SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  34
Ang Beterano
 ni Lazaro Francisco
Tauhan:
•Bertha Carvel-isang manunulat na may matunong na
  pangalan.
             -tinitingala siyang may pangimbulo at
  paghanga ng kanyang kapanahon.
•John Carvel-nuno ng mga Carvel.
             -lumunsad at nag bukas ng Bagong Daigdig sa
  mga unang taong lulan.
•Heneral Carvel-nagtaas at nagwasiwas ng bandila ng
  kalayaan ng bumangon ang Estados Unidos laban sa
  Inglatera.
             -Ama ni Tenyente Philip Hall.
•Coronel Carvel-isa sa mga napabantog sa sagupaan sa
  Gettysburg sa hanay ng mga taga-hilaga sa “Guerra civil”
  noong 1861.
Tauhan:
•Joseph Coronel-Ama ni Bertha Carvel at
  heneralng brigada ng pangkat ng
  kabayuhan ng hukbo ng Estados
  Unidos.
            -isa sa naghain ng buhay sa
  ikapagwawagi ng dakilang simulain ng
  pagkapantay-pantay.
•Arcadio Politan-binatang Pilipino na
  nandayuhan sa Estados Unidos upang
  mag aral at makipagsapalaran.
I.
    Nagtapos ng isang mataas na karera sa
Unibersidad ng Illinois, makalawang pagmuntik-
muntikanang maging “Miss America”; nagtamo ng
gantimpalang “Nobel” na nasundan pa ng
“Pulitizer” dahil sa isang marikit na kathambuhay
na nang isadula’y lalo pang umani ng kabantugan;
at nag mana ng isang malaking kayamanan sa
kanyang nasirang ama, subalit kung si Bertha
Carvel ay may ipinagmamalaking katangian sa
buhay, ay walang iba kundi ang maluwalhating
kasaysayan ng kanyang angkan.
Bukod sa mga katangian ni Bertha Carvel
isa rin syang manunulat na may matunog na
pangalan. Tinintingala siyang may
pangimbulo at paghanga ng kanyang mga
kapanahon. Ano pa nga’t sukat na makitang
nakabuntot ang pangalang “Bertha Carvel”
sa pamagat ng ano mang akda upang
ipagliban ng isang mambabasa ang ano
mang mahalagang gawain, maging yaon man
ay ang pag aagahan o ang paghihilamos.
     Ang damdamin ni Bertha Carvel sa mga
kaluwalhating natamo nya ay may isang
sugat na habang nalalao ay lalong
nababalantugi.
Ito ay ang alaala ng isang mapait na
paglagpak na tinamo niya, nag aaral pa,
sa isang pagtatalong hayag na
pinagharapan ng koponan ng
Unibersidad ng Illinois at ng koponang
ng Unibersidad ngMichigan at
sinalungat ng taga Illinois, ay: “ Dapat
palayain ang Pilipinas. “ ang koponan
ng Illinois ay pinamumunuan ni Bertha
Carvel at sa Michigan ay ni Arcadio
Polintan.Tuluyan nang naglaho si
Politan sa Estados Unidos na pinag
anihan nya ng di mabilang na tagumpay.
Gayon man, tandang tanda pa ng
dalaga, pagkat naninikit halos sa
kaniyang gunita ang larawan ng
naturang binata.
   Subalit kay Bertha Carvel na ang
dagundong ng palakpak sa papuri ng
kanyang mga taga hanga ay tinutugon
lamang ni Politan ng ngiwi ng mga
labi at ng kibit ng mga balikat.
II.
    Makasandali’y isang ginoo ang sumungaw sa
pintuan ng aklatan, yumukod at magalang na
bumati kay Bb. Carvel ng maligayang hapon.
Pinatuloy at pinaupo ni Bb. Carvel si ginoong
Robertson. Silnulyapan ng ginoo ang panulat sa
kamay ng dalaga bago naupo sa inihimatong na
likmuan.
    ”Naparito ako sa ngalan ng aming
kapunlungan sa Wall Street.”
Napataas ang ulo ni Bertha Carvel at kinabadhaan
ng malaking pananabik. Hinanadungan ni
Robertson si Bertha ng anim napunglibo ng dolyar
upang sumulat ng isang aklat laban sa kagyat na
pagsasarili ng Pilipinas,
    “ Muntik ng matawa si Bertha”.
“Panauhin ko kangina-nginangina lamang,’’
ang madalang na saad ng dalaga, “ang kinatawan
ng kapunlungang mangangalakal sa Londres at
nag alok sa akin ng dalawang libong libras
esterlines upang sumulat ng isang aklat sa kilusan
sa indiya na pinamamatnugan ni Gandhi.”
    Akala ni Robertson nagpapataas ng tawad ang
dalaga kaya napabulong sa sarili, Aniya :”
Sinupligan din ng isang mangangalakal ang lipi ng
mga bayani at mandirgmang Carvel!’’
    “Kung inaakala ninyong alangan sa sukat
maging kapagalan ang halagang akin ng
tinuruan”, ang tugon ni Robertson na di
nagpahalata ng pagkabalino, “ay natatalaga kming
magdagdag!”
“Kung itinanong muna ninyo lung ano ang
itinugon ko sa taga-Londres, hindi na sana kayo
nag pakasubo.”
    “Ano naman ang iyong tugon?” nag paunlak na
tanong ni Robertson.
    “Sinabi kong ang panahon ko ngayon ay sa
sarili na aklat na aking sinusulat.”
    “Ang ibig ba ninyong sabihi’y pagkatapos ng
aklat na iyan ay saka pa lamang mapaunlakan an
gaming pithaya?”
    “Isusunod ko rito ang sa taga-Londres; anang
dalaga na minasdan ang mikha na panauhin.’’
Ngumiti si Robertson.
    “Ngunit, ngayon, hogit mag pakainlan man ,
lalaong mapanahon ang aklat na aming hinihingi!”
ang pasulabali ng Ginoo.
“Bulagsak kayong lubha! Ang pakling biro ng
dalaga,
     “Bulagsak? A! kaipalay iba ang maging manunulat
kaysa maging mamumuhunan”
     “Kaipala nga ngunit bakit hindi muna ninyo
itinanong kung ano ang aklat na aking sinusulat?”
     “Ba!at sino ang nagsabi sakin na di kayo
mamumuhi kung ginawa ko ang ganyang
paghihimasok?”
     “Tanggapin natin,” anang binibini. “Ngunit
animnaoung libong dolyar nab a naman kaya ang sukat
maging mahalaga ng aking pagkamuhi?”
Napahalakahak si Robertson.
     “Sa ganang akin,” anang ginoo na tila inalihan ng
pagbibinata sa kagandahan ng kaharap ng dilag,” ang
pagkamuhi ninyo ay di mapapantayan ng pilak.”
     “Hmmm!” mahinang ungol ng dalaga at ngumiti.
Humingi ng paumanhin ang dalaga dahil sya’y
nagbibiro lamang at nangangalahati na ang gaya ng
aklat na hinihingi ni Ginoong Robertson.
“Diyata? Ang pagkilas ni Robertson.” “Ano ang pamagat
ng aklat?”
“Ang kutsilyo sa kamay ng bata. Patutunayan ko kung
paano ang kalayaan sa kamay ng mga Pilipino ay
makakahalimbawaa lamang ng kutsilyo sa kamay ng
isang paslit na bata na maaring igilit sa sariling
lalamunan.
“Magling!” ani Robertson sabay palakpak ng kamay.
“Nabasa ba ninyo ang “The Philippines, A Treasure and
a Problem” at ang “The Isle of Terror?”
“Nabasa ko na. May mga sipi ako sa aking aklatan.”
“Hindi ba ninyong tinangkang magsadya sa Pilipinas
upang lumikom ng mga tala at ulat na makapagbibigay
ng lalong kislap s mga pagkukurong lalamanin ng
inyong aklat?”
“Nagpahatid na ako ng kablegrama sa
 aking pinsan, ky Tenyente Philip Hall, upang
 ipag laan ako ng isang silid sa pina
 kamabuting otel sa Maynila.”
 “Tutulak bukas ang President Jackson na
 siya kong lululanan.”
 “Ibigay ko sa inyo ang sandaang libong aming
 inaalok,” ani Robertson at lumabas ng tseke
 na may lagda ngunit wala pang sulat na
 halaga.
Malugod na tumindig at nag paalam si Ginoong
 Robertson at hinatid ang dalaga sa beranda.
Umalis si Ginoong Robertson na buong higpit
 na kinamayan ang dalaga at nag pasalamat.
III.
    Magikakasampu ng umaga ng ika-17
ng Disyembre, lulan ng President
Jackson buhat sa Estadod Unidos nang
lumunsad sa dalampasigan ng Maynila
ang magandang si Bertha Carvel.
    Ang pagdating ni Bertha Carvel sa
Pilipinas ay nag angkin ng di mabilang
na mga katangian, bago pa lamang
bumagtas ang President Jackson sa
dagat ng Tsina kaya nga gayon na
lamang ang pagkamanghang dalagang
manunulat.
Ang paglunsad ni Bertha Carvel sa
Pier-7 ay nabatid pala sya ng ipinag
ukulan ng isang marangal na
pasalubong na binuo ng maraming
tanyag na kababaihan, mga litaw na
ginoo, mga mambabatas , mga
mamamahayag, sa katawang may laman
at butong isang bantog na manunulat na
pinag muntik-muntikang maging Miss
America na nagtamo ng mga
gantimpalang”Nobel Pilutizer sa angkan
ng lipi ng mga bayani, sa milyonar ya, at
kung anu-ano pang kabunyiang
ipinamalita ng mga pahayagan.
Pagkatapos mag kunwating magpasalamat sa
malugod na bati ng nagsisalubong at tumugon
sa di matapos tapos na pagtatanong ng
mauurirang mamamahayag, si Bertha
Carvel, kasama ng pinsang si Tenyente Philip
Hall na sa kanya’y sumasalubong ay nagtuloy sa
isang magarang silid ng Maynila Hotel.
Tumawa si Bertha Carvel samantalang inilapag
ang kipkip n a kalupi sa ibabaw ng isang hapag
sa loob ng silid ng otel.
“Mga tala at ulat na kailangan upang tapusin
ang aklat na aking mga sinusulat” paliwanag ni
Bertha.
“Ano ang tinutukoy ng aklat mong iyon?”
“Patutunayan kong isang malaking kasalanan
ang pagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas,”
Si Philip Hall ay napakagat labi,
  pinamutlaan ng mukha , at matagal na
  napayuko.
  “Marahil ay may iba kang palagay sa
  suliraning iyan.” Puna ng dalaga.
Hindi napansin ng binata ang huling kataga ng
  dalaga. Madami syang tanong sa dalaga.
  “Nakakuha ka ba ng pahintulot sa
  pamamahinga? Ang tanong ni Bertha sa
  binata sa isang tinig na malamig at tuyot.
  “Oo, gaya ng tagubilin mo ay dalawang
  buwan ang aking hinihingi!”
  “Maisasanli mo na” anang dalaga. Hindi na
  kailangan! Makakalakad na ako nang nag
  iisa sa balak kong pagliliwaliw.”
Nabigla ang binata. Hindi nya alam kung ano
 ang sanhi ng mga ito.
Namula ka, Bertha! Ikinamumuhi mo ban a
 matapos kong manahin ang dugo at laman
 ng mga bayani at magigiting nating ninuno
 ay minana ko rin pati ang kagitingan ng
 kanilang damdamin.
 Ano ang ibig mong sabihin, Philip?”
 sasamahan kita saan ka man paroroon.
 Tungkulin ko iyan sa iyo habang naririto ka
 sa Pilipinas.”
 “Tungkulin? Ako ang nagbibigay sa iyo ng
 tungkuling iyan at ako rin ang
 makakapagalis. Inalis ko ngayon din.
IV
      Hindi si Bertha Carvel sa pagpupumilit ni Philip
na ito ay ipagsama sa gagawing paglalakabay sa iba’t-
ibang dako ng kapuluan.
Linggo kinahapunan, ang dalawa ay makikitang
sumasagap ng malayang hangin sa Luneta. Sa Glorieta
ay nagpaparinig ng magagandang tugtugin ang banda
ng konstabalarya.
     Iba’t-ibang bagay ang pinag uusapan ng dalawa.
Hinay-hinay sa paglalakad. Nagibayo man din ang
karigalan ni Bertha sa kanyang kasuotang kulay
krema. Si Tenyente Philip Hall naman ay parang
manikin sa kanyang “de gala”.
     Naupo at nagpahinga sila s paanan ni Ga’t Jose
Rizal na di gaanong malayo sa kanila.
Ilang sandali’y may nagdaan sa kanilang tabi
na isang lalaking nakterno ng itim at
nababalabalan ng gaban at tila isinaklay lamang
sa mga balikat ang lalaki ay tumigil malapit sa
kanila ay sinukat-sukat at pinaliguan ng tingin ni
Bertha Carvel bagamat hindi man lng nasino ni
Tenyente Philip Hall.
     Maksandali’y inhudyat ng banda ang tugtuging
pambansa ng Estados Unidos. Si Bertha Carvel at
pinsang si Tenyete ay panabay na tumindig.
Tumigil sila sa paglalakad. Nagsipugay ang madla.
Napuna si Bertha Carvel na ang nakagaban ay
nanatili lamang sa pagkakat ayo ngunit hindi nag
alis ng sombrero. Natiyak niyang dagli na ang
lalaking yaon ay Pilipino.
Napahihintulot ba ninyong huwag igalang
dito ang ating tugtuging pambansa? Ang tanong
ng dalaga sa kanyang pinsan sa isang tinig na
may panunumbat.
    “Huwag igalang? Ang pamanghang tanong ni
Tenyente.
    “Bakit mo naitanong, Bertha?”
    “Tingnan mo! Anang dalaga na ininguso ang
lalaking nakagaban.
    Napakagat labi si Tenyente. Dalawang bagay
lang ang sa kanyang isip, ang pagkakaroon ng
puwang ng dalaga na isurot sa kanyang mga
mata ang kapintasan ng isang Pilipino at ang tila
pagpapawalang-halaga ng sa makasaysayang
tugtuging yaon sa harap pa naman ng isang
matuturang pinuno ng Hukbong-Dagat ng
Estados Unidos.
Gayon man isang taong mahinahon at
marangal, kaya nga sa halip na magpamalas ng
pagkabigla, si Tenyente Philip Hall ay pumunta sa
likuran at dahan-dahang inalis ang sombrero nito.
     Ang nakagaban na tila nabigla ay kagyat na
pumihit at hinarap ang Tenyente. Inunahan sya
ng tanong ni Philip.
     “Maipapaliwanag ba ninyo, ginoo, kung bakit
hindi ninyo ipinugay ang inyong sombrero
samantalang tinutugtog ang “Himno Nacional” ng
Estados Unidos.
     Ngumiti ang lalaki at sa halip na sumagot ay
iginalaw ang mga balikat sa tangka man ding
ilaglag ang suot na gaban..
Nalaglag ang gaban at sa paningin ng
mag pinsan ay nalantad ang mga medalya at
kruses na iyon, san g naturang lalaki ay
napuna nila ang isang mahabang pilat na
likha mandin ng mga taga ng sable.
     Napuna rin ng mag pinsan na ang
magkabilang manggas ng kanyang
amerikana ay pipis at walang laman na
nagpapakilalang putol ang dalawa nyang
bisig.
    Napatitig si Bertha Carvel at namangha
sa kanilang kaharap.
    “Maari bang sabihin ninyo sa amin kung
sino kayo?”Ang magalang tanong ni Philip.
“Ako si Arcadio Politan na mapagutusan ninyo sa
lahat ng sandali” ang tugon ng lalaki sa buhay na
tinig.
     “Naglingkod baga kayo sa digmaan sa Europa?”
ang pamuling tanong ni Tenyente.
     “Doon nawala ang dalawa kong bisig na
inilalaan ko sana sa paglilingkod sa aking bayan.”
     Ang mapaglayang bandila ng Estados Unidos
ang taga pagsanggalang ng pagkakapantay-pantay
at ng kalayaan ng mga bansang api at maliliit.
     Huminga ng malalim si Philip Hall. Si Bertha
Carvel ay yumukong tila sinakal ng malulungkot
na gunamgunam.
     Nagging pinuno sa paglilingkod si Heneral
Carvel na syang nagturo sa akin ng lalong dalisay
at wagas na pagpapakasakit sa ka pakanan ng
Namatay si Heneral Carvel nang
malaglag sila sa kabayo. Sinubukan ni
Philip Hall na sagipin si Heneral Carvel
nang magpasubo sila sa isang kakilabot
labot na sagupaan. Ang magkabilang
pamakpak ng kanilang hanay ay
nagsimula nang magtaklop. Mga
sampung legwas pa ang layo kampo ng
pransiya. Natatanaw naming ang mg a
humaharurot na mga eroplano at ang
walang katapusang mga sumasagupang
kabayuhang mga kaaway. Yumanig ang
lupa sa dagundong ng kanyon at ng
sala-salabat na putok ng mga
almetrayadora.
Nagpilas ang Heneral at sumigaw ng
malakas na parang nag uutos. Aniya :
“Politan! Bitawan mo ako, kunin mo
at itaas ang bandilang tinubos ng dugo
at buhay ng aking mga magulang!
Ngayon din!” hindi ko alam kung ano
ang aking gagawin, ang kanyang utos ay
matigas na at makapangyarihan.
Nagulat ako ng may pumutok na bomba
sa aking likuran. Nabitawan ko sya at
ako’y nabulagata! Hindi ko nalaman pa
kung anong nangyari. Nang matauhan
ako, ay nasa loob na ako ng isang
pagamutan at putol na ang dalawa kong
bisig.”
Hinahabol ang paghinga ni Politan kaya
sya’y tumigil sa pagsasalita. Namumula ang
kanyang mga mata. Pagkuwa’y inihit siya at
sinasal ng matinding ubo na nagpayanig sa
buo niyang katawan.
    Tinawag ni Philip ang kanyang pinsan na
si Bertha. Subalit si Bertha ay nakayuko at
sa mga mata’y bumabalong ang masaganang
luha.
    Hayan ang lalaking kanyang hinahanap.
Hayan ang lalaking gusto nyang ibagsak.
Bagsak na, api, duhagi at salanta, at ang
lahat ay dahil sa buhay ng kanyang ama, sa
ikaluluwalhati at sa ikaliligaya ng buong
daigdig.
V
    Sa paggalang mandin sa mapapangalaw na
gunitang namumugod noon sa diwa ni Bertha
Carvel, si Philip Hall ay humalukip-lukip at
malungkot ding yumuko.
    Nanumbalik na ang dating kapayapaan sa
mukha ni Politan.
    “Nabubuhay na lamang ako sa paggunita sa
maluwalhating alaala ng mga dakilang
pagpapakasakit na pinagsamahan naming ng
aking marangal na pinuno.”
    “Bugtong na anak siya ni Heneral na inying
itinatanggi! Anang Tenyente na tinukoy si Bertha.
“Diyata?” ang pagilalas ni Politan na napatitig
sa dalaga. Mapalad ang aking bayan! Alin mang
yapakan ng isang Carvel ay isang bayang
makapaghihintay pa ng katubusan.”
    “Hindi nab a ninyo nagunita ang isang Bertha
Carvel na nagging katunggali ninyo sa labanan ng
Michigan at Illinois noong tayo’y nagsisipag aral
pa? ako ang kahabag-habag na Bertha Carvel
yaon.”
    “Kayo? Kayo? Ang may pagkamanghang ni
Politan.
    “Salamat kuno, nalimot na ninyo ako” ang
malungkot na pakli ng binibini.
“Ibig ko na ngang malimot na ninyo ako”
anang dalaga, upang mapawi na rin ang
aking mapapait na tuligsa sa paksang
kinapapalamnan ng mga mithiing buong
katalinuhan ninyong ipinagsanggalang at
ipinagtagumpay sa tunggaliang yaon.
    “Hindi tayo nagtalo noon dahil sa diwa ng
paksa. Nagtuggali lamang tayo sa
ikaluluwalhati ng sining. Mananatili kayo sa
aking gunita sa alaala ng isang liping bayani
at magiting, sa alaala ng mapaglayang
bandila ng Estados Unidos na kinasasalayan
ng pag asa ng aking bayan, at sa alaala ng
inyong ama, ng bayaning si Heneral Carvel
na karapat dapat na pintoho at paggalang ng
sangkatauhan.”
“Ibibigay ko ang buo ko ang buo
kong buhay, anang binibini sa
ikapagiging dapat ko sa mga dakilang
ninyong pagtuturing.”
   Malugod na isinuot sa ulo ni
Politan ang inalis na sombrero.
   Si Bertha Carvel ay maliksing
yuko. Mairog na pinalisan ng dumi
ngkanyang mabango at maputing
panyo at saka isinampay sa balikat ng
Arcadio na sa mga mata’y nangingilid
ang luha.
VI
    Isang lingo ang nakalipas, lulan ng
Empress of Canada, si Bertha Carvel ay
nagbalis na sa Estados Unidos, isang
malaking bungkos ng papel na puno ng
sulat-kamay ang inihagis ng dalaga sa
karagatan, bago na kubli sa paningin ang
mga huling banaag ng sangkapuluan.
   Pagkalipas ng isang araw, sa loob ng
kanyang kamarote, si Bertha Carvel ay
nagsimula na namang sumulat ngunit hindi
na sa paksang “Ang Kutsilyo sa Kamay ng
Bata” kundi sa paksang “Nasa Pagtupad ang
kadakilaan ng Pangako.”
Di sasaalang sa pagsulat sa bagong
paksang ito, ang tanging patnubay ni
Bertha Carvel ay ang malungkot na
alaala ng isang salantang beterano na
natagpuan nila sa Luneta. Hindi
mamakalaing naibulong nya sa kanyang
sarili ang mga katagang buntong-
hininga na” Ang isang bayang nagkaroon
ng mga anak na natutong maghainng
buhay sa pagkadakila ng ibang bandila
at sa kaluwalti ng sangkatauhan ay
baying karapat-dapat sa kagyat, lubos at
ganap na paglaya.”
Wakas!

Contenu connexe

Tendances

Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanRodel Moreno
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoMae Garcia
 
A Collection of Poems of Dr. Jose Rizal
A Collection of Poems of Dr. Jose RizalA Collection of Poems of Dr. Jose Rizal
A Collection of Poems of Dr. Jose RizalRea Reyes
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksikAllan Ortiz
 
Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes
Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. ReyesPagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes
Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. ReyesOnah P
 
UPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. SantosUPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. Santoskiichigoness
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalCedrick Abadines
 
Mga pangyayari sa pilipinas
Mga pangyayari sa pilipinasMga pangyayari sa pilipinas
Mga pangyayari sa pilipinasdarreeeeen
 
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptxlesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptxMarife Culaba
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonMara Maiel Llorin
 
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayMabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayHanna Elise
 
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikDisenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikHanna Elise
 
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKANANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKANMARYJEANBONGCATO
 

Tendances (20)

Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuan
 
Pagsulat
PagsulatPagsulat
Pagsulat
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Mars
MarsMars
Mars
 
Malikhaing pagsulat
Malikhaing pagsulatMalikhaing pagsulat
Malikhaing pagsulat
 
Buhay ni rizal
Buhay ni rizalBuhay ni rizal
Buhay ni rizal
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
A Collection of Poems of Dr. Jose Rizal
A Collection of Poems of Dr. Jose RizalA Collection of Poems of Dr. Jose Rizal
A Collection of Poems of Dr. Jose Rizal
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksik
 
Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes
Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. ReyesPagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes
Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes
 
UPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. SantosUPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. Santos
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
 
Ang pagbasa
Ang  pagbasaAng  pagbasa
Ang pagbasa
 
Mga pangyayari sa pilipinas
Mga pangyayari sa pilipinasMga pangyayari sa pilipinas
Mga pangyayari sa pilipinas
 
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptxlesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
lesson 6 Cohesive-Devices FINAL.pptx
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyon
 
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayMabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
 
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikDisenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
 
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKANANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
 
Ang Pagsulat
Ang PagsulatAng Pagsulat
Ang Pagsulat
 

En vedette

leadership and management ; Philosophy of Education
leadership and management ; Philosophy of Educationleadership and management ; Philosophy of Education
leadership and management ; Philosophy of EducationSheryl Otanez
 
Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
Ang Kalupi ni Benjamin PascualAng Kalupi ni Benjamin Pascual
Ang Kalupi ni Benjamin PascualIszh Dela Cruz
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonSi Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonDonna Mae Tan
 
How my brother leon brought home a wife
How  my brother leon brought home a wifeHow  my brother leon brought home a wife
How my brother leon brought home a wifesicachi
 
Ang Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanAng Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanMckoi M
 
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawCool Kid
 
Atlantic Provinces Economic Council presentation
Atlantic Provinces Economic Council presentationAtlantic Provinces Economic Council presentation
Atlantic Provinces Economic Council presentationHalifax_Gateway
 
Inquiry for Juniors (uLearn 11)[1]
Inquiry for Juniors (uLearn 11)[1]Inquiry for Juniors (uLearn 11)[1]
Inquiry for Juniors (uLearn 11)[1]spiralz
 
Remote Location Printing With OM Plus i-Sat
Remote Location Printing With OM Plus i-SatRemote Location Printing With OM Plus i-Sat
Remote Location Printing With OM Plus i-SatPlus Technologies
 
تفسير جديد لسورة المرسلات ... د نبيل أكبر
تفسير جديد لسورة المرسلات ... د نبيل أكبرتفسير جديد لسورة المرسلات ... د نبيل أكبر
تفسير جديد لسورة المرسلات ... د نبيل أكبرNabil Akbar
 
Olivia lammers a day in the life
Olivia lammers a day in the lifeOlivia lammers a day in the life
Olivia lammers a day in the lifeolammersp1
 
Federal Reserve housing white paper
Federal Reserve housing white paperFederal Reserve housing white paper
Federal Reserve housing white paperBruce Judson
 

En vedette (19)

Teoryang Romantisismo
Teoryang RomantisismoTeoryang Romantisismo
Teoryang Romantisismo
 
leadership and management ; Philosophy of Education
leadership and management ; Philosophy of Educationleadership and management ; Philosophy of Education
leadership and management ; Philosophy of Education
 
Si maestrong bino
Si maestrong binoSi maestrong bino
Si maestrong bino
 
Pagbasa 2013 (1)
Pagbasa 2013 (1)Pagbasa 2013 (1)
Pagbasa 2013 (1)
 
Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
Ang Kalupi ni Benjamin PascualAng Kalupi ni Benjamin Pascual
Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
 
Sa bagong paraiso
Sa bagong paraisoSa bagong paraiso
Sa bagong paraiso
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonSi Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
 
How my brother leon brought home a wife
How  my brother leon brought home a wifeHow  my brother leon brought home a wife
How my brother leon brought home a wife
 
Ang Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanAng Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng Panitikan
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
 
Atlantic Provinces Economic Council presentation
Atlantic Provinces Economic Council presentationAtlantic Provinces Economic Council presentation
Atlantic Provinces Economic Council presentation
 
History
HistoryHistory
History
 
Inquiry for Juniors (uLearn 11)[1]
Inquiry for Juniors (uLearn 11)[1]Inquiry for Juniors (uLearn 11)[1]
Inquiry for Juniors (uLearn 11)[1]
 
Remote Location Printing With OM Plus i-Sat
Remote Location Printing With OM Plus i-SatRemote Location Printing With OM Plus i-Sat
Remote Location Printing With OM Plus i-Sat
 
تفسير جديد لسورة المرسلات ... د نبيل أكبر
تفسير جديد لسورة المرسلات ... د نبيل أكبرتفسير جديد لسورة المرسلات ... د نبيل أكبر
تفسير جديد لسورة المرسلات ... د نبيل أكبر
 
Olivia lammers a day in the life
Olivia lammers a day in the lifeOlivia lammers a day in the life
Olivia lammers a day in the life
 
Federal Reserve housing white paper
Federal Reserve housing white paperFederal Reserve housing white paper
Federal Reserve housing white paper
 

Similaire à Ang beterano

Kaligirang pangkasaysayan-1
Kaligirang pangkasaysayan-1Kaligirang pangkasaysayan-1
Kaligirang pangkasaysayan-1JaysonCOrtiz
 
Kasaysayan ng Noli Me Tangere.pptx
Kasaysayan ng Noli Me Tangere.pptxKasaysayan ng Noli Me Tangere.pptx
Kasaysayan ng Noli Me Tangere.pptxssusere8e14a
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Glenifer Tamio
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangerequartz4
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikanoisabel guape
 
BUHAY NI RIZAL BAGO SIYA PATAYIN SA BAGUMBAYAN
BUHAY NI RIZAL BAGO SIYA PATAYIN SA BAGUMBAYANBUHAY NI RIZAL BAGO SIYA PATAYIN SA BAGUMBAYAN
BUHAY NI RIZAL BAGO SIYA PATAYIN SA BAGUMBAYANjezzatambauan437
 
Filipino kasaysayan ng el fili
Filipino  kasaysayan ng el filiFilipino  kasaysayan ng el fili
Filipino kasaysayan ng el filiEemlliuq Agalalan
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoEemlliuq Agalalan
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
Ikalawang Paglalakbay ni Rizal.pdf
Ikalawang Paglalakbay ni Rizal.pdfIkalawang Paglalakbay ni Rizal.pdf
Ikalawang Paglalakbay ni Rizal.pdfMarionLacreMacalalad
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regiontagudjameslervyctecp
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Chin Chan
 

Similaire à Ang beterano (20)

Kaligirang pangkasaysayan-1
Kaligirang pangkasaysayan-1Kaligirang pangkasaysayan-1
Kaligirang pangkasaysayan-1
 
NOLI ME TANGERE pabalat.pptx
NOLI ME TANGERE pabalat.pptxNOLI ME TANGERE pabalat.pptx
NOLI ME TANGERE pabalat.pptx
 
Kasaysayan ng Noli Me Tangere.pptx
Kasaysayan ng Noli Me Tangere.pptxKasaysayan ng Noli Me Tangere.pptx
Kasaysayan ng Noli Me Tangere.pptx
 
NOLI ME TANGERE pabalat.pptx
NOLI ME TANGERE pabalat.pptxNOLI ME TANGERE pabalat.pptx
NOLI ME TANGERE pabalat.pptx
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
 
FIL 8- 4.1.pptx
FIL 8- 4.1.pptxFIL 8- 4.1.pptx
FIL 8- 4.1.pptx
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
BUHAY NI RIZAL BAGO SIYA PATAYIN SA BAGUMBAYAN
BUHAY NI RIZAL BAGO SIYA PATAYIN SA BAGUMBAYANBUHAY NI RIZAL BAGO SIYA PATAYIN SA BAGUMBAYAN
BUHAY NI RIZAL BAGO SIYA PATAYIN SA BAGUMBAYAN
 
Filipino kasaysayan ng el fili
Filipino  kasaysayan ng el filiFilipino  kasaysayan ng el fili
Filipino kasaysayan ng el fili
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Epiko ni cilo
Epiko ni ciloEpiko ni cilo
Epiko ni cilo
 
maam basay group 2.pptx
maam basay group 2.pptxmaam basay group 2.pptx
maam basay group 2.pptx
 
Ikalawang Paglalakbay ni Rizal.pdf
Ikalawang Paglalakbay ni Rizal.pdfIkalawang Paglalakbay ni Rizal.pdf
Ikalawang Paglalakbay ni Rizal.pdf
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
 
Ang manucript at ang aklat
Ang manucript at ang aklat Ang manucript at ang aklat
Ang manucript at ang aklat
 

Ang beterano

  • 1. Ang Beterano ni Lazaro Francisco
  • 2. Tauhan: •Bertha Carvel-isang manunulat na may matunong na pangalan. -tinitingala siyang may pangimbulo at paghanga ng kanyang kapanahon. •John Carvel-nuno ng mga Carvel. -lumunsad at nag bukas ng Bagong Daigdig sa mga unang taong lulan. •Heneral Carvel-nagtaas at nagwasiwas ng bandila ng kalayaan ng bumangon ang Estados Unidos laban sa Inglatera. -Ama ni Tenyente Philip Hall. •Coronel Carvel-isa sa mga napabantog sa sagupaan sa Gettysburg sa hanay ng mga taga-hilaga sa “Guerra civil” noong 1861.
  • 3. Tauhan: •Joseph Coronel-Ama ni Bertha Carvel at heneralng brigada ng pangkat ng kabayuhan ng hukbo ng Estados Unidos. -isa sa naghain ng buhay sa ikapagwawagi ng dakilang simulain ng pagkapantay-pantay. •Arcadio Politan-binatang Pilipino na nandayuhan sa Estados Unidos upang mag aral at makipagsapalaran.
  • 4. I. Nagtapos ng isang mataas na karera sa Unibersidad ng Illinois, makalawang pagmuntik- muntikanang maging “Miss America”; nagtamo ng gantimpalang “Nobel” na nasundan pa ng “Pulitizer” dahil sa isang marikit na kathambuhay na nang isadula’y lalo pang umani ng kabantugan; at nag mana ng isang malaking kayamanan sa kanyang nasirang ama, subalit kung si Bertha Carvel ay may ipinagmamalaking katangian sa buhay, ay walang iba kundi ang maluwalhating kasaysayan ng kanyang angkan.
  • 5. Bukod sa mga katangian ni Bertha Carvel isa rin syang manunulat na may matunog na pangalan. Tinintingala siyang may pangimbulo at paghanga ng kanyang mga kapanahon. Ano pa nga’t sukat na makitang nakabuntot ang pangalang “Bertha Carvel” sa pamagat ng ano mang akda upang ipagliban ng isang mambabasa ang ano mang mahalagang gawain, maging yaon man ay ang pag aagahan o ang paghihilamos. Ang damdamin ni Bertha Carvel sa mga kaluwalhating natamo nya ay may isang sugat na habang nalalao ay lalong nababalantugi.
  • 6. Ito ay ang alaala ng isang mapait na paglagpak na tinamo niya, nag aaral pa, sa isang pagtatalong hayag na pinagharapan ng koponan ng Unibersidad ng Illinois at ng koponang ng Unibersidad ngMichigan at sinalungat ng taga Illinois, ay: “ Dapat palayain ang Pilipinas. “ ang koponan ng Illinois ay pinamumunuan ni Bertha Carvel at sa Michigan ay ni Arcadio Polintan.Tuluyan nang naglaho si Politan sa Estados Unidos na pinag anihan nya ng di mabilang na tagumpay.
  • 7. Gayon man, tandang tanda pa ng dalaga, pagkat naninikit halos sa kaniyang gunita ang larawan ng naturang binata. Subalit kay Bertha Carvel na ang dagundong ng palakpak sa papuri ng kanyang mga taga hanga ay tinutugon lamang ni Politan ng ngiwi ng mga labi at ng kibit ng mga balikat.
  • 8. II. Makasandali’y isang ginoo ang sumungaw sa pintuan ng aklatan, yumukod at magalang na bumati kay Bb. Carvel ng maligayang hapon. Pinatuloy at pinaupo ni Bb. Carvel si ginoong Robertson. Silnulyapan ng ginoo ang panulat sa kamay ng dalaga bago naupo sa inihimatong na likmuan. ”Naparito ako sa ngalan ng aming kapunlungan sa Wall Street.” Napataas ang ulo ni Bertha Carvel at kinabadhaan ng malaking pananabik. Hinanadungan ni Robertson si Bertha ng anim napunglibo ng dolyar upang sumulat ng isang aklat laban sa kagyat na pagsasarili ng Pilipinas, “ Muntik ng matawa si Bertha”.
  • 9. “Panauhin ko kangina-nginangina lamang,’’ ang madalang na saad ng dalaga, “ang kinatawan ng kapunlungang mangangalakal sa Londres at nag alok sa akin ng dalawang libong libras esterlines upang sumulat ng isang aklat sa kilusan sa indiya na pinamamatnugan ni Gandhi.” Akala ni Robertson nagpapataas ng tawad ang dalaga kaya napabulong sa sarili, Aniya :” Sinupligan din ng isang mangangalakal ang lipi ng mga bayani at mandirgmang Carvel!’’ “Kung inaakala ninyong alangan sa sukat maging kapagalan ang halagang akin ng tinuruan”, ang tugon ni Robertson na di nagpahalata ng pagkabalino, “ay natatalaga kming magdagdag!”
  • 10. “Kung itinanong muna ninyo lung ano ang itinugon ko sa taga-Londres, hindi na sana kayo nag pakasubo.” “Ano naman ang iyong tugon?” nag paunlak na tanong ni Robertson. “Sinabi kong ang panahon ko ngayon ay sa sarili na aklat na aking sinusulat.” “Ang ibig ba ninyong sabihi’y pagkatapos ng aklat na iyan ay saka pa lamang mapaunlakan an gaming pithaya?” “Isusunod ko rito ang sa taga-Londres; anang dalaga na minasdan ang mikha na panauhin.’’ Ngumiti si Robertson. “Ngunit, ngayon, hogit mag pakainlan man , lalaong mapanahon ang aklat na aming hinihingi!” ang pasulabali ng Ginoo.
  • 11. “Bulagsak kayong lubha! Ang pakling biro ng dalaga, “Bulagsak? A! kaipalay iba ang maging manunulat kaysa maging mamumuhunan” “Kaipala nga ngunit bakit hindi muna ninyo itinanong kung ano ang aklat na aking sinusulat?” “Ba!at sino ang nagsabi sakin na di kayo mamumuhi kung ginawa ko ang ganyang paghihimasok?” “Tanggapin natin,” anang binibini. “Ngunit animnaoung libong dolyar nab a naman kaya ang sukat maging mahalaga ng aking pagkamuhi?” Napahalakahak si Robertson. “Sa ganang akin,” anang ginoo na tila inalihan ng pagbibinata sa kagandahan ng kaharap ng dilag,” ang pagkamuhi ninyo ay di mapapantayan ng pilak.” “Hmmm!” mahinang ungol ng dalaga at ngumiti.
  • 12. Humingi ng paumanhin ang dalaga dahil sya’y nagbibiro lamang at nangangalahati na ang gaya ng aklat na hinihingi ni Ginoong Robertson. “Diyata? Ang pagkilas ni Robertson.” “Ano ang pamagat ng aklat?” “Ang kutsilyo sa kamay ng bata. Patutunayan ko kung paano ang kalayaan sa kamay ng mga Pilipino ay makakahalimbawaa lamang ng kutsilyo sa kamay ng isang paslit na bata na maaring igilit sa sariling lalamunan. “Magling!” ani Robertson sabay palakpak ng kamay. “Nabasa ba ninyo ang “The Philippines, A Treasure and a Problem” at ang “The Isle of Terror?” “Nabasa ko na. May mga sipi ako sa aking aklatan.” “Hindi ba ninyong tinangkang magsadya sa Pilipinas upang lumikom ng mga tala at ulat na makapagbibigay ng lalong kislap s mga pagkukurong lalamanin ng inyong aklat?”
  • 13. “Nagpahatid na ako ng kablegrama sa aking pinsan, ky Tenyente Philip Hall, upang ipag laan ako ng isang silid sa pina kamabuting otel sa Maynila.” “Tutulak bukas ang President Jackson na siya kong lululanan.” “Ibigay ko sa inyo ang sandaang libong aming inaalok,” ani Robertson at lumabas ng tseke na may lagda ngunit wala pang sulat na halaga. Malugod na tumindig at nag paalam si Ginoong Robertson at hinatid ang dalaga sa beranda. Umalis si Ginoong Robertson na buong higpit na kinamayan ang dalaga at nag pasalamat.
  • 14. III. Magikakasampu ng umaga ng ika-17 ng Disyembre, lulan ng President Jackson buhat sa Estadod Unidos nang lumunsad sa dalampasigan ng Maynila ang magandang si Bertha Carvel. Ang pagdating ni Bertha Carvel sa Pilipinas ay nag angkin ng di mabilang na mga katangian, bago pa lamang bumagtas ang President Jackson sa dagat ng Tsina kaya nga gayon na lamang ang pagkamanghang dalagang manunulat.
  • 15. Ang paglunsad ni Bertha Carvel sa Pier-7 ay nabatid pala sya ng ipinag ukulan ng isang marangal na pasalubong na binuo ng maraming tanyag na kababaihan, mga litaw na ginoo, mga mambabatas , mga mamamahayag, sa katawang may laman at butong isang bantog na manunulat na pinag muntik-muntikang maging Miss America na nagtamo ng mga gantimpalang”Nobel Pilutizer sa angkan ng lipi ng mga bayani, sa milyonar ya, at kung anu-ano pang kabunyiang ipinamalita ng mga pahayagan.
  • 16. Pagkatapos mag kunwating magpasalamat sa malugod na bati ng nagsisalubong at tumugon sa di matapos tapos na pagtatanong ng mauurirang mamamahayag, si Bertha Carvel, kasama ng pinsang si Tenyente Philip Hall na sa kanya’y sumasalubong ay nagtuloy sa isang magarang silid ng Maynila Hotel. Tumawa si Bertha Carvel samantalang inilapag ang kipkip n a kalupi sa ibabaw ng isang hapag sa loob ng silid ng otel. “Mga tala at ulat na kailangan upang tapusin ang aklat na aking mga sinusulat” paliwanag ni Bertha. “Ano ang tinutukoy ng aklat mong iyon?” “Patutunayan kong isang malaking kasalanan ang pagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas,”
  • 17. Si Philip Hall ay napakagat labi, pinamutlaan ng mukha , at matagal na napayuko. “Marahil ay may iba kang palagay sa suliraning iyan.” Puna ng dalaga. Hindi napansin ng binata ang huling kataga ng dalaga. Madami syang tanong sa dalaga. “Nakakuha ka ba ng pahintulot sa pamamahinga? Ang tanong ni Bertha sa binata sa isang tinig na malamig at tuyot. “Oo, gaya ng tagubilin mo ay dalawang buwan ang aking hinihingi!” “Maisasanli mo na” anang dalaga. Hindi na kailangan! Makakalakad na ako nang nag iisa sa balak kong pagliliwaliw.”
  • 18. Nabigla ang binata. Hindi nya alam kung ano ang sanhi ng mga ito. Namula ka, Bertha! Ikinamumuhi mo ban a matapos kong manahin ang dugo at laman ng mga bayani at magigiting nating ninuno ay minana ko rin pati ang kagitingan ng kanilang damdamin. Ano ang ibig mong sabihin, Philip?” sasamahan kita saan ka man paroroon. Tungkulin ko iyan sa iyo habang naririto ka sa Pilipinas.” “Tungkulin? Ako ang nagbibigay sa iyo ng tungkuling iyan at ako rin ang makakapagalis. Inalis ko ngayon din.
  • 19. IV Hindi si Bertha Carvel sa pagpupumilit ni Philip na ito ay ipagsama sa gagawing paglalakabay sa iba’t- ibang dako ng kapuluan. Linggo kinahapunan, ang dalawa ay makikitang sumasagap ng malayang hangin sa Luneta. Sa Glorieta ay nagpaparinig ng magagandang tugtugin ang banda ng konstabalarya. Iba’t-ibang bagay ang pinag uusapan ng dalawa. Hinay-hinay sa paglalakad. Nagibayo man din ang karigalan ni Bertha sa kanyang kasuotang kulay krema. Si Tenyente Philip Hall naman ay parang manikin sa kanyang “de gala”. Naupo at nagpahinga sila s paanan ni Ga’t Jose Rizal na di gaanong malayo sa kanila.
  • 20. Ilang sandali’y may nagdaan sa kanilang tabi na isang lalaking nakterno ng itim at nababalabalan ng gaban at tila isinaklay lamang sa mga balikat ang lalaki ay tumigil malapit sa kanila ay sinukat-sukat at pinaliguan ng tingin ni Bertha Carvel bagamat hindi man lng nasino ni Tenyente Philip Hall. Maksandali’y inhudyat ng banda ang tugtuging pambansa ng Estados Unidos. Si Bertha Carvel at pinsang si Tenyete ay panabay na tumindig. Tumigil sila sa paglalakad. Nagsipugay ang madla. Napuna si Bertha Carvel na ang nakagaban ay nanatili lamang sa pagkakat ayo ngunit hindi nag alis ng sombrero. Natiyak niyang dagli na ang lalaking yaon ay Pilipino.
  • 21. Napahihintulot ba ninyong huwag igalang dito ang ating tugtuging pambansa? Ang tanong ng dalaga sa kanyang pinsan sa isang tinig na may panunumbat. “Huwag igalang? Ang pamanghang tanong ni Tenyente. “Bakit mo naitanong, Bertha?” “Tingnan mo! Anang dalaga na ininguso ang lalaking nakagaban. Napakagat labi si Tenyente. Dalawang bagay lang ang sa kanyang isip, ang pagkakaroon ng puwang ng dalaga na isurot sa kanyang mga mata ang kapintasan ng isang Pilipino at ang tila pagpapawalang-halaga ng sa makasaysayang tugtuging yaon sa harap pa naman ng isang matuturang pinuno ng Hukbong-Dagat ng Estados Unidos.
  • 22. Gayon man isang taong mahinahon at marangal, kaya nga sa halip na magpamalas ng pagkabigla, si Tenyente Philip Hall ay pumunta sa likuran at dahan-dahang inalis ang sombrero nito. Ang nakagaban na tila nabigla ay kagyat na pumihit at hinarap ang Tenyente. Inunahan sya ng tanong ni Philip. “Maipapaliwanag ba ninyo, ginoo, kung bakit hindi ninyo ipinugay ang inyong sombrero samantalang tinutugtog ang “Himno Nacional” ng Estados Unidos. Ngumiti ang lalaki at sa halip na sumagot ay iginalaw ang mga balikat sa tangka man ding ilaglag ang suot na gaban..
  • 23. Nalaglag ang gaban at sa paningin ng mag pinsan ay nalantad ang mga medalya at kruses na iyon, san g naturang lalaki ay napuna nila ang isang mahabang pilat na likha mandin ng mga taga ng sable. Napuna rin ng mag pinsan na ang magkabilang manggas ng kanyang amerikana ay pipis at walang laman na nagpapakilalang putol ang dalawa nyang bisig. Napatitig si Bertha Carvel at namangha sa kanilang kaharap. “Maari bang sabihin ninyo sa amin kung sino kayo?”Ang magalang tanong ni Philip.
  • 24. “Ako si Arcadio Politan na mapagutusan ninyo sa lahat ng sandali” ang tugon ng lalaki sa buhay na tinig. “Naglingkod baga kayo sa digmaan sa Europa?” ang pamuling tanong ni Tenyente. “Doon nawala ang dalawa kong bisig na inilalaan ko sana sa paglilingkod sa aking bayan.” Ang mapaglayang bandila ng Estados Unidos ang taga pagsanggalang ng pagkakapantay-pantay at ng kalayaan ng mga bansang api at maliliit. Huminga ng malalim si Philip Hall. Si Bertha Carvel ay yumukong tila sinakal ng malulungkot na gunamgunam. Nagging pinuno sa paglilingkod si Heneral Carvel na syang nagturo sa akin ng lalong dalisay at wagas na pagpapakasakit sa ka pakanan ng
  • 25. Namatay si Heneral Carvel nang malaglag sila sa kabayo. Sinubukan ni Philip Hall na sagipin si Heneral Carvel nang magpasubo sila sa isang kakilabot labot na sagupaan. Ang magkabilang pamakpak ng kanilang hanay ay nagsimula nang magtaklop. Mga sampung legwas pa ang layo kampo ng pransiya. Natatanaw naming ang mg a humaharurot na mga eroplano at ang walang katapusang mga sumasagupang kabayuhang mga kaaway. Yumanig ang lupa sa dagundong ng kanyon at ng sala-salabat na putok ng mga almetrayadora.
  • 26. Nagpilas ang Heneral at sumigaw ng malakas na parang nag uutos. Aniya : “Politan! Bitawan mo ako, kunin mo at itaas ang bandilang tinubos ng dugo at buhay ng aking mga magulang! Ngayon din!” hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, ang kanyang utos ay matigas na at makapangyarihan. Nagulat ako ng may pumutok na bomba sa aking likuran. Nabitawan ko sya at ako’y nabulagata! Hindi ko nalaman pa kung anong nangyari. Nang matauhan ako, ay nasa loob na ako ng isang pagamutan at putol na ang dalawa kong bisig.”
  • 27. Hinahabol ang paghinga ni Politan kaya sya’y tumigil sa pagsasalita. Namumula ang kanyang mga mata. Pagkuwa’y inihit siya at sinasal ng matinding ubo na nagpayanig sa buo niyang katawan. Tinawag ni Philip ang kanyang pinsan na si Bertha. Subalit si Bertha ay nakayuko at sa mga mata’y bumabalong ang masaganang luha. Hayan ang lalaking kanyang hinahanap. Hayan ang lalaking gusto nyang ibagsak. Bagsak na, api, duhagi at salanta, at ang lahat ay dahil sa buhay ng kanyang ama, sa ikaluluwalhati at sa ikaliligaya ng buong daigdig.
  • 28. V Sa paggalang mandin sa mapapangalaw na gunitang namumugod noon sa diwa ni Bertha Carvel, si Philip Hall ay humalukip-lukip at malungkot ding yumuko. Nanumbalik na ang dating kapayapaan sa mukha ni Politan. “Nabubuhay na lamang ako sa paggunita sa maluwalhating alaala ng mga dakilang pagpapakasakit na pinagsamahan naming ng aking marangal na pinuno.” “Bugtong na anak siya ni Heneral na inying itinatanggi! Anang Tenyente na tinukoy si Bertha.
  • 29. “Diyata?” ang pagilalas ni Politan na napatitig sa dalaga. Mapalad ang aking bayan! Alin mang yapakan ng isang Carvel ay isang bayang makapaghihintay pa ng katubusan.” “Hindi nab a ninyo nagunita ang isang Bertha Carvel na nagging katunggali ninyo sa labanan ng Michigan at Illinois noong tayo’y nagsisipag aral pa? ako ang kahabag-habag na Bertha Carvel yaon.” “Kayo? Kayo? Ang may pagkamanghang ni Politan. “Salamat kuno, nalimot na ninyo ako” ang malungkot na pakli ng binibini.
  • 30. “Ibig ko na ngang malimot na ninyo ako” anang dalaga, upang mapawi na rin ang aking mapapait na tuligsa sa paksang kinapapalamnan ng mga mithiing buong katalinuhan ninyong ipinagsanggalang at ipinagtagumpay sa tunggaliang yaon. “Hindi tayo nagtalo noon dahil sa diwa ng paksa. Nagtuggali lamang tayo sa ikaluluwalhati ng sining. Mananatili kayo sa aking gunita sa alaala ng isang liping bayani at magiting, sa alaala ng mapaglayang bandila ng Estados Unidos na kinasasalayan ng pag asa ng aking bayan, at sa alaala ng inyong ama, ng bayaning si Heneral Carvel na karapat dapat na pintoho at paggalang ng sangkatauhan.”
  • 31. “Ibibigay ko ang buo ko ang buo kong buhay, anang binibini sa ikapagiging dapat ko sa mga dakilang ninyong pagtuturing.” Malugod na isinuot sa ulo ni Politan ang inalis na sombrero. Si Bertha Carvel ay maliksing yuko. Mairog na pinalisan ng dumi ngkanyang mabango at maputing panyo at saka isinampay sa balikat ng Arcadio na sa mga mata’y nangingilid ang luha.
  • 32. VI Isang lingo ang nakalipas, lulan ng Empress of Canada, si Bertha Carvel ay nagbalis na sa Estados Unidos, isang malaking bungkos ng papel na puno ng sulat-kamay ang inihagis ng dalaga sa karagatan, bago na kubli sa paningin ang mga huling banaag ng sangkapuluan. Pagkalipas ng isang araw, sa loob ng kanyang kamarote, si Bertha Carvel ay nagsimula na namang sumulat ngunit hindi na sa paksang “Ang Kutsilyo sa Kamay ng Bata” kundi sa paksang “Nasa Pagtupad ang kadakilaan ng Pangako.”
  • 33. Di sasaalang sa pagsulat sa bagong paksang ito, ang tanging patnubay ni Bertha Carvel ay ang malungkot na alaala ng isang salantang beterano na natagpuan nila sa Luneta. Hindi mamakalaing naibulong nya sa kanyang sarili ang mga katagang buntong- hininga na” Ang isang bayang nagkaroon ng mga anak na natutong maghainng buhay sa pagkadakila ng ibang bandila at sa kaluwalti ng sangkatauhan ay baying karapat-dapat sa kagyat, lubos at ganap na paglaya.”