SlideShare a Scribd company logo
1 of 33
Download to read offline
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 12
ANG REPORMASYON
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
2
MODYUL 12
ANG REPORMASYON
Hindi lubos na maisisisi sa bagong siyentipko pamamaran ng mga tao sa
panahon ng Renaissance ang paghina ng simbahan. Dahil sa pagmamalabis at
pagasasamantala ng simbahan at Kapapahan ang institusyong di-natitinag ng
panahon ay unti unti nang humina. Sa modyul na ito, susuriin ang mahalagang
bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng Europa; ang
pagtalunton sa simula at paglaganp ng Repormasyon, na pinangunahan at
pinagtagumpayan nina Martin Luther at John Wycliffe. Ilalahad din sa araling ito ang
naging kasagutan ng Simbahang Katoliko na nagbigay- daan sa Kontra
Repormasyon.
May apat na araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng
Europa
Aralin 2: Repormasyong Protestante
Aralin 3: Repormasyong Katoliko; Kontra Repormasyon
Aralin 4: Mga epekto at kahalagahan ng Repormasyon sa Kasaysayan
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maisalaysay ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa
Panahong Midyibal;
2. Masusuri ang mga dahilan kung bakit tumiwalag sa Simbahang katoliko
ang mga lider ng mga Protestante;
3. Mailalarawan ang katauhan ng mga lider ng Protestantismo;
4. Maipaliliwanag ang mga Prinsipyong ipinaglaban ng mga Protestante;
5. Matutunton ang mga bansa kung saan lumaganap ang Protestantismo;
6. Maisusulat ang mga paraan ng kontra-Repormasyon; at
3
7. Mahihinuha ang mga bunga ng Repormasyon.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT:
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:
1. Krisis sa relihiyon kung saan ang mga bansang Katoliko ay yumakap sa ibang
Relihiyon
A. Kontra-Repormasyon.
B. Renaissance.
C. Great Schism.
D. Repormasyon
2. Papa na nagbawal sa mga pari na mag-asawa
A. Paul I.
B. Gregory VII.
C. Leo the Great.
D. Gregory IV.
3. Pangunahing bansa na tagapagtanggol ng Katolisismo
A. Portugal.
B. Alemanya.
C. Espanya.
D. Estados Unidos.
4. Nagpasimula sa Repormasyong Protestante
A. Martin Luther.
B. Henry VIII.
C. John Calvin.
D. Ulrich Zwingli.
5. Ito ay ang tagapagbili ng Kapatawaran
A. Indulhensiya.
B. Great Schism.
C. Index.
D. Inquisition
4
6. Samahang itinatag na binuo ng mga taong pumipigil sa pagpapalaganap ng
Protestantismo
A. Konseho ng Trent.
B. Calvinist.
C. Indulhensiya.
D. Inquisition.
7. Bansang pinagmulan ng Repormasyong Protestante
A. Espanya.
B. Portugal.
C. Alemanya.
D. Inglatera.
8. Ang itinatawag sa kalaban ng mga Katoliko
A. Muslim.
B. Protestante.
C. Humanista.
D. Iskolar.
9. Pagpupulong na isinagawa upang pg-usapan ang kahinaan ng Simbahan
A. Parliamento.
B. Great Council.
C. Konseho ng Trent.
D. Estates - General.
10.Samahan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko
A. Great Council.
B. Humanista.
C. Repormasyong Katoliko.
D. Hinduismo.
11.Tinaguriang “Defender of Faith” dahil sa pagtatanggol ng Katolisismo laban sa
Lutheran noong 1520
A. Henry VIII.
B. Edward VI.
C. James I.
D. Henry III.
12.Misyonerong tinaguriang “Apostle of the Indies” dahil sa mga kahanga-hanga
nitong nagawa
A. St. Francis Xavier.
B. Henry III.
C. Gregory VII.
D. St. Ignatius of Loyola.
5
13.Argumentong tumutuligsa sa pagbili ng Indulhensiya
A. Utopia.
B. Songbook.
C. 95 theses.
D. In Praise of Folly.
14.Isang tala ng mga aklat na ipinagbabawal basahin ng mga Katoliko
A. 39 Articles.
B. Index.
C. Inquisition.
D. 95 theses.
15.Batas na naghihiwalay sa Simbahan ng England sa kapangyarihan ng Papa
A. 95 theses.
B. 39 articles.
C. Bill of Rights.
D. Act of Supremacy.
16.Panuntunang isinulat ng lupon ng mga obispong Ingles noong 1563 bilng
batayan ng paniniwalang Simbahang Anglikano
A. Index.
B. Institue of Christian Religion.
C. 39 Articles.
D. 95 Theses.
17.Ang namuno ng Repormasyon sa Pransya
A. Ulrich Zwingli.
B. Henry VIII.
C. John Calvin.
D. Martin Luther.
18.Samahang itinatag ni St. Ignatius of Loyola na naglalayong pangalagaan ang
mga Katoliko at pabalikin ang mga Protestante na magbalik sa Katolisismo
A. Inquisition.
B. Great Council.
C. Council of Trent.
D. Society of Jesus.
6
19.Aklat ni Luther na nagsasaad ng pakiusap sa mga namumunong Aleman na
ituwid ang mga kamalian ng simbahan at ihinto ang lahat ng pagbabayad sa
Rome
A. Index.
B. Adress to the Christian Nobility of the German Nation.
C. 39 Articles.
D. 95 Theses.
20.Ang namuno ng Repormasyon sa Switzerland
A. Ulrich Zwingli.
B. John Calvin.
C. Martin Luther.
D. Henry VIII.
7
ARALIN 1
BAHAGING GINAMPANAN NG SIMBAHANG KATOLIKO SA PAGLAKAS NG
EUROPA
Nasa araling ito ang pagtalakay kung paano kumilos ang Simbahang
Katoliko noong Panahon ng Midyibal upang palakasin ang Europa. Binibigyang diin
din nito ang pagkilala ng mga barbaro sa Kristyanismo at ang pagkakasangkot ng
simbahan sa suliraning pambansa.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mapahalagahn ang bahaging ginampanan ng Simbahan sa paglakas ng Europa;
2. Mailalahad ang pagkilala ng mga barbaro sa Kristyanismo; at
3. Masusuri ang pagkakasangkot ng Simbahan sa suliraning pambansa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Magsimba at Magmasid
A. Sa iyong pagtungo sa Simbahan ano ang iyong napapansin? Itala ito.
B. Pagpangkat-pangkatin ang iyon napansin sa pagitan ng mga
paniniwala, tagasunod at taong naglilingkod sa simbahan.
Paniniwala Tagasunod Taong naglilingkod
8
Pagkilala ng mga Barbaro sa Kristyanismo
Ang paghina ng Empeyong Romano ay nagsisimula sa pagkakahati ng Imperyong
Romano sa Kanluran at Silangang Bahagi na lalo pang pinalubha ng pagsalakay ng mga
tribong Aleman – Franks, Saxon. Burgundian, Visigoth, Ostrogoth, Sueve, Olan, Vandal, sa
kanlurang Europa na humantong sa pagbagsak ng Roma sa kamay ng mga Goths noong
476 CE. Sa panahong ito, nagsimula na ang tinatawag na Panahong Midyibal o Panahon
ng Kadiliman. Sa yugtong ito ng kasaysayan ng kanlurang Europa, lubhang naging
mahalaga ang papel na ginampanan ng Simbahang katoliko sa paglakas ng Europa.
Sa pagkakatatag ng Banal na Imperyong Romano, sa panahon ni Leo III (Papa 795
– 816), hindi nagpabaya ang Simbahang Kristiyano sa pagpapalagnap ng kanilang
relihiyon, Hinirang nila si Charlemagne,ang hari ng mga Frank upang maging emperador
nito. Ang mga Frank sa pamumuno ni Charlemagne ang maagang yumakap sa
pananampalatayang Kristiyanismo.Ipinagpatuloy ito ni Haring Clovis, sa sumunod na
dantaon, dumami na ang mga tagasunod ng pananalig na ito. Mula hilaga hanggang
silangang Alemanya, dinala nila ang pananampalatayang ito,
Sa panahong Midyibal, nagtatag ay simbahan ng makapangyarihang instrumento sa
pagpapalaganap ng Kristianismo: ang monasteryo. Sa loob ng monasteryo, hindi lamang
pagdarasal at pagmumuni-muni ang ginagawa ng mga monghe. Naging repositoryo o
tagapag-ingat ng mga lumang kasulatan na siya nilang itinatanging papel na pagkalat ng
kaalaman sa Gitnang Panahon. Matiyaga nilang kinopya ang mga sulatin ng mga bantog
na gurong Kristyano at maging ng mga Romano. Nagsilbi din ang monasteryo na paaralan
ng mga artisano, ospital, pahingahan ng mga manlalakbay at kanlungan sa panahon ng
kaguluhan.
9
Itinatag din ng simbahan ang mga sumusunod na paaralan: paaralang pamparokya
para sa pagbabasa, pagsulat at doktrina ayon sa doktrina ng simbahan mayroon din
paaralan sa pag-awit, episkopal para sa gawaing pansimbahan.
Pagkakasangkot ng Simbahan sa Suliraning Pambansa
Noong una, nakikialam lamang ang simbahan sa suliraning ispiritwal ng mga tao.
Nagsimula ang suliranin sa usaping pangnonomina sa mga Obispong mangangasiwa sa
mga kahariang nakapaloob sa Emperyo. Naging madalas ang hidwaan sa pagitan ng Papa
at Emperador. Ang isyu tungkol sa mga pribilehiyo ng simbahan tulad ng hindi pagbabayad
ng buwis, eksempsyon ng mga taong-simbahan sa kumukupkop sa mga umiiwas sa
kaparusahan.
Nagpalabas agad si Pope Gregory VII (1073 – 1085) na tapusin na ang alitan na ito
sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga emperador at hari sa paghirang ng sarili nilang
mga kandidato sa pagkaobispo na tinatawag na lay investiture, na ang layunin lamang ay
makihati sa nakokolektang buwis ng Simbahan. Ipinahayag ni Papa Gregory VII, na lahat
ng taong-simbahan ay dapat igalang at sundin bilang alagad ng Diyos, at ang Papa ay may
kakayanang magpaalis ng mga emperador o hari.
Maraming hari, isa na rito si Henry IV ang hindi sumunod sa kautusan ng Papa na
alisin ang lay investiture. Nagpatawag si emperador Henry IV ng sunod na pagpupulong ng
Simbahan na ang layunin ay para patalsikin ni Papa GregoryIV. Dahil dito, bilang ganti,
inekskomunika ng Papa si Henry. Napilitang humingi ng tawad si Henry sa Papa para
lamang matapos ang gusot na ito. Pinatawad siya ng Papa pagkatapos paghintayin siya sa
labas ng palasyo ng tatlong araw na nakapaa sa niyebe. Ilang taon, si Henry naman ang
nanggipit kay Papa Gregory na nauwi sa tuluyang pagbibitiw ng huli.
Matapos ang alitan sa kasunduan sa Council of Worms 1122, na ang mga pari na
ang pipili ng Obispo at abbot ay namumuno sa lupain pero kailangan may pagsang-ayon
ng mga hari.
10
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Pagsunud-sunurin ayon sa kahalagahan 1 bilang pinakamahalaga at
8 bilang di gaanong mahalaga.Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
MGA NAGAWA NG SIMBAHAN
1. Ginawang Kristyano ang mga barbarong Aleman
2. Pinag – isa ang kanlurang Europa
3. Itinatag ang batayan ng Kabihasnang Midyibal
4. Pinamahalaan ang Edukasyon
5. Nagbukas ng Ospital
6. Kinalinga ang mga mahihirap, ulila at manlalakbay
7. Pinangalagaan ang mga aklat at iba pang tala o record
8. Pinagbuti ang pagsasaka
Tandaan mo!
Sa pagbagsak ng Roma noong 476 CE, nagtulong ang simbahan at
mga mamamayan upang mapangalagaan ang kalinangan ng imperyo.
Upang ipakita at ipalaganap ang Kristiyanismo, ang hari ng mga Franks
na si Clovis ang namuno sa Kanlurang Europa, samantalang sa Inglatera naman ay
si St. Augustine. Sa Ireland, pinamunuan ni St. Patrick ang pagpapalaganap ng
relihiyong Katoliko, at si St. Boniface naman ang nagpakilala nito sa Alemanya.
Sa panahong midyibal, malaki ang ginampanang tungkulin ng simbahan sa aspeto
ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga paaralan.
Mayroon ding kapangyarihan ang simbahan na makialam sa suliraning ispiritwal ng
mga tao, ito ay nagbigay sa kanila ng karapatan upang tawaging isang estado ang
Papa.
Ang pagkakalipat ng tahanan ng Papa mula sa Roma (Italy) sa Avignon (France) at
pagpapapanatili doon ng 70 taon ay nagresulta sa Great Schism kung saan
11
nagkaroon ng dalawang magkaribal na Papa na ang bawat isa ay nag-aangkin ng
pagiging Banal na Ama.
Ang pagkakatatag ng mga malalakas na nasyon estado ay tanging malaking balakid
sa awtoridad ng Papa.
Ang Rebolusyong Intelektwal ang isa sa mga naging dahilan upang magsimulang
mag-alinlangan ang mga mamamayan sa mga aral at gawi ng simbahan.
Gawain 3: Paglalapat
Pagkatapos mong malaman ang kahinaan ng simbahan, tukuyin kung
alin ang pang-ispiritwal, pampulitikal,pangkabuhayan at pangsosyo-
kultural.
.
KAHINAAN NG
SIMBAHANG
KATOLIKO
PANGKABUHAYAN PANSOSYO-KULTURAL
PANG-ISPIRITWAL
PAMPULITIKAL
12
ARALIN 2
REPORMASYONG PROTESTANTE
Tataluntunin ng araling ito ang simula at paglaganap ng Repormasyon , ang
pagtatangi nina Martin Luther at John Wycliffe sa pangunguna sa Repormasyon ang
bunga ng maraming pagkukulang ng Papa para sa pagtupad sa kanilang tungkulin
sa taong bayan
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matatalakay ang dahilan ng pagtiwalag ni Martin Luther sa Rome ;
2. Mababakas ang Digmaang Panrelihiyon sa Alemanya; at
3. Matutunton ang paglaganap ng Kilusang Protestante.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Panuto: Ang mga nakatalang numero sa bawat patlang may mga
katumbas na letra mula sa alpabetong Ingles upang mabuo ang nakatagong salita na
kung saan tumutukoy sa isang panahon na kung kailan nagsulputan ang mga hinaing at
kontradiksyon laban sa simbahang Katoliko.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
18 5 16 15 18 13 1 19 25 15 14 7 16 18 15 20 5 19 20 1 14 20 5
Ang Repormasyon
Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristyanuhan mula ika-14
hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang Kristyano. Dito
nagsimula ang paghihiwaly ng mga Protestante sa simbahang Katoliko Romano,
13
gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago
sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina.
Isa sa pumuna sa simbahan ay isang Ingles na si John Wycliffe( 1320-84). Naging
bahagi ng mga doktrina ng mga Protestante ang kaniyang paniniwala na ang tao ay
maaaring makipag-usap ng tuwiran sa Diyos at hindi na kailangan ng simbahan at mga
pari. Ang doktrina ng Transubstiation ay kanya ring kinuwestyon, ito ay ang pagtanggap ng
ostiya at alak bilang katawan at dugo ni Kristo.
Lumitaw si John Huss (1369-1415), isang Bohemian na naging tagasunod at
nagtuloy sa ipinanukala ni Wycliffe. Binansagan niyang “Institusyon ni Satanas” ang
institusyon ng pagka Papa.
Inatake naman ng Italyanong si Girolano Bonarola (1452 – 1528) ang karangyaan
ng simbahan at Estado. At si Erasmus (1466- 1536) sa kaniyang Praise of Folly (Papuri
sa Kamangmangan) itinuloy niya ang pagreporma sa masamang gawain ng mga pari.
Bagamat malungkot ang sinapit ng mga repormistang ito (sinunog sila bilang erehe)
ang kanilang nasimulan ay pinagpatuloy at binigyang kaganapan sa katauhan ng isang
Aleman na si Martin Luther.
Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik
Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng
Wittenberg. Nabagabag siya at nagsimulang magduda ng mabasa niya ang kaibahan ng
katuruan ng simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan….”Ang pagpapawalang
sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisismula sa pananampalataya, at naging ganap sa
pamamagitan ng pananampalataya ”(Roman 1:17)
Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sa bisa at kapangyarihan ng
mga relikya ay kanyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Roma noong 1571. Nagpasiklab
ng galit ni Luther ang kasuklam-suklam na gawain ng simbahan, ang pagbenta ng
indulhensya, kapirasong papel na nagsasaad at nagpalabas na ang grasya ng Diyos ng
maaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. Para kay Luther ang
tanging daan tungo sa kaligtasan ay ang buong pusong pananampalataya sa Diyos.
14
Napag-alaman na ni Luther na isinagawa ni John Tetzel, isang Prayleng Dominikano, ang
pagbebenta ng indulhensya na iniutos ni Pope Juluis II, na ipinagpatuloy ni Pope Leo X,
para sa pagapapagawa ng mas lalong pinagandang simbahan na St Peter’s Basilica.
Martin Luther
Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng simbahan tungkol sa pagkamit
ng indulhensya, ang nagtulak sa kanya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31
ng Oktubre, 1517 ang kanyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon”(Ninety-five theses)
Bukod sa hindi pagkilala sa proposisyon ni Luther, binalaan pa si Luther ng
ekskomunikasyon at pagpapalabas ng Papal Bull noong Hulyo 1520, binigyn siya ng
animnapung araw na palugit para pabulaanan ang kaniyang mga tuligsa sa Simbahang
Katoliko. Pagsunog sa dokumento sa harap ng maraming tao ang naging kasagutan ni
Luther na nagresulta sa pagdeklara s kanya bilang erehe. Kinupkop siya ng mga
makapangyarihang tagapagtanggol, mga prinsipe at hari na nagnanais na makalaya ang
lokal sa simbahan sa mga imposisyon ng panghihimasok ng Roma. Itinungo siya sa
palasyo ng Wartburg na pag-aari ni Haring Elector Frederick ng Saxony. Sa panahong ito,
nagkakaroon siya ng pagkakataon na isalin ang Bibliya sa Aleman na lalong nagpatingkad
15
sa kanyang katanyayagan. Sa pagbabalik niya sa Wittenberg noong 1522, naitatag ang
simbahang Luther.
Nagbigay ng maling interpretasyon ang pag-atake ni Luther sa simbahan. Sa udyok
ng mga panatikong tagasunod ng relihiyon, nagkaroon ng Digmaan ng mga Pesante noong
1524 na tumagal ng dalawang taon. Sa kapakanang ito, bagamat walang kinalaman ni
Luther, siya ang naging tampulan ng sisi, dahil dito, ang Lutherianismo sa Timog Alemanya
ay hindi nagtagal at nagbalik sigla sa lakas ng Katolisismo.
Isinasaad ang mga paniniwala at aral ng Lutherianismo sa AUGSBURG
CONFESSIONS na inihanda nina Luther at Philip Melanethon. Binigyan din ng
dokumentong ito ang mga kredo at katuruang Lutherian, na ang tao ay naliligtas sa
pamamagitan ng pagtanggap at pananalig kay Jesus lamang at hindi sa mga sakramento
ng simbahan o paggawa ng kabutihan. Ang tanging awtoridad para sa buhay ispiritwal ng
tao ay nasa Bibliya lamang.
Kumalat sa iba’t-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong
taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang
“protestasyon”- ang pinagmulan ng salitang “Protestante”(ang mga sumasalungat sa mga
mamamayang Katoliko) sa emperador ng Banal na Emperyong Romano na nananawagan
sa pagwawakas sa paghihimagsik ng simbahan. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng
Protestante at Katoliko Romano na hanggang humantong sa digmaan, tinapos ni Charles V
ang panrelihiyong digmaan sa pamamagitan ng paglagda sa “Kapayapaang Augsburg”
nooong 1555. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ang kapangyarihan ng mga hari o
namumuno na malayang pumili ng relihiyonang kanilang nasasakupan.
Ang Calvimismo at iba pang mga Simbahang Protestante
Sa Geneve, Switzerland ang kilusang Repormista ay pinamumunuan nina Jean
Corin (1509-64) tunay na pangalan John Calvin. Noong 1536, ipinalabas ni Calvin ang
kanyang aklat na The Institute of Christian Religion. Katipunan ito ng mga paniniwala ng
mga Protestante na kung tawagin ay “predestination” ayon sa kaniyang paniniwala sa
kapalaran bago pa man isinilang ang tao, nakaguhit na sa kanyang palad kung anong uri
16
ng buhay dito ang mapapasakanya. Kaya ang bawat tao, bago pa isilang, ay nakatakda ng
mabuhay sa loob o sa labas ng biyaya ng Diyos. Isa pang prinsipyo ng Calvinism ay ang
payak na pamumuhay, naniniwala sila na ang mundo ay seryosong lugar at ang tao ay
nabubuhay dito hindi upang magsaya. Ang lahat ng kamunduhan at iba pang luho sa
buhay ay mga bagay na nagmula kay Satanas.
Sa kalaunan, lumitaw sa buong Europa ang iba’t-ibang sekta ng Calvinism. Isang
disipulo ni John Calvin, si John Knox ang nagtatag ng Simbahang Presbyteria sa Scotland
at nang makarating ito sa Inglatera, tinawag itong Puritanismo.
Mayroon ding isang grupo na hindi kasing dami at kasing tanyag ng mga tagasunod
ng Lutheranism at Calvinism, ang tawag sa sektang ito ay Anabaptist na ang ibig sabihin
ay “Binyagang Muli”. Naniniwala ng grupong ito na ang sakramento ng binyag ay nararapat
lamang ibigay sa taong nasa wastong gulang na para gumawa ng sariling desisyon kung
talagang gusto nilang sumapi sa sektang ito. Isang sangay pa ng Preotestantismo ay ang
Socinian, pinaniniwalaan nila na si Kristo ay isang dakila at mahusay na guro at hindi dapat
na ituring na Diyos; at ang mga Armenian, na bagamat naging tagasunod ng Calvanism,
naniniwalang ang tao ng malayang piliin ang kanyang landasin sa buhay, taliwas sa mga
aral ng Calvanism, na itinakda na ng Diyos ang kasasapitan ng tao. Ang mga unang sekto
ng Protestantismong nabanggit ang nagbigay daan sa mga kasalukuyang Simbahang
Protestante.
Ang Repormasyon sa Inglatera
Sa Inglatera, naging pinuno ng Repormasyon ay si Haring Henry VIII (1509-1547).
Dati siyang tagapagtanggol ng Katolisismo laban sa mga Lutheran noong 1520, kaya
iginawad sa kanya ng Papa ang titulong “Tagapagtanggol ng Katolisismo”. Nagsimula ang
paglaganap ng Protestantismo sa Inglatera ng hindi sinasang-ayunan ng Papa Clement VII
ang pagpawalang-bisa ng kanyang kasal kay Catherine ng Aragon. Itinitibok ng puso niya
noon at gustong pakasalan ay si Anne Boleyn, na sa paniniwala niya ay mabibigyan siya
ng anak na lalaki upang maging tagpamana ng trono, na hindi naipagkakaloob sa kanya ni
Catherine ng Aragon.
17
Kahit walang permiso ang Papa, pinakasalan ni Henry si Anne Boleyn, dahil dito
inekskomunikado siya ng Papa. Ito ang naging mitsa sa paghihiwalay ng Simbahang
Inggles sa Roma. Bilang ganti, naglabas si Henry ng diskreto mula 1529 hanggang 1536
na nagtatatag sa ilalim ng Act of Supremacy (1534) na nagdeklara sa hari bilang
pinakamataas na puno ng simbahan ng Inglatera. Ang Inglatera ay naging tunay na
Protestante sa mahabang pamumuno ng anak ni Henry at Anne Boleyn na si Elizabeth I
(1558-1603).
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
PAG-AARAL NG KASO:
Martin Luther
Sa mga repormista, hindi makakasagip ng kaluluwa ang simbahan bagkus isa
lamang itong institusyon. Sa doctrinal na pananaw ni Martin Luther, ang Bibliya ang
siyang susi sa kaligtasan ng tao. Ang paniniwala niyang ito ang naging dahilan upang
tawagin siyang erehe. Kung susunurin ang ipinaglalaban ni Luther, ang kanyang
tinututulan ay ang mga “paghahandog” na ang tinapay at alak ay magiging katawan at
dugo ni Kristo. Para sa mga repormista, ang alak at tinapay ay simbolo lamang. Ang
magliligtas sa mga tao sa kanyang kasalanan ay ang pamumuhay ng maayos,
panalangin at pagsamba sa Maykapal. Ito ay hindi lamang gawa ng tao kundi pagpapala
ng Maykapal.
Ang kanyang mga pananaw ay inyong mababasa sa kanyang mga sumusunod
na 95 Theses:
Out of love for the truth and the desire to bring it to light, the following
propositions will be discussed at Wittenberg, under the presidency of the Reverend
Father Martin Luther, Master of Arts and of Sacred Theology, and Lecturer in Ordinary
on the same at that place. Wherefore he requests that those who are unable to be
present and debate orally with us, may do so by letter.
18
.
In the Name our Lord Jesus Christ. Amen.
Tanong:
Pagtuunan mo ng pansin ang nabanggit na impormasyon sa pag-aaral ng kaso.
Alin sa mga sumusunod na ideya ang iyong susuportahan o paniniwalaan?
1. Si Martin Luther ay isang debotong Katoliko na nagnanis lamang na dalisayin ang
Simbahang Katoliko
2. Si Martin Luther ay isang rebeldeng naghahangad na baguhin at magtatatg ng
relihiyong humihiwalay sa Simbahang Katoliko.
Tandaan Mo!
Malaking pagbabago ang naganap sa Simbahang Katoliko noong
14-17 dantaon kung saan maraming mga turo at gawi ng simbahan
ang direktang tinulugsa ng mga repormista.
Sina John Wycliffe ng England, John Huss ng Bohemia, Savaranola ng Italy at
Erasmus ng Totterdem ang kilalang repormistang nanguna sa pangunguwestyon
hinggil sa pagpapalawak ng ari-arian at luho ng Papa, pagbenta ngposisyon ng
simbahan, mga imoralidad ng mga pari at mga doktrina ng simbahan na taliwas sa
turo ni Kristo.
Si Martin Luther, ama ng protestanteng paghihimagsik, ang lalaking nanguna sa
pagbabago ng imahe ng ka-kristyanuhan.
Ang paghihimagsik ni Luther ay sinamanatala ng mga magsasaka na mag-aklas
laban sa kanilang mga panginoong my lupa ay nagbunga ng malaking pinsala sa
timog na bagi ng Alemanya na nagresulta sa pagkasira ng adhikain ng mga
Lutheran.
19
Sa kabila ng pagkasira ng pangalan ni Martin Luther, mabilis pa ring umunlad ang
kanyang itinatag na kilusan.
Gawain 3: Paglalapat
Panuto: Itala ang mga suliranin ng Simbahang Katoliko ayon sa kanilang
mga uri o kategorya.
Mga Suliranin ng Simbahang
Katoliko ayon sa mga
Repormista
Mga Suliranin ng Simbahang
PINANSYAL ISPIRITWAL MORALIDCE
20
Gabay na tanong
1. Sa kasalukuyang panahon, lutang na lutang pa ba ang mga suliraning ito?
Bakit?
2. Kung ikaw ay isang Katoliko noong panahong iyon ay mananatili ka pa ba
sa kinagisnang pananampalataya? Bakit?
ARALIN 3
KONTRA REPORMASYON
Ang Kontra-Repormasyon ang naging kasagutan ng Simbahang
Katoliko sa mga gawain ng mga Protestante. Ang magiging paksa sa araling ito.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mapahahalagahan ang mga dakilang nagawa ng mga misyonero;
2. Matatalakay ang Konseho ng Trent; at
3. Maipaliliwanag ang tinatawg na Inquisition.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
DEMONSTRASYON
Isipin mo na ikaw ay isang amo o may-ari ng isang kumpanya at sa di
inaasahang pangyayari ay nagsagawa ang iyong mga empleyado ay nagsagawa ng
21
protesta laban sa iyong pamamalakad. Maghanda ng isang sanaysay ukol sa iyong
isasagawang hakbang bilang kontra sa isinagawang Protesta.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
STORYTELLER
The Inquisition sometimes used ”ordeals” to determine guilt or innocence,
confident that God would give victory to an innocent person and punish the guilty. In the
“Trial of the Cross” both parties, accuser and accused, stood before a cross with arms
outstretched. The first to drop his arms was judged guilty. In the trial by cold water, the
accused was tied up and lowered into water. If he sank, he was innocent. If he floated,
he was guilty.
- from the MedievalInquisition, Albert Clement Shannon, 1983
Tanong:
1. Sa kasaysayan ng Pilipinas ginamit din ng ating mga ninuno ang “trial by
ordeal” bilang bahagi ng kanilang kultura.
2. Makatarungan ba ang ginamit na pamamaraan ng Inkwisisyon sa
pagsugpo sa paglaganap ng Relihiyong Protestante?
Tandaan mo!
Ang tagumpay ng himagsikang Protestante at
paghihiwalay ng marami sa Simbahang Katoliko ay
naging babala sa Papa upang magsagawa ng aksyon.
Nagtatag ang simbahang Katoliko ng mga kilusan upang pagbutihin ang
pananampalatayang Katoliko.
Sa Council of Trent nagkasundo upang magsagawa ng reporma ang
simbahan hinggil sa mga depekto nito tulad ng pagbenta at pagbili ng opisyo
ng simbahan at pagbabawal ng pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno
sa simbahan.
22
Lalong pinalakas ang Inquisition na siyang maglilitis sa mga kaso ng erehe o
pagtaliwas sa mga turo ng simbahan.
Binuo ang Society of Jesus na nagpapakita ng espiritung military. Sila ang
mga lalaking subok sa katapatan, lakas ng karater at matalino.
Gawain 3: Paglalapat
Panuto: Itala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng paniniwalang
Repormasyon(Protestant) at Kontra- Repormasyon(Simbahang
Katoliko) . Bilang mag-aaral paano mo tinatanggap ang mga ideyang taliwas sa iyon
paniniwala
.
PAGKAKATULAD
PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
Reporamsyon Konta Reporamsyon
23
ARALIN 4
MGA EPEKTO AT KONTRIBUSYON NOONG PANAHON NG REPORMASYON
Sinasabi ang relihiyon ay isang gabay sa buhay upang maisakatuparan ang
pangangailangang ispiritwal sa pagbagsak ng Imperyong Romano, umusbong at
napag-isang muli ang Europa sa pmamagitan ng Simbahang Katoliko. Dulot ng mga
pagbabago sa panahon sabay ang pagbabago sa pag-iisip ng tao umusbong ang
mga kontradiksyon sa simbahang Katoliko nagpasimula ng panibagong paniniwala
at hidwaang panrelhiyon.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mahihinuha ang bunga ng Repormasyon;
2. Mapahalagahan ang epekto ng Repormasyon sa kasalukuyang panahon;
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
WORDHUNT
T O N I A T C E A T E R I F
L U T H E R A N P O M R E I
S C E S H I L P R L A E R O
E S I N G L V E F O M P G U
E R E V E R I W E R M O H J
R H U G U E N O T S A R J G
T S I N G L I A S E R M B D
Y C E C I L S U D D T A N Z
U Z S W M E T H O D I S T W
R U G R A T S O H M N Y G Y
T O N I L O V E R E D O E R
H E L P S A K R A M E N T O
24
LUTHERAN
CALVINIST
HUGUENOTS
METHODIST
REPORMASYON
SAKRAMENTO
Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon
Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14
hanggang 17 dantaon , kung saan maraming mga gawi at turo ng simbahan ang
tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng simbahan.
Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “ Ama ng Himagsikang
Protestante” na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng simbahan. Ang
kanilang layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging
bukas ang simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng
mga kawani ng simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng
Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang
pananampalatayang Katoliko.
Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante, at
patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng mga sumusunod
na epekto:
• Nagkaoon ng dibisyong panrelihiyon sa Europa kung saan ang hilaga ay
naging mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling
Katoliko.
• Sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko ang taliwas sa
tunay na aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang
humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante
tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba.
• Gumawa ng aksyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga depekto ng
kanilang relihiyon upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga
tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa
mga repormang kanilang mga ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng
seremonya na tumutukoy sa pagbenta at pagbili ng mga opisyo ng
25
simbahan; at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang
pinuno sa simbahan.
• Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europa (Katoliko at
Protestante) ay nagresulta sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon.
• At ang panghuli ay ang pagpapanumbalik na ispiritwal sa Kristiyanismo, ang
pagpapalaganap ng Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya. Ang
kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa simbahan kundi ang
pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Tanong:
• Suriin ang mapa, noong taong 1650 paano nagkaroon ng pagkakahating
panrelihiyon sa Europa? Anong napansin mo?
26
Tandaan Mo!
Ang repormasyon ay nagdulot ng mga sumusunod na
epekto:
Pagkakahati ng Europa sa dalawa: sa hilaga ang Protestante; at sa timog
naman ay Katoliko.
Pagkakabuo ng maraming sektang panrelihiyon tulad ng Calvinism,
Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba.
Pagkakaroon ng reporma hinggil sa mga depekto ng Simbahang Katoliko,
mga aral at gawi nito na taliwas sa turo ni Kristo.
Pagsiklab ng mga digmaang panrelihiyon.
Pagsisimula ng kasiglahan sa Kristiyanismo, ang paglaganap ng Bibliya at
ang Biblikal na doktrina na ang kaligtasan ay nagmumula sa
pananampalataya kay Kristo.
Gawain 3: Paglalapat
1. Nakatulong ba ang Repormasyon sa Simbahang Katolisismo? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Suriin ang kasalukuyang Simbahang Katoliko, mayroon bang dapat baguhin sa
pamamaraan ng kanilang paniniwala? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
27
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
o Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito,
ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Sa pagbagsak ng Roma noong 476 CE, nagtulong ang mga mamamayan at ang
simbahan upang mapangalagaan ang kalinangan ng imperyo.
Iba’t-ibang pinuno sa iba’t-ibang lugar ang namuno sa pagpapakilala at
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Malaki ang ginampanan ng simbahan sa usapin ng suliraning ispiritwal at edukasyon
tulad ng pagpapatayo ng paaralan na nagbigay sa kanya ng malaking kapangyarihan at
karapatan upang tawaging estado.
Ang pagkawala ng malakas na kapangyarihan ng Papa ay naging dahilan upang
magkaroon ng mga kaguluhan sa loob ng simbahang katoliko.
Ang pagkakaroon ng dalawang Papa na parehong nag -aangkin ng pagiging Banal na
Ama, pagkakatatag ng mga nasyon estado, at ang rebolusyong intelektwal ang naging
sanhi upang mawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa tao at unti-unting kwestyunin
ang mga aral at gawain ng simbahan.
Ang pagpapalawak ng ari-arian at luho ng Papa, pagbenta sa opisyo ng simbahan,
mga imoralidad at pagmamalabis ng mga pari at ang mga turo ng simbahan na taliwas
sa aral ni Kristo ang nagbigay daan kina Wycliffe, Huss, Savaranola, at Erasmus sa
pangunguna sa pag-aalinlangan at pagtatanong sa aral ng simbahan.
Ang himagsikang panrelihiyon na pinasiklab ni Martin Luther ay nagresulta sa
pakakahati ng Europa sa Katolikong Europa at Protestanteng Europa, at pagkakabuo
ng maraming sektang panrelihiyon tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist,
Anglican, Presbyterian at iba.
Naging babala sa Simbahang Katoliko ang matagumpay na paghihigmagsik ni Luther
kung kaya’t binuo ng simbahan ang Council of Trent, pinalakas ang Inquisition, at
itinatag ang Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalayang
Katoliko.
28
Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europa (Katoliko at
Protestante) ay nagresulta sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon.
Nagkaroon ng pagpapanumbalik na ispiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap
ng Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya. Ang kaligtasan ay makakamit hindi
sa pagsapi sa simbahan kundi ang pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.
29
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Aklat ni Luther na nagpapakita ng pag-aalinlangan sa sakramento ng kasal,
kumpil, ordeinasyon at pagpapahid ng langis.
A. 39 articles.
B. Index.
C. 95 theses.
D. The Babylonian Captivity of the Christian Church.
2. Kasunduang nilagdaan ni Charles V noong 1555 na tumapos sa mga sigalot
panrelihiyon sa Germany
A. Diet of Worms.
B. Peace of Augsburg.
C. Treaty of Versailles.
D. Treaty of Tordesillas.
3. Aklat na isinulat ni Calvin na naglalaman ng mga paniniwala ng mga Protestante
A. 39 articles.
B. Index.
C. The Institute of the Christian Religion.
D. Augsburg Confession.
4. Iskolar na Ingles na naniniwala na ang Bibliya, hindi ang simbahan, ang
makapagliligtas sa kaluluwa ng tao
A. John Huss.
B. Ulrich Zwingli.
C. John Wycliffe.
D. Martin Luther.
5. Isang lider sa Unibersidad ng Prague sa Bohemia na tumuligsa sa awtoridad ng
Papa at ang kayamanan ng simbahan.
A. John Wycliffe.
B. Ulrich Zwingli.
C. Martin Luther.
D. John Huss.
30
6. Namuno sa Repormasyon sa Scotland
A. John Calvin.
B. John Knox.
C. John Huss.
D. John Wycliffe.
7. Ang sentro ng ideya ng Pilosopo ni Calvin
A. Predestinasyon.
B. Sakramento.
C. Kapatawaran.
D. Kaligtasan.
8. Kasulatang nagsasaad ng mga paniniwala ng mga Lutheran.
A. Augsburg Confession.
B. Treaty of Verdun.
C. 39 articles.
D. Council of Worms.
9. Isang grupong radikal na bumuo ng kaliwang sangay ng Protestantismo o ang
mga “binyagang muli”
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Zwinglinismo.
10.Paniniwala na ang mundo ay isang seryosong lugar at ang mga tao ay
nabubuhay rito hindi upang magsaya
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Zwinglinismo.
11.Paniniwala na hindi lahat ng sakramento ay mahalaga at kailangan ng mga tao
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Zwinglinismo.
12.Hindi sila naniniwala sa bisa ng sakramento sapagkat sila ay naniniwala na ang
Diyos lamang ang makapangyrihan sa lahat
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Zwinglinismo.
31
13.Ipinagbabawal nito ang hindi pag-aasawa ng pari, paggamit ng Latin sa misa at
pagiging tapat sa Papa
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Anglicanismo.
14.Ito ay ang pagkakaroon ng paniniwala na tumutuligsa sa simbahan
A. Indulhensya.
B. Heresya.
C. Ekskomulga.
D. Inkisisyon.
15.Ito ay ang pagpapatalsik sa taong Katoliko at inaayawan ng lahat ng tao
A. Indulhensiya.
B. Heresya.
C. Ekskomulga.
D. Inkisisyon.
16.Papa na nagbuo ng samahang inquisition noong 1232
A. Gregory IX.
B. Edward I.
C. Paul III.
D. Gregory VII.
17.Isang seremonyang panrelihiyon na binuo ng Inkissisyong Espanyol noong 1559
kung saa ang mga erehe ay hinahatulan
A. Guillotine.
B. Garote.
C. Auto- da-fe.
D. Paglilitis.
18.Ang nangunang Papa sa Kontra Repormasyon na nagpulong ng mga kinatawan
sa Trent
A. Gregory VI.
B. Gregory IX.
C. Paul II.
D. Paul III.
19.Ang mga sumusunod ay naging epekto ng Repormasyon maliban sa isa
A. Pagsilang ng Nasyonalismo.
B. Pag-unlad ng Merkantilismo.
32
C. Paglaho ng lubusang pananalig sa Simbahan.
D. Pagkakaroon ng kalayaan sa pananampalataya.
20.Ang mga sumusunod ay naging dahilan ng pagkabigo ng Protestismo sa
Espanya maliban sa isa.
A. Pagiging tapat na Katoliko ng mga maharlikang Espanyol.
B. Pagtatatag ng Inkisisyon.
C. Monarkiya ng Espanya.
D. Pagbagsak ng Imperyong Spain sa mga Kolonya nito.
33
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANG-UNANG PAGSUSULIT
1. D
2. A
3. D
4. B
5. C
6. A
7. A
8. D
9. C
10. B
11. C
12. C
13. A
14. C
15. A
16. B
17. D
18. C
19. C
20. D
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. D
2. B
3. C
4. C
5. D
6. B
7. A
8. A
9. B
10. A
11. C
12. D
13. D
14. B
15. C
16. A
17. C
18. D
19. B
20. D

More Related Content

What's hot

Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...PaulineMae5
 
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang PandaigdigAng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang Pandaigdigedmond84
 
Modyul 11 ang renaissance muling pagsilang-
Modyul 11   ang renaissance  muling pagsilang-Modyul 11   ang renaissance  muling pagsilang-
Modyul 11 ang renaissance muling pagsilang-南 睿
 
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonRepormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonAni
 
Mga Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan
Mga Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang laranganMga Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan
Mga Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang laranganEl Reyes
 
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)Olhen Rence Duque
 
Modyul 15 ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
Modyul 15   ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameriModyul 15   ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
Modyul 15 ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri南 睿
 
Repormasyon at kontra repormasyon
Repormasyon at kontra repormasyonRepormasyon at kontra repormasyon
Repormasyon at kontra repormasyonRobert Lalis
 
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismoMga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismocrisanta angeles
 
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa EuropaPag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa EuropaJuan Miguel Palero
 
Ang paghahanap-ng-spices
Ang paghahanap-ng-spicesAng paghahanap-ng-spices
Ang paghahanap-ng-spicesJenn Ilyn Neri
 
GRADE 8 : IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
GRADE 8 : IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANINGRADE 8 : IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
GRADE 8 : IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANINJt Engay
 
Ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo
Ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismoAng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo
Ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismoNoemi Marcera
 

What's hot (20)

Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba't-ibang Bahagi ng Daigd...
 
A.P 9 (3rd Grading)
A.P 9 (3rd Grading)A.P 9 (3rd Grading)
A.P 9 (3rd Grading)
 
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang PandaigdigAng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
 
Modyul 11 ang renaissance muling pagsilang-
Modyul 11   ang renaissance  muling pagsilang-Modyul 11   ang renaissance  muling pagsilang-
Modyul 11 ang renaissance muling pagsilang-
 
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonRepormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
 
Ang krusada
Ang krusadaAng krusada
Ang krusada
 
Mga Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan
Mga Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang laranganMga Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan
Mga Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan
 
Kontra Repormasyon
Kontra RepormasyonKontra Repormasyon
Kontra Repormasyon
 
Krusada
KrusadaKrusada
Krusada
 
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
 
Ap
ApAp
Ap
 
Modyul 15 ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
Modyul 15   ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameriModyul 15   ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
Modyul 15 ang rebolusyong pampulitika sa pransiya at ameri
 
Repormasyon at kontra repormasyon
Repormasyon at kontra repormasyonRepormasyon at kontra repormasyon
Repormasyon at kontra repormasyon
 
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismoMga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
Mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
 
Ang krusada
Ang krusadaAng krusada
Ang krusada
 
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa EuropaPag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa
 
Ang paghahanap-ng-spices
Ang paghahanap-ng-spicesAng paghahanap-ng-spices
Ang paghahanap-ng-spices
 
GRADE 8 : IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
GRADE 8 : IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANINGRADE 8 : IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
GRADE 8 : IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
 
Ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo
Ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismoAng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo
Ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo
 
ang mga humanista
ang mga humanistaang mga humanista
ang mga humanista
 

Viewers also liked

Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
RepormasyonEl Reyes
 
Aralin bilang 3 pangkat etnoliggwistiko
Aralin bilang 3   pangkat etnoliggwistikoAralin bilang 3   pangkat etnoliggwistiko
Aralin bilang 3 pangkat etnoliggwistikoJared Ram Juezan
 
Paglakas ng europe simbahang katoliko
Paglakas ng europe   simbahang katolikoPaglakas ng europe   simbahang katoliko
Paglakas ng europe simbahang katolikoJared Ram Juezan
 
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTER
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTERKasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTER
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTERJhing Pantaleon
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1   paglakas ng europeYunit 3, aralin 1   paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europeJared Ram Juezan
 

Viewers also liked (7)

Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
Aralin bilang 3 pangkat etnoliggwistiko
Aralin bilang 3   pangkat etnoliggwistikoAralin bilang 3   pangkat etnoliggwistiko
Aralin bilang 3 pangkat etnoliggwistiko
 
9 ap lm mod.3.v1.0 (2)
9 ap lm mod.3.v1.0 (2)9 ap lm mod.3.v1.0 (2)
9 ap lm mod.3.v1.0 (2)
 
Paglakas ng europe simbahang katoliko
Paglakas ng europe   simbahang katolikoPaglakas ng europe   simbahang katoliko
Paglakas ng europe simbahang katoliko
 
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTER
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTERKasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTER
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Grade 9 THIRD QUARTER
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
 
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1   paglakas ng europeYunit 3, aralin 1   paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
 

Similar to Modyul 12 ang repormasyon

Similar to Modyul 12 ang repormasyon (20)

Kontrarepormasyon
KontrarepormasyonKontrarepormasyon
Kontrarepormasyon
 
Kontrarepormasyon 130124050726-phpapp01
Kontrarepormasyon 130124050726-phpapp01Kontrarepormasyon 130124050726-phpapp01
Kontrarepormasyon 130124050726-phpapp01
 
Ppt Kontra Repormasyon
Ppt Kontra  RepormasyonPpt Kontra  Repormasyon
Ppt Kontra Repormasyon
 
Paglakas ng simbahan at papel nito sa paglakas
Paglakas ng simbahan at papel nito sa paglakasPaglakas ng simbahan at papel nito sa paglakas
Paglakas ng simbahan at papel nito sa paglakas
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
Ang Panahon ng Repormasyon
Ang Panahon ng RepormasyonAng Panahon ng Repormasyon
Ang Panahon ng Repormasyon
 
Grade 8 Q3 Week 1-2Paglakas ng Europa.pptx
Grade 8 Q3 Week 1-2Paglakas ng Europa.pptxGrade 8 Q3 Week 1-2Paglakas ng Europa.pptx
Grade 8 Q3 Week 1-2Paglakas ng Europa.pptx
 
SEACOW Aralin 7.pptx
SEACOW Aralin 7.pptxSEACOW Aralin 7.pptx
SEACOW Aralin 7.pptx
 
seacowaralin7-230118004455-82a37341.pdf
seacowaralin7-230118004455-82a37341.pdfseacowaralin7-230118004455-82a37341.pdf
seacowaralin7-230118004455-82a37341.pdf
 
Q2-AP8-GITNANG PANAHON SA EUROPE.pptx
Q2-AP8-GITNANG PANAHON SA EUROPE.pptxQ2-AP8-GITNANG PANAHON SA EUROPE.pptx
Q2-AP8-GITNANG PANAHON SA EUROPE.pptx
 
Repormasyon at Repormista
Repormasyon at RepormistaRepormasyon at Repormista
Repormasyon at Repormista
 
REPORMASYON AT ANG MGA REPORMISTA
REPORMASYON AT ANG MGA REPORMISTAREPORMASYON AT ANG MGA REPORMISTA
REPORMASYON AT ANG MGA REPORMISTA
 
Ang Repormasyon
Ang RepormasyonAng Repormasyon
Ang Repormasyon
 
KONTRA-REPORMASYON- 6c.pptx
KONTRA-REPORMASYON- 6c.pptxKONTRA-REPORMASYON- 6c.pptx
KONTRA-REPORMASYON- 6c.pptx
 
Bahaging ginampanan ng simbahang katoliko sa paglakas ng europe
Bahaging ginampanan ng simbahang katoliko sa paglakas ng europeBahaging ginampanan ng simbahang katoliko sa paglakas ng europe
Bahaging ginampanan ng simbahang katoliko sa paglakas ng europe
 
Ang repormasyon
Ang repormasyonAng repormasyon
Ang repormasyon
 
Ang repormasyon
Ang repormasyonAng repormasyon
Ang repormasyon
 

More from 南 睿

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)南 睿
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)南 睿
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)南 睿
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012南 睿
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual南 睿
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)南 睿
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)南 睿
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc南 睿
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 

More from 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 

Recently uploaded

AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralinbryandomingo8
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfcompwatch556
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppttula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay pptpacnisjezreel
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ferdinandsanbuenaven
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 

Recently uploaded (20)

AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdf
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppttula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 

Modyul 12 ang repormasyon

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN III (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 12 ANG REPORMASYON BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 2 MODYUL 12 ANG REPORMASYON Hindi lubos na maisisisi sa bagong siyentipko pamamaran ng mga tao sa panahon ng Renaissance ang paghina ng simbahan. Dahil sa pagmamalabis at pagasasamantala ng simbahan at Kapapahan ang institusyong di-natitinag ng panahon ay unti unti nang humina. Sa modyul na ito, susuriin ang mahalagang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng Europa; ang pagtalunton sa simula at paglaganp ng Repormasyon, na pinangunahan at pinagtagumpayan nina Martin Luther at John Wycliffe. Ilalahad din sa araling ito ang naging kasagutan ng Simbahang Katoliko na nagbigay- daan sa Kontra Repormasyon. May apat na araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng Europa Aralin 2: Repormasyong Protestante Aralin 3: Repormasyong Katoliko; Kontra Repormasyon Aralin 4: Mga epekto at kahalagahan ng Repormasyon sa Kasaysayan Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maisalaysay ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa Panahong Midyibal; 2. Masusuri ang mga dahilan kung bakit tumiwalag sa Simbahang katoliko ang mga lider ng mga Protestante; 3. Mailalarawan ang katauhan ng mga lider ng Protestantismo; 4. Maipaliliwanag ang mga Prinsipyong ipinaglaban ng mga Protestante; 5. Matutunton ang mga bansa kung saan lumaganap ang Protestantismo; 6. Maisusulat ang mga paraan ng kontra-Repormasyon; at
  • 3. 3 7. Mahihinuha ang mga bunga ng Repormasyon. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot: 1. Krisis sa relihiyon kung saan ang mga bansang Katoliko ay yumakap sa ibang Relihiyon A. Kontra-Repormasyon. B. Renaissance. C. Great Schism. D. Repormasyon 2. Papa na nagbawal sa mga pari na mag-asawa A. Paul I. B. Gregory VII. C. Leo the Great. D. Gregory IV. 3. Pangunahing bansa na tagapagtanggol ng Katolisismo A. Portugal. B. Alemanya. C. Espanya. D. Estados Unidos. 4. Nagpasimula sa Repormasyong Protestante A. Martin Luther. B. Henry VIII. C. John Calvin. D. Ulrich Zwingli. 5. Ito ay ang tagapagbili ng Kapatawaran A. Indulhensiya. B. Great Schism. C. Index. D. Inquisition
  • 4. 4 6. Samahang itinatag na binuo ng mga taong pumipigil sa pagpapalaganap ng Protestantismo A. Konseho ng Trent. B. Calvinist. C. Indulhensiya. D. Inquisition. 7. Bansang pinagmulan ng Repormasyong Protestante A. Espanya. B. Portugal. C. Alemanya. D. Inglatera. 8. Ang itinatawag sa kalaban ng mga Katoliko A. Muslim. B. Protestante. C. Humanista. D. Iskolar. 9. Pagpupulong na isinagawa upang pg-usapan ang kahinaan ng Simbahan A. Parliamento. B. Great Council. C. Konseho ng Trent. D. Estates - General. 10.Samahan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko A. Great Council. B. Humanista. C. Repormasyong Katoliko. D. Hinduismo. 11.Tinaguriang “Defender of Faith” dahil sa pagtatanggol ng Katolisismo laban sa Lutheran noong 1520 A. Henry VIII. B. Edward VI. C. James I. D. Henry III. 12.Misyonerong tinaguriang “Apostle of the Indies” dahil sa mga kahanga-hanga nitong nagawa A. St. Francis Xavier. B. Henry III. C. Gregory VII. D. St. Ignatius of Loyola.
  • 5. 5 13.Argumentong tumutuligsa sa pagbili ng Indulhensiya A. Utopia. B. Songbook. C. 95 theses. D. In Praise of Folly. 14.Isang tala ng mga aklat na ipinagbabawal basahin ng mga Katoliko A. 39 Articles. B. Index. C. Inquisition. D. 95 theses. 15.Batas na naghihiwalay sa Simbahan ng England sa kapangyarihan ng Papa A. 95 theses. B. 39 articles. C. Bill of Rights. D. Act of Supremacy. 16.Panuntunang isinulat ng lupon ng mga obispong Ingles noong 1563 bilng batayan ng paniniwalang Simbahang Anglikano A. Index. B. Institue of Christian Religion. C. 39 Articles. D. 95 Theses. 17.Ang namuno ng Repormasyon sa Pransya A. Ulrich Zwingli. B. Henry VIII. C. John Calvin. D. Martin Luther. 18.Samahang itinatag ni St. Ignatius of Loyola na naglalayong pangalagaan ang mga Katoliko at pabalikin ang mga Protestante na magbalik sa Katolisismo A. Inquisition. B. Great Council. C. Council of Trent. D. Society of Jesus.
  • 6. 6 19.Aklat ni Luther na nagsasaad ng pakiusap sa mga namumunong Aleman na ituwid ang mga kamalian ng simbahan at ihinto ang lahat ng pagbabayad sa Rome A. Index. B. Adress to the Christian Nobility of the German Nation. C. 39 Articles. D. 95 Theses. 20.Ang namuno ng Repormasyon sa Switzerland A. Ulrich Zwingli. B. John Calvin. C. Martin Luther. D. Henry VIII.
  • 7. 7 ARALIN 1 BAHAGING GINAMPANAN NG SIMBAHANG KATOLIKO SA PAGLAKAS NG EUROPA Nasa araling ito ang pagtalakay kung paano kumilos ang Simbahang Katoliko noong Panahon ng Midyibal upang palakasin ang Europa. Binibigyang diin din nito ang pagkilala ng mga barbaro sa Kristyanismo at ang pagkakasangkot ng simbahan sa suliraning pambansa. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mapahalagahn ang bahaging ginampanan ng Simbahan sa paglakas ng Europa; 2. Mailalahad ang pagkilala ng mga barbaro sa Kristyanismo; at 3. Masusuri ang pagkakasangkot ng Simbahan sa suliraning pambansa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magsimba at Magmasid A. Sa iyong pagtungo sa Simbahan ano ang iyong napapansin? Itala ito. B. Pagpangkat-pangkatin ang iyon napansin sa pagitan ng mga paniniwala, tagasunod at taong naglilingkod sa simbahan. Paniniwala Tagasunod Taong naglilingkod
  • 8. 8 Pagkilala ng mga Barbaro sa Kristyanismo Ang paghina ng Empeyong Romano ay nagsisimula sa pagkakahati ng Imperyong Romano sa Kanluran at Silangang Bahagi na lalo pang pinalubha ng pagsalakay ng mga tribong Aleman – Franks, Saxon. Burgundian, Visigoth, Ostrogoth, Sueve, Olan, Vandal, sa kanlurang Europa na humantong sa pagbagsak ng Roma sa kamay ng mga Goths noong 476 CE. Sa panahong ito, nagsimula na ang tinatawag na Panahong Midyibal o Panahon ng Kadiliman. Sa yugtong ito ng kasaysayan ng kanlurang Europa, lubhang naging mahalaga ang papel na ginampanan ng Simbahang katoliko sa paglakas ng Europa. Sa pagkakatatag ng Banal na Imperyong Romano, sa panahon ni Leo III (Papa 795 – 816), hindi nagpabaya ang Simbahang Kristiyano sa pagpapalagnap ng kanilang relihiyon, Hinirang nila si Charlemagne,ang hari ng mga Frank upang maging emperador nito. Ang mga Frank sa pamumuno ni Charlemagne ang maagang yumakap sa pananampalatayang Kristiyanismo.Ipinagpatuloy ito ni Haring Clovis, sa sumunod na dantaon, dumami na ang mga tagasunod ng pananalig na ito. Mula hilaga hanggang silangang Alemanya, dinala nila ang pananampalatayang ito, Sa panahong Midyibal, nagtatag ay simbahan ng makapangyarihang instrumento sa pagpapalaganap ng Kristianismo: ang monasteryo. Sa loob ng monasteryo, hindi lamang pagdarasal at pagmumuni-muni ang ginagawa ng mga monghe. Naging repositoryo o tagapag-ingat ng mga lumang kasulatan na siya nilang itinatanging papel na pagkalat ng kaalaman sa Gitnang Panahon. Matiyaga nilang kinopya ang mga sulatin ng mga bantog na gurong Kristyano at maging ng mga Romano. Nagsilbi din ang monasteryo na paaralan ng mga artisano, ospital, pahingahan ng mga manlalakbay at kanlungan sa panahon ng kaguluhan.
  • 9. 9 Itinatag din ng simbahan ang mga sumusunod na paaralan: paaralang pamparokya para sa pagbabasa, pagsulat at doktrina ayon sa doktrina ng simbahan mayroon din paaralan sa pag-awit, episkopal para sa gawaing pansimbahan. Pagkakasangkot ng Simbahan sa Suliraning Pambansa Noong una, nakikialam lamang ang simbahan sa suliraning ispiritwal ng mga tao. Nagsimula ang suliranin sa usaping pangnonomina sa mga Obispong mangangasiwa sa mga kahariang nakapaloob sa Emperyo. Naging madalas ang hidwaan sa pagitan ng Papa at Emperador. Ang isyu tungkol sa mga pribilehiyo ng simbahan tulad ng hindi pagbabayad ng buwis, eksempsyon ng mga taong-simbahan sa kumukupkop sa mga umiiwas sa kaparusahan. Nagpalabas agad si Pope Gregory VII (1073 – 1085) na tapusin na ang alitan na ito sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga emperador at hari sa paghirang ng sarili nilang mga kandidato sa pagkaobispo na tinatawag na lay investiture, na ang layunin lamang ay makihati sa nakokolektang buwis ng Simbahan. Ipinahayag ni Papa Gregory VII, na lahat ng taong-simbahan ay dapat igalang at sundin bilang alagad ng Diyos, at ang Papa ay may kakayanang magpaalis ng mga emperador o hari. Maraming hari, isa na rito si Henry IV ang hindi sumunod sa kautusan ng Papa na alisin ang lay investiture. Nagpatawag si emperador Henry IV ng sunod na pagpupulong ng Simbahan na ang layunin ay para patalsikin ni Papa GregoryIV. Dahil dito, bilang ganti, inekskomunika ng Papa si Henry. Napilitang humingi ng tawad si Henry sa Papa para lamang matapos ang gusot na ito. Pinatawad siya ng Papa pagkatapos paghintayin siya sa labas ng palasyo ng tatlong araw na nakapaa sa niyebe. Ilang taon, si Henry naman ang nanggipit kay Papa Gregory na nauwi sa tuluyang pagbibitiw ng huli. Matapos ang alitan sa kasunduan sa Council of Worms 1122, na ang mga pari na ang pipili ng Obispo at abbot ay namumuno sa lupain pero kailangan may pagsang-ayon ng mga hari.
  • 10. 10 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pagsunud-sunurin ayon sa kahalagahan 1 bilang pinakamahalaga at 8 bilang di gaanong mahalaga.Ipaliwanag ang iyong kasagutan. MGA NAGAWA NG SIMBAHAN 1. Ginawang Kristyano ang mga barbarong Aleman 2. Pinag – isa ang kanlurang Europa 3. Itinatag ang batayan ng Kabihasnang Midyibal 4. Pinamahalaan ang Edukasyon 5. Nagbukas ng Ospital 6. Kinalinga ang mga mahihirap, ulila at manlalakbay 7. Pinangalagaan ang mga aklat at iba pang tala o record 8. Pinagbuti ang pagsasaka Tandaan mo! Sa pagbagsak ng Roma noong 476 CE, nagtulong ang simbahan at mga mamamayan upang mapangalagaan ang kalinangan ng imperyo. Upang ipakita at ipalaganap ang Kristiyanismo, ang hari ng mga Franks na si Clovis ang namuno sa Kanlurang Europa, samantalang sa Inglatera naman ay si St. Augustine. Sa Ireland, pinamunuan ni St. Patrick ang pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko, at si St. Boniface naman ang nagpakilala nito sa Alemanya. Sa panahong midyibal, malaki ang ginampanang tungkulin ng simbahan sa aspeto ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga paaralan. Mayroon ding kapangyarihan ang simbahan na makialam sa suliraning ispiritwal ng mga tao, ito ay nagbigay sa kanila ng karapatan upang tawaging isang estado ang Papa. Ang pagkakalipat ng tahanan ng Papa mula sa Roma (Italy) sa Avignon (France) at pagpapapanatili doon ng 70 taon ay nagresulta sa Great Schism kung saan
  • 11. 11 nagkaroon ng dalawang magkaribal na Papa na ang bawat isa ay nag-aangkin ng pagiging Banal na Ama. Ang pagkakatatag ng mga malalakas na nasyon estado ay tanging malaking balakid sa awtoridad ng Papa. Ang Rebolusyong Intelektwal ang isa sa mga naging dahilan upang magsimulang mag-alinlangan ang mga mamamayan sa mga aral at gawi ng simbahan. Gawain 3: Paglalapat Pagkatapos mong malaman ang kahinaan ng simbahan, tukuyin kung alin ang pang-ispiritwal, pampulitikal,pangkabuhayan at pangsosyo- kultural. . KAHINAAN NG SIMBAHANG KATOLIKO PANGKABUHAYAN PANSOSYO-KULTURAL PANG-ISPIRITWAL PAMPULITIKAL
  • 12. 12 ARALIN 2 REPORMASYONG PROTESTANTE Tataluntunin ng araling ito ang simula at paglaganap ng Repormasyon , ang pagtatangi nina Martin Luther at John Wycliffe sa pangunguna sa Repormasyon ang bunga ng maraming pagkukulang ng Papa para sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa taong bayan Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matatalakay ang dahilan ng pagtiwalag ni Martin Luther sa Rome ; 2. Mababakas ang Digmaang Panrelihiyon sa Alemanya; at 3. Matutunton ang paglaganap ng Kilusang Protestante. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Ang mga nakatalang numero sa bawat patlang may mga katumbas na letra mula sa alpabetong Ingles upang mabuo ang nakatagong salita na kung saan tumutukoy sa isang panahon na kung kailan nagsulputan ang mga hinaing at kontradiksyon laban sa simbahang Katoliko. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ 18 5 16 15 18 13 1 19 25 15 14 7 16 18 15 20 5 19 20 1 14 20 5 Ang Repormasyon Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang Kristyano. Dito nagsimula ang paghihiwaly ng mga Protestante sa simbahang Katoliko Romano,
  • 13. 13 gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina. Isa sa pumuna sa simbahan ay isang Ingles na si John Wycliffe( 1320-84). Naging bahagi ng mga doktrina ng mga Protestante ang kaniyang paniniwala na ang tao ay maaaring makipag-usap ng tuwiran sa Diyos at hindi na kailangan ng simbahan at mga pari. Ang doktrina ng Transubstiation ay kanya ring kinuwestyon, ito ay ang pagtanggap ng ostiya at alak bilang katawan at dugo ni Kristo. Lumitaw si John Huss (1369-1415), isang Bohemian na naging tagasunod at nagtuloy sa ipinanukala ni Wycliffe. Binansagan niyang “Institusyon ni Satanas” ang institusyon ng pagka Papa. Inatake naman ng Italyanong si Girolano Bonarola (1452 – 1528) ang karangyaan ng simbahan at Estado. At si Erasmus (1466- 1536) sa kaniyang Praise of Folly (Papuri sa Kamangmangan) itinuloy niya ang pagreporma sa masamang gawain ng mga pari. Bagamat malungkot ang sinapit ng mga repormistang ito (sinunog sila bilang erehe) ang kanilang nasimulan ay pinagpatuloy at binigyang kaganapan sa katauhan ng isang Aleman na si Martin Luther. Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg. Nabagabag siya at nagsimulang magduda ng mabasa niya ang kaibahan ng katuruan ng simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan….”Ang pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisismula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya ”(Roman 1:17) Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sa bisa at kapangyarihan ng mga relikya ay kanyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Roma noong 1571. Nagpasiklab ng galit ni Luther ang kasuklam-suklam na gawain ng simbahan, ang pagbenta ng indulhensya, kapirasong papel na nagsasaad at nagpalabas na ang grasya ng Diyos ng maaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. Para kay Luther ang tanging daan tungo sa kaligtasan ay ang buong pusong pananampalataya sa Diyos.
  • 14. 14 Napag-alaman na ni Luther na isinagawa ni John Tetzel, isang Prayleng Dominikano, ang pagbebenta ng indulhensya na iniutos ni Pope Juluis II, na ipinagpatuloy ni Pope Leo X, para sa pagapapagawa ng mas lalong pinagandang simbahan na St Peter’s Basilica. Martin Luther Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng simbahan tungkol sa pagkamit ng indulhensya, ang nagtulak sa kanya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng Oktubre, 1517 ang kanyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon”(Ninety-five theses) Bukod sa hindi pagkilala sa proposisyon ni Luther, binalaan pa si Luther ng ekskomunikasyon at pagpapalabas ng Papal Bull noong Hulyo 1520, binigyn siya ng animnapung araw na palugit para pabulaanan ang kaniyang mga tuligsa sa Simbahang Katoliko. Pagsunog sa dokumento sa harap ng maraming tao ang naging kasagutan ni Luther na nagresulta sa pagdeklara s kanya bilang erehe. Kinupkop siya ng mga makapangyarihang tagapagtanggol, mga prinsipe at hari na nagnanais na makalaya ang lokal sa simbahan sa mga imposisyon ng panghihimasok ng Roma. Itinungo siya sa palasyo ng Wartburg na pag-aari ni Haring Elector Frederick ng Saxony. Sa panahong ito, nagkakaroon siya ng pagkakataon na isalin ang Bibliya sa Aleman na lalong nagpatingkad
  • 15. 15 sa kanyang katanyayagan. Sa pagbabalik niya sa Wittenberg noong 1522, naitatag ang simbahang Luther. Nagbigay ng maling interpretasyon ang pag-atake ni Luther sa simbahan. Sa udyok ng mga panatikong tagasunod ng relihiyon, nagkaroon ng Digmaan ng mga Pesante noong 1524 na tumagal ng dalawang taon. Sa kapakanang ito, bagamat walang kinalaman ni Luther, siya ang naging tampulan ng sisi, dahil dito, ang Lutherianismo sa Timog Alemanya ay hindi nagtagal at nagbalik sigla sa lakas ng Katolisismo. Isinasaad ang mga paniniwala at aral ng Lutherianismo sa AUGSBURG CONFESSIONS na inihanda nina Luther at Philip Melanethon. Binigyan din ng dokumentong ito ang mga kredo at katuruang Lutherian, na ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng pagtanggap at pananalig kay Jesus lamang at hindi sa mga sakramento ng simbahan o paggawa ng kabutihan. Ang tanging awtoridad para sa buhay ispiritwal ng tao ay nasa Bibliya lamang. Kumalat sa iba’t-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang “protestasyon”- ang pinagmulan ng salitang “Protestante”(ang mga sumasalungat sa mga mamamayang Katoliko) sa emperador ng Banal na Emperyong Romano na nananawagan sa pagwawakas sa paghihimagsik ng simbahan. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng Protestante at Katoliko Romano na hanggang humantong sa digmaan, tinapos ni Charles V ang panrelihiyong digmaan sa pamamagitan ng paglagda sa “Kapayapaang Augsburg” nooong 1555. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ang kapangyarihan ng mga hari o namumuno na malayang pumili ng relihiyonang kanilang nasasakupan. Ang Calvimismo at iba pang mga Simbahang Protestante Sa Geneve, Switzerland ang kilusang Repormista ay pinamumunuan nina Jean Corin (1509-64) tunay na pangalan John Calvin. Noong 1536, ipinalabas ni Calvin ang kanyang aklat na The Institute of Christian Religion. Katipunan ito ng mga paniniwala ng mga Protestante na kung tawagin ay “predestination” ayon sa kaniyang paniniwala sa kapalaran bago pa man isinilang ang tao, nakaguhit na sa kanyang palad kung anong uri
  • 16. 16 ng buhay dito ang mapapasakanya. Kaya ang bawat tao, bago pa isilang, ay nakatakda ng mabuhay sa loob o sa labas ng biyaya ng Diyos. Isa pang prinsipyo ng Calvinism ay ang payak na pamumuhay, naniniwala sila na ang mundo ay seryosong lugar at ang tao ay nabubuhay dito hindi upang magsaya. Ang lahat ng kamunduhan at iba pang luho sa buhay ay mga bagay na nagmula kay Satanas. Sa kalaunan, lumitaw sa buong Europa ang iba’t-ibang sekta ng Calvinism. Isang disipulo ni John Calvin, si John Knox ang nagtatag ng Simbahang Presbyteria sa Scotland at nang makarating ito sa Inglatera, tinawag itong Puritanismo. Mayroon ding isang grupo na hindi kasing dami at kasing tanyag ng mga tagasunod ng Lutheranism at Calvinism, ang tawag sa sektang ito ay Anabaptist na ang ibig sabihin ay “Binyagang Muli”. Naniniwala ng grupong ito na ang sakramento ng binyag ay nararapat lamang ibigay sa taong nasa wastong gulang na para gumawa ng sariling desisyon kung talagang gusto nilang sumapi sa sektang ito. Isang sangay pa ng Preotestantismo ay ang Socinian, pinaniniwalaan nila na si Kristo ay isang dakila at mahusay na guro at hindi dapat na ituring na Diyos; at ang mga Armenian, na bagamat naging tagasunod ng Calvanism, naniniwalang ang tao ng malayang piliin ang kanyang landasin sa buhay, taliwas sa mga aral ng Calvanism, na itinakda na ng Diyos ang kasasapitan ng tao. Ang mga unang sekto ng Protestantismong nabanggit ang nagbigay daan sa mga kasalukuyang Simbahang Protestante. Ang Repormasyon sa Inglatera Sa Inglatera, naging pinuno ng Repormasyon ay si Haring Henry VIII (1509-1547). Dati siyang tagapagtanggol ng Katolisismo laban sa mga Lutheran noong 1520, kaya iginawad sa kanya ng Papa ang titulong “Tagapagtanggol ng Katolisismo”. Nagsimula ang paglaganap ng Protestantismo sa Inglatera ng hindi sinasang-ayunan ng Papa Clement VII ang pagpawalang-bisa ng kanyang kasal kay Catherine ng Aragon. Itinitibok ng puso niya noon at gustong pakasalan ay si Anne Boleyn, na sa paniniwala niya ay mabibigyan siya ng anak na lalaki upang maging tagpamana ng trono, na hindi naipagkakaloob sa kanya ni Catherine ng Aragon.
  • 17. 17 Kahit walang permiso ang Papa, pinakasalan ni Henry si Anne Boleyn, dahil dito inekskomunikado siya ng Papa. Ito ang naging mitsa sa paghihiwalay ng Simbahang Inggles sa Roma. Bilang ganti, naglabas si Henry ng diskreto mula 1529 hanggang 1536 na nagtatatag sa ilalim ng Act of Supremacy (1534) na nagdeklara sa hari bilang pinakamataas na puno ng simbahan ng Inglatera. Ang Inglatera ay naging tunay na Protestante sa mahabang pamumuno ng anak ni Henry at Anne Boleyn na si Elizabeth I (1558-1603). Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman PAG-AARAL NG KASO: Martin Luther Sa mga repormista, hindi makakasagip ng kaluluwa ang simbahan bagkus isa lamang itong institusyon. Sa doctrinal na pananaw ni Martin Luther, ang Bibliya ang siyang susi sa kaligtasan ng tao. Ang paniniwala niyang ito ang naging dahilan upang tawagin siyang erehe. Kung susunurin ang ipinaglalaban ni Luther, ang kanyang tinututulan ay ang mga “paghahandog” na ang tinapay at alak ay magiging katawan at dugo ni Kristo. Para sa mga repormista, ang alak at tinapay ay simbolo lamang. Ang magliligtas sa mga tao sa kanyang kasalanan ay ang pamumuhay ng maayos, panalangin at pagsamba sa Maykapal. Ito ay hindi lamang gawa ng tao kundi pagpapala ng Maykapal. Ang kanyang mga pananaw ay inyong mababasa sa kanyang mga sumusunod na 95 Theses: Out of love for the truth and the desire to bring it to light, the following propositions will be discussed at Wittenberg, under the presidency of the Reverend Father Martin Luther, Master of Arts and of Sacred Theology, and Lecturer in Ordinary on the same at that place. Wherefore he requests that those who are unable to be present and debate orally with us, may do so by letter.
  • 18. 18 . In the Name our Lord Jesus Christ. Amen. Tanong: Pagtuunan mo ng pansin ang nabanggit na impormasyon sa pag-aaral ng kaso. Alin sa mga sumusunod na ideya ang iyong susuportahan o paniniwalaan? 1. Si Martin Luther ay isang debotong Katoliko na nagnanis lamang na dalisayin ang Simbahang Katoliko 2. Si Martin Luther ay isang rebeldeng naghahangad na baguhin at magtatatg ng relihiyong humihiwalay sa Simbahang Katoliko. Tandaan Mo! Malaking pagbabago ang naganap sa Simbahang Katoliko noong 14-17 dantaon kung saan maraming mga turo at gawi ng simbahan ang direktang tinulugsa ng mga repormista. Sina John Wycliffe ng England, John Huss ng Bohemia, Savaranola ng Italy at Erasmus ng Totterdem ang kilalang repormistang nanguna sa pangunguwestyon hinggil sa pagpapalawak ng ari-arian at luho ng Papa, pagbenta ngposisyon ng simbahan, mga imoralidad ng mga pari at mga doktrina ng simbahan na taliwas sa turo ni Kristo. Si Martin Luther, ama ng protestanteng paghihimagsik, ang lalaking nanguna sa pagbabago ng imahe ng ka-kristyanuhan. Ang paghihimagsik ni Luther ay sinamanatala ng mga magsasaka na mag-aklas laban sa kanilang mga panginoong my lupa ay nagbunga ng malaking pinsala sa timog na bagi ng Alemanya na nagresulta sa pagkasira ng adhikain ng mga Lutheran.
  • 19. 19 Sa kabila ng pagkasira ng pangalan ni Martin Luther, mabilis pa ring umunlad ang kanyang itinatag na kilusan. Gawain 3: Paglalapat Panuto: Itala ang mga suliranin ng Simbahang Katoliko ayon sa kanilang mga uri o kategorya. Mga Suliranin ng Simbahang Katoliko ayon sa mga Repormista Mga Suliranin ng Simbahang PINANSYAL ISPIRITWAL MORALIDCE
  • 20. 20 Gabay na tanong 1. Sa kasalukuyang panahon, lutang na lutang pa ba ang mga suliraning ito? Bakit? 2. Kung ikaw ay isang Katoliko noong panahong iyon ay mananatili ka pa ba sa kinagisnang pananampalataya? Bakit? ARALIN 3 KONTRA REPORMASYON Ang Kontra-Repormasyon ang naging kasagutan ng Simbahang Katoliko sa mga gawain ng mga Protestante. Ang magiging paksa sa araling ito. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mapahahalagahan ang mga dakilang nagawa ng mga misyonero; 2. Matatalakay ang Konseho ng Trent; at 3. Maipaliliwanag ang tinatawg na Inquisition. Gawain 1: Pag-isipan Mo! DEMONSTRASYON Isipin mo na ikaw ay isang amo o may-ari ng isang kumpanya at sa di inaasahang pangyayari ay nagsagawa ang iyong mga empleyado ay nagsagawa ng
  • 21. 21 protesta laban sa iyong pamamalakad. Maghanda ng isang sanaysay ukol sa iyong isasagawang hakbang bilang kontra sa isinagawang Protesta. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman STORYTELLER The Inquisition sometimes used ”ordeals” to determine guilt or innocence, confident that God would give victory to an innocent person and punish the guilty. In the “Trial of the Cross” both parties, accuser and accused, stood before a cross with arms outstretched. The first to drop his arms was judged guilty. In the trial by cold water, the accused was tied up and lowered into water. If he sank, he was innocent. If he floated, he was guilty. - from the MedievalInquisition, Albert Clement Shannon, 1983 Tanong: 1. Sa kasaysayan ng Pilipinas ginamit din ng ating mga ninuno ang “trial by ordeal” bilang bahagi ng kanilang kultura. 2. Makatarungan ba ang ginamit na pamamaraan ng Inkwisisyon sa pagsugpo sa paglaganap ng Relihiyong Protestante? Tandaan mo! Ang tagumpay ng himagsikang Protestante at paghihiwalay ng marami sa Simbahang Katoliko ay naging babala sa Papa upang magsagawa ng aksyon. Nagtatag ang simbahang Katoliko ng mga kilusan upang pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Sa Council of Trent nagkasundo upang magsagawa ng reporma ang simbahan hinggil sa mga depekto nito tulad ng pagbenta at pagbili ng opisyo ng simbahan at pagbabawal ng pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa simbahan.
  • 22. 22 Lalong pinalakas ang Inquisition na siyang maglilitis sa mga kaso ng erehe o pagtaliwas sa mga turo ng simbahan. Binuo ang Society of Jesus na nagpapakita ng espiritung military. Sila ang mga lalaking subok sa katapatan, lakas ng karater at matalino. Gawain 3: Paglalapat Panuto: Itala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng paniniwalang Repormasyon(Protestant) at Kontra- Repormasyon(Simbahang Katoliko) . Bilang mag-aaral paano mo tinatanggap ang mga ideyang taliwas sa iyon paniniwala . PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA Reporamsyon Konta Reporamsyon
  • 23. 23 ARALIN 4 MGA EPEKTO AT KONTRIBUSYON NOONG PANAHON NG REPORMASYON Sinasabi ang relihiyon ay isang gabay sa buhay upang maisakatuparan ang pangangailangang ispiritwal sa pagbagsak ng Imperyong Romano, umusbong at napag-isang muli ang Europa sa pmamagitan ng Simbahang Katoliko. Dulot ng mga pagbabago sa panahon sabay ang pagbabago sa pag-iisip ng tao umusbong ang mga kontradiksyon sa simbahang Katoliko nagpasimula ng panibagong paniniwala at hidwaang panrelhiyon. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mahihinuha ang bunga ng Repormasyon; 2. Mapahalagahan ang epekto ng Repormasyon sa kasalukuyang panahon; Gawain 1: Pag-isipan Mo! WORDHUNT T O N I A T C E A T E R I F L U T H E R A N P O M R E I S C E S H I L P R L A E R O E S I N G L V E F O M P G U E R E V E R I W E R M O H J R H U G U E N O T S A R J G T S I N G L I A S E R M B D Y C E C I L S U D D T A N Z U Z S W M E T H O D I S T W R U G R A T S O H M N Y G Y T O N I L O V E R E D O E R H E L P S A K R A M E N T O
  • 24. 24 LUTHERAN CALVINIST HUGUENOTS METHODIST REPORMASYON SAKRAMENTO Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang 17 dantaon , kung saan maraming mga gawi at turo ng simbahan ang tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng simbahan. Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “ Ama ng Himagsikang Protestante” na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante, at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng mga sumusunod na epekto: • Nagkaoon ng dibisyong panrelihiyon sa Europa kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko. • Sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko ang taliwas sa tunay na aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba. • Gumawa ng aksyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga depekto ng kanilang relihiyon upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa mga repormang kanilang mga ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng seremonya na tumutukoy sa pagbenta at pagbili ng mga opisyo ng
  • 25. 25 simbahan; at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa simbahan. • Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europa (Katoliko at Protestante) ay nagresulta sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon. • At ang panghuli ay ang pagpapanumbalik na ispiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya. Ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa simbahan kundi ang pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Tanong: • Suriin ang mapa, noong taong 1650 paano nagkaroon ng pagkakahating panrelihiyon sa Europa? Anong napansin mo?
  • 26. 26 Tandaan Mo! Ang repormasyon ay nagdulot ng mga sumusunod na epekto: Pagkakahati ng Europa sa dalawa: sa hilaga ang Protestante; at sa timog naman ay Katoliko. Pagkakabuo ng maraming sektang panrelihiyon tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba. Pagkakaroon ng reporma hinggil sa mga depekto ng Simbahang Katoliko, mga aral at gawi nito na taliwas sa turo ni Kristo. Pagsiklab ng mga digmaang panrelihiyon. Pagsisimula ng kasiglahan sa Kristiyanismo, ang paglaganap ng Bibliya at ang Biblikal na doktrina na ang kaligtasan ay nagmumula sa pananampalataya kay Kristo. Gawain 3: Paglalapat 1. Nakatulong ba ang Repormasyon sa Simbahang Katolisismo? Ipaliwanag. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. Suriin ang kasalukuyang Simbahang Katoliko, mayroon bang dapat baguhin sa pamamaraan ng kanilang paniniwala? Ipaliwanag. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________
  • 27. 27 MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO o Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Sa pagbagsak ng Roma noong 476 CE, nagtulong ang mga mamamayan at ang simbahan upang mapangalagaan ang kalinangan ng imperyo. Iba’t-ibang pinuno sa iba’t-ibang lugar ang namuno sa pagpapakilala at pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Malaki ang ginampanan ng simbahan sa usapin ng suliraning ispiritwal at edukasyon tulad ng pagpapatayo ng paaralan na nagbigay sa kanya ng malaking kapangyarihan at karapatan upang tawaging estado. Ang pagkawala ng malakas na kapangyarihan ng Papa ay naging dahilan upang magkaroon ng mga kaguluhan sa loob ng simbahang katoliko. Ang pagkakaroon ng dalawang Papa na parehong nag -aangkin ng pagiging Banal na Ama, pagkakatatag ng mga nasyon estado, at ang rebolusyong intelektwal ang naging sanhi upang mawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa tao at unti-unting kwestyunin ang mga aral at gawain ng simbahan. Ang pagpapalawak ng ari-arian at luho ng Papa, pagbenta sa opisyo ng simbahan, mga imoralidad at pagmamalabis ng mga pari at ang mga turo ng simbahan na taliwas sa aral ni Kristo ang nagbigay daan kina Wycliffe, Huss, Savaranola, at Erasmus sa pangunguna sa pag-aalinlangan at pagtatanong sa aral ng simbahan. Ang himagsikang panrelihiyon na pinasiklab ni Martin Luther ay nagresulta sa pakakahati ng Europa sa Katolikong Europa at Protestanteng Europa, at pagkakabuo ng maraming sektang panrelihiyon tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba. Naging babala sa Simbahang Katoliko ang matagumpay na paghihigmagsik ni Luther kung kaya’t binuo ng simbahan ang Council of Trent, pinalakas ang Inquisition, at itinatag ang Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalayang Katoliko.
  • 28. 28 Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europa (Katoliko at Protestante) ay nagresulta sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon. Nagkaroon ng pagpapanumbalik na ispiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya. Ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa simbahan kundi ang pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.
  • 29. 29 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Aklat ni Luther na nagpapakita ng pag-aalinlangan sa sakramento ng kasal, kumpil, ordeinasyon at pagpapahid ng langis. A. 39 articles. B. Index. C. 95 theses. D. The Babylonian Captivity of the Christian Church. 2. Kasunduang nilagdaan ni Charles V noong 1555 na tumapos sa mga sigalot panrelihiyon sa Germany A. Diet of Worms. B. Peace of Augsburg. C. Treaty of Versailles. D. Treaty of Tordesillas. 3. Aklat na isinulat ni Calvin na naglalaman ng mga paniniwala ng mga Protestante A. 39 articles. B. Index. C. The Institute of the Christian Religion. D. Augsburg Confession. 4. Iskolar na Ingles na naniniwala na ang Bibliya, hindi ang simbahan, ang makapagliligtas sa kaluluwa ng tao A. John Huss. B. Ulrich Zwingli. C. John Wycliffe. D. Martin Luther. 5. Isang lider sa Unibersidad ng Prague sa Bohemia na tumuligsa sa awtoridad ng Papa at ang kayamanan ng simbahan. A. John Wycliffe. B. Ulrich Zwingli. C. Martin Luther. D. John Huss.
  • 30. 30 6. Namuno sa Repormasyon sa Scotland A. John Calvin. B. John Knox. C. John Huss. D. John Wycliffe. 7. Ang sentro ng ideya ng Pilosopo ni Calvin A. Predestinasyon. B. Sakramento. C. Kapatawaran. D. Kaligtasan. 8. Kasulatang nagsasaad ng mga paniniwala ng mga Lutheran. A. Augsburg Confession. B. Treaty of Verdun. C. 39 articles. D. Council of Worms. 9. Isang grupong radikal na bumuo ng kaliwang sangay ng Protestantismo o ang mga “binyagang muli” A. Lutheranismo. B. Anabaptist. C. Calvinismo. D. Zwinglinismo. 10.Paniniwala na ang mundo ay isang seryosong lugar at ang mga tao ay nabubuhay rito hindi upang magsaya A. Lutheranismo. B. Anabaptist. C. Calvinismo. D. Zwinglinismo. 11.Paniniwala na hindi lahat ng sakramento ay mahalaga at kailangan ng mga tao A. Lutheranismo. B. Anabaptist. C. Calvinismo. D. Zwinglinismo. 12.Hindi sila naniniwala sa bisa ng sakramento sapagkat sila ay naniniwala na ang Diyos lamang ang makapangyrihan sa lahat A. Lutheranismo. B. Anabaptist. C. Calvinismo. D. Zwinglinismo.
  • 31. 31 13.Ipinagbabawal nito ang hindi pag-aasawa ng pari, paggamit ng Latin sa misa at pagiging tapat sa Papa A. Lutheranismo. B. Anabaptist. C. Calvinismo. D. Anglicanismo. 14.Ito ay ang pagkakaroon ng paniniwala na tumutuligsa sa simbahan A. Indulhensya. B. Heresya. C. Ekskomulga. D. Inkisisyon. 15.Ito ay ang pagpapatalsik sa taong Katoliko at inaayawan ng lahat ng tao A. Indulhensiya. B. Heresya. C. Ekskomulga. D. Inkisisyon. 16.Papa na nagbuo ng samahang inquisition noong 1232 A. Gregory IX. B. Edward I. C. Paul III. D. Gregory VII. 17.Isang seremonyang panrelihiyon na binuo ng Inkissisyong Espanyol noong 1559 kung saa ang mga erehe ay hinahatulan A. Guillotine. B. Garote. C. Auto- da-fe. D. Paglilitis. 18.Ang nangunang Papa sa Kontra Repormasyon na nagpulong ng mga kinatawan sa Trent A. Gregory VI. B. Gregory IX. C. Paul II. D. Paul III. 19.Ang mga sumusunod ay naging epekto ng Repormasyon maliban sa isa A. Pagsilang ng Nasyonalismo. B. Pag-unlad ng Merkantilismo.
  • 32. 32 C. Paglaho ng lubusang pananalig sa Simbahan. D. Pagkakaroon ng kalayaan sa pananampalataya. 20.Ang mga sumusunod ay naging dahilan ng pagkabigo ng Protestismo sa Espanya maliban sa isa. A. Pagiging tapat na Katoliko ng mga maharlikang Espanyol. B. Pagtatatag ng Inkisisyon. C. Monarkiya ng Espanya. D. Pagbagsak ng Imperyong Spain sa mga Kolonya nito.
  • 33. 33 GABAY SA PAGWAWASTO: PANG-UNANG PAGSUSULIT 1. D 2. A 3. D 4. B 5. C 6. A 7. A 8. D 9. C 10. B 11. C 12. C 13. A 14. C 15. A 16. B 17. D 18. C 19. C 20. D PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. D 2. B 3. C 4. C 5. D 6. B 7. A 8. A 9. B 10. A 11. C 12. D 13. D 14. B 15. C 16. A 17. C 18. D 19. B 20. D