya nang nasa
Silid aralan pa kami… At nang kinahapunan na at patungo na kami saaming date ay
Ibinili ko muna sya ng tatlong puting tunay na rosas na nangangahulugang, tunay
Ang pagmamahal ko sakanya..
Pinakain ko sila sa Max’s Restaurant sa Circle.. Noong una ay ayaw pa nya dahil daw sa
Mahal ang pagkain doon..Ngunit sabi ko sakanya ay mas mahal pa sa pagkain doon
Ang pagmamahal ko sakanya kungkayat wala syang dapat na ipangamba dahil gusto
Kong maging special ang araw na iyon para saamin..
Pagkatapos ay dinala ko sila sa isang water resort sa Circle na may mga ibat ibang
Klaseng bangka.. At isinakay ko sila sa pang limahang bangka.. Na talaga namang
Napaka saya.. Pagkatapos ay tumungo naman kami ulit sa isang kainan at kumain kami.
14. Inabot kami ng halos lima o anim na oras sa pamamasyal at di nag tagal ay nagyaya
Na ang aking kasintahan na umuwi na at baka ay may makakita pa raw sakanya
Dahil iba ang kanyang pinag paalam.. Kahit na alam kong maling gawain iyon at
Naging instrumento pa ako na maka gawa siya ng kasalan ay hindi ko na iyon
Inintindi, sahalip ay minatamis ko nalang ang sandali na makasama siya.
Magaalas sais na ng makauwi kami ng bahay … at tuwang tuwa talaga ako ng
Gabi ng araw na iyon dahil sa iyon lamang ang umuugong sa isip ko..
Aming pagaaral. Matagal kaminghindi magkikita at alam kong puso’t isip ko na
Mamimiss ko siya… Araw araw ng araw ng bakasyon ay hindi siya mawala sa isip ko
Kahit na ganun paman ay masaya parin ako dahil nakakausap ko siya sa telepono
O di kaya’y katext ko siya sa cellphone.
Ngunit dumating ang araw na inihinto na ng aking ama ang pag babayad ng
Telepono at tinuluyang pinutulan ang aming komunikasyon ng aking pinaka mamahal.
Dahilan nila’y ay ang lagi kong pag tetelebabad.. Nang dahil doon ay lumamig ang
Aming pagmamahalan.. Totoo nga talagang mahirap magkaroon ng Long Distance
Relationship..
15. Umating ang araw ng muling pasukan.. At talagang excited na ako
Hindi lng dahil sa pag aaral kundi pati narin muling makita at makausap ang aking
Pinakamamahal..
Nabuhayan ako ng loob ng makita kong sya’y papaakyat na patungo sa
Aking silid aralan.
Nang magkatapat na kami ay napangiti lang ako at hindi ko mapigilan na
Kiligin.. Kung pwede ko lang sana siyang yakapin ay ginawa ko na..
Hindi ko inaasahan ang lumabas sa kanyang mga labi.. Nang bigla nyang
Sambitin na “Sorry Alvin pero kinakabahan talaga ako eh.. Kaunti nalang at makakahalata
Na ang aking mga magulang tungkol saatin.. At alam mo naman diba kung anong
Posibleng mangyari sakin?. Pasensya ka na talaga alvin inaasahan kong naiintindihan mo ko
Paalam na” wala akong naisagot sakanya maliban sa aking pagtango ng aking ulo.
Lubos talaga akong nasaktan sa nangyari saaaming dalawa.. Ang inaakala kong tunay
Na pag ibig ay biglang naglaho. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga sandaling iyon
Nasabi ko nalang sa sarili ko na “ganito pala ang pakiramdam ng mga sawi sa
Pagibig..
Umaan ang maraming buwan na hindi parin sya nawala sa puso’t isip ko.
16. ISINULAT KO ITONG NOBELANG ITO,hindi dahil sa tinatamad ako kundi UPANG
MAGBIGAY NARIN ARAL SAINYONG LAHAT..