2. Ang Pagkakaugnayan ng wika
at Lipunan
Lipunan – malaking pangkat ng mga tao na may
karaniwang set ng pag-uugali, ideya at
saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo
at itinuturing ang sarili bilang isang yunit. (UP
Diksyunaryong Filipino)
Wika – pasalita man o pasulat ay isang
instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng
lipunang ito sa pakikipag-ugnayan nila sa isa’t
isa at ang relasyong panlipunan ay hindi iiral
kung walang wika. ( Sapir)
3. Ang pagkakaroon ng isang wika ay
nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa na
nagbibigkis sa mga tagapagsalita ng
nasabing wika. (Sapir)
Ang wika ay isang produktong sosyal ng
kakayahang magsalita at isang koleksyon ng
mahahalagang kombensiyon na binuo at
ginamit ng isang grupo para magamit ng mga
indibidwal. ( Sausure )
4. Ang wika kung gayon ay isang panlipunang
pangyayari.
Dahil sa anumang pahayag, pagkilos o salita
ng isang indibidwal ay nagiging makabuluhan
lamang kung ito ay nakakonteksto sa loob ng
lipunan at ibinabahagi sa iba pang indibidwal
o grupo. (Constantino)
5. Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil
sa kapwa nila naiimpluwensiyahan at
nahuhubog ang isa’t isa.
Nahahati ang lipunan ayon sa antas ng
pamumuhay, lahi, kasarian, edad, hanapbuh
ay, interes at iba pang panlipunang sukatan.
Ang mga tao rin sa loob ng lipunan ay
nagpapangkat-pangkat batay sa mga salik na
nabanggit.
6. Sa patuloy na pakikipag-usap o interaksyon
ng mga grupo ng taong ito sa iba pang mga
grupo o komunidad, nagkakaroon ng mga
katangian ang salita nila na naiiba sa mga
miyembro ng ibang grupo.
Nagbubunsod ito ng pagkakaroon ng iba’t
ibang komunidad ng tagapagsalita o speech
community.
7. Dell Hymes (Wood,2004) – isa sa mga
kauna-unahang nagbigay ng depinisyon kung
ano ang speech community.
Ito raw ay ang pangkat ng mga taong hindi
lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad
na paraan kundi nababatid din nila ang
patakaran at pamantayan kung paano
ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing
pangwika.
8. Ayon naman kay Labov, nagkakaroon daw
ng isang speech community kung may isang
pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa
layunin at istilo(salita, tunog,ekspresyon)ng
kanilang pakikipagtalastasan sa paraang sila
lamang ang nakakaalam at hindi
nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa
kanilang pangkat.
9. Ayon naman kay Ocampo(2002), ang
pananalita ay isang panlipunang
pagkakakilanlan.
Ginagamit ito, sadya man o hindi para
tukuyin ang pagkakabilang sa iba’t ibang
panlipunang pangkat o iba’t ibang komunidad
ng tagapagsalita o speech community.
10. Sa pananaw ng mga sosyolingwistiko, may
varayti ang wikang ginagamit ng mga tao sa
loob ng isang lipunan.
Ang iba’t ibang anyo ng wikang ginagamit ng
mga speech communities sa isang lipunan
ang pinag-aaralan sa socio-linguistics.
Socio-linguistics – isang larangan ng pag-
aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba ng
wika sa istruktura ng lipunan. (Paz et
al.,2003)
11. Baryasyon ng Wika
Ang pagkakaiba-iba ng wika ay maiuuri ayon sa
dalawang pangunahing dimensyon:
1. heograpikong diyalekto – baryasyon ng wika
batay sa katangian nito (punto o accent) na
karaniwang ginagamit ng mga tao sa isang
rehiyon o pook.(Rubrico,2006)varayti ng wika at
sinasalita ng mas maliit na grupo.
2. Social dialect o sosyolek – baryasyon ng
wikang ginagamit ng mga speech communities
ayon sa uri, edukasyon, trabaho, edad at iba
pang panlipunang sukatan.
12. Dahilan ng pag-iiba-iba ng
heograpikong diyalekto:
1. heograpiyang lokasyon ng mga speech
communities – tumutukoy sa lugar kung saan
ginagamit ang mga partikular na wika na
pwedeng pinaghihiwalay ng isang anyo ng
tubigan o kabundukan
2. language boundary – bunga ng migrasyon o
paglilipat ng komunidad sa ibang
lugar, maaaring dahil sa kalamidad tulad ng
lindol o bagyo, giyera o ang unti-unting
pagsasama ng dalawang dating magkahiwalay
na komunidad.
13. Pagkakaiba ng Wika at
Diyalekto
Mutual intelligibility o pagkakaintindihan –
ginagamit na batayan ng mga lingguwista sa
pagkakaiba ng wika at diyalekto.
Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap at
gumamit ng magkaibang speech variety at
hindi sila nagkaintindihan, magkaibang wika
ang kanilang ginamit.
14. Samantala, kung ang dalawang nag-uusap ay
gumamit ng magkaibang speech variety at
nagkaroon ng kaunting disturbance sa pag-
unawa(dahil magkaiba ang punto o pagbigkas
ng mga salita o gumamit ng ibang salita para sa
iisang kahulugan), nagsasalita lang sila ng
magkaibang diyalekto ng iisang wika.
Hal. Ang Tagalog na sinasalita sa Metro Manila ay
may mga diyalekto na: Tagalog-Bulacan,
Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-
Laguna, Tagalog-Quezon, Tagalog-Nueva Ecija.
15. Register – varayting may kaugnay ng higit na
malawak na panlipunang papel na
ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag.(Alonzo,2002)
- paggamit ng ispiker ng wika hindi lang batay sa
lokasyong heograpikal kundi batay sa kanyang
katayuan sa lipunan o sa grupong kanyang
kinabibilangan; maaaring tumukoy rin sa mga
ispesipikong salitang ginagamit ayon sa hinihingi
ng sitwasyon.
16. Idyolek – dayalekto na personal sa bawat
ispiker. Ito ay kabuuan ng mga katangian at
kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal.
- bawat tao ay may tanging paraan ng paggamit
ng wika. (Paz, 2003)
Istandard na wika – varayti na ginagamit ng mga
nakaaangat sa buhay o mga maykapangyarihan
at hinahangaan o mga may pinag-aralan;
nagiging pamantayan ng istatus ng nagsasalita
sa komunidad.
17. Lingua – franca – wikang komon sa mga
tagapagsalita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas;
makabubuo ng lingguwistikong varayti o
varyasyon sa loob ng wikang ito dulot ng
pagiging pangalawa at pangkalahatang wika
nito at ng impluwensya ng mga unang wika.
Kaya, may nabubuong Cebuano-
Filipino, Ilokano-Filipino, Hiligaynon-
Filipino, Kinaray-a-Filipino, at marami pang
iba.
18. Mga pamamalagay, konsepto
at teorya sa varayti ng wika
Teoryang sosyo-linggwistiko – batay sa
pamamalagay (assumption) na ang wika ay
isang panlipunang penomenon.
- nagiging makabuluhan ang anumang pahayag,
aksyon, salita ng isang indibidwal kung ito’y
nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa
ibang indibidwal o grupo.
- dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang konteksto
ang paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang
gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang
kasangkot sa komunikasyon.
19. 2. Teoryang heterogenous – ito ang wikang
nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga
varayti ng wika.
- tinatawag itong linggwistikong varayti ng
wika.
Hal. Tagalog-Filipino, Ilokano-Filipino, Bicol-
Filipino Naga-Bikol, Legaspi-Bikol, Filipino-
English, Singapore-English at marami pang
iba.
20. 3. Teorya ng akomodasyon(accomodation
theory) ni Howard Giles – linguistic
convergence at linguistic divergence– mga
teorya sa Second Language Acquisition o
pagkatuto/pag-aaral ng pangalawang wika.
- nakapokus ito sa mga taong kasangkot sa
sitwasyong pangwika
21. 4. Teoryang interference phenomenon at
interlanguage- ang nakapokus sa mga wikang
kasangkot. Magandang halimbawa ng
interference ang pagbuo ng mga varayti sa
Filipino.
Ang impluwensya ng unang wika, hal. Cebuano
ay kapansin-pansin kapag nagsasalita ng
Filipino. Isang katangian ng Cebuano-Filipino
ang di paggamit ng pag-uulit sa pantig at
paggamit ng panlaping “mag-” kahit sa dapat
gamitan ng “um”
22. Interlanguage naman ang tinatawag na
“mental grammar” na nabubuo ng tao sa
pagdating ng panahon sa proseso ng
pagkatuto niya ng pangalawang wika.
- dito, binabago ng tagapagsalita ang
grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag,
pagbabawas, at pagbabago ng mga
alituntunin.
Hal. Ang salitang “malling” mula sa salitang
“mall”
23. Dalawang Uri ng Varayti ng
Wika Ayon sa Katangian
1. Permanente na nauukol sa tagapagsalita –
tagabasa (performer) – binubuo ng idyolek at
diyalekto
Idyolek – varayti ng wikang kaugnay sa
personal na kakanyahan o katangian ng
tagapagsalita gaya ng kwaliti ng
kanyang
boses, katayuang pisikal, paraan ng
pagsasalita at uri ng wikang ginagamit
24. Diyalekto – varayti ng wika batay sa lugar,
panahon at katayuan sa buhay kaya’t
may tinatawag na diyalekton heograpikal,
diyalektong temporal, at diyalektong
sosyal.
- (mula sa salitang Kastilang dialecto)
anyo ng wikang ginagamit sa isang
partikular na pook o rehiyon
25. Dayalek ay wika na katulad din ng
bernakular na palasak sa isang pook ng
kapuluan.
- unang wikang kinamulatan at ugat ng
komunikasyon sa tahanan, pamayanan at
lalawigan.
- nagsisilbing midyum ng komunikasyon sa
isang pook na kung saan ang nasabing
katutubong wika ay nabibilang.
26. Dayalek – varayti o subordineyt ng wika at
ito’y sinasalita sa loob ng mas maliit na
grupo.
Hal. Ang Tagalog ay isang wika na sinasalita
sa Metro Manila. Ang mga dayalek nito ay
Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-
Nueva Ecija, Tagalog-Laguna, Tagalog-
Bulacan at Tagalog-Quezon.
27. Halimbawa ng Tagalog-Batangas
na Nauunawaan din ng mga
Tagaibang Rehiyon
apuyan posporo
matamis asukal
bilot tuta
dagison isud, urong
binangi inihaw
tubal maruming damit
busilig mata
mabanas maalinsangan
bayuhan kiskisan
29. Uri ng Diyalekto ayon Kay
Curtis McFarland
1. Dialektal variation- tumutukoy sa
distribusyon ng ilang mga salita, aksent,
pagbigkas ng wika sa loob ng isang language
area katulad ng wikang Tagalog sa Bulacan,
Nueva Ecija, Rizal, Cavite, Batangas, laguna
at Quezon.
2. Discrete dialect – hiwalay sa ibang mga
dayalek dulot ng heograpikong lokasyon at
pagiging distinct na diyalekto.
30. Hal. Tagalog- Marinduque na hindi maikakaila
na mas malayo sa ibang mga diyalekto ng
Tagalog.
3. Social dialect – naiiba sa heograpikal na
diyalekto dahil ito ang sinasalita ng iba’t
ibang uri ng tao sa lipunan.