3. MODYUL 8: PAGSULAT NA BURADOR
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
1.Nalalaman ang iba-ibang paraan ng pagsulat ng
dokumentasyon at nagagamit ito sa pagsulat ng pananaliksik;
2.Nakabubuo ng wastong bibliograpiya; at
3.Nakabubuo ng maayos na burador ng isinagawang
pananaliksik.
6. 1. Balikan ang balangkas.
Pag-aralang mabuti ang nabuong balangkas at simulan ang pagsulat ng burador. Sundin
ito at unti-unting buuin ang bawat bahagi. Kung nahihirapang buwin, maaaring dahil
kulang pa ang datos para dito.
2. Tipunin at organisahin ang mga notecard
Ayusin ang mga nakalap na tala ayon sa daloy ng pagtalakay na nakasaad sa balangkas.
Lagyan ito ng bilang upang maging gabay sa pagsulat ng daloy ng burador. Kung
maayos na ang mga tala, maaaring diretso nang isulat ang mga ito sa burador. Mahalaga
ang tuloy-tuloy na pagsusulat kaya iwasang magtagal sa isang seksiyon, o huwag
munang masyadong pagkaabalahan ang pagpapaganda ng pagsulat.
3. Dapat na may kaisahan ang mga tala.
Kapag pinagsama-sama ang mga tala, siguruhing maayos ang daloy ng mga
pangungusap. Gamitan ng mga salitang nagpapakita ny kaisahan at ugnayan ang
talakay.
7. 4.Higit na pagtuunan ang lohika at linaw ng pagpapahayag ng mga ideya.
Sa halip na masyadong alalahanin kung paano magiging maganda ang pagkakahay ng
mga ideya, mas bigyan ng pansin kung paano pagsasama-samahin ang mga ideya at
konsepto. Saka na maging kritiko ng sariling estilo kapag kuntento na sa daloy ng
nilalaman ng sulatin
5. Gumamit ny iba-ibang uri ng teksto sa pagtalakay ng mga idea o paksa.
Maaaring gumamit ng iba-ibang uri ng teksto tulad ng deskriptibo, naratibo,
argumentatibo, at nanghihikayat sa ilang bahagi ng pagtalakay tungkol sa mga ideya
paksa.
6.Gumamit ng wastong dokumentasyon.
Siguruhing mababangeit ang pinanggalingan o sanggunian ng lahat mg ideya o
konseptong kinuha mula sa ba upang maiwasang mapagbintangan ng pangongopya.
Markahan ang mga ideyang hiram upang hindi malimutan ang pinagkunan at
siguraduhing wasto ang ilalagay na sangguniang pinanggalingan nito. Tipunin ang Iahat ng
ginamit na sanggunian bilang paghahanda sa pagsulat ng bibliograpiya.
8. PAGGAMIT NG DOKUMENTASYON
Sa pangkalahatang terminolohiya, ang dokumentasyon ay pangangalap at pagsasaayos nga mga
sanggunian tulad ng mga teksto, video, aklat, peryodiko at iba pa na ginamit sa isang sulatin
upang mapatunayan na opisyal at balido ang pagsasagawa nito. Isa itong teknikal na gawain na
nangangailangan ng sapat na kaalaman upang maging masinop at maayos ang ginagawang
sulating akademiko. Ang kaalaman sa pagsasagawa ng dokumentasyon ay lalong nagpapatatag
kredibilidad ng isang sulatin.
Pananaliksik, ang pagsasagawa ng dokumentasyon ay paglalaan ng ebidensya upang maging
kapani-paniwala ang binubuong pag-aaral. Nagiging matibay na batayan ng maayos at kapani-
paniwalang pananaliksik ang dokumentasyon ng mga materyal upang maiwasang pagbintangan
ng pangongopya. Ang paggamit ng iba't-ibang panghahanguan ng mga impormasyon at datos
ay napakahalagang kasanayan sapagkat nakasalalay sa mga datos mula sa isang pag-aaral ang
kredibilidad ng pananaliksik. Anumang materyal o datos na ginagamit sa isang pananaliksik ay
kailangang kilalanin. Kalapin ang lahat ng pinaghanguan at ilista ang pahina ng bibliograpiya.
9. Talababa (footnote) ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng pahina at literal na
nangangahulugang mga "tala sa ibaba". Nakasulat dito ang mga sanggunian, komento at
ibang impormasyong binabanggit sa loob ng teksto. Sa nilalaman ng sulatin, gumagamit ng
iba na nasa anyong superscript sa dulo ng pahayag upang maging batayan ng talababa.
Tamang Talababa
in fiction. Marilyn Robinson, in her recent novel, Housekeeping, for instance,
invites us to reconsider the weight we have afforded the "facts" in our century,?
Saul Bellow, too, has his character Henderson comment on the problematics
of tangible value in the novel Henderson the Rain King, telling his companion
that "reality may be terrible," but it is, from his point of view, "better than what
weve got”
It seems, in fact, to be the case that at least in the views of those
writers we have examined in this essay, facts are generally suspect.
"Marilyn Robinson, Housekeeping (New York: Bantam BoOks, 1972) 217
Saul Bellow, Henderson the Rain King (New York: Penguin Books,1965): 105
http://www.citationonline.net/CitationHelp/images/footnotes.gif
10. Iba't bang paraan ng pagsulat ng Talababa
1. Ibid
Pinaikli ito na salitang Latin na Ibidem na nangangahulugang
"sa kaparehong sanggunian o pinagkunan”. Ginagamit ang ibid kapag magkasunod na babanggitin ang
sanggunian sa talababa. Kaya sa halip na isulat muli ang sanggunian at may-akda ay ilalagay na lamang ang
ibid at ang pahina kung saan makikita ang bahaging tinutukoy
2.Idem
Ito ay salitang Latin na nangangahulugang "kapareho”. Bihira na itong gamitin ngayon.
11. 3.Op.cit.
Ito ay mula sa pinaikling salitang Latin na opere citato na nangangahulugang “sa
binanggit na sanggunian”.
Ginagamit ito kapag inulit ang nabanggit na naunang sanggunian ngunit matatagpuan
ang impormasyon sa ibang pahina, at napagitnaan ng ilang sanggunian sa listahan ng
mga talababa. Isinasama ang pangalan ng may-akda upang maging palatandaan kung
aling sanggunian ang muling binabanggit at makaiwas sa kalituhan kapag mas marami
ang nakalista sa talababa.
12. 4. LOCAIT
Ito ay pinaikling salitang latin na loco citato o “sa binanggit na lugar”. Katulad ng Op.Cit,
may pumapagitang ibang sanggunian sa dalawang talababana galing sa magkaparehong
sanggunian at pahina. Ginagamit ito sa halip na isulat muli ang naunang aklat na may
parehong pahina. Maari itong gamitin kung magkasunod sa listahan ng talababa at kahit
may pumapagitna rito. Isinasama ang pangalanng may akda upang maging palatandaan
kung aling sangguinian ang mulibinabanggit kapag napagitnaan ng ibang sanggunian
HALIMBAWA:
1.Torres-Yu R. at Tolentino, R. (2001) Tungo sa Panibagong Pagbabalangkas ng Pambansang
Panitikan. Nasa Philippine Humanities Review, Tomo 5, 155-157
2.Cabalfin, E. (2001). Nasyunalismo at Arkitektura: Postkolonyal na Paglinang sa arkitekturang
Filipino. Nasa Bulawan ,38.
3.Torres-Yu, loc.cit
14. Ang pinakasimpleng paraan s pagbanggit ng mga sanggunian ay
ang paggamit ng parentetikal na sanggunian o parentetikal na
dokumentasyon. Ginagamit ang ganitong pagkilala kung
binabanggit sa loob ng teksto ang pianaghanguan ng ideya.sa
aparaang ito ang pangalan ng may-akda t pahina o petsa ay
ikinulong sa loob ng panaklong upang bigyan ng kaukulang
pagkilala ang pinaghanguan ng tala.
15. A. APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)
Ang APA ay isang proma sa pagsulat na ginagamit sa larangan ng
sikolohiya at iba png disiplinang pang-agham panlipunan. Higit na madali
ang pagbabasa ng teksto at pag-alam sa pinaghanguang materyal dahil
direktang binabanggit sa teksto ang may akda at petsa na nakapaloob sa
panaklong.
HALIMBAWA:
One study found that the most important element in comprehending non-
native speech is familliarity with the topic ( Gass & Varonis, 1984 ).
16. Taon na lamang ang babanggitin sa loob ng panaklong kapag bahagi ng
teksto ang pangalan ng mag-akda.
According to Jones (1998), “Student often had difficulty using APA style,
especially when it was their first time”.
Jones (1998) found students often had difficulty using APA style; what
implications does this have for teachers?
Hindi kailangan ang sistemang parentetikal kung parehong binabanggit ang
pangalan at petsa sa mismonh pahayag:
In 1998, Jones found students often had difficulty using APA style…
17. Ang MLA ay isang porma sa pagsulat na madalas gingamit sa larangan ng
humanidades upang mapadali ang paghahanap ng mga sanggunian. Sa estilong ito,
nakapaloob sa panaklong ang may-akda at pahina sa loob ng teksto.
HALIMBAWA:
Sa lipunan ng mga katutubo sa epikong Agyu, isang mahalagang papel ng kababaihan
ang paghahanda ng mamaen o nganga bilang bukal ng kanilang lakas at buhay
(Cooper-Cole, 32).
Pahina na lamang ang nakapaloob sa panaklong kapag bahagi ng teksto ang may-akda.
HALIMBAWA:
Ayon kay Copper-Cole(32), sa lipunan ng mga katutubo sa epikong Agyu, isang
mahalagang papel ng kababaihan ang paghahanda ng mamaen o nganga na bukal ng
kanilang lakas at buhay.
18. Ang bibliograpiya ay organisadong listahan ng mga sangguniang
ginamit sa pagbubuo ng isang sulatin. Mahalaga ang dokumentasyon ng
mga sangguiniang ginamit- aklat, peryodiko, o media resource- upang
maging kapani-paniwala ang pananaliksik. Nakasaad dito ang pangalan
ng may-akda, pamagat ng sanggunian, mga impormasyon tungkol sa
pagkakalimbag ( pangalan ng tagapaglathala, lugar at taon kung kailan ito
nailathala), at maaring may pahina kung bahagi ng aklat ng maraming
serye o tomo. Nakaayos ito nang paalpabeto ayon sa pangalan may-akda.
Maari itong nasa pormang MLA O APA.
Matatagpuan ang bibliograpiya sa huling pahina ng buong aklat. Ngunit
sa proseso pa lang sa pagtatala, kailangang masusing ilakip ang mga
pinaghanguan ng impormasyon sa notecard para sa madaling pag-aayos
ng mga sanggunian.
19. 1.Mapapatunayang ang mananliksik mismo ay dumaan pananaliksik at
pagbasa, na hindi gawa-gawa lamang ang mga nkalahad sa sulatin.
2.Makikita kung gumamit ng marami at iba-ibang sanggunian parasa
pangangalap ng mga datos.
3.Mapapatunayang ang argumento ng mananaliksik ay sinusuportahan ng
iang dalunhasa sa pamamagitan ng mga impormasyong nakuha mula sa
mga ito.
4.Malalaman kung sino-sino ang may-akda na sumulat ng mga aklat na
ginagamit bilang sanggunian at maipapakita kung ang mga ito ay eksperto
at kilala sa desiplinang kanilang kinabibilangan.
5.Maipapakita ang lathala ng mga sangguniang ginamit upang makatulong sa
mas madaling pagtukoy ng kredibilidad ng mga impormasyon at datos na
ginamit.
6.Matutukoy kung gaano katagala ang sanggunian at impormasyong ginamit.
20. • Huwag lagyan ng bilang ang mga tala.
• Maaring hindi na ilista ang mga sipi ayon sa katergorya. Lahat ng mga
ginamit na sanggunian ay nakahanay nang paalpabeto.
• Hindi kasali sa kabuuan ng teksto ang mga sanggunian. Inilalagay ito sa
pahina ng bibliograpiya. Maglaan ng pahina para rito. Mag-iwan ng
dalawang espasyo mula sa itaas bago simulang ilista ng paalpabeto ang
mga sanggunian.
• Simulan ang unang sanggunian. Ihanay sa ikalawang bahagi ng papel ang
tala.
• Itala ang pangalan ng mga may-akda hanggang sa nasakop ang buong linya.
Ang susunod na linya ay may indensiyon (limang espasyo) bago ituloyang
tala. Maglagay ng dalawang espasyo sa pagitan ng mga sanggunian.
21. MLA APA
MGA AKLAT/DYORNAL/PAHAYAGAN
Isa ang may-akda Boylan, James Finney.
Getting in. New York:
Warner Books,1998. Print.
Boylan, J.K. (1998). Getting
in. New York, NY: Warner
Books.
Dalawa ang may-akda Rowley, Thomas J., and
Gerald R. North.
Paleolimatology. New
York: Oxford University
Press,1991. Print.
Crowley, T. J., & North, G.
R. (1991).
Paleoclimatology. New
York . NY:Oxford University
Press.
22. Bahagi ng aklat
(antolohiya)
Daniels, Charlie. “An Open
Letter to the Class of 1996
UNCW.’ The informed
Citizen: Argument and
Analysis, Ed. Wanda
Schindley. Fort Worth:
Harcourt Brace, 1997. 32-
33. Print.
Daniels, C. (1997). An
Open Letter to the classof
1996 UNCW. In W.
Scindley(Ed.), The
Informed Citizen:
Argument and Analysis
(pp. 32-33). For Worth, TX:
Harcourt Brace.
Artikulo mula sa
sangguniang aklat
“Italy.” The New
Encyclopedia Britannica:
Macropedia. 15th ed.
2000. Print.
Italy. (2000). In the new
encyclopedia Britannica:
Macropedia( Vol.xx, pp.
xxx-xxx ). Chicago, IL:
Encyclopedia Britannica.
23. Artikulo mula sa perodikal
(magasin o pahayagan)
Murphy, Brian, “Going for
Gold Can Wait a Day.” St.
Paul Pioneer Press 1 Feb.
2002: A1+. Print.
Houppert, Karen. “ The
Meaning of Muhammad.”
The Nation 4 Feb. 2002:
25-30. Print.
Murphy, B. (2002,
February1). Going for Gold
can wait a day. St. Paul
Pioneer Press, pp. A1, A4.
Houppert, K. (2002,
February 1). The Meaning
of Muhammad. The
Nation, xx, 25-30.
Artikulo mula sa dyornal Winnett, Susan. “Coming
Unstrung: Women, Men,
Narrative, and Principles
of Pleasure.” PMLA 105
(1990): 505-518.
Winnett, S. (1990).
Coming unstrung: Women,
men, narrative, and
principles of pleasure.
PMLA, 105, 505-518.
24. MLA APA
ELECTRONIC SOURCES
Website na may pangalan
ng may-akda
Osterwell, Neil. Eating
Disorders Can be A Family
Trait. WebMD. 3 March
2000. Web. 14 Jan. 2005.
Osterwell, N. (2000, March
3). Eating Disorders Can Be
A Family Trait. Retrieved
from http://webmd. Com.
Artikulo mula sa online sa
peryodikal
Ratneshar, Romesh. “Who
Will Blink First?” Time. 14
Apr. 2002. Web. 20 Apr.
2001.
“Budget Bill Delivered to
Governor’s Office.”
StarTribune Online. 22 Feb.
Brownlie, D. Toward
effective poste
presentations: An
annotated bibliography.
European Journal of
Marketing,41(11/12),
1245-1283.
doi:10.1108/03090560710
25. Online encyclopedia
“Italy.” Enyclopedia.com.
Web. 7 Mar 2002.
Online encyclopedia na walang
nakalistang may-akda
Feminism. (n.d) In Encyclopedia
Britannia online. Retrieved from
http:// www.britannica.com
Elektronikong bersyon ng aklat
Shotton, M.A (1989). Computer
addiction? A study of omputer
dependency [DX Reader version].
Retrieved from
http://www.ebookstore.tandf.co.uk/
html/index.asp
26. MLA APA
IBA PANG PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS
Mula sa panayam Mondavi, Robert. Personal
Interview.7 Sept. 2001.
( E. Robbins, personal
communication, January
4, 2001). A.P. Smith also
claimed that many of her
students has difficulties
with APA style (personal
communication,
November 3, 2002).
Mula sa patalastas Cahnel for Men.
Advertisement. GQ. Dec
1993:125-26. Print.
Staples. Advertisement.
27. Mula sa telebisyon o
programmang panradyo
“Yes… but is it Art?” Narr.
Morley Safer. Sixty
Minutes. CBS. WCBS, New
York. 19 Sept. 1993.
Television.
“ Death and Society.” Nar.
Joanne Silberner.
Weekend Edition Sunday.
Natl. Public Radio. MPR,
St. Paul. 25 Jan. 1998.
Radio.
Safer. M. (Narrator). (1993,
September 19).
Yes… but is it art? [
Television series episode].
In J. Smith (Producer),
Sixty Minutes. New York:
WCBS.
Silberner, J. (Narrator).
(1998, January 25). Death
and society. [Radio
Broadcast]. In J. Doe
(Prroducer), Weekend
Edition Sunday. St. Paul,
MN: MPR.
28. Pelikula It’s a Wonderful Life. Dir.
Frank Capra. Perf. James
Stewart, Donna Reed,
Lionel Barrymore, and
Thomas Mitchell.
RKO,1946.
Capra, F. (Director) (1946). It’s a
wonderful life [Motion picture]. United
States: RKO.
Talakay Watt, Laurel.
“Introduction to Critical
Reading.” Inver Hills
Community College. Inver
Grove Heights, MN. 11
March 2002. Lecture.
Mula sa
http://www.salina.kstate.edu/writingcenter/docs/MLA_APA_Side_by_Side.pdf
29. Bibliograpiya
Aban, Enersto B. at Reynaldo J. Cruz. Pagbasa at Pagsulatsa Iba’t Ibang Disiplina.
Morayta: FEU, 1997.
Almario, Virgilio, et al. Daluyan: Sentro ng Wikang Pilipino. Quezon City: Sistemang
UP,1997
Constantino, Pamela C. “Filipinolohiya: Tungo sa Pagbuo ng Disiplinang Filipino sa
Panahon ng Globalisasyon.” Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng
Akademya’t Bansa. Unang Sourebook ng SANGFIL. 1994-2001.
FIN-1 Finnish Instutions Research Paper (Hopkins). Department of Translation
Studies, University of Tampere. What is ‘Academy Writing?’ Last Updated 21
January 2008, http://www.uta.fi/FAST/FIN/RESEARCH /acadwrit.html
Lalunio, Lydia. “Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo.” Isang Panayam na
isinagawa sa FEU,1996.
Santiago, Alfonso O. Sining ng Pagsasaling Wika. Sampaloc, Manila: Rex
Bookstore, 1996.
Halimbawa ng Bibliograpiya