SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  7
 ANG PATAKARAN NG “NEOLIBERAL” NA GLOBALISASYON AT ANG
LUMALALANG KRISIS SA EKONOMYA SA PILIPINAS Ni Propesor Jose Maria Sison
Punong Tagapagtatag, Kabataang Makabayan Setyembre 11, 2008 Salamat sa inyong pagiimbita sa akin na magsalita tungkol sa patakaran ng “neoliberal” na globalisasyon at sa
lumalalang krisis sa ekonomya sa Pilipinas sa okasyon ng ika-31 anibersaryo ng pagkakatatag ng
League of Filipino Students (LFS). Binabati ko ang LFS sa Baguio City sa mga nakamit nitong
tagumpay. Pinahahalagahan ko ang kooperasyon ng LFS sa Anakbayan, Konseho ng Mag-aaral
ng Pamantasang UP Baguio, Nationalist Corps (Kwerpong Makabansa) at Politically Inclined
Students (Mga Mag-aaral na Mayhilig sa Pulitika) sa pagdaraos ng mahalagang porum na ito.
“Neoliberal” na Globalisasyon Una sa lahat, hayaan ninyong ipaliwanag ko kung ano ang
kahulugan ng patakaran ng “neoliberal” na globalisasyon. Isa itong patakaran ng panlilinlang, na
maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang “malayang pamilihang” kapitalismo.
Pinagtibay ito mula noong 1980 para diumano’y lutasin ang problema ng istagplasyon, ang
penomenon ng istagnasyon at implasyon na nagsasabay, at ang bisyosong ikid kung saan ang
pagtatangkang lutasin ang alinman sa mga ito ay nagpapalala sa isa pa. Sa pagtutulak ng
patakaran, tinukoy nina Reagan at Thatcher ang interbensyong Keynesian at sosyaldemokratikong estado bilang saligang ugat ng istagplasyon dahil lumilikha ito ng implasyon sa
sahod at “sobra-sobrang” gastusing panlipunan. Kung gayon, itinaguyod nila ang pagpapagana
nang husto sa “malayang pamilihan” at pagbibigay sa monopolyong burgesya at dambuhalang
mga korporasyon ng lahat ng pagkakataon para makapagpalitaw ng mga rekursong kapital,
walang sagkang makapagkamal ng tubo at makakuha ng malalaking bawas sa buwis para
diumano’y paunlarin ang ekonomya, makalikha ng mga trabaho, at mabawasan ang pagiging
“dependyente” ng anakpawis sa gubyerno. Upang makamit ang layuning “neoliberal” o
“malayang pamilihan”, naglunsad ang mga imperyalistang estado sa pangunguna ng US, ng
walang tigil na pag-atake sa mahihigpit na ipinaglabang karapatan ng uring manggagawa sa
seguridad sa trabaho, sa organisasyong unyon at sa mga benepisyong panlipunan. Pinababa ang
antas ng pasahod. Sa kalakhan, ang pultaym na regular na trabaho ay hinalinhan ng mga
trabahong partaym. Binawasan o tinanggal ang di tuwirang mga sahod na maaaring nasa anyo ng
segurong panlipunan, segurong medikal, mga benepisyong pang-edukasyon at mga serbisyong
panlipunan. Walang tigil na bumabagsak ang tunay na kita ng uring manggagawa.
 2. Gayunman, binigyan ng lahat ng pagkakataon ng patakarang “neoliberal” ang mga bangko
at empresang multinasyunal ng monopolyong burgesya para sa akumulasyon ng kapital at
pagkakamal ng tubo sa pamamagitan ng liberalisasyon ng pamumuhunan at kalakalan,
pribatisasyon ng mga tungkulin at asset ng estado, deregulasyon sa kapinsalaan ng anakpawis,
kababaihan, kabataan at embayronment, at denasyunalisasyon ng mga ekonomya ng mga
atrasadong bayan. Ayon sa “mga neoliberal” o “mga tagapagtaguyod ng malayang pamilihan”,
maling gamitin ang tuwirang kamay ng estado para sa pagtatamo ng kaunlarang pang-ekonomya
at sa pagtitiyak ng kagalingang panlipunan. Gayunman, wastung-wasto na ipamahagi ang mga
rekurso ng estado, mga kontrata ng estado, mga subsidyo, seguro sa pamumuhunan at mga
eksempsyon sa buwis sa mga dambuhalang korporasyon, at gayundin, na magsagawa ng
pinabilis na gastusing militar. Hindi sa kagalingang panlipunan, pero oo sa kagalingang
pangkorporasyon. Hindi sa gastusing panlipunan, pero oo sa gastusing militar. Hindi
naintindihan ng “mga neoliberal” ang esensyal na punto tungkol sa problema ng istagplasyon.
Nang lumitaw ito noong dekada 1970, ito ay dahil nagrekonstruksyon sa ilalim ng planong
Marshall ang Germany at Japan na nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at muli na
namang sinaklot ang lahat ng mga kapangyarihang imperyalista ng seryosong krisis sa labis na
produksyon bunga ng kompetisyon at pagkakamal ng tubo sa kapinsalaan ng mga manggagawa.
Pinabababa ng lahat ng kapitalistang ekonomya ang antas ng pasahod upang maksimisahin ang
tubo at kontrahin ang bumababang tantos ng tubo sa proseso ng pagpapalawak ng produksyon.
Kasabay nito, pinangunahan ng US ang pagsasagawa ng implasyunaryong mga aktibidad,
kabilang ang napakalaking pag-agos ng mga dolyar ng US tungo sa ibayong dagat,
pandaigdigang deployment ng mga pwersang militar ng US at digmang agresyon sa Indotsina.
Ang krisis ng labis na produksyon ay laging nasa base ng krisis ng kapitalistang sistema ng US at
ng daigdig. Sa pamamagitan ng pagpapababa ng sahod para maksimisahin ang tubo, di
sinasadyang pinakikitid ng monopolyong burgesya ang pamilihan para sa mga produkto ng
lumalawak na produksyon. Nagiging lantad ang krisis ng labis na produksyon kapag hindi
maibenta ang malalaking imbak ng mga produkto, kinakailangang bawasan ang produksyon at
pinatatalsik sa trabaho ang mga manggagawa. Sa magkakasunod na dekada, mula noong huling
bahagi ng dekada 1960, mas lumala ang krisis ng labis na produksyon, mas nagiging mahirap
ang mga problema ng disempleyo at implasyon, at sa katunayan, istagnant ang tantos ng paglago.
Pero mula nang opisyal na pagtibayin ang patakarang “neoliberal”, ang panlilinlang upang
maikubli ang mga suliranin sa ekonomya ay ang pagpapalaki ng suplay ng salapi at pagpapadali
ng pautang para sa mga dambuhalang korporasyon at para sa mga tagakonsumo sa napakalaking
pamilihan ng Amerika. Bunga nito, nasasaksihan natin ngayon ang isang gahiganteng krisis sa
pinansya na nilikha ng US.
 3. Ang mamamayan ng daigdig ang bumubuhay sa US, at nagagawa ito ng US sa
pamamagitan ng pang-aabuso sa tiwala sa dolyar ng US bilang pananalaping pandaigdig.
Humihina ang industriya nito dahil sa maramihang pag-iimport ng mga produktong
pangkonsumo mula sa Silangang Asya. Dumaranas ito ng mga depisit sa kalakalan at nagiging
pinakamalaking mangungutang ng daigdig. Lumalaki rin ang mga depisit sa badyet at ang utang
panloob nito dahil sa mabilis na pagpapalaki ng gastusin para sa mga kontrata sa produksyong
militar at pandaigdigang deployment ng mga pwersang militar, laluna sa Iraq at Afghanistan.
Hindi lamang ang gubyernong pederal ng US ang baon sa utang kundi maging ang dambuhalang
mga korporasyon at mga sambahayan. Lahat sila’y hindi makabayad ng kanilang mga utang at
siyang mayor na salik sa kasalukuyang krisis sa pinansyang sumasaklot hindi lamang sa
ekonomya ng US kundi maging sa buong ekonomya ng daigdig. Dalawang ulit nang nabiktima
nang malakihan ang mga sambahayan ng US mula noong 1995 sa pamamagitan ng mga
manipulasyon sa pautang at pinansya. Una, ipinuhunan ng mga manedyer ng pananalapi ang mga
pension fund ng mga manggagawa ng US sa high-tech bubble na nagtagal hanggang sa pumutok
ito noong 2000. Inakit ang mga sambahayan ng US na bumili ng mga sapi sa minimum na tubo.
Di bababa sa 40 porsyento sa kanila ang gumawa nito. Matapos nito, sa mas masaklaw na
paraan, hinikayat ang mga sambahayan ng US na bumili sa pamamagitan ng utang sa housing
bubble na nagsimulang pumutok noong 2006. Binalangkas ng “neoliberal” na mga tagagawa ng
patakaran at manedyer ng ekonomya ng US ang housing bubble para mabigyan ang mga
sambahayan ng US ng artipisyal na mapagkukunan ng karagdagang pautang para sa konsumo, at
sa gayon ay napanatili ang kanilang papel bilang pinakamalaking pamilihang pangkonsumo ng
daigdig sa kabila ng paghina ng industriya at regular na empleyo sa US. Gayunman, inilantad ng
mortgage meltdown sa US, na naging kapuna-puna mula noong nakaraang taon, hindi lamang
ang mabuway na sistema sa pinansya ng US, kundi maging ang epidemya sa pinansya na ikinalat
ng US sa buong daigdig. Inirepake ng mga bangko ng US at mga hedge fund, kasabay ng Fannie
May (Federal National Mortgage Association) at Freddie Mac (Federal Home Loan Mortgage
Association), ang dalawang pinakamalalaking mortgage bank na suportado ng estado, ang di
masingil na mga sangla bilang mga sanglang utang na may kolateral at securities na suportado ng
mga asset, at ibinenta ang mga ito sa pinakamalalaking bangko sa iba’t ibang bayan. Hindi
lamang nalantad ang mortgage meltdown, kundi ang buong saklaw ng krisis sa ekonomya at
pinansya sa US at sa daigdig. Ang kasalukuyang krisis sa pinansya na pinakamasahol mula
noong Malaking Depresyon ay nagresulta sa paghihigpit ng pautang, sa resesyong pangekonomya sa mga imperyalistang bayan, at sa depresyon sa pandaigdigang saklaw. Ang
atrasadong mga bayan ay binibiktima ng paghihigpit ng pautang at pagliit ng mga order mula sa
mga imperyalistang bayan para sa hilaw na materyales at mga malamanupaktura.
 4. Sa kabila ng pandaigdigang depresyong pang-ekonomya, nakakita ng mga paraan ang ilang
sektor sa mga imperyalistang bayan para magkamal ng superganansya at makalikha ng ilusyon
ng positibong tantos ng paglago sa mga imperyalistang bayan at maging sa pandaigdigang
saklaw. Ang mga ito ay ang mga dambuhalang korporasyon sa panggatong at pagkain, na siyang
pinakasaligang mga pangangailangan ng lahat ng bayan. Nakapagdudulot ang mga ito ng kakilakilabot at di mabatang paghihirap sa mamamayan ng daigdig, laluna iyong nasa atrasadong mga
bayan. Epekto sa Pilipinas Dahil isang bayang malakolonyal at malapyudal na bayan na
nakapailalim sa paghaharing dayuhan at pyudal, ang Pilipinas ay may isang ekonomya at
lipunang saklot ng likas at kronikong krisis. Ang tanging paraan para wakasan nito ang di
maunlad na agraryo, pre-industriyal at malapyudal na katangian ng ekonomya ay ang
pagsasagawa ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa. Dati nang pinigilan ang mga
ito ng Keynesian na patakarang piskal na inisponsor ng World Bank na itaguyod ang pagtatayo
ng impraistruktura upang maglingkod sa produksyon at komersyo ng hilaw na materyales. Ang
kasalukuyang patakaran ng “neoliberal” na globalisasyon sa denasyunalisasyon, liberalisasyon,
pribatisasyon at deregulasyon ay ibayong higit na agresibo sa paghadlang sa kaunlarang
industriyal at reporma sa lupa. Sa ilalim ng patakarang ito, lalong lumalim ang pagiging atrasado
ng ekonomya ng Pilipinas at lalong nabulok kaysa dati at naging mas bulnerable sa lumalalang
krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Ipinataw ng US sa Pilipinas ang patakarang
“neoliberal” sa pamamagitan ng mga papet nito. Partikular na pinagbabawalan nito ang mga lider
ng reaksyunaryong gubyerno na itaguyod ang susing papel ng estado sa pagpapakilos sa
mamamayan at mga rekurso sa ekonomya para sa pambansang industriyalisasyon at reporma sa
lupa. Ang kambal na layuning ito ay dapat diumanong pagpasyahan ng pamilihan sa halip na ng
estado at ng mamamayan. Sa ilalim ng impluwensya ng “neoliberalismo”, mas madalas na
magsalita ang papet na mga lider sa Pilipinas tungkol sa “malayang pamilihan” kaysa
“kaunlaran” bilang kaunlarang industriyal na suportado ng estado. Sa aktwal, ang mga salitang
“malayang pamilihan” ay ginagamit para mangahulugan ng pagpapantay sa larangan ng
kompetisyon sa pamamagitan ng mga buldoser ng mga dayuhang monopolyo at pagpipison sa
mamamayan sa lupa. Ang salitang “kaunlaran” ay pinakitid upang mangahulugan ng pagtatayo
ng impraistruktura sa pamamagitan ng paggamit ng mabibigat na pasaning dayuhang pautang at
dayuhang suplay gaya niyong sa panahon ng rehimeng Marcos. Mula sa rehimeng Aquino
hanggang sa sumunod na mga rehimen, na nagtambol ng liberalisasyon sa kalakalan, walang
nagpabalat-bunga man lamang sa isang matatag at komprehensibong kaunlarang industriyal, sa
pamamagitan ng kooperasyon ng estado at ng mga negosyanteng Pilipino. Pinakitid ng
konstitusyong 1987 ng reaksyunaryong estado ang reporma sa lupa tungo sa isang transaksyon
ng “malayang pamilihan”, kung saan boluntaryong ibinebenta ng
 5. panginoong maylupa ang kanyang lupa, at humihingi ng kasalukuyang presyo sa pamilihan
o nag-aalok ng opsyon sa pamamahagi ng mga sapi. Isinantabi ang prinsipyo ng interbensyon ng
estado para makamit ang katarungang panlipunan, gaya ng ekspropriyasyon ng mga lupain ng
mga panginoong maylupa para sa abot-kayang redistribusyon sa mga kasama. Mapangutyang
pinagpayuhan ang mga walang-lupang nagsasaka na kung nais nilang mag-ari ng sariling lupa,
malaya silang bumili kahit ng isang piraso ng Forbes Park, o bumili ng mga sapi mula sa
Hacienda Luisita ni Cory Aquino, o mula sa alinman sa maraming mga korporasyong pangagrikultura ng kanyang pinsan na si Danding Cojuangco. Sa ilalim ng rehimeng Ramos, ang
tinaguriang medium term development program ay hindi nagtaguyod sa pambansang
industriyalisasyon at reporma sa lupa. Pero itinulak nito ang denasyunalisasyon ng ekonomya
para mabiyayaan ang dayuhang mga monopolyo at malalaking komprador. Nilabag nito ang mga
prinsipyo ng soberanya sa ekonomya at pangangalaga sa pambansang patrimonya. Inalis nito ang
mga restriksyon sa dayuhang mamumuhunan sa pagbabangko, pagmimina, agrikultura, panloob
na kalakalan at iba pang tipo ng mga empresa. Hinayaan nito ang walang restriksyong pagdaloy
ng dayuhang kapital papasok at papalabas ng bayan at ang pagtatabi ng malalaking komprador
na mga eksporter ng dayuhang salapi sa ibayong dagat. Lubhang pinaaga nito ang iskedyul na
itinakda ng WTO para sa pagbababa ng taripa sa lahat ng tipo ng mga produkto. Napakalaking
lokal na utang publiko at utang panlabas ng reaksyunaryong gubyero para sa impraistruktura,
laluna sa batbat ng katiwalian na mga proyekto sa paglikha ng koryente na ipinagkaloob sa
dayuhang mga kumpanya. Walang-habas itong nagpribatisasyon, at ibinenta ang mga asset ng
estado at primera klaseng lupang publiko sa dayuhang mamumuhunan upang ipantakip sa mga
depisit sa kalakalan at sa pinansya. Lumikha ito ng boom sa pribadong konstruksyon ng mga tore
na pang-upisina at residensyal at mga palaruan ng golf sa pamamagitan ng mga dayuhang
pautang na komersyal, at tinangkilik ang pagpapalawak ng malamanupakturang may mababang
dagdag na halaga ng mga produktong pangkonsumo /sa ilalim ng pagtatangkilik ng dambuhalang
mga korporasyon at mga empresa ng malalaking komprador, na ang mga utang panlabas ay
ginagarantiyahan ng estado. Pinasinungalingan ng krisis sa pinansya ng 1997 ang tagumpay sa
ekonomya na ipinangalandakan ng rehimeng Ramos. Pagdating ng panahong naging presidente
si Estrada, bangkrap na ang reaksyunaryong gubyerno, at said na ang dayuhang pautang
hanggang sa antas na napilitan siyang tugunan ang kanyang kasibaan sa katiwalian sa
pamamagitan ng pagtanggap ng suhol mula sa huweteng, at paggamit sa mga pondo sa social
security ng gubyerno at pribadong empleyado para sa pinakamaruruming negosyo. Nauwi siya sa
pamamalimos ng pautang para sa impraistruktura mula sa Japan, na naghahangad na makakuha
ng labis-labis na mga pribilehiyo sa kalakalan at pamumuhunan. Nang si Arroyo naman ang nasa
pwesto, inulit niya ang walang-habas na pangungutang na panloob at panlabas, at ang bugso ng
pagpapatupad ng “neoliberal” na patakarang
 6. pang-ekonomya na malakas niyang itinulak bilang senador. Mahigpit na itinaguyod ng mga
imperyalista ang isa pang bugso ng maluwag na pautang alinsunod sa “neoliberal” na kasabihan
na nilulutas ang mga suliranin sa ekonomya at pinansya sa pamamagitan ng pagsalok ng pera
mula sa bangko sentral tungo sa mga helicopter para ipambuhos naman nito sa suliranin. Sa
ilalim ng “neoliberal” na patakarang pang-ekonomya, ang malakolonyal at malapyudal na
katangian ng Pilipinas ay lumalala at lumalalim dahil sa kawalan ng pambansang
industriyalisasyon at reporma sa lupa, sa walang sagkang kalayaan ng dayuhang mga monopolyo
na itambak ang kanilang labis na mga produkto at pumiga ng superganansya, sa walang patid na
akumulasyon ng lupa ng mga panginoong maylupa at korporasyon, sa burukratikong korupsyon,
sa paglilimita sa bayan na lumikha lamang para sa eksport ng mga hilaw na materyal at mga
produktong bahagyang naproseso, sa palaki nang palaking pangkalakalan at piskal na depisit, at
sa laging lumalaking utangpanlabas. Gaya ng rehimeng Ramos, mariing iginigiit ng rehimeng
Arroyo ang denasyunalisasyon ng ekonomya. Napakarami ng mga pagtatangka nito na susugan
ang konstitusyong 1987 upang maalis sa mga probisyong pang-ekonomya ang mga rekisito at
restriksyong pambansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Anu’t anuman, itinulak nito ang
karagdagang batas, gayundin mga tratadong multilateral at bilateral, at mga kasunduang
ehekutibo para itaguyod ang liberalisasyon ng pamumuhunan at kalakalan pabor sa mga
dayuhang mamumuhunan sa kapinsalaan ng soberanyang pang-ekonomya, ng pambansang
patrimonya, ng anakpawis, at ng embayronment. Pinayagan nito ang pagtatambak ng dayuhang
sarplas na manupaktura at mga produktong pang-agrikultura sa bayan, at sa gayon, pinapanghina
at winasak ang panloob na produksyon ng mga ito. Ipinagpatuloy nito ang pribatisasyon ng mga
asset ng estado at mga lupang publiko. Ibinenta ang mga ito sa mga dayuhang korporasyon at sa
mga kroni. Inuk-ok o inikutan ang mga batas na nangangalaga sa mga manggagawa, kababaihan,
kabataan at embayronment sa “neoliberal” na diwa ng deregulasyon upang magkamal ng tubo
ang mga dayuhang monopolyo at malalaking komprador. Walang pigil ang depisit na paggagasta
at lokal na pangungutang ng rehimeng Arroyo, pangunahin para sa layunin ng pagkakamal ng
tubo ng mga imperyalista at malalaking komprador, burukratikong korapsyon, at konsumo ng
nakatataas na uri. Napupunta ang mga istadistika ng mga ito sa balighong laro ng paglikha ng
ilusyon na may taunang tantos ng paglago ng ekonomya. Pinalalabas na mga salik ng kaunlaran
ang kontraproduktibong mga aktibidad at pangungutang na bumabangkrap sa estado at sa
ekonomya . Kahit na bangkrap at bagsak ang ekonomya, nagbibigay ang rehimeng Arroyo ng
pinakamalaking prayoridad sa pagseserbisyo sa utang panlabas at pinalalaki ang pasaning buwis
ng sambayanan. Umaapaw ang katapatan ng rehimeng Arroyo sa kanyang mga among
imperyalista. Gayunman, kaharap nito ngayon ang malulubhang problemang likha ng krisis ng
kapitalistang sistema ng US at ng daigdig. Humigpit ang internasyunal na pautang.
 7. Lumiit ang mga panlabas na order para sa hilaw na materyales at mga malamanupakturang
pangkonsumo. Mas masahol pa, umaalagwa ang presyo ng panggatong at mga import na
pagkain. (Gawa-gawa )Ang dambuhalang mga kumpanya ng langis at pagkain ay naglubid ng
mga kasinungalingan sa midya na may kakulangan ng panggatong at pagkain para tumiba nang
husto sa “malayang pamilihan”. Walang ginagawa ang rehimen para rendahan ang mga
dayuhang monopolyo sa walangtigil na pagtataas ng presyo ng langis at pagpapalobo sa presyo
ng lahat ng pangunahing bilihin. Dahil napakatagal nang nakapailalim sa patakaran ng
liberalisasyon ng kalakalan, pinayagan nito ang pagtatambak ng bigas mula sa ibayong dagat at
sa gayon, winasak ang lokal na produksyon ng bigas. Ginawa nitong numero unong importer ng
bigas sa daigdig ang Pilipinas. Naging ganap na tanga ito sa pagkabigong magbuo ng sariling
reserbang imbak ng bigas, at sa gayon, kinailangang bumili ng bigas mula sa pandaigdigang
pamilihan sa panahong lumolobo ang presyo. Ang mga Tungkulin ng mga Estudyanteng Pilipino
Ang ekonomya ng Pilipinas ay bumubulusok mula sa isang antas ng krisis at depresyon tungo sa
isa pa. Pinahihirapan ang mga estudyanteng Pilipino ng mabilis na tumataas na halaga ng pagaaral at pamumuhay, at kailangang umangkop sa maraming problemang nagmumula sa pangaapi at pagsasamantala ng dayuhang monopolyong kapitalismo, katutubong pyudalismo at
burukratang kapitalismo sa buong sambayanan. May mahigpit at malaking kahalagahan para sa
League of Filipino Students at lahat ng iba pang patriyotiko at progresibong organisasyong ng
kabataan na pukawin, organisahin at pakilusin nang milyun-milyon ang masang estudyante.
Kailangang ninyong magkaisa at makibaka laban sa “neoliberal” na globalisasyon at lahat ng iba
pang nakapipinsalang patakaran ng imperyalismo at lokal na reaksyon. Ang mga ito ay
nakapipinsala sa inyo bilang mga estudyante at kabataan dahil kaharap ninyo ngayon hindi
lamang ang kasalukuyang tumataas ng halaga ng pag-aaral at pamumuhay kundi maging ang
madilim na hinaharap ng disempleyo sa bulok na naghaharing sistemang higit na binabatbat ng
krisis. Kailangan din ninyong labanan ang digma ng teror na isinusulsol ng US. Ito ay nasa anyo
ng terorismo ng estado at tuwirang interbensyong militar ng US sa Pilipinas, at mga digma ng
agresyon ng US sa Iraq, Afghanistan at iba pang dako. Ang karahasang pinakawalan ng US sa
lahat ng dako ng daigdig ay naglalayong pwersahin ang mga mamamayan na magpailalim sa
pagsasamantala. Kalangkap ito ng “neoliberal” na globalisasyon. Ang imperyalismong US ang
nasa likod ng garapalan at sistematikong paglabag ng rehimeng Arroyo at ng mga armadong
galamay nito sa mga karapatang tao. Maaasahan natin ang pagpapatindi ng pagsasamantala at
pang-aapi, sa ilalim ng isinusulsol ng US na patakaran ng globalisasyong “malayang pamilihan”
at pandaigdigang digma ng teror ng US. Kailangan ninyong sumanib sa malawak masa ng
sambayanang Pilipino sa pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa
imperyalismong US at lokal na
 8. nagsasamantalang mga uri. Kailangan ninyong isagawa ang lahat ng posible at
kinakailangang anyo ng pakikibaka para isulong ang rebolusyonaryong adhikain. Maihahanda at
maisusulong natin ang sosyalistang rebolusyon sa pamamagitan lamang ng pagkukumpleto ng
bagong demokratikong rebolusyon, sa pamamagitan ng matagumpay na pagkukumpleto sa di
tapos na rebolusyong Pilipino na pinasimulan ng ating mga rebolusyonaryong ninuno. Lubos ang
umaasa ang sambayanan sa kabataang Pilipino bilang isang matatag at militanteng pwersa para
sa rebolusyonaryong pagbabago.

Contenu connexe

Tendances

Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)benchhood
 
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...edmond84
 
Agham panlipunan sa ekonomiks
Agham panlipunan sa ekonomiksAgham panlipunan sa ekonomiks
Agham panlipunan sa ekonomiksPRINTDESK by Dan
 
sektor ng paglilingkod
sektor ng paglilingkodsektor ng paglilingkod
sektor ng paglilingkodThelma Singson
 
Price support
Price supportPrice support
Price supportMoo03
 
Microeconomics:SUPPLY
Microeconomics:SUPPLYMicroeconomics:SUPPLY
Microeconomics:SUPPLYJhoie Morales
 
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakModyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakdionesioable
 
Ang ating pambansang kaunlaran
Ang ating pambansang kaunlaranAng ating pambansang kaunlaran
Ang ating pambansang kaunlaranAlice Bernardo
 
Mura at Flexible Labor
Mura at Flexible LaborMura at Flexible Labor
Mura at Flexible Laboredmond84
 
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptxMABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptxJOYCONCEPCION6
 
Grade 9 Learning Module in Araling Panlipunan - Quarter 1 only
Grade 9 Learning Module in Araling Panlipunan - Quarter 1 onlyGrade 9 Learning Module in Araling Panlipunan - Quarter 1 only
Grade 9 Learning Module in Araling Panlipunan - Quarter 1 onlyR Borres
 
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1charles123123
 
ARPAN 10 - PAGKAMAMAMAYAN.pptx
ARPAN 10 - PAGKAMAMAMAYAN.pptxARPAN 10 - PAGKAMAMAMAYAN.pptx
ARPAN 10 - PAGKAMAMAMAYAN.pptxJohnLopeBarce2
 
Egames sektor ng industriya
Egames sektor ng industriyaEgames sektor ng industriya
Egames sektor ng industriyatemarieshinobi
 
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxAKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxJohnAryelDelaPaz
 
MELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC_Aralin 20-Sektor ng IndustriyaMELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC_Aralin 20-Sektor ng IndustriyaRivera Arnel
 
Tendances (20)

Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
 
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
 
suplay
suplaysuplay
suplay
 
Agham panlipunan sa ekonomiks
Agham panlipunan sa ekonomiksAgham panlipunan sa ekonomiks
Agham panlipunan sa ekonomiks
 
Politikal na Pakikilahok
   Politikal na Pakikilahok   Politikal na Pakikilahok
Politikal na Pakikilahok
 
Politikal na Pakikilahok.pptx
Politikal na Pakikilahok.pptxPolitikal na Pakikilahok.pptx
Politikal na Pakikilahok.pptx
 
sektor ng paglilingkod
sektor ng paglilingkodsektor ng paglilingkod
sektor ng paglilingkod
 
Price support
Price supportPrice support
Price support
 
Microeconomics:SUPPLY
Microeconomics:SUPPLYMicroeconomics:SUPPLY
Microeconomics:SUPPLY
 
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakModyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
 
Ang ating pambansang kaunlaran
Ang ating pambansang kaunlaranAng ating pambansang kaunlaran
Ang ating pambansang kaunlaran
 
Mura at Flexible Labor
Mura at Flexible LaborMura at Flexible Labor
Mura at Flexible Labor
 
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptxMABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
 
Grade 9 Learning Module in Araling Panlipunan - Quarter 1 only
Grade 9 Learning Module in Araling Panlipunan - Quarter 1 onlyGrade 9 Learning Module in Araling Panlipunan - Quarter 1 only
Grade 9 Learning Module in Araling Panlipunan - Quarter 1 only
 
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1
ARALIN PANLIPUNAN IV kabanata 1
 
ARPAN 10 - PAGKAMAMAMAYAN.pptx
ARPAN 10 - PAGKAMAMAMAYAN.pptxARPAN 10 - PAGKAMAMAMAYAN.pptx
ARPAN 10 - PAGKAMAMAMAYAN.pptx
 
Egames sektor ng industriya
Egames sektor ng industriyaEgames sektor ng industriya
Egames sektor ng industriya
 
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxAKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
 
Kalakalang panlabas (export/import)
Kalakalang panlabas (export/import)Kalakalang panlabas (export/import)
Kalakalang panlabas (export/import)
 
MELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC_Aralin 20-Sektor ng IndustriyaMELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
 
En vedette

Pagmamay aring-intelektuwal
Pagmamay aring-intelektuwalPagmamay aring-intelektuwal
Pagmamay aring-intelektuwalPatrisha Picones
 
Liberalisasyon at Nasyonalisasyon
Liberalisasyon at NasyonalisasyonLiberalisasyon at Nasyonalisasyon
Liberalisasyon at NasyonalisasyonGesa Tuzon
 
External quality assessment presentation august 29 2013
External quality assessment presentation august 29 2013External quality assessment presentation august 29 2013
External quality assessment presentation august 29 2013Jerry Montes
 
الوصف+الك...Pps
 الوصف+الك...Pps  الوصف+الك...Pps
الوصف+الك...Pps Nader Hassieb
 
Arkansas Women Bloggers--We go together (collaboration)
Arkansas Women Bloggers--We go together (collaboration)Arkansas Women Bloggers--We go together (collaboration)
Arkansas Women Bloggers--We go together (collaboration)Heather Davis
 
Команда единомышленников- создаем сайт доу
Команда единомышленников- создаем сайт доуКоманда единомышленников- создаем сайт доу
Команда единомышленников- создаем сайт доуSvetlana Pyshkova
 
Informatica solidale giugno 2014 1.1
Informatica solidale giugno 2014 1.1Informatica solidale giugno 2014 1.1
Informatica solidale giugno 2014 1.1Claudio Tancini
 
Jakub Dąbkowski - Kto u mnie kupuje, a kto nie kupuje i dlaczego? Automatyzac...
Jakub Dąbkowski - Kto u mnie kupuje, a kto nie kupuje i dlaczego? Automatyzac...Jakub Dąbkowski - Kto u mnie kupuje, a kto nie kupuje i dlaczego? Automatyzac...
Jakub Dąbkowski - Kto u mnie kupuje, a kto nie kupuje i dlaczego? Automatyzac...#e-biznes festiwal
 
программа «пять ролей менеджера компании франчайзора
программа  «пять ролей менеджера компании  франчайзорапрограмма  «пять ролей менеджера компании  франчайзора
программа «пять ролей менеджера компании франчайзораЕлена Виль-Вильямс
 
Liatoto na-bulgarskoto-izkustvo-2014.eng-1
Liatoto na-bulgarskoto-izkustvo-2014.eng-1Liatoto na-bulgarskoto-izkustvo-2014.eng-1
Liatoto na-bulgarskoto-izkustvo-2014.eng-1Sim Aleksiev
 
Physics unit3
Physics unit3Physics unit3
Physics unit3furmannv
 
En vedette (18)

Pagmamay aring-intelektuwal
Pagmamay aring-intelektuwalPagmamay aring-intelektuwal
Pagmamay aring-intelektuwal
 
Liberalisasyon at Nasyonalisasyon
Liberalisasyon at NasyonalisasyonLiberalisasyon at Nasyonalisasyon
Liberalisasyon at Nasyonalisasyon
 
Unit 2
Unit 2Unit 2
Unit 2
 
External quality assessment presentation august 29 2013
External quality assessment presentation august 29 2013External quality assessment presentation august 29 2013
External quality assessment presentation august 29 2013
 
Home pure
Home pureHome pure
Home pure
 
الوصف+الك...Pps
 الوصف+الك...Pps  الوصف+الك...Pps
الوصف+الك...Pps
 
Arkansas Women Bloggers--We go together (collaboration)
Arkansas Women Bloggers--We go together (collaboration)Arkansas Women Bloggers--We go together (collaboration)
Arkansas Women Bloggers--We go together (collaboration)
 
Команда единомышленников- создаем сайт доу
Команда единомышленников- создаем сайт доуКоманда единомышленников- создаем сайт доу
Команда единомышленников- создаем сайт доу
 
คณิตศาสตร์
คณิตศาสตร์คณิตศาสตร์
คณิตศาสตร์
 
ACE FORKLIFT
ACE FORKLIFTACE FORKLIFT
ACE FORKLIFT
 
Cen Group
Cen GroupCen Group
Cen Group
 
Las vegas convention photographer
Las vegas convention photographerLas vegas convention photographer
Las vegas convention photographer
 
Informatica solidale giugno 2014 1.1
Informatica solidale giugno 2014 1.1Informatica solidale giugno 2014 1.1
Informatica solidale giugno 2014 1.1
 
IPA
IPAIPA
IPA
 
Jakub Dąbkowski - Kto u mnie kupuje, a kto nie kupuje i dlaczego? Automatyzac...
Jakub Dąbkowski - Kto u mnie kupuje, a kto nie kupuje i dlaczego? Automatyzac...Jakub Dąbkowski - Kto u mnie kupuje, a kto nie kupuje i dlaczego? Automatyzac...
Jakub Dąbkowski - Kto u mnie kupuje, a kto nie kupuje i dlaczego? Automatyzac...
 
программа «пять ролей менеджера компании франчайзора
программа  «пять ролей менеджера компании  франчайзорапрограмма  «пять ролей менеджера компании  франчайзора
программа «пять ролей менеджера компании франчайзора
 
Liatoto na-bulgarskoto-izkustvo-2014.eng-1
Liatoto na-bulgarskoto-izkustvo-2014.eng-1Liatoto na-bulgarskoto-izkustvo-2014.eng-1
Liatoto na-bulgarskoto-izkustvo-2014.eng-1
 
Physics unit3
Physics unit3Physics unit3
Physics unit3
 
Similaire à Ang patakaran ng

AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docxAP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docxJackeline Abinales
 
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)南 睿
 
Araling panlipunan 9
Araling panlipunan 9Araling panlipunan 9
Araling panlipunan 9johnraylabra
 
AP-7-QUARTER-4-WEEK-3.pptx
AP-7-QUARTER-4-WEEK-3.pptxAP-7-QUARTER-4-WEEK-3.pptx
AP-7-QUARTER-4-WEEK-3.pptxRosiebelleDasco
 
neo-kolonyalismo by michelle e.
neo-kolonyalismo by michelle e.neo-kolonyalismo by michelle e.
neo-kolonyalismo by michelle e.Jhunno Syndel
 
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon.pptx
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon.pptxPagharap sa Hamon ng Globalisasyon.pptx
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon.pptxAraling Panlipunan
 
Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas
Malayang Kalakalan ng US-PilipinasMalayang Kalakalan ng US-Pilipinas
Malayang Kalakalan ng US-PilipinasSue Quirante
 
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosAng pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosVal Reyes
 
dokumen.tips_neo-kolonyalismo-by-michelle-e.ppt
dokumen.tips_neo-kolonyalismo-by-michelle-e.pptdokumen.tips_neo-kolonyalismo-by-michelle-e.ppt
dokumen.tips_neo-kolonyalismo-by-michelle-e.pptIrwinFajarito2
 
ap9 ang pag-unlad ng pilinas sa ibat-ibang panahon.pptx
ap9 ang pag-unlad ng pilinas sa ibat-ibang panahon.pptxap9 ang pag-unlad ng pilinas sa ibat-ibang panahon.pptx
ap9 ang pag-unlad ng pilinas sa ibat-ibang panahon.pptxfranciscagloryvilira
 
Pinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranin
Pinag Uugatan Ng Mga Saligang SuliraninPinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranin
Pinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranincourage_mpmu
 
Neoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuelNeoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuelmanuel hidalgo
 
Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon
Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyonWeek 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon
Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyonedwin planas ada
 
Similaire à Ang patakaran ng (20)

AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docxAP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
 
ap888.pptx
ap888.pptxap888.pptx
ap888.pptx
 
q4, m2 LM
q4, m2 LMq4, m2 LM
q4, m2 LM
 
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
 
Araling panlipunan 9
Araling panlipunan 9Araling panlipunan 9
Araling panlipunan 9
 
Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70
 
AP-7-QUARTER-4-WEEK-3.pptx
AP-7-QUARTER-4-WEEK-3.pptxAP-7-QUARTER-4-WEEK-3.pptx
AP-7-QUARTER-4-WEEK-3.pptx
 
neo-kolonyalismo by michelle e.
neo-kolonyalismo by michelle e.neo-kolonyalismo by michelle e.
neo-kolonyalismo by michelle e.
 
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon.pptx
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon.pptxPagharap sa Hamon ng Globalisasyon.pptx
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon.pptx
 
Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas
Malayang Kalakalan ng US-PilipinasMalayang Kalakalan ng US-Pilipinas
Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas
 
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosAng pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
 
dokumen.tips_neo-kolonyalismo-by-michelle-e.ppt
dokumen.tips_neo-kolonyalismo-by-michelle-e.pptdokumen.tips_neo-kolonyalismo-by-michelle-e.ppt
dokumen.tips_neo-kolonyalismo-by-michelle-e.ppt
 
10 ap mga isyu sa paggawa
10 ap mga isyu sa paggawa10 ap mga isyu sa paggawa
10 ap mga isyu sa paggawa
 
Mga Issue ng Paggawa.pptx
Mga Issue ng Paggawa.pptxMga Issue ng Paggawa.pptx
Mga Issue ng Paggawa.pptx
 
ap9 ang pag-unlad ng pilinas sa ibat-ibang panahon.pptx
ap9 ang pag-unlad ng pilinas sa ibat-ibang panahon.pptxap9 ang pag-unlad ng pilinas sa ibat-ibang panahon.pptx
ap9 ang pag-unlad ng pilinas sa ibat-ibang panahon.pptx
 
G10 AP mga isyu sa paggawa
G10 AP mga isyu sa paggawaG10 AP mga isyu sa paggawa
G10 AP mga isyu sa paggawa
 
Pinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranin
Pinag Uugatan Ng Mga Saligang SuliraninPinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranin
Pinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranin
 
Neokolonyalismo
NeokolonyalismoNeokolonyalismo
Neokolonyalismo
 
Neoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuelNeoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuel
 
Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon
Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyonWeek 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon
Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon
 
Plus de manuel hidalgo

Faith movement by billy mercado
Faith movement by billy mercadoFaith movement by billy mercado
Faith movement by billy mercadomanuel hidalgo
 
report Feminist movement
 report Feminist movement report Feminist movement
report Feminist movementmanuel hidalgo
 
Republic of the philippines policy
Republic of the philippines policyRepublic of the philippines policy
Republic of the philippines policymanuel hidalgo
 
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02manuel hidalgo
 
Republic of the philippines
Republic of the philippinesRepublic of the philippines
Republic of the philippinesmanuel hidalgo
 
Neoliberalism report in social work 20
Neoliberalism report in social work 20Neoliberalism report in social work 20
Neoliberalism report in social work 20manuel hidalgo
 
Theory neoliberalism by manuel
Theory neoliberalism by manuelTheory neoliberalism by manuel
Theory neoliberalism by manuelmanuel hidalgo
 
Neoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuelNeoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuelmanuel hidalgo
 
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippinesMula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippinesmanuel hidalgo
 
Neoliberalism manuel reprort
Neoliberalism manuel reprortNeoliberalism manuel reprort
Neoliberalism manuel reprortmanuel hidalgo
 
Plus de manuel hidalgo (20)

Major tasks
Major tasksMajor tasks
Major tasks
 
Faith movement by billy mercado
Faith movement by billy mercadoFaith movement by billy mercado
Faith movement by billy mercado
 
Chapter viii sw 18
Chapter viii sw 18Chapter viii sw 18
Chapter viii sw 18
 
Chapter vi sw 18
Chapter vi sw 18Chapter vi sw 18
Chapter vi sw 18
 
report Feminist movement
 report Feminist movement report Feminist movement
report Feminist movement
 
Sw 19
Sw 19Sw 19
Sw 19
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Republic of the philippines policy
Republic of the philippines policyRepublic of the philippines policy
Republic of the philippines policy
 
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
Republicofthephilippines 140219224836-phpapp02
 
Republic act 8353
Republic act 8353Republic act 8353
Republic act 8353
 
Republic of the philippines
Republic of the philippinesRepublic of the philippines
Republic of the philippines
 
childrens act
childrens actchildrens act
childrens act
 
Neoliberalism report in social work 20
Neoliberalism report in social work 20Neoliberalism report in social work 20
Neoliberalism report in social work 20
 
movie review of rush
movie review of rushmovie review of rush
movie review of rush
 
Theory neoliberalism by manuel
Theory neoliberalism by manuelTheory neoliberalism by manuel
Theory neoliberalism by manuel
 
Neoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuelNeoliberal education in the philippines by manuel
Neoliberal education in the philippines by manuel
 
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippinesMula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
Mula tore patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines
 
Neoliberalism manuel
Neoliberalism manuelNeoliberalism manuel
Neoliberalism manuel
 
Neoliberalism manuel reprort
Neoliberalism manuel reprortNeoliberalism manuel reprort
Neoliberalism manuel reprort
 
Neoliberalism
NeoliberalismNeoliberalism
Neoliberalism
 
Dernier

Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itobryandomingo8
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxJeremyPatrichTupong
 
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotomga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotoMark James Viñegas
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...RomyrGenesisCanaria2
 
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdfjemarabermudeztaniza
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docxChristineIgnas2
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....JEANELLEBRUZA
 
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxFILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxKimberlyValdez19
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxLAWRENCEJEREMYBRIONE
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5TinCabanayan
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotOlinadLobatonAiMula
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanMedizaTheresseTagana1
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson planREDENJAVILLO1
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyojovienatividad1
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)JEANELLEBRUZA
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
Dernier (20)

Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
 
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotomga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
 
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
 
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptxFILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
FILIPINO 6 PPT Q4 - Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita.pptx
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
Ang patakaran ng

  • 1.  ANG PATAKARAN NG “NEOLIBERAL” NA GLOBALISASYON AT ANG LUMALALANG KRISIS SA EKONOMYA SA PILIPINAS Ni Propesor Jose Maria Sison Punong Tagapagtatag, Kabataang Makabayan Setyembre 11, 2008 Salamat sa inyong pagiimbita sa akin na magsalita tungkol sa patakaran ng “neoliberal” na globalisasyon at sa lumalalang krisis sa ekonomya sa Pilipinas sa okasyon ng ika-31 anibersaryo ng pagkakatatag ng League of Filipino Students (LFS). Binabati ko ang LFS sa Baguio City sa mga nakamit nitong tagumpay. Pinahahalagahan ko ang kooperasyon ng LFS sa Anakbayan, Konseho ng Mag-aaral ng Pamantasang UP Baguio, Nationalist Corps (Kwerpong Makabansa) at Politically Inclined Students (Mga Mag-aaral na Mayhilig sa Pulitika) sa pagdaraos ng mahalagang porum na ito. “Neoliberal” na Globalisasyon Una sa lahat, hayaan ninyong ipaliwanag ko kung ano ang kahulugan ng patakaran ng “neoliberal” na globalisasyon. Isa itong patakaran ng panlilinlang, na maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang “malayang pamilihang” kapitalismo. Pinagtibay ito mula noong 1980 para diumano’y lutasin ang problema ng istagplasyon, ang penomenon ng istagnasyon at implasyon na nagsasabay, at ang bisyosong ikid kung saan ang pagtatangkang lutasin ang alinman sa mga ito ay nagpapalala sa isa pa. Sa pagtutulak ng patakaran, tinukoy nina Reagan at Thatcher ang interbensyong Keynesian at sosyaldemokratikong estado bilang saligang ugat ng istagplasyon dahil lumilikha ito ng implasyon sa sahod at “sobra-sobrang” gastusing panlipunan. Kung gayon, itinaguyod nila ang pagpapagana nang husto sa “malayang pamilihan” at pagbibigay sa monopolyong burgesya at dambuhalang mga korporasyon ng lahat ng pagkakataon para makapagpalitaw ng mga rekursong kapital, walang sagkang makapagkamal ng tubo at makakuha ng malalaking bawas sa buwis para diumano’y paunlarin ang ekonomya, makalikha ng mga trabaho, at mabawasan ang pagiging “dependyente” ng anakpawis sa gubyerno. Upang makamit ang layuning “neoliberal” o “malayang pamilihan”, naglunsad ang mga imperyalistang estado sa pangunguna ng US, ng walang tigil na pag-atake sa mahihigpit na ipinaglabang karapatan ng uring manggagawa sa seguridad sa trabaho, sa organisasyong unyon at sa mga benepisyong panlipunan. Pinababa ang antas ng pasahod. Sa kalakhan, ang pultaym na regular na trabaho ay hinalinhan ng mga trabahong partaym. Binawasan o tinanggal ang di tuwirang mga sahod na maaaring nasa anyo ng segurong panlipunan, segurong medikal, mga benepisyong pang-edukasyon at mga serbisyong panlipunan. Walang tigil na bumabagsak ang tunay na kita ng uring manggagawa.  2. Gayunman, binigyan ng lahat ng pagkakataon ng patakarang “neoliberal” ang mga bangko at empresang multinasyunal ng monopolyong burgesya para sa akumulasyon ng kapital at pagkakamal ng tubo sa pamamagitan ng liberalisasyon ng pamumuhunan at kalakalan, pribatisasyon ng mga tungkulin at asset ng estado, deregulasyon sa kapinsalaan ng anakpawis, kababaihan, kabataan at embayronment, at denasyunalisasyon ng mga ekonomya ng mga atrasadong bayan. Ayon sa “mga neoliberal” o “mga tagapagtaguyod ng malayang pamilihan”, maling gamitin ang tuwirang kamay ng estado para sa pagtatamo ng kaunlarang pang-ekonomya at sa pagtitiyak ng kagalingang panlipunan. Gayunman, wastung-wasto na ipamahagi ang mga rekurso ng estado, mga kontrata ng estado, mga subsidyo, seguro sa pamumuhunan at mga eksempsyon sa buwis sa mga dambuhalang korporasyon, at gayundin, na magsagawa ng pinabilis na gastusing militar. Hindi sa kagalingang panlipunan, pero oo sa kagalingang pangkorporasyon. Hindi sa gastusing panlipunan, pero oo sa gastusing militar. Hindi naintindihan ng “mga neoliberal” ang esensyal na punto tungkol sa problema ng istagplasyon. Nang lumitaw ito noong dekada 1970, ito ay dahil nagrekonstruksyon sa ilalim ng planong Marshall ang Germany at Japan na nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at muli na namang sinaklot ang lahat ng mga kapangyarihang imperyalista ng seryosong krisis sa labis na
  • 2. produksyon bunga ng kompetisyon at pagkakamal ng tubo sa kapinsalaan ng mga manggagawa. Pinabababa ng lahat ng kapitalistang ekonomya ang antas ng pasahod upang maksimisahin ang tubo at kontrahin ang bumababang tantos ng tubo sa proseso ng pagpapalawak ng produksyon. Kasabay nito, pinangunahan ng US ang pagsasagawa ng implasyunaryong mga aktibidad, kabilang ang napakalaking pag-agos ng mga dolyar ng US tungo sa ibayong dagat, pandaigdigang deployment ng mga pwersang militar ng US at digmang agresyon sa Indotsina. Ang krisis ng labis na produksyon ay laging nasa base ng krisis ng kapitalistang sistema ng US at ng daigdig. Sa pamamagitan ng pagpapababa ng sahod para maksimisahin ang tubo, di sinasadyang pinakikitid ng monopolyong burgesya ang pamilihan para sa mga produkto ng lumalawak na produksyon. Nagiging lantad ang krisis ng labis na produksyon kapag hindi maibenta ang malalaking imbak ng mga produkto, kinakailangang bawasan ang produksyon at pinatatalsik sa trabaho ang mga manggagawa. Sa magkakasunod na dekada, mula noong huling bahagi ng dekada 1960, mas lumala ang krisis ng labis na produksyon, mas nagiging mahirap ang mga problema ng disempleyo at implasyon, at sa katunayan, istagnant ang tantos ng paglago. Pero mula nang opisyal na pagtibayin ang patakarang “neoliberal”, ang panlilinlang upang maikubli ang mga suliranin sa ekonomya ay ang pagpapalaki ng suplay ng salapi at pagpapadali ng pautang para sa mga dambuhalang korporasyon at para sa mga tagakonsumo sa napakalaking pamilihan ng Amerika. Bunga nito, nasasaksihan natin ngayon ang isang gahiganteng krisis sa pinansya na nilikha ng US.  3. Ang mamamayan ng daigdig ang bumubuhay sa US, at nagagawa ito ng US sa pamamagitan ng pang-aabuso sa tiwala sa dolyar ng US bilang pananalaping pandaigdig. Humihina ang industriya nito dahil sa maramihang pag-iimport ng mga produktong pangkonsumo mula sa Silangang Asya. Dumaranas ito ng mga depisit sa kalakalan at nagiging pinakamalaking mangungutang ng daigdig. Lumalaki rin ang mga depisit sa badyet at ang utang panloob nito dahil sa mabilis na pagpapalaki ng gastusin para sa mga kontrata sa produksyong militar at pandaigdigang deployment ng mga pwersang militar, laluna sa Iraq at Afghanistan. Hindi lamang ang gubyernong pederal ng US ang baon sa utang kundi maging ang dambuhalang mga korporasyon at mga sambahayan. Lahat sila’y hindi makabayad ng kanilang mga utang at siyang mayor na salik sa kasalukuyang krisis sa pinansyang sumasaklot hindi lamang sa ekonomya ng US kundi maging sa buong ekonomya ng daigdig. Dalawang ulit nang nabiktima nang malakihan ang mga sambahayan ng US mula noong 1995 sa pamamagitan ng mga manipulasyon sa pautang at pinansya. Una, ipinuhunan ng mga manedyer ng pananalapi ang mga pension fund ng mga manggagawa ng US sa high-tech bubble na nagtagal hanggang sa pumutok ito noong 2000. Inakit ang mga sambahayan ng US na bumili ng mga sapi sa minimum na tubo. Di bababa sa 40 porsyento sa kanila ang gumawa nito. Matapos nito, sa mas masaklaw na paraan, hinikayat ang mga sambahayan ng US na bumili sa pamamagitan ng utang sa housing bubble na nagsimulang pumutok noong 2006. Binalangkas ng “neoliberal” na mga tagagawa ng patakaran at manedyer ng ekonomya ng US ang housing bubble para mabigyan ang mga sambahayan ng US ng artipisyal na mapagkukunan ng karagdagang pautang para sa konsumo, at sa gayon ay napanatili ang kanilang papel bilang pinakamalaking pamilihang pangkonsumo ng daigdig sa kabila ng paghina ng industriya at regular na empleyo sa US. Gayunman, inilantad ng mortgage meltdown sa US, na naging kapuna-puna mula noong nakaraang taon, hindi lamang ang mabuway na sistema sa pinansya ng US, kundi maging ang epidemya sa pinansya na ikinalat ng US sa buong daigdig. Inirepake ng mga bangko ng US at mga hedge fund, kasabay ng Fannie May (Federal National Mortgage Association) at Freddie Mac (Federal Home Loan Mortgage Association), ang dalawang pinakamalalaking mortgage bank na suportado ng estado, ang di
  • 3. masingil na mga sangla bilang mga sanglang utang na may kolateral at securities na suportado ng mga asset, at ibinenta ang mga ito sa pinakamalalaking bangko sa iba’t ibang bayan. Hindi lamang nalantad ang mortgage meltdown, kundi ang buong saklaw ng krisis sa ekonomya at pinansya sa US at sa daigdig. Ang kasalukuyang krisis sa pinansya na pinakamasahol mula noong Malaking Depresyon ay nagresulta sa paghihigpit ng pautang, sa resesyong pangekonomya sa mga imperyalistang bayan, at sa depresyon sa pandaigdigang saklaw. Ang atrasadong mga bayan ay binibiktima ng paghihigpit ng pautang at pagliit ng mga order mula sa mga imperyalistang bayan para sa hilaw na materyales at mga malamanupaktura.  4. Sa kabila ng pandaigdigang depresyong pang-ekonomya, nakakita ng mga paraan ang ilang sektor sa mga imperyalistang bayan para magkamal ng superganansya at makalikha ng ilusyon ng positibong tantos ng paglago sa mga imperyalistang bayan at maging sa pandaigdigang saklaw. Ang mga ito ay ang mga dambuhalang korporasyon sa panggatong at pagkain, na siyang pinakasaligang mga pangangailangan ng lahat ng bayan. Nakapagdudulot ang mga ito ng kakilakilabot at di mabatang paghihirap sa mamamayan ng daigdig, laluna iyong nasa atrasadong mga bayan. Epekto sa Pilipinas Dahil isang bayang malakolonyal at malapyudal na bayan na nakapailalim sa paghaharing dayuhan at pyudal, ang Pilipinas ay may isang ekonomya at lipunang saklot ng likas at kronikong krisis. Ang tanging paraan para wakasan nito ang di maunlad na agraryo, pre-industriyal at malapyudal na katangian ng ekonomya ay ang pagsasagawa ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa. Dati nang pinigilan ang mga ito ng Keynesian na patakarang piskal na inisponsor ng World Bank na itaguyod ang pagtatayo ng impraistruktura upang maglingkod sa produksyon at komersyo ng hilaw na materyales. Ang kasalukuyang patakaran ng “neoliberal” na globalisasyon sa denasyunalisasyon, liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon ay ibayong higit na agresibo sa paghadlang sa kaunlarang industriyal at reporma sa lupa. Sa ilalim ng patakarang ito, lalong lumalim ang pagiging atrasado ng ekonomya ng Pilipinas at lalong nabulok kaysa dati at naging mas bulnerable sa lumalalang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Ipinataw ng US sa Pilipinas ang patakarang “neoliberal” sa pamamagitan ng mga papet nito. Partikular na pinagbabawalan nito ang mga lider ng reaksyunaryong gubyerno na itaguyod ang susing papel ng estado sa pagpapakilos sa mamamayan at mga rekurso sa ekonomya para sa pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa. Ang kambal na layuning ito ay dapat diumanong pagpasyahan ng pamilihan sa halip na ng estado at ng mamamayan. Sa ilalim ng impluwensya ng “neoliberalismo”, mas madalas na magsalita ang papet na mga lider sa Pilipinas tungkol sa “malayang pamilihan” kaysa “kaunlaran” bilang kaunlarang industriyal na suportado ng estado. Sa aktwal, ang mga salitang “malayang pamilihan” ay ginagamit para mangahulugan ng pagpapantay sa larangan ng kompetisyon sa pamamagitan ng mga buldoser ng mga dayuhang monopolyo at pagpipison sa mamamayan sa lupa. Ang salitang “kaunlaran” ay pinakitid upang mangahulugan ng pagtatayo ng impraistruktura sa pamamagitan ng paggamit ng mabibigat na pasaning dayuhang pautang at dayuhang suplay gaya niyong sa panahon ng rehimeng Marcos. Mula sa rehimeng Aquino hanggang sa sumunod na mga rehimen, na nagtambol ng liberalisasyon sa kalakalan, walang nagpabalat-bunga man lamang sa isang matatag at komprehensibong kaunlarang industriyal, sa pamamagitan ng kooperasyon ng estado at ng mga negosyanteng Pilipino. Pinakitid ng konstitusyong 1987 ng reaksyunaryong estado ang reporma sa lupa tungo sa isang transaksyon ng “malayang pamilihan”, kung saan boluntaryong ibinebenta ng  5. panginoong maylupa ang kanyang lupa, at humihingi ng kasalukuyang presyo sa pamilihan o nag-aalok ng opsyon sa pamamahagi ng mga sapi. Isinantabi ang prinsipyo ng interbensyon ng estado para makamit ang katarungang panlipunan, gaya ng ekspropriyasyon ng mga lupain ng
  • 4. mga panginoong maylupa para sa abot-kayang redistribusyon sa mga kasama. Mapangutyang pinagpayuhan ang mga walang-lupang nagsasaka na kung nais nilang mag-ari ng sariling lupa, malaya silang bumili kahit ng isang piraso ng Forbes Park, o bumili ng mga sapi mula sa Hacienda Luisita ni Cory Aquino, o mula sa alinman sa maraming mga korporasyong pangagrikultura ng kanyang pinsan na si Danding Cojuangco. Sa ilalim ng rehimeng Ramos, ang tinaguriang medium term development program ay hindi nagtaguyod sa pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa. Pero itinulak nito ang denasyunalisasyon ng ekonomya para mabiyayaan ang dayuhang mga monopolyo at malalaking komprador. Nilabag nito ang mga prinsipyo ng soberanya sa ekonomya at pangangalaga sa pambansang patrimonya. Inalis nito ang mga restriksyon sa dayuhang mamumuhunan sa pagbabangko, pagmimina, agrikultura, panloob na kalakalan at iba pang tipo ng mga empresa. Hinayaan nito ang walang restriksyong pagdaloy ng dayuhang kapital papasok at papalabas ng bayan at ang pagtatabi ng malalaking komprador na mga eksporter ng dayuhang salapi sa ibayong dagat. Lubhang pinaaga nito ang iskedyul na itinakda ng WTO para sa pagbababa ng taripa sa lahat ng tipo ng mga produkto. Napakalaking lokal na utang publiko at utang panlabas ng reaksyunaryong gubyero para sa impraistruktura, laluna sa batbat ng katiwalian na mga proyekto sa paglikha ng koryente na ipinagkaloob sa dayuhang mga kumpanya. Walang-habas itong nagpribatisasyon, at ibinenta ang mga asset ng estado at primera klaseng lupang publiko sa dayuhang mamumuhunan upang ipantakip sa mga depisit sa kalakalan at sa pinansya. Lumikha ito ng boom sa pribadong konstruksyon ng mga tore na pang-upisina at residensyal at mga palaruan ng golf sa pamamagitan ng mga dayuhang pautang na komersyal, at tinangkilik ang pagpapalawak ng malamanupakturang may mababang dagdag na halaga ng mga produktong pangkonsumo /sa ilalim ng pagtatangkilik ng dambuhalang mga korporasyon at mga empresa ng malalaking komprador, na ang mga utang panlabas ay ginagarantiyahan ng estado. Pinasinungalingan ng krisis sa pinansya ng 1997 ang tagumpay sa ekonomya na ipinangalandakan ng rehimeng Ramos. Pagdating ng panahong naging presidente si Estrada, bangkrap na ang reaksyunaryong gubyerno, at said na ang dayuhang pautang hanggang sa antas na napilitan siyang tugunan ang kanyang kasibaan sa katiwalian sa pamamagitan ng pagtanggap ng suhol mula sa huweteng, at paggamit sa mga pondo sa social security ng gubyerno at pribadong empleyado para sa pinakamaruruming negosyo. Nauwi siya sa pamamalimos ng pautang para sa impraistruktura mula sa Japan, na naghahangad na makakuha ng labis-labis na mga pribilehiyo sa kalakalan at pamumuhunan. Nang si Arroyo naman ang nasa pwesto, inulit niya ang walang-habas na pangungutang na panloob at panlabas, at ang bugso ng pagpapatupad ng “neoliberal” na patakarang  6. pang-ekonomya na malakas niyang itinulak bilang senador. Mahigpit na itinaguyod ng mga imperyalista ang isa pang bugso ng maluwag na pautang alinsunod sa “neoliberal” na kasabihan na nilulutas ang mga suliranin sa ekonomya at pinansya sa pamamagitan ng pagsalok ng pera mula sa bangko sentral tungo sa mga helicopter para ipambuhos naman nito sa suliranin. Sa ilalim ng “neoliberal” na patakarang pang-ekonomya, ang malakolonyal at malapyudal na katangian ng Pilipinas ay lumalala at lumalalim dahil sa kawalan ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa, sa walang sagkang kalayaan ng dayuhang mga monopolyo na itambak ang kanilang labis na mga produkto at pumiga ng superganansya, sa walang patid na akumulasyon ng lupa ng mga panginoong maylupa at korporasyon, sa burukratikong korupsyon, sa paglilimita sa bayan na lumikha lamang para sa eksport ng mga hilaw na materyal at mga produktong bahagyang naproseso, sa palaki nang palaking pangkalakalan at piskal na depisit, at sa laging lumalaking utangpanlabas. Gaya ng rehimeng Ramos, mariing iginigiit ng rehimeng Arroyo ang denasyunalisasyon ng ekonomya. Napakarami ng mga pagtatangka nito na susugan
  • 5. ang konstitusyong 1987 upang maalis sa mga probisyong pang-ekonomya ang mga rekisito at restriksyong pambansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Anu’t anuman, itinulak nito ang karagdagang batas, gayundin mga tratadong multilateral at bilateral, at mga kasunduang ehekutibo para itaguyod ang liberalisasyon ng pamumuhunan at kalakalan pabor sa mga dayuhang mamumuhunan sa kapinsalaan ng soberanyang pang-ekonomya, ng pambansang patrimonya, ng anakpawis, at ng embayronment. Pinayagan nito ang pagtatambak ng dayuhang sarplas na manupaktura at mga produktong pang-agrikultura sa bayan, at sa gayon, pinapanghina at winasak ang panloob na produksyon ng mga ito. Ipinagpatuloy nito ang pribatisasyon ng mga asset ng estado at mga lupang publiko. Ibinenta ang mga ito sa mga dayuhang korporasyon at sa mga kroni. Inuk-ok o inikutan ang mga batas na nangangalaga sa mga manggagawa, kababaihan, kabataan at embayronment sa “neoliberal” na diwa ng deregulasyon upang magkamal ng tubo ang mga dayuhang monopolyo at malalaking komprador. Walang pigil ang depisit na paggagasta at lokal na pangungutang ng rehimeng Arroyo, pangunahin para sa layunin ng pagkakamal ng tubo ng mga imperyalista at malalaking komprador, burukratikong korapsyon, at konsumo ng nakatataas na uri. Napupunta ang mga istadistika ng mga ito sa balighong laro ng paglikha ng ilusyon na may taunang tantos ng paglago ng ekonomya. Pinalalabas na mga salik ng kaunlaran ang kontraproduktibong mga aktibidad at pangungutang na bumabangkrap sa estado at sa ekonomya . Kahit na bangkrap at bagsak ang ekonomya, nagbibigay ang rehimeng Arroyo ng pinakamalaking prayoridad sa pagseserbisyo sa utang panlabas at pinalalaki ang pasaning buwis ng sambayanan. Umaapaw ang katapatan ng rehimeng Arroyo sa kanyang mga among imperyalista. Gayunman, kaharap nito ngayon ang malulubhang problemang likha ng krisis ng kapitalistang sistema ng US at ng daigdig. Humigpit ang internasyunal na pautang.  7. Lumiit ang mga panlabas na order para sa hilaw na materyales at mga malamanupakturang pangkonsumo. Mas masahol pa, umaalagwa ang presyo ng panggatong at mga import na pagkain. (Gawa-gawa )Ang dambuhalang mga kumpanya ng langis at pagkain ay naglubid ng mga kasinungalingan sa midya na may kakulangan ng panggatong at pagkain para tumiba nang husto sa “malayang pamilihan”. Walang ginagawa ang rehimen para rendahan ang mga dayuhang monopolyo sa walangtigil na pagtataas ng presyo ng langis at pagpapalobo sa presyo ng lahat ng pangunahing bilihin. Dahil napakatagal nang nakapailalim sa patakaran ng liberalisasyon ng kalakalan, pinayagan nito ang pagtatambak ng bigas mula sa ibayong dagat at sa gayon, winasak ang lokal na produksyon ng bigas. Ginawa nitong numero unong importer ng bigas sa daigdig ang Pilipinas. Naging ganap na tanga ito sa pagkabigong magbuo ng sariling reserbang imbak ng bigas, at sa gayon, kinailangang bumili ng bigas mula sa pandaigdigang pamilihan sa panahong lumolobo ang presyo. Ang mga Tungkulin ng mga Estudyanteng Pilipino Ang ekonomya ng Pilipinas ay bumubulusok mula sa isang antas ng krisis at depresyon tungo sa isa pa. Pinahihirapan ang mga estudyanteng Pilipino ng mabilis na tumataas na halaga ng pagaaral at pamumuhay, at kailangang umangkop sa maraming problemang nagmumula sa pangaapi at pagsasamantala ng dayuhang monopolyong kapitalismo, katutubong pyudalismo at burukratang kapitalismo sa buong sambayanan. May mahigpit at malaking kahalagahan para sa League of Filipino Students at lahat ng iba pang patriyotiko at progresibong organisasyong ng kabataan na pukawin, organisahin at pakilusin nang milyun-milyon ang masang estudyante. Kailangang ninyong magkaisa at makibaka laban sa “neoliberal” na globalisasyon at lahat ng iba pang nakapipinsalang patakaran ng imperyalismo at lokal na reaksyon. Ang mga ito ay nakapipinsala sa inyo bilang mga estudyante at kabataan dahil kaharap ninyo ngayon hindi lamang ang kasalukuyang tumataas ng halaga ng pag-aaral at pamumuhay kundi maging ang madilim na hinaharap ng disempleyo sa bulok na naghaharing sistemang higit na binabatbat ng
  • 6. krisis. Kailangan din ninyong labanan ang digma ng teror na isinusulsol ng US. Ito ay nasa anyo ng terorismo ng estado at tuwirang interbensyong militar ng US sa Pilipinas, at mga digma ng agresyon ng US sa Iraq, Afghanistan at iba pang dako. Ang karahasang pinakawalan ng US sa lahat ng dako ng daigdig ay naglalayong pwersahin ang mga mamamayan na magpailalim sa pagsasamantala. Kalangkap ito ng “neoliberal” na globalisasyon. Ang imperyalismong US ang nasa likod ng garapalan at sistematikong paglabag ng rehimeng Arroyo at ng mga armadong galamay nito sa mga karapatang tao. Maaasahan natin ang pagpapatindi ng pagsasamantala at pang-aapi, sa ilalim ng isinusulsol ng US na patakaran ng globalisasyong “malayang pamilihan” at pandaigdigang digma ng teror ng US. Kailangan ninyong sumanib sa malawak masa ng sambayanang Pilipino sa pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa imperyalismong US at lokal na  8. nagsasamantalang mga uri. Kailangan ninyong isagawa ang lahat ng posible at kinakailangang anyo ng pakikibaka para isulong ang rebolusyonaryong adhikain. Maihahanda at maisusulong natin ang sosyalistang rebolusyon sa pamamagitan lamang ng pagkukumpleto ng bagong demokratikong rebolusyon, sa pamamagitan ng matagumpay na pagkukumpleto sa di tapos na rebolusyong Pilipino na pinasimulan ng ating mga rebolusyonaryong ninuno. Lubos ang umaasa ang sambayanan sa kabataang Pilipino bilang isang matatag at militanteng pwersa para sa rebolusyonaryong pagbabago.
  • 7. krisis. Kailangan din ninyong labanan ang digma ng teror na isinusulsol ng US. Ito ay nasa anyo ng terorismo ng estado at tuwirang interbensyong militar ng US sa Pilipinas, at mga digma ng agresyon ng US sa Iraq, Afghanistan at iba pang dako. Ang karahasang pinakawalan ng US sa lahat ng dako ng daigdig ay naglalayong pwersahin ang mga mamamayan na magpailalim sa pagsasamantala. Kalangkap ito ng “neoliberal” na globalisasyon. Ang imperyalismong US ang nasa likod ng garapalan at sistematikong paglabag ng rehimeng Arroyo at ng mga armadong galamay nito sa mga karapatang tao. Maaasahan natin ang pagpapatindi ng pagsasamantala at pang-aapi, sa ilalim ng isinusulsol ng US na patakaran ng globalisasyong “malayang pamilihan” at pandaigdigang digma ng teror ng US. Kailangan ninyong sumanib sa malawak masa ng sambayanang Pilipino sa pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa imperyalismong US at lokal na  8. nagsasamantalang mga uri. Kailangan ninyong isagawa ang lahat ng posible at kinakailangang anyo ng pakikibaka para isulong ang rebolusyonaryong adhikain. Maihahanda at maisusulong natin ang sosyalistang rebolusyon sa pamamagitan lamang ng pagkukumpleto ng bagong demokratikong rebolusyon, sa pamamagitan ng matagumpay na pagkukumpleto sa di tapos na rebolusyong Pilipino na pinasimulan ng ating mga rebolusyonaryong ninuno. Lubos ang umaasa ang sambayanan sa kabataang Pilipino bilang isang matatag at militanteng pwersa para sa rebolusyonaryong pagbabago.