Napapaloob dito ang mga istratehiya o pamamaraan na pwedeng gamitin sa pagturo ng Araling Panlipunan. Kalakip din dito ang mga punto na kailangang pagnilay-nilayan ng mga mag-aaral upang mas mapaganda pa ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo.
1. Mga Istratehiya sa Araling Panlipunan:
Ang Paggamit ng mga Kanta,
Arkiterktura,
Literatura at Obrang Pilipino sa
Pagtuturo
Pananaliksik at Aplikasyon
Leksyon sa Baitang 7-10
2. RESEARCH
(Pagsasaliksik)
Istratehiya: Pananaliksik at Pag-uugnay ng mga
Kanta, Arkitektura, Literatura at Obrang Pilipino
upang mapalalim ang mga leksyon sa Araling
Panlipunan
Baitang 10- “Kanta “at “Mga Kontemporaryong Isyu”
Baitang 9-”Arkitektura” at “Ekonomiks”
Baitang 8-”Literatura” at “Kasaysayan ng Daidig”
Baitang 7- “Obra” at “Araling Asyano”
3. Paggamit ng Kanta upang
mapalalim ang Pag-unawa sa mga
Kontemporaryong Isyu:
1. Pagkasira ng Kapaligiran
2. Pagkahumaling sa kulturang banyaga at ang
pagkawala ng sariling pagkakakilanlan
3. Kahirapan at kawalan ng edukasyon
4. Kahirapan at pagkalulon sa masasamang
gawain ng kabataan (juvenile delinquency)
5. Kahirapan at ang pangingibang bansa
4. Mga kinakailangang gawin:
• Magsaliksik ng kanta na angkop sa iyong
isyu.
• Alamin kung sino ang sumulat,
konteksyo nito at ang iba pang mga
importanteng detalye ukol sa kanta,
• I-download ang napiling kanta at
ipatugtog ito sa klase habang sabay-
sabay ninyo itong kantahin. Bigyan ng
kopya ng liriko ang mga mag-aaral.
• Ipaliwanag ang kaugnayan ng kanta sa
inyong isyu. Palalimin ang kaunawaan ng
mag-aaral gamit ang kanta.
5. Baitang 9-”Arkitektura” at
“Ekonomiks”
• Irish: “Konsepto ng kakapusan at kaugnayan nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay”
• Arvin: “Iba’t ibang istraktura ng pamilihan”
• Mark: “Paraan at patakaran ng Bangko Sentral ng
Pilipinas”
• Kristian: “Bahaging ginagampanan ng sektor ng
industriya”
• Aizen: “Ang kalakarang sa kalakalang Panlabas ng
Pilipinas”
6. Mga kinakailangang gawin:
• Magsaliksik ng mga
arkiterktura/pisikal na istraktura sa
ating kapaligiran na angkop sa iyong
isyu.
• Alamin kung sino ang gumawa nito,
kelan ito ginawa, at ang iba pang
mga importanteng detalye ukol sa
kanta,
• I-download ang napiling larawan at
ipakita ito sa klase. Maari ring ikaw
ang kumuha ng litrato gamit ang
iyong kamera.
• Ipaliwanag ang kaugnayan ng
arkitekturang ito sa inyong leksyon.
Palalimin ang kaunawaan ng mag-
aaral gamit ang larawang ito.
7. Baitang 8-”Literatura” at “Kasaysayan
ng Daidig”
• Irish: “Ang Pag-usbong at Kontribusyon ng Bourgeoisie”
• Arvin: “Ang Pag-usbong at Kontribusyon ng Renaissance”
• Mark: “Ang Pag-usbong at Kontribusyon ng Simbahang
Katoliko”
• Kristian: “Ang Pag-usbong at Epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko at Industriya”
• Aizen: “Ang Pag-usbong at Epekto ng Kolonisasyon”
8. Mga kinakailangang gawin:
• Magsaliksik ng mga litaraturang Pilipino (tula, maikling
kwento, pabula, etc.) na makakatulong sa pagtuturo sa
inyong leksyon.
• Alamin kung sino ang sumulat nito, kelan ito isinulat at
bakit, at ang iba pang mga importanteng detalye ukol
sa sulat na ito.
• Kumuha ng kopya ng napiling literatura at bigyan ang
iyong mga kaklase tatlong araw bago mo ito ituturo
upang mabasa na nila ito at makapaghanda.
• Ipaliwanag ang kaugnayan ng literaturang ito sa inyong
leksyon. Palalimin ang kaunawaan ng mag-aaral gamit
ang materyal na napili mo.
9. Baitang 7- “Obra” at “Araling Asyano”
• Irish: “Kolonyalismo sa Pilipinas”
• Arvin: “Imperyalismo sa Pilipinas”
• Mark: “Nasyonalismo at Paglaya ng Pilipinas”
• Kristian: “Epekto ng Digmaang Pandaidig sa
Pilipinas”
• Aizen: “Relihiyon sa Pilipinas”
10. Mga kinakailangang gawin:
• Magsaliksik ng mga obrang Pilipino na angkop sa
iyong leksyon.
• Alamin kung sino ang gumawa nito, kelan ito
ginawa at bakit, at ang iba pang mga
importanteng detalye ukol sa materyal na ito.
• I-download ang napiling obra at ipakita ito sa
klase.
• Ipaliwanag ang kaugnayan ng obrang ito sa
inyong leksyon. Palalimin ang kaunawaan ng mag-
aaral gamit ang larawang ito.
11. Reflection Paper
(Pinagnilay-nilayan na Sanaysay)
1. Ano ang mga katangiang kinakailangan ng guro upang
maging epektibo sa paggamit ng istratehiyang ito? Sa
tingin mo ba tinataglay mo ang mga katangiang ito?
Ipaliwanag ng maigi.
2. Ano naman ang mga katangiang kinakailangan na
nasa mga mag-aaral upang maging epektibo ang
pamamaraang ito? Sa tingin mo ba mahirap o madali
lang nila itong taglayin? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Sa kabuuan, sa tingin mo ba, epektibo ang
pamamaraang ito upang matuto ang mga estudyante
sa iyong leksyon? Suportahan ang iyong sagot.
12. Format:
Gumamit ng recycled short bond paper
Times New Roman
12 Font Size
Single-spaced
Isang talata sa bawat numero, huwag ng isulat
pa ang numero
Lagyan ng pamagat o “title” ang iyong reflection
paper